16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 9 Filipino Zest for Progress Zeal of Partn Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Pagbibigay ng Sariling Pananaw, Kongklusyon, at Bisa ng Akda sa Sarili at Nakararami Name of Learner: Grade & Section: Name of School:

eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9

Filipino

Zest for Progress

Zeal of Partn

Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Pagbibigay ng Sariling Pananaw,

Kongklusyon, at Bisa ng Akda sa Sarili at Nakararami

Name of Learner:

Grade & Section:

Name of School:

Page 2: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:

Vera Angiely B. Sagun Vies Amor M. Mayol

Editor:

Tagasuri:

Rovilla C. Opada, Allene E. Duarte, MAEd

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD EPS – Filipinp

Page 3: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

3

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon,at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. (F9PS-IVa-b-58)

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Nakapagpapamalas ang mga mag-aaral

ng pag-unawa sa isang obrang

maestrang pampanitikan ng Pilipinas.

Nakikilahok sa pagpapalabas ng isang

movie trailer o storyboard tungkol sa

isa o ilang tauhan ng Noli Me Tangere

na binago ang mga katangian

(dekonstruksiyon)

Magandang araw sa iyo!

Sa unang modyul ay natutuhan ninyo ang kaligirang pangkasaysayan ng akdang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng: pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito,

pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito, pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino, nailalarawan ang

mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda at natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan

Ngayon, dumako naman tayo sa ikalawang modyul. Sabay nating pag-aralan at

lakbayin ang pangalawang modyul sa ikaapat na markahan.

Ako’y lubos na nasisiyahang ipaalam sa iyo na sa modyul na ito ay ating susuriin

ang isang nobela kung saan kayo ay magbibigay ng inyong sariling pananaw, kongklusyon,at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG

PAPEL.

Panimulang Pagtataya

Madali lang ang bahaging ito kaibigan. Susubukin lang dito ang iyong kaalaman

tungkol sa ating magiging leksiyon sa araw na ito.

Galingan mo!

Page 4: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

4

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Sa iyong sariling pananaw, paano mo dapat harapin ang sunod-sunod na mga kasawian o problema sa buhay?

a. Dapat harapin ito nang may poot o galit sa puso.

b. Dapat harapin ito nang may katatagan at laging isaisip na ang problema ay lilipas din balang araw.

c. Dapat iiyak lang sa sulok at hindi makikipag-usap kahit kanino. d. Dapat maghamon ng away upang maibsan ang galit na nadarama.

2. Paano kaya makatutulong ang edukasyon sa pagkakaroon ng malayang isipan?

a. Maiiwasan ang kamangmangan at kapahamakan kung may pinag-aralan dahil

mas maiintindihan mo ang mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid. b. Magiging mataas na ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa edukasyong natamo.

c. Magsasawalang kibo kahit alam mong may nakikita kang mali. d. Wala sa nabanggit.

3. Kung nabubuhay ka sa kapanahunan ni Dr. Jose Rizal, ano ang magagawa mo para sa

bayan? a. Susuportahan ko ang mga ginagawang kilos ni Rizal sa pamamagitan ng

pagbabahagi sa kanyang mga akda sa kapwa ko Pilipino kahit magdulot ito ng

aking kamatayan. b. Hindi ako makikialam dahil takot akong mamatay.

c. Isusumbong ko ang ginagawa ni Rizal upang madakip siya ng mga Kastila. d. Lahat nang nabanggit ay gagawin ko.

4. Para sa iyo, mahalaga ba ang mga akdang naiambag ni Dr. Jose Rizal? Bakit?

a. Oo, dahil nagpasikat ito sa ating bansa. b. Hindi, dahil ang kanyang mga akda ang dahilan ng masalimoot na kalagayan ng

Pilipinas noon.

c. Oo, dahil naging tulay ito upang magising ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng ating bansa.

d. Hindi, dahil naging susi ito ng pagkamatay niya.

