7
I nianunsyo kamakailan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Ma- lacañang ang kanilang tantyang mawawakasan na ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa kalagitnaan ng susunod na taon. Malaki na diu- mano ang inihina ng mga larangang gerilya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa saklaw ng Silangang Mindanao—tinutukoy ang dalawang rehiyon sa silangang Mindanao—Southern at Northeastern Mindanao. Hindi raw nila pinuproblema ang mga rehiyong nasa kanluran—Far South at Western Mindanao —dahil mga kanugnog ng mga Moro kaya daw hindi kayang makapagpalakas. Tinataya rin nilang mas makapagpapalakas pa sa rehiyon ng North Central Mindanao. Tina- gurian namang “ragtag” o lubhang mahina at kalat-kalat ang mga yunit ng BHB sa mga rehiyon ng Visayas at Luzon maliban sa Samar at Quezon. Malayo sa hinagap na magma- teryalisa ang kanilang pagtaya. Sa kabilang banda indikasyon naman ito ng kanilang pagkabahala sa North Central Mindanao, Eastern Visayas (Samar) at Southern Taga- log (Quezon). Ikinasa ng pasistang AFP ang huling-kwartong opensiba para sa kanilang target na taning sa susu- nod na taon. Naghahabol at kuma- kalampag ang pasistang militar ng todong pagpapaigting ng kontrare- bolusyonaryong gera kasabay ng malawakang pagsupil at pag-atake sa mga organisasyon at paglaban ng masa ng sambayanan at mga reak- syunaryong karibal ni Rodrigo Du- terte sa pulitika. Bahagi sa malakihang pakana ng AFP ang mas malawakang panghihi- masok sa eleksyong midterm sa 2019. Bago pa man, sige nang pi- naiigting ng AFP ang anti-komunis- tang pananakot, "Red-tagging," mga paninira at intriga, atake at panunupil sa mga progresibong or- ganisasyon at partido. Pinatitindi ang militarisasyon, pananakot at panggigipit sa mga baryo, komuni- dad, pabrika, eskwelahan at iba pang lugar na tinatayang malakas ang suporta ng mga progresibong kandidato at organisasyong party list. Garapal na binabalewala at si- nasagasaan ng pasistang militar ang mga batas laban sa kanilang pang- hihimasok at pagkampi sa eleksyon. Alinsunod sa National Task Force to End Communist Insurgency (NTF) at 12 Pillars ng National Internal Security Plan (NISP) ng 2018, malamang na gagamitin din ang mga yunit at operasyong militar gayundin ang iba pang kampanya at proyektong paniktik, sikolohikal at propaganda para suportahan ang mga kandidatong pinapaburan ng AFP at pangkating Duterte at taku- tin, gipitin, atakehin ang mga kan- didatong itinuturing ng AFP na hindi mapagkaibigan sa kanila. Layunin din ng huling-kwartong opensiba na guluhin at hadlangan ang mga pagdiriwang sa ika-50 taong anibersaryo ng muling pag- kakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP.) Mayroong pansamantalang pag- atras at pinsala sa ilang rehiyon sa Mindanao. Subalit nananaginip nang gising ang pasistang militar na ipangalandakang estratehikong pagkatalo na ito ng rebolusyonar- yong kilusan. Labis nilang mineme- nos ang lalim ng ugat sa masa ng rebolusyonaryong kilusan, gayundin ang determinasyon ng PKP at BHB na pangibabawan ang kasalukuyang mga kahirapan. Tiwala ang Partido at hukbong bayan na mapapangi- babawan ang pansamantalang pag- atras sa pamamagitan ng matatag na pagwawasto sa mga kahinaan at kakulangan. Sa kabila ng pagtatakip at pag- tatatwa ng AFP, matatag na sumi- sigla ang armadong pakikibaka sa iba’t ibang panig ng bansa. Tiyak na lalo pang susulong sa Mindanao ang malaganap at masinsing pakikidig- mang gerilya batay sa patuloy na lumalawak at lumalalim na baseng masa at bibiguin ang kontra-rebo- lusyonaryong todong gera ng pa- sista at papet na rehimeng Duterte. Tiyak ding susulong ang mga rehi- yon sa Mindanao na labis na mina- maliit ng AFP, gaya ng ipinakita ng

cpp.ph · Mindanao—Southern at Northeastern Mindanao. Hindi raw nila pinuproblema ang mga rehiyong nasa kanluran—Far South at Western Mindanao —dahil mga kanugnog ng mga Moro

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

    Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANG

    Espesyal na Isyu

    Nobyembre 27, 2018

    www.phi l ippinerevolution. info

    Inianunsyo kamakailan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Ma-lacañang ang kanilang tantyang mawawakasan na ang rebolusyonaryongarmadong pakikibaka sa kalagitnaan ng susunod na taon. Malaki na diu-mano ang inihina ng mga larangang gerilya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sasaklaw ng Silangang Mindanao—tinutukoy ang dalawang rehiyon sa silangangMindanao—Southern at Northeastern Mindanao. Hindi raw nila pinuproblemaang mga rehiyong nasa kanluran—Far South at Western Mindanao —dahil mgakanugnog ng mga Moro kaya daw hindi kayang makapagpalakas. Tinataya rinnilang mas makapagpapalakas pa sa rehiyon ng North Central Mindanao. Tina-gurian namang “ragtag” o lubhang mahina at kalat-kalat ang mga yunit ng BHBsa mga rehiyon ng Visayas at Luzon maliban sa Samar at Quezon.

