Angel Konseptong Papel

Embed Size (px)

DESCRIPTION

concept paper

Citation preview

Alak : Pag-aaral sa dahilan ng pag-inom , epekto at bunga sa kalusugan ng taoMarso 2015

Mary Harris Angel C.ComiaProf. Florian CastroBSCE-GE

I . PANIMULAAlam ng lahat na masama ang sobrang pag-inom ng alak, ngunit bakit napakarami pa rin ang hindi mapigilan sa pag-inom ng alak? Ano-ano ang kanilang mga kadahilanan kung bakit sila umiinom ng alak? Ano nga ba ang inuming tinatawag na alak? Ano ang maaring maidulot na panganib ng sobrang pag-inom ng alak sa ating kalusugan? At bakit parang pabata na ng pabata ang umiinom ng alak sa ngayon? Ang isa sa mga hilig ng mga tao ngayon ay ang pag-inom ng alak. Nagiging bisyo ito para sa karamihan. Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor de edad at kahit ang mga kababaihan. Iba't iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. Ang pag-inom ng alak ay nagiging bisyo na nila. Kaya't nagiging pangkaraniwan na para sa mga tao ang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na uminom ng alak. Marami ring nagiging epekto ng pag-inom ng alak. At napakaraming naaapektuhan, isa itong lason na sumisira sa buhay ng maraming tao. Ang alak ay isang inumin na nakakalasing, gawa ito sa binurong katas at laman ng prutas o gulay na nagtataglay ng ethanolo mas kilala sa tawag na alkohol. Sa India ang isang alak ay tinatawag na sura , mula sa kanin (3000 at 2000BC). Ilang mga Amerikano sibilisasyon na binuo ang katutubong alcohol sa pre Colombian . Ang ibat ibang fermented na inumin mula sa rehiyon ng South AmerikaAndes ay ginawa mula sa mais, mga ubas o mansanas na tinatawag na chicha . Sa panlabing-anim na siglo ang alak ay tinawag na espiritu ginagamit panggamot.

Noong unang panahon, iniinom ang alak bilang gamot, bahagi ng diyeta at pagpapakalma. Sa malalamig na lugar, ang alak ay iniinom ng tao para malabanan ang lamig. Ang alak ang nagbibigay ng enerhiya para makaramdam ng init ng katawan. Samantala, sa Europa, ito ay iniinom para maiwasan ang sakit na kolera. Ayon sa pananaliksik, ang tamang pag-inom ng alak ay makatutulong para makaiwas sa mga sakit dahil sa taglay nitong kakayahan na pumatay ng bakterya na maaaring makapagdulot ng sakit. Ngunit ang sobra-sobrang pag-inom ng alak ay makapagdudulot ng sakit sa puso,cancer, diabetes at stroke. Paano malaalman kung sobra na sa pag-inom ng alak? Sinong makakapagsabi kung sobra na ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat ibat iba ang dami ng alak sa kailangan sa ibat ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga ibat ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit katanggap-tanggap parin na pag-inom ay1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o brandy na may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot sa isang linggo. Mas mahalaga sa mga numerong ito ang prinsipyo na maghinay-hinay sa pag-inom ng alak. Anumang bagay na sobra ay nakakasama sa ating kalusugan. Ilan lamang ito sa mga dahilan , epekto at bunga ng pag-inom ng alak ng mga tao.

II. PAGLALAHAD NG MGA SULIRANINAng mga mananaliksik ay naghanda ng ilang katanungan para sa ikalalarawan ng kanyang pag-aaral.

1. Ano ang inuming tinatawag na alak? Ibigay ang ibat ibang uri ng alak at ipaliwanag ang bawat isa.

2. Bakit maraming mga tao ang nahuhumaling sa pag-inom ng alak at bakit parang pabata na ng pabata ang nahuhumaling na uminom ng alak?

3. Ano ang nagiging epekto nito sa ating kalusugan at maging sa ating lipunan? Mayroon rin bang magandang naidudulot ang pag-inom ng alak?

4. Paano masusulusyunan ang sobrang pagkahumaling ng isang taong lulong sa alak?

5. May mga hakbang ba na ginagawa ang gobyerno upang masugpo ang mas lumalalang pagtaas ng bilang ng taong umiinom ng alak?

III. MGA LAYUNIN SA PAG-AARALAng layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Upang bigyang impormasyon at kaliwanagan ang mga mambabasa sa mga panganib na dulot ng sobrang pagkahumaling sa alak.

2. Naglalayon na ipaalam sa mga mambabasa ang ibat ibang dahilan kung bakit napakaraming kabataan sa panahon ngayon ang nalulong sa pag-inom ng alak.

3. Upang malaman ng mambabasa ang kahalagahan ng ganap ng mga magulang sa pagpigil sa malawakang paglaganap ng mga kabataang lulong sa alak.

4. Nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano masusulusyunan ang lumalalang problema sa pagiging lulong sa alak ng mga tao.

5. Upang mabatid ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang tuluyang masugpo ang mas lumalalang rami ng taong umiinom ng alak.

