8
AGOSTO 2015 UNANG EDISYON PHOTO CREDITS: PINOYWEEKLY.ORG Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang bagong pulitika! Kulang-kulang isang taon bago matapos ang termino nito, higit na tumitindi ang krisis pampulitika na yumayanig sa rehimeng US-Aquino. Sa kabila ng pagtatakip at pagsisinungaling ni Aquino, higit na lumalawak ang galit ng mamamayan laban sa rehimen. >>>Ituloy sa p2 3 5 5 6 6 7 8 #SONAngaling: Mga panlilinlang at buladas ni Aquino Huling SONA ni Aquino niyanig ng malaking kilos-protesta Rehabilitasyon sa mga tinamaan ng Yolanda, palpak – UN DAP at pork barrel buhay na buhay sa ipinanukalang 2016 national budget Hustisya para sa mga manggagawang nailibing na buhay sa open-pit mining sa Semirara, Antique! Mga bakwit na Lumad sa simbahan sa Davao, nilusob ng mga pulis Ang neoliberal na atake ng APEC at epekto nito sa edukasyong Pilipino Nais ng mamamayan na managot si Aquino sa kanyang pagpapahirap at pagpapahamak sa mamamayan, paglabag sa karapatan, pandarambong sa pondo ng bayan at todong pagpapakatuta sa dayuhan. Higit na lumalaganap ang panawagan para sa pagpapatalsik kay Aquino at para sa pagbabago ng bulok na sistema. Lalo namang tumitindi ang bangayan ng mga naghaharing uri habang lumalapit ang halalang 2016. Nangangamba si Aquino na sapitin niya ang parehong kapalaran ni Arroyo at mga kaalyado nito na nakalaboso pagkatapos ng kanyang termino. Kaya naman desperado niyang isinasalba ang kulelat na kandidatura ng standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas habang inaatake at sinasabotahe ang mga posibleng makalaban nito. Si Vice President Jejomar Binay, na pinupuruhan ng atake at mga alegasyon ng kurupsyon, ay kumalas na sa administrasyon sa taya na lalo pang babagsak ang popularidad kung mananatiling nakasakay sa lumulubog na barko ni Aquino. Inilalantad ng rehimen ang mga kaso ng kurupsyon ni Binay at pinalalabas na siya ang pinakamasahol, ngunit malayong mas malaki at mas garapal ang pagnanakaw ng rehimeng Aquino at ng kanyang partido sa Disbursement Acceleration Program (DAP), pork barrel, Malampaya at mga lump sum funds. Samantala, umaangat naman ang popularidad ng mga ‘independent’ na sina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo na nakikinabang sa batuhan ng putik ni Binay at Roxas kaalinsabay ng paghahangad ng mamamayan ng gubyernong kabaliktaran

AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

AGOSTO 2015UNANG EDISYON

PHOTO CREDITS: PINOYWEEKLY.ORG

Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang bagong pulitika!Kulang-kulang isang taon bago matapos ang termino nito, higit na tumitindi ang krisis pampulitika na yumayanig sa rehimeng US-Aquino. Sa kabila ng pagtatakip at pagsisinungaling ni Aquino, higit na lumalawak ang galit ng mamamayan laban sa rehimen.

>>>Ituloy sa p2

3

5

5

6

6

7

8

#SONAngaling: Mga panlilinlang at buladas ni Aquino

Huling SONA ni Aquino niyanig ng malaking kilos-protesta

Rehabilitasyon sa mga tinamaan ng Yolanda, palpak – UN

DAP at pork barrel buhay na buhay sa ipinanukalang 2016 national budget

Hustisya para sa mga manggagawang nailibing na buhay sa open-pit mining sa Semirara, Antique!

Mga bakwit na Lumad sa simbahan sa Davao, nilusob ng mga pulis

Ang neoliberal na atake ng APEC at epekto nito sa edukasyong Pilipino

Nais ng mamamayan na managot si Aquino sa kanyang pagpapahirap at pagpapahamak sa mamamayan, paglabag sa karapatan, pandarambong sa pondo ng bayan at todong pagpapakatuta sa dayuhan. Higit na lumalaganap ang panawagan para sa pagpapatalsik kay Aquino at para sa pagbabago ng bulok na sistema.

Lalo namang tumitindi ang bangayan ng mga naghaharing uri habang lumalapit ang halalang 2016. Nangangamba si Aquino na sapitin niya ang parehong

kapalaran ni Arroyo at mga kaalyado nito na nakalaboso pagkatapos ng kanyang termino. Kaya naman desperado niyang isinasalba ang kulelat na kandidatura ng standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas habang inaatake at sinasabotahe ang mga posibleng makalaban nito.

Si Vice President Jejomar Binay, na pinupuruhan ng atake at mga alegasyon ng kurupsyon, ay kumalas na sa administrasyon sa taya na lalo pang babagsak ang popularidad kung

mananatiling nakasakay sa lumulubog na barko ni Aquino. Inilalantad ng rehimen ang mga kaso ng kurupsyon ni Binay at pinalalabas na siya ang pinakamasahol, ngunit malayong mas malaki at mas garapal ang pagnanakaw ng rehimeng Aquino at ng kanyang partido sa Disbursement Acceleration Program (DAP), pork barrel, Malampaya at mga lump sum funds.

Samantala, umaangat naman ang popularidad ng mga ‘independent’ na sina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo na nakikinabang sa batuhan ng putik ni Binay at Roxas kaalinsabay ng paghahangad ng mamamayan ng gubyernong kabaliktaran

Page 2: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

2 AGOSTO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

ni Aquino at na siyang magpapanagot dito.

