21
1 Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang- Susing termino: alomorf, impleksyon, morpoponemiko, delisyon, modes-aspect ABSTRAK Layon ng papel na ito na siyasatin ang morpoponemikong pagbabago sa mga rut o ugat na dulot ng pagkakabit ng unlaping mang-, isa sa pinakaimportanteng afiks na makadiwa sa wikang Filipino/Tagalog na may layong magpakita ng pokus o tuon sa paglalapi. Nangyayari ang mga morpoponemikong pagbabago dulot ng linggwistikong proseso ng asimilasyon. Dito, ang impluwensya ng mga kasangkot na tunog sa paglalapi (i.e. inisyal na tunog ng pinagkakabitang rut, pinal na tunog ng kinakabit na afiks), ay sumasailalim sa asimilasyon at alomorfi kaya‟t ang nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan ng mga bagong elementong tunog. Sinuri rin ng awtor ang paliwanag tungkol sa kairalang ito ng mga pangunahing sulating panggramar na nalimbag at ginamit sa pagtututo ng wika, at sa huli‟y bumuo ng mga batayang prinsipyo sa pagbabagong morpoponemiko ng mga salitang nabubuo dahil sa afiksasyon ng mang-. Bagamat gumamit ng mga prinsipyo at temang linggwistiko sa isang fenomenong pangwika, mas lapit ay sa pagsusuri ng teksto at ibinangga ang mga proposisyong inilalatag sa hinahanap na konsistensi na karakter ng kahit anong kairalang pangwika, partikular sa erya ng gramar. Sa huli, nagbigay ng ilang hagap tungkol sa parehong proseso ng asimilasyon, kung saan sangkot ang mga bagong ponemang tanggap sa wikang Filipino, na sa pang-araw-araw na kumbersasyon ay hindi maiiwasang sumailalim din sa paglalapi.

Bautista, Francis Bacon - Pagsusuri Ng Pagbabagong Morpoponemiko Sa Impleksyon Ng Filipino- Ang Kaso Ng Paglalapi Ng Mga Alomorf Ng Unlaping Mang

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Bautista, Francis Bacon - Pagsusuri Ng Pagbabagong Morpoponemiko Sa Impleksyon Ng Filipino- Ang Kaso Ng Paglalapi Ng Mga Alomorf Ng Unlaping Mang

Citation preview

  • 1

    Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng

    Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang-

    Susing termino: alomorf, impleksyon, morpoponemiko, delisyon, modes-aspect

    ABSTRAK

    Layon ng papel na ito na siyasatin ang morpoponemikong pagbabago sa mga rut o ugat na

    dulot ng pagkakabit ng unlaping mang-, isa sa pinakaimportanteng afiks na makadiwa sa

    wikang Filipino/Tagalog na may layong magpakita ng pokus o tuon sa paglalapi. Nangyayari

    ang mga morpoponemikong pagbabago dulot ng linggwistikong proseso ng asimilasyon. Dito,

    ang impluwensya ng mga kasangkot na tunog sa paglalapi (i.e. inisyal na tunog ng

    pinagkakabitang rut, pinal na tunog ng kinakabit na afiks), ay sumasailalim sa asimilasyon at

    alomorfi kayat ang nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan ng mga bagong elementong tunog. Sinuri rin ng awtor ang paliwanag tungkol sa kairalang ito ng mga pangunahing

    sulating panggramar na nalimbag at ginamit sa pagtututo ng wika, at sa huliy bumuo ng mga batayang prinsipyo sa pagbabagong morpoponemiko ng mga salitang nabubuo dahil sa

    afiksasyon ng mang-. Bagamat gumamit ng mga prinsipyo at temang linggwistiko sa isang

    fenomenong pangwika, mas lapit ay sa pagsusuri ng teksto at ibinangga ang mga proposisyong

    inilalatag sa hinahanap na konsistensi na karakter ng kahit anong kairalang pangwika,

    partikular sa erya ng gramar. Sa huli, nagbigay ng ilang hagap tungkol sa parehong proseso ng

    asimilasyon, kung saan sangkot ang mga bagong ponemang tanggap sa wikang Filipino, na sa

    pang-araw-araw na kumbersasyon ay hindi maiiwasang sumailalim din sa paglalapi.

  • 2

    Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng

    Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang-

    Introduksyon

    Mahalaga ang papel ng impleksyon sa mga wika ng Pilipinas, kabilang na ang Tagalog

    at Filipino. Gumagamit ito ng hindi matatawarang kombinasyon ng mga panlapi o afiks (i.e.

    unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan) maging ang pag-uulit-ulit ng mga panlaping ito sa

    mga salita (Roxas & Mula, 2008). Ang ganitong katangian ng istrukturang morpolohiko ng

    ating mga wika ay kapansin-pansin lalo sa mga nabuong diksiyunaryo para rito. Halimbawa, sa

    pagsasangguni sa diksiyunaryo para maunawaan ang kahulugan ng isang salitang may

    impleksyon sa Filipino o Tagalog, kailangan munang matukoy ang salitang ugat na siyang

    pangunahing entri sa listahan.

    Ang pagbabago sa mga salitang ugat dahil sa impleksyon ay nangangahulugan ng

    pagbabago sa kawawaan ng salitang dinagdagan ng impleksyonal na morpema. Ito ang dahilan

    kaya dapat masusing kilalanin ang mga morpema na kinakabit sa salitang ugat o rut. Ang isang

    taal na mananalita ng wika ay batid ang mga morpemang ito dahil alam niya ang sistema at

    panuntunan sa pagkakabuo ng mga salitang ito.

