Upload
anon-
View
946
Download
9
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Isang pamanahong papel na nagtatalakay ng kalagayan ng edukasyon ng musika sa elementarya at sekondarya. Mula sa mga mag-aaral ng UST Conservatory of Music.
Citation preview
ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG EDUKASYON NG MUSIKAPAMANTASAN NG SANTO TOMAS
IKALAWANG SEMESTRETAONG AKADEMIKO
2012-2013
ISANG PAMANAHONG PAPEL NA INIHARAP SA KAGAWARAN NG FILIPINO, KONSERBATORYO NG MUSIKA, PAMANTASAN NG SANTO
TOMAS
BILANG PAGTUPAD SA ISA SA MGA PANGANGAILANGAN NG KURSONG FILIPINO II, KRITIKAL NA PAGBASA AT AKADEMIKONG
PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
NG1MUS
MARSO 2013
Dahon ng Pagpapatibay
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng kursong Filipino II,
Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang
pamanahong papel na ito na pinamagatang “Ang Kasalukuyang Kalagayan
ng Edukasyon ng Musika sa Elemetarya at Sekondarya”, Ikalawang
Semestre, taong Akademiko 2012-2013, ay inihanda at iniharap ng
pangkat ng mga mananaliksik mula sa Batselyer ng Musika na binubuo
nina:
Abuiza, Olafunwa Lutero, Pauline Hanani
Cruz, Mark Allen Mendoza, Trisha Ann Kei
Laroa, Maria Clarissa Oabel, Regina
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon,
Pamantasan ng Santo Tomas, bilang isa sa pangangailangan sa kursong
Filipino II, Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.
Beatriz B. Ribleza, M.Educ Roberto Ampil, Ph.DGuro, UST TagapanguloTagapamatnubay UST Dept. of Filipino
Pasasalamat
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod, sa kanilang taos-pusong
pagtulong upang maisakatuparan ang mithiin ng pamanahong papel na ito:
Krisha Vuxa Salentes
Christine Jane Velmonte
Genalyn Salentes
Britney Virna Ponce
Mitomi Kate Cristobal
Kenneth Distor
Jessen Adiao
Angela Alcuran
Glyssa Penaflor
Marri Mendoza
Gian Carlo Penaflor
Adrielle De Jesus
Allelie Haydee Catalan
James Ryan Cadior
John William Castor
Grace Domagas
Ivy Mei Reniva
Ronnin
Michael Edward Dy
Jose Lorenzo Reniva
Christian Salazar
Carissa Mae Pastolero
Gener Santos
Kyle Agraviador
Zendrix Decena
Nike Ralph Vayson
Peniel Lutero
Kyle Anne Decena
Psalm Emmanuel Lutero
Nikki Lawrence Raymundo
Cerwin Joseph Munsayme
Maynard Cruz
Avelina Villamor
Charmille Joy Zulueta
Nouissa Oroefo
Janessa Visperas
At sa lahat ng sumagot ng talatanungan at nagbigay ng kanilang tulong na hindi
nagpapakilala, maraming salamat sa inyo.
Talaan ng Nilalaman
Abstrak ………………………………………………………………………... 1
Kabanata 1
Introduksyon ……………………………………………………………… 2
Layunin ……………………………………………………………… 2
Saklaw at Limitasyon ……………………………………………………. 3
Kahalagahan ng Pag-aaral ……………………………………………… 3
Kahulugan ng mga Terminolohiya …………………………………….... 4
Kabanata 2
Kahulugan ng Musika …………………………………………………..... 5
Edukasyon ng Musika …………………………………………………… 6
Kahalagahan ng Musika sa Buhay ng Tao …………………………….. 10
Kaugnay na Pananaliksik ……………………………………………….. 11
Kabanata 3
Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………………… 13
Mga Kasangkapan at Respondente …………………………………….. 13
Istatistikal na Pagtrato ng Datos ………………………………………… 14
Kabanata 4
Paunang Presentasyon ng mga Datos ………………………………… 15
Pagsusuri ng Kurikulum ng Elementarya ……………………………… 17
Pagsusuri ng Kurikulum ng Sekondarya ……………………………… 19
Mga Problema ng Edukasyon sa Musika ……………………………… 20
Kabanata 5
Lagom ……………………………………………………………………… 25
Konklusyon ………………………………………………………………. 25
Rekomendasyon ………………………………………………………… 26
Mga Sanggunian ……………………………………………………………….. 27
Apendiks
Talatanungan …………………………………………………………….. x
Tally Results ……………………………………………………………… xiv
Biodata ………………………………………………………………….… xvi
ABSTRAK
Ang musika ay isang mahalagang aspeto ng kultura ng isang bansa.
Isinasalamin nito ang uri ng kultura at pamumuhay na mayroon ang isang bansa.
Bahagi ito ng buhay ng bawat tao, ng mundong ating ginagalawan, kahit na hindi ito
kapansin-pansin sa araw-araw nating pamumuhay. Ang pagbibigay ng edukasyon ukol
sa musika sa mga kabataan ay isang mahalagang gampanin na kailangang
maisakatuparan sa ilalim ng isang mahusay na kagawaran na nagpapalabas ng mga
mahuhusay na guro upang turuan an gating mga kabataan na siyang susunod na mga
maninirahan sa ating bansa kapag tayo ay pumanaw na. Kinakailangan ito upang
mapanatiling buhay ang musika, lalo na ang katutubong musika, ng ating bansa. Ngunit
ipinapakita ng pamanahong papel na ito na ang misyong ninanais ng mga kagawarang
humahawak sa edukasyon at sa musika ay hindi naisasakatuparan ng maayos.
Naghain ang Kagawaran ng Edukasyonng ng magandang kurikulo upang pag-aralan ng
mga kabataan, ngunit sa kabila nito ay hindi nalilinang at nahuhubog ang inner talents
ng mga kabataan. Kailangang aminin ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na hindi
naipapatupad nang maayos ang kanilang inihaing kurikulum dahil sa maraming dahilan,
tulad ng kakulangan sa oras at kagamitan, kahabaan ng kurikulum upang matapos ito
sa loob lamang ng mahigit kumulang 200 araw, at kakulangan sa kasanayan ng mga
guro na ituro ang kanilang mga asignatura, lalo na sa musika. Ang mga guro sa musika
ay nararapat na magkaroon ng maiging kasanayan sa musika upang maituro sa iba ang
musika.
Sa konklusyon ng papel na ito, masasabi ng mga mananaliksik na hindi
masyadong maganda ang kalagayan ng edukasyon ng musika sa panahon ngayon.
Kailangan itong aksyunan ng mga awtoridad sa lalong madaling panahon, bago pa
dumating ang oras na wala nang daratnang kultura ang mga mabubuhay sa susunod
na henerasyon.
1| Page
KABANATA I – Ang Suliranin at Kaligiran
Ang musika ay isang malaking bahagi ng isang lipunan. Isinasalamin nito ang
kultura, uri ng pamumuhay, uri ng mga tao, at uri ng bansa na kinabibilangan nito. Ang
musika ay kultura. Ang musika ay kasaysayan. Kaya naman isang napakahalagang
gampanin ang pagpapanatili nito, ang pagpapanatili ng isang kultura na nanganganib
nang mapalitan ng kultura ng iba, dahilan sa lumalawak nang globalisasyon.
Upang mapanatiling buhay ang mga musikang isinulat noon pang mga panahong
tayo ay sinakop, kailangang ibahagi ito sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon.