    Malayo sa hinagap na magma-teryalisa ang kanilang pagtaya. Sakabilang banda indikasyon namanito ng kanilang pagkabahala saNorth Central Mindanao, EasternVisayas (Samar) at Southern Taga-log (Quezon).

    Ikinasa ng pasistang AFP anghuling-kwartong opensiba para sakanilang target na taning sa susu-nod na taon. Naghahabol at kuma-kalampag ang pasistang militar ngtodong pagpapaigting ng kontrare-bolusyonaryong gera kasabay ngmalawakang pagsupil at pag-atakesa mga organisasyon at paglaban ngmasa ng sambayanan at mga reak-syunaryong karibal ni Rodrigo Du-terte sa pulitika.

    Bahagi sa malakihang pakana ngAFP ang mas malawakang panghihi-masok sa eleksyong midterm sa2019. Bago pa man, sige nang pi-naiigting ng AFP ang anti-komunis-tang pananakot, "Red-tagging,"mga paninira at intriga, atake at

    panunupil sa mga progresibong or-ganisasyon at partido. Pinatitindiang militarisasyon, pananakot atpanggigipit sa mga baryo, komuni-dad, pabrika, eskwelahan at ibapang lugar na tinatayang malakasang suporta ng mga progresibongkandidato at organisasyong partylist. Garapal na binabalewala at si-nasagasaan ng pasistang militar angmga batas laban sa kanilang pang-hihimasok at pagkampi sa eleksyon.

    Alinsunod sa National TaskForce to End Communist Insurgency(NTF) at 12 Pillars ng NationalInternal Security Plan (NISP) ng2018, malamang na gagamitin dinang mga yunit at operasyong militargayundin ang iba pang kampanya atproyektong paniktik, sikolohikal atpropaganda para suportahan angmga kandidatong pinapaburan ngAFP at pangkating Duterte at taku-tin, gipitin, atakehin ang mga kan-didatong itinuturing ng AFP na hindimapagkaibigan sa kanila.

    Kilalanin at biguinang kontrarebolusyonaryong gerang rehimeng US-DuterteKomite Sentral

    Partido Komunista ng Pilipinas

    Layunin din ng huling-kwartongopensiba na guluhin at hadlanganang mga pagdiriwang sa ika-50taong anibersaryo ng muling pag-kakatatag ng Partido Komunista ngPilipinas (PKP.)

    Mayroong pansamantalang pag-atras at pinsala sa ilang rehiyon saMindanao. Subalit nananaginipnang gising ang pasistang militar naipangalandakang estratehikongpagkatalo na ito ng rebolusyonar-yong kilusan. Labis nilang mineme-nos ang lalim ng ugat sa masa ngrebolusyonaryong kilusan, gayundinang determinasyon ng PKP at BHBna pangibabawan ang kasalukuyangmga kahirapan. Tiwala ang Partidoat hukbong bayan na mapapangi-babawan ang pansamantalang pag-atras sa pamamagitan ng matatagna pagwawasto sa mga kahinaan atkakulangan.

    Sa kabila ng pagtatakip at pag-tatatwa ng AFP, matatag na sumi-sigla ang armadong pakikibaka saiba’t ibang panig ng bansa. Tiyak nalalo pang susulong sa Mindanao angmalaganap at masinsing pakikidig-mang gerilya batay sa patuloy nalumalawak at lumalalim na basengmasa at bibiguin ang kontra-rebo-lusyonaryong todong gera ng pa-sista at papet na rehimeng Duterte.Tiyak ding susulong ang mga rehi-yon sa Mindanao na labis na mina-maliit ng AFP, gaya ng ipinakita ng

  • Nobyembre 27 , 2018 ANG BAYAN2

    Espesyal na Isyu | Nobyembre 27, 2018

    Ang Ang Bayan ay ini la lathala

    dalawang beses bawat buwan

    ng Komite Sentral ng

    Partido Komunista ng Pi l ipinas

    at pagsidhi ng pyudalismo. Nagpa-patuloy ang pagkaatrasado ng agri-kultura at kawalan ng sariling in-dustriya, palaasa sa dayuhang pa-mumuhunan at talamak na pagbe-benta ng lakas-paggawang Pilipinosa ibang bansa.

    Ang pundamental na mga kahi-naan ng bulok na reaksyunaryongnaghaharing sistema at pasistang

    militar ay malawakang natat-ransporma sa materyal na pwersang rebolusyon para biguin ang pa-sistang pananalakay, pabilisin paang pagkakalantad, pagkakahiwalayhanggang sa pagbagsak ng rehi-meng Duterte, ibayong palakasinang sarili at isulong ang demokrati-kong rebolusyong bayan sa masmaunlad na antas.

    instagram.com/sine.proletaryo

    @prwc_info

    fb.com/groups/prwcnewsroom

    [email protected]

    Western Mindanao noong dekada1980 at ng Far South Mindanaonoong 2016.