    Iniimpormahan ng proseso ng pagbabagong morpolohikal ang ponolohikal na kayarian

    ng mga morpemang kasangkot. Hindi lang simpleng pinagsasama-sama ang mga morpema at

    kung ano ang lalabas ay siya na ngang paraan ng pagbigkas dito. Sa pangyayaring alomorfi,

    nagkakaroon ng baryasyon ang mga morpemang panlapi dahil binabagayan ng mga ito ang

  • 3

    tunog ng salitang pinagkakabitan. Halimbawa, sa wikang Ingles, bagamat binabaybay ang

    hulapi para sa pluralisasyon bilang s, nagaganap ang baryasyon kung saan maaari itong bigkasin bilang [s] (voysles alvyolar frikativ) o [z] (voysd alvyolar frikativ) depende sa huling

    tunog ng pinagkakabitang rut, gaya ng [lps] lips, mga labi o [bgz] bags, mga bag. Gayundin naman, varyant din ng pluralayser sa Ingles ang kawalan ng ikinakabit na morpema (zero

    safiks) sa salitang gaya ng sheep, tupa na nananatiling sheep, mga tupa pa rin, o ang -en na ikinabit sa ox para maging oxen. Ang mas teknikal na termino para sa varyant ng pluralayser na

    Ingles na s ([s] at [z]), zero safiks, at -en ay alomorf.

    Sa Filipino, umiiral ang mga panlaping makadiwa na may layong ituro ang tagaganap o

    aktor na siyang simuno ng pangungusap. Ang layong ito ang nagpapakita ng pokus o tuon ng

    mga naturang panlapi. Halimbawa ng mga panlaping nasa aktor-pokus ay ang -um-, mag-, ma-,

    mang-, maka-, makapag-, maki-, at magpa-. Sa mga nabanggit, mahalaga ang papel ng mga

    unlaping mag- at mang-, maging ang gitlaping -um- sa pagkilala sa mga pangungusap na nasa

    ganitong tuon sapagkat pinakaginagamit ang mga ito sa kumbersasyon at anyong pasulat.

    Sa mga nabanggit, ang mga panlaping mag- at mang- ay marahil magkamag-anak. Ang

    dalawang ito ay ehemplo ng payak na tahasang pandiwa sapagkat ginaganap ng simuno ang

    isinasaad ng nabuong salitang pandiwa. Kung aalamin ang

    Dalawang magkabukod na uri ng panlaping makadiwa ang ma- at mang- bagamat

    magkamag-anak ang mga ito. Ang mang- ay batayang porma (underlying form) ng mga varyant

    o alomorf na mam- at man- at ang pag-iral ng dalawang varyant ay dahil sa alomorfi. Buhat ito

    sa pagbabago ng tunog na isang morpoponemikong proseso. Dagdag pa, malimit na nawawala

  • 4

    ang unang letra sa pinagkakabitang rut kung ito ay nagsisimula sa isang katinig. Dahil sa

    ganitong pangyayari, nagkakamali ang mag-aaral ng wika at naiisip niyang ma- ang panlaping

    ikinabit imbes na mang-. Halimbawa, ang salitang mamili at manood ay iniisip na nagtataglay ng

    parehong panlaping ma- pero ang totooy man- (na alomorf ng mang-) ang panlaping ikinabit sa unang salitang mamili.

    Ang Kairalan ng Mang-

    Isa ang mang- sa pinakaimportante at pinakapangkaraniwang ginagamit na panlaping

    makadiwa sa wikang Filipino. Ayon sa mga linggwista gaya nina Llamzon et. al. (1974), ito ay

    baryedad ng mag-, kung saan para magpahayag na ang isang gawain ay paulit-ulit, dinagdag sa

    mag- ang pang- at sa amalgamasyon ay nabuo ang morpemang kombinasyon na mang-. Ang mga morpemang kombinasyon ay umiiral sa maraming wika sa mundo, gaya ng sa Pranses

    kung saan ang salitang au // (au pere sa ama) ay resulta ng kombinasyon ng mga morpemang a at le. Ang mang-, kasama ang mga kauring panlaping makadiwa ay nasuri bilang modes-aspect

    o voice-modes, functors, sangkap ng pinayamang pandiwa o bahagi ng case features (Bloomfield,

    1917; Blake 1925; Wolfenden, 1961; Llamzon, 1968; Otanes, 1966; Ramos, 1974; sinayt ni Cea,

    n.d.), samakatwid ay mga panlaping pamamaraan.

    Nagaganap ang asimilasyon sa mga resultang kabitan ng unlaping mang- at rut upang

    ang mga tunog na pumapagitna sa dalawang morpema ay maging magkatulad o magkalapit.

    Ang prinsipyo ay maaari itong maganap sa sa loob ng salita o sa pagitan ng mga salita dahil sa

    mga pisyolohikal at sikolohikal na kadahilanan. Ang paraan ng asimilasyong bunga ng

    pagkakabitan ng morpemang mang- at rut ay isang komon o pangkaraniwang tipo ng

  • 5

    asimilasyon na matatagpuan sa kahit anong natural na wika. Dito, inaasimila ang neysal na

    tunog // ng kagyat nitong kasunod na tunog at upang magkatulad ang mga ito sa punto ng artikulasyon (o homorganiko). Halimbawa sa Ingles (tingnan ang Talahanayan 1 sa ibaba):

    1. [mp] in Paris

    2. [f] in France 3. [n ] in the Hague 4. [nz] in Zimbabwe

    5. [] in Rhode

    Island

    6. [] in Chile

    7. [g] in Granada

    Talahanayan 1. Halimbawa ng asimilasyon sa wikang Ingles (Myers & Crowhurst, 2006)

