55
FIQH

BTEC Fiqh Level 0111

Embed Size (px)

DESCRIPTION

BTEC Fiqh Level 0111

Citation preview

Page 1: BTEC Fiqh Level 0111

FIQH

Page 2: BTEC Fiqh Level 0111
Page 3: BTEC Fiqh Level 0111

3

NILALAMANPahina

Aralin 1 Ang Pinagmulan ng Batas Islamiko 5

Ang Qur’an 6Ang Sunnah 8

Aralin 2

Ang Ijma’ 11Ang Qiyas 12

Aralin 3 Taharah 16

Ang Mga Uri ng Tubig 16Mga Kaugalian sa Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan 17Ang Istinja at Istijmar 17

Aralin 4

Ang Wudhu - Paghuhugas bago magsagawa ng Salah 20Ang Paghaplos ng Khuf o Medyas 24

Aralin 5

Ghusul (ang pagligo nang lubos) 26Tayammum 27

Aralin 6

Ang Adhan at Iqamah 29

Aralin 7

As-Salah – Pagdarasal 31Kondisyon ng Salah 32Ang mga Oras ng Salah (Pagdarasal) 33

Aralin 8

Ang mga Rukon ng Salah (Haligi ng Salah) 34Ang mga Wajib sa Salah 36

Page 4: BTEC Fiqh Level 0111

4

Ang Pinagkaiba ng Rukn at Wajib sa pagsasalah 37

Aralin 9

Ang Pamamaraan ng pagsasalah 38Ang mga Sunnah sa Salah 41Ang Sujod na as-Sahu 42

Aralin 10

Ang mga magagandang asal sa paglalakad patungo sa Salah at paghihintay nito 43

Ang mga kilos na makruh – hindi kanais-nais sa pagsasalah 44Ang Salatul Jama’ah – Pangmaramihang Dasal 44

Aralin 11

Ang Batas sa Pag-iimam – Pamumuno sa Pagsasalah 47

Ang Batas sa Paghahabol sa Salah kapag nahuli ka sa pagdating 50

Aralin 12

Ang mga dahilan kung kailan katanggap-tanggap ang pagliban sa pagsasalah sa jama’ah at jum’ah 51

Ang Salah at-Tatawwo – Sunnah na hindi obligado 53Ang mga Sandali na ipinagbabawal magsagawa ng Salah 55

Page 5: BTEC Fiqh Level 0111

5

ArALIN – 1

Ang PInAgmulAn ng BATAs IslAmIko

Ang Batas Islamiko ay nakabatay sa dalawang pangunahing mga pinagkukunan ng banal na kapahayagan: ang Qur’an na kumakatawan sa tuwirang salita ng Diyos sa tao, at ang Sunnah na maaaring tawagin na di-tuwirang salita ng Diyos. Ang Allah ay nagwika sa banal na Qur’an na may kinalaman sa mga pangungusap ni Propeta Muhammad .

يوح يهوى إني هو إلا وحي وما ينطق عن ال”Siya (Muhammad) ay hindi nagsasalita mula sa sarili niyang kagustuhan.

Ito ay walang iba maliban sa kapahayagan na ibinaba sa kanya.“ Surah an-Najm 53:3-4

Ang mga batas na napapaloob sa dalawang pinagkunan na ito ay mga pangunahing mga batas na hindi maaaring mabago kahit kailanman. Subali’t, sa pag-unawa at sa paggamit ng mga batas na ito, ang pampangalawa na mga pinagkunan ay sumibol. Ang pinakamahalaga sa mga ito sa pag-aaral ng Fiqh ay ang Ijma, ang mga pananaw na pinagkasunduan, at Qiyas, ang pagbibigay katuwiran sa pamamahala sa pamamagitan ng paghahambing.

Pamamaraan

Kung nais nating malaman kung papaano natin dapat pamahalaan ang isang bansa, o kung paano natin dapat husgahan ang mga kriminal, gayundin sa pag-aayos nang mga alitan sa pagitan ng mga tao, o kahit na ang pagpapatakbo ng ating sariling pamilya, dapat muna nating tingan ang Qur’an, para malaman kung ano ang sinasabi ng Allah tungkol sa mga ito. Kung hindi tayo nakakita nang sapat na kasagutan mula sa Qur’an, tingnan naman natin ang Sunnah upang makita kung ano ang ginawa o sinabi ng Propetar na may kaugnayan sa paksa. Kung hindi pa rin natin makita kung ano ang hinahanap natin, titingnan naman natin kung anong mga puntos ng batas ang pinagkasunduan ng mga Sahaba (Kasamahan ng Propetar). Ang palibot nang pinagkasunduang ito ay tinatawag na Ijma’. Kapag natapos ito, at hindi pa rin natin makita ang hinahanap natin, tayo ay

Page 6: BTEC Fiqh Level 0111

6

binibigyan na nang pahintulot upang gumamit ng ating sariling katuwiran upang makapagpasiya. Ang pagpapasiya na ito ay kinakailangan na may

patunay mula sa Qur’an, Sunnah at Ijma, at kapag ganito, ito ay tinatawag na Qiyas.

Ang QuR’An

Ang Qur’an ay ang salita ng Allah kung papaano Niya ito inihayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammadr, na patula sa wikang Arabik, na ang pagbigkas nito ay ginagamit sa Salah at iba pang uri nang pagsamba, at ang pinakamaliit na kabanata nito ay isang himala na maituturing.

Ang Himala ng Qur’an

1. Hinamon ng Allah mula sa Qur’an ang mga Arabo, pati na rin ang sangkatauhan, winika sa kanila:

ي بسورة من مثيله توايا ع عبيدنا فأ لي ا نزا إون كنتمي ف رييب مما

”Kung kayo ay may pag-aalinlangan tungkol sa kung alin ang inihayag Namin sa Aming alipin, maglahad ng isang Kabanata na kahalintulad

nito...“ Surah al-Baqarah 2:23

Alam nating lahat na ang pinakamaikling kabanata sa Qur’an ay ang Surah al-Kawthar na mayroon lamang tatlong maiikling mga talata, gayunpaman, ang mga Arabo noong panahon na ang Qur’an ay inihayag ay hindi nakagawa ng isang kahalintulad nito.

2. Ang Qur’an ay naglalaman nang mga tiyak na siyentipikong katotohanan na hindi pa nalalaman noong mga panahong yaon. Halimbawa, winika ng Allah na ang dibdib ng isang di-mananampalataya ay nagsisikip na katulad nang isang umaakyat pataas patungo ng langit.

ماء د ف السا عا ناما يصاره ضيقا حرجا كأ ن يضلاه ييعلي صدي

ومن يردي أ

”...Sinuman ang Kanyang hayaan na maligaw, pinagsisikip Niya ang kanyang dibdib at sinisiksik na katulad ng isang papaakyat sa langit...“

Surah al-’An’am 6:125

Page 7: BTEC Fiqh Level 0111

7

Kailan lamang natuklasan ng tao na habang tumataas sa himpapawid ang kanyang nararating, mas kakaunting oxygen ang nananatili. Kaya’t kapag ang isa ay umakyat sa mataas na lugar, siya ay nahihirapan sa kanyang paghinga at ang kanyang dibdib ay nakararamdam na parang nagsisikip dahil sa kakulangan ng oxygen. Binanggit din ng Allah sa Qur’an ang tungkol sa pagkilos ng araw at ng buwan:

بحون ميس واليقمر ك ف فلك يسي ي خلق اللاييل والاهار والشا وهو الا”At Siya ang lumikha ng gabi at araw, ang araw at ang buwan, ang lahat

ng mga ito umiinog na lumulutang sa kalawakan.“ Surah al-’Anbiya’ 21:33

Ang tao, ilang taon lamang ang nakalilipas, ay natuklasan na ang buwan ay umiikot sa palibot ng mundo. At tungkol naman sa Araw, kanila ngayong tinatanggap na ito ay umiikot sa loob ng Milky Way Galaxy na maituturing din na kumikilos sa kalawakan. Gayunpaman, hindi pa nila natitiyak ang eksaktong larawan nang pagkilos nito. Ang iba ay iniisip na ito ay patuwid samantala ang iba naman iniisip na ito ay paikot. Maraming pang mga hindi mabilang na mga siyentipikong katotohanan ang nabanggit sa Qur’an na lubusang hindi pa nalalaman sa nakalipas na 1,400. Pinatutunayang ito ay nagmumula lamang sa Tagapaglikha.

3. Ginawa rin ng Allah na madaling maisaulo ang Qur’an. Ganoon kadali na milyun-milyong mga Muslim ang nakasaulo nito magmula nang ito ay inihayag.

4. Pinangalagaan din ng Allah ang Qur’an mula sa anumang mga pagbabago. Magmula noong ito ay inihayag hanggang sa ngayon, ito ay nanatiling dalisay. Nangako ang Allah sa Qur’an noong panahon na ito ay inihayag na pangangalagaan Niya mula sa anumang pagbabago:

ر إوناا ل لافظون ا الكي لي إناا نين نزا”Katiyakan na Kami ang nagpahayag ng Paalala (Qur’an) at tunay na

Kami ang mangangalaga nito.“ Surah al-Hijr 15:9

Kung ang lahat ng mga relihiyosong mga aklat ay mawala, ang tanging aklat na maaari lamang maibalik nang wasto ay ang Qur’an.

Page 8: BTEC Fiqh Level 0111

8

Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Qur’an

a) mana

Kung may isang namatay at may naiwan siyang kayamanan para sa kanyang mga anak, kinakailangan itong hatiin sa kanyang mga tagapagmana sang-ayon sa pamamaraan ng mga batas. Ang Qur’an ay nagbibigay ng ilang mga pangunahing mga batas sa paghahati ng mana para sa mga kamag-anakan ng namatay. Winika ng Allah:

ق اثينتيي فإن كنا نساء فوي نثيييكر مثيل حظ األ لدكمي لذلا وي

يوصيكم الله ف أ

ف فلهنا ثلثا ما ترك إون كنتي واحدة فلها الصي”Inuutos ng Allah sa inyo ang tungkol sa (mamanahin ng) inyong mga

anak; ang sa lalaki ay isang bahagi na katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Kung mayroon lamang mga anak na babae, ang dalawa o higit pa ay dapat na makatanggap ng dalawa mula sa tatlong bahagi ng mana at

kung siya ay isa lamang ang kanyang mana ay kalahati...“ Surah an-Nisa’ 4:11

b) Pagnanakaw

Sa magkatulad na pagkakataon, kung ang isang tao ay nahuli sa pagnanakaw, ang parusa sa ganitong kasalanan ay binanggit sa Qur’an:

ييديهما جزاء بما كسبا نكال من الل والله عزيز ي أ ارقة فاقيطعوا ارق والسا والسا

حكيم”At (tungkol) sa lalaking magnanakaw at sa babaing magnanakaw –

putulin (mula sa pulso) ang kanilang (kanang) kamay bilang kaparusahan para sa kanilang nagawang kasalanan, isang halimbawang magsisilbi

mula sa Allah. At ang Allah ang Makapangyarihan, ang Maalam.“ Surah al-Ma’idah 5:38

Ang sunnAH

Ang Sunnah ay kumakatawan sa mga tala ng mga tunay na mga sinabi,

Page 9: BTEC Fiqh Level 0111

9

ginawa at pinahintulutan ng Propetar na inulat ng kanyang mga Sahaba (Kasamahan ng Propetar) hanggang sa sumunod na henerasyon ng mga Muslim at kinalap na maging aklat ng mga maalam na sumunod sa kanila. Nang pumanaw ang Propetar, ang mga kasamahan ay naiwan upang pamahalaan ang Islamikong pamahalaan batay sa mga simulain na natagpuan sa Qur’an at kung ano pa ang itinuro ng Propetar sa kanila. Kapag may dumating na suliranin, na hindi malunasan sa pagsangguni lamang sa Qur’an, ang Kalipa (pinuno ng Islamikong Pamahalaan) ay magtatanong mula sa kanyang mga kasamahan kung mayroong isa sa kanila na narinig ang Propetar na nagsabi nang anuman tungkol sa bagay na ito. Kalimitan, mayroong isang tumatayo at nagsasabi na narinig ko ang Propetar na nagsabi nang ganito o ganyan, o kaya ay nakita ko siya na ginawa ang ganito at ganyan. Sa ganitong pamamaraan ang mga sinabi at ginawa ng Propetar ay nagiging pangkaraniwang kaalaman sa nakararami. Habang lumalawig ang Islamikong pamahalaan at malalaking mga bilang ng tao ang tumatanggap ng Islam, marami ang naglalakbay nang malayo upang makarating at makapag-aral mula sa mga Sahabah upang matutuhan ang Islam. Ang Sahabah ay magsasabi sa kanila kung ano ang narinig nila na sinabi ng Propetar, o ipakikita sa kanila kung ano ang nakita nila na ginawa ng Propetar. Sa ganitong pamamaraan, ang mga salita at mga gawa ng Propetar ay naisalin sa mga sumunod na henerasyon ng mga Muslim na kinikilala bilang mga Tabi’un. Ito ay noong kapanahunan ng mga Tabi’un na ang mga Ahadith ay simulang naitala nang maramihan sa panitikan, subali’t sa kapanahunan nang mga sumunod na henerasyon na kilala bilang Atba’ at-Tabi’in at ang mga henerasyon na sumunod sa kanila na ang mga Ahadith ay naisaayos sang-ayon sa mga nagtipon at nailagay sa isa sa mga anim na pangunahing aklat ng mga Ahadith na tinatawag na Kutub as-Sittah.1

Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Qur’an

a) mana

Ang halimbawa ng mana para sa mga malalapit na kamag-anak ay malinaw na naipaliwanag sa Qur’an. Subali’t, ang pag-iwan ng kayamanan para sa mga hindi Muslim na mga kamag-anak ay hindi nabanggit sa Qur’an. Sa Sunnah ay makikita natin na ang Propeta ay nagsabi:

1 Sa literal na kahulugan ay “Ang Anim na Mapaniniwalaan”, ito ay ang: ang dalawang Sahih al-Bukhari at Muslim, at apat na mga Sunan nila Abu Dawud, Tirmidhi, Nasa’I at Ibn Majah.