    Hindi tumatalab ang sari-saringmga taktika at pakana ng AFP nahati-hatiin ang hukbong bayan atrebolusyonaryong kilusan. Paulit-ulit na pinatutunayan ng BHB sabuong bansa na tunay itong rebo-lusyonaryong hukbo na lubos nanakalaan sa pakikipaglaban para sapambansa at demokratikong interesng bansa at sambayanan, mahigpitna mahigpit na nakapailalim sa ab-solutong pamumuno ng Partido Ko-munista ng Pilipinas at may istruk-tura ng kumand mula sa pamban-sang antas hanggang sa antas ngmga yunit.

    Mabilis na tumitindi ang galit ngmamamayang biktima ng mga pa-sistang krimen at sari-saring kalu-pitan at karahasan, gayundin nggarapal na panlilinlang ng pasistangrehimen. Hindi maikakaila ang mgapalatandaan ng ibayong paglalim ngkrisis ng naghaharing sistema. Tu-luy-tuloy ang pagtaas ng presyo ngmga bilihin, pagkain, langis at ibapang pangangailangan. Labis napabigat ang bagong pataw na mgabuwis, habang kinakaltasan angnakalaan sa mga serbisyong sosyal.Tuluy-tuloy ang paglobo ng utangpanlabas, paglaki ng depisito sabadyet at paglala ng disempleyo.Laganap na pangangamkam ng lupa

    Ang National Task Force (NTF)at ang tinaguriang whole-of-nation approach

    NITONG NOBYEMBRE 1, inianunsyo ng Malacañang ang pagbubuo ng Natio-nal Task Force to End Communist Insurgency (NTF) batay sa rekomendasyonng AFP. Ito diumano ang magpapatupad ng estratehiyang whole-of-nationapproach at sa NISP 2018. Ang WoN ay katawagang sinimulan sa 2011-2016Oplan Bayanihan. Ito diumano ang ipinalit sa estratehiyang Clear-Hold-Con-solidate-Develop sa naunang mga "oplan." Nais nitong palabasin na ang"kontra-insurhensya" ay laban ng buong bayan.

    Ang katawagang whole-of-nati-on approach ay unang ginamit saOplan Bayanihan at halaw sa "who-le-of-government" na nakasaad saCounterinsurgency Guide ng USState Department noong 2009. Iti-nakdang pangunahing behikulo sawhole-of-nation approach ang mgaPeace and Order Council na kinapa-palooban ng mga kinatawan ng mgalokal na yunit ng reaksyunaryonggubyerno, militar, PhiliipineNational Police (PNP), Office of thePresidential Adviser on the PeaceProcess o OPAPP, Department ofSocial Welfare and Developmentpara sa programang Balik-Loob opagpapasurender sa antas ng mgarehiyon at prubinsya, at iba pangahensya ng gubyerno kung kinakai-langan.

    Pinalalakas ang mga sangkapna operasyong sikolohikal (psyops)at "civil-military" (CMO) ng"kontra-insurhensya." Binuo angPAMANA para sa mga sosyo-ekono-mikong proyekto sa mga laranganggerilya ng BHB na prayoridad natarget na padapain ng pasistangAFP kasabay ng operasyong "intel-ligence-driven" (base sa paniktik)

    na pandurog sa mga yunit ng BHB.Layunin ng psyops na siraan angBHB at rebolusyonaryong kilusan,sa isang banda, at pabanguhin na-man ang reaksyunaryong gubyernoat AFP sa kabilang banda. Ang mgasosyo-ekonomikong proyekto ayisang rekado lamang sa pakete ngpsyops na may mga sangkap namalambot at matigas, mapanuyo atmadugo, para siraan, gipitin, ihi-walay at durugin ang BHB.

    Ilusyon ng malawak na suportang bayan

    Gustong palitawin ng whole-of-nation approach ng AFP na maymalawak na suporta ng bayan angkontra-rebolusyonaryong gera paraipagtanggol ang reaksyunaryo, pa-pet at bulok na sistema. Diumano,buong bayan ang lumalaban sa“communist insurgency,” kaya ino-obligang lumahok ang lahat ngahensya ng gubyerno, mga lokal nayunit ng reaksyunaryong gubyerno,mga NGO (non-governmental orga-nization), at iba pang sinasabingmga stakeholder sa sektor ng nego-syo, iba’t ibang institusyon, mga ko-munidad at iba’t ibang propesyon.

    ANG

  • ANG BAYAN Nobyembre 27 , 2018 3

    Ang katawagang whole-of-na-tion approach ay mapanlinlang napambalot para palabasing pulitikalat hindi militar ang diin ng “kontra-insurhensya” at naglalayon itonglutasin ang ugat ng armadong laba-nan sa pamamagitan ng mahusay napaggugubyerno. Katawa-tawangpagtatangka itong damitan angestratehiyang Clear-Hold-Consoli-date-Develop, gayong patuloy itongginagamit alinsunod saestratehiyang gradual constriction ohakbang-hakbang na pagkupot.

    Pinalalabas na ang pangunahindahilan ng karalitaan at kawalang-pag-unlad ay ang armadong pagla-ban ng BHB. Kaya daw ang paglipolsa BHB ang susi sa pambansangkaunlaran. Menor na sekundaryongisyu lamang ang talamak na korap-syon at kriminalidad sa gubyerno.Layunin nitong bigyang matwid angbrutal na malakihang mga kampan-ya at operasyong militar at ang ma-lawakang pasistang panunupil samamamayan.