    Naipapakita sa Talahanayan 1 kung paanong ang paligid ng tunog ay nakaapekto sa

    neysal na [n]. Pinalilitaw sa papel na ito halos ganito ang rin nangyayaring asimilasyon sa

    Filipino kapag ikinakabit ang panlaping mang-. Pero ditto, iikot ang talakayan natin sa mga

    kasangkot na mga ponema sa Filipino gaya ng [m, p, b] (mga bayleybyal o panlabing tunog), [t,

    n, s, , d, l] (mga alveolar o panggilagid na tunog), [j] (paleytal na tunog), [, k, g] (mga velar na tunog), at [, h] (mga glotal na tunog). Isang bahagi rin ng pag-aaral na ito ay isang inisyal na suri sa paglalapi ng mga hiram na salitang nagtataglay ng mga bagong tanggap na tunog sa

    Filipino.

  • 6

    Ang unang kairalan ay isang pagpapaliwanag ng parsyal na asimilasyon. Umiiral din

    ang ganap na asimilasyon na minamanipesta ng delisyon o pagtatanggal ng tunog sa

    morpemang kasangkot sa proseso. Kung pagbabatayan ang sinkronikong pagsusuri ng kairalan

    ng asimilasyon sa naturang panlapi, makakayang ililista ang mga iregularidad sa mga pormang

    resulta ng ponolohikal na pagbabago. Halimbawa may nangyaring delisyon sa mamili

    [mamilih] (mula sa bili [bilih]) pero wala sa mambola [mambolah] (mula sa bola [bolah]).

    Mga Kontemporaryong Pag-aaral at Presentasyon ng Gramar

    Sa pag-aaral na ito, minabuti kong ikonsidera ang mga pangunahing gramatikang

    isinulat para sa Filipino o Tagalog na gumamit ng magkakaibang lapit, nang sa gayon ay

    mapalitaw ang ebolusyon ng mga resulta ng riserts. Ang sinulat ni Santos (1939) ay ang

    pinakaunang pag-aaral na seryosong tumalakay sa balangkas ng wikang pambansa noong

    dekada 30 kayat nararapat lamang na isama sa pagsusuri bilang kinatawan ng tradisyonal na lapit linggwistiko. Ang mga kasunod naman ay kakikitaan ng mga dulog na istruktural,

    pedagohikal, fangsyonal, sitwasyonal, at transpormasyonal (Chomskyan), kung minsan ay

    pinagsama-sama pa ang mga ito.

    Lope K. Santos (1939). Mula pa noong isinagawa ang pinakaunang mga modernong pag-aaral

    sa wikang Filipino, simula pa sa tradisyonal na lapit ni Santos (1939), ang paglalapi ng mga

    salitang ugat (kabilang na ang mang- at mga alomorf nito) ay binigyan na ng ekstensibong

    pokus. Ayon nga kay Santos, likas ang tungkulin ng mga panlapi sa wikang pambansa, dahil

    gaya ng mga salita kung saan ikinakama ang mga ito, mayroon silang sariling likas na katuturan o diwa sa sarili. Dahil sa pagiging mayaman ng Filipino sa pagpapantig, hinati pa

  • 7

    ang mga panlaping ito ayon sa ibat ibang kabuluhan sa salitang nilalapian, ayon sa kalagayan, ayon sa katuturan, at ayon sa tungkulin.

    Ayon kay Santos, ang mang- ay halos kasingkahulugan ng mag-, at halos nagkakapalitan

    ang dalawa sa gamit at katuturan. Sa loob ng talakayan ng panlaping mang- ay nakapaloob din

    pagtalakay sa mam- at man-. Sa mga panahong itoy hindi pa aveylabol sa kanya ang modernong linggwistikong pagsusuri ng morpolohiya tumitingin sa alomorfi. Prinesenta niya

    ang mam- at man- bilang kapantay ng mang-; hindi bilang mga varyant nito. Tingnan ang ilang

    mga halimbawa sa ibaba na nagpapakita ng ibat ibang porma ng salita sa banghay na mang-, mam-, at man- sa anyong pawatas at pautos:

    MANG Mang-away Mangahoy Manggamot Manghagis Mangaso

    MAM Mambasa Mamigay Mampawi Mamitas

    MAN Mandagok Manlupig Manukat Manuligsa Manragasa

    Talanayan 2. (Santos, 1939)

    Sa talakayan, nailahad ang ibat ibang sitwasyon kung kailan ginagamit ang bawat panlapi. Makikita sa talahanayan sa itaas na ang mga salitang ugat na sinisimulan ng titik na

    patinig (e.g. away; aso), katinig na [k] (kahoy), [g] (gamot), at [h] (hagis), ay nilalapian ng mang-.

    Ang mam- naman ay inilalangkap sa mga rut na nagsisimula sa [b] (basa; bigay) at [p] (pawi;

    pitas). Para sa mga rut na nagsisimula sa [d] (dagok), [l] (lupig), [s] (sukat), [t] (tuligsa), at [] (ragasa), man- ang unlaping ginagamit.