Isang paraan ng pamamahagi ng musika, bukod sa pagtatanghal, ay ang pagtuturo ng
musika sa mga silid-aralan—ang pinaka-epektibong paraan. Sa pagtuturo ng musika at
ng mga elemento nito sa mga paaralan, nabibigyan ng paunang kaunawaan ang mga
mag-aaral ukol sa musika, at maaari itong maging simula ng kanilang mas malawak na
pag-unawa at malalim na pagtangkilik sa musika ng kanilang bansa. Ito ang hangarin
ng NCCA at ng DepEd kaya nila isinama ang musika sa kurikulum ng elementarya at
sekondarya. Ngunit, sa kabila nito, bakit tila mababaw ang kaalaman at pag-unawa sa
musika ng mga kabataan ng henerasyong ito? Kapag sila ay binigyan ng isang papel na
puno ng nota at mga simbolong pang-musika, bakit tila hindi nila ito maunawaan, ni
mabasa man lamang? Bakit tila nakalilimot na ang makabagong henerasyon sa musika
na naging isang malaking bahagi ng kasaysayan ng kanilang inang bayan?
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayon na sagutin ang mga katanungang
nabanggit sa ikalawang talata, gayundin ay tugunan ang mga karagdagang isyu na ito:
matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ng musika sa
elementarya at sekondarya, at;
masuri ang kurikulum ng edukasyon ng musika sa elementarya at
sekondarya.
2| Page
Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa edukasyon ng musika at wala nang
iba. Maaari rin nitong maisalamin ang kalagayan ng edukasyon sa ibang asignatura at
sa pangkalahatan, ngunit ang tutukuyin lamang ng pag-aaral ay ang edukasyon ng
musika sapagka’t ang pamamaraan ng pagtuturo sa musika at sa ibang mga asignatura
ay magkaiba. Ang mga kakapanayamin at mga respondente ng sarbey na gagawin ay
magmumula lamang sa Metro Manila, sapagka’t ito lamang ang lugar ng pokus at ang
pinakamaaabot ng mga mananaliksik, ngunit maaari nitong maisalamin ang kalagayan
ng edukasyon ng musika sa ibang lugar sa Pilipinas, sa kadahilanang mas maunlad
ang Metro Manila at mas maraming paaralan kaysa sa mga probinsya.
Masasabi naming may kabuluhan ang pag-aaral na ito sapagka’t mabibigyang
linaw ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ng musika sa bansa, at maaari ding
mahinuha ang kalagayan ng edukasyon sa pangkalahatan. Kung babasahin ay
maaaring makita ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas ang kasalukuyang kalidad
ng edukasyon, lalo na sa musika, at kung hindi nakasisiya ang magiging resulta ay
palalawigin pa ang kurikulum na umiiral sa bansa, at higpitan pa ang pagpapatupad sa
nasabing kurikulum. Ipaliliwanag sa pamanahong papel na ito ang katotohanan ukol sa
musika at sa edukasyon nito. Sisikapin na maisaalang-alang na ang pananaliksik na ito
at ang musika ang maging daan sa muling pagbangon ng nasyonalismo at orihinal na
musikang Pilipino.
3| Page
Kahulugan ng mga Terminolohiya
Basic Education Curriculum – ito ang kurikulum na ginagamit sa mga nasa elementary, o basic education. Ang kurikulum ay isang talaan ng mga kurso at mga laman nito, na ibinigay ng mga paaralan.
DECS – Department of Education, Culture, and Sports. Ang dating pangalan ng DepEd.
DepEd – Department of Education, ang kagawaran ng edukasyon ng Pilipinas. Sila ang namamahala ng lahat ng may kinalaman sa edukasyon ng elementarya at sekondarya.
Elective course – isang klaseng kurso na maaaring piliin at maaari ring hindi, depende sa kagustuhan ng mag-aaral
Harmony – ang paggamit ng magkakasabay na tunog, o chords.
K-12 – ang bagong kurikulum na ipinatutupad sa Pilipinas, kung saan madaragdagan ng dalawang taon ang sekondarya, at hahatiin sa junior high school at senior high school
K-pop – abrebasyon ng “Korean pop”. Isang genre ng musika na nagmula sa South Korea.
Melody – ang organisadong pagkakasunod-sunod ng mga nota
NCCA – National Comission on Culture and Arts
Piyesa – isang komposisyon. Madalas ring tawaging “piyesa” ang isang papel na naglalaman ng naisulat na musika.
Rhythm – aspeto ng musika na binubo ng lahat ng elemento (accent, meter, at tempo) na nagpapagalaw sa musika
Seminar – isang uri ng akademikong pagtuturo kung saan ang layunin ay magpatawag ng pulong ukol sa isang tiyak na paksa, kung saan ang lahat ng mga kalahok ay inaasahang makikipag-koopera. Ang salitang “seminar” ay nagmula sa salitang Latin na “seminarium”, na nangangahulugang “seed plot”.
Senior high school – antas sa sekondarya na binubuo ng tatlong pinakamatataas na baitang. Sa kaso ng K-12, ang senior high school ay binubuo ng baitang 11 at 12.
Specialization – sa kahulugang pang-akademiko, ito ay ang ispesyal na linya ng karera na pinili ng isang taong nag-aaral o nagtatrabaho.
4| Page
KABANATA II – Mga Kaugnay na Literatura
A. Kahulugan ng musika
I. Ang musika ay isang anyo ng sining na gumagamit ng tunog bilang
medium. Ang mga elemento ng musika ay binubuo ng rhythm, melody,
harmony, form, timbre, dynamics, at texture. Ang salitang “musika” ay
hango sa salitang Griyego na “µουσική” (mousike), na nangangahulugang
“ang sining ng mga Musa”.
Ayon sa DepEd, ang mithiin ng musika ay linangin ang kamalayan,
kaalaman, at mapanuring kaisipan ukol sa mga elemento ng musika na
magagamit upang maipahayag ang damdamin at maipamalas ang
pagkamalikhain sa mga gawaing musikal. Naiaangkop ang mga kaalaman
at kasanayan sa pang araw-araw na pamumuhay tungo sa pagpapaunlad
ng sarili at ng pamayanan, upang maka-agapay sa kamalayang global.
Ang paglikha at pagtatanghal, maging ang kahulugan ng musika, ay
nagkakaiba ayon sa kultura at paniniwalang panlipunan. Ito ay nahahati
sa iba’t ibang uri. Ito ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng tao. Sa
pamamagitan ng mataas na kalidad at kasiya-siyang programa, patuloy
ang pag-unlad ng mga guro at mag-aaral sa paggawa ng musika. Ilan sa
mga patunay nito ay ang pagkakaroon nila ng mataas na pagpapahalaga
sa sarili, tiwala sa sarili, positibong pananaw sa buhay, at makabuluhang
karanasan sa pag-aaral. Ang musika ay nagsisilbing tulay na
nagdurugtong sa bawat henerasyon. (Bureau of Elementary Education,
Department of Education. Basic Education Curriculum. June, 2010.
Nakuha sa http://www.elementary.ph/sites/default/files/bec-pelc_2010_-
_musika.pdf )
5| Page
Ang mga bahaging ito ng artikulo na mula sa Bureau of Elementary Education
nakalap ng mga mananaliksik ay hustong naipapakita ang kahulugan ng musika, ang
mithiin nito, at ang edukasyong isinasagawa ukol dito.
B. Edukasyon ng Musika
II. Ang edukasyong pang-musika ay isang larangan ng pag-aaral na may
kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng musika. Hinahawakan nito ang
lahat ng mga nasasakupan ng pagkatuto, kasama na ang dominyong
sikomotor (ang pag-unlad ng mga kasanayan), ang dominyong kognitibo
(ang pagkamit ng kaalaman), at, sa mga paraang partikular at mahalaga,
ang dominyong apektibo, kabilang na ang apresyasyon o pagpapahalaga
sa musika at sensitibidad. Ang inkorporasyon (pagsasama sa katawan ng
pagtuturo at pagkatuto) ng pagsasanay na pang-musika mula sa mga
edukasyong pre-school hanggang sa post-sekondaryo ay karaniwan sa
karamihan ng mga bansa dahil ang pagiging sangkot sa musika ay
itinuturing na isang mahalagang na bahagi ng kultura at ugali ng tao.