    Pagpapailalim ng buong estadosa pasistang militar o de factobatas militar

    Sa mismong pagtatasa ng AFPnoong bandang kalagitnaan ngOplan Bayanihan, inamin nitong bi-gong ipatupad ang whole-of-nationapproach. Tinukoy nila na panguna-hing dahilan ay ang kabiguan nilangmapasunod sa kanilang kumand angmga lokal na yunit ng gubyerno. Ga-yundin, maliit na porsyento lamangang naipatupad sa programa ng PA-MANA bunga ng talamak na korap-syon. Minsanan lamang ang mgaproyektong may katangiang pang-kawanggawa (pamimigay ng binhi,piko, pala, asarol at iba pang katu-lad nito.) Hindi natapos o hindi na-simulan ang mga proyektong kalsa-da (farm-to-market road).

    Kung susundin ang rekomenda-dong whole-of-nation approach bi-lang estratehiya sa "kontra-insur-hensya" ng US, ang pinakamainamdiumano ay kung direktang maha-hawakan ng AFP ang pagpapatakbong mga lokal na yunit ng gubyerno

    at sila mismo ang magpapatupad ngmga sosyo-ekonomikong proyekto(Afghanistan model na malinaw dinnamang nabigo). Kung militarlamang ang masusunod, ang tala-gang gusto nila ay ipailalim sa batasmilitar ang buong bansa. Pero ha-bang walang batas militar, binuo ngAFP ang konsepto ng NTF-12 Pillarsupang maremedyuhan ang sa tinginnila ay problema sa Oplan Bayani-han. Sa NTF, pasasaklawin ang aw-toridad, kontrol at panghihimasokng militar sa mga ahensyang sibil-yan ng reaksyunaryong gubyerno.

    Lapat sa NTF ang kaliwa't ka-nang pagtatalaga ni Duterte sa si-bilyang burukrasya ng mga retira-dong heneral at koronel ng militarat pulis. Wala pang kapantay angkasalukuyang militarisasyon nggubyerno. Bahagi ito ng konsepto niDuterte ng gubyernong "punisher"(malupit) at padrino--ang pakikitu-ngo sa mga pangunahing proble-mang panlipunan sa pamamagitanng maramihang pamamaslang atkamay na bakal.

    Bahagi rin sa NTF ang paksyu-nal na interes ng pangkating Duter-te. Ginagamit ang whole-of-nationapproach para bigyang-matwid atpagtakpan ang konsentrasyon sakamay ng naghaharing reaksyunar-yong paksyon ng lahat ng kapang-yarihan at dambong. Kasabay angpagpapalakas at pag-aalaga sa mili-taristang pangkatin bilang isangpangunahin kundi man pinakamaka-pangyarihang reaksyunaryong pak-syon at haligi ng pasistang rehimen.Kapag tuluyang iniratsada ng pasis-tang rehimeng Duterte, tiyak dinggagamitin ito ng naghaharing pang-katin para mas palawakin ang kani-lang kontrol sa iba't ibang antas ngreaksyunaryong gubyerno at maspalawigin pa ang kontrol nila sa ka-pangyarihan. Hindi ito ang unangpagkakataong na isinangkalan ang"pagtatanggol sa republika" paramonopolisahin ng isang paksyon angreaksyunaryong kapangyarihan atmalawakang supilin ang mamama-yan.

    Kung tutuusin, ang militarisa-

    syon ng mga ahensyang sibilyan,pagmonopolyo ng pangkating Du-terte sa kapangyarihan, pondo, mgaproyekto, kontrol sa lokal na mgayunit ng reaksyunaryong gubyernoat pagpapangibabaw ng ideolohi-yang pasista na pagtatanggol sa“pambansang seguridad” ay pag-papairal na ng batas militar. Sa ila-lim ng ideolohiya ng “pambansangseguridad” ay ipinaiilalim ang buongbuhay ng bansa at mamamayan samando ng preserbasyon ng papet naestado at pagdurog sa mga kalabannito.

    Ang 12 klaster o kulumpon ngiba't ibang ahensya ng gubyerno

    Bubuuin sa ilalim ng NTF ang 12klaster ng iba’t ibang ahensya nggubyerno. Nasa bawat klaster angAFP at PNP. Ang punong klaster ayang Peace and Development klasterna pangunahing hawak ng AFP,PNP, NSC. Ito ay isang disenyoupang ang iba’t ibang ahensya nggubyerno ay tusong ipailalim sakontrol, direksyon, adyenda at ka-gustuhan ng militar. Pakikialamananat mapakikinabangan ng AFP patiang programa, patakaran, prayori-dad, pondo at mga rekurso ng iba’tibang ahensya ng reaksyunaryonggubyerno.

    Matagal nang pinapangarap ngmga pasista at militarista ang ipai-lalim ang lahat ng aspeto ng gub-yerno sa usapin ng "pambansangseguridad," gawing sandatangpansupil laban sa rebolusyonaryongpwersa at mamamayang tumututolang mga serbisyo at tungkulin nggubyerno, gayundin ang mga pro-sesong pampulitika at hudisyal ngreaksyunaryong estado. Ita-transporma at ipaiilalim ang bawatahensya at serbisyo ng reaksyunar-yong gubyerno sa militaristangsentralisasyon, weaponization,psyops, CMO, panikniktik, surbey-lans at pagpapailalim sa progra-mang “kontra-insurhensya."

