48
Ang Ebolusyon ng Tao Report nina: Richard Kenneth U. Bandiola Clint John S. Subala

Ang Ebolusyon ng Tao.pptx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A PowerPoint presentation (report style) about the evolution of Man according to the famous theory of Charles Darwin, and the facts that support it. Taken from Kayamanan II, a textbook in Asian History.

Citation preview

Report nina: Richard Kenneth U. Bandiola Clint John S. Subala

Teorya ng Ebolusyon ng Tao Nang sinimulang bigyan ng mga

biyologo ng pangalan ang lahat ng mga bagay na may buhay sa daigdig, ang tao ay tinawag nilang :

Homo sapiens

Kahulugan ng Homo sapiens: Homo Sapiens

-salitang Latin na nangangahulugang tao

-salitang Latin na nangangahulugang matalino

Homo (tao) +sapiens (matalino) Homo sapiens (matalinong tao)

Charles Darwin (1809-1882)Si Charles Darwin ang unang humamon sa pangkalahatang palagay tungkol sa pinagmulan ng tao sa kanyang aklat na pinamagatang On The Origin of Species of Man, na inilathala noong 1859. Sa aklat na ito, ipinaliwanag ni Darwin na ang tao at iba pang species o uri ng nabubuhay na organismo sa daigdig, ay hindi bunga ng isang paglikha. Ayon sa kanya, ang mga tao ay nagmula sa napakahabang proseso ng ebolusyon, at ang lahat ng specie na ito ay magkakaugnay na nalinang sa loob ng mahabang panahon.

Mutation Tumutukoy sa kaganapan ng ilang pagbabago sa isang

specie bunga ng pagbabago sa estruktura ng gene, ang nagtatalaga ng pisikal na kaanyuan ng isang organismo.

Natural Selection Ayon kay Darwin, may kaugnayan ang kapaligiran sa prosesong

natural selection. Dahil dito, natural lamang na magbunga ng mga taong may maitim na balat ang kapaligirang mayroong mainit na klimang tropikal, at mga taong may mapuputing balat naman ang kapaligirang nakararanas ng klimang temperate. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng ibat ibang uri ng lahi.

Isolation at Adaptation

Ayon pa rin kay Darwin, sa haba ng panahong namumuhay ang mga tao na magkakalayo, malinaw na naiakma nila ang sarili sa kanilang kapaligiran na maaaring nakapagpabago sa kanilang pisikal na kaanyuan.

The Descent of Man Pangalawang librong ginawa ni Charles Darwin.

sa librong ito ay ginulat ni Darwin ang daigdig kung

saan ipinahayag niya na ang tao at ang pinakamataas na uri ng unggoy ay nagmula sa iisang ninuno lamang.

Mga Pinagmulan ng Tao

DryopithecusIto ang unggoy na pinaniniwalaang pinagmulan ng tao dahil sa hugis ng ngipin nito na nahahawig sa tao. Ito ay natuklasang nabuhay may 14-20 milyong taon na ang nakaraan.

Ang Dryopithecus ay isang genus ng unggoy na kilala mula

Silangang Aprika hanggang Eurasia. PInaniniwalaang sila ay nabuhay noong late Miocene period. Ang unang specie nito ay unang nadiskubre sa lugar ng Saint-Gaudens,Haute-Garonne, sa Pransya noong 1856. Ang ibang mga kalahi nito ay nakita sa Hungary, Espanya, at Tsina. Ang mga Dryopithecus ay suspensori, may malaking utak, at may naudlot na paglaki. Mayroon silang malambot na panga, na may bagang na may kakaunting balot ng enamel, na nangangahulugang ito ay kumakain ng puro prutas at punongkahoy, katulad ng kinakain ng isang natural na unggoy. Ang Dropithecus ay may taas na 60 sentimetro o 24 na pulgada sa haa ng katawan, at mas kamukha ng isang unggoy kaysa sa isang modernong unggoy. Ang istruktura ng kanilang mga paa at paligid ng kamay ay nagpapakita na ito ay naglalakad na katulad ng isang modernong chimpanzee, ngunit hindi nakatiklop ang kamay, gaya ng paglalakad ng isang unggoy. Ang mukha nito ay laging nakatungo dahil likas na ito sa kanila.