Katulad ng wika, ang musika ay isang paggawa at katuparan na
nagbubukod sa atin bilang mga tao. (Yudkin, J. (2008). Understanding
Music (p. 4). Upper Saddle River, NJ: Pearson/Prentice Hall.)
Ipinapakita ng talatang ito mula sa aklat na Understanding Music ang
kahalagahan ng musika at ng pag-aaral nito. Binibigyang-diin ang mga saysay ng
musika sa buhay at pag-aaral ng mga mag-aaral. Kapaki-pakinabang ang talatang ito
dahil ipinapakita nito ang koneksyon ng musika sa ibang mga sangay ng pag-aarl, at
makikitang hindi ito hiwalay tulad ng iniisip ng karamihan.
III. Ayon kay Michael A. Butera, executive director ng The National
Association for Music Education, “music education is the ultimate 21st
century skill. Sa bawat silid-aralan, ginagamit ng mga guro ang musika
upang direktang mapabuti ang kakayahan ng isang mag-aaral sa
pagbabasa at mapahusay ang kakayahan nito sa matematika. Ginagamit
ito upang linangin ang ang kritikal na pag-iisip, pagkamalikhain, at iba
pang ika-21 siglo na kasanayan na higit na pinahahalagahan ngayong
panahon ng mga trabaho. Ginagamit rin ito upang makatulong sa
pagpapayabong ng interes at palakasin ang pagpapahalaga ng mag-aaral
para sa mga aralin na itinuturo sa silid-aralan. Ang edukasyon sa musika
ang nagdudugtong sa ating mga paaralan. Kinukonekta nito ang lahat ng
asignatura at ito ay isang magandang paraan upang mapahusay ang
kakayahan na mga kabataan ng makabagong panahon.”
Sa loob ng ilang taon, ang MENC: National Association for Music
Education, ay naglabas ng pamantayang nasyonal para sa edukasyon ng
musika, malinaw na mga alituntunin na nagbibigay sa lahat ng paaralan
ng kalinawan sa mga nararapat nilang malaman upang maisagawa at
maabot ang kasalukuyang pamantayan ng pagkatuto, pangangailangan at
mga inaasahan. Ang mga pamantayang ito ay ibinuo upang masiguro na
ang mga epektibong programa sa edukasyon sa musika ay magsisilbing
daan tungo sa kolehiyo at tagumpay sa buhay na hinahangad natin para
ating mga anak. Ang mga pamantayang ito ay nagpapakilala sa musika
hindi bilang dagdag-halaga lamang, at hindi rin bilang isang elective
course. Ayon kay Butera, “Music is central to our success, and its absence
from a K-12 school jeopardizes our chances to maximize the educational
opportunities currently offered”. Mahalaga na pagtuunan ng pansin ang
musika sa edukasyon sapagkat kung mawawala ito, mababawasan ang
ating pagkakataong mapalawak ang mga oportunidad sa edukasyon sa
kasalukuyan.
6| Page
Ang Musika ang natatanging asignatura sa paaralan na nagtataglay ng
lahat, nagbibigay ng direktang pagtuturo sa sipnayan, pagbabasa,
kasanayan ng memorya, kasanayan ng mga kalamnan, at pati na rin sa
edukasyong pampisikal.” (Butera, M. Music Education: The Ultimate 21st
Century Skill)
Binibigyang diin naman ng artikulong ito ang mga kahalagahan ng musika sa
buhay ng mga mag-aaral, at pati na rin sa buhay ng lahat. Nabanggit din sa artikulo ang
tungkol sa K-12 na kurikulum ng pag-aaral, at sinasabing ang kawalan ng musika sa
nasabing kurikulum ay makakasama sa pag-aaral ng mga bata.
IV. Sinabi naman ni Prof. Violeta A. Hornilla, presidente ng Philippine Society
for Music Education, sa kanyang artikulo na pinamagatang Music
Education in Philippines Primary and Secondary Schools, “To study music
is to study the basics.” Ang musika ay isang komprehensibong sining—sa
pag-aaral nito, ang mga mag-aaral ay nalalantad sa iba pang
pangunahing bahagi ng kurikulum: matematika, agham, araling
panlipunan, wika, at edukasyong pisikal. Habang ang musika ay isang
asignaturang may sariling katawan ng kaalaman at isang asignaturang
napakahalagang malaman, ang komprehensibong kalikasan nito ay
nagsisilbing pundasyon para sa pinagisa at komprehensibong setting sa
edukasyon.
Sa kabila ng magagandang epektong dulot ng musika sa mga mag-aaral,
sinasabi na noong 1963, ang DECS Memorandum #11.s. 1963 ay
naglabas ng isyu na nagsasabing ang Sining at Edukasyong Pisikal sa
primarya ay madalas na hindi pinapansin upang makapagbigay daan sa
instruksyunal at administratibong kaalaman. Ang pahayag na ito ay tugma
pa rin sa nangyayari sa kasalukuyang panahon.
7| Page
8| Page
Kaya naman pinagisa ang Arts at Physical Education upang
makapagbigay daan ito sa proyekto ng DECS na cultural survival
program. Ang programang ito ay naglalayong gawin ang Art Education,
Music, at Physical Education bilang mga pangangailangan na asignatura
sa primary. Sa ilalim ng Arts and Physical Education, ang lahat ng
asignatura ay bibigyan ng 40 minuto at 50 minuto upang maituro sa mag-
aaral ng primarya at sekondarya. (Hornilla, V. Music Education in
Philippines’ Primary and Secondary Schools)
V. Education in Music, or the acquisition of musical knowledge, skills, and
values, is shaped by its purpose and context. In the Philippines, it may
variably mean: a) an avenue for the transmission of a culture or tradition;
b) a curricular component in basic education; and c) a prescribed
sequence of study in preparation for professional careers in music.
The New Elementary School Curriculum (NESC) and the Secondary
Education Development Program (SEDP) which were prescribed and
instituted in 1982, and 1989 respectively by the then Department of
Culture (DEC) and Department of Education, Culture and Sports (DECS)
constitute a continuum of academic preparation for college. The inclusion
of the subject of music is premised aesthetic (musical) and utilitarian
(extra-musical) contributions to general on its education and the national
culture. Music instruction in both public and private elementary schools
are of the general music type (as distinct from performance classes)
commonly used in the United States. The overall aim is to develop basic
music literacy.
The graded learning outcomes are based on the elements of music—
rhythm, melody, harmony, form, timbre, texture, and dynamics, and using
the conceptual and spiral approaches which are hallmarks of western
music education.
9| Page
The repertoire includes Spanish/European/American/ influenced Philippine
Music and foreign songs. Accordingly, the skills of singing, music reading,
and responding to the elements receive much attention. In some schools,
the general music classes are complemented by voluntary participation in
performance groups (Rhythm Band, Child Choir, Ethnic Ensembles)
organized outside of the regular class time
In high school, the foundation of singing, music reading, responding and
listening to music is further developed and applied to the study of various
genres of Philippine Asian, and Western Music within the framework of the
PEHM subject area (Physical Education, Health, and Music). The skills of
improvising and creating are encouraged. Recently, the subject of art was
added to the time allotted to music. (Borromeo M. Philippine Music
Education. 2005. Nakuha sa http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-
arts/articles-on-c-n-a/article.php?igm=1&i=150)
Ang artikulong ito naman ay ipinapakita ang mga kurikulum ng musika at mga
pagbabago nito. Ipinapakita din ng artikulo ang kagustuhan ng NCCA at DECS (DepEd
sa kasalukuyan) na isama ang musika sa kurikulum ng elementarya at sekondarya at
gawin itong komprehensibo.
