21
Uncorrected Proof: Kabanata 14 Ang Bahay Ng Mga Estudyante Napakahalagang bumisita sa bahay na tinitirahan ni Makaraig. Malaki, maluwang, may dalawang patong na entresuwelo na may magagarang salang bakal, na wari’y isang paaralan sa maagang oras ng umaga at nagiging magulong lugar mula sa ikasampu. Sa mga oras ng paglilibang ng mga estudyante, mula sa pagpasok sa maluwang na silong hanggang sa itaas ng kabahayan ay walang tigil ang tawanan, ang kaguluhan at ang galawan. May mga binatang nakadamit-pambahay na naglalaro ng sipa, nangagsasanay sa pagpapalakas sa pamamagitan ng mga trapesyong gawa lamang nila; sa hagdanan ay naglalabanan ang walo o siyam, na ang mga sandata ay mga tungkod, mga sibat, mga kalawit at silo, nguni’t ang mga sumasalakay at sinasalakay ay karaniwan nang hindi nagkakasakitan; ang mga palo ay tumatama sa likod ng Insik na nagbibili ng kanyang tindang mga kakanin at nakasisirang kalamay , 1 sa tabi ng hagdan. Nakapalibotsa kaniya ang maraming bata, binabatak ang kanyang buhok na kalag na’t gusot, inaagawan siya ng isang kalamay, tinatawaran ang halaga, at ginagawan ng isang libong biro. Ang Insik ay nagsisisigaw, nagtutungayaw sa tulong ng lahat ng wikang kanyang alam, pati ng kanyang sariling wika, mag-iiyak-iyakan, tatawa, sasamo, isasaya ang mukha kung walang mangyari sa kanya sa masama, o pabalik. A, muasama yan! Bo kosiesia. Hienne kilistiano. Kayo limonyo, salamahe, tusu tusu.” 1 MGA PALIWANAG Indigestible

FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kabanata 14 - Sa Bahay ng Mga EstudyanteAng mukha ng aktibismo noong 1880.

Citation preview

Page 1: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

Uncorrected Proof:

Kabanata 14Ang Bahay Ng Mga Estudyante

             Napakahalagang bumisita sa bahay na tinitirahan ni Makaraig.           

Malaki, maluwang, may dalawang patong na entresuwelo na may magagarang salang bakal, na wari’y isang paaralan sa maagang oras ng umaga at nagiging magulong lugar mula sa ikasampu.  Sa mga oras ng paglilibang ng mga estudyante, mula sa pagpasok sa maluwang na silong hanggang sa itaas ng kabahayan ay walang tigil ang tawanan, ang kaguluhan at ang galawan.  May mga binatang nakadamit-pambahay na naglalaro ng sipa, nangagsasanay sa pagpapalakas sa pamamagitan ng mga trapesyong gawa lamang nila; sa hagdanan ay naglalabanan ang walo o siyam, na ang mga sandata ay mga tungkod, mga sibat, mga kalawit at silo, nguni’t ang mga sumasalakay at sinasalakay ay karaniwan nang hindi nagkakasakitan; ang mga palo ay tumatama sa likod ng Insik na nagbibili ng kanyang tindang mga kakanin at nakasisirang kalamay,1 sa tabi ng hagdan.  Nakapalibotsa kaniya ang maraming bata, binabatak ang kanyang buhok na kalag na’t gusot, inaagawan siya ng isang kalamay, tinatawaran ang halaga, at ginagawan ng isang libong biro.  Ang Insik ay nagsisisigaw, nagtutungayaw sa tulong ng lahat ng wikang kanyang alam, pati ng kanyang sariling wika, mag-iiyak-iyakan, tatawa, sasamo, isasaya ang mukha kung walang mangyari sa kanya sa masama, o pabalik.

            “A, muasama yan!  Bo kosiesia.  Hienne kilistiano.  Kayo limonyo, salamahe, tusu tusu.”            Piph, pah!  Walang kailangan!   Ililingong nakangiti ang mukha; kung sa kanyang likod lamang tumatama ang mga palo ay patuloy na hindi nagagambala sa kanyang pangangalakal, sumisigaw na lamang ng:   No hugalo e?   No hugalo (huwag kayong magbiro )!2  Nguni’t pag tumama sa bilao ng kanyang mga kakanin ay saka susumpang hindi na babalik, pupulas sa kanyang bibig ang lahat ng

1MGA PALIWANAG

Indigestible

2 Nailarawan sa maikling pananalita ang kabuuang reaksiyon ng mga mangangalakal na Tsino noon sa Pilipinas. Ang kanilang tunay na interes ay ang kanilang kapakanang pangkabuhayan.

Page 2: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

tungayaw at pagmumurang mahahaka;3 ang mga bata’y nagsusumidhi upang siya’y galitin at pag nakitang naubos na ang masasabi ng Insik at sila naman ay busog na sa hopya at buto ng pakwan, ay saka lamang siya babayaran nang walang kadaya-daya, at ang Insik ay aalis na masaya, tumatawa, kumikindat at tinatanggap na wari’y himas ang mahihinang palo na ibinibigay ng mga mag-aaral bilang pinaka-paalam.           

