21
Host: Khrysta Imperial Rara Student-Producer: Karen De Guzman Guest: Dra. Mikaela Villablanca, Veterinarian at Animal House Veterinary Hospital & Grooming Center Host: Magandang magandang hapon Pilipinas! Oras na naman para sa isa pang makabuluhang Kwentuhang Pets. Miyerkules na naman po ng hapon at alam nyo naman po dito sa programang ito bida ang mga hayop. Yung mga hayop, yung mga animals natin. Whether alagang hayop natin sila sa bahay or yung mga hayop na kinakain natin or yung mga tinatawag na wild life. Sila po ang bida sa programang ito. Yang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong. Lahat lahat ng klaseng animals, pag-uusapan natin dito. So, kamustahin ko lang po lahat mga nakikinig satin ngayon, yung ating mga usual listeners, mga kaibigan natin, yung mga tinatawag ko na friendly stalkers, mga nakikinig pero hindi naman nagrereact. Pero malalaman ko nalang na das after na nakinig pala sila. Okay, yung mga friends natin tulad ni Mallen Novion from Sta. Ana, si Vanjie sa Quezon City, si Jaya, si Evelyn, si Raquel, at si Lou, at syempre si Jaja De Leo from Australia. Ate syempre wag natin kalimutan yung mga regular listeners natin, laging nakikinig dito satin. Yung mga aso ko po sa bahay, si Molly, si Cosette, at si Yana. Yan lagi silang nakikinig. Pati mga pusa ko nakikinig din sila. At nagrequest pala si Professor Evelyn Katigbak batiin ko naman daw ang kanyang aso na si Choco, mahal na mahal nya yung aso nya na si Choco. Ayaw nyang lumipat dito sa Campus, tumira dito sa Campus dahil maiiwan daw nya yung kanyang aso na si Choco. O ayan, nagrereact na yung mga suki natin pati yung tuko, nagreact na. Nakikinig na raw sila. There are ready again. Okay, welcome to the show folks, people, and animals. Kasama ko po ngayon ang ating Student

file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Host: Khrysta Imperial Rara

Student-Producer: Karen De Guzman

Guest: Dra. Mikaela Villablanca, Veterinarian at Animal House Veterinary Hospital & Grooming Center

Host: Magandang magandang hapon Pilipinas! Oras na naman para sa isa pang makabuluhang Kwentuhang Pets. Miyerkules na naman po ng hapon at alam nyo naman po dito sa programang ito bida ang mga hayop. Yung mga hayop, yung mga animals natin. Whether alagang hayop natin sila sa bahay or yung mga hayop na kinakain natin or yung mga tinatawag na wild life. Sila po ang bida sa programang ito. Yang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong. Lahat lahat ng klaseng animals, pag-uusapan natin dito. So, kamustahin ko lang po lahat mga nakikinig satin ngayon, yung ating mga usual listeners, mga kaibigan natin, yung mga tinatawag ko na friendly stalkers, mga nakikinig pero hindi naman nagrereact. Pero malalaman ko nalang na das after na nakinig pala sila. Okay, yung mga friends natin tulad ni Mallen Novion from Sta. Ana, si Vanjie sa Quezon City, si Jaya, si Evelyn, si Raquel, at si Lou, at syempre si Jaja De Leo from Australia. Ate syempre wag natin kalimutan yung mga regular listeners natin, laging nakikinig dito satin. Yung mga aso ko po sa bahay, si Molly, si Cosette, at si Yana. Yan lagi silang nakikinig. Pati mga pusa ko nakikinig din sila. At nagrequest pala si Professor Evelyn Katigbak batiin ko naman daw ang kanyang aso na si Choco, mahal na mahal nya yung aso nya na si Choco. Ayaw nyang lumipat dito sa Campus, tumira dito sa Campus dahil maiiwan daw nya yung kanyang aso na si Choco. O ayan, nagrereact na yung mga suki natin pati yung tuko, nagreact na. Nakikinig na raw sila. There are ready again. Okay, welcome to the show folks, people, and animals. Kasama ko po ngayon ang ating Student Producer of the Week si Karen De Guzman at ako naman po ang inyong host Khrysta Imperial Rara, Karen?

SP: Ayan, magandang hapon po mga Isko at Iska! Ngayon naman ay bibigyan natin ng pagbalik-tanaw ang mga napag-usapan noong nakaraang Miyerkules. Noong nakaraang Miyerkules ay naging guest natin ang isang abogadong may alaga ng 70 cats at 12 na aso plus isang ibon na cockatoo at may mga pagong pa. Si Attorney Myra Cruz po na isang totoong animal lover. At ngayon namang hapon, pag-uusapan natin ang isa sa mga sensitibong isyu na kinakaharap ng mga hayop, ang animal cloning o ang proseso ng paglikha sa isang organismo sa eksaktong genetic copy ng iba.