IV. METODOLOHIYAAng mga mananaliksik ang gumamit ng deskriptibong paraan sa kanyang pag-aaral. Dito siya ay nagsalaysay , naglarawan , nakipanayam. Sa lalong mapalawak ang kanyang pag-aaral kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base sa kanilang kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang internet, pagbabasa sa mga pahayagan at nagbasa rin ng ibat ibang mga blog upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik. Gumamit rin ang mananaliksik ng magazine at bibliya upang madagdagan pa ang kaniyang impormasyon tungkol sa alak. Siya ay nakipanayam sa ilang kabataan na umiinom ng alak.

V. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOSAng pag inom ng alak ay isang karaniwang karanasan para isang Pilipino. Mapababae o lalake, bata o matanda, halos lahat na ata ng Pilipino ay umiinom ng alkohol. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon ata lagi hindi nawawala ang alak. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos ginagawang na nilang tubig ang alak. Mga Pilipino talaga hindi mapakali ng walang ginagawa. Yan tuloy ang nagiging kinahihiligan ng halos lahat ng Pilipino ang uminom. Isa pa kahit na hindi masarap ang lasa ng alak ay mahilig pa rin ang mga tao sa alak. Siguro dahil ito sa tama na nadadala ng pag inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala sa inuman ang pulutan. Ang alak ay nabubuo sa pamamagitang ng prosesong "fermentation" mula sa mga gulay, prutas, at grains na ginagamitan ng yeast o bakterya para ang asukal nito ay maging alak. Ito ay inuming nakakalasing, ang taong umiinom nito ay naapektuhan ang central nervous system (brain at spinal cord) na nagkokontrol sa lahat ng bahagi ng katawan. Mababago ang emosyon, pang-unawa, paningin at pandinig ng taong nakainom nito. May ibat ibang klase ng alak. Kadalasan, ito ay nanggagaling sa ubas at Barley bukod pa rito, mayroon din ibang bagay na maaaring pagmulan ng alak. Ilan sa mga ito ang mais,bigas atryena siyang kailangan sa paggawa ngWhiskyatBeer, ginagamit din ang katas ng mansanas at tubo sa paggawa ng Wine, ganun din ang kamote sa bansang Korea atPlum, AgaveatHoneyna ginagamit naman sa paggawa ngBrandyatTequila.Beer ay isang alcoholic beverage nagawa sa pamamagitan ng mga saccharification ng pagkapormal at pagbuburo ng asukal na nagreresulta. Ang pagkapormal at saccharification enzymes ay madalas na nakuha mula sa malted cereal haspe, pinakakaraniwang malted barley at malted trigo. Karamihan sa beer ay lasa din sa hops, na magdagdag ng kapaitan at kumilos bilang isang likas na pang-imbak , bagaman iba pang mga lasa tulad ng damo o prutas maaaring paminsan-minsan ay isasama . Ang paghahanda ng beer ay tinatawag na paggawa ng serbesa .

Whisky ay isang uri ng distilled alcoholic beverage na ginawa mula sa fermented butil na minasa . Iba't ibang mga butil ( na maaaring malted ) ay ginagamit para sa iba't ibang uri , kabilang ang barley , mais ( mais ), rye , at trigo . Whisky ay karaniwang may edad na sa sahig na gawa sa casks , sa pangkalahatan ay ginawa ng charred puti oak. Whisky ay isang mahigpit na kinokontrol espiritu sa buong mundo na may maraming klase at uri . Ang tipikal na unifying katangian ng iba't ibang klase at uri ay ang pagbuburo ng butil , paglilinis , at pag-iipon sa sahig na gawa sa bariles .

Ram ay isang dalisay alkohol inumin na ginawa mula sa Tubo by products , tulad ng pulot , o direkta mula sa Tubo juice , sa pamamagitan ng isang proseso offermentation at paglilinis . Ang maglinis , isang malinaw na likido , ay pagkatapos ay karaniwang may edad sa oak bariles . Ram ay maaaring tinutukoy sa pamamagitan ng Espanyol tagapaglarawan tulad asron Viejo (" lumang ram ") at Ron aejo (" may edad na ram ").

Brandy ( mula brandywine , nakuha mula sa Dutch brandewijn , " gebrande wijn " " burn mo ang alak " ) ay isang espiritu na ginawa ng panlinis ng alak. Brandy pangkalahatan ay naglalaman ng 35-60 % ng alak sa pamamagitan ng lakas ng tunog ( 70-120 US patunay ) at ay karaniwang kinuha bilang isang after- dinner na inumin. Ang ilang mga brandies ay may edad na sa sahig na gawa sa casks , ang ilang ay nakulayan gamit karamelo pangkulay gayahin ang epekto ng pag-iipon , at ang ilan brandies ay ginawa gamit ang isang kumbinasyon ng parehong mga pag-iipon at pangkulay .

Vodka ( Polish : wdka [ vutka ], Ruso : [ votk ] ) ay isang dalisay na inumin na binubuo lalo na ng tubig at ethanol , minsan may mga bakas ng impurities at flavorings . Ayon sa kaugalian , bodka ay ginawa ng paglilinis ng fermented butil o patatas , bagaman sa ilang mga modernong mga tatak ng iba pang mga sangkap , tulad ng prutas o asukal .