“Huaya, homia!!”            Ang mga konsiyerto ng piyano at biyolin, at ng akordion ay nakikisaliw sa tunog ng paluan ng baston ng mga nag-aaral ng eskrima. Sa paligid ng isang malapad at mahabang lamesa ay sumusulat ang mga nag-aaral sa Ateneo, ginagawa ang kanilang  mga sulating ihaharap, niyayari ang kanilang mga proyekto katabi ng mga ibang sumusulat sa mga papel na kulay-rosas at may palamuting ukit na batbat ng mga guhit sa kani-kanilang mga iniibig; ang isa’y gumagawa ng melodrama sa tabi ng isang nag-aaral na tumutugtog ng plauta, kaya’t ang mga tula’y nalapatan na ng tugtog sa simula pa lamang.  Sa dako pa roon, ang may nakakatandang estudyante, na mga sutlang medyas at burdadong tsinelas ang suot, ay naglilibang sa panunukso sa mga batang pinipitik sa tainga na namumula na tuloy dahil sa kapipingot; dalawa o tatlo ang humahawak sa isang maliit na estudyante na sumisigaw, umiiyak at ipinagtatanggol, sa pamamagitan ng paninipa, ang tali ng kanyang salawal; ibig lamang na iwan siyang kagaya noong sumipot sa liwanag… pumapalag at umiiyak.  Sa isang silid, nakapalibot sa isang mesa velador , ang apat na nagrerebesino sa gitna ng tawanan at biruang ikinayayamot ng isang kunwari’y nag-aaral ng lisyon, nguni’t ang totoo, ay nag-aantay lamang na makahalili at siya naman ang makasugal.   Ang isa’y dumating na wari’y nagugulumihanan sa gayon, gulilat at lumapit sa mesa.

            “Napakamabisyo kayo!  Kaaga-aga ay sugal na!  Tingnan ko, tingnan ko!  Tanga!  Ihatak mo ang tatlong espada!”

            At itinupi ang kanyang aklat at nakilaro naman.

            Nadinig ang sigawan, kumalabog ang hampasan.  Ang dalawang bata ang nag-away sa kalapit na silid:  isang estudyante na pilay na pikon at isang kaawa-awang kagagaling pa lamang sa probinsiya.  Ito, na nagsisimula pa lamang sa pag-aaral, ay inosenteng

3 Ang pagtutol ng mga Tsino sa pamahalaang kolonyal ay kapag nanganganib ang kanilang interes pangkabuhayan.

Page 3: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

binasa ng malakas pilosopiya at, walang balak ay napasama ang diin sa pagbigkas ng mga banggit na: “Cogito, ergo sum!4

            Inari ng pilay na siya ay iniinsulto, ang ibang kasama’y umawat, nguni’t ang katunayan ay nag-uulot pa nga, kaya’t sa huli’y nangagpanuntukan.            Sa lugar ng kainan, isang binatang may isang latang sardinas, isang boteng alak at ang mga baong dala na galing sa kanyang bayan ay namimilit na siya’y saluhan sa pagkain ng kanyang mga kaibigan, samantalang ang mga kaibigan naman ay nagtutumigas sa pag-ayaw.  Ang iba’y nangaliligo sa azotea at pinagsasanayan ang tubig sa balon sa pagbubumbero, nangaglalaban ng sabuyan sa gitna ng katuwaan ng mga nanonood.

            Nguni’t ang ingay at kaguluhan ay dahan-dahang natigil, samantalang dumarating ang ilang mga natatanging estudyante, na ipinatawag ni Makaraig upang mag-ulat sa progreso ng akademya ng wikang Kastila.  Si Isagani ay sinalubong ng buong giliw, na gaya rin ng taga-Espanyang si Sandoval,5 na kawaning dumating sa Maynila at tinatapos ang kanyang pag-aaral, na kaisang lubos sa mga hangarin ng mga nag-aaral na Pilipino.6  Ang balakid na inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga paaralan na wari’y natutunaw sa init ng karunungan at kabataan.7

4 Ang binabasa ng bagong dating na mag-aaral ay ang Sinulat ni Descartes na ang saligang pananaw ay Cogito, ergo sum (Ako’y nag-iisip, samakatwid, ako’y buhay). Subalit ang basa niya sa cogito ay cojito na ang ibig sabihin ay pilay.5

Sandoval - Spanish: habitational name from any of the places named Sandoval, in particular the one in Burgos, also those in Murcia and Málaga, earlier called Sannoval, from Latin saltus ‘grove’, ‘wood’ + novalis ‘newly cleared land’. http://www.ancestry.com/facts/Sandoval-name-meaning.ashxMula sa paggamit na ito ay pinalilitaw ni Rizal na si Sandoval ay isang puno na naitanim sa bagong hawan na lupa.

6 Naging mapagbigay si Rizal ng pagkilala sa mga Espanyol na mayroong hangarin sa pagpapabuti ng kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan.

7 Ang bahaging ito ng pananalita sa Kabanata ay may pagkakatulad sa pananaw ni Rizal mula sa kaniyang tula na Por la Education recibe lustre la patria

Wise education, vital breath Inspires an enchanting virtue; She puts the Country in the lofty seat Of endless glory, of dazzling glow, And just as the gentle aura's puff Do brighten the perfumed flower's hue:

Page 4: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            Sa kawalan ng mga liceum at sentrong pang-siyensiya, sa panitikan at pulitika ay sinasamantala ni Sandoval ang lahat ng pagtitipon upang gamitin ang kanyang kakayahan sa pagtatalumpati, , pakikipagtalo sa kahit na anong paksa, at natatamo niyang siya’y palakpakan ng kanyang mga kaibigan at mga nakikinig.  Nang mga sandaling yaon, ang paksa ng salitaan ay ang pagtuturo ng wikang Kastila.

            Sa dahilang si Makaraig ay hindi pa dumarating, ang mga haka-haka ay siyang idinaraos.

            Ano kaya ang nangyari?  Ano ang ipinasya ng Heneral? 

