16
Maraming salamat po, mga Recoletos! Issue No. 17 Official Quarterly Newsletter of Our Lady of Mount Carmel Parish (Recoletos de Project 6) * Diocese of Cubao JUNE 2018 CARMEL light @olmcp * www.ourladyofmountcarmelparish.com * [email protected]

CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

Maraming salamat po, mga Recoletos!

Issue No. 17 Official Quarterly Newsletter of Our Lady of Mount Carmel Parish (Recoletos de Project 6) * Diocese of Cubao JUNE 2018

CARMEL light @olmcp * www.ourladyofmountcarmelparish.com * [email protected]

Page 2: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

2

The CARMEL lightEditor-in-Chief - Angie SajonaLayout Artist - Clare Ramos

Official Photographer - Elton MacedaWriters - Ram Amores, George Arceno,

Lani Delos Santos, Pen PamarangWebsite Administrator - Angie Sajona

Social Media Administrator - Ady RubioAdviser - Fr. Larry J. Garces, OAR

Contributing Photos (this issue) - Ram Amores, King Gonzalez, Tanya Namoc, Caesar Pangan,

Clare Ramos, and Paolo Resurreccion

The Carmel light is the official quarterly newsletter of OLMC Parish, Project 6. It is produced by the Media and

Communications Ministry.

Fr. Larry J. Garces, OAR

THOUGHTS IN WORDS

Most often, it is easier to say “Hi” to new ac-quaintances than to say “farewell” to friends especially if you have spent real time with them. Pero ganyan talaga ang buhay! Al-

though we have to grow where we are planted, we have to go on moving also. Patuloy tayong tumutugon sa tawag at sa misyon na inatas para sa bawat isa sa atin. Kaya dapat nakahanda tayo laging magpaalam at magkaroon naman ng mga bagong kaibigan.

It has been a wonderful journey. I have cel-ebrated six fiestas in this Parish! And each of these cel-ebrations was unique and different. And as is always the case, there would be exceptionally willing parishioners who would be more than ready to help in any capacity.

“O Ina ng Karmelo, dumudulog kami sa iyo! Ina ng kalinisan ng puso’t kadalisayan! O Ina ng Karmelo ika’y gabay ng aming buhay. Sa tuwina’y laging handa kami’y iyong tulungan! ”

“Para kanino ka bumabangon?” tanong sa isang commercial! Sigurado akong alam na ninyo ang sagot dito. The first lines of this hymn has always given me the reason to wake up each day and join the community in praying, in celebrating the Eucharist, in serving the faith-ful. Kahit na pagod na ako, nakikita ko ang dahilan para gumising – dahil may mga mananampalataya na sabik na sabik sa salita ng Diyos. Sabik sa pagdar-asal. Minsan naisip ko din, ano kaya kung itanong ko din sa kanila ang kaparehang tanong? Malamang ga-noon pa din ang sagot na makukuha ko sa kanila: Ang pagkasabik sa pakikipag-kaisa sa Panginoon at sa mga nananampalataya! Walang katulad! At siyempre nandoon pa din ang mahal na Ina. Siya ang gabay ng ating buhay! Punong puno ng kahulugan ang sinabi ng Ebanghelyo patungkol kay Maria: “She pondered every-thing in her heart!” Lahat ng nangyari kay Hesus, lahat ng pinagdaanan ng Panginoon ay pina-process ni Maria at lagi siyang nag-iisip kung paano niya matutulungan ang kanyang Anak na matupad ang misyon. Palagay ko, ga-noon pa din ang ginagampanan ng Mahal na Ina. But this

time, not only for Jesus, but also for each one of us. She continues to guide us. She continues to be available for us to extend a helping hand when we need it.

“O Birhen ng Karmelo, umaawit kami sa ‘yo. Salamat sa lahat lahat, biyayang dulot mo!”

Minsan may naisulat na rin ako dito sa Carmelight tungkol sa kalaliman ng pananalig ng mga parokyang ito sa Mahal na Ina. Kasi, noong sinabi ko na kailangang kantahin lagi ang awit na ito pagkatapos ng bawat Misa, sumang-ayon sila at walang reklamo. Siguro napagtanto ng mga mananampalataya na ito ay awit ng pasasala-mat sa aming patrona. Marami nang pinagdaanan ang parokyang ito at laging lumalabas na matagumpay dahil na rin sa tulong ng Mahal na Ina.

“Sa dilim, ilawán ka namin, hindi ka mag-mamaliw. At sa liwanag naman, ilawán ka naming giliw.

Sa aking pag-“move on” sa ibang parokya, dala-dala ko rin ang liwanag ng mga karanasan ko sa OL-MCP. Alam ko na gabay at tanglaw ko ang Mahal na Ina, at siya’y laging nananalangin upang maipagpatuloy ko, sa kabila ng physical, emotional and spiritual challenges, ang aking sinumpaang tungkulin.

At hindi lang ang Mahal na Ina. Alam kong mar-ami rin naman siguro ang mananalangin para sa aking susunod na misyon. Dumating akong walang dala, subali’t aalis akong taglay ang alaala ng parokyang lalong humubog sa aking pagkapari, at nagdagdag ng dahilan kung bakit ako bumabangon sa umaga.

Kaya sa mga taga-OLMCP, salamat. Ipap-analangin ko kayo, kung paanong ako rin sana ay ip-analangin ninyo, at iisa tayong dudulog sa nag-iisang Ina ng Panginoong sumusubaybay sa ating lahat.

“O Birhen ng Karmelo, umaawit kami sa ‘yo. Salamat sa lahat lahat, biyayang dulot mo!”

Salamat, Ina ng Karmelo

Page 3: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

3

(continued to page 7)

lam na natin na ang paraan ng Diyos ay mahiwaga. Madalas, hindi obvious and mga plano nya para

sa mga anak Niya – tayo yun. Kaya madalas, nagsisimula sa parang pangit na pangya-

yari ang mga maganda naman palang mga balak Niya.

Ganito ko itinuturing kung paanong ang ating parokya’y napailalim sa pamamahala ng Order of Au-gustinian Recollects (OAR), o Rekoletos. Wala pang isang taon mula nang maging kura-paroko ng OLMCP si Fr. Manny Sarez noong 2012, siya’y binawian ng buhay noong Marso 20, 2013. Dahil katatalaga pa la-mang ng mga kura paroko sa mga parokya ng Cubao noon, at dahil na rin marahil sa kakapusan ng mga di-ocesan priests, minabuti ni Bp. Ness Ongtioco na hum-ingi ng tulong mula sa mga Rekoletos na nakabase sa Quezon City upang kanilang pansamantaang pamahalaan ang OLMCP. Sa kanilang ka-butihan loob at pakikipagtulun-gan sa diocese, naitalaga si Fr. Larry Garces, OAR bilang kura paroko ng ating parokya.

