114
PANSARILING PAG-UNLAD NG Young Women PAGTAYO BILANG SAKSI NG DIYOS

Aklat ng Pansariling Pag-unlad ng Young Women

  • Upload
    leliem

  • View
    290

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Kami ay mga anak Kami ay mga anak Kami ay mga anak na babaena babaeKami ay mga anak na babaeKami ay mga anak Kami ay mga anak na babaeKami ay mga anak Kami ay mga anak na babaeKami ay mga anak na babaeKami ay mga anak

Kami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayo

Magiging handa kamiMagiging handa kamiMagiging handa kami

Kami ay mga anak

Naniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kami

PANSARILING PAG-UNLAD NG

Young Women

PAG TAYO BI L A N G SA K SI N G DI YO S

Tumayo kayo sa mga banal na lugar, at huwag matinag, hanggang sa ang araw ng Panginoon ay dumating.

( D at T 87:8 )

Lumapit kay Cristo, at maging ganap sa kanya.

(Moroni 10:32)

Lagda ng kabataang babae

Ang aklat na ito ng Pansariling Pag-unlad ay pag-aari ni

PANSARILING PAG-UNLAD NG

Young Women

Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Salt Lake City, Utah

Pahina i: Jesucristo, ni Harry Anderson. © 2009 IRI

Pahina 29: Si Cristo at ang mga Bata sa Aklat ni Mormon, ni Del Parson. ©1995 Del Parson

Pahina 45: Pinakinggan ni Maria ang Kanyang Salita, ni Walter Rane. © 2001 IRI

Pahina 53: Pinagagaling ni Jesus ang Bulag, ni Carl Heinrich Bloch. © IRI. Ginamit sa pahintulot ng National Historic Museum at

Frederiksborg sa Hillerød, Denmark

Pahina 61: Reyna Esther, ni Minerva Teichert. © William at Betty Stokes

© 2001, 2009 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan

Ikalawang edisyon Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang-ayon sa Ingles: 12/08 Pagsang-ayon sa pagsasalin: 12/08

Pagsasalin ng Young Women Personal Progress Tagalog

36035 893

MGA NILALAMAN

Pagtanggap sa Pansariling Pag-unlad. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 Sawikain at Logo ng Young Women . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 Tema ng Young Women. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 Mga Klase at Sagisag ng Young Women . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 Buod para sa Young Women . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6 Mga Karanasan at Proyekto sa Pinahahalagahan

ng Young Women . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11 Pananampalataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13 Banal na Katangian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21 Kahalagahan ng Sarili . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 29 Kaalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37 Pagpili at Pananagutan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 45 Mabubuting Gawa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53 Integridad . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 61 Kabanalan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 69

Pagkilala sa Pagdadalaga . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 76 Talaan ng Pansariling Pag-unlad . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 77 Nagawa sa Pinahahalagahan sa Pansariling Pag-unlad . . . . . . . . 78 Ang Aking Patotoo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 79 Pagtatapos sa Pansariling Pag-unlad . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 81 Rekomendasyon para sa Pagkilala sa Pagdadalaga . . . . . . . . . . . 82 Ano ang Gagawin Ko Kapag Nakumpleto Ko Na

ang Pansariling Pag-unlad?. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 83 Buod para sa mga Magulang at Lider. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 86 Indeks ng mga Banal na Kasulatan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 96 Indeks ng mga Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 98

Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo . . . . . . . . . . . . 101 Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol . . . . . . . . 102

1

PAGTANGGAP SA PANSARILING PAG-UNLAD

Ikaw ay pinakamamahal na anak na babae ng Ama sa Langit, na inihandang pumarito sa lupa sa natatanging panahong ito para sa isang sagrado at maluwalhating layunin. Nasa iyo ang marangal na tungkuling gamitin ang iyong lakas at impluwensya para sa kabuti-han. Biniyayaan ka ng iyong mapagmahal na Ama sa Langit ng mga talento at kakayahang tutulong sa iyo upang tuparin ang iyong banal na misyon. Kapag natuto kang tumanggap at kumilos ayon sa mga pinahahalagahan ng Young Women sa buhay mo, makakagawian mong manalangin, mag-aral ng mga banal na kasulatan, sundin ang mga kautusan, at maglingkod sa iba. Ang mga personal na gawing ito ay magpapalakas sa iyong pananampalataya at patotoo kay Jesucristo. Makikilala at mapagyayaman mo rin ang natatangi mong mga kaloob dahil dito. Laging gamitin ang iyong impluwensya para pasiglahin at pagpalain ang iyong pamilya, ang ibang mga kabataang babae, at ang mga kabataang lalaking nakakasalamuha mo. Igalang ang pagkababae, suportahan ang priesthood, at itangi ang katapatan sa pagiging ina at pagiging ama. Sa paglahok mo sa Pansariling Pag-unlad, kasama ka ng libu-libo pang kabataang babaeng nagpupunyaging lumapit kay Cristo at “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” ( Mosias 18:9 ). Sumangguni sa iyong mga magulang, at mapanalanging pumili ng mga mithiing tutulong sa iyo na malinang ang mga katangian ng kahinhinan, mapalakas ang iyong patotoo, at maabot ang iyong banal na potensyal. Gami-tin nang matalino ang panahon mo sa Young Women sa pamama-gitan ng paghahandang tumanggap ng mga sagradong ordenansa sa templo, maging tapat na asawa at ina, at patatagin ang iyong tahanan at pamilya.

Ang Unang Panguluhan

2

SAWIKAIN AT LOGO NG Young Women

Ang sawikain ng Young Women ay “manindigan sa katotohanan at kabutihan.” Ang logo ng Young Women ay isang sulo na naliligiran ng sawikain ng Young Women. Ang sulo ay sagisag ng liwanag ni Cristo, na nag-aanyaya sa lahat na “lumapit kay Cristo” ( Moroni 10:32 ). Inaanyayahan nito ang lahat ng kabataang babae na tapat na mangakong itaas ang kanilang ilawan sa pagiging halimbawa at pananatiling karapat-dapat na gumawa at tumupad ng mga sagra-dong tipan at tumanggap ng mga ordenansa sa templo.

“Bumangon at magliwanag, nang ang inyong liwanag ay maging isang sagisag sa mga bansa” ( D at T 115:5 ).

33

Tema ng Young Women

KAMI AY MGA ANAK NA BABAE ng aming

Ama sa Langit, na nagmamahal sa amin, at mahal

namin Siya. KAMI AY “TATAYO bilang mga saksi ng Diyos

sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar”

( Mosias 18:9 ) habang nagsisikap kaming maipamuhay ang

mga pinahahalagahan ng Young Women, gaya ng:

PANANAMPALATAYA  • BANAL NA KATANGIAN KAHALAGAHAN NG SARILI  

KAALAMAN  • PAGPILI AT PANANAGUTAN   MABUBUTING GAWA  • INTEGRIDAD  

AT KABANALAN

NANINIWALA KAMI na sa pagtanggap at

pagsasagawa namin ng mga pinahahalagahang ito,

MAGIGING HANDA KAMING palakasin ang tahanan

at mag-anak, gawin at sundin ang mga sagradong tipan,

tanggapin ang mga ordenansa sa templo,

at tamasahin ang mga biyaya ng kadakilaan.

4

MGA KLASE AT SAGISAG NG Young Women

BEEHIVE , mga edad 12 at 13 Ang beehive ay sagisag ng pagkakasundo, pagtutu-lungan, at pagtatrabaho para sa mga unang pioneer

ng Simbahan. Beehive rin ang unang itinawag sa mga kabataang babae. Ang mga beehive ngayon ay natututong magtrabaho nang sama-sama nang may pagtutulungan at pagkakasundo habang nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo at naghahan-dang manindigan sa katotohanan at kabutihan. Panahon ito upang “bumangon at magliwanag” ( D at T 115:5 ).

MIA MAID , mga edad 14 at 15 Ang tawag na Mia Maid ayon sa kasaysayan ay tumutukoy sa Mutual Improvement Association,

na ginamit ang simbolong rosas bilang sagisag ng pagmamahal, pananampalataya, at kadalisayan. Ang mga Mia Maid ngayon ay natututo tungkol sa pagmamahal, pananampalataya, at kadalisa-yan habang nagpapalakas ng patotoo at tumatanggap at kumikilos ayon sa mga pinahahalagahan ng Young Women.

LAUREL , mga edad 16 at 17 Sa loob ng maraming siglo ang korona ng laurel ay gawa sa mga dahon ng punong laurel. Ibinibigay ito sa

isang dalagitang nakatapos ng makabuluhang gawain bilang sagi-sag ng karangalan at tagumpay. Ang mga laurel ngayon ay tinata-pos ang paghahanda nilang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at tumanggap ng mga ordenansa sa templo.

ANG AKING PANSARILING PAG-UNLAD

6

BUOD PARA SA YOUNG WOMEN

Layunin ng Pansariling Pag-unlad Ang Pansariling Pag-unlad ay tutulungan kang mapalakas ang iyong pananampalataya at patotoo kay Jesucristo habang pinag-aaralan mo ang Kanyang mga turo at palagi itong ipinamumuhay. Tutulungan ka nitong patatagin kapwa ang pamilya mo ngayon at ang magiging pamilya mo sa hinaharap. Tutulungan ka nitong maghandang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at tumanggap ng mga ordenansa sa templo. At ihahanda ka nitong maging tapat at nakakatulong na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang programa sa Pansariling Pag-unlad ay gumagamit ng walong pinahahalagahan ng Young Women upang tulungan kang higit na maunawaan kung sino ka, bakit ka narito sa lupa, at ano ang dapat mong gawin bilang anak ng Diyos upang mapaghandaan ang araw ng pagpunta mo sa templo para gumawa ng mga sagradong tipan. Tutulungan ka nitong maghanda para sa mga tungkulin mo sa hinaharap bilang tapat na babae, asawa, ina, at lider sa kaharian ng Diyos. Tinuturuan ka ng paglahok sa Pansariling Pag-unlad na gumawa ng mga tapat na pangako, isagawa ang mga ito, at iulat ang pag-unlad mo sa isang magulang o lider. Ang mga halimba-wang ipinapakita mo habang ginagawa mo ang Pansariling Pag-unlad—tulad ng panalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, paglilingkod, at pagsulat ng journal—ay makakagawian mo araw-araw. Ang mga gawing ito ay magpapalakas sa iyong patotoo at tutulungan kang matuto at magpakabuti habambuhay.

Mga Kailangang Gawin Para makatapos sa programa sa Pansariling Pag-unlad, kailangan mong:• Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).

7

• Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. • Kumpletuhin ang mga karanasan at ang proyekto sa pinahaha-

lagahan para sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.• Sumulat ng sariling journal.• Dumalo sa seminary o lumahok sa programa sa sariling pag-aaral

(kung saan mayroon).• Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.• Itala ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Matapos gawin ang mga kailangang ito, maaari ka nang tumanggap ng Pagkilala sa Pagdadalaga matapos mainterbyu ng iyong bishop o branch president tungkol sa iyong pagkamarapat.

Pagsisimula Masisimulan mong gawin ang programa sa Pansariling Pag-unlad sa edad na 12 o kapag nabinyagan ka na kung ikaw ay nasa pagitan ng mga edad 12 at 18. Maaari ding lumahok ang mga kabataang babaeng hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sa pagsisimula mo, tatanggap ka ng kuwintas na may nakasabit na logo ng sulo ng Young Women. Ang pagsusuot ng kuwintas na ito ay pahiwatig ng iyong tapat na pangakong itaas ang iyong ilawan at manindigan sa katotohanan at kabutihan. Magpatulong sa iyong mga magulang sa pagpaplano at pagkum-pleto ng programa sa Pansariling Pag-unlad. Ang pagbabahagi ng mga karanasang ito ay magpapatibay sa kaugnayan mo sa kanila. Maaari ninyong gawin ng iyong ina o ng isa pang ulirang babae ang Pansariling Pag-unlad, at maaari ninyong kamtin nang mag-kasama ang inyong Pagkilala sa Pagdadalaga. Maaari mong iakma ang mga karanasan at proyekto sa sarili mong mga sitwasyon, kinawiwilihan, at pangangailangan kapag sinang-ayunan ng isang magulang, isang lider ng Young Women, o isa pang adult.

8

Ang Pansariling Pag-unlad ay maaaring maging bahagi ng mabu-buting bagay na ginagawa mo sa tahanan, simbahan, paaralan, seminary, at komunidad. Gamitin ang indeks ng mga paksa sa likuran ng aklat na ito upang makita ang mga natatanging paksa na interesado ka at alamin kung paano magagamit ang mga ito bilang bahagi ng Pansariling Pag-unlad. Alalahaning purihin ang sarili mo sa lahat ng mabubuting bagay na ginagawa mo bawat araw. “Sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay” ( Alma 37:6 ).

Mga Tagubilin Kukumpletuhin mo ang anim na karanasan (tatlong kailangan at tatlong mapipiling gawin) at isang sampung-oras na pro-yekto sa bawat isa sa unang pitong pinahahalagahan ng Young Women. Para sa pinahahalagahang kabanalan, kukumpletuhin mo ang apat na karanasang kailangang gawin at ang proyektong kailangang gawin sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon. Makapag-sisimula ka sa anumang pinahahalagahan at magagawa mo ito sa anumang pagkakasunud-sunod. Kapag nakumpleto mo na ang isang karanasan o proyekto sa pinahahalagahan, repasuhin ito sa isang magulang, isang lider, o isa pang adult. Painisyalan sa taong iyon ang nakumpletong kara-nasan sa iyong aklat ng Pansariling Pag-unlad. Itala ang pag-unlad mo sa Talaan ng Pansariling Pag-unlad (tingnan sa pahina 77).

Mga Karanasan sa Pinahahalagahan • Inirerekomendang kumpletuhin mo ang mga karanasan sa isang

pinahahalagahan na kailangang gawin bago ka tumuloy sa mga karanasang mapipiling gawin sa pinahahalagahang iyon.

• Sa mga karanasan sa pinahahalagahan na mapipiling gawin, maaari mong isulat ang hanggang dalawang sarili mong mga karanasan sa bawat pinahahalagahan o iakma ang mga kara-nasang nakasulat doon para umakma sa personal mong mga

9

kinawiwilihan, mithiin, o sitwasyon. Pasang-ayunan ang mga ito sa isang magulang, lider, o isa pang adult bago ka magsimula.