RamapithecusHigit na maunlad naman ang unggoy na natuklasan sa Siwalik Hills ng India; ito ay nakatindig nang tuwid na tindig kung kaya nakagagawa na ito ng mga simpleng gawain.

Ang Ramapithecus ay hango sa pangalan ng isang epikong Hindu na pinangalanang Ramayana, ang sikat na epiko sa India magpahanggang ngayon. Ang ibig sabihin ng Rama ay dakilang tagapagtanggol. Ang Ramapithecus ay isa sa mga ninunong unggoy na nabuhay mula 12-14 milyong taon na ang nakararaan. Ang unang mga bungo nito ay natuklasan sa Siwalik Hills ng India noong 1932. Ito ay kasama sa genus ng mga Sivapithecus. Ang

mga Sivapithecus ay isang genus ng mga extinct na primates na nabuhay noong 12.5-8.5 milyong taon na ang nakakalipas, sa tinaguriang Miocene period. Nakita sila noon pang ika-19 na siglo doon din sa Siwalik Hills na ngayon ay nasa India, Nepal, at Pakistan. Anuman sa mga species nito ay pinaniniwalaang ang ninuno ay ang mga orangutan. Ang mga Ramapithecus ay may taas na 1.5 na metro o 4.9 talampakan sa haba ng katawan, na halos kapareho ng laki ng isang modernong orangutan. Sa halos lahat ng aspeto, mas kamukha nito ang isang chimpanzee, maliban sa mukha at tindig, na katulad ng isang orangutan. Base sa hitsura ng paligid ng kamay at uong katawan nito, sinasabi nito na mas lumagi ito sa lupa ng mas matagal,na nangangahulugang ito ay nakakapaglakad na sa sariling dalawang paa nito. Mas malaki ang mga ngipin nito sa harap at mayroong mas malalaking bagang kaysa sa mga Dryopithecus, na nangangahulugang ang kinakain nit ay matitigas na pagkain, katulad ng mga buto ng halamang at mga damo ng savannah.

Mas malaki ang mga ngipin nito sa harap at mayroong mas

malalaking bagang kaysa sa mga Dryopithecus, na nangangahulugang ang kinakain nito ay matitigas na pagkain, katulad ng mga buto ng halamang at mga damo ng savannah. Ang kanilang pagtayo sa dalawang paa ay maaaring sanhi ng tintawag na ecological succession, kung saan nagbabago ang anyo ng isang lugar dahil sa pabago-bagong panahon dito. Ang mga Ramapithecus noon ay mayroon nang tinatawag na Foramen Magnum, ang butas sa bungo na nagkokonekta ng utak sa spinal cord. Sinasabing mas malaki na ang utak nila kaysa sa mga sinaunang unggoy. Mas malaki din ang kanilang mga panga, at pantay ang kanilang mga ngipin.

Australopithecus africanusIto ay natagpuan sa Taung, South Africa. Ito ang unang pangkat ng Homo. Ang utak nito ay sinlaki ng sa modernong tao. Ito ay nakalalakad na gamit ang kanyang dalawang paa at may taas na 4-5 talampakan. Ang kanyang mga kagamitan ay gawa sa matutulis na bato.

Ang A.africanus ay isang ninunong hominid, na nabuhay noong 2-3 milyong taon na ang nakararaan, sa tinatawag na panahon ng Pliocene. Ang katawan ng isang A.africanus ay ginawa ng may hubog, kaya ipinagpalagay na ito ang direktang ninuno ng mga modernong tao. Ang mga nakitang bungo nito ay tanging sa Africa lamang natagpuan: sa Taung(1924), Sterkfontein(1935), Makapansgat(1948), at sa Gladysvale(1992).Ang ibig sabihin ng australopithecus africanus ay southern ape of Africa Ang unang nadiskubreng kalansay nito ay nakita sa Taung, Kimberley, South Africa na nakita ng heologong si Raymond Dart. Ang bungo ng isang A. africanus ay halos kamukha ng isang primitibong unggoy, na kahawig nito sa laki at hugis ng mata, ngipin, at ang pinakamahalaga ay ang butas nito sa ilalim ng bungo, na tinatawag na Foramen Magnum, na nangangahulugang sila ay mayroon nang posturang kahawig sa tao.