C. Kahalagahan ng musika sa buhay ng tao
VI. Ancient mythology has mention of the god Panand his musical reeds. “The
love of music runs like a thread through the myth once chanted by the
bard of Hellas.” The walls of Troy were said to have been built by the
magic music which came from the lyre of the god Apollo. The singing of
the angels announced to the world the coming of the Messiah. St. Cecilia
played and sang her chants of praise to God as an eternal symbol of the
potency of music in expressing our religious piety.
10| Page
The endless use of music in all walks of life speaks of its usefulness in
lifting man to the realms of beauty and sublimity. How dreary this wolrd
would have been had it not been blessed with music.
Music affects the physical, social, intellectual, spiritual, and moral facets of
a man’s personality. Therefore, it is very meaningful in our lives and plays
several important roles that will lead man to live the full, happy, effective,
and harmonious existence he needs in his complex and fast contemporary
life. (Garcia, C. (2004) Teaching Music Education in the Elementary
Grades, p. 255-256, mula sa Teaching the Elementary School Subjects:
Content and Strategies in Teaching the Basic Elementary School
Subjects. Manila, Philippines: REX Bookstore, Inc.)
Ang maikling bahagi ng librong ito ukol sa pagtuturo ng mga asignatura sa mga
mag-aaral ng elementarya ay sapat na upang maunawaan ang kahalagahan ng musika
sa buhay ng tao, at kung bakit kailangan itong pag-aralan at payabungin.
D. Kaugnay na pananaliksik
VII. We seek to understand why persons develop their musical preferences by
identifying with a particular cultural group and social background. This
identification is greatly shaped by experience in their environment.
Resources employed for this identification are mostly different from those
employed in schools to foster academic knowledge. We argue that there
needs to be renewed attention to the epistemological and ontological
bases of education to examine how we can most effectively educate for
the 21st Century in a relativistic and globalized world. Our focus is on
music education but with the entire curriculum near at hand, together
seeking to bring about a better intellectual, sociological, and aesthetic
process of education.
11| Page
Our interest in music stems from a perceived necessity that persons trained in
the arts will have special answers to the challenges of this so-called
postmodern world. We offer: (1) elements of epistemology, discussing how
education and music education have traditionally been focused on
propositional rather than interpretive knowledge; (2) a particular perspective
on ontology, making evident the ways that individuals construct meanings,
interacting with their cultural environment in the shaping of social identity; and
(3) the need, today more than ever, for a music curriculum fostering aesthetic
experiences that develop interpretive understanding of reality and personal
self. Characteristics of postmodernism in cultural studies will be employed
throughout the paper. (Aróstegui, J.L., Simons, H., Stake, R. (2004) Abstract,
Music education for the 21st century: epistemology and ontology as bases for
student aesthetic education.)
Ang pananaliksik na ito ay ang nagbigay ng ideya sa mga mananaliksik na
gumawa ng sarili nilang pananaliksik ukol sa edukasyon ng musika, bagaman ay mas
maliit kumpara sa pananaliksik na ito ang naisagawa ng mga mananaliksik.
12| Page
KABANATA III – Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Ang disenyong ginamit sa pananaliksik na ito ay quantitative. Ginamit ng mga
mananaliksik ang disenyong ito sapagkat aanalisahin at tutugunan ang problemang
ipinakita sa unang kabanata sa pamamagitan ng mga numero at simpleng istatistika.
Ang quantitative research ay sumasagot sa tanong na “bakit”, at nilalayong
magpaliwanag ng mga penomena at hindi mag-unawa, kaibahan sa qualitative
research. Isang simpleng descriptive, survey, quantitative na pananaliksik lamang ang
kinakailangan sa pag-aaral.
Sa pangangalap ng datos, gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan
upang makuha ang saloobin ng mga respondente ukol sa edukasyon ng musika sa
elementarya at sekondarya, upang malaman ang mga nagaganap sa loob ng kanilang
klase sa musika, at masukat ang kanilang mga natututunan sa klase nilang ito.
Nagtanong din ng karagdagang mga katanungan ang ilang mananaliksik sa piling mga
respondente upang makakalap pa ng karagdagang impormasyong hindi sakop ng
talatanungan.
Ang mga naging respondente sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral sa
elementarya, na nagmumula sa ikatlong baitang pataas (hindi isinama ng mga
mananaliksik ang mga batang nasa ikalawang baitang pababa sapagkat maaaring hindi
pa nila maunawaan ang pinasasagutang talatanungan. Binilinan na lamang ang mga
nasa ikatlong baitang at pataas na isama ang mga naituro sa kanila magmula sa
kanilang unang baitang), at mga mag-aaral sa sekondarya, mula sa unang taon
hanggang sa ika-apat na taon. Nagpasagot ang mga mananaliksik sa pribado at
publikong mga paaralan. Nakamit nila ang inaasahang bilang ng mga respondente na
60, 30 mula sa elementarya at 30 mula sa sekondarya.
13| Page
Sa pagkuha ng impormasyon mula sa mga nakalap nang datos, gumamit lamang
ang mga mananaliksik ng simpleng mathematical formula, kung kaya’t kinuha lamang
nila ang bahagdan ng mga sagot sa talatanungan. Halimbawa, sa unang tanong na
mayroong pagpipiliang “oo” at “hindi”, kinuha ang bahagdan ng mga sumagot ng “oo”,
at ganun din naman sa mga sumagot ng “hindi”.
14| Page
KABANATA IV – Presentasyon at Interpretasyon ng Datos
Sa ipinasagot na talatanungan, karamihan ng mga tanong ay sumusukat sa
kaalaman ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa paksa na musika. Isa sa
mga tanong ay kung marunong ba silang magbasa ng mga notang pang-musika, kung
saan 13 o 43.33% sa mga mag-aaral ng elementarya ang sumagot ng oo, 19 o 63.33%
naman sa sekondarya, at 17 o 56.67% naman ang sumagot ng hindi sa elementarya,
11 o 36.67% naman sa sekondarya.
Ang iba pang mga tanong ukol sa kasanayan sa musika, tulad ng kapamilyaran
sa kasaysayan ng musika, kapamilyaran sa mga terminong pang-musika, kaalaman sa
pagtugtog ng instrumento, at pagkakakilala sa mga sikat na musikero, ay isinali rin sa
talatanungan. Mula sa 60 respondente, 34 ang nagsabi na marunong silang tumugtog
ng instrumento, at karamihan sa mga instrumentong isinagot ay gitara, ngunit may mga
nagsagot na marunong sila ng piano, lyre, drums, at bass guitar. Sa ikatlong tanong sa
talatanungan, “paano ka natutong tumugtog ng ganitong instrumento?” ang kadalasang
isinagot ay natuto sila sa pamamagitan ng self-study at sa pagpapaturo sa mga
marurunong ng mga nasabing instrumento, at hindi aabot ng 5 katao ang sumagot na
natutunan nila ito sa kanilang paaralan.
Elementarya Sekondarya0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%Marunong ka bang magbasa ng nota?
