17
Ang Sapatero at ang Mga Duwende

Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Ang Sapatero at ang Mga Duwende

Page 2: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Sa isang malayong lugar merong matandang mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay paggawa ng mga sapatos. Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi inaasahan, naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa kanilang nagawang sapatos. Halos wala silang pambili ng mga materyales upang maka gawa ng dalawang pares ng sapatos.

Page 3: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Umabot na sa halos hating-gabi sa kakaisip ang lalaki, hininto at iniwan na lang ang kanyang ginagawang sapatos sa mesa upang magpahinga at dahil pagod na rin. Sinabi na lang ng lalaki sa sarili na ipagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa kinabukasan.

Page 4: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Minsan, sa sobrang-kapos ng materyales, naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang pares na sapatos. Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki kung paano gumawa ng magandang sapatos upang kumita ng malaki at makabili ng pagkain.

Page 5: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Kinabukasan, nagulat ang lalaki sa kanyang nakita, isang napakagandang pambatang sapatos ang sumambulat sa kanya. Sinuri niya mabuti ang magarang sapatos at halos perpekto ang pagkagawa. Agad na sinabi sa kanyang asawa, subalit, halos hindi rin naniwala.

Page 6: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

At ibinenta sa isang kakilalang mayaman sa kanilang lugar. Malaking halaga ang ibinayad ng mayaman sa pagbili ng sapatos.

Page 7: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Sa sumunod na araw, bumili ang lalaki ng mga materyales upang gumawa uli ng ibebentang sapatos at kasama na ang asawa. Umabot sila hanggang hating-gabi sa paggawa ng sapatos ngunit walang natapos. Iniwan nila ang mga ginagawa upang ipagpatuloy na lang sa kinabukasan.

Page 8: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Ngunit, nang gumising ang dalawa, nakita nila ang mga pares ng napakagandang sapatos. Kanila itong ibenebenta at natutuwa sila tuwing nauubos ang mga inilalakong sapatos.

Page 9: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Mula noon iniiwan na lang ng mag-asawa ang mga materyales at hindi sila nabigo na makakakita mga yaring sapatos na kanila naman ibebenta. Dahil dito, yumaman at naging tanyag ang mag-asawa sa larangan ng paggawa ng sapatos. Walang sapatos ang hindi naibebenta at sumikat sila kahit mga taga-ibayong lugar ay pumupunta sa kanilang tindahan upang bumili ng sapatos.

Page 10: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Isang araw naisipan ng mag-asawa na alamin kung sino ang tumutulong sa kanila sa paggawa ng sapatos. Nag-iwan sila ng mga materyales, binantayan at nagtago upang di makita. Halos di makapaniwala sa kanilang nakita.

Page 11: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Dalawa pa lang mag-asawang duwende ang gumagawa tuwing hating-gabi ng sapatos. Masipag ang mag-asawang duwende, pino ang mga napakaputing sintas, malinis ang pagkagawa. Ngunit, naawa ang mag-asawa sapatero dahil ang damit ng mag-asawang duwende ay tila basahan at nangangayat na ang dalawa sa kagagawa.

Page 12: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Kinabukasan naisipan ng lalaki na pasalamatan ang mag-asawang duwende. Gumawa sila ng napakagarang mga damit na babagay sa dalawa, bumili sila ng isang napakalaking tinapay at isang bote ng gatas. Iniwan nila ito pagsapit ng hating-gabi.

Page 13: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Tuwang tuwa ang mag-asawang duwende sa mga regalo. Halos magtatalon sa tuwa ang lalaking duwende at habang umiiyak naman ang babae.

Page 14: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Simula noon hindi na nakita ng mag-asawang mga duwende, ngunit, pinalad naman sila kanilang buhay at lalong matagumpay sa kanilang hanapbuhay.

Page 15: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

Aral: Pasalamatan ang mga taong tumutulong kahit hindi sa materyal na bagay kundi sa simpleng pasasalamat na galing sa puso upang maipakita lang ang pagkagalak dahil sa tulong na ibinigay.

Page 16: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1

References: www.google.com www.howstuffworks.com/the-elves-and-the-shoemaker-story2.htm

Page 17: Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1