35
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Kahulugan ng Supply 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Mga Salik na Nakakaapekto sa Supply 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 17 Sagutin Natin 18 Pag-isipan Natin 18 Gawin Natin 18 Aralin 3: Elastisidad ng Supply 20 Layunin Natin 20 Subukan Natin 21 Alamin Natin 22 Pag-aralan Natin 22 Suriin Natin 26 Sagutin Natin 27 Pag-isipan Natin 27 Gawin Natin 27

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 9, YUNIT 8

Ang Supply TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

Aralin 1: Kahulugan ng Supply 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5

Alamin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Suriin Natin 9

Sagutin Natin 10

Pag-isipan Natin 10

Gawin Natin 10

Aralin 2: Mga Salik na Nakakaapekto sa Supply 12

Layunin Natin 12

Subukan Natin 13

Alamin Natin 14

Pag-aralan Natin 14

Suriin Natin 17

Sagutin Natin 18

Pag-isipan Natin 18

Gawin Natin 18

Aralin 3: Elastisidad ng Supply 20

Layunin Natin 20

Subukan Natin 21

Alamin Natin 22

Pag-aralan Natin 22

Suriin Natin 26

Sagutin Natin 27

Pag-isipan Natin 27

Gawin Natin 27

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Karagdagang Kaalaman 29

Pagyamanin Natin 30

Paglalagom 32

Dapat Tandaan 33

Dagdag Sanggunian 34

Gabay sa Pagwawasto 34

Sanggunian 35

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 9 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 8

Ang Supply

Isa sa mga pangunahing layunin ng ekonomiks ay ang matugunan ang pangangailangan ng

mga tao. Kung walang supply, wala ring mga produkto o serbisyo na maaaring bilihin ang

mga tao. Kapag napag-uusapan ang supply, karaniwang tinutukoy ang resulta ng mga

gawain ng mga negosyo o bahay kalakal.

Sa yunit na ito, susubukan nating sagutin ang sumusunod na tanong:

Paano ba nagdedesisyon ang mga negosyo kung gaano karami ang kanilang ipoprodyus at

ibebenta sa pamilihan?

Ano-anong mga salik ang maaaring makaapekto sa supply?

Ano ang kahulugan ng elastisidad ng supply at paano ito ginagamit sa ekonomiks?

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

May pangangailangan ng supply sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay.

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Kahulugan ng Supply

Supply ng produkto sa isang pamilihan

Kung ang demand ang nagpapadaloy sa ekonomiya, ang supply naman ang bumubuhay

rito. Ang supply ang kumukumpleto sa paikot na daloy ng ekonomiya sapagkat ito ang

nagtutustos mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Ano ang supply? Ano-ano ang katangian ng konseptong ito? Ang mga tanong na iyan ay

ating sasagutin sa araling ito.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalapat ang

kahulugan ng supply batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga tanong batay sa iyong kaalaman

sa ekonomiks.

Ipagpalagay mo na mayroon kang sari-sari store. Bumibili ka ng paninda linggo-linggo.

Kadalasan ay nag-iimbak ka ng sampung piraso ng dalawang brand ng sabon. Sa iyong

inventory, napansin mo na mayroon ka pang natirang apat na piraso ng Brand A, ngunit

wala nang natira sa Brand B.

1. Ilang piraso ng Brand A at ilang piraso ng Brand B ang iyong bibilhin?

_______________________________________________________________________________________

Nang makarating ka sa grocery, nadiskubre mong tumaas na pala ang presyo ng Brand B.

Kung dati ay parehas sila ng Brand A na ₱10 bawat isang bareta, ngayon ay ₱11 na bawat

bareta ng Brand B. Samantala, nananatili sa lumang presyo ang Brand A.

2. Ilang piraso ng Brand A, at ilang piraso ng Brand B ang iyong bibilhin?

_______________________________________________________________________________________

Batay sa iyong paglilista sa kwaderno, nakatala na ₱13 ang benta mo sa Brand A,

samantalang sa Brand B ay ₱15.

3. Ilang piraso ng Brand A, at ilang piraso ng Brand B ang iyong bibilihin?

_______________________________________________________________________________________

4. Nag-iiba ba ang iyong mga sagot? Bakit oo o bakit hindi?

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Kung ang demand ay may ugnayan sa mga

kagustuhan at pangangailangan ng mga

mamimili, ang supply naman ay konektado sa

gawain ng mga bahay-kalakal o negosyo.

Kapag pinag-uusapan ng mga ekonomista ang

supply, tinutukoy nila ang dami ng produkto o

serbisyo na handang iprodyus at ipagbili ng

mga bahay-kalakal o negosyo sa pamilihan sa

iba’t ibang presyo. Ang presyo ay tumutukoy

sa halagang natatanggap ng mga negosyo

bilang kabayaran sa produkto o serbisyo na

kanilang iprinodyus o ibinenta.

Mahalagang matantya ng isang negosyo

kung gaano kalaki ang supply na

kaniyang iipoprodyus upang hindi

masayang ang resources at makasabay

sa pagbabago ng demand.