  • 8

    Tingnan natin ang Talahanayan 2. Sa unlaping mang-, otomatikong nawawala ang unang

    tunog sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa [k] (e.g. mang + kahoy => mangahoy; mang + kuha

    => manguha). Ang paglalapi naman sa mga salitang ugat na nagsisimula sa titik na patinig ay

    maaaring magresulta sa pagsingit ng gitling o hayfen sa pagitan ng dalawang elementong

    pinagkakabit (e.g. mang-away) bilang pagpapakita na ang unang titik sa rut ay hindi nagiging

    patinig ng huling ponema sa unlapi na ng [], maliban sa ilang kaso gaya ng mangaso at mangilag. Samantalang sa mam-, may mga pagkakataong nananatili o nawawala ang [p] at [b]

    (e.g. mam + basa => mambasa, pero mam + bigay => mamigay; mam + pawi => mampawi, pero mam

    + pitas => mamitas). Sa man- naman, nawawala ang unang titik kapag nilalapian ang mga

    salitang ugat na sinisimulan ng [s] at [t] (e.g. man + sukat => manukat; man + tuligsa =>

    manuligsa).

    Alfonso O. Santiago & Norma G. Tiangco (1977); Lydia Gonzales-Garcia (1992). Sa fangsyonal-

    istruktural na sulating panggramar nina Santiago & Tiangco (1977) at Gonzales-Garcia (1992),

    ipinaliwanag ang mga pagbabagong morpoponemiko gaya ng asimilasyon bilang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Binanggit ang salik ng pagtitipid o ekonomiya sa pagkakaganap ng proseso. Sinasaad pang

    nagiging lalo ang pagtitipid kung may nangyayari muling asimilasyon sa pamamagitan ng

    pagbabawas ng tunog.

    Kina Santiago at Tiangco, sinasabing may mga salitang katanggap-tanggap ang

    parehong parsyal at ganap na asimilasyon, bagamat hindi sapat ang mga halimbawa rito. May

    ilang mga salita rin kung saan kahit mas tama ang ganap na asimilasyon, tanging ang pormang

    nasa parsyal na asimilasyon ang nakasanayan ng tao (e.g. mas sanay ang tao sa pambansa at

  • 9

    panluto, kesa *pamansa at *panuto). Kakatwa lamang ang pagbanggit sa ikalawang halimbawa

    (panluto) dahil walang ibang pag-aaral na nagpapanukalang posible ang delisyon ng [l].

    Kay Gonzales-Garcia, ipinapahayag na ang ganap na asimilasyon ay bahagi ng isang

    buong serye. Ibig sabihin, kailangan munang magkaroon ng parsyal na asimilasyon sa mga

    salita bago ang ganap na asimilasyon. Sisikapin kong ipakita sa sariling suri kung paano ito

    naging totoo. Pero kapansin-pansin na hindi niya ito naipaliwanag nang buo. Pinagpalagay

    niya na tanging mga salitang ugat lamang na nilapian ng mga alomorf na man-/pan- at mam-

    /pam- ang pwedeng sumailalim sa ganap na asimilasyon (e.g. manahi [mang + tahi = mangtahi

    => mantahi => manahi]; pamato [pang + bato => pangbato => pambato => pamato]). Paano naman

    ang delisyon sa mga salitang mangahoy, etc.?

    Si Gonzales-Garcia rin ay naglista ng mga titik kung saan aplikable ang delisyon, gaya

    ng [d, l, r, s, t, b, p] kahit hindi lahat ng mga ito ay maaari talagang sangkutan ng delisyon.

    Dagdag pang ang tunog na [k] ay wala sa listahan ([k]).

    Teresita V. Ramos & Resty M. Cea (1990); Ernesto H. Cubar & Nelly I. Cubar (1994). Layon ng

    dalawang sulatin ang maging pedagohikal na sanggunian ng mga mag-aaral ng wika. Sa

    katunayan, isinulat nina Ramos at Cea ang Modern Tagalog: Grammatical Explanations and

    Exercises for Non-native Speakers para sa mga banyagang nasa abanteng lebel na ng pagkatuto ng

    Filipino. Sa seksyon para sa mga aspekto at pokus ng pandiwa ng dalawang sulatin, tinalakay

    nang isa-isa ang bawat panlaping makadiwa kabilang na ang mga pandiwang nagtataglay ng

    unlaping mang-. Simple lamang ang pagtalakay. Sinasabing ang mga inisyal na tunog ng

  • 10

    salitang ugat ay maaaring matanggal sa ilalim ng ilang kondisyon. Ang mga tunog na ito ay

    kinabibilangan ng [p, t, k, b, d].

    Paul Schachter & Fe T. Otanes (1972). Komputasyonal ang presentasyon nina Schachter at

    Otanes ng mga pandiwa at ang pagpapalawig ng mga ito, karakteristiko malamang ng

    heneratibo at transpormasyonal na dulog ng mananaliksik. Ang mga aralin sa naturang sabjek

    ay tinatratong kaganapang morpopolohiko dahil sa pagtatali ng dalawang proseso. Ibig

    sabihin, hindi nakakahon ang pagsusuri sa kahiwalayan ng mga pangyayaring pangwika na

    matatagpuan sa ibat ibang lebel ng pag-aaral ng wika.

    Base sa hinaing komputasyon ng pagbabagong morpoponemiko sa pag-iimplek ng

    mang-, ang delisyon sa unang tunog ng nilalapiang rut ay palagiang nagaganap sa mga salitang

    nagsisimula sa [p, m, t, s, n, k, ], habang sa ilang mga kasoy nagaganap sa [b] at []. Minumungkahi ng komputasyon na sa mga nabubuong salita na mayroong ganap na

    asimilasyong delisyon, ang mang- ay napapalitan ng ma- at ang unang katinig naman ng rut na

    nilalapian ay napapalitan ng alinman sa [m, n, ] sang-ayon sa ponemang kasangkot kapag nagaganap ang parsyal na asimilasyon sa mga ugat na nag-aatas sa asimilasyong ito.

