27
1. Ang dalagang Pilipina by Jose Corazon de Jesus Music by Jose G. Santos Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda Maging sa ugali, maging kumilos mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso maging sa pag-irog may tibay at tining ng loob Bulaklak na tanging marilag, ang bango ay humahalimuyak Sa mundo'y dakilang panghiyas, pang-aliw sa pusong may hirap. Batis ng ligaya at galak, hantungan ng madlang pangarap. Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.

Awiting Bayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

good

Citation preview

Page 1: Awiting Bayan

1. Ang dalagang Pilipinaby Jose Corazon de Jesus

Music by Jose G. Santos

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umagaKung tanawin ay nakaliligayaMay ningning na tangi at dakilang gandaMaging sa ugali, maging kumilosmayumi, mahinhin, mabini ang lahat ngayosMalinis ang puso maging sa pag-irogmay tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag, ang bangoay humahalimuyakSa mundo'y dakilang panghiyas,pang-aliw sa pusong may hirap.Batis ng ligaya at galak, hantungan ngmadlang pangarap.Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapatsa isang tunay na pagsinta.

Page 2: Awiting Bayan

2. Dungawin Mo Hirang Santiago S. Suarez

Irog ko'y pakingganAwit na mapanglawNa nagbuhat saIsang pusong nagmamahal.Huwag mong ipagkait,Awa mo'y ilawitSa abang puso kongNaghihirap sa pag-ibigChorus:Dungawin mo, hirangAng nananambitanKahit sulyap mo man lamangIyong idampulaySapagkat ikaw lamangAng tanging dalanginanNg puso kong Dahil sa 'yo'y nabubuhay.

3. AKO’Y KAMPUPOT

Page 3: Awiting Bayan

Lyrics by Maning P. Velez

Ako'y kampupotNa bagong sikatAng halimuyakSadyang laganapKaligayahan sa bawa't orasMan din ang naisTanging paglingap

Kaya't noong minsanAy napakingganIsang binatangNananambitanPuso kong taglayLubhang pihikanAy narahuyo sa panawagan.

Refrain:

Nasaan yung pangarapNg paglalambinganTangan na ng aking hirangAlay ay kaligayahanKay tamis nga namanMabuhay 'ta sa pagmamahalKung ang ligaya ay makakamtamSa habang buhay.

4. Alembong

Page 4: Awiting Bayan

J. Silos/Levi Celerio

Alembong, alembongAng ibig sabihinPumasok sa puso ang isang paggiliwAlembong, alembongAy isang damdaminNa kahit kanino ay dumarating

Pag-ibig ang tanging hanap ng lahatLigaya na 'wag na sanang magwakasAlembong ay napapansin sa sulyapSa kilos man lamang nagtatapat

Alembong, alembongAng ibig sabihinHalina, halina at ako ay ibiginAlembong, alembongIka'y mahal sa akinKaya't mahal sa akinKaya't ang alembongAy naglalambing.

Page 5: Awiting Bayan

5. NASAAN KA IROG

Nasaan ka irog at dagling naparam ang 'yong pagmamamahal,Di baga sumpa mong ako'y mamahalin.....Iyong itatangi, iyong itatangi magpahanggang libing,Subali't nasaan ang gayong pagtingin....2X

Nasaan ka irog at natitiis mong ako'y mangulilaAt hanap-hanapin ikaw sa alaala......Nasaan ang sabi mong ako'y iyong ligayaNgayong nalulungkot, ngayong nalulungkot Ay di ka makita.

Irog ko'y tandaan.....

Kung ako man ay iyong ngayo'y siniphayo,Mga sumpa't lambing pinaram mong buo.Ang lahat sa buhay ko ay hindi maglalaho'tMagsisilbing bakas ng nagdaan 'tang pag-irog. 2X

Nasaan ka irog, nasaan ka irog, nasaan ka irog!!! 

Page 6: Awiting Bayan

6. HALINA SA KABUKIRANHALINA SA KABUKIRANby J. Silos Jr.

Halina, irog ko, sa kabukiranUpang lagi nang dito manirahan,At sa araw-araw ang mararanasan mo'y kaligayahan.Mga ibon dito'y nagsisihuni,Maagang-maaga pa lang,Sa mga siwang ng dahon ng buliAy mapapakinggan.Tiririt-tiririt-tiririt,Ibo'y naghuhunihan,Tiririt-tiririt-tiririt,Tila ibig sabihin niyan---Kung masipag kang lagiAy uunlad din ang iyong buhay.