Mga Proyekto sa Pinahahalagahan• Kumpletuhin ang mga karanasan sa isang pinahahalagahan na

kailangang gawin bago simulan ang proyekto sa pinahahalaga-hang iyon, maliban sa pinahahalagahang kabanalan. Masisimu-lan mong basahin ang Aklat ni Mormon kahit kailan.

• Pasang-ayunan sa isang magulang, lider, o isa pang adult ang bawat proyekto sa pinahahalagahan bago ka magsimula.

• Maaari kang magpatulong sa iba sa iyong mga proyekto sa pina-hahalagahan, ngunit bawat proyekto ay dapat mong gugulan nang di kukulangin sa sampung oras ng sarili mong panahon.

Bilis sa Paggawa at Pagkilala• Maaari kang gumawa ayon sa sarili mong bilis, ngunit dapat ay

lagi kang gumagawa ng kahit isang karanasan lang o proyekto. Inirerekomenda ang sumusunod:— Kumumpleto ng kahit isang karanasan lang sa isang buwan

at isang proyekto tuwing ika-anim na buwan (dalawang pro-yekto sa isang taon).

— Regular na dumalo sa sacrament meeting at lumahok sa seminary (kung saan maaari).

— Makipagkausap sa isang miyembro ng iyong bishopric kahit minsan sa isang taon upang talakayin ang natapos mo sa Pansariling Pag-unlad, ang mga pagsisikap mong ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, at anumang iba pang gusto mong itanong.

• Kapag nakumpleto na ang lahat ng karanasan at ang proyekto sa isang pinahahalagahan, kikilalanin ng lider mo ang natapos mo sa isang miting ng Young Women at bibigyan ka ng isang sagisag na ilalagay sa iyong pahina ng Nagawa sa Pinahahalagahan sa

10

Pansariling Pag-unlad sa aklat na ito (tingnan sa pahina 78) at isang ribbon na ilalagay sa iyong mga banal na kasulatan.

• Magkakaroon ka ng pagkakataong ibahagi ang iyong mga nagawa sa Pansariling Pag-unlad taun-taon sa Mahuhusay na Kabataang Babae.

• Ang tagumpay mo sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding kilalanin kapag tinanggap mo ang iyong mga sertipiko sa Beehive, Mia Maid, at Laurel paglipat mo ng klase.

Pagkumpleto sa Pansariling Pag-unlad• Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng karanasan at proyekto

sa pinahahalagahan sa Pansariling Pag-unlad, itala ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo sa pahina 79. Repasuhin ang bahaging “Pagkilala sa Pagdadalaga” ng aklat na ito sa isang magulang, isang lider, o isa pang adult (pahina 76). Pagkatapos ay magpa-iskedyul ng interbyu sa bishop mo upang malagdaan niya ang rekomendasyon sa pahina 82 at maisaayos ang pagbibigay ng iyong sertipiko at medalyon sa Pagkilala sa Pagdadalaga.

• Inirerekomendang gawin mo ang iyong Pansariling Pag-unlad habang nasa Young Women ka, kahit matapos mong makamtan ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Ang mga mungkahi kung paano magpatuloy sa pag-unlad ay nasa bahaging “Ano ang Gagawin Ko Kapag Nakumpleto Ko Na ang Pansariling Pag-unlad?” (pahina 83). Repasuhin ito sa isang magulang, lider, o isa pang adult. Maaari mong piliing magkamit ng Honor Bee charm na isasabit sa kuwintas mo kasama ng iyong medalyon, o masisi-mulan mong muli ang buong programa. Hinihikayat ka ring tulungan ang ibang mga kabataang babae sa kanilang Pansari-ling Pag-unlad. Sa pagpapatuloy mo sa pag-unlad, mananatili ka sa landas patungo sa templo at magtataglay ng mga katangiang makakatulong sa iyo habambuhay.

MGA KARANASAN AT PROYEKTO SA

PINAHAHALAGAHAN NG Young Women

13

Pananampalataya

Ang pananampalataya ay hindi ang pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa mga bagay; kaya nga, kung

ikaw ay may pananampalataya, umaasa ka sa mga bagay na hindi nakikita, ngunit totoo ( Alma 32:21 ).

Ako ay anak na babae ng Ama sa Langit, na nagmamahal sa akin. Sumasampalataya ako sa Kanyang walang

hanggang plano, na nakatuon kay Jesucristo na aking Tagapagligtas.

14

MGA KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Ang unang alituntunin ng ebanghelyo ay pananam-palataya sa Panginoong Jesucristo. Matuto tungkol sa pananampalataya mula sa mga banal na kasulatan at mga buhay na propeta. Basahin ang Sa Mga Hebreo 11 ; Alma 32:17–43 ; Eter 12:6–22 ; at Joseph Smith—Kasaysayan 1:11–20 . Magbasa ng dalawang mensahe sa pangkalaha-tang kumperensya tungkol sa pananampalataya. Sumam-palataya ka sa pamamagitan ng pagkakaroon ng gawing manalangin sa buhay mo. Magsimula sa regular mong pagdarasal sa umaga at gabi. Pagkaraan ng tatlong linggong pagsunod sa halimbawang nito, talakayin sa isang magu-lang o lider ang natutuhan mo tungkol sa pananampala-taya at kung paano lumakas ang iyong pananampalataya sa araw-araw mong pagdarasal. Sa iyong journal ipahayag ang damdamin mo tungkol sa pananampalataya at panalangin.

 2. Tuklasin ang mga alituntunin ng pananampalatayang itinuro ng mga ina ng mga kabataang mandirigma ni Helaman. Basahin ang Alma 56:45–48 at 57:21. Repasu-hin ang sinasabi sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (tingnan sa pahina 101) tungkol sa tungkulin ng isang ina. Talakayin sa isang ina, lola, o lider ang mga katangiang kailangan ng isang babae para maituro sa mga bata na magkaroon ng pananampalataya at ibatay ang

Pananampalataya

15

kanilang mga desisyon sa mga katotohanan ng ebang-helyo. Paano makakatulong ang mga alituntuning ito sa buhay mo ngayon at sa paghahanda mong maging tapat na babae, asawa, at ina? Itala sa iyong journal ang mga naiisip at nadarama mo.

 3. Kailangan ang pananampalataya para maipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo. Magbasa tungkol sa pananampalataya sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan o sa Tapat sa Pananampalataya. Ang pananampalataya sa Tagapagligtas na si Jesucristo ay humahantong sa pag-kilos. Pumili ng isang alituntunin tulad ng panalangin, ikapu, pag-aayuno, pagsisisi, o pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath. Sa sarili mong tahanan o iba pang lugar, magplano at magbigay ng aralin sa family home evening kung paano ka natutulungan ng pananampala-taya na ipamuhay ang alituntuning iyon ng ebanghelyo. Kung maaari, magpabahagi sa isang kapamilya ng isang karanasang nagpalakas sa kanyang pananampalataya. Magbahagi ka rin ng sarili mong mga karanasan. Sa iyong journal isulat ang isa sa mga karanasang iyon at ilarawan ang damdamin mo tungkol sa pananampalataya.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALA.GAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

16

 4. Matuto pa tungkol sa sacrament. Magbasa tungkol sa Huling Hapunan sa Mateo 26:26–28 ; Marcos 14:22–24 ; at Lucas 22:17–20 . Ugaliing magnilay-nilay sa oras ng sacra-ment sa pamamagitan ng pakikinig na mabuti sa himno at mga panalangin sa sacrament. Pag-isipan kung bakit tayo nakikibahagi sa tinapay at tubig. Pagkaraan ng tatlong linggong pagsunod sa halimbawang ito, isulat sa iyong journal ang ilan sa mga pangakong ginagawa mo habang nakikibahagi ka ng sacrament at inaalala ang iyong mga tipan sa binyag at ang ginagawa mo para matupad ang mga pangakong iyon. Itala sa iyong journal kung paano napalakas ng pagkaunawa mo sa mga pangakong ito ang pananampalataya mo sa Tagapagligtas.

 5. Dagdagan ang pagkaunawa mo sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa pagbasa ng Isaias 53:3–12 ; Juan 3:16–17 ; Mga Taga Roma 5 ; 2 Nephi 9:6–7, 21–26 ; Alma 7:11–13 ; 34:8–17 ; at Doktrina at mga Tipan 19:15–20 . Sa iyong journal isulat ang damdamin mo tungkol sa Tagapagligtas at sa nagawa Niya para sa iyo. Ibahagi ang damdamin mo sa isang testimony meeting.

 6. Dagdagan ang pagkaunawa mo sa plano ng kaligtasan. Kabilang sa pag-aaralang mga sanggunian ang I Mga Taga Corinto 15:22 ; Apocalipsis 12:7–9 ; 2 Nephi 9:1–28 ; 11:4–7 ; Doktrina at mga Tipan 76:50–113 ; 93:33–34 ; Moises 4:1–4 ; at Abraham 3:24–27 . Magdrowing o kumuha ng isang larawang nagpapakita ng plano ng kaligtasan, kabilang na ang buhay bago tayo isinilang, pagsilang, buhay sa lupa, kamatayan, paghuhukom, at buhay matapos ang paghuhukom. Gamit ang larawang ito, ipaliwanag ang plano ng kaligtasan sa iyong klase, pamilya, o kaibigan. Talakayin kung paano naaapektuhan ng kaalaman tungkol sa plano ang mga kilos mo, paano

17

ka nito tinutulungang unawain ang iyong pagkatao, at paano nito napapalakas ang iyong pananampalataya.

 7. Iniutos sa atin ng Panginoon na magbayad ng ikapu. Basa-hin ang Doktrina at mga Tipan 119 at Malakias 3:8–12 . Yamang ang pagsunod sa batas ng ikapu ay katibayan ng iyong pananampalataya, magbayad ng buong ikapu. Pagkaraan ng tatlong buwan itala sa iyong journal kung paano nakatulong ang pagbabayad ng ikapu sa paglago ng iyong pananampalataya. Ilista ang mga pagpapala sa buhay mo, kapwa malaki at maliit, na dumating dahil sa pananampalataya mo sa alituntunin ng ikapu.

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

18

Pananampalataya PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalaga-han na nauugnay sa pananampalataya, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa isang proyekto sa pinahahalagahan.• Isaulo ang “Ang Buhay na Cristo” (tingnan sa pahina 102).

Habang ginagawa mo ito, isipin ang impluwensya ng Tagapag-ligtas sa buhay mo at kung paano naragdagan ang pananam-palataya mo sa Kanya. Kagawiang sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas.

• Basahin ang Alma 32:28–43 . Isipin mong isang binhi ang pana-nampalataya habang tumutulong kang magtanim, mangalaga, at mag-ani sa isang gulayan. Itala sa iyong journal kung paano mo mapapayabong, mapapangalagaan, at mapapalakas ang iyong pananampalataya.

• Kumuha ng klase sa family history sa iyong ward o branch. Mangalap ng mga kuwento ng iyong mga kamag-anak o iba pa na nagpamalas ng pananampalataya, o interbyuhin ang mga kapamilya o iba pa at itala ang kanilang mga kuwento.

• Ilarawan ang pagpapala ng pananampalataya sa pagsulat ng isang orihinal na kuwento, tula, o kanta o pagkumpleto ng isang pro-yektong makasining na naglalarawan ng iyong pananampalataya kay Jesucristo.

19

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

4.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

20

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa pananampalataya):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

21

Banal na Katangian

Mak[i]bahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios. . . . Sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampa-lataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman; at sa kaala-man ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan; at sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid;

at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig ( II Ni Pedro 1:4–7 ).

Ako ay nagmana ng mga banal na katangian, na pagsisikapan kong pagyamanin.

22

Banal na Katangian MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Ano ang ilan sa mga banal na katangian ng isang anak na babae ng Diyos? Basahin ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (tingnan sa pahina 101); II Ni Pedro 1 ; Alma 7:23–24 ; at Doktrina at mga Tipan 121:45 . Sa sarili mong mga salita, ilista ang mga banal na katangi-ang tinalakay sa nabasa mo. Pag-isipan kung paano mo matutuklasan at matataglay ang bawat isa sa mga katangi-ang ito. Itala sa iyong journal ang mga ideya mo.

 2. Bilang isang kabataang babae biniyayaan ka ng mga banal na katangian ng kahinhinan. Dagdagan ang pagkaunawa at pagpapahalaga mo sa pagiging babae. Basahin ang Mga Kawikaan 31:10–31 at dalawang mensahe tungkol sa pagi-ging babae mula sa isyu ng mga magasin ng Simbahan sa kumperensya. Repasuhin ang nakasaad sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (tingnan sa pahina 101) tungkol sa pagiging asawa at ina. Pagkatapos ay tanungin ang iyong ina o isa pang inang hinahangaan mo kung ano sa palagay niya ang mahahalagang katangian ng pagiging isang ina. Ilista sa iyong journal ang mga katangian. Pag-katapos ay pumili ng isa sa mga katangiang iyon at sika-ping taglayin ito. Pagkaraan ng dalawang linggo iulat ang tagumpay mo sa isang magulang o lider.

23

 3. Gawing mas masaya ang iyong tahanan. Sa loob ng dalawang linggo pagsumikapang patatagin ang pakikipag-ugnayan mo sa isang kapamilya sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa iyong mga kilos. Iwasang manghusga, mamintas, o magsalita ng masama, at mas-dan ang magagandang katangian ng kapamilyang iyon. Sumulat ng maiikling panghihikayat, ipagdasal ang kapa-milyang ito, humanap ng mga paraan para makatulong, at sabihing mahal mo siya. Ibahagi ang iyong mga karanasan at mga banal na katangiang natuklasan mo sa kapamil-yang iyon o sa isang magulang o lider.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 4. Isaulo ang mga panalangin sa sacrament sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79 . Sa oras ng sacrament, pakinggang mabuti ang mga panalangin at pag-isipan kung ano ang kahulugan ng taglayin sa iyong sarili ang pangalan ni Jesucristo at paano ito dapat makaapekto sa iyong mga kilos at pagpapasiya. Kagawiang tuparin ang iyong mga tipan sa binyag. Magsimula sa paggawa ng isang bagay bawat araw para malaman at mapagyaman pa ang iyong mga banal na katangian at matulungan ka na laging alala-hanin ang Panginoong Jesucristo. Pagkaraan ng dalawang linggo itala sa iyong journal ang karanasan mo.

