12

Book about STI 2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Book about STI 2
Page 2: Book about STI 2

Credits Don’t read

with a full

stomach.

WARNING

Page 3: Book about STI 2

Masarap ba?

Ano ba ang feeling pagkatapos makipag-sex?

Bakit ba ito sinusubukan

ng mga kabataan?

• Kasi curious ako.

• Kasi love ko siya.

• Kasi nadala na kami sa init ng moment.

Page 4: Book about STI 2

Sexually transmitted infections:

Mga sakit na puwedeng makuha sa pakikipag-sex sa isang taong may dala-dalang virus o bacteria.

Mataas ang tsansang magka-STI ang mga kabataang:

• Maagang nakipag-sex• Maraming ka-partner• Nakikipag-sex nang walang

gamit na proteksyon

Ano ang puwedeng ending?

• May STI

• Buntis

Page 5: Book about STI 2

Nagpaparamdam nang 2-7 araw pagkatapos makipagsex nang walang proteksyon sa isang taong may gonorrhea.

• Puwedeng walang sintomas.

• Masakit umihi.• May tumutulo sa ari na

malapot at madilaw.

Gonorrhea o Tulo

Sanhi: Bacteria na Neisseria gonorrhoeae

Ganoon din sa babae. Masakit umihi at may lumalabas na malapot-lapot at manila-nilaw na likido. Dinudugo kahit walang regla.

Maaaring lumala kapag hindi nagpakonsulta sa doctor. Nakakabaog!

Page 6: Book about STI 2

Nagpaparamdam nang 1-3 linggo pagkatapos makipagsex nang walang proteksyon sa isang taong may Chlamydia.

Madalas walang sintomas sa mga lalaki.

Kung meron man, masakit umihi at parang may kaunting pamamaga sa ari.

Ganoon din sa mga babae. Halos walang sintomas ang

Chlamydia

Sanhi: Chlamydia Trachomitis Bacteria

Chlamydia. Kung meron man, masakit ring umihi, lalung-lalo na kung makikipagsex. Dinudugo rin kahit wala pang regla.

Maaaring lumala kapag hindi nagpakonsulta sa doctor at pabayaan lang nang hindi nagagamot. Maaaring lumipat sa ibang bahagi ng katawan tulad sa uterus, fallopian tube at pati na rin sa mga mata. Nakakabaog din kapag hindi naagapan.

Page 7: Book about STI 2

Nagpaparamdam nang may 10 araw-3 buwan pagkatapos mahawaan ng isang taong mayroon nang Syphilis.

Makakating pamamantal sa paligid ng ari na maaaring magsugat-sugat. Mula sa paligid ng ari, maaaring mapunta sa mata, labi, bibig o lalamunan.

Syphilis

Sanhi: Spirochete Bacteria

Lubhang nakakahawa at kapag hindi naagapan, puwedeng mauwi sa pamamanhid ng binti, pagkabulag at kamatayan.

Page 8: Book about STI 2

Nagpaparamdam nang 2 linggo - 3 buwan pagkatapos mahawaan ng isang taong mayroon nang genital warts.

Maputing bukol o kulugo sa ari o paligid nito. Hindi masakit pero puwedeng kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

Genital Warts (Kulugo)

Sanhi: Human Papilloma Virus (HPV)

Maaaring ma-kontrol ang pagkalat ng kulugo pero hindi ito nagagamot at tuluyang mawawala. Nirerekomanda ng mga doctor na magpabakuna ang mga babae laban sa HPV.

Page 9: Book about STI 2

Nagpaparamdam nang 2-20 araw pagkatapos makipagsex nang walang proteksyon sa isang taong mayroon nang genital herpes.

Hindi mahahalatang may herpes maliban na lang kung magsimulang lumabas ang mga pantal at sugat

Genital Herpes

Sanhi: Herpes Simplex Virus (HSV)

sa ari. Mahapdi ang mga ito at maaaring makaranas ng lagnat at sakit ng ulo. Nagagamot ang mga sugat pero ang virus ay hindi naaalis.

Page 10: Book about STI 2

May iba pang mga sakit tulad ng:

Trichomoniasis

Pubic lice

HIV na nauuwi sa AIDS

Para makaiwas sa STI:

- Huwang munang makipag-sex.

- Stick to one lang kung

makikipagrelasyon na.

- O kung di makapagpigil, gumamit

ng proteksyon.

Kapag nagka-STI:

- Magpa-check agad sa doctor.

- Huwag uminom o gumamit ng mga

gamot na hindi ipinayo ng doctor.

- Huwag pabayaan kung may

alinlangan o may nararamdaman.

Page 11: Book about STI 2

HINDI MASARAP

ANG BUHAYKUNG MAY

STI

Sources

Page 12: Book about STI 2