76
Prop. Ma.Carmen Peñalosa (Miriam College) Dr. Zeus Salazar (Retiradong Propesor UP Diliman & DLSU Maynila) Copyright 2011

Dr_Salazar&Prop_Penalosa_Ang Angkan Rizal Mercado Sa Pagsibol Ng Kamalayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

script

Citation preview

  • Prop. Ma.Carmen Pealosa (Miriam College)

    Dr. Zeus Salazar (Retiradong Propesor

    UP Diliman & DLSU Maynila)

    Copyright 2011

  • Sino ang di gagawa ng lahat para sa kabunyian, ngunit sinoAng gagawa noon na nagsasawalang-imik?.

    Di-abalang lumalabas ang KadakilaanAt walang-bisang nagtatawag ang KabunyianSa mga gumawa ng dakilang kabayanihan:

    Magpakita kayoSaglit man lamangMga di-kilala, may takip ang mukha, at tanggapinAng aming pasasalamat.

    (Bertolt Brecht, Papuri sa Ilegal na Pagkilos.)

  • Kasama ang angkan Bonifacio, masasabi na ang angkan Rizal-Mercado ang pangunahing nagsulong ng diwang mapaghimagsik noong huling bahagi ng Ika-18 na Dantaon, na higit na mahalaga sa kasaysayan ng ating pagiging Bansa.1) Ngunit mas malinaw at lantad ang heroismo (mula sa Kastilang hroe at Anglo-Amerikanong hero) ni Dr. Jos Rizal, katangian at dalumat na hindi maitutumbas sa ating kabayanihan (mula sa bayani na anyong Tagalog ng Austronesyanong

    *baRani) na hindi nakatuonsa katanyagang personal at indibidwal kundi sa pagdulotng kaginhawahansa Bayan at, kaugnay nito, sapagpapanatili ng kabuuan ngpamayanan at lipunan .2)

    Larawan I

    Hroe at Bayani

  • Kumpara sa heroismo ni Rizal na lantarang kumabaka sa

    sistemang kolonyal ng Kastila alinsunod sa ipinangangalandakan

    nitong legal na patakaran, ang kabayanihan ng kanyang kaangkan

    ay isinagawa sa labas ng legalidad kolonyal, sa pamamagitan ng

    lihim na pagkilos upang itatag ang kaayusang batay sa sariling

    kalinangan. Naging kasapi at tagataguyod sila ng Katipunan ng

    mga Anak ng Bayan na ang tanging adhikat layunin ay ang buuin

    si/ang Inang Bayan, hindi ang isang Nacin (nasyon) na

    natutunan ng mga Propagandista sa Kanluran at ang anyo, sa

    kabuuan, ay hindi naiiba sa kinakabakang sistemang kolonyal. 3)

  • Sa papel na ito, ipakikilala namin sila, upang silay pasalamatan sa

    kanilang lihim na pagkilos para kay/sa Inang Bayan nang walang

    hangaring mapatanyag. Sa wakas maipagbubunyi natin sila bilang mga

    bayani: ang dalawang kapatid na babae ni Rizal na sina Josefa at

    Trinidad at ang kanilang dalawang pamangkin na sina Angelica at

    Delfina; ang nasa likod ng mga ito (at ni Pepe mismo) na si Paciano;

    ang mga ina ng dalawang pamangkin nila na sina Narcisa at Lucia; at

    marahil pati na ang di-kilala dahil kinalimutan nang si Soledad na ang

    asawa ay naging Katipunero rin, si Pantaleon Quintero, na kasamang

    nakibaka ni Heneral Paciano. Sa konklusyon, tutukuyin namin kung

    paano naiiba ang kanilang kabayanihan sa heroismo ni Pepe.

  • MGA RIZAL MERCADO

    SA PAMUNUAN NG KATIPUNAN

    Di tulad ng kanilang kapatid at tiyuhin na si Pepe, naging

    mapaghimagsik sina Josefa at Trinidad, at sina Angelica Rizal Lopez at

    Delfina Rizal Herbosa, kung ang pagbabatayan ay ang kanilang

    pagkabuo sa sangay pangkababaihan ng Katipunan noong Hulyo 1893,

    kasama si Marina Dizon, anak ni Jose Dizon, kasama ni Bonifacio sa

    pagtatag ng Katipunan. Naroon din si Gregoria de Jesus4) na noon ay

    hindi pa kasal kay Andres Bonifacio [naganap lamang ang kasal noong

    mga unang buwan ng 18945)].

  • Larawan II

    Pamunuan ng Sangay ng Kababaihan ng KKK

    Josefa Rizal, 1865-1945 (Pangulo)

    Gregoria de Jesus, 1875-1943(Pangalawang Pangulo)

    Angelica Rizal Lopez, 1877-37(Tagausig)

    Marina Dizon, 1875-1950(Ingat Yaman)

  • Nahalal si Oryang na pangalawang pangulo habang ang

    nakatatandang si Josefa (28 anyos noong 1893 kumpara sa 18

    anyos nina Oryang at Marina) ang siyang naging Pangulo. Sa

    kabila ng kanyang 25 anyos nagparaya si Trinidad sa 16 anyos na

    pamangkin niyang si Angelica,6) anak ni Narcisa, na naging

    Tagausig; habang si Marina ay piniling Ingat-yaman (sa ibang

    batis, Kalihim). Kasama ni Trining sa pagiging kasapi ang

    pamangking trese-anyos lamang na si Delfina (1879-1900), anak

    ni Luca.

  • Patakaran ng KKK na matatanggap lamang ang mga babae sa

    samahan kung sila ay asawa, anak. kapatid, o kamag-anak ng isang

    kasapi. Papaano naging bahagi hindi lamang ng bagong likhang

    sangay at ng mismong pamunuan sina Josefa at Angelica, kasama

    ang dalawang pakmangkin? Ayon sa mismong testimonya ni

    Oryang, a number of Rizals relatives were at the very least closely

    acquainted with the leaders of the Katipunan.7) Nagsagawa pa nga

    ang Katipunan ng piguing ng mga pamilia ng ating Px Dr. Rizal

    (ibid) noong Marso 1895. Kung gayon, sino sa buong angkan ang

    masasabing malapit sa Bayan, may diwang mapaghimagsik

    ng Katipunan at dahil ditoy mapaghihinalaang kasapi nito,

  • Larawan III: Si Paciano at ang mga Kapatid

    at Pamangkin bilang kasapi ng Katipunan

    Paciano

    Delfina Trinidad

    Josefa

    Angelica

  • sa paraang lihim? Isang taong matatag at maasahang magpapakilla

    at magpapsok ng mapaghimagsik ding (mga) kapatid na babae,

    asawa, anak o kamag-anak (i.e., pati pamangkin) sa Katipunan?

