Author
qayku
View
3.323
Download
2
Embed Size (px)
MGA ANYONG TULA NG
PANITIKANG TAGALOG
Iniulat ni Queenie Ann Y. KuBSE-ENG 3-1
EPIKO• Isang mahabang tula na nagsasalaysay ng buhay ng isang dakilang bayani
HalimbawaKUMINTANGIsang awiting pandigmaIto ay kasaysayan ng mga pandirigma ng mga kawal ni na datu Dumangsil ng Tall at Datu Balkasusa ng Tayabas at ng Bai ng Talim.
BUGTONG• Isang uri ng panitikan na kawili-wili• Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno • Ito ay may tugma at matalinghaga at kapupulutan ng butil ng karunungan
Mga HalimbawaDahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan
“pinya”Baston ni San Juan, hindi mahawakan
“ilaw”Gaod ng gaod, hindi naman makaalis
“duyan”
SALAWIKAIN AT KASABIHAN
• Ito ay maikling pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin na hango sa karanasan ng tao at may mabubuting asal na ipinapahayag
Mga HalimbawaAng tamad na tao, walang ilalagay sa plato.
Sa tag-araw ay mag-ipon, upang sa tag-ulan ay may gamitin.
MGA UNANG TULANG TAGALOGMay dalawang matingkad na pangalan na umusbong sa mga naunang tula sa mga katagalugan. Ito’y sina Tomas Pinpin at Fernando Bagongbanta. Sila ang ipinalalagay na daklinag makata sa panahon ng mga Kastila
MGA UNANG TULANG TAGALOG
Kasama rin sa kinikilalang makata sa panahong iyon ay si Pedro Osorio na taga-Ermita, Maynila. Ang kanyang tulang binanggit ay kasama sa inilimbag ng “Doctrina Christiana” ni Padre Alonzo de Sta. Ana noong 1617
Halimbawa ng Tula ni Tomas Pinpin
O ama con DiosO gran Dios mi padre
Tolongan mo acoQuered ayundarmeAmponin mo acoSedme favorableNong mayari ito
Porque esto se a acabeAt icao ang purihin Y a vos os alaben
Halimbawa ng Tula ni Fernando Bagongbanta
Salamat ng Ualang hangaGracias se den sempiternas,
Na nagpasilang nang talaAl que hizo salin la estrella;Macapagpanao nang dilimQue desterro las tinieblasSa lahat nang bayan natin
De toda nuestra tierra.
ARTE POETICO TAGALA
• Si Padre Francisco Buencuchillo (1710-1776) ay sumulat ng isang pag-aaral at pagsusuri sa panulaang Tagalog.
• Ang kanyang akda ay pawang sulat-kamay na inilimbag sa Madrid
• Sa aklat na ito ay ipinakilala niya ang pantigan at tugmaan sa tulang Tagalog
Halimbawa
Poong cong papaglagiabAng pusoco nang paggiac
Lubos na paghinging tauad
Magdalita yong pahayagAng alila mong masicapNang acopo ay marasSacalangitan maacyat
TANAGAIto’y maikling tula noong panahaon ng Hapon na may mataas na uri at binubuo ng pitong (7) pantig and bawat taludtod. Binubuo ang saknong ng apat (4) na taludtod
Halimbawa Masarap sa panlasa
May panlugod sa mataLaging hakot ligaya
Ang tunay na maganda-Jose V. Panganiban
KANTAHING BAYAN
• Ang mga nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng tao at ang kaisipan at damdamin ng bayan• Minsan ay mababaw o malalim ang kahulugan at payak ang taludturan, ngunit ang musikang pinagsasakyan ay katutubong pahayag ng mmga katangian at kasiglahan sa buhay ng ating mga ninuno• Madamdamin, malugod at puno ng pag-asa
KANTAHING BAYAN SA PANAHAONG PRE-KOLONYAL
Ang kantahing bayan noong panahon ng pre-kolonyal ay mga katutubong awitin ng ating bansa na nagpapakilala sa iba’t-ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao, mga kaisipan at damdamin ng bayan
HalimbawaOYAYI –awit sa pagpapatulog sa
bataDIONA –awit sa pagkakasalTALINDAW –awit sa pagsagwanKUNDIMAN –awit sa pag-ibigSOLIRANIN –awit sa paggaod
KANTAHING BAYAN SA PANAHAONG
KASTILA
Sa pagdating ng mga Kastila may ilang uri ng tulang panrelihiyong lumitaw na naging basihan ng kanilang paniniwala
Halimbawa DALIT – binubuo ng 48 na saknong
na bawat saknong ay binubuo ng apat (4) na taludtod
May dalawa itong bahagi:Talindaw – tinutula ng namumuno Pabinian –isinasagot naman ng
kapulungang kasali sa seremonya
Halimbawa AWIT O BUHAY –ito ay karaniwang hangosa mga buhay ng mga santo at gagad sa banal na kasulatan
Halimbawa DASAL NA PATULA – ito ay karaniwang ginagamit sa Flores de Mayo at sa Alay o dili kaya’y sa imbokasyon sa Mahal na Birhen Maria
HalimbawaPASYON – isang akdang pangrelihiyon na naglalaman ng buhay at pagpapasakit ni Hesukristo na inaawit
Halimbawa PASYON• P. Gaspar Aquino de Belen – ang
unang sumulat ng pasyon noong 1704• P. Aniceto dela Merced – ang
pinakamahusay sa pagsulat ng pasyon noong 1856• P. Mariano Pilapil – naging tanyag sa
pagsulat ng pasyon sapagkat nilakipan niya ng larawan at aral sa dulo ng bawat kabanata
MARAMING SALAMAT