4
Ang Pinagmulán ng mga Wikà ng Filipinas Sinu-sino ang mga dayuhang nagdalá ng ibát ibáng wikà sa Filipinas? Iyán angkatanungan ng isáng panauhin dito sa Sarisari etc.Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unangpanahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mganinunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ngpandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababawang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling dawsilá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawatpanahón ng pandarayuhan. Diumanóy itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáwat modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryangitó.Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics,lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadongmagkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kanilángpagdatíng. Makikita rin sa mga  bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tul úy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ngmga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian aymga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit saSouth America. Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian aydumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas.Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón nanagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang  pagsasalitâ. Dumatíng angpanahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin aynagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibát ibáng grupo. Ito ang mga wikangkilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia atIndonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá angkaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibápang mas malalayong bansá tulad ng India.Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, aynanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating  patuloyna nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám atpaggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap. Bagamát may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ngmga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itónápuntahán ng mga dayuhan. WIKA Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulit ika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng  pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay a ng kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng k aisipan. Isang pamamaraang ginagamit sa  pagpapaabot ng kaisipan at damd amin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. “Itoy masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang a rbitraryo na ginagamit ng taong kabilang sa iisang kultura upang makipagtalastasan.- Henry Gleason KATANGIAN NG WIKA Ang WIKA ay SISTEMATIKO Ang WIKA ay SINASALITANG TUNOG Ang WIKA ay pinili at isinaayos sa paraang ARBITRARYO Ang WIKA ay nakabuhol sa KULTURA Ang WIKA ay PANTAO Ang WIKA ay NAGBABAGO Ang WIKA ay ginagamit sa pakikipagtalastasan Ang WIKA ay MALIKHAIN DAYALEKTO Homogenious ang wika, na ang ibig sabihin ay pare-p arehong magsalita o bumigkas ng mga salitaang lahat ng taong gumagamit ng wika. IDYOLEK  Kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng ta o. May ibatibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay a ng gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan. SOSYOLEK  Sinasalita ng isang tao sa lipunan. May barayting wika a yon sa kinabibilangan nito sa lipunan. REGISTER Tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaa ring gumagamit ng ibatibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang nadarama. Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Halimbawa:  tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan Bow Wow   kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.  Halimbawa:  tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy Pooh Pooh    tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.  Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling Kahariang Ehipto    Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyangnatutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo.Unconsciously learning the language. Halimbawa:  Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng pagsasalita. Charles Darwin    Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na“On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng ibat ibang wika. Wika natutunantungkol sa mga pakik ipagsapalaran.  Halimbawa:  tsaa   nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos    nakuha sa pakikipagsapalaran sa mga Espanyol. Genesis 11: 1-9  Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible. Wikang Aramean    Believes that all languages originated from their language,Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sadaigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahansa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unangnasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. Halimbawa:  Haha o tawa ; Pag galit ng isang tao TEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON.sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sakomunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mgadetalye at impormasyon.

Ang Pinagmulán Ng Mga Wikà Ng Filipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Pinagmulán Ng Mga Wikà Ng Filipinas