    Sa 12 na mga klaster at mgatungkulin ng mga ito, litaw ang ku-neksyon at pagpapailalim sa mgamando ng kampanyang militar na

  • Nobyembre 27 , 2018 ANG BAYAN4

    Clear-Hold-Consolidate-Develop nggradual constriction. Sa katunayanang ibang taguri sa mga ito ay"operational cluster," ibig sabihin,sa aktwal, ay bahagi ang mga ito ngoperasyong militar.

    Sa Peace and DevelopmentCluster ay malinaw na itinatakdaang tungkuling ilunsad ang maypokus at sustenidong mga kampan-yang militar laban sa BHB at gamitinang iba pang mga klaster para pag-lingkurin dito.

    Ang Local Government Empo-werment Cluster ay pangungunahanng DILG na pinamumunuan ngayonng retiradong estado mayor ng AFPat pasistang kriminal na si EduardoAño. Layunin nitong itranspormaang iba’t ibang ahensya ng reak-syunaryong gubyerno na nasa ilalimnito bilang isang malaking makinar-yang paniktik laban sa mga rebolu-syonaryong organisasyon at pakiki-baka, gayundin laban sa mga de-mokratikong organisasyon at sa-ma-samang paglaban ng masa napilit na tinatatakang bahagi ng "in-surhensya."

    Ang nangungunang pamantayanng husay ng klaster na ito ay anggaling sa paniniktik sa masa at re-bolusyonaryong pwersa. Pahabol nasalita lamang ang buladas tungkolsa pagwawakas diumano sa korap-syon. Sa likod nito ay pinaglalawa-yan na ng matataas na upisyal ngmilitar at PNP ang magiging partenila sa malaking pondong kanilangmahahawakan para diumano sa“good governance” at serbisyongsosyal at mga proyektong sosyo-e-konomiko. Tiyak na sasaklawin dinng klaster na ito ang pagmanipulasa mid-term elections para maiuposa pwesto ang mga tao ng militar atmga kontrarebolusyonaryong puli-tiko.

    Ang International EngagementCluster naman ay nakatuon labankay Prof. Jose Ma. Sison, Tagapa-ngulong Tagapagtatag ng PKP atchief political consultant ng NDFP,laban sa tanggapang internasyunalng NDFP, gayundin sa mga organi-sasyon at institusyong nagsusulong

    ng tunay na mga interes at pakiki-baka ng masang Pilipino sa labas ngbansa. Nagbuo ng dagdag na sa-ngay sa paniktik na nakatutok labansa NDFP at iba pang progresibongorganisasyon at pormasyon sa iba-yong dagat. Layunin nito na putulinang ugnay ng mga makabayan atdemokratikong organisasyon atpwersang Pilipino sa iba pang prog-resibo, demokratiko at mapagkaibi-gang mga organisasyon, pwersa atinstitusyon sa ibang bansa. Nagpa-pakana rin itong iimbudo sa reak-syunaryong estado ang mga dayu-hang pondo at tulong at sarhan angmga internasyunal na ugnay at tu-long sa mga progresibong organisa-syon.

    Binuo ang Legal CooperationCluster para sa pagkasangkapan samga batas at hukuman bilang san-data sa todong gera. Nakatuon itosa isang panig sa pagpapakana ngkung anu-anong kasong kriminallaban sa mga rebolusyonaryo, prog-resibo at demokratikong organisa-syon at pakikibaka at sa kabilangpanig, sa pangangalaga at garanti-ya ng ligal na proteksyon at impu-nity (kawalan ng pananagutan sabatas) para sa mga pasistang taga-pagpatupad ng todong gera. Pagpa-palawak at institusyunalisasyon itong kinasusuklamang IALAG/IACLA(Inter-Agency Legal Action Com-mittee) na bantog sa paglulubid ngmga kasong kriminal batay sa mgaebidensyang tanim at gawa-gawa atmga testimonyang sinungaling la-ban sa mga progresibong lider ataktibista at mga karaniwang mama-mayang napagdidiskitahan osimpleng naiipit sa mga kampanya,operasyon at pakana ng mga pasis-tang pwersa.

    Tinitipon dito ang mga ahensyang reaksyunaryong gubyerno na ka-bilang sa security sector (AFP/PNP,NICA, ISAFP, IG ng PNP, NBI atNSC) kasama ang Department ofJustice (para sa kontrol sa mga pis-kal, prosekusyon at mga huwes) atang NCIP (diin laban sa mga komu-nidad ng Lumad). Bahagi din nitoang pagpapanukala ng mapanupil

    na mga batas tulad ng National IDSystem (kung walang ID ay agadsuspetsadong terorista o kriminal)at amyenda sa Human Security Act(HSA). Pinalalakas nito ang ka-pangyarihan ng AFP at sumisikil sakarapatan ng napakaraming maaa-ring maging suspetsado sa ilalim ngHSA kabilang na ang mga sumasalisa mga lehitimong protesta, nagpa-pahayag ng kritisismo at disgusto sarehimeng Duterte at mga lumalahoksa mga pakikibakang masa tulak ngmga panlipunang hinaing.

