9

95803542 Filipino Book Report Dekada 70

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino Book Report on Dekada '70

Citation preview

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    1/9

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    2/9

    I. Panimula

    A. Pamagat:Dekada 70B. May akda: Luwalhati BautistaC. Buod

    Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tilanakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng

    paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Nag-umpisa angnobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang-pansin na angnagkukuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumangpaniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Unay di niya binigyang pansin angmga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaigang damdaming aktibista ni Jules at ang pagka-mapusok ni Gani ay nabahalasiya ng lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga baang dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan ngay tuluyannang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nitoy nagkaroon nglamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak na sina

    Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng sulinanin bunga ng batas militar.

    Kinalaunan, dumaluhong ang ibat ibang pagsubok sa pamilyaBartolome tulad nang pagkakakulong ni Jules, pag-aawat maagangpaghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason sa pag-aaral,pagtatanong ni Bingo sa nagyayari at ang pagiging mapusok manunulat ni Em.Katagalan diy di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kayanagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot pa sa puntongnakikipaghiwalay siya dito. Salamat naman at di natuloy ang binalak gawin niAmanda at dahil doon ay patuloy na hinarap na magkasama ng mag-asawa ang

    lahat ng suliraning bunga ng batas military.

    Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mgapagsubok na nananatiling buo ang ugnayat samahan sa isat isa. Nakita natinkung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilyaupang makayanan ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobela namagandanag halimbawa ng pamilyang Pinoy na kayang lagpasan ang lahat, naatin pa ring maiuugnay sa kasalukuyang panahon kahit na nangyari ito noongDekada 70.

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    3/9

    III. Pagsusuri

    A. Uri ng PanitikanPara sa akin ang uri ng panitikan ay maiuugnay

    sa nobelang Dekada 70 dahil na rin sa layunin nitong unti-untinggisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa bawatkabanata na nagpapakita ng magkakaibang katangian sa bawat isasubalit nananatiling magkakaugnay. Dalawang uri ng Panitikan angginamit ng may akda. Una ay ang kathang-isip sapagkat ang mgatauhan pati na ang mga katauhan nito ay mula sa pinagsama-samangmga ugali ng mga taong kilala ni Lualhati Bautista ngunit hindi angmga lugar at pangyayari na binibigyang pansin ng hindi kathang isipna panitikan sapagkat ang mga lugar ay ayon sa mga toong lugar namayroon tayo rito sa bansa at ang mga pangyayari ay ayon sa bawatkaganapang nangyari sa ating bansa noong Dekada 70.B. May talinhaga

    Ang talinhaga o parabula y isang maikling kuwentong

    may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maiklingsalaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimitnangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang

    isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Ang talinhagangibinigay sa atin ng Dekada 70 ay ukol sa ating pagkamulat atpagmamahal sa ating sariling bayan. Aral na nagbibigay sa atin nglakas upang ipagpatuloy ang bawat nasimulan ng ating mga ninuno atbigyang linaw, ganda at hustisya ang ating kinabukasan.

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    4/9

    III. Pagsusuri

    C. Puna1 Tauhan Amanda Bartolome: Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sakuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-

    chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usapingbumabagabag sa kanya. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao namay likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng masmalawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at dinagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man'sworld.

    Julian Bartolome Sr. : Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila maka-gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwinay kadebatehan ni Jules

    ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyangmga anak sa mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sakanila

    Julian Bartolome Jr. (Jules): Si Jules ay ang pinakamatandang anak niAmanda na namulat sa mga usapin at masasamang pangyayari sa atinggobyerno. Siya ay isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuitionfee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sasandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isangrebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhangnakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang

    magpasya ng sariling buhay.

    Isagana Bartolome (Gani) : - Maagang namulat ang isipan hindi sakalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sapakikipagrelasyon sa opposite sex kaya naman maituturing na mapusok atmarupok si Gani sa kadahilanang di pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaralay nakadisgrasya na siya. Bunga nito, kinailangan niyang pakasalan ang babaeupang di makasuhan at masabihang nang-aagrabyado.

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    5/9

    III. Pagsusuri

    Emmanuel Bartolome (Em): Ibig sabihin ng pangalan ay tagapagligtas;nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth na anak ni Aling Dorakung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ngmagkakapatid; maraming seminar na ang nadaluhan. Ipinapabatid lamang nasiya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala saaspetong pulitikal subalit siya ay sa paraang-Rizal ang ginamit na estilo

    samantalang si Jules ay paraang-Bonifacio

    Jason: Siya ang mabuting anak ni Amanda na kahit hindi gaanong kagalingansa eskwela, binawi naman niya ito sa kagalingan sa loob ng bahay. Ngunit, saisang hindi inaasahang pangyayari, dahil sa pagkakaroon ng masamangipluwensiya na kaibigan, nalululong ito sa marijuana. at pinatay si Jason ng mgadi kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC.

