21
Batang Tundo Tubong-Tundo ako Isang lunsod na rin ang mataong Tundo, lunsod ng dalita at bunton ng kubo, yuta ng mag-anak-langgam na masinsin sa malaking punso; narito ang hirap, narito ang buhay, narito ang tao, Tubong-Tundo ako “Ang Aking Tundo,” Amado V. Hernandez Hanggang nasa hayskul ako, hindi ko kaagad- agad sinasabing taga-Tundo ako kapag naitatanong kung saan ako lumaki. Lagi kong isinasagot na taga-Biak na Bato ako, ngayo’y Almeda Extension na, na nasa boundary ng Santa. Cruz at Tundo, Maynila. “Mas malapit kami sa Santa Cruz kaysa sa Tundo,” lilinawin ko, para agad mailayo ang pag- aakalang lumaki ako sa lugar ng mga oxo at sige-sige, magkakaaway na grupo ng mga maton na laman ng mga balita tungkol sa sagupaan at patayan sa Maynila. “Mga harang ang bituka,” sabi ng Nanay ko, kapag hanggang sa aming lugar ay nagpapang-abot sila. Malayu-layo kami sa pinakapusod ng magulong Tundo. Isang sakay sa jeep ang layo namin sa Bangkusay, Velasquez o North Bay Boulevard. Mas gusto kong mailapit sa Santa Cruz ang lugar na nilakhan ko para

Batang Tundo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Batang Tundo

Batang Tundo

Tubong-Tundo ako

Isang lunsod na rin ang mataong Tundo,

lunsod ng dalita at bunton ng kubo,

yuta ng mag-anak-langgam na masinsin sa malaking punso;

narito ang hirap, narito ang buhay, narito ang tao,

Tubong-Tundo ako

                                                                          “Ang Aking Tundo,”

Amado   V. Hernandez                                                                                                                                                                                               

            Hanggang nasa  hayskul ako,  hindi ko kaagad-agad sinasabing

taga-Tundo ako kapag naitatanong kung saan ako lumaki.  Lagi kong 

isinasagot na taga-Biak na Bato ako, ngayo’y   Almeda Extension na,

na  nasa boundary ng Santa. Cruz at Tundo, Maynila. “Mas malapit

kami sa Santa Cruz kaysa sa Tundo,” lilinawin ko, para agad mailayo

ang pag-aakalang lumaki ako sa lugar ng mga oxo at sige-sige,

magkakaaway  na grupo ng  mga  maton na laman ng mga balita

tungkol sa sagupaan at patayan sa Maynila.  “Mga harang ang

bituka,” sabi ng Nanay ko, kapag hanggang sa aming  lugar ay

nagpapang-abot sila.   Malayu-layo kami  sa  pinakapusod ng 

magulong Tundo.  Isang sakay sa jeep ang   layo namin sa Bangkusay,

Velasquez o North Bay Boulevard. Mas gusto kong mailapit sa Santa

Cruz ang lugar na  nilakhan ko para mailayo agad  ang kuneksiyon ko

sa Tundo.   Nahihiya  akong malamang taga-Tundo  ako at baka isipin

ng iba na dahil   “laking Tundo’” ako, eh    matapang ako’t  palaaway o

lumaki sa lansangan   at basagulera. Ang hindi ko alam, kahit naman

Page 2: Batang Tundo

pala ang Santa Cruz na dating pueblo noong panahon ng Kastila ay

may dalawang isla na ang isa,  ang  Isla  de Sibacon ay naging  taguan

ng masasamang loob, palibhasa ay malapit sa Binondo na maunlad at 

sentro ng kalakalan. Kung kailan nagsimulang makilala  ang Tundo 

na pook ng krimen at karahasan ay hindi ko alam.

             Dahil kaya mahilig sa mga pusang sanay na

makipagbasag-ulo sa mga aso,  ang mga  unang nanirahan sa

Tundo?     