Ipinagkait ang pahintulot?  Nagtagumpay si Padre Irene?  Nagtagumpay si Padre Sibyla?8

            Ito ang tanung-tanungan ng isa’t isa, mga tanong na ang tanging

makasasagot ay si Makaraig.

            Sa mga binatang nagkakalipon ay may mga may palagay na loob na tulad ni Isagani at ni Sandoval na nakikini-kinita nang yari ang bagay, at pinag-uusapan na ang pagkalugod at pagpupuri sa pamahalaan, ang tungkol sa pag-ibig ng mga nag-aaral sa tinubuan,9 mga mabuting bunga nag-udyok kay Juanito Pelaez upang kanyahin ang malaking bahagi ng karangalan sa pagtatatag ng kapisanan.  Ang lahat ng ito’y sinasagot ng pesismistikong si Pecson, isang mabilog na binata na kung tumawa’y katulad ng bungo, sa pagsasalita tungkol sa mga sulsol na makapangyayari, na ang Obispo A, si Padre B, ang Provincial C ay pinagtanungan o hindi10 at ang ipinayo o hindi ay ang ipasok sa bilangguan ang lahat ng nasa kapisanan, balitang nagdudulot nang di ikapalagay ni Juanito Pelaez, na nauutal naman sa pagsasabing:

So education with a wise, guiding hand, A benefactress, exalts the human band..8

Balik-aralan natin ang paninindigan ng dalawang dominicano si Padre sybila ay tutol at si Padre Irene naman ang kakampi ng mga estudyanteng Pilipino.9

Si Isagani at si Sandoval – ang larawan ng batang papanaw ni Rizal sa posibilidad ng pagtutulungan ng mga liberal na Espanyol para sa pagsulong ng adhikain ng mga Pilipino.10

Makikita na ang mga matataas na pinuno ng simbahan ay tutol sa mungkahi ng mga estudyante.

Page 5: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

“Aba, huwag ninyo akong isali diyan…!”11

            Si Sandoval, dahil sa kanyang pagka-Kastila at liberal ay nag-iinit.12

“Nguni’t p…!” anya, “ang ganyan ay isang paghihinala ng masama laban sa Heneral!   Alam ko ngang napaka-makaprayle, nguni’t sa mga ganyang bagay ay hindi napasusulsol sa mga prayle !   Maaring bang sabihin sa akin, Pecson, kung ano ang katunayan ninyo sa pagsasabing walang sariling pasya ang Heneral?”13

            “Hindi iyan ang sinasabi ko, Sandoval,” ang sagot ni Pecson na sa pagtawa’y ipinatatanaw halos ang kanyang huling bagang,14 “sa ganang akin, ang Heneral ay may sariling kapasyahan, alalaon baga’y ang kapasyahan sa lahat ng nasa abot ng kanyang kamay… Ito’y lubhang maliwanag!”

            “At sulong pa rin!  Nguni’t turan ninyo sa akin ang isang pangyayari,” ang sigaw ni Sandoval, “iwasan natin ang mga pagtatalong walang katuturan, ang mga salitang walang kabuluhan, at tumungo tayo sa mga pangyayari,” ang dugtong na sinabayan ng makiyas na kilos ang pagsasalita.  “Mga pangyayari, mga ginoo, mga pangyayari; ang hindi gayon ay mga palagay di ko ibig tawaging pilibustero.”

            Si Pecson ay tumawa at sinabat siyang:

“Lumabas na ang pilibusterismo!  Nguni’t hindi na ba mangyayaring makapangatwiran nang hindi sasapit sa masasamang bintang?”15

11 Talagang oportunista – sasakay kung may pakinabang at aalis kung may kasakunaan.

12 Pansinin na ang ginamit na tagapagsalita ni Rizal ng kaniyang kaisipan ay isang tauhang Espanyol.

13 Ito ang isa sa malupit na isitilo ni Rizal sa pag-atake, dinadaan niya sa tanong. Kaya kung ikaw ay may kinaiinisang tao dahilan sa kabobohan – huwag mong sasabihin Tanga siya, itanong mo ay “Tanga ka ba?”14

Ito pala ang dahilan kung bakit sinabing si Pecson kapag tumawa ay parang bungo – isipin mo ang isang tao na bilog sa katabaan ang mukha at kung tumawa at tanaw mo hanggang bagang.15

Ito ang pangit na mukha ng lipunang Pilipino – ang mangatwiran ay mapagbintangan.

Page 6: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            Si Sandoval ay tumutol at humingi ng mga pangyayaring tunay sa pamamagitan ng isang munting talumpati.

            “Hindi pa nalalaunang dito’y nagkaroon ng usapin ang ilang taong-bayan at ilang prayle, at pinasyahan ng pansamantalang Heneral, na, ang humatol ay ang Provincial ng mga paring kausap,” ang sagot ni Pecson.16

            At muling nagtawa na wari’y walang kabuluhan ang pinag-

uusapan.  Tumukoy ng  mga pangalan, araw at nangakong magdadala ng mga kasulatang magpapatunay ng paraang ginamit sa pagkakapit ng katwiran.

            “Nguni’t saan mananangan, sabihin ninyo sa akin, saan mananangan upang huwag pahintulutan ang maliwanag na maliwanag na ikabubuti at kailangan?” ang tanong ni Sandoval.

            Ikinibit ni Pecson ang kanyang balikat.

