36
Ika-1 Bahagi Ang Iyong Pagdating sa Canada Mga dadalhin, at mga aasahan mula sa mga opisyal ng adwana at pagdayo Ika-2 Bahagi Ang Iyong Bagong Bansa: Canada Ang papel ng Canada sa mundo, ang lupain, kasaysayan, pagdayo, iba't- ibang kultura, opisyal na wika, Gobyerno at Ang Charter of Rights and Freedoms (Ang Karta ng mga Karapatan at Kalayaan) Ika-3 Bahagi Ang Iyong Bagong Tahanan: Ontario Heograpiya, ekonomiya, malalaking lungsod laban sa maliliit na bayan, ang mga komunidad na francophone at klima Ika-4 na Bahagi Mga Programa at Serbisyo para sa Mga Bagong-dayo Mga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, community connections, mga programa sa pag-aaral ng wika at kung saan makahahanap ng impormasyon. Ika-5 Bahagi Pagsisimula sa Ontario Pabahay, pampublikong sakayan, pagmamaneho, pangkalusugang pangangalaga, ServiceOntario, Service Canada, pagbabangko at pananalapi, pamimili, telepono, Internet, koreo at libangan Ika-6 na Bahagi Edukasyon sa Ontario Pangangalaga sa bata, Early Years Centres, edukasyon sa elementarya at sekundaryo, edukasyong postsecondary, kolehiyo, pag-aaral ng wika, patuloy na edukasyon at edukasyon para sa matatanda. Ika-7 Bahagi Pagnenegosyo at Pagtatrabaho sa Ontario Ang labour market, mga dokumentong kailangan sa pagtatrabaho, paghahanap ng trabaho, mga kredensyal sa pag-aaral sa ibang bansa, pinangangasiwaang mga propesyon, pagkakaroon ng karanasan sa trabaho, ang iyong kabayaran at pagsisimula ng negosyo Ang workbook na ito ay dinisenyo bilang karagdagan sa Ang Ontario sa Araw-Araw na video. Sa loob ng librong ito, makikita mo ang mga pangkalahatan at ispesipikong impormasyon na tinipon upang matulun- gan ka, ang bagong-dayo sa Canada, na makagawa ng isang panibagong buhay sa Ontario. Mayroong mga kaalaman, web site, at numero ng telepono, pati na rin mga pagsasanay na nauukol upang matulungan kang magkaroon ng magandang simula. Mangyaring sumangguni sa talaan ng nilalaman sa ibaba upang mahanap ang impormasyong kailangan mo. Hinahangad namin ang isang masaya, malusog at matagump- ay na pamumuhay sa Ontario! 2 5 11 15 19 27 31 Ang Ontario sa Araw-Araw

Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

  • Upload
    ngodien

  • View
    262

  • Download
    13

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ika-1 Bahagi Ang Iyong Pagdating sa Canada Mga dadalhin, at mga aasahan mula sa mga opisyal ng adwana at pagdayo

Ika-2 Bahagi Ang Iyong Bagong Bansa: Canada Ang papel ng Canada sa mundo, ang lupain, kasaysayan, pagdayo, iba't-ibang kultura, opisyal na wika, Gobyerno at Ang Charter of Rights and Freedoms (Ang Karta ng mga Karapatan at Kalayaan)

Ika-3 Bahagi Ang Iyong Bagong Tahanan: Ontario Heograpiya, ekonomiya, malalaking lungsod laban sa maliliit na bayan, ang mga komunidad na francophone at klima

Ika-4 na Bahagi Mga Programa at Serbisyo para sa Mga Bagong-dayo Mga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, community connections, mga programa sa pag-aaral ng wika at kung saan makahahanap ng impormasyon.

Ika-5 Bahagi Pagsisimula sa Ontario Pabahay, pampublikong sakayan, pagmamaneho, pangkalusugang pangangalaga, ServiceOntario, Service Canada, pagbabangko at pananalapi, pamimili, telepono, Internet, koreo at libangan

Ika-6 na Bahagi Edukasyon sa Ontario Pangangalaga sa bata, Early Years Centres, edukasyon sa elementarya at sekundaryo, edukasyong postsecondary, kolehiyo, pag-aaral ng wika, patuloy na edukasyon at edukasyon para sa matatanda.

Ika-7 Bahagi Pagnenegosyo at Pagtatrabaho sa Ontario Ang labour market, mga dokumentong kailangan sa pagtatrabaho, paghahanap ng trabaho, mga kredensyal sa pag-aaral sa ibang bansa, pinangangasiwaang mga propesyon, pagkakaroon ng karanasan sa trabaho, ang iyong kabayaran at pagsisimula ng negosyo

Ang workbook na ito ay dinisenyo bilang karagdagan sa Ang Ontario sa Araw-Araw na video. Sa loob ng librong ito, makikita mo ang mga pangkalahatan at ispesipikong impormasyon na tinipon upang matulun-gan ka, ang bagong-dayo sa Canada, na makagawa ng isang panibagong buhay sa Ontario. Mayroong mga kaalaman, web site, at numero ng telepono, pati na rin mga pagsasanay na nauukol upang matulungan kang magkaroon ng magandang simula. Mangyaring sumangguni sa talaan ng nilalaman sa ibaba upang mahanap ang impormasyong kailangan mo. Hinahangad namin ang isang masaya, malusog at matagump-ay na pamumuhay sa Ontario!

2

5

11

15

19

27

31

Ang Ontario sa Araw-Araw

Page 2: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

BAHAGI

Upang mapadali ang paglipat sa Canada, kakailanganin mong maghanda. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng buod sa kung papaano dapat maghanda para sa iyong pagdating sa Ontario. Para sa detalyadong impormasyon, pakitingnan ang website ng Citizenship and Immigration Canada (CIC) sa www.cic.gc.ca o tawagan ang CIC Call Centre sa libreng toll sa loob ng Canada sa 1-888-242-2100. Kung ikaw ay nasa labas ng Canada, makipag-ugnay sa isang embahada ng Canada, high commission (mataas na komisyon) o konsulado sa iyong inang-bansa.

BAGO KA DUMATING

Habang ikaw ay naghahandang umalis papuntang Ontario, repasuin ang Ang Ontario sa Araw-Araw na video at ang workbook na ito upang matuto sa buhay sa Ontario. Tutulungan ka ng mga impormasyong ito, na maunawaan ang maaari mong asahan pagdating mo. Kung ikaw ay may access sa Internet, magsaliksik sa mga website na ibinigay sa workbook na ito upang makahanap ng makabuluhang impormasyon at matuto ukol sa mga serbisyo para sa mga bagong-dayo.

Ang pinakamahalaga ay ang tipunin ang lahat ng dokumentong kakailanganin mo upang makapasok, makapanirahan, magtrabaho at mag-aral sa Ontario. Isang listahan ng mga dokumentong dapat mong dalhin ay ipinakikita sa susunod na pahina. Kung maaari, ipasalin ang mga dokumentong ito sa Ingles o French. Mas madali itong maiintindihan ng mga opisyal ng Canada.

1

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghahanda sa iyong pagdating, sumangguni sa Newcomer’s Introduction to Canada sa www.cic.gc.ca/english/pdf/pub/newcomer.pdf o www.cic.gc.ca/english/resources/publications/guide/index.asp

Ang Iyong Pagdating sa Canada

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20102

Page 3: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

MGA DOKUMENTONG DADALHIN

Ikaw ay dapat magharap ng mga sumusunod na mahalagang dokumento upang makapasok sa Canada:

• Canadian Immigrant Visa and Confirmation of Permanent Residence (Kompirmasyon ng Permanenteng Paninirahan) para sa bawat miyembro ng pamilyang kasama mo

• Ligal na pasaporte o ibang dokumento sa pagbibiyahe para sa bawat miyembro ng pamilyang kasama mo• Dalawang kopya ng isang detalyadong listahan ng lahat ng pansarili o pambahay na kagamitang dala mo• Dalawang kopya ng isang listahan ng mga gamit na darating sa ibang petsa• Patotoo na may sapat kang pera upang matustusan ang mga gastusin sa paninirahan sa loob ng anim na buwan

Depende sa iyong sitwasyon, dapat mo ring dalhin ang sumusunod na mahahalagang dokumento:

• Sertipiko ng kapanganakan, binyag at/o kasal • Mga papeles sa pagkakaampon, paghihiwalay o diborsyo• Mga tala sa paaralan, salin (transcript), diploma at/o digri• Mga pang-kalakal o propesyonal na sertipiko at lisensya• Mga sulat ng rekomendasyon mula sa mga dating nagpapatrabaho• Résumé (listahan ng iyong mga edukasyonal at propesyonal na kwalipikasyon at karansan sa trabaho)• Mga tala sa pagbabakuna (immunization, vaccination), dental, at iba pang

pangkalusugang tala para sa bawat miyembro ng pamilya• Lisensya sa pagmamaneho kabilang ang International Driver’s Permit• Mga photocopy ng lahat ng kinakailangan at mahahalagang dokumento • Mga dokumento sa pagpaparehistro ng kotse (kung ikaw ay mag-aangkat ng de-motor na sasakyan sa Canada)

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20103

Ang pangkaraniwang panahon ng paghihintay upang makatanggap ng medikal na saklaw sa Ontario ay tatlong buwan mula sa petsa ng iyong pagdating. Dapat mong isaalang-alang ang pagbili ng pribadong seguro sa kalusugan hanggang ikaw ay may karapatan na sa medikal na saklaw.

ALA

M M

O B

A?

Bago ka dumating sa Canada maaari kang pasagutan ng Customs Declaration Card (Kard sa Pagpapahayag ng Adwana). Dapat mong kumpletuhin ang card na ito bago ka makipagtagpo sa mga opisyal ng adwana at pagdayo. Pagdating mo sa Canada, ikaw ay kakausapin ng isang Opisyal ng Adwana ng Canada Border Services Agency. Kakailanganin mong ipakita sa opisyal ang iyong immigrant visa (pandayuhang visa) at listahan ng lahat ng mga pambahay at pansariling kagamitan na ipapasok mo sa Canada. Pagkatapos, irerekomenda ka ng Opisyal ng Adwana sa isang Opisyal ng Pagdayo.

Susuriin ng Opisyal ng Adwana ang iyong mga dokumentong pambiyahe at tatanungin ka upang berepikahin na maganda ang iyong pag-uugali at wasto ang kalusugan. Maaari ring ipapakita sa iyo ang patotoo ng iyong pondo. Kapag walang mga di pagkakaintindihan, bibigyang-awtorisasyon ng Opisyal ng Pagdayo ang iyong pagpasok sa Canada bilang permanenteng residente. Kapag ikaw ay dumating sa Toronto, Montreal o Vancouver, makakakita ka ng mga serbisyo sa pagtanggap ng dayuhan sa may airport.

Para sa impormasyon tungkol sa maaari at di mo maaaring dalhin sa Canada, anu-anong mga gamit ang idedeklara, anu-anong mga dokumento sa kalusugan ang kinakailangan, at iba pang mga kaugnay na isyu, makipag-ugnay sa Canada Border Services Agency (CBSA) o Citizenship and Immigration Canada (CIC) sa pamamagitan ng:

•Pagbisitasamgawebsitenaito:www.cbsa-asfc.gc.ca o www.cic.gc.ca •PagtawagsaCBSAsalibrengtollmulasaCanadasa1-800-461-9999 •PagtawagsaCBSAmulasalabasngCanadasa204-983-3500 o 506-636-5064 (ang singil sa long distance ay

ipapataw)

ADWANA (CUSTOMS) AT PAGDAYO

Page 4: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

MGA MAKABULUHANG SUHESTYON

Isaalang-alang ang mga tip na ito habang pinaghahandaan mo ang iyong pagdating sa Ontario:

Ang dapat mong GAWIN:

• Dagdagan ang photocopy ng lahat ng kinakailangan at mahahalagang dokumento

• Itago ang mga kopya ng dokumento sa ibang lugar kaysa sa mga orihinal

• Kung maaari, ipasalin ang lahat ng iyong mga dokumento sa Ingles o French bago ka dumating

• Bumili ng saklaw ng pribadong seguro sa kalusugan sa panahon ng iyong pagbiyahe at sa unang ilang buwan

• Magdala ng reserbang gamot upang may gamitin habang naghahanap ng pampamilyang doktor

• Siguraduhing alam mo ang maaari at di mo maaaring dalhin sa Canada• Magsaliksik ukol sa klima ng Ontario, mga lungsod, labour market, mga

batas at iba pang mahahalagang paksa • Makipag-ugnay sa isang ahensyang naninilbihan sa dayuhan sa iyong

lugar pagdating mo

Ang HINDI MO DAPAT GAWIN:

• Huwag i-impake ang iyong mga dokumento sa maleta• Huwag magbigay ng di totoong impormasyon o mapanlokong

dokumentasyon, o magkubli ng impormasyon

Gumawa ng Listahan ng Dapat Gawin

Maglista ng mga dapat gawin bago dumating sa Ontario. Isulat ang bawat gawain at lagyan ng tsek ang kahon kapag ito'y nagawa na. Tutulungan ka nitong makapaghanda sa iyong pagdating.

Ang Mga Dapat Kong Gawin

PAG

SA

SA

NAY

Mga Makabuluhang Website

• Citizenship and Immigration Canada: www.cic.gc.ca• Ontario Immigration: www.ontarioimmigration.ca • Canada Border Services Agency: www.cbsa.gc.ca • Going to Canada: www.goingtocanada.gc.ca • Planning to Work in Canada (Nagpaplanong Magtrabaho sa Canada)? Isang napakahalagang workbook para sa mga

bagong-dayo: www.credentials.gc.ca/immigrants/workbook/workbook.pdf• Welcome to Canada (Maligayang Pagdating sa Canada) – What You Should Know (Ang Dapat Mong Malaman):

www.cic.gc.ca/english/resources/publications/welcome/index.asp

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20104

Page 5: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

BAHAGI

Maligayang Pagdating sa Canada, isang malawak at makulay na lupain. Sinasakop ng Canada ang malaking bahagi ng hilagang North America, na umaabot mula sa Atlantic Ocean sa silangan hanggang sa Pacific Ocean sa kanluran, at pa-hilaga sa Arctic Ocean. Ang Canada ang ikalawang pinakamalaking bansa sa buong mundo.

Ang Canada ay binubuo ng matataas at matutulis na bundok sa kanluran, mga patag damuhang-pastulan sa lawak ng kaparangan, mabababa at mayeyelong bundok hanggang sa gitna at silangang bahagi ng bansa, at matatabang kapatagan sa Southern Ontario at Quebec.

Malaki ang kaibhan ng klima ng Canada, mula katamtaman sa timugan at sa bahagi ng baybaying-dagat hanggang subartiko at artiko sa hilaga. Ang mga temperatura sa maraming rehiyon tuwing taglamig ay maaaring umabot sa -35°C—o mas malamig pa—habang ang mga temperatura tuwing tag-init sa ilang lugar ay maaaring lumampas sa 30°C.

