Upload
david-michael-san-juan
View
731
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
3rd International Conference
Inobasyong Pangwika sa Filipino Tungo sa
Inklusibong Edukasyon
Sheila D. Dotimas(Research Promoter)
INKLUSIBONG EDUKASYON:• tumutukoy sa partisipasyon ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto sa akademik at
sa komunidad (Barton,1997.p84-85).
• Proseso ito ng paghahanap ng mga kasagutan sa mga problema o
pangangailangan ng bawat isa at pagtugon sa mga pangangailangan
ng mga mag-aaral upang mas umangat ang partisipasyon sa
pagkatuto at upang mabawasan ang diskriminasyon sa
edukasyon(Both, 1996).
• instrumento tungo sa pagsulong sa mga iba’t ibang istilo ng pagtuturo
upang ang bawat tao ay maging kapaki-pakinabang sa kanyang lipunang kinabibilangan. Isang
mahalagang kaisipang nakapaloob dito ang konsepto ng pagkapantay-
pantay (Ulep, 2009 p.6-15).
LANGUAGE THEORIES:• COMMUNITY LANGUAGE LEARNING:
*Teachers see their students as a “whole” person where their feelings, intellect, interpersonal relationships,
protective reactions, and desire to learn are addressed and balance.
(North, M. 2010)
• WHOLE LANGUAGE THEORY :
*Learning is social (interactions are important); that the multiple
perspectives encourage better understanding and provoke
additional learning (therefore diversity within classroom is
important).(Peterson, M. 1997)
INKLUSIBONG WIKA:• Sociolinguistic theory of Language Codes sinabi na sa paggamit ng tao ng wika ay nahuhubog ang relasyon
sa isang pangkat na maaaring makaapekto sa paraan ng paggamit
ng wika. Inilahad na ang mga sumusunod na epekto ng paggamit
ng wika sa proseso ng pagkatuto:
(1) nagdudulot ng pagkakaisa sa mga mag-aaral sa loob ng paaralan,
(2) nagpapasimula at nagpapatibay ng relasyon,
(3) nakalilikha ng isang diwa na ang pakiramdam ng bawat isa ay kasama
sa pangkat;at (4) napapansin ang pagiging bukas ng
bawat isa. (Bernstein 1971)
• Sinabi ni Schumpeter sa kanyang aklat na Capitalism, Socialism and
Democracy (2006) na ang pagkakaroon ng inobasyon ay
nagdudulot ng pagiging malaya sa isa’t isa at nakalilikha ng mga
makabagong pamamaraan upang mas mapaunlad ang pagkatuto ng
mga mag-aaral.
• Inclusive language is a matter of conscience because the words we choose to use have a
tremendous impact upon treating one another with mutual respect.(Thorsen,Don &
Becker, Vickie, 1998)
• Inclusive language also refers to the intent of not using any words, phrases and concepts
that stereotype or discriminate against someone because of race, culture, nationality or religion as well as gender.( Thorsen,Don &
Becker, Vickie, 1998)
• TIYAK NA SULIRANIN:1.Ano-ano ang mga ginagamit na
Inobasyong Pangwika sa Filipino tungo sa Inklusibong Edukasyon?
2.Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa Inobasyong Pangwika sa Filipino tungo sa Inklusibong Edukasyon?
METODO:DISENYO:-Deskriptibo
POPULASYON AT LUGAR: - 28 na guro na nagtuturo ng mahigit sa 3 asignatura sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng SLU.
KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG
DATOS:- Talatanungan.
PARAAN NG PANGANGALAP NG
DATOS:-Pagkuha ng mean,
porsyento at pagranggo
Talahanayan 1: Mga ginagamit na Inobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon.
Microsoft Word
Document
Talahanayan 2: Mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mgaInobasyong Pangwika sa Inklusibong Edukasyon.
Microsoft Word
Document
KONKLUSYON:• Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral ay
may Inobasyong Pangwika na ginagamit sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro
bagaman Madalang lamang ang Paggamit nila ng mga ito gaya ng taong may
kapansanan sa paningin sa halip na bulag, salitang taong may kapansanan sa
pandinig sa halip na bingi, at salitang taong may kapansanan sa pananalita sa halip na
pipi.
Karamihan sa mga guro ay mas gugustuhin nilang gamitin ang mga tradisyunal na mga salita para sa mga taong may kapansanan dahil ito ang kanilang mas nakasanayan at marahil ay hindi pa
gaanong kilala ang programang Inklusibong Edukasyon para sa kanila. Sa kabila ng
pagsasagawa ng Inobasyong Pangwika sa Filipino tungo sa Inklusibong Edukasyon ay may mga salik na nakakaapekto rito. Ang kinagisnang
kultura ng bawat mag-aaral ay may malaking kaugnayan sa paggamit ng Inobasyong
Pangwika.
Gayundin, ang kalakasan at kahinaan ng isang mag-aaral sa
paggamit ng wika, ang kawalan ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa
akademik, ang kaalaman at pagpapahalaga ng guro sa
Inklusibong Edukasyon ay mga salik na Lubos na Nakakaapekto sa
paggamit ng Inobasyong Pangwika.
Ang paggamit ng Inobasyon ay napakahalagang angkinin ng
isang guro sa maraming aspekto ng pagkatuto lalo na sa wika
bilang kasangkapan sa lahat ng asignatura.