14
DEKADA 70 PAGSUSURI SA PELIKULA

DEKADA 70

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DEKADA 70

DEKADA 70

PAGSUSURI SA PELIKULA

Ma. Elizabeth S. Burgos

III – Antoine Lavoisier

G. Oliver Borromeo

MGA TANONG :

Page 2: DEKADA 70

1. Anong uri ng lipunan mayroon ang bansa noong 1972

2. Paano namuhay ang mga Pilipino noon sa panahon ng

pamahalaang Marcos

3. Ano anong paglabag sa ang nagawa sa panahong

diktaduryang Marcos

4. Paano ipinakita ng mga tao noon ang kanilang pagtutol sa

pamahalaang Marcos

5. Mula sa pelikulang Dekada ’70, paano inilarawan ni Lualhati

Bautista ang kalagayang pulitikal ng bansa noon

6. Ano anong kaisipan ang litaw sa pelikula Hal. pamilya

7. Ano anong tagpo na may kaugnayansa pelikula ang makikita

pa rin sa kasalukuyang lipunan natin

8. Magbigay ng isang sipi ng mga indibidwal na tahasan na

lumaban laban kay marcos sa panahon ng kanyang

pamumuno. Maging ang mga naiprintang pahayag at

larawan ng indibidwal na'to.

9. Magbigay ng ilang sipi ng mga larawang noon na naganap

noong panahon ng martial law.

MGA SAGOT:

Page 3: DEKADA 70

1. Mapait at marahas ang lipunan natin noong 1972. Di makakailang

mapanghusga ang mga tao at nakakangat ang mga kalalakihan. “It’s a

man’s world,” sabi nga ng iba. Ang mga kababaihan ay para sa mga

gawaing bahay lamang at ang mga kalalakihan lamang ang maaaring

magtrabaho. Hindi maaaring magbigay ng opinyon ang mga kababaihan

sapagkat para sa mga lalaki ito ay isang tanda ng kawalan ng respeto.

Itinuturing ang mga kababaihan na isang pag-aari ng mga kalalakihan.

Ngunit, ipinakita rito na hindi lamang ang mga kababaihan ang

nahihirapan at ang mga lalaki din. Kailangan nilang mag-mukhang

matatag kahit sa kanilang loob ay nanghihina na sila sapagkat sila ay

tinitingala ng pamilya at nangagamba sila na kapag sila ay nakitang

mahina ay mawawalan ng tiwala ang sa kanila ang kanilang pamilya.

Kahit gustuhin pa nila na ipakita ang kanilang damdamin ay hindi maaari

sapagkat ayon sa batas ng lipunan ay hindi ito karapat-dapat. Kapag ikaw

ay lumihis sa normal na daloy ng buhay ay huhusgahan ka sapagkat

tumaliwas ka sa pinaniniwalaang batas ng lipunan. Ang kanilang lipunan

din ay mabangis, delikado at puno ng kasinungalingan. Sa pagdeklara ni

Marcos ng Martial Law ay naging madugo ang lipunan. Marami sa mga

Pilipino ang araw araw na nawawala at namamatay. Naging delikado ang

mga lansangan sapagkat hindi mo alam ang maaaring mangyari habang

andoon ka. Sa mga panahong iyon ay hindi mo alam kung sino sa mga

kaibigan mo ang tunay at nagpapanggap lamang.

2. Namuhay ang mga Pilipino sa iba’t ibang paraan sa panahon ni Marcos.

Ang iba ang mamuhay sa takot sapagkat alam nilang may mangyayaring

masama sa kanila kapag sinubukan nilang labanan ang pamumuno ni

Marcos. Sa halip na ipaglaban ang alam nilang tama ay sumunod pa sila

sa mg utos ng pamahalaan. At kahit alam nilang marami na ang

nasasaktan ay hindi sila tumigil sapagkat ang sarili lamang nila ang

kanilang inaatupag. Ang iba naman ay namuhay tulad ng isang bulag.

Nakikita nila na totoo ang mga isinisigaw ng karamihan sa mga Pilipino

ngunit nagpipikit bulag sila at nagpapanggap na maayos lang ang lahat at

walang malaking gulo na nagaganap. Masyadong mapait para sa kanila

ang mga nangyayari kung kaa’t hindi nila alam ang kanilang gagawin.

Page 4: DEKADA 70

Hindi nila kayang sumama sa mga nag-aaklas sapagkat alam nilang

maaaring mawala sa kanila ang kanilang buhay kapag sumama sila dito,

ngunit hindi din nila maatim na sumang-ayon sa rehimeng Marcos

sapagkat labag ito sa kanilang batas moral. Higit sa lahat may mga

namuhay sa liwanag at sa pag-asang maayos pa ang lahat. Sila ang mga

taong walang tahasang ipinakita ang di pag sang-ayon sa pamumunong

iyon. Sila ang mga taong ibinuwis ang kanilang buhay ng walang

pangamba sa pag-asang magigising ang kanilang kababayan mula sa

mahabang pagkakahimbing. At sila ang mga taong nanatiling matatag sa

kabila ng lahat. Isinantabi nila ang kanilang mga sarili para sa

pagmamahal sa kanilang lupang sinilangan.

3. Napakaraming paglabag ang nagawa sa rehimeng Marcos. Araw araw ay

may iba’t ibang karapatang pantao ang natatapakan, may mga taong

nawawala at hindi na nakikitang muli, iba’t ibang dugo ang umaagos sa

lansangan at maraming kalayaan ang hinadlangan. Sa panahon ng

pamumuno ni Marcos ay ibinaba nya ang Martial Law. Maraming batas

ang nabago at magkakaiba din ang naging reaksyon dito ng mga Pilipino.

Isiniwalang bahala ang writ of habeas corpus. Maraming mga Pilipino ang

hinuli ng mga military kahit wala pa silang kasalanan. Marami rin sa kanila

ang nakalibing at hindi na nakabalik pa. Natapakan ang karapatan natin

sa pagsasalita. Ginawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya

upang pigilan ang mga pahayagan at radyo na magsabi ng masama sa

pamahalaan. Ang sino mang lumabag dito ay inaresto at kinulong.

4. Sa iba’t ibang paraan ay ipinakit ng tao ang kanilang pagtutol kay Marcos.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang anak ni Amanda na si Jules at

Emmanuel sa pelikulang Dekada ’70. Tinahak ni Jules ang daan sa

madugong bakbakan. Siya ay isa sa mga taong handang lumaban at

magbuwis ng buhay. Siya ay isa sa mga taong sumasali sa mga rally at

pagproprotesta. Sa kabilang banda ay pinili naman ni Emmanuel ang daan

ng pagsusulat. Sa kanyang mga gawa ay ipinapakita niya ang mga

masasamang ginawa ni Marcos. Katulad na lamang ng Veritas Radio at

ABS CBN. May mga tao din na pumili pareho sa mga daang tinahak ng

Page 5: DEKADA 70

dalawang magkapatid. Sila ay sumali sa rebolusyon ngunit hindi nila ito

dinaan sa marahas at malagim na paraan. Sila ay umapila sa puso ng

kanilang mga kababayan katulad na lamang ng mga madre at pari na

sumama sa mga rally.

5. Ang kalagayang pulitikal ng ating bansa noon ay maihahalintulad sa panis

na pagkain. Sa unang tingin ay aakalain mong maayos ang maganda ang

lahat. Ngunit kapag nilapitan mo ito, inamoy at tinikman ay malalaman

mong panis pala ito. Noong panahon ng pamumuno sa atin ni Marcos ay

naging kapantay nga ng piso ang dolyar. Hindi tayo nagkulang sa mga

hilaw na materyales at pagkain. Ngunit kung bubuksan naman natin ang

ating mga mata sa katotohanan ay mapapansin nating hindi pala ito

kaakit-akit. May mga tiwali at ganid sa pamahalaan. Maraming mga batas

ang naisasantabi at natatapakan. Mapapansin nating para sa ikabubuti

lamang ng kanyang sarili ang kanyang mga ginawa. At sa araw araw na

pamumuhay ay iba’t ibang tao ang tuluyan ng nabubura sa ating mundo.

6. Maraming kaisipan ang lumitaw sa pelikula at ito ang ilan:

Pamilya – Ipinakita sa pamilya ang mga karaniwang ginagawa ng

pamilya. Ang mga karaniwang sitwasyong nararanasan ng isa.

Ipinakita rito kung paano ang maging reaksyon ng isang pamilya

sa ilalim ng pamumuno ni Marcos. Matatagpuan rin dito ang

pagmamahal ng bawat isa sa kanilang kamag-anak. Nang malaman

ni Julian at ni Amanda na kasama si Jules sa nagrerebelde ay nagalit

sila. Ngunit hindi nagtagal ay pinatawad pa rin nila ang anak at

humanga pa sila dito dahil na din sa iisang dugong dumadaloy sa

kanila. Si Emmanuel ay gumaya kay Jules ngunit sa mas

mapayapang paraan. At kahit nagkahiwalay si Gani at ang kanyang

asawa ay nanatili pa ring maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa

para na rin sa kanilang anak. Si Jason naman ang nagbibigay ng

balanse sa kanilang pamumuhay.

Page 6: DEKADA 70

Kalikasan ng Tao – Makikita natin sa pelikula ang iba’t ibang likas

na katangian ng tao. Nang mahawakan ni Marcos ang

pinakamakapangyarihang posisyon sa pamahalaan ay hindi nya

mapigilang maging ganid sa kapangyarihan at humanap pa ng mas

malakas at mas malaki dito. Pinatawad ni Amanda at ni Julian ang

kanilang anak na si Jules sa kabila ng pagsuway nito sa kanilang

utos sapagkat likas sa atin ang magpatawad at isaalang-alang ang

dugo kaysa sa tubig. Nang ibaba ni Marcos ang Martial Law ay hindi

pumayag ang mga Pilipino at nag-aklas. Makikita doon ang ating

kagustuhang lumaya at ipagtanggol ito kapag mayroong

humahadlang. Ipinakita rin sa tauhan ni Amanda ang normal nating

paghangad ng ating sariling kagalingan.

Kababaihan – Naipakita sa pelikula ang iba’t ibang mga pangyayari

na sumusubok sa pagkababae ng isang tao. Makikita rito ang

kagustuhan ng mga kababaihan na sumali at lumaban din ngunit

hindi nila magawa sapagkat yun ang di nakasulat na batas ng

lipunan. Ipinakita rin dito ang paraan ng pag iisip ng mga

kababaihan sa iba’t ibang sitwasyon.

Pagtanda – Makikita sa pelikula ang mga karunungan na iyong

makukuha sa pagtanda. Kung dati ang mga kapatid ay napapa-

away dahil sa paraan ng pagtalon ng tipaklong ay makikita natin na

sila ay nagbago na dahil na din sa kanilang mga karanasan. Nang

mamatay ang kaibigan ni Jules ay tuluyan ng namulat ang kanyang

mga mata. Si Emmanuel naman ay pilit isinisiwalat ang mga baho

sa pamahalaang Marcos. Maging si Gani na walang inisip kung hindi

ang mga babae lamang ay tumanda din at ipinagpatuloy ang pag

aaral sa Amerika. At kahit na naghiwalay na sila ng kanilang asawa

ay nirerespeto pa rin niya ito. Si Jason na palabiro ay tumanda na

din kahit papano. Nabanggit ng kapatid nyang si Bingo na may

plano itong makipag kita sa mga magulang ng kanyang kasintahan

na nangangahulugang seryoso ito sa kanyang relasyon.

Page 7: DEKADA 70

7. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga sitwasyon sa

ating lipunan. Katulad ng sa rehimeng Marcos ay ang iba sa mga

kababaihan ay patuloy pa rin na minamaliit ang mga kakayahan. Iba’t

ibang tao pa rin ang namamatay sa kagustuhang isiwalat ang mga

mapapait na katotohanan sa mundo. Marami pa ring mga tiwali at ganid

sa mga pamahalaan. Hanggang ngayon ay may mga umaabuso pa rin sa

kanilang mga kapangyarihan. Makikita pa rin hanggang ngayon ang

pagnanasa ng mga mamamayan sa maganda at maunlad na pagbabago.

At marami pa ring karapatan ang natatapakan. Maging hanggang ngayon

ay bulag pa rin ang hustisya.

8. Mga Indibidwal na Tahasang Lumaban kay Marcos:

Senator Benigno Aquino Jr.

Cory Aquino

Amado V. Hernandez

Fr. Zacarias Agatep

Fr. Jeremias Aquino

Fr. Pites Bernardo

Sister Asuncion Martinez

Henry Romero

Alex Orcullo

Ma. Ceres Doyo

Sen. Jose W. Diokno

J.B.L. Reyes

Sen. Lorenzo Tañada

Sen. Jovito Salonga

Isang Dipang Langit

Amado V. Hernandez

 

Ako'y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,

katawang marupok, aniya'y pagsuko,

damdami'y supil na't mithiin ay supil.

 

Ikinulong ako sa kutang malupit:

Page 8: DEKADA 70

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.

 

Sa munting dungawan, tanging abot-

malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may

sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

 

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi't walang

makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

 

Ang maghapo'y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong

luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo

 

Kung minsa'y magdaan ang payak na

yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

 

Kung minsan, ang gabi'y biglang

magulantang

sa hudyat - may takas! - at asod ng

punlo;

kung minsa'y tumangis ang lumang

batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.

 

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -

bilangguang mandi'y libingan ng

buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

 

Nguni't yaring diwa'y walang takot-

hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita'y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.

 

Ang tao't Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya'y may bayang

gaganti.

 

At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng

tagumpay...

layang sasalubong ako sa paglaya!

 

Bartolina ng Muntinlupa

          Abril 22, 1952 

Page 9: DEKADA 70

The little paper that roared By Ma. Ceres P. DoyoPhilippine Daily InquirerMANILA, Philippines And so it came to pass that the new kid on the block issued an announcement that sounded like a portent of things to come: A new event is crying for our attention: possible snap elections. When and if that happens the Philippine Inquirer may respond with a snap daily. This new broadsheet size is in preparation for that eventuality (Nov. 11-17, 1985).The weekly tabloid-size Philippine Inquirer was born on Feb. 4, 1985, in response to a need to watch closely the Sandiganbayan trial of the 26 men accused in the assassination of former Sen. Benigno Ninoy Aquino Jr. on Aug. 21, 1983. With the trial over except for the verdict, the Inquirer prepared for a snap eventuality. The women in charge: publisher and editor in chief Eugenia D. Apostol and editor Leticia J. Magsanoc.On Dec. 9, 1985, a Monday, the Philippine Inquirer became the Philippine Daily Inquirer, ISSN 0116-0443, a broadsheet eager to participate in and report daily on the nation s unfolding history.That day, fair weather, with light and variable winds, prevailed in Metro Manila. Other parts of the country had fair weather with isolated rain showers.The first banner headline: Cory rebuffs Doy demands. Above it, I am against communism, says Cory. Below the fold: Marcos claims God ordered him to lead Filipinos. Above the masthead of the unmade bed (referring to how the paper s layout looked) was the come-on: A slogan Help us write one and win a prize. Weeks later, Balanced News, Fearless Views was chosen from more than 27,000 entries. Proof that people out there were reading the Inquirer and eager to participate in its becoming.

Ang mga Kayamanan ng Tao 

ni Armado V. Hernandez 

  

Anang moralista: “Ang dakilang yaman 

sa buong mundo sangmundo ay ang karangalan” 

Kapagka ang tao’y walang puri’t ngalan, 

Ang nakakawangki’y maruming basahan. 

 

Anang pilosopo’y ang dunong at utak

Ang yamang lalo raw mahigit sa pilak,

Dinirinig nila ang kuro mo’t balak

At parang ilaw kang nakaliliwanag.

 

Page 10: DEKADA 70

Anang manggagamot ay lalong dakila

Iyang kalusuga’t katawang sariwa,

Ang talino’t ginto ay wala nang wawa

Sa sinumang sakit ang nag-aalaga.

 

Ayon sa bangkero’y salapi ang higit

Na makatutugon sa anumang nais,

Kung may naghaharing Bathala sa langit,

Sa lupa’y salapi ang walang kaparis.

 

At ang aking tugon: ‘kapagka ang buhay

Ng  tao’y pinuspos ng mabuting bagay,

Ang dangal, ang dunong, ang lakas at yaman,

Ay hindi lalayo sa kanyang tahanan.

   

9.

9.

Page 11: DEKADA 70