Tiyak na sasalig si Aquino sa bayarang midya, manufactured na sarbey, at malawakang pandarayang ‘hocus PCOS’ para isalba ang kandidato nito sa halalan. Gagamitin din ang pondong pampubliko, sa pamamagitan ng DAP at pork barrel bilang panuhol sa mga alyado at kapartido.

Sa nalalabing mga buwan, higit pang patitindihin ni Aquino ang mga patakarang pabor sa imperyalismo at mga naghaharing uri. Nakatuon ang rehimen sa pagdaraos sa bansa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Nobyembre kung saan higit na isusulong ang interes ng imperyalismong US sa rehiyon. Patuloy ding itinutulak ng rehimen ang charter change na magpapahintulot ng higit na pandarambong ng dayuhang kapital sa bansa. Nakatakda ding ipatupad ng todo ang pagtatayo ng mga base militar ng dayuhan sa ilalim ng Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA).

Nakatakda pa ring i-award ang bilyon-bilyon pisong halaga ng kontrata sa malalaking negosyo at komprador at malalaking panginoong maylupa na malapit sa rehimen sa pamamagitan ng mga public-private partnership. Patuloy na pinalolobo ang pondo ng gubyerno para dito, gayundin ang mga lump-sum at pork barrel na pondo para sa mga kaalyado nito, habang inaatake naman ang serbisyo para sa mamamayan.

Samantala, inilulunsad ng rehimen ang mabangis na atake ng panunupil laban sa mga lider, organisasyon at aktibista para isabotahe ang kilusang masang pinakamatalas at pinakamatatag na lumalaban rito.

Dapat patindihin ng mamamayan ang paglaban sa mga pahirap at kurap na mga patakaran ng rehimeng US-Aquino at patuloy na isulong ang pagpapatalsik at pagpapanagot dito. Dapat patuloy na palakasin at palawakin ang kampanya at pakikibaka para sa mga batayang karapatan at interes ng mamamayan at para ipanawagan ang pagbabago sa bulok na sistema.

Ang mga nagpapaligsahan para sa pagkapangulo ay mga kinatawan ng iba’t ibang paksyong pampulitika ng nagsasamantalang uri ng malaking komprador at panginoong maylupa. Nagpapaligsahan sila para sa pabor at suporta ng imperyalismo at naghaharing uri habang nagbabatuhan ng kabi-kabilang putik ng kurupsyon at kawalang kakayanan.

Ang eleksyon na pinangangasiwaan ng mga nagsasamantalang uri ay reaksyunaryo at hungkag. Naglalako ito ng ilusyon ng demokrasya, ngunit sa totoo’y monopolisado ito ng mga pulitikal

na ahente ng imperyalismong US at lokal na naghaharing uri. Sistematikong sinisiil at dinedehado ang mga tunay na lider ng mamamayan sa halalang ito na sistematikong tinatarget ng pandarahas, terorismo ng estado, propaganda ng burgis na mass media, pagkakait ng pondo sa kampanya, vote-buying at pandaraya sa pamamagitan ng manual o automatikong bilang.

Kahit ang party-list na konsesyon para sana sa mga “marginalized sectors” ay binabawi na at hinahayaang pasukin ng mga malalaking dynastiya at tradisyunal na partido.

Gayunpaman, maaaring samantalahin ng kilusan ng mamamayan ang eleksyon para ipabatid sa mas malaking bilang ng mamamayan ang paglaban sa bulok na sistema, ihayag ang pambansa demokratikong linya at programa at pukawin ang mamamayan tungo sa pagkilos para sa pagbabago ng sistema at lipunan.

Sa mga nagdaang halalan, matagumpay na naging boses ng mamamayan ang mga kinatawan ng Makabayan at mga progresibong party-list sa Kongreso. Inilalantad nila ang kabulukan ng estado at isinusulong ang patriyotiko at demokratikong interes ng mamamayan. Sa kabila ng ng pandarahas, paninira at pandaraya ng estado matagumpay na naabot at napakilos ng progresibong mga partido ang milyong mamamayan na aabot sa higit sa sampung porsyento ng kabuuang bilang ng mga botante para tangkilikin at suportahan ang progresibong pulitika.

Ang Makabayan at progresibong mga party-list ay maaaring makipag-alyado sa mga kandidato sa iba’t ibang antas batay sa programa na pinakamalapit sa programa nito. Pinananatili nito ang kasarinlan at sariling inisyatiba sa alyansa at tinitiyak ang paglakas at paglawak ng mga balangay nito at ng mga progresibong party-list.

Tinatawagan ang mga kabataan at mamamayan na itakwil ang bulok sa sistema at isulong ang kilusan para sa bagong pulitika. Dapat buuin ang lakas at kapangyarihan ng mamamayan para sa isulong ang kanilang mga mga kahilingan at interes, itampok sa panahon ng halalan ang agenda ng mamamayan, palawakin ang kasapian at paramihin ang boluntaryo ng mga progresibong partido at party-list, ipanalo ang mga progresibong mga kandidato’t kinatawan, at labanan ang pandaraya at karahasan sa halalan.

Dapat itampok sa adyendang bayan ang panawagan ng mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa at paglaban sa pangangamkam sa lupa; mga manggagawa para sa Pambansang Minimum na Sahod na P16,000 kada buwan at pagbabawal sa kontraktwalisasyon; mga mag-aaral

para sa libreng edukasyong pampubliko sa lahat ng antas, paglaban sa pagtaas ng matrikula at pagbabasura ng K-12; at iba pang mga panawagan ng iba’t ibang sektor.

Dapat ding ihanay ang mga panawagang anti-imperyalista: paglaban sa panghihimasok at base militar ng US, pagbabasura ng EDCA at Visiting Forces Agreement at iba pang mga paglabag sa soberenya. Dapat ding itampok ang panawagang anti-pasista laban sa Oplan Bayanihan, militarisasyon sa mga komunidad, asasinasyon, pagdukot at panggigipit sa mga aktibista at organisador.

