7
 Ugnay-Panitikan Sa tulong ng mga gawain na iyong isinagawa, sa tingin ko, unti-unti mo nang nakikita ang kasagutan sa mahalagang tanong na Bakit nagpatuloy ang  paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? At upang maging matibay ang iyong pag-unawa sa araling pinag-aaralan, bigyan mo ng  pansin ang mahahalagang impormasyon . Alam mo ba na ... EPIKO Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala. Mga Anda ng Epiko: 1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan. 2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan. 3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal. 4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan. 5. Patuloy na pakikidigma ng bayani. 6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan. 7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo. 8. Pagkamatay ng bayani. 9. Pagkabuhay na muli ng bayani. 10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan. 11. Pag-aasawa ng bayani. Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa sa tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao. Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani

Epiko

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Panitikan

Citation preview

  • 5/22/2018 Epiko

    1/7

    Ugnay-Panitikan

    Sa tulong ng mga gawain na iyong isinagawa, sa tingin ko, unti-unti mo nangnakikita ang kasagutan sa mahalagang tanong na Bakit nagpatuloy ang

    paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Atupang maging matibay ang iyong pag-unawa sa araling pinag-aaralan, bigyan mo ng

    pansin ang mahahalagang impormasyon .

    Alam mo ba na ...

    EPIKO

    Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas

    ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito

    tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.

    Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala.

    Mga Anda ng Epiko:

    1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan.

    2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.

    3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.

    4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.

    5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.

    6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan.

    7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.

    8. Pagkamatay ng bayani.

    9. Pagkabuhay na muli ng bayani.

    10.Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.

    11.Pag-aasawa ng bayani.

    Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa sa tema,

    ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing

    babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng

    epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.

    Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema

    katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani

  • 5/22/2018 Epiko

    2/7

    mga supernaturalna gawa ng bayani

    pag-ibig at romansa

    panliligaw pag-aasawa pagbubuntis mga yugto ng buhay

    kamatayan at pagkabuhay

    pakikipaglaban at kagitingan ng bayani

    kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging

    mga ritwal at kaugalian

    ugnayan ng magkakapamilya

    Ang Lalaking Bayani

    Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang bayani.

    Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa sumusunod: pisikal,sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang intelektwal at moral na

    katangian

    Ang Pangunahing Babaeng Karakter

    Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng

    bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina.

    Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa,naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-unawa sa aralin. Nais kong suriin mo ang mga pangyayari sa epikong iyong binasa.Nailarawan ba nang tiyak ang mga pangyayari sa nasabing epiko? Malaki ba ang

    ginampanang papel ng pang-abay na pamaraan upang maging tiyak ang mgapangyayari sa epiko? Subukin mong sagutin ang kasunod na mga gawain nang sagayoy iyong matukoy ang sagot sa mga tanong.

    GAWAIN 1.1.3.e : PAGSUBOK SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA

    Ilang Epiko sa Pilipinas

    Biag ni Lam-ang- IlokosMaragtas- Bisaya

    Bantugan- Mindanao

    Hudhud - Ifugao

    Darangan Muslim

    http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Lam-anghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Lam-ang
  • 5/22/2018 Epiko

    3/7

    1. Pansinin mo ang mga salitang nakasulat nang nakahilig sa loob ngpangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos?Naglalarawan ba ito o nag-uugnay? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    Sa bahaging ito, nakilala mo ang pang-abay na pamaraan sapamamagitan ng relasyon nito sa kasamang pandiwa. Bukod sa impormasyongito, paano mo pa kaya makikilala ang pang-abay na pamaraan. Subukin mongsagutin ang susunod na mga gawain upang higit na mapagyaman ang iyongkaalaman sa araling panggramatika.

    2. Punan mo ng angkop na salita ang patlang ayon sa iminumungkahi ng larawan.

    Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

    a. Sila ay _________na sumakay sa b. Silay_______ na nakaratingsinalimba at pumunta sa tahanan ni Batooy.sa Katuusan, kung saan lupa itonang walang kamatayan.

    1.Agad-agad na naghandasiTuwaang

    2.Naghanda nang mabilissiTuwaang para sa kaniyangpaglalakbay.

    3. Binato nang napakalakas niTuwaang ang binata.

    4.Ang binata ayunti-untingnamatay.

    Ang kaugnayan ng mga

    salitang nakahilig sa

    pandiwa ay

    ____________________

    ____________________

    ____________________

    ____________________

    ____________________

    ____________________

    __________________

    ____________________

  • 5/22/2018 Epiko

    4/7

    c.________ tinanggap ni Gungutan d._______na nakipaglaban si

    ang alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang.