5. Bilang kabataan, mahalaga pa ba na magpasahanggang ngayon ay napag-aaralan pa rin ang mga akda ni Rizal? Patunayan.

a. Hindi, dahil matagal na itong nangyari at matagal na panahon na ginawa ang

kanyang akda kaya dapat na itong kalimutan. b. Hindi, dahil marami na sa ngayon ang may mas magandang akda kaysa kay Rizal.

c. Oo, upang malaman ng mga kabataan ngayon kung ano ang magiging kalagayan ng bansa kung ang mga tao ay walang pinag-aralan at takot ipaglaban ang

kanilang karapatan. d. Oo, dahil sikat ang kanyang mga akda at nakaaaliw basahin.

e. 6. Ang nasabing nobelang “Noli Me Tangere” ang nagmulat sa isipan ng mga Pilipino sa

mga pangyayaring nagaganap sa lipunan. Bakit kailangang mulat ang ating isipan sa

mga pangyayaring nagaganap sa lipunan? a. Makakatulong ang mulat nating isipan sa pagsasagawa ng mga protesta laban sa

ating gobyerno. b. Upang nang sa ganoon ay makakapagtrabaho tayo ng madali.

c. Ang pagkakaroon ng mulat na isipan sa mga pangayayaring nagaganap sa ating lipunan ay malaking tulong upang makamit natin ang mga pagbabago tungo sa

kaunlaran at katarungan ng ating bansa.

d. Lahat nang nabanggit ay tama.

7. Sa iyong sariling opinyon, bakit mahalagang mamulat ang isang tao sa mga maling sistemang naghahari sa lipunan?

Page 5: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

5

a. Upang maituwid at magkaroon ng pagbabago ang ating bansa.

b. Upang makapagprotesta sa lansangan dahil sa maling sistema sa ating bansa. c. Upang makatulong sa gobyerno.

d. Wala sa nabanggit

8. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Dr. Jose Rizal, gagawin mo rin ba ang kanyang

ginawa para sa bayan? a. Oo, dahil kikilanin akong isang bayani pag ginawa ko rin ang ginawa niya.

b. Oo, dahil gusto kong mamulat ang aking kababayang Pilipino na hindi dapat maging mangmang sa sariling bayan upang hindi tayo apihin nang kahit na sinong

dayuhan. c. Hindi, dahil takot akong mamatay sa kamay ng mga dayuhan.

d. Hindi, dahil mas gusto kong labanan ang mga dayuhang mananakop sa

pamamagitan ng baril.

9. Masasabi mo kayang nagtagumpay si Jose Rizal sa kanyang layunin sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere?

a. Hindi, dahil siya ay namatay. b. Hindi, dahil hindi nakinig sa kanya ang mga kababayang Pilipino.

c. Oo, dahil namulat ang mga Pilipino na kailangang lumaban upang makamit ang

minimithing kalayaan. d. Oo, dahil naging bayani siya dahil sa kanyang nobela.

10. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang gusto mong paraan sa pakikipaglaban, ang paraan

na ginamit ni Dr. Jose Rizal o ang paggamit ng sandata gaya nang kay Andres Bonifacio? Bakit?

a. Mas pipiliin ko ang paggamit ng sandata upang maubos ang lahat ng masasamang tao.

b. Mas pipiliin ko ang tahimik na paraan gaya nang kay Dr. Jose Rizal upang

maiwasan ang pagdanak ng dugo at matinding gulo. c. Pipiliin ko ang paggamit ng sandata upang madaling matapos ang gulo.

d. Wala sa nabanggit

Page 6: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

6

Aralin

1

PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW,KONGKLUSYON, AT BISA NG

AKDA SA SARILI AT NAKARARAMI

Balikan

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang kahulugan na may kontekstuwal na pahiwatig na salita o mga

salitang sinalungguhitan sa pangungusap. Isulat ang titik nang tamang sagot sa

sagutang papel.

1. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak kay Rizal na lumikha ng pagbabago sa bayan.

