19
Kapatagan (plains) isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang Luzon

anyong lupa.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: anyong lupa.docx

Kapatagan (plains)isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng

mga palay,mais,at gulay. Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang Luzon

Page 2: anyong lupa.docx

Tabing-dagat (beach)

pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

Page 3: anyong lupa.docx

Sabak (canyon)Ang sabak (Ingles: canyon, gorge) ay tumutukoy sa

makipot na daanang pangkailugan na mayroong matarik na gilid. Isa itong uri ng landasing may kakitiran at

napapalagitnaan ng dalawang mga matatarik na mga bangin. Maaari rin itong tumukoy sa isang makitid na

daanang matatagpuan sa likuran ng isang kuta o kaya malaking bagay na nakahandlang sa makipot na daanan.

Page 5: anyong lupa.docx

Kagubatan (forest)Ang mga gubat o kagubatan ay isang lugar na may

malalaking bilang ng mga puno. Ang gubat ay isang lugar na tinitirhan ng mga hayop, dito rin nakikita ang iba't ibang

uri ng mga halaman at iba't ibang mga likas na yaman.

Page 6: anyong lupa.docx

Bundok (mountain)— isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na

bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.

Page 7: anyong lupa.docx

Bulkan (volcano)— isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang

tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi

ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo.

Halimbawa nito ay ang bulkang Pinatubo.

Page 8: anyong lupa.docx

Burol (hill)— higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang

halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw

ay nagiging kulay tsokolate.

Page 9: anyong lupa.docx

Lambak (valley)— isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani,

mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Page 10: anyong lupa.docx

Baybayin (coast)— bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.

Page 12: anyong lupa.docx

Bulubundukin (mountain range)

— matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Page 13: anyong lupa.docx

Yungib (cave)— mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na

maaaring pasukin ng tao at hayop.

    

Page 14: anyong lupa.docx

Talampas  (plateau)— patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda

ring taniman dahil mataba ang lupa rito.

    

Page 15: anyong lupa.docx

Tangway (peninsula)

— isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.