8
Republika ng Pilipinas PAMANTASANG NORMAL ng LEYTE Siyudad ng Tacloban Paksa : Kasaysayan ng Pagtataya at Ebalwasyon sa Pilipinas at sa Ibang Bansa Kahulugan ng Pagtataya at Ebalwasyon Ang Ebalwasyon at ang Proseso ng Pagtuturo-Pagkatuto Mga Simulain, Saklaw at mga Katangian ng Mabuting Ebalwasyon/Pagsusulit Asignatura: Pagtatayang Pangwika at Pampanitikan (Filipino 505) Taga-ulat : Ana Lou R. Roden Kurso : MAT- Fil. Propesor : Regalado P. Tupaz, Ph.D I Kasaysayan ng Pagtataya at Ebalwasyon sa Pilipinas at sa ibang Bansa A. Debelopment ng Pagtataya taon 1800 Ang pagtataya ay pinasimulan ng mga Primitive Tribes kung saan ipinakita ang tapang, tatag, lakas at tribal customs ng mga binatang lalaki para makapasok sa ranggo ng mga nakatatandang lalaki gamit ang Crude Test. Sa mga Chinese, taon 2200 B.C. gumamit sila ng pasulat na pagtataya para sa pagpili ng kanilang pampublikong opisyal. Ang ginamit nilang test ay sumukat sa kaalaman at maturasyon ng mga opisyales. B. Debelopment na Pagtataya taon 1800 hanggang sa 20 th Century Ang siyentipikong rekognasyon sa pagkakaiba-iba ng mga katangian at siyentipikong pagtataya ay pumasok sa taon ng 19 th Century. 1. Educational- arithmetic, astronomy, geography, grammar, history, natural philosophy, handwriting, spelling, mathematics at composition. 2. Mental- memory, imagination, attention, comprehension, suggestivity at esthetic appreciation. 3. Personality- questionnaire, rating scale. Ang intelligence test ay napaunlad sa mga bansang Germany, England, France at sa Amerika. 1. Germany & Expiremental Psychology (1987) Ang unang psychological na laboratory ay naisagawa sa Leipzig Germany ni Wilhelmn Wundth. Ang mga problemang napag-aralan ay tungkol sa pagiging sensitibo ng ating paningin, pandinig at sensory na mga pangyayari. (1985), si Hermann Ebbinghaus, isang German Psychologist ang nagpasimuno ng quantitative na pag-aaral tungkol sa memorya na nagkaroon ng maraming pagsusulit: a. arithmetic na pagkalkula b. memory span c. ang pagkumpleto ng pangungusap (1894), isang German Psychologists na si Kroeplin Ar Sommer ay nagsagawa ng Free-association test.

Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

Republika ng PilipinasPAMANTASANG NORMAL ng LEYTE

Siyudad ng Tacloban

Paksa : Kasaysayan ng Pagtataya at Ebalwasyon sa Pilipinas at sa Ibang BansaKahulugan ng Pagtataya at EbalwasyonAng Ebalwasyon at ang Proseso ng Pagtuturo-PagkatutoMga Simulain, Saklaw at mga Katangian ng Mabuting

Ebalwasyon/Pagsusulit

Asignatura: Pagtatayang Pangwika at Pampanitikan (Filipino 505)Taga-ulat : Ana Lou R. RodenKurso : MAT- Fil.Propesor : Regalado P. Tupaz, Ph.D

I Kasaysayan ng Pagtataya at Ebalwasyon sa Pilipinas at sa ibang Bansa

A. Debelopment ng Pagtataya taon 1800Ang pagtataya ay pinasimulan ng mga Primitive Tribes kung saan ipinakita ang tapang, tatag,

lakas at tribal customs ng mga binatang lalaki para makapasok sa ranggo ng mga nakatatandang lalaki gamit ang Crude Test.

Sa mga Chinese, taon 2200 B.C. gumamit sila ng pasulat na pagtataya para sa pagpili ng kanilang pampublikong opisyal. Ang ginamit nilang test ay sumukat sa kaalaman at maturasyon ng mga opisyales.