Wine ay isang alcoholic beverage na ginawa mula sa fermented ubas o iba pang prutas . Ang natural na balanse ng kemikal ng ubas ay nagbibigay-daan sa kanila kaguluhan nang walang ang pagdaragdag ng sugars , acids , enzymes , tubig, o iba pang mga nutrients . Iba't ibang uri ng mga ubas at strains ng yeasts bumuo ng iba't ibang estilo ng alak. Ang mga kilalang mga pagkakaiba-iba magresulta mula sa napaka- kumplikado ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng biochemical pagpapaunlad ng prutas , reaksyon kasangkot sa pagbuburo , terroir at kasunod na pangalan , kasama ang interbensyon ng tao sa pangkalahatang proseso .

Tekila ay isang pampook na tukoy na pangalan para sa isang dalisay na inumin na ginawa mula sa agave planta asul , lalo na sa mga lugar na nakapalibot sa lungsod ng tekila , 65 km ( 40 mi ) hilagang kanluran ng Guadalajara , at sa kabundukan ( Los Altos, California ) ng hilagang kanlurang Mexico estado ng Jalisco . Kahit na tekila ay isang uri ng mezcal , modernong tekila ay naiiba medyo sa pamamaraan ng produksyon nito , sa paggamit ng lamang asul agave halaman, pati na rin sa mga rehiyonal na ang pagtiyak nito.

Nakaugalian na nating mga Pilipino na magkaroon nang inuman sa mga mahahalagang okasyon. Sa panahon ngayon, mapabata man o matatanda ay patok na patok ang alak, sa kasamaang palad, ito ang naging kaibigan ng karamihan sa mga kabataan lalo na kapag may problema. Ang alak o ang pag-inom nito nang labis ang isa sa mga itinuturing na pinakapalasak na uri ng adiksiyon sa ating lipunan ngayon. Ang alak ang dahilan kung bakit tila isang sakit na dumadapo sa mga matatanda, maging sa mga kabataan ay nahihilig sa pag-inom ng alak. Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng mga doktor, ang alak, kahit alam ng karamihan ang masasamang epekto, ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Pilipino sa ngayon. Ito ay paulit-ulit na inaabuso at walang patumanggang ginagamit nang labis sa nararapat. Sa ganitong sitwasyon, maraming tao ang nahuhumaling dito, dahilan upang lalo pang dumami ang mga masasamang epekto naibubungang nito sa kalusugan, buhay at pagkatao ng isang tao.Maraming dahilan kung bakit nahuhumaling ang isang tao sa alak o alkohol. Ang mga inuming nakalalasing ay kahit saan ay naibebenta at legal na nabibili kahit na saan ka man magpunta. At dahil legal ito sa ating lipunan, ito ay kadalasang nagiging sentro ng mga pagdiriwang o anumang pagpupulong, malaki man o maliit, sa ating bansa. Bata man o matanda, madalas itong ginagawang libangan at ginagamit upang mas maging masaya ang anumang pagtitipon. Isa rin sa dahilan ng pagkakalulong ng isang tao sa alcohol ay ang pagiging legal nito sa kanyang paligid. At dahil malayang maibebenta at mabibili kahit na saang lupalop ng mundo, Malaya rin itong mabibili ng mga kabataan lalo na sa kanilang estado ng pagiging kuryosidad. At mamamalayan na lamang, dahil sa patuloy na pag-inom at pag-abuso nito, isa nang ganap na adiksiyon..Ang pamilya ay isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema. Ang mga miyembro ng pamilya na halos ay walang pakialam sa kanilang mga kasama ay siyang nagbubunga ng pagkawalang bahala ng mga taong umaabuso nito. Maaaring maraming pampamilyang suliranin ang isang tao kung kaya naman ibinabaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa pag-inom ng alak upang malimot ang problema.Maraming bagay ang gustong subukan ng kabataan ngayon. Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng mga bagong bagay. At dahil sila ay hindi pa gaanong mulat sa mga makamundong bagay, hindi nila alam kung pano hawakan ang ganitong bagay. Madalas ito sa mga estudyante sa kolehiyo.May mga umiinom ng limang beses sa loob ng ilang oras na tinatawag na binge drinking ngunit may iba rin na halos tatlumpung beses na uminom sa loob lamang ng isang araw na tinatawag na heavy use drinking. Ito ay karaniwan sa kabataan mula labingwalo hanggang dalawampu't limang taong gulang. Isa pang bagay ay nagagaya ng kabataan ang pag-inom ng alak dahil sa kanilang mga magulang tuwing nakikita nila itong umiinom. At bukod pa rito ay nagkalat ang mga alak sa mga supermarkets at grocery stores. Isa pa sa mga dahilan ay mahina ang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kaya't nababaling ang kanilang atensyon sa alak. Kasama na rin ang masamang ehemplo ng kanilang kabarkada kung kaya't ang kabataan ay nahihilig uminom ng alak, siguradong mahahawa sila sa kanila at magiging tomador na rin. Nagiging ugali na rin ito ng tao at maging kabataan na akala nila ay magiging masaya sila kung sila ay iinom. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit napakaraming kabataan ang nahuhumaling sa alak. At ang bawat isang dahilan ay may napakaraming epekto. Maliit man o malaki. Kaunti man o madami ang naaapektuhan. Nakakagawa sila ng mga bagay na bawal nang hindi nila namamalayan.Madalas na umiinom ng alak ang mga tao dahil sila ay may problema at gusto nilang makalimutan ito kahit pansamantala lamang. Iniisip nila na sa pamamagitan ng alak ay matatakasan nila ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ngunit hindi nila alam na imbis na mabawasan ang kanilang problema ay madadagdagan pa ito. Kaya't nagiging bisyo nila ang pag-inom. Yung tipong hindi lumalagpas ang isang araw nang hindi sila tumutungga ng bote ng alak. Marami pang dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga tao at maging kabataan ngayon sa pag-inom ng alak.Ayon kay Kevin Madrigal na aking nakapanayam umiinom lang raw sila ng alak kapag sila ay may problema, kapag may okasyon, at kapag sila ay nayaya ng kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at kapitbahay. Ang iba naman ay umiinom para lang makapagrelax sila dahil kahit papaano raw ay nawawala ang kanilang stress. Pero ang iba naman ay ginagawa na itong bisyo, hindi na sila sanay na hindi nakakainom ng alak sa loob ng isang araw. Alam naman raw nila na ito ay masama sa kanilang kalusugan pero hindi nila mapigilan ang pag-inom ng alak , ang alak raw ay hinahanap hanap ng kanilang katawan.Ayon naman sa isang kabataan na aking nakapanayam na si Michael Torres, umiinom lang rin sila kapag sila ay may problema, kapag may okasyon at kapag sila ay nayayaya ng kanilang mga barkada. Ang iba namang kabataan umiinom ng alak dahil gusto nilang makalimot sa sakit na nadama, halimbawa nalang ng problema sa pag-ibig. Sa kanila raw kasing pag-inom ng alak sila ay panandaliang nakakalimot sa problema nila sa sakit na nararamdaman sa pag-ibig. Ang iba namang kabataan ay umiinom dahil sila ay nagrerebelde sa kanilang mga magulang. Hindi raw kasi sila nabibigyan ng sapat na atensiyon ng kanilang mga magulang. Ang akala nila ay ayos lang uminom ng alak dahil sila ay pinapayagan naman ng kanilang mga magulang na mag-inom ng alak. Pare-parehas lamang ang kanilang mga kadahilanan kung bakit sila umiinom ng alak.kung ano man ang kanilang mga dahilan hindi dapat uminom ng sobra. Dahil ito ay sobrang nakakapinsala sa ating kalusugan at maging sa ating kapaligiran.