Natitiyak kong may kinalaman sa paglaganap ng ganitong

larawan ang mga action movies na  dumakila sa mga  sangganong

may ginintuang puso, kundi man sa mga sangganong  may siyam na

buhay na paris ng isang pusa.  Nariyan ang mga sikat na pelikulang

“Asyong Salonga,”  “Totoy Golem” at “Boy Tutpik” na nagpasikat din

sa mga action star na  katulad ni  Joseph Estrada.   Mga “inapo” sila

ng mga  “sumikat” na “basagulero” noong panahon pa ng Kastila paris

ni Carlos Padilla, 23 na gulang, walang asawa at isang talabartero na

naglabas-masok sa kulungan dahil sa pagnanakaw.  Pagnanakaw ang

karaniwang krimen noong mga panahon na iyon sa Maynila  at  dahil

inakala noong masyadong maluwag ang parusa kung kaya hinigpitan

at  ang mga katulad ni Padilla ay ipinatapon sa malayong lugar paris

ng Davao at Balacbac, sang-ayon sa tala ng  mananalaysay na si

Camagay. Noong panahon daw  ni Padilla,  ninanakaw ang limang

pisong metaliko, paynetang gawa sa kartutso at  ginto, rosaryong

ginto,  camisa de china, at tiket sa loterya.  Hindi pa kasama noon sa

listahan ang pagnanakaw ng mga alagang hayop.  Sa amin sa Biak na

Page 3: Batang Tundo

Bato, lumalalaki akong nasasanay sa mga  balitang nagkakanakawan 

ng mga  alagaing baboy.  Mismong ang mga pinsan namin ay

“naisahan,” ng mga matatalinong  kawatan dahil kahit na nilagyan pa

nila ng kawad na  may kuryente ang palibot ng  bahay ng baboy,

nagising sila isang umaga na wala na ang inaasahang  inahing baboy

na  laang pangmatrikula ng panganay nila.   

May maitim at may maputi; may maganda,  may walang

hitsura; may walang-wala at may nagtatamasa.   

Tayuman sa dulong   kaliwa ang daang humahati sa Biak na

Bato.   Dito sa Tayuman makikita ang ilang  lugar na  naging  muhon

sa paglaki ko.  Bago dumating sa  palengke ng Pritil, pagkatawid ng

Jose Abad Santos, sa kaliwa nito ang  daang Antonio Rivera.

Ginagaygay namin ang daang ito tuwing Disyembre, para mamasko sa

mayayamang pinsang buo ng Nanay ko.  Natatandaan ko na  uunahin

namin ang malaking bahay doon ng  Tiyong  Peles, kilalang doktor 

Nehal, na  gustung-gustong umampon  kay  Ate Poy,  noong nasa

elementarya pa siya at  pinakamaganda sa mga kapatid kong babae,  

Sa lahat ng pinupuntahan naming malalaking bahay,   dito kami hindi

naliligaw  dahil maraming beses na kaming paroo’t parito.  Libre  ang

patingin kay  Tiyong Peles at sakit sa baga ang espesyalisasyon niya. 

Maraming beses din niyang tiningnan ang Tatay.

 

Bago dumating sa simbahan makikita ang isang maliit na 

tindahan ng  lutong ulam na pag-aari ng   kabise, kung tawagin ng

Page 4: Batang Tundo

Nanay.  Nagpupunta kami rito, kung araw ng Sabado ng hapon,

pagdating ng Tatay ko mula sa trabaho.  Espesyal na araw ito dahil 

suweldo (noong hindi pa nagwewelga sa pabrika) at makakatikim

kami ng dinuguan at ng paborito kong ginisang sitaw sa tokwa.  Liban

sa araw na ito,  pangat na isda at gulay ang  araw-araw na  alok ng

mga plato sa hapag-kainan.   Sabi nga ng Tiya Uba, tuwing Sabado at

kung araw ng Pasko’t Bagong Taon lang namamantikaan ang mga

nguso namin. 

Sa kaliwa, bago dumating sa Dagupan, makikita  ang  simbahan

ng Katedral.   Kapangalan lang nito ang Katedral ng Maynila sa 

Intramuros.  Maliit lang ang simbahang ito  na  isa sa dalawang

sinisimbahan namin kung araw ng Linggo.  Ang isa pa ay ang

simbahan ng Espiritu Santo sa may Avenida Rizal.  Walang palya ang

pagsisimba namin, sa umpisa hanggang matapos ang misa.  Kahit

noong nag-aaral na ako sa UP, dadaan at dadaan ako sa simbahan ng

Quiapo o di kaya ay sa simbahan ng Sta Cruz para magdasal, bago

umuwi. Hindi lamang  pook ng pagsamba ang simbahan ng Katedral

para sa akin;  ito , lalong higit ang  pook na nagpapaalala sa akin ng

kahirapan,  kahihiyan, ngunit sa kabila nito, ng   kabutihan ng tao. 

Patapos na ako ng elementarya  nang  maranasan kong  pumila,

kasama ng  maraming iba pang pamilyang mahihirap, para sa rasyon

ng madre.  Isa kami sa pinalad na pamilyang  karapat-dapat na

tumanggap ng tulong ng mga madre’t pare sa simbahan, dahil

walang trabaho ang Tatay ko at maysakit pa.  Walang trabaho ang

Tatay dahil nagwewelga ang unyon nila sa pinapasakung Bataan Cigar

& Cigarette Factory sa San Francisco del Monte.  Minarapat pa rin

Page 5: Batang Tundo

kami sa tulong ng mga madre dahil siyam kaming  mga anak na

pakainin. Tuwing Sabado ng umaga, pagkatapos ng misa, tumutuloy

kami sa bahay ng  pari sa gawing kaliwa ng simbahan.  Pipila na kami

para sa rasyon ng bigas, trigo, gatas,  dinurog na mais, at harina. 

