42
Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan ng Tao Ipinasa ng Pangkat 4 Ipinasa kay: BMLS 1-B Gng. Tessie S. Suguran Bardon, Precious Dianne E. Nepomuceno, John Maruel C. Galeon, Bethel Marie O. Evardo, Mariel D. Camacho, Roedelle D. Paragele, Kimberly Claire R. Tan, Kristin Denise S. Lim, Kathleen Q.

Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan

ng Tao

Ipinasa ng Pangkat 4 Ipinasa kay:

BMLS 1-B Gng. Tessie S. Suguran

Bardon, Precious Dianne E.

Nepomuceno, John Maruel C.

Galeon, Bethel Marie O.

Evardo, Mariel D.

Camacho, Roedelle D.

Paragele, Kimberly Claire R.

Tan, Kristin Denise S.

Lim, Kathleen Q.

Talaan ng Nilalaman

Page 2: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

1. Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan ng Tao -Bardon, Precious Dianne

2. Kahalagahan ng Dugo sa Buhay ng Tao -Nepomuceno, John Maruel

3. Ang Bato ng Tao -Galeon, Bethel Marie

4. Daanan ng Pagkain at Pagtunaw -Evardo, Mariel

5. Sikmura -Camacho, Roedelle

6. Kabuuan ng Nerbiyo -Paragele, Kimberly Claire

7. Gawain ng Utak at Medula Ispaynal -Tan, Kristin Denise

8. Ang Kahalagahan ng Mata sa Tao -Lim, Kathleen

Ang Pagdaloy ng Dugo sa Katawan ng Tao

Precious Dianne E. Bardon

Page 3: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Kapag narinig ang terminong “cardiovascular system” agad na

pumapasok sa isip ng karamihan ay ang puso. Palagi nating

nararamdaman ang bawat pintig at tibok ng ating puso oras-oras, kung

minsan kapag tayo’y ninerbiyos. Ang mahalagang ginagampanan ng puso

ay matagal ng alam at napag-aralan ng mga eksperto, marami na ding mga

kanta, literal man o hindi ang naisulat tungkol dito. Lingid sa kaalaman ng

iba ang “cardiovascular system”, ay hindi lang binubuo ng puso. Sa mga

siyentipiko at medikal na pahayag, ito ay importante upang malaman natin

kung bakit nga ba ang sistemang ito ay napakahalaga sa buhay ng tao.

Ang masikip na trapiko palabas at papasok sa isang pagawaan ay

para lang uod, kung ikukumpara sa walang hanggang aktibidad sa ating

katawan. Araw at gabi, bawat minuto, ang trilyong mga cells ay nagdadala

ng mga nutrisyon at bitamina sa katawan at naglalabas ng dumi sa

katawan ng tao. Habang natutulog ang tao ang paggalaw ng mga ito ay

humihina ngunit nananatili at patuloy parin itong gumagana sa

nakasanayang aktibidad nito, sapagkat, kapag ito’y huminto ang tao ay

mamamatay. Ang mga cells ay nagtatrabaho at nakikipag-ugnayan sa

mga katabi lang nitong mga likido. Sa madaling salita, ang pagpapalit at

pagbabago ng mga likidong ito ay kinakailangan para mapanatili ang

kaayusan sa loob ng ating katawan. Ang pagdaloy ng mga nutrisyon at

Page 4: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

pagpigil sa pagrami ng mga masasamang elemento sa ating katawan, ay

katulad din sa mga nagyayari sa isang pagawaan. Ang katawan ay dapat

magkaroon ng sistema ng transportasyon para magdala ng iba’t-ibang

karga patungo at pabalik sa dapat nitong puntahan. Kung may mga

himpapawid at simentong daanan at mga “fly over”, ang ating katawan ay

may rota din na sinusundan, ito ang mga iba’t-ibang ugat na matatagpuan

sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan.

Sa madaling salita, ang pinakamahalagang ginagampanan ng

“cardiovascular system” ay transportasyon. Gamit ang dugo, bilang

sasakyan, ang sistemang ito ay nagdadala ng oksiheno, nutrisyon, mga

dumi, mga hormones, at iba pang mga sustansya na kailangan sa

pagpapanatili ng kaayusan sa katawan ng tao. Ang pwersa na

nagpapadaloy ng dugo sa ating buong katawan ay ang pangunahing

gawain ng ating puso.