Dapat ding isulong ang panawagan para isabansa ang industriya ng langis, kuryente, tubig at iba pang serbisyo laban sa pribitisasyon at kontrol ng imperyalista at malalaking burgesya komprador. Dapat igiit ang serbisyong panlipunan gaya ng kalusugan, transportasyon at iba pa. Dapat labanan ang mapaminsalang pagmimina at pandarambong ng dayuhan sa kalikasan at pag-atake sa patrimonya.

Dapat palawakin ang kasapian ng mga progresibong party-list at mga organisasyong masa. Itayo ang maraming balangay ng mga party-list at mga organisasyong masa sa mga baryo’t komunidad, eskwelahan at trabaho, at iba pa. Ubos-kayang ipanalo ang mga kandidatong progresibo sa iba’t ibang antas, mula munisipal, party-list, hanggang pambansa. Paramihin ang mga boluntir, alyansa, mga network at kilusan ng iba’t ibang tipo at antas para isulong ang bagong pulitika. Tiyakin na lumalawak ang solido at organisadong lakas bago, habang at pagkatapos ng halalan.

Ipalaganap sa hanay ng masa ang edukasyon ukol sa kabulukan ng reaksyunaryong eleksyon at naghaharing sistema. Ipalaganap ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang-kapitalismo bilang ugat ng mga suliranin ng mamamayan at ang pambansa-demokratikong pakikibaka bilang solusyon.

Dapat ilantad ang malawakang pandaraya sa ilalim ng maruming eleksyong kontrolado ng naghaharing uri, lalo na ng desperadong naghaharing pangkatin. Dapat abutin ang malawak na hanay para labanan ang mga maniobra ng rehimeng Aquino, mga reaksyunaryo at COMELEC upang kontrolin at manipulahin ang resulta ng halalan kasabay ng panggipit sa mga progresibong kandidato at partylist.

Ang marumi, madaya, reaksyunaryo at bulok na halalan ay higit na patunay na walang ibang masasaligan ang mamamayang nagnanais ng pagbabago ng sistema kundi ang sama-samang pagkilos at pakikibaka para sa tunay na pambansang kalayaan at demokrasya.

Page 3: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | AGOSTO 2015

#SONAngaling: Mga panlilinlang at buladas ni AquinoAng huling State of the Nation Address (SONA) ni BS Aquino ay todo-todo na namang pagsisinungaling at pagtatakip sa tunay na kalagayan ng mamamayan. Sa talumpati ni Aquino ay itinampok ang mga pinakaatrasado, sobinista, at reaksyunaryong mga ideya upang pagtakpan ang kanyang kabiguan at gawing lehitimo ang kanyang patuloy na paghahari.

Nagsimula ang paikut-ikot at mala-showbiz na talumpati sa paglalarawan sa diumano’y “dakilang labanan ng liwanag at dilim” sa pamamagitan ng paninisi na naman sa rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo upang mapinta ang sariling pamumuno sa mabuting tayo. Sinundan ito ng mahabang enumerasyon ng estadistika na minadyik at binuhul-buhol para lunurin sa kasinungalingan ang bayan.

Pinasalamatan ni BS Aquino ang lahat ng mga pinakalamalapit na mga alyado sa pulitika bago nagtapos sa panawagan para ipagpatuloy ang mga “reporma” na kanyang sinimulan. Syempre, hindi kumpleto ang SONA kung wala ang nakaugaliang pagpaparangal sa kanyang mga magulang na sina Cory at Ninoy, ang mga tinaguriang mga “bayani ng demokrasya.”

Boy Sisi

Sukdulan ang paninisi ni Aquino kay Arroyo upang mapagtakpan ang kawalan ng pagkakaiba ng kanyang rehimen sa mga programa ng nagdaang administrasyon.

Kinundena ni Aquino ang pagdeklara ni Arroyo ng State of Emergency noong 2006 at ang pulitikal na panunupil sa mga kritiko nito. Samantala, siya mismo ang pinakamalaking tagapaglabag ng karapatang pantao na may 262 pulitikal na pagpaslang at 538 bilanggong pulitikal sa limang taon ng kanyang pamumuno.

Tinukoy ni Aquino ang Ampatuan Masaker bilang halimbawa ng mga karumaldumal na krimen na gawa ng mga opisyal ng nagdaang administrasyon. Ngunit hindi niya binanggit na sa ilalim ng kanyang

termino, natulog ang kaso para panagutin ang pangungahing kriminal na si Andal Ampatuan Sr. na pumanaw na nga kamakailan.

Buong karangalan na ipinagmalaki ni Aquino ang Conditional Cash Transfer bilang sentro ng kampanyang kontra-kahirapan ng kanyang administrasyon. Sa totoo, ang bulok na programang dole-out, na pinondohan gamit ang utang sa dayuhang bangko na ipapapasan din sa mamamayan, ay pagpapatuloy ng programang sinimulan sa ilalim ng gobyernong Arroyo.

Kahit ang bulok na serbisyo, kakulangan ng tren, at nasisirang imprastraktura ng MRT-LRT ay isinisi ni Aquino sa nagdaang administrasyon at sa pribadong kumpanya.

PNoychio

Ang mahigit dalawang oras na talumpati ni BS Aquino ay umiwas sa mga mayor niyang krimen at mga usaping nagmantsa sa kanyang pamumuno. Sa kabila ng pagiging pinakamahabang SONA ng pangulo, nakabibingi ang katahimikan ng talumpati hinggil sa insidente sa

PH

OTO

CR

EDITS: P

INO

YWEEK

LY.OR

G

>>>Ituloy sa p4

Page 4: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

4 AGOSTO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Mamasapano, pork barrel at mala-DAP na probisyon sa national budget, patuloy na suliranin ng mga biktima ng bagyong Yolanda, lumalalang paglabag ng mga karapatang pantao, at iba pa.