    Ang Strategic CommunicationsCluster naman ay gagawing mala-king makinarayang pansaywar atpaniktik para supilin ang hayag nademokratikong kilusang masa atpara pilayin at lansagin ang kilusanglihim sa kalunsuran. Popokusan nitoang kilusan at organisasyon ng mgakabataan-estudyante, manggaga-wa, maralitang lunsod, kababaihan,guro, taong-simbahan, abugado,negosyante at iba pang demokrati-kong sektor, gayundin ang mga or-ganisasyong karapatang-tao, mgaalyansa at mga progresibongpartylist na target na pigilang ma-kaupo sa kongreso sa eleksyong2019. Nakatutok ang klaster na itosa White Area Operations ayon sakonseptong pang-operasyong RedArea/White Area Operations ngAFP.

    Inaamin ng AFP na epektibo angdemokratikong kilusan at mgaprogresibong organisasyon sa pag-impluwensya ng upinyong publikolaban sa militar kaya dapat supilinat busalan. Sa totoo, ang hayag nademokratikong kilusang masa angkabilang sa pinakamatalas, pinaka-militante at pinakaaktibong kritikong reaksyunaryo at pasistang gub-yerno at AFP dahil sila rin ang pi-nakamasugid na tagapagtaguyod ngtunay na interes ng bayan.

    Nakaamba anumang oras angmalawakang pasistang panunupil saligal at hayag na demokratikong ki-lusan sa kalunsuran. Sistematikongipinatatanggap ito ng AFP/PNP sapubliko sa pamamagitan ng gawa-gawang Red October Plot, pagtata-

  • ANG BAYAN Nobyembre 27 , 2018 5

    tak sa mga eskwelahang sentro diu-mano ng rekrutment ng BHB, at ba-luktot na pagpaparatang na bahaging konspirasiya ang pamamahayagng lehitimong daing at paglaban ngmga manggagawa, maralitang lun-sod, magsasaka at kabataan. Pina-lalabas na puro panlilinlang, mani-pulasyon at sabwatan ng mga kala-ban ng estado ang kilusang masa sahalip na mga lehitimong ekspresyonng malalalim na diskuntento ng ma-mamayan na pawang saklaw ng ka-nilang mga demokratikong karapa-tan. Para sa mga militarista, ang si-nasasabing pampulitikang sangkapng “kontra-insurhensya” ay mani-pulasyon ng upinyong publiko upangtabingan ang mga operasyong pa-niktik, panunupil at pangkombat.

    Ang Basic Services Cluster,Livelihood and Poverty Alleviationklaster at Infrastructure and Reso-urce Management Cluster ay ibaba-ling patungo sa itinuturing na diu-mano'y mga "stronghold" o base ngBHB sa mga liblib at magubat na lu-gar sa hangganan ng mga prubin-sya. Magsasagawa diumano ng"masinsin" pero mababaw at paki-tang-taong mga proyektong sosyo-ekonomiko na hindi naman tumu-tumbok sa pundamental na proble-ma ng masa. Gagamitin ito ng AFPbilang panabing sa kanilang okupa-syon ng maraming komunidad parasa kampanyang gradual constrictionat pagtutulak sa BHB sa mga ma-pagpasyang labanan.

    Tiyak din ang kurakot ng mata-taas na upisyal ng AFP sa malakingpondong hinihingi para dito. Kata-wa-tawang sinisisi ng AFP ang BHBkung bakit hindi mahusay na maide-liber ng reaksyunaryog gubyernoang mga saligang serbisyo, gayun-din ang mga proyektong pangkabu-hayan sa kanayunan. Ang totoo,mahaba ang rekord ng BHB at re-bolusyonaryong kilusan sa ka-handaan nitong makipagtulu-ngan kahit sa mga ahensya ngreaksyunaryong gubyerno ka-pag tunay na makabubuti sainteres at pangangailangan nglabis na naghihikahos na masa

    sa kanayunan.Ang AFP ang tunay na pusakal

    sa walang pakundangang pag-atakeat pagwasak sa mga proyektongpamproduksyon, pangkabuhayan atmga kooperatiba na ibinunga ngmga pakikibakang antipyudal ngmga magsasaka, mangingisda, Lu-mad at iba pang minorya. Walang-lubay ang pagwasak sa mga paara-lan, klinik at iba pang inisyatiba ngmasa sa tulong ng mga grupongprogresibo at relihiyoso. Pinagba-bantaan at pinagbabawalan kahitang mga proyekto ng mga indi-pendyenteng organisasyong pribadona pinagdududahang pwedeng pa-kinabangan o maimpluwensyahanng rebolusyonaryong kilusan.

    Ang Sectoral Unification, Ca-pacity Building and EmpowermentCluster ay nakatuon sa mga Lumadat pambansang minorya na nanini-rahan sa mga mabundok at magubatna lugar sa saklaw ng mga lara-ngang gerilya ng BHB sa iba’t ibangbahagi ng bansa laluna sa Mindanaoat Cordillera. Palalakasin diumanonito ang tradisyunal na istrukturang pamunuan ng mga Lumad at ibapang pambansang minorya upangpatigasin laban sa BHB, at ipagkaitang mga estratehikong kalupaan sapagbubuo ng matatatag na maka-pangyarihang base ng rebolusyon samga ito at ipaubaya ang mga ito samga dayuhang korporasyon sa pag-mimina, palm oil, uling at iba pa.