Batas ng Supply Natatandaan mo pa ba ang iyong mga

sagot sa seksyon ng Subukan Natin sa

unahang bahagi ng araling ito?

Kung tulad ka ng ibang negosyante,

maaari ay nagpalit-palit din ang iyong

sagot. Marahil ang iyong unang gagawin

ay punan ang kakulangan sa iyong

tindahan. Maaaring isang pirasong Brand A at limang pirasong Brand B ang iyong iimbakin

at ipagbibili. Nang matuklasan mong nagmahal ang Brand B, maaaring naisip mong mas

malaki ang iyong kikitain kung mas maraming Brand A na lamang ang iyong ipagbibili.

Nang makita mong mas malaki pala ang kita sa Brand B, maaaring nagdesisyon ka na ring

damihan ang bili sa produkto dahil mas marami rin ang nais bumili nito.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• resources – mga

pinagkukunang yaman

• ceteris paribus – salitang Latin

na nangangahulugan sa Ingles

na “holding all things constant”

• paayon - positibo

Halimbawa ng resource ang timber.

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Ganito rin ang palaisipang kailangang lutasin ng mga

negosyante sa araw-araw. Gaano karami ba ang

kanilang ibebenta? Ano ang gagawin nilang batayan

sa dami ng produkto o serbisyong kanilang dadalahin

sa pamilihan?

Tulad ng sa demand, marami ring salik na

nakaaapekto sa supply, ngunit ang pinakamahalaga

at pinakamadaling masukat ay ang presyo. Kapag

mas mataas ang presyo ng isang produkto o

serbisyo, mas malaki ang maaaring kitain ng mga

bahay-kalakal. Mas nanaisin din nilang magprodyus o

mag-imbak pa ng mga produkto. Dahil dito,

dumarami ang supply sa pamilihan.

Ang ugnayang ito sa pagitan ng supply at presyo ng bilihin ay binabalangkas ng Batas ng

Supply. Ayon dito, kapag tumataas ang presyo ng isang produkto o serbisyo, tumataas din

ang supply nito. Samantala, kapag bumaba naman ang presyo ng isang produkto o

serbisyo, bababa rin ang supply nito. Ang relasyong ito ay tinatawag na directly

proportional.

Tandaan na sa Batas ng Supply, ipinagpapalagay natin na ceteris paribus o walang ibang

pagbabago sa iba pang salik na maaaring makaapekto sa supply. Sa pamamagitan nito,

mas madaling makita ng mga ekonomista kung paano gumagana ang pamilihan at kung

ito ba ay gumagana ng mahusay.

Supply Schedule at Supply Curve Ang supply schedule at supply curve ay ang mga paraan ng mga ekonomista upang matukoy

kung paano naapektuhan ng presyo ang supply ng isang produkto.

Ang supply schedule ay ang talaan na nagpapakita ng dami o bilang ng mga produkto na

ipinagbibili ayon sa itinakdang presyo o halaga sa loob ng isang takdang panahon.

Presyo

Supply

Ugnayan ng presyo at supply

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Tingnan mabuti ang halimbawa ng isang supply schedule:

Iskedyul ng Pangangailangan para sa Harina

(Agosto 1-31, 2017)

Punto Presyo (piso) Dami ng supply (kada kilo)

A 100 10

B 80 8

C 60 6

D 40 4

E 20 2

Mula sa supply schedule na ito, madali nating makikita ang ebidensiya ng Batas ng Supply.

Habang bumababa ang presyo ng

harina, nababawasan rin ang supply

nito.

Ang supply curve o kurba ng supply

ay ang graphic representation ng

supply schedule kung saan ito ay

nagpapakita ng paayon na relasyon

sa pagitan ng presyo at dami ng

supply. Suriing mabuti ang

halimbawa ng kurba ng supply. Ito ay

inilalarawan bilang isang upward

slope. Sa supply curve ang presyo ng

produkto ay nasa Y-axis at ang laki o

dami ng supply ay nasa X-axis.

Mahalagang tandaan na kapag nagbabago ang presyo ng produkto o serbisyo, ang

paggalaw na ito ay tinatawag sa Ingles na movement along the curve. Ang nagbabago dito ay

ang bilang ng supply at presyo. Kapag sinabing “nagbago ang supply,” tinutukoy nito ang

paglipat ng buong supply curve. Nangyayari ang paglipat (shift) na ito kung may pagbabago

sa mga salik na nakaaapekto sa supply.

0

20

40

60

80

100

120

0 5 10 15

Pre

syo

ng

Pro

du

kto

(p

iso

)

Laki ng Supply (kilo)

Dami ng Supply Para sa Harina

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag.

____________________ 1. Ang supply schedule at supply curve ay mga paraan upang matukoy

kung paano naapektuhan ng presyo ang supply ng isang produkto.

____________________ 2. Ang relasyon sa pagitan ng supply at presyo ng bilihin ay

binabalangkas ng Batas ng Demand.