    Nakatulong ba ang ang mga larawan upang madali mong makilala atmagamit ang mga pang-abay na pamaraan? Subukin mong sagutin ang susunod na

    gawain upang higit pang mataya ang antas ng iyong pag-unawa sa araling ito.

    3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upangmabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot sa loob ngkahon. Isulat sa sagutang papel.

    Jewill: Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo

    uwian?

    Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ________nang

    naglalabasan ang aking mga kamag-aral.

    Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classeska dahil nakita

    kitang _______ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan.

    Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John.

    Jewill: Bakit ?

    Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol

    sa epiko. ________ nagturo kanina ang aming guro sa

    Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik

    sa kanyang leksiyon.

    Jewill: Naku... ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang

    klase kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng

  • 5/22/2018 Epiko

    5/7

    takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.

    Emil : Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming

    salamat. O paano? _________ na kaming aalis. Paalam.

    Mula sa isinagawang pagsasanay, naging malinaw na ang kilos ay inila-larawano binibigyang-turing ng pang-abay. Kapag ang inilarawan ay ang paraan kung paano

    ginawa ang kilos , ito ay pang-abay na pamaraan. Upang lubos mong maunawaan angtungkol dito, basahin mo ang susunod na bahagi.

    Alam mo ba na ...

    ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN

    Ang pang-abay na pamaraan ay

    naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o

    magaganap ang kilos na ipinapahayag ng

    pandiwa.

    Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang panandang

    nang at (2) ang na/ng. Narito ang mga halimbawa:

    1. Kinamayan niya ako nang mahigpit

    2. Natulog siya nangpatagilid.

    3. Bakit siya umalis naumiiyak?

    4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata

    5. Naluluha siya nang nagpasalamat.

    Naging malinaw ba sa iyo na sa tulong ng mga pang-abay na pamaraan aynaging tiyak ang detalye ng kilos ng bawat tauhan? Sa iyong palagay, nakatulong baang mga ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa akda? Angmahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito ay makatutulong upang higitmong mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling tinalakay.

    sabay-sabay isa-isa pagalit dahan-dahan

    ganadong-ganadong

    Ugnay-Wika

  • 5/22/2018 Epiko

    6/7

    Ang bahaging ito ng aralin ay tutulong upang mataya ang lalim ng iyong pag-unawa sa mga konseptong natutuhan.Sa bahaging ito ay makakikilala ka ng kaugnayna teksto na iyong magiging gabay sa ganap na pagkatuto. Mahalagang maiugnay moang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Gayundin,magiging kapaki-pakinabang ang tekstong babasahin kung iyong mailalapat ang mga

    natutuhan .

    Basahin at unawain.

    VII. Pangwakas na Pagtataya (para sa Aralin 1.1)

    A. Bumuo ng islogan batay sa paksa: (5 puntos) Karunungang-bayan, Dunong na Dapat Pinagyayaman.

    Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti.

    Nang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. Mang

    Ibiong, ano po ba ang aming pagkakasala sa inyo at kamiy ayaw ninyong bigyan

    ng pagkakataong makapagpulong sa pook ng Felix Huertas?

    Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking

    pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa

    pagdaralita.Akoy lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang

    makapaghanapbuhay.

    Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay

    walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay

    mamamayani, ang paliwanag ni Mang Ibiong.

    Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin

    kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan

    ng hanapbuhay.

    Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng

    Presidente ng Senado. Siyay isa lamang hamak, ngunit siyay tinanggap na

    parang isang mahal na tao.Ang inaalala niyay baka ang pangakong hanapbuhay

    ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay

    sadyang masarap mangako.

    Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na

    ng isang tao po . Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-

    agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng

    Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-

    simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. Napamangha si Mang Ibiong. Hindi

    ni a sukat akalain anoon kaa a kun man ako an Presidente n Senado.

  • 5/22/2018 Epiko

    7/7

    B. Bumuo ng sarili mong simula at gitnang bahagi batay sa wakas ngalamat. Gumamit ng pang-abay ( panlunan, pamanahon at pamaraan )sa pagbuo ng dalawang bahagi.Isulat sa papel ang iyong sagot.(10 puntos)

    C. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kabayanihanna dapat ipakita ng isangPilipino sa kasalukuyang panahon. (10 puntos)

    Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa

    lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang

    pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging," wika ni Juana.

    Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal

    ay naging Saging.

    Halaw sa Alamat ng Saging