Kung magpapasko, mayroon pang  malaking tipak na keso.    Sa haba

ng pila,  lumiligwak ito  sa kalsada sa labas ng simbahan.  Kapag ako

ang natotokang pumila, deretso ang tingin kong malayo sa  kalsada

dahil baka may makakita sa aking   kakilala.   Ang rasyon ng mga

madre ang nagsalba sa amin sa tiyak na pagkagutom kaya bata pa ako

ay namulat na sa kabutihan ng iba.  Hindi lamang  kami natulungan

ng rasyong ito na hindi sumala sa oras; may panahong binigyan pa

kami nito ng pagkakataong kumita.  Maparaan kasi ang Nanay,

nakapagtitinda kami ng hotcake at pulburon mula sa harina’t gatas,  

na pinagkukunan naman ng pambili ng bigas at pang-ulam.

Kung mayamang Tsino kaya ang nanalo sa puso ng

Nanay?

            Sa kanto ng Abad Santos at  Tayuman na kinatatayuan ngayon

ng isang gasolinahan dating nakalugar ang pabrikang La Grandeza. 

Dito raw nagtrabaho ang Nanay noong dalaga pa siya.  Dito rin sila

nagkakilala ng Tatay.  Nag-aanilyo ang Nanay  at nagpapaandar

naman ng makinang pamutol ng tabako ang Tatay.  Maganda ang

Nanay, hanggang ngayon, kahit 88 na siya kaya  may nagsasabi sa

aking  “siguro maraming lumigaw sa Nanay mo noong bata pa siya.” 

Marami nga raw, kuwento ng  tiya ko.  Katunayan ay may isang Tsino

na negosyanteng lumigaw sa kanya pero tumibok ang puso ng Nanay

Page 6: Batang Tundo

ko sa  kapuwa niya manggagawa at sa idad na disisyete  ay 

nakipagtaling - puso sa magandang lalaking tubong San Miguel

Bulacan na galing sa pamilya ng mga magsasaka.   Taun-taon ay

nanganganak ang Nanay hanggang maging siyam kami, puwera pa

ang panganay na namatay noong bata pa.  Pero  huminto na ang

Nanay sa pagpasok sa pabrika nang magkasunud-sunod  ang anak

niya, kaya ang Tatay na lang ang  kumakayod para sa malaking

pamilya.  Nagpalipat-lipat siya  sa mga pabrika ng sigarilyo hanggang

mapirmi  sa pabrika ng Bataan.  Palibhasa’y may dugong rebelde ang

nuno niya,  kamag-anak yata nila si Pantaleon Torres na naging kasapi

ng Konsehong Supremo ni Bonifacio, kaya  sumapi kaagad siya sa

unyon ng mga manggagawa sa pabrika at  hindi nga nagtagal ay

nagwelga sila na taon ang binilang.  Dito naman magsisimula  ang

mga taon ng aming  kalbaryo.

            Zacate sa kabayo, matsakaw sa tao.

Dito rin sa Tayuman, sa kaliwa nito,  kung galing sa Biak na

Bato,  papunta sa direksyon ng  Avenida Rizal (may LRT na ngayon),

makikita ang Bonifacio Elementary School. Dito ako at mga kapatid

ko.nag-aral. Nilalakad lang namin ito  mula sa bahay namin.  Sa

kuwento ng Nanay, ito raw kinatitirikan ng aming eskuwelahan  at 

mga paligid ay dating  pag-aari ng Lolo Pedro ko.  May tanim  daw

itong zacate na damong pinakakain sa mga kabayong nagpapasada ng

mga kalesa nila, samantalang ang iba namang damo’y ibinebenta,

kasama ng darak at pulot.  Ang laki-laki naman ng lugar na ito at hindi

ko maisilid sa imahinasyon ko  na bukirin ang lugar na ito noon. 

Page 7: Batang Tundo

Siguro nga, hanggang sa manirahan na rito ang lolo ko’t mga kamag-

anakan niya  ay taniman pa  ang malaking bahagi ng Tundo.  Sang-

ayon pa rin kay   Camagay,  may pagsasaka sa ilang bahagi ng Santa

Cruz, Sampaloc at Tondo noong panahon ng Kastila.  Binansagan nga

raw na “ Hardin ng  Maynila,” ang Tondo dahil sa mga  prutas  na

nagpakilala rito  tulad ng  mangga, dalandan, mandarin at saging.

Naging bantog din daw ang Tondo dahil sa kanyang mantekilya at

keso.   Kahit pala ang Bangkusay ay naging gawaan ng apog  na

importante sa pagtatayo ng mga gusali at bahay, bukod pa sa gamit

ito sa pagnganganga. Ibig sabihin, noong mga panahong iyon ay  hindi

pa pook ng kahirapan ang Tundo. May kabuhayan at ikinabubuhay

rito.  Hindi ko maubos-maisip na nag-umpisang may kabuhayan ang 

pamilya ng Nanay ko na nauwi sa paghihirap nang mamatay ang lolo. 