24

 5. Ang pagsunod ay isang katangian ng Tagapagligtas. Sikaping maging mas masunurin sa iyong mga magulang. Basahin ang Lucas 2:40–51 at Juan 6:38 . Ugaliing sumu-nod habang pinagsusumikapan mong tratuhin nang may paggalang at kabaitan ang iyong mga magulang at gawin ang iniuutos nila sa iyo nang hindi ka na pinaaalalahanan pa. Pagkaraan ng dalawang linggo itala sa iyong journal kung paano ka naganyak ng pagiging mas masunurin na naising patuloy itong gawin at paano ito nakatulong sa iyo na maunawaan ang iyong banal na katangian at ang mga banal na tungkulin ng mga ina at ama.

 6. Pagyamanin ang iyong mga banal na katangian. Basahin ang Mateo 5:9 ; Juan 15:12 ; Mga Taga Galacia 5:22–23 ; Mga Taga Colosas 3:12–17 ; I Ni Juan 4:21 ; at Moroni 7:44–48 . Isaulo ang paborito mong talata mula sa isa sa mga talatang ito. Tukuyin ang mga banal na katangiang binanggit sa lahat ng banal na kasulatang ito at ilista sa iyong journal ang mga ito. Pumili ng isang katangian, at pagsumikapang gawin itong bahagi ng buhay mo araw-araw sa loob ng dalawang linggo. Itala sa iyong journal ang pag-unlad at mga karanasan mo.

 7. Alamin ang kahulugan ng salitang tagapamayapa. Pagka-tapos ay hanapin at basahin ang limang banal na kasu-latang nagtuturo tungkol sa mga tagapamayapa. Maging halimbawa ng isang tagapamayapa sa iyong tahanan at

25

sa paaralan sa pag-iwas na mamintas, magreklamo, o mag-salita ng masama sa o tungkol sa ibang tao. Manalangin sa Ama sa Langit tuwing umaga at gabi na tulungan kang magawa ito. Pagkaraan ng dalawang linggo isulat sa iyong journal kung anong mga bagong gawi ang nais mong tag-layin, paano naging bahagi ng iyong banal na katangian ang pagiging tagapamayapa, at paano ka patuloy na magi-ging tagapamayapa.

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

26

Banal na Katangian PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalaga-han na nauugnay sa banal na katangian, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.• Matuto ng isang kasanayang magagamit mo sa magiging taha-

nan mo sa hinaharap, tulad ng pagluluto, pananahi, pagkukum-puni, pag-aayos, o pagdidisenyo. Ituro ang kasanayang iyon sa isang tao, at ipaliwanag kung paano naging isa sa mga banal na tungkulin mo ang pagtatayo ng isang bahay ng kaayusan (ting-nan sa D at T 109:8 ).

• Para sa pangmatagalan, maglingkod sa isang taong nanganga-ilangan, tulad ng isang bagong panganak, isang taong may kapansanan, o isang matanda. Itala sa iyong journal kung paano nakatulong sa iyo ang paglilingkod mo para malaman ang banal na katangian mo at ng iba.

• Ilista ang mga banal na katangian at tungkulin ng kababaihan ayon sa itinuro sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (tingnan sa pahina 101), at magsagawa ng isang pro-yektong nakakatulong sa iyo na matuto pa tungkol sa isa sa mga tungkuling iyon.

• Gamit ang makasining na kaalaman o handicraft na natutuhan mo, gumawa ng isang bagay para sa tahanan mo sa ngayon o sa hinaharap. Itala sa iyong journal kung paano naging bahagi ng

27

banal na katangian mo ang pagiging malikhain at paano napag-pala ang iba sa pagbabahagi ng iyong pagkamalikhain.

• Ang pakikipagtulungan sa iba nang may pagkakasundo ay isang banal na katangian (tingnan sa D at T 38:27 ). Magsagawa ng isang proyektong magtataguyod ng pagkakaisa sa iyong mga kamag-anak, paaralan, o komunidad. Itala sa iyong journal kung paano ka makakagawa ng kaibhan kapag nakipagtulungan ka sa iba nang may pagkakaisa.

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

28

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa banal na katangian):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

29

Kahalagahan ng Sarili Tandaan na ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay

dakila sa paningin ng Diyos ( D at T 18:10 ).

Ako ay may walang hanggang kahalagahan at may sarili akong banal na misyon, na

pagsisikapan kong isakatuparan.

30

Kahalagahan ng Sarili MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Ikaw ay anak na babae ng Ama sa Langit, na kilala ka at mahal ka. Basahin ang Mga Awit 8:4–6 ; Jeremias 1:5 ; Juan 13:34 ; Doktrina at mga Tipan 18:10 ; Abraham 3:22–23 ; at Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–20 . Isulat sa iyong journal kung paano itinuturo sa iyo ng mga banal na kasulatang ito na kilala, mahal, at inaalala ka ng Ama sa Langit.

 2. Matuto tungkol sa kahalagahan ng mga patriarchal bles-sing sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol dito sa Tapat sa Pananampalataya at sa mga mensahe sa huling kumperen-sya. Alamin kung bakit ito ibinibigay at sino ang maka-pagbibigay nito. Talakayin sa isang magulang o lider ng Simbahan kung paano maghandang tumanggap ng patri-archal blessing at paano nito maituturo sa iyo ang iyong kahalagahan at pagkatao at paano ito magiging gabay sa iyo habambuhay. Kung hindi mo pa natatanggap ang bles-sing mo, maghandang tumanggap nito.

31

 3. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 18:10 at 121:45. Gawin ang lahat ng kaya mo para mapalakas ang loob ng iba at maipadamang sila ay mahalaga. Araw-araw sa loob ng dalawang linggo pansinin ang nakalulugod na mga katangian at pag-uugali ng iba. Purihin sila sa salita o sa sulat. Sa iyong journal isulat ang natutuhan mo tungkol sa kahalagahan ng mga tao at kung paano lumalaki ang tiwala mo sa sarili kapag pinalalakas mo ang loob ng iba.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 4. Naghahanda ka ngayong magsakatuparan ng isang nata-tanging misyon sa lupa. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:119 . Sa iyong journal ilista ang mga inaasam at pinapangarap mo sa iyong magiging tahanan, pamilya, at edukasyon at ilang mahalagang bagay na gusto mong isagawa sa buhay mo, kabilang na ang pagiging asawa at ina. Pagkatapos ay sumulat ng isang planong tutulong sa iyo para makamtan ang iyong mga mithiin. Ibahagi ang planong ito sa isang kapamilya, lider, o kaibigan.

32

 5. Lumahok sa isang pagtatanghal ng sayaw, talumpati, musika, o drama sa paaralan, sa iyong komunidad, o sa simbahan. Paano pinalakas ng paglahok sa aktibidad na ito ang iyong pagpapahalaga at tiwala sa sarili? Itala sa iyong journal ang mga naiisip mo.

 6. Kapag nagsaliksik ka ng kasaysayan ng iyong pamilya, mau-unawaan mo ang iyong pagkatao at kahalagahan ng sarili. Bisitahin ang buhay mong mga kamag-anak upang maka-kuha ng maraming impormasyon tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya hanggang maaari. Pagkatapos ay kumpletu-hin ang pedigree chart ng iyong pamilya at ilista ang mga ordenansa sa templo na nakumpleto na para sa bawat tao.

 7. Binigyan ka ng Ama sa Langit ng mga espesyal na kaloob. Basahin ang I Mga Taga Corinto 12:4–12 ; 13 ; Moroni 7:12–13 ; 10:8–18 ; at Doktrina at mga Tipan 46:11–26 . Ipasulat sa isang kapamilya, lider ng Young Women, at kaibigan ang magagandang katangiang ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon. Ilista sa iyong journal ang iyong mga kaloob, at isulat kung paano mo patuloy na mapagyaya-man ang mga kaloob na ito at magagamit ito sa pagliling-kod sa iyong pamilya at sa iba.

33

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

34

Kahalagahan ng Sarili PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa kahalagahan ng sarili, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.

Ikaw ay may natatangi at banal na misyong gagampanan sa lupa at nabiyayaan ng mga talento para maisagawa ang misyong ito. Kapag nakumpleto mo ang isa sa sumusunod na mga proyekto, masasaksihan mo ang kahalagahan at naitulong ng iba at makikita mo rin ang impluwensya mo sa buhay ng iba. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa mga katrabaho mo, at itala sa iyong journal ang mga karanasan mo.• Tipunin ang kasaysayan mo o ng pamilya mo gamit ang mga

journal entry, larawan, at mahahalagang papeles.• Ibahagi ang isa sa mga kaloob mo sa pamamagitan ng pagtuturo

o pag-alalay sa isang tao sa isang asignatura sa paaralan, musika, isport, o makasining na kasanayan.

• Magsagawa ng isang proyekto na magpapabuti sa sitwasyon sa buhay ng isang taong nangangailangan.

• Mangasiwa o lumahok sa isang youth choir, dula-dulaan, pagta-tanghal ng talento, o art exhibit.

• Matuto ng isang kasanayang pangkalakalan na makakatulong sa trabaho mo sa kasalukuyan o sa hinaharap.

35

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

4.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

36

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa kahalagahan ng sarili):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

37

Kaalaman

Maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya ( D at T 88:118 ).

Ako ay patuloy na maghahanap ng mga pagkakataong matuto at umunlad.

38

Kaalaman MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Matuto tungkol sa kahalagahan ng pagtatamo ng kaalaman sa pagbasa ng Mga Kawikaan 1:5 ; 4:7 ; 2 Nephi 28:30 ; at Doktrina at mga Tipan 88:78–80, 118 ; 90:15 ; 130:18–19 ; 131:6 . Pag-isipan kung bakit mo kailangang malaman at maunawaan kung paano ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa tahanan at pamilya mo sa kasalukuyan at sa hinaharap. Isulat sa iyong journal ang natutuhan mo tung-kol sa kaalaman, at talakayin ito sa isang kapamilya o lider ng Young Women.

 2. Sa iyong journal ilista ang mga talento mo at ang iba pang gusto mong pagyamanin. Basahin ang Mateo 25:14–30 . Matuto ng isang bagong kasanayan o talentong tutulong sa iyo na mapangalagaan ang sarili mong pamilya o tahanan sa hinaharap (halimbawa, pagtugtog ng piyano, pagkanta, pagbabadyet, paggamit ng oras, pagluluto, pananahi, o pag-aalaga ng bata). Ibahagi sa iyong pamilya, klase, o lider ng Young women ang natutuhan mo.

39

 3. Isaulo ang ika-labintatlong Saligan ng Pananampalataya at bigkasin ito sa isang magulang, isang lider, o isa pang adult. Pagkatapos ay bumisita sa isang museo o exhibit o dumalo sa isang pagtatanghal na may sayaw, musika, talumpati, o drama. Gamit ang saligang ito ng pananampalataya bilang gabay, suriin kung ano ang nakita at narinig mo. Sa iyong journal isulat ang mga ideya mo kung paano mo magagamit ang saligang ito ng pananampalataya bilang gabay sa lahat ng ginagawa mo upang makasama mo palagi ang Espiritu Santo. Ibahagi ang mga ideyang iyon sa isang magulang o lider.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 4. Pumili ng isang alituntunin ng ebanghelyo na gusto mong mas maunawaan (halimbawa, pananampalataya, pagsisisi, pag-ibig sa kapwa, mga walang hanggang pamilya, o mga tipan sa binyag). Basahin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta sa mga huling araw na nauug-nay sa alituntunin. Maghanda ng isang limang-minutong pananalita tungkol sa paksa at ibigay ito sa sacrament meeting, sa miting ng Young Women, sa iyong pamilya, o sa klase. Itala sa iyong journal kung paano mo maipamu-muhay ang alituntuning ito ng ebanghelyo.

40

 5. Pag-aralan ang tungkol sa isang trabaho o serbisyo na interesado ka. Kausapin ang isang taong nagtatrabaho sa larangang iyon at alamin kung ano ang mga responsibi-lidad ng taong ito sa trabaho, ano ang training o pinag-aralan ng taong ito para magawa ang trabaho, at ano ang mga kontribusyong nagagawa ng trabaho ng taong ito sa lipunan. Itala sa iyong journal ang mga natuklasan mo.

 6. Isaulo ang dalawa sa paborito mong mga himno mula sa himnaryo. Matuto ng wastong pagkumpas sa mga himno (tingnan sa Mga Himno, 383–85) pagkatapos ay ikaw ang kumumpas kahit sa dalawang himno lang sa family home evening, sa miting ng Young Women o iba pang miting ng Simbahan, o sa seminary. Basahin ang mga banal na kasu-latang nakalista sa ilalim ng bawat himno.

 7. Sa Young Women camp natututo ka ng mga kasanayan sa first aid, kaligtasan, kalinisan, at pananatiling buhay. Repasuhin ang mga turong ito sa iyong Young Women Camp Manual at isulat sa iyong journal kung paano mo ito maiaangkop sa iyong tahanan para manatiling ligtas ang pamilya mo. Gumawa ng listahan ng mga pangunahing suplay na kakailanganin ng pamilya mo sa oras ng emer-gency. Magturo ng isang aralin sa family home evening o ibahagi sa isang lider ng Young Women ang natutuhan mo at ang mga karagdagang kasanayang gusto mong matutu-han para maging handa sa mga emergency.

41

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

42

Kaalaman PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa kaalaman, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisi-kap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.

• Matutong mag-organisa, maglinis, at mag-ayos ng bahay mula sa iyong ina, lola, o isa pang babaeng hinahangaan mo. Pagka-tapos ay gamitin ang natutuhan mo sa iyong tahanan.

• Maghanda para sa mas mataas na edukasyon at pagtatamo ng mga kasanayang pangkalakalan sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang mga kailangan para makapasok sa kolehiyo o trade school, mga scholarship, at matrikula at iba pang mga gastusin. Mag-aplay para makapasok kapag naaangkop.

• Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89 . Isipin kung ano ang magagawa mo para maging mas malusog. Pagandahin ang iyong kalusugan sa pagkakaroon at pagsasagawa ng regular na pro-grama sa ehersisyo at pag-aaral na magluto at kumain ng masu-sustansyang pagkain.

• Matuto tungkol sa wastong pangangalaga ng damit, pati na pag-lalaba, pagpaplantsa, at pagsusulsi ng mga simpleng sira at pagba-bago ng istilo ng damit. Gamitin ang mga kasanayang natutuhan mo sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa mga damit mo.

43

• Sa tulong ng iyong ina, lola, o isang babae sa iyong ward o branch, magpakahusay sa isang kasanayan sa pangangasiwa ng tahanan na itinuturo niya sa iyo.

