11
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 21-30 Ni : Dr. Jose P. Rizal

El filibusterismo kab 21 30

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: El filibusterismo kab 21 30

EL FILIBUSTERISMOKabanata 21-30

Ni : Dr. Jose P. Rizal

Page 2: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 21- Iba’t Ibang Mukha ng Maynila

Sa kabanatang ito may naganap na isang palabas na ang pangalan ay “Les Cloches de Corneville” na pinamumunuan ni mr. Jouy . Maganda ang mga magtatanghal sa palabas na ito.

Ipinakilala dito sa kabanatang ito si Camaroncocido isang kastilang kinahihiya ang pagiging kastila.

Dito sa kabanatang ito maraming sumasang-ayon sa palabas at marami ding hindi sa kadahalinan na may lahok na kalaswaan ang palabas. 

Page 3: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 22- Ang Palabas 

Punung- puno ang dulaan ng mga tao. Alas otso dapat ang simula ng palabas ng palabas ngunit alas otso kwarenta’y singko na ay di pa rin nagsisimula, dahil wala pa ang pinaka mahalagang ang Kapitan Heneral.

Magkasama dito si Juanito at Paulita. Pinaliwanag ni Juanito ang buod ng palabas na parang alam nito ang salitang pranses. Umalis naman si Ben Zayb, puro kapintasan sa palabas ang kanyang sinasabi tungkol sa palabas.

Sa ikalawang bahagi ng palabas tumayo at lumabas ang mga studyante at takang- taka ang lahat.

Page 4: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 23- Isang Bangkay

Ipinakita dito kung gaanong pag-aalaga ni Basilio kay kay Kapitan Tiago na malala na na ang kalagayan nong panahong iyon. Ang pag aalaga kay Kapitan Tiago ay masasabing masarap na mahirap, dahil kung minsan minumura, sinasaktan at sinusumbatan ang binata at kung minsan naman tinatawag na anak at pinupuri ang binata.

Dito nalaman ni Simoun na patay na si Maria Clara. Lubhan nalungkot si Simoun.

Page 5: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 24- Pangarap

Hinintay ni Isagani si Paulita sa Luneta. Tumagal ng ilang oras ang paghihintay ni Isagani kay Paulita. Dumating si Paulita kasama si Juanito at si Donya Victorina, galit na galit si Donya Victorina at hinahanap nito si Don Tiburcio patay man o buhay.

Punong ng kasiyahan si Isagani at nakapag usap sila ng maayos. Sinabi ng binatang ito ang mga pangarap niya kay Paulita at mamaya pa nagyayaya na si Donya Victorina na umuwi.

Page 6: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 25- Tawanan at Iyakan

Sa tsapter na ito nagusap-usap ang mga studyante at sila ay hinayang na hinayang dahil hindi natupad ang kanilang adhikain sa mga studyanteng Pilipino. Galit nag alit sila sa mga prayle at kay Don Custodio. Para sa kanila si Don Custodio ay katulad ng isang sopas na puro sabaw kaunti lamang ang laman, puro mungkahi lamang daw, at sa ating bansa ay pansit guisado ibig sabihin daw non ay ginisisa daw tayo sa atin sariling lupa at para sa mga prayle naman ay tortang alimango.

Page 7: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 26: ANG MGA PASKIL

Nang nalaman ni Basilio ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskil sa Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang makita niya si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman ay masayang masaya nang kanyang makausap dahil walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam,parang naghuhugas kamay. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.

Page 8: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 27:ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban sa mga prayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nang-aalipusta pagnakatalikod na ang mga pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang gusto nilang gawin ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan. Pagkatapos ng usapan nila ay nagtungo si Isagani sa gobyerno sibil.

Page 9: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 28: KATATAKUTAN

Sa kabanatang ito ipinakita ang iba’t ibang reaksyon at pagtanggap ng lipunan sa pagkakadisubre ng mga paskil na nagdulot ng tensyon. May mga nag-uudyok sa Kapitan Heneral na ipapatay ang mga estudyanteng nahuli at magpasimula ng mga kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio. Dito rin ay nakita si Quiroga na pinuntahan si Simoun, Don Custodio at Ben-zayb upang itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang basar dahil na rin nga sa tension sa lipunan nila. Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na sumiklab na ang rebolusyon na siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng lugar. Ipinakita rin dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago.

Page 10: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 29: ANG LIBING NI KAPITAN TIAGO

Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Ang isang bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing. Si Donya Patrocino naman ay inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at gusto na ring mamatay kinabukasan para mahigitan ang libing ni Ka. Tiago.

Page 11: El filibusterismo kab 21 30

Kabanata 30: SI HULI

Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Huli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niyang lapitan si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak. Pero ayaw pumunta ni Huli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay, samantalang isang babae ang nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tandang Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga tulisan)