Hindi raw kasi maalam ang mga babae noon sa paghahanapbuhay,

sabi ng Nanay ko,  kaya hindi  napatakbo ng Nanay niya ang  kanilang

negosyong kalesa’t pagbebenta ng damo.  Hindi man lamang siguro

naisip ng lolo na itatawid sa gutom  ng matsakaw ang kanyang mga

apo.

Nag-aaral ang wala, may baon o wala.   

Malaki  at malinis ang eskuwelahan namin, at sabi ng  mga

titser dito, ito raw ang  pinakamagaling na eskuwela sa mababang

paaralan.  Masaya ang mga alaala ko sa eskuwelahang ito, lalo na ang

mga araw ng field day na lahat ng klase mula greyd wan hanggang

greyd six ay nagpapalabas, madalas ng mga sayaw na katutubo.  Kahit

mahirap kami, nagagawan ng Nanay ng paraan na maipatahi ako ng

Page 8: Batang Tundo

baro’t saya.  Gustung-gusto ko rin ang pagtitinda sa aming  kantina,

kasama ito sa aming sabjek na Home Economics dahil kapag may

natitirang nilagang saging o puto, ipinauuwi sa akin ng  titser ko.  

Gusto ko rin ang pagtao sa aming bangko.  Minsan sa isang linggo,

nagiging teller kami sa bangko.  Nagdedeposito ang mga mag-aaral

na  ang libreto nila ay dinidikitan namin ng selyo hanggang  sa

mapuno. Nakakapagdedeposito naman ako dahil  tinitipid ko ang baon

ko, kapag may baon ako, at  kung naaabutan kami ng pera ng  Tiyo

Efren, asawa ng  pinsan ng Nanay.  Hindi aalis ‘yon  ng bahay nang

hindi kaming mga bata naabutan ng pera. Suwerteng-suwerte kapag

nag-abot siya ng singkuwenta pesos na paghahati-hatian naming mga

bata.  Sa   Meralco nagtatrabaho si Kuya Efren at malaki ang suweldo

niya kaya malaki ang bahay nila sa Pasig at nag-aaral lahat ang mga

anak niya.  May panahong  pumupunta kami ni Ate Tangge sa kanila

para mamalantsa at nang makapag-uwi ng  kuwarenta pesos  na  upa

sa serbisyo.  Ayaw kasi ng Nanay na nanghihingi lang kami sa kamag-

anak, kailangang  magpatulo kami ng pawis para hindi raw kami

kasawaan.

Hindi araw-araw ay umuulan.

 

Hindi ko rin makalimutan noong una akong makasama sa isang

palabas ng klase sa greyd tri.  Meron kaming mga  suot na kostyum,

mga iba’t ibang hayop at kinanta namin ang “ Old Mcdonald Has a

Farm.”  Tuwang -tuwa ang Nanay sa panonood sa amin at kami ang

nanalo sa mga nagpalabas sa greyd tri.   Ni sa hinagap  hindi ko naisip

Page 9: Batang Tundo

noon na balang araw, magkakaroon pala kami ng sariling farm at

mga  hayop dito,   sa pag-aasawa ko ng mahilig sa  bukid.  Naalala ko

rin ang masasayang araw ng aming pag-aani ng mga tanim.  Pag

ganitong panahon, lahat ng mga nag-aaral sa Bonifacio,  naglalakad

sa  kahabaan ng Tayuman, o  sa Biak na Bato na may bitbit na petsay

o kaya’y  labanos. Kaya alam ng mga taga-amin na nag-ani na ang

mga eskuwela.  Kasama sa pinag-aaralan namin noon ang pagtatanim

at may sari-sarili kaming plot ng mga tanim na gulay.  Dito rin siguro

nagsimula ang pagkahilig ko sa paghahalaman, bukod sa   bata pa ako

ay naliligid na ako ng mga halaman sa aming bahay dahil mahilig sa

paghahalaman ang Tiya Uba. 

May anghel nga ba  ang bawat bata?

            Dito  rin sa Tayuman makikita ang isang maliit na bakery. 

