Upload
others
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
KKinikilala ng mga Partido sa CARHRIHL na:
ang paggalang sa karapatang pantao (human rights)at internasyunal na makataong batas (internationalhumanitarian law) ay napakahalaga at lubhangkinakailangan upang mailatag ang pundasyon parasa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan
ang kumprehensibong Kasunduang tulad nito aydapat may pagsasaalang-alang sa kasalukuyangkalagayan ng karapatang pantao at makasaysayangkaranasan ng mamamayang Pilipino
ang mga saligang indibidwal at kolektibongkalayaan at karapatang pantao sa larangan ngpulitika, lipunan, ekonomya at kultura aymakakamit at yayabong lamang sa kalagayang maypambansa at panlipunang kalayaan ang mamamayan
may pangangailangang itaguyod, palawakin atgarantiyahan ang mga demokratikong karapatan atkalayaan ng mamamayan, laluna ng masanganakpawis na kinabibilangan ng mga manggagawaat magbubukid
ang Kasunduang ito ay naglalayong tugunan angmga pangangailangang ibinubunsod ng mgakongkretong kalagayan ng mamamayang Pilipinokaugnay ng mga paglabag sa karapatang pantao atmga alituntunin ng internasyunal na makataongbatas, at hanapan ng prinsipyadong mgakaparaanan para mabigyan ng katarungan ang lahatng mga biktima ng mga nasabing paglabag
ang matagalang armadong tunggalian sa Pilipinasay nangangailangan ng aplikasyon ng mga prinsipyong karapatang pantao at mga alituntunin nginternasyunal na makataong batas
Ang Comprehensive Agreement on
Respect for Human Rights and
International Humanitarian Law o
CARHRIHL ang una sa apat na
kasunduan sa substantibong
adyenda ng pormal na usapan sa
pagitan ng Government of the
Republic of the Phil ippines (GRP) at
ng National Democratic Front of the
Phil ippines (NDFP). Ang iba pang
mga aytem sa substantibong
adyenda ay hinggil sa repormang
sosyo-ekonomiko, repormang
pulitikal at konstitusyonal, at
pagtigil ng labanan at disposisyon
ng mga pwersa.
Ang CARHRIHL ay pinirmahan noong
ika-16 ng Marso 1998 sa The
Hague, The Netherlands at
pinagtibay noong ika-10 ng Abril
1998 ng Tagapangulo ng
Pambansang Konseho ng NDFP na si
Mariano Orosa, at noong ika-7 ng
Agosto 1998 ng Presidente ng GRP
na si Joseph E. Estrada.
CARHRIHL
GRP Nominated SectionTelepono: +63-2-7254621
Fax: +63-2-7253430Email: [email protected]: www.grpmc-jmc.org
NDFP Nominated SectionTelepono: +63-2-7251457Fax: +63-2-7251457Email: [email protected]
Opisina ng Joint Secretariatng Joint Monitoring Committee ng CARHRIHL
6th Floor, Immaculate ConceptionMulti-Purpose Bldg.
41 Lantana Street, Cubao 1111Quezon City, PhilippinesHotline: +63-2-7252072
Paghahapagng mga ReklamoCARHRIHLAng mga biktima, kanilang kamag-anak,awtorisadong kinatawan o sinumang interesadongpartido ay maaaring maghapag o magsumite ngreklamo sa JMC.
Ang mga reklamo ay maaaring personal na ihapag oi-sumite sa opisina ng Joint Secretariat mula alas-8ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggangBiyernes, o sa pamamagitan ng sulat, fax o email.
JMCAng Joint Monitoring Committee (JMC)
Binuo ng mga Partido noong ika-14 ng Pebrero2004 ang JMC upang i-monitor angimplementasyon ng Kasunduan. Ang JMC aymagpupulong kada-tatlong buwan sa Pilipinas o saiba pang lugar na mapagkakasunduan ng mgaPartido, at mas madalas pa kung kinakailangan, atayon sa mapapagpasiyahan ng mga kapwa-tagapangulo dahil sa kagyat na usapin o reklamo.
Ang teknikal at administratibong suporta ayibinibigay ng Joint Secretariat (JS) na binubuo ngmga independyenteng nominado at kinontratangstaff na magkahiwalay na hinirang at kinuha angserbisyo ng GRP at ng NDFP.