Ang “cardiovascular system” ay maihahalintulad sa lokal na

patubigan ng ating syudad na may isang kontroler at isang sistema na

nagtataglay ng malalaki at maliliit na tubo na dinadaluyan ng dugo. At ang

dugo naman, bilang ang sasakyan na nakakarating sa iba’t ibang parte ng

katawan. Ang puso bilang bomba, at ang mga ugat bilang mga tubo na

daluyan ng dugo.

Page 5: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Ang iyong puso ay parang bomba. Ito ay kasinglaki ng iyong kamao

na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng iyong dibdib.

Ang puso ay nahahati sa kanan at kaliwang bahagi, ang dibisyong ito

ang nagpoprotekta sa dugong nagtataglay ng oksiheno na mahalo sa

dugong nagtataglay ng kaunting oksiheno.

Sa kabuuan, ang iyong puso at mga ugat ang bumubuo ng iyong

kardyobaskyular na sistema na nagpapadaloy ng dugo sa katawan ng tao.

Basi sa mga pananaliksik, ang puso ay nagpapadaloy ng dugo sa

katawan ng higit kumulang limang litro kada minuto at tumitibok sa

estimeyt na isang daang libong beses kada araw at aabot naman ito ng

mga tatlongput-limang milyon kada taon.

Sirkulasyon ng Dugo

Page 6: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Sa termino pa lang malalaman na kung ano ang ibig sabihin nito. Ang

dugo ay dumadaloy sa katawan sa isang paikot na paraan. Pabalik-balik at

pauli-ulit lamang.

Ang dugo ay walang patid na dumadaloy sa mga ugat. Ang dugong

nasa loob ng ugat ay tumatakbo mula kamay patungong balikat. Ang dugo

ay tumatakbo sa ugat dahil sa pagkilos o pagtibok ng puso.

Tingnan natin ang larawan ng puso sa ibaba:

Ang isang malaking ugat na parang tubo na nakadugtong sa itaas ng

dakong kaliwa ng puso ay tinatawag na aorta. Ito’y pataas at nagsasanga

Page 7: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

sa ulo at kamay. Ito’y nakabaluktot paibaba sa likod ng puso. Muli itong

nagsasanga at nagdadala ng dugo sa lahat ng bahagi ng katawan,

maliban sa ulo at kamay.

Sa pagtibok ng puso, ang dugo ay napipilitang dumaloy papunta sa

aorta at sa lahat ng ugat na bahagi ng katawan, ang dinadaluyan nitong

ugat ay paliit ng paliit, ang pinakamaliit na ugat ay tinatawag na kapilyares

kung saan nangyayari ang pagpapalit ng dugong may oksiheno sa

pagiging dugong may carbon dioxide. Galing sa mga kapilyares, ang

dugong asul o dugong may carbon dioxide ay dadaloy sa malalaking ugat

na tinatawag na veins papunta sa inferior at superior vena cava. Ang mga

dugong nasa itaas ng puso ay papasok sa superior vena cava at ang

nasa ibaba naman nito na parte ay sa inferior vena cava. Kung bibiyakin

natin ang puso nang pahaba may kaliwa at kanan itong bahagi. Mula sa

inferior at superior vena cava as pupunta ang dugo sa kaliwang atrium,

dadaan sa tricospid valve papunta sa kaliwang ventricle. Pagtibok na

naman ng puso ulit ay lalabas ang asul na dugo sa pulmonary artery

papunta sa baga at doon mangyayari ang pagpapalit ng dugong may

carbon dioxide sa paggiging pulang dugo, o dugong nagtataglay ng

maraming suplay na oksiheno. Pagkatapos ay papasok ang pulang dugo

sa pulmonary veins at tutuloy sa kanang atrium. Ang dugo na galing sa

Page 8: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

kanang atrium ay papasok sa kanang ventricle sa pamamagitan ng

bicospid valve, pagkatapos ay babalik naman sa aorta kapag tumibok na

naman ang puso. Ang prosesong ito ay pabalik-balik lang habang buhay pa

ang isang tao. Titigil lang ito kapag ang tao ay patay na.