Host: Nako, very interesting yan, Karen. Alam mo yung guest natin last week, si Attorney Myra, 70 cats and 12 dogs. Sa palagay ko hindi na nya kelangan mag clone kase madami na syang hayop. Pero sabi nya, pag meron daw namamatay na mahal na

Page 2: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

mahal nyang aso, pinapastuff nya. Gusto nya mapreserve yung katawan. Usually ginagawa yon sa mga ibon, sa mga wildlife pero dogs and cats na namatayan tapos papastuff mo tapos you put them sa ibabaw ng table mo parang nakikita mo for me kahit mahal na mahal mo sila, ang creepy diba. Pero sya talagang parang she doesn’t want to part with them.

SP: Siguro talagang ganun na po kalapit yung kanyang puso sa mga hayop. Talagang mahal na mahal nya po yung mga hayop kaya ganun po ang ginagawa nya.

Host: Oo, apparently marami ng mga Pinoy ngayon ang ganyan. They rescue mga animals sa kalsada tapos kung hindi nila maipaadopt or what, iuuwi nalang nila. Sila na mag-aalaga so hindi ko alam, dati kase parang when I was growing up, hindi ganyan ang mga Pinoy. They don’t rescue. Bihira yung mag aadopt. Ang paniwala ay yung gusto mo ng aso o pusa, kelangan nasayo pup o kitten pa. Kung hindi, pag matanda na raw, pag adult na, mahirap na raw makasundo, mahirap ng mag-adjust. Pero we’re finding out now na hindi pala totoo. You can dapat, you can get animals from the streets and they can adjust to you and you can adjust to them. Sometimes sila pa nga ang magsasagip ng buhay mo. Ganun nangyari saken e, I adopted a dog from dito sa COOP. Tapos 3 days naming inabangan kase gabi lang sya lumalabas. Tapos about a month later, pinasok yung bahay, may mga magnanakaw na pumasok sa bahay. Sya yung naglead doon sa dalawa ko pang aso. So tatlo sila. They prevented the burglars from entering the house. 3 nights daw na yung mga magnanakaw attempted to enter the house. Hindi sila nakapasok, nakuha ng CCTV neighbor na yung dog na narescue ko, he was the one leading the defense. Ang galling kaya talaga I’m for rescuing and adopting

SP: Yung mga aso po talaga ay ang ating man’s bestfriend.

Host: Yeah, that’s really true. Kaya nga itong cloning, syempre I have my thoughts about it pero tatanungin muna natin yung ating guest.

SP: At ngayong hapon nga po ay makakasama natin ang isa sa mga beterinaryo sa Animal House Veterinary Hospital and Grooming Center at syempre sariling atin, graduate po sya ng UP Los Banos, walang iba kundi si Dra. Mikaela Villablanca. Ayan, magandang hapon po doc!

Guest: Magandang hapon din po sainyo, Ma’am Rara and Karen at sa lahat ng tagapakinig ng DZUP.

Host: Yan you know, can I say kung saan ka nagpapractice, Doc Mika? Ay nasabi mo na ba? Kase for years we started this program, I’ve been trying to invite people from Animal House. Palagi ang sagot saken, “Ay busy kami” Finally, finally. Si Karen may

Page 3: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

nakuha na guest so welcome to the show. It’s such an honor to have finally Animal House kase it’s one of the biggest dito sa Manila. Doc Mika, what is your specialty?

Guest: Small animal medicine po talaga. Ito yung mga kasama natin sa bahay, mga aso at pusa. Kung san din yung mga clients ng Animal House, yun din po yung mga pasyente naming.

Host: Sa Animal House din ata meron kayong mga clients na ibon.

Guest: Opo, pati pagong.

Host: Are they considered small animals?

Guest: Opo. Small animals din po. Madami din po kase saming mga vets ang nag eespecialized sa reptiles.

Host: Ah reptiles, pati mga ahas may pumupunta?

Guest: Opo, pero mas marami po talagang dogs and cats.

Host: Oh okay. We’re gonna ask you about cloning, mamaya.

SP: Yes, ayan mamaya nga po ipagpapatuloy natin ang ating usapan tungkol sa cloning. At kung nais nyo pong sumali o mag react sa aming pinag-uusapan, magtext lang sa 09994682307 at pwede din kayong pumunta sa fb page ng Kwentuhang Pets Atbp. Or listen live screening sa www.dzup.org Magbreak muna po tayo. Ang oras natin ay labingtatlong minute matapos ang alauna ng hapon. And DZUP 1602 ay kasapi ng KBP, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Sa DZUP 1602, Kasali Ka!

- BREAK -

Plug

PSA

Host: Okay, balik po tayo sa programang Kwentuhang Pets Atbp. Kasama ko parin dito si Karen, ang ating co-host at producer for the week at si..