Importante sa buhay namin at sa akin ang panaderyang  ito na ari ng

Tsino. Intsik pa noon ang tawag namin, pati sa mga  naglalako ng

taho, puto’t kutsinta,  at lumpiang sariwa.     Dito kami  sa bakery na

ito bumibili ng pyanono at matsakaw na pinakamura sa  mga mabibili

rito.  Kung araw na walang-wala, malutong na matsakaw at kapeng

walang gatas ang panawid namin sa tanghalian.  Mga tirang tinapay

ang matsakaw na  niluluto uli at ibinebenta  nang mura.  Toasted

breadang tawag ngayon dito.  Importante rin ang bakery na ito dahil 

dito sa tapat nito nangyari ang isang aksidenteng hinding- hindi ko na

malilimutan at  dahilan kung bakit takut na takot ako sa baha.   Nasa

greyd 5 na ako noon, tag-ulan at may baha.  Inutusan ako ng Nanay 

na bumili ng matsakaw sa bakery sa Tayuman.  Hanggang binte ko

Page 10: Batang Tundo

lang naman ang tubig at  sanay na sanay kong binagtas ang

kabisadong daan.  Malapit na ako sa bakery nang mahulog ako sa

imburnal na  walang takip.  Mabuti na lamang at mabilis akong

nakakapit sa  bunganga nito at habang sigaw nang sigaw  sa

matinding takot  ay anuba’t  inangat ako  ng isang mamang  kasunod 

ko palang naglalakad.  Kung nagkataon at  nahigop ako ng malakas na

agos sa ilalim ng imburnal, nasirang rosario na ako noon.  Hindi na

ako tumuloy sa panaderya dahil wala na akong pambili!  Nabitiwan ko

ang diyes sentimos na hawak ko sa kamay. Umuwi akong walang

dalang matsakaw, takut na takot at ikinuwento ko  ang pagkahulog sa

imburnal. Salamat sa  aking anghel, hindi ako pinagalitan at sa halip

ay inutusang maligo’t magbanlaw.

            Sa  dulong  kanan ng Biak na Bato naman ang daang Quiricada

(ito pa rin ang pangalan nito hanggang ngayon)  na papunta sa San

Lazaro Hospital at sa Bambang. Dito sa kahabaan ng Quiricada kami

nag-aabang  ng madaling araw, kapag Linggo ng Pagkabuhay dahil sa

“Salubong”.  Pinapanood namin ang pagtatagpo ng Mahal na Birhen

at ni Jesus na hihinto sa malapit sa Rey Bakery, pag-aari naman ng

isang Tagalog.  Lalapit ang isang batang anghel na nakabitin na

siyang mag-aalis ng belo ng Mahal na Birhen at pagkatapos ay

magpapakawala ng kalapati.  Susunod na kami sa prusisyon hanggang

sa  simbahan.  Bago ang Salubong, sa tapat ng Balagtas Elementary

School  naman kami gabi-gabi nanonood ng sinakulo.  At  kung araw

ng piyesta, Hunyo 12 ang piyesta sa amin, Araw ng Kalayaan,   bitbit

ang sari-sariling bangko,  ginagabi-gabi kami sa panonood ng palabas

Page 11: Batang Tundo

sa entablado.  Kasama na rito ang panonood  ng pelikula  mula sa trak

ng Pepsi Cola. 

Namamana nga kaya ang huwisyo sa negosyo?

Dito naman  sa palengke ng Bambang kami namimili.  Toka-toka

kaming magkakapatid sa pamimili, kapag hindi pwede ang Nanay. 

Sinanay kaming  mga anak na babae  sa  mga gawain sa bahay:

paglalaba, pamamalantsa, paglilinis ng bahay, pagluluto.  Naglilinis

din ng bahay ang mga kapatid kong lalaki, bukod sa mga trabahong 

lalaki  katulad ng pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig.  Dito sa

Bambang ko nakilala  ang mga isdang paborito ng mga mahihirap: 

ayungin, bisugo, galunggong, bangus, biya, hasa-hasa, sapsap. 

Tumpukan ang bili ng isda noon, hindi kinikilo,  liban sa bangus na

por piraso.  Ngayon, pagkain na ng mayayaman ang ilan dito tulad ng

ayungin. Gourmet food na kung tawagin. Tinulaan pa nga ni Pete

Lacaba ang ayunging paborito kong ipaksiw sa sampalok sa tula

niyang “ Paksiw na Ayungin.” Alam na alam ko ang lasa ng sinisipsip

na ulo ng ayungin, habang binabasa ko ang tulang ito na hindi

maintindihan ng kaklaseng  mayaman.

 Ito ring palengke ng   Bambang ang dakilang palengke ng

aming pagtawid sa kahirapan.  Sa konting halaga, makakabili  na

kami ng gulay, yung gulay na pinagpilian o kaya ay ‘yung mga dahong

lagas na inaalis ng tindera, kung repolyo o petsay,  na pwede nang

mahingi.  Ang tawag ng Nanay ko rito, gulay sa “pitong henero” o iba-

ibang gulay na tinabas ang mga parteng malapit nang mabulok. 

Page 12: Batang Tundo

At dito rin sa palengke ng Bambang  ako namimili ng mga

paninda kong mani, tsokolate at kendi  na itinitinda ko sa mga kaklase

ko noong nasa  hayskul na ako.  Natutuhan ko sa aking Tiya Uba  na

kinagisnan ko nang nagtitinda ng prutas sa harap ng bahay namin,

ang “pagnenegosyo.”  Tuwing hapon, naglalakad akong pauwi mula sa

Arellano Public High School sa Doroteo Jose, ang  daan na binanggit

ni Edgar Reyes sa kanyang nobelang Maynila, Sa Kuko ng Liwanag.