____________________ 3. Mahalagang matantya ng isang negosyo kung gaano kalaki ang

supply na kaniyang ipoprodyus upang hindi masayang ang resources

at makasabay sa pagbabago ng demand.

____________________ 4. Ang presyo ay tumutukoy sa halagang natatanggap ng mga negosyo

bilang kabayaran sa produkto o serbisyo na kanilang ibinenta.

____________________ 5. Inversely proportional ang relasyon ng supply sa presyo.

B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.

Magbigay ng dalawang paraan upang matukoy ang relasyon ng presyo sa supply.

1. ________________________________

2. ________________________________

Magbigay ng tatlong paglalarawan sa supply.

1. ________________________________

2. ________________________________

3. ________________________________

Suriin Natin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng supply?

2. Ano ang paglalarawan sa supply schedule, at supply curve?

3. Ano ang isinasaad ng Batas ng supply?

Bilang isang mamimili, paano nakaaapekto sa iyo ang Batas ng Supply?

Magsaliksik ng limang sitwasyon sa nakaraang limang taon kung saan nagkaroon ng

pagbabago sa supply ng mga produkto o serbisyo sa Pilipinas dahil sa pagtaas o pagbaba

ng presyo ng mga bilihin. Gumawa ng isang sanaysay bilang output ng gawaing ito.

Batay sa iyong pananaliksik, masasabi mo bang totoo ang Batas ng Supply?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan

pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Kalidad ng

Nilalaman

Kulang ang

sanaysay at

hindi ito

nakadagdag sa

pag-unawa ng

paksa

May iilang

detalye lamang;

may ibang

bahagi na

kinakailangan

pa ayusin

Maraming

detalye ang

isinaad; may

ilang puntos sa

sanaysay na

hindi angkop sa

paksa

Puno ng

tamang detalye

at maayos ang

pagkakasulat

ng sanaysay.

Nagpapakita ng

malawak na

pag-unawa sa

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

paksa ng

gawain

Tiyaga/

Pagsisikap

Tinapos ang

gawain para

lamang

may maipasa

sa guro

Tinapos ang

gawain ngunit

hindi sinikap na

mapaganda pa

itong lalo

Tinapos ang

gawain na may

kasiyasiyang

resulta, may

pagsisikap na

pagandahin

pang lalo

Tinapos ang

isang

napakagandan

g gawain na

may masidhing

pagsisikap na

maging

natatangi ito

Kasanayan/

Husay

Hindi

naipakikita ang

pagnanais na

mapaghusay

ang

isinumiteng

gawain

Nagpapakita ng

pagnanais na

mapaghusay

ang kaniyang

paggawa

May angking

husay sa

paggawa;

kailangan pa ng

kaunting

pagsasanay

Nagpapakita ng

husay at

galing sa

paggawa; may

sapat na

kaalaman o

pagsasanay

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng gawain sa

loob ng

dalawang araw

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kanilang

gawa sa loob

ng

isang araw

matapos ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kanilang

gawa sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng kanilang

gawa bago pa

ang itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Aralin 2

Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

Nalaman natin mula sa nakaraang

aralin na ang demand ang

nagtataguyod ng paglago at

pagpapalawak ng ekonomiya.

Samantala, ang supply naman ang

paraan upang punan ang mga

layuning ito ng ekonomiya.

Sinisikap ng pamahalaan na

magkaroon ng tamang balanse ng

supply sa bansa dahil

nangangahulugan ito ng

masiglang ekonomiya na may

kakayanang tugunan ang mga

pangangailangan at kagustuhan

ng mga mamamayan.

Bagama’t nais ng mga negosyante na pataasin ang kanilang kita, hindi sila basta-basta

maaaring magtakda ng presyo para sa kanilang mga produkto o serbisyo. Mayroon ring

mga salik na na makakaapekto sa supply na kailangan nilang isaalang-alang.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa supply; at

• matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na

nakaaapekto sa supply.

May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa supply.

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Ngayong mga panahong ito ay magandang magkaroon ng isang negosyo sapagkat

maraming pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas. Bilang isang negosyante na may-ari

ng isang sari-sari store, kailangan mong gumawa ng mga desisyon upang mapalago

ang iyong negosyo. Paano mo palalakihin ang iyong kita sa bawat sitwasyon sa

ibaba? Isulat sa Hanay B ang iyong sagot.

Hindi magkakasunod o magkakarugtong ang mga sitwasyong ito. Maaari kang

gumawa ng desisyon nang malaya at batay lamang sa katapat na sitwasyon.

Sitwasyon Desisyon na iyong gagawin

1. Nakabili ka ng isang kaban ng bigas sa

halagang ₱1,000. Dati ay nabibili mo ito

sa halagang ₱1,500.

2. Nagkaroon ng bagyo at nasira ang

maraming pananim ng palay sa karatig

na rehiyon.

3. Mayroong kumpanya na nag-alok sa

iyo ng kanilang bagong sabon. Mas

mura ito ng ₱1 kaysa sa sabon na iyong

ipinagbibili, ngunit hindi pa ito kilala ng

mga konsumer.