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

44

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa kaalaman):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

45

Pagpili at Pananagutan

Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; . . . nguni’t sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod

kami sa Panginoon ( Josue 24:15 ).

Pipiliin ko ang mabuti sa halip na masama at tatanggapin ang pananagutan sa

aking mga pagpili.

46

Pagpili at Pananagutan MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Ang isang anak na babae ng Diyos ay makagagawa ng matatalinong desisyon at makalulutas ng mga problema. Basahin ang 1 Nephi 15:8 ; 2 Nephi 32:3 ; Alma 34:19–27 ; Eter 2–3 ; at Doktrina at mga Tipan 9:7–9 . Magkaroon ng regular na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at panala-ngin upang tumanggap ng tulong sa paggawa ng mga per-sonal na desisyon tulad ng pagpili ng mabubuting kaibigan, kabaitan sa iba, paggising sa oras, o iba pang mga desisyon. Talakayin sa isang magulang o lider kung paano nakatu-long sa iyo ang regular na pag-aaral ng mga banal na kasu-latan at panalangin sa paggawa ng mga tamang desisyon.

 2. Basahin ang polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ilista sa iyong journal ang bawat pamantayan ng mabu-ting asal na nakabalangkas sa polyeto, at itala kung bakit mahalagang piliin na ipamuhay ang mga pamantayang iyon. Kagawiang ipamuhay ang mabubuting pamantayan sa pamamagitan ng pagpili ng tatlong pamantayang kailangan mo pang pagbutihin. Maaari mong ipasiyang maging mas mapili tungkol sa telebisyon, musika, mga aklat, o iba pang media, o maaari mo pang pagbutihin ang iyong kadisente-han, pananalita, o katapatan. Pagkaraan ng tatlong linggo ibahagi ang pag-unlad mo sa iyong pamilya, klase, o lider.

47

 3. Ang kalayaan, o ang kakayahang pumili, ay isa sa mga pina-kadakilang kaloob ng Diyos sa Kanyang mga anak. Magbasa tungkol sa kalayaan sa Josue 24:15 ; 2 Nephi 2 ; at Doktrina at mga Tipan 82:2–10 . Kasama ang isang magulang o lider, talakayin ang mga pagpapala at responsibilidad ng kalayaan. Itala sa iyong journal ang pagkaunawa mo sa kalayaan at mga ibubunga ng iyong mga pasiya at kilos.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 4. Magbasa tungkol sa pagsisisi sa Isaias 1:18 ; Alma 26:22 ; 34:30–35 ; Moroni 8:25–26 ; at Doktrina at mga Tipan 19:15–20 ; 58:42–43 . Itala sa iyong journal kung ano ang kahulugan sa iyo ng pagsisisi. Pag-aralan ang proseso ng pagsisisi, manalangin para sa patnubay, at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagsisisi.

48

 5. Tutulungan ka ng Espiritu Santo na gumawa ng mga tamang pasiya. Kasama ang isang magulang, lider, o kai-bigan, matuto pa tungkol sa Espiritu Santo sa pagbasa at pagtalakay ng Ezekiel 36:26–27 ; Juan 14:26 ; 16:13 ; Mga Taga Galacia 5:22–25 ; 2 Nephi 32:5 ; Moroni 10:4–5 ; at Doktrina at mga Tipan 11:12–14 . Pagkatapos ay itala sa iyong journal kung paano makakatulong sa iyo ang Espiritu Santo sa paggawa ng mabubuting desisyon sa buhay araw-araw. Manalangin at mamuhay nang marapat para palagi-ang makasama ang Espiritu Santo.

 6. Pag-aralan ang tema ng Young Women at ang itinuturo nito tungkol sa kung sino ka, ano ang kailangan mong gawin, at bakit mo ito kailangang gawin. Ilista sa iyong journal kung ano ang gagawin mo bawat araw tungkol sa kadisentehan, pakikipagdeyt, at media upang maging malinis ang moralidad at marapat na makapasok sa tem-plo. Itala sa iyong journal kung paano ka mapapanatiling malaya at masaya ng mga pasiyang ito.

 7. Ang paggawa ng mga pasiya ay bahagi ng plano ng Ama sa Langit para sa atin. Basahin ang Moises 4:1–4 ; 7:32 ; at 2 Nephi 9:51 . Maging matalino sa paghawak ng pera sa pamamagitan ng pagbabadyet para sa pag-iimpok at pag-gastos ng pera mo, kasama na ang pagbabayad ng ikapu. Mamuhay ayon sa badyet kahit sa loob lang ng tatlong buwan. Magtakda ng mga priyoridad para matustusan ang mahahalagang pangangailangan mo bago bigyang-kasiya-han ang mga gusto mo. Itala sa iyong journal ang natutu-han mo at kung paano patuloy na pagpapalain ang buhay mo sa pagsunod sa mga halimbawang ito.

49

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

50

Pagpili at Pananagutan PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa pagpili at pananagutan, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahalagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.• Gamit ang Para sa Lakas ng mga Kabataan at sa ilalim ng pama-

mahala ng iyong mga magulang o lider, bumuo ng o lumahok sa isang pangkatang talakayan, fashion show, o iba pang kaga-napan para matulungan ka at ang iba pang mga kabataan na piliing ipamuhay ang mga pamantayan ng Panginoon.

• Sa ilalim ng pamamahala ng iyong mga magulang o lider, tumu-long na planuhin at pamahalaan ang isang sayawan ng mga kabataan o iba pang aktibidad na nagtatampok ng pagtuturo ng angkop na pagsasayaw at nakalulugod na musika, ilaw, at kapaligiran.

• Suriin ang paggamit mo ng media at teknolohiya. Lumikha at magpatupad ng isang plano upang hindi makapasok ang di-angkop na media sa iyong tahanan. Tiyakin na ang plano mo ay naghihikayat ng nakasisiyang paggamit ng telebisyon, pelikula, musika, computer, Internet, cell phone, at iba pang uri ng media sa tahanan. Ibahagi ang ideya mo sa iyong pamilya at sa iba.

51

• Pag-aralan kung paano magbago at magsulsi ng damit habang iniaangkop mo ang mga damit mo sa mga pamantayan ng disen-teng pananamit.

• Piliing maging mas maayos sa iyong tahanan sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang proyekto sa paglilinis o pag-oorganisa. Itala sa iyong journal kung paano nakatulong ang paggawa nito sa ibang aspeto ng buhay mo.

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

52

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa pagpili at pananagutan):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

53

Mabubuting Gawa

Samakatwid hayaan na ang inyong ilaw ay magliwanag sa harapan ng mga taong ito, upang makita nila ang

inyong mabubuting gawa at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit ( 3 Nephi 12:16 ).

Tutulungan ko ang iba at itatayo ko ang kaharian sa pamamagitan ng matwid na paglilingkod.

54

Mabubuting Gawa MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Pag-aralan kung bakit pangunahing alituntunin ng ebang-helyo ang paglilingkod. Basahin ang Mateo 5:13–16 ; 25:34–40 ; Mga Taga Galacia 6:9–10 ; Santiago 1:22–27 ; Mosias 2:17 ; 4:26 ; at 3 Nephi 13:1–4 . Madalas maglingkod ang ibang tao na maaaring hindi mo napapansin, tulad ng paghahanda ng pagkain, pagbabasa o pakikinig sa mga batang musmos, pagsusulsi ng mga damit, o pagtulong sa isang kapatid. Sa loob ng dalawang linggo itala sa iyong journal ang mga di napapansing paglilingkod na ginagawa ng iyong mga kapamilya at ng iba. Purihin ang kanilang paglilingkod sa ilang makabuluhang paraan.

 2. Ang paglilingkod ay isang mahalagang alituntunin ng pamumuhay ng pamilya. Tumulong sa pagpaplano ng kaka-inin ng iyong pamilya, pagbili ng pagkain, at paghahanda ng ilang mga pagkain sa loob ng dalawang linggo. Sa pana-hong iyan tulungan ang iyong pamilya na magkasalu-salo sa oras ng pagkain. Iulat sa klase ang natutuhan mo.

55

 3. Basahin ang Mosias 18:7–10 , at ilista sa iyong journal ang tatlong paraan na maaaliw mo ang iba o mapapagaan ang kanilang mga pasanin. Gawin ang mga nasa listahan mo, at ikuwento ang karanasan sa isang kapamilya o lider at kung paano nagbago ang iyong pag-uugali at pang-unawa.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 4. Magturo ng isang aralin tungkol sa paglilingkod sa family home evening o sa ibang pagkakataon. Gumamit ng mga larawan, musika, halimbawa, o demonstrasyon sa iyong aralin. Maaari mong gamitin ang manwal na Pagtuturo, Walang Higit na Dakilang Tungkulin bilang sanggunian.

 5. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 58:26–28 . Umisip ng mga paraan na maisasagawa ng isang kabataang babae, gayundin ng isang asawa at ina, ang banal na kasulatang ito sa kanyang pamilya. Ugaliing maglingkod sa buhay mo sa pamamagitan ng pagpili ng isang kapamilyang matutulungan mo. Paglingkuran ang taong iyon kahit isang buwan lang. Itala sa iyong journal ang mga kilos at damdamin mo kung paano nito napagbuti ang pakikipag-ugnayan mo sa taong iyon.

56

 6. Gumugol ng kahit tatlong oras lang sa paglilingkod sa hindi mo kapamilya. Humingi ng mga mungkahi sa iyong ward o branch Relief Society president o sa isang lider ng komunidad kung paano ka makapaglilingkod. Halimbawa, maaari kang mag-alaga ng mga bata habang nasa templo ang mga magulang; mangolekta, gumawa, o mag-ayos ng mga laruan o laro para sa isang nursery; tumanggap ng tungkuling linisin ang meetinghouse; o gawin ang iuutos ng o basahan ang isang taong maysakit o kapansanan o ibang taong nangangailangan. Itala sa iyong journal ang mga reaskyon ng taong pinaglingkuran mo at ang mga posibleng mithiin para sa mga pagkakataong maglingkod sa hinaharap.

 7. Sa iyong mabubuting gawa, makikita ng iba ang iyong halimbawa at nanaisin nilang makaalam pa tungkol sa ebanghelyo. Ipagdasal na makapagmisyon. Basahin ang Mateo 24:14 ; 28:19 ; at Doktrina at mga Tipan 88:81 . Anyayahan ang isang kaibigang hindi miyembro ng Sim-bahan o isang taong di-gaanong aktibo na sumama sa iyo sa isang miting o aktibidad sa Simbahan. Ipakilala ang kaibigan mo sa iba, at tiyaking makalahok siya. Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa ebanghelyo, at anyayahan siyang pumunta muli.

57

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

58

Mabubuting Gawa PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalagahan na nauugnay sa mabubuting gawa, lumikha ng isang proyektong tutu-long sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging maha-lagang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.

• Tumulong na magplano at lumahok sa isang proyektong linisin at pagandahin ang iyong komunidad.

• Maghandang maging tagapangasiwa ng tahanan sa pagkolekta ng mga putahe, pamimili, at paghahanda ng pagkain para sa pamilya mo.

• Tulungan ang isang kapamilya sa pagtitipon ng mga pangalan ng ilang yumaong kamag-anak na hindi miyembro ng Simbahan. Tukuyin ang petsa ng kanilang kapanganakan at kamatayan at maghandang isumite ang pangalan nila sa templo. Tumulong na magplano ng isang temple trip at magpabinyag para sa mga kamag-anak na iyon.

• Maghandang maglingkod sa iba sa pamamagitan ng pagtanggap ng training para sa isang kasanayang magagamit sa emergency, tulad ng first aid, resuscitation, o pagliligtas ng buhay.

• Maglingkod sa iba. Magboluntaryo sa komunidad, magtipon ng mga bagay-bagay para sa pagkakawanggawa, habaan ang oras sa pagtulong sa pag-aalaga ng isang bata o matanda, o magturo sa paaralan o sa iyong komunidad.

59

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

4.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

60

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa mabubuting gawa):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

61

Integridad

Hanggang sa ako’y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking [integridad] ( Job 27:5 ).

Magkakaroon ako ng katapangang moral na iangkop ang aking mga kilos sa kaalaman

ko tungkol sa tama at mali.

62

Integridad MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na tatlong karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Ang integridad ay kahandaan at hangaring ipamuhay ang ating mga paniniwala at pamantayan. Basahin ang Moroni 10:30–33 at pag-isipan ang kahulugan ng “pagka-itan ang inyong sarili ng lahat ng kasamaan.” Basahin ang polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan . Pag-isipan kung paano naiiba ang mga pamantayan ng Panginoon sa mga pamantayan ng mundo. Itala sa iyong journal ang angkop na mga pamantayan sa pagkilos, pananamit, at pakikipag-usap, gayon din sa literatura, mga pelikula, telebisyon, Internet, musika, mga cell phone, at iba pang media. Isulat din ang plano mo para manatiling malinis ang moralidad at karapat-dapat na dumalo sa templo. Matapos sundin ang mga pamantayan mo nang kahit isang buwan lang, itala sa iyong journal ang damdamin mo at patuloy na tuparin ang pangako mo.

 2. Magsagawa ng pagsusuri ng sarili mong integridad. Ita-nong sa sarili ang mga sumusunod: Umiiwas ba ako sa tsismis, di-angkop na mga biro, paglapastangan at pagmu-mura, at mababaw na pagturing sa mga sagradong paksa? Ako ba ay nagsasabi ng buong katotohanan, malinis ang moralidad, tapat, maaasahan, at mapagkakatiwalaan sa gawain ko sa paaralan at sa iba pang mga aktibidad?

63

Manalangin araw-araw na bigyan ka ng lakas at patnubay ng Espiritu Santo para matulungan kang mamuhay nang may integridad. Isulat sa iyong journal ang mga bagay na magagawa mo upang mapagbuti ang sarili mong integridad at kahit isang bagong gawi lang na nais mong mapagbuti.

 3. Ang Tagapagligtas ang perpektong halimbawa ng inte-gridad; ginawa Niya ang ipinangako Niya sa Ama na gagawin Niya. Basahin ang 3 Nephi 11:10–11 . Pag-aralan ang buhay ng ibang mga tao sa mga banal na kasulatan na namuhay nang may integridad. Basahin ang Genesis 39 ; ang aklat ni Esther; Job 2:3 ; 27:3–6 ; Daniel 3 at 6; Mga Gawa 26 ; Doktrina at mga Tipan 124:15 ; at Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–25 . Sa iyong journal tukuyin kung paano nagpamalas ng integridad ang mga taong ito. Isipin kung kailan ka nagkaroon ng tapang na magpakita ng integridad, lalo na kapag hindi ito madali o popular. Ibahagi ang iyong karanasan at damdamin tungkol dito sa isang testimony meeting o aralin o sa isang magulang o lider.

