47
1 BTEC Batha Training & Education Center Seerah / سيرةLevel 3 - Filipino NILALAMAN Pahina Kabanata 1/2 Ang Malaking Labanan ng Bader sa Araw ng Al-Furqan 2 Kabanata 3 Ang Paghahati ng mga Kayamanang Nakuha sa Labanan 11 Ang mga Bihag sa Labanan ng Bader 11 Kabanata 4/5 Ang Labanan ng Uhud 14 Kabanata 6 Ang Pangyayari sa Balon ng Ma’unah 21 Ang Labanan ng Al-Muraisee 21 Ang Kuwento ng Al-Ifk (Ang Paninirang-puri) 21 Kabanata 7/8 Ang Labanan ng Magkakapanig 25 Kabanata 9 Ang Kasunduan ng Hudaybiyah 31 Kabanata 10 Ang Labanan ng Khaibar 40 Kabanata 11 Ang Pagdating ni Ja’far bin Abi Talib at ang kanyang mga kasamahan mula sa Abyssinia 43 Napalibutan ng Mensahero ng Allah ang ilan sa mga Hudyo sa Wadi Al-Qura 44 Ang Pagpapadala ng Espedisyong Militar sa Al-Haraqat 45 Kabanata 12 Ang Katumbas na Umrah (Umrah Al-Qadhiyyah) 46

BTEC Seerah-FL3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Seerah-FL3 BTEC 11102015

Citation preview

Page 1: BTEC Seerah-FL3

1 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

NILALAMAN

Pahina

Kabanata 1/2

Ang Malaking Labanan ng Bader sa Araw ng Al-Furqan 2

Kabanata 3

Ang Paghahati ng mga Kayamanang Nakuha sa Labanan 11

Ang mga Bihag sa Labanan ng Bader 11

Kabanata 4/5

Ang Labanan ng Uhud 14 Kabanata 6

Ang Pangyayari sa Balon ng Ma’unah 21

Ang Labanan ng Al-Muraisee 21

Ang Kuwento ng Al-Ifk (Ang Paninirang-puri) 21

Kabanata 7/8

Ang Labanan ng Magkakapanig 25

Kabanata 9

Ang Kasunduan ng Hudaybiyah 31

Kabanata 10

Ang Labanan ng Khaibar 40

Kabanata 11

Ang Pagdating ni Ja’far bin Abi Talib at ang kanyang mga

kasamahan mula sa Abyssinia

43

Napalibutan ng Mensahero ng Allah ang ilan sa mga Hudyo sa Wadi Al-Qura

44

Ang Pagpapadala ng Espedisyong Militar sa Al-Haraqat 45

Kabanata 12

Ang Katumbas na Umrah (Umrah Al-Qadhiyyah) 46

Page 2: BTEC Seerah-FL3

2 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 1/2

Ang malaking labanan ng Badr sa araw ng Al-Furqan

Sa buwan ng Ramadhan, nakaabot sa Mensahero ng Allah ang mga balita tungkol sa karabana na parating mula sa Ash-Sham ay na kasama si Abu Sufyan. Ito ay naglalaman ng mga kayamanan na pag-aaari ng mga

Quraish. Itinalaga ng Mensahero ng Allah ang ibang mga tao na lumabas para rito. Nagmamadali siyang naghanda nang humigit sa tatlong daan at sampung na mga kalalakihan, subali’t wala silang ibang mga kabayo

maliban sa dalawa – ang isa ay pag-aari ni Az-Zubair at ang isa ay kay Al-Miqdad bin Al-Aswad. May dala silang pitumpung mga kamelyo at dalawa o

tatlong mga tao ang magpapalitan para makasakay sa bawa’t kamelyo. Ibinilin ng Propeta kay Abdullah bin Umm Maktum ang pangangalaga sa Al-Madinah.

Nang marating niya ang Ar-Rawha’, pinabalik niya si Abu Lubabah bin Al-

Munzir sa Al-Madinah upang siya ang pumalit sa pangangalaga nito. Ibinigay niya ang sagisag kay Mus’ab bin Umair upang bitbitin at ibinigay niya ang bandila kay Ali. Ang bandila ng mga Ansar ay ibinigay niya kay

Sa’d bin Mu’adh. Nang makarating na sila sa As-Safra’, inutusan niya si Basban bin ‘Amr at

‘Adiyy bin Abi Az-Zaghba’ sa Badr upang makakuha ng balita sa karabana.

Ang mga balita sa pag-alis ng Mensahero ng Allah ay nakaabot kay Abu Sufyan kaya’t inupahan niya si Damdam bin ‘Amr Al-Ghifari. Dali-dali niyang pinaalis si Damdam patungo ng Makkah upang tumawag ng iba

pang mga tropa upang tulungan ang kanilang karabana. Nagmamadali silang lumisan at wala sa isa man sa mga kilala sa kanila ang naiwanan –

maliban kay Abu Lahab, na umupa ng isang tao na makikipaglaban para sa kanya – at natipon nila ang mga tribu ng Arabo na naninirahan sa paligid nila. Walang naiwan sa mga tribu ng Quraish maliban sa Banu ‘Adiyy, wala

sa kanila ang nakipaglaban. Nag-alisan sila mula sa kanilang tinitirahan, katulad ng winika ng Allah:

“Sa pagmamayabang at makita ng mga tao, at hadlangan (ang mga tao) mula sa landas ng Allah.”1

- at pinag-anib sila ng Allah na walang anumang pinagkasunduan, katulad ng Kanyang winika:

1 Surah Al-Anfal 8:47

Page 3: BTEC Seerah-FL3

3 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

“Kahit na gumawa pa kayo ng mapagkakasunduan, tiyak na hindi ninyo ito

mapagkakasunduan.”1 Nang maipabatid sa Mensahero ng Allah na ang mga Quraish ay

nagsialisan, sumangguni siya sa kanyang mga Kasamahan; ang mga Muhajirun ay nagsalita at sila ay nagsalita ng mahusay. Pagkatapos ay humingi siya ng payo sa kanila sa pangalawang pagkakataon at ang mga

Muhajirun ay nagsalita ulit at sila ay nagsalita ng mahusay. Pagkatapos ay humingi siya ng payo sa kanila sa pangatlong pagkakataon at naunawaan ng mga Ansar na sila lamang ang ipinakahulugan ng Mensahero ng Allah.

Si Sa’d bin Mu’adh ay nagsabi: “Nararamdaman ko na may nais kang sabihin, O Mensahero ng Allah?” Ang dahilan kung bakit niya

ipinakahulugan na sila lamang ay sapagka’t nangako sila na pangangalagaan siya sa kanilang mga tirahan (hal. Sa loob ng Al-Madinah). “At parang pinangangambahan mo na hindi ka pangangalagaan ng mga

Ansar maliban lamang sa kanilang mga tirahan.” Ako’y nagsasalita para sa mga Ansar at ako ang sasagot para sa kanila; kaya’t dalhin mo kami kung saan mo nais, makipag-ugnayan ka kung kanino mo nais, putulin mo ang

iyong pakikipag-ugnayan kung kanino mo nais, kumuha ka mula sa aming mga kayamanan kung ano ang iyong nais at bigyan mo kami mula rito kung

ano ang iyong nais – anuman ang kunin mo mula rito ay mas minamahal para sa amin kaysa sa anuman na iyong iiwanan. Sumpa man sa Allah, kung sumama ka sa amin hanggang sa marating mo ang dagat mula sa

Ghamdan, sasama kami sa iyo at kung magpapatuloy sa karagatan, lulusong kami dito na kasama mo.”

At sinabi ni Al-Miqdad bin Al-Aswad, “Kung gayo’y hindi namin sasabihin ang sinabi ng mga tao ni Moises sa kanya:

“Kaya’t humayo ka at ang iyong Panginoon at makipaglaban kayong dalawa, kami ay mananatili rito.”2

- subali’t makikipaglaban kami sa mga nakikipaglaban sa iyo, sa mga nasa

likuran mo, sa mga nasa gawing kanan at kaliwa mo. Nagliwanag ang mukha ng Mensahero ng Allah sa pakikinig nito mula sa

kanila at kanyang sinabi, “Magpatuloy at magdiwang sa magandang balita, sapagka’t ipinangako ng Allah sa akin ang isa sa dalawang mga bagay

(alinman sa kayamanan o ang pakikibaka para sa Allah) at sumpa man sa Allah, para bang nakikita ko na sa ngayon ang pagkawasak ng mga tao.”

Ang iba sa mga Sahabah ay hindi nais na makipaglaban sa mga tropa ng kaaway at sila ay nagsabi, “Hindi tayo handa para sa kanila.” At ito ay nababanggit sa mga Salita ng Allah, ang Pinakamataas:

- hanggang sa Kanyang mga Salita:

1 Surah Al-Anfal 8:42

2 Surah Al-Ma’idah 5:24

Page 4: BTEC Seerah-FL3

4 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

“Sapagka’t ikaw ay pinalabas ng iyong Panginoon mula sa iyong tahanan na may dalang katotohanan; at katiyakan, ilan sa mga mananampalataya ay

hindi ito nais. Nakikipagtalo sa iyo tungkol sa katotohanan matapos na ito ay maipahayag.” Hanggang sa “kahit na ang mga Mujrimum (di-mananampalataya, sumasamba sa diyus-diyusan, mga makasalanan, mga

kriminal) ay kasuklaman ito.”1 Kaya’t ang Mensahero ng Allah ay naghanda para sa Badr.

Samantala, inilihis ni Abu Sufyan ang kanyang karabana patungo sa dagat

at siya ay sumulat sa mga Quraish na nagsasabing sila ay dapat na bumalik sapagka’t nakapaghanda lamang sila upang pangalagaan ang karabana. Nang umabot ang balita sa kanila, nagbalak sila na bumalik, subali’t si Abu

Jahl ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, hinid kami iikot pabalik hangga’t marating naming ang Badr. Maghihintay kami dito at pakakainin namin sinuman ang lumapit, paiinumin sila ng alak at ang mga babaeng mang-

aawit ay aaliwin tayo hanggang sa marinig tayo ng mga Arabo at patuloy nila tayong katatakutan.

Si Al-Ikhnas bin Shuraiq ay nagpayo sa kanila na bumalik, subali’t hindi nila ito ginawa at siya kasama ang Banu Zahra ay nagbalik. Matapos ito, si

Al-Ikhnas ay tuluyang sinunod ng mga Banu Zahra.

Ang mga Banu Hashim ay nagnais bumalik, subali’t si Abu Jahl ay nagsabi: “Ang tropang ito ay hindi tayo titigilan hangga’t tayo ay bumalik.” Kaya’t sila ay nagpatuloy maliban kay Talib bin Abi Talib na nagbalik.

Ang Mensahero ng Allah ay nagpatuloy hanggang narating niya ang pinakamalapit na balon ng Badr. “Ano sa palagay mo kung pupuntahan

natin ang ibang mga balon na alam natin na mayroong saganang tubig at doon tayo humimpil, pagkatapos ay punuan natin ang ibang mga balon?”,

ang sabi ni Al-Hubab bin Al-Munzir. Nang gabing yaon ay nagpadala ang Allah ng ulan na nagpatigas sa buhangin, ginawang matigas ang kanilang mga paa at pinag-anib ang kanilang mga puso.

Sumulong ang Mensahero ng Allah sa lugar ng paglalabanan. “Dito ang

lugar kung saan ang isa babagsak at dito ang lugar kung saan ang isa pa ay babagsak at dito ang lugar kung saan ang isa rin ay babagsak – kung nanaisin ng Allah,” habang itinuturo ng kanyang kamay. At walang isa man

sa kanila ang lumagpas sa lugar na kanyang itinuro. Nang makita na nila ang mga pagano, ang Mensahero ng Allah ay nagsabi:

“O Allah! Ang mga Quraish ay dumarating na taglay ang kanilang

pagmamalki at pagmamataas, itinatakwil Kayo at pinasisinungalingan ang

1 Surah Al-Anfal 8:5-8

Page 5: BTEC Seerah-FL3

5 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Inyong Mensahero! O Allah! Ipagkaloob Mo ang tulong na Iyong pinangako!

O Allah! wasakin Mo sila ngayong umaga!”

At siya ay tumayo at itinaas ang kanyang mga kamay na humihingi ng tulong sa kanyang Panginoon. Pinakiusapan niya ang Allah ng matagal at itinaas ang kanyang mga kamay hanggang sa ang kanyang balabal ay

malaglag at kanyang sinabi: “O Allah! Tuparin Mo ang iyong pangako sa akin! O Allah! Hinihintay ko ang

Iyong Katuparan! O Allah! Kung ang bigkis ng mga Muslim na ito ay mawawasak, hindi Ka na masasamba sa lupa magpakailanman.”1

Si Abu Bakr na nakatayo sa kanyang likuran ay nagsalita, “Napakiusapan mo na ng sapat ang iyong Panginoon, O Mensahero ng Allah! Sapagka’t sa

Kanya na ang aking kaluluwa ay nakasalalay sa Kanyang Kamay, tutuparin ng Allah ang ipinangako Niya sa iyo.”2

Nanawagan ang mga Muslim sa Allah na pagkalooban sila ng tulong at tagumpay. Pagkatapos ay ipinaalam ng Allah sa mga anghel:

“Katotohanan, kasama ninyo Ako, kaya’t pagtibayin yaong mga naniwala. Ilalagay ko ang takot sa mga puso ng mga hindi naniwala, kaya’t hampasin

ang kanilang mga leeg, at hambalusin ang lahat ng kanilang mga daliri sa paa.”3

Ipinabatid ng Allah sa Kanyang Mensahero:

“Tutulungan kita sa pamamagitan ng isang libong mga anghel na ang bawa’t isa ay nasa likuran ng iba (na sumusunod) na magkakasunud-sunod.”4

Ito ay nasabi na nangangahulugang “sumusunod sa likuran ninyo” at

nasabi rin na ito ay nangangahulugang “…sumusunod sila sa bawa’t isa at hindi sila dumarating ng sabay-sabay.”

Nang kinaumagahan, ang mga pulutong ng Quraish ay lumusob. Pinaliit ng Allah sa paningin ng mga Quraish ang bilang ng mga Muslim hanggang si

Abu Jahl ay nagsabi, nang iminungkahi ni Utbah bin Rabee’ah na sila’y magsibalikan, dahil sa pangamba na ang Quraish ay maaaring mahati at maputol ang mga ugnayan sa bawa’t isa kapag napatay nila ang kanilang

mga kamag-anak: “Hindi ito dahilan; alam niya (si Utbah) na si Muhammad at ang kanyang mga Kasamahan ay iilan lamang at ang kanyang anak ay isa sa kanila, kaya’t tatakutin niya kayo dahil sa pagsasaalang-alang sa

kanya.” 1 Ang hadith na ito ay iniulat nina Muslim at Tirmdhi, katulad ng pagkakabanggit sa Jami’ Al-Usul

2 Iniulat nina Muslim at Ahmad sa kapahintulutan ni Umar bin Al-Khattab

3 Surah Al-Anfal 8:12

4 Surah Al-Anfal 8:9

Page 6: BTEC Seerah-FL3

6 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Pinaliit din ng Allah sa paningin ng mga Muslim ang bilang ng mga pagano

upang maaari Niyang maganap ang isang bagay na malaon nang itinakda.

Inutusan ni Abu Jahl si Amir bin Al-Hadhrami, ang kapatid ni ‘Amr bin Al-Hadhrami upang ipaghiganti ang pagkakapatay sa kanyang kapatid kaya’t kanyang isinigaw habang ipinakikita ang kanyang likuran at umiiyak, “Para

kay ‘Amr! Para kay ‘Amr!” Sa ganitong pagkakataon ay nabuyo ang mga tao at ang labanan ay nagsimula.

Isinaayos ng Mensahero ng Allah ang mga hanay pagkatapos ay iniwanan sila. Umidlip siya sandali at ang mga Muslim ay inantok. Binabantayan ni

Abu Bakr As-Siddeeq ang Mensahero ng Allah na kasama si Sa’d bin Mu’adh at ang ilan sa mga Ansar sa may bukana ng dampa (na kanilang ginawa para sa kanya). Pagkatapos ay lumabas ang Mensahero ng Allah

mula rito, magaang naglalakad na bitbit ang kanyang sandata at binibigkas ang Talatang ito:

“Ang dami nila ay magsisiliparan at kanilang ipakikita ang kanilang mga likuran.”1

Ipinagkaloob ng Allah ang tagumpay sa mga Muslim laban sa mga pagano. Napatay nila at nabihag ang mga ito; napatay nila ang pitumpu at nabihag

ang pitumpu.