    Teodoro A. Llamzon, Fe Laura del Rosario & Marinela Sanchez (1974). Para kay Llamzon, ang

    mang- (gaya ng ma-, mangag-, manga-, mangag-, atbp.) ay anyo (o alomorf, bagamat hindi niya

    maliwanag na ginamit ang termino) ng batayang panlaping mag- na nag-iindika ng pokus sa

    aktor ng pangungusap. Umiiral ang mga naturang mga unlapi sang-ayon sa gamit. Halimbawa,

    ang mang- ay isang morpemang kumbinasyon o amalgam ng mag- at -pang-, nangangahulugang

    paulit-ulit na kilos. Ibig sabihin, ang mga pangungusap na Naghanap siya ng katulong at

  • 11

    Nanghanap siya ng katulong ay parehong katanggap-tanggap dahil sa mariing pagbabago ng kahulugan nang piliin ng alinman sa anumang nabuong salita.

    Kung ang mang- ay alomorf ng batayang pormang mag-, ano naman ang tawag sa mam-

    at man- na nabubuo dahil sa pakikibagay ng mang- sa inisyal na tunog ng pinagkakabitang rut?

    Ayon kina Llamzon, ang mga naturang panlapi ay kairalan ng di-ganap na asimilasyon,

    Samantala, ang ganap na asimilasyon ay isinasagawa kapag ang tunog na pahumal/neysal sa

    dulo ng mang-/mam-/man- ay itinutulad sa sumusunod na tunog, at ang tunog na kasunod ay

    nawawala. Bagamat transpormasyonal ang naging paraan ng pagtalakay ng presentasyon ng

    gramar, ang mga pagtalakay ng morpoponemikong pagbabago ay hindi binigyan ng

    kongkretong halimbawa upang ipaliwanag kung kailan dapat maganap ang asimilasyong ito.

    Sariling Suri ng mga Pundamental na Prinsipyo

    Sa mga gramatikang prinesenta, kapansin-pansin ang pagkakaiba-iba ng suri sa

    pangyayari ng ganap na asimilasyon. Ang mahihinuha ay kailangang mawala ang mga inisyal

    na tunog ng salitang ugat kapag ito ay voysles (maliban sa voysles na glotal gaya ng [, h]), pero nananatili kapag voysd. Ayon pa kanila, sa ilang pagkakataon ay hindi nasusunod ang

    prinsipyong ito, partikular sa mga tunog na [p, b, ], bagamat pare-pareho ang enumerasyon ng mga may-akda sa mga ponemang ito. Dagdag pa, ilan sa akda ay hindi naglahad ng akyureyt

    na batayang prinsipyo sa delisyon na siya sanang susundan ng paliwanag sa mga nangyayaring

    ekslusyon kung minsan. Isang halimbawa ng kulang na suri ay kina Santiago & Tiangco,

    tungkol sa kaso ng pambansa (may voysd ang [b]). Bagamat maaari daw tanggapin ang *pamansa

    ay hindi ito ang kinasanayan ng mananalita. Kulang ang suring ito dahil hindi talaga maaaring

  • 12

    maging katanggap-tanggap *pamansa, kung ang nabuo kong batayang prinsipyo ang

    pagbabatayan.

    Sa mga akda, pinakakompleto na ang suri nina Schachter at Otanes (1972). Kay Santos

    (1939) naman, hindi pa man aveylabol sa kanya ang linggwistikong impormasyon tungkol sa

    pagkavoysd ng tunog ay nagawa niyang ilahad ang kairalan ng delisyon.

    Sa isang ponetikong tsart (Talahanayan 3) ay hayaan ninyo akong ipakita ang relasyon at

    alaynment ng mga tunog na ginagamit sa wikang Filipino (tingnan ang talahanayan sa ilalim).

    Ang leybel sa mga kolum ay tumutukoy sa punto ng artikulasyon (e.g. bayleybyal, etc.) habang

    ang leybel sa row ay paraan o moda ng artikulasyon (e.g. plosiv, etc.).

    Bayleybyal Leybyo-

    dental

    Alvyolar Paleytal Velar Glotal

    Plosiv o istap [p] [b] [t] [d] [k] [g] [] Neysal [m] [n] [] Tap o flap [] Frikativ [s] [h]

    Aproksimant

    o semivawel

    [] [j]

    Lateral

    aproksimant

    [l]

    Talahanayan 3. Ponetikong tsart ng mga umiiral na tunog sa Filipino.

  • 13

    Nagkakasundo ang mga prinesentang gramatika sa mga batayang kahingian upang

    maisakatuparan ang parsyal na asimilasyonang kataliwasan ng punto ng artikulasyon ng unang katinig ng salitang ugat na nilalapian sa pagkavelar ng []. Nababago ang batayang panlapi at nagiging mam- (bayleybyal) o man- (alvyolar) dahil inaakomodeyt ng mga tunog na

    kapwa bayleybyal at alvyolar.1 Nagkakaroon naman ng pananatili ang mang- sa mga

    sumusunod na sitwasyon:

    kapag ang kinakabitan ay nagsisimula sa kauring velar (e.g. manggatong [magato])2 kapag ang kinakabitan ay nagsisimula sa glotal (e.g. mang-akit, [maakit]),

    leybyodental (mangwala, [maala]) at paleytal (mangyari, [majai]) kapag ang kinakabitan ay nagsisimula sa bayleybyal na [m] at [n] (e.g. mangmando