Dito nagsimula ang limang taong pagliling-kod ng mga paring Rekole-tos sa ating parokya. Siyem-pre, sa una’y nangangapa pa ang bagong kura paroko. Nagmasid, nakiramdam, at pinag-aralan muna niya ang mga tao at ang mga gawi at takbo ng parokya sa opisina man at sa mga liturgical services, at syempre, maging ang PPC.

Kaiba. Ito ang unang impression sa mga par-ing Rekoletos. Puti rin ang kanilang abito, subalit may hood itong pantalukbong sa ulo at may mahabang itim na sinturon na ang dulo, mula sa beywang, ay halos umabot na sa lupa. Mula sa pamamahala ng mga dioc-esan priests, ngayon lamang, sa buong kasaysayan ng OLMCP, na sila’y napangasiwaan ng mga paring gal-ing sa isang religious order. At syempre pa, kung ano ang natutunan o kinalakihan nila sa kanilang order, iyon ang dala-dalang gawi’t kultura ng mga bagong pari.

May mga nanibago sa pagbabago. Sa una’y may nagtaas ng kilay (ang iba’y hindi pa bumababa hang-gang ngayon), may nagtatanong, may nagkukumpara, may nagtatampo. Subali’t sa isang positibong pananaw, ang mga pagbabagong ito’y bahagi ng paglalakbay ng parokya patungo sa mas matibay at makabuluhang pa-

glilingkod, mas malalim na pananam-palataya, mas aktibong partisipasyon at mas bukas-palad na pagbabahagi.

Hindi maikakaila, halimbawa, ang mga pagbabago sa waring mal-iliit subali’t importanteng bahagi ng liturhiya. Sa mga pagbabagong ito mababanaag ang mas malalim pang pagpapahalaga sa liturhiya ng Eukaristiya bilang pinakasentro ng at-ing pananampalataya. Ito ang ritual na nag-uugnay sa Diyos at Kanyang sambayanan, ang dugtungan ng Lan-git sa lupa, ang tuwirang pakikipag-usap ng Diyos (si Hesus na kinakatawan ng mga pari) sa Kanyang lipi. Ito ang nais ibahagi ni Fr. Larry – na ang liturhiya’y banal kung kaya’t ang bawa’t bahagi nito’y banal din at may

akmang kilos, panalangin ng pari, at tugon ng mga tao. Na-kinabang nga ang parokya sa pagiging Doctor of Liturgy ni Fr. Larry, katuwang ang mga kapatid nyang paring Reko-letos na pansamantala ring itinalaga sa OLMCP: sina Fr. Gio, Fr. Larlar, Fr. Nim-rod, Fr. Chris at Fr. Tiktok.

Sa pangangasiwa rin ni Fr. Larry, naipatupad ang pa-giging regular na empleyado ng office staff ng parokya.

Siniguro rin ni Fr. Larry ang transparency ukol sa pa-nanalapi at pagpapabuti ng accounting procedures sa opisina. Ang paglikom ng pondo, halimbawa’y tuwing kapistahan ng Ina ng Karmelo, ay laging may kaug-nay na proyektong pinaglalaanan, kung kaya’t mati-wasay na naipagawa ang kumbento, opisina, burulan at mga palikuran o toilets. Nasimulan na rin ang Stew-ardship Program ng parokya sa pamamagitan ng iBalik Handog sa Ginoo o iBAHAGI program. Full support din ang mga paring Rekoletos sa mga Catechetical at Formation Programs, kasama na ang PREX at CLSS. Ang karanasan ay isang paghahanda at pag-sasanay para sa hinaharap. Marahil, dahil na rin sa ded-ikasyon ng mga taong nananampalataya’t nagmamala-sakit sa parokya, inibig ng Diyos na dumaan ang OLMCP sa isang pagsasanay na magpapalalim pa sa kanilang buhay ispirituwal. Oo, iba ang paraan, at mas mahigpit ang disiplina. Subali’t ito rin ang nagpapa-hiwatig na ang Simbahan ay may kaayusan, sapagka’t

PPC Corner: OARs bid goodbye

A

Page 4: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

4

Salubong at Traslacion: OLMC’s 400th year

Noong May 4, 2018, higit sa 300 ng at-ing mga ka-parokya, kasama sina Fr. Larry Garces, OAR at Fr. Hector Gon-zales, OAR, ay sumama sa libo-libong

deboto ni Maria sa pagdiriwang ng ika-400 aniber-saryo ng pagdating ng imahe ng Our Lady of Mount Carmel mula Mexico patungong Maynila. Dala ng Order of Augustinian Recollects noong 1618, ang pagdating ng imahe ay siya ring simula ng debo-syon sa Brown Scapular na patuloy pa ring isinasa-buhay ngayon. Ito ang kauna-unahang traslacion

na ginawa para sa ima-heng ito ng mahal na Ina sa 400 taon nitong pananatili dito sa ating bansa.

Nagsimula ang trasla-cion sa isang fluvial pro-cession sa Manila Bay, at sinundan ng isang pagdiriwang ng Euka-ristiya na pinamunuan ni Archbishop Romulo Valles ng Archdiocese of Davao. Pagkatapos

ng misa, nagkaroon ng isang prusisyon ng imahe ng Ina ng Karmelo papuntang Minor Basilica ng San Sebastian. Naging highlight ng traslacion ang “Salubong” ng imahe ng Itim na Nazareno sa imahe ng Ina ng Karmelo sa Simbahan ng Quiapo. Pag-katapos ng prusisyon, nagkaroon ng public venera-tion at nagtapos sa isang Thanksgiving Mass at re-enthronement ng imahe.

Salamat sa lahat-lahat ng biyayang dulot mo, O Ina ng Karmelo! (Ram Amores)

Mary, Mother of the Church

Mary, as the Mother of Jesus Christ, is the embodi-ment of all-sacrificial and all-loving mothers in the world. The movie “Passion of the Christ” portrays how the ever soft-spoken Mary is so strong, looking with unflinching eyes at Jesus, carrying the cross in all its pain and cruelty. In March 2018, Pope Francis decided to establish the Memorial of Blessed Virgin Mary (BVM), in recognition and in honor of her role as the “Mother of the Church” every year on the Mon-day after Pentecost. It is a way to foster Mar-ian piety and the maternal sense of the Church. The memorial of the Blessed Virgin Mary, has been added to the General Roman Calendar, the Roman Missal, and the Liturgy of the Hours.

A celebration of a memorial gener-ally means that prayers and readings specif-ic to the day’s memorial are used in the Mass.