OoHindi
15| Page
Sa kapamilyaran naman sa kasaysayan ng musika, na natural nang itinuturo sa
mga silid-aralan, 40 mula sa 60 respondente ang nagsabing hindi sila gaanong pamilyar
sa kasaysayan ng musika, 7 ang nagsabing pamilyar sila dito, at 13 naman ang
umaming hindi sila pamilyar dito. Sa tseklist naman na naglalayong sukatin ang
kapamilyaran ng mga mag-aaral sa mga terminong pang-musika, gayundin ay
naglalayong malaman ang mga itinuturo sa kanilang klase sa musika, sa 11 na
pagpipilian, nakatutuwang lahat ng nabanggit ay itinuturo sa kanila at pamilyar sila,
tulad na lamang ng mga salitang rhythm, melody, at harmony, ang pambansang awit ng
Pilipinas, mga simpleng kanta para sa mga mag-aaral sa elementarya, mga kompositor,
at mga instrumento, ngunit 24 katao lamang ang nagsabing itinuturo sa kanila kung
paano tumugtog ng mga instrumento. Sa pagkakakilanlan naman ng mga musikero sa
Pilipinas, naglagay ang mga mananaliksik ng iba’t ibang pangalan, mula sa mga sikat
na mang-aawit at kompositor sa kasalukuyang henerasyon, hanggang sa mga
pangalang hinirang na National Artist for Music, at pati na rin ang mga sikat na mang-
aawit mula sa kalapit nating bansa na South Korea, sapagkat napag-alaman ng mga
mananaliksik na maraming kabataan ang nahihilig sa k-pop na nagmumula sa South
Korea. Sa 18 pangalan sa tseklist, ang unang limang nagkamit ng pinakamaraming
marka ay ang mga pangalang Charice (53 katao), Psy (52 katao), Ogie Alcasid (48
katao), 2ne1 (44 katao), at Ely Buendia (40 katao).
Mula sa mga datos na nakalap, masasabing iba-iba ang mga kaalamang
nakukuha ng bawat mag-aaral sa kanilang paaralan. Hindi lahat ng respondente ay
sumagot na may nauunawaan sila sa asignaturang musika, at hindi rin lahat ay
nagsabing marunong sila sa musika. Ang ibang marunong sa musika na nagsagot ng
talatanungan ay inaming natuto sila sa ibang paraan, kasama na ang private lessons, at
hindi dahil itinuturo ito sa kanila sa paaralan. Nakatutuwa nang malaman na mula sa 60
respondente ay may mga marunong magbasa ng nota, nakauunawa ng mga simpleng
termino ng musika, at pamilyar sa kasaysayan nito.
16| Page
Kung titingnan ang 2002 Basic Education Curriculum, rebisyon ng 1983
Elementary School Curriculum, na inihanda ng DepEd, ang asignaturang musika ay
inilagay sa ilalim ng mas malawak na asignatura na kung tawagin ay “Makabayan”.
Kasama sa Makabayan ang mga asignaturang Araling Panlipunan, Edukasyong
Pangtahanan (Home Economics), Edukasyon Panlakas (P.E.), Edukasyong
Pangkalusugan, Musika at Sining, at Edukasyon sa Pagpapahalaga (Values
Education). Ang Musika, kasama ang Sining at Edukasyong Panlakas, ay binibigyan
lamang ng 200 minuto sa isang linggo, o 5 araw, para sa ika-apat hanggang ika-anim
na baitang. Para naman sa una hanggang ikatlong baitang, ang Musika, Sining, at
Edukasyong Panlakas ay isinama sa Sibika at Kultura, kung saan binigyan ang mga ito
ng 300 minuto sa isang lingo.
Kung pagbabasehan ang parehong litrato, ang Musika, Sining, Edukasyong
Panlakas, at Edukasyong Pangkalusugan sa sekondarya, ay binibigyan naman ng 240
minuto sa isang linggo, o 5 araw. Ibig sabihin nito ay makatatanggap lamang ang
Musika ng 60 minuto sa isang linggo, o isang oras lamang sa isang linggo ang klase
dito.
2002_Basic_Education_Curriculum.pdf, nakuha sa eduphil.org
17| Page
Sa isang buong taong-pampaaralan, mayroon lamang sampung buwan mula
Hunyo hanggang Marso, o mahigit-kumulang 200 araw, hindi pa kasama ang mga
buwang may bakasyon, tulad ng semestral break at Christmas break, pati na rin ang
mga suspensiyon ng klase tuwing may kalamidad. Sa 200 araw, 10 buwan, 4 na linggo
sa isang buwan, at 5 araw sa isang linggo, magkakamit lamang ang Musika ng mahigit-
kumulang 40 araw—o oras—sa isang buong taong-pampaaralan. Sapat na nga ba ito?
Sa kurikulum ng musika ng elementarya, itinuturo ang mga paunang kaalaman
ukol sa musika, tulad ng pagbabasa ng nota at iba pang mga simbolong pang-musika,
pag-unawa sa mga elemento ng musika—rhythm, melody, harmony, texture, form,
timbre, at dynamics. Itinuturo din, ayon sa kurikulum, ang pagkanta ng mga simpleng
kanta na ihahain ng guro sa musika. Ang gurong ito ay nararapat na may maiging
kasanayan sa musika—marunong bumasa at sumulat ng musika, marunong tumugtog
ng instrumento, kumakanta ng nasa tono—upang maturuan ang mga mag-aaral sa
elementarya nang mabuti at malinang nang husto ang kanilang talento sa musika.
Upang makita ang bunga ng ganitong kurikulum, nagpasagot ang mga
mananaliksik sa mga mag-aaral ng elementarya, at ayon sa resulta nito, 13 sa 30 mag-
aaral ang marunong bumasa ng nota, 17 ang nakauunawa o pamilyar sa rhythm at
melody, 16 naman sa harmony, at 24 ang nagsabing nakakakanta sila ng mga simpleng
kanta. Masasabing may kababaan ang mga mag-aaral na marunong bumasa ng
musika, ngunit ang mga nakauunawa sa rhythm, melody, harmony, at mga
nakakakanta ng mga simpleng kanta ay lumampas sa kalahati ng mga respondente.
Makikita dito na sa murang edad pa lamang ay lumalabas na ang natural na talento ng
mga batang Pilipino. Ang kailangan na lamang gawin ay linangin ang mga ito sa
pamamagitan ng tamang paraan ng pagtuturo ng gurong may mahusay na karanasan
sa musika, dahil nasa guro ang dahilan kung matututo o hindi ang isang mag-aaral.
18| Page
Sa kurikulum naman ng musika sa sekondarya, inaasahang alam na ng mga
mag-aaral ang mga batayan ng musika, kung kaya’t sinisimulan nang palawigin ang
edukasyon ukol dito. Sa unang taon, mga katutubong kanta at piyesa ang inihahain
upang mahubog ang nasyonalismo sa mga kabataan. Itinuturo sa kanila ang
pagkakabuo ng mga kantang ito, at kung ano ang kanilang ipinapakita ukol sa ating
kultura. Sa ikalawang taon, pag-aaralan ng mga mag-aaral ang musika ng Asya. Sa
ikatlong taon, pag-aaralan ng mga mag-aaral ang musika at sining ng mga panahon ng
Renaissance, Baroque, Classical, Neo-Classical, at Romantic, na nagmula sa
kanlurang bahagi ng daigdig. Sa ika-apat na taon naman, ang musika ng panahon ng
Post-Romantic, 20th century, at 21st century, ang kasalukuyang siglo, ang pagdaraanan
ng mga mag-aaral. Inaasahan na sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa sekondarya,
hindi lamang paunang kaalaman ukol sa musika ang bitbit nila, kung hindi malalim na
pang-unawa at pagtangkilik sa musika, lokal man o dayuhan.
Upang masukat ang tagumpay ng kurikulum na ito, isinama sa talatanungan
kung pamilyar ba ang mga mag-aaral sa kasaysayan ng musika, at nagsama din ng
mga pangalan ng mga mahuhusay na musikero mula sa kanluran sa tseklist na
isinagawa. Sa 30 mag-aaral ng sekondarya na nagsagot ng talatanungan, 22 ang
nagsabing hindi sila gaanong pamilyar sa kasaysayan ng musika, habang 5 ang
nagsabi na pamilyar sila, at 3 ang nagsabing hindi sila pamilyar dito. Sa tseklist naman,
kung saan ihinalo ang pangalan nina Wolfgang Amadeus Mozart at Johann Sebastian
Bach, 10 lamang ang nakakikilala kay Mozart at 4 naman kay Bach. Ang mga National
Artists for Music din na sina Antonio Molina, Levi Celerio, Ernani Cuenco, Lucrecia
Kasilag, at mga prominenteng kompositor na Pilipino na sina Nicanor Abelardo,
Augusto Espino, Ryan Cayabyab, at ang lumikha ng ating pambansang awit, si Julian
Felipe, ay isinama rin sa tseklist, ngunit hindi sila nakapagtamo ng maraming marka. 4
lamang ang nagsabing kilala nila si Antonio Molina, 8 kay Levi Celerio, 2 kay Lucrecia
Kasilag, 9 kay Nicanor Abelardo, at sa kasamaang palad, wala sa mga nagpaunlak ang
nakakikilala kina Augusto Espino at Ernani Cuenco. Ang nagtamo ng pinakamaraming
marka ay si Ryan Cayabyab, na nakakuha ng 21 marka, at sinundan ni Julian Felipe na
may 20 marka.