A. katalinuhan B. kasamaan

C. kayabangan D. katapangan

2. Nagsisimula nang mag-alsa ang mga Pilipino dahil sa pagmamalupit at pang-aabuso ng mga Espanyol.

A. magsaya

B. malungkot C. lumaban

D. manahimik 3. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling Sistema ng pamamalakad

ng mga Espanyol sa bansa. A. lumaban

B. naglakas-loob C. nagpumilit

D. natakot

4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.

A. pagkatakot B. pagwawalang-bahala

C. paghihirap D. pagmamayabang

5. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa bansa.

A. itinago B. isiniwalat

C. isinuko D. itinanggi

Alam kong natatandaan mo pa ang leksiyon sa naunang modyul.

Halika’t sagutin natin ang munting

pagsasanay sa ibaba.

Page 7: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

7

Tuklasin

“Halaw sa www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_huwarang_bayani.htm at pilipinomirror.com/ang-tunay-na-bayani/”

Mga Gabay na tanong:

1. Batay sa mga talatang nakasulat sa loob ng kahon tungkol sa buhay ng mga taong

itinuturing na bayani, sa iyong sariling pananaw, ano nga ba ang tunay na kahulugan

ng salitang bayani? Kailan matatawag na bayani ang isang tao?

2. Ano-ano kaya ang puwedeng gawin maging nang ordinaryong taong tulad mo upang

matawag ka ring isang bayani sa iyong munting paraan?

Tama! Iba-iba ang pananaw natin tungkol sa isang bayani. Ngayon, ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay. Tara na!

NAMULAT tayo sa simpleng depinisyon ng salitang ‘bayani’. Sa kasaysayan, sila ang mga nagbuwis ng buhay at lumaban sa mga

mananakop upang makamit ng ating bansa ang kalayaan. Subalit hindi lang sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gabriela Silang, Lapu-Lapu at

iba pang mga magigiting na nagtanggol sa bayan ang dapat binibigyang-

pugay ngayong National Heroes’ Day.

Sa modernong panahon, ang mga OFW o mga nagtatrabaho sa ibang

bansa ang itinuturing na mga makabagong bayaning Pilipino. Kahit mahirap ang kanilang kalagayan, patuloy pa rin dahil sa kanilang

hangarin na makapagdulot ng magandang kinabukasan sa pamilya. Ang kanilang padalang dolyar ay malaking tulong sa pambansang ekonomiya

ng Pilipinas.

Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang

nobela ang sinulat niya-ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin niya ang

pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya’t ikinulong siya at

binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.

Ang galing! Talagang naalala mo pa ang nakaraang leksiyon. Ngayon naman,

tutuklasin natin ang iyong sariling pananaw. Basahin ang maikling talata tungkol sa buhay

ng mga sumusunod na mga bayani at sagutin

ang mga katanungan sa ibaba.

Page 8: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

8

Suriin

Sa unang modyul ay natutunan ninyo ang mga tala sa buhay ni Dr. Jose Rizal pati

na ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Totoong ilang siglo na ang

lumipas mula nang isulat ni Rizal ang nobelang ito ngunit patuloy pa rin nitong

pinupukaw ang ating mga natutulog na damdamin sa tuwing babasahin natin ang

kanyang akda. Sa pag-aaral pa lang sa kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ay

makabubuo na tayo ng sariling pananaw at kongklusyon kung bakit naisulat ni Rizal ang

nobelang ito.

Gawain 2

Panuto: Piliin sa kahon ang mga posibleng pananaw o kongklusyon kung ano

ang maaaring maging bisa o epekto nito sa iyo at maging sa mga kabataang Pilipino sa

pag-aaral ng nobelang Noli Me Tangere. Isulat sa sagutang papel ang mga titik ng

posibleng sagot.

A. Magsisilbi akong ehemplo sa aking mga kaklase sa pamamagitan nang

pagpapakumbaba sa kapwa.

B. Tatangkilikin ko ang mga produktong pinoy.

C. Maghahamon ako ng away sa aking mga kaklase

D. Magiging isa akong magiting at tapat na pulis upang mapaglingkuran ang aking

bayan.

E. Mag-aaral ako ng maigi nang sa ganoon hindi ako magiging mangmang sa sarili

kong bayan.