Sina Utbah at Shaibah (ang mga anak ni Rabi’ah) at Al-Walid bin Utbah ay sumulong, naghahangad ng isahang labanan kaya’t ang tatlo sa mga Ansar ay lumabas at humarap sa kanila, subali’t kanilang sinabi “Gusto namin ng

mga tao na kapantay naming, wala kaming pakialam sa inyo. Gusto lang namin ang aming mga pinsan.” Kaya’t sina Hamzah, Ubaidah bin Al-Harth at Ali bin Abi Talib ay humakbang pasulong. Napatay ni Ali ang kanyang

katunggali na si Al-Walid. Napatay ni Hamzah ang kanyang katunggali na si Shaibah. Sina Ubaidah at Utbah ay naghampasan ng kanilang mga sandata

at pareho silang tinamaan. Pinagtulungan ni Ali at Hamzah ang katunggali ni Ubaidah at kanilang napatay. Binitbit nila si Ubaidah na ang kanyang paa ay naputol. Kanyang sinabi, “Kung si Abu Talib ay nabubuhay

masasabi niya na ako ang mas karapat-dapat sa kanyang pangungusap: “Pangangalagaan namin siya kahit na kami ay mamatay sa aming pagsisikap, kahit na makalimutan namin ang aming mga anak at asawa.” Namatay siya sa As-Safra’ at ang sumusunod na talata ay inihayag tungkol sa kanila:

“Ang dalawang magkakatunggali (mananampalataya at di-mananampalataya) ay nagtatalo sa isa’t isa tungkol sa kanilang

Panginoon.”1

1 Surah Al-Qamar 54:45

Page 7: BTEC Seerah-FL3

7 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

“Ako ang unang luluhod sa Allah tungkol sa pagtatalo sa Araw ng Muling

Pagkabuhay,” ang palagiang sinasabi ni Ali.

Nang buo na sa loob ng mga Quraish ang pagsalakay, naalala nila ang labanan sa pagitan nila at ng Banu Kinanah, si Satanas ay nagpakita sa kanila sa anyo ni Suraqah bin Malik at nagsabi:

“Walang sinumang nilalang ang makatatalo sa iyo sa araw na ito (sa labanan ng Badr) at katiyakan, ako ay kasama mo (sa bawa’t tulong).”2

At nang naghanda sila sa pakikipaglaban, nakita niya ang mga anghel at

kumaripas siya ng takbo. “Saan ka pupunta Suraqah?” kanilang sinabi. Kanyang sinabi:

“Katiyakan, nakikita ko ang hindi ninyo nakikita. Katiyakan, natatakot ako sa Allah sapagka’t ang Allah ay Malupit sa pagpaparusa.”3

Ang mga suwail at yaong ang kanilang mga puso ay mayroong karamdaman ay inisip na ang tagumpay ay makakamit sa pamamagitan ng lakas at dami

ng bilang, kanilang sinabi: “Ang mga taong ito (mga Muslim) ay nalinlang ng kanilang relihiyon.”4 –

subali’t ipinabatis sa kanila ng Allah na ang tagumpay ay makakamit

lamang sa pamamagitan ng tiwala sa Allah lamang (Tawakkul). Nang lumapit ang mga kalaban, ang Mensahero ng Allah ay tumayo at

pinaalalahanan sila ng tagumpay na mapapasakanila kung matiyaga nilang pagsusumikapan at paninindigan. Ipinabatid din niya sa kanila ang Paraiso na itinalaga ng Allah para sa mga nagbuwis ng buhay alang-alang sa Kanya.

Si Umair bin Al-Hamam bin Al-Jumuh ay kumuha ng ilang mga dates mula sa kanyang sisidlan at nagsimulang kumain. “Kung ako ay mabubuhay

hanggang sa nakakain ko ang mga dates na ito, magiging mahaba ang buhay,” kaya’t itinapon niya ang mga ito at nakipaglaban hanggang sa siya

ang unang napatay. Dumakot ng buhangin ang Mensahero ng Allah at isinaboy ito sa mga

mukha ng tao. Wala ni isa mang tao mula sa kanila na ang mga mata ay hindi napuno nito. At ito ang kahulugan ng mga Salita ng Allah, ang Pinakamataas:

“At ikaw (Muhammad) ay hindi nagsaboy nang iyo itong isaboy, subali’t ang

Allah ang nagsaboy.”5

1 Surah Al-Hajj 22:19

2 Surah Al-Anfal 8:48

3 Surah Al-Anfal 8:48

4 Surah Al-Anfal 8:49

5 Surah Al-Anfal 8:17

Page 8: BTEC Seerah-FL3

8 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Si Abu Jahl ay humingi ng tulong mula sa Allah, “O Allah! Pinutol niya ang

pagkakamag-anakan at nagdala ng mga bagay na hindi naming nalalaman, kaya’t wasakin siya ngayong umaga.”

Nang mapalapit ang mga Muslim sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway, pinapatay sila at ginagawang bihag, si Sa’d bin Muadh na kasama

ang iba pa mula sa mga Ansar ay nakatayo sa tabi ng Mensahero ng Allah sa kanyang dampa. Napansin ng Mensahero ng Allah ang di-pagsang-ayon sa mukha ni Sa’d kaya’t kanyang sinabi:

“Parang may pagtutol ka sa ginagawa ng mga tao?”

“Oo,” ang kanyang sagot. “Sumpa man sa Allah, O Mensahero ng Allah! Ito ang unang labanan na ginawa ng Allah laban sa mga pagano at ang

pagpatay sa kanila ay mas kanais-nais sa akin kaysa sa pakawalan sila.” At nang humupa ang labanan, ang mga kalaban ay nadaig at ang

Mensahero ng Allah ay nagsabi:

“Sino ang pupunta upang makita kung ano ang nangyari kay Abu Jahl?” Si Ibn Mas’ud ang nagpunta at natagpuan niya itong naghihingalo na bihag-

bihag nina Mu’awwidh at Awf, ang mga anak ni ‘Afra’. “Ikaw ba si Abu Jahl?” ang pagtatanong ni Ibn Mas’ud habang hatak-hatak niya ito sa

kanyang balbas. “Kanino ang tagumpay ngayon?” tanong ni Abu Jahl. “Sa Allah at ang Kanyang Mensahero,” sagot ni Ibn Mas’ud. Pagkatapos ay sinabi niya, “Ipinahiya ka ba ng Allah, O kaaway ng Allah?” Sumagot si Abu

Jahl, “Higit pa ba ako sa isang tao na pinatay ng sarili niyang mga tauhan?” Sa pagkakataong iyon ay pinugot ni Abdullah bin Mas’ud ang kanyang ulo at nagpunta sa Propeta. “Pinatay ko siya,” ang kanyang sabi. “Allah,

maliban sa Iyo walang ibang karapat-dapat sambahin!” ang tatlong ulit na pabulalas na sinabi ng Propeta. “Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay

para sa Allah, na Tinupad ang Kanyang Pangako at Tinulungan ang Kanyang alipin at dinaig ang mga tribu ng Nag-iisa. Humayo kayo at ipakita ‘nyo siya sa akin.” Sinabi ni Ibn Mas’ud, “Kaya’t kami ay humayo at

ipinakita namin siya sa kanya at siya tumayo sa tapat niya.” “Ito ang Paraon ng bansang ito,” ang sinabi ng Propeta.

Kinuha ni Abdulrahman bin ‘Awf si Umayyah bin Khalaf at ang kanyang anak na si Ali bilang mga bihag. Nakita ni Bilal si Umayyah, ang palaging

nagpapahirap sa kanya sa Makkah. “Umayyah, ang pinuno ng mga walang paniniwala? Kapighatian sa akin kung siya ay makatatakas!” ang bulalas niya. Nang marinig ito ni Umayyah, siya ay humingi ng tulong mula sa ilang

mga Ansar. Kinuha ni Abdulrahman ang dalawa sa kanila sa pamamagitan ng lakas at sinubukan niyang tumayo sa pagitan nila at ng Ansar, subali’t

sila ay nakuha nila, kaya’t pinabayaan niya ang anak na lalaki ni Umayyah upang sila ay maging abala, subali’t siya ay napatay nila, pagkatapos ay nahawakan niya silang pareho. “Luhod,” ang sabi ni Abdulrahman. Siya ay

Page 9: BTEC Seerah-FL3

9 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

lumuhod at hinarangan siya ni Abdulrahman upang makaiwas sa kanila,

subali’t siya pinaghahampas nila ng mga espada hanggang siya ay kanilang napatay. Ang isa sa mga espada ay nakasugat sa binti ni Abdulrahman.1

Bago pa mangyari ito ay nagtanong si Umayyah, “Sino ang lalaki na kilala sa balahibo ng ostrich sa kanyang dibdib?” “Siya si Hamzah bin Abdul

Muttalib,” ang sabi sa kanya. “Siya ang may kagagawan ng lahat ng mga planong ito laban sa amin.”

Sa araw na iyon, ang espada ni Ukashah bin Mihsan ay nabali. Binagyan siya ng Propeta ng isang kahoy na kanyang kinuha at iwinasiwas. Naging

isa itong mahabang espada sa kanyang kamay at nagpatuloy siya sa pakikipaglaban na gamit ito hanggang sa siya ay napatay sa araw ng Labanan ng Ar-Riddah.

Nang matapos ang labanan, lumakad ang Propeta at tumayo sa mga nasawi at nagsabi:

“Anong sama ninyong mga tao laban sa inyong Propeta! Pinasinungalingan

ninyo ako, subali’t ang ibang mga tao ay naniwala sa akin. Pinabayaan ninyo ako samantala ang ibang mga tao ay pinangalagaan ako. Pinalayas ninyo ako samantala ang ibang mga tao ay inaruga ako.”

Pagkatapos ay ipinag-utos niya na hatakin ang mga bangkay at itapon sa

balon – ang balon ng Badr – at tumayo sa itaas nito at nagsabi: “O Utbah bin Rabi’ah, O Shaibah, O sa iyo at sa iyo! Nakita ‘nyo ba na kung ano ang ipinangako ng inyong Panginoon ay totoo.” “O Mensahero ng Allah! Anong

sinasabi mo sa mga taong naaagnas na mga bangkay?” ang pagtatanong ni Umar. Sumagot ang Propeta:

“Hindi mo naririnig ang mga salita ko ng higit kaysa sa kanila.”

Umalis siyang matagumpay at natutuwa ng araw na iyon na dala niya ang mga bilanggo pati ang mga kayamanang nakuha nila.

Nang marating nila ang As-Safra’, hinati niya ang mga kayamanan at pinugutan niya ng ulo si An-Nadr bin Al-Harith. At paghinto nila sa ‘Irq Az-

Zabiyah ay pinugutan niya ng ulo si Uqbah bin Abi Mu’it. Pagkatapos ay pumasok siya sa Al-Madinah na dala-dala ang tagumpay. Si Abdullah bin Ubayy na pinuno ng mga mapagkunwari at ang kanyang mga kasamahan

ay yumakap ng Islam. Ang bilang ng mga nakibaka sa Labanan ng Badr ay marami ng kaunti sa

tatlong daan at sampu, labing-apat sa kanila ang mga martir na nagbuwis ng buhay.

1 Ang kuwentong ito ay iniulat ni Bukhari sa kapahintulutan ni Abdulrahman Ibn Awf.

Page 10: BTEC Seerah-FL3

10 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Si Ibn Ishaq ay nagsabi, “May ilang mga tao na yumakap ng Islam at nang

lumikas ang Mensahero ng Allah sa Al-Madinah, ikinulong sila ng kanilang mga pamilya at pinahirapan. Sila ay hinimok ng mga Quraish na sumama

sa kanila na makipaglaban sa Badr at sila ay napatay; inihayag ng Allah ang tungkol sa kanila:

“Katotohanan, at para sa yaong kinuha ng mga anghel (sa kamatayan) habang sila ay nagkakamali sa kanilang mga sarili (dahil nanatili sila sa mga di-mananampalataya kahit na ang

paglikas ay kinakailangan para sa kanila).”1

1 Surah An-Nisa’ 4:97

Page 11: BTEC Seerah-FL3

11 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 3

Ang paghahati ng mga kayamanang nakuha sa labanan

Ipinag-utos ng Propeta na tipunin at dalhin ang lahat ng mga kayamanang nakuha mula sa labanan, subali’t ang mga tao ay hindi nagkasundo. Ang mga nakapagtipon nito ay nagsabi, “Ito ay sa amin.” Samantala yaong mga

nakapaglupig ng mga kalaban ay nagsabi, “Kung hindi dahil sa amin ay hindi ninyo iyan matitipon.” At yaong mga nagbantay sa Mensahero ng Allah ay nagsabi, “Walang mas hihigit na karapatan sa mga iyan maliban sa

amin.” Si Ubadah bin Samit ay nagsabi, “Magkagayon ang Allah na Pinakamataas ang nag-alis nito sa kanila at ipinamahala sa Mensahero ng

Allah ang paghahati ng mga ito sa mga Muslim, winika ng Allah:

سول والر يسألونك عن األنفال قل األنفال لله“Tinatanong ka nila (O Muhammad) tungkol sa mga kayamanang

nakuha mula sa labanan. Sabihin, ‘Ang mga kayamanan ay sa Allah at sa Mensahero.” Surah Al-Anfal 8:1

Si Ibn Ishaq ay nag-ulat mula kay Nubaih bin Wahab na kanyang sinabi,

“Hinati ng Mensahero ng Allah ang mga bihag sa kanyang mga kasamahan at nagsabi, ‘Pakitunguhan ng mabuti ang mga bilanggo.’”

Si Abdulaziz bin ‘Umair ay kasama ng isang lalaki mula sa mga Ansar ng ang kanyang kapatid ay nagsabi, “Panghawakan mo siya ng mabuti

sapagka’t mayaman ang kanyang kapatid na babae.” Sinabi ni Abdulaziz, “Kasama ako sa isang pangkat ng mga Ansar nang sila ay magbalik sang-ayon sa payo ng Mensahero ng Allah sa kanila tungkol sa amin. Ibibigay

nila ang kanilang tinapay sa akin at kakainin ang mga dates. Sa tuwing may malalaglag na tinapay sa kamay ng isa sa sinuman sa kanila, ibibigay

niya ito sa akin, subali’t nahihiya ako at isasauli ko ito sa isa sa kanila at isasauli naman niya ito sa akin na hindi niya ito hinahawakan.

Ang mga bihag ng Badr

Humingi ng payo ang Mensahero ng Allah sa kanyang mga Kasamahan tungkol sa mga bihag – at sila ay mayroong pitumpu ang dami, gayundin sa

mga napatay. Ang payo ni As-Siddiq ay kuhanan sila ng pantubos na siyang magbibigay sa mga Muslim ng lakas at palalayain sila, na maaaring gabayan sila ng Allah na tanggapin ang Islam. “Hindi, Sumpa man sa Allah! Hindi ako papayag diyan. Sa palagay ko ay dapat mo kaming pahintulutan na pugutan sila ng mga ulo, sapagka’t ang mga taong ito ay pinuno ng di-paniniwala at mga pasimuno sa pagsasagawa ng Shirk.” ang pangangatuwiran ni ‘Umar. Subali’t mas kinilingan ng Mensahero ng Allah

Page 12: BTEC Seerah-FL3

12 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

na tanggapin ang opinion ni Abu Bakr, at siya ay nagsabi: “Katotohanan, ang Allah, na Pinakadakila, ang Pinakamakapangyarihan ay katiyakan na palalambutin ang mga puso ng mga tao hanggang sa ito ay maging mas malambaot kaysa gatas. Gayundin, ang Allah, na Pinakadakila, ang Pinakamakapangyarihan ay patitigasin ang mga puso hanggang sa ito ay maging mas matigas kaysa bato. At katiyakan na ang kahalintulad mo, O Abu Bakr ay ang katulad ni Abraham nang kanyang sabihin, ‘Sinuman ang sumunod sa akin, siya ay katulad ko; at sinuman ang sumuway sa akin, katiyakan na Ikaw pa rin ang Mapagpatawad, ang Pinakamaawain,’ at gayundin ang kahalintulad mo Abu Bakr, ay ang katulad ni Hesus, nang kanyang sabihin, ‘Kung parurusahan Mo sila, sila ang Iyong mga alipin at kung patatawarin Mo sila, katiyakan, Ikaw lamang ang Pinakamakapangyarihan, ang Pinkamaalam,’ samantala ang kahalintulad mo, O ‘Umar, ay ang katulad ni Moises, nang kanyang sabihin, ‘Aming Panginoon! Wasakin ang kanilang mga kayamanan at patigasin ang kanilang mga puso, upang hindi sila maniwala hanggang sa Makita nila ang lupit ng kaparusahan.’ Gayundin, ang kahalintulad mo, O ‘Umar, ay si Noah na nagsabi, ‘Aking Panginoon! Huwag mag-iwan ng isa man sa mga di-mananampalataya sa ibabaw ng mundo,’ at kanyang sinabi, ‘Kayo ngayon ay mahihirap, kaya’t huwag pakawalan ang sinuman sa kanila mula sa pagkakakabihag maliban sa pamamagitan ng pagtubos o sa pagpugot ng kanyang ulo.’” Pagkatapos ay inihayag ng Allah ang:

ما كان لنبي أن يكون له أسرى حتى يثخن في األرض “Hindi nararapat sa isang Propeta na magkaroon ng mga bihag ng

digmaan (at palayain sila kapag tinubos) hanggang sa siya ay makagawa ng isang malaking pagdanak ng dugo (mula sa kanyang

mga kalaban) sa lupa.” Surah Al-Anfal 8:67-68

Sinabi ni ‘Umar, “Nang sumunod na araw ay nagpunta ako sa Mensahero ng Allah at natagpuan ko siyang nakaupo na kasama si Abu Bakr na pareho silang umiiyak. ‘O Mensahero ng Allah! Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak at ang iyong kasama at kung may makita akong dahilan sa inyong pag-iyak, dapat ko ring gawin ito, subali’t kung hindi, ako ay babagsak dahil sa inyong pag-iyak.” Kanyang sinabi, “Ako ay nanangis dahil ang mga mungkahi ng iyong mga kasamahan na kumuha ng tubos ay halos magdulot sa kanila na maparusahan at mas napalapit pa ito kaysa sa punong ito (tinutukoy ang malapit na puno).” At kanyang sinabi, “Kung ang kaparusahan ay naibaba, walang sinuman ang makaliligtas dito maliban kay ‘Umar.”1 Sinabi ng mga Ansar sa Propeta, “Nais naming hayaan ang tubos ng pamangkin ni Al-‘Abbas,” subali’t kanyang sinabi: “Huwag mag-iwan kahit na isang Dirham nito.”2

1 Ang Hadith ay iniulat ni Ahmad at Muslim, sa pagkakabanggit sa Muntaqa Al-Akhbar

2 Iniulat ni Al-Bukhari sa kapahintulutan ni Anas bin Malik.

Page 13: BTEC Seerah-FL3

13 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Ang labanan ng Banu Qainuga’

Sa taon na iyon, ang Labanan ng Banu Qainuga ay naganap; sila ay mula sa mga Hudyo ng Al-Madinah na sinira nila ang kanilang pakikipagkasundo sa mga Muslim. Inutos ng Mensahero ng Allah na paligiran sila sa loob ng

labinlimang gabi, at sila ay nagsilabasan at sumuko sa kanilang mga pasiya. Si Abullah bin Ubayy bin Sulul ay namagitan para sa kanila at matapat na nakiusap sa Mensahero ng Allah tungkol sa kanila kaya’t sila ay

kanyang pinalaya. Sila ay mga pitong daang mga kalalakihan at sila ang mga mamamayan ni ‘Abdullah bin Salam.

