Upload
alan-aragon
View
4.632
Download
11
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
Aralin 2: Ang mga Sinaunang TaoALAMIN
Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaral.
Gawain 1. Kung Ikaw Kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng iyong pagpili.
Pamprosesong Tanong:
1. Alin ang iyong mga pinili ?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 2. I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart
Isulat sa unang kolum ng chart ang sariling sagot sa tanong. Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?
Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman
Ito na ang Alam ko
PAUNLARINPagkatapos masabi ang alam mo Ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizer, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman
Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay na makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng homo species na namuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao.
Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo Sapiens.
Ape- sinasabing pinagmulan ng tao
Chimpanzee- pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa mga siyentista
Australopithecine- tinatayang ninuno
ng bagong tao; Ape na may kakayahang tumayo nang
tuwid.
Lucy- pinakatanyag na Australopithecus
afarensis na natuklasan ng mga
labi noong 1974
Homo habilis o Taong guma-
gamit ng kamay
Homo Erectus o
Taong naglalakad nang tuwid
Homo Sapiens o
Taong guma-
gamit ng Isip
TAKDANG ARALIN
Ilarawan ang mga sumusunod na panahon batay sa pag-unlad ng tao
A. PALEOLITIKO
NEOLITIKO
PANAHON NG METAL
Sanggunian: Learners Module pp. 41-45
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age)Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o bato.
PANAHONG PALEOLITIKODakong 2,500,000-10,000 BCE
Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga Hominid.
Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao
LOWER PALEOLITHIC PERIODNagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan.Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdigHindi pa lumilikha ng mga kasangkapanAng Homo Habilis ay nangangahulugang “able man” o “handy man” dahil sila ang unang species ng homonid na marunong gumawa ng kagamitang batoSinundan ng mga Homo Erectus na higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato
MIDDLE PALEOLITHIC PERIOD
Dakong 120,000-40,000 taon ang nakararaan
Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalipas
Umusbong ang pagiging artisano ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato
Nabuhay ang Taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi
UPPER PALEOLITHIC PERIOD
Dakong 40,000-8,500 taon ang nakararaan
Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak
Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga taong Cro-Magnon
Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan
Mga Tanyag na Prehistorikong Tao
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kweba.
Homo SapiensNeanderthalensi
Cro- Magnon
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.”
Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya
PANAHONG NEOLITIKODakong 10,000- 4,000 BCE
Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.
Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.
Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain.
Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim
Catal Huyuk- isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)
Isang pamayanang sakahan
May populasyon mula 3,000-6,000 katao
Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan
Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay
May paghahabi, paggawa ng alahas, salamin at kutsilyo.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal.
Panahon ng Tanso
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato.
Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa Egypt
Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso
Panahon ng Metal4,000 BCE- Kasalukuyan
Panahon ng Bronse
Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito
Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay
Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat
Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao
Panahon ng Bakal
Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-europeo na naninirahan sa Kanlurang Asya dakong 1,500 BCE
Natutuhan nila ang magtunaw at magpanday ng bakal
Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpanday ng bakal.
Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian
Persian Silver Cup
Gawain 3. I-Tweet Mo!
Bumuo ng apat na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.”
Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 ang Panahong Paleolitiko,at sa pangkat 2 at 3 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 3 at 4 ang Panahon ng Metal.
Ibibigay ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng mga “tweet” o maiikling pahayag.
Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng diyagram
@Paraan ng Pamumuhay
_____ Tweet: ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
@Paraan ng Pamumuhay
____ Tweet: __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Komento
Komento
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?
2. Ano ang mga patunay na may naganap na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?
3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao?
JOURNAL LOGGING
TAKDANG ARALIN
1. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa pamayanan ng Catal Huyuk
2. Ilarawan ang pamayanan ng Catal Huyuk
3. Ano ang mga patunay na ang Catal Huyuk ay lumitaw noong panahong Neolitiko?
4. Anu-ano ang mga kagamitang natuklasan sa pamayanan ng Catal Huyuk?
Gawain 4. Tower of Hanoi Chart
Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon.
Malaki ba ang epekto ng
heograpiya sa pag-usbong ng unang
pamayanan?1.