Mas malaki na ang ulo nito na nangangahulugang ito

ay may malaki na ring utak na maaaring magsanhi sa kanila na magkaroon ng tinatawag na bipedal locomotion. Ibig sabihin nito ay makakapaglakad na sila ng may tuwid na tindig. Magagawa lamang ito kung ang unggoy ay mayroong kakaibang buto sa baywang o pelvis at malaking cranial capacity.

Homo habilisIto ay natuklasan sa Olduvai Gorge sa silangang Africa. Ang utak nito ay may sukat na 750 cubic centimeters (cc),at may mga ngiping higit na tulad ng sa tao. Ito ang karaniwang tinatawag na Man of skill at Handy Man. Ang kanilang mga kagamitan ay karaniwang mga batong lava na gamit sa paghiwa ng karne.

Ang homo habilis ay isang specie ng isang genus ng Homo,

na sinasabing nabuhay noong 2.3-1.4 milyong taon, sa pagsisimula ng panahon ng Pleistocene. Ito ay nadiskubre nina Louis Leakey, at ng asawa niyang si Mary Leakey. Nakita nila ito noong 1962-1964 sa Tanzania, South Africa. Ang mga h. habilis ay maliliit ngunit may mga mahahabang kamay at braso kung ikukmpara sa mga modernong tao. Medyo may kapatagan ang kanilang mukha dahil sa kanilang pangong ilong na di katulad ng a. africanus kung saan sila pinaniniwalaang nagmula. Ang kapasidad ng kanilang tangkad ay medyo kalahati lamang sa kapasidad ng modernong tao. Halos lahat ng mga nadiskubreng mga labi ng h. habilis ay pawang may mga kasamang mga kagamitang bato.

Homo erectusIto ang tinaguriang Upright Man na may utak na 1200 cc. Ito ay may higit na maayos na panga at mukha. May taas itong 157 cm. Ang Taong Java o Pithecanthropus erectus, ay unang natuklasan ni Eugene Dubois noong 1892; ang Taong Peking o Sinanthropus pekinensis naman ay natuklasan noong 1926.

Ang homo erectus ay isang extinct na specie ng

hominid na nagsimula sa Africa at kumalat hanggang India, Tsina at Java. Pinaniniwalaang sila ay nabuhay noong 1.8-1.3 milyong taon na ang nakararaan, mula sa pagtatapos ng Pliocene epoch hanggang sa pagtatapos ng panahong Pleistocene. ang mga labi nila ay nakita sa Africa, Europa, Indonesia, Vietnam, Tsina, at India. Sinasabing ang h.erectus na natagpuan sa Asya ay mayroong dalawang uri: ang Taong Java(Pithecanthropus erectus), at Taong Peking(Sinanthropus pekinensis). Ang taong Java ay unang natuklasan ni Prof. Eugene Dubois noong 1892, sa Java, Indonesia. Ang Taong Peking naman ay nadiskubre sa Tsina noong 1926.

Sinasabing ang mga h. erectus ay gumamit ng mga

makalumang kagamitan sa kanilang panahon. Sila ay mga nomadic na mga tao. Ibig sabihin ay nangunguha lang sila ng nangunguha ng pagkain mula sa kanilang paligid. Pag ito ay naubos, lilipat na naman sila ng ibang lugar para maghanap ng ibang lugar na may pagkain. Sila ang pinaniniwalaang uang grupo ng tao na gumawa nito sa buong mundo. Mas madalas din silang nasa kanilang pamilya katulad ng kanilang pagu-grupo sa kanilang pangangaso at pangunguha ng pagkain mula sa halaman.

Homo sapiensIto ay natagpuan sa Europa, Africa, at Kanlurang Asya; Ang bungo nito ay tulad na ng sa modernong tao. Higit na maayos ang kanyang kagamitan na lapad at may pinong tagiliran. Gumagamit na rin ito ng sibat bilang sandata.

Kilala rin ang homo sapiens bilang homo heidelbergensis.