Dadaan ako sa suki kong bilihan ng isang salop na  maning hilaw. 

Dadaan ako sa bilihan ng mantika at supot.  Pagdating sa bahay,

pagkahapunan, at bago mag-aral, ibubusa ko na sa kawaleng bakal na

may kumukulong mantika ang dinurog na bawang, isusunod ang 

mani, palalamigin habang pinatutulo ang sobrang mantika, at

isusupot.  Araw-araw, habang nagkaklase sa history, ipapasa ko na

ang supot sa mga kaklaseng suki ko na. Hindi ko alam hanggang

ngayon kung  bakit nga ba  sa klaseng ito  nagkakabentahan ng 

mani.   Mabait  si Ma’m Vicencio, kahit nakikita niya, hindi niya ako 

kinagagalitan.  Noong fourth year na ako, hindi ko na ginawa ito.

Kapag oras ng  P.E. na lang  ako nagbebenta.  Mahirap naman kasing

magpasa ng suha, singkamas at binalatang manggang hilaw.

“Hinahango” ko ito sa Tiya Uba, mula sa paninda niya at pag-uwi ko

sa hapon, ineentraga ko na ang napagbilhan ko, labas na ang kinita

kong patong na singko hanggang diyes  sa presyo niya.    Naalala ko

pa noong minsang magreunyon kami at nagkakabidahan na. Biniro

ako ng kaklaseng si   Isidro,   suki kong  pamangkin ng isang konsehal

sa Maynila at pari na ngayon,  ng “  Rosario,  pabili nga ng mani mo,”

na  madalas naman niyang sabihin sa akin kapag bumibili siya noon at

tigas ng hagalpakan.  Minana naman ni Boy, sumunod sa akin, ang

Page 13: Batang Tundo

hilig sa pagtitinda noong nasa hayskul na siya.  Kaya, hindi namin

problema noon kung wala kaming baon, dahil  “naghahanapbuhay,”

na kami para may pambili ng mga kailangan sa mga prajek  sa

eskuwela sa tulong ng  palengke ng Bambang.

 Hindi lang pala kaming mga mahihirap ang  naitawid ng

Bambang, noong “peace time” na.  Kahit pala  noong panahon  ng

giyera, sumikat na ang Bambang dahil hindi lang ito ang orihinal na

ukay-ukay,  naging sentro pa ito ng  di-karaniwang  negosyo.  Noong

panahon ng Hapon,  mabibili raw ang mga segunda manong mga  polo

shirt.  modernong  bestida at mga pantalon dito  sa Bambang at  sa

daan ng  Anak ng Bayan.  Sa     ibenebenta pa nga raw na mga damit 

na ito ay kasama ang  mga ninakaw sa mga patay na nakalibing sa

sementeryo ng  La Loma  o ng Norte,  ayon kay Agoncillo. 

Pagkagiyera, mga donasyong damit na ang makikitang ibenebenta sa

isang seksiyon ng palengke, na  kung tawagin ay   relief goods. 

Nakabili rin kami ng ilang  mga  damit dito.  Naalala ko pa noong 

isang beses na umuwi ang Nanay mula sa Bambang, dala-dala ang

ilang pirasong pantulog  para sa aming mga babae.  Yari sa seda at

may  mga lace ang  mga kolyar ng  night gownna mga puting-puti at

amoy naptalina o moth ball.   Isang araw matapos na malabhan at

maplantsa.,   suot- suot  na namin nina Ate Tangge at Ate Poy  na

lumabas sa daan para ipakita sa mga kalaro ang mga bago naming

pantulog.  Nagulat sila’t namalikmata sa akalang mga diwatang 

naligaw sa kalsada.

Page 14: Batang Tundo

Mula sa Biak na Bato, nilalakad ko ang kahabaan ng  Quiricada, 

bitbit ang bag at paninda,  dadaan sa Bambang, liliko sa  mga

iskinitang short cut papuntang Lope de Vega at Doroteo Jose. 

Hanggang second year ako sa  Annex ng Arellano Publih High School,

at  sa ikatlo at panghuling taon naman sa main  building  sa kalapit na

Doroteo Jose.  Kahit sa  public ako nag-aaral noon ay dama ko naman

ang  “swerte” na sa isang mahusay na eskuwelahan ako nag-aaral. 

Salamat na lang at noon, ang  pampublikong paaralan ang mas 

mahusay ang estandard. 

  Tinging nagwawating-wating, tumutuwid din.

            Noong nasa kolehiyo na ako sa U.P.  at saka lamang nagbago

ang pakiramdam ko tungkol  sa Tundo.  Ipinabasa sa amin ni Mrs.

