Bantu Gan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sgsdgsdg

Citation preview

Jester Sky Centillas Grade 7 - FaithBantugan(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sakanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagigingmatapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mgakadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nitona walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya(Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyangpagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaansi Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ngpalasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila aynagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konsehoupang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loroang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran atang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali angpagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isangkasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni PrinsipeDatimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyangibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat atnagbago si Haring Madali.Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan aynamatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sapagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang atito ay napalitan ng paglalabanan.Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sakamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ayiginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit samga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaranat pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang.Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.