    [mamando], mangnasa [manasa])3

    Sa tsart, ang mga ponemang nasa kaliwa ng bawat kolum ay mga voysles na tunog,

    habang voysd naman ang nasa kanan. Sa pamamagitan ng biswal na larawang nagpapakita ng

    distribusyon ng mga ponema, makikilala natin kung aling tunog ang sumusunod sa batayang

    prinsipyo ng parehong parsyal at ganap na asimilasyon. Mahihinuha nating ang delisyon ng

    mga tunog na voysles ay dahil sa kataliwasan sa dalawang magkasuod na tunog. Ang pagiging

    voysd ng mga pinal na tunog ng panlapi [, n, m] ay humihila sa katabing voysles. Sa prosesong ito, hindi agad na delisyon ang nangyayari kundi isa pang parsyal na asimilasyon. Halimbawa,

    1 Wala itong pinagkaiba sa katulad na asimilasyon sa partikulang ang kapag sinusundan ng alinmang salitang nagsisimula sa bayleybyal o alvyolar (hal. Ang baho naman, [am baho naman]; Ang daming damit, [an dami damit]). Pero sa kaso ng asimilasyong sabjek ng talakayang ito, masasabing tunay ang pagkabatid ng mananalita ng wika dahil nagawa nilang bigyang-kinatawan ang pagbabago ng tunog sa lebel ng ortograpiya. 2 Kung gayon, sa mga rut na nagsisimula sa velar na [] ay nananatili rin ang mang-. Sa paglalapi ng salitang ngalay, ang nabuong pormang mangalay ay bunga ng ganap na asimilasyon ng huling tunog ng panlapi sa unang tunog ng pinagkabitang rut (mang + ngalay => mangngalay => mangalay). 3 Pansinin na hindi ikinabit ang mam- at man- sa inisyal na tunog ng rut na tulad ng pinal na tunog ng mga nabanggit na panlaping.

  • 14

    sa mang + tahi => mangtahi => mantahi, ang voysles na [t] ay napalitan ng [n] upang

    mapanatiling voysd ang magkasudlong na mga tunog, samakatwid *mannahi. Para mapasimple

    ang pagbigkas nito ay saka pa lamang tuluyang nawawala ang isa pang [n].

    Tutal ay nabanggit na rin natin, umiiral ang eksklusyon sa ilang salitang dapat mayroon

    o walang delisyon pero kabaligtaran ang nangyayari (e.g. [b] mamaril, *mambaril, [p] mampawi,

    *mamawi, [). Samantala, ang glotal istap [] ay isang voyles na tunog subalit malaganap na hindi ito natatanggal sa paglalapi (e.g. mang-akyat [maakjat], mang-agaw [maagaw]), maliban sa ilang kaso (e.g. mangaso [maaso], *mang-aso [maaso]; manganak [maanak], *mang-anak [maanak]). Maaari rin namang tinatanggap na tama ang parehong porma, gaya ng [b] mambato, mamato at [p] mamukaw, mampukaw. Maaaring imapa ang distribusyong heograpikal

    ng paggamit ng bawat varyant na ito.

    Paglalapi ng mga Bagong Lahok na Salita sa Filipino

    Isang malaking hamon sa pagpapanatili ng mga prinsipyo sa paglalapi ang kairalan ng

    pagdaragdag ng mga bagong tunog sa wikang Filipino, na primaryang dulot ng paghihiram ng

    mga bagong salita. Sa mga bansang gaya ng Pilipinas kung saan nililinang pa rin ang

    pambansang wika, napayayaman ang korpus sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga bagong

    termino upang maging katawagan sa mga bagong ideya, bagay, at teknikal na pamamaraan. Sa

    prosesong ito ng paglinang at pagpapayaman, nangyayari rin ang natural na pag-ebolba ng

    wika at pagbabago sa gawing komunikatibo ng mga mananalita ng wika dala na rin ng

    impluwensya halimbawa ng midya na isa sa mga lunduyan ng kulturang popular.

  • 15

    Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop, hindi na lingid sa mga Pilipino ang mga

    grapemang c, ch, f, j, ll, , q, rr, v, x, at z4 ng mga wikang Espanyol at Ingles. Dahil sa katangian

    ng wikang Filipino na maging eksakto sa representasyon ng mga tunog sa pagbabaybay, ang

    mga naturang tunog ay ginamit lamang sa mga pangngalang pantangi sapagkat ilan sa kanila

    ay kumakatawan sa higit pa sa isang ponema. Kapag humihiram ng mga salitang banyagang

    nagtataglay ng mga nasabing titik, kailangang hanapan ang mga ito ng katumbas na titik na

    kumakatawan sa mga natural na tunog ng Tagalog. (Madalas, hindi eksakto ang

    pagtutumbasang nangyayari.) Kayat ang j ay naging h (holen) o dy (dyaryo) habang ang ch ay pinalitan ng ts (tsaleko). Pero sa ngayon, dala ng mas liberal na saloobin ng mga linggwista at

    ibang aral sa wika, hindi na masagwang makita ang mga bagong grapema upang irepresenta

    ang mga bagong tunog na inasimila ng Filipino. Halimbawa, sa Sistemang Unibersidad ng

    Pilipinas (UP) ay tinatanggap na direktang salin ng chancellor ang chanselor. Sa normal na

    kumbersasyon naman ay laganap na ang mga ispeling gaya ng champorado, japayuki, at zigzag.

