8
Issue No. 1 The Official Newsletter of Dupont Pioneer Philippines February 2016 Binhi Kabuhayan ng

Binhi ng Kabuhayan February Issue

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Issue No. 1

The Official Newsletter of Dupont Pioneer Philippines

February 2016

Binhi Kabuhayanng

Page 2: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Mensahe mula sa DuPont Pioneer

Ngayong 2016 ay ipinagdiriwang ng Dupont Pioneer Philippinesang ikaapat na dekada nitong matagumpay na operasyon sa bansa.

Iba’t ibang kaalaman at karanasan na ang aming natutunan sa loob ng mga taong ito na siyang nagpatibay sa amin sa industriya. Nananatili rin kaming matatag at nangunguna sa merkado sa kabila man ng mga hamon at mga pagbabagong maaring dumating.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, nagawa naming abutin ang buhay ng libu-libong magsasakang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay namin ng mga dekalidad na binhi at teknolohiya sa nakalipas na mahabang panahon. Bahagi ito ng aming layunin na patuloy na makatulong sa kanilang pag-unlad at gawing produktibo ang kanilang ani sa abot ng aming makakaya.

Ang paglabas ng aming unang isyu ngayong 2016 ay marka ng pagpasok namin sa panibago na namang dekada. Samahan niyo kami na ipagpatuloy ang aming na-simulan sapagkat hindi namin mararating ang apat-na-pung taon kung hindi dahil sa suporta at tiwala niyo sa amin mula noon.

Lubos namin kayong pinasasalamatan sa walang sawang pagtangkilik!

Bryan RiveraCountry Business ManagerDupont Pioneer Philippines

Binhi Kabuhayanng

Editor:Happy Flores

Associate Editor:Kyla Hannah Salvador

Contributors:Sandy CastroMike Fernando

Michael Adrian ManzaJane Camille Almasin

Janessa Berame-Palaming

Cover Design, Illustration and Layout:

Janessa Berame-Palaming

DuPont Pioneer Philippines8th Floor iSquare Building, 15 Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City 1605Email: [email protected]: 0917 592 0040www.pioneer.com

ALAM NIYO BA?

PIONEER HIGHLIGHT

TraitYieldGard corn borer protection plus Roundup Ready weed control

Recommended Areas Luzon Central Plains

Potential Yield 13 MT/ha.

Maturity 90-95 DAP

Spacing 70 x 19-20 cm.

TraitYieldGard corn borer protection + Herculex® + Roundup Ready weed control

Recommended Areas

Cagayan Valley, Cordllera,Ilocos, Central Luzon,Bicol, CALABARZON, Occ. Mindoro

Potential Yield 12 MT/ha.

Maturity 113-118 DAP

Spacing 70 x 20-21 cm.

TraitYieldGard corn borer protec-tion plus Roundup Ready weed control

Recommended Areas

Entire Luzon andVisayas

Potential Yield 14 MT/ha.

Maturity 116-118 DAP

Spacing 70 x 20-21 cm.

Trait YieldGard corn borer protection plus Roundup Ready weed control

Recommended Areas

Mindanao high elevation (>300m ASL); Mindanao Medium Elevation

Potential Yield 13 MT/ha.

Maturity 115-120 DAP

Spacing 70 x 20-21 cm.

®YieldGard and the YieldGard Corn Borer designare trademarks used under license fromMonsanto company.

®Registered trademarks used under licensefrom Monsanto company.

Tampok na mga produkto sa Luzon at Visayas

Tampok na mga produkto sa Mindanao

Trait

YieldGard corn borer protection + Herculex® + Roundup Ready weed control

Recommended Areas

Mindanao Lowelevation(<300m ASL)

Potential Yield 12 MT/ha.

Maturity 113-118 DAP

Spacing 70 x 20-21 cm.

TraitYieldGard corn borer protection plus Round-up Ready weed control

Recommended Areas

Mindanao highelevation(>300m ASL)

Potential Yield 14 MT/ha.