Ibinida niya ang mga “reporma” sa “tuwid na daan” at kunwari’y itinutulak ang Anti-Dynasty Law, gayong pamilya niya at mga alyado niya ang mga pinakamalalaking dinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of Information (FOI) na kanyang ibinandera noong siya ay tumatakbo pa lang sa pagkapangulo.

Naglubid ng mga datos at kwento si Aquino para maskarahan ang tunay na katangian nitong inutil at kontra-mamamayan.

Tinukoy ng pangulo ang 6.8 porsyento na unemployment rate na pinaliit upang hindi masama ang Eastern Visayas na matinding tinamaan ng Yolanda. Ang lahat ng walang trabaho na hindi aktibong naghahanap ng trabaho ay hindi rin isinama sa bilang ng unemployed.

Ipinagmamalaki niya ang pag-uwi ng mga manggagawang Pilipino dahil umano sa mas maraming disenteng trabaho sa Pilipinas. Hindi binanggit na resulta ito ng mas maliit na mga oportunidad sa ibang bansa dahil sa nagpapatuloy na pandaigdigang krisis pang-ekonomiko at pinansyal.

Ang bumababa na bilang ng welga na pinalalabas ni Aquino na positibo ay resulta mismo ng walang habas na atake sa mga karapatan ng

manggagawang Pilipino na karamihan ay kontraktwal. Ipinagkakait ang karapatan nila na magtayo ng unyon, magwelga, at lumaban para sa benepisyo at mas mataas na sahod. Wala ring pagbanggit sa 73 manggagawa ng Kentex na nasunog sa loob ng pabrika kung saan ikinandado sila na parang mga alipin.

Ipinagyabang ni Aquino kung paano naging ikalawang pinakamabilis lumaki na ekonomya ang Pilipinas sa Asya kahit na 55 milyong Pilipino ang patuloy na nabubuhay sa P100 o mas mababa pa kada araw. Sa katunayan, “Asia’s Rising Tiger” lamang ang bansa para sa 10 pinakamayaman na Pilipino na trumiple ang kayamanan mula P60 bilyon noong 2010 tungong P2.2 trilyon ngayong 2015.

Tuwad na daan

Ang SONA ni Aquino ang pinakamahusay na demonstrasyon sa pagpapalaganap ng kawalang pag-asa na nagtutulak sa mamamayan na magtiis na lamang sa pagdurusa at kahirapan.

Bulok at palpak ang panlipunang serbisyo, samantalang ang mga opisyal ay humuhuthot ng pera ng bayan para sa kanilang mga bonus, costume party, at epal na materyales para sa maagang pangangampanya.

Ang bansa ay literal na tambakan ng imported na basura galing sa mga maunlad na bansa katulad ng Canada at Japan. Ngunit ang lahat ng ito ay pinalalabas na “natural” na kaayusan ng mga bagay na mas mabuti pa rin kung ikumpara sa “karahasan” ng pagprotesta.

Binibilog ang isip ng publiko para matakot sa korap na dinastiya ni

Binay habang nananatiling tahimik sa paghahari ng dinastiyang Aquino at mga kaalyado nito.

Inaasahan ang mamamayan na magpasalamat na lamang sa pangulo dahil sa kanyang kabaitan at bayaran ito sa pamamagitan ng walang taros na pagsunod sa kanyang mga kagustuhan katulad sa mga magsasakang may utang na loob sa kanilang mga panginoong maylupa sa hacienda.

Sinasanay tayong pasanin na lamang ang pagpapahirap ng di-makatarungang sistemang panlipunan sa antas ng indibidwal imbes na magkaisa upang harapin ang mga ito sa sama-samang pakikibaka. Sa kaibuturan nito, ang diskursong “tuwid na daan” ay nagtuturo sa atin na tanggapin na lamang ang inhustisya imbes na kolektibo itong baguhin.

Ang pinakahuling SONA ay halimbawa ng pagpapalaganap ng istorikal na amnesia, paglikha ng mga panakot, at paggamit ng pyudal na utang na loob at burgis na indibidwalismo upang ilihis ang lehitimong kritisismo papunta sa pagsilbi sa pansariling interes nito.

Subalit buking na ang kasinungalingan at mga buladas. Sa pagtatapos ni Aquino, iniladlad ng mga progresibong kinatawan ng Makabayan, sa kabila ng mga “boo” ng mga tuta sa kongreso ang mga plakard na naglalaman ng tunay na SONA — “serbisyo palpak,” “pork barrel king,” “human rights violator,” “pahirap sa manggagawa at kawani,” at “tuta ng kano.”

Sa lansangan, libu-libong mamamayan ang nanawagan na patalsikin at ikulong si Aquino para sa kanyang mga krimen sa mamamayan.

>>>Mula sa p3

PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Issa Baguisi, James Relativo,

Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, Karlo Mongaya, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

PAGLALAPATEdward Pastor

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

Page 5: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | AGOSTO 2015

Mahigit 20,000 katao sa pangunguna ng mga organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang nagmartsa sa Commonwealth Ave at dumalo sa SONA ng Bayan noong Hulyo 27. Inilantad at kinondena sa SONA ng Bayan ang patuloy na kahirapan at pagsasamantala na nararanasan ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng Rehimeng US-Aquino.

Bagamat bumuhos ang malakas na ulan bago pa man magsimula ang martsa, hindi natinag ang mga kalahok sa kilos-protesta. Paghina ng ulan ay nagsimula na ang pagmartsa ng mga mamamayan patungo sa Batasan.