19| Page
Ipinapakita ng mga datos na ito na makitid ang kaalaman ng mga mag-aaral ng
sekondarya sa musika, kung kailan ay dapat na mas marurunong na sila, gawa ng
komprehensibong kurikulum na inilaan ng DepEd para sa musika. Sa tanong na “ilang
araw sa isang linggo ang klase ninyo sa musika?” 19 sa 30 respondente ang nagsabi
na isang araw lamang sa loob ng isang linggo ang kanilang klase sa musika, 2 ang
nagsabi ng dalawa at tatlong araw, 1 ang nagsabi ng apat na araw, at 5 naman ang
nagsabi na sa buong linggo ay may klase sila sa musika. Isa sa mga salik ng
kakulangan ng kaalaman at kasanayan sa musika ang kakulangan ng oras upang
matutuhan ito, sa kabila ng isang komprehensibong kurikulum na inilaan para dito.
Makikita sa presentasyon na ito na hindi problema ang kurikulum ng musika na
umiiral sa Pilipinas. Ito’y komprehensibo, may pagkakasunud-sunod o hierarchy, at
sapat na upang mabigyan ng malawak na kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa paksa
ng musika. Marahil ang problema ay nasa disenyo ng kabuuang kurikulum. Isinisisi ito
sa overcrowding ng kurikulum dahil sa dami ng mga asignatura sa bawat baitang o
taon, at kung itutugma sa kakayahang matuto ng nasa nasabing baitang o taon, ang
mga asignaturang ito ay masyadong marami, kung kaya ay natatambakan ang mga
guro at mag-aaral ng mga aralin, at ang resulta, hindi natatapos ang lahat ng aralin at
hindi nasusunod ang kurikulum. Makaaapekto ang ganitong sistema sa pag-aaral ng
musika, dahil ang asignaturang ito ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin at
madalas ay isinasantabi upang mabigyang daan ang mga major subjects gaya ng
Agham, Sipnayan, at Ingles. Kung ang mga asignaturang ito ay hindi wastong
matatapos sa loob ng 200 araw ng pag-aaral, lalo nang hindi maisasakatuparan ang
mga nakasulat sa kurikulum ng musika.
Maisisisi rin ang kakulangan sa kaalaman sa musika sa pagpapairal ng
kurikulum. Taun-taon ay maraming seminars ang isinasagawa upang lalo pang
malinang ang kakayahan at kahusayan ng mga guro sa pagtuturo. Ngunit ang dating
national-level na seminars ay pinalitan na ng regional at divisional seminars, kung kaya
ay nahahati ang mga guro pati na ang kanilang kahusayan.
20| Page
Walang pagkakaisa ang paraan ng pagtuturo, kung kaya ay iba ang kalidad ng
edukasyon sa mga probinsya at sa Metro Manila. Nakikita ding problema ang
kakulangan sa pasilidad upang makapagturo ng mahusay. Sa kaso ng asignaturang
Musika, hindi makapagtuturo ang mga guro ng instrumento dahil walang instrumentong
ibinibigay ang paaralan, dahil na rin sa kamahalan ng mga ito. Kung nanaisin ng isang
guro na makapagturo ng gitara ay kailangan niyang magdala ng kanyang sarili, dahil
hindi ito maibibigay ng paaralan dahil hindi ito kasama sa budget at masyadong mahal
ang mga ito. Ito ang dahilan ng pagbabago ng suhestiyon ukol sa kurikulum ng musika
na inilathala ng DECS, ang D.O. Memorandum #72 noong pa lamang 1950, na
naglalayon sana na magkaroon ng kurso para sa pagkatuto ng mga instrumento.
Sa bagong kurikulum na sinimulang pairalin ng DepEd nitong taong pampaaralan
2012-2013, ang “reporma” sa edukasyon na kung tawagin ay K-12, nabago ang mga
paksang itinuturo sa bawat asignatura mula sa kinder hanggang sa ikalabing-dalawang
baiting, ngunit pareho pa rin ang mga asignatura sa kurikulum ng mga mag-aaral.
Inireporma din ang pamamaraan ng pagtuturo ng nasabing kurikulum, at binigyan ng
bagong pagsasanay ang mga guro upang makapagturo nang ayon sa kurikulum ng
programang K-12. Ipinapangako ng K-12 na ang mga mag-aaral na magtatapos sa
ilalim nito ay makapagsisimula nang magtrabaho, gaya ng mga nagtatapos ng senior
high school sa kalapit nating bansa na Japan. Ipinapangako din ng K-12 na
magkakaroon ng specialization pagdating ng ika-11 at ika-12 baitang. Ngunit kung
titingnan ang “repormang kurikulum” ng musika, halos wala naman itong pinagkaiba sa
pinakahuling 2010 NSEC ng DepEd, na syang inabutan ng mga kasalukuyang nasa
unang taon sa kolehiyo.
Ang 2012 NSEC-UbD kurikulum ay isang pagbabago na mula sa 2002 SEC,
ngunit hindi pa rin ito naging sagot upang mas lumawak ang kasanayan ng mga mag-
aaral sa sekondarya ukol sa musika, dahil ito ang kurikulum na umiiral sa kasalukuyan
sa mga nasa ikalawa hanggang ika-apat na baitang—ang mga baitang ng mga mag-
aaral na nagsagot sa talatanungan ng mga mananaliksik. Hindi rin nabago ang bilang
ng minutong inilaan sa asignaturang Musika sa loob ng isang linggo.
21| Page
Hindi nakakita ang mga mananaliksik ng impormasyon ukol sa bilang ng minutong
inilalaan sa musika sa bagong kurikulum na K-12 mula sa mga libro o sa internet, ngunit
ayon sa mga nagsagot ng talatanungan na kasalukuyang nasa ikapitong baitang, isang
beses lamang sa isang linggo, o 60 minuto, ang kanilang klase sa musika—kapareho
ng nasa 2002 SEC at 2010 NSEC. Inaasahan na lamang ng mga mananaliksik na ang
K-12 ay may makabago at mas maigting na pagpapatupad ng kurikulum, at mas
mainam na paraan ng pagtuturo, sa kabila ng kaliitan ng oras na ibinigay sa
asignaturang Musika.
Kurikulum ng musika sa unang taon sa sekondarya, ayon sa 2010 NSEC
22| Page
Sa ikapitong tanong sa talatanungan, “mahalaga ba ang pag-aaral ng musika?”
56 sa 60 respondente ang nagsabi na mahalaga ang pag-aaral ng musika; 4 ang
nagsabi na hindi ito mahalaga. Para sa mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya,
mahalaga ang pag-aaral ng musika. Ayon kay Michael A. Butera, executive director ng
The National Association for Music Education, “music education is the ultimate 21st
century skill. Sa bawat silid-aralan, ginagamit ng mga guro ang musika upang direktang
mapabuti ang kakayahan ng isang mag-aaral sa pagbabasa at mapahusay ang
kakayahan nito sa matematika. Ginagamit ito upang linangin ang kritikal na pag-iisip,
pagkamalikhain, at iba pang ika-21 siglo na kasanayan na pinahahalagahan ngayong
panahon ng mga nagbibigay ng trabaho.