    Pawang dominado ng AFP angiba pang natitirang klaster: Situa-tional Awareness and KnowledgeManagement (nakatuon laban sarebolusyonaryong pagbubuwis), Lo-calized Peace Engagement (pagpa-

    pasurender) at angE-Clip Amnesty

    Program (pangangasiwa sa mgaprograma para sa mga surender).

    Pagpapatinding pasismo sa ilalimng NISP 2018

    Sa pangako ng militar na tapu-sin ang rebolusyonaryong kilusan sakalagitnaan ng susunod na taon,kalakip na inilalako ang pangangai-langang pag-ibayuhin ang pasistangpanunupil at brutalidad. Bago paman magkatotoo ang pangakongdurugin ang armadong kalaban, unanang ginagapi ang lahat ng mga de-mokratikong karapatan, iniiiligalisaang lahat ng sama-samang pag-oorganisa, paglaban at protesta ngmamamayan, isinasailalim sa pa-niktik at profiling ang lahat ng sus-petsadong bahagi at sumusuportasa rebolusyonaryong kilusan at ni-raratsada ang higit pang pagpapa-sahol sa HSA at iba pang mga pa-sistang batas.

    Pansin na sa NISP 2018, anglayong wakasan ay ang "grupongteroristang komunista" (CTG ocommunist terrorist group), kaiba satakdang layunin sa NISP 2007 nawakasan ang "insurhensya." Ipina-tutupad na nito ang Proclamation374 at maging ang nasa husgadopang petisyong proscription ng Ma-lacañang para ikategoryang tero-rista ang PKP-BHB. Gayunman,hindi pa nito lubusang maabandonaang taguring "kontra-insurhensya"tulad ng nakasaad sa buong panga-lan ng NTF na National Task Forceto End Communist Insurgency.

    Pansinin din na inabandona angDDR (disarmament, demobilizationand reintegration o sa maikling sa-lita ay surender) bilang pinakalayu-nin ng pagpasok nila sa usapangpangkapayapaan sa NDFP at ang

    pagpalit dito ng "lokal nausapang pangkapayapa-

    an."Bahagi ng mga

    operasyong PDT angpasistang mga krimenna pagpatay sa mga ki-lalang lider masa o pi-naghihinalaan nilangmga lokal na kadre at

  • Nobyembre 27 , 2018 ANG BAYAN6

    pwersa (EJK o extrajudicial killing)sa likod ng tabing ng OperationTokhang (kontra-droga). Pinaka-marami at pinakamadalas ang mgaEJK sa mga "focus area."

    Ang all-spectrum dominanceKabilang din sa mga kaparaa-

    nan ng kontra-rebolusyonaryonggera ang all-spectrum dominance.Ibig sabihin ay gagamitin nila nangtodo ang kanilang dominasyon salahat ng larangang kailangang ga-mitin sa kontrarebolusyonaryonggera – dominasyon sa militar, do-minasyon sa masmidya, dominasyonsa rekurso, dominasyon sa batas athusgado at dominasyon sa ayudangdayuhan. Esensyal na bahagi ngwhole-of-nation approach ang ka-paraanan ng all-spectrum domi-nance.

    Kaya sa militar, naghahabol ngpatuloy na pagpapalaki pa ng mgabatalyon ang AFP at Special ActionForces at nagpapalakas ng mga ka-gamitang militar para itutok pa-ngunahin sa rebolusyonaryong kilu-san. Ang target na dami sa paglala-tag ng pwersa ay 10 sundalo sa ba-wat isang mandirigma ng BHB.

    Sa masmidya, maliban sakontrolado ng gubyerno na mga pa-silidad at programa ay nagpaparaming bayarang mga tao nito, nag-uu-tos ng censorship at iba pang para-an ng pagkontrol sa impormasyonupang ilingid ang pasistang mgakrimen sa malawak na mamamayan,pinipigilan ang mga progresibongpropaganda at impormasyon, nag-tatakda ng iisang lenggwahe sapaglalarawan sa rebolusyonaryongkilusan bilang terorista, nagpapala-ganap ng peke, palso at malisyo-song mga balita laban sa BHB atrebolusyonaryong kilusan, nagta-takda ng mga pasistang tagapagsa-lita kahit sa antas ng kumpanya ngpasistang AFP.

    Sa sistema ng batas at husgadoay itinayo ang IACLA upang mag-pakana at magpatupad ng mga ga-wa-gawang kaso laban sa mgaprogresibo at rebolusyonaryongpwersa, nagrerekrut o nagtatalaga

    Ang whole-of-nation approachay iniluwal ng sistemang nakaratayat may nakamamatay na sakit. Ma-bibigo itong matamo ang sinasabinitong pagkakaisa sa harap ng hindimalutas-lutas nitong kontradik-syon. Sentensyado itong mamataysa umpisa pa lamang.