Source: www.catholicnewsagency.com

Mary, Help of Christians Pope Francis has ap-proved the canonical corona-tion of the image of Mary Help of Christians in Pangasinan province. The liturgical rites of crowning the venerated im-age will be presided by Papal Nuncio Archbishop Gabriele Caccia at the Cathedral of Saint John the Evangelist in Dagupan City on August 22.

The crowning of Mary Help of Christians will be the second coronation to take place in the archdiocese af-

ter 92 years, the first image being Our Lady of the Rosary of Manaoag. The statue is currently en-shrined at the chapel of of the Mary Help of Chris-tians High School Seminary in Binmaley town.

Source: www.cbcpnews.net

The image of the Lady which will be crowned at the Mary Help of Christians High School Seminary

in Binmaley, Pangasinan

Photo courtesy of DC Photography

Page 5: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

5

PARISH NEWS ATBP...

PAGTALIMA 2018. “Sa Iyong mga yapak ako ay tatahak, kahit tigib ng luha ang nilakaran Mong landas; pasakit man at dusang dulot ng mundo’y kamtan; bawat bakas ng Iyong mga ya-pak, bawat hakbang Mo’y ak-ing susundan.” – mula sa lyrics ng awiting “Sa Iyong Mga Yapak”. Tuwing Semana Santa sa OLMCP, naging kasama na sa tradisyon ang paggunita ng pagpa-pakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoon na si Hesus sa pamamagitan ng Senakulo o Estasyon Heneral. Ayon kay Kuya Caesar, Lead Serv-ant ng Parish Youth Ministry (PYM), labindalawang taon nang ginagawa ito sa ating parokya. Ito ay nagsimu-lang gawin sa loob ng simbahan bi-lang bahagi ng pagbasa ng Ebang-helyo sa Misa ng Biyernes Santo, hanggang maging dulang-panal-angin ito ng Istasyon ng Krus at ipinuprusisyon tuwing Domingo de Lazaro o Linggo bago ang Palaspas.

Sa taong ito, pagkatapos ng isang dekada, ito ay naging isang pormal na stage-play/dulang-panalangin na pinamagatang “Pagtalima 2018” na isinagawa sa loob ng simbahan. Ito ay pinamagatang “Pagtalima” upang ipakita kung gaano kahalaga ang pagsunod ni Hesus sa ibinigay na tungkulin para sa kanya ng Diyos Ama. Ayon kay Kuya Caesar, “Sinikap ng PYM na ma-paganda pa lalo ang produksyon sa pamamagitan ng pananaliksik, pagkakaroon ng brain-storming at pagh-ingi rin ng mga payo mula sa mga kaparian at sa mga taong may kakayahan pagdating sa larangan ng tea-

tro.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakita din ito ng live sa Facebook page ng parokya (OLMCP). Dagdag pa ni Kuya Caesar, naging matagumpay

ang Pagtalima 2018 dahil nakamit nito ang mithiing makapanghikayat ng maraming mananampalataya na makiisa at makibahagi sa pagdar-asal ng Istasyon ng Krus. “Ito ang higit na pinaka gantimpala ng produksyon, ang maging daluyan ng Salita ng Diyos sa pamamagi-tan ng gawaing ito,” wika niya.

Marami sa mga nanood ang naluha, kasama na diyan si Si Fr. Larry na umaming nadala siya sa makatotohanang pagsasadula ng mga kabataan. Ang tagum-pay ng Pagtalima 2018 ay dahil na rin sa suporta ng mga parish-ioners, choir, lectors, at kaparian! Salamat sa lahat at magkita-ki-

ta po muli tayo sa susunod na taon. (Ram Amores)

Jesus was brought to Sanhedrin Jesus falls as he carried his cross; Mother Mary was there for him

The full cast of Senakulo 2018 with the lectors

Jesus dies on the Cross

Page 6: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

6

June 30 • Livelihood - “Gunting at Suklay“ (Part 1)

July 1 • Painting Contest 8AMJuly 7 • Fun Run

• Kumpilang Parokya• Children’s Party• Opening of Marian Exhibit

5AM

After the 6PM MassJuly 7-15 (Sat-Sun) • Novena Masses 6AM and 6PMJuly 9 (Mon) • Livelihood Program GBJuly 10 (Tues) • Livelihood - “Gunting at Suklay“

• Libreng GupitJuly 11 (Wed) • Job Training

• Environment SeminarJuly 12 (Thurs) • Religious NightJuly 13 (Fri) • Fiesta-gisan (Pinoy Song and Dance

Contest)July 14 (Sat) • Kasalang Parokya

• Fiestang Parokya - Boodle Fight• Larong Pinoy, Street Dancing• Car Raffle Draw

9AM12NN

7PMJuly 15 (Sun) • Binyagang Parokya

• Procession11AM4:30PM

July 16 (Mon) • Fiesta Masses and Imposition of Scapular

• Almusalang Parokya• Gabi ng Salu-salo and Awards Night

6AM and 6PM

After the 6AM Mass7PM

PARISH NEWS ATBP...

FIESTA FUND-RAISING ACTIVITY: Car Raffle The Car Raffle is a major fund rais-ing activity, aimed to benefit and sup-port the parish pas-toral programs. The prizes at stake are brand new Mitsubishi G4 M

(grand prize) and several cash prizes. Tick-ets at Php 100 only are available at the parish of-fice and in front of the Church during Sundays.

57th Fiesta Activities

“Mga Pari at Relihiyoso: Kapanalig ng Ina ng Karmelo”

With Rey and Fely Calimbas as this year’s Hermano and Hermana Mayor, here are the 2018 Fiesta Committees and members: Liturgical - Ch-ing Valencia, Angie Sajona, Peachy Roa, Egay Fer-rer, Jeng Vitacion, Egay Jalla, CJ Chan; Finance and Solicitation - Fely Calimbas, Au Chua, Lags Con-stantino, Mel Santiago, Romy & Tonette Macaranas, Dik Sajona; Program - Atty. Hessie Mallillin, Arnold Durante, Ram Amores, Clare Ramos, Cesar Pangan, Tanya Namoc, Getz, Barangay Staff, Rotary N.EDSA; Souvenir Program - Mary Ann Navalta, Marlene Ruth Sanchez; Physical Arrangement - Ver Paca, RRIB, CWL; Food - Mely Tayao, Grace Botovarra, Dori Espiritu; Secretariat - Rina Paca, Bea Flores.

Page 7: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

7

With bounce on their feet, about 120-150 wide-eyed, innocent and eager beaver kids trooped to the Mt. Carmel Church to par-ticipate in the Flores de Mayo every day for the whole month of May, spearheaded by the Catechetical, Youth, and Children’s Ministries.