Page 14: BTEC Seerah-FL3

14 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 4/5

Ang labanan ng Uhud

Sa taon din na ito naganap ang labanan ng Uhud sa buwan ng Shawwal. Ito ay sa dahilan na nang ipinatalo ng Allah ang mga Quraish sa araw ng

labanan ng Badr at naiwan si Abu Sufyan na namahala sa kanila dahil sa paglisan ng mga pinuno. Nag-umpisa siyang hakutin ang mga tao laban sa mga Muslim at nangalap ng mga tropa na binubuo ng halos tatlong libong

mga kasapi ng Quraish, ang kanilang mga kakampi at ang mga Abyssinian. Dinala nila ang kanilang mga kababaihan upang hindi makatakas ang mga

ito. Pagkatapos ay naghanda siya sa paglalakbay patungo sa Al-Madinah at huminto malapit sa bundok ng Uhud.

Humingi ng payo ang Mensahero ng Allah sa kanyang mga kasamahan kung dapat silang salubungin. Ang pananaw niya ay dapat na huwag nila

itong gawin at kung sila ay makapasok, makikipaglaban ang mga Muslim sa kanila sa mga bukana ng mga kalsada at ang mga kababaihan ay maaaring tumulong sa kanila mula sa mga bubungan. Si Abdullah bin Ubayy, ang

pinuno ng mga mapagkunwari – ay sumang-ayon sa planong ito. Subali’t karamihan sa mga mararangal na Sahabah na hindi nakasama sa Labanan ng Badr ay nagpapauna at naghain ng kanilang palagay sa Mensahero ng

Allah na dapat silang sumulong at makipaglaban at nahikayat siya na gawin ito. Ang Mensahero ng Allah ay tumayo at pumunta sa kanyang bahay

upang isukbit ang kanyang espada, nagbalik siya sa kanila at sila ay nagsabi, “Napilit naming ang Mensahero ng Allah na makipaglaban.” At sinabi, “Kung nais ninyong manatili sa Al-Madinah, gawin ninyo ito.” Siya ay

nagsabi: “Hindi nababagay sa isang Propeta na kapag naisukbit na niya ang kanyang espada ay huhubarin niya ito hanggang magbigay ng pasiya ang Allah sa pagitan niya at ng kanyang mga kalaban.” Iniulat ni Bukhari, Abu Dawud, Ahmad at Ad-Darimi

Kaya’t siya ay nauna ng isang libo niyang mga Kasamahan na iniwan si Abdullah bin Ummi Maktum na mamahala ng Al-Madinah.

Nakita ng Mensahero ng Allah sa kanyang pangitain na mayroong uka ang

dulo ng kanyang espada, na ang mga baka ay kinakatay, at pilit niyang ipanapasok ang kanyang kamay sa isang di-matinag na panangga. Ipinakahulugan niya ang uka sa kanyang espada na isang miyembro ng

kanyang pamilya ang matataga, na ang mga baka ay ilan sa kanyang mga

Page 15: BTEC Seerah-FL3

15 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Kasamahan na mapapatay at ang panangga ay tumutukoy sa Al-Madinah.1

Kaya’t naghanda siya at sinabi sa kanyang mga Kasamahan: “Tungkulin ng bawa’t isa sa inyo na katakutan ang Allah, maging mahinahon sa pagpupunyagi na harapin ang mga paghihirap kung makahaharap ninyo ang mga kalaban, tingnan kung ano ang iniutos

ng Allah sa inyo na gawin at gawin ninyo ito.”

Nang marating niya ang Ash-Shawt – na nasa pagitan ng Al-Madinah at

Uhud – si ‘Abdullah bin Ubayy ay humiwalay na halos ikatlong bahagi ang nawala sa bilang nila, na nagsabi, “Sinuway nila ako at nakinig sa iba, hindi namin alam, sa anong dahilan na magpapakamatay kami dito, O mga mamamayan?” Si Abdullah bin ‘Amr na ama ni Jabir ay sumunod sa kanya

upang palakasin ang kanilang loob na bumalik, “Makipaglaban para sa Allah, o (kahit man lamang) ipagtanggol.” Sila ay nagsabi, “Kung alam lang namin na kayo ay makikipaglaban, hindi kami magsisibalikan.” Kaya’t tumalikod siya sa kanila at isinumpa sila.

Ang iba sa mga Ansar ay humingi ng pahintulot sa Mensahero ng Allah upang humingi ng tulong mula sa kanilang mga kakampi mula sa mga

Hudyo, subali’t siya ay tumanggi. At kanyang sinabi: “Sino ang sasama sa amin sa mga (di-naniniwalang) tao sa isang

landas na hindi nila nadaanan?”

Ang ilan sa mga Ansar ay sumama sa kanya hanggang sa marating nila ang

hardin na pag-aari ni Marba’ bin Qaizi, isa sa mga mapagkunwari, na isang bulag. Nag-umpisa siyang magsaboy ng buhangin sa mga mukha ng mga

Muslim at nagsabi, “Hindi ko kayo pinahihintulutan na pumasok sa aking hardin, kung ikaw ang Mensahero ng Allah.” Nagmamadali silang patayin

siya, subali’t ang Mensahero ng Allah ay nagsabi: “Huwag ninyo siyang patayin, siya ay bulag sa kanyang puso at

bulag sa kanyang paningin.”

Nagpatuloy siya hanggang sa makababa ng paanan ng bundok ng Uhud

patungo sa pinakamalapit na lambak na nakatalikod sa bundok ng Uhud at pinagbawalan ang mga kasama sa pakikipaglaban hanggang sa siya ay

makapagbigay ng utos. Noong Sabado ng umaga, naghanda sila sa pakikipaglaban na mayroon

siyang pitong daang sundalo na kasama niya, kasama na ang limampung mangangabayo. Itinalaga niya si Abdullah bin Jubair na mamahala sa mga

mamamana – na may bilang na limampu – at inutusan sila na huwag iwanan ang kanilang lugar, kahit pa na makita nila ang mga kalaban na

1 Iniulat ni Ahmad at Ad-Darimi

Page 16: BTEC Seerah-FL3

16 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

palusob. Sinabihan din niya sila na huwag paulanan ng mga pana ang mga

pagano upang huwag nilang lusubin ang mga Muslim na nasa likuran.

Nagsuot ng dalawang balabal (mga tanikala na binalot ng kawing-kawing) ang Mensahero ng Allah.

Ibinigay niya ang sagisag kay Mus’ab bin ‘Umair at inilagay niya si Az-Zubair bin Al-‘Awwam upang mamahala ng isa sa mga hangganan at si Munzir bin ‘Amr naman ang bahala sa iba. Inisa-isa niya ang mga kabataan

nang araw na iyon at pinagtatanggal ang mga masyado pang bata para makipaglaban katulad nila bin ‘Umar, Usamah bin Ziad, Al-Bara’, Zaid bin

Arqam, Zaid bin Thabit at ‘Urabah Al-Awsi at pinahintulutan yaong mga itinuturing niya na may kakayahan.

Naghanda rin ang Quraish para sa labanan at sila may dami na tatlong libo, kasama na ang dalawang daan na mangangabayo. Itinalaga nila si Khalid bin Al-Walid na mamahala sa hangganan ng nasa kanan at ‘Ikrimah bin Abi

Jahl ang bahala sa kaliwa nilang hangganan.

Ibinigay ng Mensahero ng Allah ang kanyang espada kay Abu Dujanah. Ang una sa mga nagpakita ay si Abu ‘Amir – ‘Abdu ‘Amr bin Saifi – ang

makasalanang mapagmalabis na kilala bilang Ar-Rahib (ang monghe). Siya ang pinuno ng Al-Aws noong kapanahunan ng Jahiliyyah (kamangmangan),

nang dumating ang Islam, itinanggi niya ito at inihayag ang kanyang poot. Nagpunta siya sa mga Quraish upang buyuhin sila laban sa Mensahero ng Allah at ipinangako sa kanila na kapag nakita siya ng kanyang mga

mamamayan sila ay susunod sa kanya. Nang manawagan siya sa kanila at makipagkita sa kanila, sila ay nagsabi, “Huwag nawang hayaan ng Allah na makita ka ng kahi’t na kaninong mata, O isang mapagmalabis!” Kanyang sinabi, “Ang aking mga mamamayan ay nahawaan ng kasamaan laban sa akin.” Sa gayon ay mabagsik siyang nakipaglaban sa mga Muslim at pinagbababato niya sila.

Sa araw din na iyon, si Abu Dujanah, Talhah, Hamzah, ‘Ali, An-Nadr bin Anas at Sa’d bin Ar-Rabi’ ay nagpakita ng kakaibang katapangan.

Nasa panig ng mga Muslim ang tagumpay sa panimula ng araw. Umatras at nagsitakasan ang mga kaaway ng Allah hanggang sa makarating sila sa

kanilang mga kababaihan. Nang makita ito ng mga mamamana, kanilang sinabi, “Ang mga labî! Ang mga labî!” Ipinaalala ng kanilang pinuno ang

pangako nila sa Mensahero ng Allah, subali’t hindi sila nakinig at binuksan nila ang daanan ng mga sandatahang pagano upang lusubin sila sa pamamagitan nito ng kanilang matagpuan na ito ay bukas. Nilusob nila ang

mga Muslim mula sa likuran hanggang sa sila ay napalibutan. Biniyayaan ng Allah ang iba sa kanila ng pagiging martir – pitumpu sa kanila – at ang mga Sahabah ay nakatakas.

Page 17: BTEC Seerah-FL3

17 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Sa katunayan ay inabot ng mga pagano ang Mensahero ng Allah at kanilang

nasaktan ng maraming beses at nabasag nila ang kanyang bagang na ngipin. Si Mus’ab bin ‘Umair ay napatay sa kanyang harapan kaya’t ibinigay

niya kay ‘Ali bin Abi Talib ang sagisag . Inabot siya ng mga politeista at pilit siyang papatayin, subali’t sampung

kalalakihan ang pumagitna sa kanila at nagkipaglaban hanggang sa sila ay mapatay. Si Talhah bin ‘Ubaidillah ay humarap sa mga kalaban hanggang

sa maitaboy niya ang mga sumasalakay sa Propeta, samantala si Abu Dujanah naman ay itinatago siya sa kanyang likuran habang may mga panang nakatusok sa kanya, nguni’t hindi siya kumilos.

Sa araw na iyon, ang mata ni Qatadah bin An-Nu’man ay tinamaan at ibinalik ito ng Mensahero ng Allah sa pamamagitan ng kanyang kamay at

naging mas mahusay pa ito sa isa niyang mata.

Sumigaw ang Satanas, “Napatay na si Muhammad!” – at para itong sumabog sa mga puso sa karamihan ng mga Muslim.

Pagkatapos ay dumaan si Anas bin An-Nadr sa ilang mga tao mula sa mga Muslim na nagsitigil, at sinabi, “Ang Mensahero ng Allah ay napatay na!” Tinanong niya sila, “Anong gagawin ninyo sa buhay ‘nyo kung wala na siya? Mamatay na sumusunod sa kung ano ang kanyang sinunod?” Pagkatapos ay

humarap siya sa mga tao at nakaharap si Sa’d bin Mu’adh, sinabi niya sa kanya, “O Sa’d! Naaamoy ko na ang halimuyak ng Paraiso na nagmumula sa likuran ng Uhud.” Siya ay nakipaglaban hanggang sa siya ay napatay,

pitumpung tama ang natagpuan sa kanya.

Ang Abyssiniang si Washi ay napatay si Hamzah bin ‘Abdul Muttalib sa pamamagitan ng pagpukol ng kanyang sibat sa pamamaraan ng Abyssinia.

Humarap ang Mensahero ng Allah sa mga Muslim at ang unang nakakilala sa kanya ay si Ka’b bin Malik, siya ay sumigaw sa pinakamalakas niyang

tinig, “O mga Muslim! Siya ang Mensahero ng Allah!” Subali’t nagpahiwatig siya na maging matahimik, nagsilapitan ang mga Muslim sa kanya at sama-sama silang umurong patungo sa bundok na kanilang binabaan.

Nang malapit na sila sa bundok, si Ubayy bin Khalaf ay nahuli na kasama

niya na sakay-sakay ng kanyang kabayo – at sinabi niya sa Makkah na papatayin niya si Muhammad. Nang siya ay malapit na sa kanya, sinaksak siya ng Propeta malapit sa kanyang leeg at nagtatatakbong tumakas. Sinabi

ng mga pagano sa kanya, “Anong masakit sa iyo?” Kanyang sinabi, “Sumpa man sa Allah, kung ang sakit na nararamdaman ko ay mararamdaman ng mga mamamayan ng Al-Majaz, lahat sila ay mamamatay.” Pagkatapos ay namatay siya sa may Sarif.

Sumapit ang oras ng pagdarasal at pinamunuan ito ng Mensahero ng Allah nang nakaupo.

Page 18: BTEC Seerah-FL3

18 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Pinilit ni Hanzalah bin Abi ‘Amir na maabot si Abu Sufyan, subali’t nang matatalo na niya si Abu Sufyan siya ay sinalakay at napatay ni Shidad bin

Al-Aswad. Si Hanzalah ay Junub sapagka’t nang marinig niya ang panawagan sa pakikipaglaban, siya ay nasa kama pa na kasama ang bago niyang asawa at daglian siyang bumangon upang sumama sa

pakikipaglaban. Napagsabihan ang Mensahero ng Allah tungkol dito at siya ay nagsabi:

“Isa siya sa mga tao ng Paraiso.”

Ito ay sa likod ng katotohanan na hindi man lamang siya nakapagpatirapa sa pagdarasal.

Nang matapos na ang labanan, si Abu Sufyan ay tumanaw sa kabundukan at sumigaw, “Kasama ‘nyo ba si Muhammad?” Subali’t hindi sila sumagot.

Nagtanong siyang muli, “Kasama ‘nyo ba si Abi Quhafah (Abu Bakr)?” Subali’t hindi sila sumagot sa kanya. Nagtanong siyang muli, “Kasama ‘nyo ba is Ibn Al-Khattab?” Subali’t hindi sila sumagot sa kanya. Nguni’t siya ay nagpahayag, “Para sa kanila, kayo ay naibsan na sa kanila.” Sa

pagkakataong ito ay hindi napigilan ni ‘Umar ang sarili sa pagsasalita, “O kaaway ng Allah! Katotohanan, ang mga taong iyong mga binanggit ay mga buhay at pinanatili ng Allah ang iyong kinamumuhian.” Pagkatapos ay sinabi

ni Abu Sufyan, “Aba Ginoong Hubal!” Ang Mensahero ng Allah ay nagsalita: “Hindi ‘nyo ba siya sasagutin?”

Sila ay nagsabi, “Anong sasabihin namin?” Siya ay nagsabi: “Sabihin: “Ang Allah ay Mas Mataas at Mas Makapangyarihan.”

Kanyang sinabi, “Mayroon kaming Al-‘Uzza, subali’t kayo ay wala kahit anong ‘Uzza.” Sinabi ng Propeta: “Sagutin ‘nyo siya.”