2.
3.
Malaki ba ang epekto ng agrikultura sa
pamumuhay ng tao?
1.
2.
3.
Paano umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit
ng metal?
1.
2.
3.
Pamprosesong Tanong
1.Ano ang kaugayan ng iyong sagot sa nakatalang konklusyon?
2.Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng sinaunang tao? Patunayan.
3.Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito ng mga sinaunang tao? Pangatwiranan.
4.Ano ang gustong ipahiwatig ng mga konklusyon at ebidensyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao sa daigdig?
Gawain 5 Ano Ngayon? Chart
Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwa ng kahon.
Mga Pangyayari sa Kahalagahan sa Kasalukuyan
Iba’t ibang yugto ng
Pag-unlad
Paggamit ng apoy
____________________________________________________________________________
____________
Pagsasaka________________________________________________________________________
_________
Pag-iimbak ng labis na pagkain
______________________________________________________________
_________
Paggamit ng mga pinatulis
na bato
______________________________________________________________
__________
Paggamit ng mga
Kasangka-pang Metal
______________________________________________________________
________
Pagtatayo ng Permanenteng
tirahan
__________________________________________________________
________
Pag-aalaga ng mga hayop
______________________________________________________
_________
Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon?
Tsart
Pamantayan Paglalarawan Puntos
NilalamanMahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga pangyayari noong sinanunang panahon sa kasalukuyan
10
Ebidensya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng mga kongretong halimbawa
10
Kabuuan 20
Pamprosesong Tanong
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?
Sa pagkakataong ito, muling balikan ang I-R-F Chart. Muling sagutin ang tanong na nasa itaas ng Chart. Isulat ito sa ikalawang kolum, sa Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula sa pagbabasa ng mahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nagpapayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto sa Initial Idea.
Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito.
GAWAIN 6. Archaeologist at Work
Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.
Task Card
Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal Huyuk. Nakapaloob sa task card na itom ang ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang iyong misyon
Gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Huyuk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit at kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon
Ang Catal Huyuk sa kasalukuyn ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 football fields. Malapit ang Catal Huyuk sa pampang ng Ilog Carsamba.
Artifact Analysis Worksheet #1
1.Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian nito.
___________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon?
___________________________________________
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang panahon?
__________________________________________
4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Huyuk?
__________________________________________
Artifact Analysis Worksheet #2
1.Anu-ano ang katangian ng Catal Huyuk batay sa iyong ginawang imbestigasyon?
__________________________________________________________________________________________________________
2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang sumusunod na aspekto:
a.pang-araw-araw na gawain
b.Paraan ng paglilibing
c.Sining
d.Pinagkukunan ng pagkain
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga taong nabuhay sa Catal Hȕyȕk?
2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hȕyȕk ay lumitaw noong panahong Neolitiko?
3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa Catal Hȕyȕk at sa kasalukuyang pamumuhay?
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Artifact Worksheet #1
Mahusay na nsasuri ang katangian ng bawat artifact; mahusay na natukoy ang gamit at kahalagahan ng mga artifact na ito
10
Artifact Worksheet #2
Mahusay na nailalarawan ang mga katangian ng Catal Huyuk gamit ang mga sinuring Artifact ; mahusay na napaghahambing ang pamumuhay sa Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang iba’t ibang aspekto
10
Pag-uulat Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilahad na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga impormasyong inilahad
5
Kabuuan 25
Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work
MURAL PAINTING
Isang Pigurin
Ceremonial Fleet Dagger
Obsidian Arrow Head
Palamuti mula sa Bato at Buto ng hayop
Labing nahukay sa loobng bahay sa Catal Huyuk
Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at work, muling sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay ang sagot sa huling kolum na Final Idea. Pagkatapos, ibahagi sa klase ang lahat ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart.
Muling matututuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatatag ng mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang panahon.
Halina’t pag-aralan ang mga sinanunang kabihasnan sa daigdig.
JOURNAL LOGGING
TAKDANG ARALIN
1. Ano ang kabihasnan?
2. Paano sumibol ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Anu-ano ang batayan ng sinaunang kabihasnan?
Batayang aklat pp. 54-57