MGA KARAGDAGANG KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

Kumumpleto ng tatlong karagdagang karanasan sa pinahahalagahan. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga opsyon o sumulat ng hang-gang dalawa na sariling iyo. Kailangang sang-ayunan ng iyong magu-lang o lider ang mga isinulat mo mismo bago ka magsimula. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

64

 4. Hanapin ang salitang integridad sa diksyunaryo. Interbyu-hin ang iyong ina, lola, o isa pang babaeng iginagalang mo tungkol sa pagkaunawa at pag-angkop niya sa salita. Ilista ang mga paraan na maiaangkop mo ang iyong mga gawain sa iyong kaalaman tungkol sa tama at mali, at itala sa iyong journal ang kahulugan sa iyo ng magkaroon ng integridad.

 5. Matuto tungkol sa pagtayo bilang saksi. Basahin ang Mosias 18:9 . Pagkatapos ay itala sa iyong journal kung paano ka maaaring “tumayo bilang [isang saksi] ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar.” Pumili ng isang personal na pag-uugaling kaila-ngan mong pagbutihin para maging mas mabuti kang halimbawa. Magkaroon ng integridad sa buhay mo habang sinasanay mo ang bago mong pag-uugali sa loob ng tatlong linggo. Itala sa iyong journal ang iyong pag-unlad.

 6. Ang pamumuhay ng batas ng ayuno ay isang pagkaka-taong magpakita ng integridad. Sa takdang Linggo ng ayuno, huwag kumain at uminom sa dalawang mag-kasunod na kainan at mag-ambag sa handog-ayuno ng iyong pamilya. Magkaroon ng isang partikular na layunin habang nag-aayuno. Maaari kang mag-ayuno para sa isang kaibigang maysakit, para madaig ang isang masamang gawi, para magtamo ng espesyal na pagpapala para sa iyong sarili o sa ibang tao, o para magpasalamat. Simulan at tapusin ang iyong ayuno sa panalangin.

65

 7. Ilista ang mga isyu, kalakaran, at problemang nagpa-pabuway sa pamilya. Basahin ang mensahe ng Unang Panguluhan sa pahina 1 ng aklat na ito, “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (tingnan sa pahina 101), at ang bahagi tungkol sa pamilya sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Pagkatapos ay saliksikin sa mga magasin ng Simbahan ang payo ng mga sinang-ayunan natin bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Isulat sa iyong journal ang plano mong patatagin ang iyong pamilya sa kasalukuyan at ang mga pinahahalagahan at tradisyong gusto mong pasimulan sa magiging pamilya mo.

MGA PANSARILING KARANASAN SA PINAHAHALAGAHAN

 8.

 9.

66

Integridad PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Matapos mong makumpleto ang anim na karanasan sa pinahahalaga-han na nauugnay sa integridad, lumikha ng isang proyektong tutulong sa iyo na magawa ang natutuhan mo. Dapat itong maging mahala-gang pagsisikap na gugugulan ng di kukulangin sa sampung oras para makumpleto. Mapanalanging hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo upang makapili ng makabuluhang proyekto.

Pasang-ayunan ang proyekto sa iyong magulang o lider bago ka mag-simula. Sumulat ng ebalwasyon kapag natapos ka na. Nasa ibaba ang ilang ideya para sa proyekto sa pinahahalagahan.• Magtala ng mga halimbawa kung paano nagpamalas ng integri-

dad ang mga kapamilya sa buhay nila.• Ang pagkakaroon ng integridad ay pagtupad sa iyong mga

pangako. Tukuyin at tuparin ang iyong mga pangako sa iba sa paglahok mo bilang miyembro ng isang team o organisasyon o sa isang posisyon sa pamunuan sa iyong paaralan o komunidad.

• Gamit ang I Kay Timoteo 4:12 bilang gabay mo, mag-organisa o magsagawa ng isang aktibidad na tutulong sa iyo na makaga-wiang maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.”

• Kailangan ang integridad sa paggawa at pagtupad ng mga tipan sa templo. Maghandang gumawa ng mga tipan sa templo sa pamamagitan ng pagtatahi at pagsusuot ng isang damit na tugma sa mga pamantayan ng disenteng pananamit ayon sa paliwanag sa polyetong Para sa Lakas ng mga Kabataan at sa mga salita ng mga buhay na propeta.

• Sa mga mensahe ng mga General Authority, magsaliksik ng mga paksa tungkol sa integridad at katapatan. Alamin kung bakit napakahalaga ng mga alituntuning ito sa iyong

67

kaligayahan at paghahanda para sa templo. Lumikha ng isang bagay (tulad ng isang larawan, isang aklat ng mga sipi, o isang bagay na tahing-kamay) na magpapaalala sa pangako mo bawat araw na maging tapat at totoo sa lahat ng oras at makilala ka dahil sa iyong personal na integridad.

Ang proyekto ko ay:

Ang plano ko para maisagawa ang aking proyekto ay:

1.

2.

3.

Pagsang-ayon Tinatayang petsa ng pagkumpleto

68

Ang ebalwasyon ko sa proyekto ay (isama kung ano ang nadama mo at paano naragdagan ang pagkaunawa mo sa integridad):

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

69

Kabanalan

Isang mabait na babae sinong makakasumpong? sapagka’t ang kaniyang halaga ay higit na makapupo

kay sa mga rubi ( Mga Kawikaan 31:10 ).

Maghahanda akong pumasok sa templo at mananatiling dalisay at karapat-dapat.

Ang aking kaisipan at mga kilos ay ibabatay sa matataas na pamantayan ng kagandahang-asal.

70

Kabanalan MGA KARANASAN

SA PINAHAHALAGAHAN NA KAILANGANG GAWIN

Kumpletuhin ang sumusunod na apat na karanasan sa pinahahalagahan na kailangang gawin. Palagdaan at palagyan ng petsa sa iyong magulang o lider ang bawat karanasang natapos mo.

 1. Ang kabanalan ay daloy ng isipan at pag-uugali batay samatataas na pamantayan ng kagandahang-asal. Kabilang dito ang kalinisang-puri at kadalisayan. Ang kapangyarihang lumikha ng mortal na buhay ay isang dakilang kapangyari-hang ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga anak. Iniutos Niya na gamitin lamang ang kapangyarihang ito sa pagitan ng isang lalaki at isang babae, na ikinasal ayon sa batas bilang mag-asawa. Pag-aralan ang kahulugan at kahalagahan ng kalinisang-puri at kabanalan sa pagbasa ng Jacob 2:28 ; “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ting-nan sa pahina 101); at ang bahagi tungkol sa kadalisayang seksuwal sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Basahin din ang ika-labintatlong Saligan ng Pananampalataya at ang Mga Kawikaan 31:10–31 . Sa iyong journal isulat ang ipinanga-kong mga pagpapala ng kalinisan at kadalisayang seksuwal at ng iyong tapat na pangakong maging malinis ang puri.

 2. Sa pamamagitan ng banal na pamumuhay “sa lahat ngpanahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar,” magi-ging karapat-dapat kang laging makasama ang Espiritu Santo. Nang mabinyagan ka at makumpirma, ibinigay sa iyo ang kaloob na Espiritu Santo upang gumabay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Yamang hindi nananahan ang Espiritu Santo sa maruruming tabernakulo, kailangan ang

71

banal na pamumuhay para makasama ang Espiritu Santo at matanggap ang mga pagpapala ng mga ordenansa sa tem-plo. Basahin ang sumusunod na mga reperensya sa banal na kasulatan at tukuyin ang mga ipinangakong pagpapala: Juan 14:26–27 ; 15:26 ; 2 Nephi 32:1–5 ; at Doktrina at mga Tipan 45:57–59 ; 88:3–4 ; 121:45–46 . Sa iyong journal itala ang natutuhan mo, at isulat ang isang pagkakataon na nadama mo ang patnubay ng Espiritu Santo.

 3. Maghandang maging karapat-dapat na pumasok sa templo at makibahagi sa mga ordenansa sa templo. Basahin ang Alma kabanata 5. Ilista ang mga itinatanong ni Alma. Sagu-tin ang mga tanong sa iyong sarili, at ilista ang mga bagay na magagawa at gagawin mo upang maihanda ang iyong sarili na maging dalisay at marapat na pumasok sa templo at tang-gapin ang lahat ng pagpapalang ipinangako ng ating Ama sa Langit sa Kanyang minamahal na mga anak na babae.

 4. Dahil mahal ka ng Tagapagligtas at ibinigay ang Kanyang buhay para sa iyo, maaari kang magsisi. Ang pagsisisi ay pagsampalataya kay Jesucristo. Basahin ang Moroni 10:32–33 , ang aklat ni Enos, at ang bahagi tungkol sa pagsisisi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Dahil sa nag-babayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas maaaring mapatawad ang iyong mga kasalanan. Basahin ang mga panalangin sa sacrament sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79 . Magpasiyang maging karapat-dapat na tumanggap ng sacrament linggu-linggo at punuin ang iyong buhay ng mga banal na gawaing magdudulot ng espirituwal na lakas. Sa paggawa mo nito, lalong lalakas ang kakayahan mong labanan ang tukso, sundin ang mga kautusan, at maging higit na katulad ni Jesucristo. Magpasiya kung ano ang maaari mong gawin araw-araw upang manatiling dalisay at karapat-dapat, at isulat sa iyong journal ang plano mo.

72

Kabanalan PROYEKTO SA PINAHAHALAGAHAN

Masisimulan mo kahit kailan ang proyektong ito sa pinahahalagahan na kailangang gawin.

Pinili ng Tagapagligtas na mamuhay nang banal. Sundin ang Kanyang payo na “matuto ka sa akin” ( D at T 19:23 ) sa pamama-gitan ng pagbabasa ng buong Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo. Ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa iyong buhay at mga kalagayan. Habang nagbabasa, regular na itala sa iyong journal ang mga naiisip mo. Isulat ang halimbawa ng Tagapag-ligtas. Ano ang ginawa Niya at ng mga sumunod sa Kanya upang makapamuhay nang banal? Pagkatapos mong magbasa, itala ang iyong patotoo.

“Sinabi ko sa mga kapatid na ang Aklat ni Mormon ang pina-katumpak sa anumang aklat sa mundo, at ang saligang bato ng ating relihiyon, at ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin nito, nang higit kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat” (Joseph Smith, sa pambungad sa Aklat ni Mormon).

73

ANG AKING PATOTOO TUNGKOL SA AKLAT NI MORMON

“At kapag inyong matanggap ang mga bagay na ito, ipinapayo ko sa inyo na itanong ninyo sa Diyos, ang Amang Walang Hang-gan, sa pangalan ni Cristo, kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo; at kung kayo ay magtatanong nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” ( Moroni 10:4 ).

74

Lagda ng magulang o lider

Petsa Ginugol na oras

75

“Bigyan ninyo ako ng isang kabataang babaeng nagmamahal sa tahanan at pamilya, nagbabasa at nagninilay-nilay ng mga banal na kasulatan araw-araw, may nag-aalab na

patotoo sa Aklat ni Mormon. Bigyan ninyo ako ng isang kabataang babaeng tapat na dumadalo sa kanyang mga miting sa simbahan, nagtapos sa seminary, nagtamo ng kanyang Gawad na

Pagkilala sa Pagdadalaga at may pagmamalaking isinusuot ito! Bigyan ninyo ako ng isang kabataang babaeng banal at napanatili ang kanyang sariling kadalisayan, hindi mapanatag na hindi makasal

sa templo, at bibigyan ko kayo ng isang kabataang babaeng gagawa ng mga himala para sa Panginoon

ngayon at sa buong kawalang-hanggan.”

Pangulong Ezra Taft Benson Ika-13 Pangulo ng Simbahan, 1985–94

(“To the Young Women of the Church,” Ensign, Nob. 1986, 84)

76

PAGKILALA SA PAGDADALAGA

Kapag natapos mo na ang programa sa Pansariling Pag-unlad, maaari mo nang matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Para matanggap ang gawad na ito:• Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).• Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga

Kabataan. • Kumpletuhin ang mga karanasan at ang proyekto sa pinahaha-

lagahan para sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.• Sumulat ng sariling journal.• Dumalo sa seminary o lumahok sa sariling pag-aaral ng institute

(kung saan mayroon).• Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.• Itala ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang gawad na ito ay kinikilala ang iyong pagkamarapat at pag-kumpleto ng lahat ng kailangang gawin sa Pansariling Pag-unlad. Bilang tatanggap ng gawad, ipinapakita mo na nagkaroon ka na ng huwaran ng pag-unlad sa iyong buhay. Handa ka nang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan sa templo. Tapat ang pangako mong sundin ang mga kautusan, maglingkod sa iba, at pagyama-nin at ibahagi ang iyong mga kaloob at talento. Magsisikap kang patatagin ang tahanan at pamilya. Ang Pagkilala sa Pagdadalaga ay maaaring ibigay sa sacrament meeting. Matapos mong matanggap ang gawad, dapat ay patuloy mong ipamuhay nang tapat ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. Isagawa ang natutuhan mo habang patuloy kang naghahandang gumawa ng mga sagradong pakikipagtipan sa Ama sa Langit sa templo. Matatamasa mo ang galak at kaligayahan sa paggawa nito.

77

TALAAN NG PANSARILING PAG-UNLAD

Pana

nam

pala

taya

Bana

l na K

atan

gian

Kaha

laga

han

ng

Saril

i

Kaal

aman

Pagp

ili at

Pa

nana

guta

n

Mab

ubut

ing G

awa

Inte

grid

ad

Kaba

nala

n

Karanasan sa Pinahahalagahan

Karanasan sa Pinahahalagahan

Karanasan sa Pinahahalagahan

Karanasan sa Pinahahalagahan

Karanasan sa Pinahahalagahan

Karanasan sa Pinahahalagahan

Proyekto sa Pinahahalagahan

Pagkilala sa Pagdadalaga Petsa

Sa mga kahon sa itaas, isulat ang bilang ng bawat karanasang nakumpleto mo.