Sila ay nagsabi, “Anong dapat naming sabihin?” Sinabi niya:

“Sabihin: Ang Allah ang aming Tagapagtanggol at wala kayong

tagapagtanggol.”

Si Abu Sufyan ay nagsabi, “Ang araw na ito ay paghihiganti sa Araw ng Badr, at ang digmaan ay isang pangyayari ng pagpapalitan ng tagumpay.” Sinagot siya ni ‘Umar, “Hindi ito magkatulad, ang mga nasawi sa amin ay nasa Paraiso at ang mga nasawi sa inyo ay nasa Impiyerno.” At nagpadala ang Allah sa kanila ng pagkaantok sa parehong labanan ng

Bader at ng Uhud. At ang pagkaantok sa labanan ay nagmula sa Allah,

Page 19: BTEC Seerah-FL3

19 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

samantala ang nangyayaring pagkaantok sa pagdarasal at sa mga

pagpupulong sa pag-aalaala sa Allah ay nagmumula sa demonyo.

Ang mga anghel ay nakipaglaban sa panig ng Mensahero ng Allah sa Araw ng Uhud.

Naiulat sa Sahihayan, sa kapahintulutan ni Sa’d na kanyang sinabi, “Nakita ko ang Mensahero ng Allah sa araw ng Uhud na may kasamang dalawang lalaki na nakikipaglaban na kasama niya, sila ay nakasuot ng mga puting tela at nakikipaglaban ng buong tapang hangga’t maaari. Hindi ko pa sila nakikita simula noon.” At isang lalaki mula sa mga Muhajirun ang dumaan sa isang lalaki mula sa mga Ansar na naliligo sa sarili niyang dugo ang nagsabi, “O sino ka man! Narinig mo ba na si Muhammad ay napatay?” Ang lalaki mula sa mga Ansar ay sumagot, “Kung siya ay napatay, magkagayon ay naihayag niya ang Mensahe, kaya’t makipaglaban sa pagtatanggol ng iyong pananampalataya!”

Pagkatapos ay naihayag:

سل د إال رسول قد خلت من قبله الر وما محم“Si Muhammad ay hindi hihigit pa sa isang Mensahero, at

katotohanan na maraming mga Mensahero ang pumanaw bago siya.” Surah Al-‘Imran 3:144

Ang araw ng Uhud ay isang araw ng pagsubok kung saan sinubukan ng Allah ang mga mananampalataya. Dito rin Niya ipinakita ang mga mapagkunwari at pinarangalan ang mga nagnais na pagkalooban Niya ng

parangal ng pagiging martir.

Mula sa mga Taludtud nga Qur’an na inihayag patungkol sa Uhud ay animnapung mga Taludtud sa Surah Al-‘Imran, ang una sa mga ito ay:

سميع عليم ىء المؤمنين مقاعد للقتال وللاه وإذ غدوت من أهلك تبو“At (alalahanin) nang iwanan mo (Muhammad) ang iyong pamilya sa umaga upang italaga ang mga mananampalataya sa kanya-kanyang

mga lugar para sa labanan (ng Uhud)…” Surah Al-‘Imran 3:121-180

Nang mag-alisan ang mga Quraish, nag-umpisa silang magsisihan at nagsabi, “Wala kang nagawa, napatay mo ang pinakamahusay sa kanila, pagkatapos ay iniwanan mo siya (ang Propeta) samantala may mga naiwan sa kanila na mga pinuno na magbubuo ng kanilang mga lakas laban sa iyo, kaya’t magbalik upang malinis natin ang natitira pa sa kanila.” Ipinagbigay alam sa Mensahero ng Allah ang tungkol dito. Tinawagan niya ang mga mamamayan upang makipaglaban sa kanila at kanyang sinabi,

“Walang dapat sumama sa amin maliban sa mga nakipaglaban.” Si Ibn

Page 20: BTEC Seerah-FL3

20 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Ubayy ay nagsabi, “Maaari ba akong makisakay sa inyo?” Subali’t sinabi

niyang, “Hindi.”

Tumugon ang mga Muslim sa kanyang panawagan – kahi’t na anong hirap ang kanilang dinanas – at kanilang sinabi, “Ang makinig ay ang pagsunod.” Si Jabir ay nagsabi, “O Mensahero ng Allah! Hindi ko gusto na makikipaglaban kayo na hindi ninyo ako kasama, subali’t iniwan sa pamamahala ko ang mga anak na babae ng aking ama, maaari mo ba akong payagan na sumama sa iyo.” At pinayagan siya na sumama sa kanila.

Kaya’t ang Mensahero ng Allah ay naghanda sa paglalakbay at ang mga Muslim ay sumama sa kanya hanggang sa marating nila ang Hamra’ Al-

Asad. Ang balitang ito ay umabot kay Abu Sufyan at sa kanyang mga kasama. Sila ay nagbalik sa Makkah. Nagbigay ng kondisyon si Abu Sufyan

sa isa sa mga pagano na kung sakaling mapadaan sila sa Propeta at kanyang mga Kasamahan na tatakutin niya sila at sabihin sa kanila na ang mga Quraish ay nagtipon upang salakayin sila at linisin ang natitira sa

kanila. Subali’t nang ipinabatid niya sa kanila ang ganito, sila ay nagsabi, “Ang Allah (lamang) ay Sapat para sa amin at siya ang Pinakamahusay na Magpalakad ng mga gawain (para sa amin).” Matapos ito ay nagsimula ang ikaapat na taon.

Sa taon na ito, sa buwan ng Safar, ang pangyayari kay Kubaib at kanyang mga kasamahan ay naganap.

Page 21: BTEC Seerah-FL3

21 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 6

Ang pangyayari sa balon ng Ma’unah

Sa parehong buwan ng nabanggit na taon, ang pangyayari sa mga mamamayang ng Balon ng Ma’unah ay naganap.

At sa buwan ng Rabi’ Al-Awwal, ang Labanan ng Banu An-Nadeer ay naganap, ang tungkol dito, naihayag ang Surah Al-Hashr.

Pagkatapos ay nagsimula ang ikalimang taon ng Hijrah.

Ang labanan ng Al-Muraisee’

Sa taon na ito (ikalimang taon ng Hijrah),1 ang Labanan ng Al-Muraisee’ ay

naganap kaharap ng naganap na labanan sa Banu Al-Mustaliq. Sinalakay

sila ng Mensahero ng Allah dahil sa kanilang poot. Binihag nila ang mga

kababaihan at kasamang kinuha ang kanilang mga baka at tupa. Kasama sa mga nabihag ay si Juwairiyah bint Al-Harith, ang babaeng

pinuno ng tribu at siya ay nahulog sa mga kamay ni Thabit bin Qais, na natali sa kanya hanggang sa makapagbayad siya ng halaga upang makamit

ang kanyang kalayaan. Binayaran ito ng Mensahero ng Allah para sa

kanya at siya ay pinakasalan. Dahil sa kasal na ito, maraming mga Muslim ang nagpalaya ng daang mga alipin mula sa miyembro ng pamilya ng

Propeta mula sa Banu Al-Mustaliq, na nagsabing, “Sila ang mga kamag-anak ng Mensahero ng Allah.”

Ang kuwento ng Al-Ifk (ang paninirang-puri)

Sa labanang ito, ang kuwento ng Al-Ifk ay naganap.

Ito ay sa dahilan na ang Mensahero ng Allah ay naghanda na kasama si ‘A’ishah dahil as pagpapalabunutan (mula sa kanyang mga asawa kung sino

ang makasasama sa kanya) – at ito ang pamamaraan niya tungkol sa kanyang mga asawa. Sa kanilang pagbabalik, sila ay humimpil panandali at si ‘A’ishah ay naiwan dahil sa tawag ng kalikasan, sa kanyang pagbabalik

1 Pahiwatig ng nagsalin: Ito ang petsa na ibinigay ni Al-Baihaqi, batay sa mga salaysay nina Qatadah, ‘Urwah

at iba pa at ito ay naihayag na na pinaka dapat sundin ni Al-Hakim, subali’t si Al-Bukhari ay nag-ulat sa

kapahintulutan ni ‘Abdullah bin ‘Umar na ito ay nasa ikaapat na taon ng Hijrah.

Page 22: BTEC Seerah-FL3

22 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

ay napansin niya na nawawala ang kanyang kuwintas, kaya’t siya ay

nagbalik upang hanapin ito. Ang mga nagbubuhat ng kanyang howdah ay dumating at binuhat ito, sa kanilang isipan na si ‘A’ishah ay nakasakay

dito, dahil siya ay bata pa. Nagbalik si ‘A’ishah sa kanilang lugar, matapos niyang makita ang kanyang kuwintas, subali’t wala ni isa man ang naroroon kaya’t umupo na lang siya sa isang sulok sa pag-aakala na malalaman

nilang siya ay naiwan nila at kanilang babalikan. Gayunpaman, siya ay nakatulog at nagising na lamang sa tinig ni Safwan bin Al-Mu’attil na

nagsasabi, “Katotohanan na kami ay sa Allah at sa Kanya kami ay magbabalik! Kayo ba ang maybahay ng Mensahero ng Allah?” Si Safwan ay naiwanan dahil sa labis niyang pagtulog; at nang makita niya si ‘A’ishah,

nakilala niya ito, dahil nakita na niya siya bago pa ihayag ang mga Talata tungkol sa belo (hijab), at kanyang sinabi, “Katiyakan na tayo ay para sa

Allah at sa Kanya tayo ay magbabalik!” (sa pagkagulat) at pinaluhod niya ang kanyang kamelyo upang pasakayin siya dito. Hindi siya nag-usal ng

kahit na isang salita kay ‘A’ishah, o di kaya ay nakarinig si ‘A’ishah ng anumang salita mula sa kanya maliban sa kanyang bulalas, “Katiyakan na tayo ay para sa Allah at sa Kanya tayo ay magbabalik!” hanggang sa

naabutan nila pulutong na nagpahinga sa Nahr Az-Zaheerah. Nang makita ito ng mga tao, ang bawa’t isa sa kanila ay nagsalita ng ayon sa kanilang

mga katauhan. Ang pinuno ng mga mapagkunwari, ‘Abdullah bin Ubayy ay nakakita ng pagkakataon na makapagkalat ng mga usap-usapan. Ginawa niya ito dahil sa pagkukunwari at inggit. Nagsimula siyang magbanggit sa

mga tao tungkol sa pangyayaring ito, tinipon niya ang kanilang mga sinasabi at ikinakalat niya ito, at ang kanyang mga kapanalig ay

nagsilapitan sa kanya ng dahil dito. Nang dumating sila sa Al-Madinah, ang pinagmulan ng paninirang-puri ay

nagsimulang magsalita ng may kahabaan habang ang Mensahero ng Allah ay nanatiling tahimik, hindi nagpapakita ng kanyang palagay. At siya ay

humingi ng payo sa kanyang mga Kasamahan kung hihiwalayan ba niya o hindi si ‘A’ishah. Si ‘Ali ay nagpayo sa kanya na iwanan siya, samantala si

Usamah ay nagpayo sa kanya na huwag siyang hiwalayan. Ang kabuuan ng pagsubok na ito ay nangailangan na magpadala ang Allah

ng Kapahayagan tungkol sa pangyayari kay ‘A’ishah mula sa Mensahero sa loob ng isang buwan, upang madagdagan ang pananalig at katatagan ng mga mananampalataya tungkol sa katarungan at katotohanan. Samantala,

ang mga mapagkunwari ay nadadagdagan ang kanilang kabulaanan at pagkukunwari. Gayundin, upang gawing ganap ang pananalig ni As-Siddeeqah (‘A’ishah) at ng kanyang mga magulang. Upang mabuo ang Biyaya ng Allah sa kanila at hindi siya umasa sa sinumang nilikha at upang

kalimutan niya ang umasa na makatanggap ng tulong o paglaya mula sa kaninuman maliban sa Allah.

Dumalaw sa kanya ang Mensahero ng Allah sa harap ng kanyang mga magulang, pinuri niya ang Allah at dinakila Siya, pagkatapos ay kanyang sinabi:

Page 23: BTEC Seerah-FL3

23 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

“O ‘A’ishah! Kung ikaw ay walang-kasalanan, ipawawalang-sala ka ng Allah; subali’t kung ikaw ay nakagawa ng isang kasalanan,

humingi ng tawad mula sa Allah, sapagka’t kapag inamin ng isang alipin ang kanyang kasalanan, at manunumbalik sa Allah sa pagsisisi, patatawarin siya ng Allah.”

Sinabi niya sa kanyang ama, “Sagutin mo ang Mensahero ng Allah para sa akin.” Siya ay nagsabi, “Sumpa man sa Allah, hindi ko alam ang sasabihin ko sa Mensahero ng Allah.”

Humarap siya sa kanyang ina at nagsabi, “Sagutin mo ang Mensahero ng Allah para sa akin.” Subali’t siya ay nagsabi, “Sumpa man sa Allah, hindi ko

alam ang sasabihin ko sa Mensahero ng Allah.”

Kaya’t kanyang sinabi, “Kung sasabihin ko na ako ay walang kasalanan – na alam ng Allah na wala akong kasalanan – hindi kayo maniniwala sa akin; at wala akong nakita na kahalintulad ng nangyari sa akin maliban sa nangyari sa ama ni Yusuf, nang kanyang sabihin: Kaya (para sa akin) ang pagtitimpi ay nababagay. At tanging ang Allah (lamang) ang mahihingian ng tulong laban sa (kasinungalingan na) inyong inilalarawan.”

المستعان على ما تصفون فصبر جميل وللاه“Kaya (para sa akin) ang pagtitimpi ay nababagay. At tanging ang

Allah (lamang) ang mahihingian ng tulong laban sa (kasinungalingan na) inyong inilalarawan.” Surah Yusuf 12:18

Sinabi ni ‘A’isha, “Ang kapahayagan tungkol sa akin ay bumaba sa Mensahero ng Allah. Para sa akin, sinabi ko na ang Allah ay magsasalita ng dili iba maliban sa katotohanan, subali’t para sa aking mga magulang, sa Kanya na kukuha ng kanilang mga hininga, hindi ko iiwanan ang Mensahero ng Allah maliban na katakutan ko na ang kanilang mga kaluluwa ay mawawalay. At ang unang bagay na nasabi ng Mensahero ng Allah ay: “O ‘A’isha! Ipinawalang-sala ka ng Allah.”1

Sinabi ng aking mga magulang, “Bumangon at puntahan ang Mensahero ng Allah!” Sinabi ko, “Sumpa man sa Allah, hindi ako tatayo para sa kanya, o di

kaya ay pupurihin ang sinuman maliban sa Allah.” Si Hassan ay isa sa mga nasabi na nagsalita sa mga mapaggawa ng

paninirang-puri at kanyang sinabi, upang humingi ng paumanhin kay ‘A’ishah at purihin siya:

Isang malinis na matalinong babae na sa kanya ay walang makapaghihinala,

1 Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim, mula sa Hadith ni Az-Zuhri.

Page 24: BTEC Seerah-FL3

24 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Siya ay bumabangon na gutom Sapagka’t hindi siya kumakain ng laman ng walang-bait (na kababaihan), Siya ay isang matalinong babae mula sa angkan ni Lu’ayy bin Ghalib, Na kilala sa kanilang pagiging matulungin at pagpupunyagi (na gumawa ng mga kabutihan), Ang mga papuri sa kanila ay patuloy na babanggitin na walang katapusan, Mahusay ang kanyang pag-uugali at ginawa ng Allah ang mabuti niyang mga pinagmulan, At dinalisay siya ng Allah mula sa bawa’t kasamaan at di-makatotohanan, Kung tunay kong nasasabi anumang ipalagay nila sa akin, At nawa’y ang aking mga daliri ay hindi umangat na pamalo sa akin, At papaano ito, nang ialay ko ang aking buhay, Sa pagmamahal at pagtulong sa Mensahero ng Allah, Ang palamuti ng (anumang) pagtitipon?

Kinamuhian ni ‘A’ishah ang anuman na sasabihin nila kay Hassan na hindi niya gusto, at kanyang sinabi, “Siya ang palaging nagsasabi:

Ang aking ama, ina at karangalan, Ay lahat para sa pangangalaga ng dangal ni Muhammad mula sa iyo.

Inihayag ng Allah, ang Pinakamataas, ang tungkol sa kuwentong ito sa panimula ng Surah An-Nur, mula sa Kanyang mga Salita:

نكم فك عصبة م إن الذين جاؤوا بال“…Katiyakan, yaong mga nagkalat ng paninirang-puri (laban kay

‘A’ishah na maybahay ng Propeta) ay isang pangkat mula sa inyo...” Surah An-Nur 24:10-26

- hanggang sa panghuli ng kuwento.

Page 25: BTEC Seerah-FL3

25 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 7 / 8

Ang labanan ng mga Kapanig

Sa taon na ito – ikalimang taon – ang labanan ng Bambang ay naganap noong buwan ng Shawwal.