A good come-on for these kids are the delicious and free snacks - sandwiches, pansit or spaghetti, a wide array of bread or pastries, bilo-bilo, arroz caldo, and ice-cold drinks, usu-ally donated by a family or organization.

The children also enjoy the opportunity to bond with family and friends to offer flowers to Mama Mary, as Flores de Mayo is a daily of-fering of flowers to Mama Mary.

Amid these seemingly worldly attrac-tions, kids are taught different prayers and songs.

Although giving fleeting attention to the catechism of Flores de Mayo, at a young age, kids are being educated and molded to be-come spiritual in their own little and juvenile way.

We need to start them young, and at-tending the Flores de Mayo, is a good start. (George Arceno)

Flores de MayoPARISH NEWS ATBP...

Morning Prayer (Lauds)

Monday-Saturdayafter the 6AM Mass.

Evening Prayer (Vespers)

Saturday only, 5:30PM.

The Liturgy of the Hours is the official public prayer of the Church and a source of nourishment for personal prayer.

It is devised so that the whole course of the day and night will be made holy by praising God.

Liturgy of the Hours

We welcome our new parish priest, Rev. Fr. Arnel F. Recinto. He is the former parish priest of St. John Paul II Parish, Eastwood, Bagumbayan,

Quezon City. He will con-celebrate with Fr. Larry on the 1st day of the Fiesta Novena Mass on July 7, at 6pm. We pray that God may continue to guide him as he becomes the shep-herd of our flock.

Meet our next Parish Priest!

ang Diyos na ating sinasamba ay Diyos ng kaayusan.Sa pagpapalit ng Kura Paroko ngayong taon, na-sisiguro kong maiiwan ang kaayusan na itinanim ng mga paring Rekoletos sa isipan at kultura ng OLMCP. Magiging gabay ito, lalo na ng PPC, upang maging matibay silang suporta ng susunod na Kura Paroko.

Kaya kay Fr. Larry at sa mga kapatid nyang par-ing Rekoletos, na kahit sa ilang taon lamang ay nag-ing bahagi na ng buhay at karanasan ng OLMCP, mar-aming salamat po! Nawa’y nakapag-ambag din kami sa inyo ng aral at, higit sa lahat, ng pagmamahal, kalinga at mga alaalang babaunin ninyo sa patuloy ninyong paglil-ingkod sa Diyos na gumagabay at nagtuturo sa ating lahat.(Dik Sajona)

(from page 3)OARs bid goodbye...

Page 8: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

8

PARISH NEWS ATBP...

K apag may umaalis, may bagong du-marating. Fr. Larry Garces, OAR’s, along with the Order of Augustinian

Recollects’ administration, has now come to an end. With their 5 years of meaning-ful stay in our parish, hindi natin maikakaila na sila’y napalapit na sa ating mga puso at ang mga aral na ating natutunan mula sa ka-nila lalong lalo na ang mga pang-ispirituwal, ay tiyak na nakatatak na sa ating mga ka-malayan. Sa kanilang paglisan, biniyayaan tayo ng isang bagong pastol sa ating parokya sa katauhan ni Fr. Arnel F. Recinto.

Meanwhile, Fr. Larry will now be as-signed at San Roque Parish, Libis; Fr. Chris Gaspar at San Isidro Labrador Par-ish, Casian, Palawan; and Fr. Hector Gon-zales at Our Lady of Consolation Par-ish in Mira Nila Homes, Quezon City.

Maraming salamat po, mga padre!

Bilang tribute para sa ating mga par-ing Rekoletos, narito ang ilan sa ating mga ka-Parokya na nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa kung paano sila nakipamuhay sa ating Parokya at kanilang mga mensahe para sa kanila:

“Masaya sila magmisa, lively. Strict pero tama ang sinasabi. Dapat hindi malate sa misa dahil im-portante na masimulan ang misa. May halong biro ang sermon. Pag may napapansin na mali, sina-sabi nila para macorrect. Nakikipagkwentuhan sila sa mga parishioners. Yung term nila, malaki ang improvement ng simbahan. Mas nalapit sa simbahan ang mga tao at mas naging disiplinado.”

- Elsa Genogin

“Friendly sila, kaya madaling makapag-sug-gest sa kanila. Mamimiss ko yung presensya nila. Yung mga inspirational na sermon nila at pagiging makamasa nila. Mamimiss namin kayo, mga father! Salamat sa lahat ng pinakitang kabutihan sa mga tao. Sana maging maayos yung pupuntahan niyo. At makapagbigay din ng inspirasyon at makaiwan ng legacy. At sana makabalik po kayo ulit dito.”

- Amy Tumibay

“Mamimiss namin sila father. Maganda ang service nila sa pagstay sa simbahan. Malaki ang im-provement ng simbahan. Kung pwede lang wag muna sila umalis kaso walang magagawa. Ma-dali sila malapitan, nakikihalubilo sa mga tao.”

- Maridy Balones

“Magaling sila makisama sa mga tao kahit medyo may pagka-pranka. Mamimiss ko at ng mga tao yung pa-giging magalang at malambing nila. At yung pagiging on time nila sa misa, pati na rin sa malawak na pang-unawa sa kakulangan sa mga chapels at ng mga parishioners. Nawa’y maging mas malawak ang pang-unawa nila sa mga parishioners sa bagong parokyang lilipatan nila, lalo na sa mga nangangailangan. At ipagpatuloy pa ang pag-tulong nila sa mga parishioners na nangangailangan.”

- Mercy Pamarang

“Nakaattend ng seminar with Fr. Lar-ry. Okay sya. Magagaling ang mga Recoletos. Mukhang hindi nagagalit dahil banayad magsalita.”

- Rufina at Jesus Bartolome

“Sa kanilang tatlo, yung pagsesermon na magan-da, na nakakainspire sa mga tao. Si Fr. Larry, yung pagig-ing palabiro. Malaking pagbabago, maraming activities.”

- Rose Gojo

“Mamimiss po namin kay Fr. Larry yung sinasa-way kaming mga sakristan at tinutulungan kami pag may mga kailangan kami. Kay Fr. Chris, mamimiss po namin yung mga paglalaro namin at bonding. Kay Fr. Tiktok, yung mga payo niya po sa amin, salamat po. Ingat po kayo sa pupuntahan niyong parish. God bless po!” - Gian & Daniel, Altar Servers

“Okay naman ang kanilang pamamalakad. Marami silang naitulong sa mga tao. Talagang mamimiss namin sila dahil mabait talaga silang tatlo.”