B. Debelopment na Pagtataya taon 1800 hanggang sa 20th CenturyAng siyentipikong rekognasyon sa pagkakaiba-iba ng mga katangian at siyentipikong pagtataya

ay pumasok sa taon ng 19th Century.

1. Educational- arithmetic, astronomy, geography, grammar, history, natural philosophy, handwriting, spelling, mathematics at composition.

2. Mental- memory, imagination, attention, comprehension, suggestivity at esthetic appreciation.

3. Personality- questionnaire, rating scale.

Ang intelligence test ay napaunlad sa mga bansang Germany, England, France at sa Amerika.

1. Germany & Expiremental Psychology (1987)Ang unang psychological na laboratory ay naisagawa sa Leipzig Germany ni Wilhelmn Wundth. Ang mga problemang napag-aralan ay tungkol sa pagiging sensitibo ng ating paningin, pandinig at sensory na mga pangyayari.

(1985), si Hermann Ebbinghaus, isang German Psychologist ang nagpasimuno ng quantitative na pag-aaral tungkol sa memorya na nagkaroon ng maraming pagsusulit:

a. arithmetic na pagkalkulab. memory spanc. ang pagkumpleto ng pangungusap

(1894), isang German Psychologists na si Kroeplin Ar Sommer ay nagsagawa ng Free-association test.

(1912), si William Stern ay nag-aaral ng mabuti sa pagkakaiba-iba ng tao batay sa Psychological Traits.

IQ(Intelligence Quotient) = MA (Mental Age) CA (Chronological Age)

2. England at Statistical MethodsStatistical Method ay isang instrument sa pag-analisa ng mga resulta ng tests na maging napakahalagang kontribusyon ng Ingles sa Ebalwasyon at Intelligence.

a. Francis Galton- isang Ingles Scientist at originator ng mga Questionnaire Method at Teorya ng Eugenics.

b. Karl Pearson- Science of Statistics, pinalawak niya ang ideya ni Galton sa pamamagitan ng kanyang “Pearson Product- Moment Coefficient of Correlation”.

c. Carl Spearman- nagkontribute sa method of correlation na tinatawag sa “Rank Correlation Coefficient on Spearman Rho”.

Page 2: Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

3. France at Abnormal PsychologyAng French ay kilala bilang liders ng Abnormal Psychology.

a. Alfred Binet- French Psychologist na nagdebelop ng paggamit ng Intelligence Test, na kung saan ang pag-iisip ay naiimpluwensyahan

ng isang Psychophysicist. Ang uri ng kanyang test ay sumusukat sa abilidad, personalidad, katangian, kaugalian, interes at iba pang aspeto ng behavior.

(1905)- Binet at Simon ay gumamit ng Intelligence Test kung saan tumatak ang appearance ng scale para sa pagsubok ng Intelligence.

(1908)- Ipinakilala ang pangalawang konsepto ng mental age.(1911)- Marami pang test ang naidagdag hanggang sa taon 1916

na naipapadala sa Estado ng Amerika at sa pamantasan ng Stanford.

b. Seguin- isang French Physician na nagpakilala ng sense training at muscle training technique. Hal. Ang Seguin Form-Board Test- ito ang ginamit para sa sensory motor training na kung saan nalalaman ang lalim ng depekto ng isang tao.

4. American and Applied Psychologya. J. Mckeen Catell- ang unang nakagamit ng salitang “mental test”. Siya ang

tinaguriang “Father of Mental Testing”.b. Dr. Edward L. Thorndike (1904)- isang American Educator at Ama ng

Educational Measurement. Nailimbag niya ang aklat tungkol sa Educational at mental measurement.

c. Kuhlman- naglimbag ng unang rebisyon ng Binet Scale. d. Lewis M. Terman ng pamantasan ng Stanford ay nagbigay ng pangkalahatang

rebisyon ng Binet Scale. Ang kanyang Scale ay naging Stanford-Binet (1916) na kung saan gumamit ng Intelligence Quotient.

e. Wechsler (1939)- naglimbag ng Wechsler Adult Intelligence Scale (WAIS)abg scale na ito ay ginamit upang masukat ang pasalita at pasulat (verbal at non-verbal Intelligence).

f. Raymund B. Catell at A.K.S (1950)-naglimbag ng isang “Culture Free Fair Intelligence Test. Ang tests ay may dalawang porma ang A at B an ang bawat porma ay may 50 item test.

g. Sufran (1960)- naglimbag ng isa pang intelligence test na Sufran Culture-reduced Intelligence Test.