4. Ayon sa bagong batas, nagmahal lahat

ng mga inumin tulad ng softdrinks at

juice. Ito rin ang mga pinakamabiling

produkto sa iyong tindahan.

5. Kailangan mong bumili ng isang

kahong pancit canton upang makuha

ang 30% discount mula sa factory.

Subukan Natin

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Ang supply ay tuwirang naaapektuhan ng

pagbabago sa presyo ng produkto at serbisyo.

Ngunit mayroong mga non-price determinants o

mga salik na walang kinalaman sa presyo ang

maaaring makapagpabago nito.

Ating bigyang-pansin ang sumusunod na salik:

1. Pag-unlad ng teknolohiya

Ito ay nakapagpapataas ng antas o dami

ng produksyon dahil napapadali nito

ang paggawa ng produkto. Maaaring

makapagpababa ito ng gastos ng

produksyon. Halimbawa nito ang

pagkakagawa ng spinning jenny na

naging dahilan ng paglaganap ng

industriyalisasyon.

2. Pagbabago sa inaasahang presyo o

ekspektasyon ng mga negosyante

Kapag ang ispekulasyon sa presyo ay

pataas, magsasagawa ang mga negosyante

ng hoarding o pagtatago ng produkto.

Kung pababa naman, sila ay maglalabas ng

stocks at pagbababa ng produksyon.

3. Buwis na itinakda ng pamahalaan

Ang mataas na buwis ay

nakapagpapababa ng dami ng produksyon

dahil sa pagtaas ng materyales.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• spinning jenny – isang makina

na may kakayahang

makapanahi ng tela gamit ang

mahigit sa isang spindle

• import – paraan ng

pangangalakal kung saan ang

produkto ay iniaangkat pa

mula sa ibang bansa

• commodity – mga pang-araw-

araw na pangangailangan

tulad ng tubig at bigas

Ang BIR ang nangongolekta ng buwis

sa Pilipinas.

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

4. Subsidy mula sa pamahalaan

Ang subsidy ay ang pinasyal na

tulong mula sa pamahalaan kung

saan napabababa nito ang gastos

sa produksyon ng mga negosyante.

5. Pagbabago sa bilang o dami ng

mga negosyante

Ang pagdami ng bilang ng mga

negosyante ay nagdudulot ng

pagtaas ng supply. Halimbawa,

kapag mas maraming negosyante

sa isang partikular na lugar,

maaaring tumaas ang bilang ng

supply ng mga produkto.

6. Importasyon ng kalakal

Ito ay karaniwang ginagawa sa panahon na may kakulangan sa lokal na ekonomiya

ng bansa. Tumataas ang supply sa ganitong galaw sa pamilihan. Sa kasalukuyan, ang

Pilipinas ay nag-iimport ng bigas mula sa Vietnam at Thailand.

7. Presyo ng materyales sa produksyon

Ang mataas na gastusin sa produksyon ay nagpapababa sa dami ng supply mula sa

mga negosyante. Halimbawa na lamang, ang mga isdang mahirap mahuli ay

mapapansing may mas mahal na halaga sa pamilihan kung ihahambing sa mga

lamang-dagat na kadalasang nabibingwit.

8. Presyo ng ibang kalakal

Nakaaapekto ang presyo ng ibang kalakal na maaaring ipamalit. Katulad na lamang

ng pagtaas ng supply ng mais at pagbaba ng supply ng palay.

9. Kalamidad

Humihinto at bumababa ang produksyon kapag sobra ang pinsala ng mga

kalamidad. Kadalasang nararanasan ang kakulangan sa supply ng mga commodity

pagkatapos ng mga kalamidad.

Supply ng prutas sa pamilihan

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Paglipat ng Kurba ng Supply

Ang paggalaw ng supply curve ay nangyayari kapag nagbabago ang presyo ng mga

produkto at ang iba pang salik ay nananatiling constant. Matatandaan na mayroong directly

proportional na relasyon ang presyo at supply kaya naman ang pagbabago ng isang salik ay

magdudulot ng pagbabago sa isa pa. Ang tawag sa kaganapang ito ay movement along a

supply curve.

May dalawang uri ng paggalaw ng supply curve—ang extension at contraction. Ang

extension sa isang supply curve ay nangyayari kapag may pagtaas sa presyo ng supply ng

produkto. Samantala, contraction naman ang nangyayari kapag nababawasan ang presyo

o supply ng kalakal.

Ang dami ng supply na ipinagbibili ng mga mangangalakal ay maaaring

maimpluwensiyahan ng iba pang salik maliban sa presyo. Sa pagkakataong ito, ang supply

curve ay tuluyang nagbabago. Halimbawa na lamang, ang pag-usbong ng teknolohiya at

mga makabagong makinarya ay nagdudulot ng pagdami ng supply nang hindi nababago

ang presyo ng produkto.

Mayroong ding dalawang uri ng shift sa supply curve—ang rightward at leftward shift.