78

NAGAWA SA PINAHAHALAGAHAN SA PANSARILING PAG-UNLAD

Kapag nakumpleto mo ang mga karanasan at ang proyekto sa pina-hahalagahan para sa bawat pinahahalagahan ng Young Women, tatanggap ka ng isang sagisag at isang ribbon na ilalagay sa mga

banal na kasulatan. Ilagay ang sagisag sa angkop na lugar sa ibaba.

Pananampalataya Banal na Katangian

Kahalagahan ng Sarili

Kaalaman Pagpili at Pananagutan

Mabubuting Gawa

Integridad Kabanalan

79

ANG AKING PATOTOO

Ngayong handa ka nang tumanggap ng Pagkilala sa Pagdadalaga, itala ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si

Jesucristo at sa Kanyang Simbahan.

80

81

Pagtatapos sa Pansariling Pag-unlad

Natapos ko na ang mga kailangang gawin para matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Habang patuloy akong umuunlad,

susundin ko ang mga kautusan, maglilingkod ako sa iba, at pagyayamanin at ibabahagi ko ang aking mga kaloob at talento.

Sa paggawa nito, magiging handa akong patatagin ang aking tahanan at pamilya at magiging marapat at handang

tumanggap ng mga ordenansa sa templo.

Lagda ng kabataang babae

Petsa

82

Pangalan

ay tapat na nakumpleto ang lahat ng kailangang gawin upang matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Tinutupad niya ang kanyang tapat na pangakong ipamuhay ang mga

kautusan at pamantayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ayon sa nakasaad sa Para sa Lakas

ng mga Kabataan. Napalakas niya ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo at patotoo sa Kanyang ebanghelyo. Tapat siyang

nangangako na tutuparin ang kanyang mga tipan sa binyag at naghahandang gumawa ng mga sagradong tipan sa templo.

Lagda ng bishop o branch president

Petsa

Rekomendasyon para sa Pagkilala sa Pagdadalaga

Si

83

ANO ANG GAGAWIN KO KAPAG NAGKUKUMPLETO AKO NG PANSARILING PAG-UNLAD?

Ang pagtatapos sa programa sa Pansariling pag-unlad ay isang makabuluhang hakbang sa pagpapalakas ng iyong pananampala-taya at patotoo at paghahanda para sa mga tipan sa templo. Natuto kang gumawa ng mga tapat na pangako, tuparin ang mga ito, at iulat ang iyong pag-unlad. Dapat ituloy ang prosesong ito habang nananatili ka sa landas patungo sa templo at patuloy mong pinag-yayaman ang mga katangiang tutulong sa iyo habambuhay. Maaari mong ituloy ang iyong pag-unlad sa pagtatamo ng Honor Bee o pagsisimulang muli ng Pansariling Pag-unlad.

Magtamo ng Honor Bee Magtamo ng Honor Bee Ang Honor Bee charm ayon sa kasaysayan ay ibinigay sa mga kabataang babaeng handang gumawa ng higit pa kaysa kailangang gawin. Upang patuloy na umun-lad, maaari kang magtamo ng Honor Bee para maisama

sa iyong medalyon sa Pagkilala sa Pagdadalaga. Maaari kang mag-tamo ng Honor Bee charm matapos magkumpleto ng dalawang sumusunod na kailangang gawin:

 1. Muling basahin ang Aklat ni Mormon. Ang araw-araw na gawing mag-aral ng mga banal na kasulatan ay mag-papalakas sa iyong pananampalataya at tutulungan kang tumanggap ng personal na inspirasyon at patnubay habambuhay. Kung magbabasa ka kahit limang minuto lang sa isang araw, matatapos mo ang buong Aklat ni Mormon sa isang taon.

 2. Maglingkod sa iba sa loob ng kabuuang 40 oras. Kung saan maaari, ang ilan sa mga oras na ito ay dapat kabila-ngan ng pagtuturo sa isa pang kabataang babae sa kanyang

84

Pansariling Pag-unlad. Dapat itong gawin sa ilalim ng pamamahala ng ward o branch Young Women presidency. Habang tinutulungan mo ang isa pang kabataang babae, maaari mo siyang:• Kaibiganin.• Pakitaan ng halimbawa ng isang matwid na anak

ng Diyos.• Hikayating magpatulong sa kanyang mga magulang

sa pagpili ng angkop na mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.

• Tulungang gawin ang kanyang mga karanasan at pro-yekto sa pinahahalagahan.

• Tulungang magtala ng mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.

• Tulungang unawain ang mga alituntunin ng ebang-helyo na itinuturo ng mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan.

• Hikayating basahin ang Aklat ni Mormon, at talakayin sa kanya ang nabasa niya.

• Hikayating magbahagi ng mga karanasan at proyekto sa pinahahalagahan sa kanyang pamilya.

Simulang Muli ang Pansariling Pag-unlad Maaari mong simulang muli ang buong programa sa Pansariling Pag-unlad at tamuhin ang ikalawang medalyon sa Pagkilala ng Pagdadalaga.

PARA SA MGA MAGULANG AT LIDER

86

BUOD PARA SA MGA MAGULANG AT LIDER

Layunin ng Pansariling Pag-unlad Ang Pansariling Pag-unlad ng Young Women ay isang programa ng tagumpay na nilayon upang tulungan ang mga kabataang babae na:• Palakasin ang kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo.• Patatagin ang kanilang pamilya sa kasalukuyan at magiging

pamilya sa hinaharap.• Maghandang maging marapat na gumawa at tumupad ng mga

sagradong tipan sa templo.• Maghanda para sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa

hinaharap. Nagpapatulong ang mga kabataang babae sa kanilang mga magulang, lider ng Young Women, at iba pang mga ulirang babae na magtakda at magsagawa ng mga mithiin batay sa walong pinahahalagahan ng Young Women. Ang Pansariling Pag-unlad ay makakatulong sa mga magulang at lider na mapaganda ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kabataang babae habang sama-sama silang nagsisikap.

Mga Responsibilidad ng mga Magulang at Lider ng Young Women Ipaalam ang Programa Kinakausap ng mga lider ng Young Women ang bawat kabataang babaeng pumapasok sa programang Young Women at ang mga magulang nito. Maaari ding dumalo ang isang miyembro ng class presidency ng kabataang babae. Binibigyan ng mga lider ang kabataang babae ng isang aklat ng Pansariling Pag-unlad ng Young Women , isang journal ng Pansariling Pag-unlad, at pendant na sulo ng Young Women. Ipinaliliwanag nila ang programa sa kanya at hinihikayat ang mga magulang na tulungan ang kanilang anak sa

87

pagpili at pagkumpleto ng mga karanasan at proyekto sa Pansariling Pag-unlad. Dapat ding anyayahan ng mga lider ang mga magulang sa lahat ng espesyal na kaganapang nilalahukan ng kanilang anak.

Tiyaking Sapat ang Suporta Kailangan ng isang kabataang babae ang suporta at regular na panghihikayat sa pagkumpleto ng Pansariling Pag-unlad. Maaari itong manggaling sa mga magulang, lider, iba pang mga adult, at nakatatandang mga kabataang babae na nakatapos na ng Pansari-ling Pag-unlad. Kung hindi gaanong natutulungan ang kabataang babae sa bahay sa pagkumpleto ng Pansariling Pag-unlad, maaaring anyayahan ang isa pang miyembrong babae na turuan at tulungan siya, matapos sumangguni sa mga lider ng priesthood. Maaaring sang-ayunan ng miyembrong babaeng adult na ito ang mga karana-san at proyekto sa pinahahalagahan at lagdaan ang aklat ng Pan-sariling Pag-unlad ng kabataang babae kapag nakumpleto na ang mga ito. Maaari ding anyayahang tumulong at maghikayat ang isa pang kabataang babae na nakatapos na ng Pansariling Pag-unlad.

Itala at Kilalanin ang Pag-unlad Ang mga magulang at lider ay naglalaan ng regular na mga pagka-kataong maiulat ng mga kabataang babae ang kanilang pag-unlad. Kapag regular na nag-uulat ang isang kabataang babae, naisa-salaysay niya ang kanyang mga pagsisikap at naibabahagi kung ano ang kanyang natutuhan at paano napalakas ang kanyang patotoo. Ang mga magulang at lider ay kinikilala ang kanyang mga nagawa, pinagtitibay ang kanyang pagkaunawa at pag-angkop sa mga alituntunin ng ebanghelyo, at hinihikayat siyang patuloy na umunlad. Makakatulong ang kanilang mga pag-uusap sa pagka-karoon ng magigiliw na pag-uugnayan.

Mga Responsibilidad ng mga Lider ng Priesthood Kapag natapos ng isang kabataang babae ang buong programa sa Pansariling Pag-unlad, iniinterbyu siya ng bishop, gamit ang mga

88

pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan bilang gabay. Tinitiyak nitong dumadalo siya sa sacrament meeting, lumalahok sa seminary, at nagbabasa ng Aklat ni Mormon. Maaari itong maging bahagi ng interbyu sa kanya bawat taon o tuwing ika-anim na buwan. Ipinapa-siya ng bishop ang pagkamarapat ng kabataang babae na matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga at nilalagdaan ang kanyang aklat ng Pansariling Pag-unlad upang kilalanin ang pagkumpleto niya ng mga kailangang gawin. Maaari niyang ibigay dito ang Pagkilala sa Pagda-dalaga sa sacrament meeting o sa iba pang miting. Ang tagumpay ng isang kabataang babae sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding kilalanin sa pagtanggap niya ng kanyang mga serti-piko sa Beehive, Mia Maid, at Laurel kapag lilipat na siya ng klase. Maaaring gamitin ng mga miyembro ng bishopric ang kanilang mga interbyu sa mga kabataang babae upang kilalanin at hikayatin ang pag-unlad ng bawat kabataang babae. Ang Talaan ng Pagsubaybay sa Pansariling Pag-unlad ng Young Women para sa mga Lider, na ginagawa ng Young Women presidency, ay maaaring makatulong sa pag-interbyu ng mga miyembro ng bishopric. Dapat tanungin nang regular ng mga stake president ang mga bishop tungkol sa kapaka-nan at pag-unlad ng mga kabataang babae sa kanilang ward.

Mga Tagubilin Ang mga mithiin at kailangang gawin sa programa ay nakabalang-kas sa harapan ng aklat na ito. Ang sumusunod na mga karagda-gang tagubilin ay maaaring makatulong sa mga lider.

Mga Karanasan sa Pinahahalagahan• Maaaring gawin ng isang kabataang babae ang mga pinahahala-

gahan sa anumang pagkakasunud-sunod.• Maliban sa pinahahalagahang kabanalan, hinihikayat ang mga

kabataang babae na kumpletuhin ang mga karanasan sa pina-hahalagahan na kailangang gawin bago gawin ang proyekto sa pinahahalagahang iyon.

89

Mga Proyekto sa Pinahahalagahan• Ang isang proyekto sa pinahahalagahan ay nilayon upang tulu-

ngan ang isang kabataang babae na maipamuhay ang natutuhan niya sa mga karanasan sa pinahahalagahan.

• Ang isang kabataang babae ay dapat gumugol ng di kukulangin sa sampung oras para sa bawat proyekto sa pinahahalagahan. Ang sampung oras na iyon ay hindi maaaring gamitin sa mahi-git sa isang proyekto sa pinahahalagahan.

• Maaaring magtulungan ang mga kabataang babae sa mga pro-yekto. Gayunman, ang isang kabataang babae ay dapat gumugol ng di kukulangin sa sampung oras ng sarili niyang panahon kung ginagamit niya ang proyektong iyon para isakatuparan ang kaila-ngan niyang gawin para sa sarili niyang Pansariling Pag-unlad.

• Kapag sinang-ayunan ng mga magulang o lider ng Young Women, ang mabubuting bagay na ginagawa ng mga kabataang babae sa bahay, Simbahan, paaralan, seminary, at komunidad ay maaaring magsakatuparan ng mga kailangang gawin sa Pansari-ling Pag-unlad.

Pagkumpleto sa Pansariling Pag-unlad• Kapag nakumpleto ng isang kabataang babae ang mga kaila-

ngang gawin sa Pansariling Pag-unlad bago lisanin ang Young Women, dapat siyang patulungin sa ibang mga kabataang babae na nagsisikap pang tapusin ang Pansariling Pag-unlad. Dapat din siyang hikayating magtamo ng Honor Bee o simulang muli ang programa.

• Kapag hindi pa nakukumpleto ng isang kabataang babae ang lahat ng kailangang gawin sa Pansariling Pag-unlad bago lisa-nin ang Young Women, dapat siyang hikayatin na patuloy na sikaping matanggap ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Maaaring anyayahan ang mga ina, lider, at iba pang mga ulirang babae na suportahan siya sa pagsasagawa nito.

90

Pagsubaybay at Bilis ng Paggawa• Ibinubuod sa Talaan ng Pansariling Pag-unlad, na matatagpuan

sa pahina 77 ng aklat na ito, ang nagawa ng bawat kabataang babae sa Pansariling Pag-unlad.

• Mayroon ding hiwalay na Talaan ng Pagsubaybay sa Pansariling Pag-unlad ng Young Women para sa mga Lider para masupor-tahan ang mga lider sa pagsubaybay sa pag-unlad ng bawat kabataang babae (36655 893). Magagamit ito para maalalayan kapwa ang mga lider ng Young Women at ang mga lider ng priesthood sa pagtulong at pagkilala sa bawat kabataang babae.

• Maaaring gawin ng mga kabataang babae ang programa sa Pansariling Pag-unlad ayon sa sarili nilang bilis; gayunman, inirerekomendang kumumpleto ang isang kabataang babae ng kahit isang karanasan lang sa pinahahalagahan bawat buwan at isang proyekto sa pinahahalagahan tuwing ika-anim na buwan (dalawa sa loob ng isang taon). Kung sinimulan niya itong gawin pagpasok niya ng Young Women sa edad na 12 at nagpa-tuloy ayon dito sa iminungkahing bilis ng paggawa, matatapos niya ito sa edad na 16. Sa gayon ay may dalawang taon siya para magtamo ng Honor Bee o simulang muli ang programa tulad ng mungkahi sa pahina 83.

Pagkilala sa Bawat Pag-unlad• Kapag nakumpleto ng isang kabataang babae ang mga kara-

nasan at proyekto para sa bawat pinahahalagahan, tatanggap siya ng isang sagisag (36654 893) at ng scripture ribbon na nauugnay sa pinahahalagahang iyon. Ilalagay niya ang sagisag na iyon sa pahinang Nagawa sa Pinahahalagahan sa Pansariling Pag-unlad ng kanyang aklat (pahina 78). Gagamitin niya ang ribbon bilang pananda sa kanyang mga banal na kasulatan. Ang pagkilala sa kanyang pag-unlad ay maaaring igawad sa isang miting ng Young Women.

