Biag ni Lam ang

Embed Size (px)

DESCRIPTION

text

Citation preview

Biag ni Lam-angSina Don Juan at Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang...2 Mga tauhan: Don Juan, Namongan , Lam-Ang , Donya Ines , mga magulang ni donya Ines , mga hilot, 3 Gintong aral: Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.4 Buod:Sina Don Juan at Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang..Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.Sa kasamaang palad ay napatay ang ama niya. Pinugutan ito ng ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat.Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, pinaliguan siya ng ilang babaeng kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, namatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat at mapatay ng berkakan (isang uri ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Biag_ni_Lam-ang

Ti Biag Ni Lam-Ang : Ang Buhay Ni Lam-Ang

SIYAMna buwanbago siya isinilang sa isangmaharlikangfamilia, namundok ang kanyangamaupangsugpuinang isang masamang pangkat ng mgaIgorot. Sa kasamaang-palad, napatay angama, pinugot ang kanyanguloat isinabit sa gitna ngnayonng mgaIgorotbilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat anginapagkatapos nang biglanglumakiangsanggolat agad-agadnagsalita. Isinumpa niLam-Ang- sapagkat ito nga ang naging pangalan niya - na mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa kanyangama.Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mgaIgorot, inakyat niLam-Angang bundok at natagpuan ang bangkay ngamaniya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa ng mga masamangIgorot, gamit ang tangi niyang sandata - isangsibat.Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sailog Amburayan. Kaginsa-ginsa, umapaw angilogsa kapal ngputikatdugona nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ngisdasailogay namatay. Pati ang mgapalakaat iba pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay lahat sa pampang.Kinabukasan, ipinahayag niLam-Angsainana mag-aasawa na siya. Ginamit niya angkapangyarihanniya sahiwagaat nabatid niya na ang magiging asawa niya ay siInes, isang babae taga-Kandon, isang munting nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isangbatong dambuhala(stone giant) na sumisira sapalayattobacosa mga bukid. Gamit angkalasagnapilak(silver shield) na minana saama, nilabanan niya at pinatay angdambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.SaKandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay niInesang libu-libong lalaki na lumiligaw sa dalaga. Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan niLam-Angna lumakad sa mga ulo ng mga lumiligaw hanggang umabot siya sa isangbintana, kung saan siya pumasok sa bahay. Humanga nang matindi siInessa lakas at tibay ng luob niLam-Angkaya pumayag siya agad na maging asawa nito. Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ngbigay-kaya(dowry) ang mga magulang niLam-Angbago makuha siInes.Pumayag siLam-Angat ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama ng kanyanginaat ng mgahandogat iba pangyaman. Humangos siya pabalik saina, at naghanda ng isangbangkana balot ngginto. Pinuno niya ito ng iba pangginto, mgaalahas, mgaestatuaat iba pangmamahalingbagay. Pagbalik niya saKandonkasama ng kanyangina, nagimbal ang mga magulang niInessa dami ngkayamanangdala. Nuong araw ding iyon, ikinasal sinaLam-AngatInes. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-anak na lalaki ang bagong mag-asawa.Isang araw,binangungot(pesadilla, nightmare) siLam-Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa kanyang mganinuno(antepasados, ancestors), kailangan niyang pagdaanan angmakalumang gawingpahirap(ancient ritual of sacrifice). Ayon masamang panaginip, dapat siyang sumisid hanggang sasahigngdagat(sea floor) upang hanapin anggintong kabibi(gold seashell). Batid niLam-Angna ikamamatay niya ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mgadiyos. Sinagot naman siya at binigyan ngpag-asa. Isiniwalat niLam-Angang lahat kayInes: Ang hirap na susu-ungin niya, ang mgapahiwatigng kanyang pagkamatay, pati na anghabilinngpag-asana sagot sa kanya ng mgadiyos.Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid, upang saksihan ang pagsisid niLam-Angsagintong kabibisa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang nakalubog siLam-Angnang biglang umahon siBerkakan, angdambuhalang halimaw na pating, at sinakmal angbayani. Sa bahay, nakita niIneslahat ngpahiwatigna isiniwalat niLam-Ang. Bumagsak angkalan(estufa, stove), umuga anghagdan(escalera, stairs), at nanginig ang kanilanganakna lalaki. Napahagulhol siInes: Patay na siLam-Ang.Tatlong araw lumuha siInesbago siya nagkalakas lumabas at sundin ang mgahabilinng mgadiyos. Inipon niya ang mgabuto-butoniLam-Angna inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat niLam-Ang, binalot niya ang mgabutosapulang sutla(seda rojo, red silk), tumalikod atnagdasalnangnagdasal. Habang ibinubulong niInesang mgapanalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli angkalansayat katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw siLam-Angna buhay na muli.Dahil dito at iba panggitingna ginawa niLam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang anak ay pinatawan ng mgadiyosng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ngpalayhabang panahon.http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/05/ti-biag-ni-lam-ang-ang-buhay-ni-lam-ang.htmlLam-ang(Epikong Ilokano)Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian saLa Unionay may mag-asawang kilala sa pangalangDon Juanat Namongan.Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan niDon Juan. Salaking galit, nilusob naman niDon Juanang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindina nakabalik siDon Juansa kanyang nayon. Ang nagingbalita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyangtalismanmula sa punong saging. Sa tulong ng kanyangtalismanay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Salaking pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo niDon Juannanasasarukang, isang haliging kawayan.Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang matulad sa ginawa nila kayDon Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindiman lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ngpunong saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mgadalagangtribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mgaisdasa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sahanginsi Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindinapansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.