            “Na mapapanganib ang tibay ng tinubuang lupa…” ang tugon na ang pagsasalita’y kagaya ng isang abugado na bumabasa ng isang alegato.17

16 Ang binbanggit na Pansamantalang Kapitan Heneral ng Pilipinas sa bahaging ito ay si Antonio Molto na namahala noong 1888. Sa kaniyang panahon ay nagkaroon ng petisyon ang 810 prominenteng Pilipino upang palayasin ang prayle at maging ng arsobispo, pinanukala rin ng mga ito ang sekularisasyon ng mga parokya, at ang pagkumpiska ng kolonyal na estado sa mga malalawak na lupain na pag-aari ng mga orden relihiyoso.

174 July 1888 Mr. José Rizal My very esteemed Friend,

The Philippines is going through a crisis.  According to what my friends tell me, they are making an effort to give news of robbery, hold-ups, and assaults which the newspapers are stressing, especially La Oceanía, which hardly carries any other thing daily.  All this is to be able to declare Manila and other provinces in a stage of siege for the purpose of driving away reputable residents and enlightened citizens.  They send me a copy of the communication that Acting General Moltó sent to the provincial governors, immediately after Terrero had life, which is as follows:

“The religious orders are constituted under the protection of the laws, of tradition, and of national sentiment.  It is the duty of my office to guarantee their rights so that their mystic character may be respected and their high prestige may be maintained so long as their rights are confined to their own sphere, in the atmosphere of concord and evangelical peace with which priesthood surrounds them.

Page 7: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “Iyan ang malaking bagay!  Ano mayroon sa integridad ng tinubuang lupa ang mga kaparanan sa mabuting pagsasalita?”

            “May mga doktor ang Santa Madre Iglesia… Ano ang malay ko?  Marahil ay natatakot mabatid namin ang mga batas at aming masunod…18 Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas sa araw na ang isa’t isa sa amin ay magkaantiluhan?”

            Hindi naibigan ni Sandoval ang ayos na sagutan at pagbibiro sa kanilang pag-uusap.  Sa paraang iyon ay hindi maaaring sumipot ang isang talumpating may kaunting kabuluhan.

            “Huwag ninyong idaan sa biro,” ang sabi, “ang pinag-uusapan ay mahalaga.”

The General Government is inspired by this criterion.  Without concealing from you the fact that for sometime now the respect and veneration that the natives owe their parish priest have weakened, I advise Your Lordship through the means at your command and by the methods you deem convenient, as by means of persuasion, or admonition, in the province under your command, to endeavor to raise the prestige of the clergy to the height that it always occupied in this Archipelago, not only for the august mission that its sacred ministry represents but that it would be impolitic any way to impair the prerogatives of an element that symbolizes so many glories (!) and through whose Christian (!!) endeavors the peoples submitted willingly that the sword of our conquerors subjected by force.

I leave to Your Lordship’s clear judgment, recognized zeal, and patriotism the enforcement of my instructions in the form and manner that will not give the clergy a motive to go beyond the limit in matters alien to their ministry that Your Lordship with your customary energy would know how to repress.  This Superior Government wishes at the present time to identify itself with the design of the Government of Her Majesty whose policy, frankly liberal, ample, and progressive but adapted to places and circumstances, is always of attraction, assimilation, and concord.  Please advise me in the shortest possible time of the receipt of this present communication.

M. Ponce 

18 Natatakot ang mga taong simbahan na matuto ang lahat ng mga Pilipino ng iisang wikang Espanyol, kung saan ang mga batas ay nakasulat. Ang dahilan nito, ang mga batas ay hindi lamang pag-uutos, kundi pati ang pagbibigay ng mga karapatan sa mga tao. Ang pinakamatandang dokumento na nagbubunyag ng 1821 Indio Agraviado.

Page 8: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “Diyos ko, iligtas mo ako, sa pagbibiro kung saan nakapagitna ang mga prayle!”19

            “Nguni’t saan mananangan…?”

            “Sa dahilang sa gabi ang pag-aaral,” ang patuloy ni Pecson na gayon din ang ayos, na waring ang pinag-uusapan ay kilala na’t alam, “ay mangyayaring banggitin na pinakasagabal ang imoralidad, gaya ng sa paaralan sa Malolos…”20

            “Isa pa!  Hindi ba sa ilalim din ng balabal na  madilim ng gabi idinadaos ang Academia de Dibujo21 at ang mga nobenaryo at mga prusisyon?”22

            “Makakasira sa karangalan ng unibersidad,” ang patuloy ng mataba na hindi pinuna ang paalaala.23

            “Lumalabag!  Ang unibersidad ay yumuko sa pangangailangan ng mga estudyante.  Kung hindi ganoon ay ano kung gayon ang unibersidad?  Isa ba itong institusyon na laban sa ikatututo?24  Nagkakasama baga ang ilang katao na nagtataglay ng katanyagan, sa siyensiya at pagtuturo upang humadlang sa ang iba na matuto?”25

19 Isang panunudyo ni Rizal na ingatan siya ng Diyos sa ginagawa niyang pagbibiro sa mga prayle.

20 Ang isa sa mga dahilan ng pagtutol ng mga prayle sa pagtatayo ng paaralan ng mga kadalagahan ng Malolos ay dahilan sa ang panukala ay isang pang-gabing paaralan (night school) na maaring sa kanilang pananaw ay maaring maging eskandoloso. 21 Academia de Dibujo y Pintura – Paaralan na nagtuturo ng mga pag-guhit na nagtuturo ng pagpipinta itinatag noong 8 de Octubro de 1823 na matatagpuan noon sa kalye Cabildo sa loob ng Intramuros. (Las islas Filipinas en 1882; estudios históricos, geográficos, estadísticos y descriptivos, Author: Moya y Jimenez, Francisco Javier de.)