    Hungkag ang "mabuting paggu-gubyerno" gayong hindi magampa-nan ng mga ahensya at yunit ngreaksyunaryong gubyerno ang ka-nilang mandato dahil batbat ng bu-

    rukratikong proseso (red tape) atkronikong katiwalian. Ang mga lo-kal na yunit ng reaksyunaryonggubyerno ay paralisado ng puliti-kang nakabatay sa mga pribilehiyong dominanteng partido, pulitikang mga angkanang dinastiya, ga-yundin ng partikular na interes ngmga lokal na burukrata. Ang AFPat PNP ay lalo pang naging maka-pangyarihang malalaking sindikatona binibiyayaan pa ng rehimengDuterte ng napakalaking pondongmakukurakot ng matataas na upi-syal nito. Liban na lamang kungitinatag mismo at lubos na kinu-kontrol ng AFP, ang mga NGO ayhindi lubos na magamit sa pagpa-pabango, paniniktik at panlilin-lang.

    May kani-kanya namang interesang tinaguriang mga "stakeholder"na sa iba’t ibang pagkakataon at

    antas ay tumatagpo samga partikular na ipi-

    naglalaban ng rebolusyonaryong

    ng mga tauhan ng militar sa hanayng mga piskal, prosekusyon at hus-gado, nag-aalaga ng mga bayarangtauhan ng korte, niraratsada sakongreso ang mga mapanupil nabatas tulad ng sistemang ID, am-yenda sa Human Security Act at ibapang tulad nito sa kabila ng likasnang kiling kontra sa mga progresi-bo at rebolusyonaryong pwersa atmasa ng sistema ng hustisya ngreaksyunaryong estado.

    Sa rekurso ay naglalaan ng ta-gibang na prayoridad para sa pa-niktik at militar, idinidirihe angmga rekurso ng iba pang ahensya

    ng gubyerno papunta sa mga pra-yoridad ng kontrarebolusyonar-yong gera.

    Ang ayudang dayuhan ay pa-ngunahing inaasahan para sa pag-sustine ng mga armas at iba pangkagamitang militar, paniktik, pag-sasanay, at aktwal na mobilisasyonng mga tropang US sa mga opera-syon. Sa kabilang banda, nagta-tangka silang sarhan ang rebolu-syonaryong pagbubuwis, haranganang anumang inaakala nilang pi-nansyang dumadaloy mula sa mgamaaaring mapagkunan mula sa la-bas ng bansa.

    Labanan at biguin ang batas militarna nakakubli sa NISP 2018

    DAPAT UBOS-KAYANG ilantad at labanan ang NISP 2018, ang doktrinangwhole-of-nation approach, at ang pagbubuo ng NTF at pagtransporma sabuong makinarya ng reaksyunaryong gubyerno bilang kasangkapan ng mili-tar sa kampanyang "kontra-insurhensya." Isa itong tusong paraan ng pag-kukubli sa aktwal na pagpapairal ng batas militar o lubos na kontrol ng mili-tar sa iba’t ibang sibilyang ahensya ng reaksyunaryong gubyerno laban samamamayan, progresibo at rebolusyonaryong pwersa.

  • ANG BAYAN Nobyembre 27 , 2018 7

    kilusan. Higit sa lahat, ang mama-mayang sinusupil at sinisikil at iba-yong pinahihirapan at pinagsasa-mantalahan ay di maaasahang ma-ging tagapagbunyi ng AFP at reak-syunaryong gubyerno.

    Ang pagpapalakas ng mga mo-dernong kagamitang militar ay hin-di sustenable. Bagay itong nanga-ngailangan ng papalaki nang papa-laking pondo at magbubunsod nglalo pang pagtagibang ng badyetpabor sa militar. Anumang moder-nisasyon ng reaksunaryong AFP nanakabatay sa pangungutang at saatrasadong ekonomya ay hindi ma-susustine. Ang ilalaang malakingpondo ay tiyak ding kukurakutin ngmatataas na upisyal ng reaksyunar-yong AFP at gubyerno.

    Ang pagtatangkang pag-ibayu-hin pa ang kanilang dominasyon sa

    sistema ng batas at hustisya ay tu-loy-tuloy na kinokontra ng pagmu-mulat at pagpaparami ng mga taga-pagtanggol ng karapatang-tao saloob at labas ng sistema ng husti-sya, puspusang paglalantad at pag-laban sa mga pasistang pakana saloob ng kongreso at paggamit samismong reaksyunaryong batas la-ban sa kaaway sa pamamagitan ngwalang pagpapalampas na pagsa-sampa ng kaso sa sinumang upisyalat yunit ng militar na sangkot samga pasistang krimen laban sa ma-mamayan at rebolusyonaryong kilu-san.

    Dapat puspusang palaganapinang rebolusyonaryong sistema nghustisya, itaguyod at ipopularisaang Comprehensive Agreement onthe Respect of Human Rights andInternational Humanitarian Law

    (CARHRIHL) at isulong ang mala-pad na nagkakaisang prente at ki-lusang masa upang ilantad at laba-nan ang lahat ng mga pasistangpakana at krimen.

    Anumang pagtatangkang kon-trolin ang impormasyon at domina-han ang upinyong publiko, hindi lu-bos na kayang sarhan ng reaksyu-naryong gubyerno ang social media,ang pasa-pasang impormasyon, angkilusang masa, at kahit ang domi-nanteng masmidya habang patuloyna nagpapanggap itong nagpatutu-pad ng malayang pamamahayag.Ang gawaing propaganda ng rebo-lusyonaryong kilusan bukod sapagpapaunlad ng espesyalisadongmakinarya ay kilusang masa angkatangian sa saligan at hindimaaaring mabusalan at mapigilanng reaksyon.