Kahalagahan ng dugo sa buhay ng tao

Page 9: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

John Maruel C. Nepomoceno

Ang dugo ay isang natatanging pluidong biyolohikal na kinalalamnan

ng “red blood cell”, ng “white blood cell” at “platelet” na nakalutang sa

masalimuot na pluidong kilala sa tawag na plasma ng dugo. Ang plasma

ang likidong bahagi ng dugo, kung saan nakalutang ang mga selula ng

dugo. Binubuo nito ang may 55 bahagdan ng kabuuang bulumen ng dugo.

Ang mga selula ng “red blood cell” ang may pinakamaraming bilang.

Naglalaman ito ng hemoglobin na siyang nagbibigay ng pulang kulay sa

kaniyang sarili. Ang bahaging heme ng hemoglobin, naglalaman ng yero,

ang nag-uudyok sa pagdadala ng oksiheno at karbong dioksido na kapwa

sadyang patungo sa hemoglobin sa pamamagitan ng mapiling pagbigkis sa

mga hanging ito at sadyang nagpapataas ng pagkakatunaw nila sa dugo.

Tumutulong ang mga selula ng “white blood cell” sa pagsasanggalang ng

mga impeksiyon, at mahalaga ang mga “platelet” sa pagpapatuyo ng dugo.

Dinadala ang dugo sa palibot ng katawan sa pamamagitan ng mga

sisidlan ng mga dugo dahil sa pagbobomba ng puso. Ibinubuga ang dugo

mula sa malakas na kaliwang bentrikulo ng puso sa pamamagitan ng mga

malalaking ugat patungo sa mga panlabas na tisyu at nagbabalik sa

kanang atrium ng puso sa pamamagitan ng mga maliliit na ugat na

Page 10: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

pambaga. Papasok naman ngayon ang dugo sa kanang bentrikulo at

padadaluyin papasok sa kaliwang bentrikulo upang mapaikot muli. Ang

dugong arteryal ang siyang nagdadala ng oksihendo mula sa nalanghap na

hangin sa loob ng mga baga patungo sa lahat ng mga selula ng katawan,

samantalang ang dugo mula sa mga bena ang may dala ng karbong

dioksido patungo sa mga baga para ibuga palabas.

Ang Bato ng Tao

Bethel Marie O. Galeon

Page 11: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Ang bato ng tao ay dalawa sa mga mahalagang lamang loob ng

katawan. Kapag ang mga ito ay nasira o nawala sa katawan, tiyak na

mahihirapan ng lubusan ang katawan at maaaring ito ay hindi makatagal.

Ang mga bato sa katawan ng tao ang may malaking bahagi sa

pagkakaroon ng balanse sa iba’t ibang gawain ng katawan.

Pangkalahatang Katangian:

Paglalarawan:

Ito ay hugis patani at kulay alasan.

Malukong sa mahabang bahagi at lukob sa

kabaligtarang bahagi.

Ito ay pinapalibutan ng pinagpatong-

patong na tisyu: ang kapsula ng bato, matabang kapsula at ng bato fascia

na nangangalaga sa bato at humahawak sa tama nitong puwesto.

Sukat:

Page 12: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Ang bato na nasa tamang gulang ay 12 sentimetro (5 pulgada) ang

haba, 6 na sentimetro (2.5 pulgada) ang lapad, at 3 sentimetro (1 pulgada)

and kapal.

Bigat:

Sa matandang lalaki ito ay tumitimbang ng 150 gramo (0.15 kilo), at

sa matandang babae naman, ito ay tumitimbang ng 135 gramo (0.135 kilo)

Kinalalagyan:

Ito ay karaniwang matatagpuan sa mataas na bahagi ng tiyan lukab,

salungat sa likurang bahagi, nakahiga sa makabilaang

gilid ng gulugod sa pagitan ng

mga antas ng ika-12 thoracic at

ikatlong panlikod na vertebrae,

at sa labas ng peritoniyum, ang

lamad na linya sa tiyan.

