19
IKATLONG TAON KASAYSAYAN NG DAIGDIG Mga Pangkalahtan at Tiyak na Layunin Pagkatapos ng isang taon pang-aaral sa antas na ito sa mataas na paaralan, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makapagpapakita ng sumusunod na kakayahan: I. Ang Simula ng Kabihasnan 1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kinalaman ng heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang daigdig A. Heograpiya ng Daigdig 1.1 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag mula sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng daigdig 1.2 Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao 1.3 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan B. Mga Unang Tao 1.4 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng tao 1.5 Nasusuri ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura (paleolitiko at neolitiko) C. Mga Unang Kabihasnan 1.6 Nasusuri ang mga kaganapan sa Rebolusyong Neolitiko (pasimula ng agrikultura0 na naging batayan ng mga unang kabihasnan 16

Araling panlipunan iii & i vb

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PSSLC

Citation preview

Page 1: Araling panlipunan iii & i vb

IKATLONG TAONKASAYSAYAN NG DAIGDIG

Mga Pangkalahtan at Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng isang taon pang-aaral sa antas na ito sa mataas na paaralan, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makapagpapakita ng sumusunod na kakayahan:

I. Ang Simula ng Kabihasnan

1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kinalaman ng heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang daigdig

A. Heograpiya ng Daigdig

1.1 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag mula sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng daigdig

1.2 Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao

1.3 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan

B. Mga Unang Tao

1.4 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng tao

1.5 Nasusuri ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura (paleolitiko at neolitiko)

C. Mga Unang Kabihasnan

1.6 Nasusuri ang mga kaganapan sa Rebolusyong Neolitiko (pasimula ng agrikultura0 na naging batayan ng mga unang kabihasnan

1.7 Naiuugnay ang heograpiyang pisikal sa paglinang ng mga unang kabihasnan

1.8 Nasusuri ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asia (Summer/mesopotamia, Indus at China), Africa (Egypt), South-America (Aztec, Maya at Inca)

1.9 Napahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ngmga unang kabihasnan

16

Page 2: Araling panlipunan iii & i vb

II. Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon

2. Napahahalagahan ang magkakasabay na pag-unlad ng mga kabihasnan sa Asia, Africa, South-Amerika at Europe

A. Kabihasnan klasikal sa Asia at Europe

2.1 Nasusuri ang mga elemento ng Kabihasnan Minoan at Mycenean

2.2 Nasusuri ang mga kaganapan sa Kabihasnan Grecco-Roman at Byzentine

2.3 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng kabihasnang Islamik sa ugnayang Kanluran at Silangan

B. Kabihasnang Klasikal sa Africa at America

2.4 Nasusuri ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at Songhai)

2.5 Nasusuri ang mga kaganapan sa pulo ng Pacific

2.6 Napahahalagahan ang kontribusyon ng Africa at America sa pag-unlad ng kabihasnan ng daigdig

C. Pag-usbong ng Europe

2.7 Nasusuri ang mga salik ng nagbigay-daan sa paghina ng Imperyong Romano

2.8 Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagpasok ng Gitnang Panahon

2.9 Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”

2.10 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon

2.11 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng mga krusada sa Gitnang Panahon

2.12 Nasusuri ang paglaganap ng piyudalismo at manoryalismo sa Europe

17

Page 3: Araling panlipunan iii & i vb

2.13 Nasisiyasat ng mapanuri ang mga kaganapan tungo sa paglinang ng Kabihasnang Europe

2.14 Nasusuri ang pasimula at paglaganap ng mga bayan at lungsod

III. Pag-igting ng Ugnayang Pandaigdig at Pagtatatag ng mga ‘Nation-States”

3. Naipamamalas ang mapanuring pag-aaral sa mga kaganapan sa daigdig na humantong sa pagtatatag ng mga “nation-states”

A. Paglakas ng Europe

3.1 Nasusuri ang paglakas ng mga “bourgeoisie”

3.2 Nasusuri ang pagsilang ng merkantilismo

3.3 Nasusuri ang pagtatatag ng “national monarchy”

3.4 Nasusuri angmga salik na nagbigay-daan sa “Renaiisance”

3.5 Nasusuri ang mga kontribusyon ng “Renaissance” sa daigdig

3.6 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europe

3.7 Napahahalagahan ang mga dahilan at bunga ng Repormasyon

B. Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon

3.8 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe

3.9 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko

3.10 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Enlightenment

3.11 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Pampulitika at Panlipunan sa Europe (Rebolusyong Pranses0 at Amerika

3.12 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong Industriyal

C. Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon

3.13 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon

18

Page 4: Araling panlipunan iii & i vb

D. Pagkamulat

3.14 Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano

3.15 Naihahambing ang nasyonalismong nalinang sa Europe at sa mga kolonya

3.16 Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansang sakop

3.17 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

E. Tunggalian ng Interes

3.18 Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig

3.19 Nasusuri ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

3.20 Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig

3.21 Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa ikalawang Digmaang Pandaigdig

3.22 Nasusuri ang papel na ginampanan ng mga pangunahing bansang sangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

3.23 Nasusuri ang mga epekto ng paniniwala sa siyensiya, teknolohiya, at materyalismo sa pananaw ng mga Estadong European ukol sa digmaan

3.24 Nasusuri ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa, Asia, Africa at mga kolonya

3.25 Nasusuri ang mga tagumpay at kabiguan ng United Nations

IV. Ang Daigdig Ngayon at sa Hinaharap

4. Naipamamalas ang mapanuring pag-aaral sa mga isyu at suliraning pandaigdig sa kasalukuyan

19

Page 5: Araling panlipunan iii & i vb

A. Mga Ideolohiyang Laganap

4.1 Nasusuri ang tugon ng mga ideolohiyang pulitikal at ekonomik sa hamon ng establisadonginstitusyon ng lipunan

4.2 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng iba’t ibang ideolohiyang pampulitika sa buhay ng mga tao

4.3 Naiuugnay ang mga pwersang pangkabuhayan sa kalagayang pulitikal ng bansa

4.4 Napahahalagahan ang kahandaan ng mga bansa sa pagpili ng mga ideolohiyang yayakapin

B. Cold War at Neo-kolonyalismo

4.5 Natataya ang epekto ng “cold war” sa mga kaganapan noong ika-20 siglo

4.6 Nasusuri ang mga epekto ng neo-kolonyalismo sa pangkalahatang kalagayan ng papaunlad at di-maunlad na bansa

C. Pagpaparami ng Armas

4.7 natataya ang mga epekto ng pagpaparami ng armas sa iba’t ibang panig ng daigdig

4.8 Nabibigyang-puna ang mga pulong at kasunduan tungkol sa mga sandatang nukleyar

D. Panglobong Terorismo

4.9 Nasusuri ang mga isyung kaugnay ng mga suliraning pangkapayapaan at pangkatiwasayan

4.10 Nasusuri ang mga anyo, dahilan at bunga ng terorismo

4.11 Napahahalagahan ang nagkakaisang hakbang ng mga bansa sa daigdig laban sa terorismo

4.12 Nakapagmumungkahi ng mabisang pamamaraan sa pagpigil ng banta ng terorismo

E. Populasyon, Kalusugan at Pag-unlad

20

Page 6: Araling panlipunan iii & i vb

4.13 Natatalakay ang mga isyung kaugnay ng mga suliraning pampopulasyon

4.14 Nagbibigyang-halaga ang mga programang pampopulasyon sa daigdig

4.15 Nabibigyang-puna ang mga makabagong sakit na nagbabanta sa buhay ng mga tao (SARS, AIDS, at iba pa)

F. Teknolohiya at Kalagayang Ekolohikal

4.16 Nasusuri ang mga isyu at suliraning may kinalaman sa paggamit ng teknolohiya (isyu at suliraning ekolohikal, paglipat ng teknolohiya at iba pa)

G. Mga Karapatang Pantao

4.17 Naipaliliwanag ang mga anyo ng paglabag sa mga karapatang pantao

4.18 Nasusuri ang mga epekto ng paglabag sa mga karapatang pantao

4.19 Nakapagmumungkahi ng mabisang pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang pantao

H. Globalisasyon

4.20 Nasusuri ang mga dahilan at epekto na dulot ng World Trade Organization at ng globalisasyon sa mga bansang may iba’t ibang antas ng kabuhayan at pag-unlad

4.21 Naiuugnay ang pangkasalukuyang mga isyu na kinakaharap ng daigdig tungo sa pandaigdigang pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran

IKAAPAT NA TAON

21

Page 7: Araling panlipunan iii & i vb

EKONOMIKS

Mga Pangkalahatan at Tiyak na Kakayahan

Pagkatapos ng isang taong pag-aaral sa antas na ito sa mataas na paaralan, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makapagpapamalas ng sumusunod na kakayahan;

I. Mga Saligan ng Pag-aaral ng Ekonomiya

1. Napahahalagahan na ang pag-unawa sa mga batayang kaisipan at pamamaraan sa ekonomiks ay may kaugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao

A. Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham

1.1 Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan

1.2 Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan

1.3 Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan

B. Pinagkukunang-Yaman

1.4 Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas

1.5 Nasusuri ang mga datos tungkol sa mga yamang likas ng Pilipinas tungo sa matalinong paggamit nito

1.6 Natatalakay ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas

1.6.1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa

1.6.1.1 nasusuri ang katangian ng balangkas ng populasyon ng Pilipinas ayon sa kasarian, edad, bilang ng may trabaho/walang trabaho, edukasyon, relihiyon1.6.1.2 naiisa-isa ang pangangailangan ng populasyon sa Pilipinas1.6.1.3 nahihinuha ang implikasyon ng iba’t ibang katangian ng balangkas ng populasyon

1.6.2 Natataya ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakas- paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produktibo at mataas na kalidad na antas ng produksyon

1.6.3 Nagkakaroon ng pagnanais na mapaunlad ang sarili bilang paghahanda sa pagiging produktibo

22

Page 8: Araling panlipunan iii & i vb

1.7 Naitatangi ang mga wastong pagpapahalaga sa paggamit ng pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa konserbasyon, kapaligiran at likas-kayang paggamit (sustainable use)

C. KAKAPUSAN

1.8 Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang suliraning panlipunan

1.9 Nasusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon

1.10 Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong likas na yaman

D. Alokasyon

1.11 Naisasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbabahagi ng mga likas na yaman sa pamilya at lipunan

1.12 Nasisiyasat nang mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan

1.13 Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino

E. Kagustuhan at Pangangailangan

1.14 Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon

1.15 Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa mga teorya ng pangangailangan

F. Pagkonsumo

1.16 Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo

1.17 Nasusuri ang mga epekto ng pag-aanunsyo sa pagkonsumo

1.18 Nasisiyasat nang mapanuri ang mga anunsyo tungo sa matalinong pamimili

1.19 Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili

1.20 Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili

1.21 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid at mapanuri ng mga mamimili laban sa mga tiwaling gawain ng mga nagbibili

23

Page 9: Araling panlipunan iii & i vb

G. Produksyon

1.22 Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito

1.23 Naipahahayag ang damdamin ukol sa mahalagang papel ng “entrepreneurship” sa ekonomiya at sa produksyon

1.24 Nasusuri ang tungkulin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo sa ekonomiya at produksyon ayon sa pakikisapi at pananagutan sa pagkakaroon ng matatag na ekonomiya

1.25 Nasusuri ang konsepto ng aring intelektuwal (intellectual property), kopirayt (copyrights) at iba pang mga karapatan sa aring intelektuwal (intellectual property rights) kaugnay sa pag-unlad ng mga industriya ng bansa

1.26 Nabibigyang-halaga ang aring intelektuwal (intellectual property), kopirayt (copyrights) at iba pang mga karapatan sa aring intelektuwal (intellectual property rights) bilang proteksyon sa mga katangi-tanging likha, akda, o imbensyon ng bawat indibidwal

II Pagsusuri ng Ekonomiya

2 Napahahalagahan ang kaugnayan ng maykroekonomiks at makroekonomiks sa buhay ng bawat isa bilang kasapi ng lipunan

A. Maykroekonomiks

2.1 Nasusuri ang saklaw ng maykro-ekonomiks

2.2 Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya

2.3 Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand

2.4 Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa demand

2.5 Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa demand ng mamimili

2.6 Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya

2.7 Nasusuri ang mga salik ng produksyon na nakaaapekto sa suplay

2.8 Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik (factors) na nakaaapekto sa suplay

24

Page 10: Araling panlipunan iii & i vb

2.9 Nasusuri ang epekto ng presyo at non-price sa suplay ng kalakal at paglilingkod

2.10 Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa suplay ng nagbibili

2.11 Nakapagkukuwenta ng elastisidad ng demand at suplay

2.12 Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod

2.13 Naipaliliwanag ang interaksyon ng suplay at demand sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan

2.14 Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan

2.15 Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan

2.16 Nasusuri ang iba’t ibang anyo ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga tao

2.17 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa isang pampamilihang ekonomiya

2.18 Napangangatwiranan ang pangangailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang anyo ng pamilihan

B. Makroekonomiks

2.19 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan sa makroekonomiks

2.19.1 Nasusuri ang papel na ginagampanan at epekto ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor sa mga sumusunod:- implasyon - deplasyon- pamumuhunan - pag-iimpok- empleyo (employment, unemployment, underemployment)

2.20 Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya

2.20.1 Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto

2.20.2 Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya

2.21 Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang produkto (GNP)