Maturity 110-120 DAP

Alam niyo ba na ang Pioneer Hi-Bred Philippines ay nagsimulang mag-develop ng hybrid corn seed sa bansa noong 1976 at nakapag-labas na ng mahigit 60 na hybrid products simula pa noon?

Patuloy pa itong madadagdagan ngayong 2016 sa pagpasok ng mga bagong produkto tulad ng P4124R, P4124YR, P2895YR, at P3774YHR.

Page 3: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Mga hakbang sa pangangasiwa ng maisan tuwing El Nino Ni Sandy Castro, District Agronomist

Trait YieldGard corn borer protection plus Roundup Ready weed control

Recommended Areas

Mindanao high elevation (>300m ASL); Mindanao Medium Elevation

Potential Yield 13 MT/ha.

Maturity 115-120 DAP

Spacing 70 x 20-21 cm.

TraitYieldGard corn borer protection plus Round-up Ready weed control

Recommended Areas

Mindanao highelevation(>300m ASL)

Potential Yield 14 MT/ha.

Maturity 110-120 DAP

Ayon sa mga eksperto, nagbabadyang mana-tili ang tagtuyot o El Niño sa bansa hanggang buwan ng Mayo ngayong taon.

Ito ay isang malaking hamon para sa mga magsasaka dahil maaring bumaba ang ani dulot ng malaking kakulangan sa tubig. Ngunit posibleng maiwasan ito kung gagawa ng mga hakbang na makakatulong upang labanan ang negatibong epekto ng El Niño.

Narito ang ilang mga gabay upang mapa-ngasiwaan ang inyong maisan sa gitna ng tagtuyot.

1. Pagpili ng BinhiPiliin ang mga binhi na may early to medium maturity dahil hindi ito gumagamit ng mara-ming patubig hindi katulad ng mga full matu-ring hybrids. Halimbawa ng early to medium maturing na hybrid ay P2895YR, P3774YR at P4097YR.

2. Paghahanda sa LupaHuwag suyurin ang bukid pagkatapos ng pag-aani. Rekomendadong magkaroon ng fallow period upang maalagaan ang moisture ng lupa na tumutulong sa pagsibol matapos ng pagtatanim.

3. Pagtatanima.) Siguraduhing itanim lamang ang reko-mendadong plant population per hectare (PPH) na makikita sa seed tag.b.) Ang paglalagay ng basal na abono ay makakapagtibay at mapapaghanda ang mga tanim laban sa tagtuyot.c.) Kapag hindi sapat ang moisture sa lupa, ang pagdagdag ng organic na abono habang naglalagay ng basal na abono ay tumutulong upang mapabilis ang pagsibol ng mga binhi.

4. Pangangasiwa sa mga Damoa.) Kontrolin ang mga damo sa unang 40 araw ng paglaki ng mga mais upang hindi makiagaw sa araw, sustansya at tubig na dapat ay napupunta sa mga tanim.b.) Mabisang mag spray ng glyphosate her-bicide 12-15 DAP o kaya ay kapag 1-2 inches na ang taas ng mga damo.c.) Ang pag-ispray sa 35-40 DAP ay opsyonal depende sa dami ng mga damo.

5. Tamang patubig o Irrigationa.) Kapag may malapit na pagkukuhanan ng tubig sa inyong lugar tulad ng ilog, nararapat na patubigan kaagad ang bukid sa lalong ma-daling panahon.

b.) Ang kakulangan ng tubig habang nasa kritikal na yugto ng pagtubo ay mapanganib sa mga mais. Ang mga sumusunod ay ang mga kritikal na yugto kung saan mahalaga ang pagpapatubig.

0-1 day after planting- Upang masigurong pare-parehas na mag-germinate ang nga binhi.

25-30 days after planting- Para sa mas mainam na pagsipsip ng mga nutrients at pag-develop ng mga tassels/ear.

15-20 days after planting- Para sa mabilis na pagtubo ng mga halaman.

45-55 days after planting- Para suportahan ang tassel at ang mga ears at magkaroon ng tamang pollination.

65- 80 days after planting- Para sa mas siksik na mga butil.

