Brown Americanism

Embed Size (px)

DESCRIPTION

My Filipino wife's version of her new life in america

Citation preview

Sa Pilipinas ang ulam ko adobo,nilaga, inihaw, sinigang, prito, saka menudo.Sa gulay, bulanglang, gisado, minsan ginatan.Tinapay at siyempre hindi nawawala ang kanin.Para bang ikamamatay ng bawat pinoy ang hindi pagkain ng kanin.Kulang ang kain ko pag walang softdrinks sa mesa. As if dito nanggagaling ang aking enerhiya. Ang kape ko???????? BARAKO!!! Sa Batangas pa, eh, ang kape barako, pati mga tao. Prutas???????? ubas, mangga, lansones, chico, atis, melon at kung anu-ano pa. Sa kulay ng balat, ano pa nga ba eh di kulay ng tunay na Pilipina, kayumangging kaligatan. Kaya ang tawag sa akin ni John, "Brown Sugar." Sa taas, ito ang pinakamasaklap sa lahat, sumobra na nga ang kulay ng balat, kinulang pa sa height.Pero ok na din, baka kung tumaas baka hindi magustuhan ni John, eh di ba mas masaklap...ha ha ha Pinakamaitim at pinakamaliit sa pitong magkakapatid. O' hanggang height at kulay lang ng balat ha. Etsapwera na natin ang itsura at I'm sure magugulat ka.Alam ko sasabihin mo ampon ako, pero sabi ng magandang nanay ko pag tinatanong ko anak daw nya ako.Sige na nga payag na ako tutal Beauty Runs in Their Blood.. Pero mabalik tayo sa kulay ng balat, sabi ko kay John we are like coffee and cream, ako ang coffee, siya ang cream.Sabi nya di daw naman ako maitim kundi brown.Sabagay mas masarap pakinggan yung brown kesa maitim, eh di ba tayong mga pinoy dream natin maputing skin.Kaya nga mabenta sa atin yung mga lightening cream at kung anu-ano pang mga pampaputi ng skin. Pero pagdating sa America, naku! malaking adventure pala.Magugulat ka ang lalaki nila at siyempre ang puputi nila. Ang inyong bida, lalong tumingkad ang kulay as if hindi na brown sugar kundi kapeng barako na pag nakatabi sila.Pero habang tumatagal pumupusyaw ang aking kulay kase ba naman balot na balot araw- araw.Pag lumalabas ako ng bahay mukha lang ang nakalitaw.At madalas may taklob din ang ilong pag sobra ang ginaw, talo ko pa ang muslim sa Mindanao ha ha ha..At iyong dating brown sugar pwede ng tawaging washed sugar.Hindi pala lightening cream at papaya ang reresolba kundi weather sa America.. Ang hair ko na may bahid ng gray??? naku! 'Day, kulay talong na kase naman nilalagyan ko ng henna para naman maging "IN" sa kanila.Ang kapeng barako??? erased na sa utak ko.Brewed coffee na ang tawag dito, at hindi na coffeemate ang kamatch nito kundi half and half na ang gamit ko...Ang dating menudo, beef stew, nilagang baka, beef soup pala ang tawag dito. Three months na ako dito, at ang rice nakalimutan ko, patatas ang ipinalit ko kaya bilbil ko natakot, nilisan ang tagiliran ko.Ang coca cola na paborito ko, soda pop pala kung turingan nila dito. Ibang-iba pala talaga dito.Pati rubber shoes naging sneakers na, at iyong aparador ng damit ko, HEY!!! Walk In Closet na..Ang sosi di ba??? At meron pang pahabol ha, pati dila nila iba kung tumirada.Naku! mauutas ako sa katatawa..paano ba naman iba ang pronounciation nila, kaya pag nag uusap kami ni John hindi nawawala ang WHAT?????? WHAT???? WHERE??? WHERE??? eh kase naman iba ang letter "A" nila, slang na slang baga...Si Harry tawag nila heyrri, sarrah as in seyrrah.. half and half nagiging helf and helf.At ang salmon, tinanggal pa ang letter "L" kaya naging Samon na..Kaya mga tita, totoo pala ang chika sa atin di ba?? tawag nila sa pakpak iba... Ooooppppssss!!!! kapatid, huwag ganyan ha, alam ko ang naglalaro sa isip mo...bawal ibroadcast at lagot tayo niyan kay Juan niyan..ha ha ha... Minsan nag uusap kami ni John sabi sa akin punta daw kami Lenic city.Sabi ko, What???? Where??? inulit nya Lenic City talaga. Nang una nga pakinig ko Lintik City eh.Sa loob loob ko lang saan kaya ang Lintik City na ito...Nang makaalis siya tiningnan ko ang schedule na sinulat nya..GOD GRACIOUS!!!!! ATLANTIC CITY pala..kaya naman ang inyong bida nakiki Lenic City na...Mahirap maintindihan ng una pero ngayon nakakaadjust na.. Minsan tumawag ako sa sister ko sa Chicago, asked ko siya kung may multo dito. Reply niya sa akin, "Walang multo dito, GHOST ang naandito... GEEZ!!! ang sister kong mestiza, bukod sa slang na slang na, westernized na westernized na din pala..

At alam mo ba minsang isang araw, naglalakad ako papunta sa office ni John, isang kano nasalubong ko sa daan.Bigla kong namiss ang Pilipinas kase ba naman ang arrived nya walang ipinag iba sa pinoy, bagol na bagol ang amoy...Wish ko lang sana amoy Penny siya...