25

Page 11: Araling panlipunan iii & i vb

C. Implasyon

2.22 Nakikilala ang palatandaan ng implasyon gamit ang Consumer Price Index (CPI)

2.23 Natutukoy ang dahilan at epekto ng Implasyon

2.24 Nasusuri ang mga paraan sa paglutas ng implasyon

2.25 Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon bilang isang mag-aaral

2.26 Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at nagbibili kaugnay ng suliranin sa implasyon

D. Patakarang Piskal (Fiscal Policy)

2.27 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal

2.28 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito

2.29 Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan

2.30 Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan

2.31 Nakapaghahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga paggasta ng pamahalaan

2.32 Nakapagsasanay ng tamang pagkompyut ng buwis

2.33 Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis

2.34 Naiuuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang ekonomiya

E. Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)

2.35 Nauunawaan ang kahulugan ng patakarang (monetary) pananalapi

2.36 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi

2.36.1 Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik sa ekonomiya

2.36.2 Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapi2.36.3 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat

sektor sa pananalapi- mga bangko

26

Page 12: Araling panlipunan iii & i vb

- kooperatiba- pawnshop

2.36.4 Nasusuri ang bahaging/tungkuling ginagampanan ng institusyon ng pananalapi sa ekonomiya

2.36.5 Naipaliliwanag ang uri at gamit ng salapi

2.36.6 Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga ng salapi sa buhay ng mga mamamayang Pilipino

2.36.7 Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi

2.36.8 Naiuugnay ang pandaigdigang pananalapi sa pambansang sistema ng pananalapi

2.36.9 Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa bahaging ginagampanan ng mga pandaigdig na institusyon ng pananalapi tulad ng International Monetary Fund at World Bank sa pananalapi ng bansa

III Mga Sektor ng Ekonomiya

2 Naipamamalas ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya para sa kapakanang panlahat

A. Sektor ng Agrikultura (Agrikultura, Pangingisda, at Paggugubat)

3.1 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa

3.2 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino

3.3 Nabibigyang-halaga ang mga institusyon at programa na nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat)

3.4 Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa sektor agrikultura (repormang pansakahan)

B. Industriya

3.5 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya

3.6 Nakapaghahanda sa mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas

27

Page 13: Araling panlipunan iii & i vb

3.7 Naipahahayag ang opinyon tungkol sa nasyonalisasyon ng ilang korporasyon at pagsasapribado ng korporasyong pamahalaan

3.8 Napagtitimbang ang papel na ginagampanan ng mga korporasyong multi-nasyonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa pambansang ekonomiya

3.9 Naimumungkahi ang mabisang pamamaraan sa pagmamay-ari at pamamahala ng mga korporasyon sa Pilipinas

3.10 Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong teknolohiya tungo sa pagsulong ng ekonomiya

3.11 Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan

3.12 Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng industriya at ng pangangalakal

3.13 Nasusuri ang pagpapatupad ng batas sa nasyonalisasyon ng kalakalang pagtitingi

3.14 Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng sektor ng industriya at mga kalakal tungo sa matatag na ekonomiya

C. Paglilingkod

3.15 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod

3.16 Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino sa sektor paglilingkod ng bansa

3.17 Naibabahagi ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na kalidad ng manggagawang Pilipino sa sektor ng paglilingkod

3.18 Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod

Impormal na Sektor

3.19 Nasusuri ang iba’t ibang anyo ng impormal na sektor ng ekonomiya

3.20 Nakapaglalahad ng saloobin ukol sa pamumuhay ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya

3.21 Natataya ang ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuuang ekonomiya

E. Kalakalang Panlabas

3.22 Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas ng bansa

28

Page 14: Araling panlipunan iii & i vb

3.23 Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at programa sa kalakalang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino

3.24 Nakapaghahayag ng saloobin ukol sa kahalagahan ng kontribusyon sa ekonomiya ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat

3.25 Nasusuri ang kaugnayan at epekto ng exchange rate sa kalakalang panlabas ng bansa

3.26 Nasusuri ang epekto sa kalakalang panlabas at sa ekonomiya ng pagbabago ng palitan ng piso laban sa mga dayuhang salapi

3.27 Nasusuri ang mga kabutihan at di-kabutihan ng kalakalang panlabas tungo sa isang masigla at maunlad na ekonomiya

3.28 Nasusuri ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga lokal na kalakal at paglilingkod

3.29 Natitimbang ang epekto ng globalisasyon sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino batay sa mga patakarang-liberalisasyon -deregulasyon-pagsasapribado ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan

3.30 Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng World Trade Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig

29