Marami sa atin ang hindi nakakaalam naang paglalasing at pagiging manginginom ay maraming masamang epekto na naidudulot sa ating katawan at maging sa ating buhay. Marahil marami sa atin na ang alam ay nakakalaki lamang ng tiyan ang pag-inom ng alak. Ngunit kung ating pag-aaralan, marami din epekto ang pag-inom ng alak at paglalasing sa ating kalusugan at pamumuhay.Ang pag-inom ng alak ay may dalawang magkaibang epekto: isang masaya at isang malungkot. Ang katamtamang pag-inom ng alak ay nakapagpapasaya sa puso ng tao, ang sabi ng Bibliya (Awit 104:15). Subalit nagbababala rin ang Bibliya na ang pag-abuso nito ay nakapipinsala at nakamamatay pa nga, gaya ng kagat ng isang makamandag na ahas. (Kawikaan 23:31, 32).Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi. At upang inyong malagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan at ang karumaldumal at ang malinis. -LEVITICUS 10:9-10Ang alak ay nagpapababa ng dangal ng isang tao, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinumang napaliligaw sa kaniya ay hindi matalino. -PROVERBS 20:1Nguni't sinabi niya sa akin, Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anumang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan. -JUDGES 13:7

At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay mag-ingat siya. Siya'y hindi makakakain ng anumang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anumang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya. JUDGES 13:13-14Ang alcohol sa katawan ay nakaka-apekto sa ating kakayahang magdesisyon. Dahil dito, maraming mga kapahamakan ang maaaring mangyari habang lasing, kagaya ng pagmamaneho habang lasing, na isang pangunahing sanhi ng aksidente at kamatayan sa Pilipinas. Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring magbigay-daan sa aksidente. Importante rin, ang kalasingan ay maaaring magdulot sa high-risk sexual behavior dahil inaalis nito ay hiya o inhibisyon sa mga tao.Habang lasing, sira rin ang kakahayan na balansehin ang katawan. Maaaring matumba, madapa, matapilok, o makaranas ng ibat ibang aksidente habang lasing.Ang epekto ng alak sa atay ay ang pinakamabigat. Dahil ang alcohol ay isang lason sa katawan at ang atay ang pangunahing bahagi ng katawan na taga-linis ng mga lason at ibat ibang kemikal, kapag sobra ang nainom mong alak, hindi kinakaya ng atay na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at itoy namamaga at nasisira. Kapag tuluyang nasira ang atay isang kondisyong tinatawag nacirrhosis maaaring magtuloy tuloy ang isang tao sa pakasira ng bato, coma, o kamatayan. Noong 2004, sinabi sa artikulo ng magasingNaturena maging ang kaunting alak ay nagpapalaki sa panganib na mapinsala ang isa at sa posibilidad na magkaroon siya ng mga 60 sakit. Kung gayon, ano ang masasabing ligtas na pag-inom? Sa ngayon, milyon-milyon katao sa buong daigdig ang ligtas na nasisiyahang uminom paminsan-minsan. Ang susi sa mabuting kalusugan ay ang pagiging katamtaman. Subalit gaano ba karami ang katamtaman? Maaaring ituring ng karamihan ng mga tao na katamtaman naman silang uminom, marahil ay nangangatuwiran na hanggat hindi sila nalalasing o sugapa sa alak, wala silang problema. Gayunman, sa Europa, 1 sa bawat 4 na lalaki ang umiinom sa antas na maituturing na mapanganib.Ayon sa katuturang ibinibigay ng ibat ibang reperensiya, ang katamtamang pag-inom ay ang pagkonsumo ng 20gramo ng purong alkohol bawat araw, o dalawang tagay para sa kalalakihan, at 10gramo naman, o isang tagay, para sa kababaihan. Iminumungkahi ng mga awtoridad sa kalusugan sa Pransiya at Britanya ang makatuwirang hangganan na tatlong tagay bawat araw para sa kalalakihan at dalawa naman para sa kababaihan. Inirerekomenda pa ng National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism ng Estados Unidos sa mga taong 65 anyos at higit pa na limitahan ang kanilang pag-inom sa isang tagay bawat araw.Gayunman, iba-iba ang reaksiyon ng ating katawan sa alkohol. Sa ilang kalagayan, maging ang mababang limitasyong ito ay maaaring napakataas na sa iba. Halimbawa, makasasama ang katamtamang dami ng alak sa mga taong maymoodat anxietydisorder.CANCER Ang malakas na pag-inom ng alak ay maaaring magresulta sa kanser sa atay dahil sacirrhosismismo nito. Sa kabilang dako, angRed Wineay nagtataglay ngresveratrolna mayroong eperkto na pangontra sa kanser.WEMICKLE KORSAKOFF SYNDROMEIto ay isang sakit na dulot ng kakulangan ngThiamine (Vitamin B1)na dulot ng sobrang pag-inom ng alak.DIABETESAng alkohol ay maaaring makatulong sa pagtigil ngdiabetessa paraang pagpapababa nito ngblood glucosesubalit ang alkohol na mayroongadditiveso asukal tulad ngDessert Winesay maaaring magpalala ng kondisyon. Ilan lamang ang mga sakit na cancer , wemickle korsakoff syndrome , at diabetes na nadudulot ng sobrang pagkahumaling sa alak.Pag-abusosaAlak - Pahamaksa Lipunan Kung kakalkulahin ang gastusin sa pangangalaga ng kalusugan at siguro gayundin ang nawalang produksiyon dahil sa aksidente, sakit, o di-napapanahong kamatayan, napakalaki ng kalugihan ng lipunan. Nasagasaan ng isang lasing na drayber ang isang 25-taong-gulang na ina at ang kaniyang dalawang-tang-gulang na anak na lalaki noong ika-8 ng marso.Ang babae, na anim na buwang nagdadalang-tao, ay namatay noong ika-9 ng marso. Ang kaniyang anak, na nagtamo ng pinsala sa ulo, ay nasa kritikal na kondisyon, ang ulat ng pahayagangBulgar. Taon-taon, libo-libong tao ang namamatay o napipinsala sa mga aksidente sa daan dahil sa lasing na mga drayber.Sa buong daigdig, napakalaki ng pinsalang naidudulot ng pag-abuso sa alak sa buhay ng mga tao. Mas maraming kabataan ang nasasawi dahil sa alak. Ayon sa report ng World Health Organization na inilathala noong 2001, ang alak ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga lalaking Europeo na edad 15 hanggang29. Inaasahan na sa ilang bansa sa Silangang Europa, di-magtatagal ay 1 sa bawat 3 kabataang lalaki roon ang mamamatay dahil sa pag-abuso sa alak.KarahasanatSeksuwalnaPagsalakayNagiging sanhi rin ng karahasan ang alak. Dahil sa pag-inom ay nawawalan ng pagpipigil sa sarili ang isang tao at maaaring bigyan niya ng maling pakahulugan ang ikinikilos ng iba, anupat mas malamang na tumugon siya sa marahas na paraan.Pag-abusosaAlakatangKalusuganAng pag-abuso sa alak ay isang masalimuot na problema. Angmapanganibnapag-inom,ayon sa World Health Organization, ay regular na pag-inom ng alak na maaaring magdulot ng pinsala, sa katawan, isip, o lipunan. Kasali rito ang pag-inom nang higit sa limitasyong inirerekomenda ng mga awtoridad sa kalusugan o isinasaad ng batas. Angnakapipinsalangpag-inomaynagsasangkot ng pag-inom na nagdudulot na ng pinsala sa katawan o isip pero hindi pa humahantong sa pagkasugapa.

