4
Alin ba ang mas mahalaga, Wikang Filipino o Lingua Franca Lakandiwa: Ako’y isang lakandiwang nagbuhat pa sa Buhang Sa paaralang Buhang NHS na aking tinatangi At ngayo’y buong galing na sa inyo’y bumabati At umaasang nawa paksa’y mapaglimi Upang programa’y maging katangi-tangi. Paksang aking ilalatag pakiwari’y mahalaga Dahil pagtatalunan ng ating mga makata Kung anong wika ba ang magiging Wikang Panlahat Filipino ba na Wikang Pambansa at kilala pa O Lingua Franca na sa pagkabatay nasa labi na. Kaya’t itong lakandiwa sa inyo nag-aanyaya Ng dalawang mambibigkas Na mahusay at kilala Upang pagtalunan paksang aking itinalaga Ang hiling ko lamang ay palakpakan silang dalawa Panig na ihaharap ay suriin at magpasya. Wikang Filipino: Ako’y isang batang kay Mauel Quezon nagpupuri Naniniwalng Wikang Filipino ang minimithi Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi Lingua Franca: Ang inyong lingkod ngayon Ay nag mula pa sa malayo Sa Balagtasang ito, magiliw akong sumasamo Gamit na wikang nagmula sa kinagisnang ninuno Aking iopaglalaban, upang isasapuso Lakandiwa: Atin ng natunghayan ang dalawang maglalaban Na nanggaling pa sa bayang kanilang kinabibilangan Ang isa’y nanggaling pa sa pulo ng kabisayaan Ang magandang dalaga’y sa katagalugan naman. Wikang Filipino: Sa atin Wikang Filipino ako ay nagpupugay

Alin Ba Ang Mas Mahalaga (Balagtasan)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Balagtasan

Citation preview

Page 1: Alin Ba Ang Mas Mahalaga (Balagtasan)

Alin ba ang mas mahalaga, Wikang Filipino o Lingua Franca

Lakandiwa: Ako’y isang lakandiwang nagbuhat pa sa BuhangSa paaralang Buhang NHS na aking tinatangiAt ngayo’y buong galing na sa inyo’y bumabatiAt umaasang nawa paksa’y mapaglimiUpang programa’y maging katangi-tangi.

Paksang aking ilalatag pakiwari’y mahalagaDahil pagtatalunan ng ating mga makataKung anong wika ba ang magiging Wikang PanlahatFilipino ba na Wikang Pambansa at kilala paO Lingua Franca na sa pagkabatay nasa labi na.

Kaya’t itong lakandiwa sa inyo nag-aanyayaNg dalawang mambibigkasNa mahusay at kilalaUpang pagtalunan paksang aking itinalagaAng hiling ko lamang ay palakpakan silang dalawaPanig na ihaharap ay suriin at magpasya.

Wikang Filipino: Ako’y isang batang kay Mauel Quezon nagpupuriNaniniwalng Wikang Filipino ang minimithiLahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi

Lingua Franca: Ang inyong lingkod ngayonAy nag mula pa sa malayoSa Balagtasang ito, magiliw akong sumasamoGamit na wikang nagmula sa kinagisnang ninunoAking iopaglalaban, upang isasapuso

Lakandiwa: Atin ng natunghayan ang dalawang maglalabanNa nanggaling pa sa bayang kanilang kinabibilanganAng isa’y nanggaling pa sa pulo ng kabisayaanAng magandang dalaga’y sa katagalugan naman.

Wikang Filipino: Sa atin Wikang Filipino ako ay nagpupugayWikang ginagamit sa Luzon, Visayas at MindanaoKaya’t kilalang lahat ginagamit araw-arawKahit saan ka magpunta siya’y magsisilbing tanglaw

Wikang Filipino’y marapat na maging Wikang PanglahatIto’y pamana ni Pngulong Quezon para sa lahatSamantalang Lingua Franca sa pagkakaisa’y salatSa malalayong probinsya lamang ito’y nararapat

Page 2: Alin Ba Ang Mas Mahalaga (Balagtasan)

Lingua Franca: Dahan-dahan sa pagsasalita katunggaling gandaSapagkat nasasaktan mo ang mga taong maralitaSariling wika’y di tumutukoy sa Wikang PambansaKundi sa wikang nakagisnan at laging nasa baba

Lingua Franca ay nararapat na di kalimutanIto’y salamin ng bawat lalawiganSa likod nito’y mga paniniwala ng ‘ting kababayanSa Lingua Franca tuwid na landas ang magiging daan

Wikang Filipino: Nagkamali ka sa iyong paniniwala katunggali koAng sariling wika natin ay Wikang FilipinoSuriin ng Wikang Pambansa pa ang nagbuo nitoUpang magkaintindihan lahat ng Filipino

Lingua Franca ay hindi ko naman minamaliitIto’t atin na mula nang tayo’y isa pang paslitNgunit iilang tao ang dito’y gumagamitDi tulad ng Wikang Filipino gamit kahit nakapikit

Filipino ay marapat na maging wikang panlahatSa kalakalan, sa paaralan at maging sa simbahanKahit sa pagbabalita hindi moba nakikita?Kapag Wikang Filipino ang gamit hindi ka matutunganga

Tuwid na landas handog ng Wikang FilipinpGamit ng guro ang kanilang wikang panturoSa simbahan upang wastong aral ay matutoSa pamahalaan upang batas ay mabuo

Lingua Franca: Paano magiging panlahat ang Wikang Filipino?Kung ang mga tao ay, gumagamit ng mga dayalektoLumibot ka sa ‘ting pitong libot isang daang puloMapapatunayan mong sinasabi koy totoo

Sa paaralan, guro nga’y nagturo ng Wikang FilipinoNgunit sinasalin pa rin sa mga dayalektoSa paggawa ng batas, di ba ingles katuto ko?Di mo masasalin ang konstitusyon sa Filipino

Sa simbahan gamit ng pari ay mga dayalektoDahil kung hindi, ang mga tao’y tutunganga ritoKaya Lingua Franca wikang panlahat ng mga taoDaan sa matuwid na landas ng mga Pilipino.

Page 3: Alin Ba Ang Mas Mahalaga (Balagtasan)

Lakandiwa: Sadyang ating baya’y puno ng salin lahiSaan mang sulok may nagkakaisa’t mayGamit na unang natutuhan sa labi namutawiIto’y pinahahalagahan at hindi iwinawaksi

Ang Lingua Franca’y sumusimbolo sa mayaman nating lahiLahing Filipino’y laging angat sa anumang LipiKaya mga dayalekto’y hayaang mamutawi sa labiAting salinlahi dapat ay ating ipagbubunyi

Bagama’t ganun man ating baya’y nangangailanganIsang wikang pambansa ng magiging ating sandiganWika tungo sa pagkakaintindihanAt pambansang pagkakakilanlan kahit saan ka man

Wikang Filipino ay siyang ating wikang pambansaNararapat tangkilikin at dapat ay idambanaIto’y nagbubuklod sa mga dayalekto sa bansaUpang tayo’y magkaisa sa puso’t diwa

Ngayong inyong napakinggan ang dalawang makataMalalaman niyo na ang hatol ng lingkod niyong abaAng kanilang piniling wika kapwa ay mahalagaMaging Filipino man ang gamit o lingua francaIto’y gamit sa kaunlaran ng ating bayang sinisinta.