    Sa magkapatid, higit sa malamang na si Paciano ito at tiyak na

    hindi si Pepe. Una, sa pagkabuwal ng kanyang kapatid sa Luneta,

    agad-agad na dinala ni Paciano, kasama sina Trinidad at Josephine

    Bracken, ang orihinal ng ltimo Adis kay Gat Andres Bonifacio sa

    Cavite. Ibig sabihin, implisitong kilala na ni Paciano (at ni Trinidad)

    bago pa man ang 30 Disyembre, 1896 si Boni at alam nila kung saan

    ito matatagpuan. Ganito ang pagkalahad ni Santiago Alvarez sa

    pagkikita ng tatlo:8)

  • . Ika-30 ng Disyembre, 1896. Umaga nang barilin si Dr. Rizal sa Bagong-Bayan ng Maynila, at nang mahigit saika-1 oras n. t., si Josefina at si Trining ay dumating sa[San Francisco de] Malabon [ngayon Heneral Trias] kasama si G. Ponciano (sic) Rizal, nagtuloy at nakipagkitasa Supremo Bonifacio sa bahay ni Ginang EstefaniaPotente; dala ang dalawang maliliit na tiklop na papel, nanang katapusang pagdalaw nila kay Dr. Rizal sabilangguan, ay nakuha sa ilalim ng kusinilyang inilabas.

    Maliliit na maliliit ang sulat; ang isay wikangKastila, na siyang Ultimo Adios, at sa himanhik ngSupremo ay maiwan muna sa kanya at siya ang unangtumagalog; ang isay wikang Ingles, at itoy ipinabasa at ipinatagalog, kay G. Lorenzo Fenoy, taga-Batangan ..

  • Ang unang salin ng tula ni Rizal, samakatuwid, ay sa wika ng

    Bayan. At itoy dulot ng pamamagitan ng magkapatid na sina

    Paciano at Trinidad. Ang salin ni Bonifacio ay matutunghayan ang

    unang anim na taludtod sa susunod na dalawang islayd [Tingnan sa

    Apendise ang buong salin].

    Hindi pa gaanong gumagaling si Paciano noon sa pagkatortyur

    sa kanya sa Fuerza Santiago kung saan siyay halos mamatay ngunit

    hindi niya ipinagkanulo ang kapatid at, lalot higit, ang Katipunan.

    Tulad ng napahiwatig na, hindi sana natanggap ang kanyang mga

    kapatid at pamangkin sa sangay pangkababaihan kung wala siyang

    anumang kaugnayan sa Katipunan.

  • Pinipintuho kong Bayan ay paalam,Lupang iniirog ng sikat ng araw,

    mutyang mahalaga sa dagat Silangan,kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

    Masayang sa iyo'y aking idudulotang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

    maging maringal man at labis alindogsa kagalingan mo ay akin ding handog.

    Sa pakikidigma at pamimiyapisang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,walang agam-agam, maluag sa dibdib,

    matamis sa puso at di ikahapis.

  • Saan man mautas ay di kailangan,cipres o laurel, lirio ma'y patunganpakikipaghamok, at ang bibitayan,yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

    Ako'y mamamatay, ngayong namamalasna sa silinganan ay namamanaagyaong maligayang araw na sisikatsa likod ng luksang nagtabing na ulap.

    Ang kulay na pula kung kinakailanganna maitina sa iyong liwayway,dugo ko'y isabong at siyang ikinangng kislap ng iyong maningning na ilaw

    (Tingnan ang buong salin sa Apendise)

  • Sa katunayan, at ito ang pangalawang patunay, noong a 29

    Disyembre pa, nang pinag-usapan ang balak ng Katipunan na iligtas

    si Rizal habang iminamartsa ito sa Luneta, naroroon na sa pulong si

    Paciano at tumutol daw ito dahil mas mabuting isa ang mamatay

    kaysa dalawa.9) Ibig sabihin, isa na siya noong tagapagpasiyang

    kasapi ng Katipunan

    Sa Memoirs ni Heneral Santiago V. Alvarez (ibid, talababa 8 at

    9), anak ng pinuno ng Magdiwang na si Mariano Alvarez (Larawan

    IV), malamang na payak na interpretasyon ang naitala hinggil sa

    talagang winikang pagpapahinahon ni Paciano. Sa katunayan, tiyak

    na alam ni Paciano na hindi na malulusob nang basta-basta ang

    Maynila dahil handa na ang mga puwersa rito sa anumang maaaring

    mangyari, lalunat bibitayin ang inaakalang pinuno ng rebolusyon.

  • http://www.philippinecountry.com/philippineflag.html . Inakses: ix-09-2011.

    LARAWAN IVWatawat ng Magdiwang ng Cavite

    sa pamumuno ni Heneral Mariano Alvarez

    (Punahin ang walong sinag ng Araw)

  • Madalas si Paciano sa Maynila noong simula ng Krisis sa Calamba at

    palabasa rin siya ng mga peryodikong lokal at pati na banyaga (may

    suskripsyon siya sa Le Matin ng Pransya at pinapadalhan siya ng

    mga peryodiko mulang Espanya). Nang halos mamatay siya sa

    tortyur sa Fuerza Santiago at pinakawalan dahil dito, dinala siya sa

    bahay ni Narcisa 10) kung saan tiyak na nakasagap siya ng

    pinakabagong balita tungkol sa pagdating ng mga dagdag-

    puwersang Kastila sa Maynila,

    Buhat ng nabigo ang napagkasunduang sabay-sabay na

    paglusob ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio noong Agosto

    29-30 sa Maynila dahil sa pagkapatapon sa Marawi ng 500

    sundalong Pilipino na nakatakda sanang mag-alsa sa loob ng

    Intramuros at gayundin dahil sa di pagsipot nina Aguinaldo

  • sa Ermita mulang Cavite upang sumama sa pagsalakay sa

    Intramuros, 11) regular nang nagsisidatingan ang mga dagdag-

    puwersa mulang Mindanaw simula pa noong Setyembre at,

    pagkatapos, mulang Espanya simula noong Oktubre 1 nang

    dumating ang unang 22 opisyales at 895 na sundalo sa ilalim ni

    Kolonel Juan Herrera.12)

    Ang istratehiya ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco ay

    tipunin muna ang mga tropang dumarating sa Maynila upang

    ipagtanggol ito, higit sa lahat ang Intramuros. (Larawan V). Sa

    pag-uudyok ng mga Dominikano pinalitan noong Disyembre 13 si

    Ramn Blanco ni Camilo, Marquez de Polavieja Beterano ng Cuba,

    agad-agad nagsimula itong ihanda ang mga puwersang Kastila sa

    opensiba laban sa Cacarong de Sile at sa mismong Cavite.

  • LARAWAN V Oktubre 1, 1896: Parada ng mga Dagdag-puwersa mulang Espanya sa Intramuros.

    http://www.freewebs.com/philippineamericanwar/Spa

    nish%20expeditionary%20battalion%20arrives%20in%

    20Manila%20Oct%201896.jpg. Inakses: ix-09-2011.

  • Napahalagahan ng pulong ang argumento ni Paciano; para kay

    Bonifacio, marahil dahil mas malinaw sa kanya ang implikasyon ng

    nagsisidatingang mga dagdag-puwersang Kastila; kung kaya't hindi

    natuloy ang balak na sagipin sa Rizal.13) Pangatlong patunay na kasapi

    ng KKK si Paciano, bandang Enero 1897 hinirang ng Pamahalaan ng

    Haring Bayang Katagalugan ni Bonifacio (Larawan VI) sa Cavite

    (Larawan IV) si Paciano bilang Heneral ng Dibisyon sa Batangas. 14)

    Makapagpapatunay ang lahat ng nabanggit na dahilan na kasapi

    si Paciano ng KKK , marahil bago pa man ang Hulyo 1892 lalunat

    buhat pa noong estudyante siya sa Maynila ay aktibista na si Paciano

    laban sa gobyernong kolonyal. Samakatuwid, maipagpapalagay na ang

    magkakapatid at pamangkin ang siyang pangunahing pinarangalan sa

    nabanggit nang piging para sa pamilya Rizal noong Marso 1895 (supra).