Ginagamit rin ito upang makatulong sa pagpapayabong ng interes at palakasin ang
pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga aralin na itinuturo sa silid-aralan. Ang
23| Page
edukasyon sa musika ang nagdudugtong sa ating mga paaralan. Kinokonekta nito ang
lahat ng asignatura at ito ay isang magandang paraan upang mapahusay ang
kakayahan na mga kabataan ng makabagong panahon.”
Ang huling tanong sa talatanungan, “kuntento ka na ba sa edukasyong iyong
nakukuha sa inyong klase sa musika?” 30 sa 60 respondente ang nagsabi na kuntento
na sila; 15 ang nagsabi na medyo kuntento lamang sila; 15 ang nagsabi na hindi sila
kuntento. Dahil sa hati ang opinyon ng mga respondente ukol sa kanilang
kakuntentuhan sa kanilang klase sa musika, maaaring sabihin na ang kakuntentuhan
ng mag-aaral sa kanyang natututuhan ay nakasalalay sa kanyang interes sa
asignaturang kanyang pinag-aaralan. Kung interesado ang isang mag-aaral na mag-
aral ng musika, marahil ay makukuntento o hindi siya sa edukasyong naibibigay sa
kanya ng kanyang paaralan, depende sa paraan ng pagtuturo ng musika sa nasabing
paaralan. Kung hindi naman siya interesado sa musika at nag-aaral lamang upang
maipasa ang asignatura at makausad sa susunond niyang taon, makukuntento na siya
rito at sasabihing tama na ang kanyang mga natutuhan.
24| Page
KABANATA V – Lagom, Konklusyon, Rekomendasyon
Ang DepEd at NCCA ay nagtulong upang makabuo ng isang komprehensibong
kurikulum sa musika, sining, at edukasyong pampalakas. Mula sa 2002 Basic Education
Curriculum at Secondary Education Curriculum, hanggang sa RBEC o Revised Basic
Education Curriculum, 2010 NSEC o New Secondary Education Curriculum, hanggang
sa pinakabagong K-12 curriculum, nakasama ang musika sa pagbabago-bago ng
kurikulum at implementasyon nito. Ngunit sa kabila noon, hindi gaanong nabago ang
mga paksa sa loob ng kurikulum ng musika, pati na ang pamamaraan ng pagtuturo nito
at ang durasyon ng mga klase nito sa loob ng isang buong taong-pampaaralan. Ang
kurikulum ng musika ay komprehensibo at may hierarchy, sapat na upang matuto nang
husto ang mga mag-aaral ukol sa musika, ngunit may problema sa disenyo ng buong
kurikulum, at may problema din sa pagpapatupad nito. Kalahati rin sa mga respondente
ang nagsabing hindi sila kuntento sa kanilang natututuhan sa kanilang klase sa musika.
Konklusyon: Ang Pilipinas ay may magandang programa ukol sa edukasyon ng
musika, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito napagtutuunan ng pansin, hindi katulad
ng mga asignaturang Aghan at Sipnayan. Hindi sinusukat sa NAT o National
Achievement Test ang kakayahan ng mga mag-aaral sa musika, kung kaya ay hindi
nakikita ng DepEd ang problema dito. Kung magpapatuloy ang ganitong klaseng
sistema ng edukasyon ng musika, maaaring malamon na ng musika at kultura ng mga
dayuhan ang ating mga kabataan, sa kadahilanang nalilingid sa kanilang kaalaman ang
napakagandang kultura ng kanilang Inang Bayan. Maganda man ang ihaing kurikulum
sa mga mag-aaral, balewala din ito kung hindi ito masusunod ng mga paaralan dahil sa
maraming dahilan. Sayang lamang ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng musika kung hindi ito binibigyan ng halaga.
Ang kalagayan ng edukasyon ng musika sa elementarya at sekondarya sa
kasalukuyang panahon ay hindi maganda, at nanganganib na lalo pang bumaba.
25| Page
Rekomendasyon: Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga makababasa
ng papel na ito, at sa mga magsasagawa pa ng mga pananaliksik ukol sa kaugnay na
paksa sa hinaharap, na lawakan ang dami ng mga respondente at hingin ang opinyon
ng bawat isa ukol sa musika. Lawakan rin ang lugar na nasasakop ng pananaliksik, hal.
magdagdag ng mga taga-probinsya. Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa
DepEd na paigtingin ang pagpapatupad ng kurikulum ng musika sa bansa, dahil ang
mga Pilipino ay nahuhuli pagdating sa nasyonalismo sa kasalukuyang panahon.
Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa mga mambabasa na magsaliksik ukol sa
musikang Pilipino, ibahagi ito, at simulang kilalanin ang sariling kultura, upang makita
ng lahat kung gaano ito kaganda.
26| Page
MGA SANGGUNIAN
Aklat
Garcia, C. (2004) Teaching Music Education in the Elementary Grades, p. 253-293, mula sa Teaching the Elementary School Subjects: Content and Strategies in Teaching the Basic Elementary School Subjects. Manila, Philippines: REX Bookstore, Inc.
Yudkin, J. (2008). Understanding Music, p. 4. Upper Saddle River, New Jearsey: Pearson/Prentice Hall
Internet
2002 Basic Education Curriculum. Nakuha noong Pebrero 19, 2013 sa http://images.istellamariz.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/TxPTCwooCJEAAFeHKK81/2002_Basic_Education_Curriculum.pdf?key=istellamariz:journal:7&nmid=513630354
Aróstegui, J.L., Simons, H., Stake, R. (2004) Abstract, Music education for the 21st century: epistemology and ontology as bases for student aesthetic education. Nakuha sa http://epaa.asu.edu/
Borromeo M. Philippine Music Education (2005). Nakuha sa http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?igm=1&i=150
Bureau of Elementary Education, Department of Education. (2012) Basic Education Curriculum. Nakuha noong Pebrero 24, 2013 sa http://www.elementary.ph/sites/default/files/bec-pelc_2010_-_musika.pdf
Butera, M. (2011) Music Education: The Ultimate 21st Century Skill. Nakuha noong Pebrero 24, 2013 sa http://www.christianschoolproducts.com/articles/2011-January/Featured-Articles/Music-Education-The-Ultimate-21st-Century-Skill.htm
Hornilla, V. Music Education in Philippines’ Primary and Secondary Schools. Nakuha noong Pebrero 22, 2013 sa http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?igm=1&i=159
Kahulugan ng “kurikulum”. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://en.wikipedia.org/wiki/Curriculum
27| Page
Kahulugan ng DECS at DepEd. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Department_of_Education
Kahulugan ng elective course. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://en.wikipedia.org/wiki/Course_(education)
Kahulugan ng harmony. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://en.wikipedia.org/wiki/Harmony_(music)
Kahulugan ng K-pop. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://en.wikipedia.org/wiki/KPop
Kahulugan ng melody. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://piano.about.com/od/musicaltermsa1/g/GL_melody.htm
Kahulugan ng quantitative research, descriptive research, at survey. Nakuha noong Enero 23, 2013 sa http://www.researchproposalsforhealthprofessionals.com/quantitative_research_design.htm
Kahulugan ng rhythm. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://www.merriam-webster.com/dictionary/rhythm
Kahulugan ng seminar. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://en.wikipedia.org/wiki/Seminar
Kahulugan ng senior high school. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://www.merriam-webster.com/dictionary/senior+high+school
Kahulugan ng specialization. Nakuha noong Marso 5, 2013 sa http://wordnetweb.princeton.edu/perl/webwn?s=specialization
Mamia, T. Kahulugan ng quantitative research. Nakuha noong Enero 23, 2013 sa http://people.uta.fi/~tm47874/opetus/luennot/lecture1.pdf
Mariñas, B., Ditapat, M.P. Philippines’ Curriculum Development. Nakuha noong Pebrero 22, 2013 sa http://www.ibe.unesco.org/curriculum/Asia%20Networkpdf/ndrepph.pdf
28| Page
APENDIKS
Ipinasagot na Talatanungan
______________________________________________________________________
Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral ng Conservatory of Music sa University of Santo Tomas. Ang maikling talatanungan na ito ay bahagi ng aming pamanahong papel ukol sa kalagayan ng edukasyon ng musika sa kasalukuyan, isang pangangailangan sa aming Filipino II course. Ikinalulugod naming ang iyong tuwirang partisipasyon sa aming maliit na proyekto. Maraming salamat, at mabuhay ang lahing Pilipino!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PANGALAN (opsiyonal): ________________________________ EDAD: ______
BAITANG/TAON: ______PAARALAN: _______________________________ □ PRIVATE
□ PUBLIC
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TUNTUNIN: Basahin nang mainam ang mga katanungan, at lagyan ng marka ang kahon katabi ng iyong sagot. Sagutin ang talatanungang ito nang matapat at ayon sa iyong mga karanasan. Kung maari at kung hinihingi, ilagay kung bakit iyon ang iyong isinagot. Kung may hindi nauunawaan, maaaring magtanong sa nagpapasagot ng survey.