Ang dahilan nito ay nang makita ng mga Hudyo ang tagumpay ng mga pagano sa araw ng labanan ng Uhud, ang mga kilala sa kanila, katulad nila Sallam bin Ubayy Al-Huqaiq at ang mga iba pa ay nagpunta sa Quraish

upang buyuin sila na makipaglaban sa Mensahero ng Allah at pinangakuan sila na tutulungan. Sumang-ayon ang mga Quraish sa kanila at sila ay

nagtungo sa mga Ghatafan na sumang-ayon din sa kanila. Matapos ito, sila’y ay nagtungo sa palibot ng mg tribu ng Arabo at nanawagan sa kanila na makilahok, ang iba sa kanila ay sumang-ayon.

Naghanda ang mga Quraish na kasama ang kanilang pinuno, Abu Sufyan,

na pinangungunahan ang apat na libong mga kawal at ang Banu Sulaim ay nakipanig sa kanila sa Marr Az-Zahran, gayundin ang Banu Asad, Fazarah, Ashja’ at ang mga iba pa. At ang bilang ng mga pagano na nakilahok sa

labanan ng Bambang ay sampung libo. Nang marining ng Mensahero ng Allah na sila ay sumulong patungo sa

kanya, humingi siya ng payo sa kanyang mga Kasamahan. Si Salman Al-Farsi ay nagmungkahi sa kanya na maghukay sila ng isang bambang na

manggagaling mula sa mga kaaway at Al-Madinah. Iniutos ng Mensahero ng Allah na ito ay hukayin at daglian naman itong hinukay ng mga Muslim. Kasama siya sa paghuhukay, na habang sila ay humhukay ng bambang,

ang mga palatandaan ng kanyang Pagkapropeta na malawakang naiulat ay nasaksihan.

Ang Mensahero ng Allah ay lumabas habang sila ay naghuhukay sa kalamigan ng umaga. Nang mapagmasdan niya ang kahirapan at gutom na

kanilang nararanasan, kanyang sinabi:

O Allah! Walang ibang buhay maliban sa Kabilang-buhay,

Kaya’t patawarin ang mga Ansar at mga Muhajirun.

- at bilang pagtugon sa kanya, kanilang sinabi:

Kami yaong nangako ng katapatan kay Muhammad, Upang magsagawa ng Jihad at hindi kami magpapaiwan

Lumabas ang Mensahero ng Allah sa unahan ng tatlong libong mga Muslim

at kanilang pinalakas ang kanilang mga puwesto sa may bundok – Bundok

Page 26: BTEC Seerah-FL3

26 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

ng Sala’ – sa kanilang likuran at ang bambang sa kanilang unahan. Ipinag-

utos niya na dalhin sa mga burol ng Al-Madinah ang mga kababaihan at mga kabataan.

Si Huyay bin Akhtab ay nagdudumali patungong Banu Quraizah at naabutan niya ang kanilang kuta, subali’t tumanggi si Ka’b bin Asad na siya

ay pagbuksan ng tarangkahan, subali’t nagpatuloy siya sa pagsasalita sa kanya hanggang sa pabuksan niya ito para sa kanya. Nang siya ay pumasok, kanyang sinabi, “Naparito ako sa iyo na may dalang dangal na walang-hanggan; naparito ako sa iyo na kasama ang mga Quraish, Ghatafan at Asad na kasama ang kanilang mga pinuno upang makipaglaban kay Muhammad.” Siya ay sumagot, “Sa kabaligtaran, ikaw naparito sa akin na may dalang kasiraang-dangal na walang-hanggan at ikaw ay naparito sa

akin na may dalang makulimlim na mga ulap na nagbuhos ng kanilang mga ulan, pagkulog, at pagkidlat samantala wala nang natira sa mga ito.”

Subali’t nagpatuloy siya sa pamimilit sa kanya hanggang sa pawalan niya ng bisa ang kasunduan na namamagitan sa kanya at sa Mensahero ng Allah at siya ay umanib sa mga pagano. Natuwa ang mga pagano dito at si

Ka’b ay nakipagkasundo kay Huyay na kung hindi matatalo si Muhammad, siya ay pupunta sa kanilang kuta upang kung anuman ang mangyari sa

kanila ay mangyayari rin sa kanya at siya ay sumang-ayon dito. Naipabatid sa Mensahero ng Allah ang tungkol sa balitang ito. Ipinadala

niya ang dalawang Sa’d – Sa’d bin Muadh at Sa’d bin ‘Ubadah – sa kanila, na kasama sina Khawat bin Jubair at ‘Abdullah bin Rawahah, upang

mapag-alaman nila sa kanilang mga sarili ang tungkol sa balita. Nang maabutan nila ang kalaban, natagpuan nila ang mga ito na labis ang

pagkagalit at sila ay pinag-aalipusta at kanilang hinamak ang Mensahero ng Allah.

Sila ay nagsialisan at nagsabi ng mga panlalait sa Mensahero ng Allah matapos sa kanila.

Ito ay napakalaking panlulumo sa mga Muslim, subali’t ang Mensahero ng Allah ay nagsabi, “Allahu Akbar! (Ang Allah ay Dakila) Magdiwang, O

kayong mamamayang Muslim!”

Ang mga paghihirap ay nadagdagan at ang pagkukunwari ay nagsilitawan at

ang iba sa mga Banu Harithah ay humingi ng pahintulot sa Mensahero ng Allah na pumunta sa Al-Madinah at sila ay nagsabi:

إن بيوتنا عورة وما هي بعورة إن يريدون إال فرارا“Katiyakan, ang aming mga tahanan ay nakabukas (sa mga kalaban).

At ang mga ito ay hindi nakabukas. Nais lamang nilang tumakas.” Surah Al-Ahzab 33:13

Page 27: BTEC Seerah-FL3

27 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Ang mga pagano ay nagsagawa ng isang paghaharang sa Mensahero ng

Allah na umabot sa isang buwan. Subali’t walang nangyaring labanan sa pagitan nila dahil sa bambang, maliban na lang sa mangangabayo ng

Quraish – kasama si ‘Amr bin ‘Abdi Wadd – na nakarating sa may bambang at nang sila ay huminto dito, kanilang sinabi, “Ito ay isang panlilinlang na hindi batid ng mga Arabo.” Sinubukan nilang tumawid sa makitid lugar sa

may bambang at ang kanilang mga kabayo ay dumaan mula sa mga putikan (na nasa pagitan ng bambang at bundok ng Sila’) at sila ay

naghamon ng labanan na isahan. Si ‘Ali bin Abi Talib ang hinamon na lumaban kay ‘Amr. Sila ay nagpang-abot at pinatay siya ng Allah sa mga kamay ni ‘Ali. Siya ang isa sa mga kampeon ng mga pagano at (dahil sa

pagkamatay niya) ang kanyang mga kasamahan ay nagsipagtakbo.

Habang ang ganitong kalagayan ay tumatagal sa mga Muslim, ang Mensahero ng Allah ay nagnais na makipagkasundo sa mga ‘Uyainah bin Hisn at Al-Harith bin ‘Awf, ang dalawang mga pinuno ng Ghatafan, na

makapagbibigay sa kanila ikatlong bahagi ng mga prutas ng Al-Madinah, kung sila ay magsisialisan na kasama ng kanilang mga tauhan. Ang usapan ay naganap sa ganitong inaasahan at ang Mensahero ng Allah ay humingi

na payo mula sa dalawang Sa’d na kanilang sinabi, “Kung inutos ng Allah sa iyo na gawin ito, magkagayon kami ay makikinig at susunod. At kapag ito ay isang bagay na gusto mong gawin, magkagayon ay gagawin namin ito. Subali’t kapag ito ay isang bagay na ginagawa mo para sa amin, magkagayon ay huwag (hindi namin ito gusto). Kami at ang mga taong iyon ay mga politiesta at mga sumasamba sa mga diyus-diyusan, hindi nila nais na kumain ng mga prutas (ng Al-Madinah) maliban na sila ay mga panauhin o sa pamamagitan ng pagbili. Ngayon na kami ay pinarangalan ng Allah kasama ng Islam at pinalakas kami na kasama ka, dapat ba nating ibigay sa kanila ang para sa atin? Sumpa man sa Allah, wala kaming ibibigay sa kanila maliban sa espada.” Ang kanilang mungkahi ay tama at kanyang sinabi, “Ito ay isang bagay lamang na aking ginawa para sa inyo nang makita ko na ang mga Arabo ay nagkaisa laban sa inyo.”

Pagkatapos, ang Allah, ang Pinakamakapangyarihan – ang lahat ng papuri at pasasalamant ay mapasa Kanya – ay lumikha ng isang bagay na

magiging dahilan ng pagkakasira sa pagitan ng mga kalaban, kasama na ang isang lalaki mula sa Ghatafan – na kilala bilang si Na’eem bin Mas’ud –

na nagtungo sa Mensahero ng Allah at nagsabi, “Tinanggap ko ang Islam, kaya’t pag-utusan mo ako anuman ang iyong naisin.” Kanyang sinabi, “Nag-

iisa ka lang, kaya’t gumawa ka ng ipagkakasira (sa pagitan ng mga kalaban) hangga’t sa kaya mong gawin, sapagka’t katotohanan, ang labanan ay isang dayaan.”

Siya ay nagtungo sa Banu Quraizah, bilang isa nilang kaibigan at humarap sa kanila – na hindi nila alam na siya ay tumanggap ng Islam – at nagsabi,

“Kayo ay nagpahayag ng pakikipagdigma kay Muhammad at kung ang

Page 28: BTEC Seerah-FL3

28 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Quraish ay magkaroon ng pagkakataon (na lumusob), aagawin nila ito, subali’t kung hindi, pababayaan nila kayo.” Sila ay nagsabi, “Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya, “Huwag kayong makipaglaban sa kanila maliban na bigyan nila kayo ng ilang mga prenda.” Sila ay nagsabi, “Mabuti ang iyong ipinayo sa amin.” Pagkatapos ay nagtungo siya sa Quraish at

nagsabi, “Batid ninyo ang pagmamahal at katapatan ko sa inyo, hindi ba?” Sila ay sumagot, “Oo.” Kanyang sinabi, “Ang mga Hudyo ay nagsisi sa kanilang ginawa at nagpadala ng mensahe kay Muhammad na nagsasabing kukuha sila ng mga prenda mula sa inyo upang ibigay sa kanila, pagkatapos ay makikipag-anib sila ng mga puwersa sa kanya laban sa inyo, kaya’t kapag tinanong nila kayo, huwag ninyo silang bigyan ng mga prenda.” Pagkatapos ay nagtungo siya sa Ghatafan at sinabi rin ang ganito sa kanila.

Nang sumapit ang Sabado ng gabi1 sa buwan ng Shawwal, nagpadala sila ng mensahe sa mga Hudyo, na nagsasabi, “Wala kami sa sarili naming mga bayan na tulad ninyo; ang aming mga tupa at mga kamelyo ay ginagamit, kaya’t sumama kayo sa amin kinaumagahan kay Muhammad at makipaglaban sa kanya.” Sila ay sumagot, “Ngayon ay Sabado at alam ninyo kung ano ang nangyari sa mga nauna sa amin ng sila ay may ginawa ng araw na iyon. Karagdagan dito, hindi kami makikipaglaban sa inyo hangga’t hindi kayo nagbibigay ng mga prenda sa amin.” Nang ang kanilang mga sinugo ay nagpunta sa kanila, sila ay nagsabi, “Sumpa man sa Allah, si Na’eem ay nagsabi ng katotohanan.”2 Kaya’t ang dalawang mga pangkat ay nagkaroon ng hidwaan.

Kapagdaka ay nagpadala ang Allah ng hangin laban sa mga pagano na naging dahilan ng pagkasira ng kanilang kampo, tumilapon ang kanilang

mga lutuan at hinatak ang mga lubid ng kanilang mga tolda. At nagpadala Siya ng hukbo mula sa mga anghel na yumanig sa kanila at nagtanim ng takot sa kanilang mga puso, katulad ng winika ng Allah:

عليكم إذ جاءتكم جنود فأرسلنا عليهم ريحا وجنودا لم يا أيها الذين آمنوا اذكروا نعمة للا

تروها “O kayong naniniwala! Alalahanin ang Tulong ng Allah sa inyo, nang may lumusob sa inyo na mga pulutong, at nagpadala Kami laban sa

kanila ng isang hangin at mga lakas na hindi ninyo nakita [hal. tropa ng mga anghel sa panahon ng labanan ng Al-Ahzab (ang mga

kapanig)].” Surah Al-Ahzab 33:9

Ipinadala ng Mensahero ng Allah si Hudhaifah Ibn Al-Yaman upang

mangalap ng mga balita tungkol sa kanila at natagpuan niya na sila ay nasa

1 Paalala: Sa Islam, ang araw ay nagsisimula sa paglubog ng araw, at hindi sa hatinggabi, na siyang dahilan

kung bakit ang gabi bago ang Sabado ay tinutukoy bilang gabi ng Sabado, at hindi gabi ng Biyernes. 2 Paalala: Ang kuwentong ito ay naiulat sa pamamagitan ni Ibn Ishaq na walang Sanad at mula sa kanya ay sa

pamamagitan ni Ibn Hisham, subali’t ang tinuran ng Propeta, “Ang labanan ay isang dayaan.” Ay

mapaniniwalaan sapagkat ito ay natipon sa pamamagitan nina Al-Bukhari, Muslim at Ahmad, sa kapahintulutan

ni ‘Ali bin Abi Talib.

Page 29: BTEC Seerah-FL3

29 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

ganitong kalagayan na naghahandang lumisan. Nagbalik siya sa Propeta at

ipinabatid sa kanya ang kanilang (nalalapit na) paglisan.

Kinaumagahan, ang Mensahero ng Allah at ang mga Muslim ay nilisan ang bambang at nagbalik sa Al-Madinah na sukbit ang kanilang mga sandata. At dumating sa kanya ang Anghel Gabriel sa oras ng Dhuhur at nagsabi, “Isinukbit ‘nyo na ba ang inyong mga sandata? Katiyakan, ang mga anghel ay hindi pa nagsusukbit ng kanilang mga sandata. Sumulong at lusubin ang mga taong iyon (Banu Quraizah).” Kaya’t ang Mensahero

ng Allah ay nanawagan:

“Sinuman ang makinig at sumunod, hindi siya dapat magsalah ng ‘Asr maliban sa Banu Quraizah.”1

Kaya’t ang mga Muslim ay nagmamadaling sumulong hanggang sa sila ay makarating sa mga kuta, sinabi ng Mensahero ng Allah:

“O kayong mga kapatid ng mga bakulaw!2 Kayo ba ay ipinahiya ng Allah at ipinadala sa inyo ang Kanyang Kaparusahan?”3

At pinalibutan sila ng Propeta sa loob ng dalawampu’t limang mga gabi, hanggang sa sila ay naubusan ng lakas dahil sa mga pumapalibot sa kanila.

Nagbigay ng takot ang Allah sa kanilang mga puso at kanilang mga pinuno, si Ka’b bin Asad ay nagsabi sa kanila, “Bibigyan ko kayo ng tatlong pagpipilian at maaari ninyong piliin alinman dito ang inyong nais: Na kami ay maniwala sa taong ito at sundin siya, sapagka’t batid ninyo na siya ay walang pag-aalinlangan na Propeta na inyong matatagpuan na binabanggit sa Tawrah.” Sila ay nagsabi, “Hindi namin iiwanan ang mga batas ng Tawrah.” Sila ay nagsabi, “Kaya patayin ang inyong mga kababaihan at mga anak at pumunta sa kanya na ang inyong mga espada ay nakabunot hanggang sa magbigay ng pasiya ang Allah sa pagitan ninyo at sa kanya.” Sila ay nagsabi, “Ano pa ang halaga ng mabuhay kung wala na ang aming mga kababaihan at mga anak?” Siya ay nagsabi, “Kung gayon ay palipasin natin ang gabing ito at marahil si Muhammad at ang kanyang mga Kasamahan ay makaramdam na ligtas mula sa inyo, sapagka’t ngayon ay Sabado at maaari na ituring naming silang hindi makikipaglaban.” Sila ay

sumagot, “Hindi namin sisirain ang aming Sabbath (Sabado), dahil alam ninyo kung ano ang nangyari sa mga lumabag sa Sabbath.” Siya ay nagsabi,

“Wala ni isa man sa inyo na buo ang loob sa isang gabi simula ng sandali na siya ay isilang ng kanyang ina.” Sa gayon ay nagsibabaan sila upang

harapin ang hatol ng Mensahero ng Allah at itinalaga niya si Sa’d bin

1 Ang Hadith ay iniulat ni Al-Bukhari, sa Kabanata: “Ang pagbabalik ng Propeta mula sa mga Kapanig at

kanyang paglisan patungo ng Quraizah”, at ito ay naiulat din ni Muslim. 2 Paalala: Ito ay isang pagtukoy sa isang kuwentong binanggit sa Qur’an (Surah Al-Baqarah 2:65) kung

papaanong ginawa ng Allah ang ilan sa mga Hudyo na maging bakulaw dahil sa kanilang pagsuway. 3 Paalala: Sang-ayon kay Shaikh Al-Albani (kahabagan nawa siya ng Allah), ito ay isang mahinang Hadith na

isinalin ni Ibn Ishaq, sa kapahintulutan ni Az-Zuhri sa isang anyo ng Mursal. Ito ay iniulat din ni Al-Hakim, sa

kapahintulutan ni Ibn Umar, subali’t ang daloy ng tagapagsalaysay nito ay mahina.