Ang pagsunod sa mga gabay na ito tuwing tag-tuyot o El Nino ay makakatulong upang magka-roon ng maganda at mataas na ani ngayongtaniman.

Page 4: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Tamang Pamamahalasa mga

Ni Mike Fernando, District Agronomist

TALAKITIK!

Ano ang Talakitik?

Ang Stenocranus Pacificus o mas kilala bilang Talakitik o Waya-Waya ay isa sa mga pangunahing pesteng namiminsala sa maisan tuwing tag-init o taniman ng Nobyembre hanggang Pebrero. Mayroon itong dalawang paraan ng paninira. Una, ang talakitik ay direk-tang kumakain at naninipsip sa halamang mais at nagdudulot ng matin-ding pangingitim at panunuyo sa dahon kapag di naagapang puksain. Pangalawa, ang talakitik ay isa sa naglilipat ng mikrobyo sa halamang mais at nagdudulot ng pagkabansota nito na nagiging dahilan ng maba-bang ani ng ating magsasaka.

Gaano kalaki ang pinsala at pagkawala ng ani dahil sa talakitik?

Ang halaman ay tumitigil sa paglaki (stunting) dulot ng pagkawala ng sustansiyang nasipsip sa halaman. Ang mga dahon ay natutuyuan, na-ngingitim at maaring pagsimulan ng sakit sa iba pang dahon ng mais. Ang mga tinamaang halaman ay nagiging baluktot at nagbu-bunga ng maliliit na butil. Dahil dito, tinatantiyang mabawasan ang inaasahang ani ng mahigit 10% hanggang 50%, depende kung kailan tumama ang peste sa halamang mais.

Paano Sugpuin ang Pesteng talakitik? Sa Pagtatanim

Isa sa mga solusyon para mabawasan ang pinsala ng talakitik ay pag-sunod sa tamang plant spacing. Sa pagtatanim ng mais, mag-apply ng Furadan 3G (16.7Kg per ha) sa lupa at gumamit ng binhing protektado ng EarlyShield (Lahat ng hybrids ng Pioneer ay mayroon ng EarlyShield Seed Treatment). Sabayan ito nang paglagay ng apat na “yellow pan traps” na may tubig at sabon kada ektarya kung kinakailangan.

Mula Pagsibol hanggang lumabas ang mga Tassel

Mag-ispray sa ika-10 araw pagkatanim kapag may nakita na kayong mga talakitik sa bukid. Siguraduhin na ito ay tatama sa talbos, ilalim, at sa palibot ng tangkay ng mais. Gamitan din ng 40ml ng Golden Pest Spray oil kada 16 litro ng tinimplang pamatay peste kasabay ng kahit alin sa mga sumusunod: Thiamethoxam, Carbaryl, Cypermethrin, Deltamethrin, Chlorpyrifos, Methomyl.

Sa Pag-aani

Sunugin at araruhin ang mga halaman. Magsanay na ipahinga (fallow pe-riod) ang maisan ng 2 buwan pagka ani upang mamatay ang natitirang mga talakitik sa mga basyo ng mais at sa bukirin.

Ugaliing sundin ang mga rekomendasyon sa itaas mula pagtatanim hanggang pag-ani upang maiwasan ang mga pesteng talakitik sa inyong maisan at magkaroon ng masiglang ani.

Patuloy na bumili ng Pioneer hybrid corn seeds dahil ang bawat bu-til nito ay may EarlyShield Seed Treatment na tumutulong labanan ang mga sakit, insekto at pamumulok sa inyong pananim.

Page 5: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Tamang Pamamahalasa mga

Ni Michael Adrian Manza,District Agronomist

WallabyEar Disease

Ano ang Wallaby Ear Disease?