Ayon nga sa pangalan nito, ito ay natagpuan sa Europa, lalo na sa parteng Germany, Africa, at Kanlurang Asya. Ang mga h.sapiens ay may mas malaking utak at ang kanilang bungo ay mas naging malaki at bilugan kumpara sa bungo ng h. erectus. Ang kalansay nito at ngipin ay mas manipis ngunit ang kanilang kilay ay makapal. Mas pahilis ang kanilang noo kaysa sa mga naunang tinalakay na species. Ang mga species na ito ay matatangkad. Ang kanilang average height ay 1.8 na metro o 6 na talampakan. Nanirahan sila sa South Africa noong 0.5 milyon hanggang 300,000 taon na ang nakararaan. Sinasabing ang specie na ito ay ang unang pangkat ng Homo na naglilibing ng kanilang patay, kahit na ang pagbibigay ng regalo.

Taong NeanderthalIto ang uri ng Homo sapiens na natuklasan sa Europa, Asya, at Africa. Ito ay pinaniniwalaang lumitaw sa daigdig noong Panahon ng Yelo sa Europa.

Ang mga neanderthals ay mga extinct na specie ng

genus na Homo na nabuhay noong 600,000-22,000 taon. Nabuhay sila noong panahon ng Pleistocene. Ang kanilang mga labi ay natagpuan sa Europa at sa Kanluran at at Gitnang Asya. Ang unang labi ng Neanderthal ay nakita sa Belgium noong 1829. Nakita ito ni Philippe-Charles Schmerling. Ang salitang Neanderthal ay hango sa pangalan ng lambak sa Dsseldorf, Germany, ang Neander Valley.

Homo sapiens sapiensIto ang ganap na nagdebelop na homo sapiens sa Europa, Asya, at Africa. Sa panahong ito gumagamit na ang tao ng mga buto ng hayop, at kahoy, at mga bagay na pangkiskis ng mga kagamitang mayroon nang magkabilang talim.

Ang mga Homo sapiens sapiens ay pinaniniwalaang

nanggaling sa mga nag-evolve na Homo sapiens mula sa panahon ng Gitnang Paleolitiko noong 200,000 taon na ang nakararaan. Ang specie na ito ang tinuring na modernong tao sa ngayon. Ang pinakamatandang fossil ng nahukay na homo sapiens sapiens ay ang Omo remains na pinaniniwalaang 90,000 taong gulang na. Mas maganda ang komposisyon ng kanilang mga buto na nabaagay sa kanilang pisikal na pamumuhay. Mas dumedepende sila sa teknolohiya kaysa manual na paggawa para mas matugunan ang pangangailangan ng kalikasan at tao. Mas manipis ang kanilang kilay at mas matambok ang kanilang buto sa paligid ng mata.

Ang Sinaunang Panahon

Arkeologo Mga siyentistang nag-aaral ng sinaunang kasaysayan

gamit ang mga bakas ng ibat ibang panahon gaya ng mga bungo at kalansay: mapa-hayop o tao, mga bakas ng paa, banga, artifacts, at iba pa. Nagsabi na ang sinaunang panahon ng kabihasnan ng tao ay tinatawag na Panahon ng Bato(Stone Age).

Panahong Paleolithic Ito ay tinatayang pinakasinaunang panahon sa

kasaysayan ng tao. Nagmula sa salitang Griyego na palaios, na nangangahulugang luma, at litho, na nangangahulugang bato.

Sa kabila ng kakaunting pagkakahawig ng mga taong paleolithic sa

modernong tao, sinasabing ang mga ito ay nakalalakad na nang tuwid at may pisikal na katangian na ng isang nilalang. Ang mga tao noon ay pinaniniwalaang nomadic at nabubuhay sa pamamagitan lamang ng pangangaso at pagtitipon ng mga pagkain na pinipitas mula sa mga halaman sa kanilang kapaligiran at naninirahan sa mga yungib. Ginagamit na ng mga taong ito ang kanilang mga kamay bilang panghawak ng mga kagamitan at sandata upang makapangaso at maipagtanggol ang kanilang sarili. Sila ay mayroon nang tuwid na tindig. Nakapagsasalita na sila at nakatatanggap ng anumang impormasyon. Sila ay may higit na malaking utak kaysa anumang hayop sa daigdig.

Artifacts

Mga bagay na nilikha ng sinaunang tao na natuklasan

ng mga arkeologo, kasama na ang mga buto ng mga sinaunang tao na nakakatulong sa paglalarawan ng kultura ng panahong prehistoric.