91

• Taun-taon, sa Mahuhusay na Kabataang Babae, dapat kilalanin ang mga nagawa ng mga kabataang babae.

• Ang tagumpay ng isang kabataang babae sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding kilalanin sa pagtanggap niya ng kanyang mga sertipiko sa Beehive, Mia Maid, at Laurel kapag lilipat na siya ng klase. Ang mga sertipikong ito (Beehive, 08563 893; Mia Maid, 08565 893; Laurel, 08564 893) ay iginagawad sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Tinatanggap nila ang paglipat ng kabataang babae sa grupo ng mga kaedad niya.

Pagkilala sa Pagdadalaga • Kapag nakumpleto ng isang kabataang babae ang kanyang

gawain sa lahat ng walong pinahahalagahan at nainterbyu na siya ng bishop, tatanggapin niya ang Pagkilala sa Pagdadalaga. Ang pagkilalang ito ay binubuo ng isang sertipiko (36651 893) at isang medalyon na maaaring ginto o pilak (ginto, 08602; pilak, 08603). Maaaring ibigay ng isang miyembro ng bishopric ang Pagkilala sa Pagdadalaga sa isang sacrament meeting.

• Matapos makumpleto ang Pagkilala sa Pagdadalaga, maaaring patuloy na umunlad ang isang kabataang babae sa pagtatamo ng Honor Bee charm (ginto, 08562; pilak, 08578; tingnan sa pahina 83). Ang pagkilala sa kanyang pag-unlad ay maaaring igawad sa isang miting ng Young Women.

• Ang mga gawad at sertipiko ay maaaring makuha sa distribution center ng Simbahan gamit ang pondo ng ward, nang hindi sini-singil ang mga kabataang babae o kanilang mga magulang.

Mga Kailangang Gawin sa Pansariling Pag-unlad para sa mga Lider Ang mga lider ay hinihikayat na sabayan ang mga kabataang babae sa paggawa ng Pansariling Pag-unlad. Yaong mga lumalahok mismo sa programa sa Pansariling Pag-unlad ay mas nauunawaan ang programa at nagpapakita ng magandang halimbawang susundan

92

ng mga kabataang babae. Maaari nilang matamo ang Pagkilala sa Pagdadalaga matapos silang:• Maglingkod nang isang taon bilang lider ng Young Women.• Makakumpleto ng mga karanasan sa pinahahalagahan na kaila-

ngang gawin sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.• Makakumpleto ng tatlong proyekto sa pinahahalagahan, kabilang

na ang proyektong nauukol sa kabanalan.

Paglahok ng mga Ina Ang mga ina ay maaaring makibahagi sa mga kabataang babae sa pagtamo ng Pagkilala sa Pagdadalaga. Gagawa ang mga ina mula sa sarili nilang aklat ng Pansariling Pag-unlad at maaaring magtamo ng pagkilala kasabay ng kanilang anak. Inirerekomendang tamuhin ng anak ang kanyang pagkilala bago o kasabay ng kanyang ina. Maaari ding magkumpleto ang mga ina ng mga kailangang gawin ng kanilang mga anak, kabilang na ang:• Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).• Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. • Kumpletuhin ang mga karanasan at ang proyekto sa pinahaha-

lagahan para sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.• Sumulat ng sariling journal.• Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.• Itala ang kanyang patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Maaaring pumili ng ibang mga opsyon ang mga ina para sa mga karanasan sa pinahahalagahan na mapipiling gawin at mga pro-yekto sa pinahahalagahan mula sa kanilang mga anak. Ang mga karanasan at proyekto ay maaaring lagdaan at lagyan ng petsa ng kanilang anak, asawa, isang lider ng Young Women, o isa pang adult. Tinitiyak ng bishop na nakumpleto na ang mga kailangang gawin. Dapat makipag-ugnayan sa mga lider ng Young Women

93

at bishopric tungkol sa pagkilala at pagbili ng mga materyal sa pagkilala.

Mga Kailangang Gawin sa Pansariling Pag-unlad para sa Ibang Nais Lumahok sa Programa Maaaring lumahok at makatapos sa Pansariling Pag-unlad ang ibang kababaihang gustong gawin ito sa pamamagitan ng pag-kumpleto rin ng mga kailangang gawin ng mga kabataang babae at pagtulong sa isang kabataang babae sa isang bahagi ng kanyang Pansariling Pag-unlad. (Tingnan sa mga kailangang gawin ng mga ina sa pahina 92.)

Pagsasama ng Pansariling Pag-unlad sa mga Aralin tuwing Linggo at sa Mutual Ang pagtutulungan sa isang karanasan sa Pansariling Pag-unlad bilang bahagi ng isang aralin sa araw ng Linggo ay magbibigay ng pagkakataon sa mga lider at kabataang babae na talakayin ang mga alituntuning itinuturo at pag-aangkop nito sa buhay ng mga kabataang babae. Ang mga reperensya sa Pansariling Pag-unlad ay matatagpuan sa mga materyal sa kurikulum ng Young Women. Ang mga aktibidad sa Pansariling Pag-unlad ay maaari ding maging bahagi ng Mutual. Halimbawa, makakatulong ang lahat ng kabataang babae sa proyekto sa pinahahalagahan ng isang kabataang babae. Ang pagtutulungan sa isang proyekto ay maka-gaganyak sa mga kabataang babae na patuloy na umunlad. Ang gayong mga aktibidad ng grupo ay dapat mapanalanging planuhin at piliing mabuti upang matiyak na nananatiling personal ang programa sa Pansariling Pag-unlad para sa bawat kabataang babae.

Pag-akma sa Indibiduwal at Lokal na mga Pangangailangan Maaaring iakma ang mga karanasan at mga proyekto sa pinaha-halagahan ayon sa mga personal o lokal na kalagayan, kinawiwi-lihan, at pangangailangan kapag sinang-ayunan ng mga magulang

94

at lider. Kapag gumagawa ng anumang mga pagbabago o ekseps-yon para sa isang tao, dapat isipin ng mga lider ang epekto ng mga pagbabagong iyon sa iba pang mga kabataang babae. Matapos pag-isipang mabuti ng mga magulang at lider, maaaring iakma ang mga ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataang babaeng may kapansanan o kakaunti ang pinag-aralan, tugunan ang mga kultural o indibiduwal na pangangailangan, o tulutang makalahok ang mga kabataang babaeng hindi miyembro. Kung sumapi ang isang kabataang babae sa Simbahan o naging aktibo sa Young Women paglagpas ng 16 anyos, ang mga kaila-ngan niyang gawin para makatapos sa programa sa Pansariling Pag-unlad ay:• Dumalo nang regular sa sacrament meeting (kung saan maaari).• Ipamuhay ang mga pamantayan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan. • Kumpletuhin ang mga karanasan sa pinahahalagahan na kaila-

ngang gawin sa bawat isa sa walong pinahahalagahan. (Hindi niya kailangang kumpletuhin ang mga karanasang mapipiling gawin.)

• Kumpletuhin ang isang proyekto sa pinahahalagahan sa bawat isa sa walong pinahahalagahan.

• Dumalo sa seminary (kung saan mayroon).• Basahin nang regular ang Aklat ni Mormon.• Itala ang kanyang patotoo tungkol sa Tagapagligtas na si

Jesucristo. Ang mga kailangang gawin na ito ay maaaring angkop din sa mga kabataang babae na iba ang mga kalagayan ayon sa pasiya ng lokal na mga lider ng Young Women.

INDEKS AT MGA SANGGUNIAN

96

Pananampalataya □ Isaias 53:3–12 □ Malakias 3:8–12 □ Mateo 26:26–28 □ Marcos 14:22–24 □ Lucas 22:17–20 □ Juan 3:16–17 □ Mga Taga Roma 5 □ I Mga Taga

Corinto 15:22 □ Sa Mga Hebreo 11 □ Apocalipsis 12:7–9 □ 2 Nephi 9:1–28 □ 2 Nephi 11:4–7 □ Alma 7:11–13 □ Alma 32:17–43 □ Alma 34:8–17 □ Alma 56:45–48 □ Alma 57:21 □ Eter 12:6–22 □ D at T 19:15–20

□ D at T 76:50–113 □ D at T 93:33–34 □ D at T 119 □ Moises 4:1–4 □ Abraham 3:24–27 □ Joseph Smith—

Kasaysayan 1:11–20

Banal na Katangian □ Mga Kawikaan

31:10–31 □ Mateo 5:9 □ Lucas 2:40–51 □ Juan 6:38 □ Juan 15:12 □ Mga Taga Galacia

5:22–23 □ Mga Taga Colosas

3:12–17 □ II Ni Pedro 1 □ I Ni Juan 4:21 □ Alma 7:23–24

□ Moroni 7:44–48 □ D at T 20:77, 79 □ D at T 38:27 □ D at T 121:45

Kahalagahan ng Sarili □ Mga Awit 8:4–6 □ Jeremias 1:5 □ Juan 13:34 □ I Mga Taga

Corinto 12:4–12 □ I Mga Taga

Corinto 13 □ Moroni 7:12–13 □ Moroni 10:8–18 □ D at T 18:10 □ D at T 46:11–26 □ D at T 88:119 □ D at T 121:45 □ Abraham 3:22–23 □ Joseph Smith—

Kasaysayan 1:1–20

INDEKS NG MGA BANAL NA KASULATAN

Marami kang babasahin sa mga banal na kasulatang ito sa pag-kumpleto ng iyong mga karanasan at mga proyekto sa pinahahala-gahan. Hinihikayat ka naming markahan ang lahat ng ito at isulat ang kaugnay na pinahahalagahan ng Young Women sa iyong mga banal na kasulatan. Maaari mo ring isulat yaong mga talata na bahagi ng seminary scripture mastery.

97

Kaalaman □ Mga Kawikaan 1:5 □ Mga Kawikaan 4:7 □ Mateo 25:14–30 □ 2 Nephi 28:30 □ D at T 88:78–80 □ D at T 88:118 □ D at T 90:15 □ D at T 130:18–19 □ D at T 131:6 □ Mga Saligan ng

Pananampalataya 1:13

Pagpili at Pananagutan □ Josue 24:15 □ Isaias 1:18 □ Ezekiel 36:26–27 □ Juan 14:26 □ Juan 16:13 □ Mga Taga Galacia

5:22–25 □ 1 Nephi 15:8 □ 2 Nephi 2 □ 2 Nephi 9:51 □ 2 Nephi 32:3 □ 2 Nephi 32:5 □ Alma 26:22 □ Alma 34:19–27 □ Alma 34:30–35

□ Eter 2–3 □ Moroni 8:25–26 □ Moroni 10:4–5 □ D at T 9:7–9 □ D at T 11:12–14 □ D at T 19:15–20 □ D at T 58:42–43 □ D at T 82:2–10 □ Moises 4:1–4 □ Moises 7:32

Mabubuting Gawa □ Mateo 5:13–16 □ Mateo 24:14 □ Mateo 25:34–40 □ Mateo 28:19 □ Mga Taga Galacia

6:9–10 □ Santiago 1:22–27 □ Mosias 2:17 □ Mosias 4:26 □ Mosias 18:7–10 □ 3 Nephi 12:16 □ 3 Nephi 13:1–4 □ D at T 58:26–28 □ D at T 88:81

Integridad □ Genesis 39 □ Esther □ Job 2:3

□ Job 27:3–6 □ Daniel 3 □ Daniel 6 □ Mga Gawa 26 □ Mosias 18:9 □ 3 Nephi 11:10–11 □ Moroni 10:30–33 □ D at T 124:15 □ Joseph Smith—

Kasaysayan 1:21–25

Kabanalan □ Mga Kawikaan

31:10–31 □ Juan 14:26–27 □ Juan 15:26 □ 2 Nephi 32:1–5 □ Jacob 2:28 □ Enos □ Alma 5 □ Moroni 10:32–33 □ D at T 20:77, 79 □ D at T 45:57–59 □ D at T 88:3–4 □ D at T 121:45–46 □ Mga Saligan ng

Pananampalataya 1:13

98

Aklat ni Mormon , 72 Anak na babae ng Diyos, mga ,

22 , 30 , 46 Araw ng Sabbath , 15

Binyag , 15 , 39 , 58 Bokasyon, mga , 34 , 39 , 42

Drama , 31 , 38

Edukasyon , 31 , 34 , 38 , 39 , 42 Espiritu Santo , 38 , 47 , 62 , 70

Family history , 18 , 31 , 34 , 58 , 66 Family home evening , 15 , 16 ,

39 , 40 , 55

Gawaing misyonero , 56 Gawang-kamay, mga , 26

Himno, mga , 39

Ikapu , 15 , 16 , 48 Isports , 34

Jesucristo , 14 , 16 , 18 , 23 , 24 , 71 , 72 , 102

Kabanalan , 70 , 71 , 72 Kadalisayan , 50 , 62 , 70 , 71 Kahinhinan , 22 Kalayaan , 46 , 47 , 48 , 55

Kalinisang-puri , 48 , 62 , 70 , 71 Kalusugan , 42 , 58 Kalusugan ng katawan , 42 Kasanayan, mga , 18 , 26 , 34 , 38 ,

39 , 40 , 42 , 50 , 55 , 58 Kasanayan sa pag-oorganisa,

mga , 26 , 42 , 50 , 66 Komunidad , 26 , 31 , 55 , 58 , 66

Mag-anak, paghahayag tungkol sa , 14 , 22 , 26 , 64 , 70 , 101

Media , 46 , 48 , 50 , 62 Moralidad , 46 , 48 , 50 , 62 , 66 , 70 Musika , 18 , 31 , 34 , 38 , 39 , 46 ,

50 , 62

Pag-aalaga ng bata , 38 , 55 , 58 Pag-aaral ng mga banal na

kasulatan , 14 , 24 , 30 , 39 , 46 , 63 , 72

Pag-aayuno , 15 , 64 Pagbabadyet , 38 , 48 Pagbabayad-sala , 16 , 23 , 71 , 102 Paggamit ng oras , 38 Paghahalaman , 18 Paghawak ng pera , 48 Pag-ibig sa Kapwa-tao , 23 , 24 ,