22 Mga gamit na argument ni Rizal sa pag-ayaw ng mga prayle na magsagawa ng pag-aaral sa gabi. 23 Ang pagkakaroon ng isang akademiya para turuan ng wikang Espanyol ang mga kabataan ay makakasira sa dangal ng unibersidad, dahilan sa ang eksistensiya nito ay magpapakita ng kawalang kasapatan ng itinuturo sa paaralan.

24 Retorikal na katanungan ni Rizal

25 Sa kasaysayan ng pagkakatatag mga matatandang unibersidad ng mundo, ito ay produkto ng

Page 9: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “Hindi ba’t ang mga inisyatibo mula sa ibaba ay tinatawag na diskontento.”26

            “At mga panukala ang tawag sa nanggagaling sa itaas,” ang dunggit ng isa, “nariyan ang paaralang Artes y Oficios.”27

            “Dahan-dahan, mga ginoo,” ang sabi ni Sandoval, “hindi ako makaprayle, kilala ang aking mga malayang pagkukuro, nguni’t ibigay natin kay Cesar ang kay Cesar!  Ang paaralang iyan ng Artes y Oficios, na ako ang una-unang magtatanggol, at ang araw na siya’y matayo ay babatiin kong wari’y unang liwayway na ikagiginhawa ng Kapuluang ito, ang paaralang iyan ng Artes y Oficios ay mga prayle ang siyang nangagsumikap…”

            “O ang aso sa sabsaban na kagaya rin nila,” ang dagdag ni Pecson na pinutol na muli ang talumpati.

            “Nguni’t p…!” ang sabing pagalit ni Sandoval sapagka’t dahil sa pagputol ay nawala tuloy ang tuwid ng pagsasalaysay, “samantalang walang masama tayong nalalaman ay huwag tayong mag-akala nang masama, huwag tayong magkamaling maghinala sa kalayaan at pagkamasarili ng pamahalaan…”

            At sa pamamagitan ng magagandang pangungusap ay inihanay ang mga pagpupuri sa pamahalaan at sa balak nito, bagay na hindi napangahasang hadlangan ni Pecson.

            “Ang pamahalaang Kastila,” ang sabi sa gitna ng ilang bagay, “ay nagbigay sa inyo ng lahat ng kailangan, walang ipinagkait sa inyo.  Sa Espanya ay nagkaroon kami ng kapangyarihang alinsunod sa kaibigan ng iisang tao, at kayo’y nagkaroon ng gayon ding pamahalaan; kinalatan ng mga prayle ng kanilang kumbento ang aming mga lupain at kumbento ng mga prayle ang laman ng isang katlong bahagi ng Maynila;28 sa Espanya ay pinalalakad pa ang bitay, at ang bitay ay siyang huling kaparusahan dito; kami ay Katoliko at ginawa namin kayong Katoliko; kami’y naging escolastico at ang escolasticismo ay siyang nananagumpay sa inyong mga paaralan ;

26 Pasaring sa Pilipinas

27 Ang matandang paaralan sa panahon ng pananakop ng Espanya na nagtuturo ng mga araling pang-hanapbuhay. Sa panahon ng mga Amerikano ay itinatag naman nila ang Philippine School of Arts and Trade na ngayon ay kilala bilang Technological University of the Philippines.28 Tinnan ang matandang mapa ng Intramuros at makikita na 1/3 ng kabuuan ng matandang lungsod ng Maynila ay pag-aari ng mga korporasyong relihiyoso.

Page 10: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

sa isang sabi, mga ginoo, umiiyak kami kung kayo’y umiiyak, nagtitiis kami kung kayo’y nagtitiis, iisa ang dambana natin, iisa ang ating hukuman, iisang kaparusahan, at nararapat na ibigay namin sa inyo ang amin ding mga karapatan at ang amin ding mga katuwaan.”29

            At sa dahilang walang humahadlang sa kanya ay sumigabo nang sumigabo ang kalooban hanggang sa tinukoy na ang sasapitin ng Pilipinas.

            “Gaya ng sinabi ko, mga ginoo, ang liwayway ay hindi malayo, binubuksan ng Espanya ang kasilanganan sa kanyang iniibig na Pilipinas, at ang mga kapanahunan ay nag-iiba at batid kong ang ginagawa’y higit kaysa inaakala natin.  Ang pamahalaang iyan, na, ayon sa inyo ay gumigiwang at walang sariling kalooban, ay nararapat na ating udyukan sa pagpapakilala ng ating pagtitiwala, ipakita na tayo’y nag-aantay sa kanya; ipaalaala natin sa ating kilos (kung nakalilimot, bagay na hindi ko pinaniniwalaang mangyayari) na tayo’y nananalig sa kanyang magagandang hangad at hindi siya dapat umalinsunod sa ibang palakad, liban doon sa sadyang katwiran at ikabubuti ng kanyang mga pinamamahalaan.  Hindi, mga ginoo,” ang patuloy na lalo’t lalo pang umayos ang pagtatalumpati, “hindi natin dapat tanggapin man lamang, sa bagay na ito, ang pangyayari, marahil, na nagtanong sa ibang taong laban sa panukala, sapagka’t ang sapantaha lamang ay makatitimbang ng pagpapaumanhin sa pangyayari; ang inyong inaasal hanggang sa ngayon ay matapat, malinis, walang pagmamaliw, walang agam-agam; humihiling kayo sa kanya ng maliwanag at walang palikaw-likaw; ang inyong mga pinagbabatayang katwiran ay lubhang karapat-dapat dinggin; ang inyong layon ay ang awasan ng gawain ang mga guro sa mga unang taon, at maging madali ang pagkatuto ng daan-daang mga nag-aaral na pumupuno sa mga klase, na hindi mangyayaring magampanan ng iisang guro.  Kung hanggang ngayon ay hindi pa napasisiyahan ang kasulatan ay dahil sa alam kong maraming gawaing naiimbak; nguni’t inaakala kong ang pag-uusig ay nagtagumpay, na anga sanhi ng tipan ni Makaraig ay upang ibalita sa atin ang pananalo, at bukas, ay makikita nating magtatamo ang ating mga pagsusumikap ng papuri at pagkilala ng bayan; at sino ang makapagsasabi, mga ginoo, kung hindi ipalagay ng pamahalaan na kayo’y dulutan ng mabuting condecoracion dahil sa kayo’y karapat-dapat sa papuri ng inyong bayan!”