Nangyayari ang rightward shift kapag ang dami ng supply ay lumalaki (ngunit ang presyo

ay hindi) bunga ng mga non-price na salik ng produksyon. Sa kabilang banda, ang leftward

shift ay nangyayari kapag ang supply ng produkto ay nababawasan ngunit ang halaga nito

ay nananatiling constant.

Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng

Rightward Shift

Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng

Leftward Shift

• Pagbabawas ng buwis

• Pagpapaunlad ng teknolohiya

• Pagbabawas sa kabuuang halaga o

gastos sa produksyon

• Mabuting lagay ng kapaligiran

• Inaasahang pagbaba ng presyo ng

bilihin sa hinaharap

• Pagtaas ng buwis

• Paggamit ng makalumang

teknolohiya

• Pagtaas ng gastusin sa produksyon

• Mga natural at man-made na

kalamidad

• Kakulangan sa raw materials

• Inaasahang pagtaas ng presyo ng

bilihin sa hinaharap

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Batay sa iyong kaalaman tungkol sa batas at kurba

ng supply, sagutin ang mga kalakip na tanong.

Sinalanta ng napakatinding bagyo ang lalawigan ni Juan. Milyon-milyong halaga ng

ari-arian ang napinsala, kabilang na ang mga pangunahing gusali sa lugar. May iilang

grocery store na nakapagsalba ng mga commodities at iba pang produktong makakain.

Habang naghihintay ang lalawigan ng tulong mula sa pamahalaan, naisipan ni Juan na

bumili ng pagkain mula sa grocery. Sa kaniyang pamimili, napansin ni Juan na nagtaas nang

matindi ang halaga ng mga produkto.

Produkto Halaga bago ang

Sakuna

Halaga pagkatapos ng

Sakuna

Tubig PhP 25/ litro Php 50/ litro

Bigas PhP 40/ kilo PhP 70/ kilo

Mantika PhP 50/ litro PhP 100/ litro

De-latang pagkain Php 30/ piraso PhP 55/ piraso

Instant noodles PhP 18/ piraso PhP 40/ piraso

Kape PhP 10/ sachet PhP 25/ sachet

Batay sa iyong kaalaman tungkol sa supply, sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Bakit nagtaas ang halaga ng mga bilihin?

__________________________________________________________________________________

2. Ano ang mga non-price na salik na nakaapekto sa presyo ng mga bilihin?

__________________________________________________________________________________

3. Ano ang masasabi mo sa galaw ng supply curve sa sitwasyong ito?

__________________________________________________________________________________

Suriin Natin

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng supply?

2. Ano ang konsepto ng subsidy? Paano ito nakaaapekto sa supply?

3. Paano nakakaapekto sa supply ang pag-unlad ng teknolohiya?

Paano napapadali ng mga representasyon ang pag-unawa sa konsepto ng supply?

Pumili ng tatlong salik na nakaaapekto sa supply. Magsagawa ng photo documentation kung

paano nito naaapektuhan ang pang-araw-araw na buhay ng Pilipino. Gumawa ng isang

powerpoint presentation bilang output. Ilakip sa presentation na ito ang mga larawan na

iyong nakuha gayundin ang mga sagot sa tanong sa ibaba. Iulat sa klase ang iyong mga

nakalap.

• Paano nailalarawan ng imaheng ito ang pangangailangan ng mga tao sa supply?

• Bakit nagkakaroon ng mga limitasyon sa supply? Naipakikita ba ito sa mga larawang

iyong nakalap?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan

pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Sinubukang

sagutin ang mga

katanungan,

maraming mali;

hindi nag-isip;

Sinubukang

sagutin ang mga

katanungan,

may ilang mali;

nag-isip nang

Mahusay at

malinaw ang

mga sagot;

pinag-isipan

ang

Napakahusay at

napakalinaw

ang mga sagot;

pinag-isipang

mabuti ang

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

tila walang

natutunan sa

aralin

bahagya; may

kaunting

natutunan sa

aralin

kasagutan;

halatang

natuto sa

aralin

kasagutan; tiyak

na tiyak na

natuto sa aralin

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob ng

ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Aralin 3

Elastisidad ng Supply

Pagbabago ng supply batay sa iba’t ibang galaw ng ekonomiya

Ang reaksiyon na naidudulot ng pagbabago sa presyo ay nakadepende sa uri ng mga

produkto na nais bilhin o ibenta sa pamilihan. Sa ekonomiks, ang kondisyong ito sa

pamilihan ay tinatawag na elastisidad. Sa araling ito, ating ilalarawan ang konsepto ng

elastisidad at ang pagkaka-ugnay ng pangangailangan (demand) at supply sa presyo ng

kalakal at serbisyo.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiuugnay ang

elastisidad ng supply sa presyo ng kalakal at paglilingkod.

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Pumili ng dalawang uri ng elastidad ng supply. Paghambingin ang dalawang

konsepto. Magbigay ng mga mainam na halimbawa upang ipaliwanag ang mga ito.