- Evelyn Deldio

“Ang pinaka-naappreciate namin talaga sa ka-nilang tatlo ay yung nakapag-instill sila ng discipline sa mga parishioners kasi nga sa mga sermon niya lalo na si Fr. Larry, mahigpit pero alam naman natin bakit ginagawa, good intention, parang lagi lang nagr-eremind at sobrang direct to the point. Bawal ma-late, lagi niyang sinasabi sa mga parishioners pati na rin sa mga choir. Maraming salamat sa mga Recoletos kasi ang galing lang nung paano sila maghandle ng par-ish kasi sobrang simple lang nila pero nandun yung puso. In behalf of the Elohist choir, maraming maram-ing salamat po sa lahat. Good luck and God bless po!”

- Ria Ann Triunfante-Ballesteros

Page 9: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

9

IBAHAGI CORNERAng Kagalakan ng Pagbabahagi

Masaya at masarap ang feeling kapag nakakareceive ka ng blessings, di ba? Pero, mas masarap ang feel-ing kung stayo mismo ang mag-BAHAGI ng blessings. Kakaiba kasi, dahil parang lalong nakak-inspire pag napapsaya’t napapangiti mo ang iyong kapwa, lalo’t alam

mong sila’y nangangailangan.

Kamakailan lamang ay ginanap ang isang feeding program ng Pastoral Care for Children (PCC) sa Sto. Niño Chapel, Pael, Culiat, Quezon City, kung saan nasaksihan ng marami ang isang Volunteer Couple na namahagi ng kumpletong saya at kabu-sugan sa mga bata, kasama ang kanilang magulang. Pati kaming nag-observe lamang ay nabusog! Ha-bang pinagmamasdan ko ang mag-asawa na hands-on sa pagbibigay ng pagkain sa mahigit kumulang na 100 mga bata at magulang, at nakikita ko ang saya habang ginagawa nila ito, ako man ay nangingiti sapagka’t parang mabangong halimuyak ang kasiya-hang bumabalot sa buong paligid. Hindi alintana ang init at pagod, masiguro lang na mabigyan ng pagkain ang lahat. Bukas palad na pagbabahagi, na alam kong bumabalik sa nagbabahagi sa pamamagitan ng saya at mas mayabong pang biyaya. Hindi pa d’un natapos ang blessings na kanilang ipinamahagi sa araw na iyon. Nagbigay din ang mag-asawa ng mga school supplies at mga aklat sa isang Volunteer Nun na isa rin sa mga coordinators ng PCC.

Lahat ay umuwing masaya, kuntento at nakangiti.

Sa ganang akin, hindi lang pisikal ang aking kabusugan. Nag-uumapaw ang aking saya sa aking nasaksihan. Sumagi tuloy sa isip ko na sana, bal-ang araw, kami naman ang makagawa ng ganitong pagbabalik-handog. Subali’t hindi man namin kayang magbahagi nang ganu’n, alam kong hindi tinitingnan ng Panginoon kung gaano kalaki ang pagbabalik-handog sa Kanya. Ang importante’y taos sa puso ang pagbibigay upang matanggap din ang makalangit na kagalakan. Kami mang mag-asawa ay nagbabahagi, nagbabalik handog sa aming nakakayanan, bilang pasasalamat sa mga biyayang aming natatanggap.

Ito’y isa lamang sa magagandang halimbawa ng pagBABAHAGI na aking nasasaksihan sa parokya. Sana’y dumami pa ang katulad ng mag-asawang na-ghandog ng kanilang panahon at kayamanan upang magbigay galak sa iba. Kaya para sa kanilang mag-asawa (tawagin na lang natin silang JEFBON)….. MORE POWER AND MORE BLESSINGS! KEEP ON GIVING! MABUHAY ANG iBAHAGI! (May Jara)

Page 10: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

10

The Cross: The only bridge to Resurrection

Jesus Christ Himself was broken, so every-body is broken. His passion and death represent brokenness. But that is even less than half of our true life in Jesus.

To leave or to love? Selfishness or selflessness? To face the ultimate sacrifice or to run away?

According to Fr. Os-car Lucas, OMI, speaker at the Mt. Carmel Parish Lenten Recollection held on March 14, 2018,that was the sin-gular question Jesus asked Himself when he was on the cross.

Dahil nagkatawang tao si Hesus, naramda-man din Niya ang matinding pisikal at emosyonal na pasakit na nararanasan ng tao. Natakot din si

PARISH NEWS ATBP...Hesus pero sa huli, nangibabaw ang kanyang pag-mamahal sa tao.

Siguro ang nag-iisang dahilan kung bakit nagkatawang tao si Hesus ay upang ipakita sa sangkatauhan na ang buhay sa mundo ay mahi-rap, pero kaya itong lampasan at maging masaya

kapag kumapit tayo, hindi sa patalim, kundi sa Pangi-noon. When life is good and easy, people tend to forget or reject God. So Jesus tests His followers to make them remember Him, fol-low His teachings, and make them closer to Him.

We cannot be blessed with resurrection without taking up our own cross, our only bridge to everlasting life and joy in God’s heaven. (George Arceno)

VOCATION MINISTERS COMMISSIONED

Last April 22, 2018, members of the OL-MCP Vocations Ministry (VocMin) attended the Commissioning for Vocation Animators in the Diocese of Cubao. The event coincided with the celebration of Good Shepherd Sunday and the World Day of Prayer for Vocations. The Eucha-ristic celebration was presided by Bishop Hones-to Ongtiongco, D.D., together with some of the priests of the Diocese, including Rev. Fr. Gilbert

Dumlao, Vocation Ministry head of the diocese. Also in attendance were our current Parish Priest, Rev. Fr. Larry Garces, OAR, and incom-ing Parish Priest Rev. Fr. Arnel Recinto.

The OLMCP VocMin is just one of the newest additions to the growing number of Vo-cation Ministries currently serving in the Diocese of Cubao. As the VocMin performs their ministe-rial work, let us continue to hope and pray for an increase of priestly and religious vocations! (Ram Amores)

Diocese of Cubao Vocation Animators

Vocation Animators from the Vicariate of Sto. Niño

Page 11: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

11

YOUTH CORNEROLMC PYM RED HARIBONS, WAGI SA SNVYM

SPORTS FEST 2018!

