6
Kwentong Pambata Ang mga kwentong pambata ay mga kwentong naisulat at nagawa para sa mga batang manunuod. Sakop nito ang mga picture books, tula, maikiling kwento, dula, nobela at mga palabas sa pelikula, telebisyon at radyo. Hindi katulad ng ibang uri ng panitikan, mas may pokus ito sa mambabasa kaysa teknikal na depinisyon nito. Madalas na nagsisimula ang mga kwentong pambata bilang mga kwentong pasalita na pinagpapasapasahan. Kung tutuusin, walang pagkakakaiba ang mga kwentong ito sa mga kwentong naisalin ng mga ninuno natin mula noon hanggang ngayon. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang anyo ng mga kwentong bayan upang maging angkop sa mga batang nakakarinig dito. Sa tradisyong Pilipino, wala masyadong kwento na ibinagay para sa mga bata. Maari pa ang mga na kinakanta ng mga ina sa kanilang mga anak na sanggol upang sila'y patulugin, o kaya mga bugtong ng mga bata sa kanilang paglalaro. Sa matagal na panahon, ang mga kwento ay naririnig na kasama ang buong komunidad, bata man o matanda. Sa pagdating ng mga Espanyol, wala silang masyadong ginawa upang baguhin ito, dahil na rin sa kawalan ng pormal na sistemang pang-edukasyon sa bansa. Kung mayroon mang mga kwentong nakapasok sa bansa, marami sa mga ito ay mga salin mula sa mga kwento sa Europa. Sa pag-aaral ng mga eksperto, walang patunay na may mga aklat ang mga batang Pilipino noon na nagtuturo sa kanila na magbasa o kaya sila'y aliwin. Nagbago ang lahat sa panahon ng mga Amerikano. Unang

Ano Ang Kwentong Pambata

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ano Ang Kwentong Pambata

Kwentong Pambata

Ang mga kwentong pambata ay mga kwentong naisulat at nagawa para sa mga

batang manunuod. Sakop nito ang mga picture books, tula, maikiling kwento, dula,

nobela at mga palabas sa pelikula, telebisyon at radyo. Hindi katulad ng ibang uri ng

panitikan, mas may pokus ito sa mambabasa kaysa teknikal na depinisyon nito.

Madalas na nagsisimula ang mga kwentong pambata bilang mga kwentong

pasalita na pinagpapasapasahan. Kung tutuusin, walang pagkakakaiba ang mga

kwentong ito sa mga kwentong naisalin ng mga ninuno natin mula noon hanggang

ngayon. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang anyo ng mga kwentong bayan upang

maging angkop sa mga batang nakakarinig dito.

Sa tradisyong Pilipino, wala masyadong kwento na ibinagay para sa mga bata.

Maari pa ang mga na kinakanta ng mga ina sa kanilang mga anak na sanggol upang

sila'y patulugin, o kaya mga bugtong ng mga bata sa kanilang paglalaro. Sa matagal na

panahon, ang mga kwento ay naririnig na kasama ang buong komunidad, bata man o

matanda.

Sa pagdating ng mga Espanyol, wala silang masyadong ginawa upang baguhin

ito, dahil na rin sa kawalan ng pormal na sistemang pang-edukasyon sa bansa. Kung

mayroon mang mga kwentong nakapasok sa bansa, marami sa mga ito ay mga salin

mula sa mga kwento sa Europa. Sa pag-aaral ng mga eksperto, walang patunay na

may mga aklat ang mga batang Pilipino noon na nagtuturo sa kanila na magbasa o

kaya sila'y aliwin.

Nagbago ang lahat sa panahon ng mga Amerikano. Unang dumating sa mga

paaralan sa bansa ang mga aklat na tinatawag na Baldwin Readers, kung saan

tinuruan ang mga Pilipino na magbasa at magsulat; kahit na hindi angkop ang mga

nilalaman ng aklat sa kulturang Pilipino. Nasundan ito ng ilang ulit na pagbabago upang

maging mas angkop sa kultura ang mga aklat, katulad ng Insular Readers at Pepe at

Pilar. Ngunit kapansin-pansin sa mga aklat na ito na wala itong silbi kundi turuan

lamang ang mga bata sa pagbabasa, kaya naman wala itong naging lugar sa puso ng

mga Pilipino.

Nagbago ang lahat nang nailunsad ang Mga Kwento ni Lola Basyang sa

peryodikong Liwayway noong 1925, sa panulat ni Severino Reyes. Umabot ito sa 400

Page 2: Ano Ang Kwentong Pambata

na kwento, marami ay salin o pagsasalaysay ng mga kwento mula sa iba't ibang bahagi

ng daigdig. Masasabin pumatok ito dahil sa naiiba nitong anyo, taliwas sa mga

kwentong pambata ng panahon na marami'y naisulat upang magturo lamang.