Uri ng Elastididad:

_________________________________

Uri ng Elastididad:

_________________________________

Subukan Natin

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Kahulugan ng Elastisidad Ang elastisidad ay naglalarawan sa antas ng

kakayahang tumugon ng isang aspekto ng

pangangalakal sa pagbabago ng isa pang

aspekto. Ito ay tumutukoy sa reaksiyon ng

mamimili sa pagbabago ng presyo ng mga

kalakal o serbisyo na gusto nilang bilihin.

Bilang karagdagan, ang reaksiyon ng

nagbebenta o prodyuser ay maaari ding

magbago batay sa iba’t ibang reaksyon ng

mamimili.

Klasipikasyon ng Elastisidad Ang elastisidad ay nahahati sa tatlong pangunahing klasipikasyon, ito ay ang sumusunod:

Elastisidad batay sa Paglalarawan

Presyo (Price Elasticity) pagsukat sa pagtugon o reaksiyon ng mga mamimili

sa pagbabago ng presyo ng paninda

Kita (Income Elasticity) pagsukat sa pagtugon o reaksiyon ng mga mamimili

sa pagbabago ng kanilang kita

Presyo ng Ibang Paninda (Cross-

Elasticity)

pagsukat sa pagtugon o reaksiyon ng mga mamimili

sa pagbabago ng presyo ng ibang paninda

Presyo ng Elastisidad ng Supply (Price Elasticity of Supply) Ang presyo ng elastisidad ng supply ay tumutukoy sa matematikal na pagsukat sa reaksyon

ng mga negosyante o prodyuser sa pagbabago ng mga presyo ng kalakal at serbisyo na

nais nilang ipagbili sa pamilihan. Suriing mabuti ang pormula sa ibaba.

E = % CHANGE IN QUANTITY X 100

%CHANGE IN PRICE

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na mga

salita:

• tumugon – sumagot

• karagdagan – iba pa; dagdag

• pormula – matematikal na

equation upang matukoy ang

elastisidad ng supply

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

= %𝛥in Quantity X 100

%𝛥in price

Kung Saan:

%𝛥in Q = Q2 - Q1 X 100

(Q2+Q1)/2

%𝛥in price = P2 - P1 X 100

(P2+P1)/2

Katumbas:

𝛥in Qs = change in quantity supplied o pagbabago sa dami ng supply

𝛥in P = change in price o pagbabago sa presyo

Q1 = old Quantity o lumang dami ng supply

Q2 = new Quantity o bagong dami ng supply

P1 = old Price o lumang presyo

P2 = new Price o bagong presyo

Mga Uri ng Elastisidad ng Supply Ang uri ng elastisidad ng supply ay nahahati sa lima. Ito ay maaaring mailarawan gamit ang

grapikal at matematikal na representasyon.

1. Elastikong Panustos (Elastic Supply)

Ang pagbabago sa presyo ay nagbigay-daan sa

mas mataas na pagbabago sa dami ng supply

(𝛥QS> 𝛥P). Ipinakikita nito na ang negosyante ay

sensitibo sa pagbabago sa presyo kung saan sila

ay nakatutugon sa pagdami ng kanilang supply

sa pamilihan sa tuwing tumataas ang presyo.

Ito ay may mathematical coefficient na may higit

sa 1 (>1). Halimbawa ay ang mga pagkain na

nasa lata. Suriin ang graph sa kaliwa. Makikita na

sa kaunting galaw ng presyo ay malaki ang

epekto nito sa dami ng supply.

P

Q

S

Pre

syo

Supply

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

2. Di- Elastikong Panustos (In-elastic Supply)

Ang pagbabago sa presyo ay nagbigay daan sa mas mababang pagbabago sa dami ng

supply (𝛥QS<𝛥P). Ipinapakita nito na ang negosyante ay hindi sensitibo sa pagbabago

ng presyo kung saan sila ay hindi kaagad nakatutugon sa nararapat itustos sa

pamilihan. Nareresulta ito sa matagal na proseso ng produksiyon. ito ay may

mathematical coefficient na maliit sa 1 (<1). Halimbawa ay ang mga agrikultural na

produkto gaya ng palay.

3. Unitaryong Elastikong Panustos (Unitary Elastic Supply)

Ang pagbabago sa presyo ay nagbigay daan sa katumbas na pagbabago sa dami ng

supply (𝛥QS=P). Ito ay may mathematical coefficient na eksaktong 1 (=1). Halimbawa nito

ang mga produktong semi-industriyal at semi-agrikultural.

P

Qs

S

P

Qs

S

Pre

syo

Supply

Supply

Pre

syo

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

4. Ganap na Elastikong Panustos (Perfectly

Elastic Supply)

Ito ay kung saan ang presyo ay di-nagbabago

ngunit naghahatid ito ng iba’t ibang

pagbabago sa dami ng supply (NO 𝛥P→

∞𝛥QS). Ito ay may mathematical coefficient na

infinite (∞). Halimbawa nito ang pasahod na

itinatakda ng pamahalaan at ang dami ng

supply ng taong naghahanap ng trabaho.

5. Di-ganap na Elastikong Panustos (Perfectly

Inelastic Supply)

Ang pagbabago sa presyo ay nagreresulta ng

walang pagbabago sa dami ng supply (𝛥P→

∞NO𝛥QS). Ito ay may mathematical coefficient

na zero (0). Halimbawa nito ay ang mga fix

input gaya ng lupa.

Kapag pinagusapan na ang elastisidad ng demand, kadalasang tinutukoy nito ang price

elasticity of demand, o iyong pagbabago sa laki ng demand para sa isang produkto batay sa

pagbabago sa presyo nito. Gayunpaman, mayroon ding tinatawag na cross-elasticity of

demand na tumutukoy sa pagbabago sa laki ng demand para sa isang produkto batay sa

pagbabago ng presyo ng mga kapareha at kapalit na produkto nito. Para sa diskusyon sa

araling ito, ating pag-uukulan ng pansin ang price elasticity of demand at ang iba’t ibang uri

nito.

Qs

P

Pre

syo

Supply

Supply

Pre

syo

P

Qs

S

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

A. Magbigay ng limang uri ng elastisidad ng supply.

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

4. ______________________________

5. ______________________________

B. Ibigay ang kahulugan o konseptong sinisimbolo ng sumusunod:

1. Q1 : ______________________________

2. P2 : ______________________________

3. P1 : ______________________________

4. 𝛥in Qs : ______________________________

5. 𝛥in P : ______________________________

Suriin Natin

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng elastisidad ng supply?

2. Ano ang tatlong pangunahing klasipikasyon ng elastisidad?

3. Ano ang uri ng elastisidad ng supply?

Gaano kahalaga ang elastisidad ng supply sa mga balitang pang-ekonomiya sa panahong

ito?

Pumili ng isang uri ng elastidad ng supply. Sa isang cartolina, ilarawan ang elastisidad na ito

sa pamamagitan ng isang detalyadong flowchart na nagpapakita ng takbo ng pamilihan at

iba pang salik pang-ekonomiya.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan

pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Malabo at

magulo ang

ipinakitang

sagot, kulang ng

maraming

detalye; wala o

kulang ang

kasanayan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Medyo malinaw

ang ipinakitang

sagot, kulang ng

maraming

detalye;

kailangang

masanay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto at

malinaw ang

ipinakitang

sagot, kulang ng

ilang detalye;

naipakita ang

kakayahan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto,

napakalinaw, at

tama ang

ipinakitang

sagot; naipakita

ang husay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

output sa

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

output bago pa

ang itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Kahit sagana sa ibang produktong agrikultural ang bansa, nakikilahok pa rin ang Pilipinas

sa mga import at export activities upang balansehin ang supply ng mga commodities at iba

pang produkto sa bansa.

HIGHLIGHTS OF THE PHILIPPINE EXPORT AND IMPORT STATISTICS

(January 2018) Preliminary

TOTAL Exports Imports

January 2018 January 2017 January 2018 January 2017

FOB Value (In Million

US Dollars) 5,218.78 5,190.53 8,535.65 7,660.02

Year-on-Year

Growth (Percent) 0.5 22.0 11.4 12.2

Electronic Products

FOB Value (in Million

US Dollars) 2,623.59 2,367.68 2,230.97 1,876.89

Year-on-Year

Growth 10.8 -7.8 18.9 -15.6

Datos mula sa https://psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-statistics-january-

2018.

Ayon sa pambansang pamahalaan, mayroong sampung pangunahing export products ang

bansa, kabilang na ang copper at gold. Samantala, ang mga industrial machinery and

equipment naman ang pangunahing produktong iniaangkat natin mula sa ibang bansa.

Karagdagang Kaalaman

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay kinakailangang gumawa ng

brochure na nagpapakita ng kahulugan, iba’t ibang uri, elastididad, at mga salik ng supply.

Maaaring gumawa ng dagdag-pananaliksik para dito.

Matapos ang gawain, sagutin ang sumusunod na tanong bilang klase:

• Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo na maintindihan ang konsepto

ng supply?

• Bakit mahalaga ang balanseng supply at demand sa ekonomiya?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Pagpapahalaga Nangailangan

ng paggabay

kahit sa

simpleng

gawain;

madaling

umayaw;

umaasa sa iba

Nakayang gawin

ang madadaling

bahagi,

nangailangan ng

paggabay;

ginawa muna

ang mahihirap

na bahagi,

maaaring

umayaw kung

walang

paggabay

Nakayang gawin

ang mahihirap

na bahagi,

nangailangan ng

paggabay;

ginawa muna

ang mahihirap

na bahagi, kaya

pa ring

magpatuloy

kahit walang

paggabay

Pinaghirapan at

pinaghandaang

mabuti ang

gawain, hindi na

nangailangan ng

paggabay;