2

Ang Iyong Bagong Bansa: Canada

Ang Canada ay binubuo ng limang probinsya, mula sa apat na probinsayang-Atlantiko sa silangan tungo sa mga pangunahing probinsya ng Quebec at Ontario, at sa kanluran patungo sa tatlong probinsya ng Prairie at panghuli sa British Columbi sa Pacific Coast. Mayroon ding tatlong Northern Territories, na sumasakop sa isang malawak na lugar ngunit kaunti ang populasyon.

Humigit-kumulang sa 90% ng populasyon ng Canada ang mula sa loob ng 250 km ng hangganan ng Estados Unidos. Mga 80% ng populasyon ng Canada ang naninirahan sa mga lungsod, at ang iba ang naninirahan sa maliliit na bayan, baryo at mga liblib na lugar o probinsya.

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20105

ANG IYONG BAGONG BANSA

Page 6: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Magbigay ng tatlong probinsya at estado na pumapaligid sa Ontario:

PAG

SA

SA

NAY

• 5,400 kilometro silangan tungong kanluran, na may anim na sona ng oras

• 4,600 kilometro hilaga tungong timog

• 9,984,670 kilometro kwadrado• 33,850,000 mga tao (pagtatantiya sa 2010)

CANADA: LAKI, SUKAT AT POPULASYON

Ang Canada ay binubuo ng nasa 6.7% ng lupain ng mundo ngunit tinataglay pa rin ang:

• 20 pursiyento ng natitirang ilang ng mundo• 25 pursiyento ng mga latian ng mundo• 10 pursiyento ng mga kagubatan ng mundoA

LAM

MO

BA

?

Ang Canada ay hindi isang bansang nananalakay, ngunit ito ay nakapagdigmaan na nang buong tapang sa dalawang Digmaang Pandaigdig, pati na rin sa ibang mga internasyonal na labanan. Marahil ang Canada ay pinakakilala dahil sa pagkakasangkot nito sa pananatili ng kapayapaan. Ito ay nanguna o nakilahok sa higit sa 50 misyon na kahalintulad nito, simula 1945. Ang Canada ay gumanap ng pangunahing papel sa pagbubuo ng United Nations.

Ang mga siyentipiko ng Canada ay nakapagdulot ng mahahalagang tuklas—halimbawa, insulin—para sa kalusugan ng mundo. Nagawa ng mga imbentor ng

Canada ang telepono, ang bateryang alkaline, ang Blackberry, ang trak ng basura, ang elektronikong wheelchair, ang Canadarm—na kilala rin bilang ang Space Arm—at basketbol.

Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada... pati na rin mga atleta, mamamahayag, siyentipiko at diplomatiko. Ang Canada ay nanalo na ng mga Nobel Prize sa kimika, pisika, medisina, ekonomya, literatura at kapayapaan.

ANG PAPEL NG CANADA SA MUNDO

Ito ay kaunting patikim sa mga kilalang mga awtor, artista, at tagapagtanghal:

• Gilles Vigneault (mang-aawit)• Margaret Atwood (awtor)• Deepa Mehta (gumagawa ng pelikula)• William Shatner (aktor)• Neil Young (mang-aawit)• Jim Carrey (komedyanteng aktor)• Sandra Oh (aktres)• Leonard Cohen (poeta, mang-aawit)• Yann Martel (awtor)

• Mike Myers (komedyanteng aktor)• Roch Voisine (mang-aawit)• Margot Kidder (aktres)• Dan Ackroyd (komedyanteng aktor)• Bryan Adams (mang-aawit)• Celine Dion (mang-aawit)• Keanu Reeves (aktor)

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20106

Page 7: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang Canada ay natirhan, sa loob ng libu-libong taon, ng iba't-ibang pangkat ng mga katutubo—halimbawa ang Haida ng Pacific Coast, ang Blackfoot, Ojibwa at iba pang mga katutubong bansa ng kapatagan, ang Inuit ng malayong hilaga, ang Cree ng subartiko, at ang Algonquin, Iroquois, Mi'kmaq at iba pang mga bansa sa silangan.

Simula noong huling bahagi ng ika-15 siglo, ginalugad ng mga ekspedisyon ng mga taga-Britanya at pagtagal-tagal naman ng mga taga-Pransya, ang silangan at hilagang baybain ng Canada. Ang mga permanenteng tirahan ng mga taga-Pransya ay nalikha noong unang bahagi ng 1600, na ngayo'y tirahan na tinatawag na St. Lawrence River Valley at malalaking bahagi ng Nova Scotia, Prince Edward Island at New Brunswick.

Ang kolonyang ito—na kilala bilang New France—ay mabagal na lumaki, na ang kabuhayan ay nanggaling sa pangigisda ng bakalaw, pangangalakal ng balahibo o fur, at pagsasaka. Pagdating ng 1759, mayroon ng mahigit-kumulang 65,000 kolonista sa New France. Sa katagalan ng ika-17 at ika-18 siglo, ang Britanya at Pransya ay madalas naggiyegiyerahan. Pagkatapos ng Seven Years' War (1754-1763), isinuko ng Pransya ang halos lahat ng mga kolonya nito sa North America, sa Gran Britanya.

Sa loob ng susunod na isang daang taon, maraming mga naninirahan na marunong magsasalita ng Ingles

ang lumipat sa Canada. Noong ika-1 ng Hulyo 1867, tatlo sa mga North American na kolonya ng Britanya ay nagsama-sama at pinamahalaan ang kanilang teritoryo na binubuo ng apat na probinsya—Ontario, Quebec, New Brunswick at Nova Scotia. Ang araw ng Confederation (Konpederasyon)—ika-1 ng Hulyo—ay ipinagdiriwang sa ngayon bilang 'Canada Day (Araw ng Canada).

Sa loob ng susunod na apat na dekada, lima pang probinsya—Manitoba, Prince Edward Island, British Columbia, Alberta at Saskatchewan—ang sumali sa pederasyon ng Canada, at ang ikasampung probinsya—ang Newfoundland at Labrado—ay sumali noong 1949.

Pinanatili ng Canada ang kaugnayan nito sa korona ng Britanya matapos ang Confederation. Noong ika-20 siglo, nakamit ng Canada ang kalayaan sa lehislatura mula sa United Kingdom (1931), at nakuhang muli ang kanilang konstitusyon (1982).

KASAYSAYAN

• Ang antas ng pagkakaanak sa Canada ay napakababa – pang-192 sa 224 na mga bansa

• Ang tinatagal ng buhay ng isang batang pinanganganak sa Canada ay 81.23 taon; na minamarkahan bilang ika-3 sa mundo kung ihahambing sa mga bansa na sa pinakamaliit ay may 5 milyon tao.

ALA

M M

O B

A?

Ang Canada ay isang lupain ng mga dayuhan. Maraming mga antropolohista, arkeologo, at iba pang mga siyentipiko ang naniniwala na ang katutubong mamamayan ng Canada ay dumayo mula sa Asya simula mahigit 13,000 taon na ang nakakaraan at, sa kaso naman ng ilang mga mamamayang Inuit ng hilagang Canada, sa pagitan ng mga taong 400 at 1200 CE.

Nagkaroon ng ilang pagdagsa ng mga dayuhan sa Canada noong makabagong panahon. Ang pinakamaaga ay nangyari lampas dalawang siglo na ang nakakaraan mula sa unang bahagi ng 1600 na may kasamang mabagal ngunit tuluy-tuloy na paninirahan ng mga taga-Pransya, sa Quebec at Acadia. Ang mas maliit na bilang ng mga opisyal ng militar ng Britanya at ng kani-kanilang mga pamilya ay dumating din noong mga panahon ng 1600 at 1700.

ISANG LUPAIN NG MGA DAYUHAN

Aling dalawang bansa ang nag-angkin sa Canada bilang isang kolonya?

Sa anong petsa nagkaisa ang tatlo sa mga North American na kolonya ng Britanya upang likhain ang Canada?

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20107

Page 8: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

PAG

SA

SA

NAY 1775 – 1899

Sa bawat panahon na ipinakikita sa iba, pangalanan ang mga bansang pinagmulan ng tatlong malalaking pangkat ng mga dayuhan sa Canada.

1900 – 1960

Ang mga unang nanirahan ay sunod na nadagdagan ng mga libu-libong Amerikanong tapat sa Britanya noong panahon ng American Revolutionary War (1775-1783). Karamihan sa mga Loyalista ng Britanya ay nanirahan sa kinikilala ngayong Southern Ontario, ang Eastern Townships ng Quebec, New Brunswick at Nova Scotia.

Libu-libo pang mga taga-Inglater, taga-Scotland at taga-Ireland ang dumating noong mga 1800. Ang mga dayuhang ito ay naanyayahang manirahan sa Canada pagkatapos ng War of 1812 ng mga kolonyal na gobernador ng Canada, na nabahala isa pang tangka ng panlulusob mula sa mga Amerikano. Ang pagdayo ng mga taga-Ireland sa Canada ay lubhang tumaas noong panahon ng Potato Famine (Taggutom sa Patatas) noong 1846 hanggang 1849.

Isa pang bugso ng pagdayo ay karamihang nagmula sa kontinental na Europa—mga taga-Ukraine, at iba pa— na dumagsa bago ang Unang Digmaang Pandaigdig, sa pagitan ng 1910 at 1913 (nang may higit sa 400,000 noong 1913 lamang). Ang mga taga-Ukraine na taga-Canada ay ang nakalista bilang pinakamalaking populasyon ng mga taga-Ukraine sa labas ng Ukraine at Russia.

Ngunit may isa pang bugso na dumating mula sa Europa sa bandang huling bahagi ng ika-20 siglo—ngayon, karamihan ay mga Aleman, Italyano, Portuges, taga-Poland at taga-Olandes, ang pinakamarami ay noong 1957 (282,000), na dumagdag sa pagkakaroon ng bansang Canada ng iba't-ibang kultura na may maraming dayuhan na ang katutubong wika ay hindi Ingles ni French.

Kabilang sa kasalukuyang bugso ng pagdayo ay mas marami mula sa South at East Asia, pati na rin ang mga bagong-dayo na mula sa Middle East, Africa at ang Carribean. Sa ngayon, ang Canada ay isa sa may pinakamatataas na per capita na antas ng pagdayo sa buong mundo. Kasindami ng 275,000 mga bagong dayuhan ang dumarating sa Canada taun-taon.

Dahil sa kasaysayan nito sa pagdayo, ang mga mamamayan at kultura ng Canada ay maliwanag namang magkakaiba. Upang mapalaganap ng pagkakaisa sa 'cultural mosaic’ (kultural na mosayke), pinananatili ng Canada ang matatag na mga kaugalian ng pagkakapantay-pantay, pagkakaiba, at paggalang sa lahat ng mga indibidwal sa lipunan. Ang mga kaugaliang ito ay nakikita sa patakaran ng Canada ukol sa iba't-ibang kultura.

Ang pagkakaroon ng iba't-ibang kultura ay nangangahulugan na pinaghahati-hatian ng mga kulturang Ingles, French, at ng Katutubo ang pagiging kilala nito kasama ang mga mga kultura ng Asya, Africa, ang Middle East, Europa, Latin America at ng Caribbean. Pinatototohanan nito ang kaugalian at dignidad ng lahat ng mga taga-Canada, sa kabila ng mga pinagmulang lahi o lipi nito, ang kani-kanilang mga wika o relihiyong kinasasapian. Pinapalaganap nito ang pagkakaisa sa pagitan ng lahi at lipi, inaanyayahan ang pagkakaintindihan sa pagitan ng iba't-ibang kultura, pinasusubalian ang pagkapoot, diskriminasyon at karahasan.

Ang ilang mga tao ay nagpupunta sa Canada nang may kasaysayan ng pagkapoot o pagkawalang-tiwala tungo sa isang partikular na liping-pangkat. Ang pagpapalaganap ng pagkapoot ay hindi pinapayagan sa Canada. Ikaw ay may karapatang mapanatili ang iyong pinagmulang-lipi sa Canada. Dapat mo ring igalang ang karapatan ng iba na gawin ito.

Tandaan na pinangangalagaan ng Charter of Rights and Freedoms ng Canada ang kalayaan ng relihiyosong pagpapahayag. Umiiral ang halos lahat ng pananampalataya sa Canada; ipinakikita ng karapatang magkaroon ng anumang relihiyosong paniniwala na ikaw, bilang isang permanenteng residente o mamamayan ng Canada, ay dapat maging mapagpasensya sa mga paniniwala ng iba.

IBA'T-IBANG KULTURA

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20108

Page 9: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Bagaman ang Katolika Romana, Protestante, at iba pang mga Kristiyano ang bumubuo sa pinakamalalaking relihiyosong pangkat sa Canada—nasa 23 milyong tao sa kabuuan—ang Canada ay tahanan din ng higit sa 700,000 mga Muslim, mga 400,000 mga Budhista, higit sa 300,000 mga Hudyo, Hindu at Sikh, at higit sa 5.5 milyong natukoy bilang 'hindi relihiyoso'.

ALA

M M

O B

A?

Ang dalawang opisyal na wika ng Canada ay ang Ingles at French. Ang Ingles at French ay ang katutubong wika ng nasa 58% at 22% ng populasyon, alinsunod sa pagkakasunod, at sinasalita sa tahanan ng 71% at 23% ng populasyon, alinsunod sa pagkakasunod.

Halos lahat ng mga taga-Canada ay marunong magsalita ng Ingles o French at nasa 18% ang marunong magsalita ng dalawang wika.

Ang Ingles at French ay may pantay na kalagayan sa mga korteng-pederal, Parlamento, at sa lahat ng mga institusyong-pederal. Ang mga mamamayan ay may karapatan, kung saan sapat ang pangangailangan, na makatanggap ng mga serbisyong-pederal ng gobyerno sa Ingles man o sa French, at ang mga minoryang may opisyal na wika ay ginagarantiyahan ng kanilang pansariling mga paaralan sa lahat ng mga probinsya at teritoryo.

Bagaman 85% ng mga taga-Canada na nagsasalita ng French ay nakatira sa Quebec, may malaki-laki ring mga Francophone na populasyon sa ibang mga probinsya—partikular na sa hilaga at silangang Ontario, New Brunswick, at sa ilang bahagi ng Manitoba, Saskatchewan at Alberta.