    Ang kaganapang ito ay isang hamon tungo sa pagpapalawak ng saklaw ng prinsipyo ng

    paglalapi ng mang-. Kailangang ikonsidera ang gawi ng mga mananalita, at tingnan kung

    paanong ang paraan ng artikulasyon ng mga bagong tunog ay nakaaapekto sa proseso ng

    paglalapi. Kinilala na nina Paz, et al (2003) ang kakayahan ng mga tao na bumuo ng mga

    bagong salita sa pamamagitan ng pagbabago ng porma ng hiram na salita. Isang epektibong

    paraan nito ang istratehiyang analoji. Nakikita natin ito sa salitang chansing [ansi], manghipo ng parte ng katawan ng iba, na nanggaling sa mga morpemang Ingles na chance at

    4 Tandaan na tanging ang mga letrang c, f, j, , q, v, at z ang ganap na tinanggap na bahagi ng alpabetong Filipino. Bagamat may nirerepresentang tunog sa Espanyol ang mga daygraf na ch, ll, at rr, tinuturing ang mga itong simpleng kombinasyon lamang ng dalawang letra kayat hindi isinama sa ating bagong alpabeto. Tandaan ding ang nirerepresentang tunog ng mga daygraf na ll at rr ay hindi malawakang naasimila ng ating wika.

  • 16

    ing. Nagagamit din ang analoji kapag nilalangkapan ang nasabing salita ng panlaping mang-, kayat maririnig ang pangungusap na Sinumbong niya ang katabi niyang nanyanyansing. Ang velar-neysal [] sa nang- ay napalitan ng paleytal-neysal ny [] dahil umangkop sa sinusundang kapwa paleytal na [] (voysles-paleyto-alvyolar-afrikeyt). Sa ikalawang parsyal na asimilasyon ay napalitan ng isa pang [] ang [] (i.e. *nanynyanyansing) hanggang sa tuluyan nang naglaho sa ganap na asimilasyon (i.e. nanynyanyansing [naaansi] => nanyanyansing [naaansi]).

    Narito ang isang ponetikong tsart ng mga bagong tunog sa Filipino kasama ang mga

    neysal na voysd na [, n, m, ]. Mula rito ay maaari nating mahinuha kung ano ang posibleng maging pagbigkas ng mananalita kapag inilangkap sa mga salitang ugat na nagsisimula sa

    tunog na ito ang panlaping mang-.

    Bayleybya

    l

    Labyodent

    al

    Alvyolar Paleyto-

    Alvyolar

    Paleytal Velar

    Neysal [m] [] [n] [] [] Frikativ [f] [v] [z] []

    Afrikeyt [] []

    Talahanayan 4. Mga bagong tunog sa Filipino at mga voysd neysal na katinig.

    Makakatulong ang analohiya ng unang ponetikong tsart sa Talahanayan 3 upang makita

    ang magiging resulta ng paglalapi sa mga salitang ugat na nagtataglay ng inisyal na tunog na

    bago sa Filipino. Ang halimbawang ibinigay natin, ang chansing, ay may inisyal na tunog na []. Kung pagbabasehan ang Talahanayan 4, wala itong katapat na neysal. Ang transpormasyon ng

    nang- bilang nany- [na] sa nabuong salitang nanyanyansing ay dulot ng paghila ng paleytal na

  • 17

    katangian ng paleyto-alvyolar [] sa pinal na tunog [] ng panlapi upang maging []. Batay rin sa tsart ay parehong paraan ng parsyal na asimilasyon ang mangyayari sa ibang paleyto-

    alvyolar na [] (e.g. mansha-shampoo, mabibigkas na [maaampu]) at [] (e.g. manjojowk [maook]). Mam- naman ang gagamitin sa mga salitang gaya ng may inisyal na [f] (e.g. mamfu-footspa, mabibigkas na [mafufutspah]) at [v] (e.g. mamvividyo, [mavivio]).

    Tungkol naman sa ganap na asimilasyon ng mga tunog na ito, kung pagbabatayan ang

    tsart ay masasabing maaari itong maging aplikable sa mga voysles na [f, , ]. Ipinakita natin ang halimbawang manyanyansing galing sa chansing na halaw kina Paz et al. Kailangan pa ng

    masusing pag-aaral ng korpus upang sapat na madokumento at mailarawan ang penomenon

    na ito.

    Kongklusyon

    Sa mga akdang sinuri, kapansin-pansin ang limitasyon ng mga naging paliwanag ng

    kung ano ang mga prinsipyong namamahala sa pagkakabuo ng ganitong mga salita, kabilang

    na ang paghihilahan ng magkakatabing ponema upang magkaroon ang mga ito ng parehong

    paraan ng artikulasyon at malaong may implikasyon sa buong salita. Ito marahil ay dahil sa

    obhetibo ng mga nasabing libro na maging praktikal na salalayan para sa kompetensiyang

    pangwika, hindi upang maglahad ng mga teoretikal at rasyonalistang paliwanag ng isang

    sinkronikong penomenon.

    Magkagayunman, mahihinuha natin ang katangian ng kalakhan sa mga librong

    tiningnan na mauugat natin sa di-kasapatan ng apresyasyon gayundin ang pangangalap ng

  • 18

    mga datos tungkol sa alomorfi. Una na rito ay ang paglilista ng mga ponemang sumasangkot sa

    parsyal at ganap na asimilasyon. Ang natural na mga prinsipyong may kaugnayan sa

    morpoponemikong pagbabago ay naisasantabi sa ilang mga sulatin habang mas nakaangkla

    ang paliwanag sa fangsyonal at sosyolinggwistikong salik gaya ng pagkakasundo ng mga

    myembro ng komunidad ng mananalita. Sinasabing ang ibat ibang mga porma ng salitang nilapian ng mang- ay dulot ng pagkakasanay ng mga tao sa mga salitang iyon, imbes sa naging

    papel ng punto at paraan ng artikulasyon, at ng voysing, bagamat nangingibabaw ang pag-

    aaral na may lapit transpormasyonal nina Schachter & Otanes (1972) at Llamzon et al (1974).