Kultura Ay tumutukoy sa sistema ng paniniwala, gawi,

pagpapahalaga, o uri ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao. Ito ay naisasalin sa susunod na henerasyon sa tulong ng umuunlad na kaalaman ng tao. Ito ay ang pamumuhay na kakaiba sa hayop.

Ang mga tao sa Panahong Paleolithic ay gumamit ng

mga kagmitang gawa sa matatalim na bato at graba, na daglian namang tinatapon matapos na gamitin ang mga ito. Ang pagkatuklas ng apoy ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito.

Panahong Neolithic Ang karamihan sa mga tuklas sa panahong ito ay naging batayan

ng makabagong panahon. Sa panahong ito natutunan na ng mga taong pakinisin, patalasin, at patulisin ang kanilang mga kagamitan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ang agrikultura ang pinakamahalagang tuklas ng tao

sa panahong ito. Dahil sa walang katiyakan ang panustos ng pagkain sa pangangaso, natutuhan ng taong magsaka at maghayupan. Ito ang naging simula ng kanilang pirmihang paninirahan. Sa panahong ito natutuhan ng tao ang paghahabi ng tela, at paggawa ng mga kagamitan mula sa luad at iba pang bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang pamumuhay. Sa panahong ito nagsimulang magtatag ng isang organisadong pamahalaan ang mga tao na tinawag na lungsod-estado.

Ang relihiyon ay naging mas organisado rin sa panahong

ito. Ang mga paniniwala ng sinaunang tao ay nakasentro sa kalikasan, espiritu ng mga hayop, at ideya ng buhay matapos ang kamatayan. Bunga nito, ang mga magsasaka ay sumamba sa maraming diyos at diyosa na pinaniniwalaang nakapangyayari ng ulan, hangin, at iba pang pwersang pangkalikasan.Ito ang nagpasimula ng mga gawi, paniniwala, at mga ritwal na naging batayan ng pagpapahalaga ng lumalagong populasyon ng sandaigdigan. Ang mga unang panirahan sa daigdig ay nagsimula sa mga matataas na lambak na karaniwang matatagpuan sa tabi ng mga anyong tubig. Ilan dito ay ang Jarmo na nayon ng Iraq, at Catal Huyuk na nasa kasalukuyang Turkey.

Pinakahuling Tuklas Tungkol sa mga Sinaunang Tao

1960 Natuklasan ni Louis Leakey ang ilang kagamitang bato

na pinaniniwalaang may dalawang milyong taon na ang gulang.

1974 Natuklasan sa Ethiopia ni Donald Johansen ang

kalansay ng isang babaing hominid na tinatayang 3.5 milyong taong gulang na. Pinangalanan niya itong Lucy.

Paano Nadiskubre si Lucy?Si Lucy ay nadiskubre ng antropologong si Prof. Donald Johansen at ng kanyang estudyanteng si Tom Gray sa isang pasikot-sikot na daan sa Hadar, sa hilagang Ethiopia. Sila ay naghahanap ng mga buto ng hayop sa isang tuyong lupain nang may maaninag silang buto. Natuklasan ni Johansen na ito ay buto ng isang hominid. Naghanap pa sila ng iba pang buto sa paligid at nakakita sila ng mga buto tulad ng ribs, vertebrae, thighbone,at bahagi ng isang jawbone. Nakakuha sila ng 47 na buto, na humigit-kumulang 40% ng kalansay ng hominid. Na-estima nila na ito ay may 3.5 milyong taong gulang na.

Base sa liit ng katawan nito at sa lapad ng buto nito sa baywang, sinabi niya na ito ay isang babae.Pinangalanan niya itong Lucy na sinunod sa pangalan ng kantang Lucy in the Sky with Diamonds, ang kanta ng The Beatles, na umeere sa radyo nang bumalik sila sa kanilang kampo.

1978 Natuklasan naman sa Leatoli ni Mary Leakey ,asawa ni

Louis Leakey, ang isang bakas ng paa ng isang hominid na may 3.5 milyong taong gulang na.

1994 Natukasan ng isang pangkat ng mga siyentista ang

isang panga na may mahigit dalawang milyong taong gulang na.

Thank You For Watching!