Avon Adarna

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tula

Citation preview

Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!ni: AvonAdarna

Sa hitik na yaman nitong kalikasan,Hindi magugutom, hindi magkukulang,Pilipinas na Ina ng mamamayan,Kumakandili nga sa buting kandungan.Ang mga dagat at kailaliman,Saganang pagkait mga pangisdaan,Ang lalim na tubig na asul sa kulay,Ay siyang panlinis sa lupang katawan.Ang mga gubat na hitik sa bunga,Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka,At pati hayop sa dulong kabila,Nabubusog din at nagpapakasawa!Ang mga lupa sa luntiang bukid,Ay pakikinabangan kapag pinilit,Magtanim lamang ng palay o mais,At tiyak na kakain sa oras ng gipit!Mahalin ang bayan saan man pumunta,Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa,Ibiging mabuti at maging malaya,Upang manatili ang Inang dakila!Angtula ay alaysa mahal na bansa,Pagkat akoy kanyang inaaruga,Itong Pilipinas na bayan kot ina,Mamahalin ko saan man pumunta!

AMA NAMING BANALni: Avon Adarna

(Christian Poem for God the Father)

Dakilang Ama sa ikapitong langit,Salamat sa buong isang taong marikit,Puno man ng pagsubok, unos na malupit,Matibay pa rin ang aming pagkapit!

Ikaw Ama namin, ang aming sandalanAlam kong hindi kami pababayaan,Kami may laging balot ng kasalanan,Ibigay mo pa rin ang kapatawaran.

Ang aming kapwa na nagkasalaSa amin ng lubos ay pinatawad na,Nagsusumamong ganun din naman sanaAng sa amin ay igawad, parang awa mo na!

Kung naging suwail kaming mga anakNakahandang ilahad itong mga paladPaluin mo kami ng pamalong hawak,Upang magtanda nga at kamiy tumatag.

Tiklop-tuhod, Ama, kaming maliliitSinasamba ka naming walang pagsusulitWala nga kaming itulak-ikabigSa banal mong pangalan kamiy nakasalig!

At sa oras na ito Diyos naming banalInilalapit din namin itong mga hangalNatutulog na puso, diwa na mabagalSakupin mo sana ng kayong balabal.

Hanggang dito Ama ang aming pagtangisIkay ay aming iniibig ng labis!Ilayo sa disgrasya, kabutihan ang ibihisGabayan mo kami sa mundong mabilis

Idinadalangin namin ang lahat ng itoSa pangalang ng yong Anak na si KristoTagapagligtas namin sa daigdig na ito,Upang ipag-adya sa lupit ng imp'yerno!

Amen.

Kalikasan Saan Ka Patungo?ni: Avon Adarna

Nakita ng buwan itong pagkasira,Mundo't kalisakasan ngayoy giba-giba,Ang puno putol na, nagbuwal at lanta,Ang tubig marumi, lutang ang basura.

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,At nakipagluhaan sa poong Maylalang,Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.

Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,Nasira ng usok na naglilimayon,Malaking pabrika ng goma at gulong,Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyanNg isda at pusit ay wala nang laman,Namatay sa lason saka naglutangan,Basurang maburak ang siyang dahilan!

Ang lupang mataba na bukid-sabana,Saan ba napunta, nangaglayag na ba?Ah hindi naroon mga mall na pala,Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Mga sapa at ilog saKamaynilaan,Ginawa na ng tao na basurahan,At kung dumating ang bagyo at ulan,Hindi makakilos ang bahang punuan.

Ang tao rin itong lubos na dahilan,Sa nasirang buti nitongkalikasan,At darating bukas ang ganti ng buwan,Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!