Click here to load reader
View
5.204
Download
55
Embed Size (px)
Gabay sa Pagtuturo
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG
KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga inaasahang kakayahan
at kilos sa panahon ng pagdadalaga
/pagbibinata, sa kanyang mga talento,
kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga
tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata
Naisasagawa ang mga angkop na
hakbang tungo sa paglinang ng apat na
inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod
na paksa:
a. Mga Layunin ng mga Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos
(Developmental Tasks) sa Bawat Yugto ng Pagtanda ng Tao
b. Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga / Pagbibinata at mga Panuntunan sa Paglinang ng
mga ito
c. Mga Hakbang Tungo sa Pagtamo ng Bago at Ganap na
Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad
d. Mga Hakbang tungo sa Paglinang ng Tiwala sa sarili
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagkilala sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
b. Pagbibigay-katwiran kung bakit kailangang linangin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
c. Pagtukoy ng mga hakbang tungo sa paglinang ng mga angkop
na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
d. Pagtukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang
na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag-
ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) Papel
sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa
lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
e. Pagbibigay-katwiran kung bakit mahalagang kilalanin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata sa aspetong: Pakikipag-ugnayan sa
mga Kasing-edad, Papel sa Lipunan, Asal sa pakikipag-kapwa,
Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagpapatutunay kung nakatutulong ang paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence)
at sa pagiging mabuti at mapanagutang tao
g. Pagpapaliwanag ng kaugnayan ng paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
(sa paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-
aasawa at pagpapamilya)
h. Pagsasakatuparan ng mga sariling paraan sa paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
i. Pagbuo ng talaan ng mga positibong self-talk o affirmation tungo
sa paglinang ng tiwala sa sarili
j. Pagbibigay ng mga puna sa paraan ng ibang kabataan sa
paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 1 na nasa loob ng kahon.
Sabihin:
Mayroon ba
kayong
gustong
linawin
tungkol sa
mga layuning
binasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA
Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-5. Hayaang markahan ng
mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha.
Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin
ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang
kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa
mga mag-aaral sa pahina 5 ng Modyul 1.
2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?
3. Ipabasa ang halimbawa sa pahina 6.
Paalala sa Gawain 2 pahina 8-9
Matapos ipabasa sa mga
mag-aaral ang Panuto at ang
halimbawa ng Profayl Ko, Noon
at Ngayon sa Gawain 2, maaari
itong gawing Takda o Gawaing
Bahay bilang kasunduan.
4. Ilagay ang mga kagamitan sa ibabaw ng mesa ng guro at sabihing ito ay
maaring gamitin ng lahat ng mag-aaral. Ipaalala ang halaga ng
pagbibigayan at pagtitiyaga sa paggamit ng mga kagamitan.
5. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.
6. Matapos ang 15 minuto ay tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin
ang kanilang mga pagbabagong itinala sa kuwaderno.
Gawain 2
Mga Hakbang
1. Idikit sa pisara ang inihandang Tsart
ng Profayl Ko, Noon at Ngayon. Sa
tulong ng mga mag-aaral, punan ang
tsart ng mga halimbawa ng pagbabago
na itinala sa pisara sa unang gawain.
2. Ipabasa ang Panuto at halimbawa ng
Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pahina
7. Papunan ang Tsart sa pahina 8.
Bigyan ang mga mag-aaral ng 15
minuto upang buuin ang tsart.
3. Matapos ang 15 minuto, pangkatin ang mga mag-aaral. Hindi dapat hihigit sa
lima ang kasapi sa pangkat. Gamit ang binuong Profayl Ko, Noon at Ngayon,
iisa-isahin at ipaliliwanag ng lider ng bawat pangkat ang mga nilalaman nito sa
kanyang pangkat.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa Linya ng Profayl Ko, Noon at
Ngayon. Ipabasa ang ibinigay na halimbawa sa pahina 7.
Gamit ang halimbawang tsart ng Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pahina 8,
suriin ang halimbawang Linya ng Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pahina 9.
Halimbawa:
Sa halimbawang ito, masasabing positibo ang pagbabago sa sarili sa
aspetong, pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad. Hayaang magtungo sa pisara
ang isa sa mga mag-aaral upang ilagay ang unang guhit sa Linya. Isusulat sa tapat
ng guhit ang aspeto ng pagbabago ukol dito. Gayundin ang gawin sa mga
sumusunod pang halimbawa.
Ako Noon (Gulang na
8-11)
Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad
Hal. Kalaro ko ang
aking mga kaibigan.
Hal. Karamay ko ang
mga kaibigan ko sa
mga hinaharap na
suliranin.
Paalala: Makatutulong kung mayroong nakapaskil o nakaguhit na kopya ng Linya ng Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pisara.
Ipagawa ang
Linya ng Profayl
Ko, Noon at
Ngayon sa pahina
9.
Pakikipag-ugnayan sa kasing-edad Dito ka
magsimula
Sa paggamit ng pahina 9-10: Maaaring ipagawa bilang takdang aralin ang Pagninilay pagkatapos ipaliwanag ang panuto. Ipasulat ito sa kanilang dyornal.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
2.1 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga palatandaan ng pag-unlad bilang
isang nagdadalaga/nagbibinata sa pahina 11-13. Iisa-isahin ng guro ang
mga palatandaang ito.
2.2 Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ang bawat palatandaan ay positibo o
negatibo. Hayaang ipaliwanag nila ito at pangatwiranan ang kanilang mga
sagot.
2.3 Bigyang-diin na bagamat maaaring totoo o naglalarawan sa kanila ang
ilan sa mga palatandaang ito, hindi nangangahulugan na tama ang mga
ito. Maaaring ang ilan dito ay hindi nila dapat gawin o ipamalas. Kaya
ngat sa huling bahagi ng pag-aaral sa Modyul 1 ay inaasahang
mapamamahalaan nila ang mga pagbabagong ito sa ibat ibang aspekto
ng kanilang pagkatao.
Paalala: Maaariing gumamit ng ibang kwento o pelikula tungkol sa pagdadalaga
at pagbibinata para sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at
Pag-unawa. Tiyakin lamang na ang ipinakikita rito ay ang mga angkop at
epektibong pamamaraan ng pamamahala sa mga pagbabagong pinagdaraanan
ng mga nagdadalaga at nagbibinata.
Sa paggamit ng pahina 12: Mas makabubuti kung sama-samang panonoorin
ng klase ang pelikula. Mamamasid ng guro ang reaksyon ng mga mag-aaral
dito. Mas makatutulong din kung pagagawain ng movie review o pagsusuri ng
pelikula o kwento ang mga mag-aaral gamit ang mga gabay na tanong sa
pahina 14. Mahalagang