Page 10: BTEC Fiqh Level 0111

10

”Ang isang Muslim ay hindi maaaring kumuha ng mana mula sa isang hindi Muslim, o di kaya ay ang isang hindi Muslim na kukuha ng mana

mula sa isang Muslim.“ Muslim

b) Pagnanakaw

Ang pinakamaliit na halaga kung saan ang kamay ng isang magnanakaw ay maaaring putulin at kung gaano kalaking bahagi bahagi ng kamay ang puputulin ay makikita lamang sa Sunnah.

”Si A’isha ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah ay nagsabi, ’Ang kamay ng isang magnanakaw ay puputulin lamang sa (halaga ng) ikaapat ng dinar

at pataas.’“ Muslim

Talakayin:

1. Pinagkunan ng batas sa Islam2. Ang Qur’an at halimbawa ng batas na hinango mula rito.3. Ang Sunnah at ang halimbawa ng batas na hinango mula rito.

Page 11: BTEC Fiqh Level 0111

11

ArALIN – 2

Ang IJmA’

Ang Ijma’ ay ang pinagsamang kasunduan ng mga Sahaba sa punto ng batas ng Islam na hindi natagpuan sa Qur’an o sa Sunnah, subali’t batay sa isa sa mga ito (na hindi sumasalungat kung ano ang nasasaad). Kapag may mga suliranin na dumarating matapos ang pagpanaw ng Propetar, ang mga Sahabah ay nagtitipun-tipon upang malunasan ang mga ito. Susuriin nila ang Qur’an upang makita kung ang Allah ay may sinasabi kaugnay sa paksa, at kung wala silang makita, ang Kalipa ay magtatanong kung mayroong isa sa kanila na nakarinig sa Propetar na nagsabi nang anuman na may kaugnayan dito. At kung hind pa rin nila makita ang kasagutan, ang Kalipa ay magbibigay ng kanyang pananaw at gayundin ang iba, kung sa palagay nila na ang kanilang pananaw ay mas mabuti. Ang iba’t ibang mga pananaw ay pag-uusapan hanggang sa kanilang mapagkasunduan ang pinakamahusay na pananaw at pagkatapos ay kanila itong gagawing batas para sa lahat ng mga Muslim.

Sa ganitong paraan ang mga batas ng Islam ay maaaring hubugin na tumugma sa lahat ng mga panahon at lahat ng mga pangyayari. Ang mga bagong batas na ginawa mula sa Ijma’ ay hindi pangunahing mga batas, sapagka’t ang lahat ng mga pangunahing batas ay naibaba na ng Allah sa Qur’an at sa pamamagitan ng Propetar sa kanyang mga Sunnah. Ang mga batas na ito ay mga pampangalawang mga batas na maaaring magbago sang-ayon sa iba’t ibang kalagayan.

Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Ijma’

a) Pagtitipon ng Qur’an

Ang Qur’an ay baha-bahaging inihayag sa Propeta sa loob ng 23 taon. Sa tuwing may talatang inihahayag, ito ay ipinasusulat ng Propeta sa ilan sa kanyang mga kasamahan, saan man ito maaaring isulat, at marami rin ang nakasasaulo nito kapag binibigkas ito ng Propetar sa Salah. Noong kapanahunan ng Propetar, hindi pa naisulat sa mga bahagi ang Qur’an na pinagsama-sama sa isang aklat. Matapos ang pagpanaw ng Propetar, ang iba’t ibang mga bahagi ng Qur’an, na naisulat sa mga sanga ng puno, mga balat at buto ng hayop, ay nanatili sa pag-aari ng mga Sahaba. Karamihan

Page 12: BTEC Fiqh Level 0111

12

din sa kanila ay nakasaulo nang maraming mga bahagi ng Qur’an noong kapanahunan ng Propetar, subali’t may ilan sa kanila na nakasaulo nang

kabuuan ng Qur’an.

Noong panahon nang pamumuno ni Kalipa Abu Bakr, ang mga Sahaba ay nagpasiya sa pamamagitan ng Ijma’ na titipunin nila ang lahat ng mga bahagi ng Qur’an upang maging isang kumpletong aklat. Ang tungkulin ay inatas kay Zayd ibn Thabit dahil siya ay isa sa mga tagasulat ng Propeta at kanyang nasaulo ang lahat nang ito at binigkas niya ito nang maraming ulit sa Propeta . Tinipon ni Zayd ang lahat ng mga nakasulat na bahagi at inihambing niya ito mula sa kanyang nasaulo at sa nasaulo ng iba, at pagkatapos ay isinulat sa isang aklat, na kanyang ibinalik sa Kalipa.

b) Ang mga Adhan sa Jumu’ah

Noong kapanahunan ng Propeta ay mayroon lamang isang Adhan para sa Salah ng Jumu’ah (ang pagtitipon sa Salah sa Araw ng Biyernes) at ito ay ginawa pagkapasok ng Propeta sa masjid at nagsabi “Assalamu Alaykum“. Sa kapanahunan nang pamumuno ng una at ikalawang Kalipa, ang Adhan ay nanatili sa ganito, subali’t nang sumapit ang pamumuno ng ikatlong Kalipa, si Uthma ibn ’Affan, ang isa pang Adhan ay idinagdag. Ang siyudad ng Madinah ay lumaki kaya’t nagkaroon ito ng palengke, kaya naman ang Adhan ng Jumu’ah ay mahirap marinig dahil sa ingay ng mga nagbebenta at ng kanilang mga mamimili. Nang mapag-isip ito, si Kalipa Uthman ay nagmungkahi sa iba pang mga Kasamahan na ang isa pang Adhan ay ipanawagan bago ang pangunahing Adhan, at ito ay gagawin sa gitna ng palengke. Lahat sila ay sumang-ayon sa pamamagitan ng Ijma’, at sa gayon ang isa pang Adhan ay naidagdag.

Ang QIYAs

Ang Qiyas ay isang pangangatuwiran ng mga Batas Islamiko na hindi matatagpuan mula sa Qur’an, Sunnah, o kaya ay Ijma’, subali’t pinagbatayan ang mga batas na matatagpuan mula sa isa sa mga nabanggit. Kapag may isang suliranin na dumating at wala sa isa man sa tatlong mga pinagkukunan ang tumutukoy dito ang tuwiran, maghahanap ngayon tayo ng isang batas mula sa tatlong mga ito na mayroong kahalintulad na kadahilanan, at bigyan uri ang suliranin sa parehong pamamaraan.

Page 13: BTEC Fiqh Level 0111

13

Halimbawa ng mga batas na hinango mula sa Qiyas

a) mga Bawal na gamot

Halimbawa, ang mga bawal na gamot katulad ng marijuana at cocaine o iba pang kahalintulad ng mga ito na wala noong kapanahunan ng Propeta o di kaya ay noong kapanahuhan ng mga Sahaba, kaya’t walang tuwirang binanggit tungkol dito. Gayunpaman, ang Propeta ay nagsabi:

“Ang bawa’t nakalalasing ay Khamr2, kaya’t ang bawa’t nakalalasing ay Haram.“ Iniulat ni ibn Umar at tinipon nina Bukhari at Muslim

Kung mapapansin natin ang mga humihithit o ipinapasok ang marijuana, cocaine at iba pang mga kahalintulad na mga bawal na gamot, mapapansin natin na sila ay nawawalan ng mga pang-unawa, at nalalasing. Kaya’t ating maipapasiya na ang marijuana at ang coke ay mga uri ng Khamr, at kung gayon ay maituturing na Haram. At para sa mga nagsasabi na kami ay tumitikim lamang at hindi sila nalalasing, sinabi rin ng Propeta ,

“Anumang nakalalasing sa dami ng paggamit ay Haram sa kaunting paggamit.“ Iniulat ni Jabir ibn Abdullah at tinipon nina Ibn Majah at Abu

Dawud

b) Paninigarilyo

Nang unang umabot ang mga sigarilyo at tabako sa kaharian ng mga Ottoman na Muslim noong ika-17 siglo halos lahat ng mga maalam na nagpasiya sa pamamagitan ng Qiyas ay nagsabi na ito ay Makruh (hindi kanais-nais), sapagka’t ang tanging alam lamang nila na masamang idudulot nito ay ang mabahong hininga, na hindi kanais-nais. Ang batas na ito ay batay sa mapagkakatiwalaan Hadith na kung saan ay sinabi ng Propetar,

“Sinuman ang kumain mula sa mga di-kanais-nais na mga halaman (bawang) ay hindi dapat pumasok sa masjid.“ Ang mga tao ay nagsabi,

“Ito ay ipinagbawal! Ito ay ipinagbawal!“ Nang ito ay makarating sa Propeta, sinabi niya, “O mga tao, hindi ko maaaring ipagbawal ang

ipinahintulot ng Allah, subali’t ito ay halaman na hindi ko nais ang amoy.“ Iniulat ni Abu Sa’id at tinipon ni Muslim

2 Sa literal na kahulugan ay ang mga inuming may alcohol na gawa mula sa mga sinalang katas ng ubas.

Page 14: BTEC Fiqh Level 0111

14

Sa ibang pagkakataon ay isinama niya ang sibuyas at ang mga uri nito bilang mga di-kanais-nais. Gayunpaman, sa panahon natin sa

kasalukuyan, ang propesyong medikal ay nagsasabi na ngayon na ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng kanser at iba pang mga karamdaman. Dahil sa kalimitang mga nangyayari na ang kanser ang nagiging sanhi ng kamatayan, masasabi na rin na ang paninigarilyo ay nakamamatay. Kaya maraming mga maaalam sa ngayon na nagpasiya sa pamamagitan ng Qiyas na ang paninigarilyo ay Haram, sapagka’t ang isang naninigarilyo, sa katotohanan, ay nagpapakamatay at ang Allah ay nagwika:

نفسكمي إنا اللا كن بكمي رحيماي أ تلوا ول تقي

“...at huwag ninyong patayin ang inyong sarili, dahil sa katunayan ang Allah ay mahabagin sa inyo.“ Surah an-Nisa’ 4:29

لكة ييديكمي إل اتلاهيي بأ ول تليقوا

“...at huwag ninyong itapon ang inyong mga sarili sa kapahamakan na dulot ng inyong mga sariling mga kamay...“ Surah al-Baqarah 2:195

Sinabi rin ng Propeta ,

“Sinuman ang gumamit ng kutsilyo sa pagpapakamatay ay mapupunta sa Impiyerno at habambuhay niyang sasaksakin ang kanyang sariling

tiyan. Sinuman ang uminom ng lason at magpakamatay ay habambuhay niya itong iinumin sa Impiyernong apoy. At sinuman ang magpatiwakal sa pagtalon mula sa bundok ay habambuhay na malalaglag sa apoy ng

Impiyerno.“ Iniulat ni Abu Hurayrah at tinipon ni Muslim

Ang Kabuluhan

Sa paggamit ng alituntunin ng Qiyas, ang pangunahing mga batas ng Islam ay maaaring gamitin sa anumang sandali at saanmang lugar. Ang mga bagong batas ay maaaring magawa sa anumang bagong mga pangyayari, batay sa pagkakahalintulad nito sa mga pangunahing mga batas ng Qur’an at Sunnah. Sa ganitong pamamaraan, ang banal na mga batas na inihayag sa Qur’an at Sunnah ay mananatiling hindi nabago na hindi napaglilipasan ng panahon. Hindi mapagtatagumpayang pagtalunan na ang batas Islamiko ay hindi maaaring gamitin sa ika-20 siglo sapagka’t ito ay 1,400 na taon pa lamang. Ang mga pundamental ng mga batas ng Islam

Page 15: BTEC Fiqh Level 0111

15

ay ginawa ng Diyos na Siyang may lalang sa tao at higit na nakababatid kung ano ang pinakamahusay sa kanya sa anumang mga kalagayan. Mayroong ilang mga katangian ang tao na hindi nagbabago kahit na magbago pa ang panahon at lugar. Ito ang mga bagay na pinatutungkulan ng mga pangunahing batas ng Islam. At para naman sa nagbabagong mga kalagayan ng buhay ng tao, ang Qur’an at ang Sunnah ay nagbibigay ng mga pangunahing mga prinsipyo na maaaring gamitin sa pamamagitan ng Qiyas, kapag kinakailangan. Sa gayon, ang batas Islamiko ay angkop sa sangkatauhan sa lahat ng panahon saanman siya naroroon, maging sa mundo o sa mga planeta o nasa malayong bituin.

Talakayin:

1. Ang Ijma’ at halimbawa ng batas na hinango mula rito.2. Ang Qiyas at halimbawa ng batas na hinango mula rito.3. Kabuluhan ng Qiyas.