29 Ginamit ni Rizal si Sandoval upang maging tagapagsalita ng mga liberal na pangkatin ng mga mamamayan ng Espanya.

Ang talumpati ni Sandoval ay halos katulad ng unang bahagi ng talumpati ni Rizal sa Brindis para kina Luna at Hidalgo

Page 11: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            Nag-umugong ang masisigabong palakpakan; naniniwala na ang lahat sa pananalo at ang marami ay sa condecoracion.30

            “Dapat makilala, mga ginoo,” ang sabi ni Juanito Pelaez, “na ako’y isa sa mga unang nagpanukala!”

            Ang di mapaniwalaing si Pecson ay hindi nagagalak.

            “Pag hindi nagkaroon tayo ng condecoracion sa binti!” ang sabi.31

            Salamat na lamang at hindi nadinig ni Pelaez ang banggit na iyon dahil sa lakas ng palakpakan.  Nang mahintu-hinto nang kaunti ay sinabi ni Pecson na:

            “Mabuti, mabuti, mabuting-mabuti, nguni’t isang palagay… Kung sa lahat ng iyan, ang Heneral ay sumangguni rin, sumangguni at sumangguni, at pagkatapos ay ipagkait sa atin ang kapahintulutan?”

            Ang palagay ay bumagsak na wari’y tubig na malamig.

            Ang lahat ay napatingin kay Sandoval; ito natitigilan.

            “Kung gayon…” ang sabing paurong-sulong.

            “Kung gayon?”

            “Kung gayon,” ang bulalas ni Sandoval na sumusulak pa ang dugo dahil sa mga palakpakan at sa isang udyok ng sigabo, “sa dahilang sa mga kasulatan at sa mga limbag ay ipinahahayag na iniibig niya ang inyong ikatututo nguni’t pinipigil at ipinagkakait ang gayon, pag sumapit na ang pagsasawa, kung gayon, mga ginoo, ang inyong mga pagsusumikap ay hindi nasayang, natuklas ninyo ang hindi natuklas ng sinuman, na maalis ang maskara at ihagis ang guantes!”32

            “Mabuti, mabuti!” ang masigabong sigawan ng ilan.

30 Marami rin sa mga estudyante ang mga oportunista, higit nilang pinahahalagahan ang condecoracion o mga medalyon ng pabuya kaysa sa interes pangbayan.

31 Condecoracion sa bukong-bukong – kadena sa bilanggo.

32 Guantes – ang pagbabagsak ng gwantes sa panahong medyebal ay nangangahulugan ng paghamon.

Page 12: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “Purihin si Sandoval!  Mabuti ang tungkol sa paghamon!” ang dagdag ng iba.

            “Hamunin tayo!” ang sagot ni Pecson na hindi binibigyang-kabuluhan ang gayon, “at pagkatapos?”

            Sa gitna ng kanyang pananagumpay ay napatigil si Sandoval, nguni’t sa katalasang taglay ng kanyang lipi at dahil sa kanyang dugong mananalumpati ay agad nakabalikwas.

            “Pagkatapos?” ang tanong, “pagkatapos, kung walang Pilipinong makapangahas tumugon sa hamon ay ako, si Sandoval, sa ngalan ng Espanya ay sasaluhin ko ang guantes , sapagka’t ang gayong paraan ay isang pagpapabulaan sa mabuting hangad na kailanma’y tinaglay ng Espanya sa kanyang mga lalawigan, at sa dahilang sa gayong asal ay sinasalaula ang katungkulang ipinagkatiwala sa kanya at nagpapakalabis sa kanyang walang sagkang kapangyarihan, hindi siya karapat-dapat sa pag-aampon ng Inang-Bayan ni sa pagkupkop ng sinumang mamamayang Kastila.”33

            Ang kagalakan ng mga nakikinig ay halos naging kahibangan.  Niyakap ni Isagani si Sandoval, bagay na ginayahan ng iba; nabanggit-banggit doon ang Inang-Bayan, ang pagkakaisa, ang pagkakapatiran, ang pagkamatapat; anang mga Pilipino’y kung wala kundi pawang Sandoval sa Espanya, ang lahat ng tao sa Pilipinas ay magiging Sandoval na lahat;34 nagniningning ang mga mata ni Sandoval at mapapaniwalaang kung sa mga sandaling iyo’y hinagisan siya ng sino man ng isang guantes na tanda ng paghamon ay sumakay sana sa kahit aling kabayo upang magpakamatay nang dahil sa Pilipinas.  Ang tubig na malamig lamang ang nagwikang:

            “Mabuti, mabuting-mabuti, Sandoval; ako man ay makapagwiwika nang ganyan kung ako’y taga-Espanya; nguni’t sa dahilang hindi gayon, kung ako ang nagsabi ng kalahati man lamang ng sinabi ninyo, kayo man ay magpapalagay na ako’y pilibustero.”