    Benjamin Bartolome (Bingo): Habang lumalakit nagkakaisip ay nabubuksanna rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang at kuya; pilit nainuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyagapa sa kanya

    Evelyn: Isang babaing hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn na kabiyakni Gani; bagamat nasa bahay sila ng mga Bartolome nakatira ay hindi yunnaging hadlang upang kanyang salungatin si Gani sa mga ninanais nito; batidnaman nating nag-aaway sila sa tuwina na nagpapakita ng kanyang katapangan

    at paninindigan bilang isang babae sa makabagong panahon

    Rev:Anak nina Jules at Mara; kailanmay di nakita ng pamilya Bartolome dahilito ay nasa piling ng ina na nanatili sa kilusan kasabay ng pag-aaruga sa kanya.

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    6/9

    III. Pagsusuri

    2 Tagpuan1. Sa Bahay ng Pamilya Bartolome

    a.

    Sa Sala- Dito naghintay si Amanda sa pagdating ni Jules minsan nang binalakniya itong kausapin.

    b. Sa Library- Dito sinabi ni Em kay Julian ang balitang patay na si Jason; off-limits ditto si Amanda.

    c. Sa Kuwarto nina Amandat Julian- Dito nagaganap ang pribadong pag-uusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak.

    2. Sa Presinto-Dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay Jules nang siyay

    mahuli at dito rin naman nagapa ang Masaya niyang pagkakalaya.

    3 Istilo ng may-akda Si Lualhati Bautista bilang manunulat ay gumamit ng Tagalog at English na mga salita

    o ating tinatawag ngayong Taglish.

    Kanyang binigyang pansin din ang bawat oras o panahon ng bawat pangyayari sa bawat

    kabanata upang itoy ating maiugnay ng maayos sa pagkakasunod-sunod ng mga

    kaganapan sa ating kasaysayan.

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    7/9

    III. Pagsusuri

    3 Galaw ng mga pangyayari Ang galaw ng pangyayari ay umuusad ng katamtaman na nababase sa mga

    kaganapang nangyari noong Dekada 70. Ito ay naisaayos ayon sa kung ano angpinakakamahalagang nangyari na kung saan tayo, ay maaaring makakakuha ngmabuting aral at inspirasyon na makatutulong sa ating pang-araw-araw na buhay.

    D. Glosari/ Talahulugan HamoMaikling salita para sa haayan mo na ngangahulugang huwag ng isipin

    pa o huwag nang alalahanin.

    LABANLaban ng Demokratikong Pilipino; ito ang kalabang partido ni Marcos.

    Piyudal batay sa pagkakagamit sa nobela ni Lualhati, ito ay nangangahulugangDiyos ang kalalakihan at ang kababaihan ay sadyang alipin niya lamang; ito angsinabi ni Amanda na nasa dugo na ni Julian sapagkat siya ay walang karapatangkumibo sa mga isyung pulitikal at negosyo.

    KBL Kilusan ng Bagong Lipunan; ang partidong kinabibilangan ni Marcos.

    Subersibo - ito ay radikal o nagpapahayag ng kasalungat na paniniwala o bagaylaban sa pamahalaan.

    BLISS Bagong Lipunan Indigent Settlement Services, programang pabahay niMarcos noong Batas Militar.

    PRPublic Relation; ito yung sinabi ni Pareng Daniel kay Amanda nangmagtanong siya dito ukol sa anunsyong trabaho sa diyaryo na nangangailangan ngtao sa advertising; dapat din daw ay mahusay sa Inggles; nang sabihin niya to kayJulian ay nagalit ito ng sobra, grabe.

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    8/9

    III. Pagsusuri

    UGUnder Ground o yung sikretong tagpuan ng mga NPA, mga lugar na sila langang nakakaalam.

    Ang Bayanopisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines; itoyung ginawang saranggola ni Bingo na nakuha umano niya sa kuwarto ng kanyangKuya Jules; sa pagpapatupad ng Batas Militar, ito ay itinuturing na subersibo kayaikinukulong ang sinumang mahulihan nito

    Writ of Habeas Corpus -Ang habeas corpus [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/],mula sa Latin: literal na "[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyoang katawan" ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sakinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiitang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na"kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus saIngles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungangpagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan anghabeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kungbakit ipiniit ang isang tao.

    IV - Sariling ReaksyonSa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga

    aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosentengsibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibangmukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walanghumpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.ng panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamayang Pilipino.

    Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daingng mamayan. Laganap sa bansa ang iba?t ibang klaseng krimen gaya ng salvaging.Magkabila ang mga rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mgaestudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan.

    Sa huli, kung tutuusin ay pulitikal din naman ang mensahe ngDekada '70. Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mgamagulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaano karapatang pantao o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan,makikita nating ganito rin kahalaga ang papel na gagampanan ng isang pamilyamagulang at anak sa paghubog ng isang tunay na malaya at mapagpalayang

    lipunan

  • 5/22/2018 95803542 Filipino Book Report Dekada 70

    9/9

    ~Wakas ~

    Maraming Salamat po sa inyong

    pagbabasa!

    Sources: Tagalog-Tagalog diksyunaryo