Hindi pa man nakararating ang mga nagmamartsa sa inilaang lugar ng pulisya para sa mga kilos-protesta, sinubukan nang harangin ng mga pulis ang buong mobilisasyon. Sa salpukan ng mga kasama sa mobilisasyon at mga pulis, 27 ang naiulat na nasaktan. Nasa 4000 pulis at 2500 militar ang ipinwesto sa kahaabaan ng Commonwealth Ave. May nahuli din ang mga kalahok sa protesta na 2 police intelligence na nagmamanman at kumukuha ng litrato ng mga kalahok sa protesta.

Huling SONA ni Aquino niyanig ng malaking kilos-protesta

Sa programa, kinondena si Aquino sa kanyang pagpapakapapet sa US, sa pagpapasahol sa kalagayan ng manggagawa at magsasaka, sa pagiging kontra-estudyante, sa kawalan ng maayos na tugon sa mga nasalanta ng mga kalamidad, sa pagsasawalang bahala niya sa mga katutubo, sa pagkabulok ng mga serbisyong panlipunan, sa pagtaas ng bilang ng walang trabaho at mga nagugutom sa ilalim ng kanyang pamumuno, at sa pasismo sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Samantala, sa loob naman mismo ng Kongreso, nagsagawa ng isang

lightning rally ang mga makabayang mambabatas mula sa Makabayan habang nagtatalumpati si Aquino. Iniladlad ng mga progresibong kongresista ang mga plakard na may nakasulat na “Tuta ng Kano”, “Pork Barrel King”, “Mapangaping asendero”, “Serbisyo palpak”, “Human Rights Violator”, at “Perwisyo pahamak” na naglalarawan sa pamumuno ni Aquino.

Nagsagawa din ng mga SONA ng Bayan sa Baguio, Cagayan, Bataan, Ilocos Norte, Bicol, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Cagayan De Oro, at Davao.

Palpak ang rehabilitasyon ng gobyernong Aquino sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda, lalo na sa Eastern Visayas, ayon sa isang opisyal ng United Nations (UN).

Ani Chaloka Beyani, UN Special Rapporteur on the human rights of internally displaced persons, libu-libong mga biktima ng bagyong Yolanda ang patuloy na nakatira sa barung-barong na walang tubig o kuryente sa loob ng halos dalawang taon.

Marami ang patuloy na nakatira sa mga evacuation camp kung saan nananatili silang bulnerable sa mga bagyo sa hinaharap, ani Beyani. Kulang na kulang ang mga hakbang ng gobyerno upang matulungan ang mga biktima ng Yolanda.

Rehabilitasyon sa mga tinamaan ng Yolanda, palpak – UNDagdag pa ng opisyal ng UN, bagsak sa usapin ng safety standards ang mga kahoy na “bunkhouses” para sa mga sinalanta ng bagyo. Mas nagiging bulnerable rin ang mga babaeng nakatira sa mga ito sa pang-aabusong sekswal at maagang pagbubuntis.

Mariing kinundena ng People Surge, organisasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda, ang kriminal na kapabayaan ng gobyernong Aquino at ang malawakang korupsyon ng mga pondo na nakalaan sana para sa rehabilitisasyon at pagtulong sa mga sinalanta ng bagyo.

Nangangamba ang grupo na mailihis ang mga pondong pangkalamidad para sa pangangampanya sa halalang 2016. Nananawagan ang grupo na imbestigahan ng mga internasyunal na grupo ang mga anomalya sa programang rekonstruksyon ng gobyernong Aquino.

Sa partikular, ikinababahala ng People Surge ang hindi pagtanggap ng maraming biktima ng pinangakong cash rehabilitation fund, ang selektibong pagbigay ng pera sa mga kilalang alyado at sumusuporta sa administrasyong Aquino, at ang pag-agaw ng mga korporasyon sa lupa na dating tinitirahan ng maralita.

Aabot sa P160 bilyon ang budget na itinalaga ng administrasyong Aquino para sa rekonstruksyon at pagbangon matapos ang Yolanda.

Libu-libong mga biktima ng bagyo at mamamayan galing sa iba’t ibang panig ng Eastern Visayas ang dumagsa sa mga lansangan ng Tacloban City noong Hulyo 27, sa araw ng SONA ni Aquino, upang iprotesta ang kriminal na pananagutan ng rehimeng Aquino sa mga mga biktima ng kalamidad.

PH

OTO

CR

EDITS: P

INO

YWEEK

LY.OR

G

Page 6: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

6 AGOSTO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, ang mga probisyon sa pagtatakda ng savings at augmentation na naunang ipinasok sa 2015 General Appropriations Act ay nakasaad muli sa 2016 budget proposal.

Pinabulaanan ng progresibong mambabatas ang pahayag ni Department of Budget and Management Secretary Florencio Abad na diumano’y “pork barrel-free” ang pinal na 2016 national budget.

Pwedeng manipulahin ng pangulo at ehekutibo ang milyun-milyong pondong pampubliko, ilipat ang mga ito galing sa orihinal nito na gamit sa budget na inaprubahan ng Kongreso, ani Ridon.

Sa Section 63 ng General Provisions ng 2016 proposed budget, nakasaad na maaaring magdeklara ng “savings” kapag di matuloy o maabandona ang isang programa, aktibidad o proyekto (PAP) o kaya’y hindi masimulan o walang kakayahan ang ahensya na ipatupad ang mga ito sa taong 2016.

DAP at pork barrel buhay na buhay sa ipinanukalang 2016 national budget

Pwede ring kumuha ng “savings” sa mga ahensya na may pinabuting sistema at mas mabisang pagpapatupad ng mga PAP o sa mas mababang halaga ng kontrata kung ikukumpara sa inaprubahang budget para sa kontrata.