Ang kanang bato ay mas

mababa ng konti sa kaliwang

bato, ito ay dahil sa malapit ito sa atay; ang kaliwang bato naman ay mas

mahaba ng konti at ito ay mas malapit sa median plane.

Page 13: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Mga Tungkulin

Naglilinis ng dugo at isinasa-ayos ang mga komposisyon nito.

Ang nag-aalis ng mga hindi kailangang produkto sa katawan, tulad ng

nitrohenus na mga dumi at lason.

Ang nagbabalanse sa dami ng likido sa katawan.

Nagpapanatili ng tubig at balanse sa mga electrolyte ng dugo.

Ang nag titiyak sa tamang pH ng dugo.

Mga Bahagi ng Bato

Page 14: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

1. Bato piramide

2. Arterya ng interlobular

3. Arterya ng Bato

4. Ugat ng bato

5. Hilum ng bato

6. Pelvis ng bato

7. yuriter

8. Takupis menor

9. Kapsula ng bato

10. Mababang kapsula ng bato

11. Mataas na kapsula ng bato

12. Ugat ng interlobular

13. Nephron

14. Takupis menor

15. Malaking takupis

16. Papilla ng bato

17. Haligi ng bato

Page 15: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Mga Paraan sa Tamang Pag-aalaga ng Bato

Uminom ng 6 hanggang 8 baso ng tubig araw-araw.

Kumain ng mga pagkain na masustansya upang makakuha ng

mga bitamina at mineral na kinakailangan ng katawan.

Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at ang paggamit ng

mga pinagbabawal na mga gamot o droga.

Alam mo ba?

Mas maraming dugo ang dumadaloy sa bato kaysa sa atay, puso o

utak.

Ang bawat bato ng tao ay may nilalaman na isa hanggang dalawang

milyong nepron.

Kapag kulang ng isang bato ng ipinanganak, ang natirang bato ay

lalaki hanggang sa ito ay katimbang na ng dalawang pinagsamang

bato.

Mahigit sa 400 na galon ng nagamit muling dugo ang binubomba sa

bato bawat araw.

Page 16: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Daanan ng Pagkain at Pagtunaw

Mariel D. Evardo

Ang mga bahaging katawan na may kinalaman sapagtunaw ng

pagkain ay tinatawag na daanan ng pagkain. Ito’y isang mahabang tubo na

nagmumula sa bibig at umaabot hanggang sa ibaba ng malaking bituka

(tumbong). Ang kalagitnaanan nito ay palikaw-likaw. Samatanda ito ay

umaabot hanggang tatlumpung talampakan ang haba. Mula sa bibig,

lalaugan, sikmura, maliit na bituka at malaking bituka.

Ang pagkain sa bibig ay kailangang duruging mabuti ng ngipin.

Habang nginunguya ang pagkain ito’y nahahaluan ng laway buhat sa anim

na kulani (gland) na kilala sa tawag na kulaning laway. Ang laway ay

tumutulong sa gawain ng pagtunaw kung kaya di dapat madaliin ang

paglulon ng pagkain sa halip ay pakaduruging mabuti upang mahaluan ng

mga katas na pantunaw bago lunukin ang pagkain. Mula sa bibig ang

pagkain ay daraan muna sa lalaugan, bago magtuloy sa sikmura.

Page 17: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

LABI

Ang mga labi o nguso ay ang nakikitang organo sa bibig ng mga 

tao  at maraming mga  hayop. Malambot ang kapwa labi, nakaungos,

naigagalaw at pangunahing nagsisilibing daanan ng pagkain, bilang

organong pandama, at gamit sa pagsasalita.

NGIPIN

Ang mga ngipin ay ang mga istrukturang nakikita sa loob ng panga

O bibig ng maraming mga vertebrate at ginagamit sa pagkagat, pagngasab

at pagnguya ng pagkain. Ginagamit din ang mga ngipin para sa

panananggalang at pangangaso ng ilang mga hayop, lalo na ang mga

kumakain ng karne. Natatakpan ng mga  gilagid ang mga ngipin.