Page 30: BTEC Seerah-FL3

30 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Mu’adh bilang tagahatol sa kanila (na kanilang kahilingan), na nagbigay

pasiya na ang mga kalalakihan ay dapat na patayin, hatiin ang kanilang mga ari-arian at gawing bihag ang kanilang mga kababaihan at mga anak.1

At inihayag ng Allah ang unang bahagi ng Surah Al-Ahzab tungkol sa labanan ng Bambang, na binabanggit ang kanilang kasaysayan sa Kanyang

mga Salita:

عليكم يا أيها الذين آمنوا اذكروا نعمة للا“O kayong naniniwala! Alalahanin ang Tulong ng Allah sa inyo.”

- hanggang sa Kanyang mga Salita:

وأورثكم أرضهم وديارهم وأموالهم “At gumawa Siya ng dahilan na mapunta sa inyo ang kanilang mga

lupain, at kanilang mga tahanan, at ang kanilang mga kayamanan.” Surah Al-Ahzab 33:9-27

Pagkatapos ay nagsimula ang ika-anim na taon.

1 Ang kuwento ng paghahatol ni Sa’d bin Mu’adh sa Banu Quraizah ay isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim,

kagaya ng nabanggit sa Jami’ Al-Usul.

Page 31: BTEC Seerah-FL3

31 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 9

Ang kasunduan ng Al-Hudaybiyah

Sa taon na ito, ang pangyayari sa Al-Hudaybiyah ay naganap at ang bilang ng mga Kasamahan na naroon ay umabot sa isang libo apat na raan. Sila ang mga tao ng puno at ang mga tao na nangako ng katapatan ng Ar-

Ridhwan. Kasama nilang naghanda ang Mensahero ng Allah upang magsagawa ng

‘Umrah, na hindi naghahangad na makipaglaban. Nang sila ay nasa Dhul Hulaifah, sinabitan ng Propeta ng bulaklak ang mga alay na hayop at

tinatakan ang mga ito. Nagsagawa siya ng Ihram para sa Umrah at nagpadala siya ng tagamatyag mula sa Khuza’ah upang maghatid sa kanya ng impormasyon tungkol sa Quraish. At ng malapit na sila sa ‘Usfan, ang

kanyang tagamatyag ay lumapit sa kanya at nagsabi, “Umalis ako na si Ka’b bin Lu’ay at ‘Amri bin Lu’ay ay nagtitipon ng mga puwersa upang

makipaglaban sa inyo at pigilan kayo na makarating sa Bahay.” Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta ng ilang daan sa baybayin ng

lansangan: “Si Khalid Ibn Walid ay nasa Kura’ Al-Ghamim, kaya’t dumaan sa

gawi ng pakanan.”1

Nanatiling hindi sila namamalayan ni Khalid hanggang sa makita niya ang kanilang alikabok at patakbo siyang nagmamadali upang mabigay ng babala (sa mga Quraish).

Nagmamadali rin ang Mensahero ng Allah hanggang sa marating niya ang

landas ng Al-Marar, kung saan siya bababa patungo sa kanila (Quraish); sa pagkakataong ito ay lumuhod ang kanyang kamelyo at ang mga tao ay nagsabi, “Sulong! Sulong!” At sila’y nagsabi, “Si Al-Qaswa ay naging matigas ang ulo.” Subali’t sinabi ng Propeta: “Si Al-Qaswa ay hindi naging matigas ang ulo, hindi siya ganito. Siya ay pinahinto ng nagpahinto sa elepante.” At kanyang sinabi, “Sa Kanya na may tangan ng kaluluwa ni Muhammad, kung hihilingin

nila sa akin ang anumang plano kung saan sila ay mamimitagan sa mga Banal na Lugar ng Allah, kinakailangan kong ipagkaloob ito sa

kanila.”

1 Ito ay bahagi ng hadith sa AL-Hudaybiyah na iniulat nina Ahmad at Al-Bukhari sa kapahintulutan ni Al-

Miswar bin Makhramah at Marwan bin Al-Hakam, na nabanggit sa Muntaqa Al-Akhbar.

Page 32: BTEC Seerah-FL3

32 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Pagkatapos ay pinakilos niya ang kanyang kamelyo at ito ay tumayo at siya

ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay sa pinakamalayong dulo ng Al-Hudaybiyah, sa pagitan ng isang balon na naglalaman lamang ng

kakaunting tubig. Madali nila itong nasimot at sila ay dumaing sa Mensahero ng Allah at na tinanggal niya ang isang pana mula sa lalagyan nito at kanyang inutos sa kanila na ilagay ito sa balon, sumpa man sa

Allah, ito ay masaganang dumaloy hanggang sa sila ay lumisan. Nangamba ang mga Quraish sa kanyang pagdating. Nagnais ang Propeta na

magpadala ng isang tao sa kanila, kaya’t tinawag niya si ‘Umar na nagsabi, “O Mensahero ng Allah! Wala ni isa man sa Makkah na mula sa Banu ‘Adiyy bin Ka’b na magagalit para sa akin kung mayroon mang panganib na mangyari sa akin. Ipadala mo si ‘Uthman, sapagka’t naroon (sa Makkah) ang kanyang angkan at ipababatid niya kung ano ang iyong nais.” Kaya’t siya ay

kanyang tinawag at siya ay ipinadala sa Quraish na kanyang ipinasasabi na, “Ipabatid mo sa kanila na hindi tayo naparito upang

makipaglaban, na tayo ay naparito lamang upang magsagawa ng ‘Umrah, at hikayatin mo sila sa Islam.” At ipinag-utos niya sa kanya na

punatahan ang mga naniniwalang kalalakihan at kababaihan sa Makkah,

ipabatid sa kanila ang mabuting balita sa pagpapalaya (ng Makkah) at (ipabatid sa kanila) na ang Allah, ang Pinakamakapangyarihan ay

magtataguyod ng Kanyang relihiyon sa Makkah, upang ang paniniwala ay hindi na maitatago.

Kaya’t si ‘Uthman ay lumisan at dumaan sa Quraish. Sila ay nagsabi, “Saan ka patungo?” Siya ay sumagot, “Ipinadala ako ng Mensahero ng Allah upang hikayatin kayo sa Islam at upang ipabatid sa inyo na hindi siya naparito

upang makipaglaban, na kami ay naparito lamang upang magsagawa ng ‘Umrah.” Sila ay nagsabi, “Narinig naming kung ano ang iyong sinabi at

kung nais ninyong gawin ang inyong kailangan (hal. magsagawa ng ‘Umrah), maaari ninyo itong gawin.” Pagkatapos ay tumayo si Aban bin Sa’id sa kanya at malugod siyang tinanggap, binuhat siyang pasakay sa

kanyang kabayo at sumakay sa likuran niya hanggang sa marating nila ang Makkah.

Bago pa siya magbalik ay nagsasabi na ang mga Muslim, “Si ‘Uthman ay nakaalis na mula sa atin at nakarating na sa Bahay.” Subali’t ang

Mensahero ng Allah ay nagsabi: “Hindi ko iniisip na siya ay iikot (magta-tawaf) sa Bahay samantalang tayo ay pinipigilan na gawin ito.”

Sila ay nagsabi, “Anong makapipigil pa sa kanya kung narating na niya ang Bahay, O Mensahero ng Allah?” Kanyang sinabi:

“Ito ang palagay ko para sa kanya, na hindi siya magta-tawaf sa Ka’bah hangga’t hindi natin ito ginagawa na kasama siya.”

Page 33: BTEC Seerah-FL3

33 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Nasalingitan ng mga pagano ang mga Muslim upang pigilan ang anumang

pagkakasundo. Isang lalaki mula sa isa sa magkabilang panig ang nagpakawala ng pana sa isang lalaki mula sa kabilang panig at ang labanan

ay sumilakbo, ang magkabilang panig ay nagpaulan ng mga pana at bato sa isa’t isa at nagsisigaw hanggang ang bawa’t isa sa kanila ay sumumpang makikipaglaban.

Naipabatid sa Mensahero ng Allah na si ‘Uthman ay napatay kaya’t nanawagan sa mga Muslim upang magbigay ng pangako ng katapatan.

Nagmamadali silang lumapit sa kanya habang siya ay nakatayo sa ilalim ng puno. Sila ay nangako ng katapatan sa kanya na sila ay hindi uurong.

Itinaas ng Propeta ang kanyang kamay at nagsabi:

“Ito ay para kay ‘Uthman.”

Nang makumpleto ang pangako ng katapatan, si ‘Uthman ay nagbalik at sinabi nila sa kanya, “Nasiyahan ka ba sa sarili mo sa pagsasagawa ng pag-ikot sa Bahay?” Kanyang sinabi, “Anong sama ng palagay ninyo para sa akin! Sa Kanya na may tangan ng aking kaluluwa, kung ako ay nanatili sa loob ng isang taon samantalang ang Mensahero ng Allah ay nasa Al-Hudaybiyah, hindi ko ito iikutin hangga’t sa ito ay kanyang ginawa. Inimbitahan ako ng mga Quraish na gawin ko ito, subali’t ako ay tumanggi.” Ang mga Muslim ay nagsabi, “Ang Mensahero ng Allah ang nakaaalam ng higit sa Allah at nagtataglay ng mas mahusay na palagay kaysa sa atin.

Kinuha ni ‘Umar bin Al-Khattab ang kamay ng Mensahero ng Allah upang

mangako ng katapatan sa kanya habang siya ay nakatayo sa ilalim ng puno. Ang lahat ng mga Muslim ay nangako ng katapatan sa kanya at walang umurong maliban lamang kay Al-Jadd bin Qais.

Si Ma’qal bin Yasar ay kumuha ng sanga ng puno at itinaas ito sa tapat ng Mensahero ng Allah. Ang mga una na nangako ng katapatan sa kanya ay

sina Abu Sinan at Wahab bin Muhsan Al-Asadi. Si Salamah bin Al-Akwa’ ay makatlong ulit na nangako ng katapatan sa kanya. Isa sa mga una sa

kanila, sa kalagitnaan nila at sa mga nahuli sa kanila. Habang sila ay nagkakasundo, si Budail bin Warqa ay lumapit sa kanila na

may kasamang mga kalalakihan mula sa Khuza’ah – sila ang mga tagapayo ng Mensahero ng Allah mula sa mga mamamayan ng Tihamah – at kanyang sinabi, “Iniwanan ko si Ka’b bin Lu’ayy at ‘Amir bin Lu’ayy na nakahimpil sa masaganang tubig ng Al-Hudaybiyah at mayroon silang dalang mga ginagatasang kamelyo; handa silang makipaglaban sa inyo at pigilan kayo na magtungo sa Bahay.” Siya ay nagsabi:

“Hindi kami naparito upang makipaglaban, naparito lamang kami upang magsagawa ng ‘Umrah. Ang Quraish ay pinahina na at

napinsala sa pamamagitan ng digmaan, kung kanilang nanaisin ay

wawakasan ko ito ng pakikipagkasundo sa kanila. At habang nasa

Page 34: BTEC Seerah-FL3

34 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

ilalim ng kasunduang ito ay nararapat silang umiwas mula sa

pakikialam sa pagitan ko at ng mga tao (ang iba pang mga Arabo na hindi Muslim maliban sa Quraish), at kung ako ay magwawagi sa

kanila, ang Quraish ay makapipili na yumakap sa Islam katulad ng ginawa ng ibang mga tao, kung kanilang nais; kahit papaano ay

lalakas sila upang makipaglaban. Subali’t kung hindi nila

tatanggapin ang kasunduan, sa pamamagitan ng Allah na may tangan ng aking buhay, makikipaglaban ako sa kanila sa

pagtatanggol ng aking Hangarin hanggang sa ako ay mapatay,

subali’t (nakatitiyak ako) gagawin ng Allah na matagumpay ang Kanyang Hangarin.”

Si Budail ay nagsabi, “Ipararating ko sa kanila kung ano ang iyong sinabi.” Kaya’t siya ay lumisan hanggang sa makarating sa Quraish at nagsabi,

“Nanggaling kami sa lalaking iyon (Muhammad) na narinig naming nagsabi ng isang bagay na sasabihin naming sa inyo kung gugustuhin ninyo.” Ang ilan sa mga lokong tao mula sa Quraish ay sumigaw na hindi nila kailangan

ang ganitong impormasyon, subali’t ang iba sa kanil na matino ay nagsabi, “Sabihin mo kung ano ang narinig mong sinabi niya.” Si Budail ay nagsabi,

“Narinig ko siya na nagsabi ng...” at kanyang isinalaysay kung ano ang sinabi ng Mensahero ng Allah sa kanya.

Si ‘Urwah bin Mas’ud ay nagsabi, “Ang taong ito (Muhammad) ay nagbibigay sa inyo ng isang maayos na mungkahi, mas makabubuting tanggapin ninyo

ito at hayaan ninyong makilala ko siya.” Sila at nagsabi, “Maaari mo siyang makilala.” Kaya’t nagtungo siya sa Propeta at nagsimulang makipag-usap sa kanya. Sinabi ng Propeta sa kanya ang halos kapareho ng sinabi niya kay

Budail. At si ‘Urwah ay nagsabi, “O Muhammad! Hindi ka ba nakararamdam ng pangamba sa pagkakalag mo ng ugnayan sa iyong mga kaanak? May narinig ka na ba na kahit na sinong mula sa mga Arabo na

nakipagkalag ng ugnayan sa kanyang mga kaanak na nauna sa iyo? Sa isang banda, kapag ang kabaligtaran ang nangyari, (walang sinuman ang

tutulong sa iyo, sapagkat) sumpa man sa Allah, wala akong nakikitang kasama mo na mga kagalang-galang na tao, maliban sa mga taong nagmula sa iba’t ibang mga tribu na magsisitakasan at iiwanan kang mag-isa.” Nang

marinig ito, si Abu Bakr ay nagsabi, “Ulitin mo nga ang sinabi mo! Magsisitakas kami at iiwanan naming mag-isa ang Propeta?” Si ‘Urwah ay

nagtanong, “Sino ang lalaking iyan?” “Si Abu Bakr”, ang kanilang sagot. Sinabi ni ‘Urwah kay Abu Bakr, “Sa Kanya na may tangan ng aking kaluluwa, kung hindi lamang sa magandang pakikitungo na ipinakita ninyo

na hindi tinatapata, sasagutin kita.” Nagsimulang makipag-usap si ‘Urwah sa Propeta at pinagmamasdan ang

mga Kasamahan ng Propeta. Sumpa man sa Allah, sa tuwing ang Mensahero ng Allah ay dudura, ang lura ay sinasalo ng isa man sa kanila

na ipinupunas ito sa kanya mukha at balat; kapag siya ay mag-uutos sa kanila ay dagli nila itong sinusunod; kapag siya ay magsasagawa ng wudhu, mag-aagawan sila na masahod ang tubig na tumutulo mula sa kanya; at

Page 35: BTEC Seerah-FL3

35 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

kung sila ay makikipag-usap sa kanya, nagiging malumanay ang kanilang

tinig at hindi nila tinitignan ang kanyang mukha ng palagian dahil sa kanilang paggalang. Si ‘Urwah ay nagbalik sa kanyang mga mamamayan at

nagsabi, “O mga mamamayan! Sumpa man sa Allah, napuntahan ko na ang mga hari at sina Caesa, Kisra at ang Negus, subali’t wala akong nakita na sinuman sa kanila na iginalang ng kanyang mga nasasakupan katulad ng

paggalang na ibinibigay ng mga Kasamahan ni Muhammad para sa kanya. Sumpa man sa Allah, sa tuwing siya ay dudura, ang lura ay sinasalo ng isa man sa kanila na ipinupunas ito sa kanya mukha at balat.”

Isang lalaki mula sa Banu Kinanah ang nagsabi, “Pahintulutan ninyo akong

pumunta sa kanya,” at siya ay kanilang pinahintulutan. Nang siya ay nakalapit sa Propeta at mga Kasamahan, ang Mensahero ng Allah ay nagsabi:

“Siya ay isang tao na nabibilang sa tribu na nagbibigay galang sa

Budn (hal. mga inaalay na hayop). Kaya’t dalhin ang Budn sa

kanyang harapan.”

Kaya’t ang Budn ay dinala sa kanyang harapan at tinanggap siya ng mga tao habang sila ay bumibigkas ng Talbiyyah. Nang makita niya ang

eksenang ito, kanyang sinabi: “Luwalhatiin ang Allah! Hindi makatarungan na hadlangan ang mga taong ito sa pagdalaw sa Ka’bah.”