Itinanghal na pinaka-kampyon ang OLMC Red Haribons sa ginanap na Sto. Nino Vicariate Youth Ministry Sports Fest 2018 na nagsimula noong ika-8 ng Abril at natapos noong ika-5 ng Mayo, 2018.Malugod na ipinakikilala ng Parish Youth Ministry ang mga manlalaro na nagkamit ng karangalan sa iba’t ibang larangan:

Gold Medals:Volleyball Women’s Team Team Capt: Marineth Delos Santos

Badminton –Men’s Division Regienald GallerTable Tennis –Men’s Division Daniel Sabitero

Scrabble Luke Therljinn FriasDarts Cyrell Allen Aspiras

Mr. Sports Fest 2018 Johnro Amansec

Silver Medals:Volleyball Men’s Team Team Capt: Arjay Abadiez

Badminton – Women’s Division Naidelle Delos SantosTable Tennis – Women’s Division Shiela Mai VillarTable Tennis – Mixed Double’s

DivisionShiela Mai Villar & Michael

QuimsonChess Arjay Louie Catanghal

Laro ng Lahi: Patintero

Christian GallerCecil Delos Santos

Joana OlinoChristine Joy ChanJherone Maglunob

John PengsonCheering OLMC RED HARIBONS

Bronze Medals:Badminton – Mixed Double’s

DivisionRoa Genesis Galler & Kim

John Paul PaylanGame of the Generals Mary Lauren MontesMs. Sports Fest 2018 Roa Genesis Galler

Sa kabuuan, nagkamit ng 6 na gintong medalya, 7 pilak na medalya at 3 tansong medalya ang mga manla-laro ng OLMC Parish Youth Ministry.

Nagkamit rin ng pagkilala ang mga sumusunod na manla-laro sa kanilang larangan:

Volleyball Men’s Division – Season MVP Adrian Alcaraz

Best Setter Arjay AbadiezBest Spiker Adrian AlcarazBest Libero Lorens Valenzuela

Volleyball Men’s Division –Mythical Players

Adrian AlcarazFerdinand Herradura

Volleyball Women’s Division – Season’s MVP Trishia Sundiang

Volleyball Women’s Division – Final’s MVP Candice Udarbe

Best Setter Trishia SundiangBest Spiker Nicole San MiguelBest Blocker Shaina AbidBest Libero Nathalie Sarino

Volleyball Women’s Division –Mythical Players

Nicole San MiguelTrishia SundiangBianca Ignacio

Charmaine PoloyapoyCandice Ubarde

Kinikilala rin ang kagalingan ng OLMC Red Hari-bons Basketball Team sa ipinakita nilang sigasig sa pan-gunguna ni Carlo Antonio (Team Captain) at Dr. Mico Amansec (Coach).

Matagumpay namang naidaos ang kaunaunahang sports fest ng bikaryado matapos ang sampung taon. Ang programang ito ay pinangunahan ng OLMC Parish Youth Ministry, kaagapay sina Ivan Del Fierro (OLMCP) at Paolo Dimaya (SNPS) –SNVYM Coordinators kasama ang mga lead servants, youth coordinators ng mga kasap-ing parokya, sa pamamatnubay ni Rev. Fr. Christopher Gaspar, OAR –SNVYM Priest-in-Charge at Rev. Fr. Larry Garces, OAR –Vicar Forane.

Page 12: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

12

THE WEEKEND PREX SEMINAR BATCH 116 with 21 graduates was held last May 25, 26 and 27, 2018 at the Gintong Bulwagan, spearhead-ed by lead partners Ate Lyn Granda and Kuya Arjhay Espena. May they grow in the love and sevice of Christ!

The next PREX Seminar will be held in the last weekend of August with Ate Tanya Namoc and Kuya John Pengson as lead partners.

PARISH NEWS ATBP...

FAITH LENS FILM FESTIVAL 2018. The Archdiocese of Manila, through its Com-mission on Social Communications, organ-

ized a competition among parishes to produce a 1-minute video based on the theme “The truth will set you free (John 8:32), fake news, and journal-ism for peace”.

OLMCP’s official entry is entitled “DYAR-YO: Hanggang Saan Ang Iyong Paninindigan” di-rected by Ady Rubio, Lead Servant of Media and Communications Ministry (MCM) with Regie Gal-ler, organist of Servi Dei Chorum, as composer of the original movie soundtrack.

Ten (10) official entries from various par-ishes and arch/dioceses were submitted. Two entries came from the Diocese of Cubao. Three (3) winning entries will be judged by the film and media industry’s well know personalities - Laurice Guillen (Actress and multi-awarded director), Ed-win Lopez (EWTN), Sharon Joy Isla (TV Maria),

Darren Ramos (Radio Veritas) and Dennis Dayao (Areopagus Communications) and through the num-ber of LIKES and SHARES on each entry on Face-book. The winning videos will be aired exclusively at TV Maria.

Awarding ceremonies was held last May 12, 2018, Saturday at the Arzobispado de Manila, Intra-muros and the winners are: Best Video and Best in Concept- “Katok Ng Pag-Asa”, San Roque de Manila Parish, Archdiocese of Manila; 1st Runner Up – “Trending Ngayon Uy Totoo Ba?”, St. Anthony Shrine, Archdiocese of Manila; 2nd Runner Up and Best Technical Concept - “Rear View”, St. John the Baptist Parish, Archdiocese of Manila; Best Rel-evance to Theme Award - “Trend”, Our Lady of Hope Parish, Diocese of Cubao (photo below).

Well done Kuya Ady (left photo), OLMCP is proud of you. Keep on sharing your God-given tal-ents! (Angie Sajona)

The Parish’s Formation Ministry, through the Living Word Prayer Group, conducted a Youth Catholic Life in the Spirit Seminar (CLSS) at the Gintong Bulwagan last April 21-22, 2018. The CLSS is a recurring formation program, the high-light of which is the awakening if the gifts of char-ism of the Holy Spirit (also called “Baptism” of the Holy Spirit) through fervent prayers. The Ministry aims to conduct more CLSS seminars at the differ-ent chapels of the parish to expand its mission of evangelization.

Page 13: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

13

VOCATION CORNERLahat ng Kailangan Mong Malaman Tungkol sa Vo-cation, atbp. Handog sa inyo ng Parish Vocations

Ministry (VocMin)

DISCERNMENT (di · sern · ment)

Sa nakaraang issue ng Carmel Light, natalakay natin ang tungkol sa VOCATION na masayang pagta-tanto at pagtanggap natin ng kalooban ng ating Diyos para sa ating buhay. Madalas, naaugnay natin ang vocation sa salitang calling – pagtawag. Lahat tayo ay TINAWAG ng Diyos to do something alinsunod sa kan-yang plano – maaaring tayo ay tinawag na maging pari, relihiyoso, may-asawa, o di kaya ay maging single. Ka-pag nalaman natin kung anuman ang calling natin, tiyak tayong magiging masaya kapag ginagawa na natin ito.

Pero ang tanong: paano nga ba malalaman kung ano ang calling ng isang tao?

Kapag nais nating matuklasan ang tawag sa atin ng Diyos para sa ating buhay, tayo ay nasa panahon ng discernment. Ang discernment ay ang panahon ng pag-sasala at pagbubukod-bukod – sifting and sorting, sa Ingles. Ito ay ang panahon kung saan binubuksan natin ang ating sarili sa kagustuhan ng Panginoon, at pagkakataon na hinahayaan natin ang ating puso na gabayan ang ating isip.