Ang mga ngipin ang ilan sa mga pinakanatatangi at pang matagalang

Page 18: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Bahaging mgae spesyeng  mamalya. Ginagamit ng mga  paleontologo ang

Mga ngipin para makilala ang mga espesye batay sa mga  kusilba 

(Ingles: fossil) at malaman ang kanilang mga kaugnayan. May

kauganayan ang hugis ng mga ngipin ng isang hayop sa kaniyang mga

kinakain. Bilanghalimba, mahirap tunawin ang mga  halaman, kaya

maraming mga  molar  (makakapal na mga ngipin) na pangnguya ang mga

hayop na kumakain ng halaman lamang (mga herbibor). Samantalang

kailangan ng mga  canine  (matutulis at matatalim na mga ngipin) ang mga

hayop na kumakain ng karne para makapaslang at makapunit ng laman.

Mga  dipyodonta ang mga  tao, na nangangahulugang nagkakaroon sila ng

Dalawang uring mga ngipin. Ang unang uri ay ang kumpol ng mga ngiping-

pangbata o pangunahing kumpol ng ngipin (desiduwo) na karaniwang

nagsisimula ng lumitaw sa gulang na anim na buwan, bagaman mayroong

isa o higit pang nakikitang mga ngipin ang ibang mga sanggol at kilala

bilang  ngipin-pangbagong-silang. Mahapdi para sa isang sanggol ang

normal na pagtubo ng mga ngipin sa mahigit-kumulang na anim na buwang

gulang.

Page 19: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Nagkakaroon lamang ng isang kumpol ng ngipin ang ilan sa mga

hayop (ang mga monopyodonta) habang nagkakaroon ng maraming

kumpol ang iba (ang mga hayop na polipyodonta). Some animals develop

only one set of teeth (monophyodont) while others develop many sets

(polyphyodont). Bilang halimbawa, sinisibulan ng mga bagong kumpol ng

mga ngipin angMga pating tuwing ikalawang linggo upang mapalitan ang

mga sirang ngipin. Tumutubo at tuluy-tuloy na kusang napuputol ang mga

pangkagat na ngipin (o mga incisor) ng mga daga sa pamamagitan ng

pagngatngat kaya napapanatili ang kainam ang haba. May ibang uri na

man ng mga dagang may mga ngiping tuluy tuloy ang paglaki ng mga

ngiping pangnguya bilang karagdagan sa mga ngiping panghiwa, katulad

ng sa mga dagang-kosta.

DILA

Ang dila (Ingles: tongue; Kastila: lengua) ay isang bahagi ng katawan

ng tao na nasa loob ng bibig, at kasangkapan ng tao sa pagsasalita. Gamit

ito ng mga hayop upang makalikha ng tunog

KULANI

Ang glandula o kulani ay ang bahagi ng katawa ng nagbibigay ng

mahahalagang katas o sekresyon. Ito ang organo ng kumukuha ng mga

Page 20: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

partikular na sustansiya mula sa dugo at gumagawa mula sa mga itong isa

pa o iba pang sustansiyang kailangan ng katawan. Katulad ng isang

pagawaan o pabrika ng mga kemikal ang bawat isang glandula ng

katawan.

Sikmura

Page 21: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Roedelle D. Camacho

Ang sikmura o stomach ay parte ng ating digestive system na

naglalaman ng gastriko o gastric juice (Hydrochloric acid) na tumutulong

tumunaw ng ating mga kinain. Ang gastric juice ay gawa sa mga enzymes

na may kakayahan tumunaw at gawing simple ang pagkain upang

masipsip ang mga bitamina at minerals na nasa pagkain. Dito mismo

dumadaan ang lahat ng pagkain natin upang salain ang mga pagkain.

Ang paggamit ng mga ngipin sa pagdurog ng mga pagkain natin ay

isang paraan upang maibsan ang trabaho ng ating sikmura. Karamihan sa

tao ay nagkakaroon ng kanser sa sikmura dahil sa pag-abuso o hindi nila

inaalagaan ng mabuti ang mga sikmura. Ang pagkain ng wala sa oras o

hindi pagkain ay nakakasama sa sikmura dahil maaring tunawin ng gastric

Page 22: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

juice ang mismong sikmura. Kaya dapat ingatan ang sikmura dahil malaki

ang magiging epekto nito sa indibidwal.