Citation preview

Ang Pinagmuln ng mga Wik ng Filipinas

Sinu-sino ang mga dayuhang nagdal ng ibt ibng wik sa Filipinas? Iyn angkatanungan ng isng panauhin dito sa Sarisari etc.Maraming lah ang nagdal ng kan-kanilng salit sa Filipinas nong unangpanahn, ngunit ang mga wikang dinatnn nil sa Filipinas ay tal na Filipino.Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mganinun ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang ilng ulit o waves ngpandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuly na lup na nalantd dahil mas mababawang mga dagat noong panahn ng kalamigang pandaigdg (Ice Age). Nanggaling dawsil sa Indonesia, Malaysia at ib pang lugr. Libu-libong tan daw ang pagitan ng bawatpanahn ng pandarayuhan. Diumany it raw ang sanh kung bakit may mga Ita, Ifugwat modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayn ay hind na tintanggp ang teoryangit.Ayon sa mga bagong pananaliksk sa larangan ng wik (comparative linguistics,lexicostatistics), ang mga wik ng ib't ibng grupo sa Filipinas ay masyadongmagkakahawig kay hind maaring may ilng libong tan ang pagitan ng kan-kanilngpagdatng. Makikita rin sa mga bagong ebidensy sa larangan ng arkeolohiya na tuly-tuly at hind paulit-ulit ang nagng pandarayuhan sa Filipinas.May relasyn sa bawat is ang mga wik sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ngmga wikang it ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian aymga wik mula sa mga pul ng Southeast Asia hanggng sa Easter Island na malapit saSouth America.Malamng na ang unang mga taong nagsasalit ng isng wikang Austronesian aydumatng sa Filipinas mula sa hilag (north) limng libong tan na ang nakalipas.Nagkahiw-hiwaly sil at nagsikalat sa bung kapulun. Dahil sa hab ng panahn nanagkahiwaly sil, unt-untng nagbago ang kanilang pagsasalit. Dumatng angpanahn na ang mga grupong it ay hind na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin aynagng bago na ang mga wik at pagsasalit ng ibt ibng grupo. Ito ang mga wikangkilala natin sa Filipinas ngayn tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ib.Ganit rin ang nangyari sa ibng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia atIndonesia. Nang simuln nil ang pangangalakal sa mga pul, nadal rin nil angkanilng mga bagong salit sa Filipinas - pat yang mga salitng natutuhan nil sa ibpang mas malalayong bans tulad ng India.Mula noon hanggng ngayn, ang mga Filipino, tulad ng laht ng lah sa daigdg, aynanghhirm ng mga salit mul sa maraming dayuhang lah. Masasabi nating patuloyna nagbabago ang mga wik sa mund dahil laht tayo ay patuloy ang panghhirm atpaggamit ng mga bagong salit sa ating pangungusap.Bagamt may mga wikang dayuhan na nagkaron ng impluwensiy sa paglag ngmga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga tal na wik bago pa man itnpuntahn ng mga dayuhan.

WIKA Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Itoy masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng taong kabilang sa iisang kultura upang makipagtalastasan. - Henry GleasonKATANGIAN NG WIKAAng WIKA ay SISTEMATIKOAng WIKA ay SINASALITANG TUNOGAng WIKA ay pinili at isinaayos sa paraang ARBITRARYOAng WIKA ay nakabuhol sa KULTURAAng WIKA ay PANTAOAng WIKA ay NAGBABAGOAng WIKA ay ginagamit sa pakikipagtalastasanAng WIKA ay MALIKHAINDAYALEKTOHomogenious ang wika, na ang ibig sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salitaang lahat ng taong gumagamit ng wika.IDYOLEKKabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May ibatibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.SOSYOLEKSinasalita ng isang tao sa lipunan. May barayting wika ayon sa kinabibilangan nito sa lipunan.REGISTERTinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaaring gumagamit ng ibatibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang nadarama.Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wikaDing Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.Halimbawa: tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan Bow Wow kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy Pooh Pooh tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling Kahariang Ehipto Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyangnatutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo.Unconsciously learning the language.Halimbawa: Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng pagsasalita.Charles Darwin Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat naOn the Origin of Language, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng ibat ibang wika. Wika natutunantungkol sa mga pakikipagsapalaran.Halimbawa: tsaa nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos nakuha sa pakikipagsapalaran sa mga Espanyol.Genesis 11: 1-9 Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.Wikang Aramean Believes that all languages originated from their language,Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sadaigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahansa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unangnasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.Halimbawa: Haha o tawa ; Pag galit ng isang taoTEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON.sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sakomunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mgadetalye at impormasyon. TEORYA NG PAKIKISALAMUHA. ayon kay G. Revesz, isang propesor saAmsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang maymagamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas napangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.Halimbawa: ang dialektong illonggo at bisayaTEORYANG MUESTRA. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sapamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak nakumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.Halimbawa: ang pagtuto ng Braille at sign language ng mga bulag o bingi o pipe.