            Nagsisimula na sana si  Sandoval ng isang talumpating taganas na pagtutol nang mapigil.

33 Iniiumpluwensiyahan ni Rizal ang mga Espanyol na maging mapagmalasakit sa kapakanan ng Pilipinas, dahilan sa ang kalaban noon ay hindi ang gobyerno, kundi ang mga dayuhang kaparian ng simbahan.

34 Isang hindi direktang panggaganyak ni Rizal na ang mga Espanyol sa Pilipinas ang magpakita ng pangangailangan na magkaroon ng mahusay na pamamalakad ang pamahalaan kolonyal.

Page 13: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “Matuwa na tayo, mga kaibigan!  Tagumpay!” ang sigaw ng isang binatang pumasok at niyakap ang lahat.

            “Matuwa na tayo, mga kaibigan!  Mabuhay ang wikang Kastila!”

            Isang maugong na palakpakan ang sumalubong sa balita; ang lahat ay nagyayakapan, ang lahat ay maningning ang mata dahil sa luha.  Si Pecson ang tanging nagtataglay ng kakaibang ngiti.

            Ang dumating na may dala ng mabuting balita ay si Makaraig,35 ang binatang tagapamuno sa kilusan. Ang tinitirahan ng nag-aaral na ito, sa bahay na iyon, ay dalawang silid na napapalamutihang mabuti para sa kanyang mag-isa lamang, mayroon siyang alila at kutsero na mag-aaruga ng kanyang sasakyang arena at sa kanyang mga kabayo.  Ang tindig niya’y makiyas, ugaling banayad, magara’t mayamang-mayaman.  Kahit nag-aaral ng pag-aabugado upang magkaroon lamang ng isang titulo academico ay may kabantugan siya sa pagkamasipag mag-aral, at kung sa pagsasalita ng alinsunod sa turong paaralan ay hindi na mahuhuli sa ibang mapaghamon sa pagtatalo sa loob ng unibersidad.  Hindi rin naman nahuhuli sa mga akala’t bagong mga pagkasulong; sa tulong ng kanyang salapi’y nagkakaroon siya ng mga aklat at pamahayagan na hindi mapigil ng previa censura .  Dahil sa mga taglay na ito, sa kanyang kabantugan sa katapangan, sa kanyang mapalad na pakikitunggali noong kanyang kabataan, at sa kanyang maganda’t mabuting ugali, ay hindi dapat pagtakhan na panuntan siya ng kanyang mga kasama at siyang mahalal upang maisagawa ang gayong kahirap na balak na pagtuturo ng wikang Kastila.

            Makaraan ang mga unang sigabo ng kagalakan, na sa kabataan ay nagkaroon kailan man ng kasagwaan dahil sa maganda ang kanyang malas sa lahat ng bagay, ay siniyasat kung papaano ang nangyari.

            “Kanginang umaga’y nakipagkita ako kay Padre Irene,” ang sabi ni Makaraig na wari’y palihim.

            “Mabuhay si Padre Irene!” ang sigaw ng isang nagagalak na nag-aaral.

35 Ang pangalang Makaraig ay nangangahulugan na palaging nanalo o palaging nakakaraig sa kaniyang katunggali (tao man o iba pang sirkumastansiya ng pakikihamok).

Page 14: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “Inihayag sa akin ni Padre Irene,” ang patuloy ni Makaraig, “ang lahat ng nangyari sa Los Baños.  Tila isang linggo silang nagtatalo, ipinaglaban at ipinagtanggol niya ang ating usap, nang laban sa lahat, kay Padre Sibyla, kay Padre Fernandez, kay Padre Salvi, sa Heneral, sa Segundo Cabo , sa mag-aalahas na si Simoun …”36

            “Ang mag-aalahas na si Simoun!” ang putol ng isa, “nguni’t ano ang ipinanghihimasok ng hudyong iyan sa mga bagay-bagay ng ating bayan?  At pinayayaman natin iyan sa pagbili…”37

            “Tumigil ka nga!” ang sabi ng isa na naiinip sapagka’t ibig mabatid kaagad kung papaano at tinalo ni Padre Irene ang mga nakasisindak na kalabang iyon.

            “Mayroon pa manding matataas na kawaning laban sa ating panukala, ang namamahala sa pangasiwaan, ang gobernador sibil, ang Insik na si Quiroga…”

            “Ang insik na si Quiroga!  Ang bugaw ng mga…”38

            “Tumigil ka na, tao ka!”

            “Sa kahuli-hulihan,” ang patuloy ni Makaraig, “ay itatago na sana ang kahilingan at babayaang makatulog doon ng ilang buwan, nang maalaala ni Padre Irene ang kataas-taasang lupon ng paaralan at ipinalagay niyang ang kasulatan ay nahulog sa lupong iyon, upang magbigay ng mungkahing nararapat, yamang ang tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila ang pinag-uusapan…”

            “Nguni’t ang lupong iyan ay malaon nang hindi kumikilos,” ang tukoy ni Pecson.

            “Iyan din nga ang isinagot kay Padre Irene,” ang patuloy ni Makaraig, “at sinagot niyang mabuti ngang pagkakataon upang muling mabuhay, at sinamantala ang pagkakaparoon ni Don Custodio, na isa

36 Ang kuwento ni Padre Irene kay Makaraig ay may halo ng malabis na kayabangan. Pansinin ang tagal ng sinasabing paglalaban na umabot ng isang linggo, at paglaban kay Padre Fernandez na sa katotohanan ay siyang nagsalita sa Los Banos.