Dumadaan ang pagkain natin mula sa ating bibig. Pagkatapos

dadaan sa ating esophagus ang pagkain. Ang peristalsis ay ang paggipit

ng mga muscles ng lalamunan at pagluwang kaya ang pagkain ay hindi na

bumabalik pataas. Lahat ng pagkain ay dadaan sa sikmura parang salain.

Tumatagal ang pagkain sa sikmura sa loob ng 30 minuto o ilang oras.

Pagkatapos nito ay dadaan sa small intestines na kukuha sa mga

sustansya na naroon sa pagkain at matitipon ang lahat ng pagkain bilang

dumi sa large intestines natin. Lalabas ang ating mga dumi sa ating

rectum. Ang dahilan ng mabahong amoy ng mga ito ay dulot ng ating

enzymes. Ibang pagkain ay nagiging tubig na kaya ito’y naiipon na sa ating

bladder.

Page 23: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Kabuuan ng Nerbiyo

Kimberly Claire R. Paragele

Ang katawan ng tao ay maraming sangkap. Bawat isa sa mga

sangkap na ito ay may mga kanya-kanyang gawain, tulad ng sikmura na

tumutulong sa pagtutunaw ng pagkain, ang bato na tumutulong sa

pagpapalabas ng duming may lason at ang puso sa pagpapadaloy ng

dugo. Ang lahat ng ito ay kontrol ng isang importanteng sistema sa

katawan ng tao at iba pang nilalang.

Katulad ng hukbo ang katawan ay nangangailangan ng isang

mamumuno at mag-uutos sa lahat ng bahagi nito, ito ay ang kabuuan ng

nerbiyo. Ang tungkulin ng nerbiyo ay pakilusin ang lahat ng bahagi ng

katawan sa tamang panahon o gawain. Ang dalawang malaking istraktura

na matatagpuan sa kabuuan ng nerbiyo ay ang Utak at Medula Ispaynal.

Ang dalawang ito ay nagtutulungan upang magampanan ng tama ang

kanilang tungkulin sa katawan ng isang nilalang.

Ang Utak ay ipinagsasanggalang o nakapaloob sa bungo. Ang utak

ay ang sentro ng kontrol sa pagtulog, pagdama ng gutom at uhaw at ang

iba pang mahahalagang aktibidadis upang mabuhay ang isang tao. Ang

Page 24: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

lahat ng emosyon ng tao- kasama na ng pag-ibig, galit, takot at lungkot- ay

kinokontrol parin ng utak.

Ang medula ispaynal ay karugtong o bahagi lamang ng utak na tulad

ng isang lubid na kasinlaki ng kalingkingan. Nakakabit ito sa ibaba ng utak

at lumalabas sa isang malaking butas sa gitna at sa pagkakapatong ng

mga butong itong gulugod ay nagkakatamatama ng butas at nagiging

parang isang tubong buto para sa medula ispaynal. Ito’y umaabot at

lumalabas sa isang malaking butas ng bungo. Ang medula ispaynal ay

umaabot hanggang sa sasapnan sa may balakang. Mula sa utak at

medula ispaynal ay maraming maliliit na gatil (nerbiyo) na ang iba ay

kasing liit halos ng hibla ng sutla at kumakalat sa lahat ng bahagi ng

katawan. Napakarami at napakasinsin ng mga pagkakalat ng gatil na ito na

ang iba’y hindi maaring maduro ng pinakamaliit na karayom.

Kung ang utak at medula ispaynal ay mahihimay makikita natin na

ito’y binubuo ng maraming maliliit na hiblang mapuputi na tulad ng sinulid.

