12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 8 : Pamana ng mga Sinaunang Asyano sa Daigdig Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

eal of artnership Araling Panlipunan · 2021. 2. 9. · Sa pamamagitan nito, napadali ang paraan ng pagtatanim ng tao lalo pa’t ang araro ay hinihila ng mga hayop sa mga lupang

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 8 :

    Pamana ng mga Sinaunang Asyano sa Daigdig

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    7

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Manunulat: Luzviminda O. Bahin

    Editor: Florence S. Gallemit

    Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.

    Florence S. Gallemit

    Dr. Jephone P. Yorong

    Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Luzviminda O. Bahin

    Tagalapat: Peter A. Alavanza

    Tagapamahala: Dr. Isabela M. Briones, CESO III

    Dr. Eugenio B. Penales

    Sonia D. Gonzales

    Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Dr. Jephone P. Yorong

  • Alamin

    Sa Araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-uunawa:

    1. Napapahagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya. (AP7KSA-IIh-1.12)

    a. Natutukoy ang mga ambag o kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano.

    b. Naipapahayag ang panghanga at pagmalaki sa mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnang Asyano ng mga sinaunang kabihasnang Asyano sa sangkatauhan.

    Balikan

    Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang kwaderno sa Araling Panlipunan 7. 1. Ang batas na umiiral sa kanlurang Asya noon namay probisyon sa mababa na pagturing sa mga babae ay__.

    a. Code of Hammurabi b. Code of Conduct c. Code of Manu d. Code of Point

    2. Alin sa sumusunod na batas kaugnay sa mga babae naumiiral sa Timog Asya na natutol sa kalakaran ng pagbibigay ng Dote?

    a. Code of Conduct b. Code of Hammurabi c. Code of Point d. Code of Manu

    3. Ang isa sa relihiyon na nagmula sa India na ipinagkait ang pagkilala na ang babae ay pantay sa lalaki at ipinagkait din ang pagtamo ng Nirvana sa mga babae ay__.

    a. Hinduism c. Buddhism b. Islam d. Sikhism

    4. Ang kaisipan na umiiral sa China nanagbibigay halaga sa anak na lalaki kaysa anak na babae, dahil ang babae ang nagbibigay ng Dote, ay___.

    a. Taoism c. Legalism b. Confucianism d. Socialism

    5. Sa aling bansa sa Asya na ang pinakamahalagang tungkulin ng babae ay ang pagluwal ng sanggol lalo na sa sanggol na lalaki?

    a. Japan c. China b. India d. Korea

  • Tuklasin

    Ngayon naman ay inaasahang babasahin mo nang may pag-unawa ang

    pakang mga papamana ng sinaunang Asyano sa daigdig; (Pamana ng Kanlurang Asya, Pamana ng Timog Asya at Pamana ng Silangang Asya). Isagawa ang gawaing dapat na maisakatuparan matapos ang iyong masinsinang pagbasa.

    PAMANA NG KANLURANG ASYA Sa Mesopotamia umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa

    Kanlurang Asya, ang Sumer. Hatid ng sibilisasyong umusbong sa Sumer ang ilan sa mga bagay na

    masasabing mahalagang ambag ng mga sinaunang Asyano sa daigdig. Sa aspetong pang-arkitektura, katangi-tangi ang mga ziggurat na nagsisilbing tahanan at templo ng patron ng isang lungsod.

    Ang mga Sumerian ang kauna-unahang taong nakaimbento ng isang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ito ay tinatawag na cuneiform na ang ibig sabihin ay hugis sinsel o wedge-shaped. Ang Cuneiform ay pinag-aaralan sa mga paaralang tinatawag na edubba. Piling-pili lamang ang pangkat ng mga kabataang lalaking nakapapasok sa mga edubba.

    Marami pang mahahalagang bagay ang nagawang malikha at matuklasan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia.

    Nangunguna sa talaang ito ang paggamit ng gulong na sa kontemporaryong panahon ay lubhang napakahalaga sa aspeto ng transportasyon.

    Samantala, ang kasangkapang pang-araro ay isa ring napakahalagang kontribusyon. Sa pamamagitan nito, napadali ang paraan ng pagtatanim ng tao lalo pa’t ang araro ay hinihila ng mga hayop sa mga lupang sakahan. Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig. Sa pag-usbong ng panibagong kabihasnan matapos ang pamamayani ng mga Sumerian, binuo ni Sargon I ang pinakaunang imperyo sa daigdig. Ang kauna-unahang imperyo sa daigdig ay tanagutiang Akkadian.Isa pang mahalagang bagay na dapat talakayin sa puntong ito ay ang batas na ipinatupad ni Hammurabi sa kanyang nasasakupan sa panahon ng pamamayani ng Babylon sa Mesopotamia. Ang batas ni Hammurabi ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng kabuuang 282 batas na nauukol sa mga paksang sibil, kriminal, at pangkalakalan.