Ang Wallaby Ear Disease ay isang uri ng sakit sa maisan kung saan ang halaman ay nakakaranas ng matinding pagkabansot at pagbi-lot ng mga dahon. Madalas na nararanasan ito sa ikalawang pag-tatanim ng mais lalo na sa tag-araw. Ang mga dahon na tinamaan nito ay kadalasang umiiksi at nagiging dark green habang ang ugat naman o “veins” ay bumabakat sa dahon. Kung maapektuhan ang inyong maisan ng sakit na ito, asahan ang malaking kabawasan sa potensyal na ani depende sa antas ng tama ng sakit sa halaman. Maaring walang butil na maani sa mga halamang apektado ng Wal-laby lalo na kung ang halaman ay hanggang tuhod o bewang lamang ang tangkad nang dahil sa pagkabansot.

Ano ang sanhi?

Ang ilang uri ng mga leafhoppers (C. Bimaculata) ang nagdadala ng toxins na nagdudulot ng sakit na ito. Ang mga toxins na ito ay nalilipat sa halaman tuwing sinisipsip ng insekto ang katas ng mais kaya ang mga dahon ay hindi normal ang tubo.

Paano ito mapupuksa?

Ang pagpuksa sa mga hoppers o kulisap ang isa sa mga solusyon para makontrol ang sakit na ito. Makakatulong na gumamit ng in-secticide para puksain ang mga hoppers at makakatulong din kapag nakontrol ang mga damo sa maisan.

Ang mga mais na hindi gaanong tinamaan ng sakit ay maari pang ma-recover lalo na kung agad na mapupuksa ang mga kulisap.

Samantalang ang mga halamang nabansot na ng husto ay mahihi-rapan ng maisalba dahil ito ay namulaklak na. Maagang proteksyon ang pinakamagandang solusyon laban sa sakit na ito.

Ang pagtatanim ng Pioneer Hybrid Corn Seeds ay makakatulong upang maiwasan ang Wallaby Ear habang ito ay bata pa dahil ang bawat butil ng Pioneer ay protektakdo ng EarlyShield Technology. Makakabuti na regular na bisitahinang maisan upang maagapan ang pamemeste ng hoppers. Maaring bumalik ang mga peste matapos mag-spray ng insecticide lalo na kung may katabing ibang maisan o damuhan ang inyong bukid.

Alam niyo ba na ang Wallaby ay isang uri ng ha-yop na kasama ng kangaroo sa pamilya ng mga hayop na kung tawagin ay Macropods? Ang Macropods ay hango sa salitang Greek na ang ibigsabihin ay “large foot” o malaki ang paa. Ito ay mas maliit sa mga kangaroo at kumakain ng mga dahon ng halaman. Ang dahon ng mais na may Wallaby Ear disease ay maihahalintulad sa tenga ng isang Wallaby.

TRIVIA:

Page 6: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Pioneer feature story: How a public school teacher engaged in corn production

By: Stephen Paglomutan, Pioneer Extension Partner (PEP)

In 2006, I planted 3 hectares of a fast grow-ing tree named Falcatta tree. After the trees have grown, I thought of planting again. But this time, I was encouraged to venture into corn planting because that’s what I al-ways see in my neighbors crop. I was hesi-tant at first to pursue my desire because I have never planted corn before. But I still planted the crop even though I have no idea in proper corn production. I bought a na-tive variety called sigue-sigue and planted it through traditional method. When I har-vested my first crop of corn, my income was lower than what I expected. I realized that the reasons of a lower yield were the variety I planted and the method I used.

So I chose to change the corn variety from sigue-sigue to hybrid corn. Upon buying hy-brid seeds from a store, I was able to en-counter a district manager from Pioneer. I approached him and told him about some problems I encountered from my first ex-perience of planting corn. He answered all my questions and we discussed further on proper corn production and management.

Aside from Pioneer Hybrid Corn Seeds, I also bought one variety from another brand so I can compare the yield of the two. After 50 days of planting, the difference began to show. The characteristics of Pioneer seeds such as the silk, tassel and height are very different from the other brand. Many people also noticed this and was amazed with the outcome. This was the first time they wit-nessed an excellent quality of hybrid corn in our area with zero tillage field and a good manifestation of high shelling recovery.

It was at that time when I started belie-ving that the potential yield of Pioneer Hybrid Corn Seeds will reach up to 11 tons or more.

