15
~ ,, cir -, ... : "'"· ' ' • • ! .. t i <i i l..... · ···' r, .. ~ \ ·· ,;- ,. .. \ TC (j,_ ,n, o iiC -\ Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA '-=--- .._ __,_._. - ' _____ ____ _____.--> Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-DALAWAMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA-18 NG MAYO, 2015 SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD. Mga Dumalo: 1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ 2. Kgg. MA. THERESA C. AALA 3. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 4. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 5. Kgg. ERIC T. PUZON 6. Kgg. ANTONIA T. LASERNA 7. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 8. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 9. Kgg . RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 10. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 11. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO Di-nakadalo: 1. Kgg . RODRIGO. B. MALAPITAN - Pang. Punong-lungsod, Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay ****** ******* *** ********* KAPASIYAHAN BLG. 102-2015 (Mungkahi ng Lupon ng Health and Sanitation) ANG KAPASIYAHAN NG MAHIGPIT NA NANAWAGAN SA NANUNUNGKULANG PINUNO NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL (SRCH), DR. PARNEL PATACSIL NA MAISULIT SA LALONG MADALING PANAHON ANG MGA DOKUMENTONG KINAKAILANGAN PARA SA PAGSASABATAS NG ISANG EPISYENTE AT EPEKTIBONG POLISIYA PARA SA OPERASYON NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL. YAYAMANG, ang Lupon ng Health and Sanitation ay nagsagawa ng pagdinig noong Ika- 6 ng Abril, 2015 upang mabigyang kalutasan ang ilang isyu sa operasyon ng Santa Rosa Community Hospital (SRCH), lalo't higit sa pamamaraan ng pagpapatupad ng mga polisiya ng Programang - Philhealth ng Masa "; YAYAMANG, tinalakay din ang iba pang mga suliranin ng SRCH kaugnay ng mga pagbibigay at pagbili ng kinakilangang gamot ng mga pasyente, pakikipagkasunduan sa dalawang (2) pribadong pharmacy/drug store at sa mga espesiyalistang - manggagamot o Consultant, suliranin sa pagbibigay ng pagkain sa pasyente, at pagpigil sa pagpapalabas sa pasyente kung hindi mabayaran ang "professional fees" ng mga "consultant doctors"; YAYAMANG, layunin ng Sangguniang Panlungsod na makabalangkas ng batas kung saan ay nakapaloob ang episyente at epektibong polisiya para sa operasyon ng Santa Rosa 5/F c;ty Government Center, J.P. Rizal Blvd., Cfty of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049)530-0015 Local 5100-5104 11 Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago" j

cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

~ ,,cir -, ... : "'"· ' ' • • ! .. t i • <i i l..... '· · · ··' ~ r, . . ~ \ ·· • ,;- ,. .. \

~ ~ TC(j,_ ,n, o iiC - \ Republic of the Philippines

CITY OF SANTA ROSA '-=--- .._ _ _,_._. - ' _____ ____ _____.--> Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-DALAWAMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA-18 NG MAYO, 2015 SA BULWAGANG PULUNGAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD.

Mga Dumalo:

1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ

2. Kgg. MA. THERESA C. AALA 3. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 4. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 5. Kgg. ERIC T. PUZON 6. Kgg. ANTONIA T. LASERNA 7. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 8. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 9. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 10. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 11. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO

Di-nakadalo:

1. Kgg. RODRIGO. B. MALAPITAN

- Pang. Punong-lungsod, Namuno

- Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad

- Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay

*************************

KAPASIYAHAN BLG. 102-2015 (Mungkahi ng Lupon ng Health and Sanitation)

ANG KAPASIYAHAN NG MAHIGPIT NA NANAWAGAN SA NANUNUNGKULANG PINUNO NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL (SRCH), DR. PARNEL PATACSIL NA MAISULIT SA LALONG MADALING PANAHON ANG MGA DOKUMENTONG KINAKAILANGAN PARA SA PAGSASABATAS NG ISANG EPISYENTE AT EPEKTIBONG POLISIYA PARA SA OPERASYON NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL.

YAYAMANG, ang Lupon ng Health and Sanitation ay nagsagawa ng pagdinig noong Ika-6 ng Abril, 2015 upang mabigyang kalutasan ang ilang isyu sa operasyon ng Santa Rosa Community Hospital (SRCH), lalo't higit sa pamamaraan ng pagpapatupad ng mga polisiya ng Programang - Philhealth ng Masa";

YAYAMANG, tinalakay din ang iba pang mga suliranin ng SRCH kaugnay ng mga pagbibigay at pagbili ng kinakilangang gamot ng mga pasyente, pakikipagkasunduan sa dalawang (2) pribadong pharmacy/drug store at sa mga espesiyalistang - manggagamot o Consultant, suliranin sa pagbibigay ng pagkain sa pasyente, at pagpigil sa pagpapalabas sa pasyente kung hindi mabayaran ang "professional fees" ng mga "consultant doctors";

YAYAMANG, layunin ng Sangguniang Panlungsod na makabalangkas ng batas kung saan ay nakapaloob ang episyente at epektibong polisiya para sa operasyon ng Santa Rosa

5/F c;ty Government Center, J.P. Rizal Blvd., Cfty of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049)530-0015 Local 5100-5104 11Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago" j

Page 2: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

• •

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Pahina 2 ng kapasiyahan Big. 102-2015

Community Hospital at ang Lupong binuo ng kapulungan ay nangangailangan ng mga dokumentong maaring pagbatayan ng isasabatas na Kautusan tulad ng sumusunod:

1. Sipi ng Memorandum of Agreement sa pag-itan ng Santa Rosa Community Hospital at mga tinataguring "volunteer doctors/consultants";

2. Sipi ng Memorandum of Agreement ng Santa Rosa Community Hospital at ng Dalawang (2) pribadong Botika o drug store;

3. Talaan ng mga gamot na binili sa pribadong botika/drug store;

4. Talaan ng mga pinagkalooban at gumamit ng mga gamot;

5. Talaan ng tungkulin at responsibilidad ng isang Direktor ng Hospital batay sa umiiral na polisiya ng Santa Rosa Community Hospital; at

6. Anumang rekomendasyon mula sa Pinuno ng Santa Rosa Community Hospital na maaring isabatas upang mapabuti ang serbisyo at operasyon ng Ospital.

KAYAT, sa pamamagitan ng mungkahi ng Lupon ng Health and Sanitation ay:

IPINASISIYA, tulad ng dito'y ginagawang PAGPAPASIYA, at ngayon nga ay ipinasiya ang mahigpit na nanawagan sa Nanunungkulang Pinuno ng Santa Rosa Community Hospital (SRCH), Dr. Parnel Patacsil na maisulit sa lalong madaling panahon ang mga dokumentong kinakailangan para sa pagsasabatas ng isang episyente at epektibong polisiya para sa operasyon ng santa rosa community hospital.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBAY.

PATOTOO:

Pinatutunayan ko na ang Kapasiyahang ito ay sipi mula sa Katitikan ng Ika-20 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlungsod noong Ika-18 ng Mayo, 2015.

CYNTH) GOMEZ Kalihim ng Sangguniang Panlungsod

Pinatotohanan:

ARNEL D~OMEZ Pangalawang Punong-lungSOD

5/F C;ty Government Center, J.P. Rizal Blvd., City of Santa Rosa, Laguna - Tel. No. (049)530-0015 Local 5100-5104

userbisyong Makatao, Lungsod na Makabago"

Page 3: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

' a

PAKSA

~· .

Republic of the Philippines · CITY OF SANTA ROSA

Pr~vince of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD

ULAT NG LUPON Committee on Health and Sanitation

: OPERASYON NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL

KATOTOJIANAN . : Isang pagdinig ng komite ang isinagawa noong Abril 06, 2015 sa bulwagan ng Sangguniang Panlungsod. Ang mga dumalo ay sina Kon. Ma. Theresa Aala- Chairman ng Com:mittee on Health and Sanitation, Kon. Luisito Algabre­Vice Chairman, Dr. Santiago Abaricia, Dr. Edwin Orifia. Ms. Ana Raquel Tiongco at Dr. Ardiente mula sa Philhealth Region 4A. Dumalo rin sa pagdinig sina Dr. Romeo Mavez at Ms. Mylene ng Community hospital, gayundin sina Jennifer dela Pena at Ms. Corazon ng Philhealth ng Masa.

· .: Sa pagdinig, ang mga sumusunod ang tinalakay at naging pag­uusap:

• · Ipinaalam ni Konsehal Algabre na siya ay mayi:oong Ordinansang na naipasa sa Sangguniang Panlungsod hinggil sa pagtatalaga ng suwelduhang espesiyalista/doctor sa Community Hospital bilang . tugon sa madaming reklamong kanilang naririnig mula samga pasyente at maging sa Philhealth sponsored .members. Ang Ordinansa ay matagal ng na-aprubahan ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin na- · iimplementa.

Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital. Hindi

magamit ng mga Philhealth sponsored-members ang kruµlang benepisyo na makalibre sa ospital at magamit ang "No Balance Billing" dahil sa kalukuyan ay puro mga volunteer doctors ang nakatalaga sa ospital , bukod pa sa nasasaad sa liham ni Dr. Parnell Patacsil na ang Community Hospital ay considered Level 1 Hospital kung kaya' thindi ma-avail ng mga sponsored members ang kanilang benepisyo. ·

Nais niyang malaman sa Philhealth representatives na nasa pulong _ang mga sumusunod:

-------t-~....__,.. --------- ------ M ____ , ___ __________ _

Page 4: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

,,

1. Kung ano ba ang kailangan at pangnangailangan ng Community Hospital upang makapag-operate batay

sa requirement ng Philhealth.

2. Tama ba na kung Level 1 ang isang ospital ay hindi nito maaaring ibigay ang benepisyo ng isang Philhealth sponsored member?

3. Ano ang patakatqll para sa isang ospital na pag-aari ng gobyemo hinggil sa pangnangailagan ng espesyalista para tumingin sa mga pasyente.

4. Tama ba ang ginagawang operasyon ng ospital lalo't ito ay Philhealth accredited?

5. Ano ano ang mga kabilang sa ALL Care Rates o Level 1 Packages?

6. Para sa sponsored member na OB Case at kailangang maoperahan pero hindi kailangan ng ICU , kailangan bang magbayad sa private doctor?

• Ayon kay Dr. Orin.a ng Philhealth Region 4 ay maaring magamit ng mga Philhealth sponsored members ang kanilang benepisyo kahit sa isang level 1 hospital basta't ang sakit ay hindi nangangailangan ng isang Intensive Care Unit (ICU) at OR Complex. Pero sa level I maari ang OPD at mga sakit na nangangailangan maconfine basta ito .ay nasa level I package o All Case Rates tulad ng operasyon sa appendix at OB o ceasarian cases basta't walang complikasyon na kinakailangang ilagay sa ICU ang pasyente. Mas marami nga lang ang mga sakit ang pwedeng tanggapin sa isang level 2 na ospital.

Ipinaalam din niya na kasalukuyan ay mayroong request ang Santa Rosa Community Hospital na maglagay ng ICU facilities dahil mayroon na ito OR Complex upang maging level 2 hospital. Kaniyang ipinaalam sa pulong na hindi dahil magkakaroon na ng ICU ay agad na · magiging Level 2 ang Community Hospital. Marami pang idadagdag tulad ng manpower, mga gamit n~ kailangang i-upgra'de at marami pang ibang konsiderasyon.

• Ayon kay Dr. Abaricia ng Philhealth- Head ng Accreditation and Quality Assurance ng Philhealth Region 4, Kamakailan lang ay bumisita sila kay Dr. Patacsil upang ma-validate kung handa na ang Community Hospital para sa Point of Care.N aitanong niya kay Dr. Patacsil kung ano ang ginagawa ng ospital sa mga pasyente ng Philhealth na No Balance Billing at walang kakayanang magbayad sa mga pribadong doctor dahil bawal sa batas na pwersahin ang pasyenteng magpa-private sila. Kapag ang isang pasyente ay

_______________ ,. ___ ,-,·- ·----- ·

Page 5: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

kinakailangan i-ceasariap. dapat ito ay qumaan sa Emergency Room at tanungin kung sila ay No Balance Billing sponsor. Hindi sila dapat papiliin ng pribadong doctor. Ang ospital ay dapat laging may doctor na handang mag-opera. Ang sabi naman ni Dr. Patacsil batay kay Dr. Abaricia ay tinatanong nila kung NBB ang pasyente at binibigyan ng ospital ng doctor at wala itong babayaran. Tinan\:>ng naman ni Dr. Abaricia si Dr. Mavezjung ito ay may katotohanan.

• · Ayon kay Dr. Mavez, mula noong nag-apply ng Point of Care ang ospital ay hinigpitan na nila ang mga pasyente dahil marcµni ang pasyente na may kakilalang ng doctor sa Community Hospital. Noon kapag may pasyenteng pumasok at may dalang papel galing sa doctor, ibig sabihin ay private case at hindi na pinakikialam ng · ospital dahil karapatan ito ng pasyente. Pero, mula ng mag-apply sa Point of Care ang ospital ay dini­discourage naman ang mga NBB patieI).ts kahit p~ may dala silang papel para ma-enjoy nila ang pagiging Philhealth member. Pero kapag nagpumilit dahil sa gusto nila yung kanilang doctor ang titingin sa kanila ay napupunta po sila sa private case dahil na rin sa patient's rights.

• Niliwanag ni Kon. Aala .kay Dr. Mavez ang mga sumusunod:

1. Kung ang papel na sinasabi ay endorsement niula sa private doctor upang ma.cadmit sa ospital?

2. Kung ito ay kagawian sa ospital?

3. Halimbawang may mangnanganak na pasyente sa community hospital at may dalang papel galing sa kanyang doctor for admission, tapos nahingi sa mga miyembro ng Sanggunian upang mabayaran aJlg Professional Fee ng doctor na nagkakahalaga hg P25,000.00 dahil minsan ay nalilibre naman ang bayad sa ospital, paano po ang ganito ah ginamit ang pasilidad ng ospital?

4. Paano ang handling ng emergency cases, first come, first serve basis ba ito?

• Ayon kay Dr. Mavez ng Community Hospital, ang mga papel ay endorsement mula sa private doctor upang ma­admit ang pasyente. Ito ay tinatanggap sa Community Hospital dahil mayroon naming mga private rooms. Dati nga ay marami ito, almost 30% pero dahil sa ipinag-utos ng DOH sa mga government hospitals na bawasan ang mga private rooms kaya unti-untiitong ginagawa. Pero dahil ang mgakwarto ng Community hospital ay airconditioned kaya mahirap kaya pangit gawing ward at saka may mga empleyado ang pamahalaang lungsod ng

~~~~~-~ ---~~~~~

Page 6: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

·-· .. ·---"' -·

nais may privacy kaya may ilan tyong nananatiling private rooms.

Tungkol naman sa mga nanganganak na may dalang papel mula sa doctor ay private case p()( to. Kung may philhealth ay kaunti na rin naman ang kanilang idadagdag pati sa professional Fee dahil halos ay covered na rin ng Philhealth. Ang problema lamang sa ibang pasyentena nadidiskubre nila aynahingi ng certificate sa ospital at sasabihin nilang taga Santa Rosa yun pala ay hindi. At dahil lagging napupuno ang ward, napupunta sila sa private at kalimitan ito ang mga nagkakaproblema sa paglabas.

Idinagdag pa niya napriority ang mga emergency cases. Kasalukuyan, ang mga doctor sa Community Hospital ay mga Philhealth Accredited, hindi pa nga lang sumusuweldo ang mga ito sa gobyemo, pero may Memorandum of Agreement at ito ay requirement ng DOH upang mapayagan silang makapag-practice sa Community Hospital. May tinatawag na piso consultant at iyon ay ang ating mga volunteer doctor, kaya't kung may mga emergency cases ay may mga doctors 01;1 deck na titingin sa pasyente at kung may ooperahan ay tinatawagan ang mga doctor na pumunta agad sa ospital upang makapag-opera kaya ang mga emergency cases ay na-iintindi agad.

• Ipinaliwanag ni Dr. Orin.a ng Philhealth kung ano ang tinatawag na NBB, noon ay on the fee for service angating ginagawa tulad ng room at board ay PS00.00, hiwalay ang medicines, laboratory. Pero sa ng11,yonay All Cases Rate. Halimbawa ang pasyente ay may Gastroenteritis ang package ay nagkak,µialaga ng P6,000.00 at ang hospital bill ay P4,000.00, ang babayaran ng Philhealth sa ospital ay P6,000.00 pa rin ayon sa package. Ang sobrang P2,000.00 ay maaaring gamitin ng hospital sa upgrading ng pacilidad. A-apply ang NBB kung ang bill ng ospital para sa sponsored member ay halimpawa P6,000.00 ang package ng kanyang sakit at ang kanyang hospital bill ay P7,000.00. Yung kulang na P 1,000.00 ay hindi na babayaran ng pasyente at maari na siyanglumabas kung siya ay · magaling na. Ito ay applicable sa NHTS patients, sponsored members, at Kasambahay. Ang NBB ay may apat (4) exclusions:

1. Kapag ang pasyente ay nagrequest ng isang private doctor.

2. Kapag ang pasyente ay nagrequest na ma­confine sa isang private room.

3. Kapag ang pasyente ay nasa private room na at kalaunan ay nagpapalipat sa ward:

4. Kapag ang pasyente ay nasa ward at kalaunan ay nagpapalipat sa private room.

-------~._ ........ _,..____ -

Page 7: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

·~-~--... -·-·-

Kapag ang NBB pasyente ay inilagay sa private ward na hindi niya nirequest, mananatili siyang NBB patient.

Kaya, pag nirequest po yan ay out of the No Balance Billing.

~ Inirerekomenda ni Kon. Algabre na kung maari ay 1 o 2 lamang ang maging private room at lahat na ay gawing public sa Community Hospi.tal dahil sa kasalukuyan ay mayroong mahigit na isang daan (100) volunteer doctor ang may MOA sa Ospital at 83 bed capacity lang ang inaprubahan ng DOH. Kaya, ang nangyayari ay nawawalan ng kama ang masa. Ang mga pasyenteng

. napunta sa ospital lalo't emergency cases ay sasabihin . na kaya nila ang private.Batay ito sa nakaraang report ng ospital na mahigit tatlong libo ang promissory note ng ospital. Kaya ang ibig sabihin ay nagbabayad ang mga. pasyente at may obligasyon pang bayaran ang nakal;!gay sa promissory note. Parang isang pribadong ospital sa dami ng private cases na nais nating hanapan ng solusyon. Idinagdag pa ni Kon. Algabre ang isang kaso ng 7 taong batang pasyente na inoperahan ng appendectomy at nagkautang-utang ang pasyente. Ito ay isa sa mga kasong nais mabigyan ng solusyon.

• Binigyang linaw ni Dr. Mavez ng Cominunity Hospital na ang papel o referral letter na dala ng mga pasyente ay mula rin sa mga volunteer doctor na may MOA sa Community Hospital. Nakasaad sa MOA na maari silang mag-practice sa Community hospital. Ito ay nakagawian

. ·na mula pa sa dating director at nakasaad din sa MOA na kapag sila ay on deck ay titingin sila sa charity patients ng walang bayad at privilege nila ang mag-attend sa private patients nila. Ang kondisyon ay hindi nila maaring ilagay sa ward ang kanilang mga private patients, dahil ang ward ay para sa mga NBB patients. Pinapayagan ang mga ito na gamitin ang government facilities.

• Idinagdag ni Dr. Abaricia na naglabas na ang Philhealth ng Implementing Rules and Regulations na lilimitahan ang private wards sa government hospitals at gawing majority ang ward rooms para ma-acomodate ang mga Philhealth members. Jto rin ay kanyang inirekomenda kay Dr. Patacsil. Kailangan ng revision sa Sanggunian Resolution at ilagay na 4apat malimitahan ang private rooms at ipagbawal ang pagtanggap ng mga pasyenteng galing sa labas, pati ay ganyang practice ay malimitahan din kase ang gusto ng Philhealth ay kung gusto ng pasyente na private ay dalhin sa mga private hospitals tulad ng Perpetual at Bifian doctors at hindi sa government hospital. Sinabi rin niya na nadiskubre nila na may isang pasyente na dalawang (2) araw ng nadis­charge ang pasyente pero hindi makaalis dahil hindi mai-settle ang bill sa doctor. Hindi dapat ito issue, kung kelan dapat siya dinis-charge ay dapat din siyang maka-

~~~~--~~~~~----------

Page 8: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

alis ng araw na iyon upang maibigay ang kama sa ibang pasyente.

• Tinuran din ni Kon. Algabre na napakahirap obligahin ng isang hindi swelduhang doctor na umattend sa isang pasyente lalo't kung may bagyo o baha. Binanggit din nya na sa kanyang pagkakaalam, ang isang volunteer doctor ay kinakailangan ding mag silbi ng 40 hours a week at ang pasyente ay magbabayad muna sa hospital bill ·bago sa doctor, pero ang nangyayari ay huwag munang intindihin ang hospital at bayaran muna ang doctor.Kaya kung wala ng private room ay matatanggap natin lahat ng pasyente pwera na lamang kung puno na talaga. Pero may mga kaso na sinasabing wala ng bakante pero meron pa pala.Kung kailangan nating humingi ng tulong sa Department of Health parc1-maiayos ang operasyon ng Community Hospital ay . gawin natin.Hindi maaari na kung kalian lang gusting pumunta ng doctor ay saka lang pupunta o di kaya· ay kung kelan lamang siya may pasyente.

• Sinabi naman ni Dr. Mavez na ito ay nangyayari.pero ayon din sa·kanya ay may duty araw araw na Surgeon, Pedia, Internist, OB na maaring tumingin sa pasyenteng nakaconfine sa charity at kung sakaling sponsored member o NBB ay walang babayaran. Ipinaaalam din niya sa mga Philhealth officers na may mga pasyente na hindi nagbibigay ng Philhealth requirements kaagad dahil nahingi ito na certipikasyon upang makahinging ng financial assistance kaya nagiging mahigpit sila dapat iprovide ng pasyente within 24 hours ang Philhealth requirements.

• Ayon naman kay Dr .. Abaricia ng Philhealth ay may nakatalagang 2 NCI Portal sa ospital upang doon palang ay maverify na kung ang pasyente ay isang Philhealth member. Doon pa lang sa ER ay machecheck na ito kung kaya't hindi na lcinlcailangang hingan ng dokumento ang miyembro. Ito ay nagagamit sa ngayon mula 8:00 am-5:00pm Mondays-Fridays at ginagawan na natin ng paraan magkaroon ng users access kahit after

· 5::00 pm tuwing weekdays at gayundin kapagweekends. Madali lamang ang programa at dapat maimplementa ng maayos upang maavail l'ig miyembro ang kanilang benipisyo.

• Ayon kay Dr. Mavez, nasira na ang isang NCI portal at yung nasa Billing na lamang ang nagana. Pwede pa rin naman ditto magcheck pero ang problema nga ay yung after office hours. at week-ends.

• Sinagot naman ito ni Dr. Orifia na may 2 utilities na nakapasok sa community hospital. Ang I-CARES at NCI Portal. Kapag sinabing I-CARES, hawak ito ng JD.ga P­CARES o Philhealth Cares na meron sa community. Ito ay yung mga nakasuot ng green at yellow polo sh~rts at

---·-·~·- ---..----· - -

Page 9: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

yung NCI portals na nasa billing at admitting section. Nabanggit din niya na maaring bigyan ng higit sa 2 portals ang mga ospital na nasa Laguna, pero sa tingin niya ang maaring Gawain ay magshifting ng users para mayroon sa umaga hanggang gabi na magveverify sa pasyente kung Philhealth Members o hindi.

• Ayon naman kay Ms. Dela Pena ng Philhealth ng Masa ay natawag din ang Community hospital sa kanila upang mag-verify. ·

, Binigyang diin ni Dr. Abaricia na hindi dapat pinabibili sa labas ng reseta ang miyembro. Ayon sa huling usapan nila ni Dr. Patacsil, kail~ngang baguhin ang sistema, ang ospital ang dapat bumili ng gamot at hindi Philhealth members upang wala na yung tinatawag na reimbursement. Maliit na bagay na nakakaapekto sa implementasyon ng programa. Malinaw na kapag NBB ang pasyente ay wala siyang bibilhing gamot sa labas at ang ospital ang dapat m~gprovide. Ito ay ginagawa sa San Pedro at sa iba pang bayan.

Kasalukuyan naman itong iniimplementa ng Community hospital pero may problema ang implementasyon. Nabili pa rin ang pasyente sa labas at sa dalawang (2) particular na botika lamang. Ito ay dapat mabago.

• Ayon kay Dr. Mavez ay mayroong MOA ang ospital sa 2 botika na sila ang magpo-provide ng gamot doon sa mga NBB patients. Hindi bumibili ang pasyente ng gamot sa mga ito. Iti:qat&wag ng ospital ang gamot &.t supplies na kailangan ng NBB patients at idedeliver ito ng pharmacy personal s~ hospital upang ibigay naman sa pasyente. Binabayaran ng cash custodian ang pharmacy gamit ang revolving fund. .

• Itinanong naman ni Ms. Dela Pena kung nakabili ang NBB patients sa ibang pharmacy at hindi sa KA MOA ay marereimburse ba ang pinambili, dahil may pagkakataong hindi alam ng pasyente na doon lang pala siladapat bumili sa dalawang botika?

• Ayon kay Dr. Mavez ay ito ang nagiging problema.

• Niliwanag naman ni Dr. Abaricia na nakasaad sa rules ng NBB na kapag ang pasyente ay bumili ng gamot sa labas ng ospital ay entitled siya sa reimbursement. Kahit ka-MOA o hindi ang botika. Ang MOA na ginawa ng ospital sa 2 botika ay invalid sa Philhealth. Hindi nila ito tinatanggap at para sa kanila ito ay sa pagitan lamang ng ospital at botika. Kaya kapag nagkaproblema katulad ng hindipagbili ng gamot si ka-MOA na botika at hindi nare1I11burse ng ospital ay violation ito ng circular. Dapat itong itama dahil invalid ang MOA na ito sa Philheal.th .

_,,..... ~·--... -~-... '·-- .-.. ... _____ ... ___ ...___ -·--- - - -- -· -

Page 10: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

• Nais bigyan nilaw ni Dr. Orin.a ng Philhealth yung sinabi ni Dr. Mavez na tinatawagan lamang ang phannacy sa labas at sila ang maghahatid ng gamot o supplies. Kaya, papaano makakabili. ang pasyente ng gamot sa labas kung hindi ito binibigyan ng reseta? Hindi makakabili ng gamot ang pasyente ng walang reseta at siyempre ito ay maghahanap kung sruin makakabili ng mura.

• Ayon kay Dr. Mavez, aJlg mga pasyenteng nabibigyan ng reseta ay yung.mga hindi nagsasabi ·na sila ay Philhealth member upang makahingi ng assistance sa MSS at DSWD at minsan doon natutuklasan na sila ay Philhealth member. Ang iba naman ay hindi nila alam na sila ay Philhealth member.

• Binaggit ni Dr. Oriiia na kaya mayroong mayroong NCI portal at I-CARES upang sa admission pa lang ay alam na kung miyembro o hindi. Dapat itong gamitin para na rin hindi na rin madaya ng miyembro ang ospital.

• Ayon pa kay Dr. Oriiia ang Santa Rosa ang may pinkamaraming enrolment sa Philhealth, 17,500 families at 6,000 NHTS kaya mas lamang na ang pumasok sa ospital ay miyembro.

• Sabi rin Dr. Oriiia, ka:limitan ng pumapasok na patient,indigent,kasambahay or NHTS ay walang alam sa policies ng Philhealth, kung kaya't ang mga hospital staff na-nakaattend ng Philhealth Orientation ang dapt magpaliwanag sa mga pasyente ng kanilang mga benepisyo lalo. sa NBB.

• Tinanong ni Kon. Aala kung sino ang nakapinna sa MOA? Si mayor ba o sa pagitan ng Community at ng Pharmacy dahil hindf ito alam ng Sangguni<Ul.

• Hindi niya alam ang naging tugon ni Dr. Mavez. Ang alam lang niya ay notariado ito pero hindi niya nakita kung sino ay nakapirma.

• Sinabi rin ni Dr. Mavez na mayroon tayong phapnacy sa ospital ngunit kulang ang supplies o hindi kumpleto dahil ang allotment ng ospital para sa supplies ang medicines ay walong (8) milyon lang ar limang (5) milyon sa ibang supplies at tatlong (3) milyon para sa swero. Total ng labing ap.im na Milyon. Ang pharmacy ayon pa din kay doc mavez ay kumita ng bente (20) milyonesnoong 2014 at umabot pa ng bentesiyente (27) milyones dahil sa ibinigay na supplemental budget. Malaki ang pondo ng ospital pero maliit ang allotment para sa medicines kaya nagkakaroon ng supplemental sa 3rd quarter (yata). Hinihiling dindati ng Ospital kung maaring makaku4a sa pondo ng trust fund ngospital para makabili ng supplies ng ospital at mapunan ang

-----------·--- - ·- ...:.--

Page 11: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

·---~- -------~

kakulangan at hindi na rin kailanganin ang pharmacy sa labas.

Ang 27 million na nabanggit aykinita ng ospital sa bayad ng Philhealth.

• Hiniling ni Kon. Algabr~ kay Dr. Mavez na maisumite sa Sanggunian ang kopya ng MOA sa pagitan ng ospital at pharmacy. MOA sa pagitan ng volunteer doctors at Community hospital. Pati ang listahan ng mga pasyente at ibinigay na mga gamot in aid oflegislation.

• Itinanong ni Kon. Aala ang tungkol sa plantilla ng mga doctor dahil matagal-tagal na rin at walang balita ukol dito.

! Ayon kay Dr. Mavez ay kinukuha ni Dr. Patacsil ang mga resume ng mga aplikante. Sinasabi daw ni Dr. Patacsil na dab.ii ito ay nakaplantilla ay medyo limitado private practice dahil hindi ito pwede habang nandudoon sila sa ospital.Binibigyan din sila ng sitwasyon ni Dr. Pactacsil na ang operating table ay 4, yung dalawa ay nasa delivery room, sa apat na operating room pwedeng mag-opera na sabay-sabay. Ganyan kadami ang inooperahan sa community. Hindi nap o bumabalik ang mga nag-aapply.

• Ipinayo ni Kon.Algabre na ang sabihin sa mga aplikanteng doctor na ang kinakailangan lamang nila ay makapagduty o makapagsilbi ng 40 hours. Blae 8 hours a day hanggang biyemes. Mula 6 ng gabi mula lunes hanggang biyemes at ang sabado at lingo ay pwede na nilang ilaan sa private practice. ·

• Ipinayo rin ni Dr. Abaricia na magpost sa dyaryo na may . nakalagay na job description upang hindi blangko ang mga mag-aaply sa k~ilang magiging trabaho at lagyan ng restrictions.

• Tungkol naman sa Private at house case, ipinaliwanag ni Dr. Mavez na kung ang pasyente ay dumating at walang doctor na kakilala, yung doctor na nakaduty ang ibibigay ng hospital sa kanya. Ang private case ay kapag ang p~yente ay may spe~ific na doctor na gustong gumamot sa kanya at pinapipirma ng waiver. Kapag ang doctor ay naka-duty, at that time ay hindi siya matuturing na private doctor kaya hindi private case.

• Naitanong ni Ms. Dela Pena kung ano angkatotohanan na kapag ikaw ay hindi Philhealth member ay wala kang rasyon ng pagkain mula sa ospital.

• lnamin ni Dr. Mavez na ito ay naganap at ang dahilan ay ang mga sumusunod:

--·-... .,-.....;..- - -'- .. .;.,

Page 12: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

1. Para hindi magkaroon ng malaking bill sa ospital

2. Yung dietary noong mga panahong iyon ay

hindi specialized kaya hindi makakapag-silbi ng tamang pagkain ayon sa sakit ng pasyente.

3. Dahil limited din ang budget sa pagkain Sa first quarter tang nakapagbibigay sa Philhealth at non-philhealth members. Kapag naubos na ang allotment sa pagkain, ang

priority na ay mga Philhealth members na ·1ang.

Kapag napansin ng hospital staff na hindi nakakain ang pasyente ay nirereport ito sa Social Service upang sila ang magpakain.

• Binigyang diin ni Dr. Abaricia ng Philhealth na . bawal sa lahat ng ospital ang hindi magbigay ng pagkain sa Philhealth members man o hindi. Isa itong basic rule sa licensing.Kapag mayroong pangyayaring ganyan ay dapat ipinafile ang complaint sa Philhealth copy furnish ang Department of Health. Dapat itong masolusyunan dahil critical itong problema.Mamamatay ang pasyente sa gutom . . Hindi po dahilan ang walang budget dahil kung tutuusin ay sobra po ang·ibinabayag ng Philhealth para board at room ng aming mga members pwede ng isamang pakainin ang hindi mga Philhealtq members.

• Inamin din ni Dr. Mavez na ito ay nakagawian na dahil nga sa kakulangan ng budget.

• Ayon kay Dr. Abaricia, dahil sa kanilang natuklasan sa pagdinig na nagaganap ay ground naito upang matanggalan ng akreditasyon ng Philhealth ang

Community Hospital. Isakase itong compliance. Hindi jto maaring maitago dahil marami ng nakakaalam, 4 silang taga Philhealth regional office na naanduduon at sinigurado niyang nakarecord ang pagdinig na ginagawa.

• Sabii ni Mr. Ardiente, sa oras ding iyon ay pwede ng tanggalin ang akreditasyon pero dahil sa public service at social services ay inanasahan nila na ito ay sosolusyunan ng ospital at ng Sanggunian kung ang budget ang problema. Kanya ding inalam

----------·- ·----··

Page 13: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

kungsaan napupunta ang trust fund ng ospital at bakit hindi ito nagagalaw upang iimprove ang facilities ng ospital. Inalam niya kung may income retention ang ospital.

• Ipinagbigay alam naman ni Dr. Mavez na noong

nakaraang taon ay nakakuha sila sa trust fund ng 18

million upang bayaran ang utang sa mga supplier, pero mga kailangan bg hospital sa pagkain at gamot ay hindi dahil batay sa COA at Accounting noong sila ay lumiham ay kinakailangan daw magbigay ng provision ang Philhealth kung paano gagastusin ang trust fund. Kung hindinaman ay !sang Sanggunian

Resolution o Ordinance para yung kinikita ng ospital out of Philhealth payments ay magamit sa pagpapatakbo ng ospital.

• Ipinaliwanag ni Dr. Abaricia na nakasaad sa IRR na The Income should go back to the facility for

improvement. Yan ang lagi nilang sinasabi kay Dr. Mavez na ilapit sa Sanggunian ang ganitong kakulangan.

• Inatasan ni Ms. Ttongco ng Philhealth Region 4 si Ms. Dela Pena ng Plµlhealth ng Masa na ilagay in Black and White ang anumang complain tungkol sa Community Hospital. Dahil madadagdagan ang kaso ng Santa Rosqa ng Ulcer. Dapat written ang

complaint.

• Ayon kay Dr. Mavez ay realidad ng kulang ang ating taunang budget para sa ospital at makagawa ng resolution kung paanogagastusin ang income retentipn ng ospital.

• Ayon naman kay Kon, Algabre; hindi tayo kinukulang ng budget dahil sa 220 Million ang allocation samantalang sa Cabuyao ay 55M lamang pero medyo okey &ng operasyon ng kanilang ospital.

• Sinagot naman ito ni Dr. Mavez na 60% ng budget

ay para sa benepisyo ng empleyado at 40% ay napupunta sa hospital operation. 8M sa gamot, 5M sa supplies, 3M sa swero, Food supplies and expenses ay 4M.

• Sinabi ni Kon. Aala na ang gumagawa naman ng budget ng hospital ay silang mga mµnamahala sa Ospital.

-------·----- -..... --· _,..... ·- .. __._ . __ ... ·---.......

Page 14: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

REKOMENDASYON

--·-·-- --· --.. - --

• Ayon kay Dr. Mavez ay naiislash lllgi ang karrilang budget kay sila ay disappointed.

• Sabin i Dr. Abaricia ay ipu-push nila kay Doc na humarap sa Sanggunian,ipaliwanag yung mga cause benefit analysis. Kailangang mai-defend bakit gagastusin ang trust fund at saan ito mapupunta? At

ano ang magiging benepisyo nito samga taga Santa

Rosa?

• lpinaala ni Mr. Ardiente na kasalukuyang nag-aaply ng Point of Care ang Community Hospital. Ito ay kung mayroong maconfine na hindi Philhealth

member ay maaari na itong mag-apply ora mismosa ospital. Ito ay maaring makatugon sa problema ng mga pasyenteng hindi miyembro ng Philhealth. Ang

requirements ay pagpapatupad ng No Balance

Billingat may revolving fund na sasapat para makabili ng mga gaqot at supplies. Inulit niya na hindi nila ino-honor ang MOA sa 2 pharmacies at hindi dapat bumipili ang pasyente ng gamot sa ospital. Ang Ospital ang dapat bumili _nito para sa mga miyembro. Pero dahil sa kanilang mga nalaman sa ginawang pagdinig ay hindi nila alam ang magiging desisyon nila hanggang hindi

nasosolu_syunan ang mga nakitang kakulangan at

problema.

Matapos ang masusing pag-aaral ng lupon ay inirerekomenda ang pagbuo ng isang FACT Finding Committeena pinangungunahan ng Komite ng Blue Ribbon at Human Rights, co-chaired ng Komite ng

Health and Sanitation at Komite ng Social Welfare. At upang masusillg mapag-aralan atig operasyon ng Santa Rosa Commurtity Hospital at makagawa ng mga lehislaturang pamamaraansa ika-gaganda ng serbisyo ng ospital ay hinihiling sa Santa Rosa Community Hospital sa pamamagitan ni Dir. Parnell Patacsil na isumite sa Sangguniang Panlungsod ang

mga sumusunod:

1. Siping Memorandum of Agreement ng Siµita Rosa Community Hospital sa mga Volunteer Doctors.

2. Sipi ng Memorandum of Agreement ng Santa Rosa Community Hospital sa dalawang Botika ..

-----·--·-·- - -· -- - -----···-- .. ~·- ·.

Page 15: cir -,santarosacity.gov.ph/file-manager/files/Resolutions 2016/2015/102-2015.pdf · Kaniya ring tinuran na ang Community Hospital ay nag-.· ooperate tulad ng isang pribadong ospital

.

May 11, 2015

----..... ,-... - ._..,_ __

3. Talaan ng mga biniling gamot at supplies.

4. Talaan ng mga pinagbigyan ng mga gamot

5. Mga rekomendasyon kung paano mapapabuti ang serbisyo ng ospital sa ating mga nasasakupan.

6. Mga tungkulin at Rsponsibilidad ng isang Direktor ng Hospital batay sa uniiral na polisiya ng Santa Rosa Community Hospital.

Committee