C. Ang Debelopment ng Achievement Testa. Horace Mann (1845)- nakapag-impluwensya ng simula ng pasulat na pagsusulit sa paaralan

ng Boston dahil sa hindi magandang resulta ng pasalitang pagsusulit.b. Rev. George Fisher- isang Ingles Schoolmaster. Gumamit ng unang Obhektibong pagsukat

ng achievement taong 1864 “Scale Book”.c. Dr. J.M Rice-gumawa ng Comparative Test sa Amerika. Sa taong 1894 iniadminister niya

ang listahan ng mga salita para sa ispeling at sinukay ang pagkakaiba-iba ng bawat grupo.d. Cliff W. Stone (1908)- naglimbag ng unang Standardized Achievement Test sa Arithmetic.

Ang test ay kilala bilang Stone Arithmetic Test.

D. Debelopment ng Character at Personality Measurementa. Fernald (1912)- unang nakapagkalkula ng Character Test.b. Voelker (1921)- nag-imbento ng isang sitwasyon para sa pagsubok ng character.c. Symond (1921)- nakapaglimbag ng aklat na Diagnosing Personality and Conduct”.d. Scoll-Man-Ko-Man- pinakatanyag na scale sa pagsukat ng personalidad o mga katangian.e. Hermann Rorschach (1921)- nagpakilala ng multi-dimentional Test , ang Rorscharch Test”.f. Guilfordat Zimmerment (1953)- nagsagawa ng surbey para malaman ang komprehensibong

larawan ng isang tao batay sa kanyang personalidad.

Educational at Psychological Tests

1. Educational Test- pagtataya sa resulta o epekto ng instruksiyon. Hal. Achievement Test. 2. Psychological Test- pagkuha ng kabuuang resulta ng interes, attitudes, emotional

adjustment, intelligence at ability.3. Speed Test4. Power Test5. Verbal Test6. Non-verbal Test7. Standardized Test

Page 3: Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

E. Pagtataya at Ebalwasyon sa PilipinasNational College Entrance Examination (NCEE)

- Nobyembre 25, 1975- unang National College Entrance test.- Binigyan diin sa lahat ng mga magsipagtapos sa sekondarya ng DECS.- Simula noong taon 1974-1975 lahat ng estudyante na papasok sa first

year college ay kailangang magkaroon ng cut-off score bago makapag-enrol sa baccalaureate na kursong pampubliko o pribadong paaralan.

- Hiling pagtalaga ng NCEE ay noong Sept. 2, 1993.

National Secondary Assessment Test (NSAT)- Ang resulta ng NSAT ay transmuted into percentage grades at dapat

mabigyan ng equivalent of 1/5th sa Gen. Ave. ng apat na mga asignatura.

National Elementary Achievement Test (NEAT)- Aug. 31, 1993 na iadminister ang test sa lahat ng nasa ika-anim na

baiting sa mababang paaralan. Ang mga asignaturang binigyan ng test ay ang Ingles, Science, Math.

National Achievement Test (NAT)- Feb. 2003 na administer sa grade 6 at sa lahat ng first year high school.

Professional Board Examination for Teachers (PBET)- Professionalizing the teachers.- Nakapagbigay ng 18 PBET sa taon 1978 hanggang 1995.

Professional Licensure Examination for Teachers (PLET)- Aug 24 1996 unang naiadminister ang PLET ng PRC.

Kahalagahan ng Licensure Examination for Teacherso Mahalaga ito para sa mga guro. Kapag makapasa, ikaw ay isang propesyonal na guro at

may karapatan at prebilihiyo bilang isang lisensiyadong guro alinsunod sa Philipine Magna carta para sa mga pampublikong mga guro sa paaralan. Siya ay kwalipikado upang magturo sa pamahalaang kinikilala ng mga paaralan sa bansa.

II Ang Proseso ng Pagtuturo-PagkatutoAyon kay Gronlund (1981), ang ebalwasyon, pagtuturo-pagkatuto ay tatlong aspekto sa proseso

ng edukasyon upang mailahad ang tama o angkop na pangunahing layunin ng guro para makamit at maiangat ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, inaasahan na mapabilang ang ilang domeyn tulad ng intelektwal, emosyon at pisikal na maisama sa pagbabago ayon sa natutunan ng bawat mag-aaral. Dahil dito ang layunin pang-instruksiyunal ng guro ay maaaring mabago batay sa kanyang nakikita kung ano ang nararapat at kailangang gawin ng mga mag-aaral. Kasama na dito ang pagbibigay ng ibat-ibang “learning activities”upang magamit kung anuman ang natutunan ng mga mag-aaral at mas lalo itong kapaki-pakinabang at hindi madaling malilimutan.

Kabilang sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ang mga sumusunod na baryabol:1. Guro2. Kaalaman sa paksang ituturo3. Mag-aaral4. Proseso ng pagkatuto

Kalikasan ng Pagkatuto- Ito ay may kaugnayan sa permanenteng pagbabago sa kilos o ugali na

maaaring ipakita sa pamamagitan ng karanasan o pagsasanay.

Pagsasanib o integrasyon ng ebalwasyon sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ay makikita sa mga sumusunod:

1. Paghahanda ng layunin pang-instruksyunal- Ito ang unang hakbang sa pagtuturo-pagkatuto, ebalwasyon at ang

pagkatiyak ng layunin nito.- Mahalaga ang tatlong domeyn: cognitive, affective at psychomotor sa

paggawa ng layunin dahil ito’y nagsisilbing gabay sa pag-tuturo ng guro ng metodo, gawain at kagamitan pampagtuturo.

Page 4: Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

2. Pagkilala o Pagtiyak ng pagkakaiba ng bawat mag-aaral- Ito ang pagkilala ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang

interes, abilidad at karanasan upang makapagbigay at makakatulong ang sapat na impormasyon o kaalaman at gawain na maari niyang gamitan ng ilang mag-aaral.

3. Pagbibigay o paghahanda ng mga gawaing instruksiyunal upang makamit ang adhikain sa proseso o kahinaan sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

4. Pagsusuri sa layo ng naabot ng mga bata sa buong proseso. Sa kabilang dako, natatamo ng guro ang impormasyon kung nakamit ba ang layunin, mabisa ang metodong ginamit at ang mga kagamitang pampagtuturo na ginamit. Sa paraang ito, malaki ang naitutulong ng ebalwasyon sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

Dalawang Teorya na ginamit ng mga sikologo upang maipaliwanag ang pagkatuto:

1. Stimulus Response TheoryStimulus ay tumutukoy sa isang pangyayari o bagay na nararanasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pandama.

Dalawang proseso bilang tugon sa stimuli:a. Classical Conditioning- isang proseso na kung saan ang isang

kilos o pangyayari ay sinusundan ng ibang kilos bilang tugon sa pangunahing kilos.

1.a Unconditional Stimulus- isang pangyayari na naranasan bilang tugon sa paggawa ng kilos sa unang pagkakataon na walang pagsasanay.

1.b Conditional Stimulus- ginagamit sa pamamagitan ng pag-uulit na pagsasanay.

b. Operant Conditioning- isang proseso sa pamamagitan ng pagbibigay ng reinforcer upang ulit-uliting gawin ang kanais-nais na kilos o gawain.

Uri ng Reinforcer: a. Positive Reinforcement- ito’y pagbibigay ng reward para sa isang

mabuting kinalabasan o resulta ng isang gawain o kilos at upang ulit-uliting gawin ito.

b. Negative Reinforcement- ito’y pagbibigay ng isang “punishment”o kilos bilang tugon sa ipinakitang hindi magandang resulta sa isang gawain o sa isang pangyayari at upang hindi na ito gawing muli.

Ibat-ibang Proseso ng Operant Conditioning:

1. Priming- pagbuo ng isang kanais-nais na ugali o gawain.2. Shaping- isang proseso na kung saan binibigyan ng reinforce ang isang

gawain ayon sa inaasahang kalabasan o resulta.3. Chaining- ito ay may kaugnayan sa shaping at tinatawag na step-by-step

reinforcement program.4. Counterconditioning- ito ay may pagkakaugnay sa Operant conditioning na

kung saan ang isang proseso na pagtitigil sa di kanais-nais na kilos o ugali ay pinapalitan ng kanais-nais sa pamamagitan ng paggamit ng isang reinforcement.

5. Token Economy- ito ang paggamit ng “token” bilang reinforce upang mapaunlad ang pagpapapkita o paggawa ng isang kanais-nais na kilos.

6. Extinction- ito ang pagpapaunlad at pagbabawas ng isang tugon at ipinapaliwanag sa pamamagitan ng pagkuha o pagbawas ng reinforcement.

2. Cognitive Theory - ito ay nagpapaliwanag na ang pagkatuto o ang pag-uugali ay makikita sa

pamamagitan ng permanenteng pagbabago sa kaalaman o pag-unawa sa ilang karanasan, impormasyon, ugali at pananaw. Hindi ipinagkaila ng mga Cognitive Theorist na milyon ang stimuli kung saan ang mag-aaral ay expose.

Page 5: Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

III Mga Simulain, Saklaw at mga Katangian ng Mabuting Ebalwasyon/ Pagsusulit

Saklaw ng Ebalwasyona. Pag-ebalweyt sa mga kursong inilaan, programa ng paaralan, kagamitang

pampagtuturo at pasilidades.b. Pag-ebalweyt sa mga kinauukulan (guro).c. Pag-ebalweyt sa mga mag-aaral.

Mga Simulain ng Ebalwasyon (Groulund; 1981)

1. Nakabatay sa malinaw na pagkakalahad ng mga layunin.2. Mga pamamaraan ng ebalwasyon at tiknik ay kailangang piling-pili sa pamamagitan

nang malinaw na pagkakalahad ng mga layunin o mga layuning inilaan. 3. Kailangang maiintindihan.

4. Ang ebalwasyon ay kailangang patuloy at kaugnay sa itinuturo at proseso ng pagkatuto.

5. Ang ebalwasyon ay mapanuri at magagamit.6. Ang ebalwasyon ay kailangan nakatutulong.7. Ang ebalwasyon ay kailangan makatarungan.

Katangian ng Mabuting pagsusulit/Ebalwasyon

1. Baliditi/Katumpakan- ito ay ang pinakamahalagang katangian ng mabuting pagsusulit at nagsisilbing layunin kung ano ang dapat sukatin o masukat.

Uri ng Baliditi o Katumpakan:a. Content Validity (Nilalaman/Lohiko/ Nakapangangatwiran)  

-  naglalaman ng isang kinatawan at naaangkop na sample ng paksab. Criterion- Related Validity(mahuhulain) - puntos sa isang pagsubok

na hinuhulaan ng unawa o pagganap c. Construct Validity - ang konsepto o variable, kung saan ito ay naglalayon

Mga salik na naka-impluwensya sa katumpakan ng aytem ng pagsusulit:a. panutob. pagbasa ng bokabularyo at kahirapan ng aytemc. pagbuo ng aytem ng pagsusulitd. palatandaan

2. Relayabiliti-ito ay tumutukoy sa hindi pabagu-bago ng puntos na nakukuha sa parehong pagsusulit na ginamit.

Mga salik na nakaapekto sa relayabiliti:a. Haba ng pagsusulitb. kahirapan ng pagsusulitc. Obhektibo

Talasanggunian:Aquino Gaudencio V. and Ligaya B. Garcia. Fundamentals of Measurement and Evaluation,

Manila National Bookstore, Inc. 1904Calmarin, Laurentina P., Education Measurement and Evaluation, 24k Printing Co.,Inc. ManilaOriuondo, Leonora L. and Eleanor M. Dallo- Antonio, Evaluating Educational outcomes, Rex

Printing Company, Inc. Manila, 1948

Page 6: Ana Lou Report (Pagtataya, Fil. 505)

Republika ng PilipinasPAMANTASANG NORMAL ng LEYTE

Siyudad ng Tacloban

Paksa :

Asignatura: Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo (Filipino 504)Taga-ulat : Ana Lou R. RodenKurso : MAT- Fil.Propesor : Regalado P. Tupaz, Ph.D