Page 16: BTEC Fiqh Level 0111

16

ArALIN – 3

TAHARAH – Ang kAdAlIsAYAn

∑ Ang Allah ay nag-utos sa atin na magsagawa ng Taharah – Kadalisayan

∑ Ang Wudhu - Paghuhugas ay bahagi ng kadalisayan.∑ Ang paglilinis nang marurumi sa pamamagitan ng tubig mula sa

katawan, damit at sa lugar na kung saan isasagawa ang pagdarasal, ay isang uri ng kadalisayan.

∑ Nararapat sa atin na magsagawa ng wudhu bago mag-alay ng pagdarasal.

Ang mgA uRI ng TuBIg

Ang Tubig ay may dalawang uri

una: Malinis na Tubig - Ang tubig na nanatili sa kanyang orihinal na anyo sa pagkakalikha ng Allah; katulad ng dagat, ilog, ulan at balon.

Ang batas: Ito ay maaring gamitin sa paglilinis.

Pangalawa: Maruming Tubig - Ang tubig na nagbago ang kulay at amoy dahil sa maruming nakahalo dito, marami man o kaunti.

Ang batas: Ito ay hindi maaaring gamitin sa paglilinis at ipinagbabawal ang pag-inom at paggamit sa pagkain at iba pa.

Ang Batas sa Tubig na nahaluan ng malinis sangkap o bagay:Kapag ang tubig na malinis ay nahaluan ng isang bagay na malinis din katulad ng tsaa, Sabon, Za’faran, alikabok, Tinta at iba pa at nagbago ang kulay nito nguni’t hindi naman nasira ang pagkadalisay nito, ang tubig ay mananatili sa kalinisan nito. Nguni’t kapag ang tubig ay nasira dahil nagmistulang tsaa o Tinta o di kaya’y tumigas, hindi na ito maaaring gamitin sa paglilinis, dahil hindi na ito tubig.

Page 17: BTEC Fiqh Level 0111

17

mgA kAugAlIAn sA PAgTugon sA TAwAg ng kAlIkAsAn

Ang mga kaugalian sa pagtugon sa tawag ng kalikasan (pagdumi) at pag-ihi:

1. Sa pagpasok sa palikuran, kinakailangang iuna ang kaliwang paa at bigkasin ang Allahumma inni audhu bika minal khubthi wal khaba-ith. At sa paglabas, ang kanang paa naman ang unahin at bigkasin ang Gufraa’nak.

2. Ingatan na makapagdala sa palikuran ng Qur’an o anumang papel na may nakasulat na pangalan ng Allah.

3. Kinakailangang takpan ang Awrah (maselang bahagi ng katawan) sa tuwing dudumi at iihi.

4. Iwasan ang pagharap at pagtalikod sa Qiblah sa tuwing dudumi at iihi.

5. Ipinagbabawal ang pagsasalita sa loob ng palikuran.

mga lugar na hindi maaaring dumihan at ihian

1. Ang dinadaanan ng mga tao2. Ang silong at mga hardin na pampubliko3. Silong nang namumungang punongkahoy4. Ang tubig na hindi umaagos.

Ang IsTInJA AT IsTIJmAR

Ang Istinja, ay ang paglilinis ng ari o likuran sa pamamagitan ng tubig pagkatapos dumumi at umihi.

Ang Istijmar, ay ang paglilinis ng ari o likuran sa pamamagitan ng maliliit na bato at iba pa, pagkatapos dumumi at umihi.

Ang mga ipinahihintulot gamitin sa Istijmar.

Anumang mga bagay na malinis at ipinahihintulot gamitin sa paglilinis, katulad ng maliliit na bato, papel at iba pa.

Page 18: BTEC Fiqh Level 0111

18

Ang mga ipinagbabawal gamitin sa Istijmar

1. Mga bagay na nakasulat ang pangalan ng Allah (halimbawa: Qur’an, Aklat mga kaalaman sa Islam)

a. Mga pagkainb. Mga butoc. Dumi ng hayop

Ang kondisyon sa Pagpapahintulot ng Istijmar

mga kondisyon sa pagpapahintulot nang pagsasagawa ng Istijmar:

1. Kinakailangang malinis at ipinahihintulot ang gagamitin sa Istijmar.2. Gamitin itong panglinis sa ari o likuran nang tatlong ulit.3. Hindi magkakalat ang dumi at ihi mula sa pinagmulan nito.4. Kapag hindi nasunod ang isa sa mga kondisyong ito ay nararapat

magsagawa ng Istinja at gumamit ng tubig.5. Kapag nagawa na ang Istijmar ay hindi na kailangan magsagawa

muli ng Istinja.

Ang Pagtatanggal ng maruruming Bagay

nararapat tanggalin ang maruruming bagay katulad ng dumi ng tao, ihi at iba pang mula sa tatlong mga sumusunod na bagay:

1. Mula sa katawan, Sinabi ng Allah.

)و هللا يحب المطهرين(التوبة

“Tunay na minamahal ng Allah ang mga taong nililinis ang mga sarili)” [Surah Atawbah: 108]

2. Mula sa damit, Sinabi ng Allah.

)وثيابك فطهر(المدثر

Page 19: BTEC Fiqh Level 0111

19

(At linisin mo ang iyong kasuotan) [Surah Al-Muddathir: 4]

3. Ang lugar na kung saan isinasagawa ang pagdarasal. Sinabi ng Sugo ng Allah: “Katunayan ang Masjid ay hindi dapat madumihan ng ihi at dumi”

Talakayin:

1. Taharah2. Kaugalian sa pagtugon sa tawag ng kalikasan.3. Istinja at Istijmar

Page 20: BTEC Fiqh Level 0111

20

ArALIN – 4

Ang wudHu - PAgHuHugAs BAgo mAgsAgAwA ng sAlAH

Ang Paglilinis at ang mga katangian nito:

Sinabi ng Allah:

)إن الل حيب اتلوابي ويحب المتطهرين( ابلقرة“(Tunay na, minamahal ng Allah ang mga taong (bumabalik sa Kanya)

upang humingi ng kapatawaran at Kanyang minamahal silang nililinis ang mga sarili)” Surah al-Baqarah 2:222

At sinabi ng Sugo ng Allah (s.a.w.) “Nais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang mga gawang makapagbubura sa inyong mga kasalanan at itataas kayo sa mataas na antas sa Paraiso?” “Oo Sugo ng Allah”, sinabi ng Sugo ng Allah (s.a.w.) “kumpletuhin ang wudhu mula sa mga kinamumuhiang bagay at damihan ang paglalakad patungo sa Masjid at hintayin ang susunod na dasal sa Masjid pagkatapos ng unang dasal.”

makakamit ng isang muslim ang kalinisan sa pamamagitan ng dalawang bagay:

1. Sa pamamagitan ng Wudhu

2. Sa papamagitan nang pagtanggal dumi

Ang mga gawaing nangangailangan ng wudhu:

Nararapat sa isang Muslim na magsagawa muna ng Wudhu bago isagawa ang mga sumusunod:

1. Pagdarasal

2. Paghawak ng Qur’an

3. Tawaf (Pag-ikot sa Ka’bah)

Page 21: BTEC Fiqh Level 0111

21

wajibul wudhu - Ang mga tungkulin sa pagsasagawa ng wudhu

Nararapat na bigkasin sa pagsasagawa ng wudhu ang Bismillah (بسم هللا)1. Ang pagbigkas nito ay sa simula nang pagsasagawa ng wudhu.

2. Kung nakalimutan bigkasin sa simula ang Bismillah, maaring bigkasin kapag naalala habang nagsasagawa ng wudhu.

3. Kung nakalimutan bigkasin ang Bismillah hanggang sa ang wudhu ay matapos, sa ganitong kalagayan, ang kanyang wudhu ay tama at hindi na kailangang ulitin pa.

Ang mgA AlITunTunIn sA PAgsAsAgAwA ng wudHu

mga Alituntunin sa pagsagawa ng wudhu:1. Niyah (layunin) upang magsasagawa ng wudhu at bigkasin

ang (بسم هللا) Bismillah.

2. Hugasan ang dalawang kamay hanggang pulso nang tatlong beses.

3. Mag-mumog nang tatlong beses, suminghot ng tubig para linisin ang ilong nang tatlong beses at isinga.

4. Hugasan ang buong mukha nang tatlong beses.

5. Hugasan ang dalawang kamay (simula dulo ng daliri) hanggang sa siko nang tatlong beses.

6. Basain ng tubig ang kamay at ihaplos sa ulo, simula unahan (nuo) papuntang likod (batok) kasama ang dalawang tainga nang isang beses.

7. Hugasan ang magkabilang paa hanggang sa bukung-bukong nang tatlong beses, unahin ang kanan bago ang kaliwa.

Ang kondisyon sa Pagsasagawa ng wudhu

mga kondisyon nang Pagsasagawa ng wudhu, ito ay ang mga sumusunod:

1. Niyah- Layunin, isaisip ang pagsasagawa ng wudhu na lilinisin ang

Page 22: BTEC Fiqh Level 0111

22

hadath (marumi) o dili kaya ay isaisip na magsasagawa ng wudhu para sa pagdarasal o pagbabasa ng Qur’an at iba pa.

2. Nararapat na ang tubig na gagamitin sa pagsasagawa ng wudhu ay malinis at hindi maaaring isagawa ito kung walang tubig o kung ang tubig ay marumi.

3. Nararapat na ang tubig na gagamitin sa wudhu ay (Mubaah) ipinahihintulot at hindi (Haraam) ipinagbabawal, katulad ng tubig na ninakaw at iba pa.

4. Walang matitirang tuyo sa hinuhugasan (kailangan tanggalin ang anumang nakadikit sa katawan, katulad ng harinang tumigas dahil sa tubig, putik, cutix at iba pa upang ang mga bahaging ito ay mabasa ng tubig)

5. Kinakailangang linisan ang ari o likuran kapag umihi o dumumi.

Ang mga obligadong dapat Hugasan sa wudhu

Furudhol wudhu - mga obligado sa wudhu.

mayroong anim na bahagi ng katawan na obligadong mabasa sa pagsasagawa ng wudhu, ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang paghuhugas ng mukha (kasama na ang pagmumog at pagsinghot ng tubig sa ilong).

2. Ang paghugas ng dalawang kamay hanggang sa siko.

3. Ang paghaplos ng basang kamay sa ulo (kasama ang dalawang tainga).

4. Ang paghugas ng dalawang paa hanggang bukung-bukong.

5. At-Tartib- pagsasagawa ng wudhu na nasa tamang kaayusan at ayon sa pagkakasunud-sunod nito.

6. Al-Muwalah - pagsasagawa ng wudhu nang tuloy-tuloy na hindi hahayaang matuyo ang isang bahagi na hinugasan.

Ang mga sunnah sa pagsasagawa ng wudhu

Page 23: BTEC Fiqh Level 0111

23

1. Ang paghuhugas ng dalawang kamay.2. Ang paggamit ng siwak tuwing magmumumog.3. Ang kumpletong pagmumumog at paghuhugas ng ilong sa hindi nag-

aayuno.4. Ang paghaplos ng mga daliri sa dalawang kamay at dalawang paa.5. Unahin ang kanan bago ang kaliwa at ang paghuhugas ng kanang

paa bago ang kaliwang paa.6. Ang paghuhugas nang tatlong beses sa mukha, dalawang kamay at

dalawang paa.7. Ang pagbigkas ng dua’a matapos magsagawa ng wudhu ng;

)أشهد أن ل ال إل الل وحده ل رشيك ل و أشهد أن حممدا عبده ورسول()اللهم اجعلين من اتلوابي واجعلين من المتطهرين(

Ash-hadu an la ilaha ilallah, wah dahu la sharika lah wa ash-hadu anna Muhammadan a’bduhu wa rasuluh. Allahuma aja’alni min at-tawwabin wa

aja’alni min al-mutatahirin

Ang nagpapawalang-bisa ng wudhu

1. Ang pagdumi, pag-ihi at pag-utot2. Ang pagkawala ng malay.3. Ang pagkatulog nang mahimbing.4. Ang paghawak sa maselang bahagi ng katawan (ari o likuran) na

walang sapin (skin-to-skin).5. Ang pagkain ng karne ng kamelyo

Ang PAgHAPlos sA kHuF o medYAs

Ang Paghaplos sa khuf o medyasNabanggit sa naunang paksa na ang isa sa obligadong dapat hugasan sa pagwu-wudhu ay ang dalawang paa hanggang sa bukung-bukong, nguni’t

Page 24: BTEC Fiqh Level 0111

24

may pagkakataong hindi na kinakailangang hugasan pa ang mga ito kung may suot na khuf o medyas (sanhi ng mga ilang kadahilanan tulad

ng lamig, at iba pa). Ang tanong dito ay: Kinakailangan bang tanggalin ito tuwing magsasagawa ng wudhu?

sagot: Hindi na ito kailangang tanggalin pa; dahil sa habag ng Allah sa kanyang mga alipin ay ipinahintulot Niya ang paghaplos ng Khuf o medyas kapalit ng paghuhugas ng dalawang paa. Batay sa Hadith na naiulat mula kay Bilal (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay naghaplos ng kanyang Khuf.

Al-khuf – bagay na isinusuot sa dalawang paa, at ito ay balat at iba pa.

Al-Jawrab - ay ang medyas.

mga kondisyon ng paghaplos sa khuf:

1. Ang khuf ay gawa mula sa balat o iba pang malinis na materyales.2. Kailangan ang Khuf ay Mubaah (ipinahintulot) at hindi Haraam

katulad ng inagaw o ninakaw o dili kaya ay hareer (sutla) na mahigpit na ipinagbabawal gamitin ng mga kalalakihan.

3. Kinakailangan sa khuf at medyas ay natatakpan ang paa hanggang sa bukung-bukong.

4. Kinakailangan na ang khuf o medyas ay isinuot pagkatapos magsagawa nang kumpletong paghuhugas (Tahara)

Tagal ng bisa nang Paghaplos sa khuf o medyas:

Residente (hindi naglalakbay) - isang araw at gabi (24 oras)Musafir )naglalakbay( - tatlong araw at tatlong gabi )72 oras(

Ang simula nang paghaplos ng khuf at huling paghaplos.

Ang bisa nang paghaplos ay nagsisimula sa unang paghaplos sa medyas o khuf pagkatapos magsagawa nang paghuhugas ng hadaath at ito ay magtatagal sa loob ng isang araw at isang gabi para sa hindi naglalakbay, at magtatagal naman sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi para sa mga naglalakbay.

Page 25: BTEC Fiqh Level 0111

25

Halimbawa:

Kapag nagsagawa ng wudhu para sa dasal ng Dhur at isinuot niya ang kanyang khuf o medyas at pagkatapos ay nawalan ng bisa ang kanyang wudhu bago mag-Asr, kailangang magsagawa siya ng panibagong wudhu para sa dasal na Asr. Hindi aalisin ang khuf o medyas at ito ay magkabilang hahaplusin lamang. Ang bisa ay magsisimula sa unang paghaplos niya (Salah ng Asr) at sa bawa’t salah niya ay hahaplusin lamang niya ang kanyang khuf o medyas bago sumapit ang pagtatapos ng bisa nito. Sa susunod na salah ng Asr na kung saan magtatapos ang bisa nang kanyang paghaplos ay magsasagawa na siya ng wudhu na kinakailangan tanggalin na niya ang kanyang khuf o medyas at hugasan ng tubig.

Papaano haplusin ang khuf o medyas:

Basain ng tubig ang dalawang kamay at ihaplos nang pataas mula sa dulo ng mga daliri sa paa hangang sa bahagi ng bukung-bukong. Ang kanang kamay ang pinanghahaplos sa kanang paa at ang kaliwang kamay ang para naman sa kaliwang paa. Gawin ito nang sabay kung maaari at isang beses lamang itong ginagawa. Hindi kasama sa mga alituntunin nang paghaplos ang likod o ilalim ng Khuf.

gawain:1. Isagawa ang Wudhu.

Page 26: BTEC Fiqh Level 0111

26

ArALIN – 5

gHusul (Ang PAglIgo ng luBos)

Mahigpit na iminungkahi ng Propetar sa mga Muslim na maligo ng lubos (Ghusul) sa mga araw ng Biyernes. Kapag ang isang tao ay bagong yakap sa Islam, ipinayo rin ng Propetar na siya ay maligo ng lubos, si Qays ibn ‘Assim ay nagsabi,

“Nagpunta ako sa Propeta upang tumanggap ng Islam at sinabihan niya ako na maligo nang lubusan sa pamamagitan ng tubig at Sidr (mga dahon

ng punong lote).” Abu Dawud

Kinakailangan sa mga kababaihan na dalisayin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng Ghusul upang maisagawa nila ang pagsasalah pagkaraan ng kanilang regla o pagkatapos ng kanilang pagdurugo sanhi nang panganganak.

Ang pagdadalisay sa pamamagitan ng Ghusul ay kinakailangan din sa mga pagkakataon na nilabasan ng semilya habang natutulog (wet dreams), at pakikipagtalik. Ang ganitong mga uri ng karumihan kapag pinagsama-sama ay tinatawag na al-Hadath al-Akbar. Ang paghuhugas ng pribadong bahagi at Wudhu ay kinakailangan sa mga pagkakataon na ang pangkaraniwang mga likido ay lumabas.

Si A’isha ay nag-ulat na kapag ang Propetar ay nagnais magsagawa ng Ghusul una muna niyang hinuhugasan ang kanyang mga kamay, pagkatapos ay huhugasan ang maselang bahagi ng kanyang katawan sa pamamagitan ng kaliwang kamay. Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Wudhu, tatlong beses niyang bubuhusan ang kanyang ulo at kukuskusin ito ng kanyang mga daliri hanggang sa mga ugat ng kanyang buhok (anit). Susunod dito ang pagbuhos ng tubig sa buo niyang katawan3 at kapag minsan ay umuusog siya at huhugasang muli ang kanyang mga paa.4

Si Ubayd ibn Umayr ay nag-ulat na noong nalaman ni A’isha na si Abdullah ibn ‘Amr ay nag-utos sa mga kababaihan na tanggalin ang tirintas ng kanilang mga buhok, siya ay nagsabi:3 Sahih al-Bukhari4 Iniulat ni Maymunah at tinipon ni Muslim

Page 27: BTEC Fiqh Level 0111

27

“Nakapagtataka na si ibn ‘Amr ay mag-uutos sa mga kababaihan na tanggalin ang tirintas ng kanilang mga buhok kapag sila ay magsasagawa ng Ghusul. Bakit hindi na lang niya ipag-utos ang pagpapagupit (sapagka’t ito ay mas madali)? Ang Sugo ng Allah at ako ay nagsasagawa ng Ghusul mula sa isang lalagyan at nagbubuhos lamang ako ng tubig nang tatlong ulit mula sa aking mga kamay sa aking ulo (na hindi tinatanggal ang tirintas ng buhok).” Sahih Muslim

Sa paggamit ng sabon sa pagligo, tapusin muna ang pagsasabon at paghuhugas ng buong katawan kasama ang buhok, pagkatapos ay magpatuloy sa pagsasagawa ng Wudhu at ang buong pagligo. Ang paghuhugas ay maaaring sa paggamit ng shower. Gayunpaman, ang paghuhugas ay hindi dapat isagawa sa loob ng mga tub na ang tubig ay naiipon sapagka’t ang tubig na kanyang ginagamit ay hindi na dalisay.

TAYAmmum

Kapag ang isang Muslim ay nais magsagawa ng pagdarasal kinakailangang magsagawa siya nang paghuhugas at gumamit ng tubig dahil ito ang pangunahin kondisyon ng pagdarasal. Nguni’t kung sakaling wala siyang makitang tubig, o may tubig nguni’t hindi niya ito kayang gamitin sanhi ng kanyang sakit tulad ng mga sugat sa katawan, o sobrang lamig o init ng panahon, sa ganitong kalagayan ay maaari siyang magsagawa ng tayammum batay sa sinabi ng Allah sa Qur’an:

ييديكمي { ي بوجوهكمي وأ سحوا ي صعيدا طيبا فامي موا ي ماء فتيما }فلمي تدوا

النساء سورة“Kapag wala kayong makitang tubig ay maaari kayong magsagawa ng tayammum mula sa malinis na lupa at haplusin ang inyong mukha at

dalawang kamay.”

Ang kahulugan ng tayammum:Ito ay isang uri ng tahara na ginagawa sa pamamagitan nang paghaplos sa mukha at dalawang kamay ng alikabok na mayroong partikular na gawain.

Page 28: BTEC Fiqh Level 0111

28

Paraan ng pagsasagawa ng tayammum:1. Ilagay ang layunin sa puso na magsasagawa ng Tayammum

2. bigkasin ang “BISMILLAH” (بسم هللا)

3. itapik nang isang beses ang dalawang palad sa tuyo at malinis na lupa o kahit anong bagay na may alikabok kagaya ng pader, dingding, bato, buhangin, at iba pa; at

4. ihaplos nang isang beses lamang ang mga palad sa buong mukha at saka ihaplos ang kaliwang palad sa kanang kamay at kanang palad sa kaliwang kamay nang tig-iisang beses lamang.

Ang mga kondisyon ng tayammum:1. Niyyah - isapuso ang pagsasagawa ng tayammum

2. Walang tubig o kaya ay makasasama sa katawan ang paggamit nito

3. Kinakailangang malinis na lupa, buhangin o alikabok ang gagamitin.

4. Kinakailangang Halal o pinahihintulot ang pinagkunan o pinanggalingan nito.

Ang mga nakawawalang-bisa sa tayammum1. Kapag nagkaroon na ng tubig kahit sa oras ng pagdarasal (hindi pa

natatapos ang dasal), o kapag kaya nang gamitin ang tubig.

2. Ang lahat nang nakasisira sa wudhu katulad ng:a. Pagdumi, Pag-ihi, Pag-utot.b. Pagkatulogc. Pagkawala ng malay.d. Ang pagkain ng karne ng kamelyo

gawain:1. Isagawa ang Ghusul.

2. Isagawa ang Tayammum.

Page 29: BTEC Fiqh Level 0111

29

ArALIN – 6

Ang AdHAn AT IQAmAH

Ang Adhan ay ang pagpapaalala sa mga tao nang pagsapit ng oras ng Salah (pagdarasal).

Ang Iqamah naman ay ang pagpapa-alala sa mga tao na uumpisahan na ang Salah (pagdarasal).

Ang labinlimang katagang bibigkasin sa Adhan:

Allahu Akbar, Allahu AkbarAllahu Akbar, Allahu AkbarAshhadu an la ilaha ilallah, Ashhadu an la ilaha ilallahAshhadu anna Muhammad ar-rasulullah, Ashhadu anna Muhammad ar-rasulullahHayy a’las salah, hayy a’las salah Hayy a’lal falah, hayy a’lal falahAllahu Akbar, Allahu AkbarLa ilaha ilallah

Ang adhan sa Salah ng Fajr ay may karagdagan pagkatapos bigkasin ang Hayy a’lal falah nang ganito:

Assalatu khairum minan nawm, assalatu khairum minan nawm

Ang mga katagang binibigkas sa Iqama ay may labing isang kataga:Allahu Akbar, Allahu AkbarAshhadu an la ilaha ilallah, Ashhadu anna muhammad ar-rasulullahHayy a’las salah, Hayy a’lal falahQadi qamatissalatu, Qadi qamatissalahAllahu Akbar, Allahu Akbarla ilaha ilallah

Page 30: BTEC Fiqh Level 0111

30

Ang mga sunnah sa pagsasagawa ng Adhan

Ang mga sunnah sa pagsasagawa ng adhan ay ang sumusunod:1. Ang pagharap sa Qiblah.

2. Ipasok ang kanang hintuturo sa butas ng kanang tainga at gayundin ang kaliwang hintuturo sa butas ng kaliwang tainga.

3. Ilakas ang tinig sa pagtawag ng Adhan.

4. Huwag magmadali sa pagbigkas ng Adhan.

5. Dahan-dahang lumingon sa kanan kapag binibigkas ang hayy a’las salah at kaliwa kapag binibigkas ang hayy a’lal falah.

Ang mga sunnah sa sinumang nakarinig ng adhan:1. Ulitin ang binibigkas nang tumatawag ng Adhan maliban lamang sa

hayy a’las salah at hayya a’lal falah; sa halip ay bigkasin ang La hawla wa la Quwwata ila billah.

2. Sunnah sa nag-Adhan at nakarinig nito na bigkasin pagkatapos ng adhan ang:

a. Allahumma salli a’laa nabi sallAllahu alaihi wasallam.b. Bigkasin ang nabanggit sa hadith ni Jaber (raa) na ang

Sugo ng Allah (saw) ay nagsabi: “sinuman ang magsabi nito pagkatapos ng adhan: Allahumma rabba hadhihid da’wati at taammati was salatil qaimati, aati muhammadan al wasilati walfadhilati, wab athuhu makaman mahmudan alladhi wa adtaho, ay mapapasakanya ang safaat ko pagdating ng araw ng paghuhukom’. Al-Bukhari bilang 0614

3. Nararapat sa Muslim na kapag narinig na niya ang adhan ay magtungo na sa masjid at iwanan ang lahat ng kanyang ginagawa.

gawain:1. Bigkasin ang Adhan.

2. Bigkasin ang Iqamat

Page 31: BTEC Fiqh Level 0111

31

ArALIN – 7

As-sAlAH – PAgdARAsAl

Ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng mga partikular na gawain at mga salitang bibigkasin na magsisimula sa takbir at tatapusin nang taslim.

Ang kahalagahan ng salahAng salah ay may napakataas at napakalaking antas sa Islam dahil ito ang pangalawang haligi ng Islam pagkatapos ng shahadatayn. Ito ay haligi ng Islam at mawawalang kabuluhan ang pagiging Muslim ng isang tao kung wala ito. Dahil sa kahalagahan nito ay ipinag-utos ng Allah mula sa langit sa gabi ng lailatul isra wal miraj na kung saan ang Sugo ng Allah (saw) ay umakyat sa langit.

Naiulat mula kay ibn Umar (raa) mula sa Sugo ng Allah (saw) na kanyang sinabi: “binuo ang Islam ng limang haligi, ang pagsaksi na walang ibang diyos maliban sa Allah at pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah at ang pagtatatag ng pagdarasal at pagbibigay ng kawanggawa at pagsasagawa ng hajj at pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan”.

Ang batas para sa salahAng Salah ay tungkulin na ipinag-uutos ng Allah sa Kanyang mga alipin at sinuman ang tumangging magdasal nang sinasadya o nagpabaya, o sanhi ng katamaran ay maituturing na isang hindi mananampalataya )isang kafir(. Kung siya ay hindi magsasagawa ng Tawba o pagsisisi ay tunay nga na siya ay isang kafir batay sa sinabi ng Sugo ng Allah )saw(:

“Ang pagitan natin at ng mga di-mananampalataya ay ang salah, sinuman ang di-magsagawa nito ay tunay na nakagawa ng isang Kufr.” At-Tirmidhi

kanino ipinag-uutos ang salah bilang isang obligadong tungkulin?Ipinag-uutos ang salah bilang isang obligadong tungkulin sa Muslim na nasa tamang gulang at matinong pag-iisip lalaki man o babae. Sanayin ang mga bata na nasa ika-7 taong gulang na mag-Salah at kapag sila ay sumapit sa ika-10 taong gulang ay paluin sila kung tumangging magsagawa ng Salah, batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw):

“Utusan ninyo ang inyong mga anak na mag-Salah sa gulang na pitong taon

Page 32: BTEC Fiqh Level 0111

32

at kung sila ay umabot na sa sampung taon, paluin sila kung tumangging mag-Salah at paghiwalayin ninyo sila sa pagtulog.” Abu-Dawud at iba pa.

kondIsYon ng sAlAH

mayroong siyam na kondisyon ang salah na kung wala ang mga ito ay hindi magiging katanggap-tanggap ang salah:

1. muslim - hindi maaaring magsagawa ng salah ang hindi Muslim. Kasama sa kondisyong nang pagtanggap ng gawa ang pananampalataya sa Allah, dahil dito ang ang Salah ng isang hindi Muslim ay hindi katanggap-tangap.

2. Al-Aql – matinong pag-iisip, hindi matatanggap ang salah ng isang tao na wala sa katinuan ang pag-iisip.

3. Attamyij - nasa tamang gulang, kaya hindi matatanggap ang salah ng batang maliit hanggat hindi umabot sa tamang gulang.

4. Attahara minal hadath - malinis mula sa mga hadath, kaya hindi matatanggap ang salah nang mayroong hadath hangga‘t hindi nakapaghuhugas (wudhu) batay sa sinabi ng Sugo ng Allah: “hindi tatanggapin ng Allah ang salah ng isa sa inyo kung mayroon siyang hadath hangga’t hindi siya makapaghugas (wudhu). Ang taong mayroong hadath ay yaong mga taong nawalang-bisa ang kanilang wudhu sanhi ng pagdumi, pag-ihi, at iba pang nakawawalang-bisa ng wudhu.

5. Attaharato minan najasah: kalinisan mula sa marumi, at kinakailangan linisan ang maruruming nasa katawan, damit, o lugar na kung saan isasagawa ang pagsasalah.

6. dokhulol waqt - itinakdang oras ng salah, hindi maaring magsalah bago dumating ang oras ng salah at ipinagbabawal din isagawa sa huling panahon nito kung sakaling walang katanggap-tanggap na dahilan. Sinabi ng Allah: (katotohanan ang salah ay mayroong panahong itinakda para sa mga mananampalataya)

7. satrul Awrah: kinakailangan takpan ang Awrah, ang awrah ng mga lalaki ay magmula sa kanyang pusod hanggat sa kanyang tuhod at ang awrah ng mga babae ay ang lahat ng kanyang katawan maliban sa kanyang mukha at dalawang palad sa pagsasagawa ng salah.

8. Istiqbalul Qiblah - Ang pagharap sa Qiblah o sa Ka’abah tulad nang sinabi ng Allah:

Page 33: BTEC Fiqh Level 0111

33

رام { سورة ابلقرة جد الي يمسي ر ال هك شطي } فول وجي“Iharap mo ang iyong mukha sa masjid al-haram”

(Surah al-Baqarah 2:149)

∑ Kapag ang taong nagsasagawa ng salah ay nasa loob ng masjid al-haram ay kinakailangang humarap siya sa ka’abah.

∑ Kapag siya ay malayo haharap lamang siya sa bandang qiblah.

9. Aniyyah - isapuso na siya ay magsasagawa ng isang pagdarasal ng dhuhr halimbawa o ‘Asr gayundin sa ibang dasal batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “katunayan Lahat ng gawain ay nakasalalay sa layunin at lahat ng bagay ay mayroong layunin.” Al-Bukhari. At ang layunin ay kinakailangan isapuso at hindi binibigkas dahil ang pagbigkas nito ay bid`ah at labag sa batas ng Islam.

Ang mgA oRAs ng sAlAH (PAgdARAsAl)

Ang mga oras ng mga obligadong salah

1. Fajr - Ang pangmadaling-araw na dasal, magsisimula sa pagbukang-liwayway hanggang sa pagsikat ng araw.

2. duhr - Pangtanghaling dasal, magsisimula pagkatapos ng tanghaling tapat hanggang sa ang anino ng isang bagay ay kasing-sukat nito.

3. ‘Asr - Panghapong dasal, magsisimula pagkatapos ng dhuhr hanggang sa ang anino ng isang bagay ay kasing-sukat nito ng dalawang bahagi.

4. maghrib - Ang dasal paglubog ng araw, magsisimula sa paglubog ng araw hanggang maglaho ang pamumula sa langit.

5. ‘Isha - Panggabing dasal, magsisimula sa paglaho ng pamumula sa langit at pagkagat ng dilim hanggang sa hatinggabi.

Talakayin:

1. As-Salah2. Mga Kondisyon ng Salah3. Ang mga oras ng Salah

Page 34: BTEC Fiqh Level 0111

34

ArALIN – 8

Ang mgA Rukon ng sAlAH (HAlIgI ng sAlAH)

Ang labing-apat na rukon - saligan ng salah1. Qiyyam - Ang pagsasagawa ng salah na nakatayo batay sa hadith ni

Emran bin Husain (raa) na kanyang sinabi mayroon akong sakit sa katawan kaya tinanong ko ang Sugo ng Allah (saw) kung papaano ako magsasagawa ng salah at kanyang sinabi: “ Magsalah nang nakatayo at kung hindi mo kayang tumayo magsalah ng naka-upo at kung hindi mo kayang magsalah ng nakaupo, magsalah ka nang nakahiga.” Al-Bukhari

2. Takbiratul Ihram - unang bibigkasin sa pagsasalah (Allahu Akbar) sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “kapag tumayo ka sa pagsasalah bigkasin mo ang Allahu Akbar”

3. Surah Al Fatiha - Ang pagbasa ng Suratul Fatiha sa lahat ng rakaah sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “walang salah kung hindi binasa ang suratul fatiha” Al-Bukhari

4. Rukoo - Ang pagyuko, sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “pagkatapos ikaw ay yumuko hanggang sa ikaw ay nanatiling nakayuko”

5. Ang pagbangon mula sa iyong pagyuko at ang pagtayo nang matuwid mula sa pagbangon sa pagyuko, sinabi ng Sugo ng Allah: “pagkatapos ay tumayo ka nang matuwid mula sa iyong pagkakayuko”

6. Sujud - Ang pagpapatirapa ng pitong bahagi ng katawan, batay sa hadith ni Ibn Abbas (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Inutusan ako na magsujud (magpatirapa) ng pitong bahagi ng katawan: ang noo, itinuro niya sa kanyang dalawang kamay sa kanyang ilong at ang dalawang kamay at dalawang tuhod at dalawang dulo ng paa. Ito ay ang:

a. (ang Noo at ang Ilong) b. (Dalawang kamay) c. (Dalawang Tuhod) d. (ang dulo ng dalawang Paa)

7. Ang pagbangon mula sa pagpapatirapa.

8. Julus - Ang pag-upo mula sa dalawang pagpapatirapa batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “pagkatapos ikaw ay magbangon mula sa

Page 35: BTEC Fiqh Level 0111

35

pagpapatirapa hanggang ikaw ay naka-upo nang matuwid.”

9. Ang pagbigkas ng huling Tashahud.

10. Ang pag-upo sa huling tashahud sinabi ni Ibn Abbas (raa); “noon ay aming binibigkas sa salah bago magtashahud ang: (Assalamo ala Allah ala Jibril wa mikael) nguni’t sinabi sa amin ng Sugo (saw): “ huwag ninyong sabihin yan sa halip ay ito ang sabihin ninyo :

)التحيات هلل وال�سلوات والطيبات ال�سالم عليك اأيها النبي ورحمة اهلل وبركاته ال�سالمعلينا وعلى عباد اهلل ال�ساحلني اأ�سهد اأن ال اله اإال اهلل و اأ�سهد اأن حممدا عبده ور�سوله. الن�سائي

ATAHIYATU LILLAHI WA SALAWATU WA TAYIBAT, ASSALAMU ALAYKA AYUHA NABI WARAHMATULLAHI WA BARAKATUH, ASSALAMU

‘ALAYNA WA ‘ALA IBADILLAHI SALIHIN, ASH-SHADU AN LA ILAHA ILALLAH WA ASH-SHADU ANA MUHAMMADAN ABDUHU WA

RASULUH

11. Ang Assalato ala nabi sallAllahu alaihi wasallam, pagkatapos basahin ang huling tashahud.

Sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “sabihin ninyo ang:

)اللهم �سل على حممد ، وعلى اآل حممد كما �سليت على اإبراهيم ، وعلى اآل اإبراهيم ، اإنك حميد جميد. اللهم بارك على حممد ، وعلى اآل حممد ، كما باركت على اإبراهيم ، وعلى اآل اإبراهيم اإنك

حميد جميد. ( البخاري

ALLAHUMMA SALI ‘ALA MUHAMMAD, WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA SALAYTA ‘ALA IBRAHIM , WA ‘ALA ALI IBRAHIM, INNAKA HAMIDUN

MAJID. ALLAHUMMA BARIK ‘ALA MUHAMMAD, WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA BARAKTA ‘ALA IBRAHIM , WA ‘ALA ALI IBRAHIM,

INNAKA HAMIDUN MAJID

12. Ang dalawang taslim, sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Ang tahlil nito ay ang dalawang taslim.”

13. Ang pagpahinga nang kaunti sa lahat mga saligan nito. Ang basehan ay ang hadith na nabanggit sa isang taong hindi maayos ang kanyang pagsasalah, ulat mula kay Abu Hurairah (raa) “ Ang Sugo ng Allah (saw) ay pumasok sa masjid at pumasok ang isang lalaki at nagsagawa ng dasal pagkatapos niyang magdasal sinalam niya

Page 36: BTEC Fiqh Level 0111

36

ang Sugo ng Allah (saw) at sumagot ang Sugo (saw) at kanyang sinabi sa lalaki: “magdasal ka uli dahil hindi ka nakapagdasal”, at nagdasal muli ang lalaki katulad ng kanyang unang dasal at nang matapos siyang magdasal sinalam niya muli ang Sugo at sumagot ang Sugo at sinabi niya sa lalaki, “magdasal kang muli dahil hindi ka nakapagdasal” at nagdasal na muli ang lalaki at nang matapos siyang magdasal ay sinalam niyang muli ang Sugo ng Allah, at sinagot ng Sugo ng Allah (saw) at sinabi niya sa lalaki magdasal ka dahil hindi ka nakapagdasal, (nang tatlong ulit) at sinabi ng lalaki; “Sumpa man sa nagsugo sa iyo ng katotohanan ay wala na akong alam na mas higit pa sa aking mga dasal kaya turuan mo ako”, sumagot ang Sugo ng Allah (saw): “kapag nakatayo ka sa pagsasalah ay bigkasin mo ang Allahu Akbar pagkatapos magbasa ka ng ilang talatang alam mo mula sa Qur’an at yumuko ka hanggang sa ikaw ay nakapahinga sa pagyuko, pagkatapos tumayo ka hanggang sa ikaw ay makatayo nang matuwid, pagkatapos magpatirapa ka hanggang sa ikaw ay nakapagpahinga sa pagpapatirapa, pagkatapos bumangon ka mula sa pagpapatirapa hanggang sa makapagpahinga kang nakaupo at ganyan ang gagawin mo sa lahat ng iyong salah” Al-Bukhari

14. Ang pagsunud-sunurin ang lahat ng mga saligan ng salah dahil ang Sugo ng Allah ay nagsagawa ng salah sa ganitong pamamaraan at sinabi niya (saw): “mag-salah kayo katulad ng nakita ninyong pagsasalah ko” Al-Bukhari.

Ang mgA wAJIB sA sAlAH

Ang mga wajib sa salah ay walo:1. Lahat ng mga takbir maliban sa takbiratul Ihram (rukun)

2. Ang pagbigkas ng (Sami allahu liman hamidah) para sa mga Imam at nag-iisa

3. Ang pagbigkas ng (rabbana walakal hamd) para sa lahat.

4. Pagbigkas ng (subhana rabbiyal adhim) sa pagyuko.

5. Ang pagbigkas ng (subhana rabbiyal a`la) sa pagpapatirapa.

6. Ang pagbigkas ng )rabbigfirli( sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa.

Page 37: BTEC Fiqh Level 0111

37

7. Ang tashahud al awwal.

8. Ang pag-upo sa tashahud al awal.

Ang PInAgkAIBA ng Rukn AT wAJIB sA PAgsAsAlAH

Magkatulad ang rukn at wajib sa isang bagay at ito ay magkaiba rin sa isang bagay:

a) Magkatulad ang rukn at wajib na nakawawalang-saysay ng Salah kapag sinadyang hindi gawin.

b) Magkaiba naman ang rukn at wajib sa isang kalagayan dahil kapag hindi naisagawa nang nagsasalah ang rukun sanhi ng pagkalimot o hindi niya alam, ito ay kinakailangang ulitin at magsagawa ng sujud as-sahu. Samantala, kapag hindi naisagawa ang wajib sa parehong kadahilanan, hindi na kailangan pang ulitin ito, nguni’t kinakailangang mag-sujud as-sahu.

Talakayin:1. Ang mga Rukn ng Salah

2. Ang mga Wajib ng Salah

3. Ang mga oras ng Salah

Page 38: BTEC Fiqh Level 0111

38

ArALIN – 9

Ang PAmAmARAAn ng PAgsAsAlAH

Ang unang Rakaah1. Tumindig at humarap sa qiblah – ka’abah.

2. Bigkasin ang “Allahu Akbar” )أكبر takbiratul Ihram at itaas ang )هللا dalawang kamay sa hangganan ng balikat o tainga.

3. Ipatong ang kanang kamay sa kaliwang kamay at ilagay sa dibdib at manatili ang paningin sa kung saan magpapatirapa.

4. Sabihin ang pambungad na panalangin sa sarili ang:

�سبحانك اللهم وبحمدك وتبارك ا�سمك وتعاىل جدك وال اله غريك.

SUBHANAK ALLAHUMA WA BIHAMDIK WA TABARAK ISMOKA WA TA’ALA JADUK WA LA ILAAHA GHAYRUK

5. Sabihin sa sarili:

)اأعوذباهلل من ال�سيطان الرجيم(A’UDHU BILLAHI MIN ASH-SHAYTANI RAJIM

) ب�سم اهلل الرحمن الرحيم(BISMILLAHI RAHMANI RAHIM

6. Bigkasin ang Suratul Fatiha at sabihin ang Aamen sa huli ng Al Fatiha. Bumigkas ng mga ilang karagdagan Surah o talata mula sa Qur’an.(Ang pagbigkas ng Suratul Fatiha at ang ilan talata mula sa Qur’an ay binibigkas nang malakas sa mga salah ng Fajr, Maghrib at Isha, samantalang binibigkas ito nang tahimik sa mga Salah ang Dhuhr at ‘Asr)

7. Itaas ang dalawang kamay at bigkasin ang Allahu Akbar bago yumuko. Ilagay ang dalawang kamay na nakahawak sa dalawang tuhod at pantay ang katawan at ulo sa pagyukod. At bigkasin ang (subhana rabbiyal adhim) nang tatlong ulit.

8. Tumayo mula sa pagkakayuko at bigkasin ang (sami allahu liman

Page 39: BTEC Fiqh Level 0111

39

hamidah) kung siya ay imam o munfarid at bigkasin ng lahat ang (rabbana walakal hamd hamdan kathiran tayiban mubarakan fihi mil as samawati wa milal ardi wa mil o ma baynahuma wa mil a masi`ta min shai in ba`adaho). Ang ma`mun ay bibigkasin ang (rabbana walakal hamd) tuwing aangat mula sa pagkakayuko at kapag nakatayo na siya ay bibigkasin niya ang (hamdan kathiran) at ilagay niya muli ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib.

9. Magpapatirapa at bigkasin niya ang (Allahu Akbar) at habang nakasujud (patirapa) ay bibigkasin niya ang (subhana rabbiyal a`ala) nang tatlong ulit.

10. Aangat mula sa pagkakasujud at sabihin ang (Allahu Akbar) at maupo nang iftirash (kaliwang paa na nakahiga at ang mga daliri nito ay nakaturo sa gawin kanan habang ang kanan paa ay nakatukod at ilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang hita at tuhod at sabihin niya ang )rabbigfirli warhamni wahdini wajburni warzikni wa ‘afini(

11. Muling magpatirapa at bigkasin ang (Allahu Akbar) at gawin niya ang kanyang ginawa sa unang pagpapatirapa.

Pangalawang rakaah1. At ibangon niya ang kanyang ulo at bigkasin ang (Allahu Akbar) at

tumindig siya sa pangalawang rakaah at gawin niya ang kanyang ginawa sa unang rakaah, hindi na niya bibigkasin pa ang pambungad na panalangin.

2. Kapag natapos na niya ang ikalawang rakaah ay maupo na siya ng upong pa-iftirash, maupo sa kaliwang paa na nakalapat at ang mga daliri nito ay nakaturo sa gawing kanan habang ang kanan paa ay nakatukod at gawin niya ang mga daliri nang kanyang mga paa na nakaturo sa qiblah at ilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kanang hita at pagalawin ang hintuturo habang nagta-tashahud at ilagay ang kaliwang kamay sa kaliwang hita at tuhod at basahin ang tashahud. (Attahiyatu lillahi was salawato wattayibatu assalamo alaika ayyuhan nabiyu wa rahmatullahi wabarakatuh assalamo ala’ina wa ala ibadillahis salihin ashhadu an la ilaha ilallah wa ashhadu anna muhammadan abduhu warasuluh.)

Ang Pangatlo at Pang-apat na Rakaah

Page 40: BTEC Fiqh Level 0111

40

1. Kapag ang Salah ay mahigit dalawang rakaah ay kinakailangang magbangon siya mula sa unang tashahud at magtakbir siya at itaas ang dalawang kamay sa banda ng kanyang balikat at tainga at basahin nang tahimik ang suratul fatiha at gawin niya ang ginawa niya sa dalawang naunang mga rakaah.

Ang Huling tashahudAt kapag natapos na niya ang huling rakaah ay maupo na siya at isagawa ang huling tashahud at sabihin ang sumusunod:

)اللهم �سل على حممد وعلى اآل حممد كما �سليت على اإبراهيم وبارك على حممد وعلى اآل حممد كما باركت على اإبراهيم وعلى اآل اإبراهيم اإنك حميد جميد.(

ALLAHUMA SALI ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA SALAYTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ALI IBRAHIM INNAKA HAMIDUN

MAJID WA BARIK ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ALI MUHAMMAD KAMA BARAKTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ALI IBRAHIM INNAKA HAMIDUN

MAJID

at basahin ang:

)اللهم اإين اأعوذبك من عذاب جهنم ومن عذاب القرب ومن فتنة املحيا واملمات ومن فتنة امل�سيح الدجال.(

ALLAHUMA INNI A’UDHUBIKA MIN ADHAABA JAHANAM WA MIN ADHAABAL QABR WA MIN FITNATI AL MAHIYA WAL MAMAAT WA MIN

FITNATIL MASIHIL DAJAAL

Ang dalawang taslim

At pagkatapos ay lumingon sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa at sabihin ang:

)ال�سالم عليكم ورحمة اهلل ، ال�سالم عليكم ورحمة اهلل(ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULAH, ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULLAH

Page 41: BTEC Fiqh Level 0111

41

Ang mgA sunnAH sA sAlAH

Mayroong mga bibigkasin at mga gawain na ipinahintulot sa pagsasagawa ng Salah nguni’t hindi naman masisira ang Salah kung hindi naman magawa ito, sinasadya man o hindi bagama’t ito ay makakadagdag ng gantimpala ng salah kapag ito ay nagawa, at ito ay hinati sa dalawang bahagi:

una: sunan Al-qawliyah: mga sunnah na sinasabi - ito ay ang pagbigkas ng:

1. (Subhanaka Allahumma wa bihamdika wa tabaraka ismuka wa ta’ala jadduka wala ilaha ghayruk) sa pag-umpisa ng Salah.

2. (Audhuu billahi minash shaitanir rajim) bago magbasa ng Qur’an mula sa unang rakaah.

3. (Bismillahir rahmanir rahim) bago ang fatiha at ang mga surah na babasahin.

4. (Amin) pagkatapos ng fatiha.5. Ang pagbasa ng anumang surah mula sa Qur’an sa una at

pangalawang rakaah sa lahat ng Salah.6. Ang mga panalangin sa pag-upo mula sa huling tashahud pagkatapos

ang Assalatu alan nabi (saw).

Pangalawa: Sunan Al fi`liyah - mga sunnah na isinasagawa.

1. Ang pagtaas ng dalawang kamay sa bandang balikat at tainga mula sa apat na bagay: mula sa takbiratul ihram, sa pagyuko, sa pagbangon mula sa pag-yuko, pagkatapos tumayo sa pangatlong rakaah.

2. Paglagay ng kanan kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay at ilagay ito sa dibdib habang nakatayo.

3. Ang pagtingin kung saan magpapatirapa.4. Ang pag-upong Iftirash sa pagitan ng dalawang sujod at unang

tashahud.5. Ang paglagay ng dalawang kamay sa dalawang tuhod at

paghihiwalayin ang mga daliri nito habang nakayuko.6. Maglagay ng tungkod o iba pa bilang pangharang sa unahan nang

nagsasalah. 7. Harangin ng kamay ang dumadaan sa harap nang nagsasalah.

Page 42: BTEC Fiqh Level 0111

42

Ang suJud nA As-sAHu

Ang sujud na as-sahu ay ang dalawang sujud na isasagawa nang nagsasalah sa huling bahagi sanhi nang pagkalimot sa anumang alituntunin ng Salah.

Ipinahintulot ang pagsujud ng as-sahu sa mga sumusunod na dahilan:1- kapag nadagdagan ang Salah:

Katulad nang nakapagsalah ka ng limang rakaah sa dhuhur o nakapagsujud ka nang tatlong ulit. At kapag nangyari ito sa nagsasalah nang sinasadya ay mawawala ng saysay ang kanyang salah, sa halip, kung ito ay hindi sinasadya ay magsujud na lang siya ng as-sahu ng dalawang sujud bago magsasagawa ng taslim batay sa hadith ni Ibn Mas-ood (raa) na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “kapag nadagdagan ng isang lalaki ang salah o nabawasan niya ay kinakailangan magsujud ng sahu” Muslim

2- Nabawasan ang Salah:

Halimbawa nakalimutan nang nagsasalah ang pag-upo sa unang tashahud o nakalimutan niya ang tasbih sa pagruko o pagsujod. Kapag nangyari ito sa isang nagsasalah ng sinasadya ay mawawalan ng saysay ang kanyang Salah at kapag hindi sinasadya ay kinakailangang magsujud siya ng dalawang sujud na as-sahu bago magsasagawa ng taslim.

3- Ang Pagdududa sa Salah:

Kapag ikaw ay nagsasalah ng ‘Asr at ikaw ay nagdududa sa isang rakaah, ito ba ay pangatlong rakaah o pang-apat na, at kapag ganito ang kalagayan mo gawin mong pangatlo at kumpletuhin mo ang pang-apat at magsujud ka ng sujud as-sahu bago ka magsasagawa ng taslim.

Talakayin:1. Ang pamamaraan ng pagsasalah.

2. Ang mga Sunnah sa Salah

3. Ang Sujud na as-Sahu

Page 43: BTEC Fiqh Level 0111

43

ArALIN – 10

Ang mgA mAgAgAndAng AsAl sA PAglAlAkAd PATungo sA sAlAH AT PAgHIHInTAY nITo.

Kapag ang isang Muslim ay nagtungo sa masjid para sa salah, kinakailangan na gawin niya ang mga sumusunod:

1. Lumabas ng bahay na nakapagwudhu.2. Bigkasin sa paglabas ng bahay ang (bismillahi tawakkaltu alallah la

hawla wala quwwata illa billah) Abu Dawud.3. Maglalakad siya ng mahinahon at mapakumbaba. Sinabi ng Sugo ng

Allah (saw): “kapag narinig ninyo ang Iqamah maglakad kayo nang mahinahon at sumama kung ano ang naabutan ninyo sa jama’a at kumpletuhin kung ano ang hindi naabutan sa mga alitununin ng salah”.

4. Unahin ang kanang paa sa pagpasok sa masjid at ang kaliwa sa paglabas at bigkasin ang hadith ni Abu Humaid o Abu Usaid na sinabi; sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid ay bigkasin niya ang (Allahumma aftahli abwaba rahmatika) at kapag lumabas siya (Allahumma inni as aluka min fadhlika) Muslim.

Ang mga magagandang asal sa paghihintay ng salah sa masjidKinakailangan sa isang Muslim na sundan niya ang mga magagandang asal sa pagpasok sa masjid tulad ng mga sumusunod:1. Magdasal ng dalawang rakaah bago umupo, ito ang tahiyyatul masjid.2. Manatiling nakaharap sa qiblah at iwasan ang mga di-kinakailangang

pagkilos.3. Magsagawa ng mga mabubuting gawa habang naghihintay ng salah

tulad ng pagsasagawa ng mga karagdagang salah, pagdhikr at paggunita sa Allah, o ang pagbabasa ng Qur’an.

4. Huwag gambalain ang mga nagsasalah sa masjid at iwasang makaagaw ng pansin o gumawa ng ingay (dahil ang isang Muslim kapag siya ay nasa loob ng masjid habang naghihintay ng salah ay tulad na din ng isang tao na nag-aalay ng salah. Iniulat ni Abu Hurairah (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay nagsabi: “Habang naghihintay ang tao ng salah sa kanyang dinadasalan, siya ay para na ring nag-aalay ng salah at siya ay ipinapanalangin ng mga anghel na kanilang sinasabi: O Allah patawarin mo po siya, o Allah mahalin mo po siya,

Page 44: BTEC Fiqh Level 0111

44

hangga’t hindi siya umaalis o nawalan ng bisa ang kanyang wudhu..” Al-Bukhari.

