12
PARADA NG MGA LAKAMBINI SA MACABEBE DAY sundan sa pahina 7 M uli na namang nakapagbigay ng mga ngiti ang taunang pro- gramang pagpapakain ng San Ra- fael Elementary School, Macabebe, Pampanga sa mga kabataan ng nasabing paaralan noong ika-1 ng Enero, 2012. sundan sa pahina 2 I pinahayag ng Provincial Engi- neering Office (PEO) na ang pag- papagawa ng P10-M pangdistritong ospital sa bayan ng Macabebe, Pam- panga ay nakumpleto na. sundan sa pahina 4 P inarangalan ng Kapampangan Development Foundation (KDF) ang mga kaanib nitong organisasyon at mga indibidwal para sa pagbibig- ay ng mga ito ng iba’t-ibang panli- punang serbisyo sa mga maralitang mamamayan ng probinsiya noong ika-9 ng Enero, sa naganap na ika-25 na anibersaryo nila sa Heroes Hall sa San Fernando. sundan sa pahina 2 CENTRALFOCUS.IXI.PH +63 45 3046018 TOMO I BLG. 6 ENERO 31, 2012 BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN KDF, pinarangalan ang mga kaanib sa kanilang ika-25 anibersaryo Canada, nagbigay ng tulong sa mga Badjao sundan sa pahina 3 Pinakaunang Kapampangan Chorale Festival sa Macabebe sundan sa pahina 2 Pondo ng GSIS, hindi nanganganib sundan sa pahina 4 Pangdistritong ospital sa Macabebe, natapos na facebook.com/CentralFocusOnline Pa-TALK Sa’yo: Mga festival na ipinagdiriwang sa Pampanga sundan sa pahina 6 Pasyalan de Kabalen: St. Peter Shrine sundan sa pahina 7 Takam na Takam: ACE Kitchenette sundan sa pahina 6 I pinahayag ng lokal na pinunong ehekutibo ng Apalit na ang Depart- ment of Health (DOH) ay nagtalaga ng hindi bababa sa P18 milyon para sa pagpapagawa ng isa pang pang- distritong ospital sa munisipalidad. Sinabi ng alkalde ng Apalit Jun Tetangco na ang ospital ay itatayo alinman sa Barangay Sulipan o San Vicente, depende sa rekomendasyon ng mga panlalawigang inhinyero. Idinagdag niya na ang lote sa San Vicente ang iminumungkahi dahil ito ay malapit sa MacArthur Highway, at mayroon na ring ilang istruktura na nakatayo kagaya ng covered court. Binanggit ni Tetangco na ang lote sa Barangay ay malapit din sa puso ng Apalit. Gayunpaman, napag-alaman na ang lote sa Sulipan ay lumulubog sa baha tuwing tag-ulan. Ani Tetang- co, ginagawan na nila ng solusyon ito sa pamamagitan ng pagtatambak dito. Dagdag pa rito, iginiit ni Tetangco na handang magbigay ng buong su- porta ang panlalawigang pamaha- laan para sa pagpapagawa ng ospital at pasilidad upang masigurado ang maayos na implementasyon nito. -Mariz Hernandez P18-M na hospital, itatayo sa Apalit N agpalabas ang Environmental Management Bureau (EMB) sa Gitnang Luzon ng pahayag na ang San Simon ay isa sa anim na bayan sa Pampanga na walang sariling materi- als recovery facility (MRF) sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management of 2000. Bilang tugon sa nasabing pahayag, nagpalabas ang alkalde ng San Simon Leonora Wong ng kaniyang pahayag noong ika-11 ng Enero. Ayon kay Wong, ang lokal na pa- mahalaan ng San Simon ay mayroong apat na MRF. Ipinaliwanag niya na ang kaniyang bayan ay mayroong tat- long barangay-based na MRF at isang municipal na MRF kung saan nila iti- natapon ang karamihan sa kanilang mga basura. Idinagdag niya na ang mga MRF ay itinayo noong kalagit- naan ng 2011 at nabigyan ng badyet para sa operasyon at pagpapanatili. Sinabi ni Wong na ang kaniyang administrasyon ay pinagtitibay ang kanilang kampanya pagdating sa ta- mang pagbubukod-bukod ng mga basura. Sa katunayan, ang mga MRF ng San Simon ay matatagpuan sa mga sumusunod na barangay: (1) Baran- gay Sto. Nino; (2) Sta. Monica; (3) San Isidro; at ang kanilang municipal na MRF ay nasa (4) Barangay Dela Paz. Nagbigay din na kaniyang pahayag ang bise-alkalde ng San Simon Hon- orato Almario patungkol sa nasabing alegasyon, at ayon sa kaniya, ang ilan sa mga sambahayan ay nag-umpisa nang magbukod-bukod at mag-re- cycle ng kanilang mga basura, na na- kapagpabawas sa pangangailangan na dalhin ang mga ito sa mga MRF. Kaugnay sa ulat na ito, tumang- gap sina Wong at Almario ng kanilang Seal of Good Housekeeping Award mula sa Department of Interior and Local Government sa naganap na ser- emonya ng pagpaparangal sa Heroes Hall sa bayan ng San Fernando. -Katrina Anne U. Casuga Apat na MRF sa San Simon, idiniin Feeding program sa San Rafael, Macabebe, Pampanga ADVERTISE WITH US (045) 304 6018 or 0922 8618034 facebook find us on:

CENTRALFOCUS I - 6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: CENTRALFOCUS  I - 6

centralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

PARADA NG MGA LAKAMBINI SA MACABEBE DAY sundan sa pahina 7

Muli na namang nakapagbigay ng mga ngiti ang taunang pro-

gramang pagpapakain ng San Ra-fael Elementary School, Macabebe, Pampanga sa mga kabataan ng nasabing paaralan noong ika-1 ng Enero, 2012. sundan sa pahina 2

Ipinahayag ng Provincial Engi-neering Office (PEO) na ang pag-

papagawa ng P10-M pangdistritong ospital sa bayan ng Macabebe, Pam-panga ay nakumpleto na.

sundan sa pahina 4

Pinarangalan ng Kapampangan Development Foundation (KDF)

ang mga kaanib nitong organisasyon at mga indibidwal para sa pagbibig-ay ng mga ito ng iba’t-ibang panli-punang serbisyo sa mga maralitang mamamayan ng probinsiya noong ika-9 ng Enero, sa naganap na ika-25 na anibersaryo nila sa Heroes Hall sa San Fernando. sundan sa pahina 2

CENTRALFOCUS.IXI.PH +63 45 3046018TOMO I BLG. 6 ENERO 31, 2012

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

KDF, pinarangalan ang mga kaanib

sa kanilang ika-25 anibersaryo

Canada, nagbigay ng tulong sa mga Badjao

sundan sa pahina 3

Pinakaunang Kapampangan

Chorale Festival sa Macabebe

sundan sa pahina 2

Pondo ng GSIS, hindi nanganganib

sundan sa pahina 4

Pangdistritong ospital sa

Macabebe, natapos na

CENTRAL FOCUS

facebook.com/CentralFocusOnline

Pa-TALK Sa’yo:Mga festival na ipinagdiriwang sa Pampanga

sundan sa pahina 6

Pasyalan de Kabalen:St. Peter Shrine

sundan sa pahina 7

Takam na Takam:ACE Kitchenette

sundan sa pahina 6

Ipinahayag ng lokal na pinunong ehekutibo ng Apalit na ang Depart-

ment of Health (DOH) ay nagtalaga ng hindi bababa sa P18 milyon para sa pagpapagawa ng isa pang pang-distritong ospital sa munisipalidad.

Sinabi ng alkalde ng Apalit Jun Tetangco na ang ospital ay itatayo alinman sa Barangay Sulipan o San Vicente, depende sa rekomendasyon ng mga panlalawigang inhinyero.

Idinagdag niya na ang lote sa San Vicente ang iminumungkahi dahil ito ay malapit sa MacArthur Highway, at mayroon na ring ilang istruktura na

nakatayo kagaya ng covered court.Binanggit ni Tetangco na ang lote

sa Barangay ay malapit din sa puso ng Apalit. Gayunpaman, napag-alaman na ang lote sa Sulipan ay lumulubog sa baha tuwing tag-ulan. Ani Tetang-co, ginagawan na nila ng solusyon ito sa pamamagitan ng pagtatambak dito.

Dagdag pa rito, iginiit ni Tetangco na handang magbigay ng buong su-porta ang panlalawigang pamaha-laan para sa pagpapagawa ng ospital at pasilidad upang masigurado ang maayos na implementasyon nito.

-Mariz Hernandez

P18-M na hospital, itatayo sa Apalit

Nagpalabas ang Environmental Management Bureau (EMB) sa

Gitnang Luzon ng pahayag na ang San Simon ay isa sa anim na bayan sa Pampanga na walang sariling materi-als recovery facility (MRF) sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management of 2000.

Bilang tugon sa nasabing pahayag, nagpalabas ang alkalde ng San Simon Leonora Wong ng kaniyang pahayag noong ika-11 ng Enero.

Ayon kay Wong, ang lokal na pa-mahalaan ng San Simon ay mayroong apat na MRF. Ipinaliwanag niya na ang kaniyang bayan ay mayroong tat-long barangay-based na MRF at isang municipal na MRF kung saan nila iti-natapon ang karamihan sa kanilang mga basura. Idinagdag niya na ang mga MRF ay itinayo noong kalagit-naan ng 2011 at nabigyan ng badyet para sa operasyon at pagpapanatili.

Sinabi ni Wong na ang kaniyang administrasyon ay pinagtitibay ang

kanilang kampanya pagdating sa ta-mang pagbubukod-bukod ng mga basura.

Sa katunayan, ang mga MRF ng San Simon ay matatagpuan sa mga sumusunod na barangay: (1) Baran-gay Sto. Nino; (2) Sta. Monica; (3) San Isidro; at ang kanilang municipal na MRF ay nasa (4) Barangay Dela Paz.

Nagbigay din na kaniyang pahayag ang bise-alkalde ng San Simon Hon-orato Almario patungkol sa nasabing alegasyon, at ayon sa kaniya, ang ilan sa mga sambahayan ay nag-umpisa nang magbukod-bukod at mag-re-cycle ng kanilang mga basura, na na-kapagpabawas sa pangangailangan na dalhin ang mga ito sa mga MRF.

Kaugnay sa ulat na ito, tumang-gap sina Wong at Almario ng kanilang Seal of Good Housekeeping Award mula sa Department of Interior and Local Government sa naganap na ser-emonya ng pagpaparangal sa Heroes Hall sa bayan ng San Fernando.

-Katrina Anne U. Casuga

Apat na MRF sa San Simon, idiniin

Feeding program sa San Rafael, Macabebe, Pampanga

ADVERTISE WITH US(045) 304 6018 or 0922 8618034 facebook

find us on:

Page 2: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph centralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN 2

Layunin ng programa na magbigay ng kaalaman pag-dating sa nutrisyunal na kalu-sugan ng mga bata sa baran-gay at ihanda sila sa kanilang paglaki.

Si Konsehal Adrian “Adi” Aniciete ang namuno pagdat-ing sa pagbibigay ng mga pan-gangailangan ng programa. Siya ay anim na taon nang tu-mutulong sa programang pag-papakain sa tulong ng dating punong-guro ng paaralan ng San Rafael Elementary School, na kaniyang ina, ng mga ka-mag-anak sa ibang bansa, at ng mga kaibigan na nagbibig-ay ng kaunting oras at tulong pinansiyal.

Ang nabanggit na programa na kadalasang isinasagawa bago magbukas ang taon o sa mismong umpisa ng taon

Inaprubahan ng Sangguniang Pan-lunsod (SP) ng siyudad ng Angeles

ang limang lokal na batas para sa pagpapatibay ng kampanya ng siyu-dad para sa kapakanan ng mga ma-mamayan ng lugar at para sa wastong pamamahala.

Sakop ng limang lokal na batas na ito ang mga sumusunod: market, gender and development (GAD), en-vironmental, revenue, at investment.

Ayon sa bise alkalde ng siyudad at presidente ng SP na si Vicky Vega-Cabigting, ang napapanahong

P inaplano ng Clark Development Corporation (CDC) na gawin ang

CDC Parade Grounds na isang lugar para sa iba’t-ibang aktibidad na may kinalaman sa turismo.

Ayon kay CDC President Felipe Antonio B. Remollo, ang planong ito para sa CDC Parade Grounds ay re-sulta ng proyektong “human chain” noong ika-28 ng Disyembre para sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Binanggit din ni Remollo na ang CDC Parade Grounds ay lugar na kalimitang pinaggaganapan ng iba’t-

ay pinasimulan ng bayaw ni Konsehal Adi na nakabase sa Estados Unidos para sa kapak-anan ng mga kabataan ng San Rafael Elementary School, sa kadahilanang dito isinilang ang konsehal.

Kaugnay nito, marami pang mga proyekto si Konsehal Adi para sa munisipalidad, na gi-nagawa na niya mula nang maihalal siya noong 2007, at sinisikap niyang maging sapat ang kaniyang budyet upang matugunan ang pan-gangailang pinansiyal para sa katuparan ng mga proyek-tong ito. Bukod rito, ang pag-kakaloob sa mga kabataan ng kaalaman pagdating sa pambansang kalusugan ang nananatiling isa sa mga pan-gunahin niyang layunin.

-Mary Charlane Payuan

pag-apruba sa mga batas na ito ay magbibigay pa ng pag-asa sa administrasyon – sa konseho at sa siyudad mismo – para sa mas maunlad na taong 2012. Ipinaliwanag din niya na ang mga pangangailangan patungkol sa mga ordinansang ito ay pinagtibay upang masabayan ang mga kasalukuyang pangangailangan at sitwasyon ng siyudad.

Ang Market Code (Ordinance No. 301) ay matagumpay na naipasa ng konseho ng siyudad kung saan magsasaayos at magbibigay ng mga

ibang aktibidad na may kinalaman sa turismo at palakasan. Ibinahagi rin niya na nagtalaga ng P30 mi-lyon ang korporasyon para sa pag-papaganda ng mga lugar sa loob ng Freeport, kasama na ang Parade Grounds.

Nais din ng CDC na gawing mga magagandang kainan (American-style diners at alfresco cafés) ang residensiyal na bahagi ng lugar.

Kasama rin sa plano na gawing “Christmas City” ang Clark balang araw. -Katrina Anne U. Casuga

istriktong tuntunin pagdating sa operasyon at pamamahala ng mga pampublikong merkado.

Ang Investment Code (Ordinance No. 302) ay isang paraan upang makapanghikayat ng investors para mag-umpisa ng negosyo sa siyudad. Binibigyan nito ng priyoridad ang ilang investment areas, ang mga mga insentibo, benepisyo, at pribilehiyo na ipagkakaloob sa mga mamumu-hunan ng negosyo sa lugar.

Ang Ordinance No. 304 o ang GAD ay isang ordinansa na magpapatibay

sa kasalukuyang GAD na nakatutok sa mga karapatang sibil ng mga kaba-baihan at kabataan.

Ang Revenue Code (Tax Ordi-nance No. 61) ay tutulong sa siyudad na makalikom ng dagdag na kita sa pamamagitan ng epektibo at agresi-bong pangongolekta ng buwis nang hindi nagtataas ng singil sa mga lokal na buwis.

Ang Environmental Code (Ordi-nance No. 303) ay nagbibigay ng mga pangmabilisan at pangmatagalang tugon sa mga pagbabago ng klima at

iba pang mga mapanganib na gawain ng mga tao na nakakasira sa kalikasan kagaya ng hindi wastong pagtatapon ng basura.

Sa pagpapasa ng mga nabanggit na ordinansa, idiniin ng bise alkalde ng siyudad na hindi nila ito minadali. Pinlano at sinuri nilang mabuti ang mga batas na ito. Binigyan din niya ng papuri ang alkalde ng Angeles na si Edgardo Pamintuan para sa pagbibigay nito ng buong suporta sa konseho ng siyudad.

-Katrina Anne U. Casuga

CDC Parade Grounds, lugar para sa turismo

Limang lokal na batas, inaprubahan sa Angeles

Programang pagpapakain sa San Rafael... mula sa pahina 1

mula sa pahina 1

Noong ika-11 ng Enero, nagkaloob ang mga Amerikanong doktor na

sina Erik at Vicky Lohse ng mga medi-kal na kagamitan sa Ambulatory Surgi-cal Eye Clinic (ASEC) na nagkakahalag-ang $25, 000.

Ang donasyon na ito sa ASEC ay naging posible dahil sa tulong ng Ka-pampangan Development Foundation (KDF). Ang ASEC ay matatagpuan sa Jose A. Datu Medical Center (JADMC) sa Bacolor, Pampanga.

Ang pangulo ng KDF na si Benigno Ricafort ang tumanggap ng donasyon habang sila ay naghahapunan kasama ang mga mabubuting doktor sa Bale Kapampangan.

Ang donasyon ay bahagi ng dedi-kasyon ng mag-asawang Lohse sa pag-tulong sa misyon ng KDF.

Si Dr. Leticia Drapiza ay isang volun-teer sa KDF. Inimbitahan niya ang mag-asawa sa misyon ng KDF na tumulong sa libreng operasyon sa katarata ng grupo.

Ayon kay Drapiza, malugod at kaagad na tinanggap ng mag-asawa ang imbitasyon. Nagbigay ang mag-asawa ng $800 bukod pa sa corneal lenses na gagamitin sa operasyon.

Sa nasabing donasyon, sinabi ni Dr. Lohse na nasiyahan sila sa nasabing misyon kasama ang ilang volunteers ng KDF. Idinagdag din niya na gagawin nila ang kanilang makakaya na mag-bigay pa ng dagdag na suporta sa KDF pagdating sa mga kagamitan.

Upang pasalamatan ang mag-asa-wa sa kanilang donasyon, ipinahayag ni Ricafort ang pasasalamat niya sa

kanila.Ayon sa kaniya, ang bagong pasili-

dad ay magpapalawak sa sakop ng mga medikal na serbisyo na ipinagkakaloob ng KDF kabilang na ang mga medikal na misyon, libreng konsultasyon, mga simpleng operasyon, at iba pa.

Tungkol sa Kapampangan Develop-ment Foundation (KDF)

Ang KDF ay isang organisasyon ng mga Kapampangan na naninirahan sa labas ng rehiyon na nagnanais na makatulong pagdating sa panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad. Ipi-nagmamalaki nila ang kanilang pros-thesis program na nagbibigay ng mga artipisyal na paa sa mga amputees na Kapampangan, ng mga wheelchair, at ng mga medical-surgical mission sa mga amputees. -Katrina Anne U. Casuga

Mga Amerikanong doktor, nagkaloob ng mga medikal na kagamitan sa ASEC

Naging matagumpay ang ginanap na pinakaunang Kapampangan Chorale Festival sa Macabebe, Pam-

panga sa San Nicholas de Tolentino Parish noong ika-16 ng Enero, 2012.

Ang nasabing chorale festival ay sinalihan ng iba’t-ibang sekundaryang paaralan mula sa bayan ng Maca-bebe na nagpakita ng kanilang mga kakayahan sa pagkan-ta sa pamamagitan ng pag-awit sa nag-iisang awitin ng bayan, ang “Imno ning Macabebe,” kung saan ang Saint Nicholas Academy, sa ilalim ng kanilang tagasanay na si G. Don Jeremy Cancio, ang nagkamit ng unang posisyon.

Namumukod-tangi ang Kapampangan Chorale Fes-tival na ito sa kadahilanang sa unang pagkakataon, ang “Imno ning Macabebe” ang nag-iisang awitin na sinanay at ginamit ng mga estudyante – mga kalahok na koro – at hindi ang tanyag na “Imno ning Kapampangan.”

Ayon kay Gng. Perlita S. Calara, isa sa mga nagtatag ng okasyon, kasama si G. Rey G. Yumang, naging masaya ang chorale festival sa kabila ng hindi pagsipot ng ilang mga

kalahok sa nasabing kompetisyon.Samantala, narito ang listahan ng mga koro mula sa

mga sekundaryang paaralan na nagpakita ng kanilang tal-ento sa pagkanta sa pinakaunang Kapampangan Chorale Festival:

Caduang Tete National High School ChoraleColegio De San Lorenzo ChoraleSaint Nichols Academy ChoraleSta. Maria National High School Chorale

Mga nagwagi:

Saint Nichols Academy Chorale (Don Jeremy Cancio)Colegio De San Lorenzo ChoraleSta. Maria National High School Chorale Caduang Tete National High School Chorale

Organizers: Perlita Calara and Rey Yumang-Mary Charlane Payuan

Pinakaunang Kapampangan Chorale Festival sa Macabebe

Sinabi ni KDF President Benigno Ricafort na ang pagpaparangal na isinagawa ay isang paraan upang pasalamatan ang pagsisikap ng mga kaanib upang matulungan ang KDF na makamit ang kanilang mga mithi-in.

Idinagdag pa ni Ricafort na ang kanilang mga kasama ang naglagay sa KDF kung saan sila ngayon.

Ang KDF ay isang organisasyon na binubuo ng mga Kapampangan na naninirahan sa labas ng rehiyon na nagnanais na matupad ang kanilang mga tungkulin sa pagpapaunlad ng kanilang lipunan at ekonomiya.

Isa sa mga programa ng KDF ay ang pagkakaloob ng mga artipisyal na paa sa mga nangangailangan nito, wheelchairs, at pagsasagawa ng med-ical-surgical missions sa amputees.

Ang KDF ay sinimulan noong 1987 ni Rizalino Navarro, ng yumaong si

Br. Andrew Gonzales FSC, at nina Jose Araullo at Ricafort.

Nakapagpatayo rin ang grupo ng hindi bababa sa sampung panlalawi-gang “Well Family Midwife Centers” sa pakikipagtulungan sa Well-Family Midwife Clinic Partnerships Founda-tion, Inc., Norphil Foundation, Physi-cians for Peace, at Soroptimist Clubs of Pampanga.

Ang KDF ay nakapagkaloob na ng hindi mapantayang serbisyo sa mga Kapampangan mula noong ito ay muling binuhay tatlong taon na ang nakakaraan.

Ang KDF ay naging daan sa pag-sasagawa ng reconstructive facial surgery sa mga mahihirap na kabata-ang nadisporma ang mukha, ng mga libreng serbisyo para sa mga buntis at mga bata, at pagtataguyod ng mga lokal na pangkabuhayang proyekto para sa komunidad. -Mariz Hernandez

KDF, pinarangalan ang mga kaanib ...

Page 3: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN 3

Nakipagtulungan ang Can-ada Fund for Local Initia-

tives (CLFI) sa God’s Love for Indigents Ministry (GLIM), isang NGO, upang tulungan ang mga Badjao na naninira-han sa Pampanga.

Humigit sa 100 Badjao ang ngayon ay nabigyan na ng pagkakataon upang makala-hok sa mga aktibidad para sa mga kabataan na naglalayong patibayin at dagdagan ang kanilang kaalaman, saman-talang ang mga matatanda naman ay binigyan ng opor-tunidad pagdating sa pagsa-sanay sa paggawa ng basahan, pagdidisenyo ng mga alahas, at paghahardin.

Ang Canada’s Ambassador to the Philippines na si Chris-topher Thornley ay personal na bumisita sa komunidad

Pumirma ang Cebu Air, Inc. (CAI) at ang Clark Devel-

opment Corp. (CDC) ng isang kasunduan para sa kanilang magkasamang pagbuo ng isang aeronautics training center para sa airlines sa rehi-yon ng Asya Pasipiko.

Pinirmahan ni CAI Presi-dent at Chief Executive Officer Lance Gokongwei ang kasun-duan sa pagpapatayo ng isang world class na pilot training academy. Ang kasunduan ay nagkakahalaga ng $50 milyon.

Pinaniniwalaan na sa mga susunod na 20 taon, ang rehi-yon ng Asya ay mangangailan-gan ng hindi bababa sa 72, 000 na mga piloto, at ito ang isa sa mga dahilan na naaprubahan kaagad ang kasunduan.

Ang kasunduan sa pagitan ng CAI at CDC ay isasagawa sa loob ng Clark Freeport sa Pam-panga.

Ayon kay Gokongwei, ang kinabukasan ng mga piloto ay nasa Asya. Idiniin din niya ang dahilan kung bakit nila isasagawa ang proseso ng pagsasanay sa Clark Freeport,

Hinihiling ng mga resi-dente at motorista mula

sa Sta. Ana sa mga opisyal ng kapitolyo na isaayos na ang pangprobinsyal na daan na nasira dulot ng malakas na pagdaloy ng tubig.

Ang nasirang daan ay nag-dudugtong sa hindi bababa sa tatlong baryo sa plaza ng bayan, at kung hindi ito agad

Ilang mga lokal na mamama-yang bihasa sa information

technology ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na tu-mulong sa bayan ng Candaba sa pamamagitan ng pagbuo ng isang website para sa migra-tory birds.

Ayon kay Engineer Joliber Mapiles, nagtapos sa Mapua Institute of Technology at dat-ing programmer sa isang mul-tinational information tech-nology company, mayroong kulang sa Candaba, at iyon ay ang oportunidad na mag-karoon ng isang website para

Ipinahayag ni Governor Lilia Pineda na handa na siyang

bumuo ng isang grupo ng medical specialists na itata-laga sa iba’t-ibang ospital sa lalawigan.

Ito ay upang maisagawa ang mga serbisyo na ipagka-kaloob ng mga pampublikong ospital sa lalawigan. Ang aksi-yon na ito ay makakatulong at makakabalanse sa taon-taong P250 milyon para sa pagpapa-takbo ng mga ospital na hindi pa masyadong kumikita.

Ayon kay Pineda, ang na-kikita nilang dahilan kung bakit hindi kumikita ang mga ospital ay ang kakulangan sa mga doktor at serbisyo para sa pagpapatakbo ng mga ito. Sinabi niya na ang aksiyong ito

na maiisaayos bago ang tag-ulan, maari itong magdulot ng abala bukod sa karagdagang pamasahe sa transportasyon.

Sa kasalukuyan, ito ay maaari pang daanan bagama’t bumagsak na ang ibang baha-gi nito, ngunit ang problema ay mas malalang perwisyo ang posibleng mangyari kung hindi ito agarang mabibigyan

magpakalat ng impormasyon.Sinabi niya na ang ilang im-

pormasyon ay na-aaccess na at nakakaabot na rin sa iba’t-ibang sites. Ang pangangailan-gan na bumuo ng isang web-site ay upang mas makilala ang lugar pagdating sa usap-ing migratory birds.

Si Mapiles ay nagtatag at siyang namamahala ng iba’t-ibang websites, at ito ay ang mga sumusunod: (1) http://www.mapiles.com (libreng classified ads sa Pilipinas); (2)http://www.peratoday.com (online money center

ay magbibigay ng pagkakata-on sa mga mamamayan sa la-lawigan na makapagpagamot sa mga eksperto sa medisina sa mga pampublikong ospital. Idinagdag pa niya na ang mga grupo na kaniyang bubuuin na itatalaga sa iba’t-ibang os-pital ay magbibigay rin ng serbisyo para sa mga maralita sa pamamagitan ng mga mi-syong pang-medikal ng panla-lawigang pamahalaan.

Ang mga ekspertong ito ay itatalaga sa iba’t-ibang ospital depende sa kasalukuyang pangangailangan ng mga lokal na pasyente. Ito ay bilang pagtupad sa layunin ng pamahalaan ng Pampanga na maiangat ang kanilang serbisyong pang-medikal.

ng atensiyon.Ang sanhi ng pagkasira ng

pangprobinsyal na daang Sta. Ana-Magalang ay ang tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan noong mga nakaraang buwan noong 2011.

Sa kabila ng mga kahilingan para sa rehabilitasyon, iginiit ng alkalde ng bayan na wala silang sapat na pondo para sa

pagdating sa mga pagpapau-tang at iba pang transaksiyon sa bangko); (3) http://www.mapilescondo.com (ang pan-gunahing website pagdating sa paghahanap ng condomini-ums); and (4) http://ebrandin-novations.com (isang digital marketing company na nag-bibigay ng tulong pagdating sa design at marketing solu-tions). Ang mga nabanggit na websites ay ilan lamang sa kaniyang mga gawa.

Kaugnay ng usaping ito, ipinahayag din ng mga miyembro ng Candaba

Ang aksiyon na ito ay ina-asahang makakahikayat ng mas maraming pasyente na mas pinipiling magpagamot o magpatingin sa mga priba-dong ospital dahil sa kakulan-gan ng mga kinakailangang serbisyo at kagamitan sa mga pampublikong ospital.

Patuloy na pinapaganda ni Pineda, kasama ng kaniyang mga kawani, ang buong plano upang ito ay maipasatupad ng maayos para sa kapakanan ng mga Pampagueño.

Kaugnay sa nasabing ak-siyon, nagpaumpisa na si Pineda ng serye ng pagpapa-ganda at pagsasagawa ng mga kagamitan sa mga ospital sa buong lalawigan.

-Katrina Anne U. Casuga

pagpapagawa ng daan, ngunit ang probinsyal na pamaha-laan ang may kakayahan at may saklaw pagdating sa mga ganitong usapan.

Samantala, ayon sa mga in-hinyero, ang rehabilitasyon ng daan ang isa sa mga priyori-dad ng probinsyal na pamaha-laan ngayong taon.

-Mary Charlane Payuan

Bloggers sa pamumuno ni Dean Mark Zoleta ang kanilang pagsuporta sa bayan ng Candaba. Idiniin ni Zoleta na kailangang magkaroon na nga ng isang website pagdating sa migratory birds ang Candaba. Idinagdag din niya na ang ilan sa Candaba Bloggers ay magaling pagdating sa search engine optimization at ito ay maaring maging isang bentahe upang manguna ang gagawing website pagdating sa online searches na may kinalaman sa migratory birds.

-Katrina Anne U. Casuga

ng mga Badjao sa San Simon, Pampanga at kaniyang nakita kung paanong napapabuti na ang kalagayan ng mga Badjao.

Sinabi na Thornley na nakakatuwang makita ang tulong-tulong na dedikasyon ng GLIM, ng mga volunteers, at ng lokal na pamahalaan sa pagtulong sa mga Badjao.

Ang mga Badjao ay isang etnikong grupo na ang pamu-muhay ay kunektado sa tubig. Sila ay kilala sa kanilang pagla-layag sa karagatan ng Timog-Silangang Asya gamit ang ka-hoy na sasakyan na tinatawag na perahu.

Ganunpaman, ang mga Badjao ay lumisan mula sa kanilang tradisyunal na tahan-an sa iba’t-ibang kadahilanan gaya ng kahirapan, pangingis-dang pagkomersiyal, at mga

kaguluhan. Sa kasalukuyan, humigit sa 10,000 Badjao ang naninirahan sa iba’t-ibang lugar sa Gitnang Luzon sa Pili-pinas.

Sinabi ni GLIM director Perla Villanueva sa isang pa-hayag na ang kaniyang organ-isasyon ay sumusuporta na sa komunidad ng mga Badjao sa karatig-bayan na Apalit simula pa noong 2004.

Idinagdag din ni Villan-ueva na sa pamamagitan ng GLIM, nahihikayat ang mga kabataang Badjao na pormal na mag-aral sa mga pampub-likong paaralan. Ilan sa mga kabataang ito ay nakatanggap ng mga akademikong paran-gal, kaya naman mas tumatag ang determinasyon ng GLIM na magsumikap pa alang-al-ang sa kanilang pag-unlad.

-Mariz Hernandez

at ito ay dahil inaasahan niya na ang Clark ay magiging pangunahing paliparan ng bansa sa hinaharap.

Ang aeronatics academy sa Clark ay ipapatayo sa tulong ng Montreal, Canada-based CAE, Inc., isa sa mga nagka-kaloob ng simulation technol-ogies, modeling technologies, at integrated training services sa airlines, mga gumagawa ng mga eroplano, at defense customers sa buong mundo. Mayroon itong manufactur-ing operations at mga gamit sa pagsasanay sa 20 bansa sa limang kontinente. Ito ay iti-natag noong 1847.

Ipinahayag ni Gokongwei na ang pagpapatayo ng isang training academy ay magiging daan sa pagdating ng iba pang investments sa Clark. Nanini-wala rin siya na ang akademya ay magiging isang pangunah-ing training center para sa re-hiyon ng Asya at magbubukas din para sa pagsasanay ng mga aeronatics engineer at cabin crew members.

-Katrina Anne U. Casuga

CAI, pumirma ng kasunduan

kasama ang CDC

Canada, nagbigay ng tulong sa mga Badjao

Kapitolyo ng Pampanga, isinusulong ang rehabilitasyon ng nasirang daan

Mga eksperto sa IT, nagpahayagng intensyon sa migratory birds

Pampanga Governor Pineda, bubuong isang grupo ng med-specialists

Pumirma ng isang kasunduan ng pagkakapatiran ang mga si-

yudad ng Angeles at San Fernando upang maiangat ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng dala-wang lokal na pamahalaan at ng kanilang mga sinasakupan.

Pinahintulutan ng alkalde ng An-geles na si Edgardo Pamintuan at ng San Fernando na si Oscar Rodriguez ang memorandum of agreement

sa isang seremonya na ginanap sa makasaysayang Museo ning Ange-les.

Sakop ng kasunduan ang pali-tan ng mga ideya at mga pag-aar-ing yaman sa iba’t-ibang larangan kabilang na ang edukasyon, agham at teknolohiya, kultura at sining, pagpaplano at urban development, pangangalakal at industriya, kapak-anan ng mga kabataan, palakasan,

proteksiyong pangkapaligiran, agri-kultura, kalusugan, serbisyong pan-lipunan, at mitigasyon at paghah-anda pagdating sa mga sakuna.

Sinabi ni Pamintuan sa isang pahayag na ang kasunduan ay re-sulta ng magkaparehong layunin ng dalawang siyudad na magtalaga ng hindi masukat na pagpapahalaga at atensiyon upang maiangat ang pan-gkalahatang kapakanan ng kanilang

mga nasasakupan. Idinagdag pa niya na sa pamamagitan ng maayos na pamamahala na walang hang-ganan, ang pagtutulungan nila ay makakapagpabuti sa kanilang mga siyudad dahil magiging daan ito na makapagpalitan sila ng mga ideya, at ito ay kapaki-pakinabang para sa kanilang mga nasasakupan.

Idinagdag ni Rodriguez na ang kasunduang ito ay upang mapatibay

ang agarang pagbangon ng mga siyudad ng Angeles at San Fernando pagdating sa mga sakuna.

Nilinaw din ni Rodriguez na tatapusin nila ang parokyalismo. Ang kanilang pakikipag-alyansa sa ibang mga siyudad at lokal na pa-mahalaan ay isang importanteng elemento para dito.

-Mariz Hernandez

Angeles, San Fernando, pumirma para sa pagkakapatiran

Page 4: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph centralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

Alkalde ng Apalit, maghihigpit sa mga trak

4

PAMUNUAN

Punong PatnugotPaul H. Pineda

ManunulatMary Charlane M. Payuan

Katrina Anne U. CasugaMariz D. Hernandez

Porshia H. Pineda

Taga-disenyoPeejay S. Galang

Tagapangasiwa sa Sirkulasyon

Zenaida H. Pineda

Matatagpuan ang tanggapan ng Central Focus at IXI sa Sampaloc, Apalit, Pampanga.

Telepono: +63 45 3046018URL: http://centralfocus.ixi.ph

Ipinahayag ng alkalde ng Apalit Jun Tetangco na ang pagpa-pasatupad ng batas para sa anti-overloading ng munisipal na

pamahalaan ay maghihigpit sa mga overloaded na trak na bu-mibiyahe sa bayan.

Ang pangunahing dahilan ng implementasyon na ito ay ang pinsala na naidulot ng mga overloaded na trak na dumaan sa tulay ng Colgante noong isang taon.

Bago pa man ang insidenteng iyon, nagsasagawa na ng para-an si Mayor Tetangco kasama ng kaniyang mga kawani upang masolusyunan na ang suliranin sa mga overloaded na trak apat na taon na ang nakakaraan, ngunit ang kasunduan ay napirma-han lamang noong ika-13 ng Enero.

Ayon kay Tetangco, 2000 overloaded na trak ang dumadaan sa daan ng Apalit apat na taon na ang nakakaraan na nagdulot ng milyon pisong halaga ng pagpapasaayos sa mga pinsala; ito rin ang isang dahilan kung bakit bumagsak ang tulay ng Colgante.

-Mary Charlane Payuan

Sinabi ni Provincial Engi-neer Rene Gutierrez na ang bagong gawang ospital ay handa na para sa inagurasyon anumang oras. Ang ospital ay itinayo upang matugunan ang mga medikal na pangangailan-gan ng mga Kapampangan lalo na iyong mga hindi kayang magbayad ng malaking halaga sa mga pribadong ospital.

Ang ospital ay inumpisahan

Bilang suporta kay Chief Justice Renato Corona sa

paglilitis dito, ang mga hu-kom at kawani ng Regional Trial Court (RTC) sa Pam-panga ay nagkaisa para sa isang tahimik na protesta.

Pinangunahan ng Su-preme Court Employees As-sociation sa Maynila ang na-sabing protesta.

Ang 120 empleyado sa RTC at ang mga hukom sa Pampanga ay nagpahay-ag ng kanilang suporta sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na damit at ubeng armbands noong ika-16 ng Enero, kaparehong araw ng

Sinabi ni Pampanga Environment and Natural Resources Of-ficer Arturo Punzalan na ang panlalawigang pamahalaan ay

handang sumuporta sa mga lokal na pamahalaan sa pagkaka-roon ng sarili nilang materials recovery facility (MRF).

Ani Punzalan, maaari silang magbigay ng mga kagamitan na kakailanganin sa pagpapatayo ng mga MRF para sa bayan.

Ang kaniyang pahayag ay bilang tugon sa pinakahuling ulat ng Department of Environment and Natural Resources-Envi-ronmental Management Bureau (EMB) na anim na bayan sa la-lawigan ang walang sariling MRF sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ayon sa ulat ng EMB, ang mga bayan ng Bacolor, Candaba, Masantol, San Simon, Sasmuan, at Sta. Rita ay wala pang mga

noong 1982. Layunin ng pag-papagawa dito ang makapag-bigay ng epektibong serbi-syong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Macabebe at mga karatig-bayan.

Binanggit ng PEO na hala-gang P50 milyon ang kanilang itinalaga ngayong taon para sa pagpapaganda at pagpapala-wak ng iba pang pangdistri-tong ospital.

pagbubukas ng paglilitis kay Corona.

Ang kulay ube ang pinani-niwalaang signature color ng hudikatura.

Ayon sa polisiya, na ipina-hayag ni Executive Judge Ed-gar Chua of RTC branch 47, ang tahimik na protesta ay bilang suporta kay Corona at sa hudikatura na kung saan sila ay bahagi. Ang polisiya ay pinirmahan ni RTC Vice Executive Judge Maria Ami-faith Fider-Reyes.

Ayon kay Chua, sa kabila ng mga kasalukuyang pag-subok na kinakaharap ng mga tao, kailangang manatili

sariling MRF. Karamihan sa mga bayang ito ay hindi pa nakakita ng lokasyon na pagtatayuan ng kanilang MRF na ligtas sa pag-baha tuwing tag-ulan.

Sinabi ni Punzalan na ang mga alkalde ng Bacolor at Candaba na sina Jomar Hizon at Jerry Pelayo ay nakakita na ng mga posib-leng lokasyon para sa kani-kanilang MRF.

Ang pagbubukod-bukod ng mga basura ay napagtibay noon simula nang personal na subaybayan ni Gobernador Lilia Pineda ang pagsasara ng mga bukas na tapunan ng basura at ang pagta-tayo ng mga MRF sa probinsya.

Sinabi ni Punsalan na ang mga Kapampangan ngayon ay maalam na pagdating sa pagbubukod-bukod ng basura, at ito ay isang dahilan kung bakit nakatipid ang panlalawigang pamaha-laan ng ilang milyon sa badyet nila. -Mariz Hernandez

Kamakailan lang, pinangu-nahan ni Governor Lilia Pineda ang inagurasyon ng Andres Lu-ciano District Hospital, na dati ay kilala bilang Balitucan Dis-trict Hospital, na nagkakahal-aga ng P35 milyon sa Barangay San Pablo, bayan ng Magalang.

Kasama rin sa pinanguna-han ni Pineda ang inagurasyon ang Mabalacat at San Luis dis-trict hospitals.

silang matatag sa kanilang pananampalataya at mani-wala na sa huli, ang ating mga mithiin kagaya ng katotohanan, integridad, at hustisya, ang mga pun-dasyon kung saan nakatayo ang institusyon, ang mang-ingibabaw.

Para sa karagdagang im-pormasyon, si Corona ay inakusahan ng betrayal of public trust, graft and cor-ruption, at pagsuway sa Kon-stitusyon. Siya ay inakusahan ng House of Representatives noong ika-12 ng Disyembre. Ito ang dahilan kung bakit nagnanais na umaksiyon ng

mga taga-suporta ni Corona upang mapatunayan sa pub-liko na malinis ang rekord ni Corona noon pa man.

Si Corona ay naging pu-nong hukom noong pana-hon ni Arroyo.

Sinuportahan ni Benigno Aquino III ang pagpapatal-sik kay Corona matapos tu-manggi ang huli na isakdal ang dating pangulo, na ngay-on ay congresswoman, na si Gloria Macapagal-Arroyo. Nangako si Aquino na su-subaybayan niya nang maigi ang paglilitis kay Corona na isasagawa ng mga senador.

-Katrina Anne U. Casuga

Ang pagpapasaayos ng Arayat District Hospital sa Ba-rangay Laquios ay kasalukuyan pang isinasagawa.

Ang panlalawigang pama-halaan ay nakatuon sa pag-papagawa at pagpapasaayos ng mga pangdistritong ospital upang mailapit sa mga mala-layong komunidad ang maayos na tulong medikal.

-Mariz Hernandez

Ospital sa Macabebe...

Upang alisin ang takot sa mga miyembro nito, ipi-

nahayag ng Government Ser-vice Insurance System (GSIS) na ang pondo nito ay hindi nanganganib at hindi apekta-do ng mga walang basehang scams.

Sinabi ni GSIS chairman Danilo Lacson, sa naganap na pagpupulong ng stakeholders sa Fontana Convention Cen-ter, na ang insurance firm, na may milyong miyembro na mga kawani ng gobyerno, ay nagpalabas ng isang malinaw

na patakaran patungkol sa pamamahala ng pondo nito.

Idinagdag ni Lacson na ang patakarang ito ng GSIS ay bu-kas sa mga suhestiyon, walang itinatago, at nakatuon sa pag-bibigay ng serbisyo upang maprotektahan ang mga miyembro nito. Sila ay patu-loy na nagsasagawa ng mga pagbabago at ng isang “open-line policy” para sa mga miy-embro nito upang malaman ang kanilang mga hinaing, ko-mento, at sentimiyento.

Sinabi ni GSIS President

Robert Vergara na ang dedi-kasyon ng kumpanya ay para sa kapakanan ng mga miyem-bro nito. Nais nilang baguhin ang lumang sistema na ikinu-kunsidera na hindi maka-mi-yembro ng ilang mga sektor. Ang kanilang pinagtutuunan ng pansin ngayon ay ang pag-bibigay ng mas magagandang benepisyo sa mga pension-ers, mas maaayos na serbisyo kagaya ng pagbubuo ng isang call center na bukas 24 oras, mga programa sa edukasyon, mas maraming Gwaps (GSIS

Wireless Automated Process-ing System) stall sa mga ang-kop na mga lokasyon sa bansa, at isang “one-stop shop” para sa mga miyembro.

Idinagdag ni Vergara na nagbayad ang GSIS noong 2011 ng halagang P50 bilyon pagdating sa mga karapatan at benepisyo ng mga miyembro nito, mas mataas ng 18 bahag-dan kumpara noong nakara-ang dalawang taon, na ayon sa kaniya ay isang rekord kung pag-uusapan ang pag-unlad.

-Mariz Hernandez

Pondo ng GSIS, hindi nanganganib

Mga korte sa Pampanga: tahimik na protesta para kay Renato Corona

Penro, susuportahan ang mga LGU na walang MRF

mula sa pahina 1

Hinamon ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang ilan sa mga 2000 kawani ng kapitolyo na pabilisin ang mga serbisyo at

programa ng gobyerno para sa mas epektibong pagsasakatuparan ng mga adhikain ng probinsiyal na pamahalaan ngayong 2012.

Ito ay inihayag matapos ang hanay ng pagpupulong ni Pineda kasama ang mga kawani ng kapitolyo patungkol sa mga mithiin na nais niyang maabot ngayong taon.

Ayon kay Pineda, suportado ng gobyerno ang mga kahilingan ng mga kawani ng kapitolyo. Bilang bahagi nito, binigyan sila ng mga bonus, at bilang kapalit, pinakiusapan ng probinsiyal na pamahalaan sa ilalim ni Pineda na pabilisin nila ang pagsasagawa ng mga proyekto ng probinsiya.

Sinabi rin ni Pineda na naipaliwanag na niya sa budget department ang tungkol sa pagbibigay priyoridad sa mga proyekto para sa probinsiya. Para sa taong ito, nagtalaga si Pineda ng P15 milyon para sa pagsasagawa ng Don Honorio Ventura Technological State University.

Ang pagpapa-uumpisa ng Balitucan District Hospital sa Magalang ay kasama rin sa maraming proyekto ni Pineda ngayong taon. -Mary Charlane Payuan

Mga kawani ng kapitolyo, hinamon na pabilisin ang serbisyo

Inumpisahan nang ipatupad ng probinsyal na pamaha-laaan ng Pampanga ang Republic Act (RA) 8794 o Anti-

Overloading Law noong ika-15 ng Enero.Ang nasabing batas ay pinirmahan ng mga opisyal sa

pangunguna ni Bise Gobernador Joseller “Yeng” Guiao at ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Land Transportation Office (LTO), Philippine Na-tional Police (PNP), ang Pampanga Mayors League (PML), at ang Pampanga Truck Owners Association (PTOA) sa Benigno Hall sa nasabing probinsiya.

Ayon kay Guiao, nagpapasalamat sila sa stakeholders sa pagbibigay ng kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng anti-overloading law. Maari na sila ngayong makapagpatuloy sa kanilang mga adhikain na mapaunlad ang quarry opera-tions at maisaayos na rin ang industriya ng transportasyon.

Sinabi ni Board Member Nestor Tolentino, pinuno ng Pro-vincial Board’s Committee on Environment and Natural Re-sources na ang implementasyon ng anti-overloading law ay magtutuldok na sa wakas sa mga overloaded trucks na nag-dudulot ng perwisyo sa mga pambarangay at probinsiyal na daan.

Idinagdag pa niya na magkakaroon ng mga parusa at per-miso base sa RA 8794. Ang nasabing batas ay sadyang ipa-patupad noong nakaraang taon, ngunit ito ay naudlot sa kadahilanang ang batas ay dapat pang pag-aralang mabuti nang sa gayon ay maging maayos ang implementasyon nito.

Maari na ngayong matyagan ng mga opisyal ng Pampanga ang overloading ng mga sasakyan at mapanatiling maayos ang mga daan at tulay. Mapapakinabangan na rin ang mga timbangang binili noon ng kapitolyo ng Pampanga.

-Katrina Anne U. Casuga

Anti-overloading law, naipatupad na sa Pampanga

Hindi lingid sa ating mga kababayan ang layunin ng aming pahayagn: Ang magsilbing

tagapaghatid ng impormasyon na tungkol sa atin, para sa atin, may kinalaman sa atin. Sa mga nakaraang isyu ng aming pahayagan, masasabi naming nagawa namin hanggang sa abot ng aming makakaya ang layuning ito.

Bagama’t maraming isipan at kabahayan din ang inabot ng aming pahayagan, hindi maitatanggi na may mga naging hadlang pa rin sa iba upang umabot ang nais naming ipahatid sa kanila -- ang halaga ng bawat kopya. Sa halagang 10 piso, maaaring hindi naman talaga sagabal ito sa iba. Ngunit naniniwala pa rin kami na napakalaki ng magiging epekto ng 10 pisong diyaryo at libreng diyaryo.

Kung kaya naman mula sa isyung ito ng pahayagan ng Central Focus, nais naming ipaabot sa lahat ng aming mambabasa na ang pahayagan natin ay libre naming ikakalat sa mga bayan ng Apalit, Macabebe, Masantol, at San Simon!

Nawa ay magustuhan ninyo ang aming kontribusyon sa pagpapalaganap ng impormasyon sa ating bayan.

IBA ANG LIBRE

CENTRAL FOCUSDSADHSADJHJ

H

SSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSDSDGF FFF JHSD

JHSDHSA HSGHFDDSJHJFKSDJSD

SDSAAAAAAAAAAADJSK

SDSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSDSAJ

DSADJKASJDKSAJDKSJADKSA JFD

SDHDJKHSJKDHSJKDHD

LIBRE!z

Page 5: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN 5

Kabilang ang Information Technology and Communication Arts (CommArts) sa mga

nangungunang kursong ihahain ng City Col-lege of Angeles na ngayon ay itinatayo sa Ba-rangay Pampanga.

Sinabi ni Konsehal Edu Pamintuan, pinuno ng komite sa edukasyon ng konseho ng siyu-dad, na ang mga nagtapos ng IT at CommArts ay ang mga kailangan sa ngayon, at tumutug-ma ang kanilang mga kaalaman at kakayahan sa mga pangangailangan ng mga negosyo sa loob ng Clark Freeport Zone.

Maghahain ang CCA ng mga kursong tutu-gon sa pangangailangan ng merkado at ng mga negosyo sa Clark at mga pangunahing kumpa-nya sa siyudad.

Napag-alaman na hindi bababa sa 3000 call center agents ang kakailanganin sa Clark anu-mang oras ayon sa symposia na kamakailan lang ay itinatag ng CyberCity Teleservices.

Ang dalawang palapag na gusali ay may-roong 43 silid-aralan at isang covered court, ayon kay City Administrator Atty. Dennis Al-bert Pamintuan.

Aniya, bahagi ng badyet ng paaralan ay para sa mga pangunahing kagamitan sa paaralan kagaya ng mga upuan, mesa, pisara, at benti-lador.

Binanggit niya na mapipilitan silang mag-dagdag ng halagang P30 milyon kung hindi nila isasama ang mga gamit na ito sa badyet nila.

Ang paaralan ay may kapasidad na magla-man ng hindi bababa sa 4000 na mag-aaral kapag ito ay tapos na. Sinabi ni Atty. Pamintu-an na ang paaralan ay handa na sa posibleng

pagdagsa ng mga mag-aaral sa mga susunod na limang taon. Idinagdag din niya na ang al-kalde ng bayan ay nagdesisyon na magtalaga ng P25 milyon para sa pagpapasaayos ng mga daan patungo sa CCA, partikular na ang Arayat Blvd.

Ang mga pondo ay nagmula sa premyo na ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government sa pamahalaan ng siyudad dahil sa pagiging isa sa mga pinakamagagaling na lokal na pamahalaan sa bansa.

-Mariz Hernandez

CC A, maghahain ng kursong IT at CommArts

Hinimok ng National Commission for Culture

and Arts (NCAA) ang mga ma-nunulat na Kapampangan na magsulat gamit ang Kapam-pangan upang mapanatili ang literatura at kulturang Ka-pampangan.

sa 86 na mga manunulat ang inaasahang dadalo sa pagdiri-wang.

Ang Taboan ay isa sa pitong pinakaimportanteng proyek-to ng Philippine Arts Festival sa susunod na taon, at ito ay pinangunahan ng NCCA sa

Masigabong ipinagdiwang ng Macabebe, Pam-

panga ang ika-418 nitong an-ibersaryo noong ika-9–17 ng Enero, 2012 sa pamamagitan ng mga aktibidad na inihanda nito, dahilan upang lalong ipagmalaki ng mga mamama-yan nito na sila ay Kapampan-gan at mamamayan ng nasa-bing bayan.

Ang ika-418 na pagdiriwang ng bayan isang magandang paraan upang maparanga-lan ang iba’t-ibang tao na matagumpay na nakatulong sa bayan sa iba’t-ibang pama-maraan. Sa pamumuno at pagkukusa ng mapagkalinga at optimistikong alkalde ng bayan Annette Flores-Balgan

Ang direktor ng indie film na “Captive” ay nagpa-

plano na magkaroon ng Pam-panga premiere.

Ang direktor na nagwagi sa Cannes Film Festival na si Bril-lante Mendoza ay naghahanda na sa pagsasagawa ng Pam-panga premiere ng kaniyang indie film na “Captive.”

Ang nasabing indie film ay kalahok ngayon sa kompeti-syon sa pangunahing seksiyon ng Berlin International Film Festival. Ang kompetisyon ay gaganapin sa Berlin – ang ulong-bayan ng Germany – sa ika-9 hanggang 19 ng Pebrero ngayong taon.

Sumulat si Mendoza sa Pampanga Provincial Board at nilinaw na ang pansamanta-

Apat na bayan mula sa Pampanga ang nakatang-

gap ng Seal of Good House-keeping mula sa Department of Interior and Local Govern-ment (DILG) noong ika-18 ng Enero.

Ang mga munisipalidad ng Sta. Rita, sa pangunguna ni Mayor Yolly Pineda, Sto. Tomas, Mayor Lito Naguit, Masantol, Mayor Peter Flores, Sta. Ana, Mayor Omeng Con-cepcion, at Bacolor, Mayor Jomar Hizon ay tumanggap ng kanilang mga kaniya-kaniyang medalya at selyo sa pagiging kuwalipikado at pasado sa ika-apat na bahagi ng pagsusuri sa ginanap na pagpaparangal sa

Ayon kay NCCA Vice Chair-man Juliet Mallari, kailangang mag-umpisa nang magsu-lat gamit ang sariling diale-kto ang mga Kapampangan upang mapanumbalik ang lit-eraturang Kapampangan.

Idinagdag ni Mallari na

loob ng tatlong magkakasu-nod na taon.

Ang padiriwang ay mag-tatampok ng mga sumusu-nod na aktibidad: 1) panel discussions; (2) lectures; (3) literary readings; (4) per-formances; at (5) book fair.

at sa pagsisikap ng buong lo-kal na pamahalaan at ng mga nakilahok na paaralan, nag-iwan ng positibong marka ang pagdiriwang na paniguradong nakapag-paangat muli sa ka-saysayan ng Macabebe.

Iba’t-ibang mga aktibidad pa ang nagdagdag ng kulay sa nasabing okasyon upang ito ay maging mas masaya at talaga namang hindi malilimutan.

Ang mga sumusunod ay ang mga aktibidad na nagpas-aya sa matagumpay na ika-418 na anibersaryo ng Macabebe:

January 9, 2012 - Logo and poster making contest of Tarik Suliman Social Service Foun-dation, Inc.

January 13, 2012 - Examina-

lang pagpapalabas ng pelikula ay gaganapin sa Abril, 2012.

Ang pelikulang “Captive” ay pinagbibidahan ng Pranses na aktres na si Isabelle Huppert kasama ang ilang Pilipinong aktor na sina: (1) Ronnie Laz-aro; (2) Raymond Bagatsing; (3) Angel Aquino; at (4) Sid Lucero. Ang pelikula ay mag-kakaroon ng world premiere sa Berlin Festival.

Pinaniniwalaan na ang kikitain sa nasabing premiere ay inaasahang ibibigay sa The Film Academy of Pampanga at sa iba pa nitong mga proyekto.

Si Brillante, kasama ng iba pang alagad ng sining, ang nagtatag ng The Film Acad-emy of Pampanga dahil nais nila na bumuo ng isang lokal

Heroes Hall sa pangunguna ng pamahalaan ng San Fernando.

Ang pagpaparangal ay na-katuon sa mga sumusunod: good planning, fiscal manage-ment, transparency and ac-countability, at performance monitoring.

Ang mga bayang nabanggit ay kabilang sa 137 na munisi-palidad at bayan sa Gitnang Luzon, na ginawaran ng pon-do para sa kanilang maayos na pamamahala.

Sinabi ni DILG regional di-rector Florida Dijan na ang pagkakaroon ng 137 na bayan na tumanggap ng Seal of Good Housekeeping ay nakapag-paangat sa Gitnang Luzon bi-

ang lokal na sining ay isa sa mga aspekto ng kasaysay-an ng Pilipinas na hindi na nabibigyan ng pansin. Upang maiangat ang lokal na sining, magsasagawa ang NCAA ng 4th Taboan Literary Festival sa Pampanga. Hindi bababa

Kabilang sa mga inaasahang panauhing tagapagsalita ay ang dalawa sa mga pinaka-tanyag na pambansang artis-ta na sina Bienvenido Lum-bera at Virgilio Almario.

-Katrina Anne U. Casuga

tion for the scholarship grant of Tarik Suliman Service Foun-dation, Inc.

January 14, 2012 - Tarik Suliman Social Service Foun-dation, Inc. First Anniversary Grand Ball

January 16, 2012 - First Ka-pampangan Chorale Festival at Macabebe Parish Church

January 17, 2012 – Street dancing and different Pam-panga festival interpretation

Ang pagkakaroon ng mas malalim na kaalaman tung-kol sa kasaysayan ng bayan at patuloy na tagumpay ang pinakapangunahing layunin ng lokal na pamahalaan para sa nasabing pagdiriwang.

-Mary Charlane Payuan

na industriya ng mga pelikula sa Pampanga at iangat ang la-lawigan sa pambansa at pan-daigdigang estado pagdating sa mga pelikula.

Sa ngayon, si Mendoza ay gumagawa ng isang Kapam-pangang pelikula na umiikot sa tradisyon sa pagluluto ng nasabing probinsiya. Pinag-sisikapan din niyang maka-hingi ng tulong sa provin-cial board para sa nasabing pelikula.

Ayon kay Mendoza, gu-magawa sila ng isang compi-lation kung saan pagsasama-samahin nila ang sampung maiikling pelikula tungkol sa iba’t-ibang aspekto ng kul-turang Kapampangan.

-Katrina Anne U. Casuga

lang isa sa mga nangungunang rehiyon sa bansa na mayroong pinakamaraming munisipali-dad na nagpapakita ng maay-os na pamamahala.

Hinangaan din ng alkalde ng San Fernando Oscar Rodri-guez, ang pinuno ng nag-ii-sang bayan na nakatanggap ng Gawad Pamana ng Lahi award mula sa DILG noong nakara-ang taon, ang mga pinaranga-lan dahil sa kanilang nakamit.

Ang ibang bayan at mga alkalde sa Pampanga na na-katanggap ng markers ay ang Minalin, Mayor Arturo Naguit, San Simon, Mayor Leonora Wong, at Sasmuan, Mayor Lala Leoncio. -Mariz Hernandez

NCCA, hinimok na gumamit ng Kapampangan ang mga lokal na manunulat

Macabebe, Pampanga sa kaniyang ika-418 na taon

Pampanga premiere ng indie film na “Captive”

Mga bayan sa Pampanga, nakatanggap ng GH seals

168 stores, itatayo sa Mabalacat, PampangaMagkakaroon na rin ng

sikat na 168 store na matatagpuan sa Tutuban, Ma-nila sa Mabalacat, Pampanga.

Ang nasabing pamilihan ay pinaniniwalaang itatayo sa Barangay Mabiga, Mabalacat.

Ayon sa alkalde ng Ma-balacat Marino Morales, ang pagpapatayo ay kasama sa P500-million loan package na nakatalaga para sa pagpa-paunlad ng mga pangunahing pampublikong imprastrak-tura sa nasabing bayan.

Ang mga proyekto para sa bayan ng Mabalacat na kabi-lang sa P500-million loan package ay ang mga sumusu-

nod: (1) ang tatlong-palapag na 168 store; (2) ang bagong Mabalacat Bus Terminal; (3) ang limang-palapag na Ma-balacat Public Market; (4) ang Triple A slaughterhouse; (5) mga karagdagang silid-aralan para sa mga pampublikong institusyon; at (6) pagpapa-ilaw at pagpapaganda ng na-sabing bayan.

Ang nasabing loan pack-age ay magmumula alinman sa Development Bank of the Philippines (DBP) o Land Bank of the Philippines.

Sinabi ni Morales na ang itatayong 168 store ay posi-bleng makahikayat ng mga

manininda mula sa Gitnang Luzon at Hilagang Luzon at maging daan upang maging sentro ng pang-komersiyal na aktibidad sa Pampanga ang Mabalacat.

Binanggit niya na ang 168 store ay itatayo sa isang 2000 na ektaryang lupain sa Baran-gay Mabiga na direktang na-kadugtong sa SCTEx at North Luzon Expressway (NLEX).

Ibinunyag pa niya na ang pinaplano nilang bagong terminal ng bus ay itatayo naman malapit sa modernong 168 store upang maging mas maalwan para sa mga mamimili pagdating sa

transportasyon.Ani Morales, suportado

ng lokal na pamahalaan at ng mga pribadong sektor at negosyo ang kanilang mga proyekto na magiging daan upang maging pangunahing economic player ang Mabala-cat sa Pampanga at sa buong bansa.

Bilang pagpapatibay sa pagpapaunlad sa bayan ng Mabalacat, pinaniniwalaang sa 2013, ang bayan ay magig-ing isa nang ganap na siyudad.

Sakop din ng bayan ang Clark Freeport at ang Clark In-ternational Airport.

-Katrina Anne U. Casuga

Flood control projects sa Macabebe, Pampanga

Bilang bahagi ng misyon ng Macabebe, Pampanga

Mayor Annette Flores-Balgan, Angat Forever Balen, tuloy-tu-loy ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa ikagaganda ng bayan.

Ilan sa mga ito ay ang kani-yang mga proyekto para sa pagpapalawak ng mga daan at pagpapagawa ng iba’t-ibang istruktura at gayundin ang pagpapalawak at pagdadraga ng mga ilog at mga sapa at ba-tis sa bayan.

Ang mga proyektong iyon

ay naglalayon na maprotek-tahan ang bayan at maiwasan na masalanta ng mga pagba-ha ang buong bayan. Nagsisil-bi rin ang mga ito na maging proyekto upang gawing isang kaaya-aya at ligtas na lugar ang Macabebe para sa mga naninirahan dito.

Kasama rin sa mga proyek-tong ito ay ang iba’t-ibang planong pang-edukasyon na matagumpay na naipag-kaloob sa mga mamamayan ng Macabebe.

-Mary Charlane Payuan

EDLAN DIRECT SELLINGN a t a s h a , M S E , S u n d a n c e , F X , A v o n , P C , T u p p e r w a r e

FREE REGISTRATION!Contact No. 09204264997

Kuha mula sa isang eksena sa pelikulang Captive

Page 6: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph centralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

Street dancing at festival interpretation battle...Bukod sa mga serye ng pagdiri-

wang para sa ika-418 na selebra-syon ng bayan, isang street dancing competition at Pampanga festivals theme interpretation ang nagbigay kulay sa makabuluhang anibersaryo.

Ang street dancing at festival theme competition ay nilahukan ng siyam na paaralan mula sa bayan (intermediate level) na gumamit lamang ng isang musika, ang Imno ning Macabebe. Ang Jesus Mary Jo-seph Montessori School, sa pangun-guna ng punong-guro ng paaralan na si Mr. Conrado M. Guevarra Jr., ang nakasungkit ng unang puwesto at dalawa pang natatanging paran-gal, sa kanilang interpretasyon ng sikat na Hot Air Balloon Festival. Sa pagkakapanalong ito, ang JMJMS ang kakatawan sa Macabebe sa na-

lalapit na piyesta ng Candaba, Pam-panga bilang ang bayan ay naimbi-tahan ng alkalde ng Candaba Jerry Pelayo.

Ang paligsahang ito ay naglalay-ong muling buhayin ang mga katu-tubong kapistahan sa lalawigan at magbigay inspirasyon upang ad-hikain ng bayan na magkaroon ng sariling kapistahan balang araw.

Samantala, narito ang kumple-tong listahan ng mga nagwagi sa na-sabing paligsahan:

3rd place: Batasan Elementary School (Suman Festival)

2nd place: Saint Nichols Academy (Ibon-Ebon Festival)

1st place: Jesus Mary Joseph Montessori School

(Hot Air Balloon Festival)

Mga natatanging parangal:

Best in Hair Dress: SNABest in Choreography: JMJMSBest in Street dancing: JMJMSBest in Theme Interpretation: SNA

Bilang pagtatapos, narito ang mga paaralan na nakilahok sa pinakaunang street dancing at festival theme inter-pretation, gayundin ang kanilang mga heads at choreographers:

• Batasan Elementary School - Suman Festival

Headed by: Mr. Brandy BalingitChoreographed by: Mr. Roel and

Rolex Bie• Caduang Tete Elementary School

- Parul FestivalHeaded by: Ferdinand Lopez

Choreographed by: Mr. Roel Bie• Colegio de San Lorenzo

- Lantern FestivalHeaded and Choreographed by:

Mr. Nelson Gonzales• Jesus Mary Joseph Montessori

School - Hot Air Balloon Festival

Headed and Choreographed by: Mr. Conrado M. Guevarra Jr. • Macabebe Elementary School

- Sisig FestivalHeaded by: Mrs. Adelina M.

Payuan, Mr. Osmerito V. Vergara, and Mrs. Rowena G. Mallari

Choreographed by: Mr. Mark Angelo Bamba

• San Juan Elementary School - Duman Festival

Headed and Choreographed by: Mr. Jheb Guese and Ms. Queenie Isip

• Saint Nichols Academy - Ibon-Ebon Festival

Headed by: Mr. Rolex BieChoreographed by: Mr. Roel and

Rolex Bie• Sta. Maria Elementary School

- Native Alimango FestivalHeaded and Choreographed by:

Ms. Roan Gutierrez• Sto. Rosario Elementary School

- Talangka FestivalHeaded by: Ms. Edna Balingit and

Ms. Elvira PalaoChoreographed by: Mr. Mark

Angelo BambaBukod sa nasabing paligsahan,

nagdaos din ng parada ng kaganda-han kung saan iba’t-ibang lakambini mula sa 25 na baranggay sakay ng tanyag na calesa ang nagbigay ngiti sa mga manonood. -Mary Charlane Payuan

mula sa pahina 1

6

Page 7: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

Parada ng mga lakambini sa Macabebe DayGinanap ang magarbong

parada ng mga nagagan-dahang binibini ng Macabebe noong nakaraang Martes (ika-17 ng Enero) sa mismong bayan ng Macabebe. Ang nas-abing parada ay kasali sa pag-diriwang ng Macabebe Day ngayong taon.

Mayroong 25 na mga binibini ang nagpakita ng kani-kanilang angking kagandahan. Bawat binibini ay representante ng kanilang

barangay.Ang mga nasabing binibini

ay isinakay sa kani-kanilang mga calesa. Ang mga calesa na ito ay pinaganda ng mga tao sa kani-kanilang mga ba-rangay. Ang pangunahing pa-takaran sa pagdidisenyo ng kanilang mga calesa ay magl-agay lamang ng mga palamuti na makikita sa kanilang palig-id o sa madaling salita hindi dapat sila gumastos para ma-paganda lamang ang calesa

ng bawat barangay.Ang may pinakamagan-

dang gayak ng calesa ay gaga-waran ng premyo.

Ang pagkakasunod ng mga calesa sa parada ay ang sumusunod: (1) Batasan; (2) Caduang Tete; (3) Candelaria; (4) Castuli; (5) Consuelo; (6) Dalayap; (7) Mataguiti; (8) San Esteban; (9) San Francis-co; (10) San Gabriel; (11) San Isidro; (12) San Jose; (13) San Juan; (14) San Rafael; (15) San

Roque; (16) San Vicente; (17) Saplad David; (18) Sta. Cruz; (19) Sta. Lutgarda; (20) Sta. Maria; (21) Sta. Rita; (22) Sto. Niño; (23) Sto. Rosario; (24) Tecasan; at (25) Telacsan.

Kasama din sa nasabing parada ang mga sumusunod: (1) Macabebe Police Patrol; (2) Ati-Atihan and GIANTS; (3) JMJ Montessori School PMT Officers; (4) Macabebe East District Teaching Force; (5) Macabebe West District

Teaching Force; (6) Cluster 7 Delegates – Students and Teaching Force; at (7) ang mga street dancers na pawang mga estudyante na galing sa iba’t ibang paaralan sa Macabebe.

Sa pagtatapos ng parada, binigyan ng cash prizes ang mga binibini sa bawat ba-rangay at pinarangalan ang may pinakamagandang pag-didisenyo ng calesa. Ang mga nagwagi ay ang mga sumusu-nod: 3rd place – Telacsan; 2nd

place – Caduang Tete; at ang may pinakamagandang cale-sa sa lahat at ang nakasungkit ng 1st place ang barangay ng Saplad David.

Sa nasabing pagdiriwang, ipinahayag din na magiging representante ng Macabebe si Binibining Justine Michelle Balgan, apo ni Macabebe Mayor Annette Flores Balgan, sa darating na Mutya Ning Ka-pampangan 2012.

-Katrina Anne U. Casuga

P U R I F I E D D R I N K I N G W A T E RWE DELIVER: 09082092921•09159833363

SAN AGUSTIN, TULAOC, SAN SIMON, PAMPANGA

JMD

7

Page 8: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph centralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

TALksa’yoPa-

8

Mary Charlane M. Payuan

Mga festival na ipinagdiriwang sa Pampanga

Isa na namang panibagong usapin ang ating tatalakayin sa tagpong ito. Usapin na maaring magbigay kiliti sa inyong mga mambabasa, maari rin namang magpasabik

sa inyo, at higit sa lahat magbigay ng impormasyon.Likas na maraming tradisyon at paniniwala ang lahi ni Juan, okasyon dito, okasyon

diyan. Isa sa mga sikat na okasyon sa Pilipinas ang mga festival na ginaganap sa bawat sulok ng bansa. Ilan sa mga sikat na festival sa Pilipinas ay ang Sinulog Festival ng Cebu, Dinagyang Festival sa Iloilo, at marami pang iba.

Ngunit ano nga ba ang festival? Bakit ito ipinagdiriwang at binibigyang pansin ng mga taong nakapaligid kung saan ito nagaganap.

“Ang festival ay isang okasyon na kadalasan ay ginaganap sa isang lokal na komunidad na sentro ng pagdiriwang ng kakaibang aspeto ng komunidad.

Ayon din sa mga relihiyon, ang fiesta ay ang pagdiriwang para sa Panginoon, kung saan ang fiesta at festival ay maaring ihalintulad sa bawat isa.”

Siyempre, pagdating sa mga makukulay na festival, hindi naman magpapahuli ang lahing Kapampangan ni Juan. Nariyan ang Sinukwan Festival na ipinagdiriwang mula Nobyemre 9 hanggang Disyembre 6, na tila siyang festival na muling bumuhay sa kultura at sining ng lalawigan ng Pampanga. Dito ay inaalala ang isang pinagmulan ng lalawigan na si Aring Sinukwan at pagdiriwang na rin ng Pampanga Day kahanay ng iba’t-ibang aktibidades kagaya ng makukulay na parade, street dancing, at ang pagsayaw ng katutubong musika na Atin Cu Pung Singsing na siyang nagbibigay kulay sa buong Sinukwan Festival.

Kaya naman upang malaman pa natin ang ilan pa sa mga festival na ipinagdiriwang sa ating lalawigan, at upang makapasyal na rin sa ating pinagmulan, tingnan natin at alamin ang ilan pa sa mga sikat na festival na ginaganap sa Pampanga.

5. Ibon-Ebon Festival - Candaba, Pampanga (February 1-2, 2012)

4. Hot Air Balloon Festival - Clarkfield, Pampanga (February 9-17, 2012)

3. Tugak “Kokak” Festival - San Fernando, Pampanga (1st week of October)

2. Sisig Festival - Angeles, Pampanga (December)

1. Giant Lantern Festival “Ligligan Parul” - San Fernando, Pampanga (3rd week of December)

Sinasabing isa sa mga pinakamalaking okasyon sa Pilipinas ang pagdiriwang ng Candaba, Pampanga ng Ibon-Ebon Festival. Dinaraos ito bilang pagbibigay-pugay sa patron ng Candaba,

na si San Nicolas de Tolentino. Pinaniniwalaang si San Nicolas de Tolentino ay may bigkis sa mga tarat (isang uri ng ibon na kilala bilang Brown Shrike). Karagdagang dahilan din ay ang isang pagkakakilanlan sa Candaba sa pagpoprodyus ng mga itlog, kaya tinawag itong Ibon-Ebon Festival.

Isa ang Hot Air Balloon Festival sa mga pinakasikat na festival hindi lamang sa Pampanga, kundi maging sa buong Pilipinas at buong mundo. Ginaganap ito sa Clarkfield, Pampanga tuwing

Pebrero na dinadaluhan ng mga magagaling na manufacturer at mga local pilot na gustong sumali sa isang magarbong paligsahan kagaya nito. Kadalasan sa mga isinasaling hot air balloon dito ay hindi basta basta ang kalidad dahil gawa sa mga piling materyales na siyang nagbibigay tikas sa buong panlabas na ayos ng balloon, yung tipong masasabi mo talagang pang-world class.

Para sa ika-labingpitong taon nito, siyam na bansa ang inaasahang lalahok sa four-day event ng Clarkfield, Pampanga, kaya inaasahang mas malaki ang bilang ng mga kalahok ngayong 2012 para magpakitang gilas sa himpapawid.

Bilang pagbalik tanaw sa delubyo at pagsubok na dinanas ng siyudad ng San Fernando noong panahon ng pagputok ng Pinatubo, pinagdiriwang ng mga Fernandino ang tinatawag na Tugak

o Kokak festival. Ipinagdiriwang nila ito upang pangalagaan ang mga palaka o tugak na siyang mga nakaligtas sa kabila ng lahar, ang mga palaka rin ang siyang sumisimbolo sa mga tao noong panahong iyon.

Nagsimula ito noong taong 2003, hanggang sa naging tradisyon, at ngayon ay isa nang paraang upang makahikayat ng mga turista sa lugar. Ang festival na ito nagbibigay ng ugaling pang kultura at hindi lamang para sa stratehiyang pang negosyo, karagdagan na lamang ito kung may mga makakapansin nito.

Isa sa mga pinakasikat at pinakapaboritong pulutan o ulam ang sisig lalo na kapag sinabing sisig ng mga Kapampangan. Sinasabing kakaiba raw ang lasa ng sisig sa Pampanga sa kadahilanang

isang Kapampangan ang nakaisip nito, ang sisig queen na si Lucia Cunanan ng Angeles, Pampanga. Ngunit hindi lamang sa pagkain sikat ang sisig. Bilang pagpapalaganap na rin ng galing sa kusina

ng mga Kapampanga lalo na sa Angeles, itinatag ang Annual Sisig Festival noong taong 2004. Sa festival na ito ay iba’t-ibang presentasyon at paghahain ng sisig ang ginagawa ng mga kalahok na tiyak na katakam-takam.

Kapag sinabing parol o lantern, tiyak na agad na papasok sa kaisipan ng karamihan ang mga parol sa Pampanga, kaya nga ito ang binansagang lantern capital ng Pilipinas.

Dahil sa kagandahan ng mga parol na nagmumula sa lalawigan, naisipan ng mga namamahala noon na gumawa ng isang Lantern Festival, upang magbigay-puri na rin ito kay Pangulong Manuel L. Quezon na ginawang bahay pahingahan ang bayan ng Arayat at ginawang tourist resort ang Bundok Arayat.

Sa kasalukuyan ay naging tradisyon na ito ng mga manggagawa ng mga parol na siyang ibinibida tuwing Pasko at siyang isa sa mga dahilan ng bawat ngiti sa labi ng mga bata, matanda, at kung sinumang makasaksi nito.

Page 9: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

Mariz P. Hernandez Katrina Anne U. Casuga

Takam na TakamPasyalan de Kabalen

9

Sa panahon ngayon, maraming sikat na lugar na ang umuusbong, ngunit huwag dapat

nating isantabi ang mga natatangi at makasay-sayang pook na likas sa atin.

Ang St. Peter Shrine o mas kilala dito sa ating mga Kapampangan na “Bale ng Apung Iru” ay isa sa mga sagrado at makasaysayang lugar dito sa Apalit. Dito nakatira ang mahal na patron ng Apalit na si St. Peter o Apung Iru sa mga Apalite-ños.

Bukod sa mga deboto ni Apung Iru, dinadayo din ang St. Peter Shrine maging ng mga karatig-lugar. Masasabing napakatahimik at solemn ng lugar.

Marami ang nagtutungo sa lugar, lalo na tu-wing sasapit na ang kapistahan ng Apalit.

Taong 1844 nang unang mailipat ang imahe ni Apung Iru sa kanyang tirahan sa Capalan-gan, Apalit, Pampanga na tinawag na St. Peter Shrine. Mula noon, ito na ang nagsilbing per-manenteng tahanan ni Apung Iru.

Dinala ang imahe ni Apung Iru mula sa Espa-nya mula dito sa Pilipinas mula sa isang relihi-yosong paglalayag.

Bilang isang baryo ng Apalit, nagdiriwang ang Barangay Capalangan ng prestihiyosong pagdiriwang para sa taunang kapistahan tu-wing ika 28-30 ng Hunyo bilang ito ang orihinal na tirahan ni Apung Iru.

Nagsimula ang kapistahang ito o Libad Bangka sa pangunguna ni Don Pedro Armayan-Espiritu noong taong 1844.

Ang tradisyonal na proseso ng kapistahan ay nagsisimula mula sa “Pamandakit,” kung saan sinusundo si Apung Iru sa kanyang tahanan sa St. Peter Shrine at dinadala sa simbahan (St. Peter The Apostle Parish Church) kung saan mananatili siya hanggang sa huling araw ng kapistahan.

Susundan ito ng “limbun” na pinangunguna-han ng mga Knights of St. Peter.

Sa unang araw ng kapistahan, isinasakay si Apung Iru sa isang makulay na “plancha” o pa-goda float na sinasamahan ng maraming bang-ka. Tuwing lalapit na ang pagoda ni Apung Iru sa mga kabahayan, dito mas nanabik ang lahat habang sinisigaw ang kanyang pangalan. Na-mamahagi din ang ilang mga nasa kabahayan ng mga pagkain at inihahagis papunta sa mga naglilibad sa ilog.

Pagkatapos ng libad, ibinabalik si Apung Iru sa simbahan sa pamamagitan ng limbun, kung saan masayang sinasalubong ang patron paba-

lik sa simbahan.Sa huling araw ng kapistahan na tinatawag

na “Pamanatad,” ibinabalik si Apung Iru sa kanyang tahanan sa Capalangan (St. Peter Shrine). Mayroong naglalakad papunta sa St. Peter Shrine, habang ang ilan ay nakikibahagi sa Pamanatad sa bangka. Mas nagiging kapana-panabik ang mga pangyayari kapag nakabalik na si Apung Iru sa kanyang tahanan. Lahat ay pumapalakpak at isinisigaw ang kanyang pan-galan. Lahat ng naroon ay nagsasaya at nag-papasalamat sa masaganang kapistahan na ibinabahagi ng patron ng Apalit.

Tila nagsisisilbi din itong mini-reunion para sa ilan, dahil pami-pamilya ang mga duma-dayo sa sa St. Peter Shrine tuwing sasapit na ang kapistahan ni Apung Iru. Nagdadala sila ng kani-kanilang mga pagkain at malugod na hini-hintay ang pagbabalik ni Apung Iru sa kanyang tahanan.

Mayroong mini-park ang lugar sa bandang likuran kung saan pwedeng maghintay habang hindi pa nakakabalik ang patron sa kanyang tahanan.

Unang pinangalagaan ng pamilya Arnedo ang imahe ni Apung Iru na naipasa kay Doña Maria Espiritu de Arnedo, asawa ni Macario Arnedo y Sioco, na siyang nagdala sa imahe sa Capalangan.

Upang matiyak na ang sistema ng pananam-palataya ay patuloy na umiiral sa lugar, isang korporasyon na nakilalang St. Peter’s Mission ang itinatalaga ng pamilyang Espiritu-Arnedo-Gonzales-Ballesteros-Sazon upang mangalaga sa imahe.

Si Augusto “Toto” Gonzales III ang kasaluku-yang nangangalaga at nagbabantay sa patron.

Noong taong 2002, isang hindi inaasahang sunog ang naganap sa tahanan ni Apung Iru. Nasunog ang mga orihinal na palamuti ng patron—kasama ng ginto at pilak nyang susi, tiara, pectoral cross, at emerald ring. Ngunit sa kabila ng pangyayaring ito, nanatiling buo at hindi nasaktan ang imahe ni Apung Iru na pinaniwalaang isang himala ng mga residente. Bagkus, mas lalong lumakas at tumibay ang paniniwala ng mga deboto ni Apung Iru sa kanya.

Lumipas man ang ganitong unos, nanatili pa ring matibay at napupuntahan ng mga de-boto ni Apung Iru ang St. Peter Shrine. Patunay lamang ito na hindi matatawaran ng kahit ano mang pagsubok ang lugar.

ACEKitchenette

Natupad na PangarapNancy Usi Yamat

“ Ilang hakbang na ang aking natahak, mga hakbang na siyang bumago sa akin ng tu-

luyan. Pagbabago na ang pinatunguhan ay ang landas na dati pa man ay siya ng pinaghan-daan.”

Mataas na paghanga ang siyang iniaalay ko sa bawat gurong aking nakakasalamuha. Bakit nga naman hindi? Sila ang unang magbibigay liwanag sa kung anong landas ang siyang tina-tahak mo sa iyong buhay. Sila ang mga taong walang pagod na nagtuturo at nagbibigay ng bawat kaalaman na sa kanilang pamumuhay ay natutunan.

Isa ang aking ama sa mga gurong aking tinu-tukoy — ang aking ama na siyang aking pinaka-mamahal, ang aking ama na isang mahalagang haligi ng buong pakatao ko.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang maging guro. Pangarap ko na turuan ang mga mag-aaral na siyang hinihintay ng kinabu-kasan. Pangarap na maging haligi ng isang mahalagang institusyon na siyang magiging daan ng pag-unlad ng aking bayan. Hindi ba’t magagandang bagay ang tiyak na aking tataha-kin? Bagama’t ako’y nasa landas ng magandang hangarin, pagtutol ang siyang ibinalik ng aking ama sa aking pagnanais.

Kailanman ay hindi pinangarap ng aking ama na maging guro ako, sa kadahilanang siya ay isang retiradong punong-guro at alam niya umano ang bawat kilos at pamamalakad sa departamento ng edukasyon. Ayon sa kanya, walang gurong umaasenso sa ekonomiya, dahil kagaya niya saktong naitatawid lang din ng mga

kapwa guro niya ang kanilang pang araw-araw. Nang dahil sa bagay na ito, sa halip na maging guro, maging isang CPA lawyer ang nais niya para sa akin, na siya namang aking sinunod sa pagkuha ng kursong Commerce bunsod ng ak-ing labis na pagmamahal sa aking ama.

Ngunit labis man ang pagmamahal ko sa kanya, ang pagnanais ko pa rin na makagawa ng pagbabago at makapagbahagi ng kaalaman ang siyang nanaig sa aking puso nang kumuha ako ng kursong Education at doon ay tuparin ang matagal ko nang pinapangarap.

Sa pagiging guro, maraming bagay ang si-yang aking nagawa. Hindi nga ako nagkamali na sinunod ko ang aking kagustuhan dahil alam kong maraming bata na ang nabago ng aking pagtuturo. Sa bawat batang may matututunan

sa akin, alam kong malaking pagbabago na ang magagawa niya sa ating bayan.

Sabihin man ng iilan na masyadong ide-alistiko ang paniniwala ko sa pagtuturo at sa naibabahagi nito, ako’y walang kibit balikat na ngingiti na lamang upang patutuhanan ang ak-ing paniniwala.

Maaring hindi ko man sinunod ang pangarap ng aking ama para sa akin, alam kong siya na-man ay isa sa mga taong tahimik na pumapal-akpak sa bawat tagumpay na aking nakakamtan bilang tao, at bilang isang “guro.”

At ngayong panibagong taon na naman ang dumating, panibagong pagkakataon din ang naghihintay sa akin upang kahit sa munting paraan ng pagbabahagi ng aking kaalaman ay may mga buhay akong muling mabago.

St. Peter Shrine Gutom na naman ba kayo? Tara at sa-mahan ninyo ako sa susunod kong

destinasyon kung saan paniguradong mapapawi ang gutom na nararamdaman ninyo.

Ang ACE Kitchenette ay isa sa mga popular na kainan sa Macabebe, dahil naghahain ito ng mga masasarap at malinamnam na mga putahe na kuhang-kuha ang panlasa ng mga Kapampangan. Ito din ay kilala bilang “only restaurant in Macabebe.”

Ang ACE ay nagsimula pa noong taong 1982, at hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang walang kupas na sarap ng mga pagkaing kanilang inihahain.

Nagmula ang pangalan ng ACE Kitchenette sa mismong may-ari ng kaninan na si Ginang Amelia Cruz Esteban. Kinuha ang mga unang titik ng kaniyang pangalan para mabuo ang pangalan ng nasabing kainan.

Naghahain ng mga masasarap na pagkain ang ACE mula sa almusal, tanghalian, miryenda, at hapunan. Ito din ay bukas mula Lunes hanggang Linggo. Kinapapalooban ng kanilang menu ang mga sumusunod: (1) Campbell’s Soup; (2) Desserts; (3) Drinks; (4) Short Orders, gaya ng Pancit Palabok at Spaghetti; at siyempre ang kanilang mga (5) Specialty Meals, gaya ng Crispy Pata at Sinigang Ulo Pink Salmon.

Sinasabi na ang ilan sa mga “best seller” ng ACE ay ang mga putaheng Kalderetang Baka at Sisig.

Sa pagtikim ng kanilang Kalderetang Baka, talagang nanunuot ang linamnam ng mga pampalasa ng nasabing putahe. Ang kaniyang anghang ay tamang tama lang at hindi masakit sa dila. Ang pagkakaluto naman sa baka ay hindi masyadong malambot kaya tamang tama lang ang pagkakatimpla sa putaheng ito.

Ang kanilang Sisig naman ay kakaiba sa lahat ng Sisig, dahil may kasama itong sabaw sa mismong putahe. Pinaniniwalaan na sa bayan lamang ng Macabebe makakakita ng ganitong klase ng Sisig. Ang sabaw na sinasabi ay ang mismong sarsa ng Sisig nila. Kahit na may sabaw ang nasabing putahe, hindi pa rin nawawala ang lutong ng baboy kaya maeenjoy mo ang pagkain nito. Masasabi na ang Sisig nila dito ay talagang Kapampangan’s pride.

Ang kanilang Pancit Palabok at Spaghetti ay iilan din sa mga binabalik-balikan ng mga suki ng ACE Kitchenette.

Ang kanilang spaghetti ay saktong-sakto ang pagkakatimpla at ito ay Pinoy Style na spaghetti kaya masasarapan ka talaga. Ang kanila namang Pancit Palabok ay masasabi ko na “the best Palabok,” dahil kuhang kuha niya ang aking panlasa. Malinamnam at sobrang sarap nito.

Ang kanilang mga panghimagas naman gaya ng Mais Con Yello at Halo-Halo special ay masasabi ko din na “best seller” ng ACE, dahil hindi nila pinagdadamot ang mga sahog ng mga nasabing panghimagas. Makikita mo ang dami ng sahog at nanamnamin mo ang bawat sangkap na mayroon ito.

Nang aking tanungin ang mga empleyado ng ACE na kung bakit hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ito sa mga panlasa ng mga tao, iisa lamang ang sagot nila at ito ay “hindi kumukupas ang pagluluto ng may-ari at sobrang bait din niya sa lahat ng tao lalo na sa kaniyang mga empleyado.”

Sa kabuuan ng aking pagrereview sa ACE Kitchenette, ito lamang ang masasabi ko: pwedeng araw-arawin ang pagpunta dito sa kadahilanang sobrang sarap ng kanilang mga pagkain na inihahain! Kaya tara na at tayo nang kumain dito.

Page 10: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph centralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN10

CAPRICORN 22 Dec-20 Jan: May mag-aalok ng date sayo, kaso pinag-iisipan pa daw pala niya. Wag munang ma-excite. Swerte: green, 01-10-16

AQUARIUS21 Jan-19 Feb: Ang weird ng mga teorya mo sa pag-ibig ngayon. Base ba sa personal na karanasan yan o napulot mo lang sa tabi-tabi? Swerte: white, 03-06-15

PISCES 20 Feb-20 March: Bagay sayo ang maging gay beautician. Sisikat ka diyan. Malay mo, yan na ang calling mo. Go girl! Swerte: red, 04-08-18

ARIES 21 March- 19 Apr: Bawal magkasakit ngayon. Ano ka mayaman? Kaya mag-ingat! Swerte: orange, 07-14-20

TAURUS 20 Apr- 20 May: Ang lagkit ng tingin mo sa crush mo. Binabati ka niya, di mo tuloy napansin. Nilagpasan ka na lang. Sayang naman. Swerte: pink, 09-13-21

GEMINI 21 May- 21 Jun: Magbasa lagi ng dyaryo. Malay mo nandiyan na ang wanted textmate na hinahanap mo. Makakahabol ka pa sa Valentine’s Day! Swerte: purple, 11-17-25

CANCER 22 Jun-23 July: Kahit sawi ka sa pag-ibig, lagi ka pa rin namang makakarinig ng love songs. Lalo ka tuloy nakakaramdam ng pagkasawi. Lilipas din yan. Swerte: yellow, 05-29-33

LEO 24 Jul- 23 Aug: Magkakamali ka sa paglalagay ng decimal point sa math test. Lampasan mo na lang, safe pa. Swerte: brown, 12-30-35

VIRGO 24 Aug- 22 Sept: Magbaon ng extra extra rice nang hindi mabitin. Pero tandaan, mahirap ang buhay. Matutong magpigil. Swerte: black, 15-

21-32

LIBRA 23 Sept-22 Oct: H’wag ka nang umasa sa kanya. Sa sambayanan mo na lang ilaan ang pagmamahal mo. Malay mo maging bayani ka pa. Swerte: violet, 18-25-38

SCORPIO 23 Oct-22 Nov: Nagbabago na ang iyong pananamit. Di na kasi kasya yung mga luma sa ‘yo. Swerte: beige, 02-12-24

SAGITTARIUS 23 Nov-21 Dec: Kasalanan nilang main-love sayo. Kaya hayaan mo silang magkagulo. Ops, bago lumaki ang ulo mo, ilusyon lang ang lahat. Swerte: blue, 14-28-34

KAPALARANni Madam Maring

May nais ka bang itanong tungkol sa iyong buhay pag-ibig, o kaya

naman ay kailangan mo ng payo para sa iyong problema

sa buhay? Kung gayon mag text ka na sa mga numero namin

(0906-5425554 para Globe/TM o 0923-5247149 para sa Sun) para sa

mga kasagutang hindi mo inaasahan hatid ng ating friendly fortune teller

adviser na si Madam Maring. Ano pa hinihintay mo,

text na!

Kapag sinabing Pampanga, ang unang pumapasok sa isip ng mga tao ay ang pagkain. Tanyag ang ating lalawigan dahil sa ating mga ipinagmamalaking masasarap na lutuin o ang tinatawag nating lutong Kapampangan. Patunay na rito ang pagkakabansag sa Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines.”

Karamihan sa mga lutong Kapampangan ay talaga namang sariling atin, pero mayroon din namang mga hango sa luto ng ibang mga lalawigan na mas lalong pinasarap nating mga Kapam-pangan. Kaya naman, laging nasasabi na hindi makukumpleto ang pamamasyal sa Pampanga kung hindi matitikman ang kahit ilan lamang sa mga masasarap at talaga namang hindi makalili-mutang lutong Kapampangan.

Halika at ating alamin ang mga sumusunod na lutong Kapampangan. Maaring natikman mo na ang lahat ng mga ito, o maari rin namang ang iba ay bago sa iyong pandinig. Punan lamang ang mga blanko sa ilalim ng mga deskripsyon sa bawat numero. Tandaan na may mga panggu-long letra sa bawat clue.

4 6 2 7 4

9 1 9 4 1 5

4 6 2 3

7 1 2

3 5 9

3 2 3

1 8

7 2 8 9 5 7 4

8 1 8

6 7 5 6

1 8 2 3

9

2 5 6 2

8 8 3 9 5

4

4 4 2

5 8

4 9

9

9 5

1

1

1

6

6 6

6

7 7

7

7

5 3 3

3

8

Sagot sa nakraang SUDOKUthedailysudoko.com

SUDOKU Greetings

1. Ang putaheng ito ay pinaghalo-halong tinadtad na karne ng baboy (ulo at tiyan), atay, at sibuyas. Ito ay ihinahain sa isang sizzling plate, at nilalagyan ng sili at calamansi bilang dagdag na pampasarap. __ __ __ __ __I N S U P G S I J

2. Isa ito sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy na pinani-niwalaang nagmula sa Pampanga. Ang pangunahing sangkap ng putaheng ito ay ang peanut sauce, at ang bagoong na idinadagdag upang mas maging masarap.__ __ __ __ - __ __ __ __V K K I A R R O E A L E

3. Isa sa mga pinakasikat na processed foods sa Pampanga. Ito ay kadalasang gawa sa karne ng baboy, at minsan naman ay baka o manok. Ito ay may mamula-mulang kulay at mata-mis ang kaniyang lasa.__ __ __ __ __ __I P N O H C A T S O

4. Ito ay isang sikat na native delicacy ng Pampanga. Sikat ito dahil sa natatangi nitong lasa: ang pambalot nito (na nakakain) ay bagay na bagay sa matamis at malutong nitong palaman.__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __O N L A S T J R N D E C O Y E S R U U

5. Ang matamis na ito ay gawa sa gatas ng kalabaw, asukal, at corn flour na isa rin sa mga ipinagmamalaking lutong Ka-pampangan.__ __ __ __ __ - __ __ __ __ __I B B A I T I H O T O K R K

6. Ang putaheng ito ay binubuo ng piniritong pira-piraso ng karneng baboy na iginisa sa bawang, sibuyas, at kamatis na isinama sa pinaghalong bagoong at suka hanggang sa mag-ing isa na itong putaheng may tamang anghang at asim.__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ A B G A U A K B D U E S I B N

7. Ito ay isang sikat na kakanin sa Pampanga. Ang mga sang-kap na mas nagpasarap dito ay itlog na maalat, mga pira-pirasong karne, mani, at iba pa. Ito ay nakabalot sa dahon ng saging.__ __ __ __ __ __ __G L P A M A U E T S H

8. Isang hindi pangkaraniwang lutuin sa Pampanga kung saan ang pangunahing sangkap ay palaka. Ang palaka ay pinapalamanan ng giniling na karne ng baboy at iba pang sangkap at pagkatapos ay ipiniprito.__ __ __ __ __ __U T K A T L E B P E

9. Isa pang hindi pangkaraniwang lutuin sa Pampanga kung saan ang pangunahing sangkap naman ay ang mga kakaibang insekto na makikita sa mga palayan. __ __ __ __ __ __R S U M P A C A I I

10. Ang putaheng ito ay gawa sa karne ng kalabaw na hini-wa ng maninipis at pagkatapos ay ibinabad sa suka at iba pang sangkap. Ito ay mas masarap kainin kapag may kasa-mang kamatis.__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __A A N A D L P I K A L N G D B M U G

Mga sagot sa nakaraang palaisipan:

1. Sinukwan Festival2. Makatapak Festival

3. Batalla4. Aguman Sanduk5. Kuraldal Festival

6. Ligligan Parul7. Apung Iru Fluvial Procession

8. Caragan Festival9. Sisig Festival

10. Cutud Lenten Rites

Belated Happy Birthday to my best friend Lourdes Laxamana.

From Zeny H. Pineda***

Happy trip, Mr. and Mrs. Nazario Her-nandez. See you soon!

From your classmates, Batch ‘66-’67***

Happy 16th birthday to my brother John Kim Adrian Magpayo Payuan and Rodaine

G. Mallari!!. Stay cool guys. Libre yu ku kanyan. ^_^-

-ate Lane..***

Sa muling pagkakataon, I LOVE YOU KCtot at sa baby PJ natin

- Alyas Bob Bob***

Happy Birthday to my “tots” Maricon D. Hernandez.:) We love you!!!! <3<3<3 :***

- Mariz***

Binabati ko pala si pare kong si Edwardo “Onyok” Arquibelle, inom na tayo!

-09*****4756***

Happy birthday, ima (Florencia San Diego-Umali)!

Many birthdays to come. - Kat

Happy 92nd Birthday

Apung Idang

- from Hernandez Family

Page 11: CENTRALFOCUS  I - 6

CENTRALFOCUScentralfocus.ixi.ph

BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN11

Classified ADS

PUBLICE NOTICE

job opening

tel: 0906-5425554 • 0923-5247149

FOR SALE

FOR DETAILS CONTACT: 09388149866

1998 Honda Civic VTECStock. Manual transmission. Silver gold. Cool

aircon. CD player. New battery. Text: 0923 515 6321. The price is negotiable.

Notice is hereby given that the estate of the late SIMPLICIO S. OCHOA was extrajudicially settled by heirs with Waiver as per: Doc. No. 1184; Page No. XIII; Book No. 028; Series of 2011 before notary public Atty. Prudencio A. Sunga of Macabebe, Pampanga( Dec 21, Jan 11, Jan 31)

We are looking for aggressive and creative individuals for our sales and marketing force. This would be for a part-time, commission-based status initially. If you are interested, please send your resume to us: [email protected]. We will contact all short-listed applicants. You may also personally visit us at our office if you are interested to meet the team behind the newspaper as well.

We are also looking for local vendors who are interested to partner up with us in the sales of our newspaper/product. If you are interested, please contact us at 045 3046018.

Central Focus | an IXI.ph Publication

XR400 2006

ANNOUNCEMENT

Tulong sa

edukasyon

hatid ng OWWA

scholarship para

sa mga OFWs at

mga beneficiaries

Ang ACLC Apalit, sa pakikipagtulungan ng

OWWA, ay magbibigay ng tulong pang-

edukasyon sa mga OFWs at kanilang mga

beneficiaries sa mga pangunahing lugar:

OFWs:

1. Basic Operation (MS-Offices)

2. PC Trouble Shooting

3. Programming

4. Autocad

5. Adobe Photoshop

6. Web Development

BENEFICIARIES:

(OFW children, spouse, siblings, etc.) P14,

500.00 halaga ng tulong pang-edukasyon sa

mga sumusunod na kurso:

1. Hotel and Restaurant Services (HRS)

2. Associate in Computer Technology

3. Tourism

MGA KAILANGAN (REQUIREMENTS):

• Birth Certificate (NSO Authenticated Copy)

• Proof of OWWA Membership (O.R. of

Membership Payment)

Sa mga interesado, hanapin lamang si Ms.

Beth Pangan, PESO Officer, Municipality of

Macabebe, Pampanga para sa karagdagang

impormasyon patungkol sa OWWA

scholarship.

http://municipalityofmacabebe.weebly.com/

tesdaals-advisory.html

In need for possible sponsors for this year’s Sibul (Sine Bulacan State University) Film Festival.

For more details you may visit:

https://www.facebook.com/KALIPI.MD or call Sibul Chairman Mr. Regemrei P. Bernardo -09153045590

http://municipalityofmacabebe.weebly.com/peso-advisory.html

ANNOUNCEMENTTo Batch 1967 of Saint

Nicholas Academy

Please be informed that our next get together party will be

held this January.Kindly await for further

details.Have a Prosperous New Year

everyone.

FOR SALE: SIKLISTANG APALITENO

SHIRTS (P300.00)

FOR ORDERS CONTACT: PAUL MAMANGUN

- 09274652675

Noah’s Ark Function HallsSpecial Occasions Venue

Weddings, Birthdays, Christenings, Outdoor Events, Poolside Parties, Seminars, Conferences, and other

Occasions.Paroba II San Juan, Apalit Pampanga

Tel.#(045)-302-9293

College of Divine Wisdom is now accepting freshman application for

S.Y. 2012-2013. Entrance exam is now ongoing.

COLLEGE OF DIVINE WISDOM, Amvel City,Brgy. San Dionisio

Paranaque City. Look for Mrs. Chona Alojado

(547-1722).

Ang Central Focus ay tumatanggap ng mga

sulat-kontribusyon para sa aming isyu ngayong Araw ng mga Puso. Kung nais ninyong ibahagi ang kwento ng inyong pagmamahalan, mangyaring

ipadala lamang sa [email protected].

Page 12: CENTRALFOCUS  I - 6

SIZE

DESCRIPTION

PREMIUM A REGULAR PREMIUM B

FULL PAGE 8,000.00 12,000.00 16,000.00

ONE-EIGHT 1,750.00 2,500.00 - -

ONE-HALF 5,000.00 7,500.00 10,000.00

1 COL. IN 250.00 - - - -

ONE-FOURTH 3,000.00 4,500.00 - -

COLOR/S Grayscale (B/W)

Any

Not for FRONT, BACK, and CENTER PAGES (ONLY for page

2, 3, 4, 5, 8, 9, 10, or 11)

Minimum posting for 1 col. in. ads is 4 issues or 4 slots

SIZES

PLACEMENT/LOCATION

REMARKS

Grayscale (B/W) for center pages and Sepia (Black and red)

for last page

Any

Centerfold, last page (page 6, 7, or 12)

Premium ads are subject to availability

Full color

One-half and whole page ONLY

Centerfold, last page (page 6, 7, or 12)

Centerfold will only be offered if last page is already taken

Central Focus is published biweekly by IXI Software Solutions. Our editorial office is at MacArthur Highway (in front of Shell Gas Station), Sampaloc, Apalit, Pampanga. You may contact us at 045 3046018 or 0922 8618034. You may also visit our web site http://centralfocus.ixi.ph or http://Facebook.com/CentralFocusOnline.

Mangarap… Matuto… Magbasa… Maaliw... nang LIBRE! Dahil it's more fun kapag libre ang pahayagan!

ADVERTISING AND PLACEMENT RATES