Mayroon din ba kayong gustong ibahagi na kwento patungkol sa inyong karanasan ng pagtatanim ng Pioneer Hybrid Seeds? Ipadala ang inyong mga kwento at contact details sa [email protected] at maaring kayo na ang aming susunod na mai-feature!

I’m inviting other corn farmers too to plant Pioneer Hybrid Corn Seeds for bigger income and productivity. Let’s forget our traditional way of planting corn and follow the Pioneer way of farming. The Pioneer Hybrid Corn Seeds is a technology that truly yields.

“Tiyak na may aanihin kang malaki at giginhawa ang iyong buhay dahil talagang subok na ang Pioneer sa mahabang panahon!”

Page 7: Binhi ng Kabuhayan February Issue

Ma. Luisa Amansec: Instant

Promo!

PioneersaMilyonaryo

Mais PanaloNi Kyla Hannah Salvador, Marketing Assistant

Mula sa libu-libong naghulog ng entries sa Pioneer P1 Million Mais Panalo Promo sa buong Pilipinas, makikilala na natin ang maswerteng mag-uuwi ng P1,000,000.00 mula sa grand draw na ginanap noong January 14, 2016 sa Pioneer Tarlac Plant.

Si Maria Luisa Amansec, 49 years old, mula sa Lanao Del Sur ay simpleng magsasaka lamang na ngayon ay big time na matapos mapanalunan ang P1,000,000 sa promo ng Pioneer. Ayon sa kanya, ito na ang pinakamalaking biyaya mula sa mahigit 30 taon niyang pagsasaka ng mais.

Limang ektaryang lupain ang pagmamay-ari ni Aling Luisa na siyang tinataniman niya ng mais at palay upang may pagkakitaan. Nakaugalian ni Aling Luisa na magtanim ng dalawang magkaibang variety tuwing taniman upang mapagkumpara niya ang kalalabasan nito. Sa mahigit 20 taon ni-yang paggamit ng Pioneer Hybrid Corn Seeds ay hindi siya binigo nito dahil palaging mataas ang kaniyang ani.

Hindi inakala ni Aling Luisa na ang pagbili niya ng 8 bags ng P3645YR a makakapag-panalo sa kanya ng isang milyon.

“Hindi ako makapaniwala noong unang sinabi sa akin na nanalo ako ng isang milyon dahil akala ko ay niloloko lang ako pero totoo pala talaga!,” kwento ni Aling Luisa.

Ayon kay Aling Luisa, nahikayat siya na sumali sa Pioneer P1 Million Mais Panalo Promo mula noong nalaman niya na ang kanyang kapitbahay ay nanalo rin ng halagang P100,000 mula naman sa scratch-and–win promo.

Balak niyang gamitin ang kanyang napanalunang pera mula sa Pioneer upang mapalawak ang kanyang lupain. Lubos din siyang nagpapasalamat dahil hindi na niya kailangang umutang pa para sa kanyang pagbubukid hindi katulad ng nakaugalian niya dati.

“Salamat talaga sa Pioneer. Kayo ang nag-bibigay sa akin ng swerte. Noon pa man nang nagsimula akong gumamit ng inyong binhi ay ma-swerte na talaga ako dahil mataas ang aking ani sa inyong produkto. Lalo pa akong pinalad ng manalo ako ng isang milyon. Wala na akong balak bumitaw pa!” pagtatapos ni Aling Luisa.

Bukod kay Aling Luisa, marami na ang nanalo mula sa Pio-neer P1 Million Mais Panalo Promo mula nang magsimula ito noong buwan ng Agosto. Sa pagtatapos ng promong ito, nais naming pasalamatan ang lahat ng bumili at sumali sa aming programa. Nawa’y nakatulong kami sa inyong pag-unlad at inaasahan namin ang patuloy niyong pagtitiwala sa amin sa mga susunod pang taon.