Bagamat mayroong maraming bahagi ang dis-cernment, nagmungkahi si Sister Anita Louis Lowe, OSB ng 4 na basic steps na maaaring sundin ng isang taong naghahanap ng kanyang calling. Upang masmadali matandaan ang mga ito, maaaring gamitin ang acronym na M.M.P.C. – MAGING AWARE, MAGTANONG, PUMI-LI, CONFIRM. Daanan po natin ang bawat hakbang.

4-STEP DISCERNMENT PROCESS (M.M.P.C.)

MAGING AWARE Kailangan nating maging aware sa tawag ng

Panginoon. Sa totoo lang po, minsan di lang natin naririnig ang tawag ng Panginoon dahil sa ingay na galing sa mundo. Pero kung gusto talaga natin siyang marinig, kailangan nating mag-focus nang maigi. Dito po puma-pasok ang kahalagahan ng DASAL. Kailangan po natin maglaan ng oras para kausapin Siya at hingin ang kan-yang tulong na buksan ang ating puso at isip, nang magabayan Niya tayo patungo sa kung anuman ang nais Niya para sa atin. Kapag bukas ang ating puso at isip, mas-“maririnig” na natin ang boses Niya na iba-iba ang itsura – maaaring magpahiwatig Siya sa pamamagi-tan ng kanyang Salita, o sa mga senyales, sa mga kara-nasan natin, isang “random thought”, o di kaya naman ay galing sa mga taong nakapalibot sa atin.

veritas846 ph livestream hello father 911

2MAGTANONG Ang susunod na step ay ang pagkalap ng impor-

masyon at pag-imbestiga ng mga pagpipilian sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga taong higit na na-kakakilala sa atin sa iba’t ibang konteksto (halimbawa, sa trabaho, bahay o paaralan) nang kanilang mga pananaw at perspektibo . Ito ay upang tayo ay magkaroon ng mas malalim na pagkilala ng ating sarili – ang ating mga kahi-naan at kalakasan. Makakatulong din kung mayroong spir-itual director na maaaring gumabay sa atin sa community o ministry na pinakabagay sa atin (maaari itong gampanan ng parish priest). Kung nais natin naman makapasok sa isang partikular na community, kailangan nating kausapin ang vocation director ng community na iyon upang matulungan tayo sa ating desisyon.

3PUMILI

Sa hakbang na ito, kailangan nating piliin ang sa at-ing palagay ay ang kagustuhan ng Panginoon para

sa atin sa panahon na iyon. Hindi natin pwedeng i-expect na ang pipiliin natin ay palaging tama, o na tayo ay 100% na sigurado sa ating desisyon. Ngunit, kailangan lamang nating piliin ang choice na sa tingin natin ay higit na makakatu-long sa ating maging isang taong mapagmahal at buo.

4 CONFIRM

Ang huling hakbang ay ang pag-confirm ng ating napili. Muli, napakahalaga ang papel ng pagdarasal

sa hakbang na ito. Kailangan tignan rin natin ang nangyayari sa ating kalooban – anong nararamdaman natin tungkol sa ating desisyon? Kung hindi natin lubos maintindihan ang ating nararamdaman, maaaring magpatulong sa isang spiritual director.

Hindi madali ang proseso ng discernment; kailan-gan natin talagang um-effort para malaman kung saan tayo tinatawag ng Panginoon. Minsan, tayo ay tulad ni propeta Samuel (1 Samuel 3:1-10) na kailangan pang tawagin ng ilang beses bago ma-realize, sa tulong ni Eli, na ang Pangi-noon na pala ang tumatawag sa atin. Sa tulong ng ating mga kaibigan, kapamilya, at mga miyembro ng ating faith community, mahahanap natin kung saan tayo tinatawag ng Panginoon. Ang kailangan lamang nating gawin ay makinig ng maigi, at kapag narinig na natin ang tawag Niya, sundin ito nang buong puso. (Ram Amores)

Reference: Lowe, L. (n.d.) Four Steps to Hearing Your Call. Retrieved from: vocationnetwork.org/en/articles/5-four-steps-to-hearing-your-call

1

Page 14: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

14

NAHALAL MAGLINGKOD Binabati natin ang mga nanalong halal na kapitan, kagawad at SKs sa apat (4) na barangay na nasasakupan ng ating parokya, OLMCP sa katatapos na barangay at SK elections noong May 13, 2018. Ito ay ang mga sumusunod:

PROJECT 6Barangay Captain: Vicente Honorio Llamas V Arnel Agpoon Cecil Agcaoili Vicky Bayno Letty Baysa Marc Cendaña Mario Nuñez Gian Rosales

VASRABarangay Captain: Roberto Fortuno Virginia Abalos Segundo Antenor Hermigildo Aviles Maria Nena Francisco Arwhin Orolfo Oliver Pascasio Yolanda Sapo

CULIATBarangay Captain: Victor Bernardo Beng Balonzo Bebang Bernardino Dian Esteban Ameerah Ibrahim

BIBLE Quiz EASTER editionOpen your Bible to answer the questions about the scripture passages below.

Mark 16:1-7 – Who were the three women who went to the tomb of Jesus only to find that he was not there? ________________________________________________________

Acts 3:1-10 – What did Peter and John give to the beggar asking for alms at the Beautiful Gate of the temple in the name of Jesus?________________________________________________________

Luke 24:13-35 – How did the disciples going to Emmaus recognize Jesus?________________________________________________________

John 21:1-14 – How did Jesus reveal himself to his disci-ples at the Sea of Tiberias?________________________________________________________

John 20:19-31 – What were Jesus’ first words to his disci-ples who had locked themselves inside the house for fear of the Jews?________________________________________________________

Luke 1:26-38 – What were the first words that the angel Gabriel told the Virgin Mary?________________________________________________________

John 3:31-36 – What will a person who believes in Jesus receive?________________________________________________________

1 John 2:1-5 – How can we be sure that we know Jesus?________________________________________________________

1 Peter 5:5-14 – When dealing with one another, what does Peter tell us to wear?________________________________________________________

John 15:1-8 – According to Jesus, what should we do so that whatever we ask for may be done for us?_________________________________________________________

(Answers on page 15)

SACRAMENT OF RECONCILIATION (Confession)

5:30PM, every Wednesday, Friday and Saturday.

ANOINTING OF THE SICKBy Appointment.

