1
Aralin sa Filipino c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com Simuno at Panaguri May dalawang bahagi ang pangungusap, ang simuno at ang panaguri. Ang buong simuno ay ang mga salita na tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ang buong panaguri ay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa simuno, kung ano ang ginagawa ng simuno, o kung ano ang nangyayari sa simuno. Halimbawa: Nakatira sa tabi ng dagat | {z } ang kaibigan ko | {z } . panaguri simuno Ang pangungusap sa itaas ay may karaniwang ayos. Ang karaniwang ayos ng pangu- ngusap ay may anyong (panaguri + simuno) kung saan nauuna ang panaguri bago ang simuno. Ang mga salitang “Nakatira sa tabi ng dagat” ay ang buong panaguri at ang mga salitang “ang kaibigan ko” ay ang buong simuno. Ang karaniwang ayos ng pangungusap ay maaari din may anyong (panaguri + simuno + panaguri), kung saan nahati ang buong panaguri. Kung gagawin nating di-karaniwan ang ayos ng pangungusap sa itaas, gagamit tayo ng salitang ay. Halimbawa: Ang kaibigan ko | {z } ay nakatira sa tabi ng dagat | {z } . simuno panaguri Ang ayos ng pangungusap na ito ay (simuno + ay + panaguri) o ang tinatawag na di- karaniwang ayos ng pangungusap. Ang salitang ay dito ay ginagamit bilang panandang pagbabaligtad sa pangungusap at hindi ito bahagi ng buong panaguri. Kung babaligtarin natin ang pangungusap para maging karaniwan ang ayos, hindi na sinusulat ang salitang ay. Baka isipin mo na ang salitang ay ay katumbas ng verb to be sa English (is, am, was, were, has, have, etc.). Tandaan na ang verb to be ay kasali sa buong panaguri o complete predicate sa English, ngunit sinasabi nila na walang katumbas sa English ang salitang ay. Ito ay pananda lamang upang tulungan tayo sa pagbabaligtad ng pangungusap na nasa di- karaniwang ayos para ang ayos nito ay maging karaniwan. Di-tulad ng salitang ay, hindi nawawala sa English ang verb to be kung babaligtarin ang anyo ng pangungusap. Tingnan mo ang dalawang halimbawa sa ibaba. Jenny is my friend. My friend is Jenny. Si Jenny ay kaibigan ko. Kaibigan ko si Jenny. Talˆ a: simuno - subject, panaguri - predicate, buong simuno - complete subject, buong panaguri - complete predicate

Aralin Sa Simuno at Panaguri

Embed Size (px)

DESCRIPTION

panguri

Citation preview

  • Aralin sa Filipinoc 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

    Simuno at Panaguri

    May dalawang bahagi ang pangungusap, ang simuno at ang panaguri. Ang buong simunoay ang mga salita na tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap. Ang buong panaguriay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa simuno, kung ano ang ginagawa ng simuno, o kungano ang nangyayari sa simuno.

    Halimbawa: Nakatira sa tabi ng dagat ang kaibigan ko .panaguri simuno

    Ang pangungusap sa itaas ay may karaniwang ayos. Ang karaniwang ayos ng pangu-ngusap ay may anyong (panaguri + simuno) kung saan nauuna ang panaguri bago angsimuno. Ang mga salitang Nakatira sa tabi ng dagat ay ang buong panaguri at ang mgasalitang ang kaibigan ko ay ang buong simuno. Ang karaniwang ayos ng pangungusap aymaaari din may anyong (panaguri + simuno + panaguri), kung saan nahati ang buongpanaguri.

    Kung gagawin nating di-karaniwan ang ayos ng pangungusap sa itaas, gagamit tayo ngsalitang ay.

    Halimbawa: Ang kaibigan ko ay nakatira sa tabi ng dagat .simuno panaguri

    Ang ayos ng pangungusap na ito ay (simuno + ay + panaguri) o ang tinatawag na di-karaniwang ayos ng pangungusap. Ang salitang ay dito ay ginagamit bilang panandangpagbabaligtad sa pangungusap at hindi ito bahagi ng buong panaguri. Kung babaligtarinnatin ang pangungusap para maging karaniwan ang ayos, hindi na sinusulat ang salitang ay.

    Baka isipin mo na ang salitang ay ay katumbas ng verb to be sa English (is, am, was,were, has, have, etc.). Tandaan na ang verb to be ay kasali sa buong panaguri o completepredicate sa English, ngunit sinasabi nila na walang katumbas sa English ang salitang ay.Ito ay pananda lamang upang tulungan tayo sa pagbabaligtad ng pangungusap na nasa di-karaniwang ayos para ang ayos nito ay maging karaniwan. Di-tulad ng salitang ay, hindinawawala sa English ang verb to be kung babaligtarin ang anyo ng pangungusap. Tingnanmo ang dalawang halimbawa sa ibaba.

    Jenny is my friend. My friend is Jenny.Si Jenny ay kaibigan ko. Kaibigan ko si Jenny.

    Tala: simuno - subject, panaguri - predicate, buong simuno - complete subject, buong panaguri - complete

    predicate