Patricia Melendrez-Cruz,  titser ko sa maikling kuwento at sa nobela,

ang nobelangSa Tundo Man May Langit Din  ni Andres Cristobal

Cruz.   Pagkatapos kong basahin ito at pag-usapan sa klase, doon

nagsimula ang naiiba kong pagtingin sa Tundo.  Dahil, bukod sa 

humanga ako  sa manunulat na si Cruz na laking Tundo, naisaisip

kong  may kadakilaan sa pook na kinalakhan ko at hindi ko ito dapat

ikahiya.  Noon, ang  dating sa akin ng nobela ay pagbubukas ng isip

sa  maraming tapyas ng  buhay ng mga taga-Tundo. Ang sa akin ay 

isa lamang  manipis na hibla ng  habi ng pagtunggali sa  kahirapan

upang mangibabaw rito at magkapuwang ang pangarap. Pinangarap

kong   hinding-hindi ako tutuntong sa pabrika ng sigarlyo, kaparis ng

mga kapatid kong nauna sa akin at sa halip ay magiging  guro ako. 

Page 15: Batang Tundo

Kung paano,  hindi ko inisip, basta  nag-aral ako nang nag-aral at

umasang  mangyayari ito.

            At habang  pumapalaot ako sa  pag-aaral ng panitikang

Tagalog,   (pinili kong maging mejor ko, katuwang ng pag-aaral ng

kasaysayan na siya ko namang maynor sa kursong Bachelor of

Education sa UP, sa tulong ng isang iskolarsyip ng  samahan ng

alumnay ng  Arellano Public High School, na ang Presidente noon ay

si Attorney Teodoro, tatay ng magkapatid na propesor sa UP na sina 

Luis at  Noel), at saka unti-unting nagbago ang  tingin ko sa Tundong

sinilangan ko.  Nahahalinhan na ang dating “pagkahiya”  ng unti-

unting  “pagmamalaki,” nang  isa-isa ko nang  makilala ang iba pang

manunulat na  mga “anak ng  Tundo,” na ipinagmamalaki nito.  

Isa na rito si Amado V. Hernandez na taga- Gagalangin, Tundo. 

Naging titser ko  sa  klase sa panulaan at iba pa noong nasa kolehiyo

ako.  Naikuwento ko na sa isa pang sanaysay ang tungkol sa unang

impresyon ko sa kanya  nang una kaming magkilala na nagbigay sa

akin ng pambihirang  suwerteng maging guro ko siya. Dito at sa iba

pang klase ko sa kanya ko naman  nakikilala si Ricky Lee at ilang

kilalang lider ng  kilusang aktibista sa hanay ng mga kabataan. 

Noong mga panahong iyon ay wala akong kamuwang-muwang sa

politika, palibhasa’y  katulad ako ng karaniwang mag-aaral ng

Kolehiyo ng Edukasyon na walang inaatupag kundi  mag-aral, sa takot

ko ngang mawala sa akin ang pambihirang pagkakatong

makapagtapos sa kagandahang loob ng ibang tao, idagdag pa ang

pangyayaring  may tradisyon ng pagiging konserbatibo ang aming

Page 16: Batang Tundo

kolehyo.  Dito sa mga klase ni Ka Amado, at iba ko pang magiging 

gurong  makabayang katulad nina Teodoro Agoncillo, Aida Lava-

Dizon,  Samuel Tan, Jaime Veneracion,  Temario Rivera at  Patricia

Melendrez-Cruz,  mamumulat ako sa kahalagahan ng nasyunalismo 

bilang isang diwaing  may lakas na  magwasak at magbuo.

Pag-aaral pa rin ng kasaysayan ang magpapakilala sa akin sa 

galing ng  mga anak ng Tundo.  Hindi man tubong Tundo, si Francisco

Balagtas  ay sinasabing  nakapag-aral sa Maynila  nang  manilbihan

siya at itaguyod ng isang  nagngangalang  Trinidad na  nakaririwasa

sa Tundo.  At sa pagtira niya sa Tundo ay napanday ang hilig niyang 

pagtula nang makasama niya ang  mga bantog na  manunulat  na

taga-Tundo, lalo na ang tanyag na matandang makatang

si Joseng Sisiw.  Sang-ayon pa rin sa  kasaysayan, lalampasan ni

Balagtas ang husay ng kanyang guro sa pagtula. 

 Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya?

Bukod sa mga  manunulat na anak ng Tundo, ay  lalo ko pang

matutuklasan sa pag-aaral ng kasaysayan ang lingid sa akin na    

kasaysayan nito at naging  ambag  sa pagpapalaya    lalo na  iyong    

tumatanaw sa  sambayanan na   tunay na lumilikha nito. 

 Ang estasyon ng Tutuban  noon  ay pinupuntahan ko para

hatiran ng pagkain si Kuyang na limpya bota doon o taga-shine  ng

sapatos, pagkatapos niyang magrasyon ng dyaryo sa madaling araw.