Page 7: Awiting Bayan

7. Gaano Ko Ikaw Kamahal

Ikaw lamang ang aking iibiginMagpakailanman

Ang pag-ibig ko sa 'yo ay tunayNais ko sanang patunayanHuwag ka nang mag-alinlanganAng pag-ibig ko'y hindi kukupasTulad din ng umagaMay pag-asang sumisikat

Chorus:Ang ating buhayMaikli aking hirangKung kaya't kailangan ng pagsuyong wagasKailanman

Ang sumpa ko sa iyo'y asahanIkaw lamang ang aking iibigin mapakailanman

Chorus:Ang ating buhayMaikli aking hirangKung kaya't kailangan ng pagsuyong wagasKailanman

Ang sumpa ko sa iyo'y asahanIkaw lamang ang aking iibiginMagpakailanman 

Page 8: Awiting Bayan

8. O Maliwanag na BuwanO, Maliwanag na Buwan by Levi Celerio 

O, maliwanag na buwan Nakikiusap ako Ang aking minamahal Sanay ay malaman mo 

Tadhana’y mapagbiro 

Ang pag ibig ko sa kanya Ay hindi maglalaho Hanggang sa kamatayan. 

O, buwan sa liwanag mo Kami’y nagsumpaan ng irog ko Giliw ko ang sabi niya Ang puso ko’y iyong iyo.

Page 9: Awiting Bayan

9. SA GABING MAPANGLAW

Tumataghoy sa gabing mapanglawAng abang lagay ko O mutyang hirangSana'y dinggin ang hibik at daingWaring malalagot na ang buhay na angkin.Bago man lang ako maglaho ng ganapDungawin mo itong abang naghihirapHKahit sulyap man lang kung tatapunanLangit ko nang ituturing ang libingan.

Page 10: Awiting Bayan

10. Sa Lumang SimbahanSa lumang simbahan, aking napagmasdanDalaga't binata ay nagsusumpaanSila'y nakaluhod sa harap ng altarSa tig-isang kamay, may hawak na punyal

Kung ako'y patay na, ang hiling ko lamangDalawin mo, giliw, ang ulilang libingAt kung maririnig mo ang taghoy at daingYao'y panghimakas ng sumpaan natin

CHORUSAt kung maririnig mo ang tugtog ng kampanaSa lumang simbahan, dumalaw ka lamangLumuhod ka, giliw, sa harap ng altarAt iyong idalangin ang naglahong giliw

[Repeat 2nd Stanza][Repeat CHORUS twice]

CODALumuhod ka, giliw, sa harap ng altarAt iyong idalangin ang naglahong giliw

Page 11: Awiting Bayan

11. Sa Libis ng NayonKahit na gabing madilim sa libis ng nayonTaginting nitong kudyapi ay isang himatongMaligaya ang panahon sa lahat ng naroroonBawa't puso'y tumutugon sa nilalayon.

Puno ng kawayan ay naglangitngitanLalo na kung hipan ng hanging amihanAng katahimikan nitong kaparanganPinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhaySa libis ng nayon doon manirahanTaga-bukid man may gintong kalooban,Kayamanan at dangal ng kabukiran. This Tagalog song was penned by Santiago S. Suarez. 

Page 12: Awiting Bayan

 

12. Aiza SeguerraSa Ugoy Ng Duyan lyrics

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni nanayNais kong maulit ang awit ni inang mahalAwit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni nanayNais kong maulit ang awit ni inang mahalAwit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbingAng bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituinSa piling ni nanay, langit ay buhayPuso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni nanayNais kong maulit ang awit ni inang mahalAwit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbingAng bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituinSa piling ni nanay, langit ay buhayPuso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni nanayNais kong maulit ang awit ni inang mahalAwit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Page 13: Awiting Bayan

13. Sinisinta Kita Kung ang sinta’y ulilahinsino pa kayang tatawaginKung hindi si Neneng kong giliwNaku kay layo sa piling

Malayo man malapit dinPilit ko ring mararatingHuwag lamang masabi mongDi kita ginigiliw

Ginigiliw kitang tunayAlaala gabi’t arawPag di na natatanawPuso ko’y nalulumbay

Sinisinta kita,di ka kumikibo,akala mo yata,ako’y nagbibiro;saksi ko ang langit,sampu ng kanduro,kundi kita sinta,puputok ang puso.