SP: Dra. Mikaela Villablanca mula po sa Animal House.

Host: Ayun. Doc Mika, you’re so young. Doon sa guest nyo doon sa Animal House ay mostly small animals. And among these small animals, meron na bang kliyente na nag express ng interest nya na pag namatay yung aso ko at pusa ko, gusto kong ipaclone?

Guest: Sa mga pasyente naming ma’am, minsan nabbring up nila yan. Yung cloning. Kase syempre attached na sila dun sa mga pets nila and they treat them as family.

Page 4: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Tapos syempre minsan, it has been for 15 years. 15 years old na yung dog or yung cat, talagang ayaw pa nilang ilet go. Talagang napakahirap non, which we understand as doctors talaga. Kaya kaso syempre, the cloning itself, yung process. Hindi sya dito ginagawa sa Philippines. It’s not done and it’s not available dito sa Pilipinas.

Host: Pakiexplain nga para sa mga listeners natin, ano ba tong tinatawag natin na cloning?

Guest: Cloning kase is your copying the exact genetic material from for example isang aso, tapos iimplant mo sya dun sa isang egg cell. Ito po yung mechanism nya sa isang egg cell then you would put the egg cell, yun yung embryo, with the DNA with the embryo and then put it into a surrogate mother.

Host: Sa loob ng tiyan ng isa pang female dog or pusa?

Guest: Yes, tapos, dun po, maggrow sya as a normal fetus would develop. It will go through the 60-65 days for dogs then manganganak sya then you would have a clone, a cloned dog which is same sila ng genetic material nung pinagkunan. It could be your dog or it could be a significant dog.

Host: I can’t imagine why would people want, ano ba yung reasons nila bakit nila ginagawa ito? Ano bang relevance?

Guest: Well for, one for dogs and cats which is yung nadiscuss din kanina is gusto pa nila yun pa din yung dog nila. Lalo na kung nag-iisa lang yun sa bahay. Usually dun natin nakikita yun kapag isa lang yung pet nila sa bahay then the pet passed away, talagang gusto nila, ayoko ng iba gusto ko sya. So they would go to the cloning talaga. Pero usually na nakikita ko in the veterinary med industry for the industry o yung talagang research nila in cloning is into the livestock industry.

Host: Ah bakit yun?

Guest: Well kase, for efficient food production yun e. Ang taas ng demand. So gusto mo mabilis yung breeding nitong mga baka, nitong mga kalabaw, nitong mga baboy.

Host: So instead na normal na ipamate nalang sila tapos manganak, bibilisan kukuha ng DNA tapos create more, dodoblehin, o ttriplihin no yung mga baboy o baka.

Guest: Yes, and although it would go to the same development ng pagbubuntis at panganganak tapos maggrow sila, you could choose sinong gusto mong dumami. Halimbawa, itong bakang to, marami syang nabibigay na gatas compared dito sa, si baka A at si baka B, mas maraming magbigay si baka A. So sya yung icchoose mo na iclone kesa kay baka B. So yung breeding mo nagiging selective. Actually, yung cloning, under lang yan ng isang umbrella nung Assisted Reproductive Techniques.

Page 5: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Kasama nya yung artificial insemination, kasama nya si embryo transfer, in vitro fertilization, yan isang umbrella lang sila, iba iba lang ng paraan.

Host: Kaya lang, parang mas natural isipin yung in vitro diba..

Guest: Kung pag-uusapan natin yung tao, pero with animal cloning, yun talaga yung ginagawa which is ngayon accepted na si artificial insemination, ginagawa na talaga yan, embryo transfer undergoing research, it’s already being done. Yun, nagkakaroon lang tayo, yung cloning, hindi pa tayo andun

SP: Ano naman po kaya yung epekto nun? Halimbawa yung baka, yung gatas na mapproduce na nung cloned. Ano yung, okay ba sya sa mga tao or hindi?

Guest: Actually isa yan sa mga pinagdedebatehan kase kelangan if you’re producing clones for human consumption, kung karne man yan o gatas, kelangan kasing safe nya, yung nappoduce nung mga normally bred na mga hayop kaya merong mga screening yung mga hayop. For example in the US, nagkakaroon ng screening ang food and drug administration for that kase kelangan mamatch nya yung quality tapos wala syang extra na napproduce kase iba yan e, kinlone mo kaya andun din nanggagaling yung takot ng mga tao to go with the products of cloned animals.

Host: So kung kunwari kumuha ka ditto sa isang baka o sa isang aso ng DNA tapos iinject o iimplant mo sa isang hayop para maging surrogate mother pati yung sakit na hindi mo alam na may sakit pala yung aso o baka, makukuha din ba nung magiging anak na clone?

Guest: Maaari po lalo na kung it’s genetically passed on, kung yung mga sakit nay un ay maeeconde sa genes. Kase yun yung mga kinukuha natin kaya when they selectively breed, sila talaga yung magaganda yung klase.