Dahil panganay, nasabak na siya sa paghahanapbuhay at hindi na

nakabalik sa eskuwelahan)  Dito sa harap ng  Tutuban Mall ngayon

Page 17: Batang Tundo

makikita ang estatuwa ni Andres Bonifacio.  Pagmumuhon ito ng isang

lugar sa  may Daang Azcaraga, na ngayo’y Claro M. Recto na

pinagpupulungan  ng  grupo nina Andres Bonifacio, kasama sina

Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Valentin Diaz, Teodoro Plata, at Jose

Dizon  at nagbuo sa Kataas-taasan Kagalanggalang na Katipunan nang

mga Anak ng Bayan.   Dito pala   sinindihan ang mitsa ng

Himagsikang  magsisilang sa  diwa ng Inang Bayan.  Ang Biak na Bato

kayang pangalan ng kalye  namin ay   isinunod din sa makasaysayang

pook ng Biyaknabato sa San Miguel de Mayumo, Bulakan na

pinaglunggaan nina Aguinaldo?     Marahil.  

Nanalaytay  nga sa mga lugar ng Tundo ang diwa’t salaysay ng 

paghihimagsik.  Buhay  palibhasa  ang espiritu ni Rahang Soliman na

nakipaglaban sa puwersa ni Martin de Goiti noong  subukan niyang

sakupin ang Maynila.     Dito sa  Tundo  naganap ang isang

pangyayaring ipinapalagay na  kauna-unahang  sagupaan sa pagitan

ng  mga Kastila  at ng mga katutubo.  Sang-ayon sa tala, alas dos ng

hapon nang  walang kaabug-abog na sinugod  ng mga rebolusyunaryo 

ang kwartel na malapit sa Aduana.  May mga namatay sa kanila

ngunit napasok nila at nalimas ang mga armas at balang natagpuan sa

loob.  Anim na oras raw  tumagal ang labanan nang dumating ang 

mga kawal ng  hukbong Kastila.  Ito na nga raw ang  nagpatunay sa 

kumakalat na balitang  may napipintong pag-aalsa na kasangkot ang

mga taga-Tundo. Karahasang bugso ng dakilang  pag-ibig sa bayan

ang ipinunla sa pook na aking sinilangan.

Page 18: Batang Tundo

Aakitin pa rin ng Tundo ang  panghihimagsik ng mga manunulat

ng  samahang Panitikan noong panahon ng mga Amerikano.  Sa 

salaysay ni Agoncillo,  “ Sa gitna ng mainit na talumpati nina Gregorio

N. Garcia, Aljandro G. Abadilla at Venancio R. Aznar, ang gloryeta sa

Moriones ay nakita ng bayang umuusok at naglalagablab. 

Nagkulumpunan ang mga taong nagdaraan, ngunit napagsiya nilang

hindi nasusunog ang gloryeta kundi may sinusunog doong mga

akdang  sa palagay ng kabataan ay hindi na dapt ipamana sa lahinh

iluluwal.” Dito na nga arw nagsilbing apdo sa labi ng matatandang

manunulat ang pangalang Panitikan. Nagsunog ang mga batang

manunulat  ng mga akda ng matatandang manunulat para  tutulan

ang  monopolyo ng mga establisado nang manunulat sa mga

pahayagan noon.  Binasagan ng kritikongVirgilio Almario ang klase ng

panulaang  sinunog ng kabataan noon na panulaang Balagtasista sa

kanyang pag-aaral.   Naulit naman itong pagsusunog bilang protesta

noong  1970 nang sunugin  din ng militanteng samahang PAKSA  ang

ilang akda para tutulan ang konserbatismo ng mga gawad

pampanitikan at itanghal ang panitikang “mula sa masa, tungo sa

masa.”

Paraiso ang Tundo?

 Hindi ako nagagawi dito sa tulay ng  Moriones noong bata pa

ako. Ang Simbahan ng Tundo ang   minsan isang taon ay

pinupuntahan namin.  Dinadayo  ang simbahan kapag araw ng piyesta

rito, dahil dumarating ang Arsobispo ng Maynila at  binabasbasan  

ang lahat kasama ng  mga  kinumpilan. Naalala ko ring  isa ito sa mga

Page 19: Batang Tundo

panahong naliligalig ang Nanay at mahigpit na  binabantayan  ang  isa

kong kapatid na lalaking mahilig bumarkada  para hindi  makidayo sa

piyesta. Taun-taon raw, walang  mintis  na magkakagulo dahil sa

lasingang bahagi na ng selebrasyon  at  may magbubuwis ng buhay sa

piyesta  ng Tundo.

Nakaratay pa rin sa kahirapan ang Tundo.    Sa kabila nito, uuwi

at uuwi ako para dalawin ang Nanay  kong pinaparaiso ang lumang

bahay namin sa Biak na Bato.