Sa pagkakataong ito ay dumating si Suhail bin ‘Amr at ang Propeta ay nagsabi:

“Ngayon ay naging mas pinadali ang pangyayari.” (Ito ay sa dahilan

na ang Suhail sa wikang Arabik ay nangangahulugan na padaliin)

Kanyang sinabi, “Halikayo, isulat natin ang kasunduan sa pagitan ninyo at namin.” At siya ay tumawag ng tagasulat, siya ay si Ali bin Abi Talib at

nagsabi: “Isulat: ‘Sa panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinakamapagpala ang Pinakamahabagin.” Si Suhail ay nagsabi, “Para sa ‘ang Pinakamapagpala’, sumpa man sa Allah ay hindi ko alam ang

kahulugan nito. Isulat ‘nyo na lang: ‘Sa pangalan Mo, O Allah’, na nakasanayan ninyong isulat nuon.” Ang mga Muslim ay nagsabi, “Sumpa

man sa Allah, hindi kami magsusulat maliban sa: ‘Sa panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinakamapagpala ang Pinakamahabagin.” Ang Propeta ay nagsabi:

“Isulat: ‘Sa pangalan Mo, O Allah”

Pagkatapos ay kanyang idinikta: “Ito ang kasunduan ng kapayapaan na isinagawa ni Muhammad, ang Mensahero ng Allah.” Si Suhail ay nagsabi,

“Sumpa man sa Allah, kung alam lang naming na ikaw ang Mensahero ng Allah, hindi ka namin pipigilang dalawin ang Ka’bah at hindi kami

Page 36: BTEC Seerah-FL3

36 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

makikipaglaban sa iyo; kaya isulat: “Muhammad bin ‘Abdullah.” Ang

Propeta ay nagsabi: “Sumpa man sa Allah, ako ang Mensahero ng Allah, kahit na kayong

mga tao ay pasinungalingan ako. Isusulat ko: Muhammad bin ‘Abdullah. Sa kondisyon na pahihintulutan ninyo kami na dalawin

ang Bahay (hal. ang Ka’bah) upang kami ay makapagsagawa ng Tawaf sa palibot nito.”

Si Suhail ay nagsabi, “Sumpa man sa Allah, hindi namin kayo pahihintulutan sa taong ito upang hindi isipin ng mga Arabo na kami ay

sumuko sa inyo, subali’t pahihintulutan namin kayo sa susunod na taon.” At ito ay naisulat.

Idinagdag pa ni Suhail, “Ipinapagkasundo rin namin sa inyo na kayo ay nararapat magbalik sa amin sinuman sa inyo ang nagmula sa amin, kahit pa na tinanggap niya ang inyong relihiyon.” Ang mga Muslim ay nagsabi,

“Luwalhatiin ang Allah! Papaanong ang isang tao ay magbabalik sa pagiging pagano matapos na siya maging isang Muslim?”

Sa ganitong pagkakataon, si Abu Jandal bin Suhail bin ‘Amr ay dumating mula sa lambak ng Makkah, hila-hila ang kanyang kadena at humahangos

na nadapa sa harapan ng mga Muslim. Si Suhail ay nagsabi, “O Muhammad! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kami ay

nakipagkasundo sa inyo (hal. dapat na ibalik mo sa akin si Abu Jandal).” Ang Propeta ay nagsabi:

“Ang kasunduan ng kapayapaan ay hindi pa naisusulat.”

Si Suhail ay nagsabi, “Sa pagkakataong ito, sumpa man sa Allah, hindi ako

gagawa ng isa mang kasunduan ng kapayapaan sa anumang bagay para sa inyo.” Sa gayon ay nagsabi ang Propeta:

“Ibalik mo siya sa akin.”

Siya ay nagsabi, “Hindi ko siya ibabalik sa iyo.” Nanindigan ang Propeta:

“Sige na, ibalik mo siya sa akin.”

Siya ay sumagot, “Hindi ko ito gagawin.” Si Abu Jandal ay nagsabi, “O

kayong mga Muslim! Papaanong ako ay magbabalik sa pagiging pagano, gayung ako ay nagtungo sa inyo bilang isang Muslim? Hindi ‘nyo ba nakikita ang nangyayayari (na pagpapahirap) sa akin?” At siya ay labis na

pinahirapan ng dahil sa Allah. Si ‘Umar bin Al-Khattab ay nagsabi, “Sumpa man sa Allah, hindi ako nag-alinlangan mula sa sandali na ako yumakap sa

Islam hanggang sa araw na ‘yon; nagtungo ako sa Propeta at nagsabi, “Hindi ba ikaw ang tunay na Mensahero ng Allah?” Ang Propeta ay nagsabi: “Oo, ako nga.” Sinabi ko na, “Hindi ba’t makatarungan ang ating layunin

Page 37: BTEC Seerah-FL3

37 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

at ang layunin ng mga kaaway ay hindi makatarungan?” Siya ay nagsabi, “Oo.” Ako ay nagsabi, “Kung gayon ay bakit dapat tayong magpakababa sa ating relihiyon?” Siya ay nagsabi, “Ako ang Mensahero ng Allah at hindi

ko Siya sinusuway, at gagawin Niya akong matagumpay.” Ako ay

nagsabi, “Hindi mo ba sinabi sa amin na pupunta tayo sa Ka’bah at magsasagawa ng Tawaf sa palibot nito?” Siya ay nagsabi, “Oo, subali’t

sinabi ko ba sa inyo na bibisitahin natin ang Ka’bah sa taon na ito?” Ako ay sumagot, “Hindi.” Kanyang sinabi, “Kaya’t bibisitahin ninyo ito at magsagawa ng Tawaf sa palibot nito?” Idinagdag pa ni ‘Umar,

“Pagkatapos ay nagtungo ako kay Abu Bakr at tinanong ko siya ng parehong mga katanungan na aking itinanong sa Mensahero ng Allah at

binigyan niya ako ng parehong mga kasagutan at dagdag pa niya, ‘Kaya’t panghawakan mo siya hangga’t sa ikaw ay mamatay, sapagka’t sumpa man sa Allah, siya ay nasa katotohanan.’” Sinabi ni ‘Umar, “Sumpa man sa

Allah, dahil dito (sa aking pangungulit na mga katanungan), marami sa nagawa kong mga kabutihan ay nagiging kabayaran.”

Nang matapos na ang pagsusulat ng kasunduan ng kapayapaan, sinabi ng Mensahero ng Allah sa kanyang mga Kasamahan:

“Magsitayo kayo at katayin ang inyong mga alay at ahitin ang inyong

mga ulo.”

Sumpa man sa Allah na wala sa kanila ang tumayo, at inulit ng Propeta ang

kanyang utos ng ikatlong ulit. Nang wala sa kanila ang tumayo, iniwanan niya sila at nagpunta siya kay Umm Salamah at sinabi niya ang naging pag-uugali ng mga tao sa kanya. Sinabi ni Umm Salamah, “O Propeta ng Allah!

Nais mo bang sundin ang iyong utos? Lumabas ka at huwag magbitaw ng isang salita kahit kanino hangga’t hindi ka nakapagkakatay ng iyong alay at tawagin ang iyong barbero upang ahitin ang iyong ulo.” Sa gayon ay

lumabas ang Propeta at hindi nagsalita sa kaninuman sa kanila hangga’t hindi niya nagagawa ang sinabi ni Umm Salamah. Nang makita ito ng mga

Kasamahan ng Propeta, sila ay nagsitayuan at kinatay ang kanilang mga alay at nag-umpisang mag-ahit ng mga ulo sa isa’t isa. Nagkaroon ng labis na paghangos na siyang naging sanhi ng panganib ng pagpapatayan sa

bawat isa. Ang ilan sa mga kababaihang sumasampalataya ay lumapit (sa Propeta); at inihayag ng Allah ang sumusunod na mga Talata:

“O kayong naniniwala! Kapag ang kababaihang sumasampalataya ay

lumapit sa inyo upang mandayuhan, kilalanin sila; ang Allah ang

nakababatid ng higit tungkol sa kanilang Pananampalataya, at kapag inyong natiyak na sila ay mga tunay na mananampalataya huwag ninyo silang isauli sa mga di-mananampalataya. Hindi sila

legal (na mga asawa) para sa mga di-mananampalataya o di kaya’y ang mga di-mananampalataya ay legal (na mga asawa) para sa

kanila. Subali’t bigyan sila (mga di-mananampalataya) ng kaukulang salapi na kanilang nagasta (bilang kanilang Maher) para sa kanila. At walang kasalanan para sa inyo na pakasalan sila kung inyong

Page 38: BTEC Seerah-FL3

38 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

nabayaran ang Maher na kanilang ibinayad parasa kanila. Gayundin

huwag ninyong pakasalan ang mga kababaihang di-mananampalataya.” Surah Al-Mumtahanah 60:10

Diniborsyo ni ‘Umar ang dalawa niyang asawa na hindi mga mananampalataya. Sa kanyang pagbabalik ng Propeta mula sa kanyang

paglalakbay, inihayag ng Allah ang Surah Al-Fath:

“Katotohanan, ipinagkaloob Namin sa inyo ang malinaw na

tagumpay. Na maaaring patawarin ng Allah sa inyo ang inyong mga nakalipas at panghinaharap na mga kasalanan.” Surah Al-Fath 48:1-2

At si ‘Umar ay nagsabi, “Ito ba ay tagumpay, O Mensahero ng Allah?” Siya ay nagsabi, “Oo.” Ang mga Kasamahan ay nagsabi, “Ito ay para sa iyo, O

Mensahero ng Allah! Paano naman kami?” Kaya’t inihayag ng Allah: “Siya ang nagbaba ng As-Sakinah (kapanatagan at katiwasayan) sa

mga puso ng mga mananampalataya, upang lumago pa sila sa kanilang pananampalataya kasama ng kanilang pangkasalukuyang

pananampalataya…at ito ay sa Allah lamang ang pinakamataas na tagumpay.” Surah Al-Fath 48:4-5

Nang siya ay magbalik sa Al-Madinah, si Abu Baseer na isang Muslim mula sa Quraish ay lumapit sa kanya at sila ay nagpadala ng dalawang

kalalakihan upang siya ay habulin. Sila ay nagsabi, “Sumunod kayo sa ating pinagkasunduan.” Kaya’t ibinigay niya ito sa dalawang kalalakihan at sila ay umalis na kasama ito at nagpatuloy sa kanilang paglalakbay

hanggang sa marating nila ang Dhul Hulaifah. Dito sila huminto upang kumain ng ilang dates na kanilang baon. Sinabi ni Abu Baseer sa isa sa kanila, “Maganda ang iyong espada.” Sinabi ng lalaki, “Sumpa man sa Allah,

ito ay napakapino at maraming beses ko na itong nasubukan.” Sinabi ni Abu Baseer, “Tingnan ko nga.” Nang ito ay ibinigay sa kanya ay tinaga niya

ito hanggang sa siya ay mamatay at ang kanyang kasamahan ay nakatakas hanggang sa makarating sa Al-Madinah at pumasok sa masjid na humahangos. Nang makita siya ng Mensahero ng Allah ay kanyang sinabi:

“Ang lalaking ito ay nasindak.”

Nang marating niya ang Propeta, siya ay nagsabi, “Ang kasama ko ay pinaslang at ako rin ay papaslangin.” Si Abu Baseer ay dumating at

nagsabi, “O Mensahero ng Allah! Sumpa man sa Allah, ginawa ng Allah na matupad mo ang iyong mga obligasyon sa pagsasauli mo sa akin sa kanila (mga di-mananampalataya), subali’t iniligtas ako ng Allah mula sa kanila.”

Ang Propeta ay nagsabi: “Kapighatian sa kanyang ina! Anong husay niyang makagagawa ng gulo, kung mayroon lamang siyang mga tagatangkilik.”

Page 39: BTEC Seerah-FL3

39 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Nang marinig ito ni Abu Baseer, naunawaan niya na ibabalik siyang muli ng

Propeta sa kanila, kaya’t siya ay lumisan hanggang sa marating niya ang tabing-dagat. Si Abu Jandal bin Suhail ay nakalaya mula sa kanila (mga di-

mananampalataya) at pumanig kay Abu Baseer. Kaya’t ang sinumang yumakap sa Islam na mula sa Quraish ay sumusunod kay Abu Baseer hanggang sa sila ay makabuo ng isang matatag na pangkat. Sumpa man sa

Allah, sa tuwing malalaman nila ang isang karabana ng Quraish ay patungo ng Ash-Sham, tatambangan nila ito at pagpapatayin sila (mga di-mananampalataya) at kukunin ang kanilang mga ari-arian. Ang mga

mamamayan ng Quraish ay nagpadala ng mensahe sa Propeta na humihiling para sa kapakanan ng Allah at pagkakamag-anakan na ipadala

para sa kanya (hal. si Abu Baseer at kanyang mga kasamahan) na nangangako na sinumang (nagmula sa kanila) magtungo sa Propeta ay magiging ligtas.

Page 40: BTEC Seerah-FL3

40 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 10

Ang labanan ng Khaibar

Nang dumating ang Mensahero ng Allah sa Al-Madinah mula sa Al-Hudaybiyah, nanatili siya sa loob ng dalawampung araw o higit pa bago siya lumisan patungo ng Khaibar, na inihabilin kay Siba’ bin ‘Urfutah ang

pamamahala ng Al-Madinah. Dumating si Abu Hurayrah sa Al-Madinah at natagpuan si Siba’ bin ‘Urfutah na binibigkas ang Surah Al-Mutaffifin sa Salah ng Fajr at nasabi niya sa kanyang sarili: “Babala sa ama ng kung

sinuman, sapagka’t mayroon siyang dalawang mga panukat; kapag sinusukat niya (ang para sa iba) siya ay nagkukulang at kung susukatin

niya ang para sa kanya, maluwag niya itong sinusukat.” Si Salamah bin Al-Akwa’ ay nagsabi, “Lumisan kami patungo ng Khaibar at

isang lalaki ang nagsabi kay ‘Amri bin Al-Akwa: ‘Hindi mo ba iparirinig sa amin ang iyong tula?’ kaya’t siya ay bumaba at nagsimulang bumigkas para

sa mga tao ang tula na sumasabay sa mga yabag ng kamelyo:

O Allah! Kung wala Ka, hindi kami magagabayan ng tama, O di kaya’y hindi kami magbibigay ng kawanggawa, o di kaya’y kami ay nakapagsasalah, Pakiusap na kami ay patawarin, kung ano ang aming nagawa (hal. aming mga kasalanan), Hayaang kami ay maialay para sa Iyong Kapakanan, At ipagkaloob ang kapanatagan sa amin upang maging matatag ang aming mga paa, Kung makasasalubong namin ang aming kaaway, At kung tatawagin nila kami para sa isang di makatarungang bagay, kami ay tatanggi.

Nang marinig ito, ang Propeta ay nagtanong: “Sino ‘yang nagpapatakbo (ng kamelyo, na bumibigkas ng tula)?”

Ang mga tao ay nagsabi, “Siya si ‘Amir bin Al-Akwa’.” At sinabi ng Propeta,

“Ipagkaloob nawa ng Allah ang Kanyang Habag sa kanya.” Isang tao mula sa kanila ang nagsabi: “O Mensahero ng Allah! Napasakanya na ba ang

pagiging martir? Sa ganito ay mas pinasaya mo na makasama namin siya ng mas matagal.” Pagkatapos ay narating at napaligiran namin ang Khaibar hanggang sa kami ay inabot ng matinding pagkagutom.1

1 Iniulat ni Al-Bukhari sa kapahintulutan ni Salamah bin Al-Akwa’

Page 41: BTEC Seerah-FL3

41 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Nang sila ay nakahanay, si Marhab (isang Hudyo) ay lumabas na hinugot

ang kanyang espada at nagsabi:

Alam ng Khaibar na ako si Marhab, Isang bihasang mandirigma, armado, Kapag sumapit ang digmaan ay nagkakalat ng apoy nito.

Lumabas si ‘Amir at nagsabi:

Tiyak na alam ng Khaibar na ako si ‘Amir, Isang armadong bihasa na sumusugod sa mga labanan.

Sila ay nagsagupaan at ang espada ni Marhab ay tumama sa panangga ni ‘Amir at dumikit dito. Yumuko si ‘Amir upang atakihin siya mula sa ibaba,

subali’t ang kanyang espada ay maikli kaya’t ito ay bumalik sa kanya at naputol ang kanyang tuhod at siya ay namatay. Si Salamah ay nagsabi, “Sinabi ko sa Propeta: ‘Sila ay nagsasabi na ang ginawa ni ‘Amir ay walang saysay.’” Siya ay nagsabi: “Sinumang nagsabi nito ay nagsinungaling; siya ay mayroong dalawang mga gantimpala.” – At itinaas niya ang

dalawang daliri. “Katiyakan, siya ay isang tao na parehong nagpunyagi at nagbuhos ng kanyang sarili (para sa Allah) at isang

mandirigam (para sa Allah). Iilan lamang sa mga Arabo ang nakakuha ng kanyang katayuan.”1

Nang marating ng Mensahero ng Allah ang Khaibar, siya ay nagsabi: “Hinto!” – at ang mga sundalo ay huminto. At kanyang sinabi:

“O Allah! Panginoon ng pitong mga kalangitan at ang lahat ng mga sinisilungan ng mga ito, Panginoon ng pitong mga daigdig at ang

lahat ng nilalaman ng mga ito, Panginoon ng mga demonyo at ng lahat ng yaong kanilang mga nailigaw, Panginoon ng mga hangin at lahat ng kanilang mga ikinakalat, hinihingi namin sa Iyo ang mabuti

para sa bayang ito, ang mabuti para sa mga mamamayan nito at ang mabuti na napapaloob dito at kami ay nagpapakukop sa Iyo mula sa kasamaan ng bayang ito, ang kasamaan ng mga mamamayan nito at

ang kasamaan na napapaloob dito.”2

Napalibutan sila ng Mensahero ng Allah sa loob ng halos dalawampung mga gabi. Ang lupa ay hindi maayos at napakainit, nagsikap ng labis ang mga Muslim, at ang Propeta ay tumayo sa kanilang harapan at hinimok sila at

hinikayat sila na magsagawa ng Jihad.