Ito ang nerbiyo ng fibra at sa bawa’t dulo nito ay may malaking tumpok na

tulad ng isang buhol na kung tawagin ay nerbiyo ng selula. Halos lahat ng

mga nerbiyo ng selula ay nasa utak at medula ispaynal. Ang nerbiyo ng

selulang ito ay bahagi ng utak na umiisip, umaalala at nagpapakilos o

namamahala sa lahat ng bahagi ng katawan. Ang nerbiyo ng fibra ay

Page 25: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

siyang nagkakabit ng lahat ng bahagi ng katawan sa nerbiyo ng selula,

tulad din sa pagkakabit ng kawad ng telepono sa malaking bukirin o sentro

ng tanggapan. Samakatuwid tungkulin ng nerbiyo ng fibra ang maghatid

ng mga pasabi o habilin sa pagitan ng utak o medula ispaynal at ng ibang

bahagi ng katawan.

Napakaimportante talaga ng Kabuuan ng Nerbiyo. Kunting pagkasira

lamang sa anumang bahagi nito ay maaring makadulot ng iba’t ibang

problema sa katawan ng tao, maari tayong maparalisa o mamatay pa.

Ang Kabuuan ng Nerbiyo

Kabuuan ng Nerbiyo

Page 26: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Gawain ng Utak at Medula Ispaynal

Kristin Denise S. Tan

Ang pag-iisip ay isang gawain ng tao upang malaman ng tao ang

pamamaraan kung paano gawan ng paraan upang mapadali ang isang

bagay na sakanya ay sadyang mahirap. Ang sentro nito ay ang utak, ito ay

umiisip, dumaramdam at umaalala. Ito rin ang dahilanan ng ating pagibig

sa isang kapwa tao at nagbibigay saya sa atin araw-araw, ito rin ang

kadahilanan ng ating pagiyak dahil sa tayo ay nasaktan at namumuhi satin.

Ang utak ay tumatanggap at nagbibigay ng mensahe upang malaman kung

ano ang ating gawin. Ito ang nagsisilbing alalay sa ating Gawain sa pang

araw-araw, nagpapahatid ng mga utos sa mga kaalaman at nagpapatibok

ng ating puso. Ang halimbawa nito ay ang pagkapaso ng kamay habang

tayo ay nagpapainit ng tubig at pag tayo ay nasaktan magpapadala agad

ng mensahe ang ating utak sa ating katawan upang maramdam natin at

agad-agad nating maaalis ang ating kamay sa kumukulong tubig.

Minsan ang pag-iisip ay labag sa kalooban ng maraming tao at

marami sa atin ang nasasaktan dahil dito karamihan ay nasisiraan ng utak

at nahihirapan magisip. Kung tayo ay nakakita ng ahas at malinaw sa ating

mata na tayo ay tutukain ng ahas agad-agad magpapadala ng mensahe an

Page 27: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

gating utak sa atin akatawan upang tayo ay lalayo sa ahas. An gating

nerbiyo ng fibra ang nagpapadama o nagsasabi kung saang bahagi n

gating katawan ay naiinitan, nalalamigan at nahihirapanang dahil sa sakit

na ating nararanasan. Maaaring tayo ay nasaktan sa pamamagitan nang

tayo ay nadapa at nagkaroon ng sugat. Kapag naputol an gating nerbiyo ng

fibra sa parte n gating paa o kamay maaaring tayo ay maging lumpo at

wala nang mararamdamang sakit o kahit na ano. Ang ating isipan ay may

kinalaman sa ating kabuuan ng nerbiyo at sa ating kalakasan ng buong

katawan. Halimbawa ay kung tayo ay natatakot ito ay nangangahulugang

ninenerbiyos ang isang tao o di kaya’y kung tayo ay nabigo sa isang bagay

at galit na galit ka dahil ditto at nalulungkot din maaaring mawawalan ka ng

ganang kumain ng ilang araw at kokonti na lang ang kinakain mo at hindi

na rin masyadong lumalabas ng bahay.

Bakit nga ba natin iwasan ang madalas na galit sa isipan ng tao?