39 , 54

INDEKS NG MGA PAKSA

99

Pagiging babae , 22 , 26 , 31 , 38 , 42

Pagiging Disente , 46 , 48 , 50 , 66 Pagiging ina , 14 , 22 , 24 , 26 , 31 ,

38 , 42 , 55 Pagkakaibigan , 46 , 56 Pagkakaisa , 26 Paglilingkod , 26 , 34 , 54 , 55 , 58 Paglilinis , 42 , 50 , 55 , 58 Pagluluto , 38 , 54 , 58 Pagsisisi , 15 , 39 , 46 , 47 , 71 Pagsunod , 15 , 16 , 24 , 46 , 48 , 50 Pagtayo bilang saksi , 64 , 66 Pagtuturo , 14 , 16 , 26 , 34 , 40 ,

55 , 58 Pag-uugnayan ng pamilya, mga ,

23 , 26 , 31 , 54 , 55 , 64 , 66 Pamantayan, mga , 46 , 48 , 50 ,

62 , 64 , 66 , 70 , 71 Pamumuno , 50 , 58 , 66 Panalangin , 14 , 15 , 23 , 46 , 47 ,

56 , 62 , 64 , 71 Pananahi , 26 , 38 , 50 , 66

Pangangasiwa sa tahanan , 26 , 38 , 42 , 50 , 54 , 58

Para sa Lakas ng mga Kabataan , 46 , 50 , 62 , 64 , 66 , 70 , 71

Pasasalamat o utang na loob , 16 , 34 , 54 , 64

Patotoo , 14 , 16 , 56 , 63 , 64 , 72 Patriarchal blessing, mga , 30 Plano ng kaligtasan , 16 , 30 ,

47 , 48 Propeta, mga turo ng mga , 14 ,

39 , 64 , 66

Sacrament , 15 , 23 , 71 Sayaw , 31 , 38 , 50 Sining pangkultura , 18 , 31 , 34 ,

38 , 39

Tagapamayapa , 23 , 24 Talento, mga , 31 , 32 , 34 , 38 Talumpati , 31 , 38 Tema ng Young Women , 3 , 48 Templo , 31 , 48 , 58 , 62 , 66 , 71 Tipan, mga , 15 , 23 , 39 , 66

101

Kjo proklamatë u lexua nga Presidenti Gordon B. Hinkli si pjesë e mesazhit të tij në Mbledhjen e Përgjithshme të Shoqatës së Ndihmës të zhvilluar më 23 shtator 1995, në Solt Lejk Siti, Juta.

P���������� � P��� ��� K������� � D���������� A�������� �� K����� �� J��� K������� �� S���������� �� D����� �� M��������

 NE, PRESIDENCIA E PARË dhe Këshilli i Dymbëdhjetë Apostujve të Kishës së Jezu Krishtit të Shenjtorëve të Ditëve të Mëvonshme, solemnisht shpallim se martesa midis një burri dhe një gruaje shugurohet nga Perëndia dhe se familja është thelbësore në planin e Krijuesit për destinacionin e përjetshëm të fëmijëve të Tij.

TË GJITHA QENIET NJERËZORE, meshkuj dhe femra, janë krijuar sipas shëmbëlltyrës së Perëndisë. Secili është një bir ose bijë shpirtërore e dashur e prindërve qiellorë dhe, si i tillë, secili ka një natyrë dhe destinaci-on hyjnor. Gjinia është një karakteristikë thelbësore e identitetit dhe qëllimit individual të jetës para lindjes, të jetës së vdekshme dhe asaj të përjetshme.

NË MBRETËRINË PARATOKËSORE, bijtë dhe bijat shpir-tërore e njihnin dhe e adhuronin Perëndinë si Atin e tyre të Amshuar dhe e pranuan planin e Tij, me anë të të cilit fëmijët e Tij mund të merrnin një trup � zik, mund të � tonin përvojë tokësore për të përparuar drejt përsosjes dhe së fundi, mund të arrinin destinacionin e tyre hyj-nor si trashëgimtarë të jetës së përjetshme. Plani hyjnor i lumturisë bën të mundur që marrëdhëniet familjare të vazhdojnë përtej varrit. Ordinancat dhe besëlidhjet e shenjta që janë në dispozicion në tempujt e shenjtë, bëjnë të mundur që individët të kthehen në praninë e Perëndisë dhe që familjet të bashkohen përjetësisht.

URDHËRIMI I PARË që Perëndia i dha Adamit dhe Evës, ishte rreth potencialit të tyre si burrë e grua për të qenë prindër. Ne deklarojmë se urdhërimi i Perëndisë për fëmijët e Tij që të shumohen dhe të mbushin tokën, mbetet i vlefshëm. Ne më tej deklarojmë se Perëndia ka urdhëruar që fuqitë e shenjta të krijimit të jetës duhet të përdoren vetëm midis burrit dhe gruas, ligjërisht të martuar si bashkëshort e bashkëshorte.

NE DEKLAROJMË se mënyra me anë të së cilës krijohet jeta e vdekshme është caktuar dhe drejtuar nga Perë-ndia. Ne pohojmë shenjtërinë e jetës dhe rëndësinë e saj në planin e përjetshëm të Perëndisë.

BASHKËSHORTI DHE BASHKËSHORTJA kanë një për-gjegjësi solemne të duan dhe të kujdesen për njëri-tje-trin dhe për fëmijët e tyre. “Bijtë janë një trashëgimi që

vjen nga Zoti” ( Psalmi 127:3 ). Prindërit kanë një detyrë të shenjtë për të rritur fëmijët e tyre me dashuri dhe drejtësi, për të plotësuar nevojat e tyre � zike dhe shpir-tërore dhe për t’i mësuar ata ta duan e t’i shërbejnë njëri-tjetrit, të zbatojnë urdhërimet e Perëndisë dhe të jenë qytetarë që u binden ligjeve kudo që jetojnë. Ba-shkëshortët dhe bashkëshortet, nënat dhe etërit, do të mbahen përgjegjës përpara Perëndisë për plotësimin e këtyre detyrimeve.

FAMILJA shugurohet nga Perëndia. Martesa midis burrit dhe gruas është thelbësore në planin e Tij të përjetshëm. Fëmijët kanë të drejtën të linden nga prindër brenda li-dhjeve të martesës dhe të rriten nga një atë dhe një në-në të cilët i nderojnë me besnikëri të plotë besëlidhjet e martesës. Lumturia në jetën familjare është e mundur të arrihet më mirë kur bazohet në mësimet e Zotit Jezu Krisht. Martesat dhe familjet e suksesshme ngrihen dhe ruhen me parimet e besimit, lutjes, pendimit, faljes, re-spektit, dashurisë, dhembshurisë, punës dhe aktiviteteve të shëndosha argëtuese. Nëpërmjet planit hyjnor, etërit duhet të kryesojnë familjet e tyre me dashuri e drejtësi dhe janë përgjegjës për të siguruar gjërat e nevojshme për jetën dhe mbrojtjen për familjet e tyre. Nënat janë krye-sisht përgjegjëse për edukimin e fëmijëve të tyre. Në këto përgjegjësi të shenjta, etërit dhe nënat kanë detyrim të ndihmojnë njëri-tjetrin si partnerë të barabartë. Paaftësia, vdekja ose rrethana të tjera mund të bëjnë të nevojshme përshtatjen ose ndryshimin e këtyre roleve. Të afërm të tjerë duhet të ndihmojnë kur është e nevojshme.

NE PARALAJMËROJMË se individët që shkelin besë-lidhjet e dëlirësisë, që abuzojnë me bashkëshorten ose fëmijët apo që dështojnë në përmbushjen e përgjegjësi-ve të tyre familjare, do të qëndrojnë një ditë përgjegjës përpara Perëndisë. Për më tepër, ne paralajmërojmë se shpërbërja e familjes do të sjellë mbi individët, komu-nitetet dhe kombet fatkeqësitë e parashikuara nga pro-fetët e lashtë dhe modernë.

NE U BËJMË THIRRJE qytetarëve dhe zyrtarëve të për-gjegjshëm të qeverive kudo që janë të nxisin ato masa të krijuara për të ruajtur dhe forcuar familjen si njësia themelore e shoqërisë.

FAMILJA NJË PROKLAMATË DREJTUAR BOTËS

Habang ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesucristo dala-wang libong taon na ang nakararaan, iniaalay namin angaming patotoo tungkol sa katotohanan ng Kanyang hindi

mapapantayang buhay at ang walang hanggang kapangyarihan ngKanyang dakilang mapagbayad-salang sakripisyo. Walang sinumanang nakapagbigay ng gayong makahulugang impluwensiya sa lahat ngnabuhay na at sa lahat ng mabubuhay pa sa mundo.

Siya ang Dakilang Jehova ng Lumang Tipan, at ang Mesiyas ngBago. Sa ilalim ng pamamahala ng Kanyang Ama, Siya ang manlilik-ha ng daigdig. “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa niya; at alin man salahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya” (Juan 1:3). Bagamansiya ay walang kasalanan, bininyagan siya upang gawin ang buongkatuwiran. Siya ay “naglilibot na gumagawa ng mabuti” (Ang mgaGawa 10:38), gayon pa man ay kinamuhian siya dahil dito. AngKanyang ebanghelyo ay mensahe ng kapayapaan at mabuting balita.Nakiusap Siya sa lahat na sumunod sa Kanyang halimbawa. Binagtasniya ang mga daan sa Palestina na nanggagamot ng maysakit, nagbi-bigay ng paningin sa bulag, at nagpapabangon ng patay. Itinuro Niyaang katotohanan tungkol sa kawalang-hanggan, at ang katotohanantungkol sa buhay natin bago tayo nabuhay sa mundo, ang layunin ngbuhay natin sa mundo, at ang potensiyal ng mga anak na lalaki atbabae ng Diyos sa buhay na darating.

Pinasimulan Niya ang sakramento bilang paalaala sa Kanyangdakilang mapagbayad-salang sakripisyo. Dinakip Siya at tinuligsabatay sa mga maling paratang, pinarusahan upang mabigyang-kasiya-han ang mga mandurumog, at hinatulan ng kamatayan sa krus ngKalbaryo. Inialay Niya ang Kanyang buhay para sa kasalanan ng lahatng sangkatauhan. Siya ang dakilang kaloob para sa lahat ng mabubu-hay sa ibabaw ng mundo.

Taimtim kaming nagpapatotoo na ang Kanyang buhay, na siyangtampulan ng buong kasaysayan ng sangkatauhan, ay hindi nagsimulasa Betlehem o nagtapos sa Kalbaryo. Siya ang Panganay ng Ama, angBugtong na Anak sa laman, ang Manunubos ng daigdig.

Nagbangon Siya sa libingan upang “maging pangunahing bungang nangatutulog” (I Mga Taga Corinto 15:20). Bilang Nabuhay naMag-uling Panginoon, dumalaw Siya sa mga taong minahal Niyanoong nabubuhay pa Siya sa lupa. Naglingkod din Siya sa Kanyang“ibang mga tupa” (Juan 10:16) sa sinaunang Amerika. Sa makaba-gong daigdig, Siya at ang Kanyang Ama ay nagpakita sa batang lala-king si Joseph Smith, upang pasimulan ang matagal nang ipinanga-kong “kaganapan ng mga panahon” (Mga Taga Efeso 1:10).

Tungkol sa Buhay na Cristo, isinulat ng Propetang Joseph: “Angkanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; ang buhok sa kanyangulo ay puti gaya ng busilak na niyebe; ang kanyang mukha ay nagni-ningning nang higit pa sa liwanag ng araw; at ang kanyang tinig aygaya ng lagaslas ng malalawak na tubig, maging ang tinig ni Jehova,na nagsasabing:

“Ako ang una at ang huli; ako ang siyang nabuhay, ako ang siyangpinaslang; ako ang inyong tagapamagitan sa Ama” (Doktrina at mgaTipan 110:3–4).

Tungkol sa Kanya ay ipinahayag rin ng Propeta: “At ngayon, mata-pos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito angpatotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sa kanya:Na siya ay buhay!

“Sapagkat siya ay aming nakita, maging sa kanang kamay ngDiyos; at aming narinig ang tinig na nagpapatotoo na siya angBugtong na Anak ng Ama—

“Na sa kanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya, ang mgadaigdig ay nililikha at nalikha, at ang mga naninirahan dito ay mgaisinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos” (Doktrina at mgaTipan 76:22–24).

Ipinahahayag namin nang taimtim na ang Kanyang pagkasaser-dote at Kanyang Simbahan ay ipinanumbalik na sa mundo na—”iti-natayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol, at ng mga prope-ta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato na panulok” (Mga TagaEfeso 2:20).

Nagpapatotoo kami na darating ang panahon na babalik Siyangmuli sa mundo. “At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag,at makikitang magkakasama ng lahat na tao” (Isaias 40:5).Mamamahala siya bilang Hari ng mga Hari at maghahari bilangPanginoon ng mga Panginoon, ang bawat tuhod ay luluhod at angbawat dila ay magpapahayag sa pagsamba sa Kanya. At bawat isa saatin ay tatayo upang hatulan Niya ayon sa ating mga gawa at naisinng ating mga puso.

Nagpapatotoo kami, bilang Kanyang marapat na inordenan namga Apostol—na si Jesus ang Buhay na Cristo, ang walang kamata-yang Anak ng Diyos. Siya ang dakilang Haring Emmanuel, na ngayonay nakatayo sa kanang kamay ng Kanyang Ama. Siya ang liwanag, angbuhay, at pag-asa ng mundo. Siya ang daan na naghahatid sa kaliga-yahan sa buhay na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na dara-ting. Salamat sa Diyos sa Kanyang walang kapantay na kaloob naKanyang banal na Anak.

ANG BUHAY NA CRISTOANG PATOTOO NG MGA APOSTOL

ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW

ANG UNANG PANGULUHAN ANG KORUM NG LABINDALAWA

Ika-1 ng Enero, 2000

103

104

105

106

Kami ay mga anak Kami ay mga anak Kami ay mga anak na babaena babaeKami ay mga anak na babaeKami ay mga anak Kami ay mga anak na babaeKami ay mga anak Kami ay mga anak na babaeKami ay mga anak na babaeKami ay mga anak

Kami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayoKami ay tatayo

Magiging handa kamiMagiging handa kamiMagiging handa kami

Kami ay mga anak

Naniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kamiNaniniwala kami

PANSARILING PAG-UNLAD NG

Young Women

PAG TAYO BI L A N G SA K SI N G DI YO S

Tumayo kayo sa mga banal na lugar, at huwag matinag, hanggang sa ang araw ng Panginoon ay dumating.

( D at T 87:8 )