10
Apolinario Mabini y Maranan “Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon” Hulyo 23, 1864-Mayo 13, 1903

Apolinario Mabini

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Apolinario Mabini

Apolinario Mabini y Maranan“Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon”Hulyo 23, 1864-Mayo 13, 1903

Page 2: Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini ay ipinanganak noong Hulyo 23, 1864 sa Tanauan, Batangas.

Sina Inocensio Mabini at Dionisia Maranan ang kanyang ama’t ina. Kapwa magsasaka.

Pangalawa sa walong magkakapatid.

Kilala bilang “Dakilang Paralitiko” at “Utak ng Rebolusyon”

Page 3: Apolinario Mabini

Edukasyon:

• Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral

• noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.

• Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887.

• Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

Page 4: Apolinario Mabini

Buhay:

• Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

• Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay

• noong 10 Oktubre 1896, Hinuli siya ng mga gwardiya sibil dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista.

Page 5: Apolinario Mabini

Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Apolinario nang sumulat siya ng isang artikulo para sa mga Lider Rebolusyonaryo. Ang manifesto ay nagpapahalaga sa pagtindig ng Pilipinas bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estado Unidos ang Espanya sa digmaan nilang dalawa.

Page 6: Apolinario Mabini

Si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo dahil sa husay nito.

Isa sa mga mahuhusay na payo ni Apolinario kay pangulong Aguinaldo at ang pagpapalit ng porma ng gobyerno. Mula diktaturya, nagging rebolusyonryo ang porma ng pamahalaan ng Pilipinas. Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad, hukuman at pulisya.

Nagsilbi si Apolinario bilang Pangulo sa Konseho ng mga Kalihim. Hinirang siya sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.

Page 7: Apolinario Mabini

Si Apolinario rin ang pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa buong bansa.

Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.

Page 8: Apolinario Mabini

Nang sumiklab ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre

Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900.

Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan.

Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino.

Page 9: Apolinario Mabini

Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Minarapat niyang mamalagi sa kaniyang munting dampa na Malaya kahit maralita.

Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 sa gulang na 39 dahil sa kolera.

Namatay siya na isang dakilang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo.

Page 10: Apolinario Mabini

The EndPresented by:

Rose Ann C. Bautista

1F2