    Iba pang kontribusyon ng kanlurang Asya; water clock, paggawa ng unang mapa, sexagesimal system o pagbibilang na nakabatay sa 60,

    Aralin 1

    MGA PAMANA O KONTRIBUSYON NG SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

  • astronomiya, kalendaryo na may 12 na buwan, zodia o horoscope, at cartography.

    PAMANA NG TIMOG ASYA

    Ang matatandang lungsod na natagpuan sa lambak ng Indus ay

    itinuturing na pinakabago at pinakahuling tuklas na sentrong pangkabihasnan sa kontemporaryong panahon. Noong dekada 1920, natuklasan ng mga arkelogo ang labi ng dalawang lungsud sa Indus River at tributaryo nito. Ang mga lungsud na ito ay tinatawag ng Mohenjo-Daro na nasa Sind at Harappa na nasa Punjab. Sumibol sa India ang mga kabihasnang ito simula 2500 B.C.E. Ang sumunod na panahong Vedic ay nag-iwan ng mga pamana na hanggang sa kasalukuyan ay nananatilling buhay sa ating panahon.

    Ang kanilang mga iniwang aklat, tula, at epiko ay lubos na nagpayaman sa daigdig ng panitikan. Ang apat na sagradong aklat na bumubuo sa Vedas ay naglalaman at nagsasaad ng mga kaganapan sa panahon ng unang siglo ng paghahari ng mga Aryan sa hilaga at hilagang kanlurang India. Ang Vedas ay isang koleksyon ng mga dalit pandigma,matalinong pahayag,mga kanta, at kwento. Pinakamatanda at pinakamahalaga sa mga Vedas ay ang Rig-Veda. Ito ay naglalaman ng mahigit isang libong mga dalit,mga panalangin,at mga awitin. Ang mga dakilang pinagkukunan ng panitikang Indian ay ang dalawang epikong Mahabharata (The Great Story) at Ramayana (Rama’s Way).

    Ang Mahabharata ay binubuo ng isandaang libong taludtod at naglalaman ng mga kaisipang Hindu. Samantala, ang Ramayana ay patungkol sa buhay ni Rama, kanyang asawang si Sita, at kapatid na si Lakshmana. Ang akdang ito ay naglalaman din ng mga turong Hindu.

    Kontribusyong Indian din ang Sanskrit na siyang pinag-ugatan ng lahat ng wikang Indo-European.Sa kabilang banda, ang ayurveda ay isa ring mahalagang konseptong panggamot na pamana saating ng mga Indian simula pa man noong 3000 B.C.E. ang ayurveda ay hango sa mga saliyang ayu o buhay at veda o agham. Ang mga kaparaanang Indian sa surgery ay lubhang maunlad sa kanilang panahon. Sinasabing ang mga Indian ang mga unang taong nagsagawa ng amputation, caesarian section, at cranial surgery sa kasaysayan. Nabuo rin sa India ang konsepto ng pagkakaroon ng zero.Halimbawa nito ay ang mga salitang dasa (sampu), sata (sandaan),sahasra (libo), at ayuta (sampung libo).

    Nagkaroon din ng mahahalagang kontribusyon ang mga sinaunang Indian hinggil sa mga kaisipang pumapaksa sa astronomy, physics, chemistry, metallurgy, architecture, civil engineering, ship building, at navigation. Sa India rin nag-uugat ang apat sa mga relihiyong sinusunod ng sangkatauhan sa kasalukuyang panahon: ang Hinduism, Buddhism, Sikhism, at Jainism. Ang mga relihiyong ito ay patuloy na humuhubog sa pamumuhay at gawi ng mga Asyano. At iba pang ambag o kontribusyon ng Timog Asya; pamantayan ng bigat at sukat, decimal system, paggamot at pagbubunot ng ngipin, Halaga ng pi (3.1416), Taj Mahal, Buddhism, Jainism, Sikhism, Trigonometry, at Geometry.

  • PAMANA NG SILANGAN ASYA

    Mga kaisipan at pilosopiya ng mga iskolar na Tsino ang pangunahing ambag ng China. Si Confusuis at Mencius ang humubog ng Confucianism samantalang si Laozi ang kinikilalang tagapagtatag ng Taosism. Pinaunlad naman ni Xunxi ang pilosopiyang Legalism.Sa panahon ng dinastiyang Ch’in, sapilitang ipinagawa si Emperador Shi Huangdi o Shih Huang Ti sa tinatayang isang milyong katao ang malaking bahagi ng Great Wall of China. Ang istrakturang ito ay nagsilbing pananggalang mula sa mga tribung nomadikong nagmumula sa hilaga ng China.Ang dinastiyang Han ay naghatid din ng ilang mahahalagang ambag sa kabihasnang Tsino.dalawa sa mga ito ang pagggamit ng papel at porselana. Panahon din ng Han, nagkaroon ng mga pagtatala ukol sa mga bituin,mga planeta,mga kometa, sunspot,at eclipse na nagtataglay diumano ng mga mensahe mula sa kalangitan.