Host: Kase minsan hindi mo alam e na may natatagong sakit pala.

Guest: Yes, actually that’s also one of the reasons bakit they develop these techniques, yung cloning, yung mga reproductive breeding techniques para malessen yung mga incidents ng may sakit.

SP: Pero diba meron po atang insidente na nagkakasakit yung mga hayop dahil dito sa cloning?

Guest: Oo, kase you’re interfering with the development e. It’s not natural. So talagang magkakaroon yan ng problem. They tried cloning in the research, in the laboratory, madaming namamatay yung fetus or they don’t reach the term or week sya paglabas of after few months, mamamatay. Kase when you mess with genetics, talagang ang hirap nyang manipulahin. Kase if it’s one whole and you picked something out tapos iba na

Page 6: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

yung development, talagang merong mga bagay na hindi mo maexplain. Yung cellular mechanisms at ibang mga processes, na talagang mahirap. Kaya nagkakaroon tayo ng problem don with the research in cloning.

Host: Oo. Yung very first animal ata that was cloned is yung Dolly, the sheep and she lasted for?

Guest: 6 years.

Host: 6 years? Matagal na rin pala. Akala ko she died right away.

Guest: Hindi naman. Kaya madaming nakapaggawa ng researches din on her.

Host: Ang naging problema ata sakanya ay yung premature aging, tumanda sya agad?

Guest: Yes, mabilis syang tumanda kase remember you’re getting the DNA of an aged sheep. Hindi sya yung pagsilang nya, the genes would be young. Saka you wouldn’t know how it would develop kase iba yung pagkakaimplant sakanya e, it’s artificially implant.

Host: Apparently sa US pala, madami ng nagawang naclone. There was a CC or Copycat na ginawa sa Texas University. Tapos si Little Nikki was created by Genetic Savings. Parang ang sagwang pakinggan no? Created by a company instead na sabihin na pinanganak ng isang nanay. Tapos there was Jean, the first cloned calf in 1997, created by the American Breeder Facilities. Tapos there was a cow named Daisy and second chance a bull created by Texas AMN University. Tapos may nabasa ako na isang chuaua, isa syang doctor tapos may narescue sya isang chuaua sa isang kalsada. Very weak yung chuaua tapos inalagaan nya ata for 6 years, mahal na mahal nya yung chuaua tapos nakalabas ng bahay, pinatay ng isang Rottweiler. Nilapa daw ng Rottweiler tapos he was devastated tapos 5 days after, I think he preserved the body of the chuaua nya si Dr. Seagull ata yun tapos after 5 days, nagdecide sya naipaclone. Pinadala nya yung DNA sa Korea tapos sinabihan sya na, “Oh you have 3 pups here” Tatlo yung naging anak nya so ngayon meron na syang 3 pups. Merong inupload sa youtube na 3 chuaua na kamukha nya, pareho daw yung mga kilos nila. They know the favorite hang outs of the original donor. Hindi na father no? Then there was this woman in the UK who won this award sa isang contest na pinatakbo ng Korea, e ang prize, yung aso nya ay libreng cloning. E sa Korea ang cloning it would cost a hundred dollars.

Guest: Yes, napakamahal po.

Host: Oo, pinadala nya yung DNA nung kanyang Dotson tapos pagbalik syempre a younger version of her dog na buhay pa rin so tinanggap naman ng nanay. Sa kanila, hindi na nila iniisip yung ethics kase anjan na e. Nabuhay naman yung kanilang aso.

Page 7: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Yung isa 15 years, tumatanda na tapos biglang nagkaanak. Na cloned nga. So considering all these things, ano pa yung ethics?

SP: Kasama na po yung mga advantages and disadvantages nito.

Host: Well, nasabi nyo nga kanina na pampadami sa mga food animals.

Guest: Well, another pa nyan sa cloning is in the medical research.

Host: Ayun, to advance research.

Guest: Yes, actually talaga cloning and the breeding if it’s not the food animal, talagang pupunta yan sa research kase you would need high amount o madaming hayop para sa research and dapat lahat halos pare-pareho sila. When you’re doing a research, dapat equal yan ng weight, dapat same ng strain. For example, rats and mice, meron yang strain. So usually yung iba, other than breeding or magkakapatid yung gamitin para less yung variation na makukuha nila sa experiment, the would use the cloned. Lahat sila cloned, so pare-pareho sila ng genes. So the research, the experiment would be more significant sa mga result.

Host: So I understand now ayaw ng mga people dun sa Animal Rights Movement kase ginagamit mo yung mga hayop, as an experiment para sa for whatever purpose basta totally hindi natural and you’re just using him kase there are against using of animals for anything other than the good of the animals.

Guest: Kase what we have to understand about technology is that it’s always moving forward. Talagang halimbawa, kelangan nilang maresearch to they would need more. Yung iba, kelangang hintayin na manganak yung daga tapos magrereach sa maturity yung mga batang daga para magamit sa experiment, they would just clone it.

SP: Ayan, so mamaya nga ay tatalakayin pa natin yung iba pang mga isyu tungkol ditto sa animal cloning. Magbabalik po tayo after ng break na ito. Ang oras po natin ay tatlumpung minuto matapos ang alauna ng hapon. Ang DZUP 1602 ay kasapi ng KBP, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Sa DZUP 1602, Kasali Ka!

- BREAK -

Plug

PSA

Host: Okay, balik po tayo sa Kwentuhang Pets. We have a very animated talk here with Doc Mika and we’ve discovered that si Doc Mika pala ay may ginawang experiment sa mga daga at honey. Doc Mika we’re gonna ask you about that later on. Pakinggan muna natin ngayon yung kanta about cloning.

Page 8: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Song about Cloning

Host: Okay. Yung kantang yun ay sinulat pala nung, yung kinwento ko kanina si Dr. Georg Simmel, isang cosmetic surgeon na nagrescue ng isang chuaua na yung pangalan ay Bob. Narescue nya nung 3 weeks old palang si Bob in 2008 until 2011 tapos pinatay ng isang Rottweiler tapos later pinadala nya sa Korea tapos bumalik, tatlong litte Bob, the Bob triplets. So yung kanta ngang yan ay ginawa nga nung naclone na si Bob. But the song raises a lot of questions about cloning so itong si Bob ngayon ay buhay na buhay pa kasama itong si Dr. Simmel, kasama itong taga UK na aso. So people are doing it na talaga. Mukhang commercial na, if you want a pet times 3, you just send it to Korea and they would do it for you.

Guest: But ofcourse it would cost a lot of money.

SP: Yes, sobrang expensive ang pagcclone ng animals.

Host: Oo, hundred thousand. 60,000 pounds. Tapos hundred thousand US dollars.

Guest: Imagine that.

Host: Oo, ibang iba ito kung kumuha lang ng DNA tapos artificially insemination. Iba to no Doc?

Guest: Yung ano kase cloning is that you will get the exact DNA pero it’s not a mirror image, pwedeng hindi sila magkamukha nung naclone. Para rin kase yang twins, twins could actually theoretically could be considered as clones. Peor sabay lang silang pinanganak. Pero remember that twins, they share the same DNA pero they don’t have the same fingerprints.

Host: Pero kung clone?

Guest: The clone, parang ganun din. Hindi rin sila same, meron silang mga hindi pagkakapareho na features. Although they have the same DNA, depende pa rin kase kung ano yung maeexpress dun sa genes nya.

Host: Pero katulad nga nung sabi nyo kanina, makukuha pa din yung mga sakit?

Guest: Maaari, oo. Kaya usually yung mga kinoclone for use, for lab, for food. Yun yung magaganda yung characteristics.

Host: Ah, okay. Pwede na palang gawin yun. Yung kanina pala yung sinabi ko nung umpisa, yung pinapastuff.

Guest: Taxidermy.

Page 9: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Host: That’s taxidermy. Yun naman, ibang iba naman yun. Patay na yun tapos papastuff mo gusto mo lang na maging dekorasyon. Itong tinatanong ko sayo kanina kase you mentioned that you had a thesis and you had an experiment na yung mga daga na nastroke ay binibigyan nyo ng honey.

Guest: Ay, hindi ko pa pwedeng sabihin to the public yung result.

Host: Bakit?

Guest: Kase meron pa syang kasunod na mga researches.

Host: Ahhh. Sayang kase other people with pets or tao na nastroke, pwede sana sila makinabang sa information na yon.

Guest: Yes, kaso syempre hindi pa natin alam yung full effects nun pag tao na. kaya with everything we see, food, drugs, kahit yung mga lotion natin, they always go through animal testing kase they have to be screened muna para malaman yung toxic effect ng ganitong kaonti or karami. So ganito yung nireresearch po ngayon to make sure that it’s safe.

Host: Pero maganda yan, sorry but I have to go back. Maganda yan, honey for stroke survivors or patients. Kase ako I’m really a supporter of natural medicine for mga sakit so honey for stroke. Wow e di kung alam ko lang yun nabigyan ko yung mommy ko noon pa. Sana hindi na lumala yung stroke nya. Ahm, in your practice at Animal House, gumagamit ba kayo ng natural remedies?

Guest: Opo. Pero usually meron po tayo para sa, iniinom talaga na mga gamot para sa preparations na.

Host: Like?

Guest: I can’t say the brand name no. Pero yung mga liver tonics.

Host: Ano pala yung mga ingredients para sa problemang liver?

Guest: Marami syang herbs talaga. Hindi lang po isa. Marami talaga. Then the honey, we also use it for wound healing.

Host: Do you apply it to the wound or iinom?

Guest: We apply it to the wound. Para rin pong mga bayabas. We usually go back to the organic kase napakapromising po nung mga ganun.

Host: Kase ang dami na ngayong mga tao and I’m one of them na mga pet owners na nagtatanong palagi na kung anong mga alternative. Kase napansin ko kunwari sa

Page 10: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

animals yung antibiotic, babalik din yung sakit. Matatanggal lang ng let’s say how many months pero babalik din. That’s why I’m looking for natural diba para safe na ibigay.

Guest: Kaya nga syempre, first na given natin is antibiotics kase yun yung given na nakakagaling pero pag old na yung dog, nagkakaroon tayo ng problem with resistance. Hindi na talaga nagwowork yung antibiotic kaya naghahanap talaga tayo ng organic kase mas readily available and less yung side effects kase organic sila compared to the pharmaceutically prepared. Kaya andami po ngayong mga researchers ngayon to the organic proving na ito may ganitong effect. Kase dun po nagsshift yung consumers e. What’s better, ano ba yung pwede nating ipalit? Ano yung less adverse effects? Which is kaya andami po ngayong nagfoform, nagkakaroon ng mga products na organically based tapos meron ganitong therapeutically effects for human and for our pets.

Host: So pag merong nagtanong sainyo na mga natural remedies, you give the pharmaceutical effects or you also tell them na kumuha ng tatlong dahon ng bayabas tapos iboil mo?

Guest: Actually po yung mga herbal, meron na po silang nakaprepare. Nakaprepare na po sila into two tablets, into capsules. Pero yung main ingredient nya ay dahon, yung ganitong mga root. Pero kung sila ang kukuha, we don’t know kase the quality of what they would get. Kaya binibigay na naming yung product, ito yung ingredients nya.

Host: Saka yung dosage nya, hindi pa alam.

Guest: Yes, very important. Kung topical lang naman po, yung inaadvice po namin minsan na for the bayabas, pakuluin, ipahid mo sa may sugat. Tapos yun yung pang langgas, you could put honey kase maganda yon for wound healing.

Host: Nako, nalihis na tayo ng topic pero very interesting kase and ang dami talagang naghahanap ngayon. They’re even looking for acupuncture. Meron din kayo? Sinong nag aacupuncture doon?

Guest: One of the doctors, yung senior med po naming.

Host: I’m glad na meron. Kase when I used to go there, wala pa e. Wala pang acupuncture doon.

Guest: Madaming mga patients din po doon na nag oopto acupuncture kase promising din po sya.

Host: I had a, dati naghahanap ako ng acupuncturist for my cat kase bigla nalang syang pipilay pilay. I brought him to siguro mga anim na doctor, hindi nila malaman kung ano. I brought him to my acupuncturist tapos inacupuncture din sya tapos sabi nung doctor ko, I’m not a vet ha. Pero alam ko lang yung structure nung sa tao, so dito

Page 11: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

ko ilalagay tapos pinoint out nya dito sa paa, sa likod. And I think after ng mga linggo, yeah he was running around. Nung umpisa, hinang hina yun si Sam. Hinang hina sya,walang kalakas lakas. Kinakarga ko. Maya maya, pumipiligkas na. Acupuncture really works.

SP: Yan, at ngayon nga na mas nabigyan tayo ng linaw kung ano nga ba ang mga epekto ng animal cloning at kung anu-ano nga ba ang mga serbisyo na maaaring gawin sa mga hayop, sap ag-abante kaya ng ating teknolohiya, ano kaya ang hinaharap ng ating mga hayop? At yan ay ating tatalakayin sa pagbabalik ng Kwentuhang Pets ngayong Miyerkules. Ang oras po natin ay labinlimang minuto bago mag alas dos ng hapon. Ang DZUP 1602 ay kasapi ng KBP, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

- BREAK -

Plug

PSA

Host: Okay, Kwentuhang Pets Atbp pa rin tayo, kasama pa rin si Doc Mika. Tamang tama during the break may pumasok na isang question mula kay Mallen ng Sta. Ana, sabi nya Doc Mika, “Pabor po ba kayo sa mga nag eeuthanasia?”

Guest: Euthanasia, it has always been a sensitive topic among vets, vets with owners, lalo na sa mga owners natin. Yan kase euthanasia yan yung putting to sleep yung mga hayop natin. Papatulugin sila. Samin as a veterinarian, that’s the last thing, that’s the last option we could have. Halimbawa may sakit, it could be any disease e. But what we should consider is that the dog in pain? Are the medications not working? If you exhaust all the options you have, lahat ng maisip mo, then you do it. Tapos wala na talaga, it’s not working then nagdedelibitate pa yung state nung condition nung pet then nakikita mo in pain sya, then that’s when you tell the owner that you can consider this kase ayaw natin na nakikita na nagiging in pain yung mga pets, jan na pumapasok si animal welfare e.

Host: Doc Mika, pano mo masasabi in pain yung pets? E tahimik e, walang imik, natutulog lang.

Guest: Actually they have the behavioral.

Host: Papano? How?

Guest: One is pag maririnig mong umiiyak. Yung iba naman nananahimik, nagcucurl up lang. Isa yan sa mga clinical signs na tinitignan natin kapag in pain. Tapos hindi yon yung normal behavior nya sa bahay. Kase syempre yung aso, magcucurl up yan pag malamig. Pero yung magcucurl up sya, kase it’s a step wise decision. When you go up

Page 12: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

and up and it’s not working. Yun na talaga yung last option. And ofcourse, ang magsasabi nyang ang ruling jan ay the owner. We’ll inform them that this is the condition of the dog, ganito yung progression nung sakit. Tapos ganito yung maaari pang mangyari sakanya. We have tried this, we have tried that. Minsan sila pa yung nagbibigay samin na “Doc we saw that in the Internet” We understand that, we also think about it. Tapos if we could do it, we will. Pero tapos kung wala talaga, nagkakaroon tayo ng mga case e. There are diseases in our animals na ang progression nya ay pababa. Ang mismong inaatake nila ay yung immune system kaya hindi na makalaban yung mga aso, cancers, mga tumor na kumakalat na.

Host: Masakit yan no?

Guest: Masakit kase nagkakaroon narin sila ng complications sa iba’t ibang organs, sa atay, sa bato, sa puso, sa baga. Tapos hirap huminga, yan nakikita mo sila na hirap huminga. Talagang yung bawat hinga nila ay effort.

Host: Doc Mika have you personally done it? Done euthanasia in your practice?

Guest: Yes.

Host: Explain it to us. What was going to your mind? Ano yung reaction mo to the situation to the patient?

Guest: Actually po yung dinidiscuss ko palang sakanila, naiiyak na ko. Kase mula nung pagdating palang nila, nung inaasikaso mo, nakita mo ganito yung sakit. Tapos ganito yung medications na ginawa mo, kinonfine pero nakita mo na hindi nag iimprove. Isip ka ng isip ano yung gagawin ko. Ano pa yung pwedeng ipalit ko na gamot. Na mas malakas, na mas magrerespond sya. Then you do all the diagnostic test na kelangan tas wala pa rin. Then you consult your senior vets. Kase we’re a team e in our vet hospital, we’re a team. So when you’re looking for an answer, tatanungin mo talaga doc ano yung pwede ko pang gawin. Tapos pag wala na talaga, pag sasabihin ko na sa owner, minsan ako pa talaga yung naiiyak.

Host: Sila hindi umiiyak?

Guest: Sila din! Pero mas naiiyak ako kase in a way, bawat moment na makita mo.

Host: How many injections yun?

Guest: Actually nung ginawa sya, it’s one injection.

Host: One injection lang? Tapos nakatulog na?

Guest: Una ano, parang isesidate para makatulog lang sila parang anesthetize parang tulog lang sila, parang magcacalm down sila. Yung iba naman kase super bagsak na.

Page 13: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

yung super hindi na sila naglilikot. Ganun na kaworse yung disease nila. Ganun na talagang nagprogress. Talagang bagsak na talaga sila. Hindi na sila nagrereact then we will put the catheter, the intravenous catheter, then una normal solution lang, kase parang blood lang. Then anjan yung owners, we’ll ask them the last time, “Ma’am iinject ko na po ba?” You cannot do euthanasia without the owners.

Host: But do you or the owners talk to the animal first?

Guest: They will. Talagang ano yan, you will leave them for a few minutes. Kung gano katagal yung kelangan nila kase yung iba jan, “Ayoko doc, wag nalang” Backout.

Host: So mabubuhay pa, e nainjectionan na?

Guest: Hindi pa. Yun yung leave them time muna. Pag nagdecide na sila, Okay Ma’am, ito si doggie. Andun sila sa examination table, then we’ll give them some time alone. Kase we understand e. We’ll give them time. Tapos tawagin nyo nalang po kami when you’re ready.

Host: May follow-up question tayo dito, “Bakit hindi ba pwedeng hayaan nalang, e doon din naman papunta yun?”

Guest: Hmm, kase what we’re worried about is how’s your dog? Kamusta ba sya? Baka kase naman doon sa bahay, yun yung sinasabi yung iba e. Samin nalang sya mamatay. Yung concern nga ng euthanasia is baka nga nagiging in pain, nahihirapan. The correct word is nahihirapan. Yun lang kase tayo worried as medical professionals, ayaw lang natin na may iniindang sakit na in pain to, hindi sya makagalaw. Hirap na hirap. Pero ofcourse some of the owner opto “samin nalang sya, samin nalang.”

Host: Panong samin nalang? Iuwi nila?

Guest: Iuwi nalang nila since hindi naman continuous yung medication, uwi nalang naming then mababalitaan nalang natin na nagpassed away nalang sa bahay.

Host: Doc Mika, I don’t know if you’re going to believe this but I found a, kase I’m very interested in alternative medicines, usually pag meron akong pusa na nakikita kong mahinang mahina na and there’s no time to bring him na, I discovered that putting him a green, berde, crystal beside the heart, next to the heart nya, bumibilis yung pag-alis nya. Crystal, there are many kinds of crystal e. Merong green na malakyte, basta berde na crystal then put it beside the heart kase ang kulay ng energy ng heart is green. So pag nilagyan mo ng crystal, basta natural na bato, it opens the heart, para maacept na ng animal na it’s time for him to go and naintindihan na nya na tapos na yung kanyang ano and umaalis na sya. I’ve done it to several to my ano cats already. Mas bumibilis ang pag-alis nila.

Page 14: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Guest: Meron din naman po kaming mga patients na ayaw nila which I respect kase ang talagang huling desisyon jan ay yung the owners. Now kung talagang ayaw nila, gustong istay sa hospital, then let’s see how it goes. Pero wag mong patulugin ganun sila. Then bibisita yung owner, pagbisita nung owner, mag hi. Pag-alis, the cat will let go.

Host: Hinihintay lang nya yung owner?

Guest: Yes. Tapos tatawagan namin, “Sir, wala na po.”

Host: They hang on for the sake of their owners.

Guest: Yes, makikita po natin yun sa mga senior dogs natin. Talagang hinihintay nila, kita mon a hinang hina sila. Nakahiga lang but you still give them the medicines baka naman magwowork pa din diba. Tapos pagmagrorounds ka ulit, makikita mo wala na. yung iba kase nag ddenr. Yung do not resisitate na. yun na order ng owner, meron ng ganun e. Yung wag na, denr na. kaya hinayaan.

Host: Have you ever done mouth to mouth resuscitation?

Guest: Opo. We try that pero hindi naman po talaga sya mouth to mouth. We blow air. Kase po dun sa tao medyo wide e kaya kelangan mong close sya kaya mouth to mouth. Pero po sa hayop, you blow air then pump the heart, ganun po tayo magrevive tapos oxygen.

Host: Tha’s one thing I want to learn e, immediate.

Guest: Opo. Oxygen po yan. Oxygen, heart, tignan mo yung heart rate. Yun po yung mga tinitignan pag nakita mong hindi na sya nagbbreathe ng maayos, naging critical na. Yun yung nagagawa natin sa clinic na mga emergency services natin.

SP: Pwede po natin mapag-usapan pa yan no. Another topic pa po.

Host: Oo nga but unfortunately, alas dos na ng hapon kaya kelangan na natin tapusin an gating conversation. I really enjoyed the conversation about cloning. I hope the listeners also would think about the options na magcclone ba with a hundred thousand each dollars.

SP: Or let’s do the natural way.

Host: Oo the natural way kaso nga lang ngayon diba mas inaadvocate, parang pinpromote nila ang kapon kapon.

Guest: Oo kase dumadami na yung population ng mga dogs and cats natin.

Host: Anyway, do you have any last message or parting message to our listeners?

Page 15: file · Web viewYang mga aso at pusa pati na rin ang mga iba’t ibang klase ng hayop tulad ng mga baboy, ibon, baka, tuko, elepante, scorpion, pagong

Guest: Listerners, as a vet, I always tell my friends na sainyo din Isko at Iska, sa mga pamilya nyo that we always have to practice the responsible pet ownership.

Host: Ayun, should be the message talaga. Wag hayaan na masyadong dumami.

Guest: Kung hindi po kayang alagaan, ipakapon na po natin. Pumunta tayo sa mga clinic natin. Ipakapon, ipastay, ipastray yung mga aso at pusa para maprevent yung dadami tapos hindi maaalagaan tapos maiiwan lang sa kalsada, nakakaawa.

Host: Okay on that note, maraming salamat.

Guest: Maraming salamat din po.

Host: Doctor

SP: Mikaela Villablanca, maraming maraming salamat po sa pagtingkilik dito at pinaulakan nyo po ang imbitasyon namin na pag-usapan po ang animal cloning at iba pang mga isyu tungkol sa mga hayop.

Host: We hope to have you again.

Guest: Yes, thank you po.

Host: As I’ve said, first vet from Animal House agreed to be interviewed. Okay, we hope to have you again at sa lahat po ng nakikinig samin, kita kita ulit tayo next week, Miyerkules, ala-una ng hapon dito ulit sa DZUP 1602, Kasali Ka!