    Pangalawa, hindi rin naipaliwanag nang buo ang mga eksklusyon sa pagkakaroon ng alomorfi,

    gaya ng nangyayari sa mga salitang ugat na nagsisimula sa glotal [, h] at aproksimant [, j]. Pwedeng sabihin na walang neysal na katinig na nasa puntong glotal kayat imposible ang alomorfi sa [, h]. Samantala, nananatili namang mang- ang panlaping kinakabit sa mga ugat na may inisyal na leybyo-dental aproksimant [] at paleytal aproksimant [j], kahit na merong neysal na nasa parehong punto ng artikulasyon.

    Iminumungkahi ko ang mas malalim pang pagdalumat tungkol sa sabjek, kung saan

    sasaklawin na ang alomorfi sa ibat ibang paglalapi sa Filipino, habang titingnan din ang implikasyon nito sa mga bagong tunog na inasimila na ng wika. Nakakatuwang sa proseso ng

    pag-aaral na ito, may mga bagong natutuklasan na nakakapukaw ng interes, partikular iyong

    nag-eeksplika sa asimilasyon hindi bilang pangyayaring hungkag sa abstraktong teorya. Sa

    isang wikang nililinang, pinopopularisa, at ginagawang payak, ang mga diskursong

    linggwistiko gaya ng pagtalakay sa isang phenomenon gaya ng simpleng pagbabagong

    morpoponemiko sa Filipino ay mahalaga upang mapalawig ang huntahang makaiskolar at

    malutas ang ilan sa mga problema tungkol sa ortograpiya, ispeling, at pagpaplano ng korpus.#

  • 19

    Mga Batis

    Blake, Frank R. (1925). A Grammar of the Tagalog Language. New Haven: American Oriental

    Society, sinayt kay Cea (n.d.).

    Bloomfield, Leonard (1917). Tagalog Texts with Grammatical Analysis. Studies in Language and Literature. III.2-4. Urbana: University of Illinois, sinayt kay Cea, op. cit.

    Cea, Resty (n.d.). Tungo sa Pag-unawa ng Panlapian ng Pandiwa. MS. Cubar, Nelly I. & Ernesto H. Cubar (1994). Writing Filipino Grammar: Traditions and Trends.

    Lungsod Quezon: New Day.

    Gonzales-Garcia, L. (1992). Makabagong Gramar ng Filipino. Maynila: REX Book Store.

    Llamzon, Teodoro (1968). Modern Tagalog: A Functional-Structural Description with Particular

    Attention to the Problem of Verification. Ph.D. Disseration. Unibersidad Georgetown, sinayt

    kay Cea, op. cit.

    Llamzon, Teodoro A., Fe Laura del Rosario & Marinela Sanchez (1974). Makabagong Balarila ng

    Wikang Tagalog. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press.

    Lieber, Rochelle (2010). Introducing Morphology. Cambridge: Cambridge University Press.

    Myers, Scott & Megan Crowhurst (2006). Phonology: Case Studies. Kinuha sa websayt ng Unibersidad ng Texas sa Austin noong 20 Marso 2014:

    http://www.laits.utexas.edu/phonology/catalan/cat_clusters2.html.

    Otanes, Fe T. (1966). A Contrastive Analysis of English and Tagalog Verb Complementation. Ph.D.

    Dissertation, Unibersidad ng California sa Los Angeles, sinayt kay Cea, op. cit.

    Paz, Consuelo J., Viveca V. Hernandez & Irma U. Peneyra (2003). Ang Pag-aaral ng Wika.

    Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

  • 20

    Ramos, Teresita V. & Resty M. Cea (1990). Modern Tagalog: Grammatical Explanations and

    Exercises for Non-native Speakers. Honolulu: University of Hawaii Press.

    Roxas, Robert & Gersam T. Mula (2008). A Morphological Analyzer for Filipino Verbs. Papel na

    prinesenta sa 22nd Pacific Asia Conference on Language, Information and Computation,

    Lungsod Cebu. Nobyembre 20-22, 2008.

    Santos, Lope K. (1939). Balaril ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.

    Santiago, Alfonso O. & Norma G. Tiangco (1977). Makabagong Balarilang Filipino. Maynila: REX

    Book Store.

    Schachter, Paul & Fe T. Otanes (1972). Tagalog Reference Grammar. Berkeley & Los Angeles:

    University of California Press.

    Wolfenden, Elmer. 1961. A Re-statement of Tagalog Grammar. Manila: Summer Institute of

    Linguistics and Institute of National Language, sinayt kay Cea, op. cit.

  • Tungkol sa May-akda

    Francis Bautista

    Ang awtor ay mag-aaral ng MA Araling Pilipino sa UP Diliman, nagtapos ng Batsilyer sa

    Pananaliksik Pangkomunikasyon, cum laude, sa PUP. Nakapaglimbag na siya ng artikulo sa Philippine Daily Inquirer, Taliba, at Schoolguide magazine. Nagwaging runner-up ang pag-aaral niyang College Students Perception of Media Credibility about Election-Related News during the 2010 Presidential Elections (Cruz & Bautista, 2010) sa 2nd National Research Grand Prix ng Asian Congress for Media and Communication.

    Email: [email protected]