    Bukod dito, nagkaroon din ng kalendaryo, mga star map, at iba pang kagamitan sa astronomiya. Natuklasan din ng mga Tsino ang prinsipyo ukol sa magnetic compass upang makapagturo ng direksyon.mayroon narin silang instrumentong nakapagtatala ng lindol o seismograph. Ang ilan pang praktikal na kagamitang nalikha ng mga Tsino ay ang wheelbarrow,millwheel, waterclock, at sundial.

    Sa larangan ng medisina, ang acupuncture ay isang mahalagang kontribusyon ng mga Tsino sa kasalukuyang panahon. Sa sistemang ito, ang isang manggagamot ay gumagamit ng karayom upang itusok sa balat ng tao. Ilan pa sa mahalagang kontribusyon ng mga sinaunang Tsino sa daigdig ang gunpowder. Isang napakahalagang bagay na ibinigay ng sinaunang kabihasnang Tsino ay ang paraan ng paggamit ng block printing. Ang mga tulang haiku ay ambag din ng Japan sa larangan ng panitikan. Ang noh at kabuki ay mga halimbawa naman ng mga teatrong umusbong sa Japan.Iba pang ambag o kontribusyonng silang asya; Paggamit ng silk o seda, Kalendaryo, Star map, magnetic compass, seismograph, wheel barrow, water clock, sundial, chopstick, abacus, pamaypay, payong.

    Suriin

    Sa pagkakataong ito, ay iyong suriin ang tungkol sa pamana ng

    sinaunang Asyano sa daigdig: Pamana ng Kanlurang Asya, Pamana ng Timog Asya at Pamana ng Silangang Asya, na iyong binasa sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang kwaderno sa Araling Panlipunan 7. Gawain 1- Pamana ng Kanlurang Asya Mga Tanong: 1. Saan umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa kanlurang Asya? Saan ito matagpuan? 2. Bakit mahalaga ang Batas ni Hamurrabi? 3. Aling mga pamana mula sa kanlurang Asya ang nananatiling buhay pa sa kasalukuyan? Saan ginagamit ang mga ito?

  • Gawain 2- Pamana ng Timog Asya 1. Paghambingin ang dalawang matandang lungsod na natuklasan sa lambak ng Indus na itinuturing na pinakahuling tuklas ng sinaunang kabihasnan? Saang bansa ito matagpuan? 2. Anu-ano ang mahalagang kontribusyon ng Vedic Age sa sangkatauhan? 3. Anu-anong pamana ng mga Hindu ang nananatili pang buhay sa ating panahon? Bakit nananatiling buhay ang mga pamanang ito? Gawain 3- Pamana ng Silangang Asya 1. Saan umusbong ang sinaunang kabihasnang China? 2. Anong dinastiya ang pinaniwalaang pinag-ugatan ng kabihasnang Tsino? 3. Paghambingin ang pangunahing ambag ng mga Tsino na iskolar o pilosopo? 4. Aling mga pamana ang nagmula sa silangang Asya ang nananatiling buhay pa sa kasalukuyan? Saan ginagamit ang mga ito.

    Pagyamanin

    Gawain 1

    Panuto: Pagtambalin ang mga paglalarawan o kahulugan sa hanay A sa mga angkop na salita sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno sa Araling Panlipunan 7.

    A B

    1. Bundok ng diyos o burol ng langit a.acupuncture 2. Isang sistematikong paraan ng pagsulat b.ayurveda 3. Isang uri ng wika na nagmula sa India c.cuneiform 4. Lagalag o paggalagala d. Edubba 5. Mga Tula ng mga Hapones e. Kabihasnan 6. Nangangahulugang agham ng buhay f. Haiku 7. Paaralan ng mga piling kabataan lalaki g. nomadiko Sa Sumer 8.Gumagamit ng karayom sa panggamot h. Pilosopiya 9. Pangkalahatang tuntunin sa iba’t-ibang i. sanskrit Larangan 10.Sibilisasyon j.Vedas k. ziggurat

    Gawain 2 Panuto: Isulat sa sagutan kwaderno ang S kung ang pamana ay galing

    sa kabihasnang Sumer, I kung galing sa kabihasnang Indus, at SH kung galing sa kabihasnan Shang. Maaaring mauulit ang mga sagut.