Please call the parish office

NEW ERABarangay Captain: Reynaldo Ebron Deny Centeno David Golla Roland Joson Jerson Mananes Noryjane Medrano Dario Orencia Romulo Tarroza

Nakatutuwa na malaman na marami sa mga nanalo ay aktibong miyembro rin ng ating parish ministries. Dalangin natin ang isang tapat at maayos na pagliligkod sa kani-kanilang barangay. Congratu-lations and may God bless you all! (Angie Sajona)

SK Chairman: Jacob Gates Freshani Calleja Chris Escubio John Pengson Evita Roquero Rowena Rosales John Ashley Soliman Nikko dela Vega

SK Chairman: Rikka Fariñas Jerico Aring Arvin Karl Capiral Remiejoyce Cristino Vincent John Conanan Ma. Victorina Ello Joan Kyle Guevarra Marielyn Loyola

Chu MontehermosoAdong SupnetCora Zipagan

SK Chairman: Carl Marx Bernardo John John Antonio Jeremy Arandia Jeanne Lorreine Dignadice April Gonzales Ramoncito Logo, Jr. Generoso Sixto Trashia Joy Tubera

Page 15: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

15

W E R E M E M B E R , W E C E L E B R AT E , W E B E L I EV E

We remember and celebrate...and why do we believe? Because of faith and hope, nurtured in love. We celebrate

Lent to remember the greatest love story ever told, which is the story of our redemption.

From recalling our humble beginnings as ashes to which God breathed his spirit, to the fall of man and his struggles on the road to reconciliation with God, to the fulfillment of God’s promise of re-deeming us from the indignity of sin, we journeyed through Lent in remembrance and celebration of God’s ultimate act of mercy - the sacrifice of sin through Christ’s death, and the conquest of death through His Resurrection. We remember Christ’s coming. We celebrate His Passion and Resurrec-tion. We believe in life everlasting, together with the Father, Jesus and the Holy Spirit, together with Mary, amidst all the angels and saints in heaven.

Bible Quiz Answers:

Mark 16:1-7 – Mary Magdalene, Mary, Mother of James, and SalomeActs 3:1-10 – The ability to walk.Luke 24:13-35 – “And it happened that, while he was with them at table, he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them. With that their eyes were opened and they recognized him...”John 21:1-14 – “Jesus said to them, ‘Children, have you caught any-thing to eat?’ They answered him, ‘No.’ So he said to them, ‘Cast the net over the right side of the boat and you will find something.’ So they cast it, and were not able to pull it in because of the number of fish. So the disciple whom Jesus loved said to Peter, ‘It is the Lord.’”John 20:19-31 – “Peace be with you.”Luke 1:26-38 – “Hail, full of grace! The Lord is with you.”John 3:31-36 – Eternal life1 John 2:1-5 – When “we keep his commandments.”1 Peter 5:5-14 – HumilityJohn 15:1-8 – “Jesus said to his disciples... if you remain in me and my words remain in you, ask for whatever you want and it will be done for you.”

Be one of our contributing writers! Kayo ba ay may nais ikwento o ibahagi sa ating mga parishion-ers? O di kaya’y mga kuhang larawan na may kaakibat na mga makabuluhang kwentong sumasalamin sa ating buhay bilang mga

Katoliko at bilang bahagi ng ating parokya?

Halina’t makibahagi sa pamamagitan ng ating official newsletter at maging isa sa mga manunulat sa CARMEL light. Ipadala po ang inyong article o kwento

sa [email protected].

Maraming salamat po and we hope to see you in our next issue!

“And to dust you shall return...”Ash Wednesday marks the start of

the Lenten Season Palm Sunday starts the Holy Week Parishioners join the procession

Senakulo 2018. Jesus receives the crown of thorns Fr. Chris washes the foot of the 12 apostles The Blessed Sacrament at the

Altar of ReposeParishioners join the solemn burial

procession

Veneration of the Holy Cross

Fr. Larry blesses the Paschal Candle

One of the catechumens receives the Sacrament of Baptism as part of the Easter

Eucharistic Celebration

The lighted candle symbolizes Jesus as the Light of the World

Page 16: CARMEL light - ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2018/07/CL_June2018... · CARMEL light 3 (continued to page 7) lam na natin na ang paraan

CARMEL light

16

With excitement and hope, overcoming the al-most payday Friday fatigue and the still relatively cold morning, some 600 pilgrims trooped to the Our Lady of Mount Carmel Parish Church on March 17, 2018 for the Lakbay Simbahan, loaded in ten buses all.

The destinations are Our Lady of Light (Cainta), St. Clement (Angono), St. Ursula (Binangonan), St. Jerome (Morong), St. Joseph (Baras), San Ildefonso de Toledo (Tanay), and St. Mary Magdalene (Pililia).

The 7 churches are at least 200 years old. St. Mary Magdalene is already 465 years old, its ceil-ing adorned with life-like mural paintings, so is St. Clem-ent, both miniature versions of Sistine Chapel in Vatican. Some churches have chandeliers hanging and dazzling like stars in heavens, and sprawling yards and massive foundations and walls befitting of ancient castles. Indeed, Catholic churches of the Philippines are some of the most beautiful pieces of architecture and art in the country.

In all the churches, the pilgrims offered a dedicated prayer. In some churches, the pilgrims had to walk about 200 to 300 meters under the burning heat of the sun to reach the church, quite a sacrifice especially for the elderly pilgrims. But they braved it rather cleverly, riding in a tricycle.

At St. Ursula, located in a hill, the pilgrims took the stairs to go up to the church (right photo), recalling a clas-sic scene of early pilgrimages. Why do millions of Catho-

lics worldwide join in a Visita Iglesia year in and year out?

Tayong lahat ay mga manlalakbay lamang sa mundong ibabaw. Hindi tayo sa mundo, sapagkat ang lu-mikha sa atin, ang Panginoon, ay hindi sa mundo, kun-di sa langit. But how to get there? Is it enough to visit at least 7 churches every Lent in our lifetime to get there?

Amid the happy frenzy of selfies, groufies, food, and souvenirs, if we don’t lose focus of the spiritual purpose of Vis-ita Iglesia, a pilgrimage can be a way to eternal life in heaven.

Pagtanggi sa lahat ng karangyaan at kaginha-waan sa mundo upang makamit ang nagbibigay-buhay na kamatayan - ito ang buod ng mensahe ng pilgrimage at ng Semana Santa. Kaya mo bang gawin ito? (George Arceno)

Lakbay Simbahan 2018

Our Lady of Light Church, Cainta St. Clement Parish Church, Angono St. Ursula Parish Church, Binangonan St. Jerome Parish Church, Morong

St. Joseph Parish Church, Baras San Ildefonso de Tolentino Parish Church, Tanay St. Mary Magdalene Parish Church, Pililla Frs. Larry & Tiktok celebrated Mass at the last Church