Ang pagsasalita ng Ingles o French ay napakahalaga sa pagsisimula ng buhay sa Canada. Ang matuto ng isa sa mga wikang ito ay makatutulong sa iyo na: • Makahanap at makatagal sa trabaho • Maging mamamayan ng Canada • Aktibong makilahok sa iyong bagong komunidad • Makipag-usap sa iyong mga anak sa wikang kanilang pinag-aaralan sa paaralan

MGA OPISYAL NA WIKA

Ang Charter of Rights and Freedoms ng Canada— "Ang Charter (Ang Karta)"—ay isang panukalang-batas ng mga karapatang nakasaad sa Constitution (Konstitusyon) ng Canada. Dapat sumunod ang pederal na gobyerno, ang mga probinsyal at teritoryal na gobyerno at ang lahat mga mamamayan ng Canada at mga residente, sa mga tuntunin nito. Kabilang sa mga karapatan at kalayaan na pinangangalagaan sa Charter ay ang:

Fundamental freedoms (Saligang mga kalayaan), na pinangangalanan bilang kalayaan ng konsiyensya, relihiyon, pag-iisip, paniniwala, at pagpapahayag, kalayaan ng mamamahayag at ng iba pang kasangkapan sa komunikasyon, kalayaan sa mapayapang pagtitipon, at kalayaan sa pag-anib;

Equality rights (Mga karapatang-pantay-pantay), na nangangahulugang pantay-pantay na pagtrato alinsunod

sa batas, at pantay-pantay na proteksyon at pagtatanggol ng batas nang walang diskriminasyon;

Democratic rights (Mga karapatang-demokratiko) (para sa mga mamamayan), pinakamahalaga na ang karapatang makilahok sa mga politikal na aktibidad at ang karapatan sa isang demokratikong uri ng gobyerno, partikular na ang karapatang bumoto at maglingkod bilang miyembro ng lehislatura; at

Legal rights (Mga karapatang-ligal) kapag nakikisalamuha sa sistema ng hustisya at pagpapatupad ng batas, kabilang ang karapatan sa kalayaan mula sa di makatarungang pagsisiyasat at pagsamsam, kalayaan mula sa di makatuwirang pag-aresto at pagkakulong, ang karapatan na ituring na walang-sala hanggang mapatunayang may-sala, at ang karapatang hindi mapasailalim sa malupit at di karaniwang pagpaparusa.

CHARTER OF RIGHTS AND FREEDOMS (KARTA NG MGA KARAPATAN AT KALAYAAN)

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 20109

Page 10: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Sa bawat antas—munisipal, probinsyal o pederal—ang mga namumuno sa gobyerno ng Canada ay hinahalal. Ang bawat mamamayan na 18 taong gulang pataas ay may karapatang bumoto sa Canada.

Ang Canada ay isang parliamentary democracy (parlamentaryo-demokratiko) at isang constitutional monarchy (konstitusyonal na monarkiya), kung saan ang monarkang taga-Canada (Reyna o Hari) ay ang namumuno sa estado.

Ang Governor-General (Gobernador-Heneral), na itinalaga para sa isang limang-taong termino alinsunod sa rekomendasyon ng Prime Minister (Punong Ministro), ay ang kinatawan ng monarka sa Canada.

Ang pambansang Parlamento ng Canada sa Ottawa ay binubuo ng House of Commons (Kapulungang Pambayan) kasama ang mga hinalal na miyembro na maglilingkod ng hanggang limang taon, at ang Senado kasama ang mga miyembro na maglilingkod hanggang edad 75. Ang mga Senador ay itinalaga ng Governer-General batay sa pagpapayo ng Prime Minister.

Ang politikal na lider ng bansa ay ang Prime Minister, na karaniwang namumuno sa partidong politikal na nakapaghalal ng pinakamaraming bilang ng mga kinatawan

sa House of Commons sa Ottawa. Nililikha at pinapasa bilang batas ng pambansang gobyerno, ang lahat ng lehislasyon tungkol sa mga pambansang patakaran at mga kapakanang panlabas.

Katulad dito, sa Ontario, tayo ay naghahalal ng Premier bilang politikal na lider ng Probinsya. Siya ay karaniwang mamumuno sa partidong politikal ng probinsya kasama ang mga nahalal na kinatawan sa probinsyal na lehislatura sa Toronto, na kilala bilang Queen's Park. Ang probinsyal na gobyernong ito ay gumagawa at nagpapasa ng mga batas na makaaapekto sa mga mamamayan ng Ontario.

Ang Prime Minister, mga Premier ng probinsya at ang bawat-isa sa mga nahalal na lider ng teritoryo ay kani-kaniyang magbubuo ng grupo ng mga Ministro na tinatawag na Cabinet (Gabinete) na siyang mananagot sa mga ispesipikong aspeto ng gobyerno, halimbawa, Pananalapi, Kapakanang Panlabas, Internasyonal na Kalakalan, Kalusugan o Edukasyon.

Ang bawat kagawaran ng gobyerno o Ministeryo— Pederal, Probinsyal o Munisipal—ay nagpapanatili ng mga permanenteng empleyado na nagpapatupad sa mga patakaran, nangangasiwa sa mga programa at nagsasagawa ng mga serbisyong napagtibay na ng mga nahalal na mambabatas o konsehal.

PAANO ANG KALAKARAN NG GOBYERNO SA CANADA

PAG

SA

SA

NAY

Gamit ang iba't-ibang mapagkukunan ng impormasyon—Internet, diyaryo o magasin, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino ang kasalukuyang pangulo ng estado ng Canada?

2. Sino ang kaniyang kinatawan sa Canada?

3. Sino ang kasalukuyang punong-ministro (prime minister) ng Canada?

4. Anong partidong politikal ang kaniyang pinangungunahan?

5. Sino ang kasalukuyang premier (premiyer) ng Ontario?

6. Anong partidong politikal ang kaniyang pinangungunahan?

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Discover Canada (Tuklasin ang Canada), isang gabay sa pag-aaral na mahahanap online, sa pamamagitan ng pag-download o nakalimbag mula sa Citizenship and Immigration Canada: http://www.cic.gc.ca/english/resources/publications/discover/index.asp

• Pagpunta sa Canada www.goingtocanada.gc.ca

• Tungkol sa Canada http://canada.gc.ca/acanada/vwctgry.htm o

www.cic.gc.ca/english/resources/publications/guide/index.asp

Mga Makabuluhang Website

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201010

Page 11: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

BAHAGI

Higit sa 125,000 dayuhan—kung saan ang kalahati sa nagpupunta sa Canada bawat taon—ang nagpapasiyang mamalagi sa Ontario. At hindi nakakagulat malaman na iba-iba rin ang kultura sa Ontario, lalo na sa mas malalaking lungsod nito. Ang Toronto lamang ay tahanan na ng higit sa 90 iba-ibang liping—pangkat. Ang bahaging ito ay magbibigay ng maikling buod ng Ontario – ang iyong bagong tahanan.

3

Ang Iyong Bagong Tahanan: Ontario

Ang Ontario ay ang ikalawang pinakamalaking probinsya sa Canada—halos 1.1 milyong kilometro kwadrado—na mas malaki sa pinagsamang United Kingdom, Pransya, Belgium at Olandes. Sa loob ng heograpiyang iyon ay napakalalaking mga kagubatan sa hilaga at higit sa 250,000 mga lanaw. Higit sa 65% ng Ontario ay napalilibutan ng kagubatan at ang isa pang 15%, sa tubig. Kabilang sa iba't-ibang landscape ay ang

malalawak, mababato at ang mayaman sa mineral na Canadian Shield (Tabing ng Canada), na naghihiwalay sa matabang lupa sa timog, sa subartikong kapatagan ng hilaga.

Na may populasyong higit sa 13 milyon, ang Ontario ang pinakapopuladong probinsya sa Canada—higit sa 38% ng mga taga-Canada ang nakatira sa Ontario.

ANG HEOGRAPIYA NG ONTARIO

Hanapin ang iyong bagong tahanan sa mapa ng Ontario.Maghanap ng isang mapa ng Ontario at hanapin ang iyong bagong lungsod, bayan o rehiyon sa mapa.

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201011

Page 12: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Higit sa pitong milyong mga taga-Ontario ang naninirahan sa tinatawag na Golden Horseshoe (Gintong Bakal ng Kabayo), isang lugar sa paligid ng kanlurang bahagi ng Lake Ontario mula Oshawa hanggang Hamilton at pagkatapos sa silangan patungong St. Catharines at sa rehiyon ng Niagara. Ang Toronto ay ang pinakamalaking lungsod sa Golden Horseshoe—kabilang ang mga karatig-lungsod ng Mississauga, Brampton, Markham at iba pa, higit sa 5.5 million people—at ito ang pinakamalaki sa buong Canada. Ito rin ang pinakamalawak kung pagbabatayan ay ang mga oportunidad sa trabaho. Ito ay pinaglulunanan din ng malalaking institusyong-pinansyal at punong-opisina ng mga korporasyon, upang mapaglingkuran ang mga organisasyon at mga kompanya sa komunikasyon, pati na rin ang malalaking mga institusyon sa pangkalusugang pangangalaga, mga kompanya sa media at mga institusyon sa pagsasaliksik.

Sa kabila ng Lake Ontario mula Toronto matutuklasan natin ang St. Catharines, ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Niagara, tahanan ng paggawa ng alak, turismo, negosyo sa agrikultura, mga kompanya sa serbisyong-pinansyal at paggawa.

Sa paligid ng kanlurang dulo ng Lake Ontario ay ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng Ontario, ang Hamilton, na kilala dahil sa industriya nito ng bakal at iba pang paggawa, na mas nakikilala dahil sa konstruksyon, pagkain at inumin, mga kompanya sa transportasyon at pamamahala ng basura, at dahil sa mga institusyon nito sa edukasyon.

Di kalayuan sa Hamilton ay ang ikaapat na pinakapopuladong lungsod, “ang Technology Triangle ng Canada” sa Kitchener, Waterloo, at Cambridge, na may malaki-laki ring sektor sa pagsasaliksik, teknolohiya, paggawa, mataas na edukasyon at serbisyong-pinansyal.

Sa malayo-layo pang bahagi rin ng kanluran, makikita natin ang London, Ontario, tahanan ng isa sa pinakamalalaking unibersidad sa Canada, ilang malalaking kompanya sa paggawa, tanggapan ng mga serbisyong-pinansyal at network ng siyensa sa kalusugan na kilala sa buong mundo.

Ang sentro na may pinakamalaking populasyon sa timog ay ang Windsor, na may matagal nang tradisyon sa paggawa ng mga sasakyan at mga bahagi nito, na kilala rin dahil sa turismo nito at mga pabrika ng alak.

Patungo sa Northwest ay ang mga lungsod sa piyer ng Great Lake, ang Thunder Bay at ang Sault Ste. Ang Marie, na nasa Northeast ay binubuo ng mga bayan ng pagmimina ng Sudbury at Timmins, at ang sentro ng turismo at transportasyon ng North Bay.

Pabalik tungong timog ng Lake Simcoe makikita natin ang Barrie, na may matatatag na sektor sa pagtitinda, serbisyo, transportasyon at paggawa, at sa silangang bahagi ng Toronto, ang Oshawa, na isa pang lungsod na may matagal nang tradisyon sa paggawa ng sasakyan, at ang Kingston, na kilala dahil sa mga institusyon nito sa edukasyon, base-militar, kulungan, mga makasaysayang gusali at magandang paglubong ng araw sa kanlurang dulo ng Lake Ontario.

Pangwakas ngunit di naman nahuhuli, tungo sa hilagang-silangang bahagi, makikita natin ang lungsod ng Ottawa – ang pambansang kapital ng Canada at ang ikalawang pinakamalaking lungsod ng Ontario, kasama ang libu-libong mga empleyado nito sa gobyerno, mga tanggapan ng telekomunikasyon at ang maunlad na sektor sa mataas na teknolohiya.

Nauuna sa teknolohiya at industriya, ang Ontario ay may malawak na ekonomiya na may matatag na sektor sa paninilbihan at mahalagang pangangalakal, partikular na sa Estados Unidos. Ang ekonomiya ng Ontario ay nag-aalok ng mahuhusay na oportunidad para sa mga dayuhan sa maraming sektor mula sa paggawa hanggang sa impormasyon at teknolohiya sa telekomunikasyon, pagdidisenyo ng software at siyensya hanggang sa mga serbisyong-pinansyal, pangkalusugang pangangalaga, konstruksyon, pagtanggap at pangangalakal ng pagtitingi.

Ang ekonomiya ng Ontario ay nagsimula sa paghahanap ng mga likas na kayamanan: punong-kahoy, balahibo o fur at mga mineral. Ang karamihan sa mga ilog at lanaw ng probinsya, partikular na ng Great Lakes (Malalaking Lanaw), ay naging-daan para sa mga natural na ruta ng transportasyon. Habang lumaki nang lumaki ang

populasyon ng Ontario, ang mga tao ay nagsimula ng mga panibagong mga industriya at nagsarbey, nilinis at sinaka ang mayamang lupain sa timog.

Ngayon, ang ekonomiya ng Ontario ay nakasalalay pa rin sa mga likas na yaman, partikular na sa hilaga, habang ang timugang Ontario, dahil ito ay malapit sa napakalaking kalakalan ng U.S., ay may napakaraming mga industriya. Ang Ontario ay bahagi ng sentro ng paggawa ng North America at maganda ang lokasyon nito upang matugunan ang mahahalagang kalakalan ng taga-Canada at U.S.

Ikaw ay makahahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa ekonomiya ng Ontario, at sa mga sektor ng ekonomiya sa www.ontario.ca (mag-click sa “Topics” at pagkatapos sa “Economy”)

ANG EKONOMIYA NG ONTARIO

MGA LUNGSOD NG ONTARIO

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201012

Page 13: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang salitang "Ontario" ay nagmumula sa isang katutubong salita, na naisasalin bilang "maganda, kumikislap na tubig".

ALA

M M

O B

A?

Maraming mga dayuhang nagtatanong "saan kami titira sa Ontario?" at "sa anong laki ng komunidad?" Ang mga ganitong pagpapasiya ay bahagyang nakasalalay sa mga oportunidad sa pagtatrabaho, ngunit mayroon ding ibang mga isinasaalang-alang. Halimbawa, mas kampante ka ba kapag nasa lungsod, isang baryo, o sa probinsya na maaaring sakahan? Mayroon ka bang mga kamag-anak na nakatira na sa ibang lugar sa Ontario? At paano maihahambing ang iba't-ibang lugar batay sa trabaho, paaralan o mga pasilidad-pangkalusugan?

Ang mas malalaking lungsod gaya ng Toronto, Ottawa, Hamilton, Kitchener-Waterloo o Londoay ang may pinakamalaking komunidad ng mga dayuhan at mga sentro ng suporta sa mga dayuhan, pati na rin mga tindahang nagbebenta ng mga produkto ng inyong mga inang-bansa. Ang mga ito ay nagpapatakbo ng mga sistema para sa pampublikong sakayan, at iba pang mga pampublikong serbisyo ay inihahandog nila.

At ang mas malalaking lungsod na ito ay nag-aalok ng pinakamagkakaibang mga oportunidad sa trabaho, mula sa pinakakaraniwang trabaho sa paninilbihan hanggang sa pinakamakabagong trabahong-pinansyal, pagsasaliksik at paggawa. Ngunit, sa malalaking lungsod, ang kompetensya para sa trabaho ay mahigpit. Ang malalaking lungsod ay mas masikip din, at ang gastusin sa pang-araw-araw, partikular na sa pabahay, at iba pang mga bagay gaya ng seguro, ay maaaring mas mataas kaysa sa mas maliliit na lugar.