Ang mgA kIlos nA mAkRuH – HIndI kAnAIs-nAIs sA PAgsAsAlAH

Dapat basahin ng isang Muslim ang sinabi ng Allah sa banal na Qur’an:

ين همي ف صلتهمي خاشعون منون الا يمؤي فيلح القدي أ

Katunayan mapalad ang mga mananampalataya na kung sila ay nagsasalah, sila ay nagpapakumbaba : Surah Al-Mu`minun 1-2

Pinangangalagahan nila ang kanilang mga Salah, at ito ay kanilang isinasagawa sa maayos na pamamaraan na kumpleto ang mga kondisyon at mga alituntunin nito, at hindi sila gumagawa ng anumang makasisira nito katulad ng pagsasalita o pagtawa o anumang bagay na ipinagbabawal dito, dahil ang kanilang layunin ay upang makamit ang gantimpala mula sa Allah at maligtas sa Kanyang mga kaparusahan, bagama’t mayroong mga gawang hindi kanais-nais sa Salah na kapag ito ay nagawa ng isang nagsasalah ay mababawasan ang gantimpala ng kanyang Salah - ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang pagtingin sa iyong dibdib na hindi naman kailangan, at kapag tumingin ka sa bahagi ng iyong katawan, ang iyong Salah ay masisira.

2. Ang pagtingin sa langit (pagtingala).3. Ang pagpikit ng iyong mga mata na hindi naman kinakailangan.4. Ang paghawak-hawak sa iyong ilong at bibig.5. Ang pagdikit ng iyong dalawang braso sa lupa kung ikaw ay

nagpapatirapa.6. Ang pagkilos ng palagi na hindi naman kinakailangan

Ang sAlATul JAmA’AH – PAngmARAmIHAng dAsAl

Ang Batas sa Salatul Jama’ah – pangmaramihang dasal

Ang Salatul Jama’ah – pangmaramihang dasal ay obligado sa mga lalaki maging sa paglalakbay o sa pananatili sa kanyang bayan, at ang ating mga

Page 45: BTEC Fiqh Level 0111

45

batayan dito ay ang sumusunod:

1. Sinabi ng Allah :

اكعي ي مع الرا كعوا كة واري ي الزا لة وآتوا ي الصا قيمواوأ

At itatag ninyo ang Salah at magbigay kayo kawanggawa at yumuko kayo kasama ng mga nagsisipagyuko. Surah al-Baqarah - 4

Ang talatang ito ay nagpapatibay na ang salatul Jama’ah ay obligado, kaya’t inutusan tayo na yumuko hindi lang mag-isa kundi lahat tayo kasama ng mga nagsisipag-yuko, ito ay nangangahulugan na pangmaramihan.

2. Iniulat ni Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: Dumating ang isang lalaking bulag sa Sugo ng Allah (saw) at kanyang sinabi: O Sugo ng Allah (saw) walang maggagabay sa akin papuntang masjid, at siya ay humingi ng pahintulot mula sa Sugo ng Allah (saw) na sa bahay na lang siyang mag-isang magsagawa ng Salah, at pumayag ang Sugo ng Allah (saw) nguni’t nang umalis na siya tinawag siya ng Sugo ng Allah (saw) at kanyang sinabi (saw): “naririnig mo ba ang Adhan – panawagan sa Salah?) Oo, sagot ng lalaki, at sinabi ng Sugo (saw) tugunan mo ito.” Muslim.

1- Ulat mula kay Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah )saw(: “Walang salah na napakabigat sa mga Munafiq (mapagkunwari) maliban sa pangmadaling-araw na dasal (fajr) at panggabing dasal (‘Isha) at kung nababatid lamang nila kung ano ang mayroon (na gantimpala sa pagsasagawa) sa dalawang ito (sa mga takdang oras), sila ay magtutungo (sa masjid) kahit na sila pa ay kinakailangang gumapang. Naisip ko na utusan ang mga tao na magsalah at italaga ang isang lalaki upang mamuno ng kanilang salah, habang ako ay lalabas na may kasamang ibang mga lalake na may dalang tuyong kahoy upang sunugin ang mga bahay ng mga taong hindi nagsasalah.” Bukhari

Ang Salatul Jama’ah ay napakahalaga na ito ay tinukoy ng Sugo ng Allah sa kanyang hadith: “Ang salatul Jama’ah ay napakahalaga, ito ay nakahihigit nang dalawampu’t pitong bahagdan kaysa sa munfarid – mag-isang nagdarasal.” Muslim

Page 46: BTEC Fiqh Level 0111

46

Ang pinakamaliit na Jama’ah: ay dalawa.

Ang nakaabot ng Jama’ah: maaabutan ang Jama’ah kung naabutan ang isang rakaah kasama ang Imam.

Ang nakaabot ng rakaah: maaabutan ang rakaah kapag naabutan ang ruko, at sinuman sa inyo ang naabutan niya ang imam na nakaruko, siya ay mag-takbir ng takbiratul Ihram habang nakatayo at magtakbir muli para sa ruko at magruko.

At kapag dumating siya pagkatapos tumayo ng Imam mula sa pagruko ay naabutan niya ang Salah nguni’t hindi ito maibilang na rakaah ng kanyang salah.

Ang dasal na sunnah pagkatapos ng Iqamah:

Kapag sinumulan na ang obligadong salah, hindi na maaari pang magsagawa ng salah na sunnah. Ang taong nagsasalah ng sunnah na patapos na sa ikalawang rakah ay kinakailangan na tapusin na niya ito, at kung sakali naman na hindi pa niya natatapos ang pangalawang rakah, nararapat na ihinto na niya ito at sumama sa pagdarasal ng obligadong salah.

Talakayin:1. Ang magandang pag-uugali sa paglalakad patungo ng Salah at

paghihintay ng pagsasalah.

2. Ang mga kilos na makruh sa pagsasalah.

3. Ang batas ng Salat ul-Jama’ah

Page 47: BTEC Fiqh Level 0111

47

ArALIN – 11

Ang BATAs sA PAg-IImAm – PAmumuno sA PAgsAsAlAH

Ang mga may karapatan sa Pag-iimam

una: Ang mga may karapatan sa pag-iimam:

1. Sinuman ang pinakamahusay at pinakamarunong sa Qur’an.2. Ang Pinakamarunong at pinakamaraming nalalaman sa Sunnah ng

Sugo ng Allah (saw) at pinakamarunong sa lahat ng mga batas ng Islam.

3. Ang Pinakamatanda sa kanila.

Pangalawa: Ang may-ari ng bahay ang siyang may karapatan na mag-imam, at katulad din ng imam ng masjid siya rin ang may karapatan na mag-imam kung sakaling marunong siyang mag-imam kahit na mayroon pang mas higit na marunong kaysa sa kanya.

Pangatlo: Ang maytungkulin at kapangyarihan ang siyang may karapatan mag-imam kaysa ibang tao, ang batayan ay ang hadith ni Abu Mas-ood (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Ang mag-iimam sa mga tao ay ang pinakamarunong sa kanila sa Qur’an, at kapag sila ay pareho ng nalalaman sa Qur’an, sino sa kanila ang pinakamarunong sa Sunnah, at kapag pareho ang kanilang kaalaman sa Sunnah, sino ang mas nauna sa kanila sa paglikas, at kapag pareho rin sila, sino ang mas nauna sa kanilang yumakap ng Islam, at huwag mag-imam ang lalaking mas marunong kaysa sa Imam ng masjid at huwag umupo sa ibang bahay maliban lamang kung ipinahintulot sa kanya. ” Muslim

Ang ilan sa mga batas ng pag-iimam∑ Kapag nagsasalah ang Imam at siya ay mayroong hadath- hindi

nakapag wudhu- saka lang niya nalaman nang matapos na ang Salah, sa ganitong kalagayan ang Salah ng mga ma`mon ay tama, nguni’t ang Imam ay kinakailangan ulitin ang kanyang Salah.

∑ Hindi maaaring mag-imam ang (ummi) na hindi marunong magbasa ng al-fatiha maliban na lamang kung pareho sila ng mga ma`mon.

Page 48: BTEC Fiqh Level 0111

48

∑ Maaaring magpa-imam ang nagsasalah ng fardh sa likod nang nagsasalah ng sunnah, halimbawa magsasalah ka ng ‘Isha sa likod ng Imam na nagsasalah ng Taraweh batay sa salaysay ni Muadh (raa) na siya ay nagsasalah sa likod ng Sugo ng Allah (saw) ng Taraweh at nang dumating ang kanyang mga kasamahan siya ay nagsalah sa likod nila. Bukhari

∑ Sunnah na habaan ang pagbasa sa unang rakaah kaysa sa pangalawang rakaah.

Ang tinatayuan ng Imam at ng Ma`mun

∑ Kung ang Ma`mun ay nag-iisa; ang sunnah ay siya ang tatayo sa tabing kanan ng Imam.

∑ Kung ang Ma`mun ay dalawa o higit pa; ang sunnah ay sila ang tatayo sa likod ng Imam at ang imam naman ay sa gitnang harapan nila batay sa ulat nila Jabur at Jabbar (raa) na ang isa sa kanila ay tumayo sa tabing kanan at ang isa naman ay sa tabing kaliwa ng Sugo ng Allah (saw) at sinabi ni Jabur (raa) hinawakan ng Sugo ng Allah (saw) ang aming kamay at itinulak kami sa likod niya. Muslim.

∑ Hindi maaaring magsalah na nag-iisa sa likod ng Imam o sa likod ng Saf maliban lamang kung hindi niya kayang sumingit sa saf.

∑ Kapag ang Ma`mun ay nasa loob ng masjid kinakailangan na sumunod siya sa Imam kahit hindi pa niya nakikita o malayo sa kanya nguni’t naririnig naman niya ang tinig nito.

∑ Kung Ang Ma`mun ay nasa labas ng masjid kinakailangan na sumunod siya sa Imam sa tatlong kondisyon:

1. Nakikita niya ang Imam o ang mga Ma`mun.2. Naririnig niya ang takbir.3. Ang saf ay kinakailangang sunud-sunod

∑ Makruh kung ang Imam ay mas mataas ang kanyang kinalalagyan kaysa sa mga Ma`mun

∑ Hindi rin naman Makruh kung ang mga Ma`mun ay higit na mataas ang kanilang pinagsasalahan kaysa Imam katulad halimbawa kung sila’y nagsasalah sa atip ng masjid.

∑ Kapag nagsasalah ang ilan sa mga Babae kasama ng mga lalaki, sila ay magsagawa ng saf sa likod ng mga lalaki at lumayo na lang sila ng kaunti mula sa mga lalaki.

Page 49: BTEC Fiqh Level 0111

49

Ang Pagsunod ng Ma`mun sa Imam

Susunod ang Ma`mun sa Imam sa apat na paraan:

una: obligado: kinakailangan sundan ng Ma`mon ang Imam sa lahat ng kanyang kilos, kapag siya ay nagtakbir ay magtatakbir na rin siya, at kapag siya ay yumuko ay yuyuko na rin siya, at ang batayan dito ay ang hadith ni Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw) : “Katunayan na ginawa ang Imam upang siya ay sundan, at kapag siya ay nagtakbir, magtakbir na rin kayo, at kapag siya nagruko magruko na rin kayo, at kapag sinabi niya ang SamiAllahu liman hamidah, sabihin ninyo ang: rabbana walakal hamd, at kapag siya ay nagsujud, magsujud na rin kayo, at kapag siya ay nagsalah nang nakaupo magsalah na rin kayo nang nakaupo.” Bukhari.

Pangalawa: Sabayan siya: makruh na magruko ang ma`mun sabay sa Imam at kapag nagkasabay ang kanilang takbiratul Ihram ay mawawalan ng saysay ang salah ng Ma`mun.

Pangatlo: Unahan ang Imam: ito naman ay Haram – bawal – katulad halimbawa ng magtakbir o magruko o magsalam bago ang Imam batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “ Hindi ba natatakot ang isa sa inyo na kapag itinaas niya ang kanyang ulo bago ang Imam ay gagawin ng Allah ang kanyang ulo katulad ng ulo ng isang asno o ang katawan niya katawan ng asno.” Bukhari

Pang-apat: Mahuli sa Imam: sa dalawang paraan:

1. Kapag nagruko ang Imam at siya ay nanatiling nakatayo pa rin, at pagkatapos nagruko siya bago magbangon ang Imam mula sa ruko, sa ganitong kalagayan ang kanyang salah ay tama nguni’t nasuway niya ang sunnah dahil hindi siya nagruko agad.

2. Kapag nagruko ang Imam at nagbangon na siya mula sa kanyang pagruko bago ang Ma`mun. Kung ang pagkahuli ng Ma`mun ay mayroong dahilan katulad ng inaantok siya o di kaya`y ang Imam ay napakabilis magsalah, magkagayon ay kailangan gawin niya ang naunang gawa at habulin niya ang kanyang Imam. At kung ang kanyang pagkahuli ay walang dahilan ang kanyang Salah ay masisira.

Page 50: BTEC Fiqh Level 0111

50

Ang BATAs sA PAgHAHABol sA sAlAH kAPAg nAHulI kA sA PAgdATIng

Ang kahulugan ng (huli sa Salah) ay kapag dumating ka sa Salah na ang mga tao ay nagsasalah na ng isang rakaah o higit pa kasama ang Imam.