Sinisinta kitang sintang patnubay,patnubay na sintangwalang katapusan;madurog ang bato,magbangon ang bangkay,walang ibang sinta,kundi ikaw lamang.

Page 14: Awiting Bayan

14. silayan

Silayan at bigyan ng pag-asapagmamahal pusong nagdurusaiwasan ang pag-aalinlanganlahat ng araw kita'y mamahalinSa labi ng imbing kamatayanitangi yaring pagmamahaltulutan magtapat sayo hiranglahat ng araw kitay' mamahalin

Page 15: Awiting Bayan

15. KATAKATAKAby Santiago S. Suarez

Kataka-takang mahibangang katulad ko sa iyoBiru-biro ang simulaang wakas pala ay ano?Aayaw-ayaw pa akongunit 'yan ay di totooDahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo(Repeat)

Alaala ka maging gabi't arawAlipinin mo't walang kailanganMarinig ko lang sa labi mo, hirangNa ako'y iibigin lagi habang buhay.

Page 16: Awiting Bayan

16. Bakya Mo Neneng Levi Celerio

Lyrics:

Bakya mo, Neneng, luma at kupas naNgunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;Sa alaala'y muling nagbalik paAng dating kahapong tigib ng ligaya.

Ngunit, irog ko, bakit isang arawHindi mo ginamit ang bakya kong inalay?Sa wari ko ba'y di mo kailanganPagkat kinupasan ng ganda at kulay.

Ang aking pag-asa'y saglit na pumanawSa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,Huwag itapon, aking hirang,Ang aliw ko kailan man.

Page 17: Awiting Bayan

17. BUHAT BUHATni Mike Velarde

Bawat buhay ay may kasaysayanTulad ng pinangyarihanNang tayo'y magtanawTakot lamang ay di mo pakingganNgunit ang katotohananKita'y minamahalBuhat ng kita'y masilayanBuhat ng mapanagimpanLaging hinahanap at inaasamBilin ay damhin yaring pagmamahal

At magbuhat ng makita ka lamangBawat masdan ko'y kariktanDulot ay sadyang kaligayahanNa nagbuhat sa iyo buhay n'yaring buhay

Page 18: Awiting Bayan

18. Hahabol-habolHAHABUL-HABOLni C. Delfino/R. Vega

O ang babae pag minamahalMay kursunada'y aayaw-ayawPag panay ang dalaw ay nayayamotWag mong dalawin, dadabog-dabogPag iyong iniwan, hahabul-habol

O ang lalaki pag minamahalKahit may pag-ibig aayaw-ayawKapag iyong biniro ay nayayamotWag mong batiin, dadabog-dabogWag mong suyuin, ay nagmamaktolPag iyong iniwan, hahabol-habol

Mayroong babae akong nililigawanKapag aking pinapanhik sa bahayNagatatago at ayaw malapitanKung may pag-ibigAy di mo malamanO, ang babae pag minamahalMaloloka ka ng husto sa buhay

O ang lalaki pag minamahalKahit may pag-ibig aayaw-ayawKapag iyon biniro ay nayayamotWag mong batiin, dadabog-dabogWag mong suyuin ay nagmamaktolPag iyong iniwan, hahabol-habol

Noong minsan ako ay niligawanIsang lalakeng pogi at mayamanBinasted ko sa isang kadahilanan

Page 19: Awiting Bayan

19. Ang Tapis Mo Inday RUBEN TAGALOG

Ang tapis mo IndayAy kay gandaAt mapang-akitLunas at aliwSa hirap kong tinitiis

Bakit hindi mo na taglay ngayonAng saya't tapis mong marikitNalimot mo na baAng dating ayos mo kung magbihis.

Tapis mong iyan,pag nilimot IndayAng aking puso'y mamamanglawMay damit kang iba,ngunit bagong hiramDapat mong mahalin angdamit na kinagisnan.