MapanganibsaIsipAngethanol,ang sangkap na masusumpungan sa karamihan ng alkoholikong inumin, ay isangneurotoxin samakatuwid nga, isang substansiyang maaaring makapinsala o makasira sa sistema ng nerbiyo. Sa katunayan, ang isang lasing ay dumaranas ng isang uri ng pagkalason. Kapag napasobra, angethanolay nagiging sanhi ng koma at kamatayan. Kapag mas mabilis na iinumin ang alkohol kaysa sa kayang tanggapin ng katawan, maiipon angethanolsa sistema at magkakaroon ng masamang epekto sa paggana ng utak.SakitsaAtayatKanserMay mahalagang papel ang atay sa metabolismo ng pagkain, paglaban sa impeksiyon, pagkontrol sa daloy ng dugo, at pag-aalis ng nakalalasong mga substansiya, pati na ang alkohol, sa katawan. Ang matagal na pagkahantad sa alkohol ay pumipinsala sa atay sa tatlong yugto. Sa unang yugto, ang pagkumberte saethanolay nagpapabagal sa pagtunaw ng taba, anupat naiipon ito sa atay.Steatohepatitisang tawag dito. Paglipas ng panahon, hahantong ito sa malalang pamamaga ng atay, o hepatitis. Bagaman maaaring maging tuwirang sanhi ng hepatitis ang alak, lumilitaw na pinahihina rin nito ang panlaban ng katawan sa mga virus ng hepatitisB at hepatitisC.Kapag napabayaan, puputok at mamamatay ang mga seluladahil sa pamamaga. Lumalala pa ang pinsalang ito dahil waring pinagagana ng alkohol ang likas na sistema ng kusang pagkamatay ng selula na tinatawag naapoptosis.Ang huling yugto ay angcirrhosis.Ang lumalala at patuloy na pamamaga ng atay at pagkasira ng selula ay nagdudulot ng permanenteng pinsala. Sa kalaunan, napupuno ng bukol ang atay, sa halip na manatiling malambot na gaya ng espongha. Sa dakong huli, hindi na dadaloy nang normal ang dugo dahil sa mga pilat sa himaymay ng atay, anupat humahantong sa pagkasira ng atay at kamatayan. May isa pang masama at di-halatang epekto ang alkohol sa atay , humihina ang kakayahan ng atay na gampanan ang papel nito sa pagdepensa at paglaban sa epekto ng mga substansiyang nagdudulot ng kanser. Hindi lamang nito pinabibilis ang pagdebelop ng kanser sa atay kundi pinalalaki rin nito ang panganib na ang isa ay magkaroon ng kanser sa bibig, lalaugan, babagtingan, at esopago. Bukod diyan, dahil sa alkohol ay mas madaling napapasok ng mga substansiyang nagiging sanhi ng kanser ang mgamucousmembranesa bibig, anupat pinalalaki ang panganib sa mga naninigarilyo. Mas nanganganib na magkakanser sa suso ang mga babaing umiinom araw-araw. Ayon sa isang pag-aaral, 69naporsiyentong mas malaki ang panganib na magkakanser sa suso ang mga umiinom nang tatlo o higit pang tagay ng inuming de-alkohol bawat araw kaysa sa mga hindi umiinom.

Hati pa rin ang opinyon kung ang alak ay nakabubuti o nakasasama sa katawan ang pag-inom ng alak. Gayunman, marami na ang nakapagpapatunay na ang red wine ay mabuti para mabawasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Natuklasan din naman na may mga sangkap sa alak na nagiging dahilan para magkaroon ng cancer.Ang alak ay kakaunti ang nutritional value at tanging alchohol ang taglay nito.