Maaari ring gawing “savings” ang mga hindi nagamit na personnel services costs para sa “(i) unfilled, vacant or abolished positions; (ii) non-entitlement to allowances and benefits; (iii) leaves of absence without pay; and (iv) death of pensioners, decrease in the number of retirees, or other related causes.”

Nakasaad naman sa Section 64 ng 2016 budget proposal na ang “augmentation” ay ang akto ng mga konstitusyonal na opisyal na gumamit ng savings upang takpan ang kakulangan sa mga programa, aktibidad o proyekto.

Dagdag pa ni Ridon, isang istriktong rekisito sa pagtiyak na may savings ang pagsiguro na naroroon pa ang pondo pagkatapos sa di pagpatuloy o pag-abandona ng PAP. Sa ilalim ng

bagong depinisyon, binura ng DBM ang rekisitos na ito.

Ayon sa 2016 proposed budget, tinatantiya ng gobyerno na makakalikha ito ng P67.5 bilyon na savings sa susunod na taon.

Samantala, lalaki ng higit na doble ang mga lump-sum funds na nasa direktang diskresyon ni Aquino at ng kanyang mga kapartido. Halimbawa, mula P245.7 bilyon para sa 2015, aabot sa P430.4 ang “Special Purpose Funds” para sa susunod na taon.

May sangkatutak na mga “congressional insertions” din at P24.7 bilyon na bottom-up budget na panuhol sa mga lokal na opisyal. Bilyon-bilyon ang pondo para sa AFP modernization, PAMANA program, intelligence funds at iba pang mga “pork” funds para sa mga kaalyado ni Aquino.

Nananawagan ng hustisya ang Anakbayan para sa 10 manggagawa ng Semirara Mining and Power Corporation sa na nailibing na buhay nang gumuho ang isang open-pit mining operation sa Isla ng Semirara, Antique noong Hulyo 17.

Nagpapahayag ang Anakbayan ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng mga namatay na manggagawa sa pagguho ng open-pit coal mine sa Isla ng Semirara.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may namatay sa mga mina ng Semirara. Isang parehong trahedya ang naganap nito lamang nakaraang taon kung saan 5 minero ang nalibing nang buhay nang gumuho rin ang isang mina.

Ang Semirara Mining and Power Corp., na nagpalawak ng mga operasyon nitong

Hustisya para sa mga manggagawang nailibing na buhay sa open-pit mining sa Semirara, Antique!

mga nakaraang taon sa ilalim ng mother company nitong DMCI Holdings Inc., ang pinakamalaking tagagawa ng coal sa bansa.

Dapat panagutin ang Semirara Mining and Power Corp. at DMCI Holdings Inc. sa pagkamatay ng mga manggagawa. Nilabag ng dalawang kumpanya ang safety standards na nagsisiguro ng kaligtasan ng mga manggagawa.

Ayon sa mga ulat, pinilit ang mga manggagawa ng mina na magtrabaho nang maaga sa umaga ng Hulyo 17 sa kabila ng walang tigil na ulan sa lugar. Sa kabila ito ng likas na mapanganib na katangian ng trabaho sa open-pit mining.

Pinapakita lamang ng insidenteng ito ang patuloy na paglabag sa kaligtasan sa lugar ng trabaho at pagkainutil ng rehimeng Aquino at ng Department of Labor and

Employment sa ilalim ni Secretary Rosalinda Baldoz.

Kagaya sa naganap na sunog sa pabrika ng Kentex na pumatay ng 73 manggagawa noong Mayo, pinapatunayan ng trahedyang ito ang pagkatuta ng gobyernong Aquino sa mga malalaking kapitalista laban sa mga manggagawa.

Nasasadlak ang manggagawang Pilipino sa maliit na sahod na mas mababa pa sa minimum, kontraktwalisasyon, kawalan ng mga benepisyo, at ang mapanganib na kondisyon sa trabaho.

Nananawagan ang Anakbayan sa lahat na tumindig at lumaban para sa mga manggagawa ng Semirara at sa lahat ng manggagawa sa Pilipinas at sa buong daigdig at para sa pagpapatalsik ng asendero at kontra-mamamayang rehimeng Aquino.

Mabibigyan pa rin ng malawakang kapangyarihan na gumamit ng “savings” ang pangulo at ehekutibo sa paraang walang pinagkaiba sa iligal na Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ipinanukalang 2016 budget proposal ng administrasyong Aquino.

Page 7: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | AGOSTO 2015

Nilusob ng mga elemento ng pulis ang mga lumad na kasalukuyang nakatira sa evacuation center sa loob ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Haran compound sa Davao City noong Hulyo 23.

Pwersadong pinasok ng mga armadong pulis ang compound upang diumano’y “iligtas” ang aabot sa 700 lumad na lumisan sa kanilang mga tahanan sa Talaingod, Davao del Norte at ilang bahagi ng Bukidnon dahil sa matinding militarisasyon.

Kahit walang bitbit na anumang warrant, sinira ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang gate ng UCCP at pinalo ng mga batuta ang mga lumad na nagkapitbisig upang pigilan ang pagpapaalis sa kanila sa compound.Nagtamo ng mga injury ang iilan sa mga lumad, kabilang na ang lumad elder na si Datu Benito na nasugatan sa kamay at ulo.

Pinabulaanan ni Chaloka Beyani, United Nations Special Rapporteur on the Human Rights of Internally Displaced Persons, ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nais lang ipagtanggol ng mga sundalo ang mga komunidad ng mga lumad.