Mga katangian ng wika:1. may balangkas - Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde.(may masistemang ayos ang mga salita sa isangpangungusap)2. binubuo ng makahulugang tunog - Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ngkahulugan ang wika.3. pinipili at isinasa-ayos - Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga.4. arbitraryo - Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon.5. nakabatay sa kultura - Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas.6. ginagamit - Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin.7. kagila-gilagis - Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga tao.8.makapangyarihan - Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual.9. may antas - Ang wika ay nahahati sa apat na uri.10.may pulitika - Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.11.Ginagamit araw-araw- lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atinmga layunin araw-araw.

Katangian ng wika1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.0. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].0. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentistaPanlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-hanFonema = a *tauhan, maglaba, doktorac.Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.)d.Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno.1. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)1. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.1. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.Halimbawa Wikang Filipino Opo, poWikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/)Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.1. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Halimbawa: BOMBA Kahulugan a. Pampasabogb. Igipan ng tubig mula sa lupac. Kagamitan sa palalagay ng hangind. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikulae. Sikreto o baho ng mga kilalang tao1. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaion].1. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.1. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.1. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa tunog na em.1. May level o antas ang wika.

Tungkulin At Gamit Ng Wika Pang interaksyunalKatangian : nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal halimbawa: pasalita- pormulasyong panlipunan pangungumusta pagpapalitan ng biro pasulat- liham pangkaibigan Pang -instrumental Katangian : tumutugon sa pangangailangan halimbawa: pasalita - pakikitungo pangangalakal pag-uutos pasulat - liham pangangalakal Pang-regulatori Katangian: kumokontrol gumagabay sa kilos at asal ng iba halimbawa : pasalita pagbibigay ng panuto direksyon paalala pasulat recipe Pampersonal Katangian: nakakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon halimbawa: pasalita- pormal o di-pormal na talakayan pasulat - editoryal liham patnugot talaarawan/dyornal Pang-imahinasyon Katangian : nakakapagpahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan halimbawa: pasalita : pagsasalaysay paglalarawan pasulat : akdang pampanitikan Pangheuristiko Katangian : naghahanap ng mga impormasyon o datos halimbawa : pasalita - pagtatanong pananaliksik pakikipanayam o interbyu pasulat - sarbey Pang-impormatibo Katangian: nagbibigay ng impormasyon o mga datos halimbawa pasalita pag-uulat pagtuturo pasulat pamanahong papel tesis

Mga Barayti ng Wika: Isang Panimulang PagtalakayBahagi ng metalinggwistik na pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaibaiba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.Ayon sa pagaaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeo ng Davao at Tboli ng Cotabato.Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa ibat ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal. Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at Sarangani; at ng marami pa pang ibang dayalekto.Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat. Makikilala ang ibat ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?hearing, exhibit, court,pleading, fiscal, justice,Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina:account, balance, net income,debit, revenue, asset,Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:diagnosis, therapy, prognosis,symptom, emergency, patientKung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:ace, fault, love,breakpoint, deuce, rally,Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa boob ng panaklong:mouse (Computer, Zoology)stress (Language, Psychology)strike (Sports, Labor Law)race (Sports, Sociology)nursery (Agriculture, Education)operation (Medicine, Military)Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon Tulfo,d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e. Ruffa Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago.May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidginay tinatawag sa Ingles na nobodys native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyongmakeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda, mura.Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura nito. Creole din ang tawag sa wika ng mga taga-Mauritius na magkahalong Pranses at kanilang unang wika."Sinuman ang walang may pagkakakilanlan sa ibang wika ay wala ring pagkakakilanlan sa kanyang sarili." -Goethe-