F. Babalewalain ko ang mga natutunan ko sa nobelang Noli Me Tangere dahil hindi

na ito uso ngayon.

G. Ipapakita ko sa aking pamilya na may mas alam ako dahil nakapag-aral ako.

H. Pag-aaralan ko bilang mag-aaral ang mga karapatang pantao sa bansa.

I. Maglilibang ako kasama nang aking mga barkada.

J. Magtatrabaho ako sa ibang bansa bilang domestic helper.

Ang galing mo magbigay ng sariling pananaw

kaibigan. Alam mo ba na may mga dapat tandaan sa pagbibigay

ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa isang

paksa? Halika’t basahin mo ang kasunod na mga

pagpapaliwanag.

Page 9: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

9

Pagyamanin

Gawain 3

A. Panuto: Basahin ang talata na napapaloob sa kahon at isulat sa loob ng Fish

Bone ang iyong nakuhang aral na maaring magamit sa iyong sarili at sa

nakararami.

Ang Noli me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Jose P. Rizal

kung saan inilarawan nito ang kalagayan ng lipunan at ayos ng pamumuhay at paniniwala, mga hangarin, at mga pagdadalamhati ng mga Pilipino noon. Dito

namulat ang mga mata ng mga Pilipino sa mga kalupitan at pang-aapi ng mga Espanyol. Ang mga pangyayaring ito’y nagpakita na kailangan ng malaking

pagababago sa ating bayan- pagbabagong sa pamamagitan lamang ng karunungan

at edukasyon na matatamo. Ginigising nito ang mga natutulog na damdamin natin na mamulat tayo at hindi dapat magbulag-bulagan sa mga maling pamamalakad

sa ating bayan, bagkus ating gawin ang tama at isapuso natin ang mga aral at gamitin sa ating pamumuhay.

Mula sa dagdag na kaalamang

nabasa mo sa itaas, alam kong kaya mong sagutan ang

susunod na gawain.

Page 10: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

10

Isaisip

• Sa pagbibigay ng opinyon o sariling pananaw, makabubuti kung sapat ang

kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang

mga bagay at maging katanggap-tanggap ang mga opinyon.

• Mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salita upang maging kapani-paniwala o kahika-hikayat ang pahayag.

• Upang makabuo ng sariling opinyon gamitin ang mga panandang diskurso

gaya ng para sa akin, sa tingin ko, kung ako ang tatanungin, nakikita ko, sa aking palagay,

Gawain 4

Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na salitang panandang diskurso upang makabuo

ng sariling opinyon batay sa nobelang Noli Me Tangere. Isulat ang sagot sa sagutang

papel.

Panandang Diskurso Opinyon

1. Para sa akin

2. Sa tingin ko

3. Kung ako ang tatanungin

4. Nakikita ko

5. Sa aking Palagay

Ang galing mo na kaibigan! Talagang

naiintindihan mo na ang ating leksiyon.

Ang sumusunod ay mahalagang

paalala tungkol sa ating lesiyon sa

modyul na ito.

Page 11: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

11

Isagawa

Gawain 5 Panuto: Ibigay ang iyong opinyon batay sa sumusunod na mga paksa. Isulat sa sulatang

papel ang iyong sagot.

1. Bagong Bayani: Mga Frontliners

2. Kalayaan sa Pagpapahayag ng Damdamin

3. Pagtatanggol sa Sariling Karapata

Pamantayan sa Pagsulat ng Opinyon

5- pinakamahusay 2- mapaghuhusay

4- mahusay 1- nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay 3- katanggap-tangga

Tayahin

Angkop na nilalaman ng mga ideya 5 4 3 2 1

Wastong gamit ng wika/salita, bantas, baybay

Paraan ng pagtatalakay sa paksa

Alam na alam mo na ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw

di ba?

Kung ganoon ay kayang-kaya mo nang sagutan ang gawain sa ibaba.

Galingan mo kaibigan!

Natutuwa ako dahil alam kong marami kang natutuhan sa modyul na ito sa pamamagitan ng iba’t ibang

gawaing inihanda ko para sa iyo.