Marami sa mas maliliit na lungsod, bayan at probinsya ay may pagkakataon para sa mas balansyadong pamumuhay. Ang gastusin sa pang-araw-araw ay mas mababa, lalo na para sa pabahay, at may mas malaking oportunidad upang makakilala ng mga kapit-bahay sa labas ng grupo niyo ng mga dayuhan.

Gaya ng iyong nakikita, ang pagpapasiya kung saan maninirahan sa Ontario ay nakasalalay sa mga indibidwal na kagustuhan at mga oportunidad, at nangangailangan ng masusing pag-iisip.

MGA BENTAHA SA PANINIRAHAN - MALAKING LUNGSOD O MALIIT NA BAYAN?

PAG

SA

SA

NAY

Alamin ang tungkol sa mga lungsod at bayan ng Ontario sa pamamagitan ng:

1. Pakikipag-usap sa mga taong kilala mo,2. Pagtatanong sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan para sa impormasyon, at3. Pagtitingin sa mga sumusunod na website upang matutunan ang tungkol sa mga rehiyon, lungsod at bayan ng Ontario:www.ontarioimmigration.ca/english/how_live_cities.aspwww.ontario.ca (mag-click sa “About Ontario” sa ibabaw at pagkatapos sa “Cities and Towns”) www.cic.gc.ca/english/newcomers/before-city.asp

Ihambing ang mga bentaha at disbentaha ng malalaki at maliliit na lungsod gamit ang talaan sa ibaba:

Saan mo nais manirahan – malaking lungsod o maliit na bayan?

malaking lungsod Pros (maliit na bayan Cons)

maliit na bayan Pros (malaking lungsod Cons)

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201013

Page 14: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang pagpapasiya kung saan maninirahan ay mas madali para sa mga dayuhang marunong mag-French, dahil mas kaunti ang mga bayan sa Ontario kung saan ang French ay karaniwan. Pero mayroong malaki-laking komunidad ng mga taga-Pransya sa Toronto, pati na rin sa Ottawa at sa buong silangan at hilagang Ontario.

Pinipili ng ilang mga bagong-dayo na ang wika ay French, ang mga komunidad na Ingles upang matuto ng wika. Ayon kay Guy Bizindavyi, na ngayo'y nakatira na sa

Toronto, kung ikaw raw ay nakatira sa isang lugar kung saan Ingles ang wika, mas madaling matuto ng Ingles. Ito ay nakatulong sa kaniya, at patuloy siyang natututo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga francophone na komunidad ng Ontario, at mga mapagkukunan ng impormasyon ukol sa mga Franco-Ontarian, pakikonsulta ang: http://www.ofa.gov.on.ca/en/franco.html

ANG MGA FRANCOPHONE NA KOMUNIDAD NG ONTARIO

Salungat sa anumang maaari mong narinig tungkol sa Ontario, hindi palaging taglamig dito! May apat na magkakaibang panahon: tagsibol, tag-init, taglagas, at oo, taglamig. Tuwing taglamig, naaangkop ang pananamit ng mga tao kapag nasa labas—mga mitt o guwantes, bupanda, sumbrero, maiinit na amerikana, at naka-insulang bota. Tuwing tag-init ang mga tao ay karaniwang nagsusuot ng mga kamiseta o pantaas na maiikli ang manggas, maiikling pantalon o palda, at sa karaniwan, magagaan na damit.

Para sa karagdagang impormasyon, pakikonsulta ang: www.ontarioimmigration.ca/english/about_weather.asp

ANG APAT NA PANAHON NG ONTARIO

Si David Philips ng Environment Canada:

Sa tingin ko, kung gusto mong masubukan ang lahat ng klima ng Canada, magpunta sa Ontario. Siguradong hindi rito ang pinakamalamig, hindi rito ang pinakamainit, hindi rito ang pinakamaniyebe... may paunti-unti ng lahat; walang nakayayamot sa klima dito sa Ontario.

PAG

SA

SA

NAY

Anu-ano ang mga karaniwang temperatura sa bahagi ng Ontario kung saan ka maninirahan?

1. Gamitin ang website na ito: www.climate.weatheroffice.ec.gc.ca/climate_normals/index_e.html

2. Piliin ang “Ontario” mula sa listahan ng mga probinsya 3. Maghanap ng o i-type ang iyong lokasyon sa Ontario 4. Ikaw ay makakakita ng isang talaang may karaniwang

temperatura buwan-buwan sa unang hanay

• Ontario: www.ontario.ca

• Ontario Immigration: www.ontarioimmigration.ca

• Office of Francophone Affairs (Tanggapan ng mga Paksaing Francophone): www.ofa.gov.on.ca/en/franco.html

• Kasaysayan ng Ontario: http://www.ontario.ca/en/about_ontario/EC001034?openNav=history

Mga Makabuluhang Website

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201014

Page 15: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Pinopondohan ng Governments of Canada and Ontario ang maraming iba't-ibang programa at serbisyo upang matulungan ang mga bagong-dayo na manirahan at magtagumpay sa Ontario. Hinahatid ng mga organisasyong-pang-komunidad—na karaniwang kilala bilang mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan, mga ahensya para sa paninirahan ng bagong-dayo o mga centre na multikultural—ang mga programa at serbisyong ito. Ang mga lupon ng paaralan at kolehiyong pang-komunidad ay nag-aalok din ng ilang mga serbisyo sa paninirahan. Mabibigyan ka ng mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan ng makabuluhang impormasyon, sagot sa iyong mga tanong at tulong sa: • Paghahanap ng matitirhan • Paghahanap ng trabaho • Paghahanap ng pampamilyang doktor • Pagpapalista ng mga bata sa paaralan • Pag-aaral ng Ingles o French • Pamimili ng pagkain, damit at muwebles • Pagsagot ng mga pormularyo at aplikasyon • Pagbibigay-kahulugan at pagsasalin ng mga dokumento • Pagiging lisensyado sa iyong propesyon • Iba pang mga isyu tungkol sa paninirahan

Ang mga serbisyong ito ay karaniwang libre at palaging kompidensyal. Maraming ahensya ang nagbibigay-serbisyo sa wika liban sa Ingles o French. Ang ilang mga ahensya ay nagbibigay-serbisyo sa mga partikular na grupo, halimbawa mga babae, bata, francophone, mga pamilyang nakikipagsapalaran sa karahasan sa tahanan, o partikular na liping- pangkat

Para sa karagdagang impormasyon o upang mahanap ang iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan, bisitahin ang www.ontarioimmigration.ca at www.settlement.org

Mga Programa at Serbisyo para sa mga Bagong-Dayo

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201015

BAHAGI4

Page 16: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang mga ahensya sa paninirahan ay nagbibigay-serbisyo sa mga bagong-dayo sa Ontario sa isa o higit pang mga sumusunod na kategoriya:

• Impormasyon at pagpapakilala• Pagtatasa ng pangangailangan at rekomendasyon• Paghahanda sa labour market• Mga serbisyo sa suporta, gaya ng pag-aasikaso sa bata o transportasyon• Community connections• Pagpapaunlad sa wika at kakayahan

Marami sa mga ahensya ang nangangailangan ng patotoo sa karapatan na kailangan mong maibigay upang magamit ang kanilang serbisyo. Halimbawa, baka kailanganin mong tumira sa isang partikular na lugar, o may partikular na kalagayang-pandayuhan.

SETTLEMENT SERVICES SA ONTARIO

1. Gamitin ang website na ito: www.settlement.org/findhelp/ 2. Sa ilalim ng “Where do you want to search?” ipasok ang pangalan ng iyong lungsod sa Ontario,

address o postal code 3. Sa ilalim ng “What are you looking for?” mag-click sa Immigration and Refugee Settlement

Services (Mga Serbisyo sa Paninirahan ng Dayuhan at Kinupkop) at pagkatapos sa Settlement Services

4. Mag-scroll pababa upang makita ang lahat ng mga ahensya. Sa ibang mga lugar, maaaring isang ahensya lamang ang nakalista

5. Mag-click sa pangalan ng ahensya o sa link ng website upang madagdagan ang nalalaman tungkol sa mga inaalok na serbisyo

6. Isulat ang impormasyon sa pakikipag-ugnay para sa iyong lokal na ahensya o mga ahensya sa ibaba:

Upang makahanap ng mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan sa iyong komunidad

PAG

SA

SA

NAY

Pangalan ng Ahensya Address Numero ng Telepono

Ang bahaging "community connections" ng Settlement Program ng Federal Government ay inihahatid ng mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan, ang tumutulong sa mga bagong-dayo na makihalubilo sa mga taga-Canada. Maari kang tulungan ng mga boluntaryo na:

• Malampasan ang pagod mula sa paglipat sa isang bagong bansa• Matuto tungkol sa mga serbisyong maaaring pakinabangan at paano gamitin ang mga ito• Magsanay sa pagsasalita ng Ingles o French• Magkaroon ng mga kontak sa linya ng iyong trabaho• Makilahok sa mga kasiyahang pang-komunidad

COMMUNITY CONNECTIONS (MGA KONEKSYON SA KOMUNIDAD)

May ilang mga programa sa pag-aaral ng wika na pinopondohan ng gobyerno para sa mga dayuhang nasa edad. Ang mga programang ito ay nauukol upang matulungan ang mga bagong-dayo, na matuto ng Ingles o French. Ang ilang mga programa ay nag-aalok ng pag-aaral ng wika na partikular para sa trabaho.

Ang mga progama sa pag-aaral ng wika ay inihahatid ng mga lupon ng paaralan, kolehiyo, unibersidad, mga pribadong paaralan at mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan. Maaari ka ring kumuha ng mga klase sa wika nang on-line. Maraming mga klase ang libre at ang iba ay nag-aalok ng mga serbisyo sa transportasyon at pag-aasikaso ng bata. Depende sa iyong lugar, maaari kang pumasok sa klase nang full-time o part-time, at sa iba-ibang oras sa buong linggo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga klase sa pag-aaral ng wika sa iyong lugar, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

MGA PROGRAMA SA PAG-AARAL NG WIKA

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201016

Page 17: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Kung ikaw ay nasa Toronto, Peel Region, (Brampton, Caledonia, at Mississauga) o Ottawa, maaari kang magpunta sa isang Newcomer Information Centre (NIC) pagdating mo. Ang mga NIC ay nagbibigay ng libreng impormasyon at rekomendasyon sa mga ahensyang pang-komunidad na makatutulong sa iyong tumira sa mga lugar na ito.

Upang makahanap ng NIC sa iyong lugar, bisitahin ang www.settlement.org o tumawag sa isang Community Information Centre (tingnan sa ibaba)

1. Gamitin ang mga website na ito: www.ontarioimmigration.ca o www.settlement.org2. Piliin ang “English” o “French” at sundin ang mga hakbang sa bawat pahina3. Pagkatapos mo kumpletuhin ang ika-4 na hakbang, makakakita ka ng listahan ng mga klase sa wika na tugma sa iyong hinahanap4. Isulat ang impormasyon sa pakikipag-ugnay ng (mga) organisasyong nag-aalok ng (mga) klase.

Paghanap ng mga klase sa wika na malapit sa iyo

SAAN MAKAHAHANAP NG IMPORMASYON

Pangalan ng Ahensya Address Numero ng Telepono

PAG

SA

SA

NAY

ALA

M M

O B

A?

Nagsasaayos ang mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan ng maraming kasiyahan at programa, karagdagan doon sa mga nakalista sa itaas. Maaaring kabilang dito ang mga klase sa pagsasalita ng wika, mga field trip, potluck dinner, sesyon para sa impormasyon, mga kasiyahan tuwing piyesta opisyal at marami pang iba. Upang madagdagan ang nalalaman, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

Mahalaga: Pagsamantalahan ang mga libreng serbisyong makukuha mo. Magtanong at palaging makipag-ugany sa iyong ahensyang naninilbihan sa dayuhan upang masiguro na ikaw ay may tiyak na impormasyon.

NEWCOMER INFORMATION CENTRES (NIC)

Ang mga Community Information Centres ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lipunan, kalusugan, gobyerno at ibang mga serbisyong-pang-komunidad. Matutulungan kang makahanap ng mga centre na ito, ng libreng mga serbisyo sa iyong lugar.

COMMUNITY INFORMATION CENTRES

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201017

Page 18: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

• Settlement.org: www.settlement.org

• Ontario Immigration: www.ontarioimmigration.ca

• 211Ontario: www.211ontario.ca

PAG

SA

SA

NAY

Upang mahanap ang iyong lokal na Community Information Centre

Anu-anong tanong ang mayroon ka tungkol sa mga programa at serbisyo para sa mga bagong-dayo? Isulat ang iyong mga tanong at makipag-usap sa iyong ahensyang naninilbihan sa dayuhan upang makuha ang tulong na iyong kailangan.

Mga Makabuluhang Website

Tanong Sagot

PAG

SA

SA

NAY

1. Buksan ang Blue Pages ng isang phone book2. Hanapin ang bahaging pinamagatang “Community Information”3. Hanapin ang “Community Information Centre” at isulat ang nakalistang numero ng telepono:

Ang 211Ontario ay nagbibigay ng access sa malawak na mapagkukunan ng impormasyon ukol sa komunidad, lipunan, kalusugan, at mga kaugnay na serbisyo ng gobyerno. Ang 211 ay isang libreng serbisyo, na umiiral na ngayon sa www.211Ontario.ca. Sa maraming lugar, maaari mo ring i-dial ang 2-1-1 sa iyong telepono at makipag-usap sa isang espesyalista sa impormasyon.

211 ONTARIO

Ang ontarioimmigration.ca ay isang website na ibinibigay ng Ontario Ministry of Citizenshhip and Immigration. Tinutulungan ng serbisyong ito ang mga bagong-dayo na makahanap ng makabuluhang impormasyon tungkol sa paninirahan, pagtatrabaho, pagnenegosyo at pag-aaral sa Ontario.

ONTARIOIMMIGRATION.CA

Ang settlement.org ay isang website para sa mga bagong-dayo sa Ontario, na ibinibigay ng Governments of Canada at ng Ontario. Maaaring matulungan ng settlement.org upang matuto ukol sa mga mapakikinabangang programa at serbisyo, makahanap ng impormasyon sa iyong wika, at makihalubilo sa iba sa iyong komunidad.

SETTLEMENT.ORG

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201018

Page 19: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

BAHAGI

Pagdating mo sa Ontario, kakailanganin mong maghanap ng matitirhan. Kakailanganin mo ring matuto tungkol sa pangkalusugang pangangalaga, transportasyon, pagbabangko, at iba pang mahahalang bagay. Ang bahagi ito ay magbibigay ng pangunahing impormasyon upang tulungan kang makapagsimula. Maaaring hindi maging madali ang iyong mga unang buwan sa Ontario, ngunit maraming mapagkukunan ng impormasyon at uri ng suporta na makatutulong sa iyo. Makipag-ugnay sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan pagdating na pagdating mo, para sa tulong sa iyong paninirahan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.settlement.org at mag-click sa “First Days” sa itaas upang i-download ang First Days Guide (Gabay sa mga Unang Araw).