Raffle Draw Winners of P100,000North Luzon (Four winners) Central Plains and Visayas Mindanao (Three winners)

1. SEGUNDO CELIZ– Cuartero, Capiz2. DOLORES DOMANTAY- San Carlos,

Pangasinan3. EVELYN TERRENAL– Sablayan, O. Mindoro

1. JILEN TACTACON- Wao, Lanao Del Sur2. NERRY PENUELA- Bagumbayan, S. Kudarat

3. JOAN DONATO- Banga, South Cotabao

1. LORNA D. ALEGADO– Cabagan, Isabela2. FELIMON ABAD– Iguig, Cagayan3. JOHN ABUAN– Aurora, Isabela

4. ALLAN MACADANGDANG- Alfonso Lista, Ifugao

Page 8: Binhi ng Kabuhayan February Issue

The Farming Adventures of

Siya si Juan. Kain, tulog, ang kanyang nakagawian. Sa kau-galiang Pinoy, mas kilala siyang “Juan Tamad”.

Sa pagtulog ni Juan, napana-ginipan niya ang pagsasaka at pagbubukid...

Artwork by: Janessa Berame- Palaming Story by: Jane Camille Almasin, Marketing Communication Specialist

Abangan ang susunod na kabanata....

Siguradong Taas Ani at Taas Kita! Mula sa Juan Tamad, akoy magiging

“Juan Mayaman!”

Sherwin Wagas

Randy Sambo Anthony Federis Stephen Paglomutan Alex Yere Jojo Orpilla

Datuan Alfonso Danilo Lauson Lorenzo Francisco Edwin Mora“Sa Pioneer, sigurado panalo ka na sa harvest pa lang!. Ilang taon na akong gumagamit ng Pioneer, eto

na ang pinakamagandang bonus na natanggap ng katulad ko na maliit

na farmer lang!”

“Gumamit na tayo ng Pioneer, kay sigurado malaki

ang harvest, malaki ang kita, at good quality pagdat-

ing sa delivery!”

“Ipapagawa po namin yung aming bahay kasi ‘pag may bagyo

natatakot po kami, ‘pag malakas ang hangin. Kaya nagpapasalamat

po talaga ako sa Pioneer na nabigyan po ako ng P100,000.”

“Tuwang-tuwa ako dahilmalaking biyaya ito sa

Maykapal. May pambili na ako ng aking pangarap na tractor upang matulungan ako sa aking pagtatanim.”

“Salamat talaga sa Pioneer dahil nanalo ako! Plano kong bumili ng sariling corn thresher sa perang ito at dagdag na ring pambayad ng matrikula ng aking dalawang

anak sa kolehiyo!”

“Syempre masaya ako dahil nanalo ako at may pandagdag

capital na rin sa bukid! Malaking bagay dahil may pandagdag pansanla para

lumawak pa ang aking taniman.”

“Malaking tulong angganitong promo ng Pioneer sa aming mga magsasaka at sa aking pamilya. Gagamitin ko itong napanalunan ko sa sari-

sari store ng aking misis!”

“Maraming salamat talaga sa Pioneer. Dahil dito, may sarili na akong panggastos sa aking

taniman at hindi na ako mangungutang tulad ng dati.”

“Maraming salamat talaga Pioneer! Talagang subok na sa panahon, tiyak na may aanihin ka na malaki, giginhawa ang buhay at tiyak na magiging

daan para kumita ng malaki”

“Malaking tulong sa akin to dahil di na ako mangungutang at

mapapalaki ko ang aking pagta-taniman, pandagdag rin para sa pagaaral ng aking mga anak!”

Payong TXTPIONEER CONTEST

Ngayong 2016, ilang taon ng pinagdiriwang ng Pioneer Philippines ang matagumpay nitong hybrid seed business sa bansa?

I-text ang tamang sagot sa TXTPioneer Hotline 0917-592-0040 kalakip ng inyong buong pangalan at kompletong address. Ang mabubunot mula sa naunang sampung texters ay makakatanggap ng exciting giveaways mula sa Pioneer!

Aha! Maaari ko nangbaguhin ang pagigingtamad! Ngayong panahonng taniman ng mais at palay, ako ay magsa-saka!

Narito na ang mga sure winners ng P100,000 sa Pioneer P1MILLION Mais Panalo Promo (Scratch and Win)