Tiyak ko na ikatutuwa mo ang inihanda kong gawain sa

iyo. Galingan mo kaibigan!

Page 12: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

12

Panuto: Pagdugtong-dugtungin ang sumusunod na parirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap batay sa mga pangyayari sa talatang nasa kahon. Isulat ang

titik ng inyong napiling sagot.

1. Dahil sa mga Espanyol ____________________.

a. Naging masayahin ang mga Pilipino.

b. Masagana ang pamumuhay ng mga Pilipino.

1. Dahil sa mga Espanyol ____________________. a. Naging masayahin ang mga Pilipino.

b. Masagana ang pamumuhay ng mga Pilipino. c. Nalugmok ang mga Pilipino.

d. Naging mayaman ang mga Pilipino. 2. Nang dahil sa Noli Me Tangere _________________.

a. Naisiwalat ang karahasan ng mga Espanyol.

b. Nalibang ang mga mamabasa dahil nakatutuwa ito. c. Nalalaman ng mga Pilipino na naging mabait ang mga Espanyol sa panahon

ng kanilang pananakop. d. Napagtanto ng mga Pilipino na sila ay itinuring na kapatid ng mga

Espanyol. 3. Napagtanto ng mga Pilipino _______________________.

a. Kung paano sila inalagaan ng mga Espanyol. b. Na sila ay yumaman sa panahon ng Espanyol.

c. Kung paano inalipin ang bansa ng mga Espanyol.

d. Na sana hindi nalang umalis sa bansa ang mga Espanyol dahil sa maganda nilang pamamalakad.

4. Para sa mambabasa ng akdang Noli Me Tangere _________________. a. Masayang basahin dahil nakakaaliw.

b. Malaki ang naging impuwensiya ni Rizal sa lipunan. c. Ito ay nakakatakot basahin.

d. Ang Noli Me Tangere ay isang akdang sumusuporta sa LGBT community.

Ang kahalagahan ng pulitika at ekonomiya ng ating bansa ang umakit sa mga

Espanyol upang sakupin ang Pilipinas. Kristiyanismo ang pinakamalaking impluwensiya sa atin ng mga Espanyol. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng

333 taon, malaki ang naidulot nito sa pagbabago ng bansa. Pagdating nila sa

Pilipinas dala nila ang Kristiyanismo na malaking bahagi ng ating kultura ngayon na kung saan ang pari ay siyang alagad ng simabahan, mga bagong ideya, produkto,

kaalaman at iba pa. Ito rin ang nagpaunlad sa sibilisasyon ng Pilipinas. Subalit sa kabila ng lahat, sila rin ang nagpahirap sa madaming Pilipino sa mahaba-habang

panahon. Si Dr. Jose Rizal ang naging tulay sa paglaya ng Pilipinas. Lumaban siya sa

mga mananakop gamit ang kanyang bolpen at papel. Isinulat niya ang kanyang kauna-unahang akda na Noli Me Tangere upang maisiwalat niya ang karahasan ng

mga Espanyol, kung paano nalugmok ang mga Pilipino at kung paano inalipin ang

bansa ng mananakop. Mahalaga ang papel ni Dr. Jose Rizal sa paglaya ng Pilipinas dahil sa kanyang

akdang naisulat ay napukaw ang natutulog n damdamin ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan mula sa pang-aalipusta ng mga Espanyol. Kaya

ganoon na lamang kalaki ang naging impluwensiya ni Rizal sa lipunan. Mahalaga na mabasa at mapag-aralan ng mga kabataan ang akdang Noli Me

Tangere sapagkat ito ay bahagi ng ating kasaysayan na hindi dapat kalimutan. Ating

isaisip at isapuso ang mga sakripisyo ng ating mga bayani para tayo ay mapalaya sa karahasan ng mga mananakop na dayuhan.

Hindi tayo dapat matakot at dapat nating ipaglaban ang anumang dapat para sa atin.