Ang paghahanap ng matitirhan ay isa sa mga unang bagay na dapat mong gawin pagdating mo sa Ontario. Maaari kang maghanap ng pansamantalang pabahay habang ikaw ay naghahanap ng mas permanenteng lugar na matitirhan. Ang pansamantalang pabahay ay maaaring isang apartment hotel, travel hostel, bed-and-breakfast o tirahan ng mga estudyante sa isang unibersidad o kolehiyo. Maaari ring may mga emerhensiyang silungan o shelter para sa maikliang pagtira kapag wala nang ibang opsyon.Kapag ikaw ay dumating sa Pearson's International Airport ng Toronto nang walang matutuluyan, hanapin ang Immigrant Reception and Information Services (IRIS) (Mga Serbisyo sa Impormasyon at Pagtanggap sa Dayuhan) o tumawag sa 905-672-3660. Maaari ka ring

makipag-ugnay sa alinman sa mga lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan para sa tulong sa pabahay. Maaari kang irekomenda ng mga ahensyang ito sa mga Housing Help Centers sa iyong lugar at bigyan ka ng impormasyon tungkol sa mga opsyon sa pabahay.Iba-iba ang halaga ng pabahay sa buong Ontario. Madalas, ang halaga ng pabahay ay mas mataas sa mas malalaking lungsod gaya ng Toronto at mas mababa sa mas maliliit na lungsod, bayan o probinsya. Malaki rin ang pagkakaiba ng halaga ng pabahay sa isang lungsod, depende sa laki, kalagayan, uri at komunidad. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga opsyon sa pabahay, bisitahin ang www.ontarioimmigration.ca o www.settlement.org

PABAHAY

5

Pagsisimula sa Ontario

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201019

Page 20: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Marami sa mga bagong-dayo ang umuupa ng apartment, bahay o condominium bilang kanilang unang permanenteng tahanan sa Ontario. Kapag ikaw ay umuupa, ang tawag sa iyo ay nangungupahan. Ang tao o kompanyang nagmay-may-ari ng pinauupahang pag-aari ay ang landlord. Dapat mong bayaran ang iyong upa sa iyong landlord. Ang mga nangungupahan at landlord ay parehong may mga karapatan at pananagutan. Ang mga ito ay karaniwang nakabalangkas sa upa, isang nakasulat na kasunduan sa pagitan mo ang ng iyong landlord. Ang mga kasunduan sa upa ay karaniwang para sa isang taon, pero mayroon ding mga buwan-buwan na kasunduan.

PAG-UPA NG BAHAY

• Ipinahahayag ng batas sa Ontario na ang lahat ay dapat may gumaganang alarma sa usok na nakakabit sa kisame sa labas ng lahat ng lugar na tinutulugan. Kung ikaw ay nakatira sa isang bahay na maraming palapag, ikaw ay dapat na may alarma sa usok sa bawat palapag. Labag sa batas ang di pagpapagana sa alarma sa usok.

• Kung ikaw ay umuupa ng bahay, dapat kang bigyan ng iyong landlord ng gumaganang alarma sa usok.

• Kung ikaw ay nagmay-may-ari ng bahay, dapat ay mayroon kang alarma sa usok. Ang mga alarma sa usok ay tinitinda sa halos lahat ng mga tindahan ng hardware.

ALA

M M

O B

A?

PAG

SA

SA

NAY

Gamitin ang mga tanong na ito bilang iyong checklist kapag namimili sa mga opsyon ng pabahay. Maaaring hindi naaangkop sa iyo ang ibang mga tanong. Huwag mag-atubiling magdagdag ng mga tanong na mahalaga sa iyo.

• Ano ang buwanang halaga?• Gaano kalayo ang aking bibiyahihin papunta sa trabaho? • Malapit ba ang bahay sa sakayan ng bus o istasyon ng subway?• Malapit ba sa paaralan ang bahay na ito? • May garahe ba ng kotse? Kailangan ko bang magbayad ng dagdag para sa garahe? • Ligtas ba ang lugar?• Kailangan ko bang magbayad ng dagdag para sa kagamitan, gaya ng elektrisidad, tubig at gas?• Tahimik ba ang gusali ng apartment o lugar?• Gaano kalapit ang bahay na ito sa mga tindahan, laundromat, parke, laruan, pang-komunidad na centre, pasilidad sa libangan,

klinikang-medikal, simbahan, at iba pang serbisyo?

Checklist sa Pabahay

Ang mga subsidized housing ay mga pabahay kung saan ang upa ay batay sa kinikita ng umuupa at hindi sa laki o uri ng akomodasyon. Ang subsidized housing ay para sa mga taong mababa ang kinikita. Ang karamihan sa mga lungsod sa Ontario ay nag-aalok ng subsidized housing, ngunit dahil sa matinding pangangailangan dito, ang karamihan ay may waiting list. Kung interesado sa ganitong akomodasyon, kakailanganin mong kumpletuhin ang isang aplikasyon at tingnan kung ikaw ay karapat-dapat. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

SUBSIDIZED HOUSING (TINUTUSTUSANG PABAHAY)

Maaari kang magpasiyang bumili ng bahay, condominium o townhouse pagdating mo sa Ontario. Karamihan sa mga tao ay nangangailangan ng pinansyal na tulong upang magawa ito at kailangang humiram ng pera mula sa bangko o iba pang institusyong-pinansyal. Bago bumili ng bahay, mahalagang maunawaan ang lahat ng gastusin sa pag-may-may-ari ng bahay. Kabilang sa mga gastusing ito ay ang buwis, kagamitan, seguro ng may-ari ng bahay, pagmementina at iba pang mga gastusin.

PAGBILI NG BAHAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201020

Page 21: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang karamihan sa mga lungsod ng Ontario ay naghahandog ng mga serbisyo sa pampublikong transportasyon para sa mga residente. Ang mga sistema sa pampublikong sakayan ay gumagamit ng mga bus at maaari ring gumamit ng mga streetcar, mga tren o subway. Ang mga sistema sa pampublikong sakayan ay may mga regular na ruta, hintayan at iskedyul. Ang gastusin sa pampublikong sakayan ay iba-iba sa bawat lungsod. Upang gumamit ng pampublikong sakayan, kakailanganin mong magbayad

ng cash o bumili ng mga tiket, tokens (mga token) o isang buwanang pases.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pampublikong sakayan sa iyong lugar, makipag-ugnay sa iyong lokal na munisipalidad o bisitahin ang www.mto.gov.on.ca/english/traveller/transit.htm. Maaari ka ring tumingin sa blue pages (mga asul na pahina) ng iyong phone book sa ilalim ng "Transit" o "Transportation".

PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON

Kung gusto mong magmaneho, dapat ay may ligal kang lisensya sa pagmamaheno sa Ontario. Ang Ministry of Transportation ng Ontario ang siyang may pananagutang mag-isyu ng mga lisensya at magrehistro ng mga sasakyan. Upang makapag-drive sa Ontario, dapat ay may seguro ka rin sa sasakyan. Kung gusto mong mag-may-ari ng sasakyan, dapat mo itong iparehistro sa Ministry.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagmamaneho, pagkuha ng lisensya, o pagpaparehistro ng sasakyan, tawagan ang Driver and Vehicle Licensing (Pagpapalisensya sa Pagmamaneho at Sasakyan) sa 1-800-387-3445 o bisitahin ang www.mto.gov.on.ca/english/dandv/driver/index.html

PAGMAMANEHO SA ONTARIO

Sa isang emerhensiya, tumawag sa 911 mula sa pinakamalapit na teleponong maaaring gamitin. Ang mga tawag na ito ay libre. Kabilang sa mga emerhensiya ang takot para sa iyong kaligtasan o sa kaligtasan ng iba, pagkakaroon ng sunog sa iyong tahanan, o biglaang pagkaramdam ng matinding karamdaman. Kapag ikaw ay tumawag sa 911, ipaliwanag sa sumagot ng telepono o operator kung ano ang nangyayari, kung nasaan ka, sabihin ang iyong pangalan, address at numero ng telepono. Depende sa iyong sitwasyon, ang ambulansya, pulis, kagawaran ng sunog o iba pang mga serbisyong-pang-emerhensiya ay ipadadala upang tulungan ka.

Karamihan sa mga lungsod ay may serbisyo ng 911. Kung ang iyong komunidad ay walang serbisyo ng 911, i-dial ang 0 at humingi ng tulong sa sumasagot ng telepono o operator. Ang ibang mga numerong pang-emerhensiya ay nakalista sa white pages ng iyong lokal na phone book. Siguraduhing alam mo kung papaano mahanap kaagad ang mga numerong ito.

MGA EMERHENSIYA

Ang Ontario ay may sistema sa pangkalusugang pangangalaga na pinopondohan ng publiko. Binabayaran ng Ontario Health Insurance Plan (OHIP) (Plano sa Segurong-Pangkalusugan ng Ontario) ang karamihan sa mga pangunahin at emerhensiyang-medikal na mga serbisyo, para sa mga mamamayan ng Canada at mga permanenteng residente. Hindi binabayaran ng OHIP ang lahat ng mga gastusing-medikal. Halimbawa, ang mga gamot at serbisyong-dental ay hindi saklaw ng OHIP.

Upang makakuha ng mga serbisyong-medikal sa pamamagitan ng OHIP, kailangan mong mag-apply para sa OHIP card. Dapat kang mag-apply para sa OHIP card pagdating na pagdating mo sa Ontario. May karaniwang panahon ng paghihintay na 3 buwan upang matanggap ang iyong OHIP card. Maaari mong pagpasiyahang bumili ng pribadong seguro sa kalusugan habang hinihintay ay iyong karapatan sa OHIP.

Upang makapag-apply para sa OHIP card, kailangan mong magpunta sa tanggapan ng ServiceOntario. Kukunan ka ng litrato. Kakailanganin mo ring sagutan ang pormularyo sa pagpaparehistro at ibigay ang mga sumusunod na orihinal na dokumento: • Patotoo ng pagkamamamayan o kalagayan

ng permanenteng paninirahan• Patotoo ng paninirahan, hal. isang kasunduan sa upa• Dokumentong kumokompirma sa iyong katauhan

Upang makita ang pinakamalapit na tanggapan ng ServiceOntario, tumawag sa 1-866-532-3161 o bisitahin ang www.ontario.ca/en/services_for_residents/STEL02_186323

Para sa impormasyon tungkol sa OHIP at sa proseso ng aplikasyon, tawagan ang Ontario Health Card Information System sa 1-800-664-8988 o bisitahin ang www.health.gov.on.ca

PANGKALUSUGANG PANGANGALAGA

OHIP

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201021

Page 22: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang karamihan sa mga residente ng Ontario ay may pampamilyang doktor. Ang isang pampamilyang doktor ay karaniwang ang unang medikal na propesyonal na iyong kinakausap kapag ikaw ay may sakit o nangangailangan ng medikal na tulong o payo. Irerekomenda ka ng pampamilyang doktor sa isang espesyalista kung kinakailangan mo ng mas partikular na atensyon. Upang makipagkita sa isang pampamilyang doktor, madalas ay kailangan mong makipag-appointment muna.

Sa ilang bahagi ng Ontario, ang makahanap ng pampamilyang doktor na kumukuha ng mga bagong pasyente ay medyo mahirap. Magsimulang maghanap ng pampamilyang doktor pagdating na pagdating mo. Maaari mong gamitin ang serbisyong Doctor Search sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-268-7096 ext. 626, maghanap sa Yello Pages ng phone book sa ilalim ng “Physicians”, o maghanap ng mga doktor sa www.cpso.on.ca/docsearch/. Maaari mo ring tanungin ang iyong mga kaibigan at kamag-anak kung tumatanggap ng mga bagong pasyente ang kanilang mga pampamilyang doktor.

NAGHAHANAP NG PAMPAMILYANG DOKTOR?

1. Magpunta sa website na ito: www.ontario.ca2. Mag-scroll pababa ng pahina at i-click ang “ServiceOntario Locations” sa ilalim ng “Con-

tacts” 3. Mag-click sa “ServiceOntario Centres” 4. Piliin ang lungsod kung saan ka nakatira o isa na pinakamalapit sa iyo at i-click ang “go”5. Isulat ang address at numero ng telepono ng iyong pinakamalapit na ServiceOntario Centre

sa ibaba:

Hanapin ang iyong pinakamalapit na ServiceOntario Centre.

Kung wala kang pampamilyang doktor o kung di mahagilap ang iyong pampamilyang doktor at nangangailangan ka ng medikal na atensyon, maaari kang magpunta sa isang walk-in clinic. Ang mga klinikang ito ay may mga doktor at nars na maaaring magbigay ng pangangalagang-medikal. Di mo na kailangang makipag-appointment, ngunit baka kailanganin mong

WALK-IN CLINICS (MGA WALK-IN NA KLINIKA)

Para sa malulubhang emerhensiyang-medikal, tumawag sa 911 para sa isang ambulansya. Kung kaya mo, maaari ka ring magpunta sa Emergency Room ng pinakamalapit na ospital. Ang mga Emergency Room ay karaniwang bukas 24 oras, 7 araw sa isang linggo. Madalas na napakaabala ng mga emergency room. Depende sa kondisyon ng iyong problema sa kalusugan at sa bilang ng iba pang naghihintay, maaaring mapagtuunan ka agad ng pansin o maghintay ng ilang oras.

MGA EMERHENSIYANG-MEDIKAL

Kung ikaw ay may sakit at di sigurado kung dapat magpunta sa doktor o sa emergency room, tawagan ang Telehealth Ontario sa libreng toll sa 1-866-797-0000. Ikaw ay maaaring makipag-usap sa isang rehistradong nars at makakuha ng payo tungkol sa iyong inaalaala sa kalusugan. Ang Telehealth Ontario ay isang libre, kompidensyal na serbisyo, na mapakikinabangan 24 oras, 7 araw sa isang linggo.

Mahalaga: Palaging dalhin ang iyong OHIP card. Sa bawat pagkakataong ikaw ay magpunta sa iyong pampamilyang doktor, magpunta sa isang walk-in clinic (walk-in na klinika) o bumisita sa emergency room, kakailanganin mong ipakita ang iyong OHIP card.

TELEHEALTH ONTARIO

Ang ServiceOntario ay nagbibigay ng access sa impormasyon ng gobyerno ng Ontario at sa mga serbisyo online, sa personal, at sa pamamagitan ng telepono. Ang mga centre ng ServiceOntario ay nasa 70 komunidad sa buong prob-insya at nagbibigay ng tulong sa personal. Sila ay nagbibigay ng tulong mula panganganak at sertipiko ng kasal hang-gang sa pagpaparehistro ng negosyo. Maaari ka ring tulungan ng ServiceOntario na maghanap ng pinakamalapit na tanggapan ng OHIP, tsuper at mga tanggapan ng pagpapalisensya ng sasakyan, at iba pang mga serbisyo.

Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang ServiceOntario sa 1-800-267-8097 or visit www.ontario.ca

SERVICE ONTARIO

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201022

maghintay nang matagal upang makakausap ng isang doktor. Upang makahanap ng isang walk-in clinic sa iyong lugar, tumingin sa Yellow Pages ng iyong lokal na phone book sa ilalim ng “Clinics-Medical”.

Page 23: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang Service Canada ay nagbibigay ng access sa maraming programa at serbisyo ng Government of Canada online, sa personal at sa pamamagitan ng telepono. Maaari kang makipag-ugnay sa Service Canada para sa impormasyon tungkol sa pag-a-apply ng Social Insurance Number, Canada Child Tax Benefit (Pagtatangi sa Buwis sa mga Batang Taga-Canada), GST/HST credit, seguro sa trabaho, at iba pang mga programa at serbisyo.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-800-622-6232 o bisitahin ang www.servicecanada.gc.ca. Upang makita ang pinakamalapit na centre, bisitahin ang www.servicecanada.gc.ca at mag-click sa “Find a Service Canada Centre Near You.”

SERVICE CANADA

Ang Social Insurance Number (SIN) ay isang siyam-na-numerong numero, na kailangan mo upang makapagtrabaho sa Canada o upang magkaroon ng access sa mga programa at benepisyo ng gobyerno. Dapat kang mag-apply para sa SIN pagdating na pagdating mo. Upang makapag-apply para sa SIN, magpunta sa iyong pinakamalapit na centre ng Service Canada. Para sa listahan ng mga dokumentong kakailanganin mo, bisitahin ang www.servicecanada.gc.ca/eng/sc/sin. Kung kailangan mo ng tulong sa aplikasyon, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang Service Canada sa 1-800-206-7218 o bisitahin ang www.servicecanada.gc.ca/eng/sc/sin

SOCIAL INSURANCE NUMBER (SIN)

Sa Ontario, halos lahat ay gumagamit ng bangko upang magdeposito at magtago ng pera, magbayad ng bayarin at subaybayan ang mga kinikita. Ang mga bangko ay may iba't-ibang uri ng account at nag-aalok ng iba't-ibang serbisyo. Upang makapagbukas ng isang bank account, kailangan mong magpunta sa bangko na gusto mo at makipag-usap sa isang kinatawan ng serbisyong-pang-kostumer. Ikaw ay hihingan ng identipikasyon at personal na impormasyon. Hindi ka kailangang empleyado, upang makapagbukas ng bank account.

Kapag ikaw ay nagbukas ng bank account, ikaw ay tatanggap ng bank card. Maaari mong gamitin ang card na ito sa isang automated teller machine (ATM) (awtomatikong machine ng pera) upang makakuha ng cash, magdeposito ng cash o mga tseke, magbayad ng mga bayarin, at iba pa. Ang mga ATM ay bukas 24 oras araw-araw, 7 araw sa isang linggo. Maaaring may singil sa paggamit ng mga ATM. Maaari mo ring gamitin ang iyong bank card upang bumili sa maraming mga tindahan sa pamamagitan ng Interac Direct Payment System.

Kung kailangan mong humiram ng pera, maaari kang mag-apply para sa utang o credit. May iba't-ibang uri ng utang o credit, gaya ng mga credit card, mga credit line, mga hulugang utang, at sangla. Sa lahat ng uri ng mga utang o credit, kailangan mong ibalik ang pera na iyong inutang, at umento. Malaki ang pagkakaiba ng mga halaga ng umento para sa iba't-ibang uri ng utang o credit. Gamitin ang utang o credit nang wasto at siguraduhing nauunawaan mo ang mga tuntunin sa pagbabayad.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbabangko, tawagan ang Canadian Bankers Association sa libreng toll sa 1-800-263-0231 o bisitahin ang www.cba.ca at mag-click sa “Consumer Information”.

PAGBABANGKO AT PINANSYA

Mahalaga: Pangalagaan ang iyong SIN at huwag ito ibigay kaninoman na hindi awtorisado.

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201023

Page 24: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Bagay

Pabahay (upa o sangla)Seguro sa bahayKagamitan (elektrisidad, gas, hydro, telepono, tubig, cable)PagkainDamitMga gamit sa bahay (gamit na panlinis, mga gamit sa katawan, atbp.)Transportasyon (pases sa bus, pagmementina ng sasakyan, gas, seguro ng sasakyan)Pangangalaga ng bataPangkaraniwang gastusin (mga diyaryo, regalo, gupit, bayad sa serbisyo ng bangko)LibanganIba pang mga gastusin

Napakahalagang mapamahalaan ang iyong pera nang mabuti. Ang halaga ng pera na maaari mong gastusin ay nakasalalay sa iyong kinikita. Magandang ideya ang planuhin ang iyong mga gastusin buwan-buwan sa pamamagitan ng paggawa ng isang buwanang badyet. Sa talaan sa ibaba, isulat ang iyong mga buwanang gastusin sa hanay na "Buwanang Gastusin". Ihambing ang kabuuang hal-aga o gastusin sa iyong kabuuang kinikita. Kung ang iyong mga gastusin ay labis sa iyong kinikita, marahil ay kailangan mong ibahin ang iyong badyet. Kung kailangan mo ng payong-pinansyal, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

Ihanda ang iyong buwanang badyet

Buwanang Gastusin ($)

Kabuuan =

Maraming paraan upang makabili ng mga tinda at serbisyo sa Ontario. Ang mga supermarket ay nagtitinda ng pagkain at madalas na nagbebenta ng mga pangangailangan sa tahanan. Marami ang pamimilian sa "Big Box" (Malaking Kahon) at mga department store gaya ng damit, muwebles, mga parte ng sasakyan, mga gamit sa isport, elektroniko at pampaganda. Ang mga tindahan ng gamot ay nagtitinda ng mga gamot at iba't-ibang kailangan sa bahay. Ang mga natatanging tindahan ay nakatuon sa mga partikular na produkto, gaya ng mga prutas at gulay, katutubong pagkain, libro, hardware o sapatos. Ang maliliit na convenience store ay nagtitinda ng mga pangunahing pangangailangan, at karaniwan sa mas mataas na halaga. Maraming mga lungsod ang mayroon ding mga palengke kung saan ikaw ay makabibili ng sariwang produkto mula sa mga lokal na magsasaka.

May ilang paraan upang ikaw ay makatipid kapag namimili. Ang mga panindang gamit na ay karaniwang inaalok sa mas murang halaga sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Internet sa pamimili at pagtitinda. Ang mga thrift store (tindahang mura ang bilihin) ay nagbebenta ng mga gamit nang damit, muwebles, laruan at iba pang mga bagay sa mababang halaga. O maaari ka ring tumingin ng mga polyeto – mga nakalimbag na patalastas na ipinamimigay nang libre – upang makita ang mga bagay na naka-sale. Kung kinakailangan, makakakuha ka ng libreng pagkain sa isang food bank. Para sa payo sa kung paano makatitipid sa pamimili sa iyong lugar, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

PAMIMILI

ALA

M M

O B

A?

Ang Canada's Food Guide (Gabay sa Pagkain sa Canada) ay nagbibigay ng mga gabay at tip upang makapamili ng mga malulusog na opsyon sa pagkain. Ang Canada's Food Guide ay umiiral sa higit sa 10 wika. Gamitin ang website na ito upang makakuha ng kopya ng Canada's Food Guide: www.hc-sc.gc.ca/fn-an/food-guide-aliment/index-eng.php.

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201024

Page 25: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang karamihan ng mga tao sa Ontario ay gumagamit ng land line upang makatawag at makatanggap ng tawag sa bahay. Sa karamihan ng mga lungsod at bayan sa Ontario, may ilang iba-ibang serbisyo sa telepono na nag-aalok ng iba-ibang uri ng subskripsyon. Mas limitado ang mga opsyon sa probinsya. Sa karaniwan, ikaw ay magbabayad ng buwanang singil para sa walang limit na lokal na mga tawag o kung bawat minutong singil man para sa mga long distance na tawag. Maaari ka ring gumamit ng mga phone card para makapag-long distance, na minsan ay mas mura. Maraming tao ang gumagamit ng mobile na telepono (kilala rin bilang mga cell phone). Maginhawa ang pagkakaroon ng cell phone, ngunit maaaring maging napakamahal lalo na para sa long distance o tawag sa ibang bansa. Kung ano mang kombinasyon ang kunin mo sa land o mobile na telepono, siguraduhing ganap mong nauunawaan ang mga tuntunin ng kontrata.

SERBISYO SA TELEPONO

Gaya ng serbisyo sa telepono, maraming iba't-ibang opsyon sa serbisyo sa Internet na umiiral sa mga lungsod at bayan ng Ontario, at mas kaunting opsyon sa probinsya. Sa mas malalaking centre, ang serbisyo sa Internet ay hinahatid ng mga serbisyo sa telepono, mga kompanya ng cable television at iba pa. Makakakuha ka rin ng Internet access gamit ang wireless connection sa iba't-ibang "hot spots" na nakakalat buong probinsya.

SERBISYO SA INTERNET

Ang Canada Post ay ang serbisyong-pangkoreo ng bansa, na may mga tanggapan sa bawat lungsod at bayan at sa maraming probinsya sa buong bansa. Ikaw ay maaaring magpadala at tumanggap ng mga sulat at pakete sa o mula saanman sa mundo gamit ang Canada Post. Ang mga pribadong kompanyang pangkoreo ay maaari ring maghatid ng ganitong serbisyo. Ang halaga ng pagpapadala ng isang bagay ay nakasalalay sa laki at bigat ng iyong ipadadala, saan ito ipadadala, at gaano kabilis mo ito nais makarating.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Canada Post o upang makahanap ng lokal na tanggapan ng koreo, tumawag sa 1-866-607-6301 o bisitahin ang http://canadapost.ca

PAGPAPADALA AT PAGTANGGAP NG SULAT

Mas madaling masanay sa iyong bagong buhay sa Ontario kapag kinilala mo ang iyong komunidad. Sa pamamagitan ng iyong paglahok sa mga kasiyahang pang-komunidad, ikaw ay makatatagpo ng mga bagong kaibigan, matututo tungkol sa kultura ng Canada, at mahahasa ang iyong pagsasalita ng wika. Ang Ontario ay may iba't-ibang aktibidad na pangkultura at panlibangan na nagaganap sa buong taon.

Ang bawat komunidad sa Ontario ay may mga programang panlibangan at pang-komunidad at mga pasilidad gaya ng mga arena at swimming pool. Ang mga lokal na pang-komunidad na centre ay nag-aalok ng iba't-ibang uri ng mga aktibidad para sa maliliit bata, kabataan at matatanda. Maraming mga lungsod ang may mga gabay na naglilista ng lahat ng mga programa at serbisyong mayroon sa kanilang komunidad. Makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan o pang-komunidad/panlibangan na centre para sa karagdagang impormasyon.

LIBANGAN AT KOMUNIDAD

1. Magpunta sa website na ito: www.settlement.org, at mag-click sa “Community and Recreation” 2. Mag-click sa “Sports and Recreation” (dalawang beses), at pagkatapos sa “Where can I find a local recreation centre?” 3. Gamitin ang lumitaw na pahina upang maghanap ng isang centre ng libangan na malapit sa iyo.4. Depende sa iyong lugar, maaari kang makakita ng isa o higit pang mga centre na nakalista. Mag-click sa centre upang

makita ang impormasyon sa pakikipag-ugnay. 5. Isulat ang impormasyon sa pakikipag-ugnay para sa iyong lokal na (mga) centre sa ibaba.

Hanapin ang iyong lokal na Pang-komunidad/Panlibangan na Centre

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201025

Page 26: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

• Settlement.Org: www.settlement.org • Ontario Immigration: www.ontarioimmigration.ca • Health Canada: www.hc-sc.gc.ca • Ontario Ministry of Health: www.health.gov.on.ca• Ontario Ministry of Transportation (Kagawaran ng Transportasyon): www.mto.gov.on.ca• ServiceOntario: www.serviceontario.ca• Service Canada: www.servicecanada.gc.ca

Mga Makabuluhang Website

Anu-ano ang iyong mga tanong tungkol sa paninirahan sa Ontario? Isulat ang iyong mga tanong, sino ang iyong pagtata-nungan o kung saan ka maghahanap ng impormasyon, at ang iyong mga sagot.

PAG

SA

SA

NAY

Tanong Sino ang pagtatanungan / Saan maghahanap

Sagot

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201026

Page 27: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

BAHAGI

Ang mga probinsyal na gobyerno ang may pananagutan sa elementarya, sekundaryo at edukasyong postsecondary sa Canada. Sa Ontario, ang mga District School Boards o School Authorities ang nagpapatakbo ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekundaryo. Hindi mo na kailangang magbayad ng matrikula upang makapasok ang iyong mga anak sa mga paaralang ito. May apat na ganitong sistema ng pag-aaral sa Ontario: English Public, English Catholic, French Public and French Catholic. Hindi lahat ng uri ay umiiral sa lahat ng lugar-alamin sa iyong organisasyong nagbibigay-serbisyo o sa Ministry of Education (ang web address ay nasa ibaba) para sa karagdagang impormasyon. Mga pribado o relihiyosong paaralan-kung saan ang mga magulang ay nagbabayad ng matrikula-ay umiiral din sa maraming lugar. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Education: www.edu.gov.on.ca

Ang pangangalaga ng bata-na kilala rin bilang daycare-ay maaaring may lisensya o walang lisensya sa Ontario. Dapat maabot at mapanatili ng mga lisensyadong nagdudulot ng pangangalaga ng bata ang mga partikular na pamantayan sa kalusugan, kaligtasan at pagsasanay sa taga-alaga. Ang mga usapan sa mga hindi lisensyadong pangangalaga ng bata ay pinapayagan din, ngunit di pareho ang uri ng pangangasiwa dito.

Ang mga magulang ay maaaring pumili mula sa ilang opsyon sa pangangalaga ng bata: (1) Naka-base sa bahay, (2) Naka-base sa centre at (3) pangangalaga ng bata bago

at pagkatapos ng pasok sa paaralan. Marami sa mga programa ang mahaba ang pila. Makipag-ugnay sa iyong lokal na nagdudulot ng pangangalaga ng bata para sa impormasyon ukol sa proseso ng pagpaparehistro.

Kung hindi mabayaran ng mga magulang ang mga singil sa pangangalaga ng bata, maaari silang mabigyan ng tulong sa singil sa pangangalaga ng bata. Ang karapatan sa tulong sa singil sa pangangalaga ng bata ay batay sa netong kinikita ng pamilya. Makipag-ugnay sa iyong lokal na munisipalidad upang matalakay ang iyong karapatan para sa tulong sa singil sa pangangalaga ng bata.

PANGANGALAGA NG BATA

6

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Children and Youth Services (Kagawaran ng mga Serbisyo sa Bata at Kabataan): www.gov.on.ca/children o makipag-usap sa iyong lokal na ahensya sa paninirahan ng bagong-dayo.