Mga bakwit na Lumad sa simbahan sa Davao, nilusob ng mga pulis

“Ang mga nagbakwit na lumad na mismo ang naglinaw na ang paghimpil ng mga militar at grupong paramilitar sa kanilang mga lugar ang patuloy na lumilikha ng takot at ligalig sa kanilang mga komunidad,” ani Beyani.

“Nais ng mga lumad na bumalik sa kanilang lupa ngunit kanilang idiniin na mararamdaman lamang nilang ligtas na gawin ito kung mawakasan ang militarisasyon ng kanilang rehiyon upang makabalik sila na may garantiya ng kaligtasan, dignidad, at proteksyon,” ani Beyani. Dagdag pa ng opisyal ng United Nations na ang mga lumad na mismo ang nagpahayag na walang katotohanan ang paratang ng militar na ibinibilanggo sila sa UCCP center labag sa kanilang kalooban.

Nauna nang kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga progresibong lider na tumulong sa mga lumad na lumisan sa kanilang militarisadong komunidad papunta sa UCCP Haran. Kinasuhan sila ng kidnapping, serious illegal detention, at human trafficking ng CIDG at mga element na konektado sa Almara, isang grupong paramilitary, at 10th Infantry Division ng AFP noong Mayo 12, 2015.

Malaki ang papel ni North Cotabato District Representative Nancy Catamco,

isang sagad-sagaring utusan ng rehimeng Aquino, sa nasabing insidente.

Sa isang PNP-AFP press conference isang araw bago ang raid ng pulis, nangako si Catamco na paalisin niya ang mga lumad sa UCCP Haran at ibabalik sa kanilang mga komunidad.

Nauna nang idineklarang persona non grata si Catamco ng mga evacuees dahil sa kanyang pag-insulto sa kanila sa isang dayalogo kung saan tinawag niyang mabaho ang mga lumad. Si Catamco ang pinuno ng House of Representatives Panel on Indigenous Peoples.

Sa isa ring press conference ng militar, inanunsyo rin ni Datu Lumansad Sibugan, isang tauhan ng militar, na maglulunsad sila ng pangayaw o tribal war laban sa mga evacuees kapag hindi sila aalis sa simbahan. “Gustuhin man nila o hindi, kukunin namin ang mga kabataan, kababaihan, at matatanda sa Haran at dadalhin namin sila pabalik sa kanilang mga tahanan,” ani Sibugan.

Aabot na sa 133,599 na kaso ng pananakot, harasment, at intimidasyon at 60,155 insidente ng sapilitang ebakwasyon ang naitala ng grupong Karapatan sa ilalim ng rehimeng Aquino.

Neoliberal na atake sa edukasyon

Bahagi ang lahat ng ito sa pang-ekonomikong adyenda ng APEC na naglalayong magsagawa ng mga neoliberal na “reporma” sa sistemang edukasyon ng mga bansa upang mas mahanay ang mga ito sa pangangailangan ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

Bigo ang pangako na makakamit ang islogang “edukasyon para sa lahat” ng APEC, MDGs, at World Bank sa pamamagitan ng pagtutulak ng mga neoliberal na patakaran. Hindi nakamit ang isang target ng MDG na papasukin ang lahat ng kabataan sa basic education sa taong 2015. Ayon sa datos mismo ng UN, aabot sa 121 milyong kabataan ang out-of-school.

Sa katunayan, sa halip na masiguro ang universal basic education, mas nakatuon ang mga repormang neoliberal sa pribatisasyon ng mga pamantasan at pagbabago sa mga paaralang elementarya at hayskul para magsuplay ng pangangailangan ng pandaigdigang kapitalismo para sa paggawa.

Ang kurikulum, paraan at materyal sa pagturo, at sistema sa paggrado at pagsubok ay nirebisa upang mas umayon sa pangangailangan ng malaking negosyo. Ang mga estudyante ay nakikipagkumpetensya para sa mas mataas na grado, at maging ang mga paaralan at guro upang ibenta ang mga sarili sa mas mataas na presyo sa merkado.

Upang mas lumaki ang kita at makapagkumpetensya, mas nagbibigay ng diin ang mga koleihyo at unibersidad sa mga pinagtutubuang programa at kurso habang binabawasan ang mga marginal o kritikal katulad ng mga kursong humanidades. Isinasailalim din sa komersyalisasyon ang mga lupa, gusali, research output, atbp.

Nagreresulta ang neoliberal na reporma sa pagbawas sa paggastos ng gobyerno para sa pampublikong edukasyon at mas matinding pribatisasyon. Kahit ang mga state universities at colleges at mga pampublikong paaralan ay pinapatakbo na parang negosyo, kadalasan na kasosyo ang malalaking negosyo. Mas mataas na matrikula at bayarin at paglabag ng karapatan ng mga guro at kawani ang resulta.

Sa kabila ng pagsasaad na karapatan ang edukasyon, mas tinututukan ng mga repormang neoliberal ang pagbibigay ng edukasyon hindi bilang isang serbisyong panlipunan kundi isang mabibiling kalakal.

Labanan ang APEC

Dapat labanan ng mamamayan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig sa paglaban sa neoliberal na opensiba ng APEC sa pasimuno ng US. Dapat mag-organisa at magpakilos ng pinakamaraming mamamayan upang magprotesta sa mga pulong ng APEC sa iba’t ibang dako ng bansa at ilantad ang tunay na katangian nito.

Nananawagan ang Anakbayan sa kabataang Pilipino na patuloy na ilantad at tutulan ang mga iskema ng neoliberal na “reporma” sa edukasyon. Dapat patuloy na ipaglaban ang isang makabayan, siyentipiko, at pangmasang edukasyon at kultura kasabay sa pagsulong ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba.

