6
Ang Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

Ang Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar...Suliranin sa Panahanan ang pagkawasak na maraming tahanan at pribadong ari-arian sa Maynila at karatig-lugar noong panahon ng

  • Upload
    others

  • View
    1.954

  • Download
    22

Embed Size (px)

Citation preview

  • Ang Mga

    Suliranin at

    Hamon sa Ilalim

    ng Batas Militar

  • Suliranin sa Panahanan ang pagkawasak na maraming tahanan at

    pribadong ari-arian sa Maynila at karatig-lugar

    noong panahon ng digmaan at nagbukas ng

    pagkakataon sa maraming biktima na mag-iskwat.

    Ito ang pagtatayo ng masisilungang tahanan sa

    bakanteng lupa, publiko man o pribado, sa mga

    guhong gusali o opisina, at sa iba pang lugar. Sa

    panahon ni Pangulong Roxas, itinatag niya ang

    Philippine Homesite and Housing Corporation (PHHC)

    upang tumulong sa mga tao na maitayong muli ang

    kanilang mga bahay sa murang halaga.

  • Korupsiyon at Katiwalian

    sa Pamahalaan sa pagsisimula pa lamang ng repbublika, nabalot na ito

    ng isyu ng korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan.

    Noong panahon ni Pangulong Roxas, inakusahan ang

    kaniyang administrasyon ng katiwalian kaugnay ng

    surplus war property, sa Chinese immigration quota, at sa

    school supplies. Maging ang administrasyon ni Pangulong

    Quirino ay nasangkot din sa mga kontrobersiya gaya ng

    Tambobong-Buenavista Scandal, Import Control

    Anomalies, at Textbook Racket.

  • Kahirapan at Utang

    Panlabas

    Mahigit 200 milyong piso ang kakulangan sa

    pambansang badyet sa pagsisimula ng Ikatlong

    Republika. Ang pangungutang sa Estados Unidos ang

    praktikal na solusyon ng pamahalaang Roxas upang

    muling buhayin ang mga pribadong korporasyon. Noong

    Hunyo 1947, umabot sa halos P63 milyon ang

    kabuuang utang ng bansa. Kasama na rito ang mahigit

    P50 milyong halaga ng panagot (bond) na binili ng

    Amerika para sa Pilipinas bago ang panahon ng

    Komonwelt.

  • Krisis Pang-Agraryo

    Bagama’t tila hindi tugma ang laganap na

    kahirapan ng isang bansang may angking yamang

    likas, umiiral ang ganitong sistema sa Pilipinas.

    Malaking bahagdan ng ekonomiya ang nakasandig

    sa agrikultura subalit kinakaharap ng mga

    magsasaka ang isyung agraryo sa mahabang yugto

    ng kasaysayan. Ang karamihan sa mga magsasaka

    ay walang sariling lupa, nagababayad ng mataas

    ng renta sa kanilang taniman ngunit binibili ang

    kanilang ani sa mababang halaga.

  • Insureksiyon at Rebelyon

    sa Pamahalaan Ilan pa sa mga nagpapatuloy na suliranin ng Ikatlong

    Republika ay ang hamon sa seguridad at mga pag-

    aaklas. Naging masugid sa paglaban sa komunismo

    ang administrasyong Magsaysay. Nakibahagi ang

    Pilipinas sa pagtatag ng Southeast Asia Treaty

    Organization (SEATO), isang samahang naglalayong

    mapigil ang paglaganap ng komunismo sa rehiyon.

    Naresolba rin sa panahon ng kaniyang

    panunungkulan ang rebelyon ng mga Huk.