Isa sa kanila ay isang maitim na alipin at siya ay nagsabi: “O Mensahero ng Allah! Ako ay isang tao na ang kulay ng balat ay itim, ako ay pangit sa

1 Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim

2 Iniulat ni An-Nasa’I, bin Hibban at Al-Hakim at ang nahuling dalawa ay pinatotohanan ito mula sa Hadith ni

Suhaib

Page 42: BTEC Seerah-FL3

42 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

paningin, mayroong mabahong amoy at wala akong kayamanan; kung

lalabanan ko ang mga taong ito hanggang sa ako ay mapatay, makapapasok ba ako ng Paraiso?” Siya ay sumagot: “Oo.” Kaya’t siya ay lumusob at

nakipaglaban hanggang sa siya ay napatay at nang makita niya ito, ang Propeta ay nagsabi: “Ginawa ng Allah na maganda sa paningin iyong mukha, ginawang mabango ang iyong amoy at binigyan ng maraming kayamanan.”

At kanyang idinagdag: “Nakita ko ang dalawa niyang asawa mula sa hur ‘in1 na nagtatalo sa bawa’t isa sa kung sino sa kanila ang maglalagay ng kanyang damit para sa kanya at pinapasok ang pagitan ng kanyang balat at

kanyang damit.”

Nasakop ng Mensahero ang bahagi nito, pagkatapos ay nagtuloy siya sa Al-

Kateebah, Al-Wateeh at As-Sulalim, sapagka’t ang Khaibar ay binubuo ng dalawang mga bahagi: Ang una ay ang Ash-Shaqq at An-Natah, na una

niyang nasakop at ang pangalawa ay ang bahagi na nabanggit na. Napalibutan niya siyla hanggang sa naramdaman nila na sila ay

mapipinsala at hiniling nila sa kanya na makipagkasundo at si Sallam bin Abul Haqqiq ay lumabas sa kanya at siya gumawa ng kasunduan ng

kapayapaan sa kanila, ang batayan nito na ang kanilang mga buhay at ang kanilang mga anak ay palayain, kapalit nito ay lilisanin nila ang Khaibar, iiwanan ang kanilang mga ari-arian, kanilang lupain, kanilang mga ginto at

pilak at kanilang mga sandata, lahat maliban lamang sa damit na kanilang suut-suot.

Subali’t nang paaalisin na niya sila, sila ay nagsabi: “Kabisado namin ang lupang ito kaysa sa inyo, bakit hindi ninyo kami hayaan dito.” Kaya’t

ibinigay niya ito sa kanila sa kondisyon na ibibigay nila ang kalahati ng aanihin nito sa kanya.

Pagkatapos ay hinati niya ito sa tatlumpung-anim na mga bahagi, ang bawat isang bahagi ay binubuo ng isang daang mga bahagi, kaya’t

mayroong tatlong libo anim na raang mga bahagi – kalahati ng mga ito ay para sa Mensahero ng Allah at upang ipamigay sa anumang makakamit ng mga Muslim at ang ibang kalahati ay hinati niya sa mga Muslim.

1 Hur ‘In: magagandang mga dilag na mayroong malalaki at magagandang mga mata na ipinagkaloob sa mga

mananampalataya sa Paraiso bilang gantimpala ng kanilang mabubuting mga gawa.

Page 43: BTEC Seerah-FL3

43 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 11

Ang pagdating ni Ja’far bin Abi Talib at ang kanyang mga Kasamahan mula sa Abyssinia

Habang nasa digmaang ito, ang kanyang pinsan, Ja’far bin Abi Talib at ang kanyang mga kasamahan ay dumating mula Abyssinia at kasama nila ay

ang mga Asha’aris – Abu Musa (Al-Ash’ari) at ang kanyang mga kasamahan. Si Abu Musa ay nagsabi, “Ang balita sa paglikas ng Propeta (mula Makkah

patungong Al-Madinah) ay nakarating sa amin habang kami ay nasa Yemen. Kaya’t kami ay naghanda upang lumikas patungo sa kanya – ako at ang

dalawa kong mga kapatid (Abu Burdah at Abu Ruhm) – ako ang pinakabata sa kanila, at ang kabuuang bilang naming ay mga 53 o higit pang kalalakihan mula sa aming mamamayan. Sumakay kami ng bangka at

tinangay kami n gaming bangka sa Negus sa Abyssinia. Doon ay natagpuan naming si Ja’far bin Abi Talib at nanatili na kasama niya. Pagkatapos ay

nagtungo kaming lahat (sa Al-Madinah) at nakilala naming ang Propeta sa panahon ng pananakop ng Khaibar. Nakasanayan ng ibang tao na sabihin sa amin, yaong mga tao na lulan ng bangka, “Nauna kaming lumikas bago

kayo.” Si Asma’ bint ‘Umais na isa sa mga dumating na kasama naming, ay dumating bilang panauhin ni Hafsah, ang asawa ng Propeta. Siya ay lumikas na kasama ng ibang mga Muslim na nagsilikas sa Negus. Dumating

si ‘Umar kay Hafsah habang kasama niya si Asma’ bint ‘Umais. Nang makita ni ‘Umar si Asma’ siya ay nagsabi, “Sino siya?” Sumagot si Hafsah,

“Si Asma’ bint ‘Umais.” Sinabi ni ‘Umar, “Siya ba ang Abyssinian? Siya ba ang babaeng napalaot?” Si Asma’ ay sumagot, “Oo.” Si ‘Umar ay nagsabi, “Nauna kaming lumikas bago kayo (mga taong lulan ng bangka), kaya’t mas

may karapatan kami sa inyo sa Mensahero ng Allah.” Pagkarinig nito ay nagalit si Asma’ at nagsabi, “Hindi, sumpa man sa Allah, habang kasama

ninyo ang Mensahero ng Allah sino ang nagpapakain sa mga nagugutom na kasamahan ninyo, at nagbibigay ng payo sa mga mangmang na kasama ninyo, kami ay nasa malayong pook na kinapopootan ng Abyssinia, at lahat

ng mga ito ay nang dahil sa Mensahero ng Allah. Sumpa man sa Allah, hindi ako kakain ng anumang pagkain o iinom ng kahit na ano hangga’t maiparating ko sa Mensahero ng Allah ang lahat ng iyong pinagsasasabi.

Kami ay nasaktan at nangamba. Sasabihin ko ito sa Propeta at hindi ako magsisinungaling o babaguhin ang iyong sinabi o dadagdagan ito.” Kaya’t

nang dumating ang Propeta siya ay nagsabi, “O Mensahero ng Allah! Sinabi ni ‘Umar ang ganito…” Sinabi niya kay Asma’, “Anong sinabi mo sa kanya?” Sinabi ni Asma’, “Sinabi ko sa kanya na…” Ang Propeta ay

nagsabi: “Siya (hal. ‘Umar) ay hindi nagkaroon ng mas higit na karapatan

kaysa sa inyong mga tao sa akin, sapagka’t siya at ang kanyang mga

Page 44: BTEC Seerah-FL3

44 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

kasamahan ay mayroon (gantimpala na) lamang isang paglikas,

samantala kayo, mga tao na lulan ng bangka, ay mayroong (gantimpala na) dalawang paglikas.”

Si Abu Musa at ang kanyang mga kasamahan ay magpupunta sa kanya sa magkakasunod na mga pangkat upang tanungin siya tungkol sa salaysay

na ito at para sa kanila, wala anumang mas tatamis o dadakila sa mundo ng higit kaysa sa kung ano ang sinabi ng Mensahero ng Allah tungkol sa kanila.

Napalibutan ng Mensahero ng Allah ang ilan sa mga Hudyo sa Wadi Al-Qura

Lumisan ang Mensahero ng Allah mula sa Khaibar at nagtungo sa Wadi Al-Qura kung saan mayroong ilang mga Hudyo na kasama ng ilang mga Arabo na naninirahan.

Nang sila ay dumating, sinalubong sila ng pana ng mga Hudyo,

sinasalubong sila ng hindi nila namamalayan at si Mid’am – ang alipin na nabibilang sa Mensahero ng Allah – ay pinatay. Si Rifa’ah bin Zaid Al-Jizami ay ibinigay siya sa Mensahero ng Allah at ang mga tao ay nagsabi,

“Ipagdiwang! Ang Paraiso ay mapasakanya.” Subali’t ang Mensahero ng Allah ay nagsabi:

“Sa kabaligtaran! Sa Kanya na may tangan ng aking kaluluwa, ang kapa na kinuha niya noong araw ng Labanan ng Khaibar mula sa

mga labi bago ang pagbabahaginan ng mga labi ng digmaan, ay naging apoy na sumusunog sa kanya.”

Pagkarinig nito, isang lalaki ang nagdala ng isa o dalawang balat na sintas ng sapatos sa Propeta at nagsabi, “Ito ang mga bagay na kinuha ko (ng

walang paalam).” Dahil dito, ang Mensahero ng Allah ay nagsabi: “Ito ay isang sintas, o ito ay dalawang mga sintas ng apoy.” Bukhari at

Muslim

Inihanda ng Mensahero ng Allah ang kanyang mga Kasamahan para sa pakikipaglaban at inayos ang kanilang mga hanaya, pagkatapos ay

nanawagan siya sa kanila (mga Hudyo) na tanggapin ang Islam, subali’t sila ay tumanggi. Isang lalaki ang mula sa kanila ang umabante upang makipaglaban ng isahan at si Az-Zubair bin Al-‘Awwam ang lumabas upang

lumaban sa kanya at napatay niya ito. Pagkatapos ay isang lalaki naman ang umabante at si ‘Ali ang lumabas para sa kanya at siya ay napatay ni

‘Ali. Nagpatuloy ang ganito hanggang sa labing-isa ang napatay mula sa kanila. Nagapatuloy siyang nakipaglaban sa kanila hanggang sa gabi. Kinaumagahan, nang sumikat na ang araw walang sinuman ang

makapagpakita ng isang anino na kasing haba ng sibat, nasakop niya ang

Page 45: BTEC Seerah-FL3

45 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

bayan ng sapilitan at sila (mga Muslim) ay nakakuha ng maraming mga

kagamitan at mga bagay at ibinahagi niya ito sa kanyang mga Kasamahan.

Ang lupa at ang mga puno ng dates ay iniwan niya sa pangangalaga ng mga Hudyo at itinalaga sila na maghanapbuhay para sa kanila.

Nang siya ay magbalik sa Al-Madinah, ibinalik ng mga Muhajirun ang puno ng mga dates sa mga Ansar na kanilang ibinigay sa kanila. Si ‘A’ishah ay nagsabi, “Nang masakop ang Khaibar, kami ay nagsabi: ‘Ngayon ay

magsasawa tayo sa pagkain ng dates.’”1

Ang pagpapadala ng espedisyong militar sa Al-Haraqat

Nagpadala ng espidisyong military ang Mensahero ng Allah sa Al-Haraqat mula sa Juhainah. Nang sila ay malapit na sa kanila, ang pinuno ay nagpadala ng pangkat na magmamasid; at nang sila ay nagbalik na dala

ang kanilang balita, siya ay lumusob hanggang sa mapalapit siya sa kanila noong gabi habang sila ay nagpapahinga, pagkatapos ay tumindig siya at

nagpuri sa Allah at namintuho sa Kanya kung papaano Siya dapat purihin, at nagsabi sa kanila, “Pinapayuhan ko kayo na matakot sa Allah, Lamang, na walang pagtatambal at sundin ninyo ako at hindi dapat suwayin, o di

kaya ay labanan ang aking mga kautusan, sapagka’t wala nang dapat pang isaalang-alang ang isang sinuway.” At isinaayos niya sila at sinabi: “O ikaw!

Kasama mo siya at siya.” At siya ay nagsabi: “O ikaw! Kasama mo siya at siya. Huwag kayong hihiwalay sa inyong mga kasama. At ingatan na kayo ay magbabalik at tatanungin ko kayo, “Nasaan ang iyong kasama?” At siya

ay magsasabi, “Hindi ko alam.” Kaya’t kung ako ay magta-Takbir, kayo ay mag-Takbir at bunutin ang inyong mga ispada.” At sila ay nag-Takbir at sumulong na parang isang tao na pinalibutan ang mga tao at ang mga

ispada ng Allah ang kumitil sa kanila.

1 Iniulat ni Al-Bukhari sa kapahintulutan ni ‘A’ishah.

Page 46: BTEC Seerah-FL3

46 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

KABANATA – 12

Ang Katumbas na Umrah (Umrah Al-Qadhiyyah)

Nang sumapit ang buwan ng Dhul Qa’dah ng ika-pitong taon, ang Mensahero ng Allah ay naghanda upang magsagawa ng ‘Umrah Al-Qadiyyah1 at nang sapitin nila ang Ya’jaj2 iniwan nila ang lahat ng kanilang

mga kagamitan maliban lamang sa kanilang mga panangga, kanilang mga sandata, ang kanilang mga pana at sibat. Pinasok nila ang Makkah na armado ang mangangabayo – mga ispada – at ipinadala niya si Ja’far bin

Abi Talib kay Maymunah bint Al-Harith, upang mamanhikan sa kanya at ipinaubaya naman niya sa mga kamay ni Al-‘Abbas ang pagpapakasal sa

Propeta.3 Nang dumating ang Mensahero ng Allah, inutos niya sa kanyang mga

Kasamahan na ilabas ang kanilang mga kanang balikat at bilisan ang paglakad (sa unang tatlong ikot) sa pagsasagawa ng Tawaf, upang ipakita sa

mga pagano ang kanilang gilas; hangga’t maari palagi siyang naghahangad na mapanaigan niya sila sa talas ng isipan. Ang mga mamamayang ng Makkah – kalalakihan, kababaihan at mga kabataan – at matamang

nagmamasid sa kanya at sa kanyang mga Kasamahan habang umiikot sila sa Ka’bah. Kinuha ni Abdullah bin Rawahah ang renda ng babaeng-kamelyo ni Propeta Muhammad at binigkas ang sumusunod na mga taludtud ng

tula:

Bigyan siya ng daan, mga anak ng di-mananampalataya, Magbigay daan, sapagka’t ang lahat ng kabutihan ay nasa Kanyang Mensahero, Ang Pinakamapagpala ay nagbaba ng Kanyang Kapahayagan, Sa mga Kasulatan na binibigkas sa Kanyang Mensahero, Na ang pinakamahusay na pagpatay ay kung ito ay para sa Kanya, O Panginoon! Naniniwala ako sa kanyang mga salita, Nakita ko ang Katotohanan sa pagtanggap sa kanya, Ngayon ay lulusubin namin kayo (O mga di-mananampalataya) Sangayon sa kanyang pagsusuri, Katulad ng paglusob namin sa inyo na naaayon sa kung ano ang

inihayag sa kanya, Isang hampas na magtatanggal sa mga ulo mula sa kanilang mga leeg, Na magsasanhi na kalimutan ang kanyang kaibigan.”

1 Sang-ayon kay Ibn Al-Qayyim sa Zad Al-Ma’ad, and dahilan kung bakit ito tinawag na Katumbas na Umrah

ay sapagka’t ito ay kapalit para sa kanila mula sa Allah, kapalit ng kanilang Umrah kung saan sila pinigilan sa

pagsasagawa nito noong makalipas na taon, hindi pagbabayad sa kanilang Umrah nang sila ay pinigilang

isagawa ito, sapagka’t ito ay hindi kinakailangan mula sa Batas Islamiko. 2 Isang lugar malapit sa Makkah.

3 Iniulat ni Ahmad, sa kapahintulutan ni Ibn ‘Abbas.

Page 47: BTEC Seerah-FL3

47 BTEC – Batha Training & Education Center

Seerah / سيرة

Level 3 - Filipino

Nanatili siya sa Makkah sa loob ng tatlong araw, at sina Suhail bin ‘Amr at

Huwaitib bin ‘Abdil ‘Uzza ay lumapit sa kanya at si Huwaitib ay nagsalita: “Iminumungkahi namin sa inyo sa pamamagitan ng Allah na sumunod sa

kasunduan; bakit hindi ninyo nilisan ang aming lupain gayung tatlong araw na ang nakalilipas?” Kaya’t ang Mensahero ng Allah ay nag-utos kay Abu Rafi’ na ipahayag ang kanilang paglisan.

At pagkatapos ay nagsimula ang ika-walong taon.