1. Marunong ka bang magbasa ng nota?□ Oo□ Hindi
UNIVERSITY OF SANTO TOMASCONSERVATORY OF MUSICKAGAWARAN NG FILIPINO
x| Page
2. Marunong ka bang tumugtog ng instrumento?□ Oo, marunong akong tumugtog ng ______________□ Hindi
3. Kung oo ang iyong sagot sa tanong #2, paano ka natutong tumugtog ng ganitong instrumento? (Huwag sagutin kung “hindi” ang sagot sa naunang tanong)
_______________________________________________________________________
4. Pamilyar ka ba sa kasaysayan ng musika?□ Oo□ Hindi gaano□ Hindi
5. Ilang araw sa isang linggo ang inyong klase sa musika?
□ Isa
□ Dalawa□ Tatlo
□ Apat□ Lima
6. Mayroon ka bang nauunawaan sa inyong klase sa musika?□ Mayroon□ Mayroon, ngunit kaunti lamang□ Wala
7. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pag-aaral ng musika?□ Oo□ Hindi
8. Nakatutulong ba sa iyong buhay ang musika? Kung oo, ilagay kung paano.
□ Oo, _________________________________________________□ Hindi
9. Mayroon bang mga grupong pang-musika (choir, banda, atbp.) sa inyong paaralan? Kung mayroon, ilagay ang pangalan at klasipikasyon ng grupong/mga grupong ito.
□ Mayroon, _______________________________________________________□ Wala
10. Lagyan ng marka ang kahon ng mga pangalang pamilyar sa iyo o kaya’y kilala mo.
□ Ely Buendia□ Yael Yuzon□ Nicanor Abelardo□ Charice□ Antonio Molina□ Levi Celerio□ Psy□ Julian Felipe□ 2NE1
□ Augusto Espino□ Johann Sebastian Bach□ Ogie Alcasid□ Ryan Cayabyab□ SNSD□ Wolfgang Amadeus Mozart□ Lucrecia Kasilag□ Super Junior□ Ernani Cuenco
11. Lagyan ng marka ang kahon sa tabi ng mga aspeto ng itinuturo o isinasagawa sa inyong klase sa musika (kung hindi maunawaan ang mga ito, maaaring itanong sa nagpapasagot ng survey)
□ Rhythm□ Melody□ Harmony□ Mga simpleng kanta (Twinkle Twinkle Little Star, Bahay Kubo, atbp.)□ Ang pambansang awit ng Pilipinas□ Pagbabasa ng nota, at iba pang mga simbolong pang-musika□ Mga kompositor sa Pilipinas□ Kasaysayan ng musika□ Klasipikasyon ng mga instrumento□ Pagtugtog ng mga simpleng instrumento□ Sabayang pagkanta (chorus classes)
xi| Page
12. Kuntento ka na ba sa edukasyong iyong nakukuha sa inyong klase sa musika? Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga ito bilang mga paunang kaalaman (basic knowledge) ukol sa musika?
□ Oo□ Medyo□ Hindi
-=Maraming salamat sa iyong taos-pusong partisipasyon!=-
xii| Page
xiii| Page
Tally Results
ELEMENTARY HIGH SCHOOLPublic Private Public Private
1. Oo IIII IIII - III IIII - IIII-I IIII-III Hindi IIII - II IIII - IIII III IIII-III2. Oo II IIII-IIII-III IIII - III IIII – IIII - I Hindi IIII - IIII IIII IIII - I IIII4. Oo II IIII I Di Gaano IIII - III IIII - IIII IIII – IIII IIII – IIII - II Hindi IIII IIII - I III5. Isa IIII IIII – IIII – II IIII - I IIII – IIII - III Dalawa III II II Tatlo I I I Apat II I Lima IIII I IIII I6. Mayroon I IIII - III IIII - IIII IIII - III Kaunti lang IIII - IIII IIII - IIII III IIII - II Wala II I I7. Oo IIII – IIII – II IIII – IIII – IIII – I IIII – IIII – IIII IIII – IIII – IIII Hindi II II8. Oo IIII - IIII IIII – IIII – III IIII – IIII – III IIII – IIII – II Hindi III IIII IIII9. Mayroon IIII - II IIII - IIII IIII - IIII IIII - IIII Wala IIII IIII - III IIII IIII - II10. Ely Buendia IIII IIII – IIII – I IIII – IIII - II IIII – IIII - IIIYael Yuzon IIII - I II IIII – IIINicanor Abelardo IIII IIII IIIIICharice IIII - IIII IIII – IIII - IIII IIII – IIII - IIII IIII – IIII - IIIIAntonio Molina I IIII III ILevi Celerio III IIII IIII - I IIPSY IIII – IIII - I IIII – IIII – IIII - I IIII – IIII - III IIII – IIII - IIJulian Felipe IIII IIII - III IIII – IIII - I IIII - IIII2ne1 IIII - I IIII – IIII - IIII IIII – IIII - II IIII – IIII - IAugusto Espino IJ.S. Bach IIII I IIIOgie Alcasid IIII - IIII IIII – IIII - I IIII – IIII - IIII IIII – IIII - IIIIRyan Cayabyab IIII IIII - IIII IIII – IIII - II IIII - IIIISNSD II IIII – IIII - IIII IIII - I IIII - IIW.A. Mozart IIII II IIII - IIILucrecia Kasilag III I ISuper Junior IIII IIII – IIII - IIII IIII - IIII IIII - IIII
xiv| Page
Ernani Cuenco III11. Rhythm IIII – IIII - I IIII – IIII - III II IIII – IIII – IIIIMelody IIII – IIII - II IIII – IIII - II I IIII – IIII – IIII - IHarmony IIII – IIII - I IIII - IIII II IIII – IIII – IIIIMga kanta IIII - IIII IIII - I IIII - IIII IIII – IIII - IIIIPambansang awit IIII – IIII - III IIII - IIII IIII – IIII - I IIII – IIII – IIIINote reading IIII – IIII - II IIII - II IIII - I IIIIMga kompositor IIII - II IIII - IIII III IIII – IKasaysayan IIII – IIII - I IIII - IIII I IIII - IIIIInstrumento IIII – IIII - II IIII - IIII IIII - II IIII – IIII – IIIIPagtugtog IIII - IIII IIII - I I IIII - IIChorus Classes IIII – IIII - I IIII - IIII IIII - I IIII - III12. Oo IIII - IIII IIII - II IIII - II IIII - IIMedyo II IIII III IIIIHindi III IIII II IIII - I
xv| Page