Dahilanan ng ibang tao ang nagpapakamatay dahil sa isip nila ay wala na

silang silbi sa mundong ito, kung kaya’t naiisip nila ang mga nabibitawang

masasakit na salita at ginawa saknila ng kanilang mahal at karamihan din

sa kadahilanang ito ay sadyang nasisiraan na ng bait at hindi na tla

matanggal sa kanilang utak at isipan ang mga nangyari at tuluyan ng

nasiraan ng ulo. Madalas ay nadadala natin ang ating pagkagalit sa iba tao

Page 28: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

at doon natin ito binubuhos kung kaya’y mas lalong nadadagdagan ang init

ng ulo. Kailangan din natin iwasan ang madalas na galit sa isipan ng tao

dahil ito ang magiging dahilanan ng pagbibitaw ng maling desisyon at

maaaring masaktan ang ibang tao.

Ang ating utak at ang iba’t ibang kabilang dito ay nagsisilbing

nagbibigay ng mensahe patungo sa ating mga nerbiyo upang magalaw ang

ating katawan at maikilos ito. Madalas sa ibang tao ay nagkakaroon ng

diperensya ang kanilang kalahati ng katawan sapagkat ito ay ang

pagkawalang gana ng mga nerbiyo sa kalahating katawan.

Bakit nga ba kailangan iawasan ang pagiisip ng masama? Ito ay dahil

labag ito sa ating panginoon at kung ano ang utos ng utak ay syang

gagawin ng katawan dahil konektado ng utak ang ating katawan at

maaaring maigawa ang kilos sa maling panahon at makakagawa ka ng

malaking kasalanan.

Page 29: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

Ang Kahalagahan ng Mata sa Tao

Kathleen Q. Lim

Ang mga mata, busilig, o buliga  ang organo ng paningin na

nakadarama ng liwanag. Iba't ibang uri ng mga madaling-makaramdam na

mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba't ibang mga organismo.

Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama

ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng

mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.

Malawakang nagkakasanib-sanib ang mga nasasakop ng pananaw ng ilan

sa mga ganitong uri ng mga masalimuot na mga mata: katulad ng

pagpapahintulot ng mas mainam na pagpuna sa antas ng kalaliman

(paninging binokular o paninging tila-largabista) sa mga tao; at

nakaposisyon naman ang ibang mata upang mabawasan ang

pagkakapatung-patong ng mga nasasakop ng pananaw, katulad ng sa

mga kuneho at sa mga kamelyon. Karaniwang tumutukoy ang buliga sa

kabuoan ng bilog ng mata; samantalang sa harap ng mata o sa buong

bilog din ng mata ang busilig. Ang mata ng tao ay organo ng paningin.  Ang

mata ay nagbibigay sa atin ng kahulugan ng paningin, na nagpapahintulot

sa amin upang malaman ang higit pa tungkol sa mga nakapaligid sa

Page 30: Ang Pagdaloy Ng Dugo Sa Katawan Ng Tao

mundo. Ang mata ay ang

dahilan upang makita at

bigyan natin ng kahulugan

ang mga hugis, kulay, at

mga sukat ng mga bagay

sa mundo. Ang mata ay

maaaring makakita sa

liwanag, ngunit hindi ito nakakakita ng mga bagay kapag walang ilaw.

Mahalaga an gating mga mata dahil ginagamit natin ang ating mga mata

sa halos lahat ng aktibidad. Tulad ng pagbabasa, panonood ng telebisyon,

at sa iba pang mga paraan. Ito ay mahalaga para sa wika, at nakakaapekto

sa pag-unlad pag-aaral, pakikipag-usap, sa trabaho, kalusugan at kalidad

ng buhay.  Ito rin ay importante sa komunikasyon. Ang kawalan nito ay

isang malaking balakid sa pakikipagkomunika natin sa iba’t ibang mga tao.

Ang kawalan ng paningin ay napakahirap. Ito’y dahil hindi kayang gawin ng

mga bulag ang lahat ng mga bahay na nais nilang gawin. Samakatuwid,

napakahalagang alagaan ang iyong paningin. Ang mga sumusunod ay ilan

sa mga paraan upang mapangalagaan ang ating mata.  Mainam na huwag

daw magbasa sa isang madilim na lugar dahil ito ay nakakasira sa ating

paningin. Maging ang sobrang liwanag ay nakakasama rin sa ating mata.