∑ Kapag dumating ka sa Salah at ang Imam ay nakaruko, kinakailangang magtakbir ka ng takbiratul ihram na nakatayo at magtakbir ka muli para sa ruko at magruko ka, sa ganitong kalagayan ay naabot mo na rin ang rakaah at ang jama’ah.

∑ Nguni’t kapag ikaw ay nagdududa kung naabutan mo ba ang rakaah o hindi, sa ganitong kalagayan huwag mong ibilang itong rakaah at magsujud ka na lang ng sahu bago mag taslim.

∑ Kapag dumating ka sa masjid na ang Imam ay nakasujud o nakaupo, ang sunnah para sa iyo ay pumasok sa salah at magtakbir ng takbiratul ihram na nakatayo at magsujud kung ang Imam ay nakasujud, o maupo kung ang Imam ay nakaupo na wala nang takbir at huwag mong hintayin pang tumayo ang Imam.

∑ Kinakailangang tumayo upang kumpletuhin ang anumang hindi naabutan sa Salah pagkatapos magtaslim ng Imam.

∑ Sinuman ang hindi umabot sa Jama’ah; ang sunnah para sa kanya ay bumuo muli ng isang jama’ah.

∑ At kapag wala ng jama’ah, sunnah sa ibang tao na nasa loob ng masjid na samahan siya sa pagsasalah na kahit siya ay nakapagsalah na, batay ito sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “ Sinuman sa inyo ang nais magbigay ng Sadaqah ay samahan siya sa pagsasalah.” Al-Imam Ahmad.

Talakayin:1. Ang batas sa pag-iimam.

2. Ang tinatayuan ng imam at ma’mun.

3. Ang pagsunod ng ma’mun sa imam.

Page 51: BTEC Fiqh Level 0111

51

ArALIN – 12

Ang mgA dAHIlAn kung kAIlAn kATAnggAP-TAnggAP Ang PAglIBAn sA PAgsAsAlAH sA JAmA’AH

AT Jum’AH

Nararapat sa isang tao na magsalah ng jama’ah sa masjid nguni’t kung sakaling mayroon siyang sapat na dahilan siya ay maaring hindi na magsalah ng jama’ah o jum’ah batay sa hadith ni Ibn Abbas (raa) na kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Sinuman ang nakarinig sa panawagan sa Salah na hindi niya ito tinugon ay mawawalan ng saysay ang kanyang Salah maliban na lamang kung mayroon siyang sapat na dahilan.” Al-Bayhaqi

Ang mga dahilan kung kailan tinatanggap sa pagliban sa pagsasalah ng jum’ah at jama’ah ay ang mga sumusunod:

1. Sakit.2. Pagkatakot na mayroong maaaring mangyari sa iyo, sa pamilya, o

sa ari-arian.3. Malakas na ulan o baha at malakas na hangin o kaya ay sobrang

lamig.4. Sa sandali na ang pagkain ay nakahain na, nguni’t ito ay minsan

lamang at hindi maaring gawing dahilan sa pagliban sa salah ng jama’ah at jum’ah.

5. Kung hindi mapigilan ang pag-ihi at pagdumi, dahil ito ay nakahahadlang sa pagpapakumbaba sa pagsasalah.

6. Kung mayroong binabantayang bagay na kapag iniwan ay maaaring mawala.

7. Kung nagbabantay sa maysakit na walang mapag-iiwanan sa kanya.

Makruh sa sinumang kumain ng sibuyas ang pumasok ng masjid batay sa sinabi ng Sugo ng Allah (saw): “Sinuman ang kumain ng sibuyas ay huwag pumasok sa aming masjid sa halip ay manatili na lang sila sa kanilang bahay upang hindi niya maistorbo ang mga tao at ang mga malaikah.” Bukhari.

Nguni’t hindi rin ito maaring gawing dahilan upang mabigyan siya ng pahintulot na huwag nang magsagawa ng salah sa masjid. Dahil mahigpit na ipinagbabawal ito sa kanya – haram - nguni’t kung kaya niyang tanggalin ang amoy, mas makabubuti ito para sa kanya.

Page 52: BTEC Fiqh Level 0111

52

Ang Pagsasalah ng mga taong may tamang dahilan na hindi magsa salah ng jama’ah

una: Ang maysakit:

Ipinahintulot ng Allah sa mga taong mayroong malubhang karamdaman, na hindi na nila kayang isagawa ang Salah sa maayos na pamamaraan, na isagawa ang Salah sa anumang kilos na kaya nila, tunghayan ang mga sumusunod:

1. Kinakailangang magsalah nang nakatayo ang maysakit kung sakaling kaya niyang tumayo.

2. At kung hindi niya kayang magsalah na nakatayo, magsalah siya nang nakaupo at iyuko lang niya ang kanyang likod sa pagruko, at tungkol naman sa pagsujud ay kapag kaya niyang magsujud - magsujud siya at kung hindi niya kaya ay iyuko na lamang niya ang kanyang likod na higit na mas mababa kaysa sa kanyang pagruko.

3. Kung sakaling hindi niya kayang magsalah nang nakaupo, magsalah siyang nakatagilid at ang kanyang mukha ay nakaharap sa qiblah.

4. At kung hindi niya kayang magsalah nang nakatagilid, magsalah siyang nakahiga at ang kanyang dalawang paa ay nakaharap sa qiblah, batay sa hadith ni Imran Ibni Husain (raa) na ang Sugo ng Allah (saw) ay nagsabi: “Magsalah ka nang nakatayo, at kapag hindi mo kaya, magsalah ka nang nakaupo, at kapag hindi mo kaya, magsalah ka nang nakahiga.” Bukhari.

∑ Kapag nagsalah ang maysakit na nakatagilid o nakahiga ay iyuko lang niya ang kanyang likod sa pagruko at pagsujud na mas mababa nang kaunti ang sujud kaysa ruko, kapag hindi niya kaya ay itingin na lang niya pababa ang kanyang dalawang mata.

∑ Maaaring magsalah ang maysakit ng (jam) pag-isahin niya ang dhuhur at ‘asr o kaya ay Maghrib at ‘Isha nguni’t hindi niya maaaring bawasan ang apat na rakaah at gawing dalawa (qas`r), ito ay ipinahintulot kung sakaling nahihirapan siya sanhi ng kanyang sakit.

Pangalawa: Ang Musafir- naglalakbay

Ipinahihintulot sa isang naglalakbay ang magsalah ng Qasr - bawasan ang bilang ng rakaah ng Salah - at ang batas dito ay sunnah. Kapag kinumpleto mo ang rakaah nasuway mo ang sunnah ng Sugo ng Allah (saw) dahil siya

Page 53: BTEC Fiqh Level 0111

53

ay nag-qasr nang siya ay naglakbay, ang ating Propetar ay ang ating batayan, iniulat ni Muslim bin Malik (raa) na kanyang sinabi: Kami ay nagpunta ng Makkah na kasama ang Sugo ng Allah at siya ay nagsalah ng tagdadalawang rakaah hangga’t sa kami ay makabalik Madinah. Bukhari

Ang mga Batas na may kaugnayan sa Salah ng Musafir- naglalakbay

1. Bawasan ang apat na rakaah ng mga Salang rubaiyah (apat na rakaah) at gawing dalawang rakaah.

Ang mga Salang rubaiyah ay ang (Dhuhur- ‘Asr- ‘Isha) subali’t ang Maghrib at Fajr naman ay hindi na maaaring bawasan.

Kapag ang Musafir ay magsasalah ng mag-isa o mayroon siyang mga kasamang musafirin din; silang lahat ay magsasalah ng tagdadalawang rakaah sa bawa’t apat na rakaah na Salah.

Nguni’t kapag nagsasalah ang Musafir sa likod ng Mokim- hindi naglalakbay- ay dapat kumpletuhin niya ang apat at hindi niya ito maaaring bawasan.

2. Al-Jam- ang pag-isahin ang oras ng dalawang Salah, maaaring magsalah ng Dhuhur at ‘Asr sa isang oras, magsalah ng Dhuhur pagkatapos ay Asr, sa oras ng Dhuhur – ito ang tinatawag na Jam takdim, o kaya naman ay sa oras ng ‘Asr – ito naman ay tinatawag na Jam Ta’khir, at maaari rin itong gawin sa salah ng Maghrib at ‘Isha na katulad din nito.

Ang sAlAH AT-TATAwwo – sunnAH HIndI oBlIgAdo

Ang Salah at-Tatawwo ay ang Salah na isinasagawa na hindi obligado sa kanya.

Ang Islam ay nag-anyaya sa lahat ng mga Muslim na damihan ang Salah dahil ito ay isa sa mga ikinalulugod ng Allah sa Kanyang mga alipin dito sa mundo at kabilang buhay; ang mga Salah na ito ay napakarami at kabilang dito ang mga sumusunod:

una: Sunan Rawatib: Ang mga Salang hindi obligado na isagawa kasama sa kanyang mga tungkuling Salah - ganito ang paliwanag:

1- Dalawang Rakaah bago ang Fajr.

2- Apat na Rakaah bago ang Dhuhur.

Page 54: BTEC Fiqh Level 0111

54

3- Dalawang Rakaah matapos ang Dhuhur.

4- Dalawang Rakaah matapos ang Maghrib.

5- Dalawang rakaah matapos ang Isha.

At ang Asr ay walang sunna rawatib.

Ang batayan dito ay ang hadith ni Ummi Habibah (raa) na kanyang sinabi: narinig ko ang Sugo ng Allah na kanyang sinabi: “Kung sinuman mula sa mga aliping Muslim na nagsasalah ng labing dalawang rakaah, na hindi obligado sa kanya, ay gagawan ng Allah ng isang bahay sa Paraiso” sinabi ni Ummi Habibah: Mula nang sabihin ito ng Sugo ng Allah (saw) ay akin na itong isinasagawa” Muslim.

Pangalawa: Salah Al-witr

Ang Batas nito: Sunnah al-Mu’akkadah, ang Batayan ay ang hadith ni Abu Hurairah (raa) na kanyang sinabi: “Inutusan ako ng aking pinakamamahal na propeta na gawin ang tatlong bagay; mag-ayuno nang tatlong araw bawa’t buwan, magsalah nang dalawang rakaah sa umaga (Dhoha), at magsalah ng Witr bago matulog.” Bukhari

Ang oras nito:Simula sa pagkatapos ng Salah ng Isha hanggang sa pagsapit ng oras ng Fajr. Pinakamainam na ito ay isagawa mula sa pangatlong bahagi ng gabi at kapag nangangamba na baka hindi magising, mas mainam na magsalah na lang siya ng Witr bago matulog.

Ang bilang ng Rakaah:Ang pinakamababa ay isang rakaah at ang pinakamarami ay labing-isang rakaah at ang pinakamababang kumpleto ay tatlong rakaah.

Pamamaraan ng pagsasagawa:Magsalah ng dalawang rakaah at tapusin sa pamamagitan ng taslim, magsalah uli ng dalawang rakaah at tapusin sa pamamagitan ng taslim, at tapusin ang witr ng isang rakaah. Sunnah na magsasagawa ng du`a (panalangin) pagtayo mula sa pagruko sa anumang uri ng du`a na makakabuti sa iyo para sa mundo at kabilang buhay. Mas mabuti na gamitin

Page 55: BTEC Fiqh Level 0111

55

ang du`a mula sa Sugo ng Allah (saw) na tinatawag na du`a al-qunut. Ang Du`a al-qunut:Mula kay Hassan bin Ali (raa) na kanyang sinabi : Tinuruan ako ng Sugo ng Allah (saw) ng panalangin na dapat kong bigkasin sa pagsasalah ng witr: )Allahummah dini fiman hadaita wa afini fiman afaita watawallani fiman tawallaita wabarikli fimaa a`taita wakini sharra maa qadhaita fainnaka taqdhi walaa yuqdha alaika wa innaho la yazillo man wa laita tabarakta rabbana wa taalaita) At-Tirmidhi

Ang mgA sAndAlI nA IPInAgBABAwAl mAgsAgAwA ng sAlAH:

Sunnah sa isang Muslim na damihan niya ang Salah at-tatawwu upang makamit niya ang anumang biyaya na inihanda ng Allah para sa kanya, nguni’t mayroong tatlong pagkakataon na ipinagbawal ng Allah ang magsagawa ng Salah:

una: Pagkatapos magsagawa ng Salah fajr hanggang sa pagsikat ng Araw sa tagal na labing limang minuto pagkatapos sumikat ng araw.

Pangalawa: Habang ang Araw ay nasa gitna pa ng langit hanggang sa )zawal( at ang kahulugan ng zawal ay pababana ng kaunti ang Araw sa bandang kanluran.

Pangatlo: Pagkatapos mag-Salah ng ‘Asr hanggang sa paglubog ng Araw.

Mahigpit na ipinagbabawal na magsagawa ng Salah at-tatawwu sa mga oras na ito, nguni’t mayroong uri ng mga Salah na maaring isagawa kahit sa ganitong oras, ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagpapalit sa mga nakaraang Salah na hindi mo naisagawa.)قضاء( 2. Tahiyyatul Masjid – Salah na pagbati sa masjid.3. Salatul Janazah – Salah na inaalay sa mga patay.

Talakayin:1. Ang mga dahilang tatanggapin sa pagliban sa pagsasalah ng

Jama’ah at Jum’uah

2. Ang Salah tatawo at ang mga sandali na ipinagbabawal ang Salah.