Nasundan ang Lola Basyang ng iba't iba pang aklat at kwentong pambata

pagkatapos ng digmaan. Marami sa mga ito ay muling pagsasalaysay ng mga

kwentong Pilipino. Sa panahon ding ito nabuo ang iba't ibang samahan na naglalayong

maangat ang antas ng kwentong pambata, tulad ng Pamana at Bookmark. Ngunit dahil

sa pagdagsa ng mga imported na aklat ay nawala din sa pamilihan ang mga kwentong

ito.

Ngunit nagbalik agad ang mga ito noong panahon ng Martial Law kung saan

nagnais ng mga manunulat na ipakita ang mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino.

Isa sa mga pinakamatagumpay ay ang Aklat Adarna, na nakapaglimbag ng mahigit 150

na aklat na mura at nakaka-akit sa maraming pamilyang Pilipino. Sa panahon din itong

lumabas ang Philippine Board on Books for Young People (PBBY) na naglalayong

palakasin ang paglilimbag ng mga kwentong pambata at pagkilala sa mga

pinakamagaling na kwentista pambata ng panahong iyon.

Sa pagdating ng dekada '80 nagsimulang maglakbay ang kwentong pambata

mula sa panulat patungo sa ibang uri ng midya, tulad ng telebisyon. Ang Batibot ay

lumabas noong 1983 na naglayong ilapit ang mga kwentong pambata sa mga

manunuod. Nasundan pa ito ng ibang pang palabas, tulad ng PinPin at 5 and Up na

nagtampok ng mga kwento at pagtuturo ng pagsulat, pagbasa at ibang kaalaman. Ang

mga palabas na ito ay naging bagong paraan ng pagkatuto ng mga batang Pilipino sa

labas ng paaralan.

Ang mga kwentong pambata sa Pilipinas ay masasabing umuunlad kung

ikukumpara noon kung saan walang nagnanais na bumili ito. Masasabing dahil na rin ito

sa kakaibang dating ng panitikang ito, na mas may pokus sa mambabasa kaysa sa

panulat. Maituturing din itong ebidensya ng pagnanais ng mga magulang na turuan ang

mga bata na mabuhay ng marangal.

Elemento ng Kwentong Pambata

1. Banghay - burador o buod ng kwento. Ito ang gabay na sinusundan ng isang

Page 3: Ano Ang Kwentong Pambata

kwentista sa kanyang pagsisimula.

2. Tunggalian - labanan, salpukan at banggan ng mga lakas ng mga tao o kaya

puwersa ng kapangyarihan. Dito nakabatay ang aksyon ng mga tauhan sa akda.

3. Tema - mga inspirasyon o motibasyon ng manunulat upang magkwento

4. Tauhan - tumutukoy sa mga personalidad ng mga tauhan na inilalarawan o

kinakatawan sa kwento.

5. Tagpo - ang lunan kung saan nagaganap at ang panahon kung kailan

nagaganap ang pinangyayarihan ng narartibo o galaw sa akda.

6. Diyalogo - kumbersasyon, pag-uusap o pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa o

higit pang tao sa isang naratibo.

7. Panauhan - perspektibo, posisyon, o pagtinging pinagmumulan ng kwentong

isasalaysay o susulatin para sa mambabasa

Mga Kilalang Manunulat ng Kwentong Pambata

Severino Reyes

Juan C. Laya

Ceres Alabado

Amelia Bonifacio

Virgilio S. Almario

Rene Villanueva

Gloria Guzman

Maria Elena Paterno

Saturnina Fadul

Talambuhay ni Severino Reyes

Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na "Ama ng

Sarsuwela" at "Ama ng Dulang Tagalog". Isa siyang mahusay na direktor, manunulat ng

dula at kwentista.

Ipinaganak siya noong Pebrero 11, 1861 sa Santa Cruz, Maynila; anak nila

Andrea Rivera at Rufino Reyes. Siya ay ikinasal kay Maria Paz Puato at biniyayaan ng

17 anak. Nagtapos siya ng kurso sa sining sa Colegio de San Juan de Letran.

Page 4: Ano Ang Kwentong Pambata

Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot

nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at

Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.

Sa edad na 41 nagsimulang magsulat si Severino Reyes ng mga dula. Ang R.I.P.

noong 1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niya ang Walang Sugat

masasabing isa sa mga pinakakilala niyang akda at masasabing naging simula ng

ginintuang panahon ng sarsuwela sa bansa. Noong 1902 itinatag niya ang Gran

Compañia de la Zarzuela Tagala upang maitanghal ang kanyang mga dula sa mga

teatro sa Maynila pati na rin sa mga entablado sa mga kalapit probinsiya.

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kwentong isinulat niya tungkol kay

Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa

Liwayway, kung saan naghanap sila ng kwento na mailalathala nang sila'y kulangin.

Matapos na maisulat ang kwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay

bilang may-akda ng istoryang ito. Naging inspirasyon niya si Guzman de Zamora o mas

kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga

kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kwento ni Tandang Basyang. Kaya

naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay may pirma na Lola

Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.