Edukasyon sa Ontario

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201027

Page 28: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang Ontario Early Years Centres ay mga lugar kung saan ang mga batang nasa hanggang 6 na taong gulang ay maaaring maglaro at matuto. Dapat samahan ng mga magulang at taga-alaga ang mga bata habang pumapasok sa isang Early Years Centre. Ang mga centre na ito ay nasa kabuuan ng ontario at nagbibigay ng oras ng paglalaro, pagsasanay, mga

makabuluhang impormasyon at mapagkukunan ng impormasyon. Ang mga programa at serbisyo ay libre.

Para sa karagdagang impormasyon o upang makahanap ng isang Centre sa iyong komunidad, bisitahin ang website ng Ontario Early Years Centres: www.gov.on.ca/children/oeyc o tumawag sa 1-866-821-7770.

Ang lahat ng mga bata sa pagitan ng 6 at 18 taong gulang ay dapat pumasok sa paaralan sa Ontario. Ang marami ay nagsisimulang pumasok sa Junior Kindergarten sa edad 4 o Senior Kindergarten sa edad 5. Karaniwang pumapasok ang mga bata sa paaralan mula Lunes hanggang Biyernes, mula unang bahagi ng Setyembre hanggang hulihang bahagi ng Hunyo. Para sa mga batang nasa Grade 1 hanggang 12, ang pasok ay mga 6 ½ oras, na karaniwang nagsisimula sa pagitan ng 8:30 at 9:30 ng umaga at natatapos sa pagitan ng 3:00 at 3:30 ng hapon. Alamin sa iyong lokal na paaralan ang eksaktong mga oras. Ang ibang mga bata ay sumasakay sa school bus-na itinatalaga ng lupon ng paaralan-upang makapunta at makauwi mula sa paaralan.

Ang mga paaralan sa elementarya ay nag-aalok ng mga programa mula Kindergarten hanggang Grade 6 o 8, na kilala bilang K-6 o K-8. Sa maraming lugar, may mga paaralang intermedya na nag-aalok ng mga programa para sa Grade 7 at 8 lamang. Ang mga paaralang sekundaryo, na tinatawag ding hayskul, ay nag-aalok ng mga programa mula Grade 9 hanggang 12. Ang ilang mga paaralan ay nag-aalok ng mga natatanging programang naka-pokus, kabilang ang pagsasanay sa French, pagpapaunlad ng sining, o mga mapanghamong programa sa matematika o siyensiya. Makipag-ugnay sa iyong lokal na lupon ng paaralan para sa mga detalye.

ONTARIO EARLY YEARS CENTRES

ELEMENTARYA AT SEKUNDARYONG EDUKASYON

Ang lahat ng mga batang pumapasok sa mga paaralan sa Ontario ay dapat nabakunahan laban sa diptheria, tetano, polyo, bulutong, beke at rubella. Maaari ka ring mangailangan ng isang Certificate of Immunization and Tuberculosis Assessment (Sertipiko sa Pagbabakuna at Pagtatasa sa Tuberkulosis) para sa Pagpasok sa Paaralan.

1. Gamitin ang website na ito: www.gov.on.ca/children/oeyc 2. Mag-click sa “Locations” sa itaas 3. Sundin ang ibinigay na tagubilin upang hanapin ang iyong lokal na centre 4. Isulat ang address at numero ng telepono ng iyong lokal na centre (maaaring may ilan sa iyong komunidad)

Hanapin ang iyong lokal na Ontario Early Years Centre

ALA

M M

O B

A?

PAG

SA

SA

NAY

PAG

SA

SA

NAY

1. Gamitin ang website na ito: www.edu.gov.on.ca/eng/sbinfo

2. Mag-click sa “Find a School Board” 3. Sundin ang mga tagubilin upang mahanap ang iyong lokal

na lupon ng paaralan 4. Isulat ang (mga) pangalan at (mga) numero ng telepono ng

nakalistang (mga) lupon ng paaralan

Hanapin ang iyong lokal na lupon ng paaralan

Upang maiparehistro ang iyong anak sa para sa pag-aaral, kakailanganin mong dalhin ang mga ito:

• Ang sertipiko ng kapanganakan ng bata, sertipiko ng binyag, rehistro ng card ng kapanganakan o pasaporte.

• Ang Ontario health card ng bata at tala ng pagbabakuna• Kalagayan ng pagiging dayuhan ng bata• Patotoo ng address• Patotoo ng tagapag-alaga kung ang bata ay mas mababa sa 18

taon at hindi nakatirang kasama ang magulang

Checklist sa Pagpaparehistro sa Paaralan

Para sa karagdagang impormasyon, magpunta sa www.settlement.org, mag-click sa “Education” at pagkatapos sa“Newcomers' Guides to Education”. Kabilang sa mga gabay na ito ang mga artikulo, video at handout sa mahahalagang paksa sa paaralan.

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201028

Page 29: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang mga unibersidad at kolehiyo ng Ontario ay may malawak na pamimilian sa mga programa ng edukasyon, na nag-aalok ng full- o part-time. Ang ilang mga institusyon ay nag-aalok ng mga kursong distance o correspondence. Sa karaniwan, ang mga kolehiyo ay nag-aalok ng mga pagsasanay na may-kaugnayan sa trabaho sa applied arts and technologies habang ang mga unibersidad ay nag-aalok ng pangkalahatang edukasyon sa arts and sciences, mga oportunidad sa pagsasaliksik pati na rin ng

pagsasanay sa mga propesyon—halimbawa sa pagtuturo, medisina, batas, inhinyerya at arkitektura. Ang mga programa, pangangailangan at singil sa pagkakatanggap ay nagkakaiba-iba sa bawat institusyong postsecondary.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Training, Colleges and Universities: www.tcu.gov.on.ca.

Napakahalagang matuto ng Ingles o French o ng parehong wika upang masanay sa pamumuhay sa Ontario. Ang mga klase sa pag-aaral ng wika ay inaalok ng mga lupon ng paaralan, mga ahensyang pang-komunidad, mga kolehiyo at unibersidad. Marami sa mga klase ang libre at ang ilan ay nag-aalok din ng pangangalaga sa bata habang ikaw ay pumapasok sa klase.

Mga pangalan ng iniaalok na mga program sa pag-aaral ng wika:• ESL (English-as-a-Second Language) (Ingles bilang Ikalawang Wika)• FSL (French-as-a-Second Language) (French bilang Ikalawang Wika)• LINC (Language Instruction for Newcomers to Canada) (Pagtuturo ng Wika sa

mga Bagong-Dayo sa Canada)• CLIC (Cours de langue pour les immigrants au Canada) • ELD (English Literacy Development) (Pagpapaunlad sa Kaalaman sa Ingles)• ELT (Enhanced Language Training) (Mataas na Pag-aaral sa Wika)

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-usap sa iyong lokal na ahensya sa paninirahan ng bagong-dayo o bisitahin ang isa sa mga web site na ito: www.ontarioimmigration.ca/english/learnenglish.asp, o www.settlement.org mag-click sa “Education” at pagkatapos sa “English as a Second Language (ESL)”.

POSTSECONDARY EDUCATION (EDUKASYONG POSTSECONDARY)

Ang Ontario ay may:• 19 na mga unibersidad

www.edu.gov.on.ca/eng/general/postsec/unimap.pdf • 24 na mga koleyiho ng applied arts at technology

www.edu.gov.on.ca/eng/general/postsec/colmap.pdf• Higit sa 500 private career colleges

1. Gamitin ang website na ito: www.tcu.gov.on.ca 2. Sa ilalim ng “Postsecondary Education” mag-click sa “”Colleges of Applied Arts and Technology”3. I-click ang “Find a College” sa toolbar sa gawing-kaliwa 4. Tumingin ng listahan ng mga kolehiyo at isulat ang mga kolehiyong nasa iyong lugar5. Ulitin ang mga hakbang 1-4 upang makahanap ng mga unibersidad at private career colleges

Ilista ang mga kolehiyo at unibersidad sa iyong komunidad

PAG-AARAL NG WIKA

Colleges of Applied Arts and Technology Mga Unibersidad Private Career Colleges

PAG

SA

SA

NAY

ALA

M M

O B

A?

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201029

Page 30: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

1.

2.

3.

• Newcomers’ Guides to Education in Ontario: www.settlement.org/site/ED/GUIDE/ • Ministry of Education (Kagawaran ng Edukasyon): www.edu.gov.on.ca• Ministry of Child and Youth Services (Kagawaran ng mga Serbisyo para sa mga Bata at Kabataan):

www.gov.on.ca/children• Ministry of Training, Colleges and Universities (Kagawaran ng Pagsasanay, mga Kolehiyo at Unibersidad):

www.tcu.gov.on.ca• World Education Services Canada: www.wes.org/ca• Ontario Immigration: www.ontarioimmigration.ca • Pagsusuri sa Iyong mga Kredensyal sa Edukasyon: www.settlement.org (mag-click sa “Education”, at pagkatapos sa

“Labour Market Information”)

Maraming mga pamimilian ang mga matatandang nais magsanay para sa isang bagong trabaho o linangin ng kanilang mga kakayahan. Ang edukasyon sa hayskul ay libre para sa mga residente ng Ontario na 18 taong gulang at mas matanda, na nais magkamit ng diploma sa sekundaryong edukasyon. Ang ibang mga programa sa

edukasyon para sa matatanda ay karaniwang sumisingil ng matrikula.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnay sa lupon ng paaralan, kolehiyo o unibersidad sa iyong komunidad.

PATULOY NA EDUKASYON AT EDUKASYON PARA SA MATATANDA

PAG

SA

SA

NAY

Ano ang kailangan kong matutunan?

Ano ang kailangan mong matutunan sa hinaharap? Isulat ang iyong mga ideya sa ibaba.

Pagdating ng anong panahon?

Anu-ano ang iyong mga tanong tungkol sa Edukasyon sa Ontario? Isulat ang iyong mga tanong, sino ang iyong pagtatanungan o kung saan ka maghahanap ng impormasyon, at ang iyong mga sagot.

Mga Makabuluhang Website

TanongSino ang pagtatanungan /

Saan maghahanap Sagot

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201030

Page 31: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

BAHAGI

Malawak ang ekonomiya ng Ontario, ang pinakamalaki sa Canada. Ang probinsya ang nananagot sa halos 40% ng mga trabaho sa bansa. Ang karamihan sa mga trabahong ito — nasa mga 75% — ay nasa sektor ng serbisyo, halimbawa serbisyong-pinansyal, pangkalusugang pangangalaga, pagtitinda, turismo, ari-arang lupa, pampublikong pangangasiwa. Ang mga sektor na gumagawa ng mga paninda, gaya ng sa paggawa, konstruksyon, agrikultura, pangggubat at pagmimina ay nananagot sa halos 25% ng mga trabaho.

Ang lakaran at mga kondisyon ng labour market ay nagbabago sa paglipas ng panahon at maaaring di pare-pareho sa bawat rehiyon ng Ontario. Maaaring maipaalam sa iyo ng impormasyon ukol sa labour market kung nasaan ang mga trabaho at kung alin-aling mga propesyon ang may pinakamagagandang hinaharap.

Upang makahanap ng impormasyon ukol sa labour market, makipag-usap sa iyong ahensyang naninilbihan sa dayuhan o bisitahin ang www.labourmarketinformation.ca o www.settlement.org (mag-click sa “Employment”, at pagkatapos sa “Find a Job”, at pagkatapos sa “Labour Market Information”)

LABOUR MARKET

7

Pagnenegosyo at Pagtatrabaho sa Ontario

Upang makapagsimulang magtrabaho, kakailanganin mo ng Social Insurance Number (SIN) (Numero sa Segurong-Pambayan). Para sa impormasyon sa kung papaano ka makapag-a-apply para sa iyong SIN, bisitahin ang www.servicecanada.gc.ca/eng/sc/sin.

Depende sa uri ng trabaho, maaari ka ring mangailangan ng iba pang dokumento. Halimbawa, maari kang mangailangan ng mga sertipikong pang-edukasyon, pang-kalakal o propesyonal, sertipiko ng kapanganakan, katunayan ng permanenteng paninirahan, lisensya sa pagmamaneho, o pagsusuri ng pulisya sa iyong katauhan.

MGA DOKUMENTONG KAILANGAN SA TRABAHO

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201031

Page 32: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang paghahanap ng trabaho ay trabaho na rin. Maaaring magtagal ang paghahanap ng trabaho na tutugma sa iyong mga hilig, kakayahan at inaasahang sweldo. Upang makapagsimula, baka kailangan mo munang tumanggap ng trabaho na hindi iyong totoong gusto mo. Subukan mong huwag mawalan ng pag-asa kung ito mo mahanap kaagad ang gusto mo.

Upang makapag-apply ng trabaho, kailangan mo ng résumé at sulat sa pagpapakilala (cover letter). Ang résumé ay dapat makapagbigay ng buod ng iyong mga kwalipikasyon at karansan. Dapat ay maipakilala ka ng sulat sa pagpapakilala (cover letter) sa potensyal na nagpapatrabaho at maipaliwanag kung bakit ikaw ang naaangkop na kandidato para sa trabaho. Para sa tulong sa paggawa ng mga résumé at sulat sa pagpapakilala (cover letter), bisitahin ang iyong lokal na Employment Resource Centre o makipag-usap sa iyong ahensyang naninilbihan sa dayuhan.

PAGHAHANAP NG TRABAHO

PAG

SA

SA

NAY

1. Magpunta sa website na ito: www.edu.gov.on.ca/eng/tcu/employmentontario 2. Mag-scroll pababa at i-click ang “I'm new to Ontario” or “I need a job”3. Basahin ang bahagi na “Here’s How” upang malaman ang mga serbisyong inaalok 4. Mag-click sa mga link na nais mo pang pag-aralan5. Hanapin ang mga serbisyo ng Employment Ontario sa iyong lugar dito:

www.edu.gov.on.ca/eng/tcu/search.asp?chosen=15

Maaari mo ring tawagan ang Employment Ontario hotline sa libreng toll sa 1-800-387-5656.

Matuto tungkol sa Employment Ontario - Anu-anong mga serbisyo ang maaari mong makuha?

