1
www.rexinteractive.com Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________ Ang activity sheet na ito ay na-download mula sa www.rexinteractive.com. Ang mga karapatan ay nakareserba. Filipino 6 Sagot Paksa 67: Pagsulat ng Talaarawan Panuto: Suriin ang talaarawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Hunyo 29,2011 Mahal kong Talaarawan, Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan, naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin, ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin. Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa “BBQ-han” at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito. Nagmamahal, Thea 1. Ano ang petsa kung kailan isinulat ang talaarawan? Ika-29 ng Hunyo, 2011. 2. Tungkol saan ang nakasulat sa talaraawan? Tungkol sa kanyang pagpasok sa paaralan. 3. Ano ang ginawa ng sumulat sa umaga bago pumasok ng paaralan? Siya ay naligo, nag-almusal, at naghanda ng gamit papunta sa paaralan. 4. Sino ang sumulat ng talaarawan? Si Thea ang sumulat ng talaarawan. 5. Bakit kailangan natin gumawa ng talaarawan? Upang maitala ang mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay.

Filipino 6 Sagot - Rex Interactiverexinteractive.com/UserFiles/IM/Komunikasyon 6/RTP/Yunit VI/Answer... · Paksa 67: Pagsulat ng Talaarawan Panuto: Suriin ang talaarawan sa ibaba

  • Upload
    buikhue

  • View
    283

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino 6 Sagot - Rex Interactiverexinteractive.com/UserFiles/IM/Komunikasyon 6/RTP/Yunit VI/Answer... · Paksa 67: Pagsulat ng Talaarawan Panuto: Suriin ang talaarawan sa ibaba

ww

w.rexinteractive.com

Pangalan: _______________________________________ Pangkat: ________________________

Ang activity sheet na ito ay na-download mula sa www.rexinteractive.com. Ang mga karapatan ay nakareserba.

Filipino 6 Sagot

Paksa 67: Pagsulat ng Talaarawan

Panuto: Suriin ang talaarawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Hunyo 29,2011Mahal kong Talaarawan, Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan, naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin, ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin. Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa “BBQ-han” at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.

Nagmamahal, Thea

1. Ano ang petsa kung kailan isinulat ang talaarawan?

Ika-29 ng Hunyo, 2011.

2. Tungkol saan ang nakasulat sa talaraawan?

Tungkol sa kanyang pagpasok sa paaralan.

3. Ano ang ginawa ng sumulat sa umaga bago pumasok ng paaralan?

Siya ay naligo, nag-almusal, at naghanda ng gamit papunta sa paaralan.

4. Sino ang sumulat ng talaarawan?

Si Thea ang sumulat ng talaarawan.

5. Bakit kailangan natin gumawa ng talaarawan?

Upang maitala ang mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay.