150

Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 2: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 3: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Noong 1989, pinagtibay at ipinatupad sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang Patakarang Pangwika na

naglalayong gamitin at hustuhin ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, at

paglilimbag. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino sa parehong taon upang tuparin ang mandatong

ito. Bukod sa pagtalima sa probisyong pangwika ng Konstitusyon ng Pilipinas, ang Patakarang

Pangwika ng UP ay pagsandig at pagtindig na pinakamabisa at pinakaangkop ang sariling wika

upang isulong at palakasin ang makabayan, makatao, siyentipiko, at makatarungang oryentasyon

ng edukasyon.

Unang hakbang ang pagkakaroon ng Patakarang Pangwika sa UP. Sa pamamagitan ng

Sentro ng Wikang Filipino, pinagyayaman at pinauunlad ang produksyon at distribusyon ng kaalaman

gamit ang wikang Filipino. Noong 1994, sinimulan ang proyektong Aklatang Bayan na naglalayong

maglimbag sa wikang Filipino ng mga aklat at pananaliksik sa iba’t ibang disiplina.

Sa panunungkulan ng dating direktor na si Dr. Rommel B. Rodriguez, pinalawak ang

maaabot ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa ilalim ng proyektong e-Bahagi

o Aklatang Bayan Online. Sinimulan ito bilang pag-a-upload sa seksyong e-Bahagi ng website ng

SWF-UPD ng mga PDF (portable document format) na bersiyon ng isina-aklat na mga piling tesis at

disertasyon sa UP, anuman ang disiplina, na gumagamit ng wikang Filipino. Malaya rin itong nada-

download ng sinumang interesado.

Sa ika-30 taon ng Sentro ng Wikang Filipino noong 2019, sa simula ng panunungkulan ng

bagong direktor ng SWF-UPD na si Dr. Mykel Andrada, katuwang ang tagapamahalang patnugot ng

proyekto na si Gng. Maria Olivia O. Nueva España at ang iba pang mananaliksik at kawani ng SWF-

UPD, higit na ibinukas ang proyektong Aklatang Bayan para sa paglilimbag gamit ang plataporma ng

internet. Pormal na tinaguriang Aklatang Bayan Online, inililimbag online ang mga PDF na bersiyon

ng mga aklat, pananaliksik, pag-aaral, at malikhaing produksyon para sa libreng pag-download at

pamamahagi. Tumugon sa panawagan ang maraming mga guro, iskolar, mananaliksik, at manunulat

upang magsumite ng kanilang mga manuskrito sa layuning maibahagi ito sa pinakamalawak na

mambabasa. Sinuportahan at pinondohan ito ng dating Tsanselor ng UP Diliman na si Dr. Michael

L. Tan. Ibinukas rin ang nasabing proyekto para sa print-on-demand na posibilidad ng paglilimbag.

Nagpapatuloy pa rin sa pangangalap ng mga manuskrito ang SWF-UPD para sa Aklatang Bayan

Online.

Ang Aklatang Bayan Online at ang Paglalathala ng/sa Kasalukuyan

Page 4: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Bahagi ito ng masidhing paninindigan para sa pagpapalakas at pagsusulong ng wikang

Filipino at ng makabayang edukasyon. Dahil naninindigan ang pamunuan at opisina ng SWF-UPD

na dapat malaya at mapagpalaya ang kaalaman – na hindi ito dapat nahahadlangan ng elitistang

ekonomiya, hindi dapat para sa iilan lamang, at hindi dapat nagsisilbi sa mga diyos-diyosan. Dapat

naaabot nito ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan. Dahil para saan pa ang kaalaman kung

mabubulok lamang ito sa malalamig at inaagiw na espasyo ng kahungkagan.

Ngayong 2020, sa gitna ng pagharap sa pagpaslang sa wikang Filipino sa kolehiyo, sa

gitna ng pandemya at sa krisis sa pamahalaan, sa gitna ng banta sa kalayaan at karapatan, at sa gitna

ng hindi normal na “new normal,” higit na naninindigan ang Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman

na ang wikang Filipino bilang wikang malaya at mapagpalaya ay napakahalaga para sa pagtatanggol

at pagpapagaling ng bayan.

Serye ng mga teksbuk sa agham panlipunan. Sa wikang Iloko at Ibanag nagmula ang salitang “Ili” o “bayan.” Inililimbag sa serye ang mga aklat na nagtataguyod ng kaalamang panlipunan, kaisipan, at kalinangang Filipino.

Page 5: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN

AT LIGALIG

Page 6: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 7: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG:

ISANG PANIMULANG PAG-AARAL SA KASO

NG MGA ANAK NG MGA BILANGGONG POLITIKAL

ELIZABETH PROTACIO-DE CASTRO

SENTRO NG WIKANG FILIPINOUnibersidad ng Pilipinas-Diliman

Lungsod Quezon

Page 8: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Pag-angkop sa Kagipitan at Ligalig:Isang Panimulang Pag-aaral sa Kaso ng mga Anakng mga Bilanggong Politikal©2020 Elizabeth Protacio-De Castroat Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman

Hindi maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng aklat na ito sa alinmang paraan —grapiko, elektroniko, o mekanikal—nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-sipi.

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

De Castro, Elizabeth Protacio. Pag-angkop sa kagipitan at ligalig : isang panimulang pag-aaral sa kaso ng mga anak ng mga bilanggong politikal / Elizabeth P. De Castro. --Quezon City : UP-Sentro ng Wikang Filipino,c2020,©2020. pages ; cm.

ISBN 978-621-8196-34-6 (pbk)ISBN 978-621-8196-35-3 (pdf)

1. Political prisoners -- Children -- Philippines -- Social condition. 2. Political prisoners -- Philippines -- Social condition. I. Title.

365.45092599 HV8886.P5 P020200135

Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman ang Opisina ng Tsanselorng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman para sa pagpopondo ng proyektong ito.

Elizabeth Protacio-De CastroMay-akda

Michael Francis C. Andrada Pangkalahatang Patnugot ng Proyektong Aklatang Bayan Direktor, Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman

Maria Olivia O. Nueva España Tagapamahalang Patnugot ng Proyektong Aklatang Bayan

Michael Balili Disenyo ng Aklat at Pabalat

Inilathala ng: Unibersidad ng Pilipinas - Dilimansa pamamagitan ngSentro ng Wikang Filipino-UP Diliman 3/Palapag Gusaling SURP, E. Jacinto St., UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon Telefax: 8924-4747 Telepono: 8981-8500 lok. 4583www.swfupdiliman.org

Page 9: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Nilalaman

Kabanata I Panimula

Kabanata II Pamamaraan

Kabanata III Kinasapitan At Pagtalakay

MGA YUGTO SA PROSESO NG KAGIPITAN-LIGALIG-PAG-ANGKOP

Unang Yugto: Pagkadakip Sa Ama

Ikalawang Yugto: Pagkalipat Sa Regular Na Bilangguan

Ikatlong Yugto: Matagal Na Paghihintay Sa Paglaya Ng Ama

Kabanata IV Paglalagom

Kabanata VKongklusyon At Rekomendasyon

SanggunianApendise IApendise IITungkol sa May-akda

17

50

54

115

124128136141147

61

81

104

PasasalamatXIII

Page 10: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Talahanayan

1. Mga nadakip mula 1977–1983 2. Mga nawala mula 1977–1983 3. Mga dinukot at pinatay mula 1977–1983 4. Katayuang pang-ekonomiya ng mga pamilya bago madakip

ang ama5. Kalagayan ng mga magulang bago madakip ang ama6. Kalagayan ng mga bata bago madakip ang ama7. Bilang ng mga bilanggong politikal na nilabag ang makatao at

legal na karapatan8. Kalagayan ng mga bata pagkatapos madakip ang ama9. Kagyat na tugon at kilos pag-angkop ng mga bata na

nakasaksi sa pagkadakip sa ama at mga batang isinama sa kampo militar

10. Kagyat na tugon at kilos pag-angkop ng mga bata na hindi

Mga Talahanayanat mga Larawan

Page 11: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

nasaksihan ang pagdakip sa ama (tuloy-tuloy na kasama ang ama bago madakip)

11. Kagyat na tugon at kilos pag-angkop ng mga bata na hindi nasaksihan ang pagdakip sa ama (hindi tuloy-tuloy na kasama ang ama bago madakip)

12. Tagal ng pagka-inkomunikado ng ama13. Pisikal at emosyonal na pag-angkop ng mga bata sa pagiging

inkomunikado ng ama14. Pisikal at emosyonal na pag-angkop ng mga batang kasama

sa paghahanap sa ama15. Iba pang problema ng mga bata sa unang yugto 16. Pisikal at emosyonal na pag-angkop ng mga bata sa unang

dalaw sa ama17. Kalagayan ng mga pamilya sa ikalawang yugto 18. Katayuang pang-ekonomiya ng pamilya sa ikalawang yugto19. Bilang ng pamilya at batang nakikipisan sa kamag-anak20. Kalagayan ng mga Bata sa Ikatlong Yugto

Larawan

1. Iskema ng interaksiyon ng iba’t ibang saligan sa loob ng pamilya 2. Balangkas ng Proseso ng Pag-angkop3. Daloy ng pag-angkop4. Panlipunang konteksto ng pag-angkop

Page 12: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 13: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

XIII

NAGING MAPALAD AKONG MAKASAMA at makabahagi ang maraming tao na nagbigay ng malaking tulong at suporta upang matapos ang aklat na ito. Sa kanila, ang aking pagkilala at taos-pusong pasasalamat - sa aking mga magulang, na unang nagmulat sa akin na hindi dapat mang-api at manamantala ng kapuwa at silang naging huwaran ng aking mga prinsipyo; - kay Dr. Virgilio R. Enriquez, sa kaniyang paalala na ito ay hindi lamang para sa akin, sa kaniyang pagpapakita ng kabuluhan ng Sikolohiyang Pilipino sa buhay ng mamamayang Pilipino at sa paggabay niya sa akin; - kay Dr. Annadaisy J. Carlota, Dr. Ma. Carmen C. Jimenez, Dr. Ma. Luisa Doronila, Prop. Grace A. Dalisay, at Prop. Susan C. Ortega, sa kanilang pagbibigay ng panahon na basahin at suriin ang pag-aaral at sa kanilang mahahalagang puna upang mapaunlad pa ito; - kay Rogelia Pe-Pua, sa kaniyang pagmamalasakit bilang kaibigan, sa kaniyang pagtitiyak na maisulat ko ang aking pananaliksik sa Filipino at sa pag-edit, pagpasok ng datos sa kompyuter at paghahanap ng iba’t ibang paraan upang mapadali at mapagaan ang aking trabaho. Gayundin sa kaniyang pamilya, sina Ed, Daniel at Adrian; - kay Lilia Antonio, na kahit maraming gawain ay sumang-ayong i-edit ang huling bahagi ng pag-aaral;

Pasasalamat

Page 14: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

XIV

- kay Mom Estrada, Betty Ventura, Maidi Valencia, Dr. Paz at Prop. Gonzales sa kanilang pagbibigay puri at halaga sa pag-aaral na ito; - kay Jasmin Acuna, sa pagpapaunlak sa aking mga kahilingan at pagbibigay ng “break” sa akin tuwing napapagod ako sa pagsusulat; - kay Issa Dumajug at Teresa Custodio, na laging maasahang dumamay sa oras ng kagipitan, sa kanilang pagtitiyaga, pagtitiis, at walang pagod na pag-aasikaso ng maraming bagay kaugnay sa pag-aaral na ito; - kay Lynna Sycip, Gracia Nakar at Amy Navarro sa maraming oras na pinagsamahan namin at sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa wasto at mahusay na paggamit ng kompyuter; - kay Dr. Lagmay, Dr. David at Dr. Decenteceo na nagpalakas ng aking loob at nagpahayag ng tiwala sa aking kakayahan; - kay Flory, Chiquit, Lina, Danny, Ging, Greg, Ces, Noy, Patty, Peachy, B-Ann, Bolet, Noemi, Ester, Cristy, Jimmy, at Mang Domeng, mga kasama ko sa hirap at ginhawa sa Departamento ng Sikolohiya na natuwa at bumati sa akin dahil sa wakas ay natapos na ang aking pag-aaral; - kay Jobart, Beth Pastores, Temy Rivera, Bobby Mendoza, Susie Arroyo, Ellen Samonte, Carol Anunuevo, Bobby Tangco at Nick Atienza, na nagpakita ng interes at kagalakan sa aking pag-aaral; - kay Amy Quinto, sa pagtupad at pagsalo sa napakaraming mga gawain sa LEDCO habang ako ay abala sa aking pag-aaral; - sa aking mga kapatid, si Ahi, Charles, Alvin, Arthur at Edwin na tahimik na nagpasensiya sa aking pagkukulang at nagpaunlak sa aking mga kahilingan; - sa Lola Atang dela Rama, Mommy Ebie, Daddy Marcelino, Aleli, Arlita at Fely na hindi nawalan ng pag-asa na matapos ko ang pag-aaral at ipinagmamalaki ang aking nagawa; - sa Philippine Social Science Council, National Science and Development Board, at UP Human Resources Development Office sa pagkakaloob ng Thesis Grant; - sa UP Sentro ng Wikang Filipino–Diliman at kay Dr. Rommel Rodriguez sa pagkakataong masama ang pag-aaral sa proyektong Aklatang Bayan–Online. - kay Alex, isang pinakamamahal na kaibigan at dakilang kasama, kabalikat sa lahat ng aking pagsisikap at bahagi ng kaganapan ng aking mga pangarap.

Page 15: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG:

ISANG PANIMULANG PAG-AARAL SA KASO

NG MGA ANAK NG MGA BILANGGONG POLITIKAL

Page 16: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 17: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula

Tulay ng Mendiola. Tagpo ng maraming madugo at magulong labanan ng mga pwersang militar at ng mamamayang Pilipinong nakipaglaban para sa katarungan, kalayaan at demokrasya. Ngunit sa gitna ng kainitan ng hapon noong Disyembre 6, 1984, tatlumpu’t walong

(38) kabataan kasama ang ilang matatanda ang buong tapang na humarap sa isang pulutong ng mga sundalo at pulis na may dala-dalang pamalo at panangga. Suot ang puting T-shirt na may tatak na “Free Our Detained Parents” at hawak ang isang istrimer na nagsasaad ng “Palayain ang mga Tatay Namin,” masigla silang umawit at sumigaw ng kalayaan para sa kanilang magulang. Sila ay anak ng mga bilanggong politikal. Sa piket na iyon, may ilang mga batang nagsalita upang hilingin ang kalayaan ng kanilang mga ama. Isa doon si Jessica, 12 taong gulang na anak ng isang manggagawa: “Ano ang saya ng Pasko kung nakikita mo ang iyong amang malungkot sa loob ng kulungan, kung nakikita mo ang iyong inang luhaan?” Sa bahagi ng mga amang bilanggo, sinabi nila sa isang bukas na liham. “Tunay na pusong bato na ang mga nasa kapangyarihan dito sa ating bayan. Kailangan pang

KABANATA I

Page 18: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

4 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

pumagitna sa lansangan at liwasan ang mga bata sa pagbabakasakaling makaantig ng damdamin ng mga kinauukulan.” Hindi lang mga rali ang dinadaluhan ng mga anak ng bilanggong politikal. Madalas din silang maimbitahang kumanta o maghandog ng maikling dula sa mga simposyum na tumatalakay sa isyu ng bilanggong politikal. Sumasama rin sila sa mga delegasyon at piket sa mga opisina ng pamahalaan at militar para ipetisyon ang maagang pagpapalaya sa kanilang mga magulang. Sa lahat ng pagkakataong ito, masasalamin sa likod ng kanilang payak na panawagan para sa kalayaan ng kanilang magulang ang matinding pangungulila sa kalingang hindi matamo dahil sa pagkakabilanggo dulot ng pampolitikang dahilan. Bagaman patuloy na ikinakaila ng pamahalaan ni Ferdinand Marcos, pangulo ng Republika ng Pilipinas sa panahong iyon, ang pagkakaroon ng mga bilanggong politikal sa Pilipinas, hindi maitatanggi ang mapait na katotohanan na may mga taong nakabilanggo o nagtatago dahil sa kanilang politikal na paniniwala. Itinuturing sila ng pamahalaan na mga “subersibo” at mapanganib para sa seguridad ng estado. Humigit kumulang sa 70,000 tao ang dinakip at ikinulong sa salang subersiyon, rebelyon, sedisyon at iba pang katulad na kaso mula nang ideklara ang batas militar noong 1972 hanggang sa pormal na pag-aalis nito noong 1981 (Abinales, 1982). Ngunit walang naging makabuluhang pagbuti sa kalagayang pangkarapatang-tao pagkatapos ng 1981; bagkus, lalo pa itong lumala. Nagkaroon ng mga bagong batas at dekreto tulad ng Presidential Commitment Order (PCO) at Preventive Detention Action (PDA) na nagbibigay ng higit pang kapangyarihan sa militar na humuli ng mga pinagsususpetsahang “subersibo” kahit walang sapat na katibayan. Kaya hindi nakapagtataka na sa katapusan ng Disyembre 1981 ay 1,377 pa ang mga dinakip at ibinilanggo. Lalo pang lumaki ang bilang nito — 1,911 noong 1982 at 2,088 noong 1983. Noong 1985, humigit-kumulang sa 1,129 ang bilanggong politikal sa 114 piitan sa buong bayan na ang nakararami ay matagal nang nakabilanggo, mula isa hanggang sampung taon (Task Force Detainees, 1984b). Hindi pa kasama dito ang maraming bilang ng mga nadukot at napatay o tinatawag na “salvage” at nawala.

Page 19: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 5

Taon Metro Manila

Luzon(Labas ng Metro Manila)

Visayas Mindanao Kabuuan

1977 414 345 214 378 1,351

1978 320 202 193 905 1,620

1979 265 183 111 1,402 1,961

1980 170 125 141 526 962

1981 52 304 255 766 1,377

1982 226 795 76 814 1,911

1983 185 152 108 1,643 2,088

Kabuuan 1,632 2,106 1,098 6,434 11,270

Talahanayan 1. Mga nadakip mula 1977–1983 (Task Force Detainees, 1984b)

Taon Metro Manila

Luzon(Labas ng Metro Manila)

Visayas Mindanao Kabuuan

1977 2 11 1 3 17

1978 1 3 4 2 10

1979 2 12 34 48

1980 2 17 19

1981 8 45 53

1982 16 2 24 42

1983 2 13 15 115 145

Kabuuan 9 80 22 223 334

Talahanayan 2. Mga nawala mula 1977–1983 (Task Force Detainees, 1984b)

Page 20: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

6 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Taon Metro Manila

Luson(Labas ng Metro Manila)

Visayas Mindanao Kabuuan

1977 24 21 6 51

1978 1 25 44 16 86

1979 56 38 102 196

1980 45 36 137 218

1981 65 28 228 321

1982 46 28 136 210

1983 1 62 41 265 368

Kabuuan 2 370 236 890 1,450

Talahanayan 3 Mga dinukot at pinatay mula 1977–1983 (Task Force Detainees, 1984b)

Nagmula sa iba’t ibang katayuang panlipunan ang mga bilanggong politikal. Ilan sa kanila ay mayaman at maykaya sa buhay, bagaman karamihan ay manggagawa, magsasaka, estudyante, guro at propesyonal. Iba-iba rin ang kanilang politikal na paniniwala, lahat ay nakipaglaban para sa kanilang paninindigan sa katarungan, kalayaan at demokrasya. Karamihan sa mga bilanggong politikal ay dinakip nang walang sapat na katibayan, itinago at inkomunikado ng ilang araw, linggo o buwan mula sa kanilang kamag-anak at abogado. Halos lahat ay isinailalim sa tinatawag na interogasyong taktikal (tactical interrogation), pinahirapan (torture), at ikinulong nang walang taning. Ang ganitong kalagayan ay lalo pang pinalala ng kondisyon sa loob ng bilangguan — maliit na badyet sa pagkain, maruming rasyon ng tubig, masikip na selda na walang sapat na bentilasyon, maruming kapaligiran, kawalan ng serbisyong medikal at iba pa. Ang mga kondisyong ito ay lumalabag sa Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners na itinakda ng UNESCO noong 1975 at ng Bureau of Prisoners Rules for the Treatment of Prisoners noong 1959 kung saan ipinahayag na dapat pangalagaan ang kalusugan at kagalingan ng mga bilanggo. Kaya dapat ibigay sa kanila ang sapat na mga pangangailangan upang mabuhay at tratuhin bilang tao na may mga karapatan kahit nakabilanggo.

Page 21: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 7

Kailangang Kalinga ng mga Bata

ANG TAO AY MAYROONG partikular na pagsasaalang-alang sa mga bata. Ayon kay Murphy (1962), mahalagang mapag-iba ang bata sa matanda lalo na sa kakayahang tugunan ang mga pangangailangan at hinihingi sa pakikipag-ugnay sa bagong kakilala, sa pagharap sa bagong pangyayari o sitwasyon, at sa pag-angkop sa bagong lugar o kalakaran. Gayunman, dapat ding tingnan ang bata bilang isang nilalang na nagsisikap na matugunan ang kaniyang mga pangangailangan, mapangibabawan ang mga pagsubok sa buhay at maunawaan ang takbo ng kaniyang buhay at ang kahulugan ng kaniyang mga karanasan. Sa madaling salita, mahalagang malaman na hindi simple at madali para sa bata ang humarap sa bagong tao, lugar, at pangyayari kung ihahambing sa mga nakatatanda dahil sa kaniyang limitadong karanasan at kaalaman. Samakatwid, kailangan ng bata ang tulong at gabay habang siya ay lumalaki. Napakahalagang papel ang ginagampanan ng pamilya sa pagtugon sa pangangailangan ng batang magkaroon ng tiyak na lugar sa lipunan, matuklasan ang pamamaraan sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa, at mabuhay na panatag ang loob at isip. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na siyang humuhubog sa mga pananaw ng isang bata hinggil sa kaniyang sarili, sa kapuwa, at sa lipunan. Ang mga magulang ang pangunahing haligi ng isang pamilya. Ibinigay sa kanila ng lipunan ang mabigat na tungkulin sa wastong pagtuturo at paghuhubog sa kanilang mga anak upang maging responsable at kapakipakinabang na mamamayan. Tungkulin din ng magulang na tugunan ang kanilang emosyonal at materyal na mga pangangailangan. Bukod dito, inaasahan ding ibibigay nila sa mga bata ang kapanatagan ng loob at tiwala sa sarili na maharap ang mga pagbabago, nanggigipit at nakaliligalig na mga sitwasyon. Mangyari pa, kapag napawalay ang magulang sa mga anak, nalalagay ang mga bata sa isang malubhang sitwasyon na lalong pinalulubha ng kalagayang wala o kulang ang matatanggap nilang kalinga at suporta sa pagharap sa iba’t ibang problemang emosyonal at materyal dahil sa pagkawalay sa magulang. Sa ganitong pagkakataon, humihina ang kanilang panangga sa mga suliraning mental at pisikal, lalo na kung ang malubhang kalagayan o krisis ay pangmatagalan. Ang tindi ng epekto ng krisis sa bata ay depende sa kalusugan ng bata at sa mga pangyayaring nakapalibot sa pagkahiwalay, sa dami o lawak ng kakayahan, at paraan ng pagkuha ng tulong o taong mahihingan ng tulong ng pamilya upang epektibong maharap

Page 22: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

8 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ang malubhang sitwasyon. Masasalamin ang ganitong kalagayan sa mga pamilyang nagkahiwalay dahil sa pagkabilanggo ng isa o parehong magulang dahil sa politikal na paniniwala. Sa pagkadakip ng isa o parehong magulang, nahaharap ang pamilya sa matinding takot at pangamba na maaaring sapitin ng kanilang kaanak na nahuli o nabilanggo. Biglang nagugulo ang normal na takbo at estruktura ng pamilya at bumabagsak ang kanilang kabuhayan at/o katayuan sa lipunan. Sa kalaunan, lilitaw na ang samot-saring problema bunga ng paglala ng kalagayang pangkabuhayan ng pamilya. Lagi silang naliligalig at nababalisa sa mga pagbabago sa sitwasyong politikal ng bansa. Sa madaling salita, bahagi na ng buhay ng pamilya ng bilanggong politikal ang iba’t ibang problemang materyal at emosyonal habang nakapiit ang kanilang mahal sa buhay. Bagaman buong pamilya ang naliligalig ng malubhang sitwasyon, higit na nahihirapan ang mga bata dahil ang pag-unawa sa bagong kalagayan at ang pagharap sa mga problema, kagipitan, kaguluhan, pagkabalisa, pagkaligalig, pagkatakot, at iba pang mga suliraning emosyonal at materyal na bunga o kaugnay ng pagkadakip ng magulang ay mas mabigat at kumplikado para sa kanila kaysa sa mga nakatatanda. Dahil dito, lumalaki ang mga bata na napipilitang paglabanan ang mga hindi kanais-nais na kalagayan at pangyayari na nararanasan nila sa kanilang murang katawan at isipan. Samakatwid, maipapalagay na ang matagalang bunga o epekto ng mga paglabag sa makatao at konstitusyonal na karapatan ng mga bilanggong politikal ay masasalamin hindi lamang sa henerasyon ng mga bilanggo mismo kundi maging sa susunod na salinlahi. Ang tunay na biktima ng pagkapiit ng mga bilanggong politikal ay ang kanilang mga anak. Hindi maihihiwalay, kung gayon, sa isyu ng kalayaan at katarungan para sa mga bilanggong politikal ang kapakanan ng mga bata. Ngunit sa kasamaang palad, sa pagpasok ng dekada 80, lalong naging madamot at mahigpit ang pamahalaan ni dating Pangulong Marcos sa pagbigay ng kalayaan sa mga bilanggong politikal na siyang inaasam-asam ng kanilang anak at pamilya. Lalo ring lumubha ang krisis pangkabuhayan sa buong bayan na lalo namang nagpahirap sa gipit na sitwasyon ng pamilya ng bilanggong politikal. Maraming kabataang Filipino ang napagkaitan ng kalinga at gabay ng kanilang magulang na nakabilanggo dahil sa kanilang politikal na paniniwala. Kung pagsasamahin ang lahat ng anak ng mga bilanggong politikal simula nang ipataw ang batas militar, aabot marahil ang bilang sa mahigit 100,000 (sariling pagtantiya — sa panahon ng pag-aaral). Hindi pa kasama dito ang may ilang

Page 23: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 9

libong batang nakahiwalay sa magulang na nagtago dahil sa bantang paghuli sa mga salang politikal. Tunay na napakalaki ng bilang na ito ng mga batang dumanas ng matinding emosyonal at pisikal na kahirapan nang ilang buwan o taon habang nakapiit o nagtatago ang kanilang mga magulang. Bagaman isa itong panlipunang problemang umiral noon pang nakaraang mga dekada na hanggang ngayon ay may ilan pa ring nakararanas, ito ay nakaapekto sa libo-libong mga bata. Wala pang malalim at sistematikong pag-aaral na nagawa hinggil sa mga anak ng mga bilanggong politikal at sa epekto sa kanila ng pagkakadakip at pagkakabilanggo ng kanilang magulang. Bagaman marami na ring pag-aaral at pananaliksik tungkol sa mga bata ang nagawa sa iba’t ibang sangay ng agham panlipunan, iilan pa lamang ang mga pag-aaral sa mga batang nakapailalim sa matinding krisis pampamilya. Kakaiba ang mga suliranin, kagipitan, at ligalig na nakaharap ng mga anak ng bilanggong politikal sa Pilipinas kung ihahambing sa iba’t ibang grupo ng batang tinalakay sa mga pag-aaral na lokal at dayuhan; dahil ito sa ilang partikularidad ng kanilang kalagayan. Halimbawa, bagaman wala sa tahanan ang mga amang bilanggong politikal, hindi sila lubusang hiwalay sa mga anak na regular na bumibisita sa kanila. Sa ilang pagkakataon, mas madalas pa ang pagkikita at pag-uugnay ng mag-ama kung ihahambing sa panahong nagtatago pa ang ama. Iba rin ang tindi at anyo ng pampolitikang paninikil sa Pilipinas kung ihahambing sa ibang bayan sa Timog Amerika o Europa. Mahalaga, kung gayon, ang mas malalim na pagsusuri sa kalagayan at suliranin ng mga anak ng bilanggong politikal sa Pilipinas dahil sa kalagayang pampolitika, pang-ekonomiya, at sosyo-kultural ng bansa. Tiyak na rarami pa ang mga batang malalagay sa katulad na kalagayan dahil nananatili pa rin ang mga panlipunang problema na siyang nagluwal ng mga bilanggong politikal. Patuloy pa ring lumalala ang krisis sa politika at ekonomiya at ang pagsikil ng pamahalaan sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan upang mapigil ang lalong paglala ng krisis na ito. At sa isang bayang naghihirap sa matinding krisis, likas lamang ang ligalig dahil sa paglawak ng kilusan ng mamamayang humihingi at nagmimithi ng pagbabagong panlipunan, pangkabuhayan at pampolitika. Nararapat at napapanahong pag-ukulan ng partikular na pansin ang kalagayan ng mga anak ng mga bilanggong politikal lalo pa’t di-maaasahan ang isang dramatikong resolusyon sa problema ng mga bilanggong politikal kahit sa malayong hinaharap. Moral na responsibilidad ng mga siyentipiko sa lipunan na mag-ambag sa pagsisikap na tulungan ang mga batang ito habang sinusuportahan

Page 24: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

10 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ang makatarungang pakikibaka ng kanilang magulang para sa kalayaan at katarungan. Bilang panimulang pagsisikap na maisulong ang kapakanan ng mga anak ng mga bilanggong politikal, layon nitong unawain ang sosyo-sikolohikal na batayan ng kilos ng mga bata sa kanilang pagharap at pag-angkop sa mga kagipitan at ligalig na bunga at/o kaugnay ng pagkakabilanggo ng kanilang mga magulang. Binigyang-diin sa aklat na ito ang paglinaw sa proseso, mula sa paglitaw ng problema, kagipitan at ligalig, at hanggang sa pag-angkop ng mga bata sa mga ito. Nilinaw rinang pagsusuri sa ugnayan ng iba’t ibang saligan sa prosesong ito. Bagaman nakatuon ang aklat sa naging kalagayan ng mga bata, sinikap ding alamin at unawain ang balangkas ng pag-angkop ng mga bata sa kagipitan at ligalig na nakaharap nila mula nang madakip ang kanilang mga magulang. Mula rito, nakatukoy ng ilang pangkalahatang tunguhin at prosesong dinaanan ng mga bata na ginamit sa paghalaw sa mga saligang problemang nakaharap ng mga bata at ang mga pangunahing pamamaraan nila sa pagharap sa suliranin.

Kagipitan–Ligalig–Pisikal

ANG KATANGIAN NG SITWASYON at ang emosyonal at pisikal na tugon o sintomas ay hindi magkahiwalay at kapuwa mahalaga sa pagtukoy kung nagigipit ang isang tao. Ang isang nakagigipit na sitwasyon ay nagbubunga ng kaligaligan at ng mga pisikal na sintomas nito. Sa pag-aaral, parehong ginamit ang kondisyon o pangyayari at ang reaksyon dito bilang sukatan ng stress. Inilarawan, ang ugnayang ito bilang isang daloy: kagipitan–ligalig–pisikal na sintomas. Ang pag-angkop at pangingibabaw sa kagipitan at ligalig ay isang proseso na nahahati sa dalawang saligang bahagi. Ang unang bahagi ay ang pagkuha ng impormasyon tungkol sa gumigipit at lumiligalig na bagay at sitwasyon at ang pagkakaroon ng perseptwal na kaalaman batay rito. Ang perseptwal na kaalaman ang unang baitang sa proseso ng pag-unlad ng kaalaman na humahantong sa pagkakaroon ng rasonal na kaalaman o mga kongklusyon at paghuhusga na siyang batayan ng pagbuo ng idea at plano para sa pag-angkop. Ang pagbuo ng plano at ang aktuwal na pagpapatupad nito ang ikalawang bahagi ng proseso ng pag-angkop. Mailalarawan ang prosesong ito bilang isa pang daloy: pagkuha ng impormasyon at pagkakaroon ng perseptwal na kaalaman tungo sa kilos ng pag-

Page 25: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 11

angkop (pagbuo ng mga idea at pagpapatupad nito). Ang ikalawang bahagi ng proseso ng pag-angkop ay kinapapalooban ng mga anyo ng pag-angkop at ng pangunahing mekanismo sa bawat anyo. Ang unang anyo ay ang siko-pisiyolohikal na pag-angkop na kaugnay ng malalaki o magugulong pagbabago sa karaniwang takbo ng buhay na bagaman walang kasamang kawalan o kapahamakan ay nangangailangan ng pleksibilidad at katatagan ng isip at katawan. Dahil ang buod ng anyong ito ay ang pagbagay ng isip at katawan sa magulong pagbabago, ang pangunahing mekanismo ay ang kakayahan sa pagkontrol ng pagkapukaw (arousal control). Ang ikalawang anyo ay ang sikolohikal na pag-angkop kaugnay ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng pagkawala o pagkapahamak ng isang minamahal na tao, bagay, at iba pang malapit na indibidwal. Dahil ang buod ng anyong ito ay pagkawala, ang pangunahing mekanismo ay pagbibigay-kahulugan. Ang ikatlong anyo ay ang panlipunang pag-angkop na kaugnay ng mga kagipitang panlipunan. Buod ng anyong ito ang pagbabago ng kapaligiran na mas makatutugon sa interes at kagalingan ng mamamayan sa komunidad o lipunan. Ang pangunahing mekanismo nito ay ang pagbuo ng mga plano na siyang magsisilbing gabay sa paghubog ng bagong komunidad o lipunan. Ang pagtatagumpay o di-pagtatagumpay ng mga kilos ng pag-angkop ay maaaring makaapekto sa pisikal at mental na kalusugan ng isang nagigipit at naliligalig na indibidwal. Naaapektuhan ng iba’t ibang uri ng saligan ang buong proseso ng kagipitan–ligalig–pag-angkop at ang posibleng epekto nito sa kalusugan. Maikakategorya ang mga saligang ito sa dalawa: mga saligan sa personalidad at mga saligan sa kapaligiran. Nahahati sa dalawa ang saligan sa kapaligiran: a) interpersonal na saligang tumutukoy sa nagigipit na indibidwal sa paligid tulad ng pamilya, kamag-anak, kaibigan, kakilala, kasamahan, at iba pa; at b) institusyonal na saligang tumutukoy sa mga pormal at panlipunang organisasyon, ahensya o proseso na sadyang nakatuon sa pagtulong sa mga nagigipit at naliligalig. Bagaman maaaring ibilang sa institusyonal na saligan sa kapaligiran ang panlipunan o makauring estruktura at ang estado at rehimeng pampolitika, may katangian ang mga ito na kaiba sa mga saligang binanggit sa itaas. Bukod sa impluwensiya nito sa prosesong kagipitan–ligalig–pag-angkop, naaapektuhan nito ang iba pang saligan sa personalidad at kapaligiran. Halimbawa, malaki ang papel ng sistemang pang-edukasyon sa paghubog ng kaisipan ng kabataan na isang mahalagang sangkap sa personalidad. Malaki rin ang kontrol ng estado sa mga pormal na institusyon at ahensyang pribado at pampubliko na tumutulong sa iba’t

Page 26: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

12 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ibang klase ng taong nagigipit at naliligalig. Samakatwid, kailangang ihiwalay ang dalawang partikular na saligang ito.

Ang Konsepto ng Ligalig/Kagipitan (Stress)

BAGAMAN KARANIWANG GINAGAMIT ang salitang stress, walang pagkakaisa ang iba’t ibang may-akda tungkol sa tamang salita at kahulugan para dito. Ilang salitang ipinanghahalili sa stress ay pagkabalisa at hidwaan (Lazarus, 1966), krisis (Rapoport, 1962), at mga pangyayari sa buhay o life-events (Gerhardt, 1979). Iba-iba ang kahulugang ibinibigay sa stress. Mula sa isang pananaw, ito ay iniuugnay sa mga pangyayari sa kapaligiran na gumugulo o sumisira sa mga karaniwang aktibidad ng isang tao (Leventhal at Nerenz, 1983). Ang stress ay ang mga kondisyon o sitwasyon na nagbunga ng mga reaksyong may katangian ng stress (Lazarus, 1966) kung kaya’t itinutulad ito sa isang stressful event (Rapoport, 1962). Kadalasang tinutukoy ang mga pangyayaring naglalagay sa panganib o sa pagkalansag ng mahahalaga o itinatanging adhikain, tao, o bagay ng isang indibidwal (Lazarus, 1966). Ikinategorya ni McGrath (1970) ang mga kahulugang ito bilang kahulugang batay sa sitwasyon (situation-based definitions). Mula sa pangalawang pananaw, iniuugnay ang stress sa mga pisyolohikal o sikolohikal na tugon ng isang tao sa isang partikular na pangyayari o sitwasyon (Leventhal at Nerenz, 1983). Ang pagsasabi na ang isang indibidwal ay nasa ilalim ng stress ay ibinabatay sa katangian ng kaniyang reaksyon sa pangyayari o sitwasyon. Halimbawa, ang isang tao ay nakararamdam o nagpapakita ng sintomas ng stress (Rapoport, 1962). May apat na pangunahing uri ng reaksyong nagpapahiwatig ng stress (Lazarus, 1966): 1) mga ulat ng pagkaligalig tulad ng pagkatakot, pagkabalisa, pagkagalit, at depresyon; 2) mga pagbabago sa paggalaw at pagkilos tulad ng panginginig, napapadalas na paninigas ng kalamnan, magulo o kahirapan sa pagsasalita, mga partikular na ekspresyon ng mukha o postura ng katawan, at mga kilos tulad ng agresyon o pag-iwas; 3) mga pagbabago sa kakayahang mag-isip tulad ng ilang pagkakataon na paghina ng persepsyon, pag-iisip, paghuhusga, paglutas sa mga problema, at panlipunang pag-angkop; 4) mga pisyolohikal na pagbabago tulad ng mga reaksyon ng autonomic nervous system at ng adrenal glands. Ang ikaapat, na uri ng reaksyon ang pinakamadalas na sukatan ng reaksyon sa stress. Sa kabuuan, tinatawag ni McGrath (1970) ang mga

Page 27: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 13

kahulugang ito bilang mga kahulugan ng stress batay sa reaksyon o tugon mismo sa kagipitan. Mula sa pangatlong pananaw, ang stress ay itinuturing na pangkalahatang katawagan para sa isang larangan ng pag-aaral na nagsusuri sa mga proseso ng pag-angkop ng isang nilalang sa mahihirap o magugulong pangyayari (Leventhal at Nerenz, 1983). Pinag-uugnay nito ang dalawang naunang pananaw – batay sa sitwasyon at tugon – dahil tinutukoy rito ang relasyon ng kondisyon na lumilikha ng stress at ang reaksyon ng indibidwal dito at ng kinahinatnan nito (Rapoport, 1962). Ayon kay Lazarus (1966), hindi sapat na maipaliwanag ang stress ayon sa katangian ng sitwasyon dahil ang kakayahan ng isang sitwasyon na makalikha ng mga reaksyon ng stress ay batay sa katangian ng isang indibidwal. Gayundin, hindi sapat na batayan ang mga reaksyon na palatandaan ng stress upang ituring ang isang sitwasyon na stressful dahil maaaring totoo lamang ito para sa indibidwal na kasangkot o sa mga katulad niya. Dahil sa napakahalagang papel ng mga saligan ng personalidad sa paglitaw ng mga reaksyon sa stress, iminungkahi ni Lazarus (1966) na linawin ang kahulugan ng stress ayon sa ugnayan ng indibidwal sa sitwasyon sa halip na suriin ang bawat isa na magkahiwalay. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit sa stress bilang isang pangkalahatang termino para sa isang buong larangan ng pag-aaral. Sumasaklaw ito sa mga panlabas at panloob na pwersa o kondisyong nagbubunga ng mga reaksyong may katangian ng stress, sa mga anyo ng reaksyon, sa mga salik na nakaaapekto sa mga pwersa at reaksyong ito, at sa mga prosesong nagaganap mula sa paglitaw ng bagay o sitwasyong nagbubunga ng stress hanggang sa tugon ng indibidwal dito. Mula rito, iniharap ni Lazarus (1966) ang konsepto ng psychological stress batay sa sikolohikal o kognitibong prosesong tinawag niyang pagtataya (appraisal). Bago husgahan ang isang bagay o pangyayari na masama o nagbabanta, kinakailangan munang tayain ito ng indibidwal sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga palatandaan o pangyayari sa paligid ng bagay o sitwasyon na maaaring magpahiwatig ng mabuti o masamang kahihinatnan para sa kaniya. Kung pagkatapos ng pagtataya ay lumabas na may panganib, nalilikha ang kondisyon ng stress at gumagawa ang indibidwal ng mga hakbang upang bawasan, iwasan, o alisin ang nagbabantang panganib sa pamamagitan ng proseso ng pag-angkop (coping process). Samakatwid, ang pangunahing konsepto ni Lazarus (1966) kaugnay ng stress at coping ay ang proseso ng kognitibong pagtataya (cognitive appraisal) na siya ring dahilan kaya’t binigyang-diin ni Lazarus (1966) ang psychological coping.

Page 28: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

14 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Katulad din ni Lazarus (1966) ang pananaw ni McGrath (1970) sa stress. Ayon sa kaniya, nagaganap ang stress kung mas malaki o mas mabigat ang hinihingi ng kapaligiran kaysa sa kakayahan ng indibidwal na tugunan ito. Nalalagay sa stress ang isang indibidwal kung natatantya niya na hindi niya sapat na maangkupan at mapangibabawan ang bagay o sitwasyon na nagbabanta ng hindi kanais-nais na kahihinatnan. Samakatwid, ang pangunahing bagay kaugnay ng stress ay ang proseso ng pag-abang (anticipation) na katulad ng konsepto ng pagtaya (appraisal) ni Lazarus (1966). Gayunman, napakaraming pananaliksik tungkol sa stress o sa mga konseptong katulad nito sa iba’t ibang sangay ng agham panlipunan at medisina sapagkat nagbubunga ang stress ng matindi at nakaliligalig na karanasan na nakaiimpluwensiya nang malaki sa kilos ng isang tao. Makikita dito na ang popularidad ng stress ay kaugnay din ng mga negatibo at nakaliligalig na karanasan ng indibidwal (Lazarus, 1966). Kaya’t ang madalas na ipakahulugan sa stress ay ang pag-iral ng isang kalagayan na naiipit o nakukubkob ang isang tao ng malalakas na presyur na nagpapahirap sa kaniyang biyolohikal o sikolohikal na sistema (Lazarus, 1966). Mahihinuha mula rito na ang isang mahalagang katangian ng konsepto ng stress ay ang mapanggipit na epekto nito sa isang indibidwal.

• Stress sa Wikang Filipino

MARAMING MAKABULUHAN AT MAYAMANG salita at konsepto sa Filipino na katulad o katumbas ng stress na maaaring simulang pag-aralan at paunlarin tungo sa pagbuo ng teknikal na terminolohiya para sa larangang ito. Ang isang kategorya ng mga salita at konsepto kaugnay ng stress ay tumutukoy sa mga sitwasyon na nagbubunga ng pangkalahatang stress, tulad ng kagipitan o kasalatan, krisis, problema o suliranin, mahirap, matindi, magulo o mabigat na kalagayan, tunggalian o salungatan, at panganib. Ang pangalawang kategorya ng salita ay kaugnay rin ng nakaka-stress na pangyayari, ngunit mas makitid ang saklaw o mas nakaugnay sa indibidwal. May pagkasuhetibo ito dahil sa emosyonal na nilalaman nito. Bunga ng unang dalawa, relatibong mas mababa ang katindihan: mabulabog o magulo, magambala o maabala, at mabigo o matalo. Ang pangatlong kategorya ay kaugnay ng mga sikolohikal o emosyonal na tugon sa stress. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: 1) mga pangkalahatang tugon at reaksyon – pagkaligalig/pagkabagabag/pagkabalisa o pagkagipit, pag-aalala, pagkabahala o pangangamba,

Page 29: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 15

di-mapalagay ang loob o kaba ng dibdib, kawalan ng pag-asa o kawalang-magawa; at 2) mga partikular na tugon o reaksyon sa stress – pagkasindak o pagkatakot, pagtataka o naguguluhan, pagkalito o pagkataranta, pag-aagam-agam/pag-aalinlangan o pagdududa, pagkasiphayo o pagdurusa, lumbay/hapis/pighati o kalungkutan, pagka-inip o pananabik, at tigatig o abala. Higit na marami ang partikular na pisikal o pisyolohikal na tugon sa stress, tulad ng pagkapagod, masuka-suka, pangingiwi, at iba pa. Kung gagamiting batayan ang mapanggipit na epekto ng stress sa indibidwal, ang pinakamalapit na katumbas ng stress mula sa mga nabanggit sa itaas ay kagipitan na mayroong panlahatan o panlipunang katangian na angkop sa uri ng problemang kinaharap ng mga kalahok. Ngunit dahil mas tumutukoy ang kagipitan sa katangian ng sitwasyon, mas mabubuo ang katumbas sa Filipino ng stress kung isasama sa kagipitan ang isang salita o konsepto na nakaugnay sa tugon sa stress. Para dito, mas angkop ang ligalig o pagkaligalig dahil sa katangian nitong panlahatan o panlipunan. Kaya’t ang teknikal na terminolohiyang ginamit sa aklat bilang pinakamalapit na katumbas ng stress ay kagipitan at ligalig. Gayunman, ginamit pa rin ang stress sa pagtalakay sa ilang pagkakataon upang maging mas epektibo ang pagtalakay.

• Epekto ng Stress sa Bata at Pamilya

SA MARAMING PAG-AARAL, INIUGNAY ang stress sa iba’t ibang uri ng sikolohikal at pisikal na karamdaman (Cohen at Hoberman, 1983; Wheaton, 1983; Verbrugge at Harel, 1983; Gerhardt, 1979). Sinuma nina Verbrugge at Harel (1983) ang ugnayang ito na ang mga pangyayaring nagbubunga ng stress ay nagbubunga ng mental distress. Dahil dito, bumababa ang pisyolohikal na pananggalang ng isang tao sa karamdaman kung kaya’t lumalala ang problema sa kalusugan. Ang ugnayang ito ay maaaring tuwiran (kung nababago ng stress ang biyokemikal na kalagayan ng katawan) o di-tuwiran (kung ang pag-angkop na ginagawa ay lalo pang nakasasama sa mental at pisikal na kalusugan). Hindi magkapareho ang epekto ng stress sa iba’t ibang grupo ng tao (Wheaton, 1983; Lazarus, 1966), halimbawa sa mga bata at sa matatanda. Higit na mahirap para sa mga bata kaysa sa matatanda ang unawain at pangibabawan ang mga sitwasyong nagbubunga ng stress (Murphy, 1962). Kailangan ng mga bata ang suporta at gabay ng magulang, lalo na ng ina na madalas na nakatutulong

Page 30: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

16 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

sa kanila upang makaangkop, basta’t hindi naaapektuhan nang malaki ang mga magulang mismo (Irvine, 1964). Ang pagkakawalay sa isa o parehong magulang ay nagpapatingkad sa kahinaan ng mga bata sa pagharap sa iba’t ibang uri ng kagipitan at ligalig na sumisira sa kapanatagan ng mga bata at nagbubukas sa kanila sa panganib na magkaroon ng mga problema sa pisikal at mental na kalusugan (Hill, 1958; Murphy, 1962). Hindi rin magkapareho ang epekto ng stress o krisis sa iba’t ibang uri ng organisasyon. Nabanggit ni Hill (1958) na kung ihahambing sa iba pang anyo ng organisasyon sa lipunan, ang karaniwang pamilya ay madaling dapuan ng stress o krisis dahil sa ilang hindi maiiwasang limitasyon ng organisasyon. Halimbawa, marami sa mga miyembro ang hindi pa nakatatayo sa sarili o umaasa pa rin sa pamilya. Hindi rin malayang mapatiwalag ang “mahihinang” miyembro o kaya’y maghanap ng mas mahuhusay na kasapi. Nalilimitahan din ang pamilya sa sama-sama o kolektibong pagpapasya lalo na sa panahon ng krisis sapagkat sa mga magulang pangunahing nakaatang ang pagdedesisyon para sa pamilya. Kaya’t kung sakaling mawala o mapawalay ang isa sa mga magulang, napipilay ang buong organisasyon at higit na mahirap para sa pamilyang makayanan at mapangibabawan ang krisis na sitwasyon. Masasalamin ang epekto ng krisis, kagipitan, at ligalig sa kaso ng mga pamilyang napailalim sa matinding pampolitikang panunupil. Pinag-aralan ni Allodi (1980) ang tatlong pananaliksik tungkol sa mga anak at pamilya ng mga biktima ng pampolitikang pambibilanggo at tortyur sa Chile at Argentina. Nagsagawa rin siya ng pag-aaral sa mga anak ng mga takas-politika mula sa Chile na naninirahan ngayon sa Canada. Sa paghahambing ng mga pananaliksik mula sa Chile at Argentina, lumilitaw na karamihan sa mga bata ay hindi lalampas ng anim na taong gulang at naharap sa matinding karanasan kabilang na ang pagkakawalay sa pamilya. Humigit-kumulang, magkakapareho ang kanilang karanasan bunga ng malaking pagkawala ng mapagkalinga at mapagtanggol na suporta ng pamilya. Kakaunti ang uri ng mga sintomas ng reaksyon ng mga bata. Ilang halimbawa ay ang pag-iwas o paglayo sa kapuwa (social withdrawal), madalas at paulit-ulit na pagkatakot (chronic fear), pagiging lubhang palaasa at makapit (clinging and over-dependent behavior), mga problema sa pagtulog (sleep disorders), karaingang somatiko (somatic complaints), at pag-urong o pagbalik ng mga ugali sa pakikitungo sa kapuwa at ng pagtupad ng gawain sa paaralan (arrest or regression in social habits and school performance). Ang pagiging magagalitin o mayayamutin at mapusok o pala-away ay naging problema sa mga nakatatandang bata o kaya naman ay huli

Page 31: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 17

na itong lumitaw. Sinabi rin ni Allodi (1980) na ang mga obserbasyong ito ay lumitaw din sa mga batang pinag-aralan niya sa Canada. Sa ginawang paghahambing ni Allodi (1980), lumabas na pare-pareho ang sintomas na ipinakita ng mga bata sa Canada, ng mga anak ng mga nakulong sa mga kampong-piitan sa ilalim ng mga Nazi (Sigal, atbp., 1977; Epstein, 1979, binanggit ni Allodi, 1980), sa mga anak ng biktima ng pampolitikang panunupil at pambibilanggo sa Hilagang Ireland noong 1969-1970 (Fraser, 1973; Fields, 1977, binanggit ni Allodi, 1980), sa mga anak ng mga nabilanggo dahil sa kasalanang sibil at kriminal (Sotack, atbp., 1976; McGowan at Blumenthal, 1978, binanggit ni Allodi, 1980), at sa mga anak ng mga ipinatapon dahil sa giyera o pagiging destiyero (Freud at Burlingham, 1943; Bowlby, 1952, binanggit ni Allodi, 1980). Ang mga sintomas na ito ay kaugnay ng pagkawala ng kalinga at suporta ng mga magulang at ng proteksiyon at kapanatagang loob (na naibibigay ng isang matatag na pamilya at tahanan) bunga ng pagkawala, pagkaabala sa ibang bagay o gawain, o sikolohikal na kaguluhan ng mga magulang. May mga katulad na sintomas na nakita sina Cohn, Holzer, Koch, Severin (1980) at Cohn (1982) sa pag-iimbestiga ng Danish Medical Group ng Amnesty International sa mga anak ng mga bilanggong politikal sa Chile na tumakas at tumira sa Denmark. Nakita nila ang mga sintomas na pagkabalisa at pagkasensitibo sa ingay, tulad ng biglang pagpreno ng kotse o pagsisigawan na madalas magpaiyak sa kanila; di-makatulog o kaya’y madalas na panaginip tungkol sa pulis, sundalo, pagpaslang, at kamatayan; paglalakad nang tulog; pag-ihi habang natutulog; pagiging lubhang mahiyain o mapagsarili, malungkutin o sumpungin, at kahirapan sa pakikitungo sa mga batang kasing-edad nila; pagiging mapusok o palaaway; pag-ayaw o kawalang-gana sa pagkain; paghina ng memorya; psychogenic na pananakit ng sikmura at hirap o hindi pagdumi. May mga pag-aaral na nagpapakita ng hindi malusog na epekto ng pagkawalay ng ama sa mga bata. Halimbawa, nakita na nasasagkaan ang pag-unlad ng pagkalalaki ng mga batang lalaking wala pang limang taong gulang na nawalay sa ama (Hetherington, 1966; Biller, 1969; Sears, Pintler at Sears, 1946). May ilan ding pag-aaral na nagpakita ng paglitaw ng mga problemang sikolohikal sa mga batang nawalay sa ama, katulad ng paglabo ng konsepto ng ama (Lynn at Sawrey, 1959), at di-mahusay na pakikitungo (Hetherington, 1972). Sa pag-aaral naman ng epekto sa mga bata ng pinalawak na pamilya, ipinaliwanag ni Carandang (1979) na dahil sa masalimuot na sistema ng pinalawak na pamilyang Pilipino, nahihirapan ang bata na hanapin ang sarili at pagkatao sa

Page 32: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

18 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

konteksto ng isang buong pamilya. Bunga nito, nakagagawa sila ng mga hindi magandang kilos tulad ng pagiging mapusok o pala-away, pagpapanggap na may sakit, paghahanap ng atensiyon, pag-ihi sa banig o pagsugat sa sarili upang makuha ang atensiyon ng pamilya. Sa pag-aaral ni Hill (1958), nakita niya na magkaiba ang resulta ng iba’t ibang pananaliksik kaugnay ng matagalang epekto ng krisis sa isang pamilya. Binanggit niya sina Cavan at Ranck (1938) na nagsabi na kung organisado ang pamilya bago dumating ang krisis mas madali silang nakaaangkop sa problema. Ayon naman kay Shelsky (1954, binanggit ni Hill, 1958), ang mga pamilyang nakaranas ng matinding pambobomba at kahirapan noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay lalong naging solido bilang reaksyon sa kaguluhan at kawalang katiyakan na namamayani noon, gayundin ang mga pamilyang nagsilikas mula sa Unyon Sobyet patungo sa Europa at Estados Unidos (Geiger, 1955, binanggit ni Hill 1958). Sa kabilang dako, nakita rin na ang kahirapan sa kabuhayan ng mga pamilyang ito ay nakasama sa personal na relasyon sa loob ng pamilya. Samakatwid, lumalabas sa pag-aaral ni Geiger (1955, binanggit ni Hill, 1958) na ang politikal na pagmamalupit ay may positibong epekto sa pagpapahigpit ng relasyon sa loob ng pamilya samantalang ang pagdausdos ng kabuhayan ay may negatibong epekto.

• Ugnayan ng Kalusugan sa Stress

SA ISANG PAG-AARAL, NAKAIPON sina Allodi at Rojas (1983b) ng mga datos na sumusuporta sa kanilang pangunahing tesis na ang mga biktima ng tortyur at mga refugee mula sa marahas na paninikil pampolitika ay pinahihirapan pa ng mga psychosomatic at mental na sintomas kahit sampung taon na ang nakalipas mula sa nakaririnding karanasan. Ngunit sa dalawang kaugnay na pag-aaral, nakita nina Allodi at Rojas (1938a, 1983b) na ang mga anak ng mga refugee, ng mga biktima ng tortyur, at ng mga nandayuhan (immigrant) sa Toronto mula sa Chile at Argentina ay walang kaiba o abnormal na kilos at kalagayang pangkalusugan kung ihahambing sa ibang batang kasing-edad nila na nag-aaral sa ibang bahagi ng mundo. Dagdag pa, walang makabuluhang pagkakaiba ang buong grupong ito sa isang piling grupo ng mga anak ng mga nawawalang tao sa Chile at Argentina. Ipinalagay nina Allodi at Rojas (1983b) na ang pagkakaiba ng resulta ng kanilang pag-aaral sa kinasapitan ng pag-aaral ni Allodi noong 1980 ay dahil sa

Page 33: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 19

kakulangan ng istandardisado at mapagkakatiwalaang pamamaraan ng pagsukat sa naunang pag-aaral. Isa ring posibleng dahilan ng pagkakaiba sa pag-aaral noong 1980 ay ang permanenteng pagkawalay ng mga bata sa magulang. Lumaki ang mga itong kulang ng kahaliling magulang, at/o dumanas ng matinding sosyal at materyal na kahirapan. Maaari ding dumadaan lamang ang mga bata sa isang panahon na di-litaw (period of latency) ang mga sintomas o patolohiyang maaaring lumitaw sa isang mas huling yugto ng pag-unlad tulad sa panahon ng isang bagong krisis. May kahawig na resulta ang pag-aaral nina Carreon, Garcia, at Villadolid (1979) tungkol sa mga batang napahiwalay sa ina na nangibang-bansa o abala sa trabaho. Normal ang intelektuwal at sosyal na pag-unlad ng mga bata na ipinaliwanag niya na bunga ng matagumpay na pagtugon ng humaliling tahanan sa pangngangailangang kaugnay ng buhay-pampamilya ng bata. Ang pagkakaiba sa mga resulta ng pag-aaral ni Allodi (1980) at ng pag-aaral nina Allodi at Rojas (1983a at 1983b) ay nagpapahiwatig ng ilang problema sa pananaw sa ugnayan ng karamdaman sa stress. Tinukoy halimbawa nina Cohen at Hoberman (1983) na ang korelasyon ng mga iskor sa life-event at ng mga panukat sa kalusugan at kabutihan ng kalagayan ay bihirang tumaas sa 0.30. Samakatwid, maliit o mababaw lamang ang ugnayan ng stress at ng pisikal at sikolohikal na karamdaman, maliit o mababaw ito at maaaring maging makabuluhan lamang para sa 9% na pagkakaiba-iba sa magkakaroon ng karamdaman. Dahil dito, mahalagang isaalang-alang ang proseso ng stress at pagkakaroon ng karamdaman. Tumutukoy ito sa konsepto ng coping.

Ang Konsepto at Proseso ng Pag-angkop (Coping)

• Kahulugan at Saklaw ng Pag-angkop:

ISANG MAHALAGANG KONSEPTO KAUGNAY ng stress ay ang konsepto ng pag-angkop na karaniwang iniuugnay sa mga pagsisikap o pagkilos ng isang indibidwal upang mabawasan at/o mapangibabawan ang stress nang sa gayon ay maipagpatuloy niya ang mga gawaing kapaki-pakinabang o umaayon sa kaniyang interes o adhikain. Ayon kina Murphy, et al. (1962), kapag hindi na awtomatiko ang mga tugon at hindi na alam ng indibidwal ang gagawin, kinakailangan

Page 34: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

20 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

niyang umangkop sa sitwasyon sa abot ng kaniyang makakaya. Nagsisikap siyang makahanap ng solusyon upang maipagpatuloy ang mga gawain. Ang pag-angkop ay tumutukoy sa pagpapangibabaw ng indibidwal sa kaniyang mga problema sa kapaligiran sa pamamagitan ng sumusunod: wastong pagpili ng mga paraan sa pag-angkop, mahusay na paggamit ng nakukuhang tulong, at maksimisasyon ng bagong estruktura at integrasyon na nadebelop ng indibidwal. Bagaman maituturing ang pag-angkop bilang natural na tugon sa stress o sa bagong kalagayan at pagsubok na nangangailangan ng kilos o aksiyon na hindi dating ginagawa o ginagamit, wala pa ring matibay o matatag na teoretikal na pagkakaisa tungkol sa kahulugan nito (Murphy, et al. 1962; Lazarus, 1966). Tulad ng stress, maraming mga katulad na salita ang ipinanghalili sa pag-angkop, tulad ng adaptasyon (adaptation) (Murphy, atbp. 1962), mga padron sa pagtugon para sa paglutas sa krisis pangkalusugan (Rapoport, 1962), pag-akma (adjustment) (Hill, 1958), daan tungo sa kakayahan/kalakasan (drive towards mastery) (Murphy, et al. 1962) at mga mekanismo sa paglutas ng problema (Parad at Caplan, 1960). Nilinaw nina Murphy, et al. (1962) ang kahulugan at gamit ng iba’t ibang terminolohiya kaugnay ng pag-angkop. Ayon sa kanila, ang pag-angkop ay tumutukoy sa mga hakbang ng isang tao upang maunawaan at tanggapin ang isang pagsubok o kaya’y pakinabangan ang isang magandang pagkakataon. Ang resulta nito ay adaptasyon. Ngunit mayroon namang mga awtomatikong tugon ang isang indibidwal na maituturing na adaptasyon ngunit hindi maituturing na pagsisikap na makaangkop. Iniugnay naman nila ang kakayahan (competence) sa kasanayang naabot matapos ang pag-angkop at hindi sa prosesong dinaanan bago maabot ang isang antas ng kasanayan sa isang larangan. Ang daan tungo sa kakayahan/kalakasan naman ay ang aktitud sa likod ng pagsisikap sa pag-angkop. Walang pagkakaisa sa pagtakda ng saklaw ng konsepto ng pag-angkop. Para kina Murphy, et al. (1962), sinasaklaw ng pag-angkop ang mga bagong kalagayan na hindi kayang harapin ng indibidwal sa paggamit lamang ng mga nakagawian, awtomatiko, o karaniwang aksiyon. Kabilang sa bagong kalagayan ang bago ngunit mapanghamong kalagayan, gayundin ang mahihirap, masasakit, o nagbabantang kalagayan. Para naman kay Lazarus (1966), ang pag-angkop ay tumutukoy sa mga estratehiya sa pagharap sa nagbabantang kalagayan. Tinitingnan naman nina Verbrugge at Harel (1983) ang pag-angkop bilang reaksyon sa pisikal at mental na sintomas ng stress. Ito’y maaaring kilos/gawi na nagpapagaling (curative behaviors) tulad ng pagpapagamot at pag-inom ng gamot o kaya’y pagsagawa ng mga nakaugaliang aksiyon tulad ng paninigarilyo o pag-inom ng alak upang mabawasan ang stress.

Page 35: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 21

Lumilitaw din na may iba’t ibang anyo o modelo ng pag-angkop ayon sa pagkagamit dito ng iba’t ibang mananaliksik kaugnay ng konsepto ng mga pangyayari sa buhay (Gerhardt, 1979). Una, tinitingnan ang pag-angkop bilang siko-pisyolohikal na reaksyon o adaptasyon ng katawan sa bagong pangyayari na nagpapahina sa resistensiya ng indibidwal laban sa sakit. Ikalawa, itinuturing ang pag-angkop na isang sikolohikal na proseso na kinatatampukan ng pagsisikap ng indibidwal na maunawaan ang mga dahilan sa likod ng stress o mga pangyayari sa buhay. Ang kahihinatnan ng kognitibong prosesong ito ang batayan ng mga ikikilos o iisipin ng indibidwal. Tinitingnan naman ang pag-angkop ayon sa ikatlong modelo, bilang mga pagsisikap na baguhin ang kapaligiran o ang lipunan bilang tugon sa mga stress o mga pangyayari sa buhay na pampubliko.

• Coping sa Wikang Filipino

ANG MGA KATULAD O katumbas na konsepto ng pag-angkop sa wikang Filipino ay pag-angkop, pakikibagay o pagbagay, pag-akma o pag-agpang; pangingibabaw, pagkaya, pagdaig, paggapi, pagtagumpayan, paggawa o pagpanalo; paglutas, pagsagot, pagharap o pagwasto; paglaban, pagsupil, pagsanggalang o pagtatanggol; at pagliliwanag o pagtatanong. Ang pinakamalapit na katumbas ng coping na gagamitin sa kasalukuyang pag-aaral ay pag-angkop. Ngunit dahil binibigyang-diin sa mga sinuring pag-aaral ang aktibong katangian ng coping, paminsan-minsan ay isasama ang pangingibabaw sa pag-angkop upang ipakita ang buong proseso o kaya’y gagamitin bilang hiwalay na katumbas ng coping. At tulad din ng sa kagipitan at ligalig na katumbas ng stress, kung may mas angkop na salita at konsepto mula sa mga nabanggit sa itaas para sa coping, gagamitin ito sa halip na pag-angkop at/o pangingibabaw.

• Mga Saligan sa Proseso ng Pag-angkop

IBA’T IBA ANG PARAAN ng pagsusuri sa proseso ng pag-angkop. Isa na dito ang tungkol sa mga panloob at panlabas na saligan na nakatulong o nakahadlang sa prosesong ito (Lazarus, 1966). Halimbawa ng panloob na saligan ay ang

Page 36: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

22 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

mga katangian ng personalidad ng indibidwal o ng organisasyong nagigipit at naliligalig. Mabibilang sa mga panlabas na saligan ang mga pwersa sa kapaligiran na nakaaapekto sa proseso ng pag-angkop (Wheaton, 1983). Ang mga saligan sa personalidad kaugnay ng mga katangian ng personalidad na nagtatakda kung paano ipaliliwanag, tatayahin, at aaksiyunan ng indibidwal ang nakakaharap na kagipitan ayon sa isang partikular na paraan o direksiyon (Wheaton, 1983). Halimbawa, ang pagtingin o kumpiyansa sa sarili, pagiging pleksible, mapamahiin, konserbatibo, at iba pa. Ang mga saligan sa kapaligiran ay kaugnay ng pagkakaroon ng suportang panlipunan mula sa pamilya, kaibigan, o kasamahan sa trabaho (Liem at Liem, 1978, Wheaton, 1983); boluntaryong paglahok ng isang indibidwal sa mga organisasyon; o sa pangkalahatan, kaugnay ng pakikisalamuha ng indibidwal sa kapuwa (Myers, et al., 1975, Wheaton, 1983). Hinati ni Rapoport (1962) ang mga saligan na ito sa dalawang uri: 1) mga saligan na kaugnay ng interpersonal na relasyon ng indibidwal na tumutukoy o pakikitungo sa kapuwa; at 2) mga institusyonal na saligan tulad ng pormal na institusyon at ahensya sa lipunan at ng sosyal na proseso na nahubog ng kultura. Sa konteksto ng pamilya, may tinutukoy si Hill (1958) na dalawang pangunahing saligan na nakapagpapahina o nakapagpapalakas sa pananggalang ng pamilya laban sa kagipitan at ligalig. Ang unang saligan ay ang tulong na nakukuha at ang kakayahan ng pamilya na humarap sa kagipitan at ligalig. Kabilang dito ang suporta ng komunidad, lipunan, at estado; pagkakaisa at malapit na pagsasamahan sa loob ng pamilya at kakayahan nitong umangkop sa krisis bilang isang buong yunit (Angell, 1936 at Hill, 1958); paghahati ng gawain sa loob ng pamilya; pagpapaliban sa personal na ambisyon para sa adhikain ng buong pamilya; kasiyahan sa loob ng pamilya dahil natutugunan ang mga materyal at emosyonal na pangangailangan ng mga miyembro; at mga layunin at adhikaing pinagsisikapang abutin ng buong pamilya (Cavan at Rank, 1938; Koos, 1946; at Hill, 1958). Ang ikalawa ay ang interprestasyon ng pamilya sa pangyayaring nagdulot ng kagipitan at ligalig. Halimbawa, ang sistema ng pagpapahalaga at ang pamamaraang ginamit ng pamilya sa pagpapakahulugan sa dating karanasan sa pagharap sa kagipitan at ligalig. Sa kabuuan, umaayon ang mga saligang ito sa panloob at panlabas na saligan bagaman higit na binigyang-pansin ang mga panloob na saligan sa pamilya. Hinati naman nina Parad at Caplan (1960) ang mga saligan sa tatlong kategorya. Ang una ay ang estilo ng pamumuhay ng pamilya na tumutukoy sa balangkas ng organisasyon ng pamilya. Kabilang dito ang sistema ng pagpapahalaga ng pamilya na tumutukoy sa sistema ng mga idea, aktitud, at

Page 37: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 23

paniniwala na siyang nagbibigkis sa pamilya sa iisang kultura; ang sistema ng paghahati ng gawain at responsibilidad kabilang na ang balangkas ng awtoridad; at sistema ng komunikasyon na tumutukoy sa kung paano ang daluyan at balangkas ng pagpapaabot ng impormasyon, pakiramdam, at idea sa loob ng pamilya at gayundin sa pagitan ng pamilya at ng malawak na komunidad. Ang ikalawa ay ang mekanismo ng pamilya sa kagyat na pagtugon at paglutas ng problema na tumutukoy sa pagiging epektibo ng estilo ng pamumuhay sa konteksto ng kagipitan at ligalig. Kaya’t maibibilang din dito ang mga saligan na nabanggit sa unang kategorya. Ang ikatlo ay ang balangkas ng pagtugon sa pangangailangan sa loob ng pamilya na tumutukoy sa kung paano kinikilala, nirerespeto, at tinutugunan ng pamilya bilang isang grupo ang mga saligang pangangailangan ng mga indibidwal na miyembro nito. May nakita si Gerhardt (1979) na dalawang paraan kung paano naaapektuhan ng sistemang pang-ekonomiya (sa anyo ng estruktura ng mga uri) at politika (sa anyo ng rehimeng pampolitika) sa lipunan ang proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop. Una, lumilikha ito ng mga kondisyong tuwirang nakaaapekto sa dami, dalas, at tindi ng mga kagipitan at ligalig na nakakaharap ng mamamayan. Sa panahon ng matinding krisis na pangkabuhayan, lalong tumitindi ang mga suliranin at kagipitan lalo na ang mga kabilang sa mahihirap. Ikalawa, nadaragdagan o nababawasan ang mga pagkakataon at daluyang maaaring makatulong upang epektibong makaangkop sa kagipitan at ligalig. Halimbawa, ang mapanupil na palakad ng isang pasistang estado ay nakahahadlang sa mamamayan upang epektibong maipaglaban ang kanilang karapatan at karaingan upang makaangkop sa pang-araw-araw na suliranin. Ang iba’t ibang saligang ito ay maaaring magsilbing pananggalang. Mangyari pa, ang kahusayan ng pag-angkop ay kaugnay ng pagkakaroon ng sapat na pananggalang na saligan. Samantalang ang kahinaan sa pag-angkop ay bunga ng paghadlang ng mga pampahinang saligan. Halimbawa ng pananggalang na saligan ay ang pananaw na may kaaya-ayang alternatibo sa harap ng isang hindi kanais-nais na sitwasyon; madalas na interaksiyon o pakikisalamuha sa malalapit na tao; at pakikisalamuha sa buong komunidad (Antonovsky,1975 at Gerhardt, 1979). Ang iba pang pag-aaral tulad ng kay Cobb (1976) at Gerhardt (1979) ay nagpapakita rin ng ebidensiya na ang suportang panlipunan ay nagpapadali sa proseso ng pag-angkop sa kagipitan at ligalig. Sa kabilang banda, sina Miller at Ingham (1976) at Gerhardt (1979) ay nagpanukala na ang pagkawala ng tulong ng isang malapit na kaibigan o maski ng hindi gaanong malapit ngunit maraming

Page 38: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

24 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

kakilala ay nagbubunga ng mas maraming pisikal at sikolohikal na sintomas sa mga pasyente. Sa kabuuan, may tatlong impormasyong ipinaaabot ang panlipunang suporta sa isang indibidwal: na sila ay minamahal at kinakalinga; pinagpipitagan at pinahahalagahan; at sila ay bahagi ng isang komunidad na may partikular na balangkas ng komunikasyon at pagtutulungan (Cobb, 1976 at Gerhardt, 1979). Nakita naman ni Cohen at Hoberman (1983) na liban sa suportang panlipunan, ang pagkakaroon ng mga positibo o kaaya-ayang karanasan ay pananggalang din para sa isang nagigipit at naliligalig na indibidwal. Ang katayuan sa lipunan, lalo na ang katayuang pangkabuhayan ay isang mahalagang saligan sa pag-angkop sa kagipitang panlipunan. Dahil naaapektuhan ng dami at uri ng kakayahang materyal at suportang grupo ang pag-angkop ng isang indibidwal. Ang kaniyang pagiging mahirap ay nagiging pampahinang saligan samantalang ang pagiging mayaman ay nagsisilbing pananggalang (Gerhardt, 1979). Halimbawa, mas maraming manggagawang babae ang nakararanas ng depresyon pagkatapos ng isang pangyayari dahil madalas silang nagigipit at nahihirapan sa sitwasyong hindi sila ang lumikha at kung kailan wala silang magagawa. Bihira silang magpakita ng personal na kahinaan o kawalan ng kakayahang umangkop sa problema (Dohrenwend at Dohrenwend, 1973 at Gerhardt, 1979). Sa madaling salita, ang kanilang katayuan sa buhay ang pangunahing hadlang kung bakit hindi sila makaangkop nang mahusay. Kaugnay ng saligan sa personalidad, ang negatibong pagtingin sa sarili ay itinuturing na pampahinang saligan at ang positibong pagtingin naman ay pananggalang. Halimbawa, ang mababang pagtingin sa sarili ay hadlang sa pagkilala ng indibidwal sa kagipitan kung kaya’t hindi siya nakapagsagawa ng tamang hakbang upang makaangkop hanggang sa dumanas siya ng depresyon o ng iba pang sikolohikal na karamdaman (Brown, Harris at Copeland, 1977, at Gerhardt, 1979). Ganito din ang problema ng mga taong walang tiwala sa sariling kakayahan. Ang kawalan o kakulangan ng pleksibilidad at pagiging palaasa sa tadhana ay nakahahadlang din sa isang indibdwal (Cohen at Hoberman, 1983). Natuklasan nina Allodi at Rojas (1983b) na ang mga biktima ng persekusyon na may awtoritaryan at dogmatikong personalidad ay mas nagpakita ng pagkaligalig. Pananggalang sa kagipitan at ligalig ang pagkakaroon ng tiwala o maayos na pagtingin sa sarili, kasama ang pagiging pleksible at pagtayo sa sarili. May panloob na interprestasyon ang tao hinggil sa isang bagay o pangyayari at may mga panlabas na saligan namang gumigipit at lumiligalig sa isang indibdwal, dagdag pa ang pangunahing epekto ng mga saligan sa personalidad tulad ng antas ng tiwala sa sarili. Ang direksiyon at takbo ng mga kilos ng pag-

Page 39: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 25

angkop ay naiimpluwensiyahan ng panimulang pagtatayang ito. Ang mababang pagtingin sa sarili, kawalan ng pleksibilidad, at pagiging palaasa sa kapalaran ang siyang nagtatakda kung paano titingnan ng isang indibidwal ang iba’t ibang pwersang nakapaligid sa kaniya (Cohen at Hoberman, 1983; Wheaton, 1983; Kaplan, Robbins at Martin, 1983). Sa kabilang dako, bagaman may papel ang mga panloob na namamagitang saligan sa konsepto ng panloob at panlabas na saligan, higit na malaki ang papel ng mga panlabas na namamagitang saligan lalo na kung ang pinag-uusapan ay mga kagipitang panlipunan at ang kasangkot ay mga indibidwal na magkaiba ang katayuan sa lipunan. Ang mga panlabas na namamagitang saligan ang siyang nagtatakda ng mga kondisyon ng pag-angkop ng indibidwal sa kagipitan tulad ng pagkatanggal sa trabaho. Mas nahihirapang umangkop ang isang taong kakaunti ang materyal na kayamanan at kakayahan dahil sa kahirapan kaysa sa isang taong nakaririwasa (Dohrenwend at Dohrenwend, 1970 at Gerhardt, 1979). Sa kabuuan, iniuugnay ang mga panloob at panlabas na saligan sa personalidad ng isang indibidwal sa organisasyon at kalakaran sa loob ng isang pamilya. Gayundin sa kapaligiran at lipunan bilang dahilan ng pag-iral ng isang partikular na takbo ng kalagayan o pangyayari maging sa pagsulpot at pagpapakahulugan sa isang gumigipit at lumiligalig na pangyayari o pamamaraan at direksiyon ng pag-angkop dito (Gerhardt, 1979). Matutukoy rin ang historikal na konteksto ng proseso ng pag-angkop para sa sistematikong pagsusuri ng buong proseso. Paiba-iba rin ang saligan sa bawat indibidwal o pamilya. Ang interaksyon ng iba’t ibang saligan sa loob ng pamilya ay ipinakita sa pamamagitan ng isang iskema (Koos at Fulcomer, 1948 at Hill, 1958).

Larawan 1. Iskema ng Interaksyon ng Iba’t Ibang Salik sa Loob ng Pamilya

Page 40: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

26 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Ayon sa iskemang ito, may mga pangyayaring lumilikha ng tensiyon sa buhay ng pamilya na nagiging sanhi ng salungatan. Halimbawa, dahil sa kultural na pagkakaiba hinggil sa idea at pamantayan ng kilos sa seks, maaaring makaranas ng kakulangan ng kasiyahan sa seks na maaaring humantong sa paghihinala ng isa o parehong mag-asawa at mabawasan ang pagtutulungan ng maybahay at naghahanapbuhay. Maaari din itong humantong sa pagkakaroon ng hidwaan ng iba’t ibang miyembro ng pamilya at salungatan tungkol sa papel at responsibilidad ng bawat miyembro ng pamilya. Ang akusasyon ng mga tensiyong ito ay nagpapahina sa pag-uunawaan at pagmamahalan na nagpapahina sa kakayahan ng buong pamilya na lutasin kahit ang maliliit at simpleng problema. Sa ganitong pagkakataon, ang isang krisis na sitwasyon ay nagiging mabigat na problema.

Proseso ng Pag-angkop

MAKIKITA SA LARAWAN 2 ANG isang masaklaw na balangkas ng proseso ng pag-angkop ayon kay Lazarus (Lazarus at Averill, 1972).

Larawan 2. Balangkas ng Proseso ng Pag-angkop

Page 41: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 27

Ang mga naunang kondisyon na panloob at panlabas na salik ay makatutulong o makahahadlang sa proseso ng pag-angkop. Ang kalagayan ng sitwasyon ay tumutukoy sa anumang salik sa kapaligiran na nakaiimpluwensiya sa pagproseso ng impormasyon, halimbawa ay ang pinagmulan ng stress. Ang pagtaya ay naaapektuhan ng kabuuang kontekstong kinapapalooban ng pinagmulan ng stress, namamalayan man o di-namamalayang napapansin ng indibidwal. Ang kalagayang disposisyonal naman ay tumutukoy sa mga katangian ng personalidad tulad ng paniniwala, ugali, saloobin, pamamaraan ng pag-iisip, at pagkilos na taglay ng indibidwal sa pagharap sa sitwasyon. Ang disposisyong ito o ang personalidad ay bunga ng kombinasyon ng bayolohikal at kultural na kasaysayan ng isang indibidwal. Ang namamagitang sikolohikal na proseso ang pinakaubod ng konsepto ni Lazarus (1966) ng stress at pag-angkop. Ang kognitibong katangian ng prosesong ito ang batayan niya sa pagpapaliwanag ng konsepto ng sikolohikal na stress. Ang proseso ng panimulang pagtataya ay ang pagsuri sa bagay o pangyayari. Dito nakabatay ang pagpasya kung ang bagay o pangyayari ay makabubuti o makasasama sa kaniya. Nalilikha ang stress kung ito’y nakasasama o nagbabanta. Dito isasagawa ang makalawang pagtataya na kognitibong bahagi ng proseso ng pag-angkop. Tumutukoy ito sa pagsuri at pagpili ng anyo ng pag-angkop na maaaring gamitin upang mapangibabawan ang nagbabantang panganib o makinabang mula sa sitwasyon. Ang pasyang nabuo ang nagsisilbing gabay sa tuwirang aksiyon at proseso ng pag-iisip bilang aktuwal na hakbang tungo sa pag-angkop. Ang resulta nito ay ang inisyal na tugon ng pag-angkop ng indibidwal. Batay sa mga bagong palatandaan, ebidensiya, o pangyayari; nabubuo ang bagong pasya sa isang prosesong tinatawag na muling pagtataya. Tinalakay ang apat na paraan ng pag-angkop (Lazarus, 1980 at Sycip, 1982): 1) paghahanap ng impormasyon o pagtataya ng gumigipit na sitwasyon na magiging batayan para sa isang angkop at may katuturang paraan o landas ng pagkilos; 2) tuwirang aksiyon o pagkilos na hindi kognitibo kundi naglalayong harapin ang sitwasyon; 3) pagpigil ng aksiyon; at 4) proseso sa isipan na may layuning mabawasan ang pagkabalisang emosyonal. Ang mga paraang ito ay maaaring gamitin ng paisa-isa o maaaring pagsamahin. May katulad na balangkas na iminungkahi sina Caplan (1960) at Rapoport (1962) na tumutukoy sa malusog at wastong paraan ng paglutas ng krisis: 1) wastong kognitibong persepsyon o pag-unawa ng buong kalagayan sa pamamagitan ng patuloy na paghahanap ng bagong impormasyon tungkol sa sitwasyon at palagiang pagsasa-isip o pagsasaalaala ng problema; 2) maayos

Page 42: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

28 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

na pagdadala ng emosyon sa pamamagitan ng pagkilala at pag-unawa sa mga damdamin at ng angkop na paglalahad nito sa ibang tao upang mabawasan ang tensiyon at makapulot ng kapaki-pakinabang na aral at idea; at 3) pagpapaunlad ng paraan ng pagkuha at paggamit ng tulong sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pakikisalamuha sa ibang tao at pakikipag-ugnay sa mga institusyong panlipunan. Maaaring ituring na yugto ang mga hakbang na ito o gumamit ng kumbinasyon ng mga hakbang sa balangkas na ito. Ang daloy ng pag-angkop sa loob ng pamilya ay inihalintulad ni Hill (1958) sa isang roller-coaster. Sa harap ng krisis, nagugulo ang organisasyon at kalakaran sa loob ng pamilya. Maaaring lumitaw ang ilang mga dating problema na hindi pa nalutas o ilang bagong problema bunga ng tensiyon. Dahil sa ligalig sa relasyon ng mga miyembro ng pamilya, lalong nagugulo ang organisasyon at kalakaran. Sa paglaon, mababawasan ang inisyal na kaguluhan at disorganisasyon dahil sa pagbuti ng ilang kalagayan, pagtuklas sa bagong paraan ng pagkilos bilang isang pamilya, at paglilinaw ng bagong direksiyon at adhikain nang may pagsaalang-alang sa limitasyong itinakda ng krisis na sitwasyon. Tuluyang makababawi ang pamilya kapag nasanay at naunawaan ng mga miyembro ang bagong organisasyon, kalakaran, at adhikain ng pamilya. Ito ang panahon ng reorganisasyon. Sa kabuuan, ang daloy na ito ay may apat na bahagi: krisis-disorganisasyon-pagbawi-reorganisasyon.

Larawan 3: Daloy ng Pag-angkop Mas detalyado ang daloy na iniharap nina Jackson (1956) at Hill (1958) kaugnay ng pag-angkop ng pamilya sa isang lasenggong ama: 1) pagsisikap na ipagkaila ang problema; 2) pagsisikap na maalis ang problema; 3) disorganisasyon;

Page 43: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 29

4) pagsisikap na makapagreorganisa kahit mayroon pang problema; 5) pagsisikap na takasan ang problema; 6) reorganisasyon ng pamilya na wala na ang ama; at 7) reorganisasyon ng buong pamilya.

Mga Anyo ng Pag-angkop

MAHALAGANG SURIIN ANG ANYO at direksiyon ng pag-angkop kaugnay ng partikular na uri ng stress o mga pangyayari sa buhay. Binanggit ni Lazarus (1966) na maliban sa sikolohikal na stress, mayroon ding sosyolohikal at pisyolohikal na stress. Gayunman, tinitingnan pa rin niya ang pag-angkop ayon sa sikolohikal na balangkas. Sa kabilang dako, tinalakay ni Gerhardt (1979) ang tatlong modelo ng pag-angkop batay sa mga pananaliksik tungkol sa stress o mga pangyayari sa buhay. Ang unang anyo ay ang sikopisyolohikal na pag-angkop na tumutukoy sa mga reaksyon ng katawan sa mga pagbabago na bagaman walang kasangkot na kawalan ay sumisira ng malaki sa karaniwang takbo ng buhay at nangangailangan ng pleksibilidad at katatagan. Dahil malaki ang hinihingi sa indibidwal na makaangkop sa mapanirang pagbabago, humihina ang resistensiya ng kaniyang katawan at tumataas ang probabilidad ng pagkakasakit. Habang lumalaki ang mapanirang pagbabago o hinihinging pag-angkop, lalo namang bumababa ang resistensiya laban sa sakit (Holmes at Masuda, 1967, at Gerhardt, 1979). Samakatwid, ang sikopisyolohikal na pag-angkop ay ang kakayahang mabawasan ang sikopisyolohikal na pagkapukaw na kinasasangkutan ng lahat ng pagsisikap na kognitibo at pisikal ng indibidwal na mapanatili ang kalusugan o katatagan ng isip at katawan (Lipowski, 1970, at Gerhardt, 1979). Ang ikalawang anyo ay ang sikolohikal na pag-angkop na tumutukoy sa pagsisikap ng indibidwal na maunawaan o maipaliwanag sa kaniyang sarili ang mga dahilan ng stress upang mas madali niyang maiakma ang kaniyang pag-iisip at kilos sa mga pangyayaring may kasamang kapahamakan, kapinsalaan, o kawalan tulad ng pagkamatay ng isang minamahal, pagkatalo, at iba pa. Ang modelong ito ay unang dinetalye ni Lazarus (1966) nang ipaliwanag niya ang pag-angkop bilang isang sikolohikal na proseso batay sa mga konsepto ng banta at pagtataya. Bagaman hindi nililimita ni Lazarus ang pag-angkop sa kognitibong proseso ng pagtataya, ito pa rin ang pokus ng kaniyang pagsusuri at ang pangunahing koneksiyon sa buong proseso ng pag-angkop na ipinanukala niya.

Page 44: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

30 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Ang konsepto ng grief work nina Brown (1973) at Gerhardt (1979) ay isang halimbawa ng sikolohikal na pag-angkop. Sa harap ng stress, ang nagpapahinang salik at ang mababang pagtingin sa sarili ay nagpapabilis ng proseso mula sa kawalang pag-asa tungo sa pangkalahatang kawalang pag-asa na nagbubunga naman ng klinikal na depresyon. Pinakakritikal ang mababang pagtingin sa sarili dahil hinahadlangan nito ang kapasidad ng indibidwal na mapanghawakan ang kaniyang sarili sa aspektong emosyonal at kognitibo. Dahil sa pagkaligalig hindi na makayang tanggapin ng indibidwal ang sitwasyon na maaaring tumungo sa depresyon. Upang maiwasan ito, kailangang tulungan ang indibidwal na maunawaan at tanggapin ang pangyayari nang sa gayo’y mahikayat siyang tingnan ang iba’t ibang paraan ng pangingibabaw o paglampas sa kalagayang ito. Ang konsepto ng grief work ay unang tinalakay nina Freud (1946) at Gerhardt (1979) kaugnay ng pagpapaliwanag ng mga yugto ng depresyon pagkatapos ng pagkamatay ng isang minamahal sa buhay. Ang ikatlong anyo ay ang panlipunang pag-angkop na tumutukoy sa mga pagkilos upang baguhin ang ilang bahagi o ang kabuuan ng kapaligiran o lipunan na siyang nakikitang sanhi o ugat ng mga kagipitan at ligalig. Kaugnay ito ng mga kagipitang pampubliko o labas sa kontrol ng isang indibidwal at nagbubunga ng matagalang paghihirap para sa isang grupo ng tao. Nakapaloob sa panlipunang pag-angkop ang paghingi ng tulong sa ibang tao at institusyon at pagkilos nang kasama sila upang mabago ang umiiral na kalagayan sa kapaligiran o lipunan para sa kapakinabangan ng lahat. Higit na aktibo ang panlipunang pag-angkop kaysa sa sikolohikal na pag-angkop na kinasasangkutan lamang ng pagbabago sa pagtingin ng isang tao sa mga bagay-bagay. Sabi nga ni Mechanic (1970), ang pagkakaiba ay sa pagitan ng pagmamanipula ng mga pagtingin tungkol sa kapaligiran at ng pagmamanipula ng kapaligiran mismo. Sinabi naman nina Cobb (1976) at Gerhardt (1979) na ang panlipunang pag-angkop ay ang pagmamanipula ng kapaligiran para sa kapakinabangan ng sarili. Dalawang mahalagang saligan ang inilahad ni Mechanic (1970) para maging mabisa ang pag-angkop: ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at ang pagkakaroon ng sapat na materyal na kayamanan o kakayahan. Kung hindi sapat ang kaalaman at kulang ang materyal na kakayahan, hindi makahahanap ng paraan ang isang indibidwal na pangibabawan ang isang kagipitan na kung naiba ang mga pangyayari ay maaaring maging okasyon para sa higit pang pag-unlad niya. Kaugnay nito nabanggit nina Dohrenwend at Dohrewend (1970) at ni Gerhardt, (1979) na nakaaapekto ang katayuan sa lipunan, sa pangkalahatan, at

Page 45: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 31

ang katayuang pagkabuhayan, sa partikular, sa bisa ng pag-angkop; ang mga nasa mababang uri ay higit na mahihirapan. Sa kabuuan, nilinaw ni Gerhardt (1979) na may tatlong uri ng pag-angkop sa iba’t ibang paraan ng pagharap sa magkakaibang uri ng stress. Batay rito, ang pagkakaroon ng karamdaman matapos ang isang pangyayari ay hindi lamang bunga ng kawalan ng pag-angkop; at ang hindi pagkakasakit sa pagkakaroon ng pag-angkop. Bagkus, may magkaibang relasyon ang mga partikular na uri ng pangyayari at ng pag-angkop. Maaaring maging epektibo lamang ang kilos ng pag-angkop kung akma ito sa uri ng pangyayari na pinagtutuunan ng pansin.

Panlipunang Konteksto ng Proseso ng Pag-angkop

NAPUNA NI GERHARDT (1979) na karamihan sa mga sumusulat hinggil sa kagipitan at pag-angkop ay masyadong nakatuon sa indibidwal, sa sikolohikal na katayuan, at sa subhetibong karanasan. Hindi sapat na nabibigyang-pansin ang katotohanan na ang kagipitan at ang pagsisikap ng isang indibidwal na makaangkop dito ay nakaugnay sa at naiimpluwensiyahan ng estrukturang pampolitika at pang-ekonomiya sa loob ng lipunan. Hindi sapat na isinaalang-alang ang mga di-pagkakapantay-pantay at kawalan ng katarungan sa lipunan kahit sa panlipunang modelo ng pag-angkop na naghaharap ng mas aktibong pagtingin sa pag-angkop bilang pagsisikap na baguhin ang kapaligiran. Sanhi ito ng paghahati ng uri at kaibahan ng pagkakataon para sa pagsulong ng kani-kanilang karapatan at kagalingan. Upang mapangibabawan ang mga pagkukulang ng indibidwalistang paraan ng pagsusuri, inilagay ni Gerhardt (1979) ang proseso ng pag-angkop sa kontekstong panlipunan at inilahad niya ang konsepto ng pag-angkop bilang aksiyong panlipunan. Gumamit si Gerhardt (1979) ng mga konseptong sosyolohikal-politikal upang mapayaman ang pagsusuri sa sikolohikal at panlipunang modelo ng pag-angkop. Ipinaliwanag ni Gerhardt (1979) ang sosyolohikal na teorya tungkol sa pagbibigay-kahulugan sa isang pangyayari o karanasan. Tumutukoy ito sa pagbibigay ng katuturan o kahulugang panlipunan sa isang partikular na pangyayari o karanasan sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa institusyonal, tradisyonal, at rasyonal na alituntunin at kagawian ng komunidad o lipunan. Ang ganitong pagbibigay ng kahulugang panlipunan sa isang pangyayari o karanasan, tulad

Page 46: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

32 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ng isang kapahamakan, ay nakatutulong upang mas madaling maintindihan ang pangyayari dahil mas nagiging malinaw kung ano ang makatuwirang maaasahan sa isang katulad na sitwasyon. Naiiba ang mga kagipitan at ligalig na humantong sa depresyon sa mga kagipitang matagumpay na naangkupan ng isang indibidwal depende sa pagkakaroon o kawalan ng isang kahulugang panlipunan para sa pangyayari. Halimbawa, matapos ang isang kapahamakan, mas maluwag na maililipat ng isang indibidwal ang kaniyang pansin at kakayahan sa mga kapaki-pakinabang at makabuluhang gawain sapagkat nauunawaan na niya ang mga dahilan at pasikut-sikot ng kagipitan bunga ng matagumpay na pagbibigay ng kahulugang panlipunan sa pangyayari. Sa kabilang dako, mananatiling naguguluhan, nasisindak, o nalilito ang indibidwal na dumanas ng kaparehong kagipitan kung hindi niya maipaliwanag ang pangyayari ayon sa isang malinaw at makatwirang balangkas. May pagkakahawig ang konsepto ng pagbibigay ng kahulugang panlipunan sa konsepto ng grief work ni Brown (1973). Isang mahalagang aspekto sa proseso ng pagbigay-kahulugan sa kagipitan ay ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha ng indibidwal sa ibang tao at sa komunidad. Napupunan ng mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay ang mga pangangailangan ng suporta, kaginhawaan, at impormasyon na magagamit sa pagbibigay ng kahulugang panlipunan sa gumigipit na pangyayari. Ngunit, akma lamang ang konsepto ng pagbibigay ng kahulugan sa sikolohikal na modelo ng pag-angkop. Hindi ito akma para sa panlipunang pag-angkop dahil sa katangian nitong ipaliwanag ang isang pangyayari batay sa mga nakatakdang alituntunin at kalakaran sa komunidad o lipunan. Samantalang sinisikap ng sikolohikal na pag-angkop na baguhin ang pagtingin sa kagipitan upang itugma ito sa umiiral na kalakaran at interpretasyon. Ginagamit naman ng panlipunang pag-angkop ang kagipitan bilang pagkakataon upang hubugin ang kapaligiran ayon sa panibagong alituntunin at kalakaran na nakikitang mas makatutugon sa mga adhikain at mithiin ng mamamayan sa isang komunidad o lipunan. Ang sikolohikal na pag-angkop ay pangunahing tumutukoy sa mga proseso sa isipan samantalang ang panlipunang pag-angkop ay gumagamit kapuwa ng isip at lakas upang baguhin ang kapaligiran. Sa proseso ng aktibong pagbabago ng kapaligiran, maipalalagay na may nauna nang nabuong idea kung paano huhubugin ang kapaligiran sa pamamagitan ng mga kilos ng pag-angkop. Kaya inihalintulad ni Gerhardt (1979) ang panlipunang pag-angkop sa konsepto ng paggawa ni Marx. Ayon kina Marx (1867) at Gerhardt (1979), matapos ang bawat proseso ng paggawa,

Page 47: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 33

mayroon nang resultang inaasahan ang manggagawa. Kaya nagagawa ng taong baguhin hindi lamang ang anyo ng mga bagay-bagay sa kalikasan kundi natutupad din ang kaniyang hangarin at pangarap tungkol sa o sa pamamagitan ng mga bagay na ito. Kaya’t itinuturing ni Gerhardt (1979) ang panlipunang pag-angkop bilang isang anyo ng panlipunang paggawa na kinasasangkutan ng sama-samang pagkilos ng mga tao upang mabago ang ilang bahagi o ang kabuuan ng komunidad o lipunan batay sa isang balak o idea na siyang gumagabay sa pag-iisip at pagkilos ng mga indibidwal na kabahagi sa proseso ng pagbabago. May isinaalang-alang si Gerhardt (1979) na tatlong aspekto kaugnay ng pakahulugan niyang ito sa panlipunang pag-angkop. Una, may mahigpit na ugnayan ang pagbubuo ng balak o idea at pagsasakatuparan nito sa praktika. Sa isang banda, nawawalan ng direksyon ang praktika o pag-angkop kung hindi ito nagagabayan ng balak o idea. Sa kabilang banda, nawawalan ng kabuluhan ang mga balak at idea kung hindi ipatutupad o iuugnay sa praktika. Mapatutunayan lamang ang kawastuhan o kamalian ng balak o idea sa pamamagitan ng aktibong pagsasapraktika nito. At kung matamo o maisakatuparan ng tao ang mga balak niya ay magkakaroon ng materyal na hugis ang dati’y naiisip lamang niya at masasabing kumpleto na ang proseso ng pag-angkop. Ikalawa, ang katayuan ng indibidwal sa lipunan (antas ng edukasyong nakamit, kasarian, trabaho, politikal na kapangyarihan, at iba pa) ay materyal at obhetibong batayan ng kakayahan at kapasyahan niyang maisakatuparan ang kaniyang mga mithiin at adhikain. Ang hindi pagkakapantay-pantay at mga katiwalian sa lipunan ay nakahahadlang sa epektibo at mabilis na pag-angkop ng indibidwal sa mga kagipitan at ligalig. Malaki ang epekto ng rehimeng pampolitika sa proseso ng pag-angkop sa kagipitan. Pangatlo, ang proseso ng pagbabago ng kapaligiran at ang paglutas sa mga problema at kagipitan ay nagkakaroon ng sosyal na katangian. Umaayon ito sa pampublikong katangian ng mga suliranin at kagipitan at sa di-pantay na pamamahagi ng yaman at kapangyarihan sa lipunan. Tanging ang kolektibong pagkilos at pagtutulungan ng mamamayang ginigipit ng iisa o magkaparehong suliranin ang makapangingibabaw sa suliranin ng kakulangan ng kasangkapan at kakayahan ng bawat indibidwal kung ihahambing sa laki o bigat ng suliranin at kagipitan. Dahil sa ganitong katangian, madaling sumanib ang panlipunang pag-angkop sa politikal na kilos lalo pa’t may tuwiran at di-tuwirang epekto ang estruktura at kalagayang pampolitika sa lipunan sa proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop.

Page 48: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

34 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Batay sa mga interpretasyong ito, ang panlipunang pag-angkop ay hindi na lamang ang tinutukoy ni Mechanic (1970) na “pagmanipula ng kapaligiran” kundi nagiging isang mulat at kolektibong pagsisikap ng mamamayan na malutas ang kanilang mga problema at baguhin ang mga estruktural na sanhi o ugat ng mga ito sa konteksto ng limitadong kalagayan ng mga indibidwal na kasangkot sa kilusan para sa pagbabago. Ang pangunahing proseso sa likod ng panlipunang pag-angkop ay ang pagbubuo ng plano na magiging gabay sa paghubog ng isang bagong komunidad o lipunan na mas epektibong makatutugon sa mga pangangailangan at adhikain ng mamamayan. Mangyari pa, nakasalalay ang pagbuo ng mga pangmadalian at pangmatagalang plano sa malalim na pagkakaalam at pagkaunawa sa pasikut-sikot ng problema o kagipitang nakakaharap at ang relasyon nito sa sosyo-ekonomiko-politikal na balangkas ng lipunan. Bago maabot ang antas na may rasyonal, malalim, at lahatang-panig ng pagkakaunawa hinggil sa isang suliranin; kinakailangang dumaan muna ang pagsusuri sa antas na nakapag-ipon ng mga datos at impormasyon upang makabuo ng mga impresyon at persepsyon hinggil sa bagay o pangyayaring sinusuri. At sa paglawak pa ng perseptuwal na kaalamang ito, nagkakaroon na ng batayan upang makagawa ng mga kongklusyon at konsepto na siyang bubuo sa rasyonal na kaalaman at nagiging batayan ng pagbuo ng mga plano. Samakatwid, ang esensiya ng proseso ng pagbubuo ng balak ay ang pag-unlad ng kaalaman mula sa perseptwal tungo sa rasyonal na kaalaman at ang pagsasapraktika ng kaalamang ito sa aktibong pagbabago ng kapaligiran. Ngunit kailangang banggitin na, kadalasan, dumadaan sa maraming pagbabago ang mga orihinal na idea at plano bago ito ganap na maisakatuparan sapagkat maraming limitasyon ang isang tao bago niya masapol o lubusang maunawaan ang isang bagay o pangyayari. Nalilimitahan siya hindi lamang ng ilang namamayaning kalagayang panlipunan (tulad ng di-maunlad na agham at teknolohiya) kundi maging ng bilis ng pag-unlad ng bagay o pangyayari. Sa madaling salita, hindi nakasasabay ang pag-unlad ng kaalaman sa nagbabagong obhetibong kalagayan. Mangyari pa, ang ilang bahagi o ang kabuuan ng mga idea at plano na nakabatay sa mga kaalamang ito ay hindi na rin tumutugma sa realidad at malamang na magdulot ng kabiguan. Makikita rito na ang proseso ng pag-angkop ay hindi isang tuwid na daan na tuloy-tuloy na pagsulong at pag-unlad. Kadalasan, kailangang maulit ang mga kabiguan nang ilang beses bago maiwasto ang mga kamalian sa kaalaman at pagkilos. At muling maitugma ang mga idea at plano sa obhetibong kondisyon.

Page 49: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Panimula 35

Bilang pagbubuod, mahigpit na iniuugnay ni Gerhardt (1979) ang konsepto ng pag-angkop sa estrukturang pampolitika at pang-ekonomiya ng lipunan na nakaaapekto sa prosesong kagipitan-pag-angkop sa dalawang paraan: sa dalas at tindi ng mga kagipitang nakakaharap ng indibidwal at sa pagkakaroon ng mga pagkakataon at daluyan upang epektibong makaangkop sa kagipitan. Ipinakita niya ang ugnayang ito sa Larawan 4.

Larawan 4 Panlipunang Konteksto ng Pag-angkop

Dahil sa panlipunang kontekstong ito ng proseso ng pag-angkop sa kagipitan, idiniin niya na hindi dapat manatili ang pag-angkop bilang simpleng pagbibigay kahulugan sa bagay o pangyayaring gumigipit upang maiakma ng indibidwal ang kaniyang isip at kilos sa umiiral na interpretasyon at kalakaran. Bagkus, dapat ding ituon ang pansin sa mga ugat ng mga problema at kagipitang nakakaharap ng indibidwal at sa aktuwal na mga kaparaanan at materyal na kagamitan/kakayahan na magagamit niya upang maisakatuparan ang kaniyang layunin. Sa ganitong pananaw ang pag-angkop ay nagiging aktibong pagkilos at dapat humantong sa pagbabago o paghuhubog ng kapaligiran ayon sa interes at adhikain ng indibidwal.

Page 50: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Pamamaraan

Tatlumpu’t anim (36) na anak ng mga bilanggong politikal na nakapiit sa Camp Bagong Diwa o Bicutan Rehabilitation Center sa Taguig, Metro Manila ang mga pangunahing kalahok. Sa grupong ito, 24 ang lalaki at 12 ang babae. Ang edad ng mga batang lalaki ay 1-14

na taon at ang katampatang edad nila ay 6.8 taon. Ang mga babae naman ay 1-11 taon at ang katampatan ay 6.0 taon. Ang kabuuang katampatang edad ng lahat ng bata ay 6.5 taon. Mapapansin na karamihan sa mga anak ay maliliit at bata pa. Marami rin ang mga nag-aaral: dalawa (2) ang nasa hayskul, pito (7) sa elementarya, at apat (4) sa pre-school. Ang mga batang kalahok ay miyembro ng 15 pamilya. Ang karaniwang bilang ng anak sa isang pamilya ay dalawa hanggang tatlong bata. Nang isinasagawa ang pag-aaral, pito (7) sa mga pamilya ang kabilang sa mababa ang katayuan sa buhay, pito (7) ang nasa gitnang uri, at isa (1) ang mataas ang katayuan sa buhay. Karamihan sa kalahok na pamilya ay naninirahan sa Maynila at dalawa lamang ang umuuwi-uwi sa probinsya lalo na sa panahon ng matinding krisis pangkabuhayan. Dahil sa pagiging maselan ng paksa, hindi naging madali ang pagkuha ng mga kailangang impormasyon na mula sa mga

KABANATA II

Page 51: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

37

bata lamang, kaya minarapat na ibilang ang ibang tao na may relasyon sa mga bata at/o may malaking impluwensiya sa kanila bilang kalahok. Kabilang dito ang 15 amang bilanggong politikal, 11 ina, isang lolo, dalawang lola at siyamna iba pang bilanggong politikal sa Bicutan. Ang edad ng mga ama ay 28-45 taong gulang at ang katampatang edad ay 34.5 taon. Dalawa hanggang sampung taon na silang nakabilanggo at karamihan sa kanila ay nakabilanggo ng mahigit sa dalawang taon. Karamihan sa kanila ay minsan pa lamang nakukulong at dalawa sa kalahok ay dalawa hanggang tatlong beses nang nakulong. Halos lahat ay dumaan sa iba’t ibang uri ng pagpapahirap sa loob ng bilangguan. Ang mga ina naman ay 28-39 taong gulang at may katampatang edad na 32.2 taong gulang. Sa panahon ng pag-aaral, walang ina ang nabilanggo at anim sa kanila ay hindi nabilanggo. Ngunit may lima sa kanila na minsan nang nabilanggo at may isa na dalawang beses nang nabilanggo. Kadalasan, ang mga inang nabilanggo ay nadakip kasama ng kanilang asawa. Ilang mga lolo at lola ang kalahok sa pag-aaral na may edad 55-70 taong gulang, sinama sila sa pag-aaral sapagkat malaki ang kanilang naging impluwensiya sa mga batang anak ng mga bilanggong politikal. Pinili ring kalahok ang siyam pang bilanggong politikal dahil nagkaroon sila ng malapit na ugnayan sa mga bata bunga ng malimit na pagkikita at pagsasama sa loob ng piitan. Ang ilan sa kanila ay dati nang malapit sa kanilang mga anak sapagkat kasama nila ang mga bata sa kanilang trabaho. Sa loob ng dalawa at kalahating taon (Hunyo 1982-Disyembre 1984), regular na dinalaw ang mga bilanggo sa Bicutan dahil ang aking asawa ay isa ring bilanggong politikal. Tatlo hanggang dalawang beses sa isang linggo ang aking pagdalaw at minsan ay natutulog din ako doon. Isinagawa ang malaking bahagi ng pangangalap ng datos sa loob ng bilangguan. Bagaman may ilang pagkakataon din na pinuntahan ang mga bata sa kanilang mga bahay. Ang ilan sa mga pamilya ay dati nang kaibigan, samantalang ang karamihan ay nakilala anim na buwan bago simulan ang pag-aaral. Tatlong buwan din akong nakulong at sa panahong ito ay nakasama ko rin sa piitan ang mga bilanggong politikal at ang kanilang pamilya. Dahil sa partikular na kalagayang ito nakita ko mismo ang ilan sa mga pangyayaring nabanggit ng mga kalahok. Naging napakainam ng kondisyong iyon sa pagsasagawa ng pag-aaral dahil sa malapit na ugnayan ko bilang mananaliksik sa mga kalahok. Ayon nga kay Santiago at Enriquez (1976), kung ano ang antas ng ugnayan ay siya ring antas ng impormasyong makukuha. Naghanay sila ng Iskala ng Ugnayan ng Mananaliksik at Kalahok na iniantas ayon sa paglalapit ng kalooban ng mananaliksik at kalahok. Ang iba’t ibang antas na ito ay mula pakikitungo → pakikisalamuha → pakikilahok → pakikibagay → pakikisama

Page 52: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

38 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

→ pakikipagpalagayang-loob → pakikisangkot → pakikiisa. Nang panahong isinagawa ang pag-aaral hindi na kinailangang magsimula sa unang antas ng pakikitungo sa mga kalahok dahil relatibong malalim na ang ugnayan ko sa mga kalahok. Madalas na ring nakasalamuha ang mga bata sa aking pagdalaw sa Bicutan. Nakalaro ko rin ang mga batang anak ng bilanggo at may mga pagkakataong naalagaan ko ang ilan sa kanila kapag may ginagawa ang kanilang magulang. Nakilahok din ako sa iba’t ibang aktibidad na isinagawa sa loob ng bilangguan kasama ang pamilya ng mga bilanggong politikal. Nagpunta rin ako sa bahay ng mga kalahok kapag may mga okasyon tulad ng piyesta, binyag, at kaarawan ng mga bata, ang ilan pa nga ay aking inaanak. May panahon din na sadyang bumibisita sa mga pamilya upang magbalita ng mahalagang pangyayari kaugnay ng detenidong kamag-anak. Sa mga pagkakataong ito nakakuwentuhan ko ang mga magulang at/o nakakalaro ang mga bata. Sinusundo ko rin ang mga bata sa bahay upang isama sa piitan kung hindi ito masamahan ng kanilang ina o kaya’y ihahatid naman sa bahay kung hindi ito masundo sa piitan. Madalas ding kasama ko ang mga pamilya ng mga bilanggong politikal sa pagpunta sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan upang hingin ang maagang paglaya ng mga detenido at nakakasama ko rin sila sa halos lahat ng kilos-protesta para sa mga bilanggong politikal. Sa lahat ng pagkakataong ito, nakibagay, nakisama at nakipagpalagayang-loob ako sa mga kalahok. Kaya naging maluwag sa loob ng mga magulang ng bata na humingi ng payo sa akin tungkol sa mga problema ng pamilya at tuwiran din akong nakisangkot sa paglutas sa mga problema. Bunga nito napalapit sa akin ang loob ng mga bata at ang kanilang magulang. Dahil sa magkatulad na kalagayan at karanasan, alam nila na nagkakaisa kami sa pagnanasang makalaya ang aming mga mahal sa buhay. Kung titingnan ang Iskala ng Pagtutunguhan ng Mananaliksik at Kalahok ni Santiago at Enriquez (1976) na siya ring ginamit sa pag-aaral, makikita na naabot ang pinakamataas na antas ng pagtutunguhan — pakikiisa sa mithiin at adhikain ng mga kalahok. Kung kaya lubos na sinuportahan ng mga kalahok ang isinagawang pag-aaral dahil sumasalamin ito sa kanilang mga interes na maangkupan ang kanilang gipit na kalagayan. Dahil mahigpit ang batayan ng pagkakaisa ng kalahok at mananaliksik at may tiwala sila rito, naging tapat at bukas sila sa pagsasalaysay ng kanilang buhay. Dahil sa masaklaw at komprehensibo ang mga datos na nakalap hinati ang pagsusuri sa apat na makabuluhang panahon: 1) bago madakip ang ama; 2) pagkatapos madakip; 3) pagkalipat sa isang regular na piitan para sa mga

Page 53: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Pamamaraan 39

bilanggong politikal; at 4) matagal na paghihintay sa kalayaan. Sa loob ng bawat yugto nasalamin ang sumusunod: 1) katangian ng yugto ayon sa karanasan na dinaanan ng mga bilanggong politikal at kanilang pamilya; 2) partikular na karanasan ng mga bata kaugnay ng bawat yugto at 3) kongkretong rekomendasyon kaugnay ng kinasapitan ng pagsusuri.

Page 54: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kalagayan sa Loob ng Bilangguan

ANG PC-INP JAIL SA Bicutan, Taguig, na lalong kilala sa tawag na Bicutan Rehabilitation Center (BRC), ang pangunahing “pasikat” ng pamahalaan sa “makataong pakikitungo” nito sa mga bilanggo. Kung ihahambing sa iba pang piitan, higit na malaki ang bakuran at magaan ang mga kondisyon dito. Nakapag-aalaga sila ng mga hayop, nakapagtatanim ng mga gulay nakapaglalaro ng basketbol at pingpong, at nakagagawa ng mga produktong yaring-kamay. Pinapayagan din silang magluto ng pagkain. Kung kakailanganin maaaring gumamit ang mga detenido ng medikal at dental na pasilidad ng kampo. Sa mas malalang sakit, maaari din nilang hilingin na makapagpagamot sa mas kompletong ospital-militar sa labas ng kampo. Nang isagawa ang pag-aaral, nakakulong ang 36 bilanggong politikal sa tatlong gusali. Tulad ito ng isang dormitoryo na maraming maliliit na kuwarto. Bawat gusali ay may mga rehas na bakal sa pintuan at mga bintana. Napaliligiran

Kinasapitanat Pagtalakay

KABANATA III

Page 55: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

41

ang buong compound ng dalawang hanay ng bakod: ang unang hanay ay mga alambreng tinik at ang ikalawang hanay ay sementadong bakod. Sa bawat kanto ng compound ay may mataas na tore na palaging may bantay. Bukod sa mga bantay sa pasukan, kung gabi ay may lumilibot ding ilang sundalong may akay na aso sa loob ng compound. Sa kabuuan, ang regular na namamahala sa piitan ay isang platoon ng sundalo. Gayunman, laging may nakareserbang isang balangay para sa mga espesyal na pagkakataon tulad ng red alert o kaya’y kapag kailangan ng dagdag na mga tauhan. Bukod pa ito sa ilang batalyon ng mga sundalo na nakahimpil sa loob ng kampo. Hindi pinalalabas ng gusali ang mga bilanggong politikal mula 9:00 n.g. hanggang 6:00 n.u. Gayunman, may pagkakataon sila sa umaga hanggang alas 9:00 n.g. na magpalit-palit ng gusali at umikot sa bakuran upang makasalamuha ang iba at dahil dito mas maluwag din silang nakagagawa ng mga produktibong gawain. Maaaring dumalaw ang malalapit nilang kamag-anak tatlong beses sa isang linggo mula 10:00 n.u. hanggang 4:00 n.h. Maaaring matulog ang mga asawa at anak sa loob ng piitan tatlong beses sa isang buwan. Bagaman walang malinaw na patakaran tungkol sa mga bata, pumapayag naman ang namamahala sa detention center na tumigil ng kahit mas matagal-tagal na panahon sa loob ng bilangguan ang mga bata. Ang iba pang mga dalaw, tulad ng mga kaibigan ay maaaring bumisita kung hihingi ng pahintulot at papayagan ng mga nakatataas na pinunong militar. Ang mga kaluwagang tinatamasa ng mga detenido at kanilang pamilya sa panahon ng pag-aaral ay bunga ng ilang serye ng mga pakikibaka ng mga dating bilanggong politikal sa BRC. Mahigpit din dati ang mga patakaran dito tulad sa ibang mga piitan. Ngunit matapos ang ilang mga hunger strike at pakikipag-talakayan sa mga awtoridad, unti-unting lumuwag ang mga patakaran hanggang sa umabot pa ito sa antas na maaaring dumalaw ang kahit sino basta susunod lamang sila sa mga kondisyon sa pagpasok ng dalaw. Gayunman, sa kabila ng ilang mga kaluwagang ito, marami pa ring hirap ang dinanas ng mga detenido at ng kanilang mga pamilya bunga ng pabago-bagong interpretasyon o pagpapatupad ng mga karapatan ng mga bilanggong politikal. Kakatwa nga na nang alisin ang batas militar noong Enero 1981, binawi ang ilan sa mga benepisyong tinatamasa ng mga detenido at dinagdagan pa ng mahihigpit na patakaran. Madalas mangyari na biglang naghihigpit sa kung anong bagay nang walang paliwanag kahit mayroong mga dating patakaran at instruksiyon tungkol dito. Pinagpapasa-pasahan lamang ang mga kamag-anak ng mga detenido na nagsisikap na makipag-usap sa mga awtoridad. Ayaw

Page 56: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

42 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ring kausapin ng mga opisyal sa kampo ang mga detenido na humihingi ng dayalogo. Kaya bago maibalik sa dating kalakaran, kailangan pang dumaan ang mga detenido at kanilang mga kamag-anak sa mahabang proseso ng puspusang paggigiit ng kanilang mga karapatan at kagalingan. Samantala, dumaranas naman ang mga detenido at kanilang pamilya ng matinding sama ng loob, pagkasiphayo, at pagkainis. Madalas ipailalim ang mga bilanggo at kanilang pamilya sa iba’t ibang anyo ng panggigipit. Nananatili pa ring mababa ang badyet na ibinibigay ng pamahalaan para sa pagkain ng mga detenido sa kabila ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Malaki rin ang problema ng mga detenido at kanilang pamilya sa masama at mababang kalidad ng serbisyo at pasilidad sa loob ng kampo. Hindi tulad nang bago alisin ang batas militar, hindi na makadalaw ang mga malalayong kamag-anak, kaibigan, at iba pang kakilala ng mga detenido nang walang pahintulot mula sa matataas na opisyal militar na madalas namang wala o kaya nama’y mahigpit sa pagbibigay ng pases sa pagdalaw. Sa kabilang banda, ang mga pinapayagan namang dumalaw ay kailangang dumaan sa isang masalimuot na proseso na humahantong kung minsan sa pagkawala ng dagdag na pribilehiyo tulad ng pagtulog sa loob ng bilangguan. Hindi rin mabilis na natutugunan ng mga awtoridad sa kampo ang mga emerhensiyang kasong medikal. Higit sa lahat, ang BRC ay bilangguan pa rin: isang masikip, makitid, at hindi makataong daigdig para sa mga taong hindi pa man napatutunayang may sala ay ipinalalagay nang nagkasala. Sa panahon ng pag-aaral, nakapiit pa rin ang marami na may malinaw nang batayang legal, moral at makatao para mapalaya.

Ang mga Bilanggong Politikal sa Bicutan

NANG ISAGAWA ANG PAG-AARAL, umabot sa 36 ang bilang ng mga bilanggong politikal na nakapiit sa BRC. Ang tagal ng pagkakabilanggo nila ay mula tatlong buwan hanggang sampung taon. Ang karamihan ay nakabilanggo ng 2½ – 5 taon. Nagbuo ng tatlong grupo ang mga detenido upang maisaayos ang mga pang-araw-araw na gawain sa loob ng bilangguan. Ang una ay ang magkasing-bilang na mga grupo na nagrerelyebo sa pag-aasikaso sa pagluluto, paghuhugas ng mga kinainan, at paglilinis ng mga dormitoryo sa bawat araw. Tinatawag nila itong toka. Ang ikalawang grupo ay ang mga partikular na komite na siyang nag-aasikaso sa mga partikular na larangan ng gawain na kailangan sa loob ng

Page 57: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 43

bilangguan tulad ng medikal, pagkain, produksyon, kagalingan, at kultural. Ang ikatlong grupo ay ang paghahati ng mga detenido ayon sa uri ng produktibong gawaing nais niyang lahukan. May ilang indibidwal din na may natatanging tungkulin tulad ng pangangalaga sa mga libro at ibang babasahin at pamamahala sa aklatan ng mga detenido. Minsan, may ilan ding binibigyan ng tungkulin tulad ng pag-aasikaso sa mga proyekto para sa mga anak ng mga detenido tuwing bakasyon. Araw-araw, ginugugol ng mga bilanggong politikal ang kanilang panahon sa pagtotoka, produksyon, paglalaro ng basketbol o pingpong, at sa iba pang mga personal na gawain. Para sa kanilang paglilibang, maaari silang manood ng telebisyon, magbasa ng mga libro at iba pang babasahin, o kaya’y magkuwentuhan. Paminsan-minsan, lalo na kung ginaganahan, sama-sama silang nagkakantahan. Nababago lamang ang araw-araw na ritwal na ito sa araw ng dalaw ng kanilang mga pamilya at kamag-anak. Sumasaya sa loob ng bilangguan sapagkat may mga bagong mukhang dumarating (kahit pa regular din namang mga bisita) na tiyak na may mga dalang kuwento o balita mula sa labas. Nakalalaro rin nila ang mga bata. Minsan, may mga dumadalaw rin sa kanilang mga grupo o indibidwal na nakahihingi ng pases mula sa Ministri ng Tanggulang Bansa. Mas malaking preparasyon ang ginagawa ng mga detenido para dito dahil naghahanda pa sila ng maikling programa para sa mga bago o kaya’y bihirang bumisitang mga dalaw. Nababago rin ang takbo ng buhay ng mga detenido kung lumalabas sila para dumalo sa hearing sa korte tungkol sa kanilang kaso. Kahit na nakasakay sa sasakyang may rehas na dumadaan sa pare-parehong ruta, kahit paano’y nakakikita sila ng ibang tanawin at tao. Nagkakaroon din sila ng mga salusalo tuwing may mga espesyal na okasyon. Kabilang na dito ang mga pagkakataon na may napalayang detenido. Nagpapabili at nagluluto sila rito ng espesyal na pagkain na isinasama nila sa pagkaing dala ng mga bisita o dalaw. Lagi rin silang nagbibigay ng pagkain sa mga guwardiya. Ngunit pag-alis ng mga dalaw, pagkagaling sa korte, o pagkaraan ng mga espesyal na okasyon bumabalik sila sa araw-araw na ritwal sa loob ng bilangguan. Hindi kataka-taka kung gayon na makaramdam ng matinding buryong (magkahalong lungkot, bagot, pagkasiphayo, galit, inip, pangungulila, at kawalan ng pag-asa) ang mga detenido sa ganitong mga pagkakataon lalo na para sa mga matagal nang nakabilanggo. Lumilitaw rin ito sa mga panahong may balitang may mapalalaya ngunit wala naman pala o kaya’y mayroon ngang napalaya ngunit marami pa ring naiwan. Nararamdaman din ito ng mga bilanggong politikal

Page 58: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

44 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

na may mga mabibigat na problema sa pamilya. Ngunit maging sa araw-araw, lumilitaw rin ang iba’t ibang anyo ng pagkaburyong dahil na rin sa makitid na daigdig na kanilang kinikilusan at limitadong gawaing mapagbubuhusan ng oras. Ang pagtotoka, produksyon, at pagkaburyong ang karaniwang takbo ng buhay sa bilangguan. Iba’t iba ang ekspresyon ng buryong: may bugnutin at mainitin ang ulo; mayroong nagkukulong sa kwarto at natutulog maghapon; at ang iba’y tinatamad na magtoka o makibahagi sa produksyon at sa halip ay nanonood ng telebisyon, naglalaro ng basketbol, at kung ano pang libangan. Upang mapangibabawan ang buryong, sinisikap ng mga detenido na gugulin ang oras nila sa kapaki-pakinabang na mga gawain. Ang karaniwan ay ang pagbubuhos ng malaking panahon sa produksyon. Liban sa pagbaka sa buryong, mayroon pa silang kinikita. Ang iba nama’y nagpapakahusay sa mga hilig tulad ng pagkanta at paglikha ng mga awitin, pagsulat ng mga tula at iba pang anyo ng literatura, pananaliksik at pagsusulat ng mga artikulo, pagkukumpuni ng mga gamit, pag-aalaga ng hayop, pagtatanim, at iba pa. Ang iba naman na nahihirapang mapangibabawan ang buryong sa sarili ay tinutulungan ng iba pang bilanggo sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan tungkol sa mga problemang nakakaharap at sa mga dahilan ng pagtindi ng buryong. Masusi rin nilang tinatalakay ang mga balita tungkol sa posibilidad ng paglaya upang maging mas realistiko ang mga umaasa ng maagang paglaya. Dahil sa araw-araw na magkakasama, napapansin at nabibigyang-diin kung minsan ang mga maliliit na kahinaan ng bawat bilanggo. Ang mga punang ito ay lumalabas sa mga biruan na kung minsa’y di maayos na natatanggap ng ilang binibiro. Dahil rito, nagkakaroon ng mga alitan at samaan ng loob sa hanay mismo ng mga detenido. Kung minsan, lumalala ito lalo na kung nagkataong sumabay ito sa pagkaburyong ng taong kasangkot sa alitan. Upang malutas ang mga problemang ito, pinaghaharap ang mga taong kasangkot sa alitan kasama ang ilang mga di-kasangkot. Masusi nilang tinatalakay ang pinagmulan ng problema upang mailagay sa wastong konteksto ang pangyayari. Kung kinakailangang gumawa ng desisyon tungkol sa isang kaso, pinag-uusapan ito ng mga detenido. Upang maiwasan naman ang pagtatanim ng mga sama ng loob, regular na nagdaraos ang mga detenido ng mga pormal at di-pormal na pulong-punahan. Sa ganitong mga pulong, ang bawat isa ay magbibigay puna sa sarili tungkol sa kaniyang mga kahinaan o kakulangan. Pagkatapos nito ay pupunahin naman siya ng ibang mga bilanggo upang matulungan siya na malaman ang sariling mga kahinaan at kakulangan at upang mabago ang mga ito.

Page 59: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 45

Ang Pamilya Bago Madakip ang Ama

LUBHANG MAGKAKAIBA ANG KARANASAN at kalagayan ng 15 pamilya. Mahalagang malinaw ang mga ito upang maisakonteksto ang tugon ng mga bata sa iba’t ibang kagipitang bunga o kaugnay ng pagkakabilanggo ng kanilang ama. Nailarawan ang pangkalahatang katayuang pangkabuhayan ng mga pamilya nang isagawa ang pag-aaral. Ngunit iba ang mga katayuan nila bago madakip ang ama. Makikita sa Talahanayan 4 at 5 ang katayuang pang-ekonomiya ng pamilya bago madakip ang ama.

Katayuan Pang-ekonomiya

Bilang ng Pamilya n = 15

Bilang ng Batan = 30

Mataas 0 0

Panggitna 8 (2) 13 (2) *

Mababa 7 (2) * 17 (6) *

Talahanayan 4. Katayuang Pang-ekonomiya ng Pamilya Bago Madakip ang Ama *Bilang ng pamilya/bata kung saan wala ang parehong magulang at mga kamag-anak lamang ang nag-aalaga sa mga bata; sa mga kasong ito tinutukoy ang antas ng kabuhayan ng mga kamag-anak.

Kondisyon Aman = 15

Inan = 15

May trabaho 7* 5

Walang trabaho 0 4

Ngatatago 8 6

Talahanayan 5. Kalagayan ng mga Magulang Bago Madakip ang Ama *Sila rin ang prinsipal na tagapaghanapbuhay Makikita sa talahanayan 4 at 5 na bago madakip ang ama, walong pamilya ang nasa panggitnang antas pang-ekonomiya at pito ang mababang antas. Pito sa mga ama ang siya ring prinsipal na tagapaghanapbuhay ng pamilya at lima sa mga ina ang may trabaho bago madakip ang ama. Walang amang hindi nagtatrabaho nang panahong iyon bagaman apat sa mga ina ang nasa bahay lamang. Ang walo pang ama at anim na ina ay nagtatago sa militar bagaman, dati silang may trabaho.

Page 60: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

46 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Kondisyon Bilang ng Pamilya n = 15

Bilang ng Batan = 30

Edad Taon (Buwan)

Kasama ang Ama at Ina

9 19 – 7

Hindi kasama ang Ama at Ina

4 8 – 6

Kasama ang Ina lamang

2 3 1 – 4

Talahanayan 6. Kalagayan ng mga Bata Bago Madakip ang Ama

Makikita sa talahanayan 6 na tatlumpu (30) lamang ang kabuuang bilang ng mga anak ng mga detenidong-ama bago sila madakip. Anim sa mga bata ang ipinanganak habang ang ama’y nakabilanggo. Sa tatlumpung bata, 19 ang tuloy-tuloy na nakasama ang parehong magulang, walo ang hindi tuloy-tuloy na nakasama ang parehong magulang at tatlo ang kasama ang ina lamang. Sa grupong kasama ang parehong magulang at sa grupong kasama ang ina lamang, ang mga pamilyang ito ay nagsarili. Sa grupong hindi kasama ang parehong magulang, nakipisan ang mga bata sa mga kamag-anak na nag-aalaga sa kanila. Sa panahong nakikipagkita ang magulang sa mga bata na tumatagal ng ilang araw at nagaganap ito tatlo hanggang apat na beses sa isang taon. Nang madakip ang kanilang magulang, ang edad ng mga bata sa unang grupo ay isang buwan hanggang pitong taon (katampatan 3.3 taon), sa ikalawang grupo apat na buwan hanggang anim na taon (katampatan 3.1 taon) at sa ikatlong grupo isa hanggang apat na taon (katampatan 2.3 taon).

Mga Yugto sa Proseso ng Kagipitan-Ligalig-Pag-angkop

SA KABUUAN MAY NATUKOY na tatlong pangkalahatang yugto na dinaanan ang mga anak ng mga bilanggong politikal sa Bicutan mula nang madakip ang kanilang ama: 1) pagkadakip ng ama, 2) pagkalipat sa regular na piitan, at 3) matagal na paghihintay sa paglaya. May partikular na katangian at sirkumstansiya ang bawat yugto na naghatid ng iba’t ibang antas at anyo ng kagipitan at ligalig sa mga bata. Bagaman isang tuloy-tuloy na proseso ang mga pangyayari hinati ito sa mga yugto para sa pagsusuri.

Page 61: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 47

Unang Yugto

Pagkadakip sa Ama

SINAKLAW NG YUGTONG ITO ang panahon mula sa pagkadakip ng ama hanggang mailipat sila sa isang regular na piitan tulad ng BRC. Dahil iba-iba ang mga sirkumstansiya ng pagkahuli sa bawat detenido, magkaiba rin ang haba ng panahon na sinaklaw ng yugtong ito. Sa kabuuan, nakabatay ang ikli o haba ng panahong ito sa istatus ng detenido bago siya madakip; sa aktitud ng militar sa kaniya; at sa lakas ng presyur mula sa mga kamag-anak, mga sumusuportang organisasyon sa loob at labas ng bansa, at sa mass midya. Sa yugtong ito matingkad na nilabag ang mga legal at karapatang pantao ng mga detenido. Kabilang dito ang pagdakip nang walang sapat na katibayan, ang pagkaila sa mga pamilya at kamag-anak ng pinagdalhan sa bilanggo, ang pagiging inkomunikado at hindi mabisita ng mga kamag-anak at abogado, ang tuloy-tuloy na taktikal na interogasyon ng dinakip na kinatampukan ng pisikal at mental na pagpapahirap, ang paglalagay sa bartolina, ang paghihigpit sa karapatang dumalaw, ang hindi paghaharap ng kaso sa korte, at iba pa. Kaya bihirang-bihirang makita ng anak at pamilya ang detenido sa yugtong ito. Lumuwag na lamang ang kondisyon dahil sa puspusang pagsisikap ng mga kamag-anak, abogado, at mga organisasyong pangkarapatang pantao na isiwalat ang pangyayari at ipaglaban ang kanilang karapatan. Nakatulong din ang mass midya sa pagbabalita sa publiko sa mga nagaganap. Sa kaso ng mga detenito sa Bicutan, lahat sila ay hinuli dahil lamang sa hinala ng militar. Walang katibayan sa pagdakip o warrant of arrest na ipinakita sa kanila. Labing-isa ang dinakip na hindi alam ng kanilang pamilya o kamag-anak. Sa tatlong kaso, dinakip at ibinilanggo rin ang asawa ng mga detenido; sa dalawa sa tatlong kaso, dinala pati ang mga anak sa kampo militar. Lahat ng mga detenido, pati ang asawa nila ay itinago bilang inkomunikado na tumagal mula isang linggo hanggang walong buwan. Lahat ay isinailalim sa iba’t ibang anyo ng pisikal at mental na pagpapahirap tulad ng pambubugbog, pangunguryente, pag-iiniksiyon ng truth serum, pananakot, at iba pa. Binartolina naman ang walo mula dalawang buwan hanggang dalawang taon sa ilalim ng hindi makataong kondisyon. Sa panahon ng pag-aaral, lahat ay hindi sinampahan ng kaso sa korte.

Page 62: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

48 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Pangyayari Bilang ng Detenido n = 15

Hinuli ng walang katibayan 15

Pisikal at Mental na Pagpapahirap 15

Itinago ng Inkomunikado 15 (3)*

Hindi agad Sinampahan ng Kaso sa Korte 11

Inilagay sa Bartolina 8

Dinakip na Kasama ang Asawa at Anak 2

Dinakip na Kasama ang Asawa Lamang 1

Dinakip na Kasama ang Anak Lamang 1

Talahanayan 7. Bilang ng mga Bilanggong Politikal na Nilabag ang Makatao at Legal na Karapatan* Bilang ng asawa na dinakip kasama ng detenido

Sa bahagi ng mga pamilya at kamag-anak, nagtataglay ang yugtong ito ng matinding kaligaligan at kaguluhan bunga ng pagkabigla sa pangyayari at sa mga sirkumstansiya sa paligid nito. Sinaklot ng matinding pagkabalisa, pagkatakot, at pangamba ang pamilya sa maaaring mangyari sa kanilang mahal sa buhay. Lahat ay nakaramdam ng kawalan ng kakayahan at kapangyarihan sa krisis na nagaganap sa kanilang buhay. Ang binigyan ng pangunahing pansin sa yugtong ito ay ang paghanap sa detenido upang tiyakin na ligtas at hindi ito pinahihirapan. Ngunit naging napakahirap, nakasisiphayo, at nakatatakot na karanasan ito para sa kanila dahil pinagpapasahan lang sila sa iba’t ibang opisina ng militar at isinailalim sa iba’t ibang anyo ng panghihiya, pananakot, at panggigipit. Hindi nila alam kung saan sila hihingi ng tulong para mahanap ang kanilang mahal sa buhay. Sa limang kaso, nakadagdag pa sa hirap ang kalagayang malayo ang kanilang tirahan sa lugar na pinagdakpan at pinagkulungan sa detenido. Mangyari pa, ang emosyonal na hirap ay pinalubha ng pisikal na kahirapan ng pagpunta sa iba-ibang kampo at opisina ng militar sa paghanap sa mga detenido. May kaunting pagluwag sa emosyonal na hirap ng mga pamilya pagkatapos silang payagan na makita at mabisita ang detenido. Ngunit panandalian lamang ito dahil patuloy silang nalulukob ng pighati at takot pagkakita sa detenido na payat, nangangalumata, at puro pasa ang katawan dahil sa pagpapahirap at patuloy na interogasyon. Napaharap din ang mga pamilya sa napakahigpit na patakaran, kabilang na ang pagbawi sa karapatang dumalaw. Kasabay ng emosyonal na kaligaligan, malaki rin ang kaguluhan sa balangkas ng organisasyon at kalakaran

Page 63: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 49

sa loob ng pamilya bunga ng pagkabilanggo ng isa sa mga pangunahing haligi ng pamilya. Hindi lamang pagganap ng mga tungkulin na naiwan ng detenido ang kailangang gawin kundi ang kagyat na pagsasaayos ng napilay na pamilya. Bukod sa kagyat na pangangailangang hanapin ang nawawalang detenido, hindi pa kasama rito ang pagharap sa mga pang-araw-araw na gawain at tungkulin na lalong nakapagpapatindi sa emosyonal na kahirapan sa yugtong ito. Sa harap ng ganitong kalagayan, hindi na maasikaso ng magulang ang emosyonal, intelektuwal, at materyal na pangangailangan ng mga bata. Maliban sa limang kaso, malaking papel ang ginampanan ng mga ama sa kabuhayan ng pamilya bago ito madakip pati ang mga pamilyang nagtatago ang ama. Kaya nang madakip ang ama bumulusok pababa ang kabuhayan ng mga pamilya. Bagaman hindi matingkad sa yugtong ito ang problemang pangkabuhayan nakapagpalubha ito sa kahirapan at kaligaligang nakaharap ng mga pamilya. Sa kalagayang ito, napilitan ang karamihan na tumakbo sa mga kamag-anak para humingi ng tulong o kaya ay pansamantalang makipisan. Sa kabuuan, ang pangunahing mga problema at kagipitang nakaharap ng mga pamilya sa yugtong ito ay umiikot sa matinding emosyonal na kaligaligan at kaguluhan sa balangkas ng organisasyon at kalakaran ng pamilya bunga ng bigla at hindi inaasahang pagdakip sa kanilang mahal sa buhay. Pinalubha pa ito ng ibang mga suliranin tulad ng biglang pagbulusok pababa ng sosyal at kabuhayang katayuan ng pamilya. Hindi maihihiwalay ang karanasan ng mga anak ng mga bilanggong politikal sa karanasan ng kanilang ama at pamilya. Kaya nakapaloob ang mga kagipitan at ligalig ng mga bata sa kontekstong ito.

Aktuwal na Pagdakip sa Ama

ANG PINAKA-UNANG KONDISYON NA naghatid ng kagipitan at ligalig sa mga bata ay ang aktuwal na pagdakip sa ama. Iba-iba ang partikular na sirkumstansiyang kinapalooban ng mga bata kaugnay nito. Sa hanay ng mga batang tuloy-tuloy na nakasama ang parehong magulang, may mga nakasaksi sa aktuwal na pagdakip at mayroon ding hindi. Sa mga nakasaksi, ilan sa kanila ay isinama ng kanilang mga magulang sa kampo militar kung saan nasaksihan din nila ang interogasyon at panggigipit sa magulang at sa ibang detenido. Mayroon ding mga bata na tuloy-tuloy na kasama ang parehong magulang ngunit hindi nasaksihan ang pagdakip sa ama. Sa kabilang banda, may mga batang hindi tuloy-tuloy na kasama ang

Page 64: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

50 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

kanilang ama at hindi rin nasaksihan ang pagdakip dito. Makikita sa talahanayan 8 ang bilang at edad ng mga batang nasa kalagayang ito.

Pangyayari Bilang ng Bata n = 30

Edad Taon (Buwan)

Tuloy-tuloy na kasama ang parehong magulang Nasaksihan ang pagdakip Nasaksihan ang pagdakip at isinama sa kampo militarHindi nasaksihan ang pagdakip

4

510

5 – 8

1.5 – 4(1) – 4

Hindi tuloy-tuloy na kasama ang isa o parehong magulang at hindi nasaksihan ang pagdakip

11 (4) – 6

Talahanayan 8. Kalagayan ng mga Bata Pagkatapos Madakip ang Ama

• Karanasan ng mga Batang Nasaksihan ang Pagdakip sa Ama at mga

Batang Isinama sa Kampo Militar (tuloy-tuloy na kasama ang parehong

magulang)

SIYAM NA BATANG MAY gulang na 1.5-8 (katampatang gulang 4.3 taon) ang kasama ng kanilang magulang nang i-raid ng militar ang kanilang mga tirahan. Tunay na kasindak-sindak ang pangyayaring ito para sa mga bata. Sa lahat ng kaso, bumungad na lamang sa kanila ang unipormado at hindi unipormadong mga hindi kilalang lalaki na may dalang baril at hinalughog ang buong bahay. Walang ibinigay na paliwanag ang mga nag-raid at basta na lamang pinaupo sa isang lugar ang buong pamilya. Sa dalawang pamilya naganap ang raid nang madaling araw at nagising na lamang ang mga bata dahil sa ingay at kaguluhan sa bahay. Nagulat at natakot sila nang makita ang mga sandatahang lalaki na nakatutok ang baril sa magulang at hinahalughog ang kanilang mga gamit. Matinding pag-iyak at mahigpit na pagyakap sa magulang ang karaniwang tugon ng mga bata sa harap ng pangyayaring ito. May isang bata na sumiksik na lamang sa isang sulok ng kanilang bahay. Sa kabilang banda, may ilan ding mas agresibo ang naging tugon. Sa isang kaso, pinagsusuntok ng batang lalaki ang sundalo nang makitang umiiyak ang kaniyang ina habang dinadakip ang ama. Ang isang batang lalaki naman ay tumakbo sa kwarto, kinuha ang kaniyang laruang baril at pilit na binabaril ang mga sundalo. Kakaiba naman ang reaksiyon

Page 65: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 51

ng nakatatanda niyang kapatid, pabulong na itinanong sa ama: “Tatay, huli na ba tayo?” at nang sabihin ng ama na “Oo” ay iniligpit na ang kaniyang damit at naupo na lang ng tahimik. Naihanda ng ama ang batang ito sa posibilidad na sila ay mahuli at may kaunting pag-unawa sa politikal na paniniwala ng magulang. Karaniwang ang tanong ng mga bata ay bakit hinuli ang ama at saan ito dadalhin. Sa maraming kaso itinanong din ng mga bata kung nahuli rin sila at ang kanilang ina. Higit na mapait ang karanasan ng limang batang may gulang na 1.5-4 taon (katampatang gulang 3.1 taon) na nakasaksi sa pagdakip sa kanilang ama, dahil walang mapag-iwanan sa kanila ay napilitan ang kanilang magulang na isama sila sa kampo militar. Sa kaso ng isang pamilya, nang isakay na ang ina at ang dalawang anak sa dyip ng militar, tinakluban ng t-shirt ang ulo ng ina upang hindi makita ang pagdadalhan sa kaniya. Pilit na tinatanggal ng magkapatid ang t-shirt kasabay ang matinding pag-iyak. Kung ilang beses itinakip ng sundalo ang t-shirt ay siya ring dalas ng pagtanggal dito ng mga bata. Kaharap ang mga bata nang isinagawa ang interogasyon sa ina, upang mabawasan ang takot ng batang may edad 1.5 pinasuso na lamang ng ina ang kaniyang anak. Sa pagitan ng mga sesyon ng interogasyon, narinig ng mag-ina ang sigaw at daing ng iba pang detenido na tinotortyur. May isang pagkakataon na biglang pinasok ng isang sundalong lasing ang kanilang selda, na ipinakahulugan ng ina na may masamang tangka ang sundalo kaya sumigaw siya na lubha namang ikinatakot ng kaniyang anak na nanginig at walang tigil sa pag-iyak. Mula nang mangyari iyon ang bunsong anak na babae ay palaging nanginginig tuwing nakikita ang mga sundalo o naririnig ang malalakas na tunog. Tinubuan naman ng maraming galis sa katawan at bukol sa ulo ang panganay na lalaki kaya dinala ang mag-ina sa ospital pagkaraan ng dalawang linggo. Gumaling naman ang mga bukol ng batang lalaki, ngunit nanatili ang walang kontrol na panginginig ng katawan ng batang babae sa tuwing nakakakita ng sundalo. Sa kaso ng isa pang batang babae, nasaksihan niya ang interogasyon sa kaniyang ama at sa iba pang mga detenido na dinakip kasabay ng kaniyang ama. Matagal siyang umiyak at magdamag na hindi nakatulog. Kinabukasan ay sapilitang inihiwalay ang bata sa kaniyang ama upang ihatid sa bahay. Pagdating sa bahay ng bata ay mataas na ang lagnat at hindi nagtagal nagkaroon ng iba’t ibang karamdaman at sa huli ay nadiagnos ang bata ng epileptic seizure. Sa kaso naman ng dalawang magkapatid na lalaki, pagdating sa kampo ay sapilitang inihiwalay ang magkapatid sa kanilang amang isinailalim sa interogasyon. Anim na oras na walang tigil sa pag-iyak ang bunso at tumigil

Page 66: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

52 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

lamang nang sunduin sila ng kanilang ina, ngunit pati ang ina ay dinakip din. Bunga ng karanasang ito mahigit isang taong naging hysterical ang bata tuwing nakikita ang rehas na bakal at alambreng tinik sa piitan at sa ilang bahay na kanilang pinuntahan. Makikita sa talahanayan 9 ang kagyat na tugon at kilos pag-angkop ng mga bata sa kalagayang ito.

Pangyayari Bilang ng Batan = 9

Walang tigil na pag-iyak 9

Nagulat at natakot 8

Pagkapit ng mahigpit at pagyakap sa magulang 8

Nagtanong sa magulang at kamag-anak 6

Balisa at ayaw matulog 3

Sinuntok at binaril ng laruan ang militar 3

Nagkaroon ng mataas na lagnat 2

Tahimik at walang kibo sa isang sulok 1

Walang kontrol na panginginig 1

Nagkaroon ng galis sa katawan at bukol sa ulo 1

Talahanayan 9. Kagyat na Tugon at Kilos Pag-angkop ng mga Bata na Nasaksihan ang Pagdakip sa Ama at mga Batang Isinama sa Kampo Militar (tuloy-tuloy na kasama ang mga Ama bago madakip)

• Karanasan ng mga Batang Hindi Nasaksihan ang Pagdakip sa Ama

(tuloy-tuloy na kasama ang parehong magulang)

HINDI NASAKSIHAN NG SAMPUNG bata ang aktuwal na pagdakip sa ama, mga sanggol pa ang tatlo sa sampung bata(isa hanggang walong buwan) at ang pito naman ay isa hanggang pitong taong gulang. Sa tatlong kaso, natutulog ang mga bata nang maganap ang raid sa kanilang bahay at hindi na sila ginising ng magulang. Sa kaso naman ng pitong bata, dinakip ang kanilang ama sa ibang lugar at isang kaso mula sa pito ay dinakip din pati ang ina. Kaya, maliban sa mga sanggol, kinausap at pinaliwanagan na lamang ang mga bata tungkol sa pagdakip sa magulang. Makikita na mas litaw ang emosyonal na kahirapan sa mga nakatatandang bata. Ayon sa isang bata, umiyak siya at kinabahan sa maaaring mangyari sa ama at natakot na baka pati ang ina ay hulihin din. Ang isa pang bata bagaman hindi siya

Page 67: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 5 3

umiyak ay nalungkot at nangulila sa ama. Ang iba naman ay inalala ang kabuhayan ng kanilang pamilya. Kung ihahambing sa mga sanggol maaaring sabihin na mas buo na ang konsepto nila ng ama at may pangkalahatang pag-unawa na sila sa kahulugan at masamang kahihinatnan ng pagkadakip sa ama. Karamihan sa kanila ay malapit din ang relasyon sa parehong magulang. Dagdag dito, may partikularidad ang mga pangyayari na lalong nakapagpapabigat sa kagipitan at ligalig na nararamdaman ng mga bata. Sa isang pamilya, gabi ng bisperas ng Pasko nang dakpin ang mag-asawa. Dahil ang paalam ng mag-asawa ay babalik sila para sa noche buena, magdamag na naghintay at nag-alala ang tatlong anak. Araw ng Pasko nang malaman ng mga kamag-anak ang nangyari sa mag-asawa at noong Pasko din sinabi sa mga bata. Ang unang reaksiyon nila ay umiyak at pagkatapos ay nagtanong kung bakit hinuli ang mga magulang. Sa isa pang pamilya, katatapos lamang ng Pasko nang dakpin ang ama. Naghihintay ang mag-ina sa pagbalik ng ama sa bahay ng lolo’t lola. Uuwi na nasa ang buong pamilya sa probinsiya kung saan sila nakatira. Ngunit sa halip na ama, mga militar ang dumating at hinanap pati ang ina upang hulihin din. Dali-daling tumakas ang ina at ang mga bata ay naiwan sa lolo at lola na halos tulala sa mga pangyayari. Pagkaraan nang ilang araw, saka lamang naipaliwanag sa mga bata ang pangyayari. Sa kaso naman ng isang pamilya na dati nang may karanasan sa pagkabilanggo ng parehong magulang, nagulat na lamang ang bunso sa dalawang magkapatid nang ang kaniyang ate ay inihatid ng mga militar sa kanilang bahay na hindi kasama ang ama. Pareho silang walang tigil sa pag-iyak at nagkasakit. Bagaman hindi kasing tindi ang reaksiyon ng mga batang ito kung ihahambing sa mga batang nakasaksi sa pagdakip sa kanilang ama, walang tigil na pag-iyak din ang kanilang tugon nang malaman ang nangyari sa magulang. Maliban sa mga sanggol, wala rin silang tigil sa katatanong kung bakit hinuli ang kanilang ama at saan ito dinala. Nagpahayag din ang pitong bata ng pangamba na baka pati ang ina ay madakip at hindi na umuwi. Mahalagang salik sa mahinahong reaksiyon ng ilan sa mga bata ang mahinahong pagpapaliwanag ng ina at/o mga kamag-anak sa nangyari. Sa kabilang banda, nakapagpatindi naman sa reaksiyon ng ilang bata, ang nakita at naramdaman nilang emosyonal na kahirapan ng ina at ng ibang kasambahay.

Page 68: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

54 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Pangyayari Bilang ng Batan = 10

Pagkabigla at pagkabalisa 7

Pagkabahala na pati ang ina ay mahuli 7

Pag-iyak nang malaman ang pangyayari 7

Pagkalito at pagtataka 7

Pagtatanong sa kalagayan ng ama 7

Hindi makatulog at may sinat 2

Galit sa militar 2

Sama ng loob sa Ama 1

Talahanayan 10. Kagyat na Tugon at Kilos Pag-angkop ng mga Bata na Hindi Nasaksihan ang Pagdakip sa Ama (tuloy-tuloy na kasama ang mga Ama bago madakip)

• Karanasan ng mga Batang Hindi Nasaksihan ang Pagdakip sa Ama

(hindi tuloy-tuloy na kasama ang ama bago madakip)

ANG KARANASAN NG 11 batang hindi tuloy-tuloy na kasama ang ama bago ito madakip at hindi nasaksihan ang pagdakip ay katulad din ng mga batang hindi rin nakasaksi sa pagdakip sa ama. Bagaman mas matagal na nakaabot sa kanila ang balita, ikinuwento at ipinaliwanag din ito sa kanila ng ina at/o kamag-anak. Ngunit may ilan ding kakaibang kondisyon na dahilan ng ilang kakaibang tugon. Sa pangkalahatan, nabigla rin ang mga bata sa mga pangyayari at natakot sa maaaring masamang sapitin ng ama. Masasalamin ito sa pitong bata na may edad tatlo hanggang anim na taon (katampatang gulang apat na taon na taon) na malapit sa ama at alam ang implikasyon ng pagkabilanggo. Apat sa kanila ang umiyak nang ibalita ang pagkadakip sa ama. Lahat ay nagtanong kung bakit ito nangyari at kung makikita pa nila ang ama. Limang bata na nakahiwalay sa inang nagtatago ay nagtanong din kung ligtas ang kanilang ina. Sa ilang kaso mas matindi ang ipinakitang reaksiyon ng mga bata. Sa isang pamilya, anim na buwan pa lamang ang nakaraan mula nang humiwalay ang ama sa mag-ina bago ito nadakip. Dati’y tuloy-tuloy silang magkasama kaya malapit ang mag-ama sa isa’t isa. Dagdag dito, may balak na ang pamilya na magsama-sama sa probinsiya at kasalukuyang naghahanda para umuwi ng probinsiya nang mahuli ang ama. Kaya lubhang napakasakit para sa mga bata ang pangyayari dahil

Page 69: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 55

nabigo ang kanilang pag-asa na magsama-samang muli ang pamilya. Liban sa pag-iyak malaki ang ipinahayag na galit ng mga bata sa militar at may kaunting sama ng loob din sa ama. May isa pang katulad na karanasan, kung kailan nagbalak din ang pamilya na magsama-sama sa probinsiya. Madalas din ang pagkikita ng mag-ama bago ito madakip kaya lubos na umasa ang panganay na apat na taong gulang noon. Dinamdam niya nang husto ang pangyayari at sinisi ang ama sa hindi pagtupad sa pangako. Sa kabilang banda, makikita pa rin sa mga bata ang pananabik na makasama at makapiling ang kanilang ama sa lalong madaling panahon. Relatibong mas kaunti sa grupong ito ang nagpakita ng matinding emosyon sa pagkadakip sa kanilang ama at sa halip ay mas nagtanong sila sa kalagayan ng ama at kung kailan ito makikita at makakasama. Makikita sa talahanayan 11 ang kagyat na tugon at kilos pag-angkop ng mga bata sa pangyayaring ito.

Pangyayari Bilang ng Batan = 11

Pagtatanong kung bakit nahuli ang ama

11

Pagkabigla at pagkabalisa 7

Pag-iyak nang malaman ang balita 4

Sama ng loob sa Ama 1

Galit sa militar 1

Talahanayan 11. Kagyat na tugon at kilos pag-angkop ng mga bata na hindi nasaksihan ang pagdakip sa ama (hindi tuloy-tuloy na kasama ang mga ama bago madakip)

Sa kabuuan, naganap sa mga bata ang iba’t ibang antas ng matinding emosyonal na krisis bunga ng pagkabigla sa mga pangyayari, hindi pagkaunawa sa mga naganap, kawalan ng katiyakan sa kalagayan ng ama, at kawalan ng kontrol at magagawa sa pangyayari. Naging makitid ang mga alternatibong pag-angkop ng mga bata dahil na rin sa kakulangan pa nila ng kakayahan sa pag-angkop, kabiglaan at kabilisan ng mga pangyayari, at ganap na pangingibabaw ng mga dumakip na wala nang naibigay na puwang para sa mga kilos pag-angkop hindi lamang ng mga bata kundi ng buong pamilya mismo. Marami sa mga kagyat na tugon ng mga bata ang maituturing na siya ring kilos pag-angkop. Ang pag-iyak at pagyakap sa mga

Page 70: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

56 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

magulang nang i-raid ang bahay ay maipapakahulugan na pananggalang, kapuwa sa sarili at sa kanilang magulang. Makikita rin ito sa mga mas agresibong kilos ng mga bata. Ang walang tigil na pagtatanong ay pagsisikap naman nilang mas maunawaan ang pangyayari. Ngunit sa pangkalahatan, hindi naging matagumpay ang mga kilos pag-angkop na siya namang naging dahilan ng pagsulpot ng pisikal at sikolohikal na karamdaman partikular sa mga naharap sa matinding kondisyon. Makikita na ang mga saligang nakaapekto sa tindi ng mga kagipitan at ligalig na nakaharap ng mga bata at ang mga tugon nila rito ay umikot pangunahin sa sirkumstansiya sa mismong pagkadakip sa ama at sa katangian ng mga bata at ng kanilang pamilya. Kabilang sa mga sirkumstansiya ng pagkadakip ang: pagsaksi o hindi pagsaksi sa pangyayari, lugar kung saan dinakip ang ama, panahon at pamamaraan ng pag-raid, trato ng militar sa pamilya at sa bata, at kawalan ng paliwanag ng mga dumakip. Kabilang naman sa katangian ng mga bata at ng kanilang pamilya: ang edad ng mga bata, relasyon ng bata sa ama, tagal ng tuloy-tuloy na pagsasama ng pamilya, pagkaunawa ng bata sa politikal na paniniwala ng magulang at dahilan ng pagkabilanggo, balak ng pamilya sa hinaharap, tugon ng mga magulang at/o kamag-anak, at pagkakaroon ng karanasan sa pagkabilanggo ng isa o parehong magulang.

Ang Matagal na Pagka-Inkomunikado ng Ama

HINDI PA MAN NAKABAWI ang mga bata sa kaligaligan ng aktuwal na pagkadakip sa kanilang ama, humarap silang muli sa bagong kaligaligan bunga ng matagal at walang katiyakang pagka-inkomunikado ng ama habang ito ay isinailalim sa taktikal na interogasyon. Sa pagdakip pa lang, natakot at nabahala na ang mga bata sa maaaring mangyari sa kanilang ama. Ngunit sa halip na maibsan ang kaligaligang ito, pinalubha pa ito ng pagkakaila ng militar na nadakip ang detenido, hindi pagsasabi sa pamilya kung saan dinala o ikinulong ang ama, at hindi pagpayag na makita o madalaw ang ama. Dahil laganap sa publiko ang kaalaman ng mga pagpapahirap sa panahon ng taktikal na interogasyon at ang posibleng pagpatay sa detenido, tunay na matinding kagipitan at kaligaligan ang nararamdaman ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang tagal ng pagkagipit at pagkaligalig ng mga bata at ng kanilang pamilya ay nakabatay sa aktuwal na tagal ng pagka-inkomunikado ng mga detenido. Sa karanasan ng mga detenido sa Bicutan, ang tagal ng pagka-inkomunikado ay

Page 71: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 57

isang linggo hanggang walong buwan. Ang nakararami ay naging inkomunikado nang isang buwan. Ang haba o ikli ng pagka-inkomunikado ay nakasalalay sa iba’t ibang salik tulad ng tindi ng presyur ng pamilya at kamag-anak ng detenido, tindi ng presyur ng abogado at iba pang mga organisasyong pangkarapatang pantao, aktitud ng militar sa detenido, at lawak ng publisidad tungkol sa pagdakip. Makikita sa talahanayan 12 ang tagal ng pagka-inkomunikado ng mga ama.

Tagal Buwan (Linggo)

Bilang ng Detenidon = 15

Bilang ng Batan = 30

– (3) 3 6

1 – 2 8 17

3 – 4 0 0

5 – 6 3 6

7 – 8 1 1

Talahanayan 12. Tagal ng Pag-Inkomunikado ng Ama

Karamihan sa mga bata ay hindi kasama sa paghahanap sa magulang. Anim na bata sa dalawang pamilya ang nasa probinsiya samantalang ang ama ay nasa Maynila. Dalawang bata sa isang pamilya ang nasa Maynila nang dakipin ang ama sa probinsiya. Apat na bata naman ay mga sanggol pa kaya hindi na isinama sa paghahanap. May dalawang bata na kasama ng kanilang ina sa bilangguan. Dahil inkomunikado ang ina, pati sila ay maituturing din na inkomunikado. Ang iba namang mga bata ay hindi na isinama ng ina o kamag-anak dahil sa kahirapan sa paghahanap sa detenido. Sa kabilang banda, may anim na bata sa dalawang pamilya na isinama ng kanilang ina sa pagpunta sa iba’t ibang kampo at opisina ng militar.

• Karanasan ng mga Batang Hindi Kasama sa Paghahanap sa Ama

SA KASO NG 22 batang hindi kasama sa paghahanap sa ama, ang mga ina at kamag-anak nila ang puspusang nagpunta sa iba’t ibang kampo at opisina ng militar. Nilapitan din nila ang iba pang mga kamag-anak at kaibigan na may kakilalang opisyal ng militar at pamahalaan upang makatulong sa pag-alam kung saan naroon ang detenido. Ginawa nila ito upang matiyak na ligtas at hindi ito pinahihirapan at upang mapapayag na makadalaw sila sa piitan ng nadakip na ama.

Page 72: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

58 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Lahat ng mga bata ay ayaw paalisin ang kanilang ina at/o kamag-anak para hanapin ang ama. Hindi rin sila mapalagay tuwing matatagalan ang ina at/o kamag-anak sa pag-uwi. Labindalawang bata ang nagsabi na natatakot sila na baka pati ang ina ay hulihin din ng militar. Bukod sa palaging nakaabang sa kung sinuman ang dumating, wala silang tigil sa pagtatanong kung saan nagpunta ang ina, kailan ito babalik at kung kasama na ba ang ama. Madalas din nilang itanong kung bakit hinuli ang ama at kung paano na ang kanilang pamilya kung sakaling hindi na makita ang ama. Pitong bata ang nagkaroon ng masamang panaginip tungkol sa ama. Pitong bata naman ang nagdasal na iligtas ang ama sa kapahamakan. Ngunit lahat ay nagpahayag ng pagnanasa na makapiling na ang kanilang ama. Ang masaklap dito pagdating mula sa paghahanap, dala ng ina at/o kamag-anak ang malungkot na balitang hindi pa rin natagpuan ang ama. Ang mga nakatatandang bata ang nagpakita ng emosyonal na kaligaligan at lalong kapansin-pansin ito sa mga batang tuloy-tuloy na kasama ang kanilang ama bago ito nadakip.

Kondisyon Hindi kasama sa Paghahanap sa Ama

Bilang ng Batan = 22

Balisa tuwing umaalis ang ina at hindi mapalagayhanggang hindi dumarating

18

Palaging nagtatanong tungkol sa mga lakadng ina at kalagayan ng ama

18

Matinding kalungkutan sa mga pangyayari 18

Nangarap nang gising na kapiling ang ama 15

Takot na pati ang ina ay hulihin 12

Nagdasal na iligtas ang ama sa kapahamakan 7

Nagkaroon ng masamang panaginip 5

Talahanayan 13. Pisikal at Emosyonal na Pag-angkop ng mga Bata sa Pagiging Inkomunikado ng Ama

• Karanasan ng mga Batang Kasama sa Paghahanap sa Ama

HIGIT NA MAHIRAP ANG karanasan ng anim na batang napilitang isama ng kanilang ina sa paghahanap sa ama dahil walang mapag-iwanan sa kanila. Araw-araw, maaga silang umaalis ng bahay para puntahan ang mga lugar na inaakala nilang

Page 73: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 59

kinaroroonan ng ama. Kadalasan ang mga lugar na ito ay malalayo at hindi pa nila nararating. Pagdating sa lugar, hinaharap sila ng mga militar na nanggigipit at nambabastos. Sinasabi sa kanila na wala silang alam tungkol sa detenidong ama at itinuturo lamang sila sa ibang opisina. Sa ilang kaso naman ay pinaghihintay sila nang matagal ngunit wala namang makabuluhan o bagong impormasyong sinabi sa kanila. Kung minsan pinababalik-balik sila at pagkatapos ay hindi na sisiputin ng kausap na opisyal na militar. Sa kaso ng isang pamilya, pinapasok sila sa piitan ng mga bilanggong kriminal upang tingnan kung nandoon ang kamag-anak. Mangyari pa wala ito roon at natakot lamang sila sa nakitang kalagayan sa loob ng bilangguan. Sa mga pagkakataong ito lalo lamang naligalig at nawalan ng pag-asa na makita pa ang detenidong kamag-anak. Pinalalala pa ito ng kalagayan na kapos sila sa pinansiya para sa pamasahe at pagkain. Kahit maghapon at magdamag silang maghanap, bigo pa rin silang umuuwi na walang malinaw na impormasyon kung saan itinago ng militar ang detenidong kamag-anak. Halos pareho ang kinahinatnan ng karanasan ng mga ina at/o kamag-anak na hindi isinama ang mga bata. Dagdag na pasanin pa para sa mga ina ang isama ang mga anak sa paghahanap. Sa mga bata naman ito ay nagdulot ng pisikal at emosyonal na hirap at nagbunga ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng lagnat, ubo, bronchitis, pneumonia, at iba pang sakit. Takot ang palaging reaksiyon ng mga bata na isinama ng ina sa pagpunta sa mga opisina ng militar at pamahalaan. Mahigpit silang nakakapit at palaging nakasiksik sa kanilang magulang. Madalas ayaw nilang pumasok sa mga opisina at kailangan pang pilitin at paliwanagan ng ina. Laging umiiyak ang mga nakababata tuwing nakikita ang mga lalaki na may dalang baril. Paulit-ulit din ang tanong nila kung bakit hinuli ang ama at kung saan ito naroroon. Kapansin-pansin na ang mga batang isinama para hanapin ang ama ay mas maraming tanong kaysa sa mga hindi isinama sa paghahanap. Marahil, dahil ito sa kalagayang tuwiran nilang naranasan ang paghahanap sa ama. Ang apat na batang sumama sa ina ay maraming tanong tungkol sa bilangguan at sa pagiging bilanggo. Iniugnay nila ang mga tanong sa mga nangyari sa ama. Itinanong ng ilang bata sa ina kung bakit may bilangguan, sino ang naglagay sa mga bilanggo rito, at paano makalalabas ang mga bilanggo. Sa kaso naman ng ibang bata, itinanong nila kung may kasalanan bang nagawa ang ama. Ang pinakamatinding karanasan kaugnay ng pagka-inkomunikado ng ama ay ang karanasan ng dalawang bata na mistulang naging inkomunikado rin dahil kasama sila ng inang nadakip. Hindi lamang pag-aalala sa ama na inkomunikado ang lumiligalig sa kanila kundi maging ang pag-aalala sa mismong

Page 74: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

60 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

kapakanan at kaligtasan nilang mag-iina. Nagmakaawa sila sa militar na palayain ang detenidong ama kasabay ng paghiling na makita at makasama ito. Ngunit hindi ito pinakinggan ng militar at walang nagawa ang mag-iina kundi ang umiyak dahil sa kanilang abang kalagayan. Pagkaraan ng dalawang buwan, pinagsama sa isang selda ang buong pamilya. Ngunit, panandalian lamang ito dahil kinabukasan ay sapilitan din silang pinaghiwalay. Ang ama ay dinala sa ibang piitan at pagkaraan ng ilang araw ang mag-iina naman ay dinala sa ospital dahil sa pagkakasakit ng dalawang bata. Ang batang lalaki ay tinubuan ng bukol sa ulo at nagkagalis sa katawan. Samantala, ang batang babae naman ay nakitaan ng walang kontrol na panginginig ng katawan.

Kondisyon Kasama sa Paghahanap sa Ama

Bilang ng Batan = 6

Pagkapagod at pagkahapo 6

Takot tuwing nasa kampo militar 6

Pagkakasakit 4

Pag-iyak tuwing nakakakita ng sundalo 4

Madalas na pagtatanong tungkol sa ama at sa bilangguan 4

Talahanayan 14. Pisikal at Emosyonal na Pag-angkop ng mga Batang Kasama sa Paghahanap sa Ama

Bagaman iba-iba ang anyo, marami ang magkahawig sa kanilang tugon sa mapanggipit at nakaliligalig na sitwasyon. Tulad ng pagtutol at pagkabalisa sa pag-alis ng ina, pag-aalala kapag hindi dumarating agad ang ina, walang tigil na pagtatanong, pagdarasal, pagnanasang makapiling ang ina, pagtangging pumasok sa kampo militar, pag-iyak tuwing nakakakita ng sundalong may baril, pagsiksik at pagkapit ng mahigpit sa ina sa loob ng kampo, at pag-iwas sa mga kapitbahay at kalaro. Karamihan sa mga nabanggit na tugon ay maituturing ding mga paraan ng pag-angkop. Sa mga ito ang pinakamatingkad ay ang pagkabalisa at pag-aalala sa maaaring mangyari sa ama. Makikita kung gayon na hindi lubos na nakaharap at nasagutan ang problema ng mga bata na maaaring dahilan sa iba pa nilang kilos o reaksiyon tulad ng pag-iwas sa mga kapitbahay at kalaro, pagkakaroon ng masamang panaginip, pagdarasal at walang tigil na pagtatanong. Kadalasan, hindi naman mahusay na nasasagot ang mga ito ng ina at/o kamag-anak dahil sila mismo ay naguguluhan at nababagabag sa nangyayari. Isa pa, lubhang napakahirap ipaliwanag sa mga bata ang puno’t dulo ng pagkadakip ng kanilang ama sa isang paraan na mauunawaan nila lalo ang konsepto nila sa pagkabilanggo ay kaugnay

Page 75: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 61

ng mga kriminal na elemento sa lipunan. Sa kabuuan, lalong sumidhi ang pagkabahala at takot ng mga bata sa maaaring mangyari sa kanilang ama bunga ng matagal at walang katiyakang pagka-inkomunikado ng kanilang ama. Pinalubha pa ito ng hindi nakasulat, ngunit isinapraktikang kalakaran ng militar na ilagay ang bilanggong politikal na inkomunikado habang isinasailalim sa taktikal na interogasyon. Liban sa mga sitwasyong bunga o kaugnay ng matagal na pagka-inkomunikado ng ama, may ilang pang problema sa kabuhayan ang pamilya na nakaapekto nang malaki sa anim na pamilya na kinabibilangan ng 14 na bata. Dahil karamihan sa mga detenido ay dating pangunahing tagapaghanapbuhay ng pamilya, biglang bumagsak ang kanilang kabuhayan at nakahadlang ito sa pagsisikap ng pamilya na mabilis na mahanap ang detenido. Naging problema rin para sa mga bata ang kabawasan sa dating kalingang ibinibigay ng ina dahil abalang-abala ito sa paghahanap sa ama at sa pagsisikap na mailipat ito sa isang regular na piitan. Madalas din na pagod at mainit ang ulo ng ina na nakasangka sa epektibong pagtugon nito sa emosyonal na pangangailangan ng mga bata. Sa ilang pagkakataon hindi rin handa ang mga ina at/o kamag-anak sa pagbibigay ng paliwanag sa mga tanong ng mga bata dahil sila mismo ay litong-lito sa naganap. Naging mahirap din ito sa apat na bata na kailangang maka-angkop sa mga bagong kasambahay at bagong tirahan. Apat namang batang nag-aaral ang napilitang pansamantalang tumigil dahil hindi maasikaso ng ina ang mga pang-araw-araw na pangangailangan nila sa pagpasok sa paaralan. Naging matingkad ang pagkaligalig ng isang bata dahil malapit nang matapos ang klase nang tumigil siya sa pagpasok upang samahan ang ina sa paghahanap sa ama. Nagkaproblema rin ang limang bata kung paano nila sasagutin ang mga tanong ng kanilang kalaro at kapitbahay na nakakaalam sa pagkadakip sa ama. Makikita sa talahanayan 15 ang mga problemang ito. Sa kabilang banda nakatulong nang malaki ang ilang mga organisasyon sa pagpapabilis sa paghanap sa mga detenidong ama. Naibsan din nila ang ilang emosyonal at materyal na pangangailangan ng ilang pamilya. Isa na rito ang mga organisasyon ng mga abogado tulad ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism (MABINI) na nagpursigi kasama ang mga pamilya at kamag-anak sa pagpilit sa militar na ilabas sa lalong madaling panahon ang detenido at payagan sila na regular na dalawin ang mga detenidong ama.

Page 76: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

62 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Kondisyon Bilang ng Batan = 30

Pakikibagay sa mga bagong kasambahay 17

Pagbagsak ng pang-ekonomiyang katayuan 14

Walang malinaw na paliwanag sa mga tanong 10

Madalas mainit ang ulo ng ina 8

Pagbawas ng kalinga at pag-aaruga ng ina at/o kamag-anak 6

Walang maisagot sa mga kalaro at kapitbahay 5

Pansamantalang pagtigil sa paaralan 4

Talahanayan 15. Iba pang Problema ng mga Bata sa Unang Yugto Mayroon ding mga organisasyon sa labas ng bayan na nagpadala ng mga sulat at telegrama sa pamahalaan para alisin sa pagka-inkomunikado ang mga detenido at irespeto ang kanilang mga karapatang legal at karapatang pantao. Nakatulong din ang ilang organisasyong pangkarapatang pantao tulad ng Task Force Detainees (TFD) at Kapisanan para sa Pagpapalaya at Amnestiya sa mga Detenido (KAPATID) sa pagpapagaan ng saloobin at ng pinansiyal na problema ng ilang mga pamilya. Bukod pa ito sa pakikipag-ugnayan sa organisasyon ng mga abogado para makalikha ng pampublikong presyur sa pamahalaan na igalang ang karapatan ng mga dinakip. Maituturing din ang mga kondisyon at problemang nabanggit sa itaas bilang mga salik na nakaaapekto sa tindi o pagkabanas ng kagipitan at ligalig na nakaharap ng mga bata. Liban dito, may iba pang mga salik na dapat isaalang-alang, ang mismong katangian ng mga bata tulad ng edad, pagsama o hindi ng bata sa paghahanap sa ama, relasyon ng bata sa ama, kaalaman hinggil sa pampolitikang paniniwala ng magulang, pag-unawa sa ibig sabihin ng inkomunikado, dating karanasan sa pagkabilanggo ng magulang, at kasanayan sa pakikisama sa ibang kasambahay. Kabilang naman sa mga saligan sa kapaligiran ang tagal ng pagka-inkomunikado ng ama, sirkumstansiyang pumapaligid sa pagpunta ng mag-ina sa opisina ng militar, relasyon sa mga kamag-anak, kapitbahay at kalaro, katayuan ng bata sa paaralan, at publisidad ng kaso ng ama.

Page 77: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 63

Ang mga Unang Dalaw sa Ama

BUNGA NG PAMPUBLIKONG PRESYUR sa pamahalaan at dahil wala nang dahilan pa ang militar para panatilihing inkomunikado ang detenido, sa malao’t madali ay pinahintulutan na rin ang mga pamilya, kamag-anak, at abogado na regular na dumalaw sa mga detenido ayon sa mga patakarang ipinatupad ng partikular na piitan. Malaking kaluwagan ito sa emosyonal na hirap ng mga pamilya at mga bata mula nang madakip ang detenido hanggang sa buong panahon ng pagka-inkomunikado nito. Ngunit panandalian lamang ang kaluwagang ito dahil nakaharap naman sila sa kalunos-lunos na kalagayan ng detenido sa loob ng piitan at ang mahigpit na mga patakaran sa kampo militar na kapuwa gumipit at lumigalig sa kanila. Mahalagang banggitin na ang mga tinutukoy sa mga unang dalaw ay ang panahon nang payagan na ng unit intelligence na siyang dumakip sa detenido na madalaw ang detenido sa piitan. Iba pa ito sa regular na piitan na tatalakayin sa sususunod na yugto. Mas mahigpit ang mga kondisyon at patakaran dito kaysa sa regular na piitan. Dahil sa kalagayang ito, sampung bata ang hindi nagkaroon ng pagkakataong madalaw ang kanilang ama sa panahong ito bunga ng kalayuan ng tirahan nila sa lugar na pinagpiitan sa ama. Nakita na lamang nila ang ama nang ito ay nasa regular na piitan na. Sa mga may pagkakataong makadalaw, lima ang hindi rin nakadalaw (tatlo ang sanggol pa at dalawa ang kasama ng kanilang ina sa piitan). Kaya 15 lamang ang aktuwal na nakadalaw sa kanilang ama sa panahong ito at isa sa kanila ang walong buwan lamang nang dumalaw sa ama. Sa mga bata, 13 ang tuloy-tuloy na nakasama ang ama bago ito madakip at may malapit na relasyon sa ama. Ang natitirang dalawa, bagaman hindi tuloy-tuloy na nakasama ang ama ay malapit din sa ama bunga ng regular at madalas na pagkikita ng buong pamilya kahit nagtatago ang ama. Sa mga nakadalaw, dalawa ang pangunahing kondisyong lumiligalig at gumipit sa mga bata. Una, ang aktuwal na itsura at kondisyon ng ama sa unang pagdalaw dahil sa pisikal at mental na pagpapahirap na dinanas ng ama. Naging kalunos-lunos ang itsura at pangangatawan ng detenido. Payat, nangalumata, maputla, marumi at gusot ang damit, mahinang magsalita, matamlay, at iba pang pisikal na ebidensiya ng paghihirap ang nabakas sa hitsura ng ama na bumungad at nakita ng mga bata. Sa kanilang nakita, matinding awa sa ama ang naramdaman ng mga bata. Nagkaroon ng pisikal na batayan ang kanilang mga takot at pangamba

Page 78: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

64 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

sa kaligtasan ng ama kaya sa halip na mawala ang ligalig ay lalo pa itong tumindi. Hindi nila maintindihan kung bakit sinapit ito ng kanilang ama samantalang wala naman silang alam na masamang ginawa nito. Para sa anim na bata, nakadagdag sa kanilang pagkaligalig ang makita ang iba pang kakilala at kaibigan ng kanilang ama sa piitan na nasa parehong kalagayan. Para sa dalawang bata, nanumbalik ang karanasan nila noong nabilanggo rin ang kanilang mga magulang ilang taon na ang nakakaraan. Ang ikalawang kondisyon na nakapagpalubha pa sa ligalig na dulot ng unang kondisyon ay ang mahigpit at mapanggipit na kalagayan at mga patakaran sa kampo militar na kinaroroonan ng ama. Walo sa mga bata ang naalala ang mapait na karanasan nang i-raid ng mga sundalo ang kanilang bahay at dakpin ang kanilang ama. Ang ilang sundalo na humarap sa kanila ay kasama sa mga nag-reyd at humuli sa kanilang ama. Nanumbalik din sa tatlong bata ang kanilang mapait na karanasan sa mismong kampo dahil doon sila dinala kasama ng kanilang ama. Para naman sa lahat ng bata, lubhang balisa sila sa pisikal na kalagayan ng kampo militar – ang rehas na bakal, alambreng tinik, at ang madilim at masikip na kapaligiran. Naharap din sila sa mahigpit na patakaran tulad ng paghalungkat at pagkapkap sa kanilang gamit, maikling oras ng dalaw, pakikinig sa kanila habang nag-uusap, at hindi magalang na trato sa kanila. May mga pagkakataon din na bigla na lamang silang hindi pinapayagang dumalaw. Iba-iba ang reaksiyon ng mga bata sa harap ng kalagayang ito. Siyam na bata ang palaging sabik at madalas yayain ang ina na dumalaw sa ama. Ngunit pagdating sa kampo, ang ilan sa kanila ay bantulot na pumasok at mahigpit na kumakapit sa ina at/o kamag-anak. May ilang umiyak at tumigil lamang nang makita na ang ama. Sa kabilang banda, dalawang bata naman ang ayaw dumalaw sa ama at kailangan pang pilitin ng ina. Ang isa ay umiiyak tuwing isasama sa piitan at kung sumama man ay ayaw namang lumapit sa ama. Ang apat na bata naman ay sumusunod na lamang sa kagustuhan ng ina kung kailan at gaano kadalas ang pagdalaw. May isang bata na laging umiiyak at nagpakita ng matinding takot sa mga sundalo at iba pang tao sa loob ng kampo. Ang 11 bata naman ay walang tigil sa pagtatanong sa ama tungkol sa pagdakip at pagkabilanggo at kung kailan uuwi ang ama sa kanilang bahay. Dalawa ang tahimik lamang at nagmamasid sa paligid; samantala ang isa ay ayaw lumapit sa ama. Kapag hindi na kaharap ang ama, lahat sila ay panay ang tanong sa ina at/o kamag-anak tungkol sa pagkabilanggo ng ama at ng iba pa nilang nakita sa kampo. Sa kaso ng dalawang bata na kasama ng kanilang inang nakapiit din, hindi man maituturing na dalaw, nagkaroon din sila ng pagkakataon na makasama ang

Page 79: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 65

parehong magulang sa iisang piitan sa loob ng 24 oras. Tuwang-tuwa ang mga bata at noon lamang sila nakatulog nang panatag kahit nasa loob ng bilangguan. Kasabay ng pagkukuwento sa ama ng kanilang karanasan at paglalahad ng mga hinaing, panay din ang tanong nila kung bakit sila nakakulong at kung kailan silang lahat babalik sa bahay. Ngunit hindi nagtagal ang masasayang sandaling ito, dahil kinabukasan ay inihiwalay muli sila sa ama at nagsimula muli ang panangis ng dalawang bata. Tumigil lamang sila nang sabihin ng militar na pauunahin lamang ang ama at susunod sila sa regular na piitan. Ngunit, hindi natupad ang pangakong ito. Makikita sa talahanayan 16 ang pisikal at emosyonal na reaksiyon ng mga bata sa kagipitan at ligalig sa panahong ito. Sa kabuuan, ang pananatili ng takot at pangamba na dulot ng kalunos-lunos na kalagayan ng ama at ang mahigpit at mapanggipit na patakaran sa loob ng piitan ay nakahadlang sa matinding hangarin ng mga bata na makita at makapiling ang kanilang ama. Lubhang nagpapalala sa kanilang kalagayan ang tunggalian ng pagnanasang makita ang ama at ang pagharap sa mahigpit na kondisyon sa piitan.. Para sa mga bata, ang solusyon lamang dito ay ang paglaya ng ama. Hindi nila maintindihan kung bakit nananatili ito sa loob ng piitan samantalang lahat ay nagsasabi na wala namang ginawang masama ang magulang.

Kondisyon Bilang ng Batan = 15

Awa sa ama 15

Balisa sa loob ng piitan 15

Sabik na dumalaw at makita ang ama 9

Naaalala ang karanasan ng pagdakip 8

Pag-iyak tuwing nasa piitan 7

Bantulot na pumasok sa kampo 6

Mahigpit na pagkapit sa ina at kamag-anak 6

Pagsunod sa anumang naisin ng ina 4

Tahimik at nagmasid lamang 2

Ayaw dumalaw sa piitan 2

Ayaw lumapit sa ama sa loob ng piitan 1

Talahanayan 16. Pisikal at Emosyonal na Pag-angkop ng mga Bata sa Unang Dalawa sa Ama

Makikita na bagaman mayroon pa ring mga pisikal na reaksiyon ang mga bata tulad ng pag-iyak, pagkapit sa magulang, at pagtutol na dumalaw sa ama; mas litaw sa panahong ito ang mga emosyonal na tugon tulad ng awa sa ama,

Page 80: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

66 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

pagkabalisa, pagbantulot, pag-alaala at pagtahimik. Sa panahong ito, mas marami na ang mga alternatibong pagpipilian nila. Mas may kontrol na sila sa ilang mga bagay at sitwasyon, kaya may lumitaw na ring partikular na estilo ng pag-angkop ang mga bata na mas tatalakayin sa susunod na yugto. Mapapansin na maraming magkakaparehong tugon ang mga bata sa mga sitwasyong gumigipit sa kanila. Ngunit ang pinakamadalas na tugon ay ang pag-iyak, pagkabalisa, at walang tigil na pagtatanong at paghahanap ng malinaw na paliwanag sa mga nagaganap sa kanilang buhay. Sa panahong isinagawa ang pag-aaral, hindi pa epektibong nasagot ng ama, ina, at/o kamag-anak ang mga tanong ng mga bata. Liban sa nabanggit na dalawang pangunahing kondisyon na lumigalig at gumipit sa mga bata, may ilan pa silang hinarap na sekundaryong problema. Patuloy na nakaapekto sa 11 bata sa apat na pamilya ang matinding krisis pangkabuhayan. Kadalasang kapos ang pamilya at hindi matugunan ng ina ang pangangailangan ng mga bata. Sa mga batang nag-aaral, hindi nila mapag-ukulan nang mabuti ang pag-aaral kaya bumaba ang kanilang mga grado. Bagaman nakita na ang kanilang ama, binabagabag pa rin sila ng kawalan ng malinaw na paliwanag sa nangyari sa ama. Sa nakitang kalagayan ng ama, unti-unti na rin silang nawalan ng pag-asa na makasama muli ang ama at mabalik ang dating kalagayan at katayuan ng pamilya. Sa kabilang banda, nakita at naramdaman ng mga bata na may mabubuting tao at grupo na nagbigay ng tulong at suporta sa kanila sa panahon ng kagipitan. Malaki ang nagawa nito upang maibsan ang materyal at emosyonal na problema ng pamilya. Para sa mga bata at maging sa matatanda, malaking kaluwagan sa gipit na kalagayan ang malaman na hindi sila nag-iisa sa pagsisikap na mapalaya ang ama. Ang mga saligang nakaapekto sa tindi ng kagipitan at ligalig, gayundin sa pamamaraan ng pag-angkop ng mga bata ay nakabatay sa kanilang katangian at sa kondisyon ng kanilang kapaligiran noong panahong ito. Kabilang sa mga katangian ng mga bata ang edad, relasyon sa ama ng bata bago madakip, pag-unawa sa paniniwalang politikal ng magulang, dating karanasan sa pagkabilanggo ng magulang, at kasanayan sa pakikitungo sa ibang tao at kasambahay. Ang mga kondisyon naman sa kapaligiran ng mga bata na nakapagpatindi o nakabawas sa kagipitan at ligalig ng mga bata ay ang tagal na hindi nakita ang ama, pisikal at emosyonal na kalagayan ng ama nang unang makita, kondisyon sa loob ng piitan at trato sa pamilya ng militar, paliwanag ng ina at/o kamag-anak sa nangyari sa ama, at tulong at suporta ng mga grupo at indibidwal.

Page 81: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 67

Ikalawang Yugto

Paglipat sa Regular na Piitan

DUMATING DIN ANG PANAHONG lumuwag ang mapanikil at mapang-aping kondisyon ng mga detenido sa unang yugto. Kadalasan bunga ito ng walang humpay na paggiit ng mga pamilya, abogado, at mga organisasyong pangkarapatang pantao na inilaban ang karapatang madalaw ang mga kamag-anak upang mas masubaybayan ang anumang paglabag sa mga karapatang legal ng mga detenido. Humantong ito sa paglipat sa mga detenido sa isang regular na piitan tulad ng BRC, kung saan nagkaroon ang mga detenido ng pagkakataon na makasalamuha ang isa’t isa at matamasa ang isang anyo ng buhay-komunidad. Sa isang regular na piitan, mas maluwag ang mga patakaran sa pagdalaw na nagbunga ng magandang kondisyon para sa pagtitipon ng pamilya. Sa ganitong kondisyon nagsimula ang ikalawang yugto hanggang sa panahon na naibagay na ng mga detenido at kanilang pamilya ang kanilang isip at kilos sa buhay bilangguan at sa isang tahanang walang ama. Makikita sa yugtong ito ang pagsisikap ng mga detenido at ng kanilang pamilya na iayon ang kanilang pag-iisip sa katotohanan ng pagkabilanggo ng kaanak. Kasama rito ang pagbabago ng estilo ng kanilang pamumuhay at pang-araw-araw na gawain, upang mas bumagay sa mga bagong kondisyong dala ng pagkabilanggo. Kasabay nito, patuloy pa rin silang nagsikap na matamo ang maagang paglaya ng ilan, kung hindi man ng lahat ng mga detenido. Ngunit, dahil sa kagyat at praktikal na mga problemang kinaharap ng mga detenido at ng kanilang pamilya, mas nabuhos ang kanilang pansin sa paglutas sa mga pang-araw-araw na suliraning ito. Dagdag na nakahadlang dito ang madalas na pagtanggi ng militar sa mga kahilingan para sa paglaya ng detenido. Ang mga problemang kinaharap ng mga bilanggong politikal sa yugtong ito ay bunga o kaugnay ng makitid, mapanggipit, at mahirap na kalagayan sa bilangguan. Sanay sila sa isang aktibo at makabuluhang buhay bago sila madakip, kaya’t kailangang pag-aralan nila kung paano umangkop sa nakababagot na buhay sa bilangguan: makibagay sa mga ugali at pabago-bagong kilos ng kapuwa detenido, sumunod sa mga patakaran at regulasyon sa bilangguan, at ipatupad ang mga pang-araw-araw na gawain at tungkulin. Nakadama rin sila ng kainutilan at kawalang magawa sa harap ng napakaraming

Page 82: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

68 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

problema ng pamilya. Tiniis din nila ang iba’t ibang kahirapan sa piitan tulad ng maliit na badyet sa pagkain at kakulangan ng mga pasilidad at serbisyo-medikal. Bigla-bigla ring binawi ang mga dating kaluwagan at masyadong ginipit ng militar ang mga pamilya ng detenido. Hindi kataka-taka na kung minsan ay hindi napanghahawakan ng mga detenido ang kanilang kahinahunan at napapaaway sila o nalulugmok sa pagkaburyong. Tumingkad din ang ilang indibidwal na kahinaan at kakulangan na lumikha paminsan-minsan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga detenido. Ang masaklap na kalagayang ito sa bilangguan at ang pabago-bagong disposisyon ng mga detenido ay tiyak na nakaapekto sa pamilya at mga anak nila. Sa bahagi ng pamilya, ang pinakamalaki at pinakakagyat na problema ay kaugnay ng pagbulusok ng kanilang kabuhayan. Para mabuhay kailangan nilang pagkasyahin ang maliit na kita ng detenidong ama mula sa produksiyon sa loob ng piitan, kita ng ina sa panaka-nakang pagtatrabaho, at paminsan-minsang tulong ng mga kamag-anak, kaibigan, at mga organisasyong pangkarapatang pantao. Pinalala pa ito ng mga pang-ekonomiyang problema sa lipunan tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at mga serbisyo sa buong bayan. Nagkaroon ng problema ang sampung pamilya sa pagbabagong dulot ng paglipat ng tirahan o pakikipisan sa mga kamag-anak. Sa mga lumipat sa bagong tirahan, nawala ang dating suportang pangkomunidad na dating ibinibigay ng mga kapitbahay. Kailangan nila ngayong bumagay sa bagong mga kapitbahay na hindi pa nakauunawa sa kalagayan ng pamilya kaya hindi pa epektibong makasuporta sa kanila. Sa mga nakipisan naman sa mga kamag-anak, naharap sila sa dagdag na problema at kagipitan dahil sa mahirap na buhay rito. Ang ilan pa ay hindi maunawaan ang mga dahilan kung bakit nabilanggo ang kaanak, samantalang ang iba naman ay may ibang pagtingin sa kung paano patatakbuhin ang pamilya sa panahon ng krisis. Malaking problema rin sa lahat ng pamilya ang negatibo at masamang pakikitungo sa kanila ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan at ang mga pabago-bagong patakaran na sumisikil sa kanila. Kabilang dito ang pagpapasa-pasa sa kanila tuwing susundan nila ang petisyon para sa paglaya ng isa o ilang detenido, mabagal na pag-proseso ng pases sa pagdalaw, panggigipit at pambabastos ng mga guwardiya, bigla at walang paliwanag na pagbawi sa karapatang dumalaw at iba pang hindi makatarungang regulasyon at patakaran. Katulad ng mga detenido, nahirapan din ang mga pamilya sa masamang kondisyon, pasilidad, at serbisyo sa loob ng piitan. Kasama ng emosyonal na kaligaligan, patuloy pa ring naramdaman ng

Page 83: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 69

mga pamilya ang kahirapan at kagipitan. Madalas ding nalalagay sa alanganin ang pamilya na nakadaragdag sa kanilang takot at pangamba. Ang ina ng mga bata ang pumapasan sa malaking bahagi ng mga problema at responsibilidad na naiwan ng detenido. Sa proseo ng pagtupad nila sa papel bilang kapuwa ina at ama ng mga bata, dumadanas sila ng matinding kahirapan na pinalulubha pa ng pangungulila sa nakabilanggong asawa. Samakatwid, dahil ang ina ang nagpasan ng lahat ng suliranin nakahadlang ito sa epektibong pagtugon niya sa pisikal, emosyonal, at materyal na pangangailangan ng mga bata. Sa kabuuan, ang mga problema ng pamilya ng mga bilanggong politikal sa yugtong ito ay umikot sa pagharap nila sa mga praktikal na pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay: pagsasaayos ng estruktura at kalakaran sa loob ng pamilya at pagtugon sa emosyonal at materyal na pangangailangan ng detenidong-ama lalo na ang pag-aasikaso sa maaga nitong paglaya. Mangyari pa, inasahan din ng mga bata na makasabay at makaangkop sa mga pangangailangan at problemang ito. Inasahan din ng nakatatandang mga bata na makaambag ng ganang kanila sa pagsasabalikat ng ilang responsibilidad at tungkulin sa pamilya dahil hindi na kaya ng ina na tuparing mag-isa ang mga responsibilidad na ito. Ngunit bago tukuyin ang pangkalahatang sitwasyon at mga partikular na kagipitan at ligalig na nakaapekto sa mga bata, mahalagang banggitin ang ilang pagbabagong naganap sa mga pamilya pagkatapos ng unang yugto. Una, nadagdagan ng isa ang bilang ng mga bata, mula 30 ay naging 31. Ikalawa, ang isa sa mga ina na dinakip kasabay ng kaniyang asawa ay pinalaya pagkaraan ng dalawang buwan sa regular na piitan. Ang inang ito ang tinukoy sa unang yugto na kasama ang kaniyang mga anak sa piitan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kalagayan at aktuwal na bilang ng mga nakapiit o nagtatago sa yugtong ito at ang bilang ng mga apektadong bata.

Kondisyon Bilang ng Pamilyan = 15

Bilang ng Batan = 31

EdadTaon (Buwan)

Average Taon

Nakapiit ang ama at ina 2 5 3 – 7 5.2

Nakapiit ang ama; kasama ng ina ang mga bata

11 21 – 9 3.9

Nakapiit ang ama; Nagtatago ang ina

2 5 – 7 3.9

Talahanayan 17. Kalagayan ng mga Pamilya sa Ikalawang Yugto

Page 84: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

70 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Pagbagsak ng Kabuhayan at mga kaugnay na Problema

BAGO MADAKIP ANG MGA detenido, walong pamilya ang nasa gitnang antas ang kabuhayan at pito ang nasa mababang antas. Pagkatapos nilang madakip, nagkaroon ng malaking pagbabago sa katayuang pangkabuhayan ng karamihan sa mga pamilya. Ang pitong pamilya na dating nasa mababang antas ay lalo pang lumubha ang suliraning pangkabuhayan. Sa limang pamilya na ang detenido ang dating pangunahing nagtatrabaho, nabuhay na lamang sila nang isang kahig-isang tuka at panaka-nakang tulong mula sa ilang kamag-anak. Sa isang kaso na dating nagtago ang ina, napilitan itong kunin ang mga anak at pumunta sa Maynila para maghanap ng trabaho. Maihahanay rin ang kabuhayan nila tulad ng unang pitong nabanggit. Sa isa namang kaso nanatili ang inang nagtatago at ang mga bata ay dinala ng lola sa Maynila kung saan nakipisan sila sa mga kamag-anak. Maibibilang din sila sa mababang antas ang kabuhayan. Liban sa mga pamilyang nabanggit, isa sa pamilyang dating nasa gitnang antas ang bumaba ang katayuan sa buhay dahil parehong nabilanggo ang mga magulang. Ang mga kamag-anak na hirap din sa buhay ang sumuporta sa mga anak nila. Sa kabuuan, walong pamilya ang nasa mababang antas ng kabuhayan at pito ang hikahos na hikahos sa yugtong ito. Sa hanay ng mga pamilyang dating nasa gitnang antas, anim ang nanatili sa antas na ito. Sa tatlong kaso, may regular na trabaho ang ina kahit noong hindi pa nadakip ang ama at nanatiling nagtatrabaho maging pagkatapos madakip ang ama. Sa tatlo pang kaso, nakipisan ang ina at mga bata sa mga kamag-anak na nasa gitnang antas ang pamumuhay. Kabilang dito ang dalawang bata na nakatira sa lolo at lola dahil ang ina ay nagtatago. Parehong nakapiit ang magulang ng mga bata ng isang pamilya, kaya pumisan ang mga bata sa lolo at lola nila na mataas ang antas ng kabuhayan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang bagong katayuang pangkabuhayan ng mga pamilya.

Katayuan Bilang ng Pamilya n = 15

Bilang ng Bata n = 31

Mataas 1* 2

Gitna 6 (3*) 9 (5*)

Mababa 8 (3*) 20 (9*)

Talahanayan 18. Katayuang Pang-ekonomiya ng Pamilya sa Ikalawang Yugto *Bilang ng pamilya at/o mga bata na nakapisan sa mga kamag-anak kaya tinutukoy rito ang antas ng kabuhayan ng kamag-anak.

Page 85: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 71

Makikita rito na bumagsak ang kabuhayan ng karamihan sa mga pamilya. Kung hindi sa suporta ng mga kamag-anak ay higit na mas marami sa walo ang mabibilang sa mababang antas. Ngunit kahit ang bilang ng mga pamilya na nasa mababang antas ay sumasaklaw sa 20 bata ang kabuuan. Nagpapakita ito ng mabigat na problemang pangkabuhayang nakaharap ng mga pamilya sa yugtong ito. Sa katunayan pitong pamilya na sumasaklaw sa 17 bata ang maituturing na hikahos na hikahos dahil walang regular na pinagkakakitaan ang ina o tagapag-alaga ng mga bata. Hindi rin sila masuportahan nang malaki ng kanilang mga kamag-anak na nasa mababang antas ang kabuhayan. Limitado ang pinagmulan ng kita ng mga pamilya ng bilanggong politikal. Isa na ang panaka-nakang kita ng ina at/o kamag-anak mula sa pagtitinda at pagmamanikyur. Ngunit, hirap silang ipagpatuloy ito dahil sa kakulangan ng kapital. Isa pa’y hindi ito regular at hindi sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Minsan, naaapektuhan din ang produksiyon sa loob ng piitan sa panggigipit ng mga militar at mas regular pa ang tulong na naibibigay ng mga organisasyong pangkarapatang pantao. Naaapektuhan ang buwanang suportang pinansiyal at suportang medikal para sa nagkakasakit na miyembro ng pamilya. Liban sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilya – pagkain, damit, at tirahan, kailangan din nilang tugunan ang ilang pangangailangan ng mismong mga detenido. Dagdag pa ang gastos sa pagbisita sa piitan at sa pagpunta sa iba’t ibang opisina ng militar at pamahalaan para kumuha ng pahintulot na matulog sa loob ng piitan at hingin ang maagang paglaya ng detenido. Mas pinalulubha pa ang kalagayang ito ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa buong bayan.

Kakulangan ng mga Saligang Pangangailangan

ISA SA PINAKAMABIGAT NA problema ng pamilya ang kakulangan sa pambili ng sapat at masustansiyang pagkain. Dahil dito maraming bata ang payat, mahina ang katawan, at madalas magkasakit. Sa pitong pamilya, labing-isa sa mga sanggol at maliliit na bata ang madalas dapuan ng sakit at karamdaman. Bukod sa karaniwang sakit (ubo, sipon, at lagnat), maraming kaso ng bronchitis, pneumonia, typhoid fever, at sakit sa balat. Hindi agad maipagamot ang mga bata dahil sa kakulangan sa pinansiya kaya lumalala ang kanilang mga sakit.

Page 86: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

72 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Sa kaso ng magkapatid na nagkaroon ng mataas na lagnat, ang isa ay humantong sa kumbolsiyón at hindi nagtagal ay sinusumpong ng epileptic seizure. Ang isa naman ay nagkaroon ng meningitis na walang malinaw na dahilan. Kapag gipit na gipit ang mga magulang, napipilitan silang umutang sa mga kaibigan,kamag-anak, at minsan pati sa mga hindi kilala at ususero. Nabaon tuloy sa utang ang mga pamilya at hindi na makaahon. Malaking problema rin ang pambayad sa upa ng bahay, kuryente, tubig, at iba pa. Upang makatipid lumilipat sila sa bahay na mas mababa ang upa o nagsasama-sama sa iisang bahay ang dalawa hanggang tatlong pamilya upang mapagtulungan ang mga gastos sa bahay at sa pagkain. Sa mga hindi naman nakahanap ng bahay na mababa ang upa, nakitira sila sa mga kamag-anak. Dahil dito madalas magpalipat-lipat ng tirahan ang halos lahat ng mga kalahok na pamilya. Sa labindalawang pamilya, 29 na bata ang lumipat ng tirahan ng hindi bababa sa tatlong beses mula nang madakip ang ama. Lubhang nakalito at nakaligalig sa mga bata ang ganitong kalagayan. May ilang mga bata na napilitang dalhin ng ina sa probinsiya dahil sa matinding krisis sa pinansiya. Dahil dito napahiwalay sila sa ina na naiwan sa Maynila para asikasuhin ang paglaya ng ama. Hindi rin sila makadalaw sa ama dahil wala naman silang pamasahe. Para sa mga batang nag-aaral bukod sa paglipat ng tirahan dagdag na problema ang paglipat ng paaralan at pambayad sa matrikula. Kaya ang ilang bata ay lumipat sa paaralang mas mababa ang matrikula o kaya ay tumigil sa pag-aaral. Nawalan ng ganang mag-aral ang karamihan at ang ilan naman ay lubhang bumaba ang mga grado. Bunga ng ganitong pagbabago sa kapaligiran at kalakaran ng pamilya, kailangan nila muling matutong makisama sa mga bagong kasambahay, kapitbahay, kalaro, at kaklase. Sa kaso ng tatlong batang galing sa probinsiya na tumira sa Maynila nang madakip ang ama, lubha silang nahirapan sa bagong kalagayan. Halimbawa, hindi sila maintindihan ng kapuwa bata at ilang matatanda dahil ang alam lamang nilang wika ay Bisaya. Naging malaking problema ito hindi lamang sa bahay kundi maging sa paaralan. Lubhang naging mahiyain at tahimik ang mga bata, ayaw nilang makisalamuha sa ibang tao at nawalan sila ng ganang pumasok sa paaralan. Sa kaso ng mga batang ito tatlong beses silang lumipat ng paaralan mula nang madakip ang kanilang ama.

Page 87: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 73

Kakulangan sa Pinansiya para sa mga Dagdag Gastos Kaugnay ng Pagkabilanggo ng Ama

NAGING MALAKING PROBLEMA RIN sa mga pamilya ang kakulangan ng pamasahe sa pagpunta sa piitan at sa mga opisina ng militar at pamahalaan. Dagdag pang problema ang pag-iral ng red tape sa mga opisina ng pamahalaan sa pagproseso ng mga pases at iba pang dokumento. Lumalaki rin ang kanilang gastos kapag binabawi ng militar ang karapatang dumalaw sa piitan dahil nangangahulugan na kailangan na naman nilang magpabalik-balik sa piitan para lakarin ang pases sa matataas na opisyal ng militar. Dahil dito nababawasan ang pagkakataon ng pamilya at mga bata na makadalaw sa piitan na mahalaga sa kanila para sa kapanatagan ng ama at ng mga bata. Naantala rin ang pagsisikap ng pamilya para sa maagang paglaya ng mga detenido. Mangyari pa, ang dagdag na gastos na ito ay nakababawas sa maaari pang ipambili ng pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan ng pamilya. May mga pagkakataon din na ang pagsisikap makaangkop sa problema sa kabuhayan ay lumikha ng mga bagong kondisyon na gumipit at lumigalig sa mga bata. Halimbawa, upang hindi magutom ang buong pamilya at mapangalagaan ang kalusugan ng mga bata, paminsan-minsan ay kailangang tumigil sa bilangguan nang matagal ang maliliit na bata at ilang sanggol. Kahit maliit at huli ang pagdating ng badyet sa pagkain, napagkakasya pa rin ito ng mga detenido para maibili ang mga bata ng masustansiyang pagkain. Sa ganitong paraan, nakatitipid din sa pamasahe ang pamilya. Naharap din ang mga bata sa dagdag na mga kagipitan at ligalig dahil sa masamang kondisyon at mapanggipit na mga patakaran sa loob ng kampo – may panahon na nag-raid ang militar at hinalughog ang kwarto ng mga detenido at nakikita ito ng mga bata. Natakot ang marami sa kanila at mahigpit na kumapit o yumakap sa ama. Madalas ding walang tubig at/o ilaw sa piitan. Sa panahong ito karaniwang nagkakasakit ang mga bata dahil sa hindi malinis na kalagayan sa piitan. Minsan, napagkakatuwaan ding biruin at lokohin ang mga bata ng nabuburyong na detenido. Napagkakatuwaan ang mga kilos at gawi ng mga bata na siyang pinagmumulan ng sama ng loob ng mga magulang sa ibang mga detenido.

Page 88: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

74 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Pagbabago ng Dating Pamumuhay ng Pamilya

BAGAMAN HINDI KASING TINDI ang hirap na dinanas ng mga pamilyang nasa gitnang antas kung ikukumpara sa mga pamilyang hikahos na hikahos o mababang antas, may mga katapat na problema rin sila sa kabuhayan. Sa isang kaso, bumagsak ang kanilang pang-ekonomiyang katayuan dahil sa pagkabilanggo ng parehong magulang. Malaki ang ipinagbago ng dating kalakaran sa pamilya nang makipisan ang mga bata sa mga kamag-anak. Una, nawala ang mga dating luho at kaluwagan sa buhay na dating tinamasa ng mga bata. Ikalawa, kinailangan nilang lumipat mula sa pribado tungo sa pampublikong paaralan. Lubhang nahirapan ang mga bata sa bagong kalagayan at biglang bumaba ang kanilang grado sa paaralan gayong dati naman itong mataas. Para naman sa dalawang pamilya dahil dati nang nagtatrabaho ang ina, hindi gaanong bumagsak ang kanilang kabuhayan. Gayunman may panahon din na hindi sumapat ang kita ng ina dahil may mga dagdag na gastos sa pagdalaw sa detenido at pagpunta sa mga opisina ng pamahalaan at kampo militar. Sa kabuuan, karamihan sa mga pamilya ay tinamaan ng biglang pagbagsak ng kabuhayan na dulot ng pagkabilanggo ng ama o asawa. Naghatid ito ng patong-patong na problema sa mga pamilya dahil ang mismong paraan nila ng pag-angkop ay nagdulot naman ng mga bagong problema. Sa pangkalahatan ang mga kilos pag-angkop ng mga bata kaugnay ng mga problemang pangkabuhayan ay itinakda ng mga ina at/o tagapag-alaga. Dahil wala pa sa posisyon ang mga bata na makaambag sa kita ng pamilya, mas natutok pa ang mga kilos pag-angkop nila sa mga partikular na problema na ibinunga ng kalagayan. Kabilang dito ang madalas na pagtatanong, pag-iwas sa ibang tao, walang ganang mag-aral, pag-aalboroto at/o paglalambing, pagsasawalang kibo, at panggugulo. Marami sa mga kilos pag-angkop ng mga bata ay nakatuon sa pagkuha ng pansin ng magulang at iba pang matatanda sa paligid dahil wala sa kamay ng mga bata ang pagtugon sa mga problemang pangkabuhayan. Ang mga saligan na nakaapekto sa tugon ng mga bata at pagtingin nito sa problema ay edad ng mga bata, kalagayang pangkalusugan bago madakip ang ama, dating karanasan sa mahirap na buhay, at ang nakagawiang estilo sa pamumuhay. Kabilang naman sa mga saligan sa kapaligiran ay ang krisis pang-ekonomniya sa buong bayan, masamang pamamalakad at kondisyon sa mga opisina ng militar at ng pamahalaan, antas ng pagsasaayos ng organisasyon at kalakaran sa loob ng pamilya, bilang ng mga nahihingan ng tulong ng pamilya,

Page 89: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 75

antas ng pagkakaunawa ng mga magulang at nakatatanda sa pangangailangan ng mga bata, antas ng mga produktibong gawain ng mga detenido at ng kanilang pamilya, antas ng pagtutulungan ng mga apektadong pamilya, pag-angkop mismo ng mga magulang at/o tagapag-alaga sa problemang pangkabuhayan, at antas ng relasyon ng pamilya sa ibang tao. Sa unang yugto, parang isang masamang panaginip lamang ang nangyari sa ama at umaasa ang karamihan sa mga bata na makalalaya agad ang ama. Sa yugtong ito, higit na luminaw sa kanila ang katotohanan na maaaring tumagal ang pagkabilanggo ng ama. Dahil naniwala sila na walang masamang ginawa ang magulang, hindi maintindihan ng mga bata kung bakit patuloy at walang taning na ikinukulong ang ama.

Pagkawalay sa Isa o Parehong Magulang

NAGDULOT NG MATINDING EMOSYONAL na kahirapan sa lahat ng mga bata ang madalas na pagkawalay sa isa o parehong magulang. Para sa 21 bata sa 11 pamilya na kasama ang ina sa bahay, nakikita at nakakasama na lamang nila ang ama tuwing bumibisita sa piitan. Kung iniiwan naman sila sa piitan dahil sa mga pang-ekonomiyang dahilan, nakikita at nakakasama lamang nila ang ina tuwing bumibisita ito roon. Kaya nagkakasama lamang ang buong pamilya kung ang ina ay natutulog sa piitan tatlong beses isang buwan at tuwing dumadalaw ito. Para naman sa limang bata sa dalawang pamilya na parehong nakabilanggo ang ama at ina, nakikita at nakakasama lamang nila ang kanilang mga magulang tuwing bumibisita sa piitan. Bagaman nasa iisang kampo ang mag-asawa, magkahiwalay pa rin ang kanilang piitan. Kaya hindi maaaring makita ng anak na magkasabay ang magulang. Sa kaso naman ng limang bata, walang pagkakataong makapagsama ang buong pamilya dahil nagtatago ang ina. Kaya ang ama lamang nila ang nakikita at nakakasama nila tuwing bumibisita o naglalagi sa piitan. Tatlong bagay ang pangunahing lumigalig sa mga bata bunga ng halos palagiang pagkahiwalay nila sa isa o parehong magulang. Isa ang pangungulila sa kalinga at pagmamahal ng magulang. Lahat ng mga bata ay nasa yugto ng kanilang buhay na kailangan nila ang materyal at emosyonal na suporta ng magulang upang magkaroon sila ng gabay sa paglaki at kakayahang harapin ang mga problemang dulot ng bagong kapaligiran.

Page 90: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

76 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Sa bahagi ng mga nakatatandang bata, hinahanap nila ang payo, gabay, at tulong ng magulang sa panahong ito. Ngunit kailangan pa nilang maghintay ng susunod na dalaw upang maikuwento ang mga pangyayari sa bahay at sa paaralan. Nag-aalangan din silang magsabi ng kanilang mga problema sa kanilang magulang dahil ayaw nilang dagdagan pa ang pag-aalala ng ama. Ang ilan sa kanila ay sinikap pang gampanan ang mga tungkulin ng ama sa pamilya tulad ng pag-asikaso sa nakababatang kapatid, dahil dito lumaki sila na hindi naramdaman ang awtoridad ng ama at kakayahan nitong buhayin ang pamilya. Maraming mga bata, lalo na ang mga nag-aaral ay nagpahayag ng pagkainggit sa mga kalaro at kaklase na buo ang pamilya. Matindi ang kanilang pangungulila pagdating ng mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko, kaarawan, at mga programa sa paaralan. Sa ilang pagkakataon na sumali sila sa mga kultural na programa, masasalamin ang pait at tindi ng kanilang pangungulila sa kanilang biglang pag-iyak habang kumakanta o tumutula. Para naman sa mga sanggol napagkaitan sila ng pag-aaruga at paggabay na mahalaga sa kanilang paglaki. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang ama at mabuo ang konsepto ng isang pamilya. Higit pang tatalakayin ito sa susunod na seksiyon. Ikalawang ligalig para sa mga bata ang kawalan o pagbawas ng matatag at mapagsanggalang na katangian ng pamilya. Marami sa mga bata ang nakaramdam ng kawalan ng seguridad sa tahanan dahil wala ang ama na dating nagbibigay ng proteksiyon sa panahon ng kagipitan. Mas malaki at marami pa ang kagipitan at ligalig na ito dahil sa mga bagong problema kaugnay ng pagkabilanggo ng ama. Nakita rin nila ang kawalan ng kakayahan at kapangyarihan ng ama na tulungan maski ang kaniyang sarili upang makaligtas sa militar at hindi mapahirapan sa loob ng piitan. Dahil dito nawala ang dating pagtingin sa ama na haligi ng pamilya at siyang bumubuhay at nagpoprotekta sa kanila. Malabo para sa mga bata ang kahulugan ng pamilya bilang isang matatag na institusyon sa lipunan. Ikatlong ligalig para sa mga bata at sa pamilya ang kawalan ng katiyakan sa hinaharap. Sa mga magulang nakasalalay ang paghubog at pagtiyak sa kinabukasan ng pamilya. Ngunit dahil ang isa o pareho sa mga magulang ay nakabilanggo, nag-aalala ang mga bata kung ano ang mangyayari sa kanila at sa magulang. Malaking panahon ang nagugugol ng ina sa pag-aasikaso sa agarang paglaya ng ama at inilalaan naman ang ibang libreng oras sa pagdalaw sa ama. Sapagkat walang taning ang pagkabilanggo ng ama, hindi makapagplano nang pangmatagalan ang pamilya. Nalalagay sa alanganin at kawalang katiyakan ang kinabukasan ng mga bata dahil nakabatay ito sa paglaya ng ama at muling pagsasama ng buong pamilya. Sa mga batang matagal nang nakakulong ang ama, unti-unti silang nawawalan ng pag-asa

Page 91: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 77

na makalaya pa ang ama. Masasalamin ang pagkaligalig ng mga bata sa kanilang mga kilos. Madalas na umiiyak ang mga bata kapag matatapos na ang oras ng dalaw dahil ayaw pa nilang umuwi. Kapag iniiwan naman sila sa loob ng piitan kasama ang ama, umiiyak naman sila pag-alis ng ina at/o kamag-anak. Hinihila sila ng kagustuhang maiwan sa loob ng piitan kasama ng ama o umuwi kasama ng ina. Gusto nilang kasama ang ama at ina sa loob man o sa labas ng piitan. Kaya, nasa bilangguan man sila o nasa sa tahanan ay hindi sila mapalagay. May kalungkutang mababakas sa kanilang mga mukha kapag dumadating ang mga espesyal na okasyon at hindi nila kapiling ang ama. Kasabay nang pagtatanong kung kailan ito lalaya, nangangarap sila na makasama ang ama sa lalong madaling panahon. Ayon sa mga bata kapag kasama na nila ang ama, mamamasyal sila sa iba-ibang lugar na hindi pa nakikita ng ama at ipakikilala sa mga kaibigan at kaklase.

Hindi Pagka-unawa ng mga Bata sa mga Dahilan ng Pagkabilanggo ng Magulang

ANG PAGKALIGALIG NG MGA bata sa halos palagiang pagkawalay sa magulang ay mahigpit na nakaugnay sa hindi nila pagkaunawa sa patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng magulang. Sa unang yugto pa man sinimulan na ng mga bata ang walang tigil na pagtatanong tungkol sa pagkabilanggo ng ama. Ang kaibahan lamang nito sa ikalawang yugto ay mas malalim at malawak ang saklaw ng mga tanong dahil sa mas matagal na karanasan at dahil na rin may iba pa silang nadinig at nakuhang impormasyon. Ang puno’t dulo ng kanilang mga tanong ay bakit nadakip at nakulong ang ama at kailan ito lalaya. Dahil relatibong mas maluwag na ang kondisyon sa yugtong ito, may ilang katanggap-tanggap na paliwanag na naibibigay ang mga magulang. Kapag nabigyan ang mga bata ng paliwanag, hindi sila gaanong naguguluhan at nalilito sa mga pangyayari. Nagkakaroon din sila ng kaunting kaalaman at kapanatagan ng loob kapag tinatanong sila ng mga kaibigan, kapitbahay, at kaklase tungkol sa ama. Mas may kontrol at inisyatiba rin sila na harapin ang iba pang mga problema. Tatlong bagay ang humadlang sa sapat na pagkaunawa ng mga bata sa dahilan ng pagkabilanggo ng magulang. Una, bata pa at wala silang kakayahang maunawaan nang lubos at masapol ang mga paliwanag tungkol sa paniniwalang politikal ng magulang. Hindi pa nila gaanong naiintindihan ang mga pangyayari

Page 92: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

78 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

kaugnay sa pagkadakip sa magulang. Ikalawa, walang lohikal at makatarungang dahilan ang militar at pamahalaan sa pabago-bagong mga patakaran nito kaugnay ng mga bilanggong politikal. Ikatlo, hindi matanggap ng mga bata ang pagkabilanggo ng kanilang ama dahil sa pagkakaalam nila, masasamang tao lamang tulad ng mga magnanakaw at mamamatay-tao ang ikinukulong. Ang mga batang tuloy-tuloy o madalas na makasama ang magulang ang higit na naligalig sa pagkawalay sa magulang. Madaling maintindihan ito dahil mayroon nang malalim na emosyonal na relasyon ang mga magulang sa mga bata at umiral na ang kalakaran at organisasyon sa loob ng pamilya na nasira ng pagkabilanggo ng magulang. Sa kabilang banda, naligalig din ang mga batang dati nang nakahiwalay o bihirang makita ang magulang bago madakip ang ama. Para sa mga batang ito, matagal na nilang inaasam na makapiling ang magulang at magkasama ang buong pamilya. Ngunit dahil hindi sila sanay na makasama ang magulang nang madalas at matagal, ang pagkikita nila sa loob ng piitan ay nakapagpatindi ng pangungulila nila na magkaroon ng isang buong pamilya. Ngunit kung ihahambing sa mga batang tuloy-tuloy na kasama ang kanilang magulang, hindi gaanong matingkad ang kaligaligang ipinakita ng mga batang dati nang nakahiwalay o bihirang makita ang magulang. May kaibahan din ang tugon ng mga nakatatandang bata kung ihahambing sa mga nakababata. Ang una ay mas madalas magtanong sa magulang tungkol sa mga dahilan ng pagkabilanggo at may kakayahang maintindihan ang mga paliwanag nito. Higit din nilang nauunawaan ang mga paniniwalang politikal ng mga magulang. May ilang bata na ipinagmamalaki ang magulang sa ginawa nito para sa hinaharap. Ang mga nakababatang anak ng mga bilanggong politikal bagaman nagtanong din ay hindi lubos na maunawaan ang paliwanag ng magulang. Ang malinaw lamang sa kanila ay mabait na tao ang ama at wala itong kasalanan. Ngunit hindi gaanong malinaw sa kanila kung ano ang ipinaglalaban ng kaniyang magulang.. Alam lamang nila na dapat sisihin si Pangulong Marcos dahil siya ang nag-utos sa mga sundalo na hulihin ang ama. Dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang paniniwalang politikal ng magulang, ang ilan sa kanila ay nahihiyang sabihin sa kanilang mga kaibigan, kalaro, at kaklase na nakakulong ang kanilang ama. Agad nilang ipinagtatanggol ang ama kapag sinasabi ng kanilang kalaro na masamang tao ang ama kaya nabilanggo. Sa kabuuan, ang pagkaligalig ng mga bata sa patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng magulang ay nakasentro sa hindi pagiging buo ng pamilya at sa hindi sapat na pag-unawa sa mga dahilan ng pagkabilanggo ng magulang. Ang partikular na mga kagipitan at ligalig na nakaharap nila ay pangungulila sa

Page 93: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 79

kalinga at pagmamahal ng magulang, kawalan o kabawasan ng mapagsanggalang katangian ng pamilya, kawalan ng katiyakan sa hinaharap, at kawalan ng kakayahan na maunawaan ang mga dahilan kung bakit nakabilanggo ang ama. Ang mga pangunahing tugon ng mga bata ay pag-iyak tuwing nahihiwalay sa magulang, pangarap na mapalaya ang ama, magkaroon ng magandang buhay, pagrereklamo at paghingi ng tulong sa magulang, walang tigil na pagtatanong, at pagtutol na dumalaw sa ama. Ang mga pangunahing saligan na nakaapekto sa tindi ng kagipitang naranasan ng mga bata at ang tugon nila rito ay nakabatay sa edad ng mga bata at tagal ng pagsasama o dalas ng pagkikita ng mga bata at magulang bago madakip ang ama. Mahalagang saligan din sa kapaligiran ang tugon ng militar sa pagsisikap ng pamilya na maagang makalaya ang detenido; dalas ng pagbawi o paglabag sa karapatan ng pamilyang dumalaw sa piitan; tugon o sagot ng magulang at iba pang nakatatanda sa mga kilos pag-angkop ng mga bata; suporta at tulong ng mga kamag-anak; relasyon ng mga bata sa kapitbahay, kaibigan at kaklase; at suporta ng iba pang mga panlipunang institusyon.

Mga Suliranin Kaugnay ng Pakikipisan sa Kamag-anak

NAKIKIPISAN ANG PAMILYA SA mga kamag-anak dahil hindi kaya ng ina na tugunang mag-isa ang lahat ng pangangailangan ng mga bata. Kasama rito ang mga pamilya na bagaman nagsasarili kapag nasa Maynila ay madalas namang pinauuwi ang mga anak sa mga kamag-anak sa probinsiya. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga pamilya at mga batang apektado ng ganitong kondisyon.

Kondisyon Bilang ng Pamilya n = 15

Bilang ng Bata n = 31

Edad Taon

Katampatang Taon

Nakipisan ang mag-ina sa kamag-anak

6 (2*) 10 (3*) 1 – 5 3.2

Nakapisan ang mga anak sa kamag-anak; nagtatago ang ina

4 10 1 – 7 4.4

Pauwi-uwi ang mga bata sa kamag-anak sa probinsiya

2 (2*) 6 (6*) 1 – 7 4.8

Talahanayan 19. Bilang ng Pamilya at Batang Nakipisan sa Kamag-anak*Bilang ng pamilya na dati nang nakapisan sa mga kamag-anak dahil nagtatago ang magulang

Page 94: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

80 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Tatlong magkaugnay na kalagayan ang gumipit at lumigalig sa mga bata bunga o kaugnay ng pagpisan sa mga kamag-anak. Una, ang kahirapan sa pakikibagay sa mga bagong kasambahay at pagsunod sa mga patakaran, kalakaran at estilo ng pamumuhay na umiiral sa bagong tahanan. Ang mga batang hindi dating malapit sa mga kamag-anak at/o hindi sanay sa pinalawak na pamilya ang higit na nahirapan sa pakikipisan sa mga kamag-anak. Tinutukoy rito ang dalawang pamilya na may limang bata na galing sa mataas at gitnang antas pang-ekonomiya na nahirapan tumira sa mga kamag-anak dahil relatibong mas mababa ang antas ng pamumuhay ng mga kamag-anak. Ang karamihan sa mga bata na sanay sa pinalawak na pamilya ay higit na malapit sa mga kamag-anak. Hindi man sila gaanong nahirapan kung ihahambing sa nauna, may mga kagipitan pa ring lumitaw kaugnay ng relasyon ng magulang sa mga kamag-anak. Ang ikalawang kalagayang gumipit sa mga bata ay ang magkaibang paraan ng pag-aalaga at pagpapalaki sa mga bata. Nalagay sa alanganing posisyon ang mga bata kapag mayroong bukas na alitan ang ina at mga kamag-anak tungkol sa pagdisiplina sa mga bata – halimabawa, kapag ayaw kumain ng gulay ng mga bata, kinukunsinti ito ng mga kamag-anak na ikinagagalit naman ng ina. May isang matingkad na kaso sa isang pamilya na magkaiba ang paraan ng pag-aalaga at pagpapalaki ng lolo at lola sa gawi ng ina noong nagsasarili pa ang pamilya. Madalas magsagutan ang ina at ang lola na ikinabahala at ikinalito ng mga bata dahil pareho nilang mahal ang ina at ang lola. Umabot ang alitan sa punto na pinilit ng ina na maghanap ng trabaho at magsarili upang hindi na makipisan sa kamag-anak. Lubhang naging napakahirap sa kalooban ng mga bata ang pumanig sa sinuman. Ang isang bata ay nangatwiran sa ina at nakiusap na huwag nang umalis sa bahay ng lola. Ang isang bata naman ay umiyak nang umiyak na lalong ikinainit ng ulo ng ina. Dahil dito nagkimkim ng sama ng loob ang mga bata sa ina. Ayon sa kanila, mas gusto pa nila ang maglagi na lamang sa piitan kasama ang ama at ibang mga anak ng bilanggong politikal. Ikatlo, ang magkaibang pananaw sa politika at pagkabilanggo ay madalas ding pagmulan ng hindi pagkakaunawaan ng mga magulang at kamag-anak. Nakaapekto sa mga bata ang naririnig nilang alitan ng ina at kamag-anak.May mga pagkakataon na ang maliliit na problema ng pamilya ay inuugat ng mga kamag-anak sa pagkabilanggo, paniniwalang politikal, at pagkilos ng mga magulang. May ilang kaso pa na sinisisi ng mga kamag-anak ang ama at sinabi sa mga bata na himukin ang magulang na baguhin ang mga paniniwala nito upang agarang makalaya ang ama. Sa kabilang banda, pinagsikapan naman ng mga magulang na ipaliwanag

Page 95: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 81

sa mga bata ang kawastuhan ng kanilang ginagawa at ang pangangailangan ng matibay na paninindigan para makalaya ang buong sambayanan. Kaya naguluhan ang mga bata at naipit sa pagnanais na agad na makalaya ang magulang at sa isang banda ang pag-unawa sa paninindigang politikal ng magulang. Ang karaniwang tugon ng mga bata sa pagkakataong ito ay ang patuloy na pagtatanong at pakikipag-usap sa magulang tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa kanila. Mahalagang saligan dito ang edad ng mga bata, pag-unawa ng mga bata sa paninindigang politikal ng magulang, relasyon ng magulang at anak bago ito mahuli, dalas ng dalaw ng anak sa piitan, at relasyon ng magulang at kamag-anak. Mahalagang banggitin sa puntong ito na bagaman may nakagipit at nakaligalig na kondisyon bunga ng pagpisan ng mga bata sa kamag-anak, walang ibang solusyon ang pamilya sa hinarap na kagipitan. Sa puntong ito higit pa ring matimbang ang mga mapagsuportang katangian ng pinalawak na pamilya kaysa sa kagipitan at ligalig na idinulot nito. Dapat ding isaalang-alang na sa yugtong ito ang pamilya at kamag-anak ay nasa proseso ng pag-angkop sa pabago-bagong kalagayan at kaguluhang bunga o kaugnay ng pagkabilanggo ng magulang.

Mga Problema Kaugnay ng Personal na Krisis at Sariling Kagipitan at Ligalig ng mga Magulang

ANG ISA PANG KONDISYON na nakapagdulot ng kagipitan at ligalig sa mga bata ay ang sariling pagkaligalig at pagkagipit ng kanilang magulang. Nakasalalay at nakasandig pa ang mga bata sa kanilang mga magulang. Dahil sa hinaharap na problema at suliranin ng mga magulang, nabawasan ang atensiyon na ibinibigay nila sa kanilang mga anak. Nakaligalig sa kanila ang mismong reaksiyon ng magulang sa pagtugon sa pangangailangan ng mga bata. May tatlong magkakaugnay na aspekto ang pangkalahatang kondisyong ito. Isa ang pagiging abala ng magulang sa maraming bagay na nakasagabal sa pagtugon sa emosyonal at sikolohikal na pangangailangan ng mga bata. Sa panig ng ina, siya ang pumasan ng malaking bahagi ng mga problemang kinaharap ng buong pamilya at mga responsibilidad na naiwan ng detenido. Dagdag dito ang ina rin ang humarap sa pag-aasikaso ng agarang paglaya ng asawa, pagdalaw sa kaniya, at pagtugon sa pangangailangan ng asawa sa loob ng piitan. Ang pagkaabala mismo ng ina sa mga bagay na kaugnay ng paglaya ng ama ay nakaligalig sa mga bata dahil patuloy pa rin silang nangamba na baka ang ina naman ang hulihin.

Page 96: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

82 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Sa panig naman ng ama, naging abala sila sa mga gawain sa loob ng bilangguan. Matingkad ito sa mga detenidong ama na gumanap na namumuno sa pag-asikaso sa mga problema sa loob ng piitan at ang pakikiharap at pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal at organisasyon sa loob at labas ng bayan na nagbigay ng simpatya sa kalagayan ng mga bilanggong politikal. Ngunit sa pagitan ng ama at ina, higit na naaapektuhan ang mga bata sa pagiging abala ng ina dahil mas madalas na kasama ng mga bata ang kanilang ina. Hindi rin lubos na makausap at makasama ng mga bata ang ama kapag dumadalaw sa piitan dahil minsan ay abala ito sa mga gawain sa loob ng piitan at sa pakikiharap at pakikipag-usap sa mga bisita o ibang detenido. Sa mga nakatatandang anak, naoobliga sila na alagaan ang nakababatang kapatid kahit sa loob ng piitan. Napipilitan silang gawin ito kahit gusto nilang maglaro o huwag munang dumalaw sa ama para makasama ang mga kaibigan at kapitbahay sa pamamasyal. Sa kabilang banda, naiinis naman ang mga nakababatang kapatid dahil hindi rin natutugunan ng nakatatandang kapatid ang kanilang pangangailangan. Iba-iba ang tugon ng mga bata sa kondisyong ito. Karaniwan silang umiiyak o nag-aalboroto tuwing umaalis ng bahay ang ina. Marami naman ang mas gusto na lang ang magpaiwan sa loob ng bilangguan dahil kahit paano ay mas naaasikaso sila ng ama rito at maluwag silang nakapaglalaro kasama ang iba pang anak ng mga bilanggong politikal. May ilan naman na ayaw dumalaw sa ama sa piitan dahil hindi rin sila sapat na naaasikaso ng ama at mas gusto pa nila ang makipaglaro sa mga kapitbahay at kaklase. Ang ilan ay napapalapit naman sa mga kapisang kamag-anak at higit na panatag ang kalooban nila rito kaysa sa piling ng ina o ng ama na nasa bilangguan. Ang mga saligan na nakaaapekto sa kondisyong ito ay problema sa kabuhayan ng pamilya; sistema ng hatian ng gawain sa loob ng piitan; suportang tinatanggap ng pamilya sa ibang indibidwal at grupo; antas ng relasyon ng mga bata sa magulang, kamag-anak, kapatid, kapitbahay, iba pang bata; at edad ng mga bata. Mahalaga ring tandaan na hindi maiiwasan ang kondisyong ito dahil kailangang malutas ng mga magulang ang mga problema na ibinunga ng pagkabilanggo. Samakatwid, ang prinsipal na salik sa pag-iral ng kondisyong ito ay ang patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng magulang. Ang isa pang aspekto ay ang pagbabago ng disposisyon at ugali ng magulang lalo na sa panahon ng matinding kagipitan. Ang mga ina ang sentro ng kagipitang ito dahil ginagampanan niya ang papel kapuwa ng ama at ina. Pinalulubha pa ito ng pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at pangungulila sa asawa. Ang mga detenidong ama naman ay dumanas ng magkahalong pakiramdam ng pagkabagot, pangungulila, pagkalungkot, pagkainip, pagkasiphayo, kawalan ng

Page 97: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 83

kakayahan sa mga pangyayari, pagkagalit, at kawalang magawa o buryong. Ang pakiramdam na ito ay halos araw-araw na bumabayo sa kanilang isip at katinuan. Bunga nito, may pagkakataon na lubhang mainit ang ulo at hindi makatwiran ang mga magulang. Kaya napagbubuntunan ang mga bata ng ganitong kalagayan – nasisigawan, napagagalitan, at napapalo sila sa kaunting pagkakamali o pagkukulang. Kung minsan, ang pag-angkop nila tulad ng pag-iyak, pagtutol, at pangangatwiran ay higit pang ikinagagalit ng mga magulang. Dahil dito ang ilang bata ay naging lubhang matatakutin sa magulang. Pitong bata sa tatlong pamilya ang basta na lang umiiyak kapag tinawag ng magulang na malakas ang boses dahil alam nila na pagagalitan o papaluin na sila. Liban sa pag-iyak, ang ibang reaksiyon ng mga bata sa pagbabago ng disposisyon at ugali ng magulang ay pag-iwas sa magulang; pagnanais na pumunta sa piitan (kung ina ang mainit ang ulo) o pag-uwi sa bahay (kung ang ama ang mainit ang ulo); pagmamaktol; pagsasawalang-kibo; pagsusumbong at pagrereklamo sa kamag-anak, sa ibang detenido, o sa mga kalaro; pangangatwiran; at paghingi ng suporta mula sa magulang na hindi maiinit ang ulo. Mahalaga ring banggitin na hindi lahat ng magulang ay palaging nawawalan ng kontrol o madalas na magalit sa anak. Makikita lamang ito sa ilang magulang, partikular sa dalawang mag-asawa, tatlong ina, at isang ama. Para sa maraming magulang, ang sumpong na ito ay pana-panahon lamang. Ang mga saligan na nakaaapekto sa mga pagkakaibang ito ay ang patuloy na pagkabilanggo ng magulang, tindi ng mga problemang kinakaharap ng pamilya, ugali at aktitud ng mga magulang sa mga problema, kalakaran sa pamilya bago mabilanggo ang ama, antas ng relasyon ng mga bata sa magulang, antas ng relasyon ng mag-asawa, pamamaraan ng magulang sa pagdisiplina sa bata at pamamalakad sa pamilya, antas ng relasyon ng magulang sa iba pang detenido at kamag-anak, suportang pinansiyal na tinatanggap ng pamilya, at sistemang pinaiiral sa loob ng piitan para matulungan ang mga pamilya. Bunga ng mga problemang ito, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa na minsan ay humahantong sa matinding pag-aaway. Matingkad ang ganitong kalagayan sa limang pamilya na kinabibilangan ng 10 bata. Sa dalawang kaso, bago pa madakip ang ama ay may problema na sa relasyon ang mag-asawa. Muling lumitaw ang problema sa yugtong ito na pansamantalang naisantabi sa unang yugto. Sa tatlo pang kaso, lumitaw ang mga bagong usapin kung kailan hindi magkasundo ang mag-asawa, bagaman ang mga alitan dito ay hindi kasing tindi ng unang dalawang kaso. Nakadagdag ang mga sitwasyong ito sa kaguluhan at kaligaligan ng mga bata dahil hindi naman maiiwasan na madamay

Page 98: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

84 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

sila sa alitan ng magulang. Kadalasan hindi malinaw sa kanila ang mga pinag-aawayan ng magulang kaya nalilito sila kung sino sa dalawang magulang ang tama. Natatakot at naguguluhan din sila sa mga sagutan at sigawan ng mga magulang dahil madalas pati sila ay nasisigawan at napagagalitan din. May mga pagkakataon na ginagamit ng mga magulang ang mga bata upang pasakitan ang isa’t isa – kapag galit ang ina sa ama, hindi siya dadalaw sa piitan sa matagal na panahon at hindi rin niya dadalhin ang mga bata. Kapag ang ama naman ang galit sa ina, ayaw pauwiin ng ama ang mga bata sa bahay. Sa alinmang kaso lubhang nakaligalig at nakabahala ito sa mga bata. Halos pareho rin ang tugon ng mga bata sa kalagayang ito dahil sa mahigpit nitong ugnayan sa naunang kondisyon ng pabago-bagong disposisyon at ugali ng magulang. Magkapareho rin ang mga salik na inilahad sa itaas; ang dagdag lamang ay ang antas ng pagkakaiba ng paniniwalang politikal at ang paninindigan ng mag-asawa. Sa kabuuan, dalawang pangkalahatang kondisyon ang gumipit at lumigalig sa mga bata kaugnay ng mga kaguluhan sa organisasyon at kalakaran sa pamilya. Una, ang problema ng pakikipisan sa mga kamag-anak na nagdulot sa mga bata ng kahirapan sa pakikisama sa mga bagong kasambahay at sa mga patakaran, kalakaran, at estilo ng pamumuhay na umiiral sa bagong tahanan; ang magkaibang paraan sa pagpapalaki at pag-aalaga sa bata ng magulang at kamag-anak; at ang magkaibang pananaw sa politika at pagkabilanggo ng magulang at kamag-anak. Ikalawa, ang sariling pagkaligalig at pagkagipit ng magulang sa mga problemang dulot ng pagkabilanggo. Dahil dito naging abala sila sa ibang mga bagay at nagbago ang disposisyon at ugali kung kaya napabayaan ang mga bata at hindi naging maganda ang samahan nila sa ilang pagkakataon. Ang reaksiyon ng mga bata sa unang kondisyon ay pagiging agresibo at palaaway, pagiging mahiyain at walang kibo, pag-iyak at pag-aalboroto, pagsama ng loob sa magulang, kagustuhang tumira sa piitan, pagrereklamo at pagtatanong, at pagkampi sa isang panig. Kasama rin sa reaksiyon nila angkalituhan at kaguluhan. Ang mga saligan namang nakaapekto sa unang kondisyon ay relasyon ng mga bata sa kamag-anak na kapisan nila, antas ng kabuhayan ng kamag-anak, pamamaraan ng pag-aalaga at pagpapalaki sa bata, aktitud sa pagkabilanggo ng detenido, relasyon ng magulang sa kamag-anak, edad at kasarian ng bata, pagkakaintindi ng bata sa paniniwalang politikal ng magulang, at dalas ng dalaw sa piitan. Ang reaksiyon naman ng mga bata sa ikalawang kondisyon ay pag-iyak at pag-aalboroto; pagtutol sa pag-alis ng ina; pagtanggi na dumalaw sa ama sa piitan; mapalapit sa mga kamag-anak; takot at pag-iwas sa magulang; pagsusumbong sa kamag-anak, kalaro, at ibang detenido; pangangatwiran; at paghingi ng suporta sa ibang tao.

Page 99: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 85

Ang mga saligan namang nakaapekto sa ikalawang kondisyon ay problemang pangkabuhayan ng pamilya; sistema ng hatian ng gawain sa piitan; relasyon ng mga bata sa magulang, kapatid, kalaro, at ibang anak ng detenido sa BRC; edad ng mga bata; patuloy na pagkabilanggo ng magulang; aktitud ng magulang sa pagkabilanggo; relasyon ng magulang sa isa’t isa; pamamaraan ng magulang sa pamamalakad ng pamilya at pagdidisiplina sa anak bago mahuli ang ama; at iba pang suporta na tinatanggap ng pamilya.

Mga Kahirapan sa Kalagayan sa Loob ng Piitan

SA YUGTONG ITO, BAHAGI na ng daigdig ng mga bata ang piitan. Sa kaso ng mga nag-aaral na bata kapag panahon ng pasukan, karaniwang dalawang araw (Sabado at Linggo) sa isang linggo sila kung dumalaw sa ama kasama ng ina at ibang kamag-anak o hindi bababa sa walong araw o higit pa sa isang buwan. Nasa piitan din sila sa mga araw na pista opisyal at kapag may mga espesyal na okasyon. Sa panahon naman ng matagal na bakasyon, halos lahat sila ay tumitigil sa piitan sa loob ng dalawang linggo hanggang dalawang buwan. Mas madalas at mas matagal naman ang pagtigil sa piitan ng mga batang hindi nag-aaral. Sa kaso ng 11 bata, tumatagal sila sa loob ng piitan mula dalawa hanggang apat na buwan nang tuloy-tuloy. Sa ganitong pangyayari, anumang problema at kagipitan ng mga bilanggong politikal sa piitan ay tiyak na nakaligalig at nakaapekto sa mga bata. May tatlong pangunahing kondisyong nakaapekto sa mag-iina kapag sila ay nasa loob ng piitan. Ang unang kondisyong nakaapekto sa mag-iina sa loob ng paiitan ay ang masamang kondisyon sa loob ng piitan. Malaking problema ng mga detenido at ng kanilang pamilya ang hindi magandang pasilidad at serbisyo sa piitan. Madalas na walang tubig sa piitan at rasyon lamang ng bumbero ang ginagamit sa ganitong panahon. Dahil dito kailangang tipirin ng husto ang tubig at pakuluan bago inumin. Sa ilang pagkakataon, may mga batang sumakit ang tiyan dahil nakainom ng tubig na hindi pa napakuluan. Madalas din na barado at sira ang mga kubeta at banyo. Hindi rin kinokolekta ang basura at ayaw namang ipatapon sa labas. Kaya hindi mapanatiling malinis ang kapaligiran na nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa detenido gayundin sa mga bata. Kahit ang mga pasilidad pangmedikal sa loob ng kampo ay hindi maasahan sapagkat madalas na walang doktor sa panahon ng kagipitan o emerhensiya. Kung hindi naman emerhensiya, inaabot nang

Page 100: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

86 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

napakatagal bago mapahintulutan ang detenido na magpatingin sa klinika sa loob ng kampo. Kung mayroon mang serbisyong ibinibigay sa klinika, hindi pa rin ito mahusay, kaya hindi gumagaling ang karamdaman ng maysakit at napipilitan pang ilabas ng kampo at dalhin sa ibang doktor at ospital. Madalas kapos din sa pagkain sa loob ng piitan kaya pinupunan ito ng mga kamag-anak at kaibigan. Ang ilang institusyong pangkarapatang pantao ay nabibigay rin ng regular na rasyong de lata at mga kagamitang pangbahay. Bagaman hindi naman talaga kasama sa badyet sa pagkain ang mga bata, pinipilit ng mga detenido na pagkasyahin ang P6.00 na badyet bawat araw para sa mga detenido. Ang P6.00 ay napakaliit at kulang sa mga pangangailangan ng bawat detenido. Isa pa, madalas na huli nang ilang linggo ang badyet na ibinibigay ng militar at napipilitan ang detenido na mangutang muna sa ibang pamilya at kamag-anak. Ang mga saligan na nakaapekto sa unang kondisyon ay antas ng pag-oorganisa ng mga detenido at ang kanilang pamilya, antas ng suporta ng mga grupo at indibidwal, aktitud ng bilanggong politikal sa opisyal militar, at relasyon sa pagitan ng mga bata sa loob ng piitan. Ikalawang kondisyong nakaapekto sa mag-iina sa loob ng paiitan ay ang mapanggipit at hindi makatarungang mga patakaran sa loob ng bilangguan. Mas malaking kaligaligan para sa mga bata ang mapanggipit at hindi makatarungang mga patakaran ng militar sa loob ng piitan. Kadalasan pa ang pagpapatupad nito ay depende sa kapritso ng militar. Maraming pagkakataon na binabawi ang karapatang dumalaw ng mga kamag-anak o binabawasan ang oras na maaring itagal sa loob ng piitan. Kung minsan din, walang kaabog-abog ay pinauuwi ang mga bata at hindi pinapayagan ang ina na matulog sa piitan gayong dati nang malinaw ang patakarang hinggil dito. Sa pagsisikap ng pamilya na makausap ang awtoridad, pinagpasa-pasahan lamang sila sa kung saang opisina at ayaw silang harapin ng mga opisyal ng militar para bigyang linaw at paliwanag ang mga patakaran sa piitan. Sa panahon ng pag-aaral, apat na beses nangyari ang matagal na hindi pagpayag na makadalaw ang pamilya sa piitan. Dalawang linggo hanggang isa’t kalahating buwan ang itinatagal ng ganitong panggigipit sa pamilya. Sa ilang pagkakataon naman ay iniiklian ang oras ng dalaw at mas hinigpitan ang pagpapapasok sa piitan. Nakaligalig din ng malaki sa mga bata ang ilang mga kilos at kaparaanan ng mga sundalo at guwardiya sa loob ng kampo at piitan – ang pagdadala ng malalaking aso sa loob ng bakuran ng piitan, pagpapaputok ng baril lalo na kung lasing ang mga sundalo, maingay na pag-aaway na humahantong sa suntukan, paghalughog ng mga militar sa kwarto ng mga detenido nang walang pasabi, at malakas na ingay sa mga katabing piitan kung saan isinasagawa ang pagtortyur sa mga bagong dakip na bilanggo. Sa pangkalahatan, wala namang magawa ang mga

Page 101: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 87

bata sa kalagayang ito, kaya mas inaasahan nilang ipagtanggol sila ng magulang sa ganitong mga pagkakataon. Sa pamamagitan ng organisado at sama-samang pagkilos, sinikap ng mga detenido at ng kanilang pamilya na maibsan kahit kaunti ang kanilang kalagayan. Ilan sa mga aktibidad na kanilang ginawa ay araw-araw na paglilinis ng bakuran, pagbuo ng komite pangmedikal para pangalagaan ang kalusugan ng mga detenido at kanilang pamilya, at pagsagawa ng solisitasyon upang maipagpatuloy ang mga produktibong gawain at madagdagan ang kanilang kita. Nagreklamo rin sila sa awtoridad hinggil sa mga pasilidad at serbisyo sa piitan, gayundin ang hindi makatao at mapanggipit na patakarang nagaganap sa piitan. Ang karaniwang tugon ng mga bata sa kalagayang ito ay pag-iyak, pagtatanong, at paghingi ng paliwanag sa magulang. May ilang nakiusap na pauwiin na lamang sila sa bahay. Ang mga saligang nakaapekto sa yugtong ito ay ang antas ng pag-oorganisa ng mga detenido at kamag-anak para epektibong maharap ang mga problema sa loob ng piitan; antas ng relasyon ng mga bata sa loob ng piitan; antas ng suporta ng mga grupo at indibidwal na nagbibigay simpatiya; at ang aktitud ng mga bilanggong politikal sa mga opisyal militar na namamahala sa piitan. Sa ikalawang kondisyon, ang mga saligang nakaapekto ay edad at disposisyon ng mga bata; antas ng relasyon sa pagitan ng magulang at anak; paraan ng pag-aalaga at pagpapalaki ng mga detenido sa mga bata; antas ng pagtutulungan ng mga detenido; at antas ng relasyon ng mga bata sa loob ng piitan. Ikatlong kondisyong nakaapekto sa mag-iina sa loob ng paiitan ay ang magkaibang paraan ng pakikitungo at pag-aalaga sa mga bata ng mga detenido. Sa loob ng piitan, ang mga bata at detenido ay bahagi ng isang pinalaki at pinalawak na pamilya, kaya ang tawag ng mga bata sa lahat ng mga detenido ay “tito”. Karaniwan na lang sa kanila ang pakikipagkwentuhan at pakikipaglaro sa mga bata. Sa ilang mga kaso naging malapit ang mga bata sa “tito” kaya tumatabi sila rito sa pagtulog at sinasabi ang kanilang mga problema. Sa kalagayang ito malaki ang naitulong ng ibang mga detenido sa pagtugon sa emosyonal at sikolohikal na pangangailangan ng mga bata lalo na sa panahon na lubhang abala ang magulang sa pag-aasikaso sa maraming problema ng pamilya. Sa maraming kaso, naging panatag ang loob ng mga bata kahit hindi kasama ang magulang, basta nandoon ang kanilang “tito”. Ipinagkakatiwala ng magulang sa “tito” ang pag-aalaga sa anak. Sa kabilang banda, nakalikha ang ganitong kondisyon ng magkaiba at kung minsan ay magkasalungat na pamantayan ng pagkilos at pagtingin sa mga bagay na nagbunga ng ilang problema at kalituhan sa bahagi ng mga bata. Sa ilang

Page 102: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

88 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

pagkakataon, napapalo ng mga “tito” ang mga bata kaugnay ng ilang kilos at ugali na hindi nila gusto. Kinasasama naman ito ng loob ng kanilang magulang. Hindi tuloy malaman ng bata kung sino ang dapat sundin at kung sino ang tama at mali sa kalagayang iyon dahil hindi nagkakaisa ang matatanda. Minsan, lumalaban ang mga bata sa mga “tito” na ikinagagalit naman ng huli. Hindi kalaunan, nagkakaroon ng samaan ng loob ang ibang detenido at ang magulang ng bata. Nagkakasagutan din sila sa ilang kaso kung ano ang wastong pamamaraan ng pagdisiplina sa bata. Sa ibang kaso naman ang pagiging maluwag ng “tito” sa mga bata ay kanilang inaasahan sa mga magulang. May tendensiya sila na ihambing ang paraan ng pag-aalaga ng magulang at ng “tito”. Pinakamatingkad na suliranin sa yugtong ito ay ang dinaranas na pagkaburyong ng mga detenido. Sa ilang pagkakataon, halimbawa pinagkakatuwaan ng mga detenido ang mga bata na sadyang ikinalilito nila. Kapag may inutos ang isang detenido sa mga bata at sinunod niya ito, pipigilan siya ng ibang detenido. Sa kalaunan ay tuluyan na lang umaalis ang bata at nauwi sa pag-iyak o pagsusumbong sa magulang. Sa ibang kaso naman, pagkatapos paliwanagan at disiplinahin ng magulang ang anak, susulsulan ito ng ibang detenido na huwag sundin ang magulang. Sa kaso ng isang batang nagpupumilit na sumama sa korte, ayaw pumayag ng ama na sumama ang anak bilang parusa sa hindi magandang ugali ng anak. Lumapit ang bata sa ibang detenido at sinabi ang kagustuhan niyang sumama. Sinabi ng “tito” sa bata na umiyak nang umiyak para payagan ng amang sumama sa korte. Napilitan tuloy ang ama na isama ang anak, kaya nagkaroon ng sama ng loob ang ama sa “tito”. Liban sa kalituhan at kaguluhan, nakaramdam din ang mga bata ng takot at inis sa ilang mga detenido dahil sa pagpapakita nila ng pagkaburyong. Ang matingkad at madalas na anyo ng pagkaburyong ay palasigaw, mainitin ang ulo, panloloko sa mga bata, at magaspang na mga biro. Walang magawa ang mga bata sa mga pagkakataong ito at tinatanggap na lamang nila ang kanilang kalagayan dahil nakatatanda sa kanila ang detenido. Maraming ganitong pagkakataon na napagbubuntunan sila ng sumpong ng mga detenido at kadalasan ay tinitiis na lamang nila ito. Limitado ang tugon ng mga bata sa harap ng ganitong mga sirkumstansiya. Madalas umiiwas na lamang sila sa mga detenidong mahirap makasundo. May ilan naman na nangangatwiran at lumalaban. Ang maliliit na mga bata ay umiiyak na lamang at nagsusumbong sa magulang o umaakmang makikipagsuntukan sa “tito”. Nagtatanong din sila sa ibang mga detenido na hindi mainit ang ulo kung bakit ganoon ang kanilang “tito”. Sa isang kaso, nakiusap ang mga bata na huwag patayin at iluto ang bibing alaga dahil napamahal na ito sa kanila. Ipinaliwanag ng mga detenido na ang mga hayop sa loob ng piitan ay

Page 103: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 89

inaalagaan para may masarap at masustansiya silang makain. Nang makita ng isang bata na pinapatay ang alaga niyang bibi, umiyak nang umiyak ang bata at tinawag ang iba pang mga batang kalaro sa piitan. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik ang mga bata sa kusina na may dalang maliliit na plakard at nagpiket sa harap ng mga detenido. Sinabi nila sa mga detenido na dapat igalang ang karapatan ng mga hayop kung hinihingi nila kay Pangulong Marcos na igalang ang kanilang karapatan. Ayon sa isang bata, kaya hindi sila pinakikingan ng mga “tito” at amang detenido, dahil bata lang sila. Dagdag pa niya “matanda lang ba ang may karapatan, hindi ba ang mga hayop ay may karapatan ding mabuhay?” Ang mga saligan na nakaapekto sa mga kondisyong ito ay edad at disposisyon ng mga bata, antas ng relasyon sa pagitan ng magulang at anak, antas ng pagkaunawa ng detenido sa mga paraan ng pagpapalaki sa bata, antas ng pagtutulungan ng mga detenido upang makaangkop sa pagkaburyong, at antas ng relasyon ng mga bata sa ibang detenido. Sa ikatlong kondisyon, ang mga saligan na nakaapekto ay edad ng mga bata, panahon ng paglaya ng ibang detenido, lalim ng pag-unawa ng magulang sa dahilan ng pagkabilanggo, paraan ng pagpapaliwanag sa mga bata, at antas ng relasyon ng mga bata sa lumayang detenido. Dahil marami sa mga kondisyong ito ang labas sa kontrol ng mga bata, lubhang naging makitid ang kanilang mga alternatibo sa pag-angkop. Sa kabuuan ang kanilang naging tugon sa tatlong kondisyon ay pag-iyak, pag-aalboroto, pag-iwas sa ibang detenido, pagsusumbong at pagtatanong, paglalaro, pagpilit na umuwi ng bahay, at pagmumungkahi ng mga paraan para lumaya ang ama. Kapansin-pansin na umasa ang mga bata sa kanilang magulang upang makaangkop sa gipit na kalagayan. Sa kabilang banda, mahalagang banggitin na ang kanilang mga sariling paraan ng pag-angkop ay paglalaro at pangangarap.

Page 104: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

90 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Ikatlong Yugto

Matagal na Paghihintay sa Paglaya ng Ama

LAHAT NG MGA KALAHOK na detenidong ama ay matagal nang nakapiit. Sa panahon ng pag-aaral, nakabilanggo sila mula dalawa hanggang sampung taon. Dahil dito, lumitaw ang ikatlong yugto na bagaman maraming pagkakahawig sa ikalawang yugto ay mayroon ding partikular na katangian na mahalagang isaalang-alang dahil sa epekto nito sa proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop ng mga bata. Sa ikalawang yugto, nabuhos ang panahon ng mga pamilya sa pagharap at pag-angkop sa iba’t ibang problemang ibinunga ng pagkabilanggo. Bagaman may pagsisikap silang matamo ang agarang paglaya ng detenido nakatuon ang kanilang pansin sa mga kagyat at praktikal na problema ng kabuhayan ng pamilya. Sa paglaon, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga detenido at ng kanilang pamilya at kamag-anak, nagawa nilang malutas ang ilan sa mga problema at maibagay ang kanilang isip at kilos sa katotohanan ng detensiyon, sa tahanan na walang ama, at sa ilang kaso pati ng ina. Nakatulong din dito ang suporta ng mga organisasyong pangkarapatang pantao, iba pang indibidwal at grupo sa loob at labas ng bayan, Ngunit nanatili pa rin ang kanilang mga pangunahing suliranin: kahirapan sa kabuhayan, kaguluhan sa pamilya, at kahirapan sa loob ng piitan. Higit sa lahat, patuloy at walang taning pa ring nakapiit ang mga ama. Samakatwid, umabot ang mga detenido at ang kanilang pamilya sa isang yugto kung kailan nagawa nilang patakbuhin ang kanilang buhay ayon sa isang normal at katamtamang balangkas sa konteksto ng mga kahirapan at limitasyon na ibinunga o kaugnay ng detensiyon. Hindi ito nangangahulugan na nalutas na ang kanilang mga problema o tinanggap na nila ang pagkabilanggo. Nangahulugan lamang ito na makaraan ang ilang panahon mula nang mailipat ang detenido sa regular na piitan, humigit-kumulang ay mas naunawaan na nila ang situwasyong kanilang kinapapalooban at natutunan nilang gamitin ang limitado nilang kalagayan at materyal na kakayahan upang hindi maging gaanong miserable ang kanilang buhay. Umaabot na rin sila sa isang punto na wala na silang makitang pag-ayos ng kanilang buhay hangga’t hindi sila lumalaya. Sa tagal ng pagkapiit ng mga bilanggong politikal, dumating na ang mga detenido at kanilang pamilya sa isang yugto na bagaman relatibong sanay na sila sa buhay-bilangguan at tahanang walang ama, lubha namang napipigil ang pag-

Page 105: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 91

unlad ng pamilya bunga ng patuloy at walang-taning na pagkapiit ng detenido na siyang ugat ng patuloy na pag-iral ng iba pang mga problema. Maaaring naresolba na ang ilan sa mga ito ngunit kadalasa’y mga sekundaryo lamang ito at nananatili pa rin ang mga pangunahing suliranin. May lumilitaw ring mga bagong suliranin na kasama ng ibang saligang problema na gumipit at lumigalig sa kanilang isip at damdamin, pati na rin sa kanilang mental at pisikal na kalusugan at kagalingan. Ngunit hindi tulad ng ikalawang yugto na kailangang ipauna nila ang pagharap sa mga kagyat, bigla, at praktikal na problema na idinulot ng detensiyon, mas may kakayahan na sila sa ikatlong yugto na bigyan ng malaking pansin ang pinakamalaki at susing problema – ang patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng detenido. Dahil nakagawa na sila ng kailangan at angkop na hakbang,nakabuo sila ng balangkas ng isip at kilos na nagsasaalang-alang sa mga kaguluhan at kahirapang dulot o kaugnay ng detensiyon. Mas handa na ang mga detenido at kanilang pamilya sa yugtong ito na puspusang magsagawa ng iba’t ibang anyo ng indibidwal at kolektibong pagkilos para matamo ang paglaya ng ilan kung hindi man ng lahat ng mga detenido. Makikita rito na may dalawang pangunahing katangian ang ikatlong yugto. Una ay ang napakatagal na pagkabilanggo ng detenido at ang kawalang katiyakan ng kanilang paglaya. Ang kondisyong ito ay naglagay ng malaking sagka sa pag-unlad ng buong pamilya at sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Ikalawa, mas pursigido ang mga detenido at kanilang pamilya na hilingin sa pamahalaan at/o ipaglaban ang kanilang kalayaan. Wala na silang ibang nakitang paraan upang epektibong mapangibabawan ang mga suliraning gumipit at lumigalig sa kanila dahil nagawa na nila ang kanilang makakaya upang makaangkop sa mga kaguluhan at kahirapang dulot o kaugnay ng detensiyon. Sa likod ng dalawang katangiang ito ay ang patuloy na pag-iral ng mga pangunahing suliranin sa ikalawang yugto. May ilang mga problemang nalutas dito ngunit mayroon ding mga bagong problemang lumitaw sa yugtong ito. Ang matingkad na pagkaligalig ng mga detenido at kanilang pamilya sa yugtong ito ay kaugnay ng dalawang pangunahing katangiang nabanggit. Sa bahagi ng mga detenido, patindi nang patindi ang kanilang pagkayamot at pagkabagot sa buhay-bilangguan. Pinalubha pa ito ng pagkasiphayo sa kawalan nila ng kakayahang makaambag sa paglutas ng mga problemang kinaharap ng kanilang pamilya. Dahil dito, madalas ang pagkaburyong sa kanilang hanay. Sa bahagi naman ng mga pamilya, patindi nang patindi ang kanilang pagkabagot sa paulit-ulit at walang katapusang problema at mga dapat gawin. Ang buhay nila sa araw-araw ay halos nakaukol na lamang sa pag-angkop sa mga problemang

Page 106: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

92 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ibinunga ng detensiyon, sa pagtugon sa pangangailangan ng detenido, at sa paglalakad ng agarang paglaya nito. Pinalulubha pa ang kalagayang ito ng kanilang pagkilala na mas may pagkakataon silang mapangibabawan ang mga problemang ito kung malaya at kasama nila ang detenido sa paglutas ng mga problema. Wala naman silang makitang pag-asa dahil hindi naman pinaunlakan o pinakinggan ng pamahalaan ang kanilang mga kahilingan para sa paglaya ng kanilang mahal sa buhay. Masasalamin ang ganitong kondisyon sa hanay ng mga bata. Ngunit bago ilarawan ang kalagayan ng mga bata, mahalagang banggitin na may mga dagdag na pagbabago sa yugtong ito. Una, limang bata ang ipinanganak habang nakabilanggo ang kanilang ama. Ikalawa, ang dalawang inang nakapiit sa ikalawang yugto ay pinalaya na pagkaraan ng isa at dalawang taon. Ikatlo, dalawang mag-asawa ang nagkahiwalay kaya ang isang bata ay tumira sa kaniyang lola at dalawang bata ang tumira sa bilangguan.

Kondisyon Bilang ng Pamilya n = 15

Bilang ng Bata n = 36

Gulang Taon(Buwan)

Katampatan GulangTaon

Kasama ang Ina 11 28 – 14 6.1

Kasama ng Kamag-anak(Nagtatago ang ina)

2 5 2 – 11 7.8

Kasama ang Ama sa bilangguan(Hiwalay ang magulang)

1 2 9 – 11 10.0

Kasama ang Lola (Hiwalay ang magulang)

1 1 4 4

Talahanayan 20. Kalagayan ng mga Bata sa Ikatlong Yugto

Sa kabuuan, ang mga kondisyong naghatid ng kagipitan at ligalig sa mga bata sa yugtong ito ay pareho rin sa ikalawang yugto. Dahil dito, ginamit ding balangkas ang apat na pangunahing kondisyon sa ikalawang yugto; lininaw lamang ang ilang kaibahan sa katangian at saklaw ng mga problema sa yugtong ito.

Page 107: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 93

Ang Patuloy at Walang-Taning na Pagkabilanggo ng Ama

WALANG NABAWAS, BAGKUS AY lalo pang tumindi ang pagkagipit at pagkaligalig ng lahat ng mga bata sa paglipas ng mga araw, linggo, at buwan na walang pagbabago sa kanilang kalagayan. Pinalubha pa ito ng ilang kondisyong nakaharap ng mga bata sa yugtong ito. Isa na rito ang makitang naghihirap ang mga magulang sa pakikipaglaban para sa kalayaan at katarungan. Awang-awa sila sa kanilang ama at mga “tito” tuwing naglulunsad ito ng mga kilos protesta tulad ng walang taning na pagpapakagutom o pag-aayuno. Damang-dama rin nila ang pisikal at emosyonal na hirap ng kanilang mga ina at kamag-anak tuwing pumupunta sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan at militar para sa mga papeles o rekomendasyon sa paglaya ng kanilang ama. Sabi ng ilang bata, “sana malaki na ako para matulungan ko si nanay.” Mismo ang mga bata ay nakaranas din ng pisikal at emosyonal na hirap sa mga aksiyong pangmasa na inilunsad ng mga organisasyon at alyansang pangkarapatang pantao na nagtataguyod sa isyu ng kalayaan at katarungan para sa mga bilanggong politikal. Isinama sila ng kanilang ina at kamag-anak sa mga kilos protesta dahil walang mapag-iwanan sa kanila at/o upang maipadama sa pamahalaan at militar ang mahigpit na kahilingan para sa agarang paglaya ng mga detenido. Mangyari pa, naharap din sila sa mahihirap na kondisyon tulad ng paglakad sa init ng araw, pagkagutom, pagka-uhaw, pagkahapo, pagkainip at iba pa na wala namang malinaw na resulta ukol sa paglaya ng kanilang ama. Ang ilan sa mga bata ay nalagay rin sa matinding pagkabahala at kawalang-katiyakan dahil sa biglang paglilipat sa ama sa bartolina sa ibang kampo militar bilang parusa sa mga lider detenido pagkatapos ng mga kilos protesta sa loob ng bilangguan. Biglang nawala ang suportang naibigay ng maliit na komunidad sa BRC at kinailangan pa nilang umangkop muli sa mas marahas at mas mahigpit na kondisyon at patakaran sa bartolina. Ilan ding mga bata ang lubhang nahirapan sa paglipat ng kanilang ama sa Muntinlupa na higit na mas malayo kaysa sa BRC at may reputasyon bilang piitan ng mga napatunayang may kriminal na kasalanan. Dahil lumaki at nagsipag-aral na ang karamihan sa mga bata, nagdala rin ito ng dagdag na mga kagipitan at ligalig. Mas marami na sa mga bata ang nakaharap sa kondisyong kailangan nilang magpaliwanag sa kanilang mga kaklase at guro kung nasaan ang kanilang ama o bakit ito nakakulong. Mabuti kung may kaalaman ang guro sa pagharap sa ganitong sitwasyon. Sa ilang pagkakataon, hindi na nga nakasusuporta ang mga guro ay nakalilikha pa ang ilan ng dagdag na problema sa pamamagitan ng pagkakaila sa klase sa tunay na dahilan ng

Page 108: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

94 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

pagkahiwalay ng ama sa bata. Bunga nito, naguluhan ang mga bata kung dapat bang ikahiya at ipagkaila ang katayuan ng kanilang ama o hindi. Sa kaso ng isang batang lalaki, nang sabihin ng guro na ang mga New People’s Army (NPA) ay masasamang tao, biglang umiyak at tumindig ang bata at sinabi na hindi ito totoo dahil ang NPA ay sundalo ng mahihirap. Ang ilang mga bata naman ay nagsinungaling tungkol sa pagkabilanggo ng ama. Kapag tinatanong sila kung nasaan ang ama at ano ang trabaho nito, ang sinasabi nila ay nasa Saudi Arabia ang ama at doon nagtatrabaho o kaya ay isang business executive ang ama at maraming trabaho kaya hindi siya makapunta sa mga pagtitipon sa paaralan. Nang malaman ito ng magulang, ipinaliwanag nila sa mga anak na hindi nila dapat ikahiya ang ama at bagkus ay dapat pa nga nilang ipagmalaki. Ngunit sa murang isip ng mga bata, ang malinaw lamang sa kanila ay ang malaking kaibahan nila sa pamilya ng kanilang mga kaklase na may ama at ina at normal ang takbo ng pamilya. Sa paglipas ng mga taon ng pagdalaw sa piitan at pakikihalubilo sa iba pang anak ng mga bilanggong politikal, unti-unti nilang naintindihan at naunawaan na hindi lamang sila ang may amang nakapiit dahil sa paniniwalang politikal. Sa patuloy na suporta ng mga indibidwal at grupong pangkarapatang pantao, nakita at naramdaman nila ang pagmamalasakit ng ibang tao para sa kanilang magulang. Nakapagpaluwag ito sa kanilang damdamin at isipan. Sa isang kaso, dating tahimik at walang kibo sa paaralan ang isang batang babae, ngunit nang malaman niya na ang kaniyang guro ay dating bilanggong politikal katulad ng kaniyang ama, naging malapit siya sa guro at nagkuwento tungkol sa ama. Ang ibang mga batang malapit nang magbinata o magdalaga ay lubhang napipigil sa paggawa ng mga aktibidad at hilig na angkop sa kanilang edad. Hindi sila nagkaroon ng sapat na panahon na makasama ang kanilang mga kaibigan at kabarkada dahil nakalaan ang kanilang libreng oras at araw para sa pagdalaw sa ama sa bilangguan. May ilang pagkakataon na ang mga nakatatandang bata, lalo na ang matagal nang nakabilanggo ang ama ay napipilitan na lamang na dumalaw sa piitan. Ayon sa kanila, minsan ay nagsasawa at naiinip sila sa loob ng piitan. Madalas ding pagtalunan ng ina at anak ang pangangailangang sundin ang utos at bilin ng ama kahit na ito ay nakabilanggo at hindi sila masubaybayan. Dahil sa kagipitang ito isang 14 na taong gulang na batang lalaki ang kusang sumulat kay Pangulong Marcos na ang sabi ay “ang pagbibinata ay isa sa pinakamasayang panahon sa buhay ng isang tao ngunit ang panahong ito ay lumalampas sa akin dahil patuloy na nakabilanggo ang aking ama.” Isang partikular na katangian din ng yugtong ito ay ang pagsilang ng ilang bata habang nakabilanggo ang kanilang ama. Dahil dito lumaki sila na hindi

Page 109: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 95

masyadong kilala ang ama. Para sa kanila, ang ama ay isang taong may ibang bahay at binibisita nila tuwing katapusan ng linggo. Bunga nito, malabo ang konsepto nila ng ama at ang papel nito sa pamilya. Sa kaso ng isang bata, nang bigyan ng isang araw na pases ang ama para makauwi sa kanilang bahay, tinanong ng bata ang ama kung kailan ito uuwi sa bahay niya sa Bicutan. Sa pag-uusap naman ng mag-anak, naitanong ng mga bata sa ama kung saan ito matutulog kung sakaling ito’y lumaya. Sa palagay nila dapat matulog ang ama sa ibang kwarto dahil sila ang talagang katabi ng ina. Ang isa pang bata, pagkaraan ng ilang taong pagbisita sa ama ay bigla na lang sinabi, “alam ko na tatay, ikaw pala ang asawa ni nanay.” Isa ring partikular na katangian ng yugtong ito ay ang paglaya ng isa o ilang detenido maliban sa ama ng bata. Bagaman natuwa ang mga bata sa paglaya ng “tito,” nakadama sila ng pagkainggit at pagkalungkot dahil hindi kasama sa mga pinalaya ang kanilang magulang. Nalito at nagtaka sila kung anong kasalanan ang ginawa ng ama na mas mabigat kaysa sa iba kaya hindi pa ito maaaring lumaya. Sa pagkakataong ito nagsimula na naman ang kanilang walang tigil na pagtatanong hinggil sa patuloy at walang taning na pagkapiit ng magulang. Sa kanilang kawalan ng pag-asa, iminumungkahi ng ibang bata sa kanilang ama na tumakas na lamang sa halip na hintayin ang pirma ng Presidente. Ang iba nama’y sinabi na lumapit sa mga kilalang tao tulad ng ginawa ng ibang detenidong pinalaya. Ang karaniwang tugon ng mga bata sa yugtong ito ay ang pagtatanong sa magulang at iba pang detenido. Ang ilan naman ay umiyak at ang iba ay sinisi ang magulang sa hindi paglaya ng ama. Ang madalas na paliwanag ng magulang ay hindi na magtatagal at lalaya na rin ang ama – pansamantala itong nakapagpaluwag sa sakit ng loob na nadama ng mga bata. Ngunit hanggang hindi nakalalaya ang ama ay paulit-ulit ang mga tanong nila. Sa panahon na may mga lumayang detenido, dalawang grupo ang mainit na nagpapaalaman – ang mga detenido, mga bata, at ang ibang mga kamag-anak. Kung minsan umiiyak ang mga bata dahil ayaw nilang mapawalay sa mga kalaro at mga “tito.” Bagaman maligaya silang nakalaya ang ibang detenido, nalulungkot din sila dahil alam nila na hindi sila maaaring dumalaw sa piitan. Ang mga saligang nakaapekto sa mga reaksiyon ng mga bata ay edad ng mga bata, partikular na panahon ng paglaya ng detenido, paliwanag ng mga magulang sa mga bata, at relasyon ng mga bata sa lumayang detenido. Karamihan sa mga kilos pag-angkop na inilahad sa ikalawang yugto ay ginagamit pa rin ng mga bata sa yugtong ito. May ilang mga nabawas tulad ng pag-iwas na dumalaw sa piitan o makipagkita sa ama. May ilan namang tumingkad; partikular dito ang halos walang kapagurang paglalaro sa loob ng piitan ng mga

Page 110: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

96 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

batang anak ng mga bilanggong politikal. Kung minsan, naging pangunahing dahilan nila ng pagpunta sa piitan ay ang makasama at makalaro ang ibang mga bata. Hindi pa man halos nila nababati ang ama ay hinahanap na nila ang mga kalaro. Tumingkad sa yugtong ito ang pagpapantasya ng mga bata sa kanilang paglalaro. Bunga marahil ng kondisyong hindi sapat na maipaliwanag sa sarili ang dahilan ng patuloy na pagkabilanggo ng kanilang ama. Lahat ng mga bata ay nag-iimbento ng mga sitwasyon sa kanilang paglalaro. Kadalasan ang tema ay ang kanilang pagnanais na makatulong para mapalaya ang magulang. Madalas silang magkunwaring nagdaraos ng isang pulong kung saan tinatalakay nila ang iba-ibang paraan upang mapalaya ang mga detenido. Kabilang sa mga napag-usapan nila ang pagiging “Superman” o “Spiderman”. O kung sinuman ang makapangyarihang bayani na maaaring tumalo sa mga sundalo at guwardiya o sumira sa mga pader ng piitan para makalaya ang magulang. May mga nagpahayag din ng mungkahi na kaibiganin nila ang mga guwardiya upang pagkatapos ay maagaw nila ang mga armas nito at mapalaya lahat ng detenido. Pagkatapos ng mga pulong, madalas ay nagmamartsa sila sa paligid ng bakuran na kumakanta at sumisigaw ng mga islogan. Ang mga detenido at ibang matatanda sa loob ng piitan ay hindi nila pinapayagang makinig at makialam sa kanilang pulong. Kapag may matandang lumapit o nakinig sa kanila, tumatahimik na lamang silang bigla o nagagalit sa taong ito. Ayon sa kanila, lihim ang kanilang mga plano at hindi ito dapat malaman ng kahit na sino. Madalas ding lumabas sa paglalaro ng mga bata ang mga pangarap nila sa kanilang paglaki. Kapansin-pansin na marami ang nagpahayag na gusto nila pumasok sa isang propesyon na makatutulong sa kapuwa tulad ng ginagawa ng kanilang magulang – pagiging isang doktor, nars, abogado, o pagsapi sa NPA. Sa paglalaro naman ng mga batang lalaki ng barilan, kinatatampukan ito kadalasan ng labanan sa pagitan ng NPA at ng Philippine Constabulary (PC). Bunga marahil ng kanilang edad, hindi masyadong naglalaro ang mga nakatatandang bata. Mas gusto nila ang makipagkwentuhan sa isa’t isa at sa ibang mga detenido. Kung hindi naman, nagbabasa sila ng komiks o nanonood ng telebisyon. Hindi sila bukas sa pagpapahayag ng kanilang damdamin at saloobin kung ihahambing sa mga maliit na bata. Pinipili nila ang paboritong “tito” upang pagsabihan ng kanilang problema. Karamihan sa problemang ipinagtatapat ng mga nakatatandang bata ay tungkol sa kanilang relasyon sa magulang. Nakasentro ang kanilang mga problema sa paghihigpit ng magulang sa kanilang mga aktibidad sa loob at labas ng paaralan lalo na ang pagsama sa mga kaibigan at barkada. Ayon sa mga nakatatandang bata, hindi naiintindihan ng mga magulang ang kanilang

Page 111: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 97

kalagayan at palagi na lang nitong idinadahilan ang pagkabilanggo ng ama. Ang isa pang paksa ng pag-uusap sa pagitan ng mga nakatatandang bata at kanilang “tito” ay tungkol sa kanilang mga crush na kanilang mga kalaro sa loob ng piitan. Dahil sa palaging panunukso ng mga “tito” nagkakaroon ng pagkagusto ang ilang nakatatandang babae sa mga kasing edad nilang lalaki at ang ilan ay humahantong sa panandaliang relasyon ng isa’t isa. Kaugnay ng mga problema ng mga bata sa kanilang magulang, sinikap ng mga detenido na kausapin ang mga magulang at sabihin ang hinaing ng mga anak upang maunawaan at matulungan ang mga bata. Kadalasan, ayaw rin nilang sumama sa mga piket at rali dahil nahihiya sila. Mas pursigido ang maliliit na bata dahil natutuwa sila sa ganitong mga pagtitipon. Sa kabuuan, kung ihahambing sa ikalawang yugto, hindi nalalayo ang mga kagipitan at ligalig na nakaharap ng mga bata sa yugtong ito kaugnay ng patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng kanilang ama. Pinatingkad pa ito ng ilang mga kondisyon na kinabibilangan ng paglaya ng maraming ibang detenido, pagsaksi sa pisikal at emosyonal na hirap ng kanilang magulang, mismong pagdanas ng pisikal at emosyonal na hirap sa paglahok nila sa pagsisikap na matamo ang paglaya ng kanilang magulang, bigla at hindi inaasahang paglipat ng kanilang ama sa ibang piitan, pagiging hadlang ng kalagayang nakabilanggo ang ama sa mga gustong gawin at iba pang interes ng mga bata, at ang kahirapan sa pagharap sa kaklase at guro upang ipaliwanag kung bakit nakabilanggo ang ama. Hindi rin nalalayo ang mga kilos pag-angkop na ginamit ng mga bata sa yugtong ito kung ihahambing sa ikalawang yugto. Mas nakatuon nga lamang ang kanilang pansin sa ilang mga paraan ng pag-angkop. Sa bahagi ng mga maliliit na bata, tumingkad ang pagbubuhos nila ng atensiyon sa paglalaro at pagpapantasya. Sa panig naman ng mga nakatatandang bata, mas natuon sila sa paglalaro at pakikipag-usap sa ilang piling mga detenido na malapit sa kanila.

Mga Kahirapan sa Kabuhayan

ANG MGA PAGBABAGO SA katayuang pangkabuhayan sa yugtong ito ay pangunahing lumitaw sa hanay ng mga pamilyang kabilang sa mababang antas. Sa isang kaso, bumuti nang kaunti ang kabuhayan ng pamilya mula ng lumaya ang ina at makahanap ng regular na trabaho. Gayunman, nanatili pa rin sila sa mababang antas. Sa kabilang banda, tatlong pamilya sa grupong ito ang lalo pang dumanas ng kahirapan dahil nadagdagan ng tig-isang anak ang bawat pamilya.

Page 112: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

98 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Sa isa pang kaso, mistulang naging bilanggo rin ang dalawang magkapatid dahil hiniwalayan ng ina ang amang detenido at ang mga bata ay napilitang tumira sa loob ng bilangguan at mag-aral sa isang paaralang pampubliko na malapit sa piitan. Ang matinding kahirapan sa kabuhayan ng mga pamilya na nagkaroon ng isa pang anak ay makikita sa madalas na pagkakasakit ng mga bata dahil sa kakulangan ng masustansiyang pagkain at pambili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. Karamihan sa mga sanggol ay matamlay at mahina ang pangangatawan. Hindi natatapos ang isang buwan nang hindi ito nagkakasakit – sipon, ubo, at lagnat. May mga panahon na higit na malala pa ang kanilang mga sakit tulad ng diarrhea, bronchitis, at pneumonia. Halos hindi malaman ng mga magulang kung saan kukuha ng pambili ng gatas at gamot para sa anak. Mangyari pa pati ang mga nakatatandang bata ay naaapektuhan ng ganitong kalagayan. Sa isang kaso, napilitang umuwi sa probinsiya ang apat na bata dahil sa patuloy na pagbagsak ng kabuhayan ng pamilya. Hindi makapagtrabaho ang ina dahil sa pag-aalaga sa mga anak. Hindi naman makasapat ang maliit na kita ng amang detenido mula sa produksiyon sa loob ng piitan. Dahil sa pangyayaring ito at dahil sa mahal ang pamasahe mula sa probinsiya tungong Maynila, tuluyan nang nahiwalay ang ama sa asawa at mga anak. Bunga ng paglakas ng isyu ng katarungan at kalayaan para sa mga bilanggong politikal at ang mabilis na pagkamulat ng maraming mamamayan mula nang mapatay ang dating Senador Benigno Aquino, may regular na tulong pinansiyang ibinigay ang ilang organisasyong pangkarapatang pantao sa loob at labas ng bansa. Sa yugtong ito, kahit paano ay mas natugunan na ng pamilya ang mga pangangailangan ng sapat na pagkain para sa mga bata. Gayunman, dahil wala namang pirming pinanggagalingan ng kita ang mga pamilya, umaasa sila sa suportang pinansya na ito. Bagaman mahusay ang ganitong tulong, nagkaroon ng tendensiya na umasa na lamang ang ilang pamilya sa tulong na ito.

Mga Kaguluhan sa Pamilya

MAY ILAN DING MGA pagbabago sa kalakaran ng pamilya sa yugtong ito. Una, nalutas ang ilang mga problema sa pagitan ng pamilya at kamag-anak ng mga bilanggong politikal. Bunga nito, nabawasan din ang pagkaligalig ng mga bata. Isang pamilya lamang ang napilitang humiwalay sa kamag-anak nang makakita ng regular na trabaho ang ina. Ang ibang pamilya ay napanatag ang loob sa

Page 113: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 99

piling ng kamag-anak. Sa dalawang pamilya, tuluyang naghiwalay ang dalawang mag-asawa dahil sa mga personal na problema at pagkakaiba ng pananaw sa politika at pagkabilanggo. Sa kaso ng parehong mag-asawa bukod sa mga dating personal na alitan bago pa man madakip ang detenido, hindi matanggap ng babae ang kalagayan ng pagkabilanggo ng asawa. Hindi rin niya maunawaan ang paniniwalang politikal ng asawa na naging dahilan ng pagkabilanggo nito. Sa simula sinikap nilang parehong ayusin ang relasyon, ngunit sa kalaunan dahil sa pagsulpot ng patong-patong na problema, hindi ito nakayanang dalhin ng ina at ang nakita niyang paraan ng pag-angkop ay ang pakikipaghiwalay sa asawa. Masaklap at napakasakit ng karanasang ito para sa dalawang bata sa isang pamilya, dahil bukod sa nakabilanggo ang ama ay iniwan pa sila ng kanilang ina. Lubhang nakaligalig ito sa mga bata na ayaw nang pumasok sa paaralan. Naging mahirap din para sa ama ang pagdidisiplina sa kanila. Sa ganitong kalagayan napilitan ang ama na isama ang mga anak sa piitan at doon na alagaan. Nakiusap din siya sa militar na doon na tumira ang mga bata para makapasok sa pampublikong paaralan na malapit sa Bicutan. Hindi naman makapag-aral nang mabuti ang mga bata dahil sa kanilang kondisyon kaya bumaba ang kanilang grado sa paaralan. Mas mabuti-buti pa ang kalagayan ng isang bata sa isang pamilya, dahil inako ng lola ang pag-aalaga sa bata at na higit na may kaya sa buhay.

Mga Kahirapan sa Loob ng Piitan

ANG MAS TUMINGKAD SA dati nang mga problemang nakaharap ng mga bata sa loob ng piitan ay ang pagdalas ng pagkaburyong ng mga detenido sa yugtong ito bunga ng mas matinding pagkabagot, pagkayamot, at pagkasiphayo sa matagal at walang taning na pagkabilanggo. Masasalamin dito na nagkulang ang detenido sa pagsasaayos ng kanilang pagtingin at pamamaraan ng pakikitungo at pag-aalaga sa mga bata. Makikita rin ang kahinaan ng mga detenido na mapangibabawan ang pagkaburyong sa isang antas na hindi lubhang madadamay ang mga bata. Mas apektado ang maliliit na bata sa kalagayang ito kaysa sa mga nakatatandang bata. Sa maliliit na bata, matingkad ang pag-iwas bilang kilos pag-angkop at ang pangarap na makalaya ang ama. Mas masunurin din sila sa magulang kung ihahambing sa nakatatandang mga bata na sumasagot o lumalaban sa magulang kapag sila ay pinagagalitan o hindi nasusunod ang gusto. Nangangatwiran din ang mga nakatatandang bata at nagpapakita ng galit sa ibang mga detenido na madalas

Page 114: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

100 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

silang binibiro o niloloko. Maliban dito nanatili ang mga dating kahirapan sa loob ng piitan na tinitiis naman ng mga bata.

Page 115: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Masasalamin ang interaksiyon ng iba’t ibang aspekto ng proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop sa tatlong yugtong dinaanan ng mga bata mula nang madakip ang kanilang magulang. Sa unang yugto, naharap ang mga bata sa matinding emosyonal na

kaligaligan bunga ng pagkabigla sa pangyayari, sa takot at pagkabalisa sa maaaring mangyari sa kanilang magulang, sa malaking kaguluhang naganap sa takbo ng buhay ng pamilya, sa kawalan ng katiyakan sa hinaharap ng pamilya, sa pagkalito at pagkataranta sa nangyayari, at sa kawalan ng kontrol o kawalang-magawa sa buong sitwasyon. Ang ibang mga problema, tulad ng biglang pagbagsak ng kabuhayan ay nagpalubha sa emosyonal na kaligaligang namayani sa yugtong ito. Naging makitid ang pamamaraan sa pag-angkop na nagamit ng mga bata. Umikot ito pangunahin sa pagkuha ng atensiyon at suporta ng kanilang ina at/o kamag-anak, pagtatanong at paghahanap ng paliwanag tungkol sa nangyari at sa sitwasyong kinapalooban nila. Tumutugma ang balangkas ng pag-angkop nila sa kanilang pangkalahatang pakiramdam ng takot, lito, taranta, at kawalang magawa. Nakatuon ang kanilang mga kilos pag-angkop sa ina at kamag-anak

PaglalagomKABANATA IV

Page 116: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

102 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

na ipinapalagay nilang mas nasa mainam na kondisyong magpaliwanag tungkol sa pangyayari, at gumawa ng mga angkop na hakbang upang maibsan ang nakaliligalig na sitwasyon. Bunga ng kaguluhan sa kanilang pamilya at ng pagkaabala at pagkataranta ng kanilang ina at kamag-anak sa paghanap at pagtiyak sa kaligtasan ng kanilang ama, nahirapan ang mga ito sa pagtugon sa mga inisyatiba ng mga bata sa pag-angkop. Kahit ang ilang pagkaligalig ng mga bata ay natutugunan ng matatanda, nahirapan pa rin ang mga batang intindihin ang buong sitwasyon at ang mga paliwanag ng matatanda dahil iba ang kanilang pagkaunawa sa kahulugan at kahihinatnan ng pagkadakip at pagkabilanggo. Dagdag dito, nakasagabal din sa kanilang mga kilos pag-angkop ang ibang kondisyon tulad ng pagsaksi sa pagdakip sa magulang, sa matagal na pagka-inkomunikado ng ama, at pagkakita sa epekto ng pagpapahirap na ipinataw sa magulang. Samakatwid, humadlang ang mga saligang ito sa mga kilos pag-angkop ng mga bata. Dahil hindi epektibo ang pag-angkop ng mga bata sa yugtong ito, lumilitaw ang matitingkad na sintomas ng sikolohikal at pisikal na karamdaman sa mga bata. Ang antas ng mga sintomas na ipinakita ng mga bata ay tumapat sa katangian ng karanasan o partisipasyon nila kaugnay ng pagkadakip at pagka-inkomunikado ng magulang at sa lalim ng emosyonal at intelektuwal na relasyon nila sa magulang bago ito madakip. Sa negatibong bahagi, nalantad naman ang mga bata sa magkakaiba at kung minsa’y sa magkatunggaling mga alituntunin at pananaw. Ang pagkaabala ng mga magulang sa iba’t ibang gawain at tungkulin ay nakasagabal naman sa epektibong pagtugon nila sa emosyonal at intelektuwal na mga pangangailangaan ng mga bata. Binuhay rin ng kabuuang krisis ng sitwasyon ang ilan sa mga dating problema ng mag-asawa na nagbunga ng mga problema sa relasyon nila na sa kalauna’y hindi maiiwasang nakaapekto rin sa mga bata. Ngunit sa kabuuan, naging mas matimbang ang positibong epekto ng mga salik na ito upang maibsan ang emosyonal na kaligaligan ng mga bata. Nakatulong pa nang malaki ang malakas na moral, political, at materyal na suporta ng maraming mga indibidwal at organisasyong pangkarapatang pantao sa loob at labas ng bayan na nagtataguyod sa kagalingan at karapatan ng mga bilanggong politikal. Mas nagkaroon din ng kontrol ang mga bata sa kanilang emosyon dahil hindi na kasing tindi at bigla ang emosyonal na kaligaligang naranasan nila sa yugtong ito kung ihahambing sa ikalawang yugto. Ang kombinasyon ng mga kondisyong ito ay nagbunga ng unti-unting pagbawas sa matingkad na mga sintomas ng sikolohikal at emosyonal na kaligaligan ng mga bata lalo na sa huling bahagi ng yugto.

Page 117: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 103

Gayunman, malaki naman ang ipinanghina ng resistensiya ng mga bata sa sakit dulot ng malaking pagbagsak ng kabuhayan ng pamilya at ng patuloy na pag-iral ng emosyonal na kaligaligan nila sa ibang mga problema. Dahil umaasa ang mga bata sa mga hakbang ng magulang at mga kamag-anak sa paglutas sa mga praktikal na problemang gumigipit at lumiligalig sa buong pamilya, ramdam din nila ang di-pagtatagumpay ng magulang at kamag-anak sa lahat ng kanilang mga problema. Kaya mas tumingkad sa yugtong ito ang pisikal na panghihina at madalas na pagkakasakit ng marami sa mga bata, lalo na sa mga pamilyang malaki ang ibinagsak ng kabuhayan at limitado ang matatakbuhang tulong. Ang pangunahing dahilan sa pag-iral ng ganitong kalagayan ay ang patuloy na pagkapiit ng ama. Sa ikatlong yugto, walang makabuluhang ipinagbago sa mga problemang gumigipit at lumiligalig sa mga bata at sa kanilang pamilya. Mas tumindi pa nga ito sa ilang kaso. Ngunit tumingkad sa yugtong ito ang pagkasiphayo nila sa pagwawalang bahala ng militar at pamahalaan sa kahilingang palayain ang kanilang ama at ang paglakas ng pakiramdam ng kawalang pag-asa sa paglaya ng ama. Bunga nito, muling tumindi ang emosyonal na kaligaligan nila na nadagdagan pa ng pagkayamot at pagkabagot sa takbo ng kanilang buhay. Damang-dama nila sa yugtong ito ang napakalaking limitasyong itinakda sa kanilang buhay ng matagal at walang taning na pagkabilanggo ng ama. Dala marahil ng pagkasanay nila sa yugtong ito sa tahanang walang ama at sa buhay-bilangguan, mas marami na ang mga alternatibong napagpilian ng mga bata upang maibsan ang dati nang mga kagipitang lumiligalig sa kanila. Ngunit nanatili na lamang sila sa pagsisikap na mabawasan ang tindi ng epekto sa kanila ng mga kagipitan at ligalig na ito dahil wala silang magawa hangga’t hindi lumalaya ang kanilang ama. Samakatwid, humantong na sila sa yugto na may pagkasagad na ang mga paraan nila ng pag-angkop at tanging ang paglaya na lamang ng kanilang ama ang makabuluhang makapagbabago sa takbo ng kanilang buhay. Ang patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng ama ang pinakamabigat at pinakasusing kagipitang lumiligalig sa mga bata, hirap din umangkop at magbigay solusyon sa mga suliranin ang mga bata. Tulad ng una at ikalawang yugto, walang naibigay na katanggap-tanggap at mauunawaang paliwanag ang mga bata sa matagalang pagkabilanggo ng ama lalo na’t alam nila sa yugtong ito na wala nang dahilan para patuloy na ibilanggo ang ama. At kung tutuusin, wala naman talagang matibay na katwiran pa sa walang taning na pagkabilanggo ng ama dahil hindi ito makatarungan sa batayang legal, moral, at makatao. Ang nagawa na lamang nila ay ipagpatuloy ang paghiling sa militar at sa pamahalaan na palayain ang kanilang magulang. Ngunit umiiral sa

Page 118: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

104 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

ating bansa ang mga hindi makatao at hindi makatarungang batas na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihang magpalaya ng sinumang nakapiit. Ang hindi pagpapaunlak ng Pangulo sa kahilingan ng pamilya ay nangangahulugan na muling pagsisimula ng proseso sa unang hakbang – pag-aayos ng mga dokumento ng detenido at patuloy ang mahabang panahon at walang katiyakang paghihintay. Sa kabuuan, maihahanay ang mga problemang gumigipit at lumiligalig sa mga anak ng bilanggong politikal sa BRC ang bigla, matagalan, at walang-taning na pagkawalay sa isa o parehong magulang. Gayundin, nararanasan nila ang kaguluhan sa pamilya, pagkawala o pagbawas ng mapangkalinga at mapagsanggalang katangian ng pamilya, pagbagsak ng kabuhayan ng pamilya, mahirap na kondisyon sa loob ng piitan, at mapanggipit na mga patakarang ipinatutupad sa bilangguan. Nagkakaroon din ng mga problema kaugnay ng relasyon sa magulang, kamag-anak, at iba pang mga bilanggong political; kahirapan sa pagpapaliwanag/pagpapaunawa sa mga kapitbahay, kaibigan, at kaklase ukol sa pagkabilanggo ng magulang; at mga problemang kaugnay ng paghadlang ng militar at pamahalaan sa pagsisikap ng mga pamilya na matamo ang kalayaan ng mga bilanggong politikal. Bilang tugon at pagharap sa mga kagipitang ito, may ilang pangunahing paraan ng pag-angkop ang mga bata:

1. Pagtatanong at paghingi ng paliwanag sa magulang, kamag-anak, at iba pang detenido

2. Paghahanap ng kalinga, suporta at gabay ng magulang, kamag-anak, ibang detenido at nakatatanda

3. Iba’t ibang pisikal at emosyonal na manipestasyon ng kilos pag-angkop tulad ng pag-iyak, paglaban, pag-iwas sa ibang tao, pag-aalboroto, pagsasawalang-kibo, pagkatakot, pagkabalisa, pagkalito, at kawalan ng pag-asa

4. Paglalaro 5. Pangangarap at pagpapantasya6. Paglahok sa mga pagsisikap ng pamilya na mapangibabawan at malutas

ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng kolektibo at sama-samang pagkilos

7. Indibidwal at/o kolektibong pagsisikap ng mismong mga bata na malutas ang kanilang mga problema.

Ang mga panloob na salik ng mga bata at ang panlabas na salik ng kapaligiran na matingkad na nakabawas sa tindi ng kagipitan at ligalig o nakatulong sa mga kilos pag-angkop ng mga bata:

Page 119: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 105

1. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa paniniwalang politikal ng kanilang magulang

2. Pagkakaroon ng karanasan sa pagkabilanggo o matagal na pagkawalay sa magulang

3. Sama-sama at organisadong pagkilos ng mga bilanggong politikal at ng kanilang pamilya

4. Malapit na relasyon at malakas na suporta ng mga kamag-anak, kapitbahay, kaibigan, kaklase, at mga anak ng mga bilanggong politikal

5. Materyal, politikal, at moral na suporta ng mga indibidwal at grupong pangkarapatang pantao sa loob at labas ng bayan.

Sa kabila nito, may mga salik ding nakapagpatindi ng kagipitan at ligalig ng mga bata o nakasagabal sa mahusay na pag-angkop ng mga bata:

1. Mahinang katayuang pangkalusugan ng mga bata2. Kawalan ng kakayahan at kapangyarihan ng mga bata3. Pagbagsak ng kabuhayan ng pamilya4. Pagbabago ng disposisyon at ugali ng magulang5. Pagkaabala ng mga magulang sa ibang mga dagdag na gawain6. Alitan sa pagitan ng magulang at/o sa pagitan ng ina at mga kamag-anak7. Pagkakaiba sa estilo ng pamumuhay ng mga kamag-anak8. Hindi nakauunawang mga kaibigan, kapitbahay, kalaro, kaklase, kamag-anak

at ibang matatanda sa paligid ng mga bata9. Madalas na pagkaburyong ng mga bilanggong politikal10. Kakulangan ng kaalaman at/o magkaibang pananaw at pamamaraan ng mga

detenido sa pakikitungo at pag-aalaga sa mga bata.

Ang mga panlipunang institusyon at ang istrukturang pang-ekonomiya ay pawang nakapagpalala sa mga kagipitan at ligalig ng mga bata. Sa katunayan, ang mga ito ang mismong pinagmulan ng karamihan sa mga problemang kinaharap nila. Kabilang sa mga salik na ito ang paglabag sa makatao at legal na karapatan ng mamamayan; ang hindi makataong mga batas at mahigpit na mga patakaran sa mga taong nadakip at nabilanggo dahil sa kanilang paniniwalang politikal; ang mabagal na proseso ng paglilitis at pagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng karahasan; ang mahigpit na mga patakaran at kondisyon sa loob ng piitan; ang kakulangan ng mga pampublikong ahensya na makatutulong sa pamilya ng mga bilanggong politikal; ang panggigipit at pananakot ng militar sa mga grupo at

Page 120: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

106 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

institusyong pangkarapatang pantao na tumutulong sa mga bilanggong politikal; at ang matinding krisis pang-ekonomiya at pampolitika sa buong bansa.

Kaugnay ng Kagipitan at Ligalig

MAY TATLONG PANGKALAHATANG KATANGIAN ang mga problemang gumipit at lumigalig sa mga bata. Una, sabay-sabay na dinanas ng mga bata ang maraming problema. Mangyari pa, ang mga problemang ito ay bunga ng pagkabilanggo ng kanilang magulang. Habang tumatagal sa piitan ang kanilang magulang, lalo ring naging kumplikado ang kanilang mga kagipitan at ligalig. Kaya ang prinsipal na problemang nakaapekto sa emosyonal at pisikal na kagalingan ng mga bata ay ang patuloy at walang taning na pagkabilanggo ng kanilang magulang. Ikalawa, karamihan sa mga problemang kanilang dinanas ay bago, wala sa kontrol, at lampas sa kasanayan at kaalaman ng mga bata. Nakasalalay pa ang kakayahan nilang mapangibabawan ang mga suliraning ito sa kanilang magulang, kamag-anak, at ibang kasangkot na matatanda. Hindi pa rin nila kayang lutasin ang mga suliraning nakapagpapatindi sa kanilang emosyonal na pagkaligalig. Ikatlo, ang prinsipal na problemang gumipit at lumigalig sa kanilang pamilya ay bunga at repleksyon ng mas malalim na mga problemang yumanig sa lipunang Pilipino. Ang mga programa at patakarang pampolitika at pang-ekonomiya ng pamahalaan ng administrasyong Marcos ay nagpalala sa kahirapan ng mamamayang Pilipino. Ang administrasyong Marcos din ang nagpalaki at nagpalawak sa kontrol ng dayuhan sa mga likas na yaman ng Pilipinas at ang administrasyon ding ito ang nagpatindi sa panunupil ng demokratikong karapatan ng sambayanan. Dahil dito lumakas at lumawak din ang militanteng pakikibaka ng mamamayan at nawalan ng kredibilidad ang pamahalaan. Pagdakip at pagbilanggo naman ang tugon ng pamahalaan sa mga taong inaakusahang mapanganib sa seguridad ng estado. Dahil nananatili ang mga suliraning sosyo-ekonomiko-politikal na siyang ugat ng mga tunggalian sa lipunan nang panahong iyon, lubhang nasa disbentahe ang mga pamilyang apektado nito. Ang mga problema, kagipitan, at ligalig ng mga anak ng mga bilanggong politikal sa BRC ay mahigpit na nakaugnay sa kakayahan ng kanilang pamilya at iba pang kasangkot na matatanda at bata na pangibabawan ang mga problema – pampolitika, pang-ekonomiya, at panlipunang krisis na lumigalig sa buong lipunang Pilipino. Dahil dito, kailangang isaalang-alang din ang mga aspektong ito sa pagsusuri ng

Page 121: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 107

pamamaraan at kilos sa pag-angkop ng mga bata. May tatlong antas na kailangang isaalang-alang sa pagsusuri ng mga paraan at kilos pag-angkop ng mga bata. Una, antas ng indibidwal na bata – siko-pisyolohikal na aspekto na nakatuon sa emosyonal at sikolohikal na krisis na lumiligalig sa mga bata. Nangangailangan ito ng malaking pleksibilidad at katatagan sa bawat indibidwal na bata. Ikalawa, antas ng suporta mula sa kagyat na komunidad na ginagalawan nila – interpersonal na aspekto. Nakatuon ito sa kakayahan at paraan ng pamilya, kamag-anak, at ibang tuwirang kasangkot sa paglutas ng mga suliraning lampas sa kakayahan at karanasan ng mga bata. Nakatuon din ito sa pagtugon ng indibidwal na bata na makaangkop sa personal na krisis na lumiligalig sa kanila. Ikatlo, panlipunang antas – sosyo-politikal na aspekto na nakatuon sa istruktura ng pagtamo ng katarungan sa lipunan at sa sistemang pang-ekonomiya at pangkultura na may tuwirang papel sa dalawang naunang aspekto. Hinati sa dalawang saligang yugto ang proseso ng pag-angkop ng mga bata sa kagipitang lumiligalig sa kanila. Sa unang yugto, nakatuon pa ang kanilang pagsisikap sa pagtatanong at paghahanap ng paliwanag. Kasabay nito, gumamit din sila ng mga lantad na paraan upang makuha ang atensyon at suporta ng mga taong kaugnay nila. Sa likod ng balangkas ng pagkilos nilang ito ay paghanap din nila ng tugon sa dalawang saligang katanungan: bakit nangyari ang problemang ito sa kanilang pamilya at paano nila babaguhin ang kanilang isip at kilos upang mas tumugma ito sa mga bagong kondisyon. Ang mga kilos pag-angkop ng mga bata sa yugtong ito ay sikolohikal pa ang katangian – pag-angkop sa pangyayari sa kognitibong antas. Sa pamamagitan ng mga paliwanag, naging mas rasyonal, naunawaan, at katanggap-tanggap ang pangyayari. Nalaman nila ang mga posibleng gawin upang mabawasan at mapangibabawan ang sariling kagipitan at ligalig. Sa mga pagkakataon na nahaharap ang mga bata sa matitinding sitwasyon na nagdudulot sa kanila ng kaligaligan, gumagawa sila ng mga hakbang upang makuha ang proteksyon mula sa kanilang magulang o sa ibang nakatatanda na alam nilang mas may kakayahang harapin ang nagbabantang sitwasyon. Gayunman, muli silang bumabalik sa saligang hakbang ng paghingi ng paliwanag tungkol sa pangyayari. Mahalagang mekanismo sa balangkas ng pag-angkop na ito ang kakayahang magtanong, makipag-usap, at makaunawa ng indibidwal na bata. Ang pakikipag-usap ang naging tulay sa proseso ng pagpapaliwanagan. Dagdag dito, nakapagbigay rin ng emosyonal na suporta at kaginhawahan ang pakikipag-usap ng mga bata sa kanilang mga magulang, kamag-anak, ibang detenido, kapuwa bata at ibang mga tao na tuwirang kasangkot sa problema. Kabaliktaran naman

Page 122: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

108 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

nito, naging mas mahina ang tugon ng mga hindi sapat na napaliwanagan bunga ng kakulangan ng suporta ng mga taong nakapaligid sa kanila o kaya’y kawalan ng mga bata ng kakayahang ipahayag ang kanilang katanungan o hirap makaunawa. Ito ang dahilan kung bakit laging isang mahalagang salik sa proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop ng mga bata ang kanilang edad at kognitibong kakayahan. Mapapansin na nakatuon ang balangkas ng pag-angkop sa mga magulang at ibang nakatatandang kasangkot na inaakala ng mga bata na mas nasa posisyon upang magpaliwanag tungkol sa pangyayari at gumawa ng mga angkop na hakbang sa paglutas o pag-neutralisa sa problema. Maaasahan ito dahil karamihan ng mga suliranin ng mga bata ay bago, wala sa kontrol, at lampas sa kakayahan at pang-unawa ng mga bata. Samakatwid, gumaganap ang matatanda ng susing papel sa unang yugtong ito ng proseso ng pag-angkop ng mga bata. Sila rin ang nasa posisyon upang magmungkahi ng mga angkop at nararapat gawin upang hindi tuluyang mawalan ng pag-asa ang mga bata. Ngunit dahil sa iba’t ibang kondisyon ng mga magulang at ibang kasangkot na matatanda, may mga pagkakataon na matagal at hindi epektibo ang pagtugon nila sa mga kilos pag-angkop ng mga bata. At ang pangunahing kondisyon ay ang kahirapang ipaliwanag at ipaunawa sa mga bata na ang saligan ay hindi makatwiran at hindi makatarungang pagdakip at pagbilanggo sa magulang. Kaya madalas ay paulit-ulit ang pagtatanong ng mga bata sa buong panahon ng pagkabilanggo ng ama. Bagaman nag-iiba ang anyo ng mga tanong, pareho lamang ang esensiya ng mga ito. Nag-iwan ito ng puwang sa pagsisikap ng mga bata na maunawaan ang mga pangunahing problemang gumigipit at lumiligalig sa kanila. Mangyari pa, lagi ring nakapailalim ang mga bata sa emosyonal at sikolohikal na pagkaligalig. Hindi nga lang ito litaw sa ilang pagkakataon; ngunit sa panahong may mga lumalayang detenido na hindi kasama ang ama, muli na naman itong tumitingkad. Ang ikalawang yugto ay karugtong at sa ilang antas ay itinakda ng unang yugto. Dahil sa hindi epektibong naipaliwanag sa sarili ang ilan sa mga susing katanungan at kaligaligan, patuloy pa rin ang pagtatanong ng mga bata sa kanilang magulang at ibang nakatatanda. Ngunit nakapagsimula na rin ang mga bata sa yugtong ito na magpatupad ng ilang tuwirang pang-indibidwal at panggrupong aksiyon na naglalayong ibagay ang kanilang isip at kilos sa ilang hindi nalulutas na problema at nang mabawasan ang kagipitan at ligalig na nararanasan nila kaugnay nito. Ang kakayahan nilang ito ay bunga ng pagkakaroon nila ng sapat na relatibong pagkilala sa iba’t ibang katangian at mga inter-relasyon sa loob ng pangkalahatang kondisyong kinaharap. Nakatukoy na sila ng maraming gawain at pagkakaabalahan na angkop sa kanilang mga pangangailangan. Pinakamatingkad

Page 123: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kinasapitan at Pagtalakay 109

dito ang paglalaro at pagpapantasya na nakapagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mas matuto pa tungkol sa kanilang kalagayan, mas mapagaan ang bigat ng emosyonal na kaligaligan, at mas mailabas ang mga saloobin sa ilalim ng masaya at nakakatuwang kondisyon. Bagaman ang mga kilos na ito’y sa loob pa rin ng konteksto ng mga kahirapan at kagipitang bunga at kaugnay ng pagkabilanggo ng kanilang magulang, maipakakahulugan din itong pagsisikap na “imanipula ang kapaligiran” ayon sa teorya ni Mechanic (1970) at para “magsilbi sa mga pangangailangan at naisin nila” ayon kay Coob (1976, binanggit ni Kaplan, Robbins at Martin, 1983). Maituturing kung gayon ang mga kilos nila sa yugtong ito na may katangiang sosyo-sikolohikal dahil kinatatampukan ito ng paghubog ng bagong mga kalagayan at gawain batay sa patuloy na pagtataya at pagrarasyonalisa ng kapaligiran (Gerhardt, 1979) kaya nanatili pa rin ang mga saligang problema nila. Ang pinakasusi dito ay ang paglaya ng kanilang magulang na sa kasamaang palad ay hindi ipinahihintulot at ayaw paunlakan ng pamahalaan kahit na mayroong mga legal, moral, at makataong dahilan para dito.

Page 124: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Bilang panimulang pag-aaral, pinagsikapang unawain ang proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop ng mga anak ng bilanggong politikal ayon sa isang konseptwal na balangkas na nagpakita sa saligang takbo ng prosesong ito at kung paano ito naaapektuhan ng iba’t ibang

saligan ng mga bata at ng kapaligiran nila. Umaayon ang kabuuan ng pag-aaral na ito sa konseptwal na balangkas. Ang mahahalagang punto kaugnay nito ay ang sumusunod:

1. Madalas na iugnay ang stress sa mga negatibong pangyayari at reaksyon ng indibidwal. Dahil dito hindi naging mahirap na tukuyin ang mga sitwasyon at pangyayari na gumipit at lumigalig sa mga bata sapagkat ang pagkabilanggo ng mga magulang at ang mga problemang ibinunga nito ay pawang negatibo ang katangian. Nakita rin ito sa reaksyon ng mga bata.

2. Ang proseso ng mga kilos pag-angkop ng mga bata ay umaayon din sa pangkalahatang balangkas ng pag-angkop at pangingibabaw na inilahad sa konseptwal na balangkas. Ang pagtatanong ng mga bata ay katugma ng

Kongklusyon at Rekomendasyon

KABANATA V

Page 125: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

111

pagbubuo ng perseptwal na kaalaman na siyang unang baitang sa proseso ng pag-unlad ng kaalaman na batayan rin sa pagbuo ng mga idea at plano para sa pag-angkop. Ngunit dahil sa angking katangian ng kagipitan at ligalig na nakaharap ng mga bata, hindi nakumpleto ang balangkas ng prosesong inilahad. Nangangahulugang hindi epektibong napangibabawan ng mga bata ang kanilang mga problema. Hindi nagtagumpay ang mga kilos pag-angkop ng mga bata sa saligan.

3. Ang mga katangian ng pag-angkop na isinagawa ay may pagkahawig sa mga modelo ng pag-angkop na tinutukoy sa konseptwal na balangkas. Makikita ito sa siko-pisyolohikong modelo ng pag-angkop. Ngunit kaugnay ng sikolohikal at panlipunang modelo ng pag-angkop, kailangang pagsamahin sa pag-aaral ang ilang katangian ng dalawang ito dahil hindi lubos na nakumpleto ang panlipunang pag-angkop ng mga bata. Ang katangian ng pag-angkop ng mga bata ay sosyo-sikolohikal dahil sumusubok silang baguhin ang ilan nilang mga gawaing pinagkakaabalahan (panlipunan o sosyal na aspekto) upang mas mapagaan ang sikolohikal na pagkaligalig nila (sikolohikal na aspekto).

4. Malinaw ring nakita sa pag-aaral ang ilang matingkad na tuwiran at hindi-tuwirang epekto sa kalusugan ng hindi pagtatagumpay ng mga kilos pag-angkop. Gayunman, dahil sa kakulangan ng mga eksaktong panukat sa tindi ng krisis at epekto nito sa mga kilos pag-angkop at ng iba’t ibang salik na nakaapekto sa proseso ng kagipitan-ligalig-pag-angkop. Marami pa ring mga posibilidad na kailangang tingnan upang maipirmi ang ugnayang ito.

5. Sa pagtukoy ng mga saligang nakaapekto sa prosesong kagipitan-ligalig-pag-angkop, tumingkad ang edad at kognitibong kakayahan ng mga bata bilang mga panloob na saligan na katumbas ng saligan sa personalidad na inilahad sa konseptwal na balangkas. Ngunit dahil pa rin sa hindi paggamit ng mga eksaktong panukat kaugnay ng personalidad ng mga bata, hindi na napalalim ito upang matukoy ang ibang partikular na mga katangian ng mga bata na maaaring nakaapekto sa prosesong kagipitan-ligalig-pag-angkop. Katumbas ito ng interpersonal at institusyonal na mga saligan na inilahad sa konseptwal na balangkas.

6. Malinaw ring nakita sa pag-aaral ang masaklaw at malalim na epekto ng makauring istruktura at ang estado at rehimeng pampolitika. Hindi lamang ito pinanggagalingan ng mga kagipitan at ligalig kundi nakahadlang din sa pagsisikap ng mga bata sa pag-angkop at sa ibang nais tumulong sa mga bata at sa kanilang pamilya.

Page 126: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

112 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Narito ang ilang programa tungo sa pagpapalakas ng organisasyon at kakayahan ng pamilya na mapangibabawan ang mga problemang dulot ng pagkabilanggo at maging ang mga problemang lilitaw sa paglaya ng detenido.

1. Rehabilitasyon ng mga bata

Bilang pagkilala sa mas mahinang posisyon ng mga bata kung ihahambing sa matatanda kaugnay ng tindi ng pagkaligalig at kagipitan, kailangan ang sistematikong pagtulong sa kanila upang maibsan ang emosyonal na kaligaligang bunga o kaugnay ng pagkabilanggo ng kanilang magulang. Maaari din itong maging daan upang higit pang mapalalim ang pag-aaral sa epekto ng kagipitan at ligalig sa mga bata.

2. Programang pang-ekonomiya para sa buong pamilya

Napakalaking tulong sa mga bata at kanilang pamilya ang pagtulong sa pagpapagaan ng problema sa kabuhayan. Kailangang mas sistematiko ang tulong na ito upang hindi matali sa simpleng pagbibigay ng tulong pinansiyal at materyal, na maaaring lumikha ng pagiging palaasa ng pamilya mula sa tulong panlabas. Bagaman mahalaga ito lalo na sa mga unang buwan pagkatapos madakip ang detenido, kailangan ding tulungan sila sa pagsisimula ng angkop at kapaki-pakinabang na proyektong pangkabuhayan hindi lamang sa panahong nakapiit ang mga detenido kundi maging sa panahong lumaya na ito.

3. Programang pang-edukasyon para sa mga magulang at ibang kasangkot

na matatanda

Dahil nakasalalay ang mga bata sa kanilang magulang at ibang kasangkot na matatanda, kailangang maturuan at mapagkaisa sila sa wasto at mahusay na paraan ng pag-aaral at pakikitungo sa mga bata. Sa ganitong paraan, makalalahok din ang mga magulang at ibang kasangkot na matatanda sa proseso ng pagpapanibagong-buhay (rehabilitate) sa mga bata. Bahagi rin nito ang pag-oorganisa sa lahat ng mga sangkot na matatanda upang maging mas epektibo ang kanilang pagkilos at mas mapahigpit ang pagkakaisa sa direksyon at layunin ng programa.

Page 127: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Kongklusyon at Rekomendasyon 113

4. Programang pagpapayo sa mga magulang at ibang kasangkot na

matatanda

Anumang emosyonal, sikolohikal, at personal na problema ng mga magulang at ibang kasangkot na matatanda ay tiyak na nakaapekto sa mga bata. Kailangang tulungan din sila sa pagharap at paglutas ng mga suliraning ito sa isang kalagayan na hindi gaanong maaapektuhan ang mga bata.

5. Pagpapalakas ng suporta ng mga indibidwal at organisasyon sa loob at

labas ng bayan para sa kalayaan, amnestiya, at katarungan sa lahat ng

mga bilanggong politikal

Ang susing problema ng mga bata at kanilang pamilya ay ang patuloy na pagkabilanggo ng kanilang magulang. Ang pangmatagalang solusyon sa mga problema ng lahat ng anak at pamilya ng mga bilanggong politikal sa Pilipinas ay ang paglikha ng malawak at malakas na kampanya para sa kalayaan, amnestiya, at katarungan para sa lahat ng mga bilanggong politikal sa Pilipinas. Magiging bahagi ito ng pangkalahatang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa katarungan, pambansang kalayaan, at demokrasya.

Page 128: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Sanggunian

Abinales, Patricio N. “Militarization in the Philippines.” The Philippines in the Third World Papers. Series no. 33. Lungsod Quezon: Third World Studies Center, Unibersidad ng Pilipinas, Setyember 1982. Nakalimbag.

Agbayani, Corazon, et al. Mga Anak ng Political Detainees: Isang Sulyap sa Konsepto ng Pamilya. Lunsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1982. Hindi nakalimbag.

Allodi, Federico. “The Psychiatric Effects in Children and Families of Victims of Political Persecution and Torture.” Danish Medical Bulletin 27 blg. 5 (Nobyembre 1980): 229-231. Nakalimbag.

Allodi, Federico at Alejandro Rojas. Arauco: A Study on the Mental Health and Social Adaptation of Latin American Refugees in Toronto. Toronto, Hunyo 1983. Mimyograp na kopya.

Page 129: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

115

___________________. The Health and Adaptation of Victims of Torture from Latin America and their Children in Metropolitan Toronto: A Report. Toronto, Agosto 1983. Mimyograp na kopya.

___________________. The Health and Adaptation of Victims of Political Violence in Latin America (Psychiatric Effects of Torture and Disappearance). Nasa proceeding ng 7th World Psychiatric Congress, Vienna, 1983.

Bautista, R., et al. A Political Detainee in a Filipino Family: Its Effects. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1982. Hindi nakalimbag

Bee, Helen. “On the Importance of Father: Overview.” Helen Bee (ed.) Social Issues in Developmental Psychology. New York: Harper and Row Publishers (1978): 394-408. Nakalimbag.

Biller, Henry B. “Father Absence, Maternal Encouragement and Sex Role Development in Kindergarten-Age Boys.” Child Development 40 blg. 2 (Hunyo 1969): 539-546. Nakalimbag.

Carlsmith, Lyn. “Effect of Early Father-Absence on Scholastic Aptitude.” Helen Bee (ed.), Social Issues in Developmental Psychology. New York: Harper and Row Publishers, 1978. Nakalimbag.

Carreon, Jocelyn, et al. “An Anthology of Case Studies on Children Separated from their Natural Mothers.” Nasa Ma. Fe A. Domingo (nagtipon), Mga Piliping Papel sa Sikolohiya 171, Bol. 1 (1979): 420-448. Nakalimbag.

Cayaba, Corazon, et al. Katas ng Saudi: Its Impact on the Filipino Worker, his Family and Society. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1984. Hindi nakalimbag.

Co, Robert, et al. Five Case Studies on the Impact of Political Detention on the Family of

Page 130: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

116 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

the Political Detainee. Maynila: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng De La Salle, 1985. Hindi nakalimbag.

Cohen, Sheldon at Harry M. Hoberman. “Positive events and social supports as beffurs of life change stress.” Journal of Applied Social Psychology 13 blg. 2 (1983): 99-125. Nakalimbag.

Cohn, Jorgen. “Children and Torture.” The Danish Medical Journal (Mayo 1982). Nakalimbag.

Cohn, Jorgen, et al. “Children and Torture: An Investigation of Chilean Immigrant Children in Denmark.” Danish Medical Bulletin 27 no. 5 (Nobyembre 1980): 229-232. Nakalimbag.

Dalisay, Grace A. Fathers as Parents: An Exploratory Study. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1982. Hindi nakalimbag.

De Vera, Ma. Gracia A. “Pakikipagkwentuhan: Paano kaya Pag-aaralan ang Pakikiapid?” Nasa Rogelia Pe-Pua (ed.), Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Lungsod Quezon: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino (1982): 187-193. Nakalimbag.

Dumanjug, Marissa P. at Ramona S. Flores. Ang Konsepto ng Ama ng mga Anak ng mga Saudi workers. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1984. Hindi nakalimbag.

Enriquez, Virgilio G. “Towards Cross-cultural Knowledge through Cross-indigenous Methods and Perspective.” Philippine Journal of Psychology 12 blg. 1 (Enero–Hunyo 1979): 9-15. Nakalimbag.

Esguerra, Elisa. Ang mga Batang Namumulot ng Basura. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, 1984. Hindi nakalimbag.

Page 131: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Sanggunian 117

Flores, Pura M. “Thematic Responses among Grandparent-Reared Children.” Nasa Pura M. Flores, Socio-psychological Development of Filipino Children (1969): 178-191. Nakalimbag.

Gerhardt, Uta. “Coping and Social Action: Theoretical Reconstruction of the Life-event Approach.” Sociology of Health and Illness 1 Blg. 2 (1979): 195-225. Nakalimbag.

Gonzales, Lydia F. “Ang Pagtatanung-tanong: Dahilan at Katangian.” Nasa Rogelia Pe-Pua (ed.), Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Lungsod Quezon: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino (1982): 175-186. Nakalimbag.

Hetherington, E. Mavis. “Effects of Paternal Absence on Sexed-typed Behaviors in Negro and White Pre-adolescent Males.” Journal of Personality and Social Psychology 4 blg. 1 (Hulyo 1966): 87-91. Nakalimbag.

___________________. “Effects of Father-absence on Personality Development in Adolescent Daughter. Developmental Psychology 7 (1972): 313-326. Nakalimbag.

Hill, Reuben. “Generic Features of Families Under Stress.” Nasa Howard Parad (ed.), Crisis Intervention: Selected Readings. New York: Family Service Association of America (1965): 32-52. Nakalimbag.

International Ecumenical Conference. Cry of the People, Challenge to the Churches. Report of the International Ecumenical Conference on the Philippines. Stony Point, New York. September 27 – October 2, 1983.

Irvine, Elizabeth. “Children at Risk.” Nasa Howard Parad (ed.), Crisis Intervention: Selected Readings. New York: Family Service Association of America (1965): 220-226. Nakalimbag.

Page 132: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

118 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Kalaw-Tirol, Lorna. “The Children Ask, When will the Long Wait End?” Panorama Magazine 12 blg. 45 (Nobyembre 13, 1983): 6-12. Nakalimbag.

Kaplan, Howard B., et al. “Antecedents of Psychological Distress in Young Adults: Self-rejection, Deprivation of Social Support and Life Events.” Journal of Health and Social Behavior 24 blg. 3 (Setyembre 1983): 230-244. Nakalimbag.

“Muzzled Voices, Struggling Spirits: Political Detainees. Kilusan 1 blg. 17 Publication of Komite ng Sambayanang Pilipino (KSP), Holland (1982): 5-9, Nakalimbag.

Lazarus, Richard S. “Psychological Stress and the Coping Process.” New York: McGraw-Hill Book Company. 1966. Nakalimbag.

Lazarus, Richard S. at James Averill. “Emotion and Cognition.” Nasa Charles D. Spielberger (ed.), Anxiety: Current Trends in Theory and Research. New York: Academic Press (1972): 243-280. Nakalimbag.

Leventhal, Howard at David Nerenz. “Representation of Threat and the Control of Stress.” Nasa D. Meichenbaum at M. Jeremko (eds.), Stress Prevention and Management: A Cognitive Behaviora Approach. New York: Plenum, 1983. Nakalimbag.

Lynn, David B. at William L. Sawrey. “The Effects of Father-absence on Norwegian Boys and Girls.” Journal of Abnormal and Social Psychology 59 blg. 2 (Setyembre 1959): 258-262. Nakalimbag.

Magdalena, Aurora. “Serving Time with Father.” Weekend Magazine 4 blg. 38 Disyembre 30, 1984): 6-12. Nakalimbag.

Magno, Susan F. “Child Prostitution: Image of a Decadent Society.” The Diliman Review 32 blg. 6 Nobyembre–Disyembre 1984): 29-36. Nakalimbag.

Mangahas, Ma Lourdes. “High Walls Do Not a Prison Make.” Panorama Magazine

Page 133: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Sanggunian 119

12 blg. 50 (Disyembre 25, 1983): 16-20. Nakalimbag.

McGrath, Joseph E. “Major Substantive Issues: Time Setting and the Coping Process.” Nasa Joseph E. McGrath (ed.), Social and Psychological Factors in Stress. New York: Holt, Rinehart and Winston (1970): 22-40. Nakalimbag.

Mechanic, David. “Some Problems in Developing a Social Psychology of Adaptation to Stress.” Nasa Joseph E. McGrath (ed.), Social and Psychological Factors in Stress. New York: Holt, Rinehart and Winston (1970): 104-123. Nakalimbag.

Murphy, Lois B. The Widening World of Childhood. New York: Basic Books (1962). Nakalimbag.

Murphy, Lois B at Alice E. Moriarty. Vulnerability, Coping and Growth. New York: McGraw-Hill Book Company (1976). Nakalimbag.

Pagaduan, Maureen at Elmer Ferrer. “Working as Equals: Towards a Community-based Evaluation System.” The Diliman Review 32 blg. 1 (Enero–Pebrero 1984): 60-66. Nakalimbag.

“Bargain Dreams.” PAHATID-KAPATID 4 blg. 6 (Agosto 1982): 5.

“Relative’s Campaign for Detainee’s Release.” PAHATID-KAPATID 4 blg. 7 (Setyembre 1982): 4-5.

“Housekeeping in Jail with Dad (Summer with Papa).” PAHATID-KAPATID 5 blg. 5-6 (Mayo – Hunyo 1984): 8-9.

“Detainees Children Conquer Mendiola Bridge!” PAHATID-KAPATID 5 blg. 12 Disyembre 1984): 1-2.

Parad, Howard at Gerald Caplan. “A Framework for Studying Families in Crisis.”

Page 134: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

120 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Nasa Howard Parad (ed.), Crisis Intervention: Selected Readings. New York: Family Service Association of America (1965): 53-72. Nakalimbag.

Pe-Pua, Rogelia E. Pagtatanong-tanong: A Potential Method for Cross-Cultural Research. Occasional Papers no. 1. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, February 1984.

“Children of Political Detainees Picket Malacanang. Political Detainees Update 6 blg. 19 (November 30, 1982).

“Born in Detention.” Political Detainees Update 7 blg. 21 (Nobyembre 15, 1983).

Rapoport, Lydia. “The State of Crisis: Some Theoretical Considerations.” Nasa Howard Parad (ed.), Crisis Intervention: Selected Readings. New York: Family Service Association of America (1965) 32-52. Nakalimbag.

Santiago, Carmen E. at Virgilio G. Enriquez. “Tungo sa Maka-Pilipinong Pananaliksik.” Nasa Rogelia Pe-Pua (ed.), Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Lungsod Quezon: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino (1982): 156-160. Nakalimbag.

Sears, Robert R., et al. “Effect of Father Separation on Preschool Children’s Doll Play Aggression.” Children Development 17 blg. 4 (Disyembre 1946): 219-243. Nakalimbag.

Sycip, Lynna-Marie. Working Mothers: Their Problems and Coping Strategies: An Exploratory Study. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas. 1982. Hindi nakalimbag.

“...Listen Closely to What We are Not Allowed to Say”. Task Force Political Detainees in the Philippines Statement. 1983. Nakalimbag.

Political Detainees: Living Evidences of Political Repression. Task Force Political Detainees in the Philippines Statement. 1984. Nakalimbag.

Page 135: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Sanggunian 121

Trends: Report on Political Detention, Salvaging and Disappearances. Task Force Political Detainees in the Philippines Statement. 1984. Nakalimbag.

Tompar-Tiu, Aurora. A Comparative Study of the Mental Status of Malnourished and Normal Pre-school Children. Nasa Ma. Fe A. Domingo (nagtipon), Mga Piling Panel sa Sikolohiya 171, Bol. 2 (1978): 420-437. Nakalimbag.

Ventura, Elizabeth R. Child Psychology Research in the Philippines: A Review. Lungsod Quezon: Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas. 1982.

Verbrugge, Lois M. at Yossi Harel. Trigger of Symptoms and Health Care. Papel na iniharap sa American Sociological Association Meeting. Detroit, Agosto 1983.

Wheaton, Blair. “Stress, Personal Coping Resources and Psychiatric Symptoms: An Investigation of Interactive Models.” Journal of Health and Social Behavior 24 blg. 3 (Setyembre 1983): 208-229. Nakalimbag.

“Classified Views: Why Political Detainees’s Children March?” Who Magazine 5 blg. 36 (Disyembre 1983): 41-42. Nakalimbag.

Wolf, Sula. Children Under Stress. London: The Penguin Press, 1969.

Page 136: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Apendise I

PANGKALAHATANG GABAY SA PAGTATANONG-TANONG AT PAKIKIPAGKUWENTUHAN

A. Para sa mga Magulang at Tagapag-alaga ng mga Bata

1. Kalagayan ng Pamilya Bago Madakip ang Ama

1.1 Alamin ang mga saligang datos tungkol sa pamilya:• Pangalan at edad ng mga bata• Pangalan at edad ng mga magulang at tagapag-

alaga• Saan nakatira ang pamilya• Sino-sino ang nakatira sa bahay• Magkasama ba ang magulang at mga anak• Sino ang nag-aalaga sa mga bata

1.2 Alamin ang pang-ekonomiyang kalagayan ng pamilya:

Page 137: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

123

• Ano ang trabaho ng magulang at tagapag-alaga• Iba pa bang sumusuporta sa pamilya, kung

mayroon• Sino ang pangunahing tumutugon sa mga

pangangailangan ng bata

1.3 Alamin ang katangian ng mga relasyon sa pamilya:• Mag-asawa• Magulang at mga anak• Magulang at ibang kamag-anak na kasama sa

bahay• Anak at ibang kamag-anak na kasama sa bahay

1.4 Alamin ang mga problema ng pamilya at ang mga paraan ng paglutas nila rito, lalo na ang:

• Problemang pangkabuhayan ng pamilya• Problema sa mga relasyon sa loob ng pamilya• Problema kaugnay ng pampolitikang paniniwala

ng magulang

2. Kalagayan ng Pamilya Pagkatapos Madakip ang Ama

2.1 Alamin ang kasaysayan ng pagkadakip:• Kailan, saan, at bakit nadakip• Sino-sino ang kasama nang madakip• Ilang beses nang nadakip• Sino ang nakakita sa pangyayari • Ano ang reaksyon ng mga nakakita• Ano ang reaksyon ng buong pamilya• Saan ito dinala pagkatapos madakip

2.2 Alamin ang nangyari sa pamilya:• Ano ang mga problemang lumitaw nang madakip

ang ama, detalyadong ilahad• Ano ang mga paraang ginamit para malutas ang

mga problemang kinaharap• Ano ang mga salik na nakapagpatindi o

nakatulong sa paglutas ng problema

Page 138: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

124 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

2.3 Alamin ang takbo ng buhay ng mga bilanggong politikal at ang kanilang pamilya

• Yugto na pinagdaanan ng pamilya at ang mga katangian nito

• Problemang kinaharap sa bawat yugto• Paraan ng paglutas sa mga ito

3. Kalagayan ng mga Bata Pagkatapos Madakip ang Ama

3.1 Alamin ang pisikal at emosyonal na kalagayan ng mga bata nang madakip ang kanilang ama:

• Nakita ba ang pagdakip sa ama; Ano ang ginawa; at Ano ang kanilang reaksyon

• Paano ipinaliwanag sa mga bata ang nangyari• Ano ang mga tanong ng bata tungkol dito• Ano ang sariling paliwanag ng mga bata• Kasama ba sila ng magulang sa piitan; Ano ang

ginawa ng mga bata; at Ano ang reaksyon nila• Ano ang reaksyon ng mga bata sa pagkawalay sa

isa o parehong magulang• Ano pa ang ibang matitingkad na karanasan ng

mga bata kaugnay ng pagkadakip sa ama at ano ang mga reaksyon nila rito

• Ano ang mga paraan nila sa pagharap sa mga gipit na kalagayang bunga ng pagkabilanggo ng magulang

• Ano ang mga nakatulong at hindi nakatulong sa mga bata sa pagharap sa gipit na kalagayan

3.2 Alamin ang mga problemang kinaharap ng mga bata sa iba’t ibang yugto ng pagkabilanggo ng ama, halimbawa:

• Nang masaksihan ang pagkadakip sa ama• Nang makasama ang ama at/o ina sa piitan• Sa regular na pagdalaw sa piitan• Sa pagsama sa ama sa “hearing” sa korte• Sa pagsama sa ina sa mga opisina ng pamahalaan• Sa pagsama sa ina sa mga rali, piket, at ibang mga

kilos protesta• Problema sa kabuhayan ng pamilya at epekto nito

sa mga bata• Problema sa kalusugan ng mga bata

Page 139: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Apendise I 125

• Problema sa pag-aaral ng mga bata• at sa lahat ng problemang kinaharap ng mga bata,

ano ang kaniyang paraan ng pag-angkop

3.3 Alamin ang katangian ng relasyon ng mga bata sa sumusunod:

• Magulang at tagapag-alaga• Kapatid• Kasambahay at ibang kamag-anak• Anak ng mga bilanggong politikal• Militar at mga bantay na sundalo• Ibang nakatatanda

3.4 Alamin ang mga salik na maaaring makapagpatindi o makabawas sa mga problemang kinaharap nila, halimbawa:

• Personal na salik at katangian ng mga bata tulad ng edad at partikular na mga kilos at ugali

• Salik sa kapaligiran ng mga bata tulad ng pamilya at ibang grupo o institusyon

B. Para sa mga Bata o Anak ng mga Bilanggong Politikal

1. Alamin ang pagkaunawa at pagkaintindi ng mga bata sa dahilan ng pagkadakip sa magulang at ang kanilang paliwanag dito.

2. Alamin ang ibang pangyayaring natatandaan ng mga bata kaugnay sa pagkadakip sa magulang.

3. Alamin kung ano ang ginawa ng mga bata sa pagkakataong ito at ang mga dahilan kung bakit ito ginawa.

4. Alamin ang pakikitungo ng mga bata sa ibang tao, lalo na sa kanilang magulang, kamag-anak, kalaro, kaklase, at ibang mga anak ng detenido.

5. Alamin kung nauunawaan at naiitindihan ng mga bata ang paniniwalang politikal ng kanilang magulang.

6. Alamin kung ano at sino sa tingin ng mga bata ang nakatutulong sa kanilang mga problema.

C. Para sa Iba Pang mga Bilanggong Politikal

1. Alamin kung ano ang pagkakakilala nila sa mga bata2. Alamin kung ano ang mga obserbasyon at kuwento nila sa mga bata

Page 140: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

126 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

habang ito ay tumitigil sa piitan3. Alamin ang pananaw nila tungkol sa problema ng mga bata at kung

paano nila nalaman ito4. Alamin ang katangian ng relasyon nila sa mga bata

Page 141: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Apendise II

Maikling Kasaysayan ng Isang Pamilya ng Bilanggong Politikal

SI S AY 32 taong gulang, may-asawa (28 taong gulang) at tatlong anak – isang lalaki (limang taong gulang) at dalawang babae (tatlo at isang taong gulang). Ang huli ay ipinanganak habang nakapiit si S. Mahigit dalawang taong nakabilanggo si S sa Bicutan nang isagawa ang pag-aaral. Bago siya nadakip, isang manggagawa sa pabrika si S at aktibong unyonista. Dati ring manggagawa ang kaniyang asawa, ngunit tumigil ito sa pagtatrabaho nang magkaanak sila. Maliit lamang ang kita ni S sa pabrika kaya salat sa buhay ang kaniyang pamilya. Umupa ang mag-anak sa isang bahay na malapit sa pabrika. Upang maidagdag sa pambayad ng upa, pinatira niya ang isang kasamahan sa trabaho at pinagamit ang kanilang bahay sa mga pulong ng unyon. Madalas mag-overtime si S at ang kaniyang mga libreng oras ay para naman sa mga gawain sa unyon bilang tesorero. Ang pagsama ni S sa unyon ang madalas pagsimulan ng away nilang mag-asawa dahil halos wala nang panahon si S sa bahay at para sa kanilang mga anak, kaya hindi gaanong malapit ang mga bata sa ama.

Page 142: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

128 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

Dinakip si S sa kaniyang bahay kasama ang ibang unyonistang nagpupulong noon upang paghandaan ang nalalapit na eleksyon ng unyon. Wala ang mag-iina nang maganap ito, nagpunta sila sa isang kamag-anak nang ilang araw. Nagulat na lamang ang mag-iina nang umuwi sa kanilang bahay at datnan ang mga di kilala at sandatahang lalaki. Umiyak ang asawa ni S nang sabihin ng militar ang pangyayari. Lalo siyang humagulgol nang malamang pati siya ay dadakpin ng militar. Nang makita ng mga bata ang kalagayan ng ina, umiyak na rin ang mga ito. Dinala ang mag-iina sa kampo militar sa pangakong makikita doon si S. Nang papalapit na sila sa kampo, pilit na sinakluban ng t-shirt ang ulo ng ina upang hindi niya makita ang lugar na pagdadalhan sa kaniya. Katabi ng ina ang dalawang anak at nag-iyakan ang mga ito sa ginawa ng militar at pilit nilang inalis ang t-shirt sa ulo ng ina. Dahil hindi maawat ng militar ang mga bata, tinakluban nila ang ina at dalawang bata ng isang malaking jacket. Magkayakap at sabay-sabay na humagulgol ang mag-iina. Pagdating sa kampo dinala ang mag-iina sa isang kwarto kung saan nakita naman nila ang isang kadadakip pa lamang na bilanggong politikal na tinotortyur. Magkahalong sindak at takot ang naramdaman ng mag-iina sa kanilang nakita at nasaksihan. Agad sinimulan ang pag-interogate sa ina habang umiiyak ang panganay na lalaki at ang bunsong babae ay sumususo sa inang nangangatog sa takot at umiiyak din. Makaraan ang ilang oras na interogasyon, inilipat sila sa isang kwarto na todo ang lakas ng air conditioner. Natuyo ang pawis at nasaid ang luha ng mag-iina na nanginig naman sa ginaw. Ngunit kahit saradong-sarado ang kwarto at maingay ang air conditioner, naririnig pa rin nila ang sigaw at daing ng mga bilanggong politikal sa katabing silid. Sumunod na mga araw, nagpatuloy ang interogasyon sa ina at ang pagtotortyur sa iba pang mga bilanggong politikal sa katabing silid. Hindi makakain at makatulog ang mag-iina at natatakot sila tuwing dumarating ang militar sa kwarto. Partikular sa bunsong babae, hindi mapigilan ang panginginig nito at pag-iyak tuwing nakikita ang sundalong may dalang baril na papalapit sa kanila. Sa panahong pansamantala silang naiiwang mag-isa sa kwarto, panay ang tanong ng dalawang bata tungkol sa ama at nagpapahayag ng kanilang kagustuhang makauwi. Paglipas ng mga araw sa ganitong kalagayan, lumubha ang kondisyon ng mag-iina. Bukod sa ayaw kumain ng mga bata, ang bunso ay hindi na makasuso sa ina dahil bigla itong nawalan ng gatas. Patuloy rin ang panginginig nito tuwing nakikita ang mga sundalo. Ang panganay naman ay nagkaroon ng galis sa katawan at tinubuan ng bukol sa ulo. Samantalang ang ina ay nagkaroon ng nerbiyos, dahil dito napilitan ang militar na dalhin ang mag-

Page 143: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Apendise II 129

iina sa ospital. Tumagal nang ilang linggo ang mag-iina sa ospital, nang gumaling ang mga bata ay ibinalik sila sa kampo militar at muling inilagay sa isang selda. Nalaman ng ina na nakapiit din doon si S, kaya ipinakiusap niya sa militar kung maaaring puntahan ng dalawang anak ang asawa. Mula noon nagpalipat-lipat ng selda ang dalawang bata at unti-unting ginanahang kumain at nakakatulog nang mahimbing. May isang pagkakataon na ipinasok ng isang lasing na militar ang selda ng mag-iina. Nagulat, natakot, at napasigaw ang ina at nag-iyakan naman ang mga bata. Hindi nagtagal ay napilitang lumabas sa selda ang militar. Dahil dito hiniling ng mag-asawa na pagsamahin sila sa isang selda. Pinahintulutan ang pamilya na magsama ng isang gabi, ngunit kinabukasan ay muli silang pinaghiwalay dahil ang ama ay inilipat sa kampo sa Bicutan. Nang sumunod na mga araw ang mag-iina naman ang inilipat sa kampo militar sa Crame. Malaking dagok at ligalig ito sa mga bata, sapagkat ang nais nila ay magkasama ang buong pamilya kahit sa loob ng piitan. Wala silang nagawa kundi umiyak at nawalan muli sila ng ganang kumain at nabalisa sa pagtulog. Sa Crame, hindi pinayagan ng militar na manatili sa loob ng bilangguan ang mga bata. Kaya masakit man sa loob ng ina pinakuha niya ang dalawang bata sa kanilang lola upang doon muna makipisan. Ngunit naging iyakin at sakitin ang mga bata sa bahay ng lola. Hindi nagtagal hiniling ng ina sa militar na payagan ang mga anak na doon na lamang muna tumira sa piitan upang makasama at maalagaan ang mga bata. Hindi naging panatag ang loob ng mga bata sa bilangguan kahit kasama nila ang ina. Madalas pa rin silang umiyak at palaging walang ganang kumain. Dahil dito, napapalo ng ina ang mga anak na ikinaligalig naman ng mga bata hanggang sa naging masakitin ang bunso at ang panganay ay nagkaroon na naman ng galis sa katawan. Kaya sa pana-panahon, kinukuha pa rin ng lola ang mga bata, bagaman mas madalas itong nasa piitan kasama ng ina. Nang maglunsad ng kilos protesta ang mga bilanggong politikal (pag-aayuno at hunger strike), kinailangan ilabas pansamantala ang mga bata sa Crame. Pinatira sila kasama ng mga anak ng iba pang bilanggong politikal sa isang bahay ng kamag-anak. Hindi gaanong nag-iiyak ang bunso rito, marahil dahil may kasama siyang ibang bata na kalaro at relatibong mas mahusay ang kalagayang pangkabuhayan kaysa sa kanilang lola. Hiniling din ng ina sa militar na makadalaw sa kaniyang asawa sa Bicutan kahit na siya ay nakabilanggo. Pumayag ang militar, kaya tatlong beses sa isang buwan ay nagkakasama ang buong pamilya. Malaking kaluwagan sa damdamin ng mga bata ang makasama ang parehong magulang kahit na sa loob ng piitan at unti-unti silang nawili sa pakikipaglaro kasama ang mga anak ng ibang bilanggong politikal. Hindi nagtagal pinalaya ang asawa ni S, ngunit nanatili

Page 144: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

130 PAG-ANGKOP SA KAGIPITAN AT LIGALIG

siyang nakapiit sa Bicutan. Ang mapait na karanasan ng mga bata sa mahigit na dalawang buwang pagkabilanggo ng ina ay parang isang masamang panaginip na hindi nila makalimutan. Matingkad ito lalo na sa bunsong babae na naaalala pa ang mga detalye ng pangyayari. Pagkaraan ng higit sa isang taon pagkatapos lumaya ang ina, nanginginig pa rin ito tuwing nakikita ang mga sundalong may baril. Ayaw rin nitong lumapit sa ama kapag ito’y nakaposas sa tuwing pupunta sila sa korte. Sa maraming pagkakataon, lalo na sa unang anim na buwan, ayaw nilang magpaiwan kahit na saglit. Malakas ang pagtanggi ng bunsong babae sa tuwing kakargahin ng ibang tao at lubhang napakailap niya sa hindi kakilala. Bagaman nabawasan nang kaunti ang emosyonal na kagipitang naranasan ng mag-iina dahil sa paglaya nito, tumingkad naman ang ibang suliranin. Pangunahin dito ang problema sa kabuhayan dahil wala namang kita ang asawa ni S. Kaya pumisan ang mag-iina sa bahay ng biyenan ni S. Ngunit mahirap din ang buhay ng biyenan at hindi kayang regular na suportahan ang mag-iina. Dahil dito napilitan ang mag-asawa na patigilin nang matagal ang mga anak sa loob ng piitan. Sa piitan, kahit paano ay natitiyak ang regular na pagkain ng mga bata at relatibong maluwag ang palaruan ng mga bata kasama ang ibang anak ng mga bilanggong politikal. Sa matagal na pagtigil ng mga anak sa Bicutan, unti-unting napalapit ang mga anak kay S. Madali ring nakapalagayang-loob ng ibang bilanggong politikal ang mga bata. Lalong nawili ang mga anak ni S sa loob ng piitan dahil marami silang kalaro dito at ayon sa bunsong babae mas gusto niya sa Bicutan dahil mas malaki ang bahay ng Papa niya at marami siyang “tito” roon. Nagyayayang umuwi ang mga bata kapag nainip ang mga ito sa loob ng piitan, ngunit hindi pa nagtatagal ay nais nilang muling bumalik sa ama sa Bicutan. Pinipilit ng mga anak ni S ang ina na doon na rin tumira sa Bicutan. Umiiyak ang mga bata sa tuwing umaalis ang ina. Pumapayag lamang silang umalis ang ina kapag sinabi nitong inaayos ang mga dokumento para sa paglaya ng ama. Gusto rin nilang sumama sa ina sa mga simposyum, rali, at iba pang pangmasang pagtitipon dahil masaya ang mga ito at alam nilang tinatalakay rito ang paglaya ng kanilang ama. Pagkaraan ng isang taon, isinilang ang ikatlong anak ni S habang siya ay nakakulong sa BRC. Sa tulong ng mga indibidwal at institusyong pangkarapatang pantao hindi gaanong nahirapan ang asawa ni S sa pinansiyal na pangangailangan sa panganganak. Ngunit sa kalauna’y lalong tumindi ang pang-ekonomiyang problema ng pamilya. Hirap na hirap ang asawa ni S sa pag-aasikaso sa tatlong bata. Dahil dito ipinasok niya ang dalawang anak sa isang day care center para sa mga anak ng bilanggong politikal. Malaki ang naitulong ng pagpasok ng mga bata rito sa paglilinaw ng mga dahilan kung bakit nakabilanggo ang ama at kung

Page 145: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

Apendise II 131

bakit hindi nila ito dapat ikahiya. Naturuan din sila rito ng mga batayang aralin na naghanda sa kanila para sa pormal na pagpasok sa paaralan. May sumulpot na suliranin sa relasyon ng magulang at ng mga bata dulot ng kanilang gipit na kalagayan. Sa bahagi ng ina, madalas niyang mapalo at mapagalitan ang panganay lalo na kapag ayaw nitong sumunod sa ina at inaaway ang nakababatang kapatid na babae. Napapalo rin ng ama ang panganay kapag matigas ang ulo nito at ayaw magpasaway sa ama. May ilang pag-aaway rin ang mag-asawa at madalas na madamay ang mga bata dito. Kapag galit ang asawa ni S sa kaniya, hindi siya dumadalaw sa Bicutan nang ilang linggo at hindi rin dinadala roon ang mga bata. Kapag si S naman ang galit sa asawa, hindi niya pinauuwi o pinasasama ang mga bata sa ina. Dahil dito nalalagay sa matinding kagipitan ang mga bata at lalo itong nag-aalboroto na lalo namang ikinaiinis ng magulang. Sa tulong at payo ng ibang bilanggong politikal at mga kaibigan, unti-unting nabawasan ang pag-aaway ng mag-asawa at ang pamamalo sa mga bata. Nakatulong din ang ilang sumisimpatyang indibidwal at grupo upang maibsan ang pang-ekonomiyang problema ng pamilya na nagdudulot din ng problema para sa mga bata lalo na sa punto ng kalusugan. Naging mahusay rin ang samahan ng mga pamilya ng mga bilanggong politikal sa isang organisasyon na naglalayong mapalaya ang mga bilanggong politikal. Malaki ang nagawa nito upang mapagaan ang pasanin ng asawa ni S sa pag-aasikaso sa kaniyang maagang paglaya. Natatakbuhan niya rin ang ibang mga kamag-anak ng mga bilanggong politikal kapag mayroon siyang problema sa pamilya. Sa pangkalahatan, bagaman hirap na hirap ang pamilya ni S sa kanilang kalagayan at sa pagtagal ni S sa loob ng bilangguan, natuto at nagkaroon ng lakas ng loob ang asawa niya na palakihin ang kanilang mga anak at harapin ang mga problema ng pamilya.

Page 146: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 147: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

133

Tungkol sa May-akda

Si ELIZABETH P. DE CASTRO ay Retiradong Propesor sa Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya rin ay Direktor ng Psychosocial Support at Children’s Rights Resource Center na isang research at training center para sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kapakanan at karapatan ng mga kabataan at may partikular na pagtuon sa pagbibigay ng suportang sikolohikal at pangkalahatang kaginhawahan sa kabataan. Siya ay chairperson ng Board and Child Rights Coalition Asia at miyembro ng advisory board ng Mental Health and Psychosocial Support Network.

Page 148: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 149: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org
Page 150: Ang Aklatang Bayan Online - swfupdiliman.org

SENTRO NG WIKANG FILIPINOUNIBERSIDAD NG PILIPINASDILIMAN, LUNGSOD QUEZON

1963537862189

ISBN 9786218196353

TINALAKAY SA AKLAT ANG PROSESO ng kagipitan-ligalig-pag-angkop ng mga anak ng bilanggong politikal noong panahon ng diktadurang Marcos. Ang pag-aaral ay ayon sa isang konseptwal na balangkas na nagpakita sa saligang takbo ng prosesong ito at kung paano ito naaapektuhan ng iba’t ibang saligan ng mga bata at ng kanilang kapaligiran. Tinukoy ang mga sitwasyon at pangyayari na gumipit at lumigalig sa mga bata sa pagkabilanggo ng kanilang mga magulang at ang mga problemang ibinunga nito na pawang negatibo ang katangian. Nakita sa pag-aaral ang ilang matingkad na tuwiran at hindi tuwirang epekto sa kalusugan ng hindi pagtatagumpay ng mga kilos pag-angkop.  Malinaw ring nakita sa pag-aaral ang masaklaw at malalim na epekto ng makauring estruktura at ang estado at rehimeng pampolitika. Hindi lamang ito pinanggagalingan ng mga kagipitan at ligalig kundi nakahadlang din ito sa pagsisikap ng mga bata sa pag-angkop at sa ibang nais tumulong sa mga bata at sa kanilang pamilya.

Tungkol sa May-akda:

Si ELIZABETH P. DE CASTRO ay Retiradong Propesor sa Departamento ng Sikolohiya, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Siya rin ay Direktor ng Psychosocial Support at Children’s Rights Resource Center na isang research at training center para sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kapakanan at karapatan ng mga kabataan at may partikular na pagtuon sa pagbibigay ng suportang sikolohikal at pangkalahatang kaginhawahan sa kabataan. Siya ay chairperson ng Board and Child Rights Coalition Asia at miyembro ng advisory board ng Mental Health and Psychosocial Support Network.

D