37 Mapansin na kritikal ang mga estudyante sa mga dayuhang mangangalakal na nagpapayaman sa dugo at pawis ng mga Pilipino.

38 Tinapos ni Rizal ang pariralang “bugaw ng mga ….” Na ang ibig sabihin ay nagbebenta o nagbibigay ng mga upahang babae. Malalaman kung sino ang kaniyang binibigyan ng mga upahang babae sa mga susunod na kabanata.

Page 15: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

sa mga kasangguni, at nagpalagay noon din ng isang lupon, at sa dahilang kilala ang kasipagan ni Don Custodio ay siyang tinakdaang magpalagay ng ipapasya, kaya’t ngayo’y nasa kamay niya ang kasulatan.  Ipinangako ni Don Custodio na lulutasin niya sa loob ng buwang ito.”

            “Mabuhay si Don Custodio!”

            “At kung ang ipasya ni Don Custodio ay laban?” ang tanong ng di mapag-asang si Pecson.

            Iyan ang hindi nila naalaala dahil sa kahibangan sa akalang mabuti ang lakad ng usap.  Lahat ay napatingin kay Makaraig upang mabatid kung ano ang sasabihin.

            “Ang bagay ding iyan ang sinabi ko kay Padre Irene, nguni’t sinabi sa akin, na kasabay ang kanyang palabirong tawa, na:  ‘Malaki na ang ating tinamo, nagawa nating ang usap ay makarating sa isang kapasyahan, mapipilitan ang kalaban na tanggapin ang pakikihamok…’  Kung mangyayaring mapakiling natin si Don Custodio, upang sa pag-alinsunod sa kanyang malayang hilig ay magpasya ng sang-ayon, ay nanalo na tayo; ang Heneral ay nagpakilala na walang kikilingan.”           

Si Makaraig ay huminto.

            “At papaano natin maiinpluwensiyahan?” ang tanong ng isang inip.

            “May sinabi sa aking dalawang paraan si Padre Irene…”

            “Ang insik na si Quiroga!” ang sabi ng isa.

            “Ba!  Hindi pinapansin si Quiroga…”

            “Isang mabuting handog!”

            “Lalo pa, ipinagmamalaki ang na hindi siya puwedeng maging tiwali.”39

            “Ay, nalalaman ko na!” ang bulalas na tumatawa ni Pecson, “ang mananayaw na si Pepay.”40

39 Hindi natanggap ng suhol si Don custodio.

40 Pansinin na nagmamalinis sa suhol, ngunit ang kahinaan ay babae.

Page 16: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

            “A, oo nga!  Ang mananayaw na si Pepay…!” ang sabi ng ilan.

            Ang Pepay na ito’y isang pasikat na dalaga na kilalang matalik na kaibigan ni  Don Custodio:  sa kanya lumalapit ang mga kontratista, ang mga empleyado at ang mga intregero kung may nais na tamuhin sa bantog na konsehal.41  Si Juanito Pelaez na kaibigan din ng mananayaw ay humahandog na siyang lalakad ng usap; nguni’t si Isagani’y umiling at nagsabing sukat na ang pagkakagamit kay Padre Irene at magiging kasagwaan ang lapitan si Pepay sa ganitong bagay.

            “Tingnan ang isa pang paraan!”

            Ang isang paraan ay lumapit sa sangguniang legal, si Ginoong Pasta, na ang sinasabi ay niyuyurukan ni Don Custodio.

            “Ibig ko pa iyan,” ang sabi ni Isagani, “si Ginoong Pasta ay Pilipino, naging kaklase ng aking amain.  Nguni’t papaano ang gagawin upang mainpluwensiyahan siya?”

            “Nariyan ang kid,” ang sagot ni Makaraig na tinitigan si Isagani, “si Ginoong Pasta ay may isang mananayaw, itong… isang mambuburda…”42

            Iniiling na muli ni Isagani ang kanyang ulo.

            “Huwag kayong maging puritano,” ang sabi sa kanya ni Juanito Pelaez, “ang layunin ay nagbibigay-matuwid sa mga kaparaanan!  Kilala ko ang mambuburda, si Matea, na may isang pagawaang pinapasukan ng maraming dalaga…”43

            “Huwag, mga ginoo,” ang putol ni Isagani, “unahin muna natin ang mga mahusay na paraan … Paparoon ako sa bahay ni Ginoong Pasta, at kung wala akong mapala ay saka na ninyo gawin ang ibig gawin sa mga mananayaw at mga mambuburda.”

            Napahinuhod sila sa palagay at nagkasundong si Isagani ay makikipag-usap kay Ginoong Pasta, sa araw ding iyon, at sa

41 Nakakalungkot na ang mga babae na kabit ng mga matataas na tao sa pamahalaan ay nagkakaroon ng inpluwensiya sa likod ng kapangyarihan.

42 Ang kahinaan rin ni G. Pasta ay babae. Sa tekstong Espanyol ay una bordadora – sanay sa labas pasok ang babaeng ito.

43 Mararamdaman na si Juanito Pelaez ay mahilig din sa mga babae. Maalala-ala na siya ay isinama ni Padre Camorra sa adbenturang amoroso.

Page 17: FilibusterismoDeciphered -kab14 - Sa Bahay ng Mga Estudyante

kinahapunan ay ipababatid, sa kanyang mga kasama sa unibersidad, ang kinalabasan ng pakikipag-usap.