Ang Employment Ontario ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng libreng serbisyo sa pagtrabaho at pagsasanay para sa mga naghahanap ng trabaho. Matutulungan ka ng mga serbisyong ito, na makapagpasiya ukol sa iyong karera, makapaghanap ng trabaho, maghanap ng impormasyon ukol sa labour market, mag-apply para sa pagsasanay, at makakuha ng mga bagong kaalaman at karanasan sa trabaho. Ang lokasyon ng mga tanggapan ng Employment Ontario ay nasa buong probinsya. Makakakuha rin ng mga

natatanging serbisyo para sa kabataan, dayuhan at mga taong may kapansanan.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-usap sa iyong lokal na ahensyang naninilbihan sa dayuhan at bisitahin ang www.edu.gov.on.ca/eng/tcu/employmentontario o tumawag sa Employment Ontario Hotline sa 1-800-387-5656

EMPLOYMENT ONTARIO

• Employment Resource Centres (isang Employment Ontario service)

• Mga Ahensya ng Trabaho o Pagbibigay ng Empleyo (maghanap sa "Employment" sa Yellow Pages (Mga Dilaw na Pahina))

• Job Bank www.jobbank.gc.ca • Mga Trabaho sa Federal Public Service

http://jobs-emplois.gc.ca• Mga Trabaho sa Ontario Public Service

www.gojobs.gov.on.ca• Iba pang Site sa Pagtatrabaho

http://www.settlement. org/sys/faqs_detail.asp?faq_id=4000253

• Mga Website ng Kompanya (hanapin ang bahagi ng "employment", "career" o "jobs")

• Mga Diyaryo (maghanap sa bahagi ng "Classifieds" o "Help Wanted")

• Mga karatulang "Help Wanted" sa mga tindahan at restawran

SAAN MAGHAHANAP NG TRABAHO• Mag-aral magsalita ng Ingles o French o pareho• Mag-network (makipagkilala sa mga tao at makipag-usap

sa mga kakilala mo upang malaman ang mga oportunidad)• Makipag-usap sa isang tagapayo sa pagtatrabaho • Magpunta sa mga seminar tungkol sa paghahanap

ng trabaho• Maghanap ng tagapagturo • Maglingkod bilang boluntaryo (ito ay magandang paraan

upang makipagkilala at makakuha ng karanasan)• Magsaliksik ukol sa mga potensyal na nagpapatrabaho • Ayusin ang iyong sulat sa pagpapakilala (cover letter)

at résumé para sa bawat trabaho • Siguraduhin na walang mali ang iyong résumé at sulat

sa pagpapakilala (cover letter)• Magsanay sagutan ang mga karaniwang tanong sa interview• Kumuha ng Canadian equivalency para sa

mga internasyonal na kredensyal• Maging masugid at subukang magpanatili ng positibong

pag-uugali

MGA TIP SA PAGHAHANAP NG TRABAHO

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201032

Page 33: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Mahalaga para sa Ontario ang malaman kung paano mabibigyang-halaga ang iyong pag-aaral sa labas ng Canada. Ang impormasyong ito ay kakailanganin kapag ikaw ay nag-apply ng trabaho, karagdagang pag-aaral o propesyonal na lisensya. Tinutulungan ng World Education Service, na pinopondohan ng Governments of Canada and Ontario, ang mga bagong-dayo na tasahin ang kanilang mga kredensyal sa pag-aaral sa ibang bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga website na ito:• www.wes.org/ca• http://www.ontarioimmigration.ca/english/academic.asp • http://www.settlement.org, mag-click sa “Education” at pagkatapos sa “Evaluate My Credentials”

MGA KREDENSYAL SA PAG-AARAL SA IBANG BANSA

Isulat ang pangalan ng tatlong tao na mahihingan mo ng suporta o payo tungkol sa paghahanap ng trabaho:

Magsimulang Makipag-network

PAG

SA

SA

NAY

Pangalan: Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

Sa Ontario, may mga propesyon at pangangalakal na pinangangasiwaan, kabilang ang sa mga guro, doktor, nars, inhinyero, tagatuos (accountant), abogado, elektrisista, at marami pang iba. Upang makapagtrabaho sa isang pinangangasiwaang propesyon o kalakal, ikaw ay dapat na nakarehistro sa naaangkop na lupong-nangangasiwa.

Tinutulungan ng Global Experience Ontario (GEO) at iba pang mga ahensyang naninilbihan sa dayuhan ang mga indibidwal na nag-aral sa ibang bansa na malaman kung paano makakapasok sa propesyonal na pagtatrabaho sa Ontario. Ang mga lugar na ito ay nag-aalok ng iba-ibang serbisyo kabilang ang:

• Impormasyon sa pakikipag-ugnay at mga rekomendasyon sa mga lupong-nangangasiwa

• Mga koneksyon sa edukasyon at mag programa sa pagtatasa

• Impormasyon tungkol sa paglilisensya, pagpaparehistro, pagkainterno (mga internship), at pagsasanay• Balangkas ng karera sa halos 40 trabaho at kalakal

MGA PINANGANGASIWAANG PROPESYON

Sa pamamagitan ng mga libreng serbisyong inaalok ng Access Centre for Internationally Educated Health Professionals ng HealthForceOntario, maaaring matutunan ng mga bagong-dayo ang paraan upang makapasok sa propesyonal na pagtatrabaho sa mga pinangangasiwaang propesyon sa pangkalusugang pangangalaga, sa Ontario. Para sa karagdagang impormason, tumawag sa libreng toll 1-800-596-4046 o bisitahin ang www.healthforceontario.ca.

PARA SA MGA PROPESYONAL SA KALUSUGAN

HealthForceOntario

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa libreng toll-free 1-866-670-4094 o magpunta sa www.ontarioimmigration.ca at i-click ang “Global Experience Ontario”.

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201033

Page 34: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Ang Centre for the Evaluation of Health Professionals Educated Abroad (CEHPEA) ay isang indipendiyenteng organisasyon na hindi kumikita (non-profit) na nagtatasa at nagsasagawa ng mga talakayan para sa mga propesyonal sa kalusugan na nag-aral sa ibang bansa. Para sa impormasyon tungkol sa prosesong ito sa pagtatasang at sa mga umiiral na uri ng pagtatasa, bisitahin ang www.cehpea.ca.

CEHPEA

Sa Canada, may mga probinsyal at pederal na batas sa pagtatrabaho na nauukol upang mapangalagaan ang mga trabahador at nagpapatrabaho. Ang mga batas na ito ay nagtatakda ng pinakamababang antas ng sweldo, mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan, at nagtatatag ng mga tuntunin ukol sa oras ng pagtatrabaho, bakasyon para sa pagbubuntis, bayad na taunang bakasyon, pagtatapos ng pagtatrabaho at iba pang dahilan. Ang mga ito ay nagbibigay proteksyon din sa mga mas nakababatang trabahador. Pinangangalagaan ng mga batas sa karapatang-pantao ang mga empleyado mula sa di makatarungang pagtrato ng mga nagpapatrabaho batay sa edad, kasarian, lahi, relihiyon, kapansanan o hinalal na kasarian.

Ang Employment Standards Act (ESA) (Batas sa mga Pamantayan ng Pagtatrabaho) ay isang batas na nagtatakda ng pinakamababang pamantayan para sa mga lugar na pinagtatrabahuhan sa Ontario. Ang karamihan sa mga empleyado at nagpapatrabaho sa Ontario ay nasasaklaw ng ESA. Ngunit, hindi nasasaklawan ng ESA ang mga empleyadong nasasailalim sa pederal na hurisdiksyon at mga taong nasasailalim sa ilan pang mga natatanging kategoriya.

Hindi maaaring takutin, tanggalin sa trabaho, suspindihin, o parusahan ang isang empleyado, o subukang gawin ang alinman sa mga gawaing ito dahil lamang ang empleyado ay nagtatanong tungkol sa karapatan niya o nila.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ESA, tawagan ang Employment Standards Information Centre sa libreng toll 1-800-531-5551 o bisitahin ang www.labour.gov.on.ca/english/es/index.html

ANG IYONG MGA KARAPATAN AT PANANAGUTAN

PAGKUHA NG KARANASAN SA PAGTATRABAHO

Patataasin ng pagkakaraoon ng karanasan sa pagtatrabaho sa Canada ang posibilidad na makahanap ka ng trabaho. Nilalayon ng programang Career Bridge ang tumulong sa mga propesyonal na naturuan sa ibang bansa upang makakuha ng karanasan sa pagtatrabaho sa Canada sa pamamagitan ng bayad na pagkainterno (mga internship). Ang mga pagbibigay ng empleyo (placements) na tatagal ng 4, 6, 9, o 12 buwan ay aplikable sa mga propesyong di pinangangasiwaan.

Ang Ontario Public Service (OPS) ay nag-aalok ng mga pagkainterno (mga internship) sa pamamagitan ng Career Bridge upang ang mga dayuhang may kakayahan ay makakuha ng karanasan sa trabaho sa probinsyal na gobyerno. Ang mga pagbibigay ng empleyo (placements) ay aplikable sa mga industriya sa pananalapi, kimika, pangangasiwa ng negosyo, mga pag-aaral sa komunikasyon at kapaligiran. Ang mga kandidato ay dapat na karapat-dapat mag-apply sa programang Career Bridge.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (416) 977-3343 o bisitahin ang www.citizenship.gov.on.ca/english/working/internship

PAGKAINTERNO (MGA INTERNSHIP)

Tinutulungan ng bridge training programs ang mga kwalipikadong propesyonal na naturuan sa ibang bansa at mga mangangalakal upang makuha ang mga kakayahan at kaalamang kanilang kailangan upang makapagtrabaho sa Ontario. Ang mga programang ito ay nagtuturo at nagdudulot ng karanasan sa mga lugar ng pagtatrabaho sa Canada, nang hindi dinodoble ang mga natutunan mo na. Ang Bridge training programs ay inaalok sa higit sa 100 pinangangasiwaan at di pinangangasiwaang kalakal at propesyon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ontarioimmigration.ca/english/bridge.asp

BRIDGE TRAINING PROGRAMS

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201034

Page 35: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

Dapat bayaran ng mga nagpapatrabaho ang kanilang mga empleyado sa isang regular, at umuulit na araw ng sweldo. Karaniwang binabayaran ng mga nagpapatrabaho ang kanilang mga trabahador nang linggo-linggo, kada-dalawang linggo, o dalawambeses sa isang buwan. Ikaw ay maaaring mabayaran sa pamamagitan ng direktang deposito sa iyong bank account, sa pamamagitan ng tseke o minsan sa cash.

Ang mga empleyado ay dapat mapakitaan ng kasulatan na nagpapakita ng kanilang bayad at pagbabawas para sa bawat panahon. Maaaring kabilang sa mga pagbabawas mula sa iyong sweldo ang mga pederal at probinsyal na buwis, mga kontribusyon sa Canada Pension Plan, mga kontribusyon sa Employment Insurance, mga kontribusyon sa plano ng benepisyo at mga singil ng unyon.

Hinihiling ng batas ng Canada na ikaw ay magharap ng tala sa pagbubuwis taun-taon, at iulat ang lahat ng kinikita, kabilang ang kinikitang cash at kinikita mula sa ibang bansa. Ang mga tala ng pagbubuwis ay hinaharap sa huling bahagi ng taglamig o unang bahagi ng tagsibol, at dapat maisumite ng ika-30 ng Abril. Ang karamihan sa mga empleyado ay nakatatanggap ng pagbabalik ng pera o refund mula sa Gobyerno matapos ang paghaharap ng tala ng pagbubuwis.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kabawasan sa sweldo at pagbubuwis, bisitahin ang mga website na ito: Ministry of Labour: www.labour.gov.on.ca Canada Revenue Agency: www.cra-arc.gc.ca

ANG IYONG TSEKENG KABAYARAN

Ang mga small and medium-sized enterprises (SME) (maliit at di kalakihang laki) ay mahalagang bahagi ng ekonomiya ng Ontario. Mga 99% ng lahat ng mga negosyo sa Ontario ay itinuturingna small- and medium-sized. Ang mga ito ay nagpapatrabaho sa malapit sa 2.9 milyong tao at nananagot sa $250 bilyon pagdating sa taunang aktibidad ng ekonomiya. Maraming mga programang tinataguyod ng gobyerno at mga serbisyong nauukol upang masuportahan ang mga negosyante.

Ang mga Small Business Enterprise Centres na nasa buong Ontario, ay nagbibigay ng impormasyon, payo at suporta para sa mga nagsisimula at para sa small enterprises sa unang mga taon ng operasyon. Maaaring makakuha ang mga negosyante ng mga serbisyo sa pangongonsulta at impormasyon ukol sa pangangasiwa, pagma-market, teknolohiya, at pagpopondo.

Para sa karagdagang impormasyon o upang mahanap ang iyong lokal na Small Business Enterprise Centre, tumawag sa libreng-toll 1-800-567-2345 o bisitahin ang http://www.ontariocanada.com/ontcan/1medt/smallbiz/en/sb_sbec_locations_info_en.jsp

Ang mga Small Business Enterprise Centres ng Canada, na nasa bawat probinsya at teritoryo, ay nagbibigay ng tulong at pag-access sa mga publikasyon na may kinalaman sa negosyo, mga direktoryo, at mga elektronikong database. Ang Canada Business ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagsisimula ng negosyo, pagpopondo, pagbubuwis, mga lisensya at permit, pagluluwas, pag-aangkat, e-business, pangangasiwa ng negosyo at iba pang mga paksa.

Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa libreng toll sa 1-888-576-4444 o bisitahin ang www.canadabusiness.ca

PAGSISIMULA NG NEGOSYO

Sukatin ang Iyong Potensyal sa Pagnenegosyo!

1. Magpunta sa website na ito: www.bdc.ca/en/business_tools2. Mag-click sa "Entrepreneurial self-assessment"3. Mag-click sa "Continue" upang makumpleto ang libre at online na pagtatasang ito4. Tingnan ang mga resulta at makipag-usap sa iba tungkol dito • Sumasang-ayon ka ba sa mga resulta? • Ano pang ibang impormasyon ang iyong kinakailangan upang makapagpasiya kung nababagay sa iyo ang sariling-

hanapbuhay?

PAG

SA

SA

NAY

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201035

Page 36: Ang Ontario sa Araw-Araw - · PDF fileMga serbisyo sa paninirahan ng dayuhan, ... Maraming napakahuhusay na awtor, pintor, musikero, mamamahayag at artista na mamamayan ng Canada

• Settlement.Org – Employment: www.settlement.org (mag-click sa “Employment”) • Ontario Immigration – Pagtatrabaho: www.ontarioimmigration.ca/english/how_work.asp • Employment Ontario: www.edu.gov.on.ca/eng/tcu/employmentontario• Global Experience Ontario (GEO): www.ontarioimmigration.ca/english/geo.asp • Ministry of Labour: www.labour.gov.on.ca• Canada Revenue Agency: www.cra-arc.gc.ca• World Education Services Canada: www.wes.org/ca•Pagsusuri sa mga Kredensyal ng Iyong Edukasyon: www.settlement.org (mag-click sa “Education” at pagkatapos sa “Evaluate My Credentials”) • Career Bridge (Bridge sa Karera): www.careerbridge.ca• Bridge Training Programs (Mga Programa ng Bridge sa Pagsasanay): www.ontarioimmigration.ca/english/bridge.asp • Canada Business: www.canadabusiness.ca

Mga Makabuluhang Website

Pagpopondo ay ibinigay ng: Pamamahala ng proyekto ng: Konsepto, nilalaman at disenyo ng:

www.focusfit.com www.inspireddesign.ca

MGA PASASALAMAT

www.stonehaven.ca

Ang Ontario sa Araw-Araw Workbook ng 201036