Tapis sa baywang mo mutyang sintaTwina sa puso ko'y gumagandaSayang ang tapis mong nilimot naLimot na rin ang baro at saya

Ang tapis na kundiman ay dapat ingatanDangal ng lahi at hiyas ng silanganBagay na bagay sa iyo tuwing ika'y nagpapasyalLigaya niyaring puso habang minamasdan

Page 20: Awiting Bayan

20. Cariñosa Cariñosa ( [ˌkariˈɲosa]) is a flirtatious Philippine group dance in the Maria Clara suite of Philippine folk dances where the fan or handkerchief plays an instrumental roll as it places the couple in a hard-to-get romance scenario.

CARIÑOSATraditional

Ang pangarap ko sa pag-ibigAy maging akin hanggang langitAng isang tapat kung gumiliwAng pagsuyo'y di mawawaglitMatupad ko lamang ang naisHahamakin ko ang panganibSa pagkat ako'y cariñosa kung umibig

II.Ang puso laging malulumbayKung lilimutin moAng pagsintang wagas aking mahalIrog ko nahan ang pag-asaNg tanging pagsintangWari'y magdurusa

III.Panaligan mo aking giliwKailan ma'y hindi lilimutinAng iyong pagsuyo sa akinIingatan ko hanggang libingKung ako'y naging cariosaSa piling mo lang aking giliwAng pag-ibig ko ay asahangWalang maliw.

Page 21: Awiting Bayan

21. Bayan KoOriginal Tagalog lyrics by Jose Corazon de JesusMelody by Constancio de Guzman.

Ang kwento sa likod ng kantang ito ay ating masasaksihan nuong mga panahon na ang gobyerno ng mga Amerikano ang nasusunod sa bannsang Pilipinas. Bagamat inaasahan na mga Pilipino ang magiging tagapamahala sa bandang huli ng kanilang kasarinlan, ang kaganapan ng kasarinlang g ito ay hindi agad naipatupad sapagkat ayaw lisanin ng Amerika ang Pilipinas sa kadahilang hindi pa handa ang mga Pilipino sa kanilang pagtataguyong ng sariling pamahalaan. Kaya't naisilang ang awiting kumakalabit sa puso ng bawat Pilipino na makamit na ang kalayaan inaasam: Ang "Bayan Ko" ni Corazon de Jesus ( Annotation by MyHomeworks)

Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto’t bulaklakPag-ibig na sa kanyang paladNag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at gandaDayuhan ay nahalinaBayan ko, binihag kaNasadlak sa dusa

CHORUSIbon mang may layang lumipadKulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal-dilagAng ‘di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutyaPugad ng luha at dalitaAking adhikaMakita kang sakdal laya

AD LIB

CHORUSIbon mang may layang lumipadKulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal-dilagAng ‘di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutyaPugad ng luha at dalitaAking adhikaMakita kang sakdal laya.

Page 22: Awiting Bayan

22. LAMBINGAN

Ay kay tamis hirang nang pagsintang tunayAng lahat ay buhay lalo kita'y kapilingKung tayo'y mawalay palad ko'y hinirangAt kung walang lambingan mabuti paMabuti pa tayo'y pumanaw.Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkotNapaparam, nagbabago ang lahat ng himutokAt sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabangoAy tuluyang napaparam ang hirap ko.Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galakAng langit ng bagong buhay ay maliwanagSa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbayAt patuloy ang sarap nang matamis na lambingan.

23. PAMAYPAY NG MAYNILA

Page 23: Awiting Bayan

composed by Constancio de Guzman

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tanganMay ibig na sabihin na dapat mong pag-aralanAng bawa't mga kilos sa padyak ng pamaypayAy siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

Kung ito'y nakatabing sa tapat ng mukha koAng ibig na sabihin may pag-asa sa puso koNguni't pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyoAng ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.

Pag ito'y pinamaspas na panay ang pagaspasAko ay nagagalit, huwag mo sanang babatiinSubali't pagmalaya, may ibig alaminAko ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.

Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitinPang-aliw at panglunas sa mainit na damdaminBawa't simoy ng hangin na dito ay nanggalingAng hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin