8
M ag-iisang taon nang nakapataw ang batas militar sa buong Minda- nao. Sa panahong ito, ginamit ni Pres. Rodrigo Duterte ang kapang- yarihang militar para ilunsad ang brutal na gera sa Marawi City at ang malupit na gerang panunupil sa buong kalaparan ng Mindanao. Sa buong bansa, naghahari-harian ang pasistang militar sa malawak na kanayunan sa ilalim ng gerang Oplan Kapayapaan. Milyun-milyong mamamayan ang nagdurusa sa ilalim ng tuwirang pa- sistang paghahari ni Duterte sa Min- danao at buong Pilipinas. Daan-da- ang baryo ang tinatarget at sinasa- kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu- tugis ang mga kilalang lider at akti- bistang magsasaka. Parami nang pa- rami ang kaso ng ekstrahudisyal na mga pagpatay, kabilang ang ilang ba- ta. Laganap ang mga pagdukot, pag- aresto at pagkulong. Laganap ang mga kaso ng pagnanakaw ng mga sundalo sa mga alagang hayop at iba pang pag-aari ng taumbaryo. Halos 5,000 na ang walang ebidensyang pi- naratangang kasapi ng Bagong Huk- bong Bayan (BHB) at inilistang nag- surender sa AFP. Walang-habas ang paghuhulog ng bomba at panganganyon. Halos kalahating milyon na, kabilang ang mahigit 400,000 mula sa Marawi, ang napwersang lumikas sa kanilang mga tahanan. Ilampung libo pang mga Meranaw ang hindi pinahihin- tulutang makabalik sa kanilang mga bahay na winasak ng pambobomba ng AFP. Ang balak ng AFP at ng US na angkinin ang malaking tipak ng Marawi ay isang malaking pagla- pastangan sa mamamayang Moro. Ipinataw at pinalawig ni Duterte ang batas militar sa Mindanao sa tangkang lubos na kontrolin ang mayamang rekurso upang dambu- ngin ng mga dayong kumpanya sa DALAWANG MAGKASUNOD NA operasyong haras ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Cagayan (Danilo Ben Command o DBC) laban sa mga nag-ooperasyong tropa na nag- hahanda para sa Balikatan exercises sa Cagayan noong Abril. Unang hinaras ng isang yu- nit ng BHB-DBC ang isang platun ng Division Reconnaissance Com- pany (DRC) ng 5th ID sa Sityo Matartarao, Barangay Gagabu- tan West, Rizal noong Abril 21 bandang alas-6:30 ng umaga. Ayon sa panimulang ulat ng BHB- DBC, hindi bababa sa sampung sundalo ang napatay sa 30-minu- tong labanan. Noong Abril 24, alas-7 ng umaga, muling nagsagawa ng operasyong haras ang BHB-DBC laban sa isa pang platun ng 17th IB ng 5th ID sa Sityo Gruping, Barangay Mazi, Rizal. Anang BHB-DBC, 14 ang namatay na sundalo sa dalawang oras na la- banan. Ang mga nabigwasang tropa ng DRC at 17th IB ay bahagi ng advance column at yunit-koman- do ng mahigit isang kumpanyang pinagsanib na mga tropa ng DRC, 17th IB, Philippine Marines, PNP Regional Public Safety Battalion (RPSB) 2 at CAFGU na kasaluku- yang gumagalugad sa mga baryo ng Zinundungan Valley, Rizal. Sa direktang pamumuno ng EDITORYAL ...sundan sa pahina 3

cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLIX Blg. 9

Mayo 7, 2018

www.phi l ippinerevolution. info

Mag-iisang taon nang nakapataw ang batas militar sa buong Minda-nao. Sa panahong ito, ginamit ni Pres. Rodrigo Duterte ang kapang-yarihang militar para ilunsad ang brutal na gera sa Marawi City at

ang malupit na gerang panunupil sa buong kalaparan ng Mindanao. Sa buongbansa, naghahari-harian ang pasistang militar sa malawak na kanayunan sailalim ng gerang Oplan Kapayapaan.

Milyun-milyong mamamayan angnagdurusa sa ilalim ng tuwirang pa-sistang paghahari ni Duterte sa Min-danao at buong Pilipinas. Daan-da-ang baryo ang tinatarget at sinasa-kop ng mga pasistang tropa ng ArmedForces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal namga pagpatay, kabilang ang ilang ba-ta. Laganap ang mga pagdukot, pag-aresto at pagkulong. Laganap angmga kaso ng pagnanakaw ng mgasundalo sa mga alagang hayop at ibapang pag-aari ng taumbaryo. Halos5,000 na ang walang ebidensyang pi-naratangang kasapi ng Bagong Huk-bong Bayan (BHB) at inilistang nag-

surender sa AFP.Walang-habas ang paghuhulog

ng bomba at panganganyon. Haloskalahating milyon na, kabilang angmahigit 400,000 mula sa Marawi,ang napwersang lumikas sa kanilangmga tahanan. Ilampung libo pangmga Meranaw ang hindi pinahihin-tulutang makabalik sa kanilang mgabahay na winasak ng pambobombang AFP. Ang balak ng AFP at ng USna angkinin ang malaking tipak ngMarawi ay isang malaking pagla-pastangan sa mamamayang Moro.

Ipinataw at pinalawig ni Duterteang batas militar sa Mindanao satangkang lubos na kontrolin angmayamang rekurso upang dambu-ngin ng mga dayong kumpanya sa

Wakasan ang batas militarsa Mindanaoat Oplan Kapayapaan!

Tropang parasa Balikatan,hinaras ng BHB

DALAWANG MAGKASUNOD NAoperasyong haras ang inilunsadng Bagong Hukbong Bayan(BHB)-Cagayan (Danilo BenCommand o DBC) laban sa mganag-ooperasyong tropa na nag-hahanda para sa Balikatanexercises sa Cagayan noongAbril. Unang hinaras ng isang yu-nit ng BHB-DBC ang isang platunng Division Reconnaissance Com-pany (DRC) ng 5th ID sa SityoMatartarao, Barangay Gagabu-tan West, Rizal noong Abril 21bandang alas-6:30 ng umaga.Ayon sa panimulang ulat ng BHB-DBC, hindi bababa sa sampungsundalo ang napatay sa 30-minu-tong labanan.

Noong Abril 24, alas-7 ngumaga, muling nagsagawa ngoperasyong haras ang BHB-DBClaban sa isa pang platun ng 17thIB ng 5th ID sa Sityo Gruping,Barangay Mazi, Rizal. AnangBHB-DBC, 14 ang namatay nasundalo sa dalawang oras na la-banan.

Ang mga nabigwasang tropang DRC at 17th IB ay bahagi ngadvance column at yunit-koman-do ng mahigit isang kumpanyangpinagsanib na mga tropa ng DRC,17th IB, Philippine Marines, PNPRegional Public Safety Battalion(RPSB) 2 at CAFGU na kasaluku-yang gumagalugad sa mga baryong Zinundungan Valley, Rizal.

Sa direktang pamumuno ng

EDITORYAL

...sundan sa pahina 3

Page 2: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

Mayo 7 , 2018 ANG BAYAN2

ling ituloy ang negosasyon, itulak angseryosong pag-uusap at magingpleksible kung tutumbasan ni Duterteng seryosong pagsulong ng reporma,mulat rin ito na ang deklarasyon niDuterte na muling ituloy ang pag-uu-sap ay malamang na pambubuladaslamang para idiskaril ang pagsulongng mga pakikibakang masa at ang lu-malawak na nagkakaisang prente la-ban sa kanyang rehimen.

Sa ngayon, mas mahalagangtungkulin ang malawakang pakilusinang masang magsasaka at mangga-gawa at buong sambayanan parailantad ang pasistang terorismo, ma-lulubhang pag-abuso sa karapatang-tao at mga atake ng mga pwersa ngestado sa masang anakpawis.

Sa partikular, dapat paalingaw-ngawin sa buong bansa ang sigawpara wakasan ang batas militar saMindanao at wakasan ang Oplan Ka-payapaan sa buong kapuluan. Bataysa lakas ng pagkilos ng mga sektor ngmasang anakpawis, dapat itayo angpinakamalapad na alyansa ng mgademokratikong pwersa laban sa pa-sismo. Ilantad, batikusin at singilinang pinakamalalaking krimen ng AFPat mga paglapastangan sa mga kara-patang-tao. Suportahan ang pakiki-baka ng mamamayang Moro na ma-bawi ang kanilang Marawi.

Dapat ding isulong ang mga pa-kikibaka para sa kagalingan at mgakarapatan ng mga demokratikongsektor, kabilang ang pakikibaka parasa umento sa sahod, laban sakontraktwalisasyon, laban sa panga-ngamkam ng lupa at iba't ibang anyong pyudal na pagsasamantala, at pa-ra sa iba pang demokratikong repor-ma. Ibayong palakasin ang sigaw pa-ra sa tunay na reporma sa lupa atpambansang industriyalisasyon.

Higit sa lahat, dapat maglunsadang Bagong Hukbong Bayan ng mgataktikal na opensiba upang patama-an ang AFP ng maraming suntok sakatawan at ilang bigwas sa ulo. Tar-getin ang pinakapusakal na pasistaat teroristang mga yunit na maymalalaking krimen laban sa bayan.Ang pagsusulong ng armadong paki-kibaka sa buong bansa ang pangu-nahing paraan para labanan angpasismo at terorismo ng rehimengUS-Duterte.

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

pagmimina at mga plantasyon. Ku-mukulo ang dugo ni Duterte sa mgamagsasaka at mga minoryang ma-mamayan na marunong manindiganpara sa kanilang lupang sinasaka, sakanilang lupang ninuno at sa pam-bansang patrimonya. Galit na galitdin siya sa mga manggagawang na-kikibaka para sa kanilang kagalinganat mga karapatan.

Pinili ni Duterte ang Mindanaodahil alam niyang naroon ang mala-king bahagi ng armadong lakas ng re-bolusyonaryong kilusan na isa sa pi-nakamalaki at pinakamatatag na ba-lakid sa isinasagasa niyang tiranikongpaghahari sa buong bansa. Inaakalani Duterte na sa pamamagitan ng to-dong paggamit ng terorismo ng esta-do ay mapatatahimik niya ang Minda-nao at matatahimik siya sa kanyangpaghahari-harian. Subalit sa pagsupilni Duterte sa Mindanao, buong bayanang kanyang kalaban.

Ginagamit ni Duterte ang batasmilitar upang iwasiwas ang kanyangtiranikong kapangyarihan sa buongbansa. Estilong batas militar din angginawang pagpapasara sa Boracaypara diumano linisin ang isla. Sa ma-lawak na kanayunan sa Luzon at Vi-sayas, ginagamit niya rin ang ka-

pangyarihang militar upang supilinang mga pakikibaka ng masangmagsasaka laban sa iba't ibang anyong pagsasamantala at pang-aapingpyudal at malapyudal at hadlanganang pagsulong ng armadong rebolu-syon.

Hindi bababa sa 500 ang mgabilanggong pulitikal kabilang angmahigit isandaang inaresto sa nag-daang isa't kalahating taon sa ilalimni Duterte. Mahigit 600 ang isinakdalni Duterte na “terorista” athumaharap ngayon sa banta ng pag-aresto o likidasyon. Ilang kadre nang Partido ang pinatay at dinukot.

Sa kabila ng deklarasyon ni Du-terte mahigit isang buwan na angnakaraan na ituloy ang usapangpangkapayapaan sa NDFP, wala pasiyang seryosong hakbang para itu-loy na ang negosasyon. Sa halip naibwelo ang usapan, mistulang hina-hadlangan ito ni Duterte. Samu'tsaring kundisyon ang itinatakda,kabilang ang pag-obliga sa mga re-bolusyonaryong pwersa na maki-pagtigil-putukan kahit wala pangnapagkasunduang sustantibong re-porma sa mga usaping nasa ugat ngarmadong labanan.

Habang bukas ang NDFP na mu-

Editoryal: Wakasan ang batas militar saMindanao at Oplan Kapayapaan! 1

Mga opensiba ng BHB 1

Pagkakaisa sa Mayo Uno 4

Laban ng mga manggagawa 5

Ika-200 kaarawan ni Marx 5

Pagbati sa North at South Korea 5

Bata, pinatay ng AFP 6

Mga gradweyt ng K-12 7

Kalayaan sa pamamahayag 8

Tomo XLIX Blg. 9 | Mayo 7, 2018

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loko,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

ANG

instagram.com/sine.proletaryo

@prwc_info

fb.com/groups/cppinformationbureau

[email protected]

Page 3: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

ANG BAYAN Mayo 7 , 2018 3

"Tropang...," mula sa pahina 1

5th ID, dinudumog ng civil militaryoperations (CMO) ang anim na ba-yan (Santo Niño, Rizal, Lasam, Bag-gao, Allacapan at Santa Teresita)saklaw ang 35 baryo at komunidadng katutubong minoryang Agta. Na-kalatag ang isang batalyon ng Phi-lippine Marines sa mga bayan sabaybayin ng Sta. Ana, Aparri, Bugu-ey, Gonzaga at Ballesteros. AngCMO na pinalalaganap ng dibisyonay bahagi ng clearing operations ngNorth Luzon Command sa mga tu-koy nitong larangang gerilya ng BHBsa Cagayan bilang paghahanda sagaganaping 2018 Balikatan Exerci-ses ng mga tropang sundalo ng USat AFP saklaw ang mga prubinsyang Cagayan at Isabela. Magbubukasang Balikatan sa Mayo 7 at lala-hukan ng 8,000 tropang US atPilipino. Lalahok din dito ang mgatropa ng Australia at Japan.

Mula Pebrero hanggang sa ka-salukuyan, nakapagtala na angBHB-DBC ng kabuuang 47 kaswaltisa tropa ng 17th IB at DRC mula samga inilunsad nitong aksyongmilitar.

Bukidnon. Isang sundalo ng88th IB ang napatay habang isa paang nasugatan nang tambangan silang isang yunit ng BHB-NorthCentral Mindanao Region sa Purok9, Sityo Sto. Domingo, BarangayLumintao, Quezon bandang alas-10:30 ng umaga noong Abril 30.Nakilala ang napatay na si PFC Joe-han Caballero Macalong samanta-lang ang nasugatan ay si 2Lt. KevinG. Abad.

Sakay ng motorsiklo, galing angmga sundalo sa Sityo Pantaron atSityo Buco, sakop ng Barangay Ban-lag, Valencia City kung saan nagsa-sagawa ng CMO ang 88th IB. Kaa-gad nagdispatsa ng isang seksyonang mga sundalong AFP at nagsa-

gawa ng clearing at pagtugis naoperasyon laban sa pwersa ng mgaPulang mandirigma. Kilalang tala-mak ang 88th IB sa pag-abuso sakababaihan at pag-iinuman sa bar-yo at kapag lasing na ay nananakot,nananakit at walang pakundangangnagpapaputok ng kanilang mgaarmas.

Davao Oriental. Binigwasan ngBHB sa serye ng mga taktikal naopensiba ang mersenaryong 28thIB.

Noong Abril 26, inambus ngmga Pulang mandirigma sa ilalim ng6th Pulang Bagani Company (PBC)ng BHB-Southern Mindanao Regionang isang platun ng 28th IB sa Pu-rok Kinawasan, Barangay San Isid-ro, Lupon bandang alas-3 ng hapon.Isang ripleng Remington CarbineM4 na may teleskopyo ang nasam-sam. Nagpapatrulya ang mga sun-dalo nang pasabugan ng command-detonated na eksplosibo at dahil di-to ay nagkapalitan ng putok. Isangmyembro ng AFP ang namatay ha-bang maraming iba pa ang sugatan.Ang mga naambus na sundalo aybahagi ng pwersang nagsasagawang mapaminsalang CMO sa Bara-ngay San Isidro mula pa noongisang taon.

Noon namang Abril 28, isangyunit ng BHB-DavaoOriental angnagsagawa ngatritibongaksyon labansa mga de-tatsment ng28th at 72nd IB saBarangay Marayag athalos kasabay nito,isa pang kumpanya ngmga Pulang mandirig-ma ang nagsagawa ngilang oras na tsekpoynt

sa national highway ng CompostelaValley–Davao Oriental sa Lupon.Ilang minuto lamang ang kanilanglayo sa pinakamalapit na tsekpoyntng 28th IB.

Ang mga taktikal na opensibangisinagawa ng 6th PBC ay sagot saihinahasik na teror ng mga merse-naryong 28th IB mula pa nangideklara ang batas militar sa Min-danao. Kilala rin ang 28th IB bilangbayarang armadong tauhan ng mgakumpanyang nagmimina sa DavaoOriental, tagapagpalayas ng mgamagsasaka at Lumad sa kanilangmga lupain at sumusupil sa mgapaglaban sa mga operasyong pag-mimina sa lugar.

Zamboanga del Sur. Epekti-bong nakadepensa ang mga Pulangmandirigma ng BHB-West Minda-nao Region laban sa umaatakengtropa ng 1st Tabak Division sa Ba-rangay Saad, Dumingag, Zamboa-nga del Sur, matapos ang halosisang oras na labanan noong Abril26. Ayon sa mga ulat na nakalapmula sa komunidad, nagtamo ngkaswalti ang kaaway at marami sakanila ang tumakbo habang nagla-labanan.

Page 4: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

Mayo 7 , 2018 ANG BAYAN4

Ang paglunsad ng mga protestang mahigit 100,000 manggagawa sabuong bansa ay marka ng lumala-king pagkakaisa at paglaban kontrasa mapang-api at tiranikong pagha-hari ni Duterte.

Sa Maynila, binatikos ng mahi-git 40,000 manggagawa na nagti-pon sa tulay ng Mendiola angkautusang ehekutibo o ExecutiveOrder (EO) 51 na nilagdaan ni Du-terte sa Cebu City na nagbabawalsa mga porma ng kontraktwalisas-yon na dati nang idineklarangiligal. "Niloloko lang niya tayo,"sabi ng tagapangulo ng KilusangMayo Uno (KMU) na si Elmer La-bog.

Ayon naman sa isang koalisyonng paggawa, ang Sentro ng mgaNagkakaisa at Progresibong Mang-gagawa, inuulit lamang ng nasabingEO ang umiiral nang patakaran na"nagreregularisa" sa mga ahensyasa paggawa pero hindi ito ipinag-bawal. Bago nito, binatikos na ngmga grupo grupo ang pagwaldas niDuterte sa halos dalawang taongpakikipag-usap sa kanya ng mgamanggagawa. Limang panukala angisinumite nila pero wala ni isa ritoang pinansin ng rehimen.

Walang silbi ang EO ni Dutertedahil ang kinakailangan ngayon ayang pagbabawal ng lahat ng anyong kontraktwalisasyon, sabi ni Ba-yan Muna Rep. Carlos Zarate.Hindi kataka-taka dahil walangpagkakaiba ang paninindigan niDuterte sa mga kapitalista, aniFerdinand Gaite, ang pambansangpangulo ng Confederation forUnity, Advancement and Recogni-tion of Government Employees(Courage).

Hindi rin nila pinalampas anghungkag na mga hakbang ni Dutertetulad ng ban nito sa pagtatrabahosa Kuwait at panawagang umuwi nalamang ang mga migranteng Pilipinoroon. Kinutya nila ang kawalang-plano ng rehimen lalupa't tuluy-tuloy ang pagkawasak ng mgatrabaho sa loob ng bansa. Anila, nihindi nito mabigyan ng alterna-tibong trabaho ang 36,000 mang-gagawang nawalan ng hanapbuhaynang ipasara nito ang isla ngBoracay.

Kasabay ng kanilang mga pa-nawagan para sa disente at re-gular na trabaho, nangako angmga manggagawa na lalabanan atbibiguin nila ang tiranya at ha-ngarin ni Duterte na pairalin angpasistang diktadura sa buongbansa. Dapat matigil na ang pa-mamaslang sa mga unyonista atlider manggagawa, panggigipit atpagtugis sa mga kalaban sa puli-tika at ang pagsupil sa mga lehiti-mong karapatan ng mamamayan.

Sa Davao City, nagmartsa angmay 3,000 raliyista sa pangunahinglansangan ng syudad. Kabilang ditoang mga myembro ng tatlong mala-laking pederasyon ng paggawa—angKMU-Southern Mindanao Region,Partido ng Manggagawa-Nagkaisa,SENTRO-Nagkaisa. Kasama nila angmga magbubukid, maralitang lunsodat estudyante ng University of thePhilippines-Mindanao.

Sa Compostela Valley, iba'tibang unyon ang nagbarikada sakahabaan ng pambansang hayweyng bayan ng Nabunturan makara-ang harangin sila ng mga pulis atsundalo na tumuloy sa Davao Citypara dumalo sa rali-protesta. Ayon

Mga grupo ng paggawa,nagkaisa sa Mayo Uno

Sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa, tumingkad ang pagka-kaisa ng mga grupo ng paggawa laban sa kontra-manggagawang

rehimen ni Rodrigo Duterte. Kinundena nila ang walang-tigil napanggagantso ni Duterte sa mga manggagawa, laluna sa kanyang bigongpangakong wakasan ang kontraktwalisasyon.

kay Eliazar Diayon, tagapangulo ngMaparat Montevista Workers Uni-on, nagsagawa ng barikada ang 600manggagawang mula sa walonglokal na unyon na papunta sana saDavao.

Sa Panay, pinamunuan ng KMUang rali ng mahigit 2,000 katao saIloilo City na nilahukan ng mgamanggagawa, magsasaka, marali-tang lunsod, estudyante at mga ka-tutubong Tumanduk.

Sa Southern Tagalog, nagtiponang mga manggagawa at mga taga-suporta nila sa Crossing Calamba,Laguna. Samantala, sa Bicol, hina-rang ang mga sasakyan ng mgaraliyista papuntang Masbate Citymalapit sa kampo ng 507th PoliceProvincial Mobile Force. Pagdada-hilan ng pulis, sobra-sobra diumanoang mga sakay nito. Pinilit pa silangmagbayad ng P1,500/sasakyan. SaNaga City, 500 lamang ang nakalu-sot at nagrali sa syudad dahil hina-rang ng mga pulis ang apat na dyipsa bayan ng Tinambac. May rali-protesta rin sa Legazpi City, Albay;Daet, Camarines Norte; SorsogonCity at Catanduanes.

Nagkaroon din ng mga pagkilossa Baguio, Cebu, Tacloban at Caga-yan de Oro.

Sa ngalan ng InternationalLeague of Peoples' Struggle (ILPS),binati ni Prop. Jose Maria Sisonang mga manggagawa. Sinabi ni-yang sinusuportahan ng ILPS ang"mga pangunahing panawagan pa-ra wakasan ang kontraktwalisa-syon, para sa pambansang mini-mum na sahod, para sa mas maa-yos na serbisyong panlipunan, atpara sa negosasyong pangkapaya-paan sa konteksto ng nagaganapna digmaan sa pagitan ng reaksyu-naryong estado at ng rebolusyo-naryong pwersa ng sambayananpara kamtin ang makatarungan atmatibay na kapayapaan."

Page 5: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

ANG BAYAN Mayo 7 , 2018 5

Ika-200 kaarawan ni Karl Marx, ginunita

GINUNITA ANG IKA-200 anibersaryo ng kapanganakan ng pinakada-kilang guro ng proletaryo, si Karl Heinrich Marx noong Mayo Mayo 5 sa

pamamagitan ng pakikiisa sa internasyunal na kampanya na tinaguriang#Marx200 #ChangetheWorld sa University of the Philippines-Diliman saQuezon City.

Pagkatapos ng talakayan sakanyang makulay na buhay sa te-mang "Advance the Legacy ofMarxism," nagmartsa ang daan-daang aktibista patungong UP Ca-rillon (pangmusikang kalembang)kung saan tinugtog sa ang panda-igdigang awitin ng mga manggaga-wa sa buong daigdig, ang Interna-tionale. Mahabang panahon nanghindi tumutugtog ang Carillon.

Isang araw bago nito, Mayo 4,inilabas ang espesyal na isyungmagasin ng Ang Bayan, ang upisyalna rebolusyonaryong pahayagan ngPartido Komunista ng Pilipinas(Marxismo-Leninismo-Maoismo), nanagtampok sa buhay at pakikibakani Marx at kanyang mga impluwen-sya sa kilusang manggagawa at sakilusan para sa pambansang de-mokrasya na may sosyalistang

perspektiba. Sa isyung ito, mayambag na artikulo si Kasamang JoseMaria Sison, pangulong tagapagta-tag ng Partido Komunista ng Pilipi-nas na pinamagatang "Nagpapa-tuloy na Bisa at Sigla ng Marxismo."Ang magasin ay bahagi ng isang-taong pagdiriwang ng PKP saokasyon. Sa mga larangang gerilyasa iba't ibang bahagi ng bansa,nagkaroon din ng mga pag-aaral atpagtatanghal.

Samantala, sa syudad ng Tri-er, Germany, pinasinayaan angbahay kung saan ipinanganak angtinatawag ng mga upisyal ng gub-yerno na isang "dakilang anak nglunsod" na siyang nagbunyag samga kasamaan ng ika-19 siglongkapitalismo at nanawagang dapatbaguhin ang mundo para sa mgaproletaryado.

Laban ng mgamanggagawa sa

kontraktwalisasyon

NAGPIKET NOONG MAYO 3 ang35 manggagawang kontraktwalng Pearl Islands Commercial Cor-poration sa Barangay Manresa,Quezon City na iligal na tinanggalng kumpanya noong Abril 30.

Ayon sa mga manggagawa,basta na lamang silang hindi pi-nayagang pumasok sa trabahonoong Mayo 2. Idinadahilan ngmaneydsment na nagsara naumano ang ahensya na nag-kontrata sa kanila at sa bagongagency na lamang umano mag-aplay.

Duda ng mga manggagawa,tinanggal sila dahil sa kanilangnaunang reklamo na hindi paghu-log ng kanilang kontribusyon saSocial Security System sa kabilang buwanang kaltas sa kanilangsahod. Bukod dito, lagi ring ku-lang ang kanilang 13th monthpay, walang night differential, atwala ring bayad ang ilang oras ngkanilang overtime.

Ang Pearl Islands ay kumpan-yang nagsusuplay ng mga pamba-lot ng pagkain para sa iba't ibangfastfood.

Tinuligsa naman ng KilusangMayo Uno (KMU) ang pagpirmani Rodrigo Duterte ng ExecutiveOrder (EO) 51 noong Mayo Unona magtatapos umano sa iligalna contracting at subcon-tracting.

Panlilinlang ang pagpirma niDuterte ng EO 51 sa layong pahu-pain ang galit ng mga manggaga-wa. Sa katunayan, inulit lamangnito ang mga probisyong datinang nakasaad sa Labor Code, sakonstitusyon, at sa mga diuma-no'y pinaunlad na mga Depart-ment of Labor and EmploymentOrder. Hindi winawakasan ng na-turang EO ang kontraktwalisa-syon bagkus ay ipinagpapatuloylamang ito.

PKP, binati ang pagpupulong ng North at South Korea

NAKIISA ANG Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryongpwersa sa pagpupugay at pagdiriwang ng mamamayang Korean sa maka-saysayang pulong ng lider ng North Korea na si Kim Jong Un at ng SouthKorea na si Moon Jae-in sa Panmunjeom noong Abril 27.

Magkasamang inilabas ng dalawang Korean lider ang "PanmunjeomDeclaration para sa Kapayapaan, Kasaganahan at Pagkakaisa ng KoreanPeninsula" na nagsasaad na "hindi na muling magkakaroon ng digmaan saKorean Peninsula."

Winakasan ng deklarasyon ang 65 taon ng armistice (kasunduan sapagtigil ng labanan) at bangayan sa pagitan ng dalawang bansang Korea nainiluwal ng panghihimasok ng imperyalismong US sa Korean Peninsula sapagtatapos ng World War II (1945-1951).

Bagamat binigyan ng deklarasyon ng puwang na makasali ang China atUS, pinagtibay nito ang "prinsipyo ng pagpapasya para sa kapalaran ng mgabansang Korean ayon sa kanilang kasunduan." Pinatitibay nito ang panawa-gan ng mga mamamayang Korean para palayasin ang lahat ng pasilidad ngUS sa Korean Peninsula. Pinatitibay din nito ang panawagan para wakasanang mga parusa sa North Korea na pinangungunahan ng US.

Malaking tagumpay para sa mamamayang Korean ang deklarasyon nanagtitigil ng digmaan. Magbibigay daan ito sa muling pagsasama ng mgapamilyang hinati ng digmaan.

Page 6: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

Mayo 7 , 2018 ANG BAYAN6

Para pag-takpan ang ka-nilang krimen,pinalabas ngmilitar na isang"child soldier" omenor de edadna Pulang man-dirigma si Acto.Mariin itong pi-nasinungalinganng kanyang mgamagulang, mgakamag-anak atmaging ng mgaka-eskwela. Ayonkay Jay Apiag, tagapagsalita ngKARAPATAN-South Mindanao Re-gion, ang kaso ni Acto ay walangpinagkaiba sa nauna nang mga ka-so nina Grecil Buya at RoqueAntivo, mga batang binaril at na-patay din ng militar at pinagbinta-ngang myembro ng BHB pagkata-pos.

Noon namang Abril 29, isangparing Katoliko ang pinaslang ngmga hindi pa nakikilalang mga sa-larin. Binaril at napatay si Fr.Mark Ventura sa harap mismo ngkanyang kongregasyon matapossiyang magmisa sa Barangay Pena,Peña Weste, Gattaran, Cagayan.Si Fr. Mark Ventura ay residenteng Barangay Naruangan, Tuao,Cagayan at nakatalaga bilang kuraparoko ng San Isidro LabradorMission Station sa Barangay Ma-buno ng parehong bayan. Pinunorin siya ng misyon para sa mgamigrante ng Diocese ng Tuguega-rao. Mahigpit na kinundena ngCatholic Bishops Conference of the

Philippines (CBCP)ang pagpaslangkay Fr. Ventura.Ayon kay DavaoArchbishop Ro-mulo G. Valles,tagapangulo ngCBCP, kilala rin siFr. Ventura sakanyang adboka-siya laban sapagmimina atpagtulong sa mgakatutubo sa Ca-gayan. Ang brutal

na pagpaslang sanasabing pari ay ikinagalit hindilamang ng maninimba mula sakanyang parokya kundi maging ngiba pang indibidwal at sektor nglipunan. Pangalawang paring pi-naslang na si Fr. Mark Ventura saloob lamang ng apat na buwan.Noong nakaraang Disyembre, si Fr.Marcelito Paez ng Nueva Ecija,isang aktibistang pari, ay pinataymatapos niyang tulungang maka-laya ang isang aktibistang magsa-saka na nakakulong.

Malawakang pambobomba. SaMindanao, tuluy-tuloy ang pambo-bomba ng AFP sa mga sibilyang ko-munidad bilang ganti sa mga arma-dong aksyon ngng Bagong HukbongBayan. Noong Abril 27, sa ganap naala-una ng umaga, kinanyon ng mgaelemento ng 1st ID ang Dapiwak atiba pang matataong komunidad saDumingag, Zamboanga del Sur. Itoay matapos makasagupa ng mgaelemento ng 1st ID ang isang yunitng BHB-West Mindanao Region sa

Bata, pinatay ng AFP

Barangay Saad, Dumingag, bandangalas-2 ng hapon noong Abril 26.Ang pambobomba ay bahagi ngmalawakang militarisasyon na isi-nasagawa ngayon ng mga yunit ng1st ID sa mga bayan ng Zamboangadel Sur, Zamboanga del Norte atMisamis Occidental. Kasabay nito,naghulog ng 38 bomba ang 1st IDsa mga bayan sa baybayin ng Si-nacaban at Jimenez sa MisamisOccidental mula alas-9 ng gabihanggang alas-4 ng umaga noongAbril 26.

Pambobomba rin ang nagingsagot ng AFP sa ambus na inilunsadng BHB sa Davao Oriental noongAbril 26. Sa araw ding iyon, dala-wang oras na walang-habas na ki-nanyon ng 28th IB ang mataongpopulasyon ng Barangay San Isidroat Likop sa karatig na syudad ngMati kung saan ilang kabahayan attaniman ang nawasak. Sinundan itong isa pang panganganyon na tu-magal nang tatlong oras hangganghatinggabi. Napilitang lumikas angmay limampung pamilya dahil dito.

Lider Moro, tinortyur sa US.Ikinulong at tinortyur sa US si Je-rome Alladin Succor Aba, Pamban-sang Tagapangulo ng Suara Bang-samoro (Voice of the Moro People)at Pangalawang Tagapangulo ngSandugo Movement of Moro AndIndigenous People for Self-Deter-mination. Si Aba ay arbitraryongidinetine ng mga upisyal ng US saSan Francisco Airport noong Abril17. Dineport siya sa Pilipinas sasumunod na araw.

Nagtungo si Aba sa US sa imbi-tasyon para magsalita sa mga pag-titipon na inorganisa ng UnitedMethodist Church, ang Sisters ofMercy of the Americas, at angtsapter ng International Coalitionon Human Rights in the Philippines.Dahil dito, hindi nakadalo si Aba sa

Isang 15-anyos na estudyante ang binaril at napatay ng nag-ooperasyongmga elemento ng 39th IB at 2nd Scout Ranger Battalion ng Eastern Min-

danao Command sa Astorga, Santa Cruz, Davao del Sur noong Abril 21. Na-patay si Jhun Mark Acto, isang estudyante ng Grade 8 sa Ricardo L. IpongNational High School sa Old Balatukan, Makilala, North Cotobato. Nagpuntalamang siya sa Astorga upang magbakasyon at tumulong sa kanyang mga ma-gulang sa pagkokopra.

Page 7: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

ANG BAYAN Mayo 7 , 2018 7

16th National Ecumenical Advo-cacy Days na ginanap sa Was-hington DC upang talakayin angkarapatang-tao sa Pilipinas atepekto ng ayudang militar ng USsa mamamayang Pilipino lalunasa Mindanao. Itinuring at tinratong US Homeland Security si Abana isang banta sa pambansangseguridad.

Dumanas ng tortyur si Aba saloob ng 28 oras na hinawakan si-ya ng mga upisyal ng US. Pwer-sahan siyang pinaghubad ng da-mit habang nakatutok sa kanyaang electric fan at pinosasan ha-bang iniinteroga. Hindi siya pina-pakain at pinapainom at sinabi-hang babarilin oras na magtagalsa loob ng palikuran. Iligal na hi-nalughog ang kanyang mga per-sonal na gamit at iligal na nanga-lap ng impormasyon sa kanyangmga gadget. Kinutya pa ang kan-yang relihiyon nang sadyang ihi-nain sa kanya ang karneng ba-boy. Pinararatangan siyang tero-ristang komunista. Ang munti la-mang niyang paggalaw ay agadna ikinagalit ng mga upisyal.Dagdag pa sa mga karanasangito, isinalaysay din ni Aba na saloob ng kwartong pinagkulungansa kanya ay sadya din silang nag-lagay ng baril at granada. Nila-bag din ang kanyang sibil atpampulitikang karapatan sa pag-kakait sa kanya ng akses sa abu-gado at organisasyong nagta-tanggol sa karapatang-tao.

Ayon kay Cristina Palabay,pangkalahatang kalihim ngKARAPATAN, ang ginawa kay Abaay maihahalintulad sa tortyur naisinasagawa ng US sa mga bilang-go nito sa Guantanamo at ibapang kulungan. Tinrato siyang "e-nemy combatant," isang kategor-ya sa mga sibilyang inaakusahannilang terorista, para bigyan-kat-wiran ang iligal na pag-aresto,walang taning na pagkulong atpagpapahirap sa kanila.

Mga gradweyt ng K-12,saan patungo?

Noong nakaraang buwan, nagtapos ang unang bats ng mga estudyanteng senior high school (SHS) sa ilalim ng programang K-12. Mahigit

1.2 milyong kabataang estudyante ang magtatapos sa paniniwalang maaarina silang magtrabaho kahit hindi na sila magpatuloy sa kolehiyo.

Pero noon ding nakaraang bu-wan, pinasinungalingan mismo ngreaksyunaryong gubyerno ang pa-hayag nito na hindi na kinakaila-ngang magkolehiyo ang mga nag-tapos ng SHS. Anito, kakailanganinpa silang sanayin at bigyan ng sa-pat na kakahayan para makahanapng trabaho. Inaamin ngayon ngreaksyunaryong gubyerno na nag-dadalawang-isip ang kalakhan ngmga kapitalista na mag-empleyong mga bagong nagsipagtapos ngSHS dahil "hindi pa handa" angmga ito.

Noong 2016, ipinatupad ngnoo'y bagong-upong rehimeng Du-terte ang programa para sa SHSmatapos maisabatas ang K-12 no-ong 2013. Ang 12-taong programasa edukasyon ay ipinalabas namag-aangat sa batayang edukas-yon ng bansa sa "internasyunal namga pamantayan." Pero noon paman ay malinaw na isa itong pata-karan para mabilis na makapag-palitaw ang bansa ng mura at ki-ming mga manggagawa. Layuninnitong ihanda ang kabataang Pili-pino na magtrabaho sa edad na

18—ang minimum na edad na iti-nakda ng batas para sa paggawa.

Lumilitaw na ilusyon lamangang layuning ito. Ayon sa isangpag-aaral na isinagawa nitongAbril, 24% lamang sa mga kapita-lista sa pagmamanupaktura, ser-bisyo, pagtitingi, paggawa ng ma-kina at ekwipment, at businessprocess outsourcing (BPO) anghandang mag-empleyo ng mga ba-gong gradweyt ng SHS. Ayon pa saulat, 35% ng mga kapitalista angnagsabing hindi sila handang mag-empleyo ng mga aplikanteng nag-tapos pa lamang ng K-12, habang41% naman nagsabing pinag-aa-ralan pa nila ito. Sa isa pang sar-bey, isa lamang sa bawat limangkumpanya ang handang mag-empleyo ng mga nakapagtapos ngSHS.

Pinatampok ng dalawang pag-aaral na hindi nagbago ang mgapatakaran ng kalakhan ng mgakumpanya sa pag-empleyo at na-nanatiling isa sa mga pangunahingkwalipikasyon nila ang pagtataposng kolehiyo. Sinasabi ng mga ka-pitalista na kulang o hindi nai-

Page 8: cpp.ph · kop ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Tinu-tugis ang mga kilalang lider at akti-bistang magsasaka. Parami nang pa-rami ang kaso ng ekstrahudisyal

Mayo 7 , 2018 ANG BAYAN8

Kalayaan sa pamamahayag, ipinaglaban

Noong Mayo 3, ginunita ng mga mamamahayag sa Pilipinas ang Arawng Malayang Pamamahayag sa pamamagitan ng pagkundena sa mga

atake ni Rodrigo Duterte sa kanilang propesyon at pagpapalaganap ngkanyang rehimen ng pekeng mga balita para tabunan ang mga krimen atanomalya nito.

Ilang araw bago nito, binarilang mamamahayag sa radyo na siEdmund Sestoso, 50, habang pauwisa kanyang bahay sa Barangay Da-ro, Dumaguete City noong Abril 30.Namatay siya kinabukasan. Datingpresidente ng National Union ofJournalists in the Philippines(NUJP) sa Negros si Sestoso, at ki-lala sa kanyang programang kontra-korapsyon.

Ayon sa NUJP, pang-siyam na siEstoso sa mga mamamahayag na pi-natay sa ilalim ng rehimeng Duterteat pang-186 simula nang "ibalik"ang demokrasya matapos bumagsakang diktadurang Marcos noong1986. Kabilang ang kaso ni Sestososa 85 kasong naitalang mga atakeat pagbabanta laban sa mga mama-mahayag sa unang 22 buwan ni Du-terte. Liban sa siyam na kaso ng pa-mamaslang, ang iba pang mga kasoang sumusunod: 16 na kaso ng libel,

14 kaso ng panggigipit sa internet,pagbabanta sa buhay (11), tang-kang pagpagpaslang at panggigipit(parehong tig-6 na kaso), panana-kot (5), pambubugbog (4), pag-ata-ke sa mga website (4), cyber libel(3), pagbabawal na magbalita (3),pagbawi ng mga papeles (2), istra-ping (1) at berbal na pang-aabuso(1). Karamihan ng mga biktima aynasa radyo, kasunod ang mga ma-mamahayag na nasa internet.

Napapanahon ang paggunita saAraw ng Malayang Pamamahayag sapanahon ng paparaming mgaresktriksyon dito. Noon pang naka-raang taon, nilimita na ng rehimenang pagbabalita ng midya sa maha-halagang pangyayari sa bansa. Ka-bilang dito ang resktriksyon sacoverage at kilos ng midya sa Ma-rawi habang at matapos itong bom-bahin ng AFP. Hanggang ngayon,nananatiling balot ng mga kasinu-

ngalingan at disimpormasyon angmga pangyayari sa syudad, lalunaang tunay na bilang ng mga patayat nawawala dulot ng pambobomba.Muling malawakang naglimita angrehimen sa pamamahayag nangobligahin nitong "magparehistro"ang mamamahayag para makapasoksa Boracay, matapos nitong arbit-raryong isara ito sa ngalan ng "re-habilitasyon." Nitong huli, inililimitana rin ang pagbabalita ng midya saisasagawang Balikatan exercises saCagayan at Isabela, mga lugar nakasalukuyang inooperasyon at mi-nimilitarisa ng AFP.

May mga restriksyon kahit sapagdalo sa mga press conference.Noong Abril 28, pinagbawalan ngMalacañang na dumalo sa mgapress conference nito ang dayuhangmamamahayag habang nakikipag-pulong sa mga bansang ASEAN saSingapore. Sa Kongreso, nagpanu-kala pa ang mga kaalyado ng rehi-men sa "supermayorya" na pagba-walan ang midya na ibalita ang kri-tisismo at puna ng oposisyon sakanila.

bibigay ng SHS ang kinakailangangpagsasanay sa layuning bawasanang halaga ng lakas-paggawa ngmga bagong nagtapos dito.

Ang mga nagtapos ng K-12 nanagpasyang pumasok sa pwersa ngpaggawa ay maghahanap ng tra-baho sa kalagayang kulang na ku-lang ang nalilikhang trabaho at la-long lumalawak ang dagat ng wa-lang hanapbuhay. Makikipag-aga-wan sila sa mahigit sampung mil-yong Pilipinong wala o kulang angtrabaho. Sa datos ng gubyerno, ka-bilang sa mga walang trabaho ang478,000 na nagtapos ng kolehiyo,374,000 na nakapagkolehiyo at178,000 na kumuha ng ibang kursopagkatapos ng hayskul.

Sa pagpasok ng mga bagongnagsipagtapos sa SHS sa pwersa

ng paggawa, lalong lalaki pa angreserbang hukbo ng mga walangtrabaho. Kahit sa datos ng gub-yerno, lumalabas na isa lamang sabawat sampu o higit pang aplikan-te ang matatanggap sa mga callcenter, export processing zone atmall. Ang paglaki ng hukbo ngwalang trabaho ay pabor sa masmapagsamantalang kundisyon ngmga kapitalista. Noong nakaraangtaon, 663,243 trabaho ang nawa-la.

Sa harap nito, mapupwersaang mga nagtapos ng SHS na tu-manggap ng mas mabababang sa-hod at ng mga kontraktwal na kaa-yusan sa trabaho.

Tulad ng ibang manggagawa,ang kawalan ng sapat at disentengtrabaho sa loob ng bansa ay mag-

tutulak sa mga gradweyt ng K-12na mangibang-bayan para lamangmasuportahan ang kanilang mgasarili at pamilya. Nitong nakaraanmga taon, pinakamarami ang mgamanggagawang 25-29 taong gu-lang sa mga nangibang-bayan.

Sa gayon, madilim ang hinaha-rap ng mga nagsipagtapos ng K-12at maging ng kolehiyo. Sa ilalim ngkasalukuyang rehimen na nagpa-patuloy ng dati nang mga pataka-rang neoliberal, tiyak pang lulubhaang kawalan at kakulangan ng tra-baho. Inaasahan din na dadamiang bilang ng mga mawawalan ngtrabaho hanggang walang ipina-tutupad na makabuluhang repor-ma para sa pambansang industri-yalisasyon na susi sa paglikha ngsapat na lokal na trabaho.