*Halaw sa pananalita ni Prop. Jose Maria Sison na “APEC’s Neoliberal Offensive and its Effect on Philippine Education”, July 2015

>>>Mula sa p8

Page 8: AGOSTO 2015 8 Itakwil ang bulok na sistema! Isulong ang ... · PDF filedinastiya sa bansa. Samantala, sinisikap niyang pagtakpan kung paano siya umurong sa pagsulong ng Freedom of

8 AGOSTO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Nananawagan ang Anakbayan sa lahat ng mamamayan at kabataang Pilipino na labanan ang neoliberal na opensiba ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at ang masahol nitong mga patakaran at epekto sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas.

Mariing kinukundena ng Anakbayan ang APEC sa pagtutulak ng mga neoliberal na polisiya sa ekonomiya at edukasyon, lalo na ang programang K-12 ng rehimeng Aquino, na nagreresulta sa lumulobong gastos at nabubulok na kalidad ng edukasyon at malubhang disempleyo.

Kinukundena rin ng Anakbayan ang rehimeng Aquino sa paghost nito sa APEC ngayong taon at sa pagsang-ayon sa mga disenyo ng imperyalismong US. Idaraos ang iba’t ibang pulong ng APEC sa mga syudad ng Manila, Cebu, Iloilo, Tagaytay, at Clark Freeport na rururok sa Nobyembre.

APEC bilang instrumento ng neoliberal na opensiba

Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng APEC na itinataguyod nito ang pang-ekonomikong kooperasyon ng mga bansa sa Asya-Pasipiko. Ang rekord ng APEC mula sa pagkatatag nito noong 1989 ay nagpapakita ng oryentasyong pabor sa malaking negosyo, neoliberal na adyenda, at pangunahing patakaran na sumusulong sa naghaharing interes ng mga maunlad na bansa sa pamumuno ng US at Japan.

Sa katunayan, agresibong itinulak ng APEC ang mga susing sangkap ng neoliberal na globalisasyon, partikular ang liberalisasyon sa pamumuhunan at pangangalakal, deregulasyon, pribatisasyon, at denasyunalisasyon sa rehiyon. Ang US, bilang isa sa mga orihinal na kasapi, ay diumano’y patuloy na gumagamit ng impluwensiya nito sa loob ng APEC upang pilitin ang ibang kasaping bansa na umayon sa interes ng pagpapanatili ng dominasyon nito.

Sa likod ng mga hungkag at mapanlinlang na islogang nagbabandera ng katagang “inclusive growth”, ang nangungunang adyenda ng APEC 2015 ay ang pagtulak ng pang-ekonomikong integrasyon ng rehiyon sa balangkas na neoliberal. Prayoridad ng pulong ang pagpapanukala ng isang Free Trade Area of the Asia-Pacific upang mapasiguro ang walang hadlang na palitan ng tao, impormasyon, at kalakal lalo na sa sektor ng serbisyo sa buong rehiyon upang maglingkod sa interes ng imperyalismong US.

K-12 ng rehimeng Aquino

Ang K-12 ay isa sa mga reporma sa sistemang edukasyon na rekisitos para sa ASEAN integration. Isa ito sa mga rekomendasyon ng SEAMEO INNOTECH at ASEAN Mutual Recognition Arrangement (MRA) Projects upang magtakda ng istandard para sa cross-border employment sa rehiyon.Sang-ayon ang programang K-12 sa mga probisyon ng Washington Accord ng US at Bologna Process ng Europa na sadyang kilalanin lamang ang mga propesyonal na may 12 taon ng basic education. Nasa balangkas din ito sa Education for All Agenda ng World Bank at Millennium Development Goals (MDGs) ng United Nations.

Ang tunay na layon ng K-12 ni Aquino ay ang lubos na paghanay sa sistemang edukasyon sa bansa sa pangangailangan ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ang pakipagpaligsahan sa ibang mga atrasadong bansa sa pamamagitan ng paglikha ng malaking reserbang suplay ng paggawa para sa pandaigdigang merkado at pagpapababa ng halaga ng sahod.

Sa sistemang K-12, bibigyang atensyon ang mga kasanayang teknikal-bokasyonal katulad ng housekeeping, plumbing, welding, tailoring, caregiving, carpentry, beauty and nail care, bread at pastry production, atbp. na siyang hinahanap ng pandaigdigang merkado ng paggawa. Sa halip na bigyan ng komprehensibong edukasyon upang maging produktibong kasapi ng lipunang Pilipino, sinasanay ang kabataang Pilipino upang maging maid, caregiver, janitor, waiter, hairstylist, plumber, welder, karpintero, at panadero ng mundo.

Sa kabilang banda, hindi na bibigyan ng diin ang patriyotikong edukasyon at kultura. Babawasan ang mga kurso sa kasaysayang Pilipino, wikang Pilipino, at literaturang Pilipino sa mga pamantasan. Babawasan din ang oras para sa Araling Panlipunan sa hayskul at papalitan ng kurikulum na nakabatay sa US National Council for Social Studies.

Sa totoo, ang inirekomendang “lunas” ay siyang magpapalala pa sa karamdaman na matagal nang pinagdusahan ng edukasyong Pilipino dahil mali ang oryentasyon, malabo ang pagplano, kulang ang pondo, at hamak ang pagpapatupad ng programang K-12 ni Aquino. Sa pangkalahatan, ang K-12 ni Aquino ay kumakatawan sa lumalalang krisis ng edukasyong Pilipino at ang pagpapabaya ng gobyerno sa karapatan ng mamamayan sa edukasyon sa harap ng opensibang neoliberal.

Ang neoliberal na atake ng APEC at epekto nito sa edukasyong Pilipino

LIKHANG SINING NI BOY DOMINGUEZ

PARA KAY: BALANGAY:ADDRESS:

>>>Ituloy sa p7