Page 13: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

13

5. Mahalaga ang papel ni Dr. Jose Rizal _____________________. a. Sa ating kalikasan.

b. Sa paglaya ng Pilipinas. c. Sa pagpapanatili ng mga Espanyol sa Pilipinas.

d. Sa pagtulong ng mga mananakop kung paano sakupin ang Pilipinas. 6. Ang mga paring Kastila sa Noli Me Tangere ___________________.

a. Ay mga alipin ng Pilipino. b. Ay naging mabait at mapagbigay sa mga Pilipino.

c. Ay tagapagpayo ng mga nakatatas na antas sa buhay.

d. Ay alagad ng simbahan. 7. Ang sumulat ng akdang Noli Me Tangere ay ____________________.

a. Si Andres Bonifacio b. Si Lapu-Lapu

c. Si Apolinario Mabini d. Si Jose P. Rizal

8. Si Jose P. Rizal ay lumaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng _____.

a. Palakol at asarol b. Itak at Pana

c. Papel at Bolpen d. Baril at Panangga

9. Mahalaga na mapag-aralan ang Noli Me Tangere _________________. a. Dahil ito ay sumasalamin sa ating hinaharap.

b. Dahil ito ay nagpapakita kung paano tayo ipinaglaban ng mga Espanyol. c. Dahil ito ay bahagi ng ating kasaysayan.

d. Dahil ito ay isang akda na naglalahad ng magandang pakikitungo ng mga

mananakop sa mga Pilipino. 10. Ang paglaban o ipaglaban ang anumang dapat para sa atin ay ____________.

a. Isa sa mga natutunan ko sa akdang Noli Me Tangere. b. Isang batas na para lang sa mga mayayaman.

c. Isang pangungusap na di dapat tularan o gawin. d. Isa sa kinakatakutang gawin at malabong mangyari.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang siniping talata mula sa buod ng kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere at pagkatapos ay isulat mo sa iyong sagutang papel ang

iyong kongklusyon kung ano ang maaring maging bisa ng akda sa iyong

sarili at sa nakararami. Gawing gabay ang nasa kahon sa ibaba.

Binabati kita kaibigan dahil nasagot mo ang lahat

na pagsubok. Ang iyong puntos ang magpapatunay na napakagaling mo. Sa pagtatapos ng araling ito,

nais kong sagutin mo ang karagdagang gawain.

Isang gawain na lamang ito kaibigan.

Page 14: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

14

Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari

ka ng magpatuloy sa susunod na modyul.

“Halaw mula sa https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kaligirang-pangkasaysayan-ng-noli-me-

tangere”

Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang nobelang Noli Me Tangere: 1. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkamit ng kalayaan

at kaunlaran para sa bansang Pilipinas. 2. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay

maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.

3. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng ating bayan.

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa.

Bisa ng akdang Noli Me Tangere sa aking Sarili:

Bisa ng akdang Noli Me Tangere sa nakararami:

Page 15: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

15

Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagtataya

1.B 2.A 3.A

4.C 5.C

6.C 7.A

8.B 9.C

10.B

Balikan

1.B 2.C

3.B 4.C 5.B

Suriin 1.A

2.B 3.D 4.E

5.H

Tayahin

1.C

2.A 3.C

4.B 5.B

6.C 7.D

8.C

9.A 10.A

Page 16: eal of artn Filipino - znnhs.zdnorte.net

16

Sanggunian

“Patterns of heroes.” Accessed December 2020.

www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_huwarang_bayani.htm.

Amparado, Rainier. Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. February 4, 2017. https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kaligirang-pangkasaysayan-ng-

noli-me-tangere. Gani, Oro. Ang tunay na bayani. August 26, 2019. pilipinomirror.com/ang- tunay-na-

bayani/. School girl clipart black and white 9. Accesssed December 2020.

https://clipartstation.com/school-girl-clipart-black-and-white-9/. Supplemental lessons: Filipino baiting 9 ikaapat na markahan. Accessed December

2020. https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%209%204rth%20Q.pdf.

Thoman, Cory. School girl clipart illustration. Accessed December 2020. https://www.illustrationsof.com/1157170-royalty-free-school-girl-clipart-

illustration.