  • ____1. Cuniform

    ____2. Epikong Mahabharata

    ____3. Great Wall of China

    ____4. Sanskrit na ugat ng wikang Indo-European

    ____5. Acupuncture sa larangan ng medisina

    ____6. Chopstick, abacus, payong

    ____7. Cartography o paggawa ng mapa

    ____8. Paggamit ng tanso sa paggawa ng sandata

    ____9. Ampulation at surgery

    ____10. Confucianism

    Gawain

    Ibigay ang sagot o reaksiyon tungkol sa sumusunod mga tanong: 1. Nakatanggap ka na ba ng magaganda o mamahaling bagay mula sa iyong mga magulang,kapatid o kaibigan? 2. Anong okasyon mo ito natanggap? 3. Paano mo pinasalamatan ang nagbibigay sa iyo? 4. Paano mo ito pinahahalagahan?

    Isaisip • Malaki ang naimbag o kontribusyon ng mga sinaunang Asyano sa pagpapayabang ng kabihasnang pandaigdig. • Ilan sa mga mahalagang kaisipan,pilosopiya at relihiyon sadaigdig ay umusbong sa Asya. • Ang ilan sa mga bagay na likha ng mga sinaunang Asyano ay ginagamit pa rin sa kasalukuyang panahon. • Ang pamana ng mga sinaunang Asyano sa daigdig ay lubos na kahanga-hanga at nararapat ipagmalaki saan mang panig sa daigdig

  • Tayahin Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong. Piliin ang

    pinakatamang sagot. Isulat ang titik lamang sa iyong sagutang kwaderno sa Araling Panlipunan 7.

    1. Alin sa sumusunod ang isang napakahalagang ambag ng mga Sumerian sa daigdig? Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspeto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia. a. Code of Manu c. Kaisipang Legalismo b. Code of Hammurabi d. Confuciani 2. Ang lahat ay mga kontribusyon ng kabihasnang Tsino maliban sa isa. a. Kalendaryo c. Paggawa ng unang Mapa b. Abacus d. Payong 3. Ang mga mahalagang ambag ng mga Tsino sa panahon ng dinastiyang hanay___. a. Geometry at Trigonometry b. Mahabarata at Ramayana c. Paggamit ng papel at porcelana d. Pamantayan ng bigat at sugat 4. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga tao sa Asya ang unang nagsagawa ng Amputation, Caesarian Section at Oravial Surgery sa kasaysayan?

    a. Indian c. Japanese c. Tsino d. Sumerian

    5. Lahat ay mga mahalagang kontribusyon ng mga sinaunang Indian maliban sa__. a. Astronomy c. Physics b. Water Clock d. Metallurgy 6. Alin sa sumusunod na kotribusyong Indian na siyang pinag-ugatan ng lahat ng wikang Indo European?

    a. Vedas c. Mahabarata b. Ayurveda d. Sanskrit 7. Ang isang mahalagang konseptong panggamot na pamana sa atin ng mga Indian simula pa noong 3000 B.C.E hango ito sa mga salitang Ayu o buhay at Veda o agham ay___. a. Vedas c. Mahabarata b. Ayurveda d. Sanskrit 8. Sa aling bansa sinasabing nanggaling ang kauna-unahang kalendaryo at papel at ang kaalaman sa paggamit ng Gun Powder?

  • a. Japan c. China b. India d. Pilipinas 9. Ang instruktura ng China na nagsisilbing harang at proteksyon laban sa mga manakop nagsisilbing simbolo ng kabihasnang China. a. Taj Mahal c. Hanging Garden b. Ziggurat d. Great Wall 10. Ano ang tawag sa timplo o dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa. a. Ziggurat c. Great Wall of China b. Taj Mahal d. Hanging Garden

    Karagdagang Gawain Magtipon ng sampung larawan ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Maari ring gumuhit kung walang larawang makukuha. Idikit o iguhit ang mga ito sa iyong sagutang kwaderno/activity notebook sa Araling Panlipunan

  • Susi sa Pagwawasto

    Subukin Tayahin

    1. A 1.B 2. D 2.C 3. C 3.C 4. B 4.A 5. D 5.B 6. B 6.D 7. A 7.B 8. C 8.C 9. C 9.D

    10.B 10.A

    Pagyamanin

    Gawain1 Gawain 2

    1. K 1. S 2. C 2.I 3. I 3.SH 4. G 4.I 5. F 5.SH 6. B 6.SH 7. D 7.S 8. A 8.S 9. J 9.I

    10.E 10.SH

    Sanggunian:

    • Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al pp.258-268

    • Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Rosemarie C. Blando et al pp.167-175

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.