Komposisyon ng JMC
Ang JMC ay binubuo ng tatlong kasapi na pinili ngGRP Panel at ng tatlong kasapi na pinili ng NDFPPanel. Ang GRP at NDFP ay humirang din ngtigalawang kinatawan mula sa mga organisasyonng karapatang pantao na uupo sa JMC bilang mgatagamasid. Ang JMC ay may mga kapwa-tagapangulo na nagsisilbing mga punong kinatawanng mga Partido at gumagampan bilangtagapagpadaloy sa mga pulong nito.
Mga Tungkulin ng JMC
Ang mga kapwa-tagapangulo ng JMC ay:
tatanggap ng mga reklamo ng paglabag sakarapatang pantao at internasyunal na makataongbatas at lahat ng kaukulang impormasyon
magsasagawa ng mga kahilingan o rekomendasyonpara sa implementasyon ng CARHRIHL
Ang JMC, sa pamamagitan ng konsensus, ay:
hihiling na imbestigahan ang reklamo at magbibigayng mga rekomendasyon
gagawa ng mga ulat at rekomendasyon ukol sagawain nito para sa mga Partido
CARHRIHLMga Layunin ng CARHRIHL
garantiyahan ang proteksyon ng karapatang pantaong lahat ng mamamayang Pilipino sa lahat ngsirkumstansya, laluna ng mga manggagawa,magbubukid at iba pang maralitang mamamayan
pagtibayin at ilapat ang mga alituntunin nginternasyunal na makataong batas upangmapangalagaan ang populasyong sibilyan at mgaindibidwal na sibilyan, gayundin ang mga taonghindi tuwirang kalahok o tumigil na sa paglahok saarmadong labanan, kabilang ang mga taongpinagkaitan ng kanilang kalayaan sa mga dahilangmay kaugnayan sa armadong tunggalian
magtayo ng mga epektibong mekanismo at hakbangupang ipatupad, i-monitor, i-beripika at tiyakin angpagtalima sa mga probisyon nito
bigyang-daan ang mga kumprehensibong kasunduanhinggil sa mga reporma sa ekonomya, lipunan atpulitika na titiyak sa pagtamo ng makatarungan atpangmatagalang kapayapaan
Mga Obligasyon ng mga Partido
Ang mga Partido ay:
kumikilala sa kaangkupan ng mga prinsipyo ngkarapatang pantao at mga alituntunin nginternasyunal na makataong batas at ang patuloyna bisa ng mga obligasyon na ibinubunsod ng mganasabing prinsipyo
tumatanggap sa pangangailangan at kahalagahan ngpag-ako sa magkahiwalay na mga tungkulin atpananagutan para itaguyod, pangalagaan at
ipalaganap ang mga prinsipyo ng karapatang pantaoat mga alituntunin ng internasyunal na makataongbatas ayon sa kani-kanyang pampulitikangprinsipyo, organisasyon at sirkumstansya
tumatalima at maging saklaw ng mga alituntunin atpamantayan na nilalaman ng mga internasyunal nainstrumento sa karapatang pantao at sa mgaalituntunin at pamantayan ng internasyunal namakataong batas na tinatanggap sa pangkalahatan
Saklaw
Ang CARHRIHL ay aplikable sa lahat na kaso ng paglabagsa karapatang pantao at mga alituntunin ng internasyunalna makataong batas na ginawa laban sa:
(1) mga tao, pamilya at grupo na kabilang okasapi ng alinman sa mga Partido
(2) lahat ng taong apektado ng armadongtunggalian
(3) mga sibilyan o mga taong hindi aktibongkalahok sa labanan
(4) mga myembro ng mga armadong pwersangsumuko na o nagbaba na ng kanilang armas
(5) mga nalagay sa katayuang hors de combatdahil sa sakit, sugat o anumang kadahilanan
(6) mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaansa mga dahilang may kaugnayan sa armadongtunggalian
(7) mga kamag-anak at awtorisadong kinatawanng mga taong nabanggit sa itaas.
Ang mga insidenteng sinasabing nangyari mula ika-7 ngAgosto 1998 ang saklaw lamang ng Kasunduan.