madaling

nakaugnay at

natapos sa oras

ang gawain

Pakikilahok ng

Bawat

Indibiduwal

Hindi nakilahok

at walang

interes sa

paghahanda at pagsasakatuparan

ng gawain

May naipakitang

kaunting interes

at pakikilahok sa

paghahanda at

pagsasakatuparan

ng gawain

Nagpakita ng

interes subalit

hindi gaanong

nakilahok sa

paghahanda at pagsasakatuparan

ng gawain

Nagpakita ng

masidhing

interes at

aktibong

pakikilahok sa

buong

paghahanda at

Pagyamanin Natin

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

pagsasakatuparan

ng gawain

Nilalaman Malabo at magulo

ang ipinakitang

sagot, kulang ng

maraming

detalye; wala o

kulang ang

kasanayan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Medyo malinaw

ang ipinakitang

sagot,, kulang ng

maraming detalye;

kailangang

masanay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto at

malinaw ang

ipinakitang sagot,

kulang ng ilang

detalye; naipakita

ang kakayahan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto,

napakalinaw, at

tama ang

ipinakitang sagot;

naipakita ang

husay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kaayusan at

Kalinisan

Walang kaayusan

at napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong maging

maayos at malinis

sa paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at malinis

ang output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang output;

walang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob ng

ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa dahil

ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng

output sa loob ng

ilang minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

output sa

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

Nakapagpasa ng

output bago pa

ang itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Supply

Iskedyul ng Supply

Ang Batas ng Supply

Kurba ng Supply

Mga Salik Na Nakakaapekto sa Supply

Teknolohiya

Pagbabago sa inaasahang presyo

Buwis

Subsidy ng Pamahalaan

Dami ng Negosyante

Importasyon

Presyo ng materyales

Presyo ng ibang kalakal

Kalamidad

Elastisidad ng Supply

Price Elasticity

Income Elasticity

Cross-Elasticity

Uri ng Elastisidad

• Elastic

• In-elastic

• Unitary Elastic

• Perfectly Elastic

• Perfectly Inelastic

Paglalagom

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

DAPAT TANDAAN

• Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong handang

ipagbili ng mga nagtitinda sa iba’t ibang presyo sa takdang lugar at

panahon.

• Isinasaad ng batas ng supply na habang tumataas ang presyo ng bilihin,

tumataas din ang dami ng supply. At habang bumababa ang presyo,

bababa rin ang dami ng supply kung saan ito ay nagpapakita ng direkta

o tuwirang relasyon.

• Mayroong iskedyul ng supply, kurba ng supply, at supply function na

maaaring makapaglarawan sa galaw ng supply sa merkado.

• Ang supply ay naaapektuhan ng mga salik na walang kinalaman sa

presyo gaya ng pag-unlad ng teknolohiya, pagbabago sa inaasahang

presyo, buwis at subsidy galing sa gobyerno, pagdami ng negosyante,

importasyon ng kalakal, presyo ng materyales at ibang kalakal, at

kalamidad.

• Ang elastisidad ang nagpapakita ng reaksyon ng parehong mamimili at

bahay-kalakal sa mga pagbabago sa presyo at dami ng supply at

pangangailangan.

• Ang elastisidad ay may tatlong pangunahing klasipikasyon: ang price

elasticity, income elasticity, at cross-elasticity.

• Ang limang uri ng elastisidad ay: elastic, inelastic, unitary elastic, perfectly

elastic, at perfectly inelastic.

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas

malalim na pagtalakay:

• Supply Curve ng Marginal Revolution University

(https://www.youtube.com/watch?v=nKvrbOq1OfI)

• Supply ng MJMfoodie

(https://www.youtube.com/watch?v=KccMcf_xOQU)

• How does the Law of Supply and Demand Work? ng EconClips

(https://www.youtube.com/watch?v=WZ0I9t9QoZ0&t=54s)

Aralin 1: Kahulugan ng Supply

Subukan Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral. Markahan batay sa paliwanag.

Suriin Natin

A.

1. Tama

2. Mali

3. Tama

4. Tama

5. Mali

B.

1. Supply schedule, supply curve

2. directly proportional sa presyo, maaaring maimpluwensiyahan ng non-price na salik,

limitado, iba pang sagot na akma sa katangian ng supply

Dagdag Sanggunian

Gabay sa Pagwawasto

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 8 Ang Supply

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Aralin 2: Mga Salik na Nakaapekto sa Supply

Subukan Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral. Markahan batay sa paliwanag.

Suriin Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral. Markahan batay sa paliwanag.

Aralin 3: Elastisidad ng Demand

Subukan Natin

Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral. Markahan batay sa paliwanag.

Suriin Natin

A.

1. Perfectly Inelastic Supply

2. Inelastic Supply

3. Unitary Inelastic Supply

4. Inelastic Supply

5. Elastic Supply

B.

1. lumang dami ng supply

2. bagong presyo

3. lumang presyo

4. pagbabago sa dami ng supply

5. pagbabago sa presyo

Acomular, M., Acolumar, M. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad. Manila: IEMI, 2015.

Mankiw, N. Gregory. Principles of Economics. Boston, MA: Cengage Learning, 2015.

Nolasco, Liberty I., Jerome A. Ong, and John N. Ponsaran. Ekonomiks: Mga Konsepto,

Aplikasyon, at Isyu. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2010.

Sanggunian