Ang isang baso ng red wine (125 ml.) ay nagbibigay ng 85 calories samantalang ang white wine ay 90 calories. Karaniwang ang red wine ay may 12 percent alcohol at may minimal amount ng sugar samantalang ang white wine ay mas maraming taglay na alcohol at sugar.Napatunayan sa mga pag-aaral na ang katamtamang pag-inom ng alak ay may ibinibigay na proteksiyon para maiwasang magkasakit sa puso. Sinasabi pa na ang red wine ay mga karagdagang benepisyo katulad ng pagbabawas para hindi magkaroon ng blood clot at mahusay ring antioxidant. Ganoon man, may nagsasabing ang pag-inom ng red wine ay nagpapasidhi sa migraine dahil sa sangkap nitong polypherals. May mga tao rin na nagkakaroon ng allergy kapag umiinom ng wine.Mahirap makakuha ng sapat na mga impormasyon upang labanan ang alkoholismo. Itoy isang sakit na nangangailangan ng ibayong pansin upang magamot. Kapag pumasok na sa sistema ang adiksyon sa alak at sobrang pag-inom, ang isang tao ay maaaring dumanas ng maraming hirap at sakit kung itoy ititigil. Magkakaroon ng mga sintomas na makapagdudulot ng ibat ibang pahirap sa isang tao higit lalo kung siya ay matagal nang lulong sa alcohol. Pero kung ang isang nilalang ay nagnanais na makaalis sa sitwasyong kinasadlakan, maaari pa ring magbago ang kanyang pananaw. Maaari pa ring piliting labanan ang sakit na alkoholismo. Kinakailangan lamang ang ilang hakbang at katangian upang lubusang makalaya sa pagiging lulong sa alak.Ang unang dapat na gawin ay magkaroon ngibayong lakas ng loobna labanan ang sarili. Magkaroon ng kontrol at sariling disiplina upang tanggihan ang kagustuhang uminom nang palagian. Hindi ito magiging madali sapagkat nasa sistema na ng katawan ang labis na ng alak kayat maaaring hinahanap-hanap na nila ito.At ang kadalasang nagiging problema ay ang pagkakataong makabili nito halos kahit saang tindahan. Nararapat lamang ang isang napakatibay na lakas ng loob upang makontrol ang pagnanais na makainom. Ang disiplinang dapat na taglayin ng isang alkoholik ay isang pangmatagalang panahon upang kahit na sa ibang sandali ay mapigil niya ang pagtikim man lang ng alak.Ang pagkakaroon ng isang nakatutok isip ay din laro ng isang malaking papel sa pagtigil sa paninigarilyo at pag-inomng alak. Pasanin sa mga plano at hindi kailanman ipaalam sa anumang bagay na dumating sa iyong paraan. Sa karagdagan, tandaan ang lahat ng mga bagay na nangyari sa iyo habang ikaw ay umaasa sa mga sangkap. Ito ay maaaring ang lahat ng mga kaganapan at mga pangyayari na naranasan mo habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.Isa pang bagay upang isaalang-alang ay upang panatilihing ka abala sa iba pang mga mahalagang mga bagay na magsaya ka bukod sa paggawa ng makatawag pansin sa isang session ng pag-inom. Ito ay maaaring makatawag pansin sa sports tulad ng paglalaro ng basketball at baseball o lamang ng pisikal na gawain tulad ng pagtakbo at mabagal na takbo sa iyong backyard kaya na maaari mong kalimutan ang tungkol sa iyong pag-inom ugali. Maaari mo ring gawin ehersisiyo sa isang gym o sports center na pigilan ka mula sa pabitin out sa iyong dating kaibigan sa inom at mga kaibigan. Ang pagkakaroon na sa isip, dapat kang humingi ng para sa mga gawain na maaari mong umaakit sa hindi bababa sa habang ikaw ay iniwan ng alak.Mayroong maraming mga pagkukusa na maaari mong yakapin na huminto samasidhing paghahangadalak o sa hindi bababa sa bawasan ang mga sintomas habang ikaw ay nasa proseso ng iniwan inom. Ang mga ideya ay upang kalimutan ang tungkol sa mga ito at kontrolin ang kanyang atake sa gayon ay maaari mong tuparin ang mga tunay mahirap na gawain ng iniwan ng alak.Inihain na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong parusahan ang mga menor de edad na mahuhuling umiinom at nakakalusot na bumili ng alak kahit ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta nito sa wala pang 18 taong gulang. Sa Senate Bill 2626 o Anti-Underage Drinking Act na inihain ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., sinabi nito na nakakabahala na ang napakaluwag na monitoring at pagpapatupad ng batas kaya marami pa ring mga teenagers ang nakakabili ng alak sa mga grocery at convenience stores. Sinabi ni Revilla na kahit pa itinakda sa 18 taon gulang ang legal drinking age, kapuna-puna na marami ng kabataan sa Pilipinas ang umiinom ng alak.Ayon kay Revilla, ang maagang pagkalulong sa alak ay nagiging daan upang matutong gumawa ng ibang krimen ang mga kabataan kung saan maaari rin silang nalululong sa sex at drugs. Kung magiging ganap na batas ang panukala, ang mga kabataan o menor de edad na mahuhuli ay aatasan na magbigay ng community service at ipapaliwanag din sa mga ito ang negatibong idinudulot ng pag-inom ng alcohol.Dahil dumadami ang kabataang Filipino na nahihikayat umanong umiinom ng alak, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes para maparusahan ang mga magbebenta ng alak sa mga minor de edad.Batay sa ginawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) , sinasabi ni Quezon Rep. Angelina Tan , na dalawa sa bawat sampung kabataan na nasa edad 15 hanggang 18 ang umiinom na ng alak. Bukod rito, lumitaw rin umano sa pag-aaral na anim sa bawat sampung kabataan ng nabanggit na edad ang umiinom ng higit sa dalawang bote ng alak. Nakasaad rin umano sa WHO Youth Violence and Alcohol Fact Sheet, na 14% sa mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24, ang nanakit ng kanilang kapwa kapag nalalasing. Humahantong rin umano sa iba pang uri ng krimen ang paglalasing ng mga kabataang pinoy tulad ng panggahasa, ayon pa sa kongresista. Sa hiwalay na pag-aaral naman ng U.S Department of Health and Human Services, sinabi ni Tan na lumilitaw na ang maagang pagkakalulong sa alak ng kanilang kabataan ay humahantong sa kamatayan at pananakit ng kanilang kapwa. Bukod pa diyan ang pagiging lantad nila sa mga pang-aabuso, maagang nabubuntis, at human immunodeficiency virus (HIV).Dahil dito, inihain ni Tan ang House Bill (HB) No. 258 o Anti-Underage Drinking Act of 2013, na nagbabawal sa mga minor de edad na bentahan ng alak at papasukin sa mga establisimyento gaya ng beer house, videoke bar at nightclubs.Ang mga mapapatunayang nagbenta ng alak o lumabag sa batas ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan at pagmumultahin ng hindi bababa sa P10,000.Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakakasama sa ating kalusugan at maging sa ating lipunan. Ang sobrang pag-inom ng alak ay napakalaking epekto sa buhay ng maraming tao. Anumang bagay na sobra ay nakakasama. Ating isaalang-alang ang ating kalusugan. Huwag nating hayaang masira ng alak ang ating kalusugan, kaisipan at maging ang ating buhay.

VI. KONKLUSYONMababasa ang ibat ibang dahilan kung bakit maraming nahuhumaling sa pag-inom ng alak ang mga tao. May mga taong umiinom lamang kapag may okasyon. Minsan ang sobrang kalasingan ay nagdudulot ng away o di kaya ay magiging delikado ito sa kanilang kalusugan. Mas delikado kapag may mga kasamang babae. May mga milagrong nangyayari. May nabubuntis dahil wala silang malay na sila ay may ginagawa nang kakaiba. Ang isa pang dahilan ay kapag may problema ang isang tao. Lalo na kung iniisip niya na makakatulong sa kanya ang pag-inom ng alak. Nagiging sanhi rin ito ng pagkawala sa sarili, aksidente, o sakit. Ang pag-inom ng alak nagiging isang bisyo ng mga tao at maging kabataan. May mga tao na talagang nakaugalian na nila ang uminom ng alak ng madalas. Na nagdudulot rin ng sakit at mga aksidente dahil sa sila ay mawawala sa sarili sa sobrang pagkalasing. Ayon sa pananaliksik, ang tamang pag-inom ng alak ay makatutulong para makaiwas sa mga sakit dahil sa taglay nitong kakayahan na pumatay ng bakterya na maaaring makapagdulot ng sakit. Kitang-kita ang ibinubunga sa ng sobrang pag-abuso sa alak. Anuman ang edad mo, kasarian, o lahi, hindi ka ligtas sa ibinubunga ng mapanganib na pag-inom.

VII. REKOMENDASYONMay ilang rekomendasyon ang mananaliksik upang masolusyunan ang bilang na pagtaas ng mga nalululong sa pag-inom ng alak.Marapat lamang na bigyan ng pansin ang anumang problema tungkol sa alcohol. Ang mga maliliit na bagay na maaaring magdulot na mas malalaking problema sa hinaharap ay kailangan mabigyan kaagad ng sapat na solusyon upang hindi na lumawak. Kailangan ang isang malawak na pananaliksik tungkol sa bagay na ito. Makatutulong ang pagbabasa ng mga sanaysay tungkol sa mga kabataang nalululong sa alak(drinking problems of youth). Magiging mas madali ang pagsugpo sa maliliit na problema kaysa sa hayaan na lamang itong lumaki at lumalala. Bigyan ng sapat na atensiyon mga kabataan ngayon upang hindi sila malulong sa alak at maging sa iba pang bisyo. Pagtibayin pang mabuti ang pagmamahalan sa pamilya upang hindi na mabaling ang atensiyon ng mga kabataan sa alak.ibaling ang sarili sa ibang gawain. Piliin rin ang mga kaibagan na hindi ka maiimpluwensiyahan sa masang bisyo.Dagdagan pa ng gobyerno ang mga batas para tuluyang masugpo ang mas lumalalang pagtaas ng taong umiinom ng alak.

VIII. BIBLIOGRAPIYA:http://www.philstar.com/opinyon/230743/mabuti-masamang-dulot-ng-alak-sakatawan#ixzz3SjrtM4VEhttp://gunitangbumabalik.blogspot.com/2011/03/mga-paraan-para-upang-maitigil-ang-pag.htmlhttps://www.facebook.com/HASTG4EVER/posts/630751003624338http://www.gmanetwork.com/news/story/324473/ulatfilipino/pinoytrivia/mga-kabataang-pinoy-na-tomadorhttp://dzmm.abscbnnews.com/news/National/Sin_Tax_Law,_nilagdaan_na_ni_Pangulong_Aquino_.htmlhttp://quitdrinkingarticles.blogspot.com/2011/02/paggamit-ng-12-hakbang-na-programa.htmlhttp://thedolphin.journ.ph/2011/11/11/ang-bunga-ng-pag-inom-ng-alak/Bibliya (Leviticus10:9-10) , (Awit 104:15) , (Kawikaan 23:31, 32) , JUDGES 13:7, PROVERBS 20:1Dela cruz, Aldrin, Nature Magazine Pahayagang Bulgar MGA NASAWI SA AKSIDENTE pahina 8 , noong ika-8 ng marsoPakikinayam sa isang kabataan na si Kevin Madrigal noong ika-19 ng PebreroPakikipanayam kay Michael Torres noong ika-25 ng Pebrero