  • Larawan VI

    Personal na Watawat ni Gat Andres Bonifacio

    (Museo ng Katipunan, Baranggay Bulaklakan, Lungsod ng Lipa}

  • Nang pinaslang ang Supremo nagpatuloy si Paciano sa kanyang

    tungkulin bilang heneral ng Katipunan; ngunit hindi siya katulad ni

    Aguinaldo: tumutol siya sa Kasunduan ng Biyak-na-Bato at hindi

    sumama sa Hongkong. Gayumpaman, lumaban pa rin siya nang

    pumasok ang bagong kolonyalistang Amerikano. At nang itoy

    nagwagi, nangako siyang hindi manggugulo huwag lamang

    papagsumpain sa bandilang Amerikano dahil sa watawat ng Pilipinas

    siya sumumpa,

    Tulad ng naipahiwatig na, may pagkarebelde si Paciano simula

    pa noong siya ay estudyante sa Unibersidad ng Santo Toms (Larawan

    VII) kung saan sumapi siya sa Juventud Escolar Liberal, ang pangkat

    pangmag-aaral ng Comit de Reformadores na itinatag noong 1869

    upang humiling ng reporma sa pamahalaang kolonyal. Dito nakilala

  • http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/e/ec/UST_Intramuros.jpg. Inakses: IX-13-2o11

    Larawan VII

    Kampus ng Universidad ng Santo Toms noong ika-19 na Dantaon

  • ni Paciano si Padre Burgos, ang pinuno ng kilusang sekularisasyon;

    at nang binitay ito noong 1872 (Larawan VIII) kinailangan niyang

    bumalik, 21 anyos ang gulang, sa Calamba kung saan pinamaha-laan

    niya ang mga sakahan ng pamilya dahil tumatanda na si Don

    Francisco. Buhat noong 1869 pa tumatayo na siyang parang tatay kay

    Pepe na kanyang dinala upang magpatuloy ito ng pag-aaral sa Bian,

    pugad ng pamilya ni Doa Teodora. Si Paciano rin ang nag-alaga sa

    edukasyon ni Pepe sa Maynila hanggang sa noong 1882 lihim itong

    umalis patungong Europa. Ipinayo ni Paciano, isang francophile, na

    siya'y mag-aral sa Pransya, lunduyan ng kaisipan at kilos

    rebolusyonaryo, ngunit ang pinili niya ay ang Madre Espaa. Dito pa

    lamang malinaw na ang epekto sa kanya ng Ateneo de Manila

  • Larawan VIII

    Sina Padre Mariano Gomez, Padre Dr. Jose

    Burgos at Prayle Jacinto Zamora

  • at ang pagkakaiba niya sa kanyang kuya. Itong huli ay matagal nang

    sumusuporta sa mga pagkilos laban sa sistemang umiiral sa kolonya at

    nang sumiklab ang krisis agraryo sa asyenda ng Calamba siya ang naging

    pangunahing lider ng mga ingkilino at pesante laban sa panggigipit ng

    mga Dominikano. Dalawang taon matapos umalis si Pepe, sinulatan niya

    ito na "dapat magpakilala ka [riyan sa Pransya] bilang Pilipino at hindi

    bilang Hapones; walang dahilan kung bakit ikahihiya ng isa ang kanyang

    nasyonalidad; ipinagmamalaki natin na tayo ay Indios, dahil ang mga

    Indios ay may damdamin at nag-iisip tulad ng nalalabing sangkatau-

    han."15) Ngunit sa piling ng mga kapwa Indio sa mga mahihirap at

    naghihirap ang pagmamalasakit ni Paciano. Noong Pebrero 1886 sinu-

    latan ni Lucia si Pepe na dumoble ang paghihirap ng mga tao kumpara sa

    nang siya ay umalis.16) Mangyari pa, kasama na rito ang atake ng balang,

  • Larawan IX

    Ang Ilustrado at mga Karaniwang Indios noong

    \Ika-19 na Dantaon (Kalamba at Maynila)http://www.flickr.com/photos/johntewell/3968137516/#/photos/johntewell/3968137516/lightbox/

  • kolera, lindol, bagyo at baha [Larawan IX]. At nagsisimula na rin noon ang

    panggigipit ng mga prayle. Mangyari pa, batid ito ni Paciano. Noong

    Disyembre ng taon ding iyon, bilang malumanay na tugon sa palagiang

    himutok ni Pepe hinggil sa padala mulang Pilipinas, ay sumulat ang kuya na:

    . Naiintindihan ko simula pa na ang buhay mo riyan

    ay mahirap dulot ng kaliitan at di-kadalasan ng padala

    sa iyo , ngunit wariin mo naman na nakikisali ka lamang

    sa aming pagdururusa.17)

    At hindi lamang sa balana iniisip ni Paciano na makiramay sa paghihirap

    kundi sa bawat indibidwal na nangangailangan ng tulong. Ipinagtanggol niya

    ang mga mamamayan ng Kalamba nang pumutok nang lubusan ang krisis

    laban sa mga Dominikano; lagi siyang nasa Santa Cruz, punongbayan

  • ng Laguna, upang harapin sila sa korte. Ayon kay Trinidad sa isang

    sulat sa wikang Tagalog noong 30 Mayo 1890:

    . ang atin pinaka mamahal na kapatid na Paciano

    ay hindi na titiguel dito sa atin bahay at palagu g

    na sa Santa Cruz halos tuing makalaua ay na paparoon

    sa paghohombrebueno que Nicasio Eigasani.18)

    Kung kaya naman naisulat sa wikang Kastila ng 13 anyos na si

    Anglica kay Pepe noon ding 30 Mayo ng 1890 na nasa mabuting

    kalagayan ang kanyang tiyuhin, ngunit inuuban na siya,

    nagmumukha nang isang matandang 60 anyos na ang gulang.19)

    Wala pa siyang singkuwenta noon.

  • Nang nakatakas si Paciano sa Hongkong mula sa pagkaeksilo sa

    Mindoro at napatawad ng gobyerno, hindi siya nag-atubiling ipagpalit

    ang sarili sa kanyang bayaw na si Antonino Lopez, ama ni Angelica at

    asawa ni Narcisa, upang mailigtas niya ito sa pagpapatapon sa Jolo.

    Nabalitaan ito ni Rizal sa Dapitan. Ang kanyang komento sa isang sulat

    na may petsang ika-25 ng Hulyo 1892 ay simpleng: Pinupuri ko ang

    ginawa /inasal (comportamiento) ng aking kapatid ngunit hindi ko

    ito hinahangaan.20) Hindi nilinaw ng nakababatang kapatid kung

    bakit hindi kahanga-hanga ang pagmamagandang-loob ng kuya.

    Tulad ng dalawa pang bayaw na sina Silvestre Ubaldo at Manuel

    Hidalgo, ipinaglaban ni Paciano hindi lamang ang sariling angkan

    kundi ang lahat ng pamilya sa Calamba sa mga akusasyon at

    pagpapaalis sa kani-kanilang lupain at tahanan dahil tumututol sa

  • pagtataas ng renta at iba pang panggigipit. Masigasig at walang takot

    ding tumulong si Ubaldo, balo na kay Olimpia mula 1887, at si

    Hidalgo, asawa ni Saturnina at nag-aral ng batas. Isa ring intelek-

    tuwal, tutol ito sa balak ni Rizal na ilipat ang buong angkan at iba

    pang taga-Calamba sa Borneo dahil, ayon sa kanya, hindi magandang

    iabandona nang ganyan na lamang ang lupang tinubuan.21) Naeksilo

    sila, si Hidalgo sa Bohol. Si Ubaldo kasama ni Pacianong ipinatapon sa

    Mindoro; tumakas mula rito ang dalawa, nang silay ililipat sana sa

    Jolo dahil nakikipag-ugnayan pa si Paciano sa mga inaaping

    kababayang taga-Calamba.

    Magtataka kami kung hindi sumimpatiya kahit papaano ang mga

    bayaw sa Katipunan pagdating ng oras, kasama si Antonino Lopez,

    ang ama ni Anglica, na ipinatapon din sa Mindoro. Kung

  • sumisimpatisa nga ang tatlong bayaw, lihim ito. Lihim, ngunit hindi

    tulad ng paglilihim ni Paciano; tungkol dito wala pang nakakalap na

    dokumento hanggang ngayon na direktang nag-iimplika sa kanya sa

    Katipunan, liban sa nabanggit na sa itaas . Hanggang 1896 klarong

    kinailangan ni Pacianong ilihim ang alinmang kaugnayan sa KKK

    dahil mainit na ang mata ng Kastila sa kanya dahil sa Calamba, sa

    kanyang aktibismo sa U.S.T. (Larawan VII) at kaugnayan kay Padre

    Burgos.

    Ang pinakamalihim (at pinakamatanda rin) sa lahat ng katipu-

    nerang Rizal -- sa katunayan halos malihim pa kaysa kay Paciano o

    Bonifacio pa nga -- ay si Josefa. Maiintindihan ito sa isang pinuno at

    siya nga ang pinuno ng sangay pangkababaihan. Nabanggit na natin

    na hindi siya sumama kinaTrinidad at kanilang nanay sa Dapitan

  • dahil kahihirang pa lamang niyang pinuno noong Hulyo 1893. Kay

    Anglica may rekord tayong kasama siya ng kanyang tiyuhin nang

    itoy ingat-yaman ng Katipunan. Ngunit kay Panggoy wala. Ayon

    nga sa feministang si Dr. Lilia Quindoza-Santiago, kilala [ng

    Katipunan] ang mahalagang tungkulin ni Josefa; kaya ngat

    nakapanghinayang na:

    . walang mga dokumento o marahil , di pa natatagpuan ang

    magpapatibay sa mga nagawa ni Josefa bilang pangulo ng sangay

    ng kababaihan ng Katipunan, laluna yaong kanyang mga nasulat

    pagkat maaari ngang isa rin siyang manunulat, ayon pa rin sa ilang

    historyador. 22)

  • Mahirap pa sa aming matiyak ang buong pagkatao ni Panggoy.

    Halimbawa, sa isang sulat kay Rizal na madalas maghimutok na

    hindi siya nakakatanggap ng sulat mula sa pamilya, hindi malinaw

    kung mapagpakumbaba o naiinis si Panggoy sa kanyang

    nakatatandang kapatid. Ika niya sa sulat, sapagkat minamapait g

    iyong kalooban, ang kasinugaligan sasabihin niya na raw ang

    katotohanan na:

    ay! ang nag dadala sa amin ay ang malaking

    katamaran sa pag hauak g pluma at ang ikalaua,i,

    nalalaman mo na at hindi kala sa iyo ang ka salatan

    g aming mga isip.Kung sakalt mabigat ang loob

    mo sa amin, ikaw na ang bahalang mag patawad

    g mga kapus namin kaisipan. 23)

  • Katulad ni Paciano si Josefa sa hindi palasulat at di pagkamatabil,

    kung baga ang kabaligtaran ng ugali ni Pepe. Sa magkakapatid, ang

    lagi niyang kasama ay ang nakababatang si Trinidad at masasabing

    ito ang kanyang pinagkakatiwalaan. Halos pareho ang kaisipan at

    tunguhin sa buhay, At kapwa malapit kay Paciano at kay Narcisa.

    Kasama si Trining, madalas silang magliwaliw sa Pansol at sa

    Lechera nina Narcisa, ang mga anak nitong lalaki at si Anglica, at

    sina Lucia at mga anak na babae nito, kasama si Delfina. Sa Lechera

    (Larawan X) ang puntod ng yumaong asawa ni Lucia, si Marianito, 24)

    na hindi pumayag ang pari ng Calamba na ilibing sa sementeryong

    Katoliko dahil di-umanoy hindi na nagkokomunyon buhat nang siya

    ay ikasal kay Lucia, kung kayat doon na lamang sa Lechera inilibing.

  • Larawan X

    Lechera (Calamba City) Ngyonhttp://www.flickr.com/photos/oogam/3431540984/sizes/l/in/photostream/. Inakses 9/19/11

  • Matalik ang ugnayan ni Paciano sa kanyang di palasimbang bayaw.

    Kapwa sila mahilig magbasa ng Diariong Tagalog ni Del Pilar. Sa isang

    sulat kay Pepe iniulat ni Marianito na:

    Buhat na nang lumipas ang pag cacamatay ng tauo [sa

    epidemya ng kolera] ay caming dalaua ni Paciano ay palagui

    nang nasasabundoc at doon na cami natutulog nang, cun

    sabado lamang cami umuuwi at cun lunes cami umaahon,

    dahilang si Paciano ay nag papagaua nang camalig napipi-

    hitan [ng tubo] 24)

    Bukod dito, naging magkumpare rin ang dalawa sa panahong ito

    dahil tumayong ninong si Paciano sa anak ni

    Marianito na pinangalanang Jose ni Luca sa tiyuhin nitong

    nasa Europa. 25)

  • Larawan XI

    Narcisa Lucia

  • Hindi masasabing kaya lang hindi pinayagang ilibing si Mariano

    Herbosa nang walang bendisyon ng Simbahan ay dahil kay Pepe. Tulad

    ni Luca isa siyang tumututol sa kagagawan ng Asyenda. Sa isang sulat

    niya kay Pepe, sinikap niyang ilahad ito:

    . Dine ay maraming bagay ang pag babayad nang buis,

    ang tubigang tinatauag nila ay cahit ualang tubig, ay mag

    babayad ka nang buis na limang puong cavan palay at li-

    mang pisong cuarta ($5 p.s) sa lupang may hasic, anim na

    cavan ang binhi; cung cayo man sacali ay nag casundo

    ay dinadagdagan pa cun maquita nilang mabuti ang hala-

    man, at hindi naman binabauasan cun masama ang ani.

    --- Ang totoong magul ay ang maga lupang quinatitirican

    nang maga bahay sa loob ng bayan, ualang matuid na guhit

    na tinutunton.. 26)

    At nang yumao na nga si Marianito nagkaroon kaagad si Luca sa kanilang

    bahay. Tulad ng ibang mga taga-Calamba.

  • Nang namatay si Marianito sa kolera, lalo pang napalapit

    kina Paciano at Narcisa (Larawan XI) si Lucia , higit sa lahat

    nang lubusan na siyang inaapi ng mga tagapamahala ng asyenda.

    Hindi na makapagpigil ang biyudang magbulalas ng damdamin

    tungkol sa kalagayan ng bayan ng Calamba, partikular ang

    kuntsabahan ng pinuno nito at ng asyenda, tulad ng isinulat niya

    kay Pepe noong ika-30 ng Mayo, 1890 na:

    .sigurong mag daramdam ang puso mo, dahil sacabulagan g ating cababayan; gayon ay purong abuso, caululanat ang despotismo ang naghahari. Acalain mo nalaang kung papaano ang mangyayari . ano pat buloc na buloc gayon angating bayan. Ang C. [Capitan] ay dalaua ang much at segurongprolongado.27)

  • Larawan XII

    Panggoy Trining

  • Malalaman natin sa sagot ni Trining sa isang sulat ni Pepe tung-

    kol sa aming tayo [tay = kalagayan] ni Sra. Pangoi na noong

    Mayo 1890, kung gabi, sila ay pinakakaen at doon natutulog sa

    atin kapatid na Luca. Itinuturing silang dalawa ni Panggoy

    (Larawan XII) na parang magkakambal at higit na malapit sila

    kay Luca. Hindi nakapagtataka na kahit na minor de edad pa si

    Delfina na anak nitong huli ay pinayagan siyang sumama kina

    Panggoy para maging miyembro ng Ka-tipunan, tiyak sa

    pamamagitan ni Paciano.

  • Anim na taong gulang pa lamang si Delfina, nanghihinayang ang

    kanyang ama na hindi naging lalaki ang bata dahil:

    . matalas sana ang ulo at totoong masipag mag

    aral, palaguing sinasauay ng caniyang Yna at baca

    lumubh ang sigao nang mata, totoo lamang

    matigs ang ulo 28)

    Hindi nakapagtataka na siyay bata pang sumali sa Katipunan,

    lalunat naging biktima ng pang-aapi ang kanyang ama nang itoy

    pumanaw.

  • Larawan XIII

    Mga Nagpapaeksilo sa Hongkong sakay ng tren patungo sa Pangasinan

  • Si Paciano naman ay malapit na malapit kay Narcisa. Sa

    katunayan, noong mga dekada otsenta at nobenta itinuturing na

    silang mga pangalawang magulang ng magkakapatid, liban kay

    Saturnina na pinakamatanda at may ibang alalahanin bukod sa

    nakatira na sa Batangas simula ng mag-asawa.

    Nang sumiklab ang Himagsikan, tiyak na sumali si Delfina rito

    at napasama pa kay Heneral Paciano sa Biyak-na-Bato kung saan

    nakilala niya si Jose Salvador Natividad, ang inatangan ni Aguinaldo

    na makipag-usap tungo sa Kasunduan ng Biyak-na-Bato kay

    G0bernador-Heneral Primo de Rivera ngunit tinanggi-han siya nito

    at, sa halip ay pinili si Pedro Paterno. Disyembre tumulak sina

    Aguinaldo sa eksilo sa Hongkong (Larawan XIII).

  • Nagpaeksilo si Delfina sa Hongkong, kung saan kinasal sila ni

    Natividad noong mga unang buwan ng 1897. Alam natin na isa siya sa

    tatlong nagtahi sa unang bandila ng Republika. Kalunus-lunos ang

    kanyang naging tadhana. Nagkaroon sila ni Heneral Natividad ng

    isang anak, na sa kasamaang palad, ay namatay dahil sa isang

    aksidente: nasunog nang lumiyab ang isang gasera. Sinasabi na dahil

    ditoy namatay sa sama ng loob at kalungkutan si Delfina.

    Hindi naman ganyan kalungkot ang naging buhay ni

    Anglica, hindi lamang sa Katipunan kundi pagkatapos ng digmaan

    para sa Republika. Dapat banggitin na si Anglica, kasama ng

    kanyang inang si Narcisa, ang siyang sumama kay Pio Valenzuela

    nang itoy nakipagkita kay Rizal upang kumbinsihin itong sumuporta

    sa napipintong paghihimagsik ng Katipunan.

  • Sumama rin siya kay Heneral Paciano, laluna nang itoy naging

    Kalihim ng ng Pananalapi ng pamahalaan ni Aguinaldo. Ikinasal

    siya pagkatapos kay Benito Abreu at silay nagkaroon ng anak na si

    Ana, na ikinasal naman kay Conrado Garcia. Makikita ang buong

    henealohiya ng pamilya sa nakapaskil sa labas na mga henealohiya

    ng mga kaanak ng angkan Rizal Mercado.

    Matalino si Anglica, tulad ni Delfina. Noong 1886 din, wala

    pang sampung taong gulang, mahihinuha sa isang sulat niya kay

    Rizal ang kanyang determinasyon (at ang pagsusu-kap na mag-aral

    ng Kastila. Ika niya:

  • Ynaasahan cona na itong sulat na ito ay marami ang

    sal segurong uiuicain mo na aco,i, totoo na gang nag-

    hihicap [sic = naghihirap] na sa uicang Castila. Nguni

    icao ang tinutularan co, at ang casabihan na ang hindi

    mag arriesga ay hindi darating g Espaa. 29)

    Talaga namang walang mapapala ang hindi nangangahas. Na-banggit

    na ang pagsusulat ni Anglica kay Rizal sa Kastila, bagay na madalas

    niyang gawin. Nag-aral siya kay Soledad at nang ayaw na siyang

    papuntahin sa kanyang tiyahin dahil sa nagpakasal nang walang

    permiso kay Pantaleon Quintero, hiniling niyang magpatuloy sa isang

    colegio sa Maynila. Naging Katipunero rin si Quintero at kasama ni

    Heneral Paciano sa Biyak-na-Bato.

  • Ipinapalagay namin na kapwa si Lucia at si Narcisa ay naging kasapi

    rin ng Katipunan, laluna itong huli na siyang probableng nagsama at

    nagpakilala kina Valenzuela at Rizal sa Dapitan, kunyari dahil naki-

    lala lamang ito nila ni Anglica sa barko patungong Dapitan. Ngunit,

    dahil may malaking mag-anak at madalas manganak at magkasakit,

    hindi sila naging kasing aktibo ng kanilang mga anak.

    Nilimita namin ang aming pananaliksik kina Paciano at sa

    dalawang pamilyang Lopez at Herbosa. Maaari pang palalimin at

    palawakin ang pananaliksik sa iba pang miyembro ng angkan Rizal

    Mercado. Gayumpaman, sapat na sigurong malaman ng lahat na

    hindi lamang si Jose ang kumilos sa kapakanan ng Bayan nang

    pinagsisikapan ng marami na ipagtanggol ito at mabuo ito bilang

    estado sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon.

  • Masasabi siguro na ang pinakaunang tatsulok ng KKK mula sa

    angkan Rizal Mercado ay sina Paciano, Josefa at Trinidad na ang pina-

    kamatatandang kapatid at tumatayong ama ang siyang tagapagbuo. Sina

    Lucia at ang anak nitong si Delfina ang siya namang kasapi ng pangala-

    wang tatsulok na ang maaaring tagapagbuo ay si Trining, habang ang

    pangatlong tatsulok malamang ay binuo nina Josefa at Narcisa at ang

    anak nitong si Anglica. Maipalalagay na marahil ay nasangkot din sa

    KKK ang mga bayaw sa pamamagitan ng tatlong tatsulok. Isa pang

    bayaw o pamangkin-sa-kasal na tiyak na naging katipunero ay ang

    kasama ni Heneral Paciano na si Pantaleon Quintero.

    Ang unang tatsulok na sina Paciano, Josefa at Trinidad ay

    magkakasamang namamayapa ngayon sa Los Baos, sa isang puntod

    sa harap ng bahay ng kapatid na heneral ng KKK (Larawan XIV).

  • LARAWAN XIV

    Puntod nina Paciano, Josefa at Trinidad(Mga larawang kuha ni Dr. Grace Barretto-Tesoro; may Pahintulot)

  • KONKLUSYON

    Naging mahalaga sa pag-aaral na ito ang dalumat ng pook

    ng Pantayong Pananaw (PP). Naipook ha-limbawa si Dr. Jose Rizal sa

    loob ng kanyang angkan at naipakita na mas naging mahalaga itong

    huli bilang kumikilos na kabuuan kaysa sa indibidwal lamang na si

    Rizal sa pakikibaka hindi lamang ng mga mamama-yan ng Calamba

    kundi, lalot higit, ng Katipunan tu-ngo sa pagpapalaya ng

    Kapilipinuhan. At sa loob ng angkan Rizal Mercado, naging malinaw

    ang pagkapo-ok ng mga kapatid, pamangkin, bayaw at kababayan ni

    Rizal sa mga suliranin hindi lamang ng kanilang buhay sa Calamba

    kundi sa iba pang mga Indios na hindi naiiba ang kinatatayuan.

  • Di tulad ng hroe nacionl, nasa kainitan talaga sila ng

    pakikipaglaban sa mga awtoridad ng asyenda at ng kaugnay nitong

    istruktura ng sistemang kolonyal sa Pilipinas hang-gang sa

    pinakasentro nito sa Madrid.

    Kasama ang buong bayan, legal na nakipagtuos sa mga

    awtoridad sina Paciano, mga bayaw at kapa-tid na babae, napasama

    pati na sina Saturnina at Doa Teodora. Dulot nito, sila ay

    naparusahan at nagdusa (pagkapiit, paulit-ulit na eksilo at sa kaso ni

    Doa Teodora, sapilitang pagpapalakad nang apat na ni Doa

    Teodora, sapilitang pagpapalakad nang apat na araw mula Maynila

    hanggang Santa Cruz, Lagu-na).

  • Umasa sila kay Rizal at sinikap naman nitong makatulong mula sa

    kanyang pook ng Europa.

    Iba nga ang karanasan ni Rizal sa pook na itong malayo sa

    larangan ng pakikibaka. Sinikap niyang iparating sa mga awtoridad

    ng Madrid ang mga apela mulang Calamba, sa tulong ng mga

    kasama sa Propaganda at ng mga naging kaibigan nito. Iba ang mga

    ideya at tunguhin na bumabalot sa kanilang isipan. Paksain ang

    lahat ng ito ng karani-wang kasaysayan ng Pilipinas. Pati na ang

    balaking ilipat ang pamilyang Rizal Mercado sa Borneo inaakalang

    magandang ideya ng hroe, kahimat matindi ang pagtutol dito ng

    ilustrado ring bayaw na si Hidalgo:

  • Yung tungkol sa Borneo ay hindi magan-da: iiwan ba natin ang Pilipinas, itong ating bayang maganda bakit na dumanas tayo ng mga sakripisyo? Hindi pa man nauubos ang ating buong lakas para sa ikabubuti ng lupang tinubuan (suelo) na bumuhay sa atin buhat pa nang tayoy ipanganak (desde cuna) mamartsa na lang ba tayo sa isang di-kilala (extrao)? (21)

    Pagkatapos, dala-dala niya sa Pilipinas ang solu-syon ng Liga

    habang inaasam-asam na niya ang martiryo. Nandoon sa Hongkong

    si Paciano nang pinag-iisipan at ikinukunsulta ito. Ika ng isang

    banyagang manana-lambuhay:

    . Maidadahilan ang kaso ng proyektong Borneo sa kawalang-

    karanasan . Sa kaso ng Liga, parang hindi maipaliwanag ang

    kanyang tapat na pag-asang mabubuo at mapauunlad ang

  • samahang ito . maski na lihim ang pagkilos nito,hayag naman ang kairalan.

    Pinaprint niya ang mga batas-tuntunin nito sa Hongkong, sa Espanyol,

    at ikinalat sa Pilipinas. Makokonklud na pansamantalang nawala siya sa

    kanyang bait .30)

    Maaaring nakipag-usap siya kay Paciano tungkol sa paglunsad ng

    rebolusyon pag may sapat na armas,31)

    Ngunit napakakontraditori niya nitong mga buwan na ito sa

    Hongkong, ipinahihiwatig ang estadong pag-katulirong

    kinasasadlakan niya matapos ang aktibong pamumuno sa kilusang

    Pilipino sa Europa. 32)

    Alam ni Paciano ito, bagamat mas naniniwala siya siguro sa

    pinag-usapang planong rebolusyonaryo, na marahil ay mula sa kanya,

    laluna yung tungkol sa pag-pasok ng armas sa look ng Batangas, 33)

    ang teritor-yong naging kanya nang siyay hinirang na heneral.

  • Mas kilala niya ito dahil nakapook siya sa rehiyong Tagalog. Isa na rin itong

    maaaring patunay na maaga pang naging kasapi ng Katipunan si Paciano.

    Nakapook at kumikilos ang bayani nang kasama ang bayan; sa kanyang

    dako, indibidwal na kumikilos mula sa iba nang pook at taglay ang ibang

    kaisipan sa laganap sa kanyang lipunan ang hroe. Kaginhawahan ang

    sinisikap ng bayani na makamtan ng bayan; saman-talang ang nais matamo

    ng hroe ay ang kaganapan ng kanyang sariling adhikain para sa bayan, na

    kadalasan ay ang siyang sumusustento sa kanya bilang batis ng kanyang

    kaalwanan sa buhay. Sa kaso ni Rizal (at ng mga Propagandista), ang

    adhikaing ipinaglalaban ay nakabalot sa mga kaisipang di na nakaugat sa

    sariling wika-at-kalinangan kundi sa nakalap sa Europa. 33)

    pagpasok ng imperyalismong Amerikano, tulad halimbawa ng mga

    pamilya nina Gat Andres Bonifacio at EmiliAguinaldo.

  • Kung ang pagbabatayan ay ang dalawang prota-gonista noong

    panahon ng himagsikan/rebolusyon ng 1896 (ayon sa kasalukuyang

    hagiograpiya ng estadong pinagmumula sa Propaganda) i.e., sina Rizal

    at Bonifacio malinaw na sa ikonograpiyang opisyal at di-opisyal ang

    hroe (si Rizal) ay palaging nag-iisa, wala ni isang kasama mula sa

    kabuuang di-umanoy pinag-alay-an niya ng buhay (Larawan XV),

    samantalang ang baya-ni (si Bonifacio) ay palagi o halos palaging

    [dalawang eksepsyon ang monumento sa harap ng Pos Opis ng Maynila

    at ang nasa harap ng gusali ng Student Council ng U.P. Diliman] kasama

    ang mga kapanalig sa pakiki-baka (Larawan XVI). Halos kinaliligtaang

    bayani si Heneral Paciano; ang kanyang bantayog sa Los Baos ay nasa

    harap ng kanyang bahay, malapit sa puntod kung kapiling niya sina

    Panggoy at Trining (Larawan IV).

  • Larawan XV

    Monumento ng isang Hroe nagiisa

    Kuha ni Prop.Janet Reguindin

  • Larawan XVI

    Monumento ng Bayani, kasama ang mga Kapanalig

    http://www.google.com.ph/imgres?q=Monumento+ni+Bonifacio+sa+Maynila&start=110&num=10&um=1&hl=tl&biw=782&bih=440&tbm=isch&tbnid=CEu6OZFIEZYzrM:& Inakses: IX-25-2o11

  • Bukod sa angkan Rizal Mercado mapag-aaralan din ang

    ibang pamilyang kaugnay ng Himagsikan 1896 hanggang pagsuko ni

    Aguinaldo noong 1901 sa imper-yalismong Amerikano. Halimbawa,

    ang mga pamilya nina Gat Andres Bonifacio at Heneral Aguinaldo.

    Mai-hahambing ang dalawang pamilya sa angkan Rizal Mercado.

    Itong huli ay nakakabit sa sistemang asyenda; mas nakatuon sa

    edukasyong kolonyal at sa Europa, kung kayat ang isa sa mga

    miyembro ay naging hroe at ang nakararami ay naging bayani sa

    piling ng KKK. Ang angkan Bonifacio naman ay nakakabit sa

    Maynila-Tundo at sa mundong komersyal at industriyal na isang

    prinsipal na katangian nito. Mapupunang lubos na mapanghimagsik

    ang angkang

  • ito. Ang angkan Aguinaldo naman ay nakatali sa komer-syong

    pangkapuluan at, higit sa lahat sa pulitikang mu-nisipal, kung kayat ang

    isipan ay hindi (gaanong) naka-tuon ni sa proyektong nacin ng

    Propaganda ni sa adhi-kaing Inang Bayan ng KKK kundi sa praktikal na

    pulitika ng/sa pueblo, bagay na hindi gagap ni Bonifacio at mala-yo sa

    pagteteorisa ni Rizal hinggil sa kinabukasan ng kanyang patria. Para

    makumpleto ang larawan, dapat din pagtuunan ng pansin ang angkang

    nabuo mula sa pag-iisang dibdib nina Antonio de Ayala at Margarita

    Roxas, anak ni Domingo Roxas, kasosyo ng ama ni Antonio at

    tagapagtatag ng Roxas y Cia na nagbigay-daan sa Ayala Corporation.

    Sangkot si Domingo Roxas sa pagsibol ng nasyonalismong Kriolyo sa

    simula ng ika-19 na dantaon at pati na sa magkaunay na rebelyon ni

    Hermano Pule at ng rehimento ng Tayabas ni Samaniego sa Ermita.

  • Pinipintuho kong Bayan ay paalam,Lupang iniirog ng sikat ng araw,

    mutyang mahalaga sa dagat Silangan,kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

    Masayang sa iyo'y aking idudulotang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

    maging maringal man at labis alindogsa kagalingan mo ay aking ding handog.

    Sa pakikidigma at pamimiyapisang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,walang agam-agam, maluag sa dibdib,

    matamis sa puso at di ikahapis.

  • Saan man mautas ay dikailangan,cipres o laurel, lirio ma'y patunganpakikipaghamok, at ang bibitayan,yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

    Ako'y mamamatay, ngayong namamalasna sa silinganan ay namamanaagyaong maligayang araw na sisikatsa likod ng luksang nagtabing na ulap.

    Ang kulay na pula kung kinakailanganna maitina sa iyong liwayway,dugo ko'y isabong at siyang ikinangng kislap ng iyong maningning na ilaw

  • Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,taas na ang noo't walang kapootan,

    walang bakas kunot ng kapighatiangabahid man dungis niyong kahihiyan.

    Sa kabuhayang ko ang laging gunitamaningas na aking ninanasa-nasa

    ay guminhawa ka ang hiyas ng diwapag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.

    Ikaw'y guminhawa laking kagandahangakoy malugmok, at ikaw ay matanghal,hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang

    bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.

  • Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas

    sa malagong damo mahinhing bulaklak,

    sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,

    sa kaluluwa ko hatik ay igawad.

    At sa aking noo nawa'y iparamdam,

    sa lamig ng lupa ng aking libingan,

    ang init ng iyong paghingang dalisay

    at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

    Bayaang ang buwan sa aki'y ititig

    ang liwanag niyang lamlam at tahimik,

    liwayway bayaang sa aki'y ihatid

    magalaw na sinag at hanging hagibis.

  • Kung sakasakaling bumabang humantong

    sa krus ko'y dumapo kahit isang ibondoon ay bayaan humuning hinahonat dalitin niya payapang panahon.

    Bayaan ang ningas ng sikat ng arawula'y pasingawin noong kainitan,

    magbalik sa langit ng boong dalisaykalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

    Bayaang sino man sa katotang giliwtangisang maagang sa buhay pagkitil;

    kung tungkol sa akin ay may manalanginidalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

  • dalanging lahat yaong nangamatay,mangagatiis hirap na walang kapantay;mga ina naming walang kapalaranna inihihibik ay kapighatian.

    Ang mga bao't pinapangulila,ang mga bilanggong nagsisipagdusa;dalanginin namang kanilang makitaang kalayaan mong, ikagiginhawa.

    At kung ang madilim na gabing mapanglaway lumaganap na doon sa libinga'ttanging mga patay ang nangaglalamay,huwag bagabagin ang katahimikan.

  • Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;kaipala'y maringig doon ang taginting,tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,ako, Bayan yao't kita'y aawitin.

    Kung ang libingan ko'y limot na ng lahatat wala ng kurus at batang mabakas,bayaang linangin ng taong masipag,lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

    At mga buto ko ay bago matunawmauwi sa wala at kusang maparam,alabok ng iyong latag ay bayaangsiya ang babalang doo'y makipisan.

  • Kung magka gayon na'y aalintanahinna ako sa limot iyong ihabilinpagka't himpapawid at ang panganorinmga lansangan mo'y aking lilibutins.

    Matining na tunog ako sa dingig mo,ilaw, mga kulay, masamyong pabango,ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,pag asang dalisay ng pananalig ko.

    Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,Katagalugang ko pinakaliliyag,dinggin mo ang aking pagpapahimakas;diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

  • Ako'y patutungo sa walang busabos,walang umiinis at berdugong hayop;pananalig doo'y di nakasasalot,si Bathala lamang dooy haring lubos.

    Paalam, magulang at mga kapatidkapilas ng aking kaluluwa't dibdibmga kaibigan bata pang maliitsa aking tahanan di na masisilip.

    Pag pasasalamat at napahinga rin,paalam estranherang kasuyo ko't aliw,paalam sa inyo, mga ginigiliw;

    mamatay ay siyang pagkakagupiling!

  • Mga Talababa1 Z. A. Salazar, Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon, etc.

    2 Z.A. Salazar, pamagat ng aking lektyur sa LIKAS

    3 Salazar, Wika ng Himagsikan.

    4 Pinoy edition, Talambuhay ni Marina Dizon-Santiago. http://www.pinoyedition. Com/talambuhay-ng-mga-bayani/marina-dizon-santiago/ ; gayundin: Marina Dizon-Santiago (1875-1950). http://geocitiessites.com/sinupan/Dizon-SanM.htm

    5 Ambeth R. Ocampo, Old Questions and New Answers. Bones of Contention: The Bonifacio Lectures. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2001, pah. 87 et seq.

    6 Nakabalik na noon sa Pilipinas sina Pangoy (Josefa) at Trining (Trinidad) noon mulangHongkong, kung saan naiwan sila nina Pepe at Lucia nang itong dalawa ay bumalik saPilipinas noong 26 Hunyo 1896. Kinailangan ni Trining noong Agosto 1893 na samahan siDonya Teodora sa Dapitan [Teodoro M. Kalaw, Epistolario Rizalino. Tomo Cuarto (1892-1896). Manila: Bureau of Printing, 1936. 563: De Rizal a su Madre, pah. 24; 605: De Rizal a M. T. Hidalgo, pah. 169; at 606: De Rizal a Antonino Lpez, pah. 670] kung saan nakaeksilona si Pepe simula pa noong kalagitnaan ng Hulyo 1896.

    7Sb. Katagalugan. Documents of the Katipunan. http;//kasaysayan-kkk.info/docs.sb.katagalugan.300395.htm. Inaksas: 03.IX.2011.

    8 Santiago V. Alvarez, The Katipunan and the Revolution. Memoirs of a General. Salin niPaula Carolina S. Malay. Lunsod Quezon: AdMU Press, 1992, pah. 306-307.

  • 9Ibid., pah. 306.

    10 Maria Belle Arrieta, A Rizal in Los Baos, Los Baos Times, xvi: 1 (Peb. 29Marso 6. 1999), pah. 11 sa pagkabanggit sa: Marcelino M. Macapinlac, Jr. Ang Talambuhay niHeneral Paciano Rizal: 1851-1930, nasa:. Dwight David A. Diestro, Wensley M. Reyes, at Ruel V. Pagunsa (mga Pat.). Talambuhay at Lipunan. Si Heneral Paciano Rizal saKasaysayang Pilipino , Los Baos: Unibersidad ng Pilipinas Sentro ng Wikang Pilipino, pah. 22.

    11 Z.A. Salazar, Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila. LunsodQuezon: Miranda Bookstore, 1995, pah. 22-29, 114-121.

    12 Portia Liongson Reyes. Himagsikang Pilipino sa mga Pahayagang Aleman. BagongKasaysayan. Lathalain 5 (1999), pah. 22-30. Para sa mga larawan, tingnan ang background sa: Arnaldo Dumindin, Philippine-American War, 1899-1902. http://philippine americanwar.webs.com/background.htm. Inakses: IX: 09.2011.

    13 Alvarez, op. cit., pah. 306

    14 Ibid., pah. 312.

    15 National Historical Commission of the Philippines. Jose Rizal. Letters with Family Members, Maynila: 2001, pah. 142.

    16 Ibid., pah. 206,

    17 Ibid., pah. 252.

    18 378. De Trinidad a su hermano Jos Rizal. Calamba, Mayo 30 90. Teodoro M. Kalaw(pat), Epistolario Rizalino. Tomo Tercero. Manila: Bureau of Printing, 1933, pah. 48.

  • 19 376. De Anglica Lpez a Rizal. Calamba 30-5 (Mayo), 1890. Kalaw , Epistolario. TomoTercero, pah. 46.

    20 563. De Rizal a su Madre. Dapitan, 25 de Julio de 1892. Kalaw, Epistolario, Tomo Cuarto (1936), pah. 24,

    21 Lo de Borneo no est bien; dejaremos las Filipinas, este nuestro bello pas? ,,, para quese han hecho sacrificios? Sin haber agotado todas nuestras fuerzas para el bien del sueloque nos sostuvo desde cuna, marcharemos otro extrao? De Manuel de Hidalgo a Jos Rizal. 16 de Diciembre de 1891. Kalaw, Epistolario, Tomo Tercero, pah. 269.22

    22 Lilia Quindoza Santiago, Ang Kilusang Feminista at ang Katipunan, Diliman Review, Tomo 40, Blg. 1 (1992), pah. 14.

    23 377. De Josefa a su hermano Rizal. Calamba, Mayo 39---90. Kalaw, Epistolario. TomoTercero., pah. 47.

    24 42. De Varios a Rizal. Calamba [Laguna,] y Nov. 13 de 1882. Teodoro M. Kalaw, Epistola-rio Rizalino. Tomo Primero , Manila: Bureau of Printing, 1930, pah. 63.

    25 Ibid., pah. 34; at 25. De varios a Rizal. Calamba [Laguna], 24 de Agosto de 1882, ibid., pah. 31;.

    26. 106. De Mariano Hervosa y Luca a su hermano Jos Rizal. Calamba, ]Laguna], 29 de

    Agosto de 1886. Kalaw. Epistolario, Tomo Primero, pah. 186.

    27 375. De Luca a su hermano Jos Rizal. Calamba , 30 de Mayo de 1890, Kalaw, Epistolario, Tomo Tercero, pah. 44.

    28 106. De Mariano Hervosa y Luca a su hermano Jos Rizal. Calamba, [Laguna], 29 de Agosto de 1886. Kalaw, Epistolario, Tomo Primero, pah. 185.

  • 28 92. De Narcisa a su hermano J0s Rizal., Calamba, [Laguna,] 27 Febrero de 1886. Kalaw, Epistolario, Tomo Primero, pah. 167.

    29 Cf. supra, talababa 21

    30 Austin Coates. Rizal. Makabayan at Martir (Salin ni Nilo Ocampo). Diliman, Quezon City: University of the Philippines Press, 1995, pah. 271.

    31 Ibid., pah. 275.

    32 Ibid., pah. 276.

    33 Zeus A. Salazar, Ang Austronesyanong *baRani hanggang sa Bagong Bayani ngKasalukuyang Hugis ng Kapilipinuhan. Papel na binasa sa ika-20ng Pambansang Kum-perensya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan. U.P. Likas. Agosto 22, 2011, Nismed Au-ditorium, U. P. Diliman. Pakitingnan din ang Ukol sa Pagkakaiba ng Bayani at Heroe at Kung Bakit sina Ninoy at Rizal ay Heroe at hindi